Kabutihang Panlahat

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Kabutihang panlahat. Isang katagang sumisimbolo sa pag-asa, progreso at pag-unlad.

Mga
mamamayang nagtutulungan, linulutas ang kahit anumang mga problema, may malasakit sa
kapwa, nagbibigayan, nagkakaisa at ipinapamalas ang masidhing pagmamahal sa mundo. Ka’y
sarap mamuhay sa ganitong uri ng pamayanan. Hindi ito imposible kung ang bawat isa ay mga
kooperasyon at pastisipasyon. Mga mamamayang hindi lang sa aspetong relasyon sa tao ang pag-
iisip kundi marunong din pahalagahan ang kalikasan at ang kinabukasan ng mga susunod na
henerasyon. Mga mamamayang hindi nagsisiraan kundi may pahalaga sa relasyon sa kapwa. Mga
lider at pulitikong hindi iisiping magnakaw ng kaban ng bayan. At ang lahat ay may takot sa Diyos.
Ang lahat ng mga ito ay posible. Oo, posible sa pamamagitan ng ating mga kamay. Tayo, bilang
indibidwal at bumubuo ng ating komunidad at bansa ang magiging solusyon upang makamtan ang
ganitong kabutihang panlahat. Sana, sa mga oras na ito ay isantabi muna natin ang ating mga
trabaho, kagamitan, pagmamay-ari, kasikatan, pera o anumang luho. Ating isipin at damdamin ang
kahalagahan ng buhay. Buhay na hiram sa Diyos. Mabuhay tayo ng Siya ang sentro ng lahat.
Balanga raw, ang bawat bagay ay babalik sa ayos at ang lahat ay magkakaroon ng walang
hangganang kasiyahan.

You might also like