Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 530

Mhorric Soliven The Billionaire Maid

By.Jonquil

SORRY FOR TYPO ERROR.

Para sa isang milyong piso, na malaking tulong para sa pamilya ni Candy, lakas loob niyang tinanggap
ang offer sa kaniya ng isang mayamang matanda na babae upang maging personal maid ng apo nito. Na
nang mga panahon na iyon ay may sakit. Wala ritong tumatagal na tagapag-alaga dahil sa kasungitan
nito at palaging iritado.

Ngunit hindi nagpadala si Candy sa kasungitan ng isang Mhorric Soliven. Bukod sa misyon niya na
tulungan itong gumaling mula sa sakit nito ay isa rin sa pinursige niya na maibalik sa labi nito ang mga
ngiti na nakalimutan na yata nitong gawin.

Nagtagumpay naman siya na ibalik ang ngiti sa mukha nito. Pero mukhang ang puso naman niya ang
nalagay sa alanganin ng dahil dito. At bago pa niya makalimutan na isang suntok sa buwan na ibigin ang
isang Bilyonaryo na katulad ni Mhorric, masakit man ay pinutol na rin niya ang koneksiyon sa pamilya
nito matapos ang misyon niya.

Ngunit sadya nga talaga yatang mapaglaro ang tadhana dahil muli silang pinagtago sa alanganing
sitwasyon...

Chapter 01

"BOSS, yosi?" Alok ni Candy sa driver ngjeep na huminto sa tapat niya.

"Isang ight na Fortune," turnaas-baba pa ang kilay ng driver habang nakangiti sa kaniya.

Naiiling na lang na ikinuha niya ito ng sigarilyo nito. Inabutan din niya ito ng lighter.

"Samahan mo na rin ng kendi, boss," hirit pa niya.

"Puwede bang ikaw na lang ang kasama ng yosi ko?" biro pa nito.

Tinawanan niya ito. "Naku, can't afford. Kahit buong buhay ka hong mag-drive ay hindi mo ako afford."
Tinapik niya ito sa balikat bago tinanggap ang bayad nito. Sumaludo pa siya rito bago lumipat ng
puwesto at pinatunog ang kaniyang dalang takatak. Sanay na naman siya sa mga ganoong klase ng driver
dahil sa halos kalahati ng buhay niya ay ang mga iyon ang nakakahalubilo niya. At dahil madalas siyang
nagtitinda roon kaya kilala na rin siya roon ng mga suki niyangjeepney drivers.

Kapag hapon at walang ibang raket ay siya ang pumapalit sa kaniyang ama sa pagtatakatak o pagtitinda
ng mga sigarilyo at kendi sa may tabing kalsada. Hindi naman siya mapili pagdating sa trabaho. Halos
lahat ng kaya niyang gawin na trabaho ay pinapatos niya lalo na at, 'the price is right'. Kailangan din kasi
niyang pag-ipunan ang nalalapit ng pasukan ng kaniyang apat pang nakababatang kapatid. Bilang
panganay sa limang magkakapatid at simula noong makatapos siya sa high school ay siya na ang umako
sa ibang gastusin sa pag-aaral ng apat pa niyang mga kapatid. Ang Nanay naman niya ay nagtitinda ng
mga meryenda sa hapon. Sa umaga ay tumatanggap ng labahin. Habang ang ama niya ay nagtitinda ng
sigarilyo at kendi sa umaga at hapon. Sa gabi matapos kumain ay nagtitinda naman ito ng balut at
penoy. Ang kinikita naman ng mga magulang niya ay nakalaan para sa bayad sa upa ng bahay nila at sa
pagkain. Pati na rin sa kuryente at tubig. Mad alas ay doble kayod siya upang mabayaran ang ibang
bayarin sa bahay nila. Okay lang iyon sa kaniya. Hindi niya iniinda ang pagod basta makaraos lang sila. At
isa pa ay hindi rin naman nagkukulang sa pag-aalaga sa kanila ang kanilang magulang. Bilang gantl' niya
sa mga ito kaya pinagbubutihan niya ang pagtatrabaho. Habang ang mga kapatid niya ay sinisipagan lalo
ang pag-aaral para sa mga magulang nila.

Sa edad niyang twenty-four ay palaging positibo ang tinitingnan niyang bahagi ng buhay. Kung dumating
man sa puntong magkaroon ng problema ay hindi na niya iyon ipinapaalam pa sa kaniyang mga
magulang. Malalaman lang ng mga ito ay kapag naayos na niya. Lalo na pagdating sa financial. Ayaw na
ayaw niyang magkakaroon ng isipin ang mga ito. Dahil ayaw niyang ma-stress ng husto ang kaniyang ina.

Sa ngayon ay kailangan niyang kumita pa ng malaki dahil dalawa ang college sa mga kapatid niya. Ang
sumunod nga sa kaniya ay graduating na sa college. Matalino si Margaux kaya scholar sa pinapasukan
nitong Unibersidad. Baon at ilang school projects lang ang ginagastusan nila. Gayon din si Angel Rose na
first year college pa lamang.

"Miss Beautiful, tatlong stick ng Malboro. 'Yong pula."

Nang tingnan niya ang binatang driver ay halatang nagpapa-cute pa ito. Hindi lang naman ito ang
gurnagawa niyon sa kaniya. Marami na. Hindi lang niya pinapatulan dahil sagabal lang para sa kaniya ang
pumasok sa isang relasyon. Ginantihan niya ito ng ngiti. "Limahin mo na, boss."

Napalunok ito nang makita ang matamis niyang ngiti. "S-Sige, lima na. Ang ganda mo talaga, Candy."

Pagkabigay niya rito ng sigarilyo ay sinamahan pa niya ng kendi para wala na itong suklian. "Matagal ko
ng alam." Pagkakuha ng bayad nito ay sinaluduhan din niya ito bago iniwan.

Hindi lang siya ang nagtatakatak doon. May iba pa. Pero dahil nangingibabaw ang ganda niya sa mga
kapwa vendor sa Quiapo na karamihan ay lalaki kaya mas nakakarami siya ng customer. Napangiti pa
siya nang makita na paubos na ang mga tindang sigarilyo. Bumaling siya sa simbahan ng Quiapo at nag-
sign of the cross. "Salamat PO!" Huminga siya nang malalim bago bumalik sa pagtitinda.
Pauwi na sana si Candy nang lapitan siya ng isa pang vendor sa Quiapo. Babae rin iyon na may dala
namang mga rosaryo. "Candy."

"Oh? Ano'ng sa atin?"

"Gusto mo ng raket? Twenty thousand ang kikitain mo. Isang gabi lang 'yon."

Kunway may pagdududa niyang tiningnan si Neri. "Ang laki naman noon. Hoy, Neri, kahit anong trabaho
ay alam mong pinapatos ko basta 'wag lang pagbebenta ng katawan sa mga club." Urniling ito. "Hindi ka
magbebenta ng katawan mo. May dadalhin ka lang sa isang bar kung saan maraming naghihintay sa
dadalhin mo. At boila, kikita ka ng malaki."

"A-ano'ng dadalhin?" kumunot ang kaniyang noo sa sinabi nito.

"Malalaman mo lang kapag pumayag ka. Isang gabi lang. Ikaw rin sayang 'yon. At kapag nagustuhan ka ni
boss ay tiyak na gagawin ka niyang regular. Tuwing gabi lang naman kaya

makakaraket ka pa sa araw. Ano, deal na ba?" Sumulyap muna siya sa simbahan ng

Quiapo. Safe naman siguro ang trabahong iyon. At isa pa ay malaking halaga ang perang maiuuwi niya sa
kanila. Hindi na rin masama. Para sa twenty thousand pesos. Pero may doubt pa rin siyang
nararamdaman dahil ang bilis kitain ng perang iyon sa 100b lamang ng isang gabi. Sa huli ay iwinaksi na
muna niya iyon sa kaniyang isipan.

"Saang bar ba 'yon?" tanong na rin niya. "Sa may Tomas Morato."

"Sige. Call ako," pagpayag niya sa inaalok nito. "Tamang-tama para sa pasukan ng mga kapatid 1<0."

Napangiti rin si Neri dahil sa pagpayag niyang iyon. Magkita na lang daw sila bukas sa harap ng simbahan
ng Quiapo. Kung ano man ang raket niya bukas ay nagpapasalamat siya sa Diyos dahil may maitatabi
siyang malaking halaga para sa pamilya niya.

Chapter 02

PINAGPAG ni Candy ang pang-upo nang matanawan na papalapit sa puwesto niya ang kanina pang
hinihintay na si Neri. Katulad ng sinabi nito kagabi kaya naman nagsuot siya ng party dress. Kulay itim
iyon na nabili pa niya sa ukay-ukay noong nakaraang taon. Tamang-tama lang iyon sa balingkinitan
niyang katawan. Maging ang kaniyang mukha ay nakaayos din. Doon ay animo nakawala siya sa
kasimplehan ng buhay na siyang ginagalawan niya sa pang-araw-araw. Walang mag-iisip na isa siya sa
mga taong naghahanap-buhay sa tabi ng kalye ng Quiapo at nakatira sa squatter

Kung lumitaw man ang ganda niya sa ginawang ayos sa sarili ay tila wala namang nagbago kay Neri na
bagaman at nagbihis din ng maayos na damit ay animo wala namang nagbago. Palibhasa ay palagi itong
may kolorete sa mukha kapag nagtitinda sa Quiapo.
Inabot nito sa kanya ang isang maliit na pouch. "'Wag mong bubuksan 'yan clito sa Quiapo. Kapag nasa
bar na tayo sa may Tomas Morato ay saka mo buksan."

Turnango siya. Hinawakan din niya nang mahigpit ang pouch. Matapos mag-usap ay urnalis na rin sila ni
Neri. Sumakay sila sa LRT hanggang sa may 5th Avenue sa Quezon City. Pagdating doon ay nakadalawa
pa silang sakay ngjeep bago narating ang pakay na bar sa may Tomas Morato.

Huminga muna nang malalim si Candy bago sumunod kay Neri. Nagtaka pa siya nang hilahin siya nito
papunta sa gilid ng bar. May kadiliman sa parte na iyon.

"A-anong gagawin natin dito?"

May kinuha ito sa maliit ding pouch na dala nito. Dalawang perdible. "Akin na 'yong pouch na dala mo,"
sa halip ay wika nito. "Bilisan mo at kanina pa tayo hinihintay sa 100b. Panigurado naroon na rin 'yong
ibang kasamahan natin.l'

"May kasama pa tayo?"

Hindi nagsalita si Neri. Pagkatasok nito ng perdible sa pouch ay ibinalik nito iyon sa kanya. "Ikabit mo sa
suot mong panloob. Siguraduhin mong hindi iyan makakapkap ng guard kapag pumasok tayo sa 100b."

Hindi maiwasan na kabahan siya sa inaasta ni Neri. Parang may mali. Napatingin siya sa pouch. Ano nga
ba talaga ang laman ng pouch na iyon? Napakislot siya nang kunin iyong muli ni Neri sa kanya at ito na
ang magkabit niyon sa suot niyang itim na maikling cotton short na isa sa pang-ilalim niya sa suot na
dress.

"Tara na sa 100b Candy," anito na hinila na

siya papunta sa may entrance. "Siguraduhin mo na hindi 'yan makakapkap sa iyo," bulong pa nito.

N ang maayos silang makapasok parehas sa 100b ay siya naman ang humila kay Neri sa isang tabi. "Neri,
kinakabahan ako sa raket na ito. Umamin ka nga sa akin. Ano'ng laman ng pouch na ito?" mariin niyang
bulong dito.

"Candy, kikita ka naman ng malaki rito."

"Ano ngang laman?" mas mariin niyang bulong.

Marahas itong bumuntong hininga. "Party drugs." Hinamig nito ang braso niya nang bitiwan niya ito at
may pagbabanta na sa boses nito nang muling magsalita. "Binabalaan kita Candy na trabaho lang ito at
walang personalan. Kung gusto mong kumita ng halagang sinabi ko sa iyo ay ayusin mo ang pagbebenta
mo. Limang libo para sa apat na pirasong party drugs. Alam na iyan ng mga buyers dito. Kaya ayusin mo.
Kuwarenta piraso ang dala mong party drugs. Mabebenta mo iyang lahat dahil lilipat din tayo mamaya
ng bar na maraming party buyers." Gimbal pa rin si Candy sa nalaman. Umiling-iling siya pagkuwan ay
pagak na turnawa. Wala sa hinagap niya na maging p ng droga. Hindi pa siya baliw at nawawalan ng
pag-asa para kumapit sa ganoong uri ng trabaho. "Putik naman Neri. Kaya kong gawin lahat pero
nakalimutan kongsabihin sa iyo na hindi ko rin masisikmura na kumita ng malaking pera sa ganitong
paraan. Marangal na trabaho ang kailangan ko at hindi ganito.ll

'"Wag ka na ngang maarte. Parehas lang tayong gustong kumita ng pera at isang gabi lang ito kung ayaw
mo talaga sa ganitong uri ng trabaho ay ito na ang una at huli mo. Sa tingin mo ba ay gusto ko rin ito?
Ginagawa ko lang din ito para sa mga anak 1<0."

Nang lumuwag na ang pagkakahawak ni Neri sa kamay niya ay napasandal siya sa pader na nasa likod
niya. Sino nga ba siya para husgahan din si Neri sa trabahong ginagawa nito ngayon? Pero hindi talaga
niya kaya na gawin ang trabahong inalok nito sa kanya. Kahit pagbalibaliktarin pa rin ay malinaw na
droga iyon.

"Magtrabaho na tayo," anito na lumayo na sa kaniya.

Sandali siyang pumikit at nanalangin sa kanyang isipan. Mayamaya ay muli siyang nagmulat ng mga
mata. Bago pa man niya ilibot angtingin ay nahagip na ng side vision niya ang mga matang nakatitig sa
kaniya. Titingnan sana niya iyon nang kawayan siya ni Neri buhat sa hindi kalayuan.

"Haaay. Bahala na nga."

Pinapuwesto siya ni Neri sa isang table na malapit sa dance floor kung saan buhay na buhay sa
pagsasayaw ang sa tingin niya ay mga kabataan pa na mga happy go lucky. Naaawa siya sa mga ito. Dahil
sigurado siya na maaga pa lang ay nalululong na sa droga. Imbis na magsipag-aral ng mabuti ay
pagpapasarap at pag-a-adik lang ang ginagawa sa buhay.

"Hindi man lang nila pahalagahan ang bawat sentimo na hinihingi nila sa mga magulang nila. Hindi
naman nila iyon pinupulot lang para ibigay sa kanila. Mga kabataan talaga ngayon, mga walang
pagpapahalaga.ll Napailing pa siya.

"Hayaan mo na sila at wala naman tayong magagawa. Dito ka pumwesto sa table na ito at doon ako sa
kabilang side nitong bar. Um-order ka na lang kung nauuhaw ka," ani Neri bago siya iniwan sa table na
iyon.

Nasapo niya ang noo nang maiwan siya sa table. "Pambihira ka talaga, Neri." Maaari siyang umalis na
lang kung gugustuhin niya ngunit ayaw naman niyang iwan doon si Neri. Muli niyang inilibot angtingin sa
paligid. Nahuli pa niya ang ilang babae sa hindi kalayuang table sa tabi niya na may ininom na tableta.
Panay angtawanan ng mga kasama nito. Sandali niyang napigilan ang paghinga. Hula niya ay party drugs
ang ininom na iyon ng babae.

Huminga siya nang malalim.

Tuloy pa rin ang kasiyahan ng mga kabataan sa dance floor habang lumalalim ang gabi. Hindi

na rin niya gusto ang amoy ng usok mula sa sigarilyo.


Pasimple niyang hinawakan ang pouch na nasa pagitan ng mga hita niya. Handa na sana niyangtanggalin
doon ang pouch nang magsitayuan ang mga naka-civilian na kalalakihan na pawang mga PDEA.

"Raid ito! Walang gagalaw!"

Nagimbal siya nang makitang posasan si

Neri na huli sa akto na may hawak na party drugs. Bago pa man siya makakilos o ano pa man ay may
kamay ng humila sa kaniya palayo sa nagkakagulong mga tao.

Chapter 03

NANGINGINIG pa rin si Candy dahil sa matinding shock. Muntikan na siya. Mabuti na lamang at hindi pa
niya nailalabas ang dala niyang pouch na kipit ng mga hita niya kanina sa 100b ng bar. At higit sa lahat ay
sa lalaking hanggang nang mga sandaling iyon ay mahigpit pa ring hawak ang isang kamay niya papalayo
sa pinanggalingang bar. Dumaan sila nito sa pinaka-kusina ng bar kaya wala silang kahirap-hirap na
nakalayo.

Humihingal na huminto sila sa tapat ng isang kotse. Halos hindi niya magawang lingunin ang
pinanggalingan nila dahil sa matinding nerbiyos. Daig pa niya ang may naghahabulang kabayo sa
kaniyang dibdib.

Napaiktad siya nang balabalan siya ng lalaking naglayo sa kaniya sa kapahamakan ng suot nitong itim na
coat. Lantad ang likas na maputi niyang balikat. At dahil sa coat nito kaya naibsan ang panlalamig niya.
Unti-unting umangat ang tingin niya rito. At sa alanganing sitwasyon na iyon ay hindi nagawang pigilan
ang sarili na magpigil ng hininga nang makita ang guwapo nitong mukha. Na-star struck siya rito.

Matangkad ang lalaki na halos umabot lang siya

sa may baba nito. Maputi ang kutis at napakakinis ng guwapo nitong mukha. Matangos din ang ilong.
Nakakatunaw kung makatitig ang mga mata nitong may pagka-almond eyes. Artistahin angdatingan ng
lalaki para sa kaniya. Na may pagka-businessman looks dahil sa tindigan nito. At sa sitwasyon na iyon ay
dinig niya halos ang pintig ng puso niya. She felt something weird inside her chest. Bago iyon sa kaniya.
At kahit sandali lang aytila nalimutan niya ang problemang muntikan ng kasangkutan. lyon pa ang isang
sobrang weird. Ngayon lang siya natulala ng ganito sa isang lalaki.

Mayamaya pa ay napapahiyang nag-iwas siya ng tingin nang magsalubong ang mga tingin nila. Nahalata
kaya nito na pinag-aralan niya ang mukha nito? Hiling lang niya na sana ay hindi. Dumistansiya na rin ito
sa kaniya habang mataman pa ring nakatitig sa mukha niya. Bakit parang may kakaiba rin sa paraan ng
pagtitig nito sa kaniya? Parang ayaw pa ngang tantanan sa pagtitig ang mukha niya. Mayamaya ay
binuksan na nito ang pinto sa tabi niya.

"Sakay na.ll Umiling siya kaya napabuntong-hininga ito. "Kung ayaw mong makita rito ng mga PDEA ay
sumakay ka na. Once na umiling ka uli at magmatigas ay iiwanan na kita rito."
Paano nga kaya kung idamay siya ni Neri? At sabihin nito na may kasama ito na pumunta roon? Hindi
siya puwedeng mahuli. lyon ang nag-udyok sa kaniya para sumakay sa kotse nito. Hindi naman ito
mukhang masamangtao. Muli ay nanginig na naman ng bahagya ang kaniyang kamay. Hinimas-himas
niya iyon.

"Saan kita ibababa?" anang lalaki nang makasakay rin ito.

Lumunok muna siya. Saka lang niya naramdaman ang panunuyo ng kaniyang lalamunan. II S-sa may
sakayan ngjeep papuntang LRT Station kung p-puwede.ll

Binalot ng katahimikan ang paligid nang pasibarin na ng lalaki ang kotse nito. Muli siyang nabalot ng
takot. Paano na kaya si Neri? Ito lang ang inaasahan ng mga anak nito. Nakaligtas nga siya pero nahuli
naman ito. Hindi niya napigilan ang parnumuo ng luha sa mga mata niya. Agad siyang pumaling sa may
bintana at pinahid ang luhang papatak pa lang. Hindi talaga maganda ang easy money. Kapit sa patalim.
At higit sa lahat, mainit sa mata ng batas. Parang bigla ay lumiit lalo ang mundong ginagalawan niya
dahil sa nangyari. May takot na bumangon sa dibdib niya.

Naisip niya ang mga magulang niya at mga kapatid niya. Paano ang mga ito kung nahuli siya? Nanikip
lalo ang dibdÏb niya dahil sa isiping iyon.

Lord, kayo na po ang bahala kay Neri, piping

dasal niya. Naroon pa rin ang awa niya para sa babae dahil ito ang bumubuhay sa mga anak nito.

Ang kaninang inaasam niya na twenty thousand pesos na maiuuwi sa pamilya niya ay animo tinangay
lang ng hangin. Masama talaga ang umasa. At higit sa lahat ay masama ang perang galing sa masamang
trabaho.

Ipinapangako niya na hinding-hindi na mauulit na masasangkot siya sa masamang trabaho na iyon. Kung
kikita man siya ng malaking halaga ay tinitiyak niyang galing iyon sa mabuti. Matagal mang kitain pero
hindi galingsa masama.

Napakurap-kurap siya nang makitang idineretso na ng lalaki papuntang I-RT station ang sasakyan nito.
Napabaling tuloy siya rito. "Sa tabi na lang ako."

"Gabi na at mukhang madalang na rin ang jeep na bumabiyahe. Kung magko-commute ka pa ay


siguradong hindi ka na aabot sa last trip ng I-RT ngayong gabi."

May punto na naman ito. Kung sino man ito ay taos-puso ang pasasalamat niya rito. Mukha namang
wala itong ibang hangad kundi ang iligtas lang siya. Her knight without shining armor.

Inilahad nito ang kanang kamay sa kaniya. May pagtatakangtiningnan niya iyon bago ibinalik ang tingin
sa guwapong mukha nito. Naka-side view ito at nang muling sumulyap sa kaniya ay saglit na naman
niyang napigilan ang paghinga.

"Ano'ng—
"Akin na ang party drugs na dala mo," kaswal lang nitong sabi.

'Di yata at drug user naman ito? At kaya siya iniligtas ay upang makuha nito ang lahat ng party drugs na
dala niya? Nabulag ba siya masyado nang kaguwapuhan nito? A drug user. Hindi niya maiwasan na
manghinayang para dito. 'IAkala ko pa naman matino ka. Drug user ka rin pala. Ibaba mo na ako sa tabi.
Wala ako ng kailangan mo." Ganoon na lang ang paghalakhak nito. "Do I look like one to you?"

Napalunok siya nang makita ang umaliwalas lalo nitong mukha dahil sa pagtawa nito. Hindi na naman
niya maiwasan ang pag-iinit ng mga pisngi niya dahil mukhang napagkamalan niya itong user ng drugs.
He looks damn hot and gorgeous at this very moment. At ngayon lang siya nakakita ng ganito kaguwapo
sa malapitan. Kung user nga ito ay siya na ang kauna-unahang manghihinayang para dito.

"Ano pa bang iisipin 1<0, eh, hinihingi mo sa akin ang party drugs."

"Miss, hindi pa ako nababaliw o nawawalan ng pag-asa para gawing sandalan ang droga. Now, give me
those party drugs that you have.

Mapapahamak ka kapag hindi mo ibinigay."

Napasiksik siya sa may pinto ng kotse nito dahil sa huling sinabi nito. "A-ano'ng gagawin mo sa akin?"

Napatawa na naman ito. "Wala akong gagawin sa iyo kaya tigilan mo ang pag-iisip ng kung ano-ano sa
akin. Pero kapag nakita ka ng iba sigurado akong mayroon silang gagawin sa

"Wala akong party drugs," tanggi pa rin niya.

Isa pang sulyap sa kaniya bago nito ibinalik ang tingin sa daan. "Alam kong mayroon ka."

She sigh. Kung bakit gusto nitong makuha ang party drugs na dala niya ay wala siyang ideya. O baka
naman p r din ito? At ito ang magbebenta ng party drugs na hindi niya nabenta? Malaki ring halaga iyon
kapag nabenta.

r ka siguro,ll she hissed. "Kunware iniligtas mo ako sa nangyari sa bar pero 'yon pala ay may iba ka pang
pakay. Pasensiya na pero wala ako ng kailangan mo. Pakibaba na ako sa tabi.ll

Hindi na ito nagsalita pa nang tuluyan nitong ihinto sa tabing kalsada ang kotse nito. Huminga muna ito
nang malalim bago siya hinarap. Seryoso na ang guwapo nitong mukha. "Hindi ako katulad ng iniisip moll
mahinahon nitong wika. "Alam kong may dala kang party drugs. Narinig ko kayong nag-uusap ng kasama
mo at

'wag mo ng itanggi pa," anito ng akmang sasabad si Candy.

Nawalan tuloy siya ng masasabi sa sinabi nito. Napalunok siya pagkuwan. 'I H-hindi ako kagaya ng iniisip
mo." Nayapos niya ang sarili at nagbaba ngtingin. "Hindi ko naman inaasahan na pagbebenta ng drugs
ang tinutukoy niyang raket namin ngayon. Sabit lang ako." Nakagat niya ang ibabang labi. Muli ring
nagbalong ang luha sa mga mata niya nang maalala ang nangyari kanina. Bigla ay para siyang nagkaroon
ng trauma.
Muli nitong inilahad ang mga kamay. "Ibigay mo na sa akin."

Napatitig siya sa kamay nito. Hindi rin naman niya puwedeng iuwi sa kanila ang naturang droga dahil
tiyak na magtataka ang mga magulang niya kapag nakita iyon. Isang hinga pa nang malalim bago urnayos
ng upo.

"Turnalikod ka muna," pakiusap niya rito. Sandali pa siya nitong pinagmasdan at wari ay tinatantiya ang
sinabi niya bago tumalikod ng upo sa kaniya. Mabilis niyang tinanggal sa pagkakaperdible sa suot niyang
short ang pouch. "Puwede ka ng humarap," aniya nang makuha ang pouch.

Pagkaharap nito ay mabilis niyang iniumang dito ang pouch. Kinuha nito iyon at agad binuklat.
Napatingin pa ito sa kaniya matapos makita ang laman. Wala naman sa reaksiyon nito

na natuwa ito sa droga na nakita. Sa halip aytila may galit na sandaling bumalatay sa mga mata nito na
hindi nakaligtas sa matalas niyang paningin.

She took a deep breath. "Puwede na ba akong bumaba?" Gusto na niyang matapos ang sandaling iyon.
Sandaling may kinalaman sa drogang hawak na ng binata. Alam naman niya na iyon na rin ang una at
huli nilang pagkikita at sinisigurado niya na hindi niya iyon makakalimutan. Kung may ititira man siyang
alaala sa gabing iyon ay iyon ang makasama ito. A completely stranger guy who get her attention that
fast. At ang lalaking walang kiyemeng tinulungan siya.

"No. Ihahatid kita."

Muli nitong pinasibad angsasakyan. Habang daan ay binuksan nito ang bintana sa tabi nito.

Tahimik lang na nakatingin si Candy rito.

Hanggangsa itaktak nito ang laman ng pouch sa kalye. Napamaang siya sa ginawa nito. Nang maubos
ang laman niyon ay itinapon na rin nito ang pouch nang makalayo sila ng husto sa pinaglaglagan ng mga
party drugs. Pagkasara sa bintana ay napabuntong-hininga pa ito.

"Hindi ako manghihinayang sa itinapon ko. Mas okay na kalye ang makinabang kaysa may mapariwarang
tao ng dahil sa party drugs na 'yon. Now," he pause then look at her for a couple of

seconds. "Mag-ingat ka sa mga pinapasok mong trabaho."

Marahan siyang tumango. Mas nakahinga na siya ng maluwag noong mga sandaling iyon. Thanks to this
man. Pero may parte sa pagkatao niya na parang ayaw pang matapos ang biyaheng iyon. Ipinilig niya ang
ulo at nagbaling na sa may bintana.

Nang ihinto ng lalaki sa mismong tapat ng I-RT station ang kotse nito ay nagmamadali na siyang bumaba
ng walang lingon-likod dito. Kahit ang magpasalamat dito ay hindi na niya nagawa pa dahil sa
pagmamadaling makauwi. Ngunit ng makaakyat sa hagdan ay napahinto siya sa paglalakad. Napalingon
siya sa pinanggalingan.
At bago nga dumiretso sa itaas ay muli siyang burnaba. Wala na sa tapat ng entrance ang magarang
kotse ng lalaki. Napabuntong-hininga siya. "Salamat sa iyo kung sino ka man," anas niya bago pumihit
pabalik sa may hagdanan.

Chapter 04

HINAGOD-HAGOD ni Candy ang likod ng kaniyang ama nang muli itong ubuhin.

'"Tay, pahinga na lang po kayo rito sa bahay. Ako na lang po ang magbebenta ng sigarilyo at kendi sa
may simbahan ng Quiapo. Wala naman po akong raket ngayon," ani Candy sa kaniyang ama. Ayaw niya
sa lahat ay iyong nakikita na nahihirapan ito. Maging siya ay nahihirapan ang kalooban. Kaya niyang
pasukin lahat ng trabaho, basta 'wag lang magkakasakit ang isa sa miyembro ng kanilang pamilya. Lalo
na ang kaniyang ama at ina.

Urniling ang kaniyang amang si Tatay Henry. "Hindi na. Ako na."

Matigas ang naging pagtanggi niya. "Ako na PO. Magpahinga kayo ngayon para bukas ay malakas na uli
kayo. Inumin niyo na langdin po itong maligamgam na kalamansi na may tinadtad na bawang.ll lyon
angturo sa kaniya ng kaibigan niya na nurse sa isang ospital. Turo daw iyon dito ng isang doktor. Mabisa
iyon lalo na sa may mga ubo. lyon ang alternatibong gamitin na gamot. Antibiotic din kasi iyon at subok
na niya. "Mahiga na po kayo at magpahinga. Aalis na po ako para maubos na agad 'yong mga yosi at

kendi."

Hindi na niya hinintay pang kumontra ang kaniyang ama na habol siya ng tingin habang palabas ng
bahay.

Sa ngayon ay nangungupahan sila, malayo sa dati nilang tirahan, dahil sa takot na baka isang araw ay
may sumulpot na mga PDEA sa kanilang bahay. Mas Okay na iyong sigurado siya na safe ang pamilya
niya dahil baka maituro siya ni Neri na kasama nito sa pagbebenta ng party drugs nang gabing iyon. Isa
pa ay walang kaide-ideya ang kaniyang mga magulang sa pinasok niya na raket na iyon. Hindi nga siya
gumagala sa [abas na walang suot na face mask sa mukha. Naging alerto rin ang mga mata niya sa mga
tao sa paligid. Kapag nakaluwag-luwag na siya, iaalis niya sa Maynila ang kaniyang pamilya.

Nang makarating siya sa puwesto ng kaniyang ama malapit sa may simbahan ng Quiapo ay
napagpasyahan muna niyang dumiretso sa simbahan at taimtim na manalangin sa panginoon. Ina[is
muna niya ang suot na face mask sa kaniyang mukha.

"Lord, bukod po sa maging maayos ang buong pami[ya ko. Pagalingin niyo rin po agad ang Tatay ko.
Ayaw ko pong may nagkakasakit sa amin. Gabayan niyo rin po kaming lahat. Lalo na si Nanay Rose at
mga kapatid ko. Kung Okay [ang po ay hihiling ako ng isa pa. Extra raket po sana

dahil malapit na naman po ang pasukan. Kahit ano po basta marangal na trabaho..." Malungkot na
napamulat siya at napatitig sa panginoon. Naalala niya si Neri na nasa loob ng kulungan ngayon. Kung
may pera lang siya ay matutulungan niya itong makapag-piyansa. Kaso wala rin. Nagpapasalamat siya
rito dahil hindi siya nito idinawit sa ngayon. Tikom pa rin ang bibig niyon. Pero hindi niya alam kung
hanggang kailan. Lalo na at mabigat na kaso ang drugs. "Gabayan niyo rin po si Neri at ang mga anak
niya." Matapos mag-sign of the cross ay tumayo na rin siya at binitbit ang dalangtakatak. Malapit na siya
sa may pintuan ngsimbahan nang may tumawag sa kaniya. Nalingunan niya ang may edad ng babae na
postoryosa ang ayos.

"Ako po ba 'yong tinatawag ninyo? 'l

Paninigurado niya nang huminto ito sa harapan niya.

Mabilis itongtumango. "00, hija. Puwede ka bang makausap? Kung okay lang?"

Sa ayos nito na mukhang may sinasabi sa buhay ay mukha namang hindi angtinda niya ang pakay nito.
Napasulyap tuloy siya sa sigarilyo at kendi sa lalagyanan na dala niya bago ibinalik sa matandang babae
ang kaniyang tingin.

"Tungkol po saan? ll

Hinila muna siya nito paupo sa mahabang upuan ngsimbahan at doon ay mahinang nagsalita.

"Narinig ko 'yong dinasal mo kanina, hija.

Kailangan mo ng ekstrang trabaho, hindi ba?" Marahan siyang turnango na ikinaluwang ng ngiti nito.
"May iaalok ako sa iyo. Sana tanggapin mo. Hindi ko na nga alam kung saan pa ako maghahanap ng
tatanggap sa trabahong iaalok ko sa iyo."

Hindi niya maiwasang ma-curious sa trabahong iaalok nito sa kaniya.

Ginagap ng ginang ang isa niyang kamay.

"Panandaliang trabaho lang naman siya, hija. Pero sinisigurado ko sa iyo na malaki ang kikitain mo."

Nabawi niya ang kamay niyang hawak nito at alanganing ngumiti. Halos ganoon din ang sinabi sa kaniya
noon ni Neri. Kikita siya ng malaki, iyon pala ay drugs ang dahilan kaya malaki ang kikitain niya. "Ang
totoo po niyan ay pass muna ako sa mga raket na malakihan ang kikitain. Noong nakaraang buwan po
kasi ay may nag-alok din ng malaking halaga na kikitain sa akin. Muntikan pa akong makulong dahil
doon. Kaya kung drugs din po ang raket niyo ay tigilan niyo ho ako. Pasensiya na po at kailangan ko ng
magsimulang magtrabaho.ll

Tumayo na siya pero mabilis siyang napigilan ng matanda sa pag-alis.

"Hija, marangal na trabaho ang iaalok ko at

sinisigurado ko iyon sa iyo. At sa pagkakataong ito ay desperado na ako. Kailangan ko ng taong mahaba
ang pasensiya at kayang tagalan ang kasungitan ng aking apo na may sakit ngayon. Someone who can be
his personal maid." Nagsusumamo na maging ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. I'llang nurse na
at kasambahay ang sumuko sa apo ko. Ikaw, hija, sana matulungan mo ako. Isang milyong piso para sa
trabahong ito. Tanggapin mo lang."

Isang milyong Pisa.. [sang milyong piso... [sang m ilyong piso.

Napalunok siya sa halagang sinabi ng matanda. Isang milyong piso para sa raket na inaalok nito.
Marangal na trabaho at hindi siya mapapahamak. Umandar na naman ang pagiging mukhang pera niya.
Kapag tinanggap niya iyon ay tiyak na secured na ang pag-aaral ng mga kapatid niya. Tiyak na may
pangpuhunan pa ang Nanay Rose niya para maipagpatayo niya ito ng kahit maliit na tindahan. At
makakalipat na sila sa labas ng Maynila.

Pero hindi pa rin niya maiwasan na magduda sa alok ng matanda. Ngayon lang sila nito nagkita. Dapat ba
siyang magtiwala agad?

"Totoo pong kailangan ko ng trabaho ngayon. Pero po kasi, too good to be true po 'yong isang milyon na
iaalok ninyo sa akin. Sa pagkakaalam ko po ay hindi naman urnaabot ng

bente mil ang sahod ng isang maid."

"Hija, ang trabaho na in-offer ko sa iyo ay hindi lang basta trabaho ng isang maid para sa akin, dahil
involve ang nag-iisa kong apo rito. He's your priority. At ang isang milyon ay hindi ko panghihinayangan
na ibigay sa iyo. Mukha namang deserve mo 'yon dahil sa narinig ko sa dasal mo ay mapagmahal ka sa
pamilya mo at lahat ay gagawin mo para sa kanila. Kung tatanggapin mo ang trabaho na ito, alam kong
malaking bagay sa iyo ang isang milyon. Hija, please, do me a favor. Accept thisjob. Kung kulang pa,
sabihin mo lang, hija. Madali akong kausap."

Lihim siyang napalunok. Mukha namang hindi siya bubudulin ng ginang dahil kitang-kita naman sa
hitsura nito na mayaman ito. Kahit nga ang amoy nito ay amoy yayamanin. Sandali siyang sumulyap sa
may altar.

Lord, ito na ba ang extra raket na marangal na hinihiling ko ? Napakabilis Niyo naman pong ibigay.

Makalipas ang ilang sandali ay muli niyang ibinalik ang tingin sa ginang. Naupo rin siyang muli sa tabi
nito. "Kailan niyo po ako gustong magsimula?" tanong niya na ikinahinga nang maluwag nang ginang.

"Hija, as soon as possible."

Chapter 05

KUNG ilang sandali rin yatang hindi kumukurap si Candy habang nakatitig sa nakapinid na pintuan ng
isangsilid.

lyon ang unang araw niya sa trabahong tinanggap mula sa isang may edad ng ginang na si Donya Teresa
Soliven. Para sa isang milyong piso ay titiisin niya at kakayanin angtrabahong inialok sa kaniya. Nagbaon
na rin siya ng milya-milyang haba ng pasensiya dahil ayon kay Donya Teresa ay masyado raw mainitin
ang ulo ng apo nito ngayon dahil sa sakit nito. Twenty nine na raw ang binata ayon din sa matanda.

Bukod sa isang kusinera, driver, dalawang katulong at among lalaki ay wala ng iba pang makakasama si
Candy sa mansiyon na iyon sa Tagaytay. Isa iyon sa property na pag-aari nina

Donya Teresa. Bakasyunan iyon dahil nasa Ayala

Alabang Village ang mismong tirahan ng mga ito. Sa kagustuhan na rin ng apo nitong si Mhorric kaya
doon ito sa Tagaytay nanatili upang magpagaling. Gusto na niyang makita ang amo dahil mamaya lang ay
mag-a-update na ang Donya sa kalagayan ng apo nito.

Huminga muna nang malalim si Candy bago isinuot sa mukha ang face mask na ibinigay sa kaniya ni
Maring, isa sa kawaksi. Garnitin daw niya tuwing papasok sa 100b ng silid ng amo. Nang maisuot ay
kumatok na rin siya ng tatlong beses. Idinikit niya sa pinto ang tainga nang walang marinig na tugon
mula sa 100b ng silid.

"Baka naman soundproof kaya hindi ko marinig ang tugon niya," anas niya bago muling kumatok. "Sir
Mhorric! Kakain na po kayo!" malakas niyang wika.

Nang wala pa ring makuhangtugon ay pinihit na niya pabukas ang naturang pintuan. Mahigpit niyang
nahawakan ang dalang tray nang sumalubong sa kaniyang mukha ang malamig na hangin na nagmumula
sa 100b ng silid. May kadiliman doon dahil nakasara ang makakapal na kurtina. Nagmumula lang ang
kakarampot na liwanag sa bahagyang nakasiwang na french door na siguro ay siyang kinaroroonan ng
terrace sa silid na iyon. Hinayon muna niya ang bedside table at doon ay ipinatong ang dalang tray.

Inilibot niya ang tingin sa malawak na silid na iyon. Hindi niya mapigilang humanga dahil mukhang mas
malaki pa iyon kaysa sa bahay nila.

Napakayaman nga talaga ni Donya Teresa. Napangiti siya at hindi maiwasang mangarap ng ganoon ding
kalaking mansiyon para sa mga magulang niya. Napabuntong hininga siya. A dreamy sigh.

Nang mapatingin sa nakasiwang na pinto ay hinayon na niya iyon. Siguro ay naroon ang amo na
hinahanap.

Niluwagan pa niya ang pagkakabukas ng pinto at marahang isinungaw roon ang kaniyang ulo. Naagaw na
naman ang kaniyang atensiyon ng napakagandangtanawin. Puro green ang nakikita niya at ang sarap
pagmasdan niyon. Lalo na ang napakagandang view ng Taal Volcano Island sa mismong Taal Lake. Sa
halos buong buhay niya na laman siya ng maingay, magulo, matao at mapolusyong lugar sa Quiapo ay
tila nakawala siya sa isang kulungan at ngayon lang nasilayan ang kagandahan ng mundo. Isa sa
ipinagpapasalamat niya ay ang maranasang makarating sa lugar na iyon na animo napakalayo sa
problema.

"Bagay na bagay sa preskong lugar na ito Sina Nanay at Tatay," napangiti pa siya na unti-unting nabura
nang mahagip ngtingin niya ang lalaking parang magpapakahulog dahil paakyat na ng railings ang isa
niyong paa. "Diyoskong mahabagin," naiusal niya. Hindi na nag-isip pa at nagmamadaling tinakbo niya
ang kinaroroonan ng lalaki. At bago pa man ito magpakamatay ay mabilis niya itong niyapos sa baywang
at hinigit palayo sa railings.

Dahil sa kabigatan nito kaya naman natumba pa sila. Buti na lang at hindi siya nito nadaganan. Pero dahil
sa naging impact ng pagkakabagsak niya kaya naman ramdam niya angp t ng parteng puwitan niya na
siyang unang lumapat sa marmol na sahig. Pero hindi niya agad ininda ang sakit na nararamdaman.
Mabilis siyang bumangon para alalayan ang among burnagsak din.

"Damn. What the hell with you?" galit nitong bulyaw na tinabig pa ang kamay niya na humawak sa braso
nito.

"Sorry, Sir. Tatalon ho kasi kayo kaya hinigit ko kayo para iligtas,l' mabilis niyang paliwanag.

Marahas ang gin awa nitong pagbaling sa kaniya dahilan upang matigilan siya nang tuluyang makita ang
mukha ng aalagaang amo. Napalunok siya nang makita ang mukha nitong namamaga. Singkit na singkit
din ang mata nito. Daig pa nito ang napagsusuntok ang mukha sa boxing. Marami ring pula-pula sa
mukha nito na may maliit na butlig na parang sa bulutongtubig. Partikular na sa parteng pisngi nito. At
ibabang parte ng labi nito. lyong ibang butlig ay napisa na at animo sugat na naglalangis. In short, hindi
niya ito maitsurahan. Napalunok siyang muli.

"Mukha ba akong pagod na sa buhay ko para magkamatay, ha? Stop acting like a Superwoman

here .11

Mahabang pasensiya, Candy!

Pinilit niyang baliwalain ang kasungitan nito

at unawain ang sitwasyon nito ngayon. But, shit! Ang lakas-lakas ng kabog sa kaniyang dibdib nang mga
sandaling iyon. Idagdag pa na ngayon lang siya nakakita ng ganitong klase ng lalaki. Isang tanong lang
ang naglalaro sa kaniyang isipan ngayon. .. ano ang nangyari dito?

"H-Hindi naman sa ganoon, Sir," aniya nang makabawi. Akmang uupo ito nang tulungan niya ito ngunit
itinulak lang siya nito sa balikat. Muntikan pa siyang matumba kung hindi lang siya nakabalanse agad.
Napalunok siya.

Mukha nga itong bugnutin. At mukhang simula na ngayon para maranasan niya iyon.

For the sake ofone million pesos, Candy, paalala ng kaniyang isipan sa kaniya. Para sa mga kapatid at
mga magulang niya. Hindi siya basta-basta puwedeng sumuko. Not now.

At isa pa ay may pauna ng bonus sa kaniya si Donya Teresa na siyang iniwan niya sa mga magulang niya
na budget ng mga ito habang wala siya. Maayos naman siyang nagpaalam sa mga ito na may trabaho
siya.
"Leave me alone!" Muling bulyaw nito. Nang hindi siya matinag ay naningkit pang lalo ang mga mata
nito. "At sino ka rin para basta na lang pumasok sa silid ko ng wala kong permiso? l'

Minabuti niyangtumayo na. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. "Bago niyo po akong
tagapag-alaga." Nakontento na lang siyang

pagmasdan ito. Nang makatayo ito ay saka lang niya napagtanto ang katangkaran nito. Makinis din ang
balat nito. Ang nagpasama lang talaga rito ay ang sakit na mayroon ito ngayon. At inuunawa niya ang
parte na iyon. Na siguradong hindi rin naman nito ginusto.

Ang kuwento sa kaniya ni Donya Teresa ay impetigo o mamaso ang dumapo sa apo nitong si Mhorric.
Nalalinan daw ito ng minsang pumunta ito sa isang probinsiya sa Norte para sa medical mission na
dinaluhan nito. Tatlong araw lang mula noon ay may isang butlig ng tumubo sa pisngi nito. Inakala nito
na pimple lang iyon kaya hinayaan nito. Hanggang sa paglipas ng araw ay madagdagan iyon nang
madagdagan. At ng ipa-check-up nga ay dinapuan daw ito ng impetigo na mukha lagi ang puntirya.

Nagsisimula iyon sa animo isang pantal bago magtubig. Parang libtok. Bago lumalapad. Madalang din
daw tumama ang ganoong sakit sa matanda na dahil mas common iyon sa mga bata. Mula nang ipa-
check up ito ay hindi na ito nanatili pa sa Alabang. Sa Tagaytay na ito dumiretso. Ayaw rin nito na lalapit
dito ang abuela nito dahil ayaw nitong mahahawa ang matanda sa sakit nito. Two to three weeks ang
itinatagal ng naturang sakit. Pero mas mapapabilis ang paggaling nito kung imi-maintain ang ointment
na ipapahid sa mukha nito. Nakaramdam man ng awa para clito ay hindi niya iyon ipinahalata rito.

Ayaw na ayaw raw nito na kinaaawaan ito.

Pero base sa mukha nito na nakikita niya ay wala iyong bakas ng ointment. Malamang na hindi ito
nagpapahid sa mukha nito. Pero bakit? Ayaw ba nitong gurnaling ito?

"Tagapag-alaga?" Tumabang ang timplada ng mukha nito pagkasabi niyon.

Napakurap-kurap si Candy nang marinig muli ang boses ni Mhorric. Nakatayo na ito at masama angtingin
sa kaniya.

"Hindi ko kailangan ng tagapag-alaga dahil hindi na ako bata. Kaya ko na ang sarili ko kaya makakaalis ka
na. Now go," itinuro pa nito ang pinto.

Umiling siya. "Pasensiya na pero hindi kita susundin. Si Donya Teresa ang nagpapasahod sa akin kaya
siya ang susundin ko. Sa ayaw at sa gusto mo ay mananatili ako rito para alagaan ka hanggang sa
gumaling ka." Pagmamatigas niya na nakipagtagisan pa ngtingin dito. Ito na ang oras para simulan niya
ang tunay na trabaho sa piling ng amo niyang bugnutin. Puwes hindi siya magpapatinag dito. Patigasan
na lang sila nito. Para sa pangarap niya na mapaganda ang buhay ng kaniyang pamilya kaya magtitiis siya
roon. Ayaw rin niyang biguin ang Donya sa kagustuhan nito na gumaling ang apo.

"Nurse ka ba? Puwes, kung ayaw mong urnalis sinisigurado ko sa iyo na mawawalan ka

ng trabaho. Try me."


Nagkibit-balikat lang siya. "Hindi ako nurse. Kaya kahit ano pa ang sabihin mo, Sir Mhorric, hindi ako
aalis sa lugar na ito hanggat hindi ka gurnagaling. Kung magagalit ka pa rin ay ikaw ang bahala.
Nabanggit din sa akin ng Iola niyo na pangwalo na ako na mag-aalaga sa inyo. Pero sinisigurado ko rin sa
inyo na ako na ang huli. Kung gusto mong umalis ako at maglaho na lang na parang bula ay magpagaling
na kayo. Sa tingin ko nga ay hindi ka nagpapahid ng gamot sa mukha mo. Paano ka gagaling kung
pinababayaan mo angsarili mo? Nakita mo na ba ang hitsura mo sa salamin? Dapat may improvement
ang nangyayari sa inyo. Pero sa nakikita ko ngayon, walang improvement. Sa halip ay mas lumalala ang
kundisyon ninyo. "

Nag-iwas ito ng tingin. "Ano bang paki mo?"

"Sa ayaw at sa gusto mo rin po ay may pakl na ako dahil narito ako para alagaan ka— 'l

"Stop it!" He hiss. Muli siya nitong tiningnan.

"Leave me alone. Gusto kong mapag-isa."

Tinantiya niya ito bago urniling. "Baka magtangka ka ulingtumalon."

"l said, I'm not. Tigilan mo na nga ako at naiinis lang akong lalo sa iyo." Naglakad ito palapit sa may
railings at muling dumungaw roon. "Kung hindi ka umeksena, sigurado na nakuha ko lyong kapirasong
papel na kinukuha ko. Ngayon wala na. Napalad na ng hangin.

Kainis."

Napakamot siya sa batok niya. Malay ba niya sa totoong ginagawa nito. Gusto lang naman niya itong
iligtas sa pag-aakalang akmang pagtalon nito. Sa huli ay siya pa ang magiging masama para dito.

Napaatras siya nang burnaling ito sa kaniya. "Bakit hindi ka pa umaalis?"

'"Yong pagkain mo po sa loob ay lalamig na. Kainin mo na at pagkatapos ay inumin mo 'yong gamot na
antibiotic."

"Kakain ako kapag nagutom ako. Sino ka ba para sundin ko?" lyon lang at iniwan na siya nito sa terrace.

Tinanggal muna niya ang mask sa mukha bago pinuno niya ng malamig na hangin ang kaniyang baga.
Totoo ngang mahabang pasensiya ang kailangan niya para intindihin at unawain si Mhorric.

"Hindi biro ang pinagdadaanan ni Sir Mhorric ngayon kaya tiis pa, Candy," anas niya. Napatingin siya sa
pinasukang Pinto ni Mhorric. Napaisip siya kung ano ang hitsura nito kung wala itong sakit? "Guwapo ka
kaya?"

Pero sinisigurado niya na wala ng guguwapo pa sa lalaking nagligtas sa kaniya sa bar isang buwan na ang
nakalilipas. Asan na kaya ang lalaking iyon?

Ipinilig niya ang ulo at sinaway ang sarili. Naroon siya para alagaan ang among lalaki. Hindi naman siya
roon tatagal ng isang buwan kaya magtiis ito sa kaniya.
The Wolf Princess and...

Addie Hayes

"How many mates do you have,

Princess?" Kia asks] look over at h.

Chapter 06

BABALlKna sana si Candy sa 100b ng silid ni Mhorric nang sa pagpihit niya sa doorknob ay naka-lock iyon.
Kinatok niya ng kung ilang beses ang pintuan bago pinihit muli ang doorknob ng pinto. Inis na isinuot
niya ang face mask sa kaniyang mukha.

"Sir Mhorric, papasukin niyo po ako! l' Pero animo pinalad lang ng hangin ang pakiusap niya. Kumatok uli
siya ngunit wala pa ring response mula sa 100b. Nauubusan ng pasensiya na pinagbabayo na niya ang
pintuan. "Sir!"

Pinigil niya ang huwag sumabog at tiyak na masisira niya ang pintuan na iyon dahil sa kaniyang
bugnuting amo. Ganito na lang ba nito kaayaw na may taong kasama?

Siguro dahil narindi na rin ang binata kaya iritadong binuksan nito ang french door.

"Ang ingay mo," he hissed.

Kinalma niya ang buong nervous system bago ito nginitian sa kabila ng nararamdang inis. Kahit na hindi
naman nito iyon kita dahil nakasuot siya ng face mask. "Ini-lock niyo ho kasi ang pinto," kaswal niyang
wika. "Alam niyo naman na dadaan ako. Hindi naman puwedeng tumalon ako sa terrace dahil kulang pa
ang buhay

mo para ipangbayad kapag namatay ako. Padaan PO," aniya na nagsumiksik sa gilid nito para makapasok
sa 100b. Nakahara kasi ang buong laki nito sa may pintuan.

Dahil siguro hindi siya natitinag sa pagsusungit nito kaya napapamaang na sinundan siya ng tingin.
Marahas na huminga ito bago nito isinara ang pinto.

Napahinto sa paglalakad si Candy nang magdilim lalo sa silid ni Mhorric. Napalunok siya habang sinisikap
na urnaninag sa dilim. Ngunit wala siyang makita.

"Nasaan po ang switch ng ilaw?"

"Lumabas ka na bago pa kita tirisin," sa halip ay ganting wika nito sa kaniya.

"Baka nasa tabi ng pinto," aniya na hindi pinansin ang sinabi nito. Nagpatuloy siya sa paglalakad kahit
madilim. Pero nang mapadaan siya sa may foot stool ay doon na siya natalapid. Padapang burnagsak
siya sa sahig. Napaigik pa siya nangtumama ang baba niya sa sahig na yari sa kahoy.
Aray... ungol niya sa kaniyang isipan.

Kinagat niya ang ibabang labi. Nanatili muna siya sa ganoong posisyon dahil daig pa niya ang hinampas
ng kahoy sa nararamdamang sakit sa mukha. Ikinurap-kurap niya ang mga matang namamasa dahil sa
sakit na tinamo.

"Napakakulit kasi, paninisi pa ni Mhorric

nang marinig nito ang kalabog sa sahig na dulot ng pagbagsak niya.

Hindi sana niya papansinin ang lalaki nang maramdaman ang pag-angat ng katawan niya sa sahig. At
bago pa siya makabuwelta ay naiupo na siya nito sa isang malambot na upuan. Nawala saglit si Mhorric
dahil ramdam niya ang yabag nito palayo sa kaniya. Makalipas pa ang ilang segundo ay bahagyan ng
nagliwanagsa 100b ng silid. Binuhay nito ang isang lampshade na nagbigay liwanag sa paligid.

Hinahagod niya ang baba niyang nasaktan ng muli siyang balikan ni Mhorric.

Napabuntong-hininga ito pagkuwan. Siya naman ay hindi ito tinapunan ng tingin.

"Magkano ang ibinayad sa iyo ng Iola ko? Dodoblehin ko kung gusto mo." Mahinahon na ang tinig nito
kaya napasulyap siya rito. "Just go away."

Seryoso ba ito? Magiging dalawang milyon ang pera niya kung sakali. Pero mali ang maghangad pa ng
malaki. Baka maging bato pa ang pera niya. At isa pa, masama ang masyadong gahaman sa pera. Baka
magalit na sa kaniya ang Diyos na agad-agad na binigyan siya ng raket nang humiling siya rito. Baka sa
susunod ay hindi na siya nito pagbigyan pa.

Umiling siya. "Hindi ko po kailangan ng pera mo. Sapat na 'yong ibabayad sa akin ni Donya

Teresa

"Name your price. Ayaw kong may ibang tao rito sa bahay."

Ngumawa-ngawa siya. Pati panga niya ay medyo masakit. Ikinumpas niya ang kamay bilang pagtanggl.

"Pero kapag ibinigay mo na sa akin ang lahat ng pera mo, sasakyan mo, ari-arian mo, negosyo mo at
lahat-lahat ng yaman mo. Saka ako aalis." Natahimik si Mhorric kaya napatingin siya ritong muli.
Seneryoso kaya nito ang sinabi niya? Sa isip ay napatawa siya. "Alam ko naman na hindi mo kayang
ibigay kaya magtiis ka sa presensiya ko. Kapag magaling ka na saka ako mawawala sa paningin mo. Kahit
hindi mo sabihin ay aalis ako. Pero sa ngayon, hayaan mong gawin ko 'yong trabaho ko sa iyo. Kung
igigiit mo na naman ang gusto mo, Sige lang. Kaya ko ring makipagmatigasan sa iyo. Hindi ko tutularan
ang ibang nag-alaga sa iyo na iniwan ka dahil sa ugali mo."

Naiimposiblehan ngayon ang ipinamamalas nitong tingin sa kaniya. "Saang lupalop ka ba ng mundo
napulot ng Iola 1<0? You're talking too much, young lady."
"Sa simbahan ng Quiapo." Isa pang hilot sa panga at baba niya bago tiningnan angtray na naglalaman ng
pagkain nito. "Kainin mo na 'yong nasa tray at uminom ka ng gamot. Para gumaling

ka." Muli niya itongtiningnan. Sa kabila ng pamamaga ng mukha nito ay tiyak niya na may hitsura rin ito.
"Kapag kinain mo 'yong dala ko at urninom ka ng gamot, saka ako lalabas dito, dagdag pa niya.

"Hindi ka ba natatakot na mahawa sa sakit ko ngayon? This is contagious kind of skin disease. Maaari
kang mahawa," sa halip ay wika nito. Mukhang tinatakot siya. "Kaya kung ako sa iyo ay aalis na ako."

Nagkibit lang siya ng balikat bago umiling. "Hindi. Dahil hindi naman ako mamamatay kapag magkaroon
din ako ng mamaso." Tinanggal pa niya ang suot na face mask para patunayan dito na hindi siya takot
mahawa. "Hindi ko na ito isusuot para patunayan 'yon sa iyo," nginitian niya itong muli. "Dahil kapag
nahawaan mo ako, gagamutin ko agad para hindi na lumala. Ganoon lang kasimple."

Natigilan ito nang makita ng buo ang kaniyang mukha. Nakaramdam tuloy siya bigla ng pagkaasiwa dahil
nakatitig ito ngayon sa kaniya. Tumikhim siya. Hindi kaya at nagandahan ito sa kanya?

'Wag assuming, Candy!

Pero bakit ganito ito kung makatitig sa kaniya?

"Ang problema kasi sa inyo, Sir," patuloy niya. "Masyado mong minamahal ang sakit mo.

Hindi mo pahiran ng gamot, eh, I di sana pagaling na 'yan ngayon. At hindi aabot sa ganiyang
kundisyon." Pinilit niyang turnayo. Kanina puwitan lang niya ang masakit, pero heto at nadagdagan pa
ang sakit ng katawan niya. Nakagat niya ang ibabang labi nang kumirot ang puwitan niya. Pambihirang
unang araw ng trabaho, sakit ng katawan ang inabot koe Tsk! Pero hindi ako susuko. Fighting!!!

"lkaw 'yong..." mahinang anas ni Mhorric na hindi rinig ngdalaga, pero hindi naman nito itinuloy ang
sasabihin. Nag-iwas ito ng tingin kapag kuwan. "Lumabas ka na. Ako na ang bahala sa sarili 1<0."

