PAJARILLAGA 1201 AngmgakaibigannimamasusanBobOng BSOA1201 BOOKREVIEW

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Ang mga Kaibigan ni Mama Susan

ni Roberto “Bob” Ong

Ipinasa ni: Pajarillaga John Phillip C.

Ipinasa kay: G. Marc Gil Hinacay


PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang aking ipinaaabot sa mga sumusunod na indibidwal para sa

walang humpay na suporta at tulong upang maisagawa at maging matagumpay ang book review

na ito.

Sa Poong Maykapal, sa pag bibigay sa akin ng lakas at talino sa paggawa nito at sa pag

dinig sa aking mga panalangin lalung-lalo na sa mga panahong ako ay pinanghihinaan ng loob na

matapos ito sa itinakdang petsa ng pasahan.

Sa aking Magulang, na tumulong at umintindi sa akin sa mga panahong abala ako sa

pagbabasa at sa pag bibigay ng moral at pinasyal na suporta, pagmamahal at inspirasyon sa akin.

Sa aking mga kaklase para sa pagbabahagi ng kanilang ideya tungkol sa aking libro.

Kay G. Marc Gil Hinacay, ang aming minamahal na guro para sa iyong paggabay at

pagbabahagi ng iyong kaalaman kung paano namin magagawa ng tama ang aming mga book

review.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

2
PABALAT

Kung iyong susuriin ang pabalat sa harapang bahagi ay makikita mo ang title ng libro,

pangalan ng author at mga salitang hindi maintindihan at sa likurang bahagi naman ay makikita

mo parin ang mga salitang hindi maintindihan pero ito ay sira o butas na may na kasilip na

matanda na kalahating mukha lamang ang iyong makikita. “Ang mga Kaibigan ni Mama Susan”,

sino si Mama Susan? Sino iyong mga kaibigan niya? Bakit ito ang pamagat ng libro? Ito ang

mga tanong na pumasok sa isip ko noong una kong makita ang pamagat ng libro at sa dinami-

dami ng kulay, bakit violet ang kulay na ginamit sa pabalat nito?

Umpisahan natin sa tanong na sino ba si Mama Susan? Si Mama Susan ay isang lider ng

isang samahan na tinatawag nilang ‘Kataas-taasang Iglecia Santissima ng Kapatirang Banal ng

Sansinukob’ na makikita mong sinabi sa page 78 ng libro at may mga “kaibigan” na hindi

nakikita. Sino iyong mga kaibigan niya? Sila ang mga rebulto at mga imahe ng santo katulad

ng babaeng santo na may kargang 3 bata, Nazarenong nakahiga sa loob ng salamin, imahe ng

Holy Trinity at marami pang iba na makikita mong sinabi sa page 64 hanggang page 66 ng libro

kung ganon bakit ito ang pamagat ng libro? Dahil ito ay nagsasalaysay sa misteryo at

kababalaghang naranasan ni “Galo” sa kamay ng kanyang lola na binansagang “Mama Susan” sa

kanilang probinsiya na sa pabago-bagong boses ni Mama Susan ikinukuwento niya kung paano

si Galo pinapanood at binabantayan ng kanyang mga kaibigan. Patunay dito ang pagsiwalat ni

Mama Susan sa sikreto o mga bagay na ginawa ni Galo na walang ibang taong nakakaalam

maliban sa kanya na makikita mong sinabi sa page 110 ng libro at bakit sa dinami-dami ng

kulay, bakit violet ang kulay na ginamit sa pabalat nito? Sa aking palagay ay binase ito ni

3
Bob Ong sa damit ng kapatiran na ginagamit kapag may pagtitipon at sa mga rebulto o imahe ng

mga santo na nakasuot din ng kulay violet na baro na makikita mong sinabi sa page 64, 77 at 97.

Pang huli ano nga ba ang mga salitang hindi maintindihan na nakasulat sa latin? Ito

ang dasal ng kapatiran at sino ang nakaasilip na matanda at kalahating mukha lang ang

iyong makikita? Sa aking palagay, ito ay si Mama Susan.