Urniling siya. "Hindi nga po ako lalabas hanggat hindi ko nakikita na kinain mo ang dala 1<0. At ininom
ang gamot mo."

"Ayaw kong uminom ng gamot.ll

"Hay. Alam mo po daig mo pa ang isang bata. Lulunukin mo lang naman ang gamot mo, eh. Hindi
ngunguyain. At saka may tubig kang iinumin. Kung ayaw mong malasahan ang gamot, lunukin mo agad
at 'wag patagalin sa dila mo." Hinayon na niya ang bedside table kung saan niya ipinatong ang dalang
tray. Pero bago pa niya iyon madampot at may nauna na sa kaniyang mga kamay. Kinuha na iyon ni
Mhorric at dinala sa may center table.

Napalunok si Candy. Mabilis lang na nagdikit

ang mga braso nila ni Mhorric. Pero bakit may naramdaman siyang kakaiba sa pagdidikit nilang iyon?
Nagugulumihanang sinundan niya ito ng tin gin.
Pagkaupo ni Mhorric sa single sofa ay nagsimula na rin itong kumain. Sa kabilang banda ay nakahinga
siya nang maluwag. Mabuti naman at kinain na rin nito ang pagkaingdala niya. Naupo na lang siya sa
gilid ng malambot nitong kama. Baka kasi hindi nito ubusin ang pagkain kapag nilapitan pa niya.

Siguro ay gusto na rin nito na mawala siya sa paningin nito kaya kinain na nito ang dala niyang pagkain.
Dahil kung magmamatigas pa ito ay hindi naman talaga niya ito iiwanan sa silid nitong iyon.

Chapter 07

LIHIM na ikinatuwa ni Candy nang maubos ni Mhorric ang pagkain na inihatid niya rito.

Nang matapos ito sa pagkain ay tumayo siya at dinala naman clito ang gamot nito.

"Inumin mo naman po ito, Sir," wika niya.

Tiningnan lang nito iyon. "Iwanan mo lang 'yan diyan."

Napatitig siya sa gamot na nakalagay sa isang platito na babasagin na hawak pa rin niya. Pagkuwan ay
ibinalik kay Mhorric. "Sir, duda ako na iinumin ninyo ito kapag iniwanan ko lang dito. Baka itapon niyo
lang sa basurahan o sa toilet bowl. Inumin mo na po habang narito pa ako."

"Bakit ba napakasigurista mo? Kasama ba 'yan sa suweldo mo?" pagsusungit na naman nito sa kaniya.
Tumayo na ito at muling hinayon ang banyo. Huminto pa ito at mull' siyang nilingon. "Baka naman
hanggang sa banyo ay gusto mo pang sumama?"

Nag-init ang mga pisngi niya sa sinabi nito.

Over naman kung pati roon ay sasama siya. Umiling siya. "Hindi PO. Gawin niyo na ho kung ano ang
gagawin ninyo. Dadalhin ko muna itong pinagkainan ninyo sa kusina."

Isang tingin pa sa kaniya bago wala ng imik

pang dumiretso ito sa may banyo.

Maingat muna niyang ipinatong sa may bedside table ang platito na may laman na gamot bago binalikan
ang tray na may laman ng pinagkainan ni Mhorric bago lumabas sa silid nito.

Nang maisara niya ang pinto ay napasandal pa siya roon at napapikit nang mariin. First encounter. ..
puro parungit man ngunit proud siya sa sarili niya na hindi siya nagpatalo rito. Muli siyang nagmulat ng
mga mata. Pagkuwan ay tumayo na nang tuwid at dumiretso na sa kusina. Agad naman siyang
pinagkumpulan nina Inang Ason, Tala at Maring.

"Ano'ng nangyari? Itinapon ba niya ang pagkain niya?" ani Tala na napatingin pa sa dala niyangtray na
wala ng laman na pagkain.
"Aray ko PO, nakikini-kinita ko na ang nangyaring eksena sa silid ni Sir Mhorric," ani Maring. "Candy,
baka naman umalis ka na rin? Kapag nagkataon, ikaw na ang pang-siyam na aalis sa mansiyon na ito."

Nginitian niya ang mga ito matapos ilagay sa lababo ang mga hugasin. Siya na rin ang nagkusang
maghugas niyon kahit na hindi naman niya iyon trabaho roon. Dahil si Mhorric lang ang dapat niyang
asikasuhin, utos na rin ni Donya Teresa. "Walang aalis. At hindi ako aalis dito dahil lang sa ugali niya na
bugnutin."

Tila naman nakahinga nang maluwag ang mga ito. "Pero kumusta naman ang unang sabak mo sa
kuwarto ni Sir Mhorric?"

Kung makapagsalita ang mga ito, eh, animo battle ground ang silid na iyon ng amo nila. Gusto tuloy
niyang mapangiti kahit na masakit ang baba niya. Maging ang pang-upo niya ay ramdam pa rin niya ang
kirot.

"Nanakit ang katawan ko," aniya na ikinasinghap ni Tala.

"Aba, at dinaan mo yata sa ganda mo si Sir

Mhorric kaya may pasakit-sakit ka pa ng katawan

Kumunot naman ang kaniyang noo. "Ano ba'ng sinasabi mo?"

"May nangyari sa inyo ni Sir Mhorric?" impit pa nitong bulong.

Nahampas tuloy niya ang balikat nito. "Tala, ang bibig mo," saway niya rito. "Napaka-advance mo
namang mag-isip. Hindi katulad ng iniisip mo."

"Kung ganoon, bakit naman nanakit ang katawan mo?" sangat na ni InangAson, ang kusinera doon.

Ikinuwento na niya sa mga ito kung ano ang nangyari sa unang sabak niya sa silid ng kanilang amo.

"Aray," ani Maring. "Siguradong sasakit ang

katawan mo mamayang gabi. Humanda ka."

"Ewan. Bahala na. Sige na, kailangan ko pang balikan si Sir at baka hindi inumin ang gamot niya. Iniwan
ko lang at nagbanyo," paalam na niya sa mga ito, matapos niyang maghugas, bago may pagmamadali
nang balikan sa silid nito si Mhorric.

Ngunit nang bumalik siya sa silid ni Mhorric ay naka-lock na ang pinto ng silid nito. Hindi niya mapigilan
ang mapapalatak sa ginawa niyon. Nag-lock na naman ito para hindi siya makapasok.

Kum atok siya. "Sir Mhorric!" tawag niya rito. Ngunit walang sagot mula sa 100b kahit na nakadikit ang
tainga niya sa may pinto kada katok niya roon. "Sir Mhorric!" muli niyang tawag dito. Pero wala pa
ringtugon.
Kaya naman sunod-sunod siyang kumatok hanggang sa marindi ito. Tila epektibo naman dahil hindi
nagtagal ay bumukas din ang pinto. lyon nga lang, nanakit ang kamay niya kakakatok.

"What?" hayon na naman ang iritado nitong boses.

Sandali lang natigilan si Candy. "'Yong gamot po ninyo, Sir Mhorric," paalala pa niya rito.

"llang beses ko ba dapat na ulitin sa iyo na hindi na ako bata?"

"Ang sa akin lang naman PO, gusto kong

i-check kung nainom niyo na po ba ang gamot ninyo? Nainom niyo na po ba?"

Lalo na namang naningkit ang mga mata nito. "Lubayan mo muna ako," anito na akmang isasara ang
pinto nang mabilis niyang iharang ang paa niya kaya hindi nito naituloy ang pagsasara sa pinto. Marahas
itong huminga. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" anito nang muli siyangtingnan.

"Nainom niyo na po ba ang gamot ninyo?" muli ay tanong niya.

"Bingi ka ba?"

"Hindi ho ako bingi, patunay na hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sa inyo kanina pa," aniya na hindi
inaalis angtingin dito.

"Ininom ko na. Satisfied? Now, get out of my sight," anito na medyo sinipa palabas ng pinto ang
kaniyang paa. Ngunit hindi siya natinag. Salubong na ang kilay na tiningnan siya nito.

"Ano pa'ng gusto mo?"

Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala sa sinabi nito o hindi. Hindi maalis sa kaniya na magduda
dahil hindi naman niya nakikita.

"May kukunin lang ho ako sa 100b ng silid ninyo."

"Ano 'yon?"

Hindi siya nagsalita. Tila pigil ang mainis sa

kaniya na niluwagan na nito ang pinto.

"Bilisan mong kunin ang kukunin mo sa 100b para makalabas ka rin agad."

Walang imik na binalikan niya ang pinagpatungan niya sa platito kanina sa may bedside table. Wala na
nga ang gamot na nakalagay roon. Dalawa lang naman ang kalalagyan niyon. Ininom nito o itinapon lang
nito. Napabuntong-hininga siya.

Kinuha na niya iyon at ang baso sa tabi niyon na wala ng laman na tubig. Pagkuwan ay wala ng imik pa
na nilisan ang silid ng kaniyang amo na si
Mhorric.

Chapter 08

MATAPOS tadtarin ng pinong-pino ang bawang sa sangkalan ay inihalo na niya iyon sa basong may
pinigang kalamansi sa maligamgam na tubig. Hinalo niya iyon ng kutsara. Matapos iyong haluin ay
ipinatong na niya iyon sa platito na babasagin. Ipapainom niya iyon kay Mhorric. Mainam din iyon dito
para matuyo na agad ang turnamang mamaso rito.

"Ipapainom mo 'yan kay Sir?" usisa ni Tala nang makita angtinimpla niya.

Tumango siya. "00. Tutal ayaw niya ng gar-not. Saka mas epektibo rin ito sa mamaso niya dahil doktor
ang nagsabi nito sa kaibigan kong nurse noong magkasakit ng mamaso ang anak niya. Three days lang
niyang pinainom tapos gurnaling na."

"Ang tanong ay kung iinumin kaya niya cyan?" bakas ang pagdududa sa boses at hitsura nito. "Naku,
nakikini-kinita ko na ang pag-ayaw niya riyan sa herbal mo."

Hindi siya nawawalan ng pag-asa na mapainom iyon sa amo. "Ano l ng menu para sa dinner ni Sir
Mhorric?" pag-iiba niya.

Sinulyapan nito ang kusinera na abala sa paggagayat sa kitchen island.

"Sinigang na hipon. 'Yon ang gusto ni

Sir para sa pagkain niya."

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "Sea foods? Eh, bawal 'yon sa kaniya." Nilapitan niya si Inang Ason.
"Inang Ason, hindi po puwede kay Sir Mhorric ang hipon."

Napatingin ito sa kanya. "Ito ang gusto ni Sir. Baka kapag hindi ko niluto ay sesantihin niya ako sa
trabaho. At saka bawal na pagkain ang madalas niyang ipaluto." Napabuntong-hininga ito. "Ewan ko ba
sa amo nating 'yon. Sumusunod lang ako sa utos, Candy."

Napaawang ang bibig niya. "Puro bawal?" Ibigsabihin kaya namaga ang mukha nito ay dahil sa bawal na
kinakain nito. Bawal ang malalansa rito dahil sa mamaso nito. Nahilot niya ang sentido. Ano ba ang nasa
utak ni Mhorric?

Bakit imbis na tulungan ni Mhorric ang sarili ay lalo nitong pinalalala ang kundisyon nito?

Ayaw ba nitong gumaling?

"Palitan niyo po 'yang lulutuin ninyong pagkain, Inang Ason."

Umawang ang labi nito sa kaniyang sinabi. "Baka kapag sinunod kita ay ito na ang huling araw ko rito?"
"Ako po ang bahala. Sasabihin ko na ako ang nagluto para hindi kayo mapagbalingan ng init ng ulo niya.
Baka ho mas mapadali ang buhay niya kung patuloy siyang kakain ng bawal. Kasi 'yong 100b ng katawan
niya ay mamamaga lalo dahil sa sakit niya. Ang goal natin dito, mapagaling ang apo ni Donya Teresa.
Pero kung mas gugustuhin natin na sundin si Sir Mhorric, kabaligtaran ang mangyayari. 'Wag kayong
matakot kay Sir Mhorric. Bugnutin 'yon dahil sa kalagayan niya.

Tayo na lang ang mag-adjust."

"Haaay, Candy. Kung puwede nga lang tumago kapag lalabas siya sa silid niya ay ginawa ko na," wika pa
ni Tala. "Parang isangtingin pa lang si Sir ay bubulagta na ako sa sahig. Ayaw niya rin na tinitingnan siya.
Kaya mas madalas na nasa silid lang niya siya."

"Magtaas nga lang siya ng boses ay nininerbiyos na ako," wika naman ni Inang Ason.

"Bawasan mo po ang pagkakape," biro niya rito. "Basta, palitan mo po 'yang pagkain niya. Kailangan niya
ng mga masustansiyang pagkain. Gulay ang ipapakain natin sa kaniya. Walang isda o kahit na anong uri
ng karne."

Napakamot sa batok si Tala. "Candy, mahal mo pa ba angtrabaho mo? Kasi kami, mahal pa namin."

"Kung ayaw ninyo, ako na ang magluluto ng pagkain niya." Marunong din naman siya sa kusina.

"At ako? Ano pang papel ko rito sa bahay na ito kung ikaw na ang magluluto ng pagkain ni Sir?" kontra ni
Inang Ason sa sinabi niya.

"Lahat ng i-request niyang pagkain, tayo ang kakain. Para magawa mo pa rin po angduty mo rito sa
kusina."

"Candy," ani Tala na naiimposiblehan na naman sa nais niya. "Daig mo pa ang may-ari ng bahay na ito
kung makapag-desisyon ka sa bagay na 'yan."

"Tala, hindi naman para sa akin, eh. Para sa ikabubuti ng amo natin. Gugustuhin mo ba siya na lumubo
na langdahil sa mga mamaso niya? Kailangan nating gumawa ng paraan para mapagaling siya. At ayaw
kong biguin si Donya Teresa. Utang ko sa kaniya ang marangal na trabaho na ito. Kaya gusto kong
panindigan hanggang sa mapagaling si Sir Mhorric. Basta, hindi ako matatakot sumubok. Lalo na sa
kaniya." "Good luck sa iyo," sabi na lang nito sa kaniya.

Binalikan na niya angtinimplang kalamansi na may tinadtad na bawang. Dinala niya iyon sa itaas kung
nasaan angsilid ng amo.

Pagkatapos niyang kumatok ng tatlong beses ay pinihit na rin niya ang door knob ng pinto. Kadiliman na
naman ang sumalubong sa paningin ni Candy nang itulak niya pabukas ang pinto. Pigil ang paghinga na
kinapa niya sa gilid ng pinto ang switch ng ilaw. Nang makapa iyon ay agad niya iyong pinindot. Bumukas
ang ilaw malapit sa may french door na konektado sa terrace. Inilibot agad niya ang tingin. Nakita niya
ang pakay na nakahiga sa kama nito.
Maingat niyang isinara ang pinto bago ito nilapitan. Nakaramdam na naman siya ng habag para sa
kalagayan nito. Hindi lang talaga siya sanay na magkaroon ng kasama na kakaiba ang hitsura. Ayaw pa
nitong magpapahid ng gamot. Sigurado siya na makati iyon pero nagtitiis ito sa kati. Napapailing na
inilapag niya ang dalang baso sa bedside table.

"Sir Mhorric, gising PO. linom ng gamot." Tulog pa rin ito. "Sir Mhorric,ll niyugyog na niya ito sa balikat
para lamang maalimpungatan ang pakiramdam.

Nakatunghay siya rito nang unti-unting magmulat ang mga mata nito. Napatutok agad ang tingin nito sa
kaniyang mukha. Pumikit uli ito. Sa muling pagmulat nito at siya pa rin ang nakita ay nagsalubong na ang
kilay nito.

"Bakit hindi ka pa urnaalis? 'l sa wakas ay bulalas nito.

Turnayo na siya nang tuwid. "Magaling ka na po ba para urnalis ako? Aalis lang ako kapag magaling ka
na." Aalalayan sana niya ito sa akmang pag-upo nito nang muli nitong tabigin ang kamay niya.

"Kaya ko ang sarili 1<0."

Napabuntong-hininga siya. "Ganoon po ba?

Kung kaya niyo na ang sarili niyo, bakit pati ang pagpapagaling mo sa sarili mo ay hindi mo ginagawa?
Pinalalala mo pa ang sakit mo dahil sa pagkain mo ng mga bawal na pagkain. Hindi pag-inom ng gamot at
higit sa lahat ay hindi pagpapahid ng ointment sa mukha mo. Sa tingin ko ay ayaw mo talagang gurnaling
sa sakit mo, Sir."

"Sino ka ba para diktahan ako?" mariin nitong apila sa sinabi niya.

Hindi siya nagpadala sa kasungitan nito. Mukhang nasasanay na rin siya roon. "Ako lang naman ho 'yong
magtitiis na makasama kayo sa ayaw at sa gusto ninyo hanggang sa gurnaling ka na. Kaya kung ako sa
inyo ay magpapagaling na ako at hindi na mag-iinarte pa. Para sa ganoon, mawala na ako sa landas at
paningin mo."

"Hindi ako nag-iinarte."

"Ganoon ang nakikita 1<0, Sir. Daig mo pa ang bata dahil ayaw uminom ng gamot."

Nagpupuyos ang dibdib na itinuro nito ang pinto. "Lumabas ka na." Nang hindi siya matinag ay
binulyawan na siya nito. "l said, get the f* *k out of here!"

Pinalampas niya sa kabilang tainga ang sinabi nito at nanatiling kalmado. Hindi siya maaaring mag-iiyak
dahil lang nasigawan ng katakot-takot ng amo. Imbes na patulan ang kasungitan nito ay dinampot niya
ang dinalang baso.

"Ang mabuti pa ay inumin mo na muna ito, Sir Mhorric. Makakatulong ito para matuyo agad ang
mamaso mo. Mabisa ito kaya " napasinghap na lang siya nang tabigin ni Mhorric ang basong dala niya.
Dumulas iyon sa kamay niya. At sa pagbagsak niyon sa sahig ay natalsikan pa siya ng bubog sa binti.
Napatingin siya kay Mhorric na wari niya ay nabigla rin sa ginawa nito.

Nang lumunok siya ay ramdam niya ang hapdi sa lalamunan niya. Senyales iyon sa pinipigil na emosyon
dahil sa inaasal ng binatang amo. Ikinurap-kurap niya ang mga matang mamasa-masa na. No, hindi siya
puwedeng magpatalo rito. Muli siyang lumunok pagkuwan ay lumuhod siya sa sahig para damputin ang
mga nabasag na piraso ng baso.

Burnaba naman ng kama si Mhorric at nilapitan siya. Hindi para tulungan kundi para alalayan siyang tum
ayo.

"Hayaan mo na 'yan."

Mababa na ang tinig nito ngunit hindi niyon napawi ang emosyon niya. Kumuwala siya rito at walang
imik na lumabas ng silid nito. Kumuha lang siya ng tambo, dustpan at pamunas sa kusina. Pagbalik niya
ay si Mhorric naman ang nakita niya na dumadampot ng bubog sa sahig.

Napabuga siya nang hangin.

"Umisod na ho kayo," aniya na inumpisahan ng punasan ang nabasang sahig.

Napatingin sa kaniya si Mhorric nangtumayo ito at hayaan siya sa ginagawa. "1 1 m sorry."

Sandaling napatigil sa pagpupunas ng sahig si Candy sa narinig na sinabi ni Mhorric. Totoo bang narinig
niya lyon mula rito o nakaringgan lang niya? Imposible naman na sasabihin nito iyon kaya nagpatuloy
siya sa ginagawa. Napakasungit nito para humingi ng sorry sa kaniya. Para bang end of the world na
kapag ginawa nito iyon.

Nang matapos sa pagpupunas ay saka niya winalisan ang sahig kung saan pati tinadtad niyang bawang
ay nagkalat. Nanghinayang siya sa bawangdahil napakamahal ng kilo niyon ngayon. Tapos sahig lang ang
nakinabang niyon.

Saka lang niya hinarap si Mhorric nang matapos siya sa ginagawa. Naglihis ito ng tingin ng titigan niya ito
sa mukha nito.

"'Wag mo na akongtingnan," anito.

Napakunot ang kaniyang noo. Pansin niya ang pagkailang nito nang titigan niya ito sa mukha. "Bakit?"

Pumihit ito at naglakad papunta sa may sofa. "Alam ko naman na pati ikaw ay nandidiri sa hitsura ko
ngayon."

Turnaas ang isa niyang kilay sa sinabi nito. Bukod sa awa rito ay ni hindi siya nakaramdam ng pandidiri
dito. Hindi naman nito ginusto ang nangyari dito.

"Hindi ka naman tae para pandirihan, Sir. At saka 'wag kayong masyadong negative kung ayaw
mongtumanda agad ng sampung taon. Dadalhin ko lang ho sa baba itong nabasag. Pero babalik uli ako
na may dalang bagong iinumin niyo. Sa ayaw at sa gusto niyo ay magtiis kayo na inurnin iyon. Para
gurnaling ka agad."

Nahabol na lang siya nito ng tingin nang muli siyang lumabas ng silid nito.

Readers also enjoyed:

The Lycan King's Mate

0 2.9M Read

TAGS a pha mate king drama

Chapter 09

"ANO 'yan, take two?" nangingiti pang biro ni Maring kay Candy nang makita na naman nito angdalaga
na abala sa pagtatadtad ng bawang sa sangkalan, sa may kitchen island sa kusina.

Napabuntong-hininga si Candy. "Nabasag 'yong unang baso na dinala ko sa silid ni Sir." "Hala siya!" anito
na turnabi sa kaniya.

"Inihagis niya ang baso?"

Urniling siya. "Natabig niya, kasi ipinipilit ko na inumin niya 'yon."

Napangiwit ang mukha nito. "Aaaw. Hindi ko ma-imagine ang kasungitan niya." Tinapik nito ang balikat
niya. "Hanggang kailan mo kakayanin ang ugali ni Sir?"

"Hanggat hindi pa siya gumagaling," aniya rito.

"Napaka-dedicated mo sa trabaho."

Inihinto ni Candy ang ginagawa at tiningnan si Maring. "Matagal na ba kayong nagtatrabaho rito?" pag-
iiba niya.

Urniling ito. "Bago lang kami lahat dito maliban sa driver na si Mang Agosto. Saka sa caretaker nitong
bahay na pinagbakasyon muna ni Donya Teresa nang urnuwi rito si Sir."

Kung ganoon, hindi rin alam ng mga ito ang totoong hitsura ng amo nila noong wala pa itong sakit.

"Ibig sabihin, wala kang idea sa totoong hitsura ni Sir?" pagsasatinig niya.

"Wala. Eh, si Mang Agosto, mukhang may sariling mundo. Hindi makipagkuwentuhan sa amin. Palagi
lang nasa kuwarto niya at nanonood ngTV. Tikom din naman ang bibig niya kapag tinatanong namin
kung ano ba ang hitsura ni Sir." Curious siya sa totoong katauhan ng kanilang amo. Sa tindigan naman
nito, mukha itong magandang lalaki. Lato na kapag nakatalikod. At isa pa, ang Iola nito na si Donya
Teresa, kahit na matanda na ay bakas pa rin ang ganda nito. Siguradong kay ganda nito lalo na noong
kabataan pa nito.

Bigla ay naipilig niya ang kaniyang ulo nang makini-kinita niya sa kaniyang isipan ang imahe ni Mhorric
nang lumingon ito sa kaniya noong nasa may terrace sila ng silid nito.

Ang hitsura nito. ..

Pakiramdam niya ay nasa fairy tale siya ng Beauty and the Beast. Siyempre, siya si Beauty at si Mhorric si
Beast.

Alam mo, Candy, tigilan mo na ang kabaliwan mo na 'yan at tiyak na kapag nakarating 'yan kay Sir
Mhorric, baka ihagis ka niya sa Bulkang Taal, an ang atribida niyang

isipan.

"Ang tanong, inurnin kaya uli ni Sir Mhorric

'yang ginawa mo?"

Saka lang napakurap-kurap si Candy at napatitig sa bawang na tinadtad niya. Inurnin nga kaya uli ni
Mhorric? O, matulad langsa nangyari kanina sa nauna niyang ginawa?

Napabuntong-hininga na naman si Candy. "Hindi ko alam. Pero susubukan ko na ipainom sa kaniya. Sabi
nga, try and try until you—"

"Succeed," natatawa niyang sawata sa sinabi ni Maring.

"Habang narito ka, Candy, mag-stay kami ni Tala kahit na ano'ng mangyari. 'Yong pinalitan kasi namin ni
Tala, nabulyawan lang ni Sir, nag-alsabalutan na rin. At dahil nakakalakas ng 100b ang pagiging
matapang mo, sasamahan ka namin. Palalabasin na lamang namin sa kabilang tainga ang kung ano mang
sabihin ni Sir. Kahit na manigaw siya kapag galit siya sa mundo," nangingiti pa nitong dagdag.

"Sa ngayon, unawain na lang muna natin si

Sir."

May ngiti pa rin sa mukha ni Maring habang nakatitig sa kaniya.

"Bakit?" taka pa niyang untag dito.

"Alam mo ba, 'yong mga nauna sa iyong

nakatoka na mag-alaga kay Sir Mhorric, ibang-iba sa iyo."

"Paano mo nasabi?"
"Lahat sila puro reklamo kay Sir. Tapos kung pandirihan ang hitsura ni Sir, wagas. Pero ikaw, ni minsan
simula nang makita mo siya, hindi kita nakaringgan na nagreklamo o kaya ay nandiri sa kaniya. Sa halip,
mas inunawa mo ang kundisyon niya. Sana lang ma-appreciate ka ni Sir. Makita niya na busilak ang
kalooban mo at hindi ka mapanghusga sa kapwa mo."

Na-touch naman siya sa sinabi ni Maring sa kaniya. "Salamat, Maring. Kahit ano'ng bulyaw ni Sir,
pinalalabas ko lang sa kabilang tainga ko. Kailangan ko ang trabaho na ito dahil maraming pangarap ang
nakasalalay rito. Kaya kong magtiis sa paraan na hindi tatapak ng tao o manglalait ng kapwa. Baka hindi
ako pagpalain ng Diyos kapag naging masama ako."

"Ang suwerte ng pamilya mo sa iyo."

"Ako ang suwerte sa kanila kasi sila ang pamilya ko. Dahil sa kanila kaya ako ganito."

"Oh, siya, napapahaba na ang kuwentuhan, ani Maring. "Babalikan ko na muna 'yong ginagawa 1<0,"
anito. "Good luck diyan sa part two ng herbal juice mo."

Nakangiting tumango siya. Kahit na walang kasiguraduhan kung mapaiinom niya iyon kay Mhorric ay
gusto niyang sumubok muli.

"Hindi ba talaga ako tatantanan ng inurnin na 'yan?" ani Mhorric nang bumalik siya sa silid nito na dala
ang herbal medicine na iyon.

"Sir, malakingtulong ito para mapadali ang paghilom ng mga mamaso mo."

Mula sa pagkakaupo nito sa pang-isahang silya ay nasundan ito ng tingin ni Candy.

"Miss, hindi ko kailangan 'yan," pagmamatigas pa rin nito.

"Pero bakit ayaw ninyo?"

"Bakit ang darni mongtanong?"

"Dahil gusto ko hong malaman kung bakit pati sarili ninyo ay pinipigilan ninyong gumaling," giit din niya.

Marahas itong huminga. "Wala kang pakialam sa buhay ko."

"Mayroon. At hanggat narito ako, mayroon akong pakialam," giit pa rin niya.

"Why? Because I am your duty?" Hindi agad siya nakapagsalita.

"Don't waste your time here. Katulad ka rin ng iba, madaling sumuko."

Urniling siya. "Hindi, Sir. Dahil hanggat hindi ka magaling, hindi kita susukuan. Kaya inumin mo na
itongdala ko. 'Wag ninyo na hong ilihis pa ang usapan. Narito lang ako ngayon para ipainom sa inyo ito."

"Bakit kita susundin?"


"Dahil mahal po ang bawang na ginamit ko rito sa herbal na ito," katwiran pa niya. "Kaya 'wag na ho
kayong makipagmatigasan. Siguradong urniinom ka rin ng alak na hindi masarap ang lasa. Straight mo
lang din po itong inumin."

"Pero hindi 'yan alak," apila pa nito sa sinabi niya.

"Parehas lang naman ho kasi na hindi masarap ang lasa. Inumin niyo na po para makalabas na ako kung
wala na kayong ibang kailangan," aniya na iniumang sa harapan nito ang dala niyang baso.

"Kung ayaw 1<0?"

"Hindi ho ako lalabas sa silid ninyo na ito hanggat hindi mo ito iniinom. At 'wag ka rin hong mag-alala,
hindi ako matutulad sa mga nag-alaga sa inyo na nag-alsabalutan dahil hindi matiis ang ugali mo."

"Baka kainin mo 'yang sinabi mo?"

Urniling siya. "May isang salita ho ako."

"Bakit ba ikaw pa ang pinadala rito ng Iola 1<0?" anas pa nito na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni
Candy. Ganoon pa man ay hindi nagsalita si Candy.

Nang magbaba ito ngtingin ay kumunot pa ang noo nito. Nasundan tuloy niya ang tinitingnan nito.

"Ano'ng nangyari diyan sa binti mo?" anito

na bahagya pang nag-squat at tiningnan ang kaniyang binti na noon pala ay may tama ng bubog kanina
nang mabasag ang baso. Hindi niya iyon napansin agad kanina dahil abala siya sa ibang bagay.

May bahid na ng dugo na tumulo sa bintl niya na natuyo na. Umatras siya nang akmang hahawakan nito
iyon.

"M-malayo ho 'yan sa bituka, Sir. Gagamutin ko na lang mamaya," aniya na hindi nagpakita ng kahit na
anong takot sa dugo at sugat na tinamo niya. "Natalsikan ho siguro ng bubog kanina nang m abasag ang
baso."

Nakasuot siya ng uniporme ng pangkatulong. Kakaiba nga lang iyon dahil pang mayamang level talaga.
Parang iyong napapanood niya sa mga foreign movie. Black dress na may halong kulay puti na kulay. Ang
haba ng laylayan ng dress na iyon ay medyo lampas sa tuhod niya. Kakaiba sa suot nina Tala, Maring at
Inang Ason. Pinasadya pa raw iyon ni Donya Teresa para sa kaniya. Sakto lang naman sa balingkinitan
niyang katawan ang tabas niyon. Para ngang isinukat talaga sa kaniya. O sadyang magaling lang kumilatis
ng pigura si Donya Teresa. At natutuwa siya na isuot iyon.

Nang tumayo si Mhorric ay natameme pa si Candy nang kunin nito sa kaniyang kamay ang hawak niyang
baso at inisang lagok nga ang laman niyon. Hindi pa maipinta ang pagmumukha nito nang ibalik nito sa
kamay niya ang baso.
"Done. Makakalabas ka na," anito pagkatapos mainom iyon. Kita pa rin sa mukha nito na hindi nito
nagugustuhan ang lasa.

Napakurap-kurap siya. Nang tingnan niya ang baso ay ubos na ang laman niyon. Pati bawang ay ininom
nito.

"M-may kailangan pa po ba kayo?" aniya nang muting ibalik ang tingin dito.

"Wala na. Makakalabas ka na."

"Mamaya po ulit."

"What?!" he hissed.

Hindi na siya nagsalita. Sa halip ay nginitian lang niya ito at hinayon na rin ang paglabas sa silid nito.

Hindi niya pinakinggan si Mhorric. Dali-dali na siyang lumabas at isinara agad ang pinto. Muli ay
nakahinga siya nang maluwag nang makawala sa presensiya nito.

Napahawak siya sa kaniyang dibdib na kay bilis ng tahip.

Ininom ba nito ang herbal medicine na iyon dahil nakonsensiya ito sa nangyari kanina? Kung ganoon
man ay malakingtulong rin pala ang nasugatan niyang binti para lumambot ito kahit ilang segundo lang.

Ipinasya na niyang lumayo sa silid nito at baka sumunod pa ito sa kaniya.

NAGSALUBONG ang kilay ni Mhorric nang pagmasdan ang ginawang herbaljuice ni Candy na sa
pangalawang pagkakataon ay dinala niya roon.

"Sir, hindi ho 'yan tinititigan. Iniinom ho 'yan," aniya sa amo.

Salubong pa rin ang kilay nito nang sulyapan siya. "lpapainom mo ulit sa akin ito?"

Tumango siya. "Sir, kailangan mo po ulit uminom niyan."

"Tama na 'yong nauna mong ipinainom," anito na akmang ibabalik kay Candy ang baso n ang um atras
siya palayo rito.

"Sir, malakingtulong po 'yan sa inyo. 'Wag ho kayong mag-alala at gagaling kayo sa herbal medicine na
'yan. Kahit hindi na kayo uminom ng gamot dahil antibiotic din naman cyan, eh. Safe po 'yan dahil
prescribe rin mismo ng isang doktor. Wala naman hong masama kung iinumin ninyo 'yan. At effective po
'yan para sa mabilis na paghilom ng mga sugat ninyo sa mukha."

Isang sulyap pa sa kaniya bago nito ininom angtinimpla niya ngunit hindi rin nito naubos dahil hindi na
maipinta ang mukha nito.

"Aaah! Ayaw ko talaga ng lasa!"


Hindi niya maiwasan na mapatawa. "'Wag niyo ho kasing lasahan. Deretso lang ang inorn at huwag kang
hihinga. Mahal ang bawang ngayon kaya ubusin ninyo 'yan. Three times a day din ang inorn ninyo kaya
tiisin ninyo. Bukas po ulit kayo iinom.ll

"Seryoso ka?" Nakangiwit pa rin ito. "Isa pa nga lang hindi ko na kaya, tatlo pa kaya?"

"At least gagaling ka. At simula po ngayon hindi ka na rin kakain ng bawal sa iyo. Puro gulay ka po
ngayon hanggang sa gurnaling ka."

Urniling ito. 'IAko ang masusunod sa kakainin

1<0," mariin nitong wika. "Stop being bossy here.

Ako ang amo mo, kaya ako ang masusunod." "Sa ngayon ay hindi na muna ikaw ang masusunod sa mga
kakainin mo, Sir. Tulungan mo rin po ang sarili mo para gumaling ka agad. Pansamantala lang naman ang
lahat ng ito. Makisama ka na lang ho para mapadali ang trabaho ko sa inyo. Ng sa ganoon, hindi ka na
mairita pa sa presensiya ko.ll

"Tatawagan ko si Iola na bayaran ka na kung magkaano man ang usapan ninyong dalawa. Umuwi ka rin
kung saan ka galing. Ako na ang bahala sa sarili ko. Hindi kita kailangan. O kahit na sino pa," anito na
tinalikuran na siya.

"Kahit naman po tawagan ninyo si Donya

Teresa ay hindi ka rin naman niya papaboran. Malaki angtiwala na ibinigay niya sa akin. At ayaw ko pong
masira 'yon. At isa pa, mas sasang-ayunan ng Iola ninyo ako, kaysa sa iyo."

Pinigilan ni Candy ang mapaatras nang bigla ay magbaling ito sa kaniya.

'"Wag kang feeling entitled sa lahat."

"Hindi ho ako feeling entitled sa lahat, Sir. Ginagawa ko lang ho angtrabaho ko. Pakiubos na ho ang
laman ng baso."

"Kung gusto mong maubos ang laman nitong baso, inumin mo para hindi sayang. At para hindi ka
mahawa sa sakit ko."

Anito na inilapag na sa mesita ang baso at tinalikuran na siya ng tuluyan. Hinayon nito ang palabas sa
may terrace. Napabuntong-hininga si Candy sa ginawa nito.

The Wolf Princess and...

Addie Hayes

"How many mates do you have,

Princess?" Kia asks] look over at ht.


Chapter 10

SINULYAPAN muna ni Candy ang mga dala niyang panlinis nang umagang iyon. Simula sa araw na iyon ay
siya na rin ang maglilinis ng slid ni Mhorric. Kanina kasi ay nagtuturuan pa Sina Maring at Tala kung sino
ba ang maglilinis sa silid ni Mhorric. Para hindi na magtalo pa ang mga ito ay siya na ang nagboluntaryo
na gagawa ng paglilinis sa silid na iyon. Kailangan na rin daw kasing palitan ang kurtina sa silid niyon
dahil isang linggo lang iyon maaaring magtagal doon at baka mas tirhan ng mga alikabok.

Kaya heto siya ngayon, maglilinis sa silid ng bugnutin nilang amo. May dala siyang pang-vacuum, feather
duster, basahan, walis tambo at dustpan. Bukod sa pagpapalit niya ng mga kurtina ay magpapalit din
siya ng mga punda ng unan, bed cover at kumot. Araw-araw kasi ay kailangang palitan ang nasa kama
nito para hindi makasama sa kundisyon, lalo na sa parteng mukha ni Mhorric.

Huminga muna siya nang malalim bago kumatok ng tatlong beses.

"Sir Mhorric," wika pa niya. Tapos na rin naman itong kumain ng almusal. Hindi nga lang nito ininom ang
dinala niya kanina na herbal

juice. Hindi rin niya napilit pa. Mamaya na lamang siya muling susubok.

Hindi naman niya ito basta susukuan. Lalo na sa pagpapa-inom ng herbal dito. Ang mahalaga ay
makainom ito sa 100b ng isang araw.

"Sir Mhorric," tawag niyang muli.

Kakatok sana siyang muli nang bigla namang bumukas ang pinto. Natulala pa siya nang tumambad sa
kaniya ang magandang katawan na iyon. Naka-half-naked si Mhorric at tanging tapis lang ng tuwalya sa
pang-ibabang parte ng katawan nito ang saplot nito sa katawan.

"What? Hindi mo ba kayang buksan ang pinto? Hindi naman 'yan naka-lock," he even hissed. Bugnutin
na naman.

Napalunok siya at napakurap-kurap ang mga mata. Hindi ba naka-lock ang door knob? Hindi rin naman
kasi niya pinihit. Palibhasa ay nasanay rin siya na palagi nito iyong nila-lock. Iniiwas na niya sa
magandang katawan nito ang kaniyang paningin. Sa kaibuturan ng kaniyang puso ay hindi niya mapigilan
na hindi humanga sa katawan nito na animo inukit ng isang iskultor.

Nasa tamang proportion lahat. May nakakapaglaway na abs. .. lyong kahit pa sabihing mukha itong beast
pero nakakapaglaway ang pangangatawan.

Candy! bulyaw pa sa kaniya ng kaniyang isipan para lamang magising sa kabaliwang dulot

ng katawan ni Mhorric.

"G-ganoon po ba?" aniya nang siya ay makabawi.


"What do you want?" sa halip ay tanong nito. "Kung ipipilit mo na naman ang pagka-albularyo mo, leave
me alone."

Ano raw? Pagkaalbularyo niya?

Napaawang ang labi niya dahil sa sinabi nito. Tiningnan niya ito sa mukha nito. "Sir, narito ho ako para
maglinis," aniya na hinila ang dala-dalang cart na may laman ng mga panlinis niya. "Tamang-tama,
mukhang maliligo ho kayo. Tagalan niyo na rin sa banyo para makapaglinis ako ng husto rito sa silid
ninyo. Makikiraan ho," wika pa niya dahil nakaharang pa rin ang kakisigan nito sa may pintuan.

Mukhang nagdadalawang isip pa ito kung papapasukin ba siya o hindi.

"Sir," untag na niya rito.

"Bilisan mong maglinis," sa halip aywika na lamang nito bago siya tinalikuran at hinayon ang papunta sa
banyo.

"Hindi po binibilisan ang paglilinis para siguradong walang maiiwang dumi," katwiran pa niya nang
ipasok na niya ang kaniyang mga dalang panlinis. Sa hull' na niya papalitan ang mga nasa kama kapag
tapos na siya sa lahat ng linisin.

"Dapat, kapag tapos na akong maligo, wala ka na rito sa silid ko," pahabol pa ni Mhorric.

"Sir, tagalan mo hong maligo para walang maiiwang germs sa katawan Imo," ganti niya.

Naitikom niya ang bibig nang lingunin pa siya nito.

"Will you just shut up? Palagi ka na lang may pantapat sa mga sinasabi ko," anito bago tuluyang
pumunta sa banyo.

Naiirita ba ito sa mga pantapat niya sa mga sinasabi nito? Ganoon pa man, mukha namang hindi nito
kayang pumatol ng literal sa isang babae. Mukhang hanggang sa salita lamang ito masungit.

Muli ay huminga siya nang malalim bago sinimulan na ang paglilinis sa silid ni Mhorric. Inuna niyang
tanggalin ang mga kurtina gamit ang hagdanan na natitiklop. Nang ubuhin siya dahil sa alikabok na
nasinghot ay ipinasya muna niyang kumuha ng face mask sa kusina. At baka sa halip na magkasakit siya
dahil sa pagkakahawa kay Mhorric ay baka sa mga alikabok pa siya magkasakit.

Pagbalik niya ay inasikaso na niya ang pagtatanggal ng mga kurtina. Heavy curtain iyon kaya medyo
nahirapan din siya. Nang matapos ay dinala niya ang mga kurtina sa labas ng silid. Napangiti pa siya nang
magliwanag ang buong silid dahil wala ng humaharangsa liwanag na dulot ng haring araw.

"Ang sarap kaya na maliwanag ang paligid," wika pa niya bago itinuloy ang ibang trabaho.

Hindi pa siya natatapos sa mga gagawin niya ay tapos na agad sa paliligo si Mhorric. Salubong na naman
ang mga kilay nito nang malingunan ni Candy.
"Ano'ng ginawa mo sa mga kurtina?"

Sungit talaga nito. Lord, pakibawasan naman po ang pagkamasungit ng isang ito, aniya sa isip.

Nginitian niya ito. "Sir, papalitan ko po ang mga kurtina mamaya kaya 'wag po kayong mag-alala.
Patapusin niyo po muna ako sa paglilinis."

"Hindi ka pa rin tapos?"

Urniling siya. "Hindi pa PO. Kung gusto niyo PO, sa labas muna kayo ng silid ninyo kasi bawal pa kayo rito
dahil sa mga alikabok na nililinis ko. Sige na ho," pagtataboy pa niya rito bago itinuloy ang pagba-vacuum
sa carpeted floor.

"Nananahimik kasi ang mga alikabok na

'yan, tapos gagambalain mo."

"Joke ho ba 'yan?" aniya na pinigilan ang matawa sa sinabi nito.

"I'm not kidding," walang kangiti-ngiti nitong wika bago pumunta sa may terrace sa halip na lumabas na
lang sa silid nito.

Naiiling na lamang na itinuloy ni Candy ang kaniyang ginagawa. Nang matapos sa pagba-vacuum ay
nagwalis naman siya sa sahig na walang carpet.

Sunod aytinanggalan niya ng comforter at bed sheet ang kama. Sunod ay ang mga unan naman ang
tinanggalan niya ng mga punda. Kumuha siya ng kapalit sa may banyo. Sa may bungad niyon ay
mayroong cabinet kung saan nakalagay ang mga bed sheet at iba pang kailangan niya.

Dahil mag-isa lang siya na gumagawa kaya naman ramdam na niya ang pagod. Pero hindi iyon dahilan
para tumigil. May kurtina pa siyang ikakabit sa may bintana at banyo na lilinisan mamaya.

"Fighting lang, Candy," mahina pa niyang cheer sa kaniyang sarili.

Sumilay muli ang ngiti sa labi niya nang makitang maayos na ang lahat sa silid ni Mhorric. Bawat sulok
niyon ay nalinis na niya kaya safe na ito roon. Nag-inat siya sandali ng kaniyang katawan bago inilabas
sandali sa silid na lyon ang mga panlinis para kumuha naman ng kurtina na pamalit sa mga tinanggal niya
kanina.

Buhat naman sa labas, sa may terrace, ay matamang pinanood ni Mhorric ang bawat galaw niya. At hindi
iyon nakatakas sa paningin ni Candy nang paakyat na siya sa may hagdan para magkabit ng kurtina at
mapatingin siya sa kinaroroonan ni Mhorric. Nakaupo ito sa isang upuan at agad na nag-iwas ng tingin
nang magtama ang kanilang mga paningin.

Naiiling na itinuloy na niya ang pag-akyat sa hagdanan at muling nag-focus sa kaniyang ginagawa.
Huling kurtina na ang kaniyang ikinakabit nang dumulas pa ang pagkakatapak niya sa may baytang ng
hagdanan. Huli na para makakapit pa ng husto sa hagdanan dahil dumiretso pa ang pagkakahulog niya.
Lumikha ng ingay ang pagkakahulog niya sa sahig. Una pang burnagsak ay ang puwetan niya. Pasalamat
siya at hindi ang kaniyang paa. Siguradong katakot-takot na sprain ang kaniyang matatamo sa kaniyang
paa.

Nagulat pa siya nang humahangos na nilapitan siya ni Mhorric.

"Are you okay?" agad pa nitong tanong na agad siyang inalalayan sa pag-upo nang siya ay bumangon.

Turnango siya kahit na ang totoo ay hindi.

Masakit din ang kaniyang naging pagbagsak. Ngunit ayaw niya na pag-alalahanin pang lalo ang kaniyang
amo. "O-okay lang, Sir. Dumulas lang 'yong paa ko sa hagdanan."

"Are you sure?" paninigurado pa nito.

"Opo."

"Kung masama ang lagay mo, you can rest."

Mag-re-rest siya? Para ano? Makain nito ang mga bawal dito? At hindi pag-inom ng gamot?

Hindi maaari.

"Okay lang ho ako, Sir. 'Wag ka pong mag-alala at paiinumin pa kita ng herbal mamaya," aniya na sinikap
ngtumayo.

Kumunot ang noo nito. "Kung mayroong masakit sa iyo, hindi mo kailangang tiisin," giit pa nito.

Nang tumayo na rin si Mhorric ay tiningala niya ito. "Bakit kayo, Sir? 'Yong sakit ninyo, tinitiis ninyo?
Kahit na alam mo naman sa sarili mo na kayang-kaya mong gurnaling agad diyan?"

"Don't change the topic. You are the topic here, not me."

Sa halip na makipagtalo pa rito ay hindi na lamang ginawa ni Candy. Gusto na niyang matapos sa
kaniyang ginagawa para makapagpahinga na muna. Kahit sandali lang.

"Okay lang ho ako. Hindi ho ako mamamatay dahil lang sa pagkakahulog sa sahig. Naranasan ko na rin
ho na mahulog sa puno ng bayabas. Hindi naman ho ako namatay o nabalian, share ko lang ho," aniya
bago ito tinalikuran at inayos ang hagdanan.

Huminga muna siya nang malalim bago umakyat doon at itinuloy ang pagkakabit ng kurtina.

Akala ni Candy ay babalik na sa may terrace

si Mhorric kaya naman nagulat siya nang pumunta ito sa may harapan niya at siyang humawak sa may
hagdanan para alalayan siya.
"Sir, kaya ko naman ho. Hindi niyo ho kailangang abalahin ang sarili ninyo rito."

"Bilisan mo na lang diyan," sa halip ay wika nito at nag-iwas na ngtingin.

Sinarili na lamang ni Candy ang ngiti na gustong kumuwala sa kaniyang mga labi. lyong amo niya na
pasungit-sungit pero heto at instant taga hawak pa niya nang hagdanan. Baka hindi maniwala sa kaniya
Sina Tala at Maring kapag nakuwento niya sa mga ito ang ginawa ngayon ni Mhorric.

Napausal pa si Candy ng pasasalamat sa kaniyang isipan nang matapos sa ginagawa. Pati sa pagbaba niya
ay nakahawak pa rin si Mhorric sa may hagdanan para masigurado na walang mangyayari sa kaniyang
masama.

"Salamat PO, Sir Mhorric," nakangiti pa niyang wika rito.

"Pati ba paghawak ko sa hagdanan ay big deal sa iyo?"

Tumango siya. "Sir, nagpapasalamat lang ho ako. Pati ba naman 'yon ay mamasamain mo?" gaya pa niya
sa litanya nito. "Babalikan ko ho 'yong sa CR ninyo."

"For what?"

"Lilinisan PO," aniya na tiniklop na ang hagdanan.

"No. Ipagawa mo na langsa iba," apila pa nito sa sinabi niya.

"Kaya ko naman PO."

"l insist. Buong silid ko ay nalinis mo na, 'yong banyo, sa iba mo na ipatrabaho."

Bakit pakiramdam niya ay naroon pa rin iyong concern nito sa kaniya ngayon? Nakakatuwa lang din na
kahit hindi nito derektang sabihin ay mukhang na-a-appreciate naman nito ang kaniyang ginagawa.

"Okay, Sir. Kung 'yon po ang gusto ninyo. Pero, pakiusap ko lang po na 'wag ninyong susungitan ang
maglilinis sa banyo ninyo."

"Fine."

Napangiti na naman siya sa sinabi nito.

Akmang bubuhatin ni Candy ang hagdanan nang unahan na siya ni Mhorric.

"Ako na," anito na inilabas na ang hagdanan sa may silid nito. Hindi pa nakontento at dinala pa hanggang
sa ibaba ng bahay.

"Sir, trabaho ko ho 'yon," aniya nang makabalik ito. Sa labas na ng silid nito sila nagpang-abot.

"So?" sa halip ay wika nito bago siya nilampasan. Ngunit muli ring lumingon.

"Thanks," anito bago tuluyang naglakad papunta


sa may kama nito.

Napakurap-kurap siya. Totoo ba ang narinig niya? Nagpasalamat ito sa kaniya. Para saan? Para ba sa
paglilinis niya ng silid nito? Gumuhit na naman ang ngiti sa labi niya dahil doon.

Deep inside, nararamdaman niya ang good side ni Mhorric. Patunay na noong hindi siya nito matiis at
kinapitan pa ang hagdanan na kinatatayuan niya. Ito pa ang nagbaba niyon sa baba ng bahay dahil may
kabigatan din.

May bakas pa rin ng ngiti sa kaniyang labl nang isara niya ang pinto ng silid nito. Hanggang sa paglalakad
niya nang marahan ay hindi pa rin naaalis ang ngiti sa kaniyang labi.

Chapter 11

"NAMI-MISS mo na ba ang pamilya mo?"

Mula sa pagkakatulala sa kawalan ay napakurap-kurap si Candy bago nagbaling ng tingin sa kaniyang


kanan. Naroon si InangAson.

Saka lang niya napansin ang presensiya nito. Nang mga sandaling iyon ay nasa may gilid siya ng bahay at
nakaupo sa isang upuan na may sandalan.

"Medyo PO," aniya.

Naupo sa tabi niya si Inang Ason. "Pansin ko lang na wala kang gamit na cellphone. Hindi ka ba nagdala
para man lang makatawag ka sa inyo?"

Umiling siya. "Iniwan ko po sa kapatid ko at nasira ang cellphone niya."

"Kaya pala. Paano mo sila makukumusta

Sinikap niya ang ngumiti kahit na ang totoo ay napapaisip din siya nang mga sandaling iyon kung
kumusta na nga ba ang kaniyang pamilya?

Napabuntong-hininga siya. "Sigurado naman po na okay lang sila," tiwalang wika niya. Kumpleto na
naman sa gamot ang kaniyang ama kaya makakasigurado siya na okay lang ito. Nakapamalengke na rin
sila ng kaniyang mga

kapatid kaya hindi niya iisipin ang pagkain ng mga ito sa araw-araw. "Pag-uwi ko na lang PO, saka ko sila
susurpresahin at makikipagkumustahan."

"Iba pa rin 'yong makumusta mo sila kahit sa tawag lang. Bueno, okay na rin 'yan na masanay sila sa
pagkawala mo paminsan-minsan."

Kumunot ang noo ni Candy. "Bakit naman


"Para kapag nag-asawa ka na at tuluyan ng burnukod, eh, sanay na sila na wala ka. Hindi na sila
mahihirapan na mag-adjust sa pagkawala mo."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Naku PO, Inang Ason, wala po sa isip ko ang mag-asawa agad hanggat
hindi nakakatapos sa pag-aaral ang lahat ng kapatid ko."

"Naku rin, Candy. Baka kainin mo 'yang sinasabi mo, ha?"

"Sigurado po ako roon, Inang Ason," giit niya. "Gusto kong makatapos muna ang lahat ng mga kapatid ko
bago ko asikasuhin ang sarili ko. Bata pa rin naman po ako para sa pag-aasawa."

"Hindi mo masasabi ang pag-ibig, 'Neng. Bigla na lamang 'yang dumarating ng hindi mo inaasahan.
Urnibig ka na ba? Nagkanobyo?"

"NBSB po ako."

"Ha? Ano'ng NBSB?" bakas ang pagkalito sa mukha ng matanda.

Napangiti na naman siya. "No Boyfriend Since Birth PO."

"Tunay? Sa ganda mong 'yan? Hindi ka pa nagkakaroon ng nobyo?"

Umiling siya. "Hindi pa PO." Kaya madalas ay hindi siya nakaka-relate sa usaping pag-ibig o
pakikipagrelasyon. Ang mga kapatid niya ay paulit-ulit din niyang pinagsasabihan na mas unahin ang
pag-aaral kaysa sa pakikipagrelasyon dahil makakapaghintay naman iyon. Hindi kailangang magmadali o
makiuso sa iba. Gusto rin niya na maging worth it ang kaniyang mga pinaghirapan at sakripisyo para sa
mga kapatid. Gusto niya na may magandang marating ang mga ito.

"Bakit? 'Yong anak nga ng kapitbahay namin sa probinsiya, mas bata pa sa iyo pero nakakailang palit na
ng boyfriend. Hindi naman sa pang-aano, ha? Eh, hindi naman kagandahan."

"Malakas po siguro ang karisma."

"Kuuu. Kung sa hitsura lang, akala ko nga ay nakakasampong boyfriend ka na."

Ganoon na lang ang tawa niya sa sinabi ni Inang Ason. "Kaso po bokya. Wala rin namang nangangahas
na manligaw at una pa lang ay nanunungit na ako o kaya ay umiiwas sa mga nagpapakita ng motibo.
Wala pa po kasi talaga sa isip ko ang mga ganoong bagay. Sagabal lang PO."

"Pero mayroon kang natitipuhang lalaki?

Kumbaga, lihim mong sinisinta?"

Lihim na sinisinta? Mayroon ba?

Nang turnanaw siya sa malayo ay dagling dumaan sa kaniyang isipan ang lalaking nagligtas sa kaniya
noon sa may Tomas Morato. Napalunok siya.
Mas tamang term ang paghanga para sa taong nagligtas sa kaniya. Hinahangaan niya iyon dahil sa hindi
pagdadalawang isip na iligtas siya mula sa kapahamakan. Sinupil niya ang ngiti na nais sumilay sa
kaniyang mga labi.

"May hinahangaan po akong tao. Pero hindi ko na siya makikita. At mukhang imposible ng makita sa
lawak ng Pilipinas"

"Paano mo naman nasabi? Maliit lang ang mundo, 'Neng."

"Aksidente lang po 'yong pagkikita namin noon

Urniling ito. "Walang nangyayaring pagkikita ng dalawang tao na iniadya ng pagkakataon dahil sa
'aksidente lang' na sinasasabi mo. Lahat ng nangyayari sa mundo ay nakaadya na. Iniadya na ng
panginoon na mangyari. Malay mo naman na magtagpong muli ang inyong landas."

Sana nga poe para mapasalamatan ko siyang muli sa ginawa niyang pagliligtas sa akin. Kung nasaan man
siya, hiling ko lang na sana ay nasa mabuti at ligtas siyang kalagayan, aniya sa

kaniyang isipan.

"Kung magkukrus pong muli ang mga landas namin, baka maniwala po ako na iniadya 'yon ng Diyos at
hindi nagkataon lang."

"Tiwala lang. Paano? Mauna na akong pumasok sa 100b at ihahanda ko pa ang tanghalian ni Sir," ani
InangAson na tinapik pa siya sa kaniyang braso bago siya iniwan sa may gilid ng bahay.

Huminga siya nang malalim bago muting turnanaw sa malayo. Namamahinga siya roon nang mga
sandaling iyon dahil sa nananakit pa rin niyang pang-upo dahil sa pagkakahulog niya kanina sa may
hagdanan.

Wala naman siyang narinig na reklamo mula kay Tala nang ito ang maglinis kani-kanina sa banyo ni
Mhorric sa silid nito. Nasa terrace raw ang amo nila kaya matiwasay na nakatapos sa paglilinis si Tala.
Bagay na isa rin sa ipinagpasalamat niya. Mukha namang madali ring kausap si Mhorric sa kabila ng
kasungitan nito.

Kinatanghalian ay siya na ang naghatid ng pagkain nito sa silid nito. Ngunit mukhang hindi nito
nagugustuhan ang nakikitang pagkain sa harapan nito nang mga sandaling iyon.

"Sa tingin mo, kakainin ko 'yan?" walang kangiti-ngiti nitong tanong na umangat ang tingin sa kaniya
matapos pagmasdan ang pagkain na nasa may harapan nito.

Kanin ang naroon at may bulanlangpa na malunggay na nakalagay sa hindi kalakihang mangkok. Ang
ulam naman nito ay pritong tilapya. Hindi kasi iyon malansang isda kaya safe rito. May slice din na prutas
na siya pa ang nagbalat at naghiwa para kay Mhorric.

Dahil sunod sa uso ang cellphone ni Tala na palaging may ka-video call na foreigner sa cellphone nito,
tuwing gabi bago matulog, kaya naman palagi ring may internet connection. Nakihiram siya rito kahapon
ng cellphone para mag-research ng mga pagkain na maaari kay Mhorric. At ang mga maaari lang nitong
kainin ang napagdesisyonan nila ni InangAson na ihahanda para sa amo nila.

"Sir, kaunting tiis lang po sa mga pagkain ninyo," malumanay niyang wika sa kabila na naman ng
pagsusungit nito. "Mas okay po kasi na 'yan ang kainin ninyo kaysa sa mga hipon, karneng baboy o
manok. Lalo lang hong mag-aalsahan ang mga mamaso ninyo."

"Hindi ko makakain 'yan."

"Masarap naman po 'yan, Sir."

"Nasasarapan ka dahil sanay ang sikmura mo riyan

Nakalimutan niya, sikmura nga pala ng mayaman ang sikmura ni Mhorric. Kumpara sa sikmura nilang
mahihirap na sanay sa kahit na anong klase ng pagkain. Sa isip ay napabuntong-hininga siya.

"Siguro nga PO, ganoon na nga. Pero sa kaso mo, wala ka hong ibang choice kundi ang kainin itong
dinala ko rito."

"Gusto ko ng steak."

Umiling siya. "Hindi po puwede."

"O-order ako kung hindi kayang lutuin ng kusinera."

"Sir Mhorric, bakit po ba kailangan ninyo pa na makipagtalo? Masama hong pagtalunan ang pagkain.
Kahit ano pong pag-iinarte ninyo ay pagkain pa rin po 'yan. Maraming nagugutom sa bansa—"

"Is it my fault?"

Huminga siya nang malalim para lamang kalmahin ang sarili. "Kahit magalit po kayo, mga pagkaing
puwede lang po sa inyo ang inyong kakainin. Saka na ho kayo kumain ng masasarap para sa inyo kapag
magaling na magaling na kayo. Kumain na ho kayo at lalamig po 'yang soup."

"Ano 'tong may green na dahon na mga naglutangan?" itinuro pa ni Mhorric ang bulanlang na
malunggay.

"Malunggay 'yan, Sir. Maganda rin po 'yan sa inyong katawan dahil sa health benefits niya."

"Again," anito na ibinalik ang tingin sa

kaniya. "Nagtutunog health expert ka na naman, Miss Albularyo."

Kung maaari lang manapak ay ginawa na niya. Pasalamat talaga ito at injured ito.

Napakalakasding mang-asar.
"Sir, sa totoo lang kung wala kang dinaramdam sa mukha mo, baka nasapak na po kita," prangka pa
niyang wika na nginitian pa ito nang matigilan ito sa sinabi niya. Ipinakita niya rito na hindi siya
nagbibiro. "Hindi ho ako albularyo kaya tigilan ninyo ako sa mga ganiyang term ninyo. Alam kong sanay
ang mayayaman sa mga gamot mula sa mga doktor. Kaso mo, wala ng turnagal na nurse sa iyo para
alagaan ka. Kaya magtiis ka sa tinatawag mong albularyo. Dahil kung ano ang alam ko na mas
makakatulong sa mabilis mong paggaling, pagtiisan mo PO. Kumain ka na ho," aniya na naupo na sa
isang silya na nasa may tapat naman nito. "Lalabas lang ho ako kapag tapos ka ng kumain."

Nagpaling ngtingin si Mhorric. Para bang may gusto pang sabihin na pambara sa sinabi niya ngunit hindi
na lang itinuloy pa.

"Hindi naman po ako ang magugutom kung hindi ka kakain," wika pa niya nang hindi pa rin nito galawin
ang pagkain nito. Sa halip ay nakipagsukatan pa ngtingin sa kaniya. Na hindi naman niya inatrasan. Ang
ending, ito ang naunang magbawi ng tingin.

Marahas pang bum untong-hininga si

Mhorric. Pagkuwan ay kinuha na ang kutsara nito at tinidor. Sinupil ni Candy ang ngiti na gustong
kumuwala sa kaniyang mga labi habang pinagmamasdan ito na sa huli aytumikim na rin ng pagkain.
Inuna nitong kainin ang kanin at pritongtilapya. Hindi pa pinapansin ang malunggay na binulanlang niya.

Medyo maga pa rin ang mukha nito. Pero alam niya na kapag itinuloy-tuloy nito ang pagkain na mga
nararapat clito ay tuluyan na ring mawawala ang pamamaga sa mukha nito. At iyon ang hinihintay niya
na mangyari.

"Hindi ako matutunawan dito kung tititigan mo ako habang kumakain."

Walang imik na turnayo siya at naupo sa ibang upuan na nasa bandang likuran nito.

Nasa kalagitnaan na si Mhorric ng pagkain nito nang muli itong magsalita. "Bakit hindi ka pa burnaba at
kumain?" anito na hindi lumilingon sa kaniya.

"Pagkatapos niyo na PO."

"Can you please drop the 'PO'? I'm not that old

"Sir, paggalang po 'yon dahil amo kita."

"l don't care. Nakakairita."

Napakurap-kurap siya sa sin abi nito.

Ganoon?aniya sa isip. Lumunok siya. "Kung ganoon ho ang gusto ninyo—"

"Include the 'ho'," putol pa nito sa kaniyang sasabihin.


Napabuga siya ng hangin. Parang ang awkward naman na hindi ito igalang. Ano iyon, parang tropa lang?
Sa isip ay napailing-iling siya.

"Okay. .." PO, tuloy pa niya sa kaniyang isipan. Ang awkward...

Muling nagpatuloy si Mhorric sa pagkain nito. Napatayo pa siya mula sa kaniyang pagkakaupo nang
makitangtikman nito ang niluto niyang bulanlang na malunggay. Natuwa pa siya nang makitang sunod-
sunod itong humigop ng sabaw. Mukhang nagustuhan din nito iyon.

Kumakain na ito ng prutas nang ipasya na niyangtumayo na. Tapos na nitong kainin ang kanin at ulam.
"Maiwan ko muna kayo. Babalik din," napahinto siya sa pagsasalita dahil mababanggit na naman niya
ang ayaw na salita ni Mhorric. "Babalik din ako, Sir," aniya na nilampasan na ito at hinayon na ang pinto
ngsilid nito para lumabas doon.

Nang makarating siya sa kusina ay ang pagtatadtad naman ng tatlong cube ng bawang ang kaniyang
inatupag.

"Kumain si Sir?" agad na tanong sa kaniya ni Tala.

May ngiti sa labi na tumango siya. "Sa awa

ng Diyos, kinain niya."

"Wow, ibang klase ka talagang magpasunod. Baka naman gandang-ganda sa iyo si Sir kaya sumusunod
sa iyo," biro pa nito na ikinatawa ni Candy.

"Tala, kung alam mo lang bago ko pa mapakain ang amo nating 'yon," aniya na sinulyapan ito bago
ibinalik ang tingin sa kaniyang tinatadtad sa sangkalan. "At isa pa, kung hitsura ko lang ang
pagbabasehan, mukha namang walang dating sa kaniya. Napakayaman ng pamilya niya, siguradong mas
magaganda pa sa akin ang mga nakakahalubilo niya. Kaya tigilan mo ang pagbibiro ng ganiyan kasi
napakaimposible."

"Bulag lang ang hindi magagandahan sa iyo, Candy," giit pa ni Tala.

"Baka maniwala ako sa iyo, Tala. Siguradong gutom lang 'yan. Kumain na kayo at tatapusin ko lang ang
duty ko kay Sir Mhorric, bababa rin agad ako para kumain. 'Wag niyo na akong hintayin.

"Sigurado ka?"

Turn ango siya. "00."

"Sige," anito na pinuntahan na ang mga kasama na nagpapahinga sa may likod ng bahay. Naisip na
naman niya angsinabi sa kaniya ni Tala na baka raw gandang-ganda sa kaniya si Mhorric.

Wala naman siyang nakikita na ganoon nga ito sa kaniya. Naiiling na napapangiti siya. At isa pa, wala
namang mayaman na magkakaroon ng interes sa katulad niya na ganda lang ang mayroon. Pero hindi
maganda ang background. Ni hindi nga siya nakatuntong sa kolehiyo. High school lang ang tinapos niya.
Sino'ng mayaman ang magkakainteres sa kaniya?

Noon pa man, hindi na rin naman siya nangarap na isang araw ay makakapag-asawa siya ng mayamang
lalaki. Parang suntok sa buwan ang ganoon. Kungdarating man ang panahon na magkaroon siya ng
asawa, siguradong ka-level lang din niya. Kung nakatapos man, pero hindi kasing yaman ng isang
Mhorric Soliven.

Readers also enjoyed:

The Lycan King's Mate

0 2.9M Read

TAGS a pha mate k ng drama

Chapter 12

ISANG hapon ay naabutan ni Candy si Mhorric sa may terrace ng silid nito nang puntahan niya ito para
pakainin ng meryenda nito.

"Sir, meryenda," untag niya rito.

Umiling ito. "Kung prutas na naman ang dala mo, no thanks."

Napasulyap tuloy siya sa pinggan na may mga slice nga ng prutas. "Sir, masustansiya naman po kasi ito.
At saka, ito po ang advisable na kainin ninyo para mas mapa

"Para mas mapabilis ang paggaling ko," pagpapatuloy nito sa kaniyang sinasabi. Nilingon na siya nito.
"lkaw na lang ang kumain niyan, mas mukhang kailangan ng katawan mo. Parang kapag umihip ang
malakas na hangin ay madadala ka agad

Pinagpasensiyahan niya ang sinabi nito. "Sir, okay lang ho ang katawan ko. Kahit ganito ito, kaya pong
rumaket ng kahit na ano." Lumapit siya rito at inilapag sa may ibabaw ng pasamano ang dala niyang
pinggan sa may tapat nito mismo.

"Kainin niyo po ito habang fresh na fresh pa.

"Gaano ka-fresh?"

Gustong tumaas ng kilay niya ngunit

pinigilan lang niya dahil sa pang-sa-sarkastiko nito sa sinabi niya.


"Mas fresh pa sa iyo, Sir," aniya na ibinaling angtingin sa may Bulkang Taal. Napakaganda talaga ngview
sa silid na lyon ni Mhorric. Sumilay ang ngiti niya habang nakatitig sa Taal.

Kaunting tiis pa at madadala rin niya sa Tagaytay ang kaniyang pamilya para maipakita sa mga ito ang
magandang tanawin na iyon. Mag-pa-family date sila sa lugar na kita ang magandangtanawin na iyon ng
BulkangTaal. Napakasarap talagang mangarap. Lalo na kapag para sa pamilya niya.

Nakaka-relax pagmasdan ang Bulkang Taal.

Nahagip ng peripheral vision niya na tumusok na si Mhorric garnit ang tinidor sa prutas na nasa pinggan.
Pagkuwan ay agad ding isinubo. Nagbaling siya ngtingin sa hindi kita ni Mhorric at pinakawalan ang ngiti
sa kaniyang labi.

Paayaw-ayaw pa ito sa mga pagkaing dala niya pero sa huli ay palagi namang kinakain. Minsan, sala sa
lamig at sala sa init ang amo niyang ito. Kahit ganoon ay nakukuha na niya ang ugali nito. Masungit man
sa una, pero sa huli, napapasunod pa rin naman niya kahit na mukhang labag sa kalooban nito pagdating
sa mga pagkain.

"Bakit tinanggap mo 'yong trabaho rito?"

Napakurap-kurap siya nang marinig ang

tanong na iyon. Pagkuwan ay saka lang niya nagawang magbaling ng tingin kay Mhorric. Ito naman ang
deretso lang ang tingin sa may Taal.

"Akala ko ho ba—"

"l said drop the 'ho'," mabilis nitong putol sa sasabihin niya.

"Ah, sorry PO," nakagat niya ang ibabang-labi dahil sa huling sinabi. Naiiling na langsa kaniya si Mhorric.
Tumikhim siya. "Akala ko ba, malinaw sa inyo na dahil sa pera kaya pumayag akong magtrabaho rito?"

"Kahit na sinabi sa iyo ng Iola ko na marami ng urnalis dito bago ka pa dumating?"

Tumango siya. Muli siyang nagbaling ng tingin sa may lawa ngTaal. Nakakatuwa lang na ito ang nag-
initiate ng conversation ngayon. Mukhang gusto nito ng kausap. Sabagay, palagi na lang itong mag-isa sa
silid nito.

"00. Wala namang kaso sa akin dahil hindi rin naman uubra sa akin ang pagiging masungit mo, Sir. Ang
importante sa akin, makapagtrabaho sa marangal na paraan. At hindi ko sasayangin ang chance na
ibinigay sa akin ni Donya Teresa," nginitian niya ito. "Kaya pagtitiisan kita hanggang sa gumaling ka."

"Ita-times three ko ang ibinayad sa iyo ng

Iola ko. Will you leave?"


Umiling siya. "Hindi naman ako kasing gahaman sa pera kahit na tapatan mo pa ng limpak-limpak ang
serbisyo ko. Pero kung ibibigay mo sa akin ang lahat ng ari-arian mo at yaman mo, pag-iisipan ko, Sir,"
biro pa niya rito.

"Tsss. No thanks."

"Ayaw mong maghirap sa future. .. kaya wala ka hong pagpipilian kundi ang pagtiisan ang presensiya ko
hanggang sa gumaling ka. Isa lang naman ang goal ko rito, 'yon ay ang gurnaling ka ng tuluyan."
Napabuntong-hininga siya. "Sir, bakit ba ayaw mong pagalingin ang sarili mo? Tanong ko lang."

"Why are you asking?"

"Nagtataka lang ako. Kung ibang tao ang nagkaroon ng mamaso, siguradong ura-uradang
magpapagamot. Ikaw. .. kakaiba ka sa lahat." "Kakaiba sa lahat," he even muttered.

"Ibig ko pong sabihin, kakaiba ang mindset ninyo sa lahat ng nagkaroon ng sakit na ganiyan," agap niya
at baka isipin pa nito na ang tinutukoy niya ay ang pagiging kakaiba ng hitsura nito sa lahat.

"None of your business," sa halip ay sagot nito na sumubo ng slice ng mansanas.

"Pero natutuwa ako sa inyo ngayon dahil kahit paano, umiiwas na kayo sa mga bawal sa inyo. Kumbaga,
nasa tamang landas na kayo patungo sa inyong paggaling. Ipagpatuloy niyo lang ho 'yan."

Hindi ito nagsalita o nag-react sa sinabi niya. Kumakain lang ito. Hindi na siya nangulit pa o ano.

Tumikhim si Mhorric kaya naman napatingin siyang muli rito. Sumulyap din ito sa kaniya.

"Wala ka bang trabaho na matino at panay ang patol mo sa mga raket na inaalok sa iyo?" tanongna
naman nito.

Interesado ba ito sa buhay niya?

"Sir, matino rin naman angtrabaho na ito."

"What I mean is. .. trabahong eight hours a day. Stick ka sa trabaho na iyon at hindi kung ano-ano ang
pinapasok na trabaho."

Hindi niya alam kung maiintindihan siya nito pero sinabi na rin niya ang kaniyang dahilan.

Tipid muna siyang ngumiti bago nagsalita. "Hindi naman ako nakatapos o nakatuntong man lang sa
kolehiyo para magkaroon ng trabahong eight hours a day katulad ng tinutukoy ninyo." "Bakit hindi?
Wala ka bang magulang na puwedeng sumuporta sa pag-aaral mo?"

"Sir, lahat ay ginagawa ng mga magulang ko para sa aming magkakapatid. Hands up nga ako sa kanila
kasi kahit mahirap ang buhay, hindi nila kami sinusukuan," aniya na sunod na sumilay ang malungkot na
ngiti sa labi. "Nagkataon na ako 'yong panganay sa aming magkakapatid kaya noong makatapos ako sa
high school, pinili ko na magtrabaho na agad para makatapos muna ang mga kapatid ko. Sila muna bago
ako. Wala naman hong kaso sa akin dahil masaya ako na makatulong sa kanila at mapagtapos sila. Kapag
nakatapos na silang lahat sa pag-aaral, saka ko naman uunahin ang sarili ko. Pinili ko rin naman 'yong
ganito," aniya na nagbawi ng tingin.

Natahimik na naman ito. Waring ina-absorb ang mga sinasabi niya.

Balang-araw naman ay sinisigurado niya na mayroon din siyang mapapatunayan para sa sarili niya. Pero
ang mapagtapos muna ang kaniyang mga kapatid at magkaroon ng magandang trabaho ay isang
karangalan na para sa kaniya.

"May itatanong ka pa ba, Sir?" untag niya sa pananahimik nito.

Umiling ito.

Ipinasya na rin niya na iwanan na muna ito roon kaya tinalikuran na niya ito. Napahinto lang siya sa
paghakbang nang marinig itong magsalita.

"Saan ka pupunta?"

Pumihit siya paharap dito. "Bababa na, Sir.

Baka kasi gusto ninyong mapag-isa rito." "Stay," anito na nagbawi na nangtingin.

Ano raw?

Pinag-i-stay siya nito roon? Pero bakit? Mag-iisip pa sana siya nang kung ano-ano nang muli naman itong
magsalita.

"Hindi pa ubos itong kinakain ko. Hintayin mo ng maubos bago ka lumabas."

Feeling mo naman na may iba pang dahilan, Candy, epal pa ng isang bahagi ng kaniyang isipan.

"Ah," aniya na kiming ngumiti. "Okay."

Bumalik siyang muli sa puwesto niya kanina na kalahating dipa ang layo mula sa kaniyang amo. Sa
tangkad nito ay halos umabot lang siya sa may balikat nito. Height ng mga leading man sa mga nababasa
niyang pocketbook na Tagalog. Gumuhit na naman ang munting ngiti sa kaniyang mga labi.

"Wala ka bang... naaalala sa akin?"

Kumunot ang noo ni Candy sa tanong na iyon ni Mhorric. Out of nowhere ay bigla na lamang itong
magsasalita. Muli ay nagkaroon siya ng dahilan para balingan ito. Bakit itinatanong nito ang bagay na
iyon?

May dapat ba siyang maalala rito?

"Bakit, Sir?"
"Sagutin mo 'yong tanong ko, 'wag mo akong sagutin ngtanong din," wala naman sa boses nito na
naiirita ito sa pagbabalik niya ng tanongdito.

"M-may dapat ba akong maalala sa iyo, Sir?

Kasi sa pagkakaalam 1<0, ngayon lang kita nakita.

"Tsss. Fine kung wala."

Nagsungit na naman. Sa isip ay napailing-iling na naman si Candy. Pag-iisipin pa siya nito. At saka,
imposible naman na nagkita na sila bago pa lamang siya mapunta sa trabaho na iyon.

"N-naging costumer ba kita noon, Sir?" lyong biglang paling sa kaniya ni Mhorric na salubong ang mga
kilay na para bang hindi nagustuhan ang kaniyang sinabi.

"Ano'ng costumer ang pinagsasabi mo?"

Hindi siya agad nakapagsalita. Bakit parang nagagalit ito? Ano ba ang iniisip nito?

"Pati ba kapit sa patalim na trabaho ay kinakapitan mo rin para lang masuportahan sa pag-aaral ang mga
kapatid mo? TSS. Akala ko pa naman ay matino ka at—"

"Sandali lang, Sir," awat niya sa pagsasalita nito. "Ano ba ang tinutukoy mong trabaho 1<0?" "Ano pa
ba? Babaeng bayaran," deretsa nitongwika na tila ba lalong nagpasalubong sa mga kilay nito.

Nang mag-sink in sa kaniyang isipan ang sinabi nito, sa halip na magalit o ano ay napatawa pa siya.

"Sir, mukha ba akongtumatambay sa kanto at pumapara ng mga sasakyan sa gabi? Kilabutan ka nga sa
mga pinagsasabi mo. Hindi pa ako nawawalan ng pag-asa sa mundo para kumapit sa patalim na sinasabi
mo. Matitinongtrabaho ang pinapasok ko."

"Kung ganoon, ano'ng costumer ang sinasabi mo kanina?"

"Nakapag-extra na ho kasi ako sa isang spa. Gusto nga akong gawing regular ng manager kaso
nakakapagod sa kamay. Kaya pa-extra-extra lang din ako kapag kulang sila sa tao."

Naiiling na nagbawi ng tingin si Mhorric.

"Linawin mo ang mga sinasabi mo."

Napalabi siya. "Ang bilis ninyong man-judge ngtrabaho."

"Sorry," sa halip ay wika nito na nakapagpatameme sandali kay Candy.

Malinaw niyang narinig ang pag-so-sorry nito. At hindi lang iyon nakaringgan niya. Burnalik tuloy ang
ngiti sa labi niya.
"Kahit ano'ngtrabaho, kaya ko naman basta matino. Ayaw ko rin namang magbigay ng pera na galingsa
masama."

Tama na iyong minsan na muntikan na siyang makapag-uwi ng pera na galing sa masama. Sa awa naman
ng Diyos, nailayo siya sa ganoong ganap ng buhay niya.

"May pinagsisisihan ka bang trabaho na nagawa mo?"

Napalis ang ngiti sa labi niya. Pagkuwan ay turnango. "00. Minsan sa buhay ko, muntik na

akong madawit sa masama sa kagustuhan kong kumita ng malaki. Pero hindi naman ako aware sa
ganoong trabaho. Kaya naging aral din sa akin na masama ang maghangad ng mas malaki. Tama na 'yong
sapat lang pero hindi ka mapapahamak."

"What happened? Bakit muntik ka ng madawit sa masama?"

Ikukuwento ba niya sa kaniyang amo? Sabagay, hindi na rin naman sila magkikita pa sa mga susunod na
panahon. Safe ang lihim niya rito kung sakali.

Huminga muna siya nang malalim. "May isa akong kakilala na raketera din, para sa mga anak niya. Siya
'yong nag-alok sa akin ng trabaho. Biruin mo, Sir, twenty thousand pesos sa isang gabi lang na trabaho.
Nagtiwala ako sa kaniya. Hindi ko alam na madumingtrabaho pala ang ibibigay niyang raket sa akin.
Involve ang droga," mahina niyang wika sa huling sinabi.

Napabuntong-hininga siya habang nakatanaw sa may Taal. "Seller pala ng party drugs ang tinutukoy niya
na trabaho. Muntik na muntik na akong mahuli nang gabi na 'yon. 'Yong nag-aya ho kasi sa akin para sa
trabaho na 'yon ay on the spot na nahuli ng PDEA. Ako naman, kukunin ko na sana 'yong pouch na
kinalalagyan ng mga party drugs para mabenta na rin—"

"At may balak ka pa talaga na ibenta ang

mga 'yon kahit na alam mong masamang trabaho?"

"Sir, no choice na rin naman ho ako. Sabi nga noong kasama 1<0, hindi na mauulit 'yon basta tapusin ko
cyong trabaho para sa gabing 'yon. Kako sa sarili ko, sige, una't huli na 'yon. Ang totoo ho niyon, pikit
mata na sana 'yon. Kaso nga ho, biglang urneksena ang mga PDEA at nahuli on the spot ang kasama ko."

"Ano'ng ginawa mo noon?"

"May taong nagligtas sa akin nang gabing 'yon. Hindi ko siya personal na kilala pero sobrang laki ng
utang na 100b ko sa kaniya. Pagkatapos nga lang ng gabi na 'yon, hindi ko na rin nakita 'yon. At saka sa
laki ng mundo, imposible na makita ko pa 'yon."

"Paano kung magkita ulit kayo?"

Natigilan siya. Ganoon din ang tanong ni


Inang Ason sa kaniya. Napabuntong-hininga siya.

"Imposible na magkrus pa ang landas namin, Sir. Mukha namang nabibilang siya sa high society ng
bansa. Pero kung magkikita man ulit kami, gusto ko lang ulit magpasalamat sa kaniya sa ginawa niya.
Kasi kung hindi dahil sa kaniya, baka nasa kulungan na ako ngayon. Wala ho sanang nagtitiis sa inyo na
alagaan at tulungan kayo para gumaling agad kayo," nangingiti na niyang wika nang magbaling ng tingin
dito.

Napatingin siya sa kinakain nito, ubos na ang laman ng pinggan.

"Sir, dadalhin ko na muna sa kusina ang pinagkainan ninyo," aniya rito na kinuha na ang pinggan. At para
hindi na ito maka-react pa ay iniwan na niya ito roon. May tubig naman sa silid nito kaya kahit doon na
lamang ito uminom mamaya.

Sumilay na naman ang ngiti sa labi niya nang maalala ang naging pag-uusap nila ni Mhorric.

Chapter 13

"WALA ka bang... naaalala sa akin?"

Hinilot ni Candy ang kaniyang noo nang bigla ay umeksena sa kaniyang isipan ang tanong na iyon sa
kaniya ni Mhorric. Bakit kailangan nito iyong itanong sa kaniya? Nagkita na ba sila noon? Pero wala
naman itong nababanggit sa kaniya para maalala niya. Ni hindi nito direktang binanggit nang magkausap
sila sa may terrace sa silid nito.

"Ano ba ang ibig niyang sabihin?" naguguluhan pa niyang tanong.

Napabuntong-hininga siya kapagkuwan.

Turningala siya sa madilim na kalangitan. Walang kabakas-bakas na bituin sa langit. Sa hindi kalayuan ay
panay rin ang kidlat.

Siguradong mamayang hating-gabi ay uulan.

Isang hinga pa nang malalim bago niya ipinasyang pumasok sa 100b ng malaking bahay.

"Paano kung ayaw pa rin ni Sir na maglagay ng ointment na 'yan?" naulanigan ni Candy na wika ni
Maring nang palapit siya sa may kusina.

Binilisan niya ang paglalakad.

Nang makarating nga sa mismong kusina ay nakita niya ang isang box ng ointment, na may kalakihan, na
hawak ni Tala. Hindi pa iyon

nabubuksan.
"Eh, sabi ng nurse kailangan itong ilagay ni Sir sa mukha niya at sa lahat ng parte ng kaniyang katawan na
apektado ng mamaso," ani Tala.

Nilapitan niya ang mga ito.

"Ano na naman 'yang pinagtatalunan ninyongdalawa?"

Ipinakita ni Tala ang box ng bagong dating na ointment. "Kailangan daw itong mailagay sa mamaso ni Sir.
Sa tingin mo ba, ilalagay niya ito o itatapon lang din niya sa basurahan?"

"Itinapon ba niya 'yong mga ointment

Turnango ang mga ito. "Shoot sa basurahan." "Ako na ang bahala riyan. 'Wag ninyo ng pagtalunan pa. At
'wag na 'wag ninyo ring dadalhin sa silid ni Sir ang buong box. Kukuha na lang ako riyan kapag lalagyan
siya sa mga mam aso niya."

"Candy, kailangan daw nitong malagyan si Sir ngayong gabi bago siya matulog. Bilin noong nurse na
nagdala nito rito," ani Maring.

Tumango siya. "Sige. Ako na ang bahala." Kumuha siya ng ilang pirasong ointment at siyang dadalhin sa
silid ni Mhorric mamaya. Hindi rin niya sigurado kung magpapalagay nga ang amo nila ng ointment pero
susubukan din niya. Lalo na kung iyon ang makakabuti para dito. "Pupuntahan mo ba si Sir ngayon bago
ka matulog?"

Tapos na rin silang kumain at magsisitulugan na rin sila. Tinanguan niya si Tala.

"00."

"Naku, Candy, good luck," ani Maring.

"Kararating lang ba nito?"

"00. Paglabas sa ospital noong nurse ay saka niya idinaan dito."

"Ah," wika na lang niya.

Uminom muna siya ng tubig bago ipinasya na puntahan na muna sa silid ang amo nila. Alas nuebe na.
Hindi niya alam kung gising pa ba nang ganoong oras si Mhorric o hindi na.

Nang makarating sa silid nito ay kumatok pa siya nangtatlong beses bago hinawakan ang door knob at
bahagyang pinihit pabukas. Nakagat pa niya ang ibabang labi nang bumukas iyon sa pagpihit niya.

Pagkuwan ay huminga siya nang malalim bago lakas-loob na itinulak nang bahagya ang pinto pabukas
para makapasok siya.

Nagtaka pa siya nang hindi makita si Mhorric sa 100b ng silid nito. Nasa banyo ba ito?
Inilapag muna niya sa may coffee table ang ointment na nakalagay pa sa maliit na kahon bago ipinasya
na una munang tingnan ang amo sa may terrace. Kapag kasi wala ito roon ay tiyak na nasa banyo ito.

Binuksan niya ang french door at inilusot ang ulo sa siwang ng pinto. Nakahinga pa siya nang maluwag
nang makita ito na naroon. Nakatanaw na naman sa malayo. Ano kaya ang iniisip nito?

Pagod na ba ito sa sakit nito at gusto na ring gurnaling? O nagmamatigas pa rin at wala pa ring
pakialam?

Maingat ang ginawa niyang paghakbang palapit dito.

"Sir Mhorric," untag niya rito.

Bahagya lang itong nagbaling sa kaniya.

Pagkuwan ay agad ding nagbawi ngtingin.

"What do you want? Tapos na ang oras ng duty mo sa akin."

"Sir, twenty-four-seven po ang duty ko sa inyo hanggat hindi pa kayo gumagaling," katwiran niya sa
sinabi nito.

Napailing-iling ito sa narinig mula sa kaniya. "Bakit ka narito? Wala naman akong natatandaan na
ipinatawag kita."

"Sir, papahiran ko lang po ng ointment ang mga mamaso mo. Kailangan mo po ito bago m atulog."

"Damn that ointment—"

"Sir, kailangan mo po 'yon."

Isang tingin pa sa malayo bago ito pumihit

paharap kay Candy na bahagya pang napaatras. "As far as I can remember, wala namang prescribe na
ointment ang mga albularyo.

Umawang nang bahagya ang labi niya dahil sa sinabi nito na hindi niya alam kung iniinis siya o
pinipilosopo para iwan ito roon.

Both, aniya sa kaniyang isip. Huminga siya nang malalim at pinalampas ang sinabi nito. Puwes, hindi siya
mapapa-walk out ng pamimilosopo nito sa kaniya.

"Sir, hindi po ako narito para makipagbiruan sa inyo."

"May mali ba sa sinabi ko?" pagmaang-maangan pa nito.

"Sir—"
"No. Hindi ako magpapahid ng kung ano sa mukha 1<0," pagmamatigas pa nito bago muling tumalikod
at ibinaling ang tingin sa malayo.

"Dapat nga po nasa 100b na kayo ng ganitong oras dahil mahamog na rito sa labas. Baka ho ubuhin kayo
at sipunin. Lalo kayong mahihirapan."

"Sandali, kanina ka pa po nang po sa akin. Ano ba ang usapan natin?" muli ay humarap ito sa kaniya.

"Kung magmamatigas ka pa rin PO, wala na akong pakialam kung mairita man po ang tainga

mo sa pagbibigay galang ko sa inyo. Quits lang po tayo, Sir," aniya na hindi inalis ang tingin dito.

"Alam mo, sinasayang mo lang ang panahon mo rito."

"Blah. Blah. Blah," aniya. "Hindi ho ako nagsasayang ng panahon dito. Nagtatrabaho ho ako ng marangal.
At 'wag mo na rin pong ibahin ang usapan. Kailangan ko na pong lagyan ng ointment ang inyong
mamaso. Para po

"Drop that damn 'po'," anito na nilampasan na siya at diretsong pumasok sa silid nito.

Agad naman siyang sumunod dito at baka tupakin pa ito at i-lock na naman siya nito roon. Naabutan pa
niya ang pag-upo ni Mhorric sa isang single sofa. At akmang kukunin nito sa coffee table ang ointment
nang unahan niya ito sa pagkuha roon. Baka i-shoot na naman nito iyon sa basurahan. Mas okay na
iyong manigurado siya.

Marahas pa itong huminga at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Titingnan ko lang," pagsusungit pa nito sa
kaniya. Pero hindi iyon umubra sa siguristang katulad niya.

"Sir, katulad lang po ito ng ointment na itinatapon ninyo. Maghuhugas lang po ako ng kamay," wika pa
niya na isinilid sa bulsa ngsuot niyang uniporme ang tatlong kahon na maliliit. Pagkuwan aywalang imik
na tinalikuran na niya ito at hinayon ang kinaroroonan ng banyo nito para maghugas ng mga kamay.

Wala naman siyang narinig na pagtutol mula kay Mhorric. Mukhang pumapayag na itong magpalagay ng
ointment para tigilan na niya ang pag-po-po rito na ikinaiirita nito. Sana nga ay magpalagay na ito para
maibsan din ang pangangati nito. Siguradong makati iyon ngunit tinitiis lang din nito para hindi
makamot. At malaking bagay ang ointment para maibsan ang pangangati nito. Tulong na rin sa mabilis
na pagtuyo ng mga sugat sa mukha nito.

Natigilan pa siya nang makapasok sa banyo. Ang unang umagaw kasi agad sa kaniyang paningin ay ang
malaking salamin na natatakluban ng puting tela. Out of curiosity kaya naman nilapitan niya iyon para
silipin. Humawak siya sa may laylayan ng tela at maingat iyong itinaas nang kaunti.

Napamaang pa siya nang makitang basag ang naturang salamin. Pero bakit? Binato ba iyon ni Mhorric
dahil sa galit sa sarili dahil sa hitsura nito ngayon?
Nakaramdam siya ng pagkahabag para dito. Siguradong hindi nito matanggap ang hitsura nito ngayon
kapag humaharap ito sa salamin. Napabuntong-hininga siya bago binitiwan ang hawak na tela. Binuksan
na niya ang gripo sa may sink at doon ay naghugas ng kaniyang mga kamay.

Kumuha siya ng tissue na nasa gilid ng banyo at nagtuyo ng kaniyang mga kamay. Itinapon din niya iyon
sa trash bin na naroon. Isang sulyap pa sa salamin na natatakluban ng tela bago niya ipinasyang lumabas
na.

'"Wag mong subukan na ilapat ang mga daliri mo sa mukha ko," ani Mhorric nang makabalik siya sa
kinauupuan nito.

"Bakit po hindi?"

"Baka sa halip na gurnaling itong mga mamaso sa mukha ko, lalong ma-infection." "Sir, naghugas na ho
ako ng aking mga kamay."

"Kahit na. Gurnamit ka ng cotton buds," anito na nag-iwas na ng tingin sa kaniya.

Sandali pa siyang napaisip. Pagkuwan ay napatango-tango. May punto ito. "Saan po nakalagay ang
cotton buds ninyo?"

"Mayroon sa drawer sa may banyo, hanapin mo na lang."

"Okay PO," aniya na tinalikuran na ito.

Sa pagbabalik nga niya ay may dala na siyang cotton buds na nakalagay pa sa mismong lalagyan niyon.
Lihim siyang natutuwa dahil sa kabila ng pagsusungit na naman nito ay napapayag niya itong
magpalagay ng ointment sa mukha nito.

"Sir, puwede ho ba na lumipat kayo sa

mahabang sofa para hindi ho ako mahirapan sa paglalagay ng ointment?" request pa niya rito.

"Hindi mo pa rin ba titigilan 'yang pag-po-po

"Ititigil ko lang ho kapag siguradong tapos na ako na maglagay ng ointment sa inyo."

Naiiling na turnayo na ito. "Napakasigurista mo. Sana ay ginamit mo rin 'yang pagkasigurista mo noon
para hindi ka napapahamak," litanya pa nito nang makalipat ng upuan.

"Sir, hindi ho ako ang topic dito. Kaya 'wag mo pong ilihis ang usapan. At isa pa, pinagsisihan ko na ho
ang parteng 'yon ng aking buhay. Kaya hinding-hindi na mauulit."

"We will see," sa halip ay wika pa nito.

Wala ng imik na naupo na siya sa tabi nito. Inilabas na rin niya sa kaniyang bulsa ang mga ointment. Ang
dalawang piraso ay ipinatong niya sa may coffee table. Ang natira naman ay binuksan niya at nilagyan
angdulong bahagi ng cotton buds.
"Hindi ka ba nandidiri sa akin?" ani Mhorric na hindi tumitingin sa kaniya.

Sandali siyang natigilan sa paglalagay ng ointment sa cotton buds. Nang makabawi ay itinuloy na rin niya
ulit.

"Hindi PO," aniya na nagsimula ng pahiran ito sa mukha nito ng ointment.

Ipinikit ni Mhorric ang mga mata nito. "Siguro nagtitiis ka lang din sa hitsura ko kapag magkaharap tayo."

"Sir, alam mo ang nega mong tao. Hindi ho ako judgemental. Alam ko naman na hindi mo rin po ginusto
na magkaroon ng ganiyang sakit, aniya na patuloy lang sa paglalagay ng ointment dito. "At saka, kita mo
naman na hindi ako natatakot sa inyo o ano pa man kaya first day ko pa lang dito ay hindi ko na isinuot
ang face mask na ibinigay sa akin. Para lang patunayan sa inyo na hindi rin po ako takot na mahawaan
ngsakit mo. Kung tamaan man ako, hindi naman darating sa punto na matulad sa nangyari sa inyo kasi
aagapan ko agad. Hindi ako kakain ng masasarap katulad ng sugpo, alimango, karneng baboy, baka o
manok... wala naman kasi akong pambili," nangingiti pa niyang wika sa huling sinabi. "Kahit sa buong
durasyon ng sakit ko ay bulanlang na malunggay lang ang ulam ko sa kanin, wala naman pong kaso sa
akin. Three times a day rin ho akong iinom ng herbal medicine. Ewan ko na lang kung magtagal pa ng
tatlong araw ang mamaso sa katawan ko."

Wala siyang nakuhang sagot mula kay

Mhorric. Inihinto niya ang ginagawa at sinulyapan ang mga mata nito. Nakatulog na ba ito?

Saka naman nagmulat si Mhorric ng mga mata nito. Nang magpaling ito sa kaniya nang

tingin ay sandali pang nagtama ang mga tingin nila. Bakit kakaiba ang dulot niyon sa kaniya?

Ramdam niya sa bahagyang burnibilis na pintig sa dibdib niya. O baka naman kinakabahan siya dahil sa
pagkakahuli nito na nakatingin siya rito?

"A-ah, hindi ka na ho kasi nagsasalita. Baka nakatulog ka na," aniya na binalikan na ang ginagawa at
iniiwas na ang mapatingin sa mga mata nito.

"Bilisan mo na lang diyan," anito na muli ng pumikit.

Kin agat ni Candy ang kaniyang ibabang-labi para pigilan ang muling pagsasalita. Baka sabihan pa siya
nito na feeling close na rito kung makikipag-usap siya rito na para bang nakikipagkuwentuhan. Kailangan
pa rin niyang ilugar ang sarili kahit na ang totoo ay napapanatag na ang 100b niya rito kahit sa
kakaunting panahon pa lang na pagsasama nila sa lugar na iyon.

"Sir," aniya na sumilay ang ngiti sa labi nang makitang natutuyo na ang ibang mar-naso nito na nasa
parteng unahan ng anit nito. "Natutuyo na ho ang iba ninyong mamaso. Kaya ituloy ninyo lang po ang
pag-inom ng herbal juice na ipinaiinom ko sa inyo. Saka paghigop ng bulanlang na malunggay."

"May maidahilan ka lang para ipagpatuloy ko 'yang prescribe mong gamot sa akin
"Sir, pampabilis lang po ng paggaling ninyo 'yon. Kita ninyo? Kita na ang resulta. Kaunti na lang at lahat
ng mamaso ninyo ay mawawala na rin. Saka 'yang pamamaga ng mukha mo, siguradong mawawala na
ng tuluyan."

"Ang saya mo kapag nangyari 'yon."

"Syempre PO. Kasi, mission accomplish, aniya na sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.

"Hindi lahat ng tao ay kayang tanggapin ang hitsura ko. ..

Nabitin sa ere ang pagpapahid niya ng gamot sa mukha nito. Tumikhim siya. "Sir, diyan mo rin po
makikita kung sino ang totoo sa iyo at sino ang hindi. 'Yong mga taong mapagkunwari na sa hitsura lang
tumitingin at hindi sa kalooban."

"Kalooban? Ano'ngtingin mo sa akin base sa sinasabi mong kalooban at hindi sa hitsura ko?"

Ayan na, Candy, ang amo mo na ang feeling close sa iyo, anang epal niyang isipan.

"Base sa instinct 1<0, Sir, front mo lang ang pagiging masungit mo para layuan ka ng mga taong
nakapaligid sa iyo. At ang pagiging bugnutin mo, tingin ko, dala lang 'yan ng nangyari sa inyo. Sigurado
po ako na may mabuti pa rin kayong kalooban."

Patunay na roon ang sinabi ng Iola nito na

uma-attend ito ng mga mission para tumulong.

'"Wag kang pakasigurado sa instinct mo. Ni hindi mo nga napakinabangan ang instinct na 'yan nang
ayain ka sa raket na pagbebenta ng bawal na gamot."

"Sir, ayan ka na naman sa pambabara mo sa akin ng ganiyan. Hindi ka ho ba maka-move on diyan? Ako
ho kasi ay nag-mo-move on na. Move on din 'pag may time."

"Muntikan ka ng mahuli."

"Pero may nagligtas po sa akin," katwiran niya.

"Paano kung wala?"

"Malakas po ang pananalig ko sa panginoon kaya hindi Niya ako pababayaan na mapahamak. Change
topic na ho at ikaw ang usapan dito, hindi ang minsan ko ng pagkakamali sa raket na pinapasok ko."

"Whatever."

"Magpagaling ka na, Sir. Para hindi ka na nahihirapan sa kundisyon mo."

"Saan pa ba ang punta 1<0, ngayong may makulit na sugo ang Iola ko na ipinadala rito?" Sugo talaga?

"Blessing in disguise po ako para sa Iola ninyo," pagyayabang pa niya.


"TSS. Kung hindi ka lang inalok ng malaking halaga, I don't think kakagatin mo ang trabaho na

ito."

Bakit nakaramdam siya ng pinong kurot sa kaniyang puso dahil sa sinabi nito? Dahil ba halos ipamukha
niya rito ang pagiging mukhang pera niya noon? Napabuntong-hininga siya. Pinili na lamang niya ang
manahimik at hindi na tinugon ang sinabi nito.

Si Mhorric naman ang napamulat ng mga mata dahil sa pananahimik niya.

"Silence means yes," wika pa nito.

"Tapos na PO," sa halip ay wika niya.

Ni hindi niya ito tinapunan ngtingin nang kunin niya ang natirang ointment at lalagyan ng cotton buds.
Ibinalik niya iyon sa banyo habang habol siya ni Mhorric ng tingin. Ang isang box ng ointment na naubos
na ay itinapon na niya sa may trash bin. Pati ang mga cotton buds na nagamit na. Dadalhin naman niya
pabalik sa baba ang natira niyang ointment.

Palabas na siya sa banyo nang makita si Mhorric na nakatayo sa may pintuan.

"Ay kabayo!" gulat pa niyang bulalas na napahawak pa sa kaniyang dibdib. Bigla ba namang sumulpot sa
paningin niya. "Babanyo ho ba kayo?"

"Are you offended?" sa halip ay tanong nito sa kaniya.

"Sa sinabi ko kanina."

Bakit mukhang big deal iyon dito?

"Okay lang kung mukhang pera ang tingin mo sa akin. Alam ko naman sa sarili ko na marangal na
trabaho itong pinasok ko. At hindi naman para sa sarili ko ang presyong ibinigay sa akin ng Iola mo, para
'yon sa pamilya ko kaya hindi ko tinanggihan. Magpahinga na ho kayo," aniya na nilampasan na ito.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad palabas sa silid na iyon ni Mhorric. Mas ginugulo siya ngayon ng isipin
na, bakit mukhang big deal dito ang reaksiyon niya kanina sa sinabi nito kaysa sa pagiging mukhang pera
niya?

Napabuga siya ng hangin.

Ayaw niyang gawing big deal din iyon. Ayaw niyang bigyan ng stress ang kaniyang sarili. Sabi nga, hindi
natin lahat ma-pi-please ang mga taong nasa paligid natin. Kaya bahala na si Mhorric sa gusto nitong
isipin. Ang importante, pinagtatrabahuhan niya ang halagang kikitain niya at hindi ninakaw.

Chapter 14
KATATAPOS lang mananghalian ni Candy nang makatanggap siya ng tawag mula kay Donya Teresa. Hindi
pa ito nakakatawag sa kaniya kaya natutuwa siya na makatanggap ng tawag mula rito.

"Salamat, Tala," aniya kay Tala nang ibigay nito sa kaniya ang wireless phone. "Hello PO, Donya Teresa?"

"Kumusta na ang apo ko, hija?" bungad agad nito sa kaniya.

Napangiti siya. "Mabuti naman PO. Napilit ko pong kumain ng gulay at itigil ang mga bawal na gusto
niya. Sinisigurado ko po sa inyo na mabilis gagaling ang apo ninyo. Kasi kahit ano'ng pagsusungit niya ay
wala siyang choice kundi ang sundin ang gusto ko. Para din naman po 'yon sa kaniyang kapakanan.
Nagtataka nga lang po ako kung bakit ayaw niyang gumaling noong una. 'Yon ho kasi 'yong napansin ko
sa kaniya noong una kong tuntong dito sa inyong bahay.

Kumakain po siya ng bawal. Tapos ayaw urninom ng gamot at magpahid ng ointment sa mamaso niya.
May pinagdadaanan po ba siya bukod sa mamaso niya? Pasensiya na po kung masyado akong mausisa.
Nagtataka lang po talaga ako." Hindi rin naman sumasagot si Mhorric kapag tinatanong niya.

Napabuntong-hininga ang Donya. "Hindi ko rin masasagot ang tanong mo, hija. Kahit sa akin ay ayaw
magsalita ng bata na 'yan. Kaya inuunawa ko na langdin. Dalawa lang naman 'yan, kung hindi dahil sa
sakit niya, baka dahil sa nobya niya."

Natigilan si Candy. May nobya si Mhorric?

Ano ka ba, Candy? Ano'ng akala mo, wala?

Ipinilig niya ang kaniyang ulo. Malay ba niya. Pero bakit walang pumupunta roon na nobya ng amo nila
kung totoong may nobya ito? Panibagong katanungan iyon sa kaniya. Sa pagkakaalam niya, dapat ang
magkarelasyon ay nagdadamayan. Pero ni dulo ng buhok niyon ay hindi niya nakikita sa malaking bahay
na iyon. Natatakot din ba iyong mahawa kay Mhorric? Sa isip ay napailing-iling siya.

"G-ganoon po ba? Pero simula po noong pumunta ako rito, wala naman pong dumadalaw kay Sir
Mhorric na nobya niya."

"Hindi ko lang din alam, hija. Hindi ko naman alam kung paano ma-contact ang nobya n iya

"Ang mga magulang po ni Sir Mhorric? Hindi po ba sila dadalaw rito?"

"Hija, wala na ang mga magulang ni Mhorric.

Kami na lang ng kaniyang 1010 ang turnatayong mga magulang niya. Bata pa sila ni Sugar nang parehas
na sumakabilang buhay ang mga magulang nila. Bunsong kapatid ni Mhorric si Sugar."

"Nasaan na po si Ma'am Sugar?"

"Wala na rin," malungkot nitong wika.

Napahawak siya sa kaniyang bibig. "S-sorry PO, Donya Teresa. Masyado na po akong matanong."
"No, it's okay. Pero pakiusap ko langsa iyo, hija, 'wag na 'wag kang magtatanong o magbabanggit kay
Mhorric ng tungkol sa mga magulang at kapatid niya. Ayaw kong ma-stress o makaramdam ng
depression ang apo ko. Siya na lang din ang natitira sa amin ng 1010 niya."

Turnango siya kahit hindi siya nito nakikita.

"Opo. Makakaasa po kayo."

Nalulungkot siya sa kaniyang nalaman. Wala na ang mga magulang ni Mhorric. Maging ang nag-iisa
nitong kapatid ay wala na rin.

Siguradong napakasakit niyon para dito.

Huminga siya nang malalim. "Ako na po ang bahala sa inyong apo, Donya Teresa."

"Salamat, hija. Sana'y mahaba pa ang pasensiya mo sa apo 1<0. Salamat sa pag-aalaga mo sa apo ko. Sa
iyo ko na muna siya ipinagkakatiwala ngayon. Gustuhin ko man na puntahan siya riyan ay ayaw naman
niya. Ayaw niyang makita kami ng 1010 niya hanggat hindi siya burnabalik sa dati. Gusto rin niyang
mapag-isa kaya hinayaan na lang namin siya sa gusto niya. Tinatawagan na lang namin siya para
mangamusta sa kaniya."

'"Wag po kayong mag-alala dahil ako na po ang bahala sa apo ninyo."

Sisiguraduhin niya na gagaling ito. At sisikapin niyang iparamdam dito na hindi niya ito iiwan sa panahon
na nag-iisa ito.

Wow naman Candy ang lalim. Ingat ka at baka mahulog ka sa sobrang lalim, epal ng isip niya. Naipilig
tuloy niya ang isip niya.

"Kung may kailangan kayo riyan, don't hesitate to tell me. Alam naman nina Ason ang numero dito sa
bahay."

"Sige PO, Donya Teresa."

"Ang pagkain ng apo ko, ano pa ang kailangan niya?"

"Ah, malapit ko na pong makalbo 'yong puno ng malunggay dito sa bakuran ninyo. Baka po
mangapitbahay na ako sa susunod," biro pa niya na ikinatawa nito. Napangiti siya nang marinig ang
tawang iyon ng Donya.

"Ganoon ba? Ay siya, sasabihan ko na magtanim na ulit ng panibagong puno ng malunggay riyan. O
kaya, magpapa-deliver ako ng mga dahon kung wala na talaga."

Wala talagang imposible sa mga

mayayaman.
"Hindi na PO, nakita ko sa kabilang bahay na may tanim na malunggay, hihingi na lang ho ako kapag
nagkaubusan na rito. Kaya pa naman hanggang ngayong linggo na ito 'yong mga dahon ng malunggay sa
puno kaya no worries PO, Donya Teresa."

"Are you sure?"

"Opo. Mag-ingat po kayo riyan. Hindi po magtatagal at magiging okay na rin po si Sir Mhorric."

"Salamat hija."

Nang matapos ang tawag na iyon ay napabuntong-hininga na naman siya. Hindi pa rin siya maka-move
on sa kaalaman na wala na ang pamilya ni Mhorric.

Turniim ang labi niya nang maisip din ang nobya nito na missing in action ngayong may dinaramdam ito.

Kumuha siya nang walis at dustpan. Nagdala na rin siya ng pang-vacuum sa mga upuan na nasa may
terrace ni Mhorric. Para siguradong walang alikabok na mamahay sa mga upuan na naroon.

Sus, Candy, dahilan mo lang angpaglilinis para i-check ang amo mo...

Whatever, gaya niya sa litanya ni Mhorric.

"Aakyat ka?" pansin pa sa kaniya ni Maring.

Tinanguan niya ito. "00. Lilinisan ko 'yong terrace."

"Sige," wika nito.

Nagpatuloy na sa paglalakad si Candy papunta sa pangalawang palapag ng bahay.

Ngunit wala sa buong silid ang amo nila. Napabuntong-hininga siya. Kahit sa banyo ay wala rin ito.

Nagkibit-balikat na lamang siya at ginawa na ang gagawin sa may terrace. Doon niya inabala ang sarili. ..
sa paglilinis.

Nang matapos sa paglilinis, sa halip na urnalis na ay ipinasya muna niya na maupo sa naroong upuan at
tumanaw sa kinaroroonan ng Bulkang Taal.

Bakit apektado pa rin siya ng mga nalaman niya?

Hindi maikakaila ang lungkot na nakabakas sa maganda niyang mukha habang nakatanaw sa malayo.

"Ginagawa mong tambayan itong terrace

1<0."

Napapitlag si Candy nang marinig ang boses ng amo. Agad siyang tumayo nang malingunan si Mhorric.
Bahagya siyang nakaramdam ng pagkapahiya rito. Para bang nahuli siya sa akto na nagpapasarap lang sa
oras ng trabaho.
"Katatapos ko lang maglinis clito sa terrace,

Sir. Namamahinga lang ho sandali."

"Ayan ka na naman sa 'ho' mo," naiiling nitong wika na naupo sa katapat niyang upuan. "Maupo ka kung
namamahinga ka."

"O-okay lang sa inyo?"

Tumango ito. Kaya naman naupong muli si Candy. "Saan ka p—galing?" nakagat niya ang ibabang-labi.

"Kasama ba 'yan sa trabaho mo? Ang usisain kung ano ang mga ginagawa ko?"

Nag-init ang mga pisngi niya sa sinabi nito. "Nagtatalong lang naman, Sir. Ahm. tumawag kanina si Donya
Teresa," aniya kapag kuwan.

"Ano'ng sabi?"

"Kinukumusta ka. Kako, malapit ka ng gurnaling."

"Sure na sure ka talaga sa paggaling 1<0." Ngumiti siya at tumango. "Syempre, Sir. Kailangan mo ng
gumaling para makita mo na ulit ang lolo't Iola mo. Siguradong miss mo na rin sila."

Tumingin ito sa malayo. "Kahit naman gumaling ako, hindi pa rin ako puwedeng lumapit basta-basta sa
kanila. Masyado na silang matanda para mahawaan ko pa ng sakit ko. It takes one month, bago ko sila
malapitan. Para sure na hindi sila mapapaano."

Mataman lang niyang pinagmasdan si

Mhorric. Inaalala talaga nito ang kapakanan ng lolo't Iola nito. May ngiti tuloy na gurnuhit sa labi niya.
Bagay na hindi nakaligtas sa paningin ni Mhorric nang magbaling itong muli ng tingin sa kaniya.

"Ano'ng inginingiti-ngiti mo riyan?"

"Nakikita ko lang ho na mahal na mahal ninyo ang lolo't Iola mo."

"Katulad ng pagmamahal mo sa mga magulang mo," anito na nagbawi na ng tingin.

Candy, change topic na at baka madulas ka pa at hindi mo maiwasan na hindi mabanggit ang tungkol sa
mga magulang niya... siguradong maiihagis ka ng amo mo sa Bulkang Taal.

Huminga siya nang malalim. Iniba na niya ang topic nang muli siyang magsalita. "Sir, kumusta ang
pakiramdam ninyo?

Nakakaramdam pa ba kayo ng pangangati?" Umiling ito na ikinangiting lalo ni Candy. "Effective," masaya
pa niyang bulalas. Siguradong iimpis na ang mukha nito mula sa pamamaga dahil na rin sa ointment na
malaking tulong din para dito. "Mamaya ulit gabi, papahiran ko kayo ng ointment bago matulog."
"Alam mo, ako 'yong amo mo rito pero ikaw pa ang mas nasusunod sa lahat. Palit na lang kaya tayo,
ikaw na ang amo ko ngayon," sarkastiko pa nitong wika sa kaniya.

"Sir, para lang naman sa kapakanan mo ang mga ginagawa ko. Pero higit sa lahat, para kay Donya
Teresa. Sa akin ka niya ipinagkatiwala ngayon. Sabi ko nga, kaunti na lang at makakalbo na ang puno ng
malunggay. Kaya sa susunod, manghihingi na ako sa kapitbahay ngdahon ng mga malunggay."

"Seryoso?" react pa nito sa kaniyang sinabi. Tumango siya habang bakas pa rin ang ngitl sa labi.

"Your name?" bigla ay tanong nito.

"Pangalan mo."

Kumunot ang noo niya. "Hindi mo pa alam ang pangalan ko, Sir?"

Urniling ito. Hindi pa ba niya naiipakilala ang sarili rito? Maging siya ay limot sa bagay na iyon. "Ang
pangalan ko ay... Hmmm. Bibigyan ho kita ng clue, kasing tamis ng ngiti ko ngayon," aniya na ipinamalas
pa rito ang kaniyang matamis na ngiti.

Hindi alam ni Candy kung nakini-kinita lang ba niya na sandali itong natigilan sa pagngitl niyang iyon. O
baka guni-guni lang niya? Asumera na naman siya.

"Sweet?" hula pa nito sa kaniyang pangalan.

Umiling siya. Unti-unting nabura ang ngiti sa labi niya nang maisip na hindi nalalayo ang pangalan niya sa
pangalan ng kapatid nito. Siya si Candy, habang ang kapatid naman nito ay si Sugar. Baka maalala pa nito
sa kaniya ang kapatid niya.

'"Wag mo ng hulaan, Sir. Kahit hindi mo na rin malaman kasi siguradong pagkatapos ng trabaho ko rito...
wala ngdahilan para magkrus ulit ang landas natin," aniya na ibinalik ang ngiti sa labi. Nagbawi na siya
ngtingin at itinuon iyon sa malayo.

"Ganoon ba angtingin mo sa mga taong nakakasalamuha mo sa trabaho mo?"

Turnango siya. "Ganoon naman ang nangyayari talaga."

"Paano kung makasalubong kita isang araw, ano'ng itatawag ko sa iyo? Miss Albularyo?" lyong tawa na
pinipigilan niyang kumuwala nang muli niya itong balingan ay hindi maikakaila sa maganda niyang
mukha. "Sige. Wala namang problema, Sir. Siguradong makikilala agad kita dahil ikaw lang naman
angtumatawag ng ganiyan sa akin."

"TSS. Pabor na pabor pa sa iyo. Ikaw ang bahala kung ayaw mong ipaalam kung ano ang pangalan mo."

Bakit nga ba ipinagdadamot niya ang pangalan niya rito? Dahil ba ayaw niyang umasa na darating pa ulit
ang araw na magkrus ulit ang landas nila? Na isang araw ay may bigla na

lam ang tatawag sa kaniyang pangalan?


Nakakapagod lang umasa, aniya sa isip. Mas okay na 'yong magawa ko ang trabaho ko rito. Kahit na
hindi na malaman ng kaniyang amo ang pangalan niya. Hindi nga rin alam ni Donya Teresa ang buong
pangalan niya. Kilala lang siya nito bilang si Candy. Maging kung taga saan siya ay hindi rin nito alam.

Nagbaba siya ng tingin sa lamesa na nakapagitan sa kanila ni Mhorric. Hangad lang talaga niya na
gurnaling na ito. lyon lang, masaya na siya. Kaya nga palagi rin niya itong isinasama sa kaniyang mga
panalangin bago siya matulog at sa bawat paggising niya.

Tumayo na siya nang manahimik na si Mhorric. "Bababa na muna ako, Sir. Magsiyesta ka muna para
makapahinga ka."

"Siyesta?" kunot pa ang noo na tumingin ito sa kaniya.

"Matutulog. Kapag ganitong oras, masarap matulog."

"So, kaya ka bababa na ay para magsiyesta

Umiling siya. "Tutulong ako sa mga kasama ko kung may ginagawa sila. Hindi kami narito at sumasahod
para lang magsiyesta. Maiwan na muna kita," aniya na kinuha na ang mga dala niya roon.

"Kung wala naman kayong ginagawa na, mamahinga kayo. Hindi naman kayo robot," ani Mhorric habang
nakatingin sa malayo.

Hindi napigilan ni Candy ang ngiting sumilay sa kaniyang mga labi. Nakakatuwa lang na marinig iyon
mula rito. Samantalang ang ibang mayayaman, hindi puwedeng huminto sa trabaho hanggat hindi
gurnagabi.

"Salamat, Sir," aniya na tuluyan na itong iniwan sa may terrace.