PUNA SA TAUHAN

Maraming tauhan ang binanggit pero ang mga pangunahing tauhan lamang at ilang mga

supporting characters ang aking ilalagay.

 Gilberto P. Manansala – mas kilala sa tawag na “Galo” at ang may ari ng journal.

Labing-anim na taong gulang at isang probinsiyanong ulila na lumuwas sa Maynila para

mag-aral at nanirahan sa piling ng kanyang mga tiyo at tiya kasama ang mga nakakaasar

na anak nito. Siya ay nagmahal, nasaktan at nahirapang makalimot. Nagka-problema at

nahirapan sa pag-aaral, nainis sa guro at nagkaroon ng maraming kaibigan ngunit may

naiiba siyang karanasan na hindi natin gugustuhing tayo ang makaranas.

 Josefina Cleopas Padua – mas kilala sa tawag na “Mama Susan”. Lola ni Galo na lider

ng isang samahan na tinatawag nilang ‘Kataas-taasang Iglecia Santissima ng Kapatirang

Banal ng Sansinukob’ at may mga “kaibigan” na hindi nakikita. May sakit ito ng bumalik

si Galo sa kanilang probinsya.

 Jezel – limang taong gulang at isa sa mga batang inaalagaan ni Mama Susan sa

probinsiya. Hindi ito mahilig mag-salita at parang laging sobrang takot lalo na tuwing

gabi pero ito ay may espesyal na kakayahan na makakita ng mga nilalang na hindi tao

4
dahil siya ay may third-eye at ito mismo ang nakakakita ng mga kaibigan ni Mama

Susan.

 Delia Gerella – katiwala o kanang kamay ni Mama Susan.

 Tiyo Dindo – asawa ni Tiya Auring na sikretong tinutulungan si Galo sa pagbabayad ng

tuition nito.

 Tiya Auring – ang nangangalaga kay Galo sa maynila at kapatid ng kanyang ina. Ito rin

ay may ugali na kahit anong sabihin mo ay meron siyang balik sayo na para bang laging

nambabara at mainit ang ulo kaya ayaw ni Galo na nasa kanya ang atensyon nito.

 Jeng, Ariel, Sheryl at Julius – ang mga nakakaasar na pinsan ni Galo na anak ng

kanyang Tiya Auring at Tiyo Dindo.

PUNA SA LIPUNAN

Ang kwentong ito ay may hindi maayos na kalagayan ng lipunan, bakit? Dahil ang

lugar nila o ang San Ildefonso ay namuhay sa patagong autonomy; hindi alam ng pamahalaan

ng Pilipinas o ng media. Walang binabayarang tax at wala rin silang natatanggap na tulong

mula sa gobyerno. Hindi na nila kinikilala ang kapangyarihan ng barangay at kapulisan.

Takot na ang mga awtoridad sa kanila dahil may masamang nangyayari ang kung sino mang

humaharap at kumukumpronta sa kanila at kahit anong infrastructures ang ipatayo ng

gobyerno, sinasabotahae nila ito hanggang sa tuluyan na itong lubayan ng mga negosyante.

Hanggang sa tuluyan na rin silang sukuan ng mga lokal na pamahalaan. Wala ng mga pari

dito dahil sa tinalikuran na rin ang mga simbahan dito ng Simbahang Katoliko dahil sa

5
paglabag nito sa mga aral ng kristiyanismo at tuluyan na rin nilang tinaliuran ang paggamit

ng teknolohiya at isinumpa ang pagbabago.