Readers also enjoyed:

My Miracle Luna (Complete)

8.8M Read

TAGS alpha fated kickass heroine

Chapter 15

PAGKASAMPAY ni Candy sa sampayan, ng kaniyang mga damit na nilabhan, saka lang siya naupo sa
bangko.
"Nakapaglaba rin," nakangiti pa niyang wika habang pinagmamasdan ang kaniyang mga kasuotan sa may
sampayan sa likod ng malaking bahay.

Naglaba siya gamit ang mga kamay niya sa halip na gumamit ng washing machine na naroon, na sa tingin
niya ay nangangain ng bano na katulad niya na nasanay sa paglalaba gamit ang mga kamay. Kahit kasi
washing machine na ordinaryo ay wala naman sila sa kanilang bahay. At ang naroong washing machine
ay maraming pinipindot. Baka sa maling pindot lang niya ay magkaroon ng sira ang naturangwashing
machine. Nahihiya naman siyang abalahin Sina Maring at Tala na abala sa kani-kaniyang ginagawa nang
urnagang iyon. Idinahilan na lamang niya sa mga ito na mas gusto niyang i-hand wash ang mga darnit
niya.

"Candy, tapos ka na ba riyan?"

Nalingunan niya si Maring. Tinanguan niya ito. "00. Katatapos ko lang maglaba. Bakit?"

Napakamot ito sa may batok nito. "Eh, kasi si

Sir Mhorric."

"Ano'ng nangyari?" aniya na napatayo pa. Bigla ay nakaramdam siya ng pag-aalala para sa kanilang amo.
"May nangyari ba sa kaniya?"

Dahil wala siyang day-offsa trabaho kaya naglaan siya ng ilang oras para sa paglalaba ng kaniyang mga
personal na kasuotan nang umagang iyon.

"H-hindi naman sa ganoon. Pero kasi, ayaw niya kaming papasukin sa loob ng silid niya para dalhan siya
ng almusal niya. Pati pagpapalit ng cover ng kaniyang kama, punda ng unan at comforter. .. ayaw talaga,
eh."

"Bakit daw?"

"Eh, ikaw raw ang nakatoka sa kaniya. Kaya ikaw ang gumawa ng mga ipinakisuyo mo sa amin."

"Sinabi mo ba na naglalaba ako kaya mam ayang after breakfast ko siya mapupuntahan?"

Tumango ito. "00. At wala raw siyang pakialam. Basta ikaw ang magdala ng almusal niya at mag-ayos ng
kaniyang kama." Napailing-iling ito. "Muntik na nga akong mapatalon kanina kasi akala ko ay
bubulyawan niya ako. Pero hindi naman nangyari 'yong nasa imagination 1<0."

"Ah, sige. Tapos na rin naman ako rito sa ginagawa ko. Pupuntahan ko na muna si Sir sa

silid niya at baka malipasan ng gutom."

"Mabuti pa. Haaay. Sala sa lamig, sala sa init," litanya pa ni Maring.


"Hayaan mo na," aniya na nagpatiuna na papasok sa 100b ng kusina. Dumaan siya sa back door ng
kusina. Nakasunod naman sa kaniya si Maring.

"Naghanda si Inang Ason ng panibagong serving ng pagkain para kay Sir Mhorric. 'Yong kanina kasi ay
lalamig kaya kinain ko na para hindi masayang."

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na hindi pa nakakapag-almusal si Sir Mhorric?"

"Abala ka sa paglalaba."

"Maring, mas importante pa rin si Sir kaysa sa labahin 1<0," aniya.

"Eh, ikaw nga, hindi pa rin nag-aalmusal."

Napabuntong-hininga siya. Uminom lang siya kanina ng kape bago siya maglaba. Mamaya na lamangsiya
kakain.

"Dadalhin ko na ito sa itaas," aniya kay Maring bago binuhat ang tray na may lamang pagkain ni Mhorric.

Hindi na talaga mawawala sa menu nito sa araw-araw ang bulanlang na malunggay. At dahil hindi rito
puwede ang kape. Lalo na ang gatas, kaya naman ang pinakapampainit nito sa tiyan ay ang bulanlang na
malunggay.

Nang makarating sa second floor ay ipinatong niya sa ibabaw ng food trolley na kulay gold ang tray ng
pagkain para hindi siya mahirapan sa pagbibitbit niyon. Itinulak na lang niya ang food trolley hanggang
sa makarating sa tapat ngsilid ni Mhorric.

Nang makarating siya roon ay kumatok siya ng tatlong beses sa may pinto. Pagpihit naman niya sa door
knob ay naka-lock iyon. Ayaw ba talaga nito na sina Maring ang papasok sa loob?

Napaka-choosy naman nito kung ganoon.

Sa halip na magsalita pa ay kumatok na lang siya nang kumatok sa may pinto.

"Sinabi ko naman na—" nabitin sa ere ang paglilitanya ni Mhorric nang makita siya nito, pagkabukas nito
nang pinto. Sandali pa itong tila ba natigilan habang nakatitig sa kaniya. Nang makabawi ay nag-iwas
muna ito ngtingin bago muling ibinalik sa kaniya. "Bakit ang tagal mo?" Siya naman itong mukhang
nakalulon sa kaniyang dila. Bakit parang dinaig pa nito ang kaniyang tatay kung magtanong ito kung
bakit angtagal niya? Sa isip ay agad niyang ipinilig ang kaniyang ulo.

"Sir, sinabihan ko naman sina Maring na naglalaba ako kaya hindi muna ako makakapunta rito ngayong
umaga. Kaya Sila muna ang pinakisuyuan ko. At kung hahanapin ninyo ako, sabihin lang nila sa inyo ang
ginagawa ko." "Whatever," sa halip ay wika nito.

Natameme siyang lalo nang kunin na nito sa may trolley ang tray ng pagkain at dalhin sa loob ng silid
nito. Sa halip na siya ang magdadala niyon ay ito na ang nagdala. Itinulak na lang niya ang food trolley
papasok sa loob at inilagay iyon sa may gilid. Pagkuwan ay tiningnan niya si Mhorric na dumiretso sa
may terrace. Doon ito kumain ng almusal nito.

At talagang pinanindigan nito na kakain lang ito kapag siya ang nagdala ng pagkain nito. Ano naman kaya
ang naisipan nito at ganoon ang iniakto nito?

Imposible naman na dahil siya ang gusto nitong makita.

Hoy, Candy, umiral na naman ang pagkaambisyosa mo. Take note, maygirlfriend ang amo mo. As
in,jowa. Kaya iwasan mo ang mag-isip ng mga ganiyang kahibangan, an ang isip niya.

00 nga pala. Taken nga pala ito. Bawal pag-isipan ng kung ano-ano. At isa pa, hindi pa naman siya hibang
para pagnasahan ang kaniyang amo. Tiyak na wala siya sa kalingkingan ng kasintahan nito o ng mga
babaeng dumaan na sa buhay nito. At kung makakarating dito ang naiisip niya, baka pagtawanan pa siya
nito at masabihan na ambisyosa masyado.

At kapag pagbabasehan pa lang ang

kaniyang educational background at ang family background, lagapak na siya. Kumbaga tapos na ang
laban, uwian na dahil talo na siya.

Pinuntahan niya si Mhorric sa terrace. "Sir," untag niya rito. "May kailangan pa ba kayo?"

"'Yong kama," anito na hindi nag-abala na tingnan siya.

Kama?

Nag-loading sandali ang isip niya. Nang ma-gets ay para bang gusto niyang tuktukan ang kaniyang ulo
dahil para bang gusto pa niyang bigyan ng ibang meaning ang sinabi nito. Eh, ang tinutukoy lang naman
nito ay palitan na niya ang nasa kama nito.

"A-ah, sige, Sir," aniya na hinayon na ang pagbalik sa 100b ng silid ni Mhorric.

Lingid naman sa kaniya ang pagsunod ng tingin sa kaniya ng amo.

Agad niyang inasikaso ang pagpapalit ng mga gamit sa kama ni Mhorric. Tiniklop din niya ang mga
labahin nang matanggal iyon. Pagkuwan ay binuhat na gamit ang kaniyang mga kamay. llalabas na sana
niya iyon nang maalalang magpaalam muna sa kaniyang amo. Kaya naman inilapag niya iyon sa sahig at
pinili munang puntahan si Mhorric. Maayos na rin ang kama nito.

Si Mhorric naman ay patapos pa langsa kinakain nito.

"Excuse me, Sir," magalang pa niyang agaw sa pansin nito.

"Hmmm?" anito na hindi tumitingin sa kaniya.


"Dadalhin ko lang sa laundry area 'yong mga pinagpalitan sa kama ninyo," kaswal niyang wika.

Ibinaba nito ang hawak na kutsara at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Nakakuha ka na naman ng
panibagong excuse para maglaba.

Bahagyang urnawang ang labi niya sa sinabi nito. Iniisip ba nito na siya ang maglalaba ng mga iyon?

"Sir, dadalhin ko lang sa laundry area ang mga pinagpalitan sa inyong kama. Pero si Tala ang nakatoka na
labhan ang mga 'yon."

Sandaling mataman siya nitong tinitigan. Wari ay tinatantiya ang kaniyang sinabi. Sa huli ay nagbawi rin
ito ngtingin.

"Bilisan mo."

Bilisan niya? Pero bakit?

"May ipapagawa ba kayo, Sir?" hindi niya napigilang itanong.

"Lagyan mo ng ointment ang mamaso ko."

Sandali na naman siyang nawalan ng masasabi. Nang makabawi ay may ngiti sa labi na tumango pa siya.

"Sige, Sir."

Pinasasaya na naman siya nito dahil sa

pagpepresenta nito na lagyan niya ito ng gamot.

Tipong hindi na kailangan pang pilitin.

"Sana, palagi kang ganiyan, Sir Mhorric," wika pa niya habang naglalakad.

Nakaligo na rin naman ito base sa hitsura nito at mamasa-masa pang buhok kaya puwede ng lagyan ng
ointment ang apektadong balat nito.

"Babalik ka pa sa taas?" salubong sa kaniya ni Tala nang madala ni Candy sa laundry area ang mga
labahin.

Tumango si Candy. "Patapos pa lang si Sir kumain. Lalagyan ko rin ng ointment ang mukha niya bago ako
burnaba ulit mamaya."

"Ah, kaya siguro ikaw ang gusto ni Sir na magdala ng pagkain niya kasi gusto rin niyang magpalagay ng
ointment. Mukhang mas sanay na si Sir sa presensiya mo, Candy. Sabagay, hindi naman kataka-taka
dahil ikaw ang palagi niyang nakikita at nakakasama sa araw-araw. Sige na at baka mainip si Sir sa
paghihintay sa iyo," pagtataboy na nito sa kaniya.
Nakangitingtinanguan niya si Tala bago ito nilampasan. Kumuha lang siya ng ointment sa pinagtataguan
niyon bago may pagmamadali na hinayon angsilid ng amo.

Nang makabalik siya sa silid ni Mhorric ay napahinto pa siya sa paglalakad nang makita niya sa may
ibabaw ng food trolley ang pinagkainan ni Mhorric. Nang silipin niya ito sa may terrace ay wala ito roon.

Nang magbaling siyang muli ng tingin sa 100b ng silid ay saka niya nakita angtaong hinahanap. Galing ito
sa banyo. Nasundan ni Candy ng tingin si Mhorric nang dumiretso ito ng upo sa mahabang sofa.

"May dala ka na bang ointment?"

Tumango si Candy. "Yes, Sir. Kukuha lang ako ng cotton buds," aniya na hinayon na ang banyo.

Hindi naman siya roon nagtagal at agad ding binalikan si Mhorric para lagyan ng gamot ang mamaso
nito. Naupo siya sa tabi nito. Dahil mukha nito ang kaniyang lalagyan ng ointment kaya hindi maiwasan
na masyado siyang malapit dito.

Sa kabila niyon, kahit kitang-kita niya ang pinsala sa mukha nito, hindi pa rin sumagi sa isip niya na
pandirihan ito. O kahit ang makaramdam ng pandidiri.

Sign na ba iyon para maging nurse siya sa totoong buhay?

Sa isip ay napangiti siya. Suntok sa buwan ang kurso na iyon. Masyadong malaki ang gastos. llalaan na
lamang niya sa pag-aaral ng kaniyang mga kapatid.

"Okay na, Sir," aniya na inilagay na sa kahon ang ointment at turnayo na rin para itapon sa banyo ang
cotton buds. "May kailangan pa ba Urniling ito. "Wala na."

"Bababa na muna ako, Sir. Turnawag na lang kayo sa intercom kapag may kailangan kayo."

"Sige."

Nang mukhang wala na itong sasabihin pa kaya naman nagdesisyon na siyang lumabas na habang tulak
ang food trolley.

"Thank you."

Napatigil siya sa akmang paglabas sa pintong binuksan nang marinig ang tinig na iyon ni Mhorric.
Huminga muna siya nang malalim bago ito nilingon. Nginitian pa niya ito.

"Welcome, Sir."

Chapter 16
NAPAHINTO sa akmang pag-akyat si Candy sa may hagdanan nang makita si Tala na may kasamang
babae na papasok sa may pinto ng malaking bahay na iyon. Hindi niya maiwasan ang magtaka kung sino
iyon.

Maganda ang babae, poise na poise ang bawat galaw. May katangkaran din ang balingkinitan nitong
katawan. Mukhang mayaman dahil sa suot at branded na shoulder bag. Maging ang mukha niyon ay
napakasopistikadang tingnan dahil sa makeup. Tumutunog din ang bawat hakbang nito sa marmol na
sahig dahil sa suot nitong high heels sa mga paa.

"Candy, pakisabi kay Sir Mhorric na may bisita siya," ani Tala sa kaniya. "Ma'am maupo po muna kayo,"
ani Tala sa babae na iminuwestra pa ang upuan sa may salas.

"Ano pong pangalan nila, Ma'am?" magalang pa niyang tanong para masabi niya sa amo kung sino ang
dumating kapag nagtanong ito.

"Hindi mo ba ako kilala?" sa halip ay tanong nito sa kaniya na pinagtaasan pa siya ng kilay.

Urniling siya. Hindi naman kasi talaga niya alam kung sino ito.

"Wala bang naulit sa inyo ang amo ninyo na parating ako?" demand pa nito.

"Wala pong nasabi si Sir na may parating siyang bisita."

"Fine. I'll call him," sa halip ay wika nito na kinuha na ang cellphone at nag-dial doon ng numero.

"Maghahanda lang ako ng meryenda ng bisita," ani Tala sa kaniya bago ito dumiretso papunta sa may
kusina.

"Kararating ko lang sa bahay ninyo, babe. Burnaba ka na langdito at tinatamad akong umakyat ng
hagdanan," malambing pa nitong wika.

Minabuti na lang ni Candy na ituloy ang pag-akyat niya sa may hagdanan. Mukha namang hindi siya
kailangan ng bisita ni Mhorric. Nasa gitna na siya ng hagdanan nang muli niyang lingunin ang babae na
tapos na sa pakikipag-usap kay Mhorric. Pero abala pa rin sa pagdudutdot sa screen ng cellphone nito.

Babe. . . naalala niyang wika ng babae.

Hindi yata't ito ang nobya ni Mhorric?

Napalunok siya. Ganitong babae talaga ang inaasahan niya na tipong babae ng isang mayamang lalaki na
katulad ni Mhorric. Kagat ang ibabang-labi na muli siyang nagpatuloy sa paglalakad.

Nasa pangalawang palapag na siya ng bahay nang makita niya si Mhorric na naglalakad sa may pasilyo.

"Sir, may bisita ka. Nasa may salas," inporma pa niya rito kahit na alam niya na alam na nito ang tungkol
doon.
"l know," anito na hindi mababakasan ng excitement sa mga mata nito. Kahit sa boses nito ay hindi iyon
mababakas. Sa halip ay napakaseryoso ng anyo nito. Hindi ba ito natutuwa na muling makita ang nobya
nito?

Nasundan tuloy ni Candy ng tingin si Mhorric nang lampasan siya nito. Hindi naman sa pagiging tsismosa
o ano, pero nais niyang makita kung ano ang magiging reaksiyon ng nobya nito once makita nito si
Mhorric.

Dumiretso si Mhorric sa pagbaba sa may hagdanan. Nakasunod lang siya rito. Kita niya na abala pa rin sa
cellphone ang bisita at tila ba hindi ramdam ang presensiya nang papalapit na si Mhorric.

Saktong kabababa lang nila sa may hagdanan nang mag-angat ngtingin ang babae na bagong dating.
Kulang ang salitang nagulat sa hitsura nito na napatili pa nang makita si Mhorric.

"Oh, my God!" freak out niyon na napatayo pa. "S-stay away! Babe!" sigaw pa nito. "May halimaw!"
palirit na naman niyon na para bang takot na takot sa nakikitang hitsura ni Mhorric. Sa

madaling salita, mukha itong nagpapasaklolo kay Mhorric na mukhang hindi ito aware na nasa harapan
na nito. Hindi rin ba nito nakikilala ang binata?

Kumunot ang noo ni Candy. Hindi ba alam ng babae ang nangyari kay Mhorric? uso naman angvideo call
sa panahon ngayon, ni hindi ba nagtatawagan via video call ang mga ito? Kung nobyo nito si Mhorric,
imposible naman na kahit virtual ay hindi pa nagpapangita ang mga ito. Ano ba'ng klaseng relasyon ang
mayroon sa mayayaman? Hindi niya ma-gets.

"M-Miss," tawag sa kaniya ng babae. "Palayuin mo sa akin 'yan. Si Mhorric ang kailangan ko kaya ako
narito. Hindi ang halimaw na 'yan."

Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Akmang lalapitan niya ito nang hawakan ni Mhorric ang kamay
niya para pigilan siya. Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa kaniya. Napalunok siya dahil sa
kakaibang init na nagmumula rito.

"Sir," reklamo niya rito. Hindi makatarungan ang pagsasabi ng babae na halimaw ito.

Nagpapanting ang tainga niya. Bastos masyado ang bibig.

Tiningnan lang siya nito ng isang beses na nagpatahimik sa kaniya. Para bang sinasabi nito na ito na ang
bahala. Pagkuwan ay binitiwan na ang kamay niya at muling ibinalik angtingin sa babae.

"Ano'ng kailangan mo?"

Napakurap-kurap ang babae nang marinig ang boses ni Mhorric. Mukhang sa pamamagitan niyon ay
nakilala nito ang kaharap na tinawag nitong 'halimaw'.

"N-no way," nauutal na wika ng babae. lyong mukha nito na para bang malapit ng masuka dahil sa hindi
nasisikmura ang nakikita.
"Don't waste my time," malamig pa sa yelo na wika nito. "What do you want?"

"M-Mhorric?" hindi pa rin makapaniwalang wika nito. "What happened to you?" Urniling-iling ito. "N-no,
h-hindi ikaw 'yan. Masyadong guwapo ang boyfriend ko para maging ganiyan ang hitsura. Miss, nasaan
ang amo mo? Pakisabi na hinihintay ko siya rito," muli nitong baling sa kaniya. Kung wala siguro itong
makeup tiyak na namumutla na ang hitsura nito.

"Kausap mo na ho si Sir Mhorric," kaswal niyangwika.

Umawang ang bibig nito. Pagkuwan ay umiling-iling. "Pinaglalaruan ninyo ba ako?"

"May sakit ho si Sir, Ma'am."

"Iwanan mo muna kami," ani Mhorric sa kaniya.

"Pero, Sir—" tutol pa niya.

"No buts," putol naman nito sa kung ano'ng sasabihin pa niya.

Napabuntong-hininga siya. Sabagay, matanda na ito kaya naman kaya na nito ang sarili nito sa
mapanghusgang nobya nito. Mukhang hindi niyon kayang tanggapin ang hitsura ng amo nito.

Wala na rin siyang nagawa kundi ang lumayo sa mga ito. Gusto niyang igalang ang nais ng kaniyang amo
na privacy.

"'WAG kang lumapit!"

Turniim ang mga labi ni Mhorric habang nakatitig sa kaniyang nobya na bakas na bakas ang pandidiri sa
mga mata habang nakatitig sa kaniya. Mukhang hindi nasisikmura ang kung ano mang nakikitang anyo
niya.

"Oh, I can't stand to see your face," anito na nag-iwas ng tingin.

"Sino ba ang nagpumilit na pumunta ka rito?" malamig niyang wika rito.

"Sabi mo kaya hindi ka nagpaparamdam or what, dahil may sakit ka. Pero hindi mo man lang sinabi na
ganito ang nangyari sa iyo."

"Will you still consider me as your boyfriend, then?" mapakla niyang tanong.

Umasim ang mukha nito. "With your looks?"

umiling-iling ito. "Ni hindi kita magawang tingnan ng matagal, Mhorric."

"So, it's a no?" aniya na tinatantiya ito.

"I-I think. .. we should end everything," anito na hindi makatingin sa kaniya.


Parang gusto niyang mapamura na agad-agad ay nagawa nitong magdesisyon. Pero pinanatili niyang
kalmado ang sarili. I already did, Ann Dae," aniya sa unang pangalan nito.

"W-what?"

The moment na nakita niya ang nobya na may ibang lalaki, doon pa lang tinapos na niya ang lahat dito.
Ni hindi na nga niya kinunsidera na may kasintahan pa siya.

Damn!

Seeing her right now, ipinaaalala na naman nito ang mga nakita niya. Noong una ay duda pa siya nang
sabihin sa kaniya ng concern nitong kaibigan na may iba itong lalaki bukod sa kaniya. Ngunit nang
sundan niya ito isang araw, noong kasagsagan ng pangangati ng mukha niya dahil sa impetigo, doon niya
natuklasan ang kataksilan nito. Nakita niya mismo na nag-check in ang mga iyon sa isang five star hotel.
God knows, kung ano ang pinaggagagawa ng mga ito. Isa pa roong patunay na papasara pa lamang ang
elevator na kinasasakyan ng mga ito sa hotel ay naghahalikan na agad.

One year, akala niya ay kilala na niya ito.

Hindi pa pala. Hindi ito kasing faithful katulad ng ipinakikita nito sa kaniya kapag sila ang magkasama.

He wanted to confronts her that time. Pero baka kung ano ang magawa niya rito. Kaya pinili niyang
lumayo at manatili sa lugar na iyon. Ikulong ang sarili sa bahay na iyon.

"Makakaalis ka na."

"Napakadali nga talaga sa iyo na mang-iwan ng babae. Sabagay, it's not my lost, Mhorric. Ewan ko na
lang kung may babae pang kayang makatagal sa hitsura mo ngayon. You look pathetic."

Pinigilan niya ang sarili na kumuwala ang galit. "Gusto mo rin naman, 'di ba? At doon din naman ang
punta ng relasyon natingdalawa. Sa hiwalayan. Umalis ka na kung ayaw mong mahawa sa sakit ko. Baka
wala na ring lumapit sa iyo, kawawa ka kapag nagkataon."

Sa halip na makarinig siya rito ng awa, hindi.

Kutya at takot pa ang natanggap niya mula rito. Mukhang minahal lang nito ang panlabas niyang anyo at
ang yaman niya. Maging ang mga materyal na bagay na naibigay niya rito. Ngayon niya mas nakita ang
totoo nitong katauhan. Lumabas din.

Kailangan ba niyang ipagpasalamat sa hitsura niya ngayon?

Kanina, kung makatawag pa ito ng babe sa

kaniya ay wagas. Ngunit ngayon na nakita na siya nito sa ganoong kalagayan? Halos maşuka pa ito.
Wala ngsalita pa na namutawi sa bibig ni Mhorric nangta[ikuran na niya si Ann Dae, ang kaniya ngayong
ex-girlfriend, at maglakad palayo rito.

iyong galit na nakulong sa kaniyang dibdib, para bang unti-unting nawawala. Believe lang siya sa sarili
niya na nagawa niyang maging kalmado sa harapan ni Ann Dae. Samantalang malayo iyon sa kaniyang
ini-imagine noon. Na baka mapagsalitaan pa niya ito ng masasakit dahil sa panggagago nito sa kaniya
kung magkakaharap silang dalawa.

Ni hindi rin namutawi sa kaniyang bibig ang tungko[ sa ginawa nito. Siguro, sapat na iyong alam niya ang
pinaggagagawa nito. At least, hindi siya habangbuhay na naging tanga sa paningin nito at ng mga
kaibigan nito.

Nagmamadali naman si Ann Dae na makalabas sa bahay na iyon. Mukhang natakot sa kaalaman na baka
mahawa ito sa kaniyangsakit at maging katulad niya ito.

Aakyat na sana siya sa may hagdanan nang makaramdam ng panunuyo ng kaniyang lalamunan.

Tatawagin sana niya ang babaeng siyang tagapag-a[aga niya ngunit hindi naman niya alam ang panga[an.

Mas lalo siyang nakaramdam ng inis sa bagay na iyon. Sa halip na pumunta pa sa kusina ay minabuti na
lamang niya na dumiretso sa kaniyangsilid.

"NAKAALIS na," inporma ni Tala kay Candy. "Talaga?" aniya sa kaibigan.

Tumango ito. "00. Wala ng tao sa salas, eh.

Wala na rin ang sasakyan noong bisita ni Sir."

Ano kaya ang nangyari sa pag-uusap ng mga ito? Naging maayos kaya?

Kahit gusto niyang makitsismis kanina ay hindi niya magawa sa takot na baka makita siya ni Mhorric na
lihim na nakikinigsa usapan ng mga ito.

Ngayong nakita mo na ang girlfriend ng amo mo, ano'ng masasabi mo?anang isip niya sa kaniya.

Ano ba ang dapat niyang maging reaksiyon? Dapat ba niya iyong ikatuwa? Dahil hindi na siya mag-iisip
pa ng hitsura niyon. Pero ang reaksiyon nito nang makita si Mhorric, iyon ang hindi talaga niya
ikinatuwa.

"Alagaan kaya niya si Sir?"

Napakurap-kurap siya sa sinabing iyon ni Maring.

"Tingin mo?" ani Tala rito.

Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam. Ikaw, Candy, ano'ngtingin mo? Ikaw ang expose kanina sa
paghaharap nila ni Sir Mhorric."
Umiling siya. "Hindi ko alam."

Sa hitsura niyon kanina. Imposibleng makatagal na alagaan si Mhorric. Pero ito ang nobya, kung talagang
mahal nito ang binata, dapat ay ipakita nito iyon dito. Lalo na ngayon na kailangan nito ng moral
support.

Halimaw!

Nayukom niya ang mga kamay. Hindi talaga niya iyon nagustuhan.

Candy, baka naman nagulat lang angjowa niya?kontra ng kaniyang isipan.

Imposibleng dahil lang sa gulat.

Samantalang noong nagulat siya nang makita ito sa unang pagkakataon ay hindi naman niya tinawag na
halimaw o ano pa man si Mhorric. Tao pa rin ito na hindi ginusto ang nangyari sa mukha nito.

Napapitlag siya nang marinig ang tunog ng intercom.

"Yes, Sir?" sagot ni Tala sa tawag mula sa silid ni Mhorric. Humayon angtingin sa kaniya ni Tala. "Okay
PO," anito bago maingat na ibinaba ang telepono.

"Bakit daw?" usisa niya.

"Magdala ka raw ng inumin sa silid ni Sir."

Kumunot ang kaniyang noo. "Inumin? Eh may personal ref siya sa silid niya at hindi siya nauubusan
ngtubig doon dahil lagi kong pinapalitan ang mga nababawas na mineral water niya sa ref. Bakit
kailangan pa niya ng maiinom?"

Nagkibit-balikat ito. "Ewan. Puntahan mo na lang at baka magalit pa kapag hindi natin sinunod."

Napabuntong-hininga siya. "Sige," aniya na urninom muna ng tubig bago Ipinagsalin ng malamig na tubig
si Mhorric sa isang malinis na baso.

Nililipad pa rin ang isip niya sa nangyari kanina. Kung ano ba ang naging outcome ng pag-uusap ni
Mhorric at ng girlfriend nito.

Bakit ba, interesado ka masyado, Candy? Trabaho lang ha? Walangpersonalan, anang atribida niyang
isipan.

Chapter 17

NAPABILIS lalo ang paglalakad ni Candy nang makarinig ng mga nangabasag na gamit. At nanggaling iyon
sa silid ni Mhorric. Hindi na siya nag-abala pang kumatok sa pinto nang makalapit doon. Agad niya iyong
binuksan.
lyong pag-aalala na umusbong sa kaniya ay abot-langit. Ang lakas din ng kabog sa kaniyang dibdib.

Pagkabukas niya sa pinto ay agad din siyang pumasok sa 100b para lamang matigilan. Ang mga naroong
pigurin at ibang gamit na nakapatong sa display cabinet na hindi kataasan ay mga nakakalat din sa sahig.
Inilibot niya ang tingin sa paligid.

Nakita niya si Mhorric na nakalugmok ng upo sa sahig at nakasandal sa may pader sa silid nito.

Bakit mukha itong galit sa mundo ngayon? Hindi ba naging maayos ang pag-uusap nito at ng girlfriend
nito? Dahil ba sa hitsura nito ngayon?

Puno ng habag na naglakad siya palapit dito pagkasara niya sa may pinto. Hindi na muna niya pinansin
ang mga nakakalat. Si Mhorric ang una niyang nilapitan. Sa halip na alalayan itong turnayo at maupo na
lamangsa naroong upuan

sa silid nito ay mas pinili niya na damayan ito at maupo rin sa may tabi nito. Ganoon pa man ay nag-iwan
pa rin siya ng distansiya sa pagitan nila.

"S-Sir," untag niya rito.

Nakayukyok ang ulo nito sa mga braso nito.

Ayaw naman ni Candy na kumustahin ito dahil kita naman na hindi ito okay. Hindi tuloy niya alam kung
saan ba siya magsisimula. Gusto niyang tapikin ang balikat nito para iparating na magiging okay rin ang
lahat, natatakot naman siya na baka bigla nitong tabigin ang kamay niya. Kaya naman pinili na lamang
niya na manatili na nakaupo sa may tabi nito.

"Hindi ho ba naging maayos ang pag-uusap ninyo ng girlfriend ninyo?" sa hull' ay tanong din niya rito.
Nakagat pa niya ang ibabang-labi nang hindi ito sumagot o ano pa man.

llang sand ali bago nito nagawang mag-angat ng mukha at umayos ng pagkakasandal sa may dingding.

"I'm done with her," sa wakas ay bulalas nito sa mahinang tinig. Puno ng pait. "After one year of
relationship with her, malalaman ko na niloloko lang niya ako," anito kahit na hindl naman siya
nagtatanong ngtunkol doon. "Nakita 'yon mismo ng dalawa kong mga mata. That's why I choose to stay
here. At nang makita ko siya kanina, pilit ko lang ding kinakalma ang sarili ko para hindi sumabog ng
tuluyan sa harapan niya at maisumbat sa kaniya ang mga kagaguhan na ginawa niya sa akin. Hindi ko
alam kungsaan ba ako nagkulang sa kaniya." Bumuntong-hininga ito. "Hindi ko pa talaga siya kilala ng
lubos."

Bakit ramdam niya ang sakit na maloko kahit hindi naman siya si Mhorric? All this time, may dinadala
pala ito sa dibdib nito ng ganoon kabigat na bagay. Kaya ba mas pinili nitong hindi agad gumaling at
pabayaan ang sarili dahil sa gin awa rito ng girlfriend nito? Parang [along kumirot ang puso niya.

"Ibig sabihin, Sir, hindi ka niya minahal ng totoo. Kasi kung totoong minahal ka niya, hinding-hindi siya
papatol sa iba. Loyal dapat siya sa iyo. Opinyon ko lang naman, Sir."
"l know. Lalo na nang makita niya ang nangyari sa akin ngayon," puno pa rin ng pait na wika nito.
"Inaasahan ko na ang reaksiyon niya na 'yon ."

Napabuntong-hininga siya. "Sir, okay lang malungkot at mag-move on. Pero 'wag mong pabayaan ang
sarili mo. Kailangan mong gurnaling, hindi para sa ibangtao, kundi para sa sarili mo. Alam ko wala ako sa
posisyon para pangaralan ka kasi sino ba naman ako, 'di ba? Isang hamak langdin naman. Pero angsa
akin lang, sa kabila ng pinagdadaanan mo ay gusto ko pa rin na gurnaling kayo. Kapag bumalik na kayo sa
dati, wala ng sakit. .. siguradong maghahabol din sa iyo ang girlfriend mo—"

"Ex," pagtatama pa nito sa kaniyang sinabi.

"O-okay... ex-girlfriend.

"Tanga na lang ang babalik pa sa kaniya," masungit pa nitong wika.

"Sir, hindi mo masasabi ang pagkakataon at panahon. Baka kainin mo angsinabi mo na, tanga na lang
ang babalik pa sa kaniya. Paano kung hindi mo siya matiis sa huli kasi mahal mo?" Parang gustong
pagalitan ni Candy ang sarili nang magbaling sa kaniya ngtingin si Mhorric.

"Tingin mo, mamahalin mo pa rin ba ang isang lalaki na niloloko ka ng maraming beses? Babalikan mo pa
rin ba ang ganoong klase ng lalaki? llagay mo 'yong sarili mo sa ganoong sitwasyon."

Napalunok siya. Hindi pa man nangyayari sa kaniya pero siguradong napakasakit ng ganoon.

"Tanga na lang ho talaga ang babalik sa ganoong klase ng tao," sang-ayon na lang din niya sa sinabi nito.
Nagbaba siya ngtingin sa sahig. "Siguradong kahit ako, hindi ko magagawang bumalik sa isang tao na
ilang beses na akong niloloko ng wala akong kamalay-malay. Pero kasi," bawi niya. "Hindi rin naman
natin masasabi ang pagkakataon. Paano kung magbago 'yong tao na 'yon? At makita mo naman ang
pagbabago na 'yon sa kaniya. Hindi mo pa rin ba bibigyan ng isa pang pagkakataon?"

Hindi nakapagsalita si Mhorric. Pinag-iisipan ba nito ang sinabi niya?

"Sa mga deserving na tao lang ibinibigay ang second chance," anito kapag kuwan.

"Malay mo, Sir, deserving naman ang inyong

Umiling ito. "Sinira niya angtiwala na ibinigay ko sa kaniya. Hindi 'yon basta-basta maiibalik ng ganoon
lang kadali."

Turnango-tango siya. "Desisyon mo pa rin ang mananalig, Sir. Kasi sa case na ito, ikaw ang niloko. Kaya
siguro ganoon na lang ang pagpapabaya mo sa sarili mo na hindi agad gumaling. Ngayon, naiintindihan
ko na. May malaki ka palang pinagdadaanan. Cheer up, Sir. Mas okay na rin na nalaman niyo agad, kaysa
'yong mas matagal na kayong magkarelasyon bago mo pa malaman ang panloloko niya sa inyo. Hindi
naman mawawala 'yong mga pagsubok sa buhay natin. Dahil diyan tayo lalo sinusubok ng Diyos kung
kakayanin ba natin o hindi. Kaya laban lang, Sir. Siguradong bibigyan ka rin ng Diyos ng mas deserving sa
pagmamahal mo na sin ayang ng dati ninyong girlfriend
Wow, Candy, galingmo namang magpayo, epal pa ng kaniyang isipan.

Muli siyang binalingan ni Mhorric.

Bumuntong-hininga pa ito. "Siguro nga," anas nito bago nagbawi ng tingin.

Siguro nga?Alin kaya ang pinatutungkulan nito? lyong pagsubok na ibinigay ng Diyos o iyong may mas
deserving pa na darating para dito? Medyo napaisip siya sa bagay na iyon.

Ibig sabihin ay wala ring ideya ang lolo't Iola ni Mhorric sa pinagdadaanan nito dahil walang nabanggit si
Donya Teresa. Kinikimkim lang din nitong mag-isa ang problema nito.

"Sir, minsan, subukan niyo rin na 'wag kimkimin ang problema. Subukan ninyo na mag-open up sa taong
kinagagaanan ninyo ng 100b. Para naman naiilabas ninyo ang kung ano mang sama ng 100b na dinadala
ninyo sa inyong dibdib."

"Ganoon ang ginagawa ko ngayon."

Muli itong nagbaling sa kaniya. "Hindi pa ba pag-o-open up ang ginagawa kong ito?"

Sandali siyang natigilan. Saka lang din niya na-realize ang kaniyang sinabi. 00 nga, hindi ito nangimi na
mag-open sa kaniya ng nangyari dito. Ibig ba niyong sabihin ay magaan ang 100b nito sa kaniya?

Bakit biglang natuwa ang puso niya sa bagay na iyon?

Hindi tuloy niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi. "00 nga," sang-ayon niya. "Pero, Sir,
syempre, siguradong may problema pa rin na posibleng mangyari sa hinaharap. Ang akin lang, mag-open
up ka pa rin sa mga kaibigan mo. Para hindi mag-stay sa iyo ang problema.

Kumbaga, pinakakawalan mo at hindi itinatali sa sarili mo."

"Na-i-apply mo ba sa sarili mo ang mga payo

Napalis ang ngiti sa labi niya. Pagkuwan ay umiling. "Hindi."

"Tsss. Ang galing mong magbigay ng ganiyang payo pero hindi mo naman magawang i-apply sa sarili
mo."

"Wala naman kasi akong kaibigan na matatawag ko na totoo. Lalo na at palipat-lipat din kami ng tirahan
dahil nangungupahan lang kami. Saka, hindi ko rin naman puwedeng sabihin kina Nanay at Tatay kasi
ayaw kong mag-iisip din sila dahil sa problema ko. Kaya ang ginagawa ko, kapag okay na 'yong problema
ko, saka ko shini-share sa kanila. Para hindi na sila mag-aalala. Pero kalimitan naman, tungkol lang din sa
pera ang problema. Lalo na kapag wala akong raket na agad makuha."

"Bakit hindi ka na lang mag-asawa ng mayaman para tapos ang problema mo sa pera?" Idinaan niya sa
tawa ang sinabi nito. "Sir, hindi naman pag-aasawa ang sagot. Lalo na ng isang mayaman. Tingnan mo
ito," aniya na ipinakita niya rito ang isa niyang kamay na inilagay niya sa mababang parte. "Ako itong
nasa mababa, Sir." Habang ang isa naman ay nasa mataas. "At itong nasa mataas ay ang sinasabi mong
mayaman. Kita niyo naman kung gaano kalaki ang pagkakaiba. Lalo na ang agwat sa isa't isa. Sa reality,
Sir, walang mayaman na hahangarin na bumaba para sa akin. Suntok sa buwan 'yong ganoon. Kung mag-
aasawa man ako, siguradong kapantay ko lang din sa buhay," aniya na ibinaba na ang mga kamay.

"Ganoon ba 'yong tingin mo?"

Turnango siya nang tingnan ito. "Ayaw ko hong mangarap ng masyadong mataas. Dahil kapag burnagsak
ako, wala namang sasalo sa akin. At isa pa, hindi pag-aasawa ang sagot sa problema ko. Trabaho ang
kailangan ko at hindi asawa. Ang bata ko pa para sa ganoong ganap sa buhay. Siguro, trenta na ako bago
pa ako lumagay sa pag-aasawa."

"llangtaon ka na ba?"

"Twenty-four," aniya rito. Bakit kung mag-usap sila nito, parang magkaibigan lang? Hindi rin siya
nakakaramdam ng pagkailango ano pa man. Lalo na ang pag-usapan ang mga ganoon kapersonal na
bagay.

Sandaling natahimik si Mhorric na para bang nag-iisip.

"Six years pa? Tsss. Ikaw na rin ang nagsabi na hindi mo masasabi ang panahon. Malay mo sa susunod na
buwan ay bigla ka na lang ikasal."

Natawa na naman siya. "Joke ba 'yan, Sir? Sorry, pero hindi ho mangyayari 'yan. Hindi ako mag-aasawa
hanggat hindi pa nagtatapos ang lahat ng kapatid ko sa pag-aaral. Sila 'yong mas priority ko kaysa sa
sarili ko. 'Yong sumunod sa akin na kapatid ko, graduating na sa college kaya kailangan kong
magsumikap lalo para sa kaniya. Hindi ko man natupad agad 'yong pangarap ko noon na makapagtapos
din sa pag-aaral sa college, mga kapatid ko muna angtutupad niyon para sa akin."

"Daig mo pa ang may mga anak na paaral."

"Walang kaso sa akin, Sir. Ganoon naman talaga sa katulad ko na isang breadwinner ng pamilya," aniya
na nginitian pa ito.

"Hindi ba sumama ang 100b mo na hindi ka man lang nakatuntong sa college?"

Urniling siya. "Hindi. Siguro, dahil lumaki rin ako na danas ang hirap. At sa kagustuhan ko rin na
makatulong agad sa mga magulang ko, isinantabi ko na muna 'yong pangarap ko na 'yon ."

"Kungtuparin ko 'yong kagustuhan mo na makapag-aral, tatanggapin mo?"

Sa huli, heto at sa kaniya na napunta ang usapan. Gayong ang topic kanina ay ang ginawa ng ex-
girlfriend nito rito.

Urniling siya. "Hindi."

" Bakit?"
"Kung sasabayan ko sa pag-aaral ang mga kapatid ko ngayon, hindi naman ako makakapagtrabaho.
Salamat na lang, Sir.

Siguradong may tamang panahon para diyan." "Ayaw mong mag-asawa ng mayaman at ayaw mo ring
mag-aral sa college kahit na may sasagot na ng pag-aaral mo," napailing-iling si Mhorric. "Napaka-choosy
mo."

Napangiti siya. lyong pagngiti niya na iyon ay sandali pang nagpatulala kay Mhorric na hindi naman niya
pinansin. Ayaw niyang makaramdam ng pagka-awkward.

"Realistic lang, Sir. Kung mag-aasawa ako ng mayaman na hindi ko naman mahal or hindi ako totoong
mahal, sayang 'yong p i ko sa sarili ko sa isang tao na hindi naman ako totoong sasaya. Ikaw, Sir,
gugustuhin mo ba na makasama 'yong tao na hindi ka naman sasaya ng totoo?" Bum untong-hininga
lang ito.

"Change topic," wika na lang nito.

Tumayo na siya. Nasundan naman ni

Mhorric ng tingin ang gin awa niyang pagtayo.

"Mukha namang okay na kayo, Sir. Turnayo ka na riyan at linisin mo na 'yong ikinalat mo rito sa silid
mo," seryoso niyang wika rito. Ganoon pa man ay pigil niya ang matawa dahil sa pagbibiro niyang iyon
dito.

"Bakit ako?" anito nang makatayo.

"Eh, ikaw naman ang nagkalat niyan." Akmang maglilitanya ito nang unahan niya. "Biro lang, Sir,"
nangingiti niyang wika. "Kukuha lang ako ng panlinis sa baba," aniya na hinayon na ang palabas sa silid
nito.

"Thank you for listening."

Napahinto si Candy sa paglalakad at nilingon si Mhorric. Nagsalubong ang mga tingin nila. Bakas nga sa
mga mata nito na thankful ito sa kaniya. Nginitian niya ito.

"Walang kaso sa akin, Sir," aniya bago nagpatuloy na sa paglalakad.

lyong ngiti niya sa labi ay hindi niya magawang alisin. To think na mas na-focus ang topic nila sa kaniya
kaysa sa dati nitong nobya. Napailing-iling siya kapag kuwan. Pero natutuwa naman siya na mukhang
umayos na ang kung ano mang pinagdaraanan ni Mhorric. Sana nga lang ay tuluyan na itong maging
okay. Lalo na at nagloko pala ang dati nitong nobya. Hindi nga iyon ganoon kasimpleng issue lamang.
Masyado iyongmalalim.

Chapter 18
NAPAMAANG si Candy nang makita niyang nagkalat sa sahig ang dinala niya kaninang pagkain para kay
Mhorric sa silid nito. Saglit niya itong iniwan kanina para magtimpla ng ipapainom niya ritong herbal
juice. Pagkasara sa pinto ay agad niya itong nilapitan.

Galit ang mababakas niya sa mukha nito.

"Lumabas ka muna," mariin nitong wika sa kaniya hindi pa man siya nakakapagsalita.

"Ano ba'ng nangyari, Sir? Sinayang mo pa 'yang mga pagkai

"Wala akong pakialam! Gusto kong mapag-isa kaya umalis ka at iwanan ako rito!"

Sandali siyang nawalan ng masasabi dahil sa pagtataas ng boses nito sa kaniya. Ano naman kaya ang
nangyari ngayon? Dahil na naman ba sa ex nito? Sa isip ay napailing siya. Hindi worth it paglaanan ng
emosyon ang ex nitong nanggago rito. Hindi siya natinag sa pagbulyaw nito. Okay naman ito kanina.
Kataka-taka lang at bigla itong nagagalit ngayon.

"Hindi ako lalabas," matigas din niyang sansala rito. Huminga siya nang malalim bago inurnpisahang
damputin ang kalat sa sahig.

"Damn," he hissed. "Puwede ba na kahit

ngayon lang ay mawala ka muna sa paningin ko? Mahirap bang unawain na gusto kong mapag-isa
ngayon?"

Hindi siya kumibo at nagpatuloy lang sa ginagawang pagpupulot ng kalat sa sahig. Galit lang ito sa kung
ano mang bagay kaya pinalampas na lamang niya sa kabilang tainga ang kung ano mang mga sasabihin
nito dala ng galit nito. Hanggangsa pagalit lang naman si Mhorric. Alam niyang hindi ito mangangahas na
puwersahin siya palabas sa silid nito. Marahas itong nagpakawala ng hininga bago siya iniwan doon.
Pumunta ito sa may terrace.

Napabuntong-hininga si Candy nang mapag-isa. Kung bakit biglang nagalit si Mhorric ay iyon ang gusto
niyang malaman.

Kaya naman matapos maimis ang kalat sa silid nito ay pinuntahan niya ito sa may terrace.

Nakahawak ito sa may pasamano at tila kay layo na ng narating ng isip nito. Kaya hindi na siya magtataka
kung hindi agad nito naramdaman ang paglapit niya rito.

Siya naman ay malaya itong napagmasdan. Bahagya na ring nawawala ang pamamaga ng mukha nito. At
ang ibang mamaso nito ay papunta na sa pagtuyo. Masaya siya dahil nagkakaroon na ng improvement
ang pag-aalaga niya rito. Pero sa kabila ng saya na iyon ay may parte ng puso niya na nalulungkot din.
Malapit na rin niya itong iwan. lyon ang malinaw na katotohanan.

Huminga siya nang malalim.


'"Yong ex-girlfriend mo pa rin ba ang dahilan ng galit mo ngayon?" Huli na para sawayin ang sarili sa
sinabing iyon. Napalunok siya nang maningkit na naman lalo ang mga mata ni Mhorric nang balingan
siya.

"Hindi mo ba talaga ako lulubayan muna?"

Wala siyang maisip na sasabihin kaya ang tangi lang niyang nagawa ay ang ngitian ito.

Nagsalubong tuloy ang kilay nito.

'"Wag mo akong daanin sa pangiti-ngiti mong ganiyan," pagsusungit pa nito sa kaniya.

Ibinaling niya ang tingin sa Taal Lake at hindi nagpaapekto sa binata. "Nagsusungit ka na naman, Sir.
Kung dahil na naman 'yan sa ex mo, masyado mong inaaksaya ang emosyon mo sa kaniya. At kung
apektado ka pa rin, isa lang ang ibig sabihin niyan, mahal mo pa rin siya."

Nang tingnan niya si Mhorric, bagaman at tiim ang bagang nito ay sa malayo naman ito nakatingin at
hindi sa kaniya.

"Ano ba'ng nangyari, Sir? llabas mo, 'wag mong kimkimin at baka hindi ka patulugin niyan mamaya."

Marahas itong huminga. "May nag-send sa akin ng picture niya kasama ang lalaki niya. At

proud na proud na siyang ilantad sa publiko ang lalaking 'yon." lyon ba ang ikinagigigil nito?

"Kaya ka nanggagalaiti?"

"Nanggigigil ako sa kanila. Lalo na kapag nakikita ko ang isa sa kanila."

"Mahal mo pa nga kaya ka affected." "No I'm not!" mariin nitong wika.

"Yes you are, Sir," ganti niya. "Uulitin ko, Sir. Magpagaling ka at patunayan mo sa kaniya na nagkamali
siya na niloko ka niya. Hindi 'yong halos patayin mo na ang sarili mo rito. Alalahanin mo na nariyan pa
ang Lolo at Lola mo na nag-aalala sa iyo at gusto ka ng makasama. At 'yong ex-girlfriend mo, siguro nga
hindi pa siya talaga 'yong babae na talagang itinakda sa iyo. Ang mahalaga, habang maaga pa ay nakita
mo kung anong klase siya na babae. Hindi siya karapatdapat na pagtuunan pa ng atensiyon o emosyon.
Ayusin mo ang sarili mo at tulungan na gumaling agad. Maganda nga rito sa bahay ninyo pero alam mo
naman na hindi habang buhay ay magtatago ka rito. Kailangan mo pa ring harapin ang buhay mo sa
totoong mundo mo. At ang mga taong nanakit sa iyo emotionally and mentally." Mahabang katahimikan
ang sunod na namayani. Sana naman kahit paano ay naitanim niya sa isip ni Mhorric na magpatuloy ito
sa buhay nito na hindi pa katapusan ng lahat. Na marami pang magagandang bagay ang puwedeng
mangyari.

"Gusto kong mainis sa iyo," panimula ni Mhorric makalipas ang ilang sandali. Hindi katulad ng inaasahan
ni Candy na bubulyawan siya nito dahil sa pagiging matabil ng dila niya, mahinahon lang ang boses nito
ngayon. He even sighed. "Pero may punto ka na naman."
Napangiti siya. "Minsan kasi gumising ka sa katotohanan,Sir. 00, hindi masama ang magdamdam o
magalit dahil sa iniinda mo ngayon. Pero 'wag mong hayaan na lamunin ka ng galit. Sabi nga sa wikang
Ingles na, always look at the bright side."

"Isa sa ikinagagalit ko, ginawa ring dahilan ng ex ko ang sakit ko para agad siyang makipagkalas sa akin.
Ganoon kabilis."

"Nanghihinayang ka ba?"

"Alam mong hindi," mabilis nitong kontra sa tanong niya. "Hindi ko panghihinayangan na nawala siya sa
buhay ko. Para akong nagmahal ng ahas sa 100b ng isang taon. Alam ko sa sarili ko na hindi ako
nagkulang pagdating sa kaniya.

Napakasuwerte na nga niya kung tutuusin."

Umangat ang kamay niya para sana tapikin ito sa balikat ngunit nabitin lang iyon sa ere nang sulyapan
nito iyon. Nangingiting ibinaba na lang niya uli iyon.

"Hindi pa naman end of the world, Sir," wika

na lamang niya. "Sana last mo na ito na para bang pinagbagsakan ka ng langit at lupa dahil hiniwalayan
ng girlfriend." Napailing-iling siya. "Sa susunod, 'wag ang pagkain ang pagbalingan mo. Alam mo naman
na marami ang nagugutom sa mundo."

Mukhang kahit paano ay nahimasmasan na ito. "I'm sorry about that. Nanggigil lang talaga ako kanina.
Kaya pati cellphone 1<0, hindl nakaligtas."

"Kawawang cellphone. Sana ni-reformat mo na lang, Sir, tapos ibinigay mo sa akin.

Napakinabangan pa," biro pa niya rito.

"Tsss. Kaya kitang ibili kahit isang libong piraso pa."

"00 na ho. Kayo na ang pinagpala sa lalaking lahat," biro pa ulit niya rito.

"Daig mo pa ang maraming experience sa darni mong payo sa buhay."

"Experience sa buhay, oo marami. Sa relasyon, naku bokya. Dagdag lang 'yan sa sakit ng ulo ko.
Breadwinner ako sa pamilya kaya inuuna ko ang trabaho. Kaya nga kahit bugnutin ka ay pinatulan ko pa
rin ang trabaho na ito dahil sa ibabayad sa akin ng Iola mo. Kaya ngayon pa lang inuulit ko sa iyo na hindi
ako aalis hanggat hindi ka gumagaling. Pagagalingin muna kita bago ako mawala sa landas mo."

Nang ibaling niya sa Taal Lake ang tingin ay nanatili naman angtingin ni Mhorric sa kaniya. May tipid na
ngiti na sumilay sa labi nito nang bumaling din ito sa Taal Lake.

"Also, you talk too much."

"Naiirita na ba angtainga mo, Sir?" aniya nang muli itong tingnan.


"l wonder kung saan ka ba ipinaglihi ng nanay mo," sa halip ay wika nito. "Bawat sabihin 1<0, may
nakahanda ka ring sasabihin," naiiling pa nitongwika.

"Maboka talaga ako, Sir. Lalo na at parte ng raket ko. Kailangan magaling ako sa sales talk. Pero bago pa
humaba ang usapan, kailangan mong kumain. Hindi ka puwedeng malipasan ng gutom. Kukuha lang ako
ng panibagong pagkain ninyo, Sir," paalam na niya rito bago ito iniwan sa m ay terrace.

Inihatid lang siya nito ngtingin habang papasok siya sa 100b ng silid nito. 'sang buntong-hininga ang
pinakawalan ni Mhorric bago nito muling itinuon ang tingin sa kawalan.

Nang muli niyangdalhan ng pagkain si

Mhorric ay binantayan na niya ito sa pagkain nito. Wika pa niya rito kanina na wala siyangtiwala kung
iiwan niya ito at baka mapagbalingan na naman nito ang pagkain. Mahirap na.

Pero kinain naman nito ang lahat ngdala niya. Pagkainom pa nito ng tubig ay nagpalipas lang ito ng ilang
sandali bago sinunod na inurnin

angtinimpla niyang herbal juice. Ni hindi na hinintay ang litanya niya bago nito inumin iyon, nagkusa na
ito. Lihim tuloy niya iyong ikinangiti.

"Magpahinga ka muna, Sir. Pero 'wag ka munang uupo o hihiga kung wala pang twenty minute."

"Bakit?" taka pa nitong tanong.

Sayang po ang abs ninyo, pilya niyang wika sa isip.

"Para matunawan ka agad. Iwas din sa fats, Sir," nakangiti pa niyangdagdag. "Maiwan muna kita para
makapag-relax ka." Tatalikuran na sana niya ito nang huminto siya sa paghakbang at muling pumihit
paharap dito. Deep inside, nag-aalala pa rin siya rito. Siguradong hindi pa rin naaalis dito ang kung ano
mang issue kanina kaya nagalit na naman ito. "Kung kailangan ninyo ng kausap, one call away lang ako,
Sir," aniya na muli itong nginitian bago tuluyang tinalikuran.

Napapapikit pa siya habang naglalakad palayo rito. Concern lang naman siya. At wala ng iba pang
dahilan. Walang malisya, ika nga.

Totoo ba, Candy? Walang malisya?kontra pa ng atribida niyang isipan.

"Wala talaga," anas pa niya nang makalabas sa silid ni Mhorric.

Sa kusina, habang kumakain siya ng tanghalian ay natutulala pa siya dahil lumilipad ang kaniyang isipan.

"Okay ka lang?" untag pa sa kaniya ni Tala.

Nalunok niya nang wala sa oras ang kaniyang kinakain. Nasamid tuloy siya. Agad namang iniabot ni Tala
angtubigsa kaniya at ininom niya. Saka lang siya nakaramdam ng kaginhawaan.

"H-ha?" baling niya rito.


Natawa ito sa reaksiyon niya. "Kako, kung okay ka lang ba? Kasi naman, kanina pa kami tapos kumain
pero ikaw, hindi pa."

"A-ah, okay lang ako. May iniisip lang."

"Sino? Parnilya mo?"

Tumango na lang siya kahit na ang totoo ay si Mhorric ang iniisip niya. "00."

'"Wag mo silang kaisipin at baka isipin ka rin nilang lalo. Gusto mo na ba silang tawagan para
kumustahin?"

Urniling siya. "Hindi muna. Pero kapag tatawagan ko na sila, makikitawag na lang ako sa iyo."

"00. Walang problem a," sang ayon nito. "Sige na at ubusin mo na 'yang pagkain mo," anito bago siya
iniwan.

Bumuntong-hininga siya. Pagkuwan ay itinuon na rin sa kaniyang kinakain ang kaniyang atensiyon.

Matapos kumain ay naglakad-lakad pa siya sa may hardin ng malaking bahay na iyon.

Nakatulong ang magagandang halaman na naroon para kahit paano ay maging okay ang pakiramdam
niya.

Hawak niya ang isang magandang bulaklak nang humayon naman ang tingin niya sa mansiyon. Natigilan
pa siya nang makita si Mhorric na nakatayo na naman sa may terrace ng silid nito. Kita ito sa puwesto
niya habang n aka-side view.

Mula kasi sa kinaroroonan niya ay kita ang tagiliran ng silid nito. Kaya maging ang terrace ay kita rin.

Agad siyang nagbawi ng tingin nang makitang bumaling sa kinaroroonan niya si Mhorric.

Napalunok siya. Wala naman siyang ninakaw, pero bakit ganoon na lamang ang pagbilis ng kabog ng
kaniyang dibdib?

Huminga siya nang malalim ng ilang beses.

"Candy, chill ka lang," aniya pa sa kaniyang sarili. "Haaay, hindi ka pa rin ba titigil sa katitibok diyan nang
mabilis?" saway niya sa kaniyang puso nang tingnan pa niya ang kaniyang dibdib.

Naiiling na muli niyang ibinaling ang tingin sa mga halaman. Makalipas pa ang ilang sandali ay pasimple
niyang tinapunan ng tingin ang silid ng kaniyang amo. Wala na roon si Mhorric.

Bakit ngayon ay nakaramdam pa siya nang panghihinayang dahil wala na ito sa puwesto

Baliw na ba siya?

Napabuntong-hininga siya. Baka siya pa ang mas mabaliw sa kaiisip niya sa kaniyang amo.
Chapter 19

MAINGAT na pinihit pabukas ni Candy ang pinto sa silid ni Mhorric. Alas dos na iyon ng madaling araw
kaya nakatitiyak siya na tulog na tulog na ang binata. Maingat din ang ginawa niyang pagpasok sa 100b.

Ewan ba niya at nawala sa isip niya na lagyan ito ng ointment bago ito matulog kanina. Eh, hindi pa
naman niya iyon maaaring kaligtaan dahil malaking tulong iyon sa paggaling nito. Lalo na at nakababad
sa mukha nito overnight ang naturang gamot.

"Dinaig ko pa ang magnanakaw," anas niya nang maisara ang pinto. Hiling lang niya ay huwag itong
magising. Lalo na at iyon ang unang beses na gagawin niya iyon. Ang puntahan ito sa kalaliman ng gabi.

Napabuntong-hininga pa siya nang makita ang tila himbing na sa pagtulog na si Mhorric.

llang sandali pa niyang pinagmasdan ang binata. At habang pinagmamasdan niya ang payapa nitong
mukha ay napansin niya na wala na talaga ang pamamaga sa mukha nito. Bagaman at naroon pa rin ang
mamaso nito. Napalunok siya nang mapag-aralang mabuti ang mukha nito. Kung siguro ay wala itong
mamaso ay tiyak niya na makinis din ang mukha nito dahil makinis ang katawan nito. At sigurado siya na
may histura din ito. Medyo tinutubuan na rin ito ng bigote. Hindi naman nito iyon magawang ahitin dahil
may ilang mamaso ito sa parteng nguso nito.

Maging maayos ka na sana. Hindi lang mula sa sakit mo kundj na rin sa damdamin mong sinaktan ng
bruhilda mong ex, At kapag naka-move on ka na ng tuluyan. Promise, ako ang unang tao na masaya para
sa iyo. Nakakainis lang dahil hindi ka pinahalagahan ng ex mo.

Sinamantala pa ang kabaitan mo. Suwerte na nga niya dahil may isang ikawsa buhay niya Bonus pa ang
pagiging mayaman mo. Kung ako siya, naku, hinding-hindi kita lolokohin...

Napakurap-kurap siya sa naisip. Pagkuwan ay agad ipinilig ang ulo. As if naman may magkakagusto sa
kaniya na isang kasing yarnan ni Mhorric? Isa iyong malaking ilusyon. Ngumiti siya bagaman at may
lungkot pa rin na mababakas sa mukha.

Bago pa siya malunod sa kung ano-anong isipin ay kinuha na niya ang ointment at binuksan. Lumapit
siya lalo kay Mhorric. Niyuko pa niya ito. Hindi naman siya maaaring umupo sa gilid ng kama nito dahil
tiyak niya na lulundo iyon. Baka magising pa ito.

Pagkalagay sa isang cotton buds ng

ointment ay maingat niyang pinahiran ang mukha nito.

"Kaunting tiis na lang gagaling ka na. Tiwala lang. At kapag nangyari iyon, parang nagdahilan lang ang
mamaso mo. lyong tipo na parang walang nangyari sa mukha mo. Kaya gagawin ko lahat gurnaling ka
lang. Promise iyon," mahina pa niyang an as.
Malapit na siyang matapos sa pagpapahid ng ointment sa parteng leeg nito nang unti-unting magmulat
ng mga mata si Mhorric. Napakislot siya nang hawakan nito ang kamay niyang akmang magpapahid sa
leeg nito. Daig pa niya ang hull' sa akto ng pagnanakaw.

Hayon na naman ang kabogsa kaniyang dibdib. Pakiramdam niya aytatalon na palabas ang puso niya
mula sa kaniyang dibdib.

"S-Sir," kagat ang ibabang-labi na nginitian niya ito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"A-Ah, eh..." Sinubukan muna niya na bawiin ang kamay niyang hawak nito pero hindi nito iyon
binitiwan. Kaya minabuti niyang maupo sa gilid ng kama nito. "Kuwan PO, ginagamot kayo."

Tumingin ito sa bedside table nito kung saan may alarm clock. "Two-thirty pa lamang ng madaling araw.
Dapat natutulog ka pa."

"Eh, kasi nga po gagamutin ko kayo. Saka nagising lang din ako kanina kaya naisipan kong

puntahan ka na rito nang maalala ko na hindi ko nga pala nalagyan ng ointment ang inyong mamaso.
Pasensiya, Sir, kung naabala ko ang pagtulog ninyo. G-gusto ko lang naman na malagyan ng gamot ang
mamaso ninyo. Nawala kasi sa isip ko kaninang lagyan, pagkatapos ninyong kumain ng hapunan."

Naasiwa siya nang hindi nito alisin ang tingin sa kaniya. May muta kaya siya sa mata? Pasimple tuloy
niyang hinawakan ang mata. Wala naman siyang nakapa roon.

"Kung wala kang ointment na ipinapahid sa akin, iisipin ko na sinasamantala mo ang pagkakahimbing ko
sa pagtulog para pagsamantalahan ako rito."

Namaang siya sa sinabi nito. "Hoy, Sir, wala sa isip ko na gawin 'yon sa inyo. Hindi pa ako baliw."

Kunway naningkit ang mga mata nito. Humigpit pa lalo ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

"So you mean to say na baliw lang ang magkakainteres na pagnasahaan ako dahil sa kundisyon ko
ngayon?" anito na naupo na rin mula sa pagkakahiga nito. "Baka kapag nakita mo 'yong totoo kong
itsura ay maglaway ka pa?"

Bigla ang pagkalabog ng dibdib niya sa hindi niya malamangdahilan na naman. Idinaan niya sa tawa ang
nararamdamang kaba. "Naku, Sir, hindi po mangyayari 'yon. Bitiwan niyo na po ako at lalabas na ako."

"Oh, really?"

Bukod sa kaba sa dibdib niya ay naramdaman na naman niya ang pagkaasiwa rito. Bakit hindi normal ang
tibok ng puso niya? Baaakiiit?!
Pati kamay ni Mhorric na nakahawak sa kaniya ay kakaiba na rin ang idinudulot sa kaniya. Super weird at
awkward na pakiramdam ang idinudulot nito sa kaniya. Hindi na rin niya magawang salubungin ang
tingin nito. Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Nasaan na angtapang niya?

"Bitiwan niyo na ho ako."

"Later. Hindi pa ako tapos sa iyo. Actually may utang ka pa nga sa akin. And yet, wala man lang akong
narinig na pasasalamat mula sa iyo."

Sa sinabi nito ay napatingin na siya rito. May sumilay pang munting ngiti sa labi nito. Kumunot ang noo
niya dahil hindi niya alam ang sinasabi nitong utang niya rito.

"Mahirap nga kami pero pangungutang ang iniiwasan kong gawin. Kaya kung ano man ang tinutukoy
mong utang ko sa iyo ay wala ho akong alam diyan. Baka... baka nagkakamali ka lang ng tinutukoy o kaya
ay kulang ka pa sa tulog. Tama, matulog ka na ulit, Sir, para naman hindi ka rin mapuyat. Pasensiya
talaga sa abala."

"Hindi mo ba talaga maalala?" sa halip ay wika pa nito. Napaisip ito. "Sabagay hindi mo matatandaan
dahil kakaiba ang hitsura ko ngayon."

Sinikap niyang bawiin muli ang kamay mula rito pero hindi pa rin nito iyon binitiwan.

"P-puwede na ba akong lumabas?"

Tuluyan ng nawala ang antok na nararamdaman ni Mhorric ng mga sandaling iyon. Amuse itong
nakatitig sa asiwang si Candy.

"Papasok-pasok ka rito tapos ngayon atat ka ng lumabas? As if naman ay may gagawin ako sa iyo."

Napalunok siya. "Kailangan ko na kasi ulit bumalik sa pagkakatulog," dahilan niya. Pero ang tooo niyon
ay gusto na niyang makawala kay Mhorric. Lalo na sa kakaibang pakiramdam na idinudulot nito sa kaniya
nang mga sandaling iyon. Siya lang ba ang nakakaramdam niyon at sobrang apektado rito? Sana naman
ay pakawalan na siya nito bago pa siya matunaw roon.

"Natatakot ka ba sa akin, Candy?"

Binanggit nito ang kaniyang pangalan. Alam na nito? Samantalang hindi naman niya sinasabi rito. O baka
naman dahil nabanggit ng mga kasamahan niya kapag tumatawag ito sa intercom? Baka ganoon nga ang
dahilan.

Napilitan tuloy siyang tingnan ito. Lihim

siyang napalunok nang mapatitig sa mga mata nito. May kung anong lungkot siyang nakita roon.

Para saan naman kaya iyon? Umiling siya.

"Bakit naman ako matatakot sa iyo?"


Unti-unti na rin nitong binitiwan ang kamay niya at nag-iwas ng tingin. "N-Nothing. Forget what I've said.
Sige na at matulog ka na uli."

Siya naman ngayon ang parang ayaw agad itong iwan. Napabuntong-hininga tuloy siya. "Sir Mhorric,
kahit ganiyan ang hitsura mo ngayon, hindi ka naman nakakatakot. 'Wag ka ngang negative. Nakaka-
stress 'yong gan iyan. Pagaling ka na para hindi ka na insecure sa kagandahan ko kapag nasa tabi mo lang
ako," biro pa niya rito. Turnayo na siya.

Natuwa ang puso niya nang ngumiti ito. At least, napangiti niya ito sa banat niyang iyon. Nagpaalam na
siya rito. Nasa may pintuan na siya nang tawagin siya nitong muli.

"Thank you. Thank you for accepting this job."

"Pasalamat ka, Sir, dahil the price is right," biro pa niya.

Sapat na ang ngiting sumilay muli sa labi nito nang tuluyan siyang lumabas sa silid na iyon. Pero isang
bagay ang hindi nawala sa isip niya at ngayon nga ay unti-unting nagpapagulo roon. May utang daw siya
sa binata. Nagkita na ba sila noon? Pero bakit wala siyang matandaan?

Chapter 20

HABANG abala sa pagpapalit ng kobre-kama si Candy ay sinisikap niya na ignorahin ang presensiya ni
Mhorric sa paligid. Sa halip kasi na lumabas ito sa silid nito, katulad nang parati nitong ginagawa kapag
nagpapalit siya ng kobre-kama, punda at comforter ng higaan nito, hindi iyon nangyari nang mga
sandaling iyon.

Bagkus ay mas pinili pa nitong manatili sa 100b.

Naroon ito at prenteng nakaupo sa isang one setter na sofa. Habang ang tingin ay ramdam niya na
nakasunod sa bawat galaw niya.

Bigla na lamangsiyangtinamaan ng pagka-awkward dito. Siguro ay dahil sa nangyari kaninang madaling


araw. Basta, iba ang impact niyon sa kaniya. Hindi rin niya literal na maipaliwanag. O baka naman dahil
kulang na siya sa tulog dahil hindi agad siya dinalaw ng antok? Napakaaga pa naman niyang burnangon
kaninang umaga.

Nang matapos sa kaniyang ginagawa ay wala pa rin sana siyang balak na tapunan ng tingin si Mhorric
nang tila ba hindi ito makatiis sa pang-iignora niya rito.

"Pakiramdam 1<0, sinasadya mo na hindi ako pansinin dito. Pansin ko rin kanina nang magdala ka ng
almusal ko rito."

Lihim pang napalunok si Candy bago lakas-loob na ibinaling ang tingin kay Mhorric. Humigpit pa nang
bahagya ang kapit niya sa kaniyang mga dalang labahin.
Ngunit nang magtama ang kanilang mga tingin ay bahagya siyang nagbaba ng tingin sa mga dala niya.
Bakit hindi niya kayang salubungin ang titig nito? Ano'ng nangyari sa kaniya?

"Ang darni ninyong napapansin, Sir," sabi na lang niya. "Dadalhin ko muna itong mga labahin sa baba."

"Para mamayang lunch ka na ulit papasok

Napalunok na naman siya. Tingin naman niya ay wala na siyang gagawin pa roon. Pero bakit nagtutunog
nanunumbat pa si Mhorric?

"Ganoon na nga, Sir. May problema ba?" kaswal niyangtanong nang salubungin na muli ang mga titig
nito na nagpapalakas ng bawat kabog sa kaniyang dibdib.

Candy, ano na ba ang nangyayari sa iyo? aniya sa kaniyang isipan. Maysaltik na yata ang aking puso.
Dahil hindi na normal kung tumibok..

Tumayo ito mula sa pagkakaupo at nilapitan ang intercom. Tumawag ito sa kusina.

Nagpapaakyat ng isang kawaksi para kunin ang

mga dadalhin niya sa baba. Naiimposiblehan tuloy siya sa kaniyang amo. Kaya naman nang matapos
itong turnawag ay hindi niya napigilan ang sarili na hindi ito lapitan.

"Sir, kaya ko naman itongdalhin sa baba, kontra pa niya sa ginawa nito.

"l know," seryoso nitong wika.

"K-kung ganoon—"

"Narito ka para sa akin, baka nakakalimutan

"At ano naman ang connect niyon sa mga dala kong labahin?" aniya na bahagya itong tinitingala.

"Meaning, ako ang priority mo at hindi ang mga 'yan."

Kinunutan niya ito ng noo. Hindi niya ma-gets ang mismong punto nito. Alam naman niya na ito ang
trabaho niya. Pero kasi, magdadala lang naman siya sa ibaba ng mga pinagpalitan mula sa kama nito at
wala ng iba.

"Sir, kayo naman talaga ang first priority ko ngayon. Kaya nga inayos ko 'yong kama ninyo para hindi sa
iba kundi para sa inyo mismo. At isa pa, pakiusap lang, hindi worth it pagtalunan ang pagdadala ko
nitong mga labahin sa baba." Napabuntong-hininga siya. "'Wag ninyong gawing big deal at—

Napatigil sa pagsasalita si Candy nang

marinig ang sunod-sunod na katok sa may pinto.

Napatingin siya roon.


Huli na nang makapagreklamo siya nang kunin na sa kaniya ni Mhorric ang mga dala niya at walang salita
na hinayon nito ang papunta sa may pintuan para ibigay sa kawaksi ang mga labahin.

Naibaba na lamang niya ang kaniyang mga kamay

Ano pa ba ang kailangan nito sa kaniya? Pakiramdam niya ay ang sikip ng paligid dahil sa presensiya ni
Mhorric.

Nang maisara ni Mhorric ang pinto ay muli itong naglakad pabalik sa kinauupuan nito kanina.

"Tatayo ka na lang ba riyan?"

Sinulyapan niya ito. Ano pa ba ang dapat niyang gawin?

Nang mapatingin siya sa kalapit nitong upuan ay baka nais siya nitong paupuin doon. Wala na lang imik
na ginawa niya ang nasa kaniyang isipan.

'"Wag mo ng uulitin 'yong ginawa mo kaninang madaling araw para lamang malagyan ng ointment ang
mamaso ko," kaswal pang wika nito sa kaniya.

Tumango siya. "Okay, Sir. Last na 'yon," aniya na itinuon ang tingin sa coffee table.

Bakit angawkward?himutok pa niya sa kaniyang isipan.

"Candy.. ."

Napatingin siya rito nang muli niyang marinig ang pangalan niya na banggitin nito.

"'Yon ba talaga ang pangalan mo?" bakas ang pagtataka sa boses nito.

Turn ango siya. "Yes, Sir."

Sana ay hindi nito maalala ang kapatid nitong si Sugar nang dahil sa kaniyang pangalan.

Bakit kung banggitin nito ang kaniyang pangalan ay may kakaibang dulot sa kaniya? O masyado na
siyang napapraning nang dahil mismo kay Mhorric kaya naman nabibigyan na niya ng meaning ang mga
bagay-bagay na related

"Daig mo pa ang lutang dahil kulang sa tulog," napapalatak pa ito. "l should lock the door at night." lyon
ba ang dahilan kaya pinag-stay pa siya nito roon? Para sermonan?

Nahawakan tuloy niya ang ibaba ng kaniyang mga mata. Hindi pa siya nakakaharap sa salamin. Baka
mukha siyang zombie na may malaking eye bag. Nakaramdam tuloy siya ng kaunting pagka-conscious sa
kaniyang hitsura.

Tumikhim siya at iniliko na ang usapan. Baka matunaw pa siya roon ngtuluyan. "Malapit na kayong
gumaling, Sir," aniya na matamang pinagmamasdan ang mukha nito.
Sa totoo lang ay sabik na siyang makita ang totoo nitong hitsura. Kung ano ba ang nakatago sa likod ng
injured nitong mukha nang mga sandalingiyon.

"Gaano kalapit?"

"Isang linggo pa," aniya na tipid pa itong nginitian.

Sumandal ito sa kinauupuan nito at mataman din siyangtinitigan pabalik. Gusto sana niyang magbawi ng
tingin, ngunit baka magtaka na naman ito kung gagawin niya iyon. Lihim na naman siyang napalunok.

"Excited ka ng makawala rito?"

Napalis angtipid na ngiti sa labi niya. "Sir, mas excited akong gumaling ka. At hindi rin ako atat na
makaalis dito. For your information, Sir." "Sabi mo lang 'yan," anito na nagbawi ng tingin at itinuon iyon
sa wall na nasa tapat nito.

"Wala namang kaso sa akin," dagdag pa nito. Katahimikan angsunod na namayani sa pagitan
nilangdalawa.

Bakit tunog labas sa ilong nito ang sinabi nito? Gusto niyang isipin na ayaw pa siya nitong mawala sa
paningin nito. Pero ayaw naman niyang magmukhang ilusyunada.

Sa totoo lang, isa sa gustong-gusto niya ay

iyong naririnig ang boses nito. Ewan ba niya, pero ang sarap lang din kasi sa pandinig. Sa boses pa lang
nito ay hooked na hooked na siya. Siguro dahil nasanay na siyang naririnig iyon.

"Sir, kung may kailangan kayo ay sabihin na ninyo para magawa ko na," untag niya sa pananahimik nito.

"Wala na."

Pinigilan niya ang kunutan ito ng noo. "O-okay," sabi na lamang niya.

Hindi niya alam kung tingin lang niya o assuming lang siya na para bang may nais pa itong sabihin ngunit
hindi naman nito magawang i-voice out. Para bang may pumipigil clito na hindi niya mawari kung ano.

"Kung may kailangan ka, Sir, tawag ka lang sa baba," aniya na tumayo na at baka pigilan na naman siya
nito sa kaniyang pag-alis.

"Sige."

Isang sulyap pa niya rito bago ito tuluyang iniwan sa silid nito.

"Napapraning lang ba talaga ako o tama ang tingin ko?" hindi pa niya napigilang litanya habang
naglalakad sa pasilyo. "Bakit parang pati kay Sir Mhorric ay may kakaiba?"

Napabuntong-hininga siya. Kaunting panahon na lamang siya roon. Hindi dapat niya binibigyan ng ibang
meaning ang mga bagay-bagay na napapansin niya.
T e Summer

Readers also enjoyed: The Summer Moon o 2466K Read

TAGS alpha sex fated mate badboy

Chapter 21

"ANO'NG pinagkukumpulan ninyo riyang dalawa?" untag ni Candy kina Tala at Maring na naabutan niya
na parehas na nakadungaw sa labas ng malaking bahay.

Hinila siya ni Maring at saka siya pinaggitnaan nito at ni Tala. Pagkuwan ay itinuro ang tinitingnan ng
mga ito kanina pa.

"Si Sir Mhorric, hayon at nakatambay sa may kubo," ani Maring sa kaniya.

Sandali siyang nawalan ng masasabi habang nakatuon angtingin sa hindi kalayuan kung saan naroon si
Mhorric. Kahit nasa malayo ito, bakit tila kilalang-kilala na niya ang bulto nito?

Huminga siya nang malalim para paluwagin ang kaniyang paghinga.

Malawak din ang lupa na kinatitirikan ng malaking bahay ng mga ito. At sa kubo na kinaroroonan nito ay
over looking din mula roon ang Taal Lake.

Sumilay ang ngiti sa labi niya. "Okay 'yan, naiisipan na rin ni Sir na lumabas ng bahay," aniya sa mga ito.

"May punto ka, Candy. Nagulat lang din kami ni Maring na makita roon si Sir Mhorric. Alam mo na,
simula nang narito siya, mas gugustuhin pa

niya na nakakulong lang siya sa silid niya," ani Tala.

Tinapik siya sa balikat ni Maring. "Candy, ikaw na ang pumunta kay Sir. Magtatanghalian na rin naman.
Tanungin mo siya kung doon na ba siya kakain ngtanghalian niya.

Tumango siya. "Sige," pag-sang ayon niya. Wala namang kaso sa kaniya. Dahil sa dalawa niyang kasama
ay naroon pa rin ang pag-aalinlangan.

"Tamang-tama, lilinisan namin angsilid ni Sir habang nasa labas pa siya."

"Sige, mabuti pa nga," aniya sa mga ito. "Pupuntahan ko na muna si Sir," paalam niya sa dalawa bago
hinayon na ang kinaroroonan ni Mhorric.

Napahinto lang siya sa paglalakad at muling bumalik sa 100b ng bahay.


"Oh, bakit?" taka pang tanong sa kaniya ni Maring at Tala.

"Magdadala ako ng lemonade kay Sir. Baka nauuhaw siya," aniya na muling dumiretso sa kusina at
ipinagtimpla ng maiinom ang amo nila.

Dala na niya ang ginawa niyang lemonade nang puntahan na niya si Mhorric sa may kubo. Medyo nasa
hindi kalayuan iyon ng malaking bahay. May malawak na lawn na nalalatagan ng carabao grass bago iyon
marating. Bagay na bagay sa mga bata na doon magtakbuhan. Dahil iyon ang perfect para sa mga batang
naglalaro nanghabulan.

"Sir," aniya nang marating ang kubo.

Maingat pa niyang ipinatong ang tall glass na may lamang lemonade sa tapat nito. Mayroon kasi roong
lamesa na yari din sa kawayan. Pagkuwan ay naupo siya sa hindi kalayuan dito. "Dito na rin ba kayo
manananghalian? Kasi kung dito, dito ko na lang dadalhin ang pagkain ninyo." May ngiti sa labi na
inilibot niya angtingin sa paligid. "Masarap kumain dito, Sir, lalo na 'yong may ganito kagandang view sa
harapan mo."

"Dito na lang."

Ibinalik niya rito ang tingin at tumango. "Sige, Sir."

"Sabayan mo ako."

Natigilan siya. Ano'ng sinabi nito? "H-ho?"

Sinulyapan siya nito. "Kung dito ako manananghalian, sabayan mo akong kumain dito."

Kundisyon ba nito iyon?

"H-hindi na, Sir," tanggi niya. Nakakahiya na sabayan ang amo sa pagkain nito. "Nakakahiya sa inyo,"
pagsasatinig niya sa kaniyang nasa isipan.

"l still insist," anito na uminom sa baso ng lemonade. "Unless, nakakawalang gana na sabayan ang
katulad ko dahil sa hitsura ko. Baka hindi ka matunawan."

"Sir, napaka-judgemental mo talaga sa sarili mo," reklamo niya sa sinabi nito. "Sige, sasabayan na lang
kitang kumain dito," pagpayag na rin niya para hindi na nito maisip pa angsinabi nito na totoo lyon.
"Hindi naman dahil mawawalan ako ng ganang kumain kapag sinabayan kang kumain dito. Nakakahiya
lang talaga, Sir. Kasi amo kita." Tipid niya itong nginitian. "Ibinabagay ko lang ang sarili 1<0."

"At hindi ka bagay sa akin?" kaswal pa nitong tanong. As if teasing her.

Idinaan niya sa tawa ang kaba na tila lalong nagrambulan sa kaniyang dibdib. Ramdam niya ang pag-iinit
ng kaniyang mga pisngi. "Sir, ha. 'Yang pabanat-banat mong ganiyan, ibagay mo rin sa taong kaharap
mo."
Pasimple siyang nag-iwas ng tin gin at itinuon iyon sa may Taal Lake. Kung puwede lang itago ang mukha
niya sa buhok niya. Bakit ba bigla itong bumanat ng ganoon? Baka hindi siya makatulog mamaya.

Hindi agad ito nagkomento pero may bakas ng ngiti sa labi na nagbawi ng tingin.

"Nililinis ho pala 'yong silid ninyo ngayon nina Maring at Tala," pag-iiba niya ng topic. "Tutal, narito rin
naman kayo sa labas."

"Okay. Sila na lang ang pagawin mo ng paglilinis sa kuwarto ko, hindi mo naman trabaho 'yon. Saka
'yong pagpapalit sa mga nakalagay sa

kama 1<0."

Ngayon, pinagbabawalan na rin siya nitong maglinis sa silid nito at magpalit ng mga punda ng unan,
kobre-kama at comforter. Sabagay, hindi naman talaga niya trabaho ang ganoon.

Wala iyon sa bilin sa kaniya ni Donya Teresa. Pinagkukusaan lang naman niya.

"S-sige, Sir." Wala namang kaso sa kaniya. Basta hindi nito susungitan ang dalawa niyang kasama.

Napatingin siya sa dalawa nitong kamay na nakahawak sa baso. Nagagandahan siya sa mga kamay nito
dahil may kahabaan ang mga daliri niyon. Maputi pa.

Hindi niya napansin na sinundan pala ni Mhorric ng tingin ang kaniyang tinitingnan. Pero iba ang inakala
nito.

"Don't worry, uubusin ko itong lemonade mo," anito na nakapagpakurap kay Candy.

Nagbawi siya nang tingin. "Maganda rin 'yan sa katawan ninyo, Sir," sabi na lang niya. Hind niya alam
kung aalis na ba siya o hindi pa. Kung gusto pa ba nito na naroon siya o hindi? Nahihiya naman siyang
magtanong.

Kung kailan siya tumagal doon ay saka pa siya nakaramdam ng pagkapahiya sa kaniyang amo. At kung
bakit pakiramdam din niya ay sumisikip ang mundong ginagalawan niya nang dahil dito.

"Ano'ng una mong gagawin kapag tapos na ang trabaho mo sa akin?" out of nowhere ay bigla na
langtanong ni Mhorric. Ito naman ngayon ang nag-o-open ng topic.

"Ipagdadasal ka sa paborito kong simbahan."

Kumunot ang noo nito nang balingan siya. "For what?"

Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na mapatawa sa reaksiyon nito. "Sir, hindi naman siguro
kasalanan sa Diyos na ipagdasal ka."

"For what reason? Bakit ipagdadasal mo


Bahagya pa niyang nakagat ang ibabang-labi habang bakas pa rin ang ngiti roon bago siya nagsalita.
"Para sa kaligtasan mo kapag bumalik ka na sa totoo mong mundo. Na maging maayos ka na at hindi na
dapuan ulit ngsakit." Saka, 'wag mo na talagang balikan angex mo na ginago ka, patuloy niya sa kaniyang
isipan.

"Kung magkasakit ba ulit ako, aalagaan mo ulit ako?"

Bakit may sipa sa kaniyang dibdib ang tanong nitong iyon?

"If the price is right, Sir," aniya na hindi nagpahalata rito na may kakaibang nararamdaman. At ang
pagkailang pa sa kaniyang katawan ay unti-unti siyang binabalot. "Pero, malabo kang magkasakit ulit.
Malakas ako sa itaas, siguradong tutuparin Niya ang hiling ko na ilayo ka sa kahit na ano'ng klase ng
sakit."

"Tsss. Mukhang ayaw mo na akong alagaan kaya dadaanin mo na agad sa dasal," naiiling pa na nagbawi
ito ng tingin. Inubos na rin nito ang laman ng baso nito.

"Sir," aniya kapagkuwan. Bahagya na naman niyang nakagat ang ibabang-labi. "Wala ka bang picture
dati?" lakas-loob niyang tanong dito.

"Bakit? Ipapakulam mo ako?"

Umawang ang labi niya sa sinabi nito. "Uy, grabe ka. Hindi, Sir. Curious lang ako sa totoo mong hitsura.
Panay kasi ang sabi mo na may utang ako sa iyo at nagkita na tayo dati. Pero hindi ko maalala kung saan
at kailan at kung ano ang nangyari?"

"Never mind about that."

Nakagat na naman niya ang ibabang-labi. "May picture ka ba riyan sa loob ng bahay ninyo? Ako na ang
maghahanap," pagbubuluntaryo pa niya.

"Wala. Kaya 'wag ka ng mag-aksaya pa ng panahon sa paghahanap."

Bahagya siyang napalabi. Mukhang ayaw nitong ipakita ang sarili.

"Baka hindi mo rin naman matandaan pa," he added.

"Paano kung matandaan kita?"

Parang gusto niyang magbawi ng tingin nang burnaling ito sa kaniya. "Nakikini-kinita ko na ang magiging
reaksiyon mo."

"Sabihin mo na lang, Sir, kung saan kita eksaktong nakita. At saka, sa laki ng mundong ginagalawan mo,
matatandaan mo ako? Baka naman, kahawig ko lang ang nakita mo kaya in-assume mo na ako 'yon?
Kasi, imposible talaga na nagkita na tayo noon."
At kung siya nga ang nakita nito noon, parang ang haba naman masyado ng buhok niya para matandaan
pa siya nito.

Hayon na naman ang hitsura ni Mhorric na para bang gustong magsalita na parang ayaw. Ano ba ang
pumipigil dito na magsalita?

"Malalaman mo rin, pagdating ng takdang panahon." lyong reaksiyon niya kapag binibitin ay hindi niya
napigilan. Nairapan tuloy niya si Mhorric.

"Pabitin," bulalas pa niya.

Katulong lang siya nito ngunit nagawa niya itong irapan ng harapan, huli na nang maisip niya iyon. Sa isip
ay nahila niya ang kaniyang buhok. Pero hindi naman ito nagalit sa ginawa niyang expression na pag-
irap.

"Pero isa lang ang sinisigurado ko sa iyo, Sir, wala akong utang sa iyo." "Mayroon," giit nito.

"Ano nga kasi 'yon? Imposibleng pera. Kasi

'yan ang isa sa ayaw ko, ang mangutang ng pera. Kaya hanggat maaari ay paghihirapan ko sa marangal
na paraan ang pera na kakailanganin

"Narinig ko na naman 'yang marangal na paraan mo," parang kulang na lang ay urniling ito pagkasabi
niyon. "May involve na pera nang magkita tayo noon," pagbibigay pa nito ng clue sa kaniya.

Mayroong money involve?

Mataman niya itong pinagmasdan. Paanong magkakaroon ng money involve? Eh, lahat naman ng
kaniyang kinikita ay pinaghihirapan niya. O baka naman nakapag-side line na siya rito noon? Pero dahil
sa hitsura nito ngayon ay hindi pa rin niya ito makilala?

"Pasensiya na, Sir, pero hanggat hindi ko nakikita ang totoo mong hitsura, hindi ko matatandaan ang
gusto mong puntuhin na ayaw mo pang sabihin ng diretso."

Nagkibit ito ng balikat. "Wala namang kaso sa akin."

"Pero pinasasakit mo ang ulo ko sa kaiisip kung ano 'yongtinutukoy mo na mayroon pang money
involve." Parang gusto niyang halughugin ang buong mansiyon para makakita ng larawan nito. Wala
naman kasi talagang naka-display maliban sa portrait ng lolo't Iola nito na naka-display sa may malawak
na salas.

"Never mind. Basta may utang ka.

Maniningil din ako sa tamang panahon. At alam kong ikaw 'yon at hindi mo lang basta kamukha." Kung
ganoon, malakas talaga ang paniniwala nito na siya ang nakasalamuha nito noon at hindi ibang tao lang.
Pero napapaisip talaga siya part na mayroon daw money involve. Sa ano nga kayang pangyayari sila nito
nagkita noon? At ayaw pa nitong diretsohin iyon sa kaniya. Para bang sinasadya na pag-isipin talaga siya.
"Sir, siguradong hindi na tayo magkikita ulit pagkatapos ng trabaho ko rito sa iyo, kaya sabihin mo na,"
pamimilit pa niya rito.

"Masyadong maliit ang mundo, kaya imposible na hindi ulit tayo magkita."

"Pustahan?" wika pa niya. Ayaw lang din kasi niya na umasa na magkikita pa sila ulit nito sa ibang
pagkakataon. Baka nga lampasan na lang siya nito kung mangyari man iyon na magkakasalubong sila sa
daan. Hindi naman sila close o ano pa man para magkumustahan sa daan kapag nagkrus muli ang
kanilang mga landas.

"Ipupusta ko pa ang buhay 1<0," tiwalang-tiwala pa na wika nito.

Ganoon talaga ito kasigurado?

Naiimposiblehan talaga siya rito. Unless, gusto pa rin siya nitong makita? Hayon na naman ang

kakaibang kabog sa dibdib niya dahil sa kaniyang naisip.

"Kapag nagkrus ulit ang landas natin pagkatapos ng trabaho ko na ito sa iyo, Sir, ililibre pa kita sa kahit
saan mo gustong kainan." Alam niya na sa mga mamahaling kainan ito kumakain. Siguro naman ay
imposibleng magkita ulit sila kaya gusto niyang makampante. Pero kung iaadya man ng pagkakataon,
baka mapasubo siya?

"Deal. You also owe me, one day of your life, he even added.

Aba at humirit pa ng isang buong araw ng buhay niya. Ano sila magdi-date maghapon? Luka-luka ka
talaga, Candy!

"Deal," nakangiti pa niyang sang-ayon.

The Wolf Princess and...

Addie Hayes

"How many mates do you have,

Princess? Kia asks] look over at h.

Chapter 22

MATAPOS mamitas ng mga dahon ng malunggay ay ipinasya na rin ni Candy na bumalik na sa mansiyon.

Buhat sa nilalakaran niya ay natanawan pa niya ng bahagya ang kinaroroonang silid ni Mhorric.
Napangiti siya nang maalala ang binata. Sa halos isang linggo at mahigit niyang pag-aalaga at
paggagamot dito ay malaki na ang pinagbago nito. Patuyo na kasi ang mamaso nito. Ibig lang niyong
sabihin ay malapit na rin niya itong iwanan. For real.
Unti-unting napalis ang ngiti sa labi ni Candy. Bakit bigla siyang nalulungkot sa kaalamang malapit na
silang magkahiwalay ng land as? Napapadalas iyon. Ipinilig-pilig niya ang ulo. Kung ano-ano na talaga
ang pumapasok sa kaniyang isipan. Alam niyang hindi na iyon healthy. At lalong hindi maaari na
makaramdam siya ng lungkot o ano dahil sa nalalapit na paghihiwalay nila ng landas ng binata.

"Ang mahalaga ay matapos ko ang misyon ko sa kaniya. Tama. Ganoon nga, Candy. lyon naman ang
mahalaga sa lahat.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Daig pa niya ang zombie na mabagal na naglalakad.

"Hey!"

Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ang may-ari ng boses na iyon. Isang guwapong matangkad,
maputi at mukhang modelong lalaki ang nakita niya. At amoy mayaman din.

"B-bakit PO?" Wala namang ibang tao roon kaya malamang na siya ang tinatawag nito.

"Sabi ni Lola Teresa narito raw si Mhorric. I just wanted to visit him. Hindi naka-lock ang gate ninyo rito
kaya nagkusa na rin akong pumasok sa gate," inporma pa nito sa kaniya.

Tinantiya muna niya ang sinabi nito bago siya nagsalita. "Kamag-anak ka ba ni Sir Mhorric?"

Umiling ito. "Hindi. Just a very close friend," nakangiti pang pinagdikit nito ang dalawang daliri. Ibig
sabihin ay ganoon ka-close ang mga ito.

Bakit ganoon? Dapat kahit katiting na paghanga ay mayroon siyang maramdaman dahil ubod din naman
ng guwapo itong kaharap niya. Pero bakit wala? lyong tipo kasi nito, daig pa niya ang may kaharap na
isang guwapong-gwapo na artista.

"How about you? Imposible naman na pinsan ka ni Mhorric dahil sa pagkakaalam ko ay nasa America
lahat ng relatives nila at bibihirang urnuwi rito sa Pilipinas."

Naghihintay ng sagot ang nakangiti nitong

mga mata. Tama ba na makipag-usap siya rito? Baka isipin ng makakita sa kanila na nakikipaglandian siya
rito. Kaya tuloy kahit ngiti ay hindi niya magawang ibigay rito.

"A-Ah, kuwan," huminga siya nang malalim. "Ako po 'yong nag-aalaga ngayon kay Sir Mhorric." Hindi ba
obvious sa suot niya?

Lalo itong napangiti. "Talaga? Akala ko ay mag-co-cosplay ka kaya ganiyan ang suot mo. Hindi halata na
tagapag-alaga ka ni Mhorric. Well, 1 1 m Blair. And you are?" Inilahad pa nito ang kamay sa harapan
niya.

Nambobola ba ito o sadyang mas mukha lang talaga siyang mag-co-cosplay dahil sa suot niya?
Napatingin siya sa kamay nitong nakalahad ngayon sa harapan niya. Tatanggapin ba niya? Napasulyap
siya sa nagpakilalang Blair. Bahagya pa itong nakakagat sa ibabang-labi nito. Aabutin sana niya ang
kamay nito nang...

"Candy!"

Napakislot siya nang marinig ang malakas na boses na iyon. Kasabay niyon ay ang pagdagundong na
naman ng puso niya. Pagharap niya sa mansiyon ay nakita niya na papalapit si Mhorric sa kanila.
Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa kaniya.

Ibinaba na niya ang kamay at lumayo kay

Blair. "S-Sir Mhorric." Sa isip ay napapikit siya ng mariin. Baka kung ano ang isipin nito.

At kailan pa naging mahalaga ang opinyon ni Mhorric?epal ng isang bahagi ng isip niya.

"May bisita ka PO. Babalik na ako sa

100b." Nagmamadali na siyang naglakad palayo at baka pagalitan pa siya nito. Pero hind nakalampas sa
pandinig niya ang sinabi ni Blair kay Mhorric.

"Ang ganda ng tagapag-alaga mo, pare.

Parang gusto ko na ring magkaroon ng impetigo. But seriously speaking you really look mess. Kung hindi
ko lang kilala angtindigan mo ay hindi kita makikilala."

"Bakit pumunta ka pa rito?" imbis ay asik ni Mhorric kay Blair.

"About you and Ann Dae..

Hindi na narinig pa ni Candy ang iba pang sasabihin ni Blair dahil malayo na siya sa mga ito.

Napabuga siya ng hangin nang makapasok sa mansiyon. Mukhang hindi na normal ang pagbilis ng tibok
ng puso niya kapag nariyan si Mhorric. Nakagat niya ang ibabang labi. Bakit pakiramdam niya ay
masamang senyales iyon?

Nang makarating naman sa kusina ay sandali pa siyang natulala lang. Nasa malalim siyang pag-iisip ng
tabihan siya ni Maring sa may kitchen island. Binunggo pa ni Maring ang braso niya kaya tila siya burnalik
sa realidad.

"May sinasabi ka?" agad niyang tanong rito.

Urniling ito. "Naiinip ka na ba rito?"

Urniling siya at nginitian ito. "Hindi. Naisip ko lang 'yong pamilya 1<0," sabi na lang niya. Bigla ay na-miss
niya ang pamilya niya. Kumusta na kaya ang mga ito? Sana ay maayos lang ang mga ito. Napabuntong-
hininga siya. "Nami-miss ko na sila. Lalo na sina Nanay at Tatay."
Hinagod nito ang likod niya. "Ganoon ba? Mukha namang malapit ka ng matapos sa trabaho mo kay Sir
Mhorric dahil malaki na ang improvement niya simula nang dumating ka. Nakakatuwa na tumagal ka
talaga rito." "Haaay. Kung hindi rin ako makikipagmatigasan ay siguradong siya ang mananalo.
Napakatigas ng ulo lalo niya noong una. Pero ngayon naman ay okay na siya. Hindi na pasaway. At ilang
araw na lang ay sigurado akong gagaling na siya."

Tumango ito. "Hulog ka ng langit, Candy."

Nginitian niya si Maring. Itinuloy na rin niya ang balak na paghihimay sa malunggay.

NAPAMULAT si Candy. Malakas din ang kabog sa kaniyang dibdib. Napalunok siya. Sasandali pa siyang
nakakatulog nang hapon na iyon nang managinip siya. Kanina kasi, matapos

kumain nangtanghalian ay wala naman siyang gagawin dahil busy si Mhorric sa dumating nitong bisita
kaya ipinasya niya na magsiyesta nang hapon na iyon. Nakatulog naman siya. Pero isang panaginip ang
gumisingsa kaniya.

Ramdam din niya ang panunuyo ng kaniyanglalamunan.

Bakit dinalaw siya ng panaginip na iyon? Ang raid na nangyari sa isang bar sa may Tomas Morato at ang
estranghero na lalaki na siyang nagligtas sa kaniya. Parang buhay na buhay sa kaniyang panaginip ang
pangyayari na iyon.

Pero bakit boses ni Mhorric ang naririnig niya sa panaginip niya habang magkausap sila niyon?

Nasapo niya ng dalawa niyang kamay ang kaniyang noo at mariing pumikit.

"May involve na pera nang magkita tayo noon..

"Actually may utang ka pa nga sa akin. And yet, wala man lang akong narinig na pasasalamat mula sa
iyo...

Tila lalong sumakit ang kaniyang ulo sa mga naalalang sinabi nito.

"I-imposible," aniya na unti-unting iminulat ang mga mata.

Ayaw tanggapin ng kaniyang isipan na si

Mhorric nga ang lalaking iyon sa kaniyang

panaginip. Pero angtinig niyon ay iisa lamang. At ang lalaking tumulong sa kaniya noon ay kulang ang
salitang guwapo para i-describe ang hitsura. Pero paano kung si Mhorric nga ang lalaki na iyon? Kaya
ganoon na lamang nang mag-react ito nang maulit niya ang nagawa niya noon sa Tomas

Morato?

Kung si Mhorric nga iyon... bigla ay unti-unting nagkaroon ito ng hitsura sa kaniya ang binata. Hindi na
siya magiging clueless sa totoo nitong hitsura.
Burnaba na siya sa kaniyang higaan at inayos ang sarili sa banyo bago lumabas sa maids quarter. Gusto
niyang makakita ng kahit na anong larawan ni Mhorric. Imposibleng wala itong larawan sa bahay na
iyon.

Agad niyang hinanap si Maring at nagtanong dito.

"Maring, habang naglilinis ka, wala ka bang nakikitang photo album ng pamilya ni Sir Mhorric na kasama
siya?"

Tumingin muna ito sa buong paligid bago siya binulungan. "Mayroon akong nakita. Pero 'wag kang
maingay at baka masabihan akong pakialamera sa garnit dito. Nakita ko sa may pinaka-study room sa
bahay na ito habang naglilinis ako. Bakit mo tinatanong?"

"Gusto kong makita. Puwede mo ba akong samahan?"

Turnango ito. "Sige. Pero madali lang tayo,

"00. Kahit saglit lang," sang-ayon niya rito.

Nang makarating sa may study room ay agad kinuha ni Maring ang isang photo album at binuklat.

"Malakas ang pananampalataya ko na 'yan si

Sir Mhorric kasi siya lang palagi ang kasama nina Donya Teresa sa mga picture. At ang tindigan nila ni Sir
Mhorric ay iisa lang."

Natigilan si Candy nang makita ang lalaking itinuro ni Maring. May kung ilang beses pa siyang kumurap-
kurap pero hindi nagbago ang mukhang iyon. Sino ba ang makakalimot sa ganoong mukha?

Chapter 23

PINIGIL ni Candy ang sarili na maging emosyonal nang matitigang mabuti si Mhorric mula sa hindi
kalayuan. Sa kabila ng mamaso nito sa mukha ay mas naliwanagan na siya sa totoo nitong hitsura. Mula
sa mata nito na pinaka-paborito niyang asset nito noong una pa lang niya itong makita. Hanggang sa buo
nitong mukha.

Kaya pala ramdam niya sa sarili niya na noong una nilang paghaharap doon aytila ba minsan na niyang
narinig ang boses nito. Totoo pala ang hinala niya na binaliwala niya noong una dahil sa isip niya rin ay
imposibleng nakahalubilo na niya ito noon. Sino ba ang mag-aakala na ito pala ang lalaking nagligtas sa
kaniya mula sa ni-raid na bar dahil sa bentahan ng droga?

Kung hindi dahil sa pag-eksena nito ay baka nasa bilangguan din siya ngayon.

Kagat ang ibabang labi na medyo turningala siya para pigilan ang luhang gustong kumuwala mula roon.
Natutuwa siya na makita itong muli. Gusto niya itong pasalamatan ngunit hindi niya magawang simulan.
Ngayon niya mas naunawaan ang sinasabi nito noong gabi, na mahuli siya nito sa akto na nagpapahid ng
gamot sa mukha nito, na mayroon siyang utang rito at ni hindi nagpasalamat dito. lyon pala angtintukoy
nito. Maging ang pagkagulat nito nang tanggalin niya noon ang suot na face mask niya sa mukha para
patunayan dito na hindi siya takot mahawa sa sakit nito ay lalong luminaw sa kaniya. Akala niya ay
nagandahan lang ito sa kaniya kaya nagulat ito nang makita ang hitsura niya. Iba pala angdahilan. Tanda
rin niya na mula sa pagtaas ng boses nito ay bum aba na rin ang boses nito sa kaniya.

Nagtataka lang siya kung bakit hindi nito nililinaw ang bagay na iyon sa kaniya. Tanda siya nito na
ikinatutuwa ng puso niya. Hindi lang siya nito basta nakalimutan. O baka naman noon lang ito naka-
encounter ng ganoong eksena kaya hindi siya nito makalimutan?

"Candy."

Kumaway pa sa kaniya ang nakangiting si Blair nangtingnan niya ito. Lumipat angtingin niya sa kalapit
nitong si Mhorric na parang bad trip ang mukha. Bakit ganoon? Kahit may mamaso ito sa mukha ay
guwapo pa rin ito sa paningin niya? Dahil ba may totoong hitsura na ito sa kaniyang isipan?

"Umalis ka na, Blair," pagtataboy na rito ni Mhorric.

"Just a second," hirit pa nito na naglakad

palapit sa kaniya. May kinuha ito sa wallet nito at agad ibinigay sa kaniya. "Personal number ko 'yan.
Kapag hindi ka busy pagbalik mo sa Manila, let's have a cup of coffee together. For now, I have to go.
See you."

Nang hindi niya tanggapin ang calling card na ibinigay nito sa kaniya ay kinuha pa nito ang kaniyang
kamay at doon ay inilagay ang calling card nito.

Hindi nakaiwas si Candy nang ibeso-beso pa siya nito na ikinasama lalo ng timplada ng mukha ni
Mhorric. Ngumiti pa si Blair sa kaniya bago nilingon si Mhorric para magpaalam.

Nang makaalis si Blair ay saka lang siya nilapitan ni Mhorric. Inilahad nito ang kamay sa harap niya.

"Akin na ang calling card."

Bakas sa boses nito na hindi maganda ang mood nito. Bakit kaya? Dahil ba iyon sa paglapit sa kaniya ni
Blair? Nagselos kaya ito?

Dream on, Candy!

"Candy, akin na sabi."

Napakurap-kurap siya at napatingin sa kamay nitong nakalahad sa harapan niya.

"Damn," anas nito. "Don't tell me nagkagusto ka rin agad kay Blair? Ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo
na pinapasakay ka lang niya
sa pagiging charming niya. At kapag nahulog ka sa bitag niya, isasama ka lang niya sa mga babaeng
pinaglaruan niya. Wake up. Hindi

Agad siyang sumangat sa paglilitanya nito. '"Wag ho kayong mag-alala, Sir. Alam ko naman ang
limitasyon ko. At sinabi ko rin sa inyo noon na walang puwang sa akin ang pumasok sa isang relasyon.
Seryoso man o laro lang. At saka sigurado naman ako na high class ang kaibigan ninyo. Hinding-hindi
'yon magpapaka-low class ng dahil langsa akin. Baka kapag nalaman niya na high school graduate lang
ako at nakatira sa isang squatter area ay ma-turn off agad siya." Mabigat pa rin ang dibdib na nginitian
niya ito. At sa harap nito mismo ay pinilas niya ang calling card na ibinigay ng kaibigan nito sa kanya.
'"Wag na ho kayong paranoid at alam ko naman na imposible na magustuhan angtulad ko ng kagaya
niyong mayayaman. Kay Cinderella lang naman nangyari 'yon. Sige na ho at may tinatapos pa akong
labahin ko sa likod ng bahay," aniya na hindi na ito hinintay pang magsalita. Naglakad na agad siya
palayo rito.

Kagat ang ibabang labi na pinalis niya sa pisngi angtumulong butil ng luha mula sa mata niya. Hindi
naman dapat siya masaktan sa mga pinagsasabi niya ngunit heto at naapektuhan pa siya.

Kanina lang ay kay saya niya dahil sa

kaalamang si Mhorric ang lalaking nagligtas sa kaniya noon. Na sa wakas ay nakita na rin ulit niya ito.
Pero heto siya ngayon, nasasaktan sa realidad ng buhay. Parang lalong piniga ang kaniyang puso.

MULING sinulyapan ni Mhorric ang alarm clock sa may bedside table bago iyon humayon sa pintuan.
Alas kuwatro na ng hapon pero hindi pa nagpapakita sa kaniya si Candy. Bagay na ipinagtataka niya.

Mayamaya ay may kumatok sa pinto.

Nadismaya pa siya nang makitang si Maring iyon na may dalang meryenda niya at hindi si Candy.

"Sir, meryenda po muna." Maingat nitong ipinatong sa center table ang tray na dala nito.

"Nasaan si Candy? Hindi pa ba siya tapos maglaba? Pati yata mga heavy curtain ay nilabhan na niya sa
sobra niyang tagal." Napahinto siya sa paglilitanya nang ma-realize ang sinabi. Did he sound so
demanding?

"Hindi naman po siya naglaba ngayon.

Nakapaglaba na po kasi siya kahapon."

"What do you mean?" Nagsalubong na ang kilay niya. Sabi ng dalaga ay maglalaba ito kanina dahil iyon
ang paalam pa nito kanina bago ito mawala sa paningin niya.

"Sabi niya kanina ay maglalakad-lakad lang daw po siya sa labas at kailangan niya ng maraming-
maraming hangin." Nakagat nito ang ibabang labi. "'Y-yon po ang sabi niya, Sir."

Nang hindi siya magsalita ay nagpaalam na rin agad ito. Napabuga siya ng hangin kapag kuwan. Imbis na
kainin ang meryenda na dala ng kawaksi ay turnayo siya at lumabas ng kaniyang silid.
Saan naman kaya ito pumunta? Marahas siyang bumuntong-hininga. Siguro naman ay hindi ito lumayo.

Readers also enjoyed:

The Summer Moon

0 246.6K Read

TAGS apha sex fated mate badboy

Chapter 24

ISANG mabigat na buntong-hininga uli ang pinakawalan ni Candy habang patuloy sa pagbunot ang
kamay niya sa d* *o sa kaniyang tabi. Nakaupo siya nang mga sandaling iyon sa ilalim ng isang puno
habang nakatanaw sa kagandahan ng Taal Lake.

Wala pa siya sa huwisyo na umuwi sa mansiyon nina Mhorric dahil nag-e-enjoy pa siya sa naturang
lugar. Napakaganda kasi at nakakawala ng bigat sa dibdib.

Naka-move on na rin siya sa nangyari kanina sa mansiyon. Hanggat maaari ay pinakakawalan agad niya
ang kung ano mang nagpapabigat sa dibdib niya. Hindi kasi iyon makabubuti sa kaniya. Lalo na at
naghahanap-buhay rin siya para sa kaniyang pamilya. Minsan kasi kapag natalo siya ng emosyon,
pakiramdam niya ay nanlalambot ang katawan niya at tamad na tamad siyang gumalaw. Kailangan
niyang magkusa na labanan iyon para hindi madamay ang kaniyang trabaho.

Ipinilig niya ang ulo nang maisip si Mhorric. Mamaya din naman ay babalik na rin siya sa mansiyon.
Kaunting sandali pa.

Lumanghap siya nang sariwang hangin at

pinuno ang kaniyang baga. Pagkuwan ay nakangitingtiningnan ang greenish na kapaligiran. llang araw na
langdin at babalik na siya sa realidad o 'di man ay aabutin ng isa pang linggo. Pero kahit na maingay ang
lugar nila sa Maynila ay nami-miss na niya ang kaingayang iyon. Ang madaldal at tsismosa nilang mga
kapitbahay na madalas niyang kakuwentuhan kapag namamahinga siya sa labas ng bahay nila. Ang
pagtitinda sa bangketa at kalye. Ang maingay na siyudad. Higit sa lahat ay ang kaniyang pamilya.

"At ang walang katapusang traffic sa Maynila," dugtong niya. Napangiti siyang muli. "Kaunti na lang..

"Candy."

Napakislot at napasinghap pa siya nang marinig ang boses na iyon. Agad ang paglingon niya sa
pinanggalingan ng boses na iyon.
Napalunok siya nang makita ang papalapit na si Mhorric. Bakit ito naroon? Sinadya ba siya nito roong
puntahan?

"S-Sir," bulalas niya na agad turnayo para harapin ito.

"What took you so long? Kanina ka pa wala sa bahay."

Hinintay siya nito? Baka naman dahil may iuutos ito tapos wala siya para pakisuyuan nito. Baka ganoon
nga. As if naman ay may iba pang dahilan. Pero ang mismong paghahanap nito kung nasaan siya ay isang
malaking katanungan sa kaniya. Puwede namang kasambahay ang maghanap sa kaniya. Hindi naman
iyon kalayuan sa mansiyon. Pero paano kung may makakita rito habang papunta ito roon? Napakarami
pa namangjudgemental na tao sa mundo. Kahit nga nobya nito ay j-in-udge ito. Hindi man lang nito
naisip ang bagay na iyon. O wala lang din itong pakialam sa sasabihin ng iba?

Pinilit niyang ngumiti rito. "Napasarap ho kasi ang pagsa-sight seeing ko rito. Alam niyo na, wala nito sa
Maynila kaya sinusulit ko lang. Saka hindi ko na namalayan 'yong oras na narito ako," mabilis niyang
alibi. "Pasensiya, Sir."

Tingin niya ay tinatantiya pa nito ang sinabi niya. At sa tagal nitong pagtitig lang sa kaniya ay
nakaramdam na siya ng pagkaasiwa. Nag-iwas siya ng tingin at tuluyan itong tinalikuran. Pasimpleng
bumuga siya ng hangin habang nakatanaw sa malayo. Hindi niya kinaya angtitig ni Mhorric sa kaniya.
Kung hindi siya iiwas ay baka mangatog pa ang nanlalambot niyang mga tuhod. Pahamak talaga ang
pakiramdam na iyon na tumama sa kaniya. lyong paghanga niya rito ay bumalik nang walang kalatoy-
latoy. At mukhang mas lumala iyon ngayon.

Nakagat niya ang ibabang labi. "Ang ganda rito," sabi pa niya para lang basagin ang nakabibinging
katahimikan sa pagitan nila ng binata. Muli siyang naupo sa damuhan.

Mhorric sigh. Naglakad ito palapit sa kinaroroonan niya. Tumingin din muna ito sa malayo bago naupo sa
damuhan sa bandang likuran niya.

"Namamasyal ka lang bang talaga o minamasama mo pa rin 'yong nangyari kanina?" panghuhuli nito sa
kaniya.

Kinagat-kagat niya ang ibabang labi habang umiiling. "Hindi. Kinalimutan ko na nga agad 'yon. At hindi
big deal."

'"Yong totoo, Candy."

Pakiramdam niya ay nanuyo ang kaniyang lalamunan ng bigkasin na naman nito ang kaniyang pangalan.
Bakit ang sarap sa pandinig na marinig mula rito ang kaniyang pangalan? At bakit ang weird na naman
ng pakiramdam niya? Sa ngayon ay ayaw niyang pangalanan ang pakiramdam na iyon. Natatakot siyang
kumpirmahin sa ngayon.

Bumunot siya ng d* *o at kunway pabirong isinaboy iyon kay Mhorric. Nilingon pa niya ito. "Ang kulit
ninyo, Sir. Sinabi na wala na 'yon sa akin. Saka hindi ho ako mahilig magpatagal ng kung ano mang
nararamdaman sa dibdib ko. Hanggat maaari ay kakalimutan ko na para iwas stress. At isa pa ay hindi
naman ako magkakapera kapag inisip ko pa nang inisip ang mga negatibong bagay na 'yan. Kaya kayo,
move on na." Nginitian pa niya ito bago mabilis na nagbawi ngtingin. Pasimple niyang hinawakan
angdibdib na biglang nagregudon nang matitigan sa mata si Mhorric. Those pair of eyes that affect her
so much.

"Nakakahawa masyado ang pagiging positibo mo sa mga bagay-bagay." Nagpakawala ng magaan na


buntong-hininga si Mhorric. Ngumiti pa ito habang nakatingin pa rin sa nakatalikod na si Candy. "Naisip
ko nga kung paano kapag nasaktan ka? Paano mo daldalhin

Nilingon niyang muli si Mhorric. Bakit naman kaya naisip nito iyon? So far, wala pa naman siyang
nararanasan na matinding sakit. Maliban sa kaunting kirot kanina dahil totoo naman iyong mga sinabi
niya kanina sa mansiyon. Minabuti niyang urnisod ng upo para magkapantay na sila.

"Ewan ko langdin. Hindi pa naman kasi literal na nangyayari sa akin," aniya na nagkibit-balikat pa. "lkaw,
Sir Mhorric, ngayong nasa stag pa ng pagka-brokenhearted ang puso mo. Paano mo hina-handle cyan?"

Okay, Candy. Push mo 'yang pagiging feeling close mo kay Mhorric. Minsan lang 'yam Tutal naman ay
mahaba ang hair mo at sinadya ka pang puntahan sa kinaroroonan mo ngayon.

"Sa ngayon ayaw kong

pag-usapan." Nagbaling ito ng tingin sa may Taal Lake.

Medyo napasimangot siya. Angshowbiz ng sagot. Tumikhim siya at nag-isip ng ibang topic. Ngunit muli
itong nagsalita.

"Seriously, I know you got offended kanina. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi ma-realize
kung bakit ka narito ngayon at lumalanghap ng maraming-maraming hangin. Sinabi mo pa na naglalaba
ka kahit hindi naman.

Try more alibi, Candy," seryoso nitong wika.

Hindi tuloy siya agad nakapagsalita dahil guilty siya sa pagdadahilan na may labahin siya na hindi pa niya
tapos labhan.

"May pagka-playboy si Blair. Mas kilala ko siya dahil matagal ko na siyang kaibigan. Hindi naman dahil sa
nib-look down kita dahil sa estado mo sa buhay kaya kita pinalalayo sa katulad niya. Hindi mo lang
deserve ang katulad niya na panandalian lang ang gusto sa isang babae. You're too precious for him,"
anito bago turningin sa malayo.