SIMBOLISMO

Ang mga rebulto at mga imahe ng santo ang sumisimbolo sa mga “kaibigan” ni Mama

Susan at ito ay ang mga: babaeng santo na may kargang 3 bata, Nazarenong nakahiga sa loob ng

salamin, imahe ng Holy Trinity na higit six feet ang taas; mga nakaupo sa trono na nakahararap

sa kwarto ni Galo, sa mesa at sa front door ng bahay. Istante na puno ng mga imahe na may

pangalan bawat isa: Justicia, Florencia at Inocencia. Isang krus na babae ang nakapako, kahoy na

rebulto ng matandang babae, dalawang talampakang imahen sa gilid ng hagdan at labindalawang

estatwang may kanya-kanyang upuan na nakasuot ng mahabang violet na damit pero maganda at

maraming burda na may kulay itim na mga kamay at may mahahabang gintong kulot na buhok.

Sila ay nakikita ng piling tao lamang kasama na dito sila Jezel at Aling Delia.

BISA PANG LIPUNAN

Isinulat ni Roberto “Bob” Ong ang librong ito hindi lang para manakot o matakot tayo

dahil lang sa horror ang tema nito kung hindi para buksan ang ating mga mata at kaisipan kung

gaano kahalaga ang ating pamilya, paggamit ng teknolohiya at higit sa lahat ay ang

pananampalataya natin sa ating diyos.

Layunin niya na maipakita sa atin kung gaano kaimportante ang pamilya sa paghubog ng

ating pagkatao dahil kung may gumagabay sa atin habang tayo ay lumalaki at nagkaka-isip ay

6
hindi tayo maliligaw sa ating landas na tatahakin at hindi makaka-gawa ng masasamang bagay.

Sa usapin ng teknolohiya, ipinaparating niya sa atin na hindi dapat lahat inaasa sa teknolohiya na

kaya parin nating mabuhay kahit wala nito dahil sa panahong natin ngayon ilang oras lang hindi

nakagamit ng mga gadgets tulad ng cellphone ay parang ikamamatay na natin ito at sinasabi rin

niya na ito ay dapat huwag abusuhin dahil lahat ng sobra ay masama imbes na makatulong ito ay

baka ito pa ang makakadagdag sa ating problema. Sa usapin naman ng pananampalataya ay

ipinapamukha niya sa atin kung ang katangian ng isang kristiyano na sumasampalataya sa

Simbahang Katolika at huwag natin kakalimutan ang ating diyos magpakailanman, hindi na

maaalala lamang natin siya kapag tayo ay may problema o may hihingiin na gusto nating

matupad o makuha.

TEORYANG PAMPANITIKAN

Sosyolohikal dahil ang kwentong ito ay tumatalakay sa mga isyu ng lipunan na kung saan

naaapektuhan nito ang iba’t-ibang sektor ng lipunan na kinabibilangan ng pamilya, simbahan, at

ekonomiya.

Sa pamilya, tinutukoy dito ang pamilya ni Galo na kung saan sa murang edad niya ay

iniwan siya ng kaniyang mga magulang at dahil sa kakulangan sa gabay ay nakagawa siya ng

mga kasalan katulad ng pagkuha ng pera at pagnanakaw sa mga kamag-aral, kamag-anak at

kaibigan pero higit sa lahat ay ang hindi niya pinanagutan si Yeng ang babaeng kaniyang

nabuntis na naging sanhi upang ipalaglag nito ang kanilang anak, sa simbahan tinutukoy dito ang

pananampalataya ng mga kristiyano na kung saan si Mama Susan ang naglahad ng mga

negatibong Gawain ng mga ito kapag nagsisimba tulad ng “nagsusuot ng kahit anong klase ng

7
damit sa dalanginan, nakikipagkuwentuhan at dumarating sa kalagitnaan ng pagsamba,

nananalangin kung kailan lang kailangan ng tulong? At sa teknolohiya, tinutukoy dito na kaya

parin nating mabuhay ng hindi gumagamit ng teknolohiya lalo na sa probinsiya at inilahad ni

Mama Susan ang mga patunay tulad ng “hindi mo kailangan ditto gumamit ng alarm clock”,

“tumitilaok ang manok sa umaga, humahalik ang butiki sa lupa pag gabi… hindi mo kailangan

ng mga numero para malaman ang oras”.

You might also like