Speechless siya sa sinabi nito. Ibig ba niyong sabihin na iniingatan lang siya nito na huwag masaktan at
mapabilang sa mga babaeng dumaan sa buhay ni Blair na puro panandalian lamang? Dahil mas nakikita
siya nito bilang babae na dapat ingatan at hindi para lokohin lang.

You're too precious for him... too precious...


Pati paghinga niya ay tila ba naninikip. Higit sa lahat ay ayaw niyang mag-assume. Pero heto at iyon ang
nangyayari sa kaniya.

"Iwasan mo rin 'yong pagtatatak sa isip mo na hindi ka magugustuhan ng mga taong mas mataas ang
estado sa buhay kaysa sa iyo. Ikaw na rin ang nagsabi noon na hindi mo naman masasabi ang
pagkakataon

"Sir, 'wag mo na nga akong paasahin masyado. Real talk langdin naman 'yong sinabi ko kanina. lyon ang
realidad ng buhay. Sa fairy tale lang may Cinderella."

"l don't think so. May Beauty and the Beast nga sa totoong buhay."

Napatawa na naman siya nito sa banat nitong iyon. "Beauty and the Beast?"

"lkaw si Beauty at ako si Beast. Hindi ba obvious kapag tayo ang magkasama?"

Lalo lang siyang napatawa. "Joker ka rin pala, Sir. Pati ikaw, pumi-fairy tale rin." Noon ay siya lang ang
nakakaisip ngbagay na iyon. Hindi siya aware na pati pala ito ay naiisip din ang bagay na iyon tungkol sa
Beauty and the Beast. "Si Beauty at si Beast," napahinto siya sa pagsasalita. Nagkatuluyan sila sa huli.
Tayo, imposible, patuloy niya sa kaniyang isipan. Unti-unti siyang nagbawi ng tingin.

"What about them?"

"Wala, Sir," bawi rin niya.

Nang makabawi si Candy ay muli niyang inilihis ang usapan. Muli rin niyang tiningnan si Mhorric.
"Malapit ka ng gumaling, Sir Mhorric. Natutuyo na 'yang mamaso niyo, o," masaya pa niyang wika rito.

"Kung puwede nga lang na huwag ng gurnaling agad," bulong nito na malabo sa kaniyang pandinig.

"A-Ano ho?"

"Wala." Turnayo na ito at inilahad ang kamay sa harap niya. "Burnalik na tayo sa bahay." Hindi niya
maiwasang mag-isip kung tatanggapin ba niya ang kamay nitong nakalahad o hindi? Nagdadalawang isip
pa siya nang yumukod itong lalo at mahigpit na hinawakan ang kaniyang kamay. Maingat na hinila siya
nito patayo. Wala na siyang nagawa kundi ang turnayo na rin. Pero pagtayo naman niya ay humawak pa
ang isang kamay ni Mhorric sa likuran niya para suportahan siya sa pagtayo.

Pigil ang paghinga na napatitig siya sa dibdib nito dahil sa lapit nilang dalawa. Ang unang-unang
apektado sa pagkakalapit nilang iyon ay ang puso niya.

Nang subukan niyangtingnan si Mhorric ay nasurpresa siya na makitang nasa kaniya rin ang tingin nito.
Napalunok siya. Bakas sa mata nito ang bahagyang kalituhan. Hindi niya sigurado kung para saan iyon.
Bago pa nito marinig ang

pagririgudon ng puso niya ay dumistansiya na siya rito.


Tumikhim siya at kimi itong nginitian. "Tara na."

"Candy, sanadali."

Napahinto siya sa akmang paglalakad palayo rito nang tawagin siya nito. Huminga muna siya nang
malalim bago ito nilingon. Kita pa niya sa mga mata nito na nag-aalangan ito sa nais nitong sabihin.
Bahagya pa itong napalunok.

"A-Ano 'yon, Sir?"

"Kung. .. kung ikaw ang tatanungin ko, magugustuhan mo ba ang isang katulad ko kahit ganito ang
kundisyon ko? Katulad ni Beauty kay

Kung bakit man nito naitanong ang bagay na iyon ay wala siyang ideya. Hindi niya mabasa ang kung ano
mang iniisip nito ngayon. Kailangan ba talaga niyang sagutin iyon? Nag-iinit tuloy ang pisngi niya.
Napakaseryoso naman kasi ngtopic. At apektado siya sa topic na iyon kung alam lang nito.

Mhorric...

Tumingin sa malayo si Mhorric nang hindi agad makakuha ng sagot sa kaniya.

Isang hingang malalim pa bago nagawang magsalita ni Candy. "Bakit naman hindi, Sir?" aniya na muling
nagpabaling dito ngtingin sa kaniya. "Mabuti ka namang tao. At saka, totoo ka kung magmahal ng isang
babae base na rin sa naging past relationship mo na tumagal ng isang taon. At saka," ilang sandali muna
niya itong pinagmasdan. Wala namang mali clito kung tutuusin. Mga matang mapanghusga lang ang may
mali. "Hindi naman binabatay sa panlabas na anyo ang pagmamahal ng isangtao. At isa pa, hindi mo
naman ginusto na magkaganyan ka. Gagaling ka pa naman at babalik uli sa dati. Katulad ng nangyari kay
Beast sa fairy tale." Humuhugot ka na naman, Candy, Base ba 'yan sa totoong experience mo?

"And why are you blushing?" amuse itong napangiti habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

Nahawakan niya ang kaniyang pisngi.

"Nag-blush on ako kanina. Tara na, Sir."

Turnawa ito. "Really? Para kasing natural lang," he even teased.

Bago pa magkulay mansanas ang kaniyang mukha ay tinalikuran na niya ito ngtuluyan.

"Tigilan niyo ako, Sir."

"Anyways, you look cute. Really cute." Tama na, please. Baka matunaw na ako, aniya sa kaniyang isipan.
Talong-talo talaga siya lalo na kapag pinupuri siya. Pakiramdam niya ay literal siyang matutunaw sa
kaniyang kinatatayuan.

Chapter 25
PASIMPLENG huminga nang malalim si Candy para mas paluwagin ang kaniyang paghinga. Kung kanina
ay okay na siya, ngayon naman ay kakaibang pagkailang ang nararamdaman ni Candy habang
magkasabay silang naglalakad ni Mhorric pabalik sa mansiyon. Nasulyapan pa niya ang kaniyang kamay
na hinawakan nito kanina para makatayo siya. Ramdam pa rin niya ang mainit nitong palad na hum awak
doon.

Tumikhim si Mhorric kaya naman napaayos siya sa kaniyang pagkakatayo. Bahagya rin niya itong
sinulyapan. Ang tingin nito ay nakatuon sa dinaraanan nito.

Sino ba ang mag-aakala na sa pangalawang pagkakataon ay muli silang magkikita? At mukhang sa unang
pagkikita pa lang nila roon ay may ideya na ito sa bagay na iyon, na siya ang babaengtinulungan nito,
ngunit hindi naman nito sinasabi sa kaniya na ito ang lalaking nagligtas sa kaniya mula sa raid sa isang
bar sa may Tomas Morato sa Quezon City.

Baka naman nahihiya ito dahil sa kundisyon

Gusto niyang mag-ungkat ngunit ang dila

niya ay tila ba nalulon na niya. Hindi siya makapagsalita.

"Kung hindi ka pa pupuntahan sa pinuntahan mo kanina, mukhang wala ka pang balak na umuwi," anito
na sandali siyang tinapunan ngtingin.

"Uuwi rin naman ako mayamaya nang kaunti, Sir."

"Kapag nag-aagaw na ang dilim?"

Umiling siya. "Hindi. Masarap lang talagang turnambay roon sa pinuntahan ko kanina." "Tsss. 'Yong view
na nakikita mo ay kitang-kita rin sa may kubo. Bakit lumayo ka pa?" Bahagya niyang nakagat ang
ibabang-labi dahil may punto ito. "Sir, kailangan pa ba talaga na mag-explain? Akala ko ba, okay na
kanina?" Hindi ito nakapagsalita agad.

Naagaw ang pansin ni Candy sa sasakyan na padaan sa may gilid nila. Hindi pa nakontento ang sakay
niyon at turnigil pa talaga at agad na bumukas ang bintana sa may passenger side. Mga lalaki ang sakay
niyon. Isang driver at isang nasa may passenger side.

"Hey, Miss, buti natatagalan mo 'yang kasama mo?" nakangisi pang wika ng lalaking nasa may tabi ng
bintana.

"Sa amin ka na surnama, mag-e-enjoy ka pa," anang driver na kumindat pa sa kaniya.

Umakyat yata ang dugo niya sa kaniyang ulo. Si Mhorric ay hinawakan siya sa kamay niya at hinila ngunit
binawi niya ang kamay niya. Hindi siya papayag na may manlalait pa kay Mhorric dahil sa panlabas
nitong anyo ngayon.

"Candy," nasa boses ni Mhorric ang pag-wa-warning sa kaniya.


"Paisa lang," aniya rito bago hinarap ang mga mapanghusga na tao. Walang bakas na ngitl ang kaniyang
magandang mukha. "May problema ba kung siya ang kasama ko? Kumpara sa inyo, siya pa rin ang
pipiliin kong kasama." "Bulag ka ba, Miss?"

"Baka naman malabo ang paningin niya kaya stick siya sa kasama niya," patuloy pang wika ng
nakangising driver na nagtawanan pa.

Yumuko siya sa may kalsada na may mga buhangin. Dumakot siya roon gamit ang kaniyang kamay bago
muling turnayo.

"Ako, malabo ang mata? Tingnan natin kung sino ang lalabo ang mga mata," aniya na walang sabi-sabing
isinaboy sa mga ito ang buhangin na nasa kamay niya. Pagkuwan ay hinawakan niya sa kamay si Mhorric
at hinila na patakbo... palayo sa mga napuwing na lalaki na sakay ng sasakyan na panay ang mura.

Lord, sorry na po agad, Na-carried away lang ako. . .

Pagkaliko nila sa isang kalye ay hindi naman

doon kalayuan ang mansiyon nina Mhorric.

lyong hindi siya literal na nagi-guilty sa kaniyang ginawa. Panay pa ang tawa niya nang makapasok sila sa
loob ng gate. Agad niya iyong isinara. Hingal kabayo pa silang dalawa.

"That's too much, Candy," hinihingal pang wika ni Mhorric.

Ikinundisyon muna niya angsarili bago ito hinarap. "Bagay lang 'yon sa kanila."

"Paano kung kasuhan ka nila sa ginawa

Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya naisip ang bagay na iyon. Mukha pa namang may kaya sa buhay
ang mga iyon. Napalunok pa siya nang marinig ang tunog ng isang sasakyan na palapit sa kanilang
kinaroroonan. May kataasan naman ang gate doon at may mas mataas na pader sa paligid kaya hindi
agad sila makikita ng sino man mula sa labas.

"H-hindi ko naisip 'yon," mahina niyang wika na sapat lang upang marinig nito.

Napailing-iling ito. Pagkuwan ay sumilay ang ngiti sa labi. Maging ang mga mata nito ay nakangiti rin.

"Pero ang astig ng ginawa mo kanina. Hindi ko naisip na gagawin mo 'yon."

Napakamot siya sa kaniyang ulo kahit na hindi naman makati. "Matabil masyado ang mga

dila nila kaya nagpanting 'yong tainga 1<0. Ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong mga taong judgemental
sa kapwa nila.

"Thank you," anito na hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

Lihim siyang napalunok. Hayon na naman ang paghuhurumintado ng kaniyang puso.


"W-walang anuman, Sir," aniya na tipid itong nginitian. "Tara na ho sa 100b ng bahay ninyo.

Maghuhugas din ako ng mga kamay."

Turn ango ito. Muli, magkaagapay silang naglakad papunta sa kinaroroonan ng malaking bahay. May
munting ngiti na namang sumilay sa labi niya nang maisip ang nangyari kanina. Lalo na iyong pagtakbo
nila ni Mhorric habang magkahawak ang mga kamay. Napaka-epic niyon para sa kaniya.

Sa kaniyang sariling paraan, mali man, pero para sa kaniya ay naipagtanggol pa rin niya si Mhorric mula
sa mga mapanghusga na tao.

Sasabihan na lang niya ang lahat ng kanilang kasama na huwag na huwag tatanggap ng bisita o kahit na
ng sino mang tao na kakatok sa may gate at hahanapin sila ni Mhorric. Patay siya kapag nagkataon.
Nakaligtas nga siya mula sa raid sa bar, dito naman sa Tagaytay ay hindi siya makakaligtas sa kamay ng
mga otoridad.

Pero kung iisipin, siya naman ngayon ang humila sa kamay ni Mhorric. Sinupil tuloy niya

ang ngiti na gustong kumuwala mula sa kaniyang bibig. Baka makita ni Mhorric, masabihan pa siyang
nababaliw.

"SIMULA bukas ay ititigil mo na ang pag-inom niyang kalamansi na maytinadtad na bawang, Sir Mhorric,"
ani Candy sa bin ata matapos nitong inumin ang tinimpla niyang herbal juice.

Matapos ilapag ang baso ay ilang sandali rin itong hindi maipinta ang mukha dahil hindi gusto ang lasa
ng naturang inumin. Pero kahit na ganoon, inuubos nito iyon kahit hindi nito gusto ang lasa.

Sa durasyon naman ng pag-aalaga niya rito ay nagpapasalamat siya dahil napilit niya itong inumin ang
herbal medicine na ginagawa niya para clito sa araw-araw. Noong una lang siya nahirapan sa binata. At
ngayon, kita na niya ang malaking improvement nito mula sa sakit.

Kitang-kita na niya ang totoo nitong hitsura, kumbaga malapit na sa katotohanan lalo na kapag
natanggal na ang mga pinagsugatan sa mukha nito. Salamat at nakinig ito sa kaniya na huwag kainin ang
mga bawal dito. Bagaman at may mga langib pa rin ng mar-naso sa mukha nito, iyong pinagsugatan ng
mamaso na natuyo na. Hindi lang niya sinuhistiyon na piliting tanggalin

iyon dahil mas mainam na kusa iyong matanggal.

Hindi na rin naman kumalat pa sa katawan nito ang mamaso dahil medyo naagapan niya ang pagkalat
lalo niyon sa katawan nito. Kaya hanggang sa upper body lang nito ang mayroon.

At kahit na anong waksi niya ay palagi na lang niyang naaalala ang ginawa nitong pagtulong sa kanya
mula sa bar. May pagkakataon na gusto na niya itong pasalamatan ngunit hindi naman niya magawang
umpisahan kaya hanggang ngayon ay animo hindi niya ito nakilala noon. Saka na lang siguro kapag tapos
na ang trabaho niya rito. Saka siya magpapasalamat dito.
"Bakit? Tinatamad ka ng ipagtimpla ako?" Napakurap-kurap siya nang marinig ang boses ni Mhorric.
Nakaringgan lang ba niya ang pagtutol sa boses nito?

"Pagaling ka na kasi," paliwanag niya. "Tuyo na rin naman ang mga mamaso mo. Hihintayin mo na lang
din naman 'yan na matanggal. Tutal mayaman ka naman kaya magpa-derma ka na rin para walang
peklat na matira sa mukha mo. Para kapag nakita ka ng ex mo, maglaway uli siya sa iyo," ngumiti pa siya.
Pero kabaligtaran niyon ang gusto niyang gawin. Gusto niyang surnimangot.

At habang nakatutok ang tingin niya rito. Unti-unti niyang tinatanggap sa puso niya na may
nararamdaman na siya sa binata. Kung noong

unang kita niya rito ay crush lang niya ito, ngayon naman na nakasama at nakilala niya ito ay nahulog na
siyang lalo rito. Sino ba namang hindi mahuhulog sa kagaya nito? All in one package na ito kung
tutuusin. Kahit na nagsungit ito noong una, lumabas pa rin ang totoo nitong ugali.

"Don't mention my ex. Hindi na siya parte ng buhay ko ngayon."

"S-sorry," aniya na itinikom ang bibig.

Kinuha na lang niya ang baso at akmang dadalhin na sana sa kusina nang muli itong magsalita.

"Hayaan mo na muna 'yan diyan."

May pagtataka na tiningnan niya ito. Ayaw ba siya nito na mawala sa paningin nito?

Mangarap ka nggising, Candy, Libre naman,

"Dadalhin ko muna ito sa kusina," pagpupumilit niya. Pero sa pagtayo naman niyang muli ay mahigpit
siya nitong pinigilan sa kaniyang kamay. Natigilan tuloy siya.

"Sinabi na ngang dito ka muna." Natigilan din si Mhorric sa medyo pagtataas nito ng boses. Tumikhim ito
at parang napapaso pa nang pakawalan ang kaniyang kamay. Nag-iwas din ito ng tingin sa kaniya.

Para wala ng talo pa kaya naman nanatili na lang doon si Candy. Pasimple pa niyang pinagmasdan si
Mhorric sa paraang hindi obvious para dito. Masaya rin kaya ito na kasama siya o nagtitiis lang na siya
lagi ang namumulatan ng mga mata nito? Napabuntong-hininga siya sa kaniyangnaisip.

Paano rin kaya kung bumalik na rin lalo sa dating hitsura nito si Mhorric, babalik din kaya ang bruhilda
nitong ex-girlfriend? At magsisi dahil piniling iwanan ang binata? Tatanggapin naman kaya iyon ni
Mhorric? Napakaraming katanungan ngayon sa kaniyang isipan. Kahit pa sabihin na nang-cheat ang
babae, pero magbago para sa binata.

Nayukom niya ang palad. Napaka-tanga naman nitongtalaga kapag ginawa nito iyon, na babalikan pa
nito ang ex nito.

Candy, iisipin mo 'yan tapos magagalit ka? Baliw ka rin talaga, anang isip niya.
Dahil sa pagkahulog niya sa isiping iyon kaya naman hindi niya napansin na nakatingin na sa kamay
niyangyukom na yukom si Mhorric.

"Okay ka lang?"

Napakurap-kurap siya. "H-ha?" Itinuro nito ang kamay niyang nakayukom kaya naman napatingin siya
roon. "A-ah," kimi siyangtumawa bago iyon ibinuka at pinagkiskis. "M-may iniisip lang ako."

Dinampot nito ang ointment at iniabot sa kaniya. "Medyo makati sa bandang tainga ko. Pakilagyan mo
naman nitong ointment."

Kinuha niya ang ointment dito. Lihim pa

siyang napalunok nang magdait na naman ang kamay nila. At para mapahiran ito ng ointment kaya
naupo siya sa tabi nito. May itinuro ito sa bandangtainga nito. Wala naman siyang makitang mapula
roon na maaaring maging sanhi ng pangangating nararamdaman nito.

"Sigurado ka ba, Sir Mhorric, na makatl ito?" Dinutdot pa niya ng hintuturo ang makating sinasabi nito.
Medyo inilapit pa niya ang mukha rito. At sa paglapit ng mukha niyang iyon ay siya namang paling ni
Mhorric sa kaniya. Nahigit niya ang paghinga dahil sa ginawang pagpaling na iyon ng binata. Napakalapit
ng mukha nito sa kaniya. Sinalubong pa nito angtingin niya na nagdulot lalo sa kaniya ng panlalambot ng
kaniyang buong sistema.

H-hindi ako Lord, help!

Lahat na yata ng Santo ay natawag na niya sa kaniyang isipan. Napalunok siya. Pati utak niya ay hindi
makapag-isip ng tamang gagawin ng mga sandalingiyon.

At si Mhorric tila nag-i-enjoy pa sa nangyayari. He even smiled. Dahilan upang burnalik ang ulirat niya sa
nangyayari. Nag-iinit na naman ang mukha niya na dumistansiya rito.

Binawi na nito ang hawak niyang ointment. "Wala ng makati," anito na tumayo na at dumiretso sa
banyo.

"Ng ganoon kabilis?" maang pa niyang

bulalas nang mawala sa paningin niya si Mhorric. Naningkit ang mga mata niya. "Parang naisahan niya
ako," aniya na hindi inaalis ang tingin sa kinaroroonan ng banyo sa silid na iyon.

The Wolf Princess and...

Addie Hayes

"How many mates do you have,

Princess?" Kia asks] look over at h.


Chapter 26

NAALIMPUNGATAN si candy nang sa pakiwari niya ay may mga matang nakamasid sa kaniya. At sa
pagmulat nga niya ng mga mata ay hindi nga siya nagkamali. Tumutok agad iyon sa prenteng nakaupo na
si Mhorric sa may tapat niya. Sa isip ay nagtataka siya kung bakit ito naroon. Ngunit nang luminaw sa
kaniyang diwa ang kinaroroonang silid ay napabangon siya bigla mula sa pagkakahiga sa sofa na nasa
100b ng silid ni Mhorric. Saka lang luminaw sa isip niya ang lahat.

Nakatulog siya kanina habang nasa banyo si Mhorric.

Pasimple niyang pinahid ang pisngi at baka may tumulong laway roon habang natutulog siya kanina. Sa
isip ay nagpasalamat siya dahil walang bakas doon na tulo-laway siya.

Gaano ba siyang katagal na tulog at pinagmamasdan ni Mhorric? Nag-iinit na naman ang kaniyang pisngi
sa pagkapahiyang nadarama ng sulyapan niya ang bintana na nakawahi ang heavy curtain. Madilim na sa
labas. Ibig lang niyong sabihin ay matagal-tagal din ang naitulog niya. Kagat ang ibabang labi na
binalingan niya si Mhorric. Umayos na rin siya ng upo.

"A-ano'ng oras na, Sir?"

Sumulyap ito sa alarm clock. "Quarter to seven," kaswal lang na wika ni Mhorric.

Napakurap-kurap siya. Kung ganoon ay ang tagal niyang tulog! Parang gusto niyang magpalamon sa
kaniyang kinauupuan nang mga sandaling iyon.

"G-ganoon ba? Pasensiya na kung nakatulog ako, Sir. Sana ginising ninyo ako para hindi napahaba ang
tulog 1<0."

Nagkibit ito ng balikat. "It's okay. Wala naman akong ibang ginawa."

Bukod sa nakaupo lang ito roon. Ano pa ba ang ginawa nito? Tinitigan siya habangtulog? Nag-init lalo
ang pisngi niya sa kaalamang baka ganoon nga. Pero paano kung assuming lang siya? Nakagat niya ang
ibabang-labi.

At ang mga kasama niya? Baka kanina pa siyang hinahanap?

"Kumain ka na ba? Kung hindi pa ay ipaghahanda muna kita, Sir Mhorric," akmang tatayo siya nang
magsalita ito.

"Sabay na tayo." Nauna na itongtumayo.

Natigilan pa si Candy nang ilahad na naman nito sa harapan niya ang isa nitong kamay. "Kaya ko
namang... turnayo." Turnayo na siya para hindi na ito makaangal pa. Naiilang siya sa gesture na
ipinamamalas ng bin ata sa kaniya
ngayon. Sa pagtitig-titig nito sa kaniya at sa mga kinikilos nito. Ayaw naman niyang bigyan iyon ng
kakaibang kulay at baka umasa lang siya sa huli. At imposible rin na magkaroon ito ng atraksiyon sa
kaniya ng ganoon kabilis. Kakahiwalay lang nito sa nobya nito.

"Okay," anito na nauna ng hayunin ang pintuan.

Huminga muna siya nang malalim bago surnunod dito. Lihim pa siyang napalunok nang pagbuksan pa
siya nito ng pinto at imuwestra ang paglabas. Pilit na nagsusumiksik ang ka-gentleman-an nitong iyon sa
kaniyang isipan. Nagtatrabaho lang naman siya rito kung tutuusin para itrato nito ng ganito. Wala rin
naman siyang pinagkaiba sa mga kasambahay roon na pinagsisilbihan ito.

Pagkalabas niya ay agad ding sumunod sa kaniya si Mhorric. Umagapay rin ito sa paglalakad niya.
Pasimple pa niya itong tiningnan.

Malapit na sila sa may hagdanan nang mapahinto siya sa paglalakad. "'Di ba, mas gusto mong kumain sa
silid mo, Sir Mhorric?" may pagtataka niyang tanong. Kung kakain ito sa komedor ay iyon ang unang
beses na kakain ito roon. Nanibago lang siya.

"Para maiba naman," tanging sagot nito. "Let's go. Baka lumamig pa ang pagkain na ipinahanda 1<0."

Wala na lang imik na sumunod siya sa pagbaba nito sa hagdanan. Sigurado rin ba ito na sasabay siyang
kumain dito?

Ngunit imbis na hayunin nila ang dining room pagkababa nila ay sa lanai sila dumiretso.

Balot pa rin siya ng pagtataka.

Ang mabilis na paglalakad niya ay unti-unting burnagal nang makita ang naka-set up na isang lamesa sa
may tabi ng swimming pool. Malamigsa lugar na iyon kaya angtubig sa pool ay palaging naka-warm level
para makaligo ang gustong maligo.

Napalunok siyang muli nang lingunin pa siya ni Mhorric. Ngumiti ito na umabot sa mata nito. Bagay na
lalong nagpaguwapo rito sa kaniyang paningin.

Bakit kailangang ganito ka-espesyal ang dinner mo na kasama ako?Nais sana niyang isatinig ngunit hindi
naman niya magawa. At pakiusap lang huwag kang ngumiti ng ganiyan.

Natutunaw ang puso 1<0.

Nilapitan siya ni Mhorric. Pumwesto ito sa likuran niya at hinawakan siya sa balikat. Hindi nakaligtas sa
kaniyang pakiramdam ang tila kuryente na biglang nanulay papunta sa kaniyang katawan sa pagdikit na
iyon ni Mhorric sa kaniya. Bagay na nagpakislot sa kaniya.

"Relax," natatawa pa nitong sabi.

Wala rin siyang nagawa kundi ang mapabilis


ang lakad papunta sa lamesa na puno ng masasarap na pagkain. Dalawa lang din ang bangkong
magkatapat kaya natitiyak niya na para lang iyon sa kanilang dalawa.

"T-tayo lang dalawa?" naibulalas niya nang makarating sa may tabi ng lamesa.

"Siguro. Kasi dalawa lang ang bangko na available, 'di ba?" he said. Ipinaghila pa siya nito ng mauupuan.

"S-salamat, Sir," aniya ng makaupo.

Hindi ito date... Hindi ito date... At bawal kiligin.,.

Gusto niyang ipagsiksikan sa isip na dinner lang iyon. Pero heto at nag-uumpisa ng lagyan iyon ng kulay
ng kaniyang isipan. Kinikilig siya at pilit niya iyong iwinawaksi. Ayaw niyang mahalata ng binata na sobra
siyang nasisiyahan sa set up na iyon. First time niyang kumain ng ganoon. Kumpara sa lunch nila sa may
kubo noong nakaraan, mas level up ang dinner nilang ito para sa kaniya.

Nangtingnan niya si Mhorric ay hindi pa rin nawawala lalo na sa mga mata nito ang isang ngiti habang
hindi iniaalis ang tingin sa kaniya. Ngiti ng kasiyahan, she thought. Kung bakit ito ganoon kasaya ay wala
siyang ideya. Pinilit niyang magpakakaswal sa kabila ng nararamdaman.

"Bakit kailangang ganito kabongga ang

dinner, Sir? Mukhang pinasadya mo talaga," aniya.

Tinanggal nito ang nakatakip na dalawang mangkok. Nilagang baka ang laman niyon. "Para maiba
naman. Ayaw mo ba?"

"A-ah... Hindi naman, Sir. Nagtataka lang ako," kimi pa siyang turnawa.

May adobong baboy pang nakahain at ilang pagkain na hindi niya alam ang tawag bagaman at mukhang
masasarap lahat. Naalala niya ang pamilya niya. Tiyak niya na matutuwa ang mga ito kung makakakain
din ng ganoong kasasarap na pagkain. Palibhasa salat sila sa karangyaan kaya praktikal sila sa lahat ng
bagay. At kung may mailuto man silang masarap kagaya ng adobong baboy ay blessing na para sa kanila.

Nabahala si Mhorric nang mapansin ang panunubig ng mga mata niya habang nakatingin sa pagkain.

"Candy, okay ka lang?"

Napakurap-kurap siya. Nagulat pa siya nang may tumulong luha mula sa mga mata niya. Mabilis niya
iyong pinalis. Masyado pala siyang naging emosyonal ng hindi niya namamalayan. Pinasigla niya ang
sarili para hindi na ito mag-alala pa. Isang matamis na ngiti ang pinasilay niya sa kaniyang labi.

"Ayos lang ako, Sir Mhorric. Naalala ko lang ang pamilya ko. Ahm, tara kain na."

Mhorric sigh. "Are you sure?"

Nakangiting turnango siya. "00. Okay lang ako." Iniiwas na niya ang tingin dito. "Hindi lang talaga ako
sanay na malayo sa kanila ng ganito katagal." Kahit na nga sabihing isang linggo pa lang siyang
nawawalay sa mga ito ay hindi pa rin niya maiwasan na ma-miss ang mga ito. Ano pa kaya itong
dalawang linggo na siya halos sa lugar na iyon?

Nagpapasalamat siya at hindi na nag-usisa pa ang binata. Nagsimula na rin silang kumain matapos
niyang magdasal. Ipinagsandok pa siya nito ng kanin bagay na nagpabalik sa pagkailang niya rito.

"Sir, baka ma-issue ako nito, ha? Kasabay ko pa kayong kumain."

Urniling ito. "That won't happened. Sinabi ko naman sa mga kasambahay na pa-thank you dinner ko ito
sa iyo."

"T-thank you dinner?"

"Hmmm. Sa pagtatanggol mo sa akin against sa dalawang lalaki na nakasalubong natin sa daan kahapon.
Again, thank you for that."

"Sir, maliit na bagay."

Kumpara naman sa pagliligtas mo sa akin noon. Sobrang laking bagay ng ginawa mong iyon sa buhay
1<0. , ,

Kung ganoon, wala siyang dapat na

ikabahala sa mga kasamahan niya. Ganoon pa man, pakiramdam niya ay kailangan pa rin niyang
ipaliwanag ang side niya. Defensive na kung defensive, pero magpapaliwanag talaga siya.

"Pero, Sir Mhorric, ang sasarap naman yata nitong pinaluto mo? Eh, bawal sa iyo."

"Kainin mo lahat 'yan, magkakanin na lang ako," biro pa nito sa kaniya.

"Sir!" reklamo pa niya sa pagbibiro nitong iyon.

Napapangiti tuloy ito sa reaksiyon niya. "May kakainin ako na para sa akin lang. 'Yong hindi bawal sa
akin. Ayaw ko naman na masayang ang effort mo na mapagaling ako kung mauuwi lang sa wala."

Pigil-pigil ang sarili na mapatayo at mayakap ito. Nakaka-touch lang ang sinabi nito. Na pinahahalagahan
nito ang effort niya. Samantalang noon. halos ayaw nitong gurnaling.

"Thank you, Sir," aniya na matamis pa itong nginitian.

Masarap ang pagkain, iyon ang isa sa masasabi niya. Mukhang pinag-effort-an din talaga ni InangAson na
maluto para sa kanilang amo. Ano nga kaya ang reaksiyon nang mga ito dahil siya ang kasabay ni
Mhorric kumain nang gabing iyon? Hiling lang niya na sana ay hindi

talaga siya pag-isipan ng kung ano pa man.


Hindi niya mapigilan ang lihim na mapangiti habang palihim ding sinusulyapan si Mhorric na maganang
kumakain nang mga sandaling iyon. "Magtatrabaho ka ba agad 'pag gurnaling ka na ngtuluyan?" basag
niya sa katahimikan.

"Kapag back to normal na ang lahat sa akin, sagot nito sa tanong niya. "Why? Gusto mo bang mag-apply
ng trabaho sa kompanya ko?" anito na ibinaling ang tingin sa kaniya. May munting ngiti sa sulok ng labi
nito.

Siya, magtatrabaho sa kompanya nito?

Tinawanan niya angsinabi nito. "Mukhang imposible 'yon. Ang alam ko sa mga kompanya ay hindi basta-
basta tumatanggap ng high school graduate," aniya na ibinaba angtingin sa kaniyang pagkain.
"Kailangan, four years graduate."

"I'm the boss, Candy. I can give you a special treatment if I want too. Kita naman sa iyo na willing kang
matuto sa mga bagay-bagay. Napag-aaralan naman angtrabaho sa opsina, kahit na sabihin mong high
school graduate ka lang. May training naman. Para hindi ka na rum araket sa kung saan-saan ."

Urniling siya kahit na ramdam niya ang sinseredad sa sinabi nito. Lalo na ang concern sa pagiging
raketera niya. "Wala akong katahimikan sa mga ususera kapag nalaman nila ang totoong

background ko. Siguradong tsismis ang kahahantungan ko. Salamat na lang."

"Seryoso 'yong offer ko kapag gusto mong magtrabaho sa kompanya ko. Kahit na ano pa'ng tinapos mo.
I don't mind."

Sana lang lahat ay katulad nito kung mag-isip. Hindi mapanghusga. Lalo na sa kaniyangtinapos. Natuwa
na naman ang puso niya sa parte na iyon.

"l owe you a lot," dagdag pa nito.

Napatingin tuloy ulit siya rito. Ano raw? He owe her a lot? Baliktad yata?

"Saang parte naman na, you owe me a lot? Eh, sa pagkakatanda ko, trabaho ko naman na mapagaling
kayo kung 'yon ang basihan ninyo."

"Bukod doon ."

"Katulad ng?"

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay ngumiti lang ito.

'Wag mo naman akong daanin sa pangiti-ngiti mong 'yan. Lalo ka lang guma-gwapo sa paningin ko. Sa
isip ko, nagging makasalanan na ako..

"Kumain ka na. Lalamig lang ang pagkain, sa halip ay wika nito.

Napalabi tuloy siya. Pagkuwan ay ibinabang muli angtingin sa kaniyang kinakain.


Curious tuloy si Candy kung saan banda pa

ito may utang na 100b sa kaniya? Ayaw namang magsalita ni Mhorric tungkol sa bagay na iyon.

Para tuloy siyang nabitin sa ere.

"Pabitin ka ho, Sir Mhorric," pananadya niya sa ayaw nitong salita. Hindi rin siya nangahas na tingnan ito.

"Whatever, Candy," ani Mhorric na isang sulyap pa sa kaniya bago itinuon na rin sa pagkain ang
atensiyon.

Napaka-romantic ng mga sandaling iyon para kay Candy. Lalo tuloy sumarap sa panlasa niya ang mga
pagkaing nakahain sa kanilang harapan.

Readers also enjoyed:

Prince Reagan

0 4M Read

TAGS possessive kickass heroine

Chapter 27

"MAGKUWENTO ka.

Napatingin si Candy kay Mhorric. Katatapos lang nilang kumain ng binata at kasalukuyang nakaupo sa
may gilid ng swimming pool habang ang mga paa ay malayang nakalubog sa may tubig na kay init sa
pakiramdam. Malamig ang hangin ng gabing iyon. Pero dahil sa mainit na tubig kaya naibsan niyon ang
panlalamig niya. Gayon din si Mhorric.

"Ano namang ikukuwento ko? Parang natsismis ko na sa iyo ang ilan sa mahahalagang impormasyon sa
buhay ko?"

Nagkibit ito ng balikat. "Kahit ano na tungkol sa iyo. Sa pamilya mo. Just talk."

"Kailangan ko pa bang ikuwento 'yon sa iyo? Baka ma-bored ka lang, Sir Mhorric. Hindi naman
interesante ang buhay mahirap namin," aniya bago humigop ng kape. Dahil hindi ito puwede sa kape o
kahit sa gatas kaya naman ginger tea ang iniinom nito nang mga sandaling iyon. Mas okay iyon dito.

"Tigilan mo na rin ang pagtawagsa akin ng

Sir. Naiirita ang tainga ko."

Nangunot ang noo niya. "H-ha?"


"Just do what I say."

"Pero, Sir Mhorric, hindi ka na nga nagpapa-po at ho tapos itong pagtawag ko pa sa iyo ng Sir ay ayaw
mo na rin."

"Sino ba ang nagpapasahod sa iyo?"

Hindi agad siya nakapagsalita nang maisip ang Iola nito. "Pero kahit na hindi ikaw ang nagpapasuweldo
sa akin, amo pa rin kita. Kahit pagbalik-baliktarin mo pa ang mundo. Igagalang pa rin kita sa ayaw at sa
gusto mo."

"Just this one, Candy. Hindi naman kita empleyado. Pahingahin mo naman angtainga ko sa kaka-Sir mo
sa akin."

Bumuntong-hininga si Candy. Pagkuwan ay tumango na lang siya para wala ng talo pa.

Mhorric, kahit isip niya ay hindi sanay na Mhorric lang ang itawag dito. Para naman yatang pa-special
treatment kung pangalan lang ang itatawag niya rito.

Pagkahigop nito sa ginger tea nito ay muli itong nagsalita. "Naghihintay ako sa kuwento mo, Candy."

Isa pa 'yang pagiging kaswal mo sa pagtawag sa pangalan koe Para bang kumportable na kumportable
ka. , sa isip ay napabuntong-hininga siya. Habangtumatagal, padelekado nang padelekado ang puso niya
rito.

Mukhang wala siyang takas dito. Pinuno muna niya nang malamig na simoy ng hangin ang kaniyang baga
bago nagsimulang magkuwento.

Itinuon din niya angtingin sa tubig.

"Lima kaming magkakapatid," pagsisimula niya. "Ako 'yong panganay at breadwinner sa pamilya namin,
alam mo naman 'yong bagay na 'yon. Na breadwinner ako. Hindi rin ako nakatuntong sa college dahil
mas pinili kong magtrabaho agad para makatulong kina Nanay at Tatay at sa pag-aaral ng mga kapatid
ko. Simple lang din ang buhay namin. Pero kahit ganoon hindi ako nagrereklmo. Basta makaraos kami ay
okay na at habang buo kami, mananatili akong matatag para sa kanila." Huminto siya sa pagkukuwento
bago sinulyapan si Mhorric na katulad niya kanina ay nakatingin lang din sa tubig ng pool. "Blessing na
nga sa akin na alukin ng Iola mo ng trabaho." Nagbawi siya ng tingin habang may ngiti sa labi.

Si Mhorric naman angtumingin sa kaniya. "Napaka-matiyaga ka sa lahat ng bagay. Suwerte ang mga
magulang mo sa iyo."

Nakangiting urniling siya. "Ako 'yong suwerte sa kanila dahil sila 'yong mga magulang ko. Hindi nila kami
pinabayaan kahit na minsan nahihirapan na rin sila." Unti-unti ang paglambong ng mga mata niya.
"Minsan nga gusto ko ng mag-asawa ng foreigner para maiahon sila sa hirap."

Ang akmang tuloy-tuloy na pag-inom ni


Mhorric sa ginger tea nito ay hindi natuloy dahil nasamid ito dahilan upang maibuga nito ang iniinom na
tea sa may likuran nito.

Taranta tuloy na nahagod niya ang likod nito. "O-okay ka lang?"

Pagkapahid ni Mhorric sa bibig nito ay saka siya nito binalingan. Salubong ang kilay na animo hindi gusto
ang narinig mula sa kaniya. May nasabi ba siyang masama?

"May n-nasabi ba akong ma

"Sa tingin mo ba ay magandang idea 'yon?" he even hissed.

Sandali siyang nawalan ng masasabi at gulat lang na nakatingin dito. Maging ang kamay niyang
humahagod sa likuran nito ay animo na-freeze doon. Nang makabawi ay ibinaba niya ang kamay at
nagbawi rin ngtingin.

Ano ba ang masama sa pag-aasawa ng foreigner? Marami naman ang nakakapag-asawa ng ganoon. Lalo
na at gustong umangat ang buhay. At least secured ang future at hindi nganga. Praktikal lang naman siya
kung tutuusin. Kaysa naman umasa siya sa pagsinta niya kay Mhorric. Baka puti na lang ang mga mata
niya ay urnaasa pa rin siya.

"Akala ko ba, ayaw mo sa mas mataas ang estado ng buhay sa iyo? Tapos ngayon, sasabihin mo na gusto
mo ng mag-asawa ng foreigner?"

"O-option lang naman 'yon kapag no choice na ako sa aasawahin ko sa pagdating ng

panahon," katwiran pa niya.

"Ano'ng grade na noong bunsong kapatid

" First year high school."

"Sabi mo rin, hihintayin mo pang makatapos ang mga kapatid mo bago ka mag-asawa. 'Wag ka ng umasa
na makakapag-asawa ka pa pagdating ng panahon na 'yon."

Bakit ba mukhang galit na galit ito sa pag-aasawa niya? Mas affected pa ito kaysa sa kaniya. Hindi rin
naman siya sigurado sa future niya. Marami pa ang puwedeng mangyari.

"Hindi naman ako nagmamadali sa pag-aasawa, Sir Mhorric."

"Kalimutan mo na 'yong sinabi

1<0," malumanay ng wika ni Mhorric makalipas ang ilang sandali.

Kinuha nito ang tasa niya na wala ng laman at akmang tatayo nang pigilan niya. "Ako na ang magdadala
niyan."

"No. Ako na," giit pa nito.


Mabilis siyangtumayo para wala na sana itong angal pa. Pero gusto pa yata nitong makipagtigasan dahil
iginigiit ang gusto. Ang kulit, sa isip-isip niya. Isang higit pa sa hawak nitong tasa.

"Okay, fine."

Bigla nitong binitawan ang tasa. Dahil

naroon ang puwersa niya kaya medyo nawalan siya ng balanse sa bigla nitong pagbitaw sa hawak niya.
Naitapak niya paatras ang isa niyang paa. Wrong move. Mismong swimming pool ang tinapakan niya
dahilan upangtuluyan siyang mahulog sa tubig.

Napatili siya na agad nilamon ngtubigsa pool nang tuluyan siyang mahulog doon.

"Candy!"

Hangin na lang ang nahawakan ni Mhorric nangtangkaing hawakan ang dalaga.

"Damn," mabilis itong nag-dive sa tubig para maiahon ang dalaga na kakawag-kawagsa ilalim ng tubig.

Hindi marunong maglangoy si Candy dahil wala siyang natatandaan na nag-outing sila ng pamilya niya sa
dagat, ilog o swimming pool man. Sa isip ay nagpasalamat siya sa Diyos nang maramdaman ang pagkabig
ng mga bisig ni Mhorric sa kaniya palapit sa katawan nito at ang pag-angat ng katawan niya mula sa
ilalim ng tubig. Hindi pa niya katapusan. Salamat naman at iniligtas din siya ng binata.

Nang makaahon mula sa ilalim ngtubig ay agad ang paglanghap niya ng hangin. Humawak agad siya sa
may gilid ng pool nang makalapit sila roon ni Mhorric. Dinalahit din siya ng ubo dahil nakainom siya ng
tubig nang lumubog siya kanina.

Mabilis na hinagod-hagod ni Mhorric ang likod niya. "A-anong nararamdaman mo?" Nag-aalala nitong
tanong sa kaniya.

Ikinondisyon muna niya ang sarili bago ito hinarap. "Pasalamat ka at buhay pa ako. Dahil kung nalunod
ako ay sisiguraduhin ko na hihilahin ko 'yang mga paa mo," litanya pa niya.

Pinalis nito ang ilang hibla ng buhok na naligaw sa mukha niya. Mataman din siya nitong tinitigan. Hindi
pa rin nawawala sa mukha nito ang pag-aalala. "Sa tingin mo ba ay hahayaan kitang malunod?" may
haplos sa pusong Wika nito.

Bago pa siya malunod sa titig na ipinamamalas nito sa kaniya ay nagbawi siyang muli ng tingin. '"Yong
tasa... nabitiwan ko." May kalaliman ang bahaging iyon ng swimming pool kaya imposible na makuha
niya iyon. Nakagat niya ang ibabang labi ng muling tingnan si Mhorric.

"Naisip mo pa talaga 'yongtasa?"

"Patawad," sabi pa rin niya. "Kung hindi ako nakipag-agawan sa tasa, hindi sana ako mahuhulogsa pool
at hindi ka rin sana mapapatalon. Nabasa ka pa tuloy."
Naiiling na pinisil nito ang ilong niya. "Kung hindi ako tatalon, eh, 'di nalunod ka? Mukha pa namang
hindi ka marunong lumangoy."

Pasalamat ito at nagkaroon ito ng mamaso

sa mukha. Bagaman at tuyo na halos ay hindi naman niya magagawang pisilin ang pisngi nito. "Aminado
naman ako sa bagay na 'yan. Hindi ako tatanggi, Sir Mhorric," pinagdiinan pa niya ang hulingsinabi.

"Sir Mhorric? I told you to drop the formality, Candy."

Nagkibit siya ng balikat. "Alam mo naman na boss din kita kaya dapat lang na galangin kita." "l insist," he
demanded again.

Nakipagtagisan siya ng titigan dito. Ngunit heto at hindi na naman niya matagalan ang makatunaw
nitong titig. Awkward. Pasalamat siya at mainit ang tubig sa pool kaya naman hindi siya nangangatog sa
sobrang lamig.

"A-ang mabuti pa ay urnahon na tayo."

Tatalikuran na sana niya ito nang pigilan siya nito sa balikat niya. Habang ang isa naman nitong kamay ay
nakahawak sa may gilid din ng pool para hindi lumubog sa tubig. May pagtataka niya itongtiningnan.

Akala niya ay may sasabihin pa ito pero ng unti-unting bumaba ang mukha nito palapit sa mukha niya ay
tuluyan na siyang nawalan ng lakas gum alaw.

Maaari siyang urniwas o itulak ito ngunit hindi niya ginawa. Sa halip ay hinintay pa niya ang kung ano
mang gagawin nito kahit na may ideya na siya sa bagay na iyon. Hanggang sa tuluyang maglapat ang
mga labi nila ay tuluyan na ring napapikit ang mga mata niya. Nang mga sandaling iyon ay tanging tunog
lang ng mabilis na tibok ng puso niya ang naririnig niya. Lalo na nang maramdaman niya ang paglapat ng
malambot at mainit nitong labi sa kaniya.

Samot saring sensasyon ang idinulot niyon sa pagkatao niya. lyon din ang unang pagkakataon na may
nangahas na halikan siya. At kay Mhorric pa niya iyon mararanasan. Ang lalaking unang itinibok ng puso
niya. Dagli ang panlalambot ng pakiramdam niya.

Akala niya ay smack lang ang halik na ipamamalas nito sa kaniya. Ngunit nagkamali siya. Gumalaw ang
labi nito sa paraang kaya niyang sabayan. At dahil lunod siya ng mga sandaling iyon sa ipinamamalas nito
sa kaniya kaya kusang gumalaw ang labi niya upang tugunin ang halik nito. Kahit siguro may sumabog na
bomba malapit sa kanila ay hindi sila matitinag sa ginagawa.

Ang isa nitong kamay ay burnaba sa kaniyang baywang at hinapit siyang palapit lalo sa katawan nito.

Bago ang pakiramdam na iyon kay Candy at hindi niya pinagsisisihan na tinugon niya ang halik na iyon ni
Mhorric.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay tila ba pinasagap lang siya ng hangin ni Mhorric dahil sa
pangalawang pagkakataon ay muli nitong pinaglapat ang kanilang mga labi.
Alam niyang mali na makipaghalikan sa kaniyang amo. Pero bakit parang tama lang iyon? Why it feels so
right? Bakit parang hindi mali? O baka naman nadadarang lang siyang talaga sa masarap na halik na iyon
ni Mhorric?

Never in her wildest dream na aabot sila sa ganoong tagpo.

Maski naman siya ay ayaw agad matapos ang mainit na sandaling iyon. Walang sinabi ang lamig sa
Tagaytay sa init ng halik ni Mhorric na ipinadarama sa kaniya nang mga sandaling iyon. Maging ito ay
ramdam niya na ayaw agad matapos ang sandaling iyon.

Pero piping hiling niya na sana lang ay walang nakakakita sa kanila sa ganoong tagpo. Alam niya na
kanina pa nasa maids quarter Sina Tala at Maring. Ganoon din si Inang Ason. Dahil maagang matulog ang
mga ito, dahil maaga ring gigising kinabukasan. Ang driver naman ni Mhorric ay wala roon at urnuwi sa
bahay niyon sa Maynila. Babalik ay sa weekend.

Saka na niya iisipin ang consequence ng kalandian niyang taglay ng mga sandaling iyon. Ginusto rin
naman niya at hinding-hindi niya pagsisisihan na si Mhorric ang kaniyang first kiss.

First kiss. . .

Gumuhit ang ngiti sa labi niyang ayaw pa

Chapter 27 1 1/1 1 ring pakawalan ni Mhorric. 

Chapter 28

NAPAIKTAD si Candy nang ilapag ni Maring ang tray sa harapan niya. Napataas ang isa nitong kilay sa
naging reaksiyon niya.

"Ayos ka lang ba, Candy?"

"H-ha, ah, 00. Ayos lang ako," nginitian niya ito bago inasikaso ang dadalhing almusal sa silid ni Mhorric.

"Sigurado ka ba? Kanina ka pa namin napapansin na parang malayo ang nililipad ng isip mo. Nakatulog
ka rin ba ng maayos kagabi?"

Halata ba masyado na nangangalumata siya dahil sa matinding puyat? Hindi siya nakatulog ng maayos.
Pasado alas kuwatro na ng madaling araw nang dalawin siya ng antok. Sino ba naman ang makakatulog
ng basta-basta sa nangyari sa pagitan nila ni Mhorric? It was her first kiss. At kahit ngayon ay parang
nararamdaman pa rin niya sa labi niya ang labi ng binata. His warm and smooth lips against her.

It was a two round kiss. Pagkatapos niyon ay halos hindi niya matingnan nang maayos ang binata dahil
sa matinding pagkailang at pagkapahiyang nararamdaman. Ano kaya ang iniisip nito sa kaniya
nangtugunin niya ang halik
Napalunok siya. Mukha naman itong nag-enjoy dahil nakadalawang halik ito sa kaniya.

Bahala na nga ito sa gusto nitong isipin.

Basta siya ay nadala lang ng pagkakataong iyon. Tama, ganoon na nga lamang angdapat niyang isipin.
Halik na tiyak niyang hindi na mauulit pa. At mukhanggusto pa ng round three ni Ateng? Naipilig niya
ang ulo sa naisip.

Si Mhorric kaya? Nakatulog kaya ito ng maayos?

"Sabagay, sino ba naman ang hindi makakatulog ng maayos, eh, nakasalo mo kagabi si Sir Mhorric,"
patuloy nito na may mapanuksong ngiti sa labi. Wala naman sa reaksiyon ng mga ito na nakita silang
naghahalikan kagabi. Dahil kung nakita man sila ay dapat mas matindi ang panunukso ng mga ito.

At isa pa, pagpasok niya kagabi sa maids quarter ay tulog na ang mga ito.

Nakasalo mo kagabi si Sir Mhorric... bakit ang dating niyon sa kaniya ay pinatutungkulan ni Maring na
nakasalo niya kagabi sa mainit na halik si Mhorric?

Mababaliw na yata siyang lalo nito. Pahamak na halik!

Napalunok siya. "Wala lang 'yong dinner kagabi, Maring. Gusto lang naman niyang magpasalamat kaya
niya ako inimbitahan na kumain ng hapunan kasama niya. lyon lang 'yon at saka para maiba naman
daw," giit niya rito.

At para tigilan na siya nito kaya naman nagpaalam na siya rito na dadalhin na sa silid ni Mhorric ang
almusal nito.

Malapit na siya sa may hagdanan nang mapahinto siya sa paglalakad. May humahangos na babae
papasok ng mansiyon. Dumiretso iyon paakyat sa may hagdanan. Tiyak na tiyak ang pupuntahan dahil na
rin hindi na ito nag-abala pang magtanong.

Sino ba ang makakalimot sa babaeng iyon? lyon lang naman ang ex-girlfriend ni

Mhorric. Napahawak siya nang mahigpit sa dala niyang tray.

Mala-diyosa talaga ang ganda ni Ann Dae. Malayo sa mga pangkaraniwang mukha na nakikita niya sa
totoong buhay. Diyosa ito na animo bumaba mula sa kalangitan. At ang uri ng ganda nito ay iyongtipo na
mahirap snob-in, mapababae man o lalaki. Patunay na maging siya ay hindi mapigilan na sandaling
matulala at humanga sa ankin nitong ganda kahit na naiinis siya rito. Matangkad din ito na parang pang
beauty queen ang tindigan. She's really a goddess. Period.

Pero sinaktan ng babae na iyon si Mhorric.

Ano naman kaya ang pakay nito sa binata? Na-realize na ba nito ang ginawa nitong mali?

Makikipagbalikan ba ito kay Mhorric? Parang


piniga ang puso niya.

Ramdam niya ang paghapdi ng lalamunan niya nang lumunok siya.

"Ano kaya ang ginagawa niyon dito?" ani

Tala na nakita rin ang pagdating ng ex ni Mhorric.

"Malamang dinadalaw si Sir Mhorric," sabad naman ni Maring na habol din ngtingin ang kaaakyat lang
na babae.

Muli niyang hinigpitan ang dala-dalangtray sa takot na mabitiwan niya iyon.

"Dalhin ko lang ito sa itaas," paalam niya sa mga ito.

"Sige," anang dalawa.

Tinanguan niya ang mga ito.

Nang makarating sa itaas ay unti-unting burnagal ang paghakbang niya. Samot-sari ang nararamdaman
niya ngayon.

Naroon sa silid ni Mhorric ang babaeng minahal nito sa 100b ng isangtaon. At baka nga hanggang
ngayon ay may katiting pa ring puwang ang babae para dito. Paano kung magdesisyon si Ann Dae na
makipagbalikan sa binata lalo na at halos bumalik na sa dating hitsura nito si Mhorric? Babalikan kaya ito
ni Mhorric?

lyon ang isa sa malaking tanong sa kaniyang isipan ngayon.

Pero bakit naman hindi? Isangtaon ang

pinagsamahan ng mga ito. Imposible na mawala agad ang pagmamahal na iyon ni Mhorric para sa ex-
girlfriend nito. Siguro nga nabalot ng galit ang puso nito, pero kapag nagmakaawa ang babae ay baka
lumambot ang puso nito.

Napalunok siya nang maramdaman angtila bikig sa kaniyang lalamunan. Saka lang niya napansin na
mahapdi na ring lalo ang lalamunan niya nang lumunok siya. Maging ang puso niya ay parang pinipiga ng
husto sa naisip.

"Ang tanga niya talaga kung babalikan niya ang babaengtinalikuran na siya at iniwang parang walang
kuwentang bagay at ipinagpalit sa iba. Pero ano ba ang magagawa ko, eh, buhay naman niya 'yon. Kung
magpapakatanga siya, bahala na siya. Ako lang naman ito... nagising isang araw na nagmamahal na sa
kaniya ng ako lang ang nakakaalam..

Malungkot siyang napangiti.

Ikinurap-kurap niya ang mga mata nang mag-umpisa iyong manubig. Bago pa siya maging madrama ay
hinayon na niya ang silid ni Mhorric.
Wala naman siyang karapatan na mag-demand pa sa lahat ng maaaring mangyari sa buhay ng binata.
Tagapag-alaga lang naman siya nito. At iyon lang ang role niya sa buhay nito. At kung ano man ang
nangyari sa kanila kagabi ay baka kinalimutan na nito iyon ngayon ng makita si Ann Dae.

Ibinalik niya ang composure bago kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng silid ni Mhorric nang
makarating doon. "Breakfast, Sir Mhorric!" Matagal bago niya narinig ang sagot nito.

"Come in."

Saka lang niya pinihit ang seradura ng pinto. Pina-blanko rin niya ang anyo nang mapadako angtingin sa
dalawa na nakatayo malapit sa bintana. Animo katatapos lang magtalo. Hindi rin nakaligtas sa matalas
niyang paningin ang matalim na tingin sa kaniya ni Ann Dae. Hindi niya sigurado kung dahil ba iyon sa
pag-eksena niya.

Tipid niyang nginitian si Ann Dae na halata ang disgusto sa kaniyang presensiya. Pansin niya sa anyo ng
mukha nito.

Wala ng imik pa na ipinatong niya sa center table ang tray ng pagkain. Nanatiling pormal ang anyo niya
nang harapin si Mhorric. Pinigilan niya ang sarili na magbawi ngtingin nang makitang titig na titig sa
kaniya si Mhorric. Gusto niyang mailang bigla nang maalala ang nangyari sa kanila kagabi. Bakit ganoon
kung makatitig ito sa kaniya? Iba. Hindi niya mabigyang paliwanag.

"Mag-almusal na kayo, Sir Mhorric, bago pa lumamig ang pagkain ninyo. Maiwan ko na ho kayo."

Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil ni hindi siya nautal sa harapan nito.

Hindi na niya hinintay pa na magsalita ito.

Hinayon na niya agad ang palabas sa silid nito. Pagkasara niya ng pinto ay saka lang siya tila nanlambot
ang pakiramdam.

lyong ilusyon niya simula kagabi ay tila ba biglang nilipad ng hangin palayo.

PINAGDISKITAHAN ni candy ang natira niyang labahing damit. Nainip siya sa paghihintay na umalis ng
mansiyon si Ann Dae kaya inabala niya ang sarili sa may likod ng mansiyon kung saan naroon ang
laundry area.

Kung ano-ano na rin ang tumatakbo sa isip niya na maaaring ginagawa ng mga ito. May dalawang oras
na rin yatang nasa 100b lang ng silid angdalawa. Wala siyang ideya kung nagtatalo pa rin ang mga ito o
naglalampungan na ng mga sandaling iyon.

Umasim ang maganda niyang mukha sa huling naisip. "Pakialam ko ba sa mga

'yon?" aniya na mahigpit na piniga angdamit. Maging ang pants niya ay hindi rin nakaligtas sa panggigigil
niya.

"Kung nakakapagsalita lang ang pantalon mo ay kanina pa 'yan nagreklamo sa iyo."


Napahinto ang kamay niya sa pagkukusot nang marinig ang boses ni Mhorric. Totoong naroon si Mhorric
dahil kahit hindi pa niya ito nililingon ay bumibilis na agad angtibok ng puso niya. Hindi na yata
mawawala ang epektong iyon ng binata sa kaniya.

Dahan-dahan ang ginawa niyang paglingon sa kaniyang likuran. Naroon nga ang binata. Nakatayo
habang maaliwalas ang guwapong mukha habang diretso angtingin sa kaniya. He even smiled at her.
Masaya ba ito dahil sa pagdating ni Ann Dae? O dahil nagkabalikan na ang mga ito? Bigla angtila
pagkurot sa puso niya.

Bago pa maningkit ang mga mata niya ay nagbawi na siya ngtingin. Nasaan naman kaya ang babaeng
iyon at hindi nito kasama?

Candy, as ifnaman, sasama sa labahan ang ganoong klase ng babae?kontra ng kaniyang isip.

"Ano'ng ginagawa niyo rito?" Kaswal niyang tanong. Pagkapiga sa pants ay itinapon na niya ang tubig na
ginamit sa batya. Binuksan niya ang gripo at isa-isang binanlawan ang mga darnit.

"May washing machine naman. Bakit kamay ang gamit mo?" sa halip ay saad nito. Lumapit pa ito sa
kaniya.

"Kaunti lang naman itong mga darnit ko."

Gusto na niyang mag-usisa kung nasaan na si Ann Dae ngunit hindi niya masimulan. Baka maghimig
nagseselos pa siya.

Hindi nga ba?

Hindi na lang niya ito pinansin at kinausap.

Akala niya ay umalis na ito dahil hindi na ito nagsalita pa. Kaya laking gulat niya ng sa pagtayo at
pagbaling niya sa likuran niya ay nakita niya ang binata na nakatayo pa rin sa may likuran niya. Natutop
pa niya ang dibdib sa pagkagulat. Katatapos lang niyang magbanlaw ng mga damit niya. Isasampay na
lang niya.

"Bakit?" amuse pa nitong tanong dahil sa pagkagulat niya.

"A-akala ko ay umalis ka na." Masyadong malawak ang lugar na iyon para doon lang ito manatili sa
likuran niya. "Hindi ka ba hinahanap ng bisita mo?" Magkukunwari na lang siya na hindi kilala ang
babaeng dumating kanina.

Nagkibit ito ng balikat. "Kanina pa siya umalis." Kinuha nito ang lalagyan ng ipit ng damit at iniabot sa
kaniya.

"Salamat." Napatingin pa siya sa karnay nila ng sandaling magdait iyon nang kunin niya rito ang lalagyan
ng ipit ng damit. Sandali lang iyon ngunit kakaiba ang idinulot na naman sa kaniya.

Matapos magsampay ng damit ay naroon pa rin si Mhorric. May kailangan ba ito sa kaniya?
"May iuutos ka ba o ipapagawa sa akin?" tanong na niya. "Hindi ka pa kasi pumapasok sa loob ng
bahay."

Umiling ito bago ngumiti muli. "Wala.

Masama bang samahan ka rito?"

Nag-iinit ang pisngi niya sa sinabi nitong

iyon. Dapat ba siyang matuwa? Eh, kanina lang ay si Ann Dae ang kasama nito sa 100b ng dalawang oras.
Pero heto at ang traydor naman niyang puso ay kinikilig sa sinabi nito.

Pestengpuso! Napakadalingpakiligin.

Tumikhim siya at pinalis ang bikig sa lalamunan. "Hindi mo naman obligasyon na samahan pa ako rito.
Pero tapos na rin naman akong maglaba kaya pumasok ka na sa 100b. Kanina ka pa riyan nakatayo."
Napahinto siya sa pagsasalita nang mapansin na nakatitig ito sa labi niya. Napalunok siya nang
masiguradong doon nga ito nakatingin. "Sir Mhorric," untag niya rito.

Ito naman ang sa pakiwari niya ay nagulat nang muli siyang magsalita. Tumikhim ito nang makabawi.
"May ipinahanda nga pala akong meryenda. Tara na sa 100b." Turnalikod na ito at nag-umpisa ng
maglakad.

Napapantastikuhang sinundan lang niya ito ng tingin. "Ano namang nangyari doon?" anas niya na
nakatingin pa rin kay Mhorric.

At bakit may pahanda itong meryenda, eh, malapit na ring magtanghali.

Huminto sa paglalakad si Mhorric at nilingon siya nang sa tingin yata nito ay hindi siya sumusunod dito.
Naiiling pa ito nang makita siyang nakatayo pa rin. Humakbang ito palapit sa kaniya at mahigpit na
hinawakan ang isa niyang kamay na muntik ng magpaiktad sa kaniya.

"We'll eat. Nagutom din ako sa pagtayo lang at pagtitig sa iyo."

Hayon na naman ang pamatay nitong ngitl na parang nakalaan lamang sa kaniya. Masyado na ba siyang
nalunod sa ilusyon o dahil sanhi pa rin iyon ng puyat niya? Bakit din napaka-perpekto nito sa kaniyang
paningin kahit na may naiwan pa ring bakas ng mamaso sa mukha nito? Ganoon ba talaga ang
pakiramdam ng nagmamahal? Walang kapintasan, lahat ay perpekto"

Nagsalubong ang kilay nito nang mapansin ang ilalim ng mata niya. "Mukhang napuyat ka. Magpahinga
ka muna pagkatapos magmerenda. Tara na."

Bago pa siya makapagprotesta ay hinila na siya ni Mhorric papasok sa may kusina. Pati pagkapuyat niya
ay napansin din nito. Parang gusto na niyang lumubog sa lupa nang mga sandaling iyon. Lalo na nang sa
pagpasok nila sa kusina ay parang may dumaang anghel dahil bigla ang pagtahimik nina Maring, Tala at
ni Inang Ason nang makita silang pumasok ni Mhorric. Idagdag pa ang pagtuon ng tingin ng mga ito sa
kamay nila na hanggang ngayon ay magkahugpong pa rin.
Mabilis na binawi niya ang kamay at hindi magawangtingnan ang mga kawaksi. Nang makabawi ang mga
ito ay kakaiba pa ang palitan

ng ngiti ng mga ito.

"Pakidala na lang ho sa may kubo ang meryenda," ani Mhorric sa mga ito bago siya muling hinila sa
kamay.

"Uuuy," impit na anas ni Tala habang panay ang senyas sa kaniya, nanunudyo.

Mukha pang kinikilig ang mga ito sa nakita. Habang siya ay hiyang-hiya sa mga ito. Binawi niyang muli
ang kamay mula kay Mhorric.

"H-hindi mo naman kailangang hawakan ang kamay ko," saway na niya rito.

Nasa bungad na sila ng kubo nang muli siya nitong harapin. "Tapos makikita kita na hindi naman
surnusunod sa akin?" katwiran pa nito sa kaniyangsinabi.

Nagbaba siya ngtingin. Baka nga iyon lang ang rason nito habang siya ay nilalagyan na iyon ng kakaibang
kulay.

Wala na lang imik na naupo na siya sa upuan malapit sa may pinto ng kubo. Nang mapadako angtingin
niya sa may Taal Lake at sandali na namang mapalad sa nangyari kagabi ang isip niya ay nag-init na
naman ang pisngi niya. Tila nananadya pa ang isip niya nang ipaalala iyon. Medyo ipinilig niya ang ulo.
Hindi na ba talaga iyon mawawala sa alaala niya?

"'Yong kagabi nga pala.. " simula ni Mhorric na mabilis niyang pinutol at baka anumang sandali ay
dumating Sina Maring at Tala.

"Kalimutan mo na. Alam ko naman na wala lang 'yon sa iyo."

Pagkaupong-pagkaupo ni Mhorric sa tapat niyang upuan ay nagsalubong pa ang mga kilay nito.
Nakaharang na ito ngayon sa magandang view sa may harapan niya. "What?"

Hindi na siya sumagot nang matanawan na malapit na Sina Maring at Tala sa kubo. Dala ang
ipinahandang meryenda ni Mhorric. Carbonara iyon na agad nagpatakam sa kaniya. Marami pang
cheese. Para bang nakalimutan agad niya kung ano ang hull' nilang pinag-uusapan ng binata.

Hindi rin naman nagtagal Sina Tala at

Maring. Agad ding bum alik sa malaking bahay.

"Anyway, kumain ka na muna," ani Mhorric na ipinaglagay pa siya sa kaniyang plato ng carbonara.
"Kumain ka ng marami," sabi pa nito.
"Salamat," sabi pa rin niya na hindi nagtangka na sulyapan ito. Mukhang gaganahan siyang kumain
niyon. Nasarapan siya nang matikman ang carbonara. Bago siya urnuwi sa Quiapo ay hihingin niya sa
kusinera ang lahok niyon at kung paano lutuin. Gusto niyang ipatikim din sa pamilya niya.

Burnalik muli ang ngiti sa labi ni Mhorric nang makita ang gana niya sa pagkain.

Chapter 29

KUNG maaari lang na ubusin na ni Candy ang nakahaing carbonara ay ginawa na niya para wala ng
chance na mag-usap sila ni Mhorric dahil abala siya sa pagkain. Ngunit nabusog na siya at hindi na niya
kaya pang ilagay lahat sa kaniyang tiyan ang naroong pagkain. Hindi naman kasi kumakain si Mhorric
dahil sa sahog niyon na bawal pa rito.

Anito pa sa kaniya noong minsan, na isang buwan matapos nitong gumaling ng tuluyan ay saka lang ito
kakain ng mga pagkain na ipinagbawal dito habang ito ay mayroon pang mamaso.

Humanap na lang siya ng ibangdahilan para makalayo muna rito. Siguradong mauungkat na naman ang
hindi dapat maungkat. At iyon ang ikinakabahala niya ngayon. Ayaw niyang ma-corner. Dahil wala pa
siyang kapal ng mukha para pag-usapan ang kung ano mang namagitan sa kanila kagabi.

"Dadalhin ko lang ito sa kusina," aniya kay Mhorric na iniwasang mapatingin sa mukha nito o kahit
magsalubong ang mga tingin nila nang tumayo na siya. "Candy—"

"Mangunguha pa rin ako ng mga malunggay," mabilis pa niyang dagdag. "Maiwan ko muna kayo rito, Sir
Mhorric," aniya na hawak na ang pinagkainan at handa ng umalis sa kubo nang kunin nito sa kaniya ang
hawak niya at ibaba sa lamesa.

"Maupo ka muna," he commanded.

Lihim siyang napalunok.

Sahig, pakilamon muna ako, pipi niyang hilingsa isip. As in, now na!

"Candy," muli nitong untag sa kaniya dahilan upang mapaupo siyang muli sa may tapat nito.
Napabuntong-hininga pa si Mhorric. "Umiiwas ka," puna pa nito sa kaniyang ginagawa na pag-iwas dito.

Hindi agad siya nakapagsalita dahil totoo naman iyon. Na umiiwas siya. Gusto niyang maging masaya na
ito ang first kiss niya. Pero. .. umeeksena sa kaniyang isipan ang ex-girlfriend nito na kanina lang ay
dumatingsa lugar na iyon. Kung ano ang pinag-usapan at ginawa ng mga ito ay tanging Diyos lamang ang
nakakaalam.

Isipin pa lang niya iyong kanina na pag-so-solo nito at ni Ann Dae, hindi niya mapigilan na makaramdam
nang panibugho sa kaniyang dibdib. Kahit na ayaw niyang maramdaman iyon. At kahit na wala siyang
karapatan na maramdaman iyon.
'"Yong kagabi

"Sir Mhorric," pormal niyang wika na sinikap na itong tingnan at salubungin ang mga tingin nito. '"Wag
mo ng ungkatin o ulitin pa 'yong nangyari kagabi," aniya na unti-unting nagbaba ng tingin sa naroong
pagkain. "Maiilang lang lalo ako sa iyo kung uungkatin mo pa 'yon. K-kalimutan mo na rin 'yon."

"Kapag ba may humalik sa iyo na iba pang lalaki ay ganiyan lang din 'yong sasabihin mo?" At talagang
inulit pa? reklamo niya sa kaniyang isipan. Dagli tuloy ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi sa sinabi nito.
Lihim na naman siyang napalunok.

"Hindi na mauulit 'yong ganon," sa halip ay sagot niya. Sinisikap niyang magpakatatag lang sa harapan
nito. Ngunit ang 100b niya ay kanina pang nanlalambot.

"Hindi mo talaga uulitin sa iba, Candy," tila ba may babala pa sa boses nitong iyon.

Muli siyang huminga nang malalim. "Hindi na ho talaga. Lalo na sa inyo. Tama na 'yong minsang
pagkadarang." Napakainit na talaga ng pakiramdam niya sa kaniyang pisngi. Hindi pa ba nito titigilan ang
topic na iyon? Baka mayamaya lang ay tunaw na siya sa kaniyang kinauupuan.

"Are you sure? Ayaw mo ng ulitin sa akin?" he even teased.

Sir Mhorric! Bakit ka ganiyan?!

Ang sarap mag-walk out. Kung hindi lang

iyon kabastusan para dito. Sa isip ay iniiyakan na niya ang pagiging casual nito sa usaping halik na iyon.
Habang siya ay hiyang-hiya, ito naman ay tila ba tuwang-tuwa pa na asarin siya.

"Saan ba pupunta ang usapan na ito?" aniya na muli itong tiningnan.

"The more na umiiwas ka, the more na uungkatin ko sa iyo ang kung ano mang nangyari kagabi."

"Walang ibang nangyari," mariin niyang wika. Para bang may iba pang dating sa kaniya ang sinabi nitong
'nangyari kagabi'. Praning na siyang masyado. Baka kung may nakarinig na iba sa kanilang pinag-uusapan
ay lumipad na sa kung saan ang imahinasyon niyon.

"l know, bukod sa alam mo. You and me are

"Sir! Please! Please lang... 'wag mo ng ungkatin at dagdagan ang kahihiyan ko. Tama na," aniya na
napatayo pa. Hindi na naman niya ito matingnan ngtuwid sa mga mata.

May munting ngiti na sumilay sa labi ni

Mhorric habang hindi inaalis ang tingin kay Candy. Para bang pinipigilan pa nito iyong lumabas. Bakas na
bakas na rin ang pamumula ng kaniyang mga pisngi.
"Nakakahiya ba na ako ang makahalikan mo? Titigil na nga," agad nitong bawl' nang makatikim na sa
kaniya nang isang matalim na tingin. Ganoon pa man ay hindi pa rin mapigilan ni Mhorric ang ngiti na
mababakas sa mga mata nito.

"Seryoso," aniya na ramdam na rin ang panunuyo ng kaniyang lalamunan. "Nakakahiya 'yong nangyari
kagabi. H-hindi ko naman gawain

'yong ganoon. At hindi rin ako ang nagsimula." "It's my fault. Dahil hindi ko mapigilan, amin pa nito sa
kaniya. "And I guess, it's your first. Ah, oo nga pala, hindi ka nga pala nakikipagrelasyon. So, yeah, I'm
your first kiss.

Ang sarap talagang tapalan ng pagkain ang bibig nito.

"00. Ikaw ang first kiss 1<0. Okay na? Puwede na bang umalis sa harapan mo?"

"Candy, masyado pang maaga para kumuha ng mga malunggay."

Kung iyon lang ang tanging paraan para maging busy siya at makalayo muna rito kahit na saglit lang,
gagawin niya. Nanlalambot na talaga siya.

Isang hinga pa nang malalim. "Sir Mhorric—"

"You're too formal, Candy. Drop the 'Sir'."

Napabuntong-hininga siya. Nagpatuloy siyang mull' sa litanya niya. "Alam kong hindi naman bago sa iyo
ang makipaghalikan kaya natural na lang sa iyo na gawing topic ang bagay na 'yon. Pero sa akin kasi,
hindi. Hindi ako sanay at sobrang naiilang ako. Kung puwede nga lang magpalamon sa lupa ay ginawa ko
na." Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi na dapat inuungkat 'yong ganoong bagay. Lalo na at. at mukhang
okay na kayo ngex mo, patuloy niya sa kaniyang isipan.

"At ano?"

Huminga siya nang malalim. "At mukhang okay na kayo ng ex mo. .." pagsasatinig na niya nang nasa
kaniyang isipan.

"Sino'ng may sabi na okay na kami? Do you think, okay na kami ng lagay na 'yon kanina?

We're not."

Hindi siya nagsalita. Ano ba ang malay niya?

"Gusto niyang makipagbalikan ."

Tinantiya nito ang reaksiyon niya. Sinikap naman ni Candy na magmukhang hindi interesado sa topic
nito.

"Uso naman ang second chance," labas sa ilong pa niyang sabi.


"You think so?"

Tumango siya. "Kung magbabago naman siya, bakit hin

"Hindi siya kabalik-balik."

00, tama 'yam 'Wag mo ngbalikan. Tanga ka na lang talaga kung babalikan mo pa.

Napakaraming iba sa tabi-tabi mo, aniya sa isip. "Ganiyan talaga 'yong magiging reaksiyon mo kung hindi
mo siya bibigyan ulit ng isa pang pagkakataon. Paano mo malalaman kung—

"Ipagtatabuyan mo ako pabalik sa kaniya?" Ayaw niya ng pinupuntahan ng usapan. Parang hindi niya
kakayanin dahil hindi naman siya handa sa mga ganoon kalalim na usapin. lyong instinct kasi niya ay iba
ang ipinahihiwatig sa kaniya. Ang kaba tuloy sa dibdib niya ay hindi na niya mapigilan pa.

"Opinyon ko lang 'yon. Ikaw ang may katawan, kaya ikaw naman ang magdedesisyon." "Hindi ko gusto
'yong opinyon mo," prangka pa nitong wika sa kaniya. "Para bang ipinagtatabuyan mo pa ako sa kaniya.
Alam mo naman ang ginawa niya noon sa akin."

"Galit ka langsa kaniya kaya ayaw mo ng bumalik.

"Hindi dahil galit lang ako sa kaniya. To be honest, hindi ko na ma-imagine 'yong sarili ko sa kaniya."

Nawala na ba ang pagmamahal nito kay Ann Dae? As in, wala na? Baka naman naguguluhan lang ito
dahil sa presensiya niya?

Asa ka naman na dahil sa jyo, Candy? Paano kung noon pa lang na masaksihan mismo ng dalawang mga
mata ni Mhorric na niloloko siya ng ex-girlfriend niya ay nawala na talaga ang pagmamahal niya?At hindi
naman dahil sa iyo?

Gising!

"Ayaw ko na ring kumuha ng bato na ipupukpok ko sa ulo ko. That's enough."

Kinalma na muna niya ang kaniyang puso na patuloy sa pagreregudon. May gusto siyang malaman kaya
kinapalan na rin niya ang mukha niya lalo na at naroon na sila sa topic na iyon.

"Tingin mo, nakanino ang mali at ginawa niyang magloko habang may relasyon pa kayo?" "Nasa akin,"
ani Mhorric na nagbaling ng tingin sa malayo.

Kumunot ang kaniyang noo. "Nagloko ka

"No," nangingiti nitong wika na muling ibinalik ang tingin sa kaniya. "Kung nagloko rin ako, do you think,
magagalit ako ng husto sa kaniya?" urniling ito. "No. Pero gusto ko lang linawin sa iyo na hindi ko ginawa
'yong ginawa niya sa akin. Kahit na maraming lumalapit, hindi ko pin apatulan ."

Napalunok siya. "Bakit siya nagloko?"


"Nakukulangan siya sa akin," seryoso nitong wika.

"Nakukulangan? Bakit? Hindi ba siya makontento sa iyo? Mukha namang binigay mo na sa kaniya ang
lahat. Materyal na bagay, pagmamahal, pagiging stick to one at ang. .. ang sarili mo," aniya na nagbaba
ng tingin. Hayon na naman ang pag-iinit ng mukha niya.

Candy, talaga ba? Kailangan mo pang sabihin ang hilli mong sinabi? Ano 'ng tinutukoy mo? Katawan ni
Mhorric?epal ng kaniyang isipan. "Tama ka. Maliban sa huli mongsinabi."

Ganoon na lang ang pagbalik niya ng tingin kay Mhorric kahit na para bang natutunaw siya sa bawat
pagtitig nito sa kaniya.

"Siguro nga naging kampante ako noon na okay lang 'yong setup ko na ipakita ko 'yong pagmamahal ko
sa kaniya sa pamamagitan din ng pagrespeto sa kaniya bilang babae. Tipong ekis sa akin na may
mamagitan sa amingdalawa intimately. Unless, kasal na kami. Natiis ko 'yong setup na 'yon sa 100b ng
isangtaon. Pero hindi pala niya gusto ang ganoong setup. Akala ko lang pala na okay. Parang ako rin
'yong nag-push sa kaniya para humanap ng ibang lalaki na kayang ibigay ang pangangailangan niya
bilang babae."

Parang baliktad? Samantalang karamihan ay lalaki ang nababalitaan niya na naghahanap ng


pangangailangan sa ibang babae? Sa case ni Mhorric, ex-girlfriend pa nito ang gum awa niyon dito.

"Seryoso? 'Yon ang dahilan niya kaya siya naghanap ng ibang lalaki? Kung talagang totoo ang
pagmamahal niya sa iyo, hindi siya maghahanap ng ibang lalaki para lang sa pansarili niyang kaligayahan.
Big word ang salitang pagmamahal. Mukhang hindi niya kayang panindigan 'yong salitang 'yon sa iyo.
Bibihira lang 'yong magkaroon ng kasintahan na kayang irespeto ang girlfriend niya."

Napabuntong-hininga siya. "Siguradong nagsisisi ka ngayon dahil hindi mo pa ibinigay 'yong sarili mo sa
kaniya noon."

"Hindi ako nagsisisi. Parang 'yon pa nga

'yong naging daan para mas makilala ko siya. Sabi mo nga, mas okay na 'yong nakilala ko ang totoong
siya habang hindi pa kami nagsasama. She's my unwanted visitor kanina. Just so you know."

Hindi na katulad ng mukha nito noong unang punta roon ni Ann Dae ang mukha nito ngayon. Ngayon
kasi ay malinaw mo na itong makikilala. Kita na ang hitsura nito dati. Mas lilitaw pang lalo ang hitsura
nito kapag nawala na ang mga tuyong langib sa mukha nito. Kakaunti na lang iyon.

"Kahit naman maging special visitor mo pa siya. .." labas na naman sa ilong na wika niya.

Tumayo na siyang muli at akmang kukunin ang kaniyang pinagkainan nang hawakan din nito iyon. Ang
ending? Kamay niya ang nahahawakan nito ngayon. Napalunok si Candy. Tila ba lalo lang nanlambot ang
kaniyang pakiramdam nang maramdaman ang init na nagmumula rito.

"Nagmamadali ka talagang iwan ako rito?"


Sinubukan niyang bawiin ang kamay na hawak nito ngunit hindi naman siya nito pakawalan.

"Look at me," utos pa nito sa kaniya.

Bagay na hindi niya sinunod. "Napapahaba na ang kuwentuhan natin dito. Mangunguha pa ako ng
malunggay."

"Pang isang buwan na supply ba ng malunggay ang kukunin mo at nagmamadali ka?" Gusto na niyang
magmaktol ngunit ayaw niyang lumabas na para bang isip-bata sa harapan nito.

'"Y-yong kamay ko."

"As you can see, hawak ko."

"Bitiwan mo na," pakiusap niya. Matutunaw na siyang lalo.

"In one condition."

At talagang mayroon pa itong pakundisyon?

"Ano 'yon?" pagpayag na niya para lang bitiwan nito ang kaniyang kamay.

"Ayaw kong dahil lang sa nangyari kagabi ay iiwasan mo ako."

"Madali naman akong kausap, basta 'wag ka ng magbabanggit ng kung ano mang nangyari kagabi,"
pagpayag niya sa nais nito. "Kalimutan na natin 'yon."

"Kalimutan? I don't think, makakalimutan mo 'yon agad-agad," nangingiti pa nitongtudyo. "Sir Mhorric,"
mariin niyang wika nang muli itong tingnan. "Tigilan mo na rin 'yang panunudyo mo tungkol sa nangyari
kagabl. Promise, baka magising ka na lang isang umaga na hindi na makita ni dulo ng buhok ko rito sa
bahay ninyo. Mag-aalsabalutan ako. Tutal naman, okay ka na."

"Fine," anito na binitiwan na rin ang kamay niya. Mukhang ayaw sa ideyang aalis na siya. "Hindi na ako
magbabanggit ng tungkol sa nangyari kagabi."

"Puwede na ho bang umalis?"

Parang gusto niyang pagsisihan na muli itong tingnan sa mga mata dahil iyong titig nito sa kaniya ay tila
ba may kakaibang dulot.

Nakangiti ang mga mata nitong nakatitig ngayon sa kaniya. lyong tingin nito na para bang ayaw nitong
ibabaling sa iba, gusto ay naka-focus lang sa kaniya. Ganoong level ng titig.

"You may go now," ani Mhorric na umayos na ng upo sa kinauupuan nito.

Nagbawi na siya nangtingin at wala ng salita pa na iniwan ito roon.


Gustong umasa ng puso niya sa kung ano mangdamdamin na pinukaw ni Mhorric sa kaniya ngayon. Pero
dahil sa estado niya sa buhay at sa role niya sa lugar na iyon at sa buhay nito

ngayon, hindi niya magawang pangarapin itong lalo. Dahil hindi bagay ang isang katulad niya para dito.

00 nga at masarap mangarap. Pero kung katulad ni Mhorric ang kaniyang papangarapin? Parang suntok
sa buwan. At ngayon pa lang ay para bang kailangan na rin niyang mag-move on sa damdamin niya na
pinukaw nito sa pangalawang pagkakataon. Damdamin na mas surnidhi sa pangalawang beses na
pagtatagpo nila.

The Wolf Princess and.

Addie Hayes

C)

"How many mates do you have,

Princess?" Kia asks] look over at h

Chapter 30

MAHIGPIT na hawak ni Candy ang cellphone na ipinahiram sa kaniya ni Tala. Sa unang pagkakataon
matapos niyang umalis sa kanila para sa isang trabaho ay ngayon pa lang ulit siya makikikumusta sa
kaniyang pamilya.

Gabi na at tapos na rin ang oras ng kanilang trabaho.

Malamig ang simoy ng hangin at kita ang hamogsa paligid. Hindi naman iyon naging hadlang kay Candy
para hindi tumuloy papunta sa may kinaroroonan ng kubo.

Nakasuot siya ngjacket na may hood na nakasuot na rin sa kaniyang ulo para iwas sa lamig at harnog
nang gabing iyon.

Nang makarating sa kubo ay agad niyang binuksan ang ilaw roon. Ang ilaw sa kubo ay pinagagana ng
solar energy. Pagkuwan ay naupo na siya. Huminga muna siya nang malalim bago tinawagan ang
cellphone number ng kaniyang ama. May cellphone ito na may keypad na siyang palagi nitong
ginagamit.

Alam niyang gising pa nang ganitong oras ang kaniyang mga magulang.

Nakagat ni Candy ang kaniyang ibabang-labi nang marinig ang boses ng kaniyang ama.

"Hello?" muli niyong ulit nang hindi siya magsalita agad.


'"Tay," aniya na [along nakagat ang ibabang-labi. Hindi niya mapigilan ang munting luha na namuo sa
kaniyang mga mata. Sobrang miss na niya ang kaniyang pamilya. Lalo na ang kaniyang Nanay at Tatay.
Lumunok siya para hindi mabasag ang kaniyang boses. "Candy?" nagulat niyong wika.

Turnango siya kahit na hindi naman siya nito nakikita. "Opo, 'Tay. Si Candy po ito. Nakitawag lang po ako
sa kasamahan ko. Kumusta po kayo riyan? Okay na po ba kayo? Wala na po ba kayong nararamdaman
na sakit sa inyong katawan?"

"00 anak. Sa awa ng Diyos ay maayos na ang aking kundisyon. O-okay lang kami rito. Ikaw riyan? Ang
tagal mong hindi nagparamdam. Miss na kita, anak. Miss ka na namin ng nanay mo." Dinig ni Candy sa
boses ng kaniyang ama ang pinipigil na emosyon.

Turningala siya para pigilan ang luha na tumulo. Pinasigla niya ang boses. "Okay lang po ako rito, 'Tay.
Sobrang okay. Pasensiya na kung ngayon lang ako nakatawag. Nakihiram lang ako ng cellphone sa
kasama ko. 'Wag po kayong mag-alala. Malapit na po tayong magkita. Pag-uwi ko, idi-date ko kayo ni
nanay sa mamahaling restaurant. Pangako ko 'yon sa

inyo," aniya na muling kinagat ang ibabang-labi.

Ang luha niya ay tuluyan ng burnagsak.

"Anak, kahit nga sa turo-turo mo lang kami i-date ng iyong nanay ay walang problema. Alam mo naman
na hindi kami bagay sa mamahaling restaurant."

Tila ba pinigang lalo ang puso niya. "'Tay, ang mahalaga po ay may pambayad tayo. Hayaan niyo na ako
na maiparanas sa inyo ni nanay kahit sandali lang ang mga bagay na imposible sa atin noon. Ako ang
taya. At saka, pinaghirapan ko naman po 'yong pang-date ko sa inyo kaya hindi ka puwedeng tumanggi.
Gusto kong burnawi sa inyo ni nanay."

"Kung ganoon, anak, ikaw ang bahala."

"Salamat, 'Tay. Ang mga kapatid ko, kumusta naman po sila?" aniya na pinahid na ang luhang namalisbis
sa kaniyang pisngi. Inilayo pa niya sandali sa kaniyang tainga ang cellphone para lamang suminghot.
Pakiramdam niya ay tutulo na ang kaniyang sipon.

Hindi agad nakapagsalita ang kaniyang ama.

"M-may problema po ba, 'Tay? Hindi ka na nakapagsalita riyan," muli ay untag niya sa pananahimik nito.

"O-okay lang sila, anak."

Pero bakit hindi siya kampante na totoong okay nga? Tila ba may iba sa boses ng kaniyang ama.

"'Yong totoo PO, 'Tay?”

Dinig niya ang mabigat na buntong-hininga nang kaniyang ama. Ang boses nito nang muling magsa[ita ay
tila ba nanginginig pa.
"Ayaw kitang pag-alalahanin pa o pag-isipin dahil may trabaho ka, anak*”

"Ano po ang problema riyan, 'Tay? Sabihin niyo PO. Dama ko sa boses ninyo na may problema Ganoon
din po 'yong sinasabi ng instinct ko.”

"A-ang kapatid mo kasing si Margaux.”

"Ano pong problema sa kaniya? May dapat ba siyang bilhin para sa nalalapit na pasukan. Kailangan na
po ba talaga? Kung 'yon lang po 'yong problema, 'wag niyo na pong isipin at magpapadala ako ng pera
diyarı.”

Ngunit hindi na naman agad nakatugon sa kaniya ang kaniyang ama. Mukhang wala sa sinabi niya ang
problema.

'"Tay?"

Tumikhim ang kaniyang ama. "Candy, anak, pag-uwi mo na lang saka namin sasabihin. 'Wag ngayon.
Ayaw kong mag-isip ka."

"Lalo lang po akong mag-iisip kung hindi ninyo agad sasabihin sa akin, 'Tay.”

Ramdam niya na ayaw pa talagang sabihin sa kaniya nang kaniyang ama ang problema ni Margaux.

"Makikinig po ako, 'Tay, kung ano man ang problema. Siguro naman ay masusulusyunan 'yan. 'Di ba nga
PO, tulong-tulong tayo?"

"A-ang kapatid mo kasing si Margaux. .. b-buntis," basag ang boses na wika ng kaniyang ama sa kabilang
linya. Sunod niyon ay narinig niya ang impit niyong paghikbi.

Para siyang nabingi sa kaniyang narinig.

Hindi agad mag-sink in sa kaniyang isipan.

"A-ano PO?"

"B-buntis si Margaux."

Daig pa niya ang animo tinakasan ng kaluluwa sa narinig at binuhusan ng malamig na malamig na tubig.
lyon ang huling bagay na gusto niyang marinig na problema.

Buntis si Margaux?

Napailing-iling siya. '"Tay, masamang biro po 'yan."

"Sana nga anak, biro lang 'yon. Sana nga. .." Napukpok niya ang lamesa. Parang sasabog ang
pakiramdam niya. Usapan nila ng kaniyang kapatid na mag-aaral ito ng mabuti at magtatapos.
Graduating na ito. Pero bakit ito nagpabuntis? Akala ba niya ay wala itong nobyo at focus lang sa pag-
aaral nito?
"Nasaan po si Margaux? Gusto ko siyang makausap."

Kung maaari lang mag-teleport pauwi sa

kanilang bahay ay nagawa na niya para makaharap ang kapatid niya.

"S-sandali."

Dinig niya ang paglalakad nito

"Gusto kang makausap ng Ate Candy mo." '"Tay, ayaw ko po," boses ni Margaux.

Tumiim ang bibig niya. "Ibigay niyo po sa kaniya ang cellphone, 'Tay," maawtoridad niyang pakiusap sa
kaniyang ama.

"Kausapin mo ang ate mo," anang ama niya sa kaniyang kapatid.

Ramdam na rin niya ang pag-akyat ng dugo niya sa kaniyang ulo. Ngunit sinisikap niyang
magpakahinahon.

"Margaux," aniya. Alam niya na hawak na nito ang cellphone ng kaniyang ama dahil mahabang
katahimikan ang sunod na namayani. "Magsalita ka," pilit niyang pinakalma ang kaniyang boses para
hindi masigawan o ano pa man ang kaniyang kapatid. "Bakit... bakit nagawa mo 'yan?" puno ng
hinanakit na tanong niya rito. "Alam mo naman ang bilin ko sa iyo, 'di ba? Mag-aral ka ng mabuti. Pero
ano itong mababalitaan ko? Margaux naman, eh."

"Ate, kung sesermonan mo rin ako, please, tama na muna. Quota na ako sa sermon nina nanay at tatay,"
humihikbi nitong wika sa kabilang linya.

"Alam mo namang mali 'yan, eh. Graduating ka na, Margaux. Sana naisip mo 'yon bago mo 'yan ginawa.
Hindi mo man lang ba naisip ang sakripisyo namin nina tatay para sa iyo?"

"Buong buhay ko, Ate, alam mong sa pag-aaral umikot ang mundo ko. 00 na, mali ito, maling lumandi ng
maaga. Maling magpabuntis agad. 00, nagsakripisyo kayo. Sinuklian ko naman 'yon, eh. Nag-aaral ako

"Pero bakit ka nagpabuntis?!" hindi na niya napigilang isinghal dito. Pati luha niya ay hindi na naman
niya napigilan sa pagtulo.

"Nakikipagrelasyon ka na pala ng wala kaming kaalam-alam man lang. Pinagmumukha mo kaming tanga,
Margaux!"

"Minsan ba, Ate, natanong mo kung may nagugustuhan na ako? Ang hirap kasi sa iyo, eh, mas naka-
focus ka sa pagtatapos ko sa pag-aaral.

Hindi naman ako bato na walang pakiramdam."

"Putik naman, Margaux. Ang tali-talino mo, bakit hindi mo 'yan gamitin? Alam mo kung bakit ako mas
naka-focus na makatapos ka sa pag-aaral at hindi sa pagkakaroon mo ng boyfriend. Dahil ipinasa ko sa
iyo ang pangarap na gustong-gusto kol Nagtiis ako na hindi tumuntong sa college para makapagtapos ka
at makapagpatuloy ang mga kapatid natin sa pag-aaral. Hindi para sa akin ito, Margaux. Para sa iyo, para
sa inyong lahat. Ayaw kong. .. ayaw kong matulad ka sa akin na hirap makahanap ng maayos na trabaho
kaya kung ano-ano na lang ang raket ko para magkaroon ng pera na pangtustos sa pag-aaral ninyo at
makatulong kina nanay at tatay sa gastusin sa bahay." Kinagat niya nang mariin ang ibabang-labi. "Hindi
ako nagsasakripisyo para lang sa sarili ko. Sana naisip mo 'yon. Alam ng Diyos kung gaano akong
nagtitiis."

"Ate, 'wag mong isumbat sa akin 'yan, please," pakiusap ni Margaux sa pagitan ng paghikbi.

"Pero mukhang hindi mo na-appreciate ang effort ko," puno ng sama ng 100b na wika niya.

Sige lang sa pagtulo ang luha niya. "Ipinagmamalaki ko pa naman na may graduating na akong kapatid.
Na ikaw 'yong tutupad ng pangarap ko. Na sulit ang pagtitiis ko dahil may naghihintay na magandang
kinabukasan para sa iyo." Mariin siyang napapikit. "Sana nagtapos ka muna bago ka lumandi. Para
naman may hawak ka ng diploma. Alam mo 'yon? Buong akala ko... buong akala ko ay may isa na sa mga
kapatid ko na makakahawak ng diploma ngayong school year. Pero hindi! Hindi mo man lang hinintay
'yon. Margaux, 'yon lang 'yong reward ko sa sarili ko. 'Yong makita ka na may magandang kinabukasan.
Hindi para sa akin ito o para kina nanay at tatay. Para sa iyo. Para sa

maganda mong kinabukasan."

"S-sorry, ate."

"Sorry dahil failed ako bilang kapatid mo?"

"H-hindi, ate. .. ako 'yong nag-failed."

"Sana lahat, nadadaan lang sa simpleng sorry. Pakiramdam 1<0, nabigo ako. Sobrang nabigo," aniya rito
bago ibinaba ang hawak na cellphone at pinatay na ang naturang tawag.

Sunod niyon ay pinakawalan na niya ang hikbi na kanina pa niya pinipigilan. Parang pinipiga ng husto ang
puso niya. Nasasaktan siya sa kinahinatnan ng kaniyang kapatid. Isang school year na lang at magtatapos
na ito pero bakit hindi pa nito iyon nahintay man lang? Sana hindi ito nagpadalus-dalos. Napakabata pa
nito para maging isang ina. Napakahirap ng buhay.

Lalo na sa mga taong walang maayos na trabaho.

lyong pangarap niya rito ay tila ba unti-unting naging kulay abo. Nawalan ng kulay.

Bakit?

lyon ang paulit-ulit na tanong sa kaniyang isipan.

Saan ba siya nagkulang para sumuway ang kaniyang kapatid?


Hindi man lang ito nag-isip sa maaaring kahinatnan ng ginawa nito. Alam niyang blessing ang isang baby.
Pero sa kaso nito, hindi agad niya matanggap ang katotohanan na iyon. Na iyong kapatid na palagi
niyang ipinagmamalaki na makakatapos na sa pag-aaral ay buntis ngayon. Paano na ang pag-aaral nito?

Lato lang siyang napaiyak sa isipin na iyon.

At ang kanilang mga magulang, siguradong masama rin ang 100b ng mga iyon. Lalo na at wala namang
ipinakikilalang nobyo sa kanila ang kapatid nilang ni Margaux. Tapos ngayon, mababalitaan nila na buntis
ito. Parang isang suntok iyon sa kaniya at sa kanilang mga magulang.

Hinayaan lang niya ang kaniyang sarili na umiyak. Gusto niyang ilabas lahat ng bigat sa kaniyang dibdib
nang mga sandaling iyon.

Napakislot siya nang maramdaman ang pag-vibrate nang cellphone na ipinatong niya sa lamesa. Nag-
flash sa screen ng cellphone ang numero ng kaniyang ama.

Huminga muna siya nang malalim at pilit kinalma ang sarili bago iyon sinagot.

"Candy, anak," anang kaniyang ama sa kabilang linya.

'"Tay," hayon na naman at naiiyak na naman siya.

"Pakiusap ko lang na 'wag mo na munang kaisipin ang nangyari. Nangyari na at hindi na maibabalik pa sa
dati. Nariyan na. Kahit ano'ng galit natin, wala na tayong magagawa. Ang kailangan na lang nating gawin
ay tanggapin.

Pero hindi ko naman sinasabi na tanggapin mo agad. Alam kong hindi madali para sa iyo ang nangyaring
ito. Kahit ako na lang, anak. Kahit para sa amin na lang ng nanay mo, ingatan mo ang sarili mo riyan at
'wag mong pababayaan.

Siya pa rin ang iniisip ng mga ito. Kapakanan pa rin niya. Lalo tuloy niyang na-miss ang nanay at tatay
niya. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit, pero dahil nasa malayo siya, hindi niya magawa.

Pigil-pigil ang mapahikbi na tumango siya. "Sige PO, 'Tay, para sa inyo ni nanay. Magiging okay ako,"
pangako niya kahit maging ang sarili niya ay hindi hundred percent na sigurado sa bagay na iyon. "Kayo
rin po riyan ni nanay, mag-iingat po kayo palagi. Hintayin niyo na lang po 'yong pag-uwi ko riyan."

"Sige, anak. Ingat ka. Magpahinga ka na, alam kong pagod ka sa trabaho mo." "Kayo rin po riyan," aniya.

Hindi rin naman nagtagal at nagpaalam na ito sa kaniya.

Nang bumalot na naman ang katahimikan sa buong paligid aytulala na langsi Candy sa kawalan habang
namumuo pa rin ang Il-Iha sa kaniyang mga mata.

Chapter 31
KATATAPOS lang maligo ni Mhorric ng umagang iyon nang tumawag siya sa kusina para magpahatid ng
kaniyang almusal. Bahagya ang pagsasalubong ng kaniyang kilay nang hindi si Candy ang makita niyang
pumasok sa pinto nang bumukas iyon.

"Si Candy?" kaswal niyang tanong sa kawaksi na si Maring.

"Ah, Sir, pinasasabi po pala ni Candy na hindi muna niya magagawa ngayong araw na ito ang kaniyang
trabaho sa inyo."

"Masama po ang pakiramdam niya. Sinisipon din po kaya hihingi po siya ng isang araw na day off."

"Sinisipon?"

Tumango si Maring. "Kagabi po kasi ay lumabas siya at tumawag sa pamilya niya.

Nahamugan po siguro kaya sinipon. Ayaw naman daw po niya na makahawa sa inyo dahil halos magaling
na kayo. Baka magkasakit pa kayo dahil sa kaniya. At saka PO, masakit ang ulo niya kaya sana po ay okay
lang na magpahinga muna siya kahit isang araw lang. Ako na po muna ang bahala sa kaniyang trabaho."

May magagawa pa ba siya kung masama ang pakiramdam ni Candy? Maski siya ay mas pipiliin na
magpahinga muna ito.

"Sige," sabi na lang niya.

Bahagya pa itong nagyuko sa kaniya bago muli ng lumabas sa kaniyang silid.

Napaupo siya sa sofa. Ang isip niya ay nilipad kay Candy. Gusto pa naman niya itong makita.

Marahassiyang bumuntong-hininga.

Matapos kumain ng kaniyang almusal ay hindi naman siya mapakali sa kaniyang silid kaya ipinasya
niyang lumabas at pumunta sa kusina. Nagulat pa ang tatlong kawaksi na naroon nang makita siya.

"May kailangan po ba kayo, Sir?"

Turnango siya. "Kailangan ko ng tatlong cute ng bawang at kalamansi. Saka maligamgam na tubig. Pati
na rin chopping board at knife."

Turnalima naman si Maring at Tala. Nang makuha ang kaniyang mga kailangan ay siya na ang nagtadtad
ng binalatan niyang bawang. Tinadtad niya iyon ng Pino. Nang pinong-pino na iyon ay saka niya inilagay
sa isang baso na may maligamgam na tubig. Pinigaan niya rin iyon ng kalamansi gamit ang maliit na
strainer para masala ang buto. Pagkuwan ay hinalo ng kutsara.

"linumin niyo po ba 'yan, Sir? Ang alam ko po kasi ay hindi na kayo paiinumin niyan ni Candy," tila
alanganin pang tanong ni Tala sa

kaniya.
Urniling siya. "Ipapainom ko kay Candy," kaswal niyang sagot.

Bahagyang napaawang ang labi nito bago mabilis na itinikom. "A-ah, tama, Sir. Mas mabuti 'yan sa
kaniya para sa sipon niya. Para hindi rin siya mauwi sa pag-uubo."

"Nag-almusal na ba siya?" tanong pa niya.

"Hindi pa PO. Wala raw po siyang ganang kumain."

"Pakihanda ng pagkain niya. Pakisunod na lang sa silid na gamit niya. Salamat," aniya bago dinala na ang
baso, na may herbal juice na siya ang may gawa, sa kinaroroonang silid ni Candy.

Tanda naman niya kung paano iyon gawin ni Cadny dahil halos i-demo pa nito iyon sa kaniya sa
pamamagitan ng paliwanag nito. Para daw kapag inubo siya o surnama ang pakiramdam sa ibang
pagkakataon ay mayroon siyang alam na home remedies.

Tatlo ang silid sa maids quarter. At ang pinakadulong pinto ang garnit na silid ni Candy. Solo lang ito sa
silid na iyon sa kagustuhan din ng kaniyang Iola.

Kumatok siya nang tatlong beses sa may pinto bago hinawakan ang door knob at pinihit pabukas. Hindi
naman iyon naka-lock kaya malaya niyang nabuksan.

Humayon agad ang kaniyangtingin sa nakahigang si Candy sa isang kama sa isang sulok. Nababalutan ng
kumot ang buong katawan nito. Maging ang ulo nito. Ang bintana sa silid nito ay nahaharangan pa rin ng
kurtina kaya naman bahagya lang ang liwanag sa 100b. Nakapatay pa ang ilaw.

Kurtina ang una niyang nilapitan at iwinahi para magkaroon ng liwanag sa buong silid na iyon. Hindi
naman kalakihan ang silid na iyon.

Para lang iyong kasing laki ng gamit niyang banyo sa silid niya. Tama lang para sa isang tao. May wall fan,
ngunit nakapatay.

Binuksan na rin niya ang bintana para may pumasok na sariwang hangin.

Pagkuwan ay kinuha niya ang isang silya at hinila palapit sa gilid ng kama ni Candy. Single bed lang iyon.

"Candy," pukaw niya rito. Hindi niya alam kung natutulog ba ito o ano.

Wala siyang tugon na nakuha mula rito. "Candy," muli ay wika niya.

UNTI-UNTING naalimpungatan si Candy nang marinig ang boses na iyon. Nagising na siya kanina ngunit
muli ulit nakatulog dahil madaling araw na siya noong dalawin ng antok. Hindi niya

agad magawang imulat ang kaniyang mga mata dahil sa pamamaga niyon sanhi ng kaniyang walang
humpay na pag-iyak kagabi.

Nakaringgan lang ba niya ang boses na iyon? "Candy."


Tuluyan na siyang napamulat. Boses iyon ni Mhorric!

Sandali niyang napigil ang kaniyang paghinga. Totoong naroon ito sa silid niya. Ang kabog sa dibdib niya
ay bigla-bigla na namang umariba ng dahil dito.

Nakapa niya ang kaniyang mga mata. Maga pa rin iyon. Sigurado siya na obvious na obvious iyon dito.
Napabuntong-hininga siya.

"A-ano'ng gin agawa mo rito?" tanong niya na hindi pa rin ibinababa ang kumot na nakataklob sa buong
katawan niya maging sa ulo. "Nakisuyo ako na iparating sa iyo na hindi ako makakapagtrabaho dahil
masama ang pakiramdam ko."

"l know."

"Pero bakit ka pa pumunta rito? Baka mahawa ko pa kayo," aniya na pinagbuti ang pagkakataklob ng
kumot sa ulo niya at baka bigla na lamang iyong ibaba ni Mhorric.

"May dinala ako. Also, hindi ka pa raw nag-aalmusal. You should eat para madali kang gumaling. First,
drink this. Your herbal medicine." Natigilan siya. "H-herbal medicine?"

'"Yong palagi mong pinaiinom sa akin.

Ipinagtimpla kita."

Speechless siya sa kaniyang narinig.

Gurnawa ito ng herbal medicine para sa kaniya? Samantalang dahil lang naman sa pag-iyak niya kaya
siya sinisipon ngayon. Ganoon din ang bahagyangp t ng kaniyang ulo. Idagdag pa ang puyat niya. Kulang
siya sa tublog.

"S-salamat. Iwan mo na lang diyan."

"Inurnin mo na bago pa lumamigng tuluyan."

Paano ba niya iyon maiinom kung mukha siyang ewan nang mga sandaling iyon?

"Lumabas ka na muna, Sir Mhorric. Baka mahawa pa kita," alibi niya.

"Hindi ako mahahawa ngsipon mo. Kung sipunin ako, eh, 'di iinom ulit ako nitong herbal medicine mo."

Aba at talagang ayaw pa nitong lumabas. Bigla tuloy ay naalala niya noong time na kaya niyang
patunayan dito na hindi siya natatakot na mahawa nito ng sakit nito kaya naman hindi siya gumagamit
ng face mask sa mukha kapag pupuntahan niya ito. Na kung mahawa man siya ay iinuman na lamang
niya ng gar-not.

Napabuntong-hininga tuloy siya sa alalahaning iyon. Kay Mhorric naman niya narinig ang litanya na iyon
ngayon.
'"Wag ka hong makulit. linumin ko lang 'yan kung lalabas ka."

"Why? Wala ka naman sigurong panis na laway sa pisngi mo kaya ayaw mong lumabas diyan sa kumot
mo?" nangingiti pa nitong biro.

Wala tuloy sa oras na nakapa niya ang kaniyang pisngi. Wala siyang madama na nabasa iyon ng kaniyang
[away.

"Candy, lalamig na ito."

Huminga muna siya nang malalim. Mukhang wala talaga itong balak na umalis doon.

Wala na ring nagawa na burnangon na siya at hinayaang nakasabog ang kaniyang buhok sa may mukha
niya para hindi agad makita ni Mhorric ang pamamaga sa mga mata niya. Ni hindi siya nagpaling ng
mukha rito nang ibaba na niya ang kumot.

Inilahad na lang niya ang kanan niyang kamay rito para makuha ang baso na hawak nito.

Agad naman nito iyong iniabot sa kaniya.

Walangsalita pa na ininom ni Candy ang tinimpla na iyon ni Mhorric para sa kaniya. Inubos niya iyon.
Para man lang hindi masayang ang effort nito.

Hindi nagtagal ay sunod na pumasok sa silid niya si Maring na may dala ng kaniyang pagkain.

"B-bakit nagdala ka pa niyan dito?" hindl niya napigilang itanong. Nakakahiya. Puwede naman siyang
pumunta mamaya sa kusina.

"Utos ni Sir," anito bago inilapag sa may bedside table ang tray ng pagkain na dala nito. Agad din itong
lumabas sa silid na iyon.

"Kumain ka na," ani Mhorric.

"Mayamaya," aniya na bumaba muna sa kama at walang tingin-tingin kay Mhorric na lumabas siya sa
silid at pumunta sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Mabilis din siyang nagsuklay ng kaniyang
buhok.

Matapos magbawas ng kaniyang panubigan ay hindi na rin siya nagtagal pa sa 100b ng banyo at muling
burnalik sa kaniyang silid na garnit.

At sa mull' nga niyang pagbalik sa kaniyang silid ay nakasunod na naman angtingin ni Mhorric sa kaniya.
Naiilang siya bigla. Lalo na at namamaga pa rin ang mga mata niya. Hindi tuloy niya masalubong ang mga
tingin nito.

"Urninom ka ng maramingtubig para mawala agad angsipon mo," payo pa ni Mhorric sa kaniya.

Naupo siya sa gilid ng kaniyang kama. Ang ending, nakapaharap siya rito. Pero iwas pa rin ang kaniyang
mga mata. Kinuha na lang niya ang tray ng pagkain at inilapag iyon sa gilid niya.
"K-kumain ka na ba?"

"Tapos n a."

Bahagya niyang nakagat ang ibabang-labi. "Puwede bang. .. puwede bang iwan mo muna ako?
Nakakailang kumain habang may nakatingin."

Pero sa halip na tumayo na si Mhorric at lumabas sa silid niya ay sumandal pa ito sa silyang kinauupuan
at pinagkrus pa ang braso sa may dibdib nito.

"Babantayan kita kung kakainin mo nga 'yang pagkain. Mahirap na, baka panisin mo lang dahil wala kang
gana."

"Kakainin ko ito," assurance niya rito.

"Then eat. Hindi ako lalabas kahit lumuhod ka pa.

Napakasigurista naman nito masyado. Mukhang hindi rin niya ito mapipilit na lumabas. Napabuntong-
hininga na lamang siya.

Ibinabalik ba nito ang kung ano mang inaasta niya noon dito? Sa isip ay napailing-iling siya.

Minabuti na lamang niya na ibaling sa pagkain ang kaniyang atensiyon. Hindi naman nagsasalita si
Mhorric, nakaupo lang ito roon habang nasa kaniya ang tingin. Bagay na lihim niyang ikinaiilang.

Matapos niyang kumain, daldalhin sana niya ang kaniyang pinagkainan sa kusina nang kunin iyon sa
kaniya ni Mhorric.

"Ako na," wika pa nito.

Napasunod tuloy angtingin niya rito nang turnayo ito nang tuwid habang hawak ng dalawa nitong kamay
ang tray.

"S-salamat," aniya rito.

"No worries," anito bago siya tuluyang iniwan sa silid niya.

Napabuntong-hininga na naman si Candy bago turnayo. Naglakad siya palapit sa may bintana at
turnanaw sa malayo. Huminga rin siya nangmalalim.

Nililipad pa rin ang kaniyang isipan sa kanila. Nasasayangan siya sa kaniyang kapatid. Kumibot ang labi
niya. Hayon na naman ang pag-iinit ng bawat sulok ng kaniyang mga mata.

Hindi niya namalayan ang muling pagbalik ni Mhorric. Kaya naman napakislot siya nang makita ito sa
peripheral vision niya na biglang sumulpot sa gilid niya. Napakurap-kurap siya.

"M-may kailangan ka pa ba?" taka niyang tanong dito. Ni hindi niya ito magawang tapunan ng tingin.
"Wala. Just wanted to make sure na okay ka lang."

Nag-iwas siya nang tingin. "Okay lang ako.

Papahinga lang ako ngayon. Salamat."

Katahimikan angsunod na namayani bago ito muling nagsalita. "Nabanggit ni Maring na nakausap mo
kagabi ang pamilya mo. Kumusta Inungkat pa talaga nito. Parang lalong hinihiwa ang puso niya sa
alalahanin sa nangyari kagabi.

"0-okay naman sila."

"Pero ikaw, hindi," ani Mhorric na ibinaling angtingin sa kaniya. "You cried last night kaya namamaga ang
mga mata mo."

Mukhang hindi nakaligtas sa matalas na pakiramdam ni Mhorric ang totoong dahilan ng pamamaga ng
kaniyang mga mata.

Iniiwas niya ang mukha at bahagyang ipinaling ang tingin sa kabilang gilid. Tipong hindi makikita ni
Mhorric ang naluluha na naman niyang mga mata.

"Candy," masuyo nitong bigkas sa kaniyang pangalan. Tumagilid ito ng tayo paharap sa kaniya. "Na-mi-
miss mo na ba ang mga magulang at kapatid mo? Kung gusto mo, puwede ka namang umuwi kahit isang
araw lang. Para personal mo silang makita."

Nakagat niya ang ibabang-labi nang pumatak na naman ang luha niyang pinipigilan.

"Magkaka-stiff neck ka niyan," ani Mhorric dahil sa pagkakapaling ng kaniyang mukha sa kabilang gilid
niya.

Nang hindi siya tumugon ay napilitan na si Mhorric na lumipat sa kabilang gilid niya.

Unti-unting nabura sa labi nito ang ngiti nang makita ang luhaan niyang mga mata.

llang sandali pa ay walang salita o ano pa man na kinabig siya nito at niyakap. Hinagod pa nito ang
kaniyang likuran.

"May nangyari ba? Come on, Candy, voice it out."

Tumango lang siya. Pero para bang may nakabara sa kaniyang lalamunan kaya hindi siya makapagsalita.
Lalo lang siyang naiiyak dahil ang yakap na kailangan niya simula pa kagabi ay kay Mhorric pa niya
makukuha.

Chapter 32
NANG mahimasmasan si Candy mula sa pagkakaiyak at maisip na nakayakap sa kaniya si Mhorric,
habang hinahagod-hagod ang kaniyang likuran ay para siyang nagising mula sa isang ilusyon. Para pa
siyang napapasong lumayo rito. Bakas pa rin ang luha sa mga mata niya.

"Ano'ng nangyari?" muli ay tanong ni

Mhorric. Ang pag-aalala sa guwapo nitong mukha ay hindi maikakaila. "Kung ano man 'yan, I'm here to
listen. Kailangan mo 'yang ilabas para hindi ma-stock sa dibdib mo. Mas ma-stress ka niyan at baka mas
matuluyan ka pa sa pagkakaroon ng sakit. Gusto mo ba 'yon?" Umilingsiya.

"Then talk to me. I know, hindi ka lang basta sinipon dahil nahamugan ka kagabi. Siguro ay iyak ka nang
iyak."

Nang hindi pa rin siya magsalita ay hinawakan siya ni Mhorric sa magkabila niyang balikat at iginiya
pabalik sa may kama niya. Doon ay pinaupo siya nito bago ito naupo sa silya na nasa gilid ng kama.

lyong presensiya ni Mhorric, malaking tulong dahil alam niya na hindi siya nag-iisa ngayon. Mayroon
siyang balikat na masasandalan. Kahit

na sandali lang.

Bago magkuwento ay binuksan muna ni Candy ang sulong sa may bedside table at kumuha ng tissue na
nasa box. Inilagay na rin niya iyon sa may tabi niya. Pagkuwan ay nagpahid siya ng luha at bahagyang
suminga sa ginamit na tissue.

Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. "Tanda mo ba 'yong... 'yong kapatid ko na naulit ko sa
iyo na graduating ngayong school year?" simula niya. Kumibot na naman ang labi niya. "'Yong pangarap
ko kasi sa kaniya, naging bato pa. H-hindi ko lang kasi matanggap na ganito 'yong kahahantungan. Kasi
nasa dulo na siya, eh. Kumbaga sobrang lapit na niya sa finish line. Pero hindi man lang siya nag-isip ng
consequence sa pinasok niya. And ending, hindi siya makaka-graduate ngayon."

"N-nabuntis siya," basag ang boses na wika niya. Hayon na naman ang luha na nagbagsakan sa pisngi
niya. Muli siyang kumuha ng tissue at ipinahid sa luhang ayaw paampat.

Hindi agad nakapag-react si Mhorric. Ware'y tinatantiya ang sasabihin kay Candy.

"Nakakasama lang ng 100b. Asang-asa pa ako na may magtatapos na sa college sa aming magkakapatid.
Kahit nga hindi na ako, eh. Kahit sila na lang. Basta nakasuporta lang ako sa kanila.

Alam mo 'yon, makita ko lang na nasa maganda na silang estado ng buhay, nakapagtapos, okay na ako.
Sobrang okay na ako roon. Hindi ako hihingi ng kapalit, kahit pa sabihin ng iba na may utangna loob sila
sa akin. Dahil para din naman sa kanila 'yong kagustuhan na makapagtapos sila ng pag-aaral. Ayaw kong.
.. ayaw kong matulad sila sa akin na ganito, walang matinong trabaho." Suminghot siya at nagyuko ng
ulo. "Basta makatapos lang sila, bahala na sila kung ano'ng gusto nilang gawin. Basta ang mahalaga, may
diploma na sila. Dahil sa panahon ngayon, kapag wala kangdiploma, mahihirapan kang makakuha ng
maayos at magandang trabaho rito sa Pilipinas."
Burnuntong-hininga si Mhorric. lyong gusto nito na muling aluin si Candy ngunit nag-aalangan at baka
mailang na rito si Candy.

"Nagkausap ba kayo ng kapatid mo?"

Tumango siya. "Nakausap ko rin siya kagabl. Pero sandali lang. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko sa
kaniya na pagsisihan rin sa huli dahil galit ako." Nakagat niya ang ibabang-labi.

"Hindi sa kinakampihan ko ang kapatid mo, Candy. Siguro, kailangan mo ngtime para matanggap 'yong
ganitong sitwasyon. Nariyan na 'yan. Buntis na 'yong kapatid mo at hindi mo na mababago ang
katotohanan na 'yon. You're still lucky to have your siblings and parents.

Acceptance 'yong kailangan mo sa case na Cyan. Siguro, magiging aral din ito para sa kapatid mo, na sabi
mo nga ay nagpadalus-dalos ng desisyon sa buhay. Siguro, hindi rin naman niya ito totally na ginusto, na
mabuntis agad. Pero ibinigay ni Lord sa kaniya. Naniniwala ako na may dahilan kaya ito nangyari sa
kaniya. Ngayon, hindi paninisi ang kailangan ng kapatid mo kundi suporta. Moral support. Pang-unawa.
Sensitive ang mga buntis at madaling ma-stress. Lalo na kung hindi tanggap ng lahat ang pagdadalang
tao niya. Lalo na ng kaniyang pamilya.

Sinulyapan niya ito. "Paano mo nalaman?

Nakabuntis ka na ba?"

Umawang ang labi nito dahil sa sinabi niya. Na nauwi rin sa bahagyang pagtawa. "No. I have my friends
na may mga anak na rin. Base lang sa mga kuwento na naririnig ko ang sinabi ko sa iyo. Hindi dahil may-
experience na ako sa ganiyang bagay. Don't worry, wala pa akong nabubuntis." Para bang may laman pa
ang huling sinabi ni Mhorric.

Muli siyang nagbaba ng tingin. Hayon at lihim pa siyang nakahinga nang maluwag dahil wala pa itong
nabubuntis.

Sa kabilang banda ay may punto si Mhorric. Sabi nga ni Margaux na quota na ito sa sermon ng kanilang
mga magulang.

"Paano kung ikaw 'yong nasa sitwasyon ko?"

aniya kay Mhorric. "Ano'ng gagawin mo sa kapatid mo na maagang nabuntis?"

Umayos ito ng pagkakasandal sa upuan. "Siguro sa una, natural lang ang magalit. Humayon angtingin
nito sa malayo. "At kung bibigyan ako ng chance na ma-experience 'yong ganiyan sa kapatid 1<0...
magalit man ako pero sandali lang. Bibigyan ko ng kaunting panahon 'yong sarili ko para kumalma at
hindl pangunahan ng galit. In the end, pamilya kami. Sino pa ba ang magdadamayan sa ganitong
sitwasyon? Pamilya lang." Bahagyang nakagat ni Mhorric ang ibabang-labi. Sinisikap na huwag
kumuwala ang luha na pinipigilan nito. Lumunok ito at bahagyang tumingala. "Bigyan mo ng second
chance 'yong kapatid mo, Candy. Sabi mo, everyone deserve a second chance. Siguro naman ay deserve
rin 'yon ng kapatid mo."
"Mas kamping-kampi ka pa sa kapatid ko ngayon."

Tiningnan siya nito. "Hindi naman sa ganoon. Kung ako ikaw, ganoon ang gagawin ko. Bibigyan ko siya ng
second chance. Masuwerte ka at kasama mo sila. Ako, kahit ano'ng gawin ko, hindi ko na maibabalik ang
mga magulangko at kapatid ko. Kaya ikaw, habang kasama mo sila, sa halip na magtanim ka pa ngsama
ng 100b, 'wag na. Hindi natin alam kung hanggang kailan lang ang buhay ng isang tao."

Malaman ang mga sinabi ni Mhorric. At ito na rin ang nagbanggit sa kaniya ng tungkol sa mga magulang
at kapatid nito. Gusto niyang mag-ungkat tungkol sa kapatid nito. Kung ano ang ikinamatay niyon, pero
hindi niya magawa.

Suminghot siyang muli at huminga nang malalim. "Salamat sa payo. Tama ka... time lang 'yong kailangan
ko para mawala lahat ng bigat sa dibdib ko at sama ng 100b ko sa kapatid ko.

Nasasayangan lang naman ako sa kaniya, eh." "Candy, hindi pa katapusan ng mundo. Puwede pang
ituloy ng kapatid mo ang pag-aaral n iya

'"Yong scholarship kasi niya, sayang. Malakingtulong 'yon dahil hindi na niya kailangan pang magbayad
ng tuition fee."

'"Yon lang ba?"

"Alam kong mayaman ka kaya nila-lang mo lang 'yong scholarship. 'Yon lang ang afford ng pamilya
namin."

"How about, bigyan ko ng scholarship ang kapatid mo? Sasagutin ko na 'yong last year niya sa college
kapag handa na ulit siyang pumasok at ituloy ang naudlot niyang pag-aaral?"

Umiling siya. "S-salamat na lang.

Sobra-sobra na 'yong tulong ni Donya Teresa.

Okay na ako roon. Baka hindi rin agad maisip ni Margaux na bumalik sa pag-aaral pagkaanak niya dahil
masyado pang bata ang anak niya

pagdating ng panahon na 'yon."

"Kapag nakapanganak siya, sabihin mo mag-ni-Ninong ako. Galante ako sa inaanak ko," ani Mhorric na
may sumilay pang ngiti sa sulok ng labi nito.

Bakit naman gugustuhin ng isang katulad nito na mag-Ninongsa anak ng kapatid niya? Dahil ba naaawa
ito sa kalagayan ng pamilya niya? Sa isip ay umiling-iling siya. Ayaw niyang makatanggap ng awa rito.
Hindi iyon ang kailangan niya. Ang presesiya nito ngayon ay sobrang laking bagay na para sa kaniya.

"Salamat na lang. Malaman mo pa kung saan kami nakatira," aniya na muling nagpahid ng mga luha.

"Ah, at mukhang ayaw mong ipaalam kung saan ka nakatira ngayon?"


Muli niyangtiningnan si Mhorric. Gusto ba nitong malaman kung saan siya nakatira? Pero sa isipin pa
langna hindi bagay ang isang katulad nito sa lugar nila, nawawalan na agad siya ng ganang mas
pangarapin pa ito.

Wala namang dahilan para malaman mo pa, aniya sa isip na sinikap na ngumiti kay

Mhorric. "Salamat sa oras at sa payo," sa halip ay wika na lamang niya. "Baka nakakaabala na ako sa iyo
masyado."

"Alam mo naman na wala naman akong ginagawa sa taas," tukoy nito sa silid nito. "Kahit nga maghapon
ako rito, walang kaso sa akin." Alam naman niya na joke lang nito iyon.

"Mahahawa ka lang sa sipon 1<0," sabl' pa rin niya.

"TSS. As if naman, totoong sinipon ka. Kung hindi ka nag-iiiyak diyan, hindi ka sisipunin. Anyways, wala
ka bang balak na tumawag ulit sa bahay ninyo?"

Urniling siya. "Wala na. Malapit na rin naman akong umuwi. Hihintayin ko na lang 'yong araw na 'yon."

Dahil kay Mhorric, ramdam niya ang paggaan ng kaniyang pakiramdam. Salamat talaga sa presensiya
nito nang mga sandaling iyon. Sobrang laking bagay.

Ang nangyari sa kapatid niya na si Margaux, siguro nga, ibinigay ng Diyos para dito. Kung ano mang
dahilan, Diyos lang ang nakakaalam.

"Take some rest, Candy," ani Mhorric na pinagmasdan pa siya bago ipinasya na turnayo na. "You have
this day to rest." "S-salamat.

"Magpahinga, ha? Hindi mag-isip ng ika-i-stress mo," bilin pa nito. "Opo, Sir Mhorric.

lyong tipong [alabas na ito sa silid niya ngunit hindi naman agad makakilos dahil para bang may nais pa
itong gawin na hindi nito magawa. Mukhang nagtatalo ang isip nito.

"Lalabas na muna ako," paalam pa nito.

Tumango siya. Pero hindi naman agad ito umalis. Nananatili ito sa harapan niya.

"Maybe this one, makakatulong para hindi ka ma-stress. Anyways, you're welcome," ani Mhorric na
niyuko siya at walang paalam na hinalikan ngsmack ang labi niya. Pagkuwan ay agad ding tumayo at
tuluyan ng lumabas sa kaniyangsilid na may ngiti pa sa labi.

Si Candy naman ay tulalang naiwan sa kaniyang silid. Napalunok siya nang makahuma. Pagkuwan ay
umangat ang isa niyang kamay at nahawakan ang kaniyang labi.

Hinalikan siya ni Mhorric!

Ano raw? Para hindi siya ma-stress?


Parang gusto niyang magreklamo dahil kabaligtaran ang sinabi nito. At dahil sa halik na iyon baka doon
pa siya mas ma-stress.

HABANG papalayo si Mhorric sa silid na ukupado ni Candy ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi niya.

Sino ba ang mag-aakala na sa ganoong sitwasyon din ay mababago ang mga pananaw niya sa buhay?

Napakagaan ng 100b niya kay Candy. No, hindi lang basta magaan. Mas malalim pa roon.

Buong akala niya, simula nang malaman niya na niloloko lang siya ng kaniyang dating nobya ay
mahihirapan na siyang maibalik ang ngiti sa labi niya. Pero simula nang dumating muli sa buhay niya si
Candy, hindi niya Il-Ibos akalain na magkakaroon ito ng malaking impact sa kaniyang buong pagkatao.

Ito naman ngayon ang nagligtas sa kaniya mula sa kadiliman na siyang ibinalot niya noon sa kaniyang
sarili simula nang tumuntong siya sa bahay nilang iyon sa Tagaytay. Pero si Candy, hindi nito hinayaan na
ikulong niya ang sarili sa kadiliman. Sa halip ay inalis siya nito roon at ibinalik ang ngiti sa mga labi niya.
Maging sa mga mata niya ay hindi maikakaila ang saya.

Mabilis niyang inalis sa labi ang ngiti nang dumaan siya sa kusina. Naroon kasi ang kusinera at isang
kawaksi.

"Pakihatiran na lang ho mamaya ng pagkain si Candy sa silid niya. Pakisabi na kainin niya at huwag
tanggihan," bilin pa niya sa mga ito.

"Sige, Sir, kami na po ang bahala kay Candy." "Pakihatiran din siya ng tubig," dagdag pa niya bago
tuluyang nilisan ang kusina.

Chapter 33

PAGKA-INOM ni Candy ng tubig ay siyang tunog naman ng intercom sa kusina. Abala sa paghuhugas ng
mga pinagkainan si Maring nang mga sandaling iyon kaya si Candy na ang naglakad palapit sa
kinaroroonan ng intercom at sin agot ang naturang tawag.

"Yes, Sir?" bungad niya. Wala namang ibang tatawag doon kundi si Mhorric lang.

"Yes PO."

Tila ba nakahinga pa ito ng maluwag nang makumpirma na siya nga ang kausap nito ngayon.
"Makikibalat ng mansanas, padala na rin dito."

"Okay PO. 'Yon lang ba, Sir?"

"Why too formal, Candy? You know that hate it."


Hindi agad siya nakapagsalita. Hindi naman niya masabi na dahil naroon si Maring.

Napalunok siya. Ang kaba na naman sa dibdib niya ay hindi niya maipaliwanag. lyon bang parang may
malaki siyang sekreto na takot siyang malaman ng iba.

"Dadalhin ko na lang po riyan, Sir Mhorric.

Makikihintay na lang PO," aniya bago hindi na hinintay pa ito na magsalita at ibinaba na ang telepono.

Napalunok na naman siya. Pasimple pa niyang sinulyapan si Maring na nasa paghuhugas lang ang
atensiyon. Bahagya pa siyang nakahinga nangmaluwag.

Ngayon pa lang ulit sila magkikita ni Mhorric matapos nang hull' nilang pagkikita kahapon sa kaniyang
ukupadong silid sa may maids quarter. Nakapag-almusal na rin ito pero si Tala pa ang nagdala niyon
kanina.

Nang maalala na naman ang eksena kahapon ay agad niyang naipilig ang ulo. Quota na siya sa kaiisip
dito simula pa kahapon. Mukha nga talagang effective ang gin awa nito dahil na-divert sa binata ang
isipin niya. Ganoon pa man ay hindi naman masakit ang ulo niya nang magising siya dahil sobra-sobra
siya sa pahinga at sa tulog.

Ginugulo siya ng isipin na kung bakit ganoon na lamang ang lakas ng 100b nito na halikan siya?

Gayong wala namang sila.

00, Candy, walang kayo kaya ingatan mo ang puso mo at sa pahalik-halik sa iyo ni Mhorric. Kahihiwalay
lang niya sa dati niyang nobya kaya kung ayaw mong masabihan ng ibang tao na panakip-butas ka lang
sa pagkawala ng dati niyang nobya ay gumising ka na sa kabaliwan na

'yan. 'Wag assuming, sawaysa kaniya ng kaniyang isipan.

Napabuntong-hininga siya. Tama. Hindi siya d apat magpadalus-dalos.

Kumuha siya ng mansanas sa fruit basket at hinugasan iyon sa may ababo bago binalatan sa may kitchen
island. Ginayat-gayat na rin niya iyon bago inilagay sa malinis na puting Plato.

Matapos sa pagbabalat ng mansanas ay dinala na rin niya iyon sa silid ni Mhorric. Sa unang pagkakataon
simula nang tumuntong siya sa bahay na iyon ay ngayon lang siya mas na-conscious sa kaniyang hitsura.
Dati naman ay hindi niya problema ang hitsura niya. Patunay na natagalan siya sa banyo kanina habang
nakaharap sa salamin, kaya si Tala na ang nakapaghatid ng pagkain kay Mhorric.

Kahit na alam naman niya na maganda siya at hindi na kailangan pang ipangalandakan ay hayon at
tinamaan pa rin siya ng pagkailang.

Kumatok muna siya ng tatlong beses sa nakapinid na pinto.


Candy, ayusin mo ang mga desisyon mo sa buhay, ha?! Baka rumupok ka na naman sa harap ngamo mo.
Remember, amo mo 'yan! Pakilugar ngsarili, ha?

Nang wala siyang marinig na kahit na ano mula sa 100b ng naturang silid ay pinihit na niya

ang door knob. Pumasok na rin siya sa 100b.

Sakto naman na papasok si Mhorric sa 100b ng silid nito, galing ito sa may terrace. Nang makita siya nito
ay awtomatiko pa ang ngiting sumilay sa labi nito.

Bakit halos isang araw lang niya itong hindi nakita, eh, parang lalo lang nadagdagan ang kaguwapuhan
nitong taglay sa mga paningin niya? Baliw na ba siyang talaga? Lihim tuloy siyang napalunok.

"Pakisunod na lang dito sa terrace," wika pa nito sa kaniya bago ito muling lumabas sa may pinto.

Siya naman ay huminga muna nang malalim bago sumunod sa may terrace. Naabutan niya roon si
Mhorric na nakaupo sa silya na nasa may lamesa na malapit sa may pasamano. Halos pigil pa niya ang
kaniyang paghinga nang lumapit siya roon. Ni hindi rin niya masalubong angtingin ni Mhorric.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong pa nito matapos niyang ilapag ang dalang Plato.

Napilitan tuloy si Candy na sulyapan ito. There, ang mga titig nito na para bang lampasan sa kaniyang
buong pagkatao.

"O-okay na kumpara kahapon."

"Hmmm. Mukhang nakatulong ang—" hindi nito itinuloy ang sasabihin. Sa halip ay ngumiti na lamang.

Aba't! At mukhang nanunudyo pa ito. Dangan nga lamang at hindi na itinuloy pa ang kung ano pa
mangsasabihin. Hindi niya alam kung bakit hindi na nito itinuloy ang anumang sasabihin na alam naman
niya na ang kapilyuhan nito ang tinutukoy.

"Malaking tulong ang pagpapahinga ko kahapon at mahabangtulog," sa halip ay wika niya. "Kainin mo na
'yang mansanas bago pa manilaw," aniya bago ito tinalikuran at hinayon na ang papasok sa silid nito.

"Nagmamadali ka yata masyado?" ani Mhorric na agad humarangsa daraanan ni Candy kaya naman
napahinto angdalaga sa paghakbang.

Lihim na naman siyang napalunok nang mapalapit ng husto kay Mhorric. Agad siyang umatras palayo
rito. Wagas na naman ang kabog sa kaniyang dibdib.

"Siguro naman ay kaya mo ng subuan ang sarili mo ng mansanas?" aniya nangtingalain ito. Mukhang
nagkamali siya ng ginawa dahil nagtama na naman ang mga paningin nila. Iba na talaga ang dating niyon
sa kaniya.

"Paano kung hindi?" sakay pa nito sa sinabi niya.

Bahagyang urnawang ang labi niya sa sinabi nito.


"Close your mouth, Candy. Kung ayaw mong

ako ang magsara niyan."

Mabilis pa sa alas kuwatro na naglapat ng mariin ang kaniyang mga labi. Hindi pa siya nakuntento at
itinapal ang kaniyang isang kamay sa kaniyang bibig para hindi nito iyon makita.

Bagay na ikinangiti na naman nito.

"Pakiusap lang na ilugar mo 'yong sarili mo," hindi na niya napigilan pa na sabihin dito. Naguguluhan siya
sa mga ikinikilos nito. Hindi lang isip niya kundi maging ang puso niya na ngayon lang naramdaman ang
mga ganoong pakiramdam. "Hanggat nagtatrabaho ako rito, amo pa rin kita, kaya hindi mo dapat
ginagawa 'yong mga bagay na lampas sa pagiging amo mo sa akin." Nagbaba siya ngtingin. Ibinaba na rin
niya ang kamay niya na ipinantakip sa kaniyang bibig. "Please lang."

Bumuntong-hininga si Mhorric. "Okay. I'm sorry for crossing the line. But I'm not sorry for kissing you

Ang sarap talagang lagyan ng packaging tape ng bibig nito. Masyadong walang preno.

"Puwede rin bang 'wag mo ng mabanggit-banggit 'yan? Sa halip na hindi ako ma-stress, mas nakaka-
stress 'yang gin agawa mo," aniya na marahas na nagpakawala ng buntong-hininga. Muli niya itong
tiningala. Para bang sasabog ang puso niya. At natatakot siya sa maaaring kahinatnan niyon. "Narito ako
para

gawin 'yongtrabaho ko na ibinigay ng Iola mo.

'Wag mo namang dagdagan ng kalandian. A-ayaw ko ring. .. ayaw ko ring maging tampulan ng tsismis
kapag nakatalikod ako sa mga kasama ko. Tagasilbi mo ako rito, kaya sana, hanggang doon lang tayo, Sir
Mhorric. Ayaw kong lumampas pa tayo sa ganoon o kung sa ano mangtrip mo sa buhay ngayon. Kung,"
napalunok siya. "Kung maaari lang, pakigalang ng desisyon 1<0," aniya bago ito nilampasan at itinuloy
ang pagpasok sa 100b ng silid nito. Nasabi na niya at wala ng bawian pa. Bahala na kung ano man ang
isipin nito. Ang importante sa kaniya ay nasabi na niya ang nasa dibdib niya.

Playing safe na kung playing safe. Pero hindi pa handa ang puso niya sa maaaring kahantungan niyon.
Paano kung lumala ang nararamdaman niya rito tapos sa huli ay maiiwan siyang mag-isa?

Nakagat niya ang ibabang-labi.

Ayaw na niyang umiyak. Sobra-sobra na iyong luhang iniluha niya para sa kapatid niya. Pero hayon at tila
may natira pa rin na kumuwala mula sa mga mata niya. Agad niya iyong pinalis ng kaniyang mga kamay.

DAHlLsa nangyari ay ramdam ni Candy ang pagiging pormal ni Mhorric sa tuwing

magkakaharap sila. llang araw na ganoon ito sa kaniya.

'Yan naman anggusto mo, 'di ba?sita pa sa kaniya nang kaniyang isipan.
Lihim siyang nasasaktan dahil ni wala man lang siyang nakuhang paliwanag o ano mula kay Mhorric kung
bakit nga ba siya nito hinalikan? Siguro nga, baka trip lang nito at walang mas malalim pang dahilan. Siya
lang itong nag-o-overthink.

At sa lumipas ngang mga araw ay tila ba nagdahilan na lamang ang mamaso nito sa mukha. Wala na ang
mga langib sa mukha nito. Wala na rin itong mamaso. Tanging spot na lamang ng pinagsugatan ng
mamaso nito ang natitira sa mukha nito. Dahil mayaman naman ito, kayang-kaya na nito iyong magawan
ng paraan para mawala.

"Ayusin mo na 'yong mga gamit mo," ani Mhorric nang hatiran niya ito ng tanghalian.

"Tapos na angtrabaho mo sa Iola ko ngayong araw na 'to. Bukas, babalik na tayo sa Manila.

Sandali siyang natigilan. Hanggang mamaya na lang niya ito pagsisilbihan? Bigla ay naisip niya kung
gaano na siyang katagal doon. Tatlong linggo na mahigit. Ganoon na kabilis lumipas ang mga araw. Halos
hindi niya namalayan.

Sino ba siya para turnanggi? Turnango na lang siya. "Okay ho," aniya na nagbaba ngtingin.

Nang ituon ni Mhorric ang atensiyon nito sa pagkain ay wala ng salita pa na iniwan na ito ni Candy.
Pagkalabas niya sa silid ni Mhorric ay daig pa niya ang isang robot na naglalakad sa pasilyo.

Kung gaanon, magkakahiwalay na pala sila ng landas ng binata. Siguradong for good na iyon.

Malungkot siyang napangiti. Ganoon pa man, kahit masakit ang ending ng pagsinta niya... naranasan
niya ang pakiramdam na iyon.

Hindi niya alam kung pagkatapos niyon ay magkukrus pang muli ang landas nila. Diyos lang ang
nakakaalam. Ayaw niyang umasa na hahanapin siya nito. Baka masaktan lang siya sa paghihintay sa
wala.

Nang makababa ay dumiretso siya sa garnit niyang silid at inayos na rin niya ang dala-dala niyang bag
kung saan nakalagay ang mga dala niyang garnit nang pumunta siya roon.

Kinagabihan, alas sais y media na nang gabl nagpahatid ng pagkain si Mhorric sa silid nito. lyon na ang
hulingtrabaho niya rito. Wala ito sa 100b ng silid nito nang pumasok siya roon. Kaya maingat niyang
inilapag sa lamesa ang dala niyang pagkain.

Pagkuwan ay hinayon ang terrace para tingnan ito roon.

Naabutan niya ang binata na nakatanaw sa malayo. Sa malayong bahaging iyon ng Tagaytay ay
mayroong mga mumunting liwanag na animo mga alitaptap sa liit na kumukuti-kutitap pa. Nagmumula
iyon sa mga kabahayan sa isang bayan.

Huminto siya sa pinakapintuan ng terrace at tahimik na pinagmasdan si Mhorric. Naalala niya noong una
niyang makita ang binata sa may terrace. Akala niya ay magpapakamatay ito. Hindi niya maiwasan ang
mapangiti sa alalahaning iyon.
Napalis lang iyon nang muling maalala na magkakahiwalay na rin sila ng landas bukas. Parang unti-unting
pinipiga ang puso niya dahil medyo nahirapan siyang huminga. Lalo na at pakiramdam niya ay nanlamig
na ang pakikitungo nito sa kaniya nang ganoon lang din kadali.

Masaya rin naman siya na makakasama na niya ang pamilya niya. Pero heto at ngayon pa lang ay
nalulungkot na siya sa nalalapit niyang pag-alis. Makikita pa kaya niya ito? Mami-miss din kaya siya nito?
Maraming tanong na wala namang kasagutan.

Napabuntong-hininga siya bago ipinasyang lapitan na si Mhorric.

"Sir, nakahanda na po ang pagkain ninyo," pukaw niya rito.

"Okay," tangi lang nitong sagot. Ni hindi siya

nito nilingon man lang.

Kaysa marinig pa rito na lumabas na siya roon ay nagkusa na siya. Nang wala ng marinig pang iba rito ay
tinalikuran na niya ito. Mabigat ang naging mga paghakbang niya.

"Sa bahay ka na matulog bukas," bigla ay wika ni Mhorric na nakapagpahinto sa paglalakad ni Candy.
Tinutukoy nito ang bahay ng lolo't Iola nito sa Alabang. Doon daw muna sila didiretso bukas.

Napahinto si Candy sa akma pang paghakbang sa kaniyang narinig. Napalunok siya. "Bakit?" aniya nang
lingunin si Mhorric na nakaharap na ngayon sa kaniya. Ayaw pa ba nito na magkahiwalay sila ng landas?

"Gusto kang makausap ni Lola Teresa." Gusto niya itong irapan sa sinabi nito.

Candy, sinabi ng 'wag assuming! "0-okay," aniya bago ito tuluyang tinalikuran.

Siguro simula ngayon ay kailangan na rin niyang itatak sa isip niya na huwag ng umasa pa at siya naman
itong nagsabi-sabi kay Mhorric na lumugar ito.

Chapter 34

"MABUTI naman, hijo, at nakabalik ka na.

Welcome home. We missed you so much," ani Donya Teresa sa apo na hindi napigilan na mahigpit na
yakapin ang apong si Mhorric nang makabalik na ito sa bahay ng mga ito sa Ayala Alabang Village
kasama si Candy.

Sandali lang angyakap na iyon dahil na rin sa ayaw pa ni Mhorric ng close contact sa lolo't Iola nito.
Hanggat maaari ay nakadistansiya pa rin ito. Tinapik naman ito sa balikat ni Don Delfin.

Hindi mapigilan ni Candy na mapangiti sa tagpong iyon. Kitang-kita kung gaano na miss si Mhorric ng
1010 at Iola nito.
"Salamat, hija, sa pag-aalaga sa apo

1<0," baling sa kaniya ng Iola ni Mhorric. Lumapit ito sa kaniya at niyakap din siya.

Matapos ang madamdaming tagpo na iyon ay iginiya na rin sila ng mga ito sa komedor upang
mananghalian.

Pagkatapos mananghalian ay nag-usap sila ng pribado ng Donya sa isang silid na napapalibutan ng


maraming aklat. May kinuha pa itong bag at ipinatong sa ibabaw ng mahogany table. Iniusog nito iyon
palapit sa kaniya. May pagtataka tuloy na tiningnan niya si Donya

Teresa.

Wari naman ay nakuha nito ang iniisip niya. Ngumiti ito. "Ito, hija, ang buong kabayaran sa pagtulong mo
sa apo ko na gurnaling ng tuluyan. Sa pag-aalaga mo sa kaniya. Sa pagtitiis sa ugali niya. Alam kong
nahirapan ka rin noong una pero hindi mo siya basta sinukuan katulad ng iba." Ngumiti ito. "Nabanggit
mo rin sa akin noon na tinutustusan mo ang pag-aaral ng mga kapatid mo kaya dinagdagan ko ng bonus
ang napag-usapan nating halaga noon. Hindi ko tatanggapin ang pagtanggi mo, deserve mo ito dahil sa
kabaitan mo at para makatulong sa pamilya mo at mga kapatid mo. Masaya ako na makatulong din sa
iyo at kahit paano ay mabago ang nakasanayang buhay. Medyo mabigat nga lang dahil cash ang laman
ng bag. Hindi na kita bibigyan ng cheque at baka mahirapan ka pa sa pagpapapalit. Pakaingatan mo ito.

Hmmm?" Tinapik nito ang balikat niya.

"Maraming salamat, Candy."

Bag na naglalaman ng milyones. Nakagat niya ang ibabang labi. Sa unang pagkakataon ng buhay niya ay
magiging milyonarya na siya.

May parte ng pagkatao niya na ayaw tanggapin ang pera na iyon. Pero may parte na gusto. Hindi para sa
kaniya kundi para sa pamilya niya. In the end ay pinili niya ang huli para sa pamilya niya. Napakalaking
tulong niyon. "Marami rin pong salamat, Donya Teresa. Kung hindi lang kailangan ng pamilya ko ang
pera ay kahit hindi ko na po ito tanggapin. Pero sa panahon ngayon ay kailangan ko na ring maging
praktikal para sa kinabukasan ng pamilya ko dahil minsan lang itong darating sa amin. Maraming salamat
din po at dumating kayo sa buhay ko. Hindi ko po kayo makakalimutan," emosyonal niyang wika. Alam
ng Diyos kung gaano siyang nagpapasalamat dito. Hulog ito ng langit.

Muli siya nitong niyakap. "Hija, ako ang mas higit na nagpapasalamat sa iyo dahil malaking tulong ka sa
apo ko."

Hindi siya mapapagod na magpasalamat sa

Donya. Binago nito ng literal ang buhay niya at ng buo niyang pamilya. Tinitiyak niya na mapupunta sa
mabuti ang pera na ibinigay nito sa kaniya.

"Kumusta naman kayo ni Mhorric?" tanong nito matapos siyang yakapin.


Pinilit niyang ngumiti. "Okay naman PO," aniya kahit na ang totoo ay hindi. Maghihiwalay na lamangsila
ng landas, hindi pa rin ito nakikipag-usap sa kaniya nang maayos. Para bang dinudurog ang puso niya sa
isiping iyon.

Mataman siya nitong pinagmasdan.

Hanggang sa unti-unting surnilay ang kakaibang ngiti sa labi nito. "Sabagay. Napasunod mo nga siya sa
iyo during those days na ayaw niyang humarap sa kahit na sinong mga tao. Iba ka sa lahat, hija."

Idinaan niya sa tawa ang nararamdamang kaba. Bakit pati ito ay masyado yatang maintriga? Para kasing
may laman ang sinasabi nito.

"Ginawa ko lang po 'yong best ko para gurnaling siya agad at para makasama niyo na po siya ."

Buti na lang at hindi na ito nanudyo pa. Nakahinga siya nang maluwag.

KINAHAPUNAN ay nakatambay si Candy sa may gazebo nang lapitan siya ni Mhorric. Hindi siya handa sa
naging paglapit nito sa kaniya kaya naman lihim pa siyang nagulat. Naupo ito sa silya na nasa may tapat
niya.

Kung noong mga nakalipas na araw ay ni hindi siya nito tingnan kapag magkaharap sila. Ngayon naman
ay hindi nito alisin angtingin sa mukha niya. Weird ito sa parteng iyon. At nakakaramdam siya ng
pagkailang.

"Naka-schedule na ako bukas sa dermatologist," basag nito sa katahimikan. Kahit na hindi naman siya
nagtatanongo ano pa man.

Nginitian niya ito. Sino ba siya para sungitan ito kung ito naman ang unang lumapit sa kaniya ngayon?
"Ayos 'yan. Sigurado ako na kahit ex mo,

kapag nakita ka ulit ay baka nagkukumahog burnalik sa iyo."

Kumunot ang noo nito. "Bakit mukhang ikaw ang hindi maka-move on sa ex ko?"

Halata ba? Sa isip ay tinuktukan na niya ang ulo niya.

Idinaan lang niya sa ngiti ang sinabi nito. "Na-vi-vision ko lang naman. At isa pa," aniya na pinakaswal
lang ang boses. "Hindi ka pa nga one hundred one percent na magaling, eh, nakikipagbalikan na siya sa
iyo. Paano pa kung, mas bumalik ka na sa dati?"

"Stop talking about her, Candy. I'm not interested anymore," para bang nababanas nitong wika sa
kaniya. "Hindi siya 'yong gusto kong pag-usapan kaya kita nilapitan dito."

Lihim siyang napalunok. At ano ang gusto nito na pag-usapan nila? Sa isipin na may iba pa silang pag-
uusapan ay kumakabog na naman ng wagas ang kaniyang puso.
"Kung magpapasalamat ka dahil naging parte ako ng paggaling mo, you're welcome," pangunguna na
niya sa sasabihin pa nito.

lyong mukha ni Mhorric, para bang matatawa sa sinabi niya. Napailing-iling ito. Sa halip na magsalita ay
inilahad nito ang kaliwang kamay sa harapan niya. Sinulyapan muna niya iyon bago ibinalik angtingin sa
mukha ni Mhorric.

"P-para saan 'yan?"

"Hold it."

Nagtatalo ang isip niya kung hahawakan ba niya iyon o hindi. Sa huli ay lihim na naman siyang napalunok
bago iyon hinawakan. Napigil pa niya ang paghinga nang bumuka pa ang kamay nito at pinagsalikop
pang lalo ang mga palad nila. lyong ginagawa ng mga may relasyon kapag magka-holding hands.

Kinilabutan siya bigla sa ginawa nito. Kilabot na gumapang hanggang sa may ulo niya.

"Stay here tonight," pakiusap na naman nito.

Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya mula rito pero lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa
kamay niya. Pleasing her to say yes, maybe?

Makikiusap lang eh, kailangan pa talaga ay hawakan mo pa ang kamay 1<0? Normal ba 'yan sa iyo o
talagang nilalandi mo na naman ako ngayon?aniya sa isip.

Tumikhim siya. Trying to get back her composure. "Wala na naman akong gagawin pa rito at saka
magaling ka na rin naman."

"Sir Mhorric," saway niya rito.

"Hey, I'm not your boss or what so ever anymore. Say my name if you wanted to address me."

Siguradong nangangamatis na ang mga

pisngi niya nang mga sandaling iyon. Napabuga siya nang hangin sa bibig. Parang hindi niya kayang
bigkasin basta ang pangalan nito.

Napatingin na lang tuloy siya sa mga mata nito.

Pero ang loko at nakipaglabanan pa ng titigan sa kaniya. In the end ay siya na naman ang hindi
nakatagal. Nag-iwas siya ngtingin. Bakit ba nito iyon ginagawa sa kaniya? Alam ba nito na malapit na
siyang matunaw dahil sa titig nitong iyon?

Umabot lalo sa mga mata nito ang naging ngiti nito. "You're blushing again, Candy."

"Tantanan mo na ako." Hindi na niya napigilan angsarili na paluin ito sa kamay nito na ikinatawa lang
nito bago bawiin ang kamay niya na binitiwan din naman nito. Ramdam na nga niya ang pag-iinit ng
pisngi niya.
Pasalamat ito at masyado itong guwapo. Dahil kung hindi ay baka nasapak na niya ang mukha nito.

"May aayusin pa nga pala ako," aniya na tumayo na para iwan na ito sa gazebo. Mabilis din namang
turnayo si Mhorric at humabol sa kaniya. "Candy, sandali.

Napilitan siyang harapin ang binata ng pigilan siya nito sa kanyang braso. "May kailangan pa akong
ayusin sa gamit 1<0. Hindi pa naman ako aalis." Pero ang totoo ay gusto lang niyang umiwas sa
nararamdaman nang mga

sandaling iyon.

May pagdududa pa rin ang tingin nito sa kaniya. "'Yong totoo?"

"Dito ako maghahapunan at matutulog katulad ng gusto mo. Hay... Alam mo? Daig mo pa ang lalayasan
ng asawa kung makahabol ka.

Napalingon sila sa may bungad ng lanai nang makarinig ng halakhak. Naroon ang mag-asawang Soliven.
Mukhang aliw na aliw na pinanonood sila. Bigla siyang nakaramdam ng hiya kaya napalayo siya kay
Mhorric. Kulang na lang ay magpalamon siya sa lupa dahil sa kahihiyang nararamdaman. Baka kung ano
pa ang isipin ng mga ito sa kaniya. Nakakahiya. "Don't mind them," wika pa ni Mhorric sa tabi niya.

Nakagat niya ang ibabang-labi.

SANDALING napatitig si Candy sa isang spring notebook at ballpen na iniabot ni Mhorric sa kaniya.
Pagkuwan ay may pagtataka na tiningnan niya ito. Nakatayo pa rin ito kaya tinitingala niya ito. Katatapos
lang din nilang mag-dinner. Matapos kaninang urninom ng tea angdalawang matanda ay nagpaalam na
rin ang mga ito na matutulog na.

Naiwan sila ni Mhorric sa may living room.

9/1 5

Akala nga niya ay matutulog na rin ito nang urnakyat ito sa may hagdanan. Pero heto at bumalik uli at
may dala pa.

"Ano'ng gagawin ko rito?"

Naupo ito sa tabi niya. Halos wala ng espasyong itinira dahil magkadikit ang mga braso nila. "Isulat mo
ang address at contact number mo sa notebook."

Paano naman niya isusulat ang contact number niya, eh, wala nga siyang cellphone na gin agamit
ngayon?

"Okay lang ba kung sa kuwarto ko na lang isulat? Ibibigay ko na lang sa iyo bukas," aniya nang may ibang
maisip na gawin.
Bukas ay maaga siyang aalis. Napag-usapan na nila iyon ni Donya Teresa. Tulog pa si Mhorric kapag
umalis siya. At ayaw niyang ipaalam dito kung ano'ng oras siya aalis. Baka kapag nakita niya ito na
parang ayos lang dito na aalis na siya ay baka maiyak lang siya. Tama na iyong wala na lang siyang makita
na reaksiyon nito.

Tumikhim si Mhorric. "Saan ka madalas nagtatrabaho?ll

Ipinatong niya sa hita niya ang notebook. "Paiba-iba. Depende sa available na raket. Minsan vendor ng
yosi at kendi sa may Quiapo church." "I'm sure, ikaw ang pinakamagandang vendor sa Quiapo."

Nang balingan niya si Mhorric, bagaman at may ngiting mababakas sa mukha nito, seryoso pa rin ang
pagkakasabi nito niyon. Maganda raw siya at dito pa mismo nanggaling. Nagalak ang puso niya pero
nunca na magpapahalata siya rito. Para bang humaba ang buhok niya hanggang sa kanila.

"Pinakamagandang vendor?" Umiling siya habang natatawa. "Hindi rin. May mga kilala rin ako na
magagandang vendor sa Quiapo. Kaya kung nangbobola ka, tigilan mo na." "Para sa akin ay ikaw lang
ang pinakamaganda."

Gusto niyang idaan sa tawa ang sinabi nito pero hindi niya magawa. He's hela serious. Para na namang
nagbubuhol-buhol ang kaniyang paghinga. Saan na naman ba pupunta ang usapan na iyon?

Tumikhim siya at sinikap na huwag gawing big deal angsinabi nito. 'Di hamak ngang mas maganda ang
dati nitong nobya sa kaniya kung sa tindigan at ayos lang ang pag-uusapan. Kumpara sa kaniya na
napakasimple lang. Ni hindi malapatan ng makeup ang mukha. Pero paano kung totoong nabighani ito
sa ganda niya?

Posible kaya iyon?

Pero heto at habang pinagmamasdan niya ito ay parang gusto na rin niyang maniwala na totoong
nagagandahan ito sa kaniya. Isang simpleng mamamayan lang naman siya sa Quiapo. Alam din nito na
high shool lang ang tinapos niya, hindi ideal para sa isang katulad nito na alam niyangtinitingala at
hinahangaan ng marami. Pero ni minsan hindi nito ipinaramdam sa kaniya na iba siya at malayo rito. Ni
hindi nito minata ang estado niya sa buhay.

Dahil abala ang isip niya kaya halos hindi na niya namalayan pa ang unti-uning pagbaba ng mukha ni
Mhorric palapit sa kaniya. Hanggang sa tuluyang maglapat ang mga labi nila sa pangatlong pagkakataon.
Napakurap-kurap siya sa ginawa nito.

Puwede niya itong itulak ngunit para bang walang lakas ang kaniyang mga kamay para gawin iyon. Daig
din niya ang ipinako sa kaniyang kinauupuan dahil hindi siya makagalaw. At nang magsimulang gumalaw
ang labi nito sa kaniya, ang tangi lang niyang nagawa ay ipikit ang mga mata at ninamnam ang mainit
nitong halik. It was full of passion and romance. Not just an ordinary kiss. It was full of meaning na
maging ang puso niya ang umaasang mayroong mas malalim na ibigsabihin.
Bago pa siya mawala sa katinuan ay siya na rin ang pumutol sa halik na iyon. Nasa bahay sila kung saan
naroon ang 1010 at Iola nito. Kahit paano ay may natitira pa naman siyang kahihiyan

para sa mga ito.

"M-matutulog na ako," aniya rito na mahigpit na hinawakan ang ibinigay nitong notebook at ballpen
bago turnayo at iniwan ito sa sala. Pati paghinga niya ay pigil-pigil niya.

Nahabol na lang siya ni Mhorric ngtingin. Napabuntong-hininga ito at napasandal sa sandalan ng


kinauupuang sofa.

Nang makarating si Candy sa ukupado niyang silid ay napasandal pa siya sa pintong isinara at ini-lock.
Nahawakan niya ang dibdib na napakalakas ng kabog.

Ang mainit at malambot na labi ni Mhorric ay ramdam na ramdam pa rin niya sa kaniyang labi. Mariin
siyang napapikit. Ang halik nito na maisip lang niya ay naghahatid ng kilabot sa kaniyang buong
pagkatao.

BABANGON sana si Mhorric nang mahagip ng kaniyang tingin ang notebook na ibinigay niya kay Candy
kagabi. Umupo siya at kinuha iyon sa bedside table.

May nakasulat doon pero hindi katulad ng inaasahan niya. Imbes na address at contact number nito ang
nakasulat doon ay isang note ang naroon sa isang buong pahina ng notebook. Tahimik lang na binasa
niya iyon sa kaniyang isipan.

Hi...

Pasensiya na kung hind/ ko maibibigay ang hinihingi mo, Wala na rin namangsaysaypara malaman mo pa
ang address ko. Wala rin ako ng number na hinihingi mo. Wala rin naman kasi akonggamit na cellphone
ngayon, Weird ba?

At higit sa lahat, gusto kong magpasalamat sa iyo sa pagliligtas mo sa akin noon sa may bar sa Tomas
Morato, Alam kong tanda mo pa 'yon. Noong unang beses kitang makita sa Tagaytay hind/' ko agad
nalaman na ikaw 'yon dahil na rin sa pamamaga ng mukha mo dahil sa mamaso mo. Ang liit ng mundo
'no? Pasensiya na rin kung hind/' ko ito nasabi sa iyo ng personal. Next time kapag nagkita uli tayo,
personal na kitang pasasalamatan.

Ingat ka na lang palagi. / wish your happiness.

PS: Ngiti ka lang palagi. Mas bagaysa jyo.

*wink*

Candy
Nang matapos basahin ang naturang sulat ay mabilis siyang lumabas ng silid. Walang pakialam sa
kaniyang ayos kahit na nakasuot lang siya ng boxer short. Pinuntahan niya ang ginamit na silid ni Candy
ngunit walang bakas nito roon. Sunod niyang hinayon ang baba ng mansiyon.

"'La, nasaan na si Candy?" tanong agad niya

sa abuela nang makita itong papunta sa komedor.

"Maagang nagpahatid sa sakayan ng bus. Hindi ka na ginising pa at ayaw ka na raw niyang abalahin pa sa
pagtulog mo."

Nanlumo siya sa narinig. Balak sana niyang siya na ang maghahatid dito pag-uwi nito sa tinitirhan nito.
At kung siya lang din ang masusunod ay ayaw niyang mawala ito sa kaniyang paningin. Bigla ang
panghihina ng pakiramdam niya.

Nilapitan siya ng matanda at tinapik-tapik sa kaniyang balikat. "Importante ba siya sa iyo,

Walang pag-aalinlangan na tumango siya. Higit pa sa importante. Iba ito sa lahat ng babae na nakilala
niya. Kahit kay Ann Dae, ibang-iba. She's real inside and out. Hindi mapagkunwari. Totoong tao. At higit
sa lahat, hindi mahirap mahalin. Kahit na sa 100b lang ng maiksing panahon niya itong nakasama ay
mabilis nitong binago ang pagkatao niya at paniniwala sa salitang pagm amahal.

'"La, alam niyo po ba kung saan siya nakatira?"

Umiling ito. "Hindi, hijo."

"Ang contact number niya?" Umiling ito. "Paano niyo siya nakuha na tagapag-alaga sa akin kung wala
kayo ng personal information niya?"

Ikinuwento nito ang nangyari noon sa simbahan ng Quiapo nang magsimba ito at makita si Candy. At
bago nga maghiwalay ang mga ito noon sa Quiapo ay na-settled na nang mga ito ang lahat. Sinundo lang
din daw si Candy sa may simbahan ng Quiapo nang dalhin ito sa Tagaytay para alagaan siya.

"Kahit full name na lamang niya, 'La."

"Hijo, first name lang niya ang alam ko. Hindi ko alam ang last name niya.

Para siyang nanlumo lalo. Hindi rin niya mapigilan na hindi magtampo kay Candy. Ayaw na ba talaga siya
nitong makita? Ni hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataon para maibahagi ang side niya.

Chapter 35

NAGLILINIS ng kuwarto si Candy nang lapitan siya ng kaniyang kapatid na si Margaux.

Magkasalikop ang dalawa nitong mga kamay. Bakas din ang pag-aalangan na lapitan siya. Pero nasa
mukha rin nito ang determinasyon na makausap siya.
Kauuwi lang kaninang urnaga ni Candy sa kanila. Dahil walang magawa nang hapon na iyon kaya naman
inabala niya ang sarili sa paglilinis ng kanilang inuupahan na bahay. Gusto rin niya na may gawin dahil
ang isip niya ay tila ba naiwan sa kinaroroonan ni Mhorric. At napakabigat niyon sa kaniyangdibdib dahil
ni hindi niya nagawang mamaalam clito ng personal.

Ayaw niyang umasa sa mala-fairy tale na love story sa pagitan niya at ni Mhorric. Napaka too good to be
true ng binata para sa kaniya. He has everything to offer. Habang siya... wala. Ni wala pa nga siyang
napapatunayan sa kaniyang sarili.

"A-ate," agaw ni Margaux sa kaniyang pansin.

Napatigil sa pagwawalis ng sahig si Candy nang mapansin ang kaniyang kapatid. Sa maghapon niya na
nasa bahay nila ay ngayon lang ito lumapit sa kaniya. Iwas ito kanina pa sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya nang matitigan si Margaux na unti-unting nagbaba ng tingin. Napalunok pa ito.

"P-patawad," anito na nakagat ang ibabang-labi at kahit ano'ng pigil nito sa luha ay nag-uunahan pa rin
iyon sa pagtulo. Agad naman nito iyong pinalis ng likod ng kamay nito.

Isinandal muna niya ang walis tambo sa isang gilid at nilapitan ang kaniyang kapatid na kahit ano'ng
gawin niya ay hindi pa rin niya kayang tiisin ng husto. Naglakad siya palapit dito. At nang malapitan niya
ito ay mahigpit niya itong niyakap. Walang salita na namutawi sa bibig niya, basta yakap lang niya ito.
Doon na tuluyang napahikbi si Margaux. Wala man siyang sinasabi ngunit sapat na ang pagyakap niyang
iyon clito para iparating na hindi na masama ang 100b niya rito. Na 'wag itong matakot sa kaniya.

"Sorry, ate," ani Margaux sa pagitan ng paghikbi. "Alam kong mali pero ginawa ko pa rin. Kaya heto
ang. .. ang consequence ng pagigi kong pasaway. Sorry kung nabigo kita. .. kayo nina nanay at tatay.
Please," anito na kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya at pinakatitigan siya sa kaniyang mga mata.
Nagsusumamo ang tingin nitong iyon sa kaniya "Bigyan mo pa ako ng isa pang chance para patunayan
'yong sarili ko sa iyo at kina nanay. Promise, magtatapos ako ng

pag-aaral, pagkaanak ko. Ate, promise."

Lumunok siya. Pero tila ba may nakabara sa kaniyang lalamunan. Hinawakan niya ang kamay ni Margaux
na nanlalamig nang mga sandaling iyon. Sino ba siya para hindi patawarin ang kaniyang kapatid? Mukha
namang seryoso ito sa sinabi nito.

"Margaux, hindi mo kailangang patunayan sa amin ang sarili mo. Sa sarili mo patunayan na kaya mo at
magpapatuloy ka. Nadapa ka man ngayon, bumangon ka pa rin at magpatuloy. 00, sobrang nagtatampo
ako sa iyo dahil sa nangyari. Pero ano ba ang silbi niyon kung pananatilihin ko lang dito sa puso ko?
Lumilipas ang mga araw. Marami pang puwedeng mangyari na magaganda sa hinaharap. At isa pa,
nariyan na 'yan. May buhay ka ngdinadala sa sinapupunan mo. Iwasan mong ma-stress para healthy ang
baby mo. Ingatan mo ang sarili mo kaysa mag-iiyak ka.

Hmmm?"
Lalo lang naiyak si Margaux sa sinabi niya.

Hindi nito iyon inaasahan mula sa kaniya.

Salamat kay Mhorric sa pagpapaunawa sa kaniya ng mga bagay-bagay.

"Salamat, ate. Akala ko, magagalit ka na sa akin ng tuluyan at hindi na ako papansinin." "Tahan na,"
masuyo niyang sabi rito.

"Makakasama sa baby mo ang sobrang pag-iiyak.

Sino angtatay niyan? Pinakilala mo na ba kina

nanay at tatay?"

Nagbaba ito ng mukha. Umiling ito. "N-nang malaman niya na buntis ako, hindi ko na siya ma-contact.
Wala na rin siya sa inuupahan niyang bahay." Malungkot itong ngumiti habang panay ang patak ng luha
sa mga mata. "Sorry, ate. Pati tatay ng anak ko, wala akong maiharap sa inyo. Nakakahiya talaga ako,"
basag ang boses na wika nito. "S-sorry."

Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi maiwasan ang pagkulo ng dugo niya para sa ama ng anak ng kaniyang
kapatid na hindi man lang ito nagawang panindigan. Ano pa kaya ang hirap at sakit na dulot niyon para
sa kaniyang kapatid na mag-isa lang ngayong pinapasan ang kundisyon

Lalong lumambot ang puso niya para sa kaniyang kapatid. Muli niya itong niyakap.

'"Wag kang mag-alala, Margaux. 'Wag mong isipin na mag-isa ka lang ngayon. Okay? Narito ang ate.
Hindi ko kayo pababayaan ng pamangkin 1<0. Hiling ko lang sa iyo na urniwas ka sa stress at anak mo
lang ang isipin mo. 'Wag ang walang kuwentang ama ng anak mo. Tahan na, makakasama sa baby mo."

Lalo lang napaiyak si Margaux. "H-hindi ko ini-expect ito, ate. 'Yong maging okay lang ulit tayo, 'yon lang
'yong hinihiling ko talaga sa Diyos.

Para sa akin, mas importante 'yon kaysa sa ama ng anak ko. Hindi kaya kung pati ikaw ay galit sa akin.
Salamat sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon para sa akin. Promise, pagbubutihin sa susunod

Tumango siya. Pati siya ay hindi na napigilan ang mapaluha. Mahal niya ang kapatid niya. Mahal na
mahal.

Ang Tatay Henry naman nila na nakasilip sa nakasiwang na pinto ay nagkusot din ng luhaang mga mata.
Lihim itong nakikinig sa naging usapan nila ng kaniyang kapatid. Masaya ito na makitang nagkasundo na
sila. Tahimik itong lumayo sa silid na iyon at dumiretso sa kusina.

Matapos nilang mag-usap na magkapatid ay sinabihan niya ito na ikalma na ang sarili at 'wag ng umiyak.
Dahil ayaw na niya na makikita pa itong umiiyak.
Plano niya na lumipat sila ng matitirhan. Paghahanapin nga niya ang kaniyang ama ng lupa't bahay na
payable sa cash. Kahit nasa labas ng Metro Manila ay walang kaso sa kaniya. Basta masasabi niya na
sarili nila. Sayang din kasi kung sa upa lang mapupunta ang pera nila. Mas okay na iyong may sariling
bahay.

Kaya naman sobrang nagpapasalamat siya kay Donya Teresa, napakalaki kasi nitong tulong para sa
pamilya niya. Hiling lang niya na sana ay magkaroon pa ng mas mahabang buhay ito at ang asawa nito
para matagal pang makasama si

Mhorric.

Natulala na naman siya nang maisip ang binata. Kumusta kaya ito nang mga sandaling iyon? Hinanap
kaya siya nito?

Parang kinukurot ang puso niya sa isiping baka hindi na.

TAIMTIM na nagdarasal si Candy sa Poong Nazareno. Baka iyon na rin ang huling punta niya roon sa
simbahan ng Quiapo sa ngayon. Dahil na rin sa magiging malayo na roon ang kanilang tirahan.

Salamat po sa lahat. Lalo na sa inyonggabay sa akin at sa aking buong pamilya. Lahat po ng mayroon
kami ay dahil sa inyo. Patuloy niyo po kaming gabayan ng aking pamilya, Poong Nazareno. Kahit medyo
malayo na kami rito. Sobrang mami-miss ko po ang lugar na ito. Pero sa ngayon, kailangan ko munang
iwan. Para na rin po sa magandang oportunidad na naghihintay sa pamilya ko. Kayo na po ang bahala na
amin.

Salamat

Matapos mag-sign of the cross ni Candy ay muli na rin niyang isinuot ang itim na face mask sa kaniyang
mukha at ang itim ding sumbrelo sa kaniyang ulo. Dahil hindi halos makita ang kaniyang mukha kaya
naman walang makakakilala sa kaniya. Nakasuot din siya ng jacket. Gusto lang talaga niyang manalangin
sa simbahan ng Quiapo kaya siya naroon. Bukas kasi ay paalis na sila at lilipat na sa kanilangtirahan. At
kaya halos itago niya ang sarili ay dahil sa takot na baka may kakilala roon si Neri at makita siya.

May phobia pa rin siya sa nangyari noon sa kanila.

Papalabas na siya sa simbahan habang nakababa angtingin sa kaniyang dinaraanan. Dahil bahagya siyang
nakayuko kaya hindi niya napansin ang matangkad na lalaking makakasalubong niya nang mga sandaling
iyon malapit sa malaking pinto ng simbahan. Lalaking umaasam na makita siya sa lugar na iyon.

Nang makalabas siya sa simbahan ay nilingon pa niya ang altar. Isang ngiti ang iniwan niya sa Poong
Nazareno bago nagpatuloy sa paglalakad.

PANG-ILANG balik na ba ni Mhorric sa simbahang iyon ng Quiapo? Umaasa na makita roon si Candy.
Pero sa tuwina ay mukhang malas Iagi siya. Marahas siyang bumuntong-hininga.
Paalis na sana siya nang makakita siya ng lalaking nagtitinda ng kendi at sigarilyo. May dalangtakatak.
Kay Candy lang niya nalaman na ganoon ang tawag ganoon.

"Excuse me, Kuya," agaw niya sa atensiyon nito.

"Yes, boss? Bibili ka ng yosi?"

Urniling siya. "Magtatanong lang PO."

"Ano ho 'yon?" anito na hindi naman

Ina-disappoint dahil hindi siya bibili ng tinda nito.

"May.. ." tumikhim siya. "May kilala ka bang nagtitinda rito ng ganiyan din? Candy ang pangalan?"

Kumunot ang noo nito. "Candy?" balik-tanong pa nito. Mayamaya ay napapikit pa ito sa hangin. "Ah, 00.
'Yong magandang anak ni Mang Henry."

Nabuhayan siya ng 100b sa sinabi nito dahil mukhang kilala nga nito ang hanap niya.

"Alam niyo po ba kung saan sila nakatira?"

Umiling ito. "Hindi, eh. Kasi matagal na silang hindi nagagawi rito sa Quiapo. Lalo si Mang Henry. Dati,
madalas 'yon dito. Halos araw-araw pa nga. Pasulpot-sulpot naman si Candy kapag wala ang tatay niya.
Napakasipag ng mag-ama na 'yon. Pasensiya, boss, pero wala na rin akong balita pa sa kanila. Hindi na
rin naman sila napapadpad dito may isang buwan na at mahigit."

Doon na siya nanlumo. "Alam niyo ho ba ang apelyido nina Candy? Kahit 'yon na lang PO."

"Hindi rin, eh. Sa pangalan ko lang kilala ang mga 'yon."

"Ganoon ho ba." Napabuntong-hininga siya.

"Sige PO, salamat." lyong habang naglalakad siya ay nanlalambot ang kaniyang pakiramdam. Nang
makasakay siya sa kaniyang sasakyan ay napukpok pa niya ang manibela. Paano kung hindi na roon
bumalik si Candy? Paano pa niya ito makikita?

Nang makauwi siya sa bahay ng kaniyang lolo't Iola ay ramdam ng abuela niya na may nagpapabigat sa
dibdib niya.

"Okay ka lang ba, apo?" ani Lola Teresa nang maupo sa kaniyang tabi.

Urniling siya. Dahil hindi naman talaga siya okay.

"Hindi PO," anas niya.


"Si Candy ba?" tanong pa nito. Hindi na rin naman kaila sa kaniyang Iola na hiwalay na sila ni Ann Dae.
Naikuwento na rin niya rito ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. At aware din naman ito na hindi na
niya iyon pinag-iiisip pa.

Bumuntong-hininga siya. "Hindi ko pa rin siya nakikita."

"APO, kung iaadya ng pagkakataon na magkita kayong muli, pagkakataon din ang gagawa ng paraan para
magkita kayo. Kung panay ang hanap mo sa kaniya, tiyak na lalong hindi mo siya makikita." Hinaplos nito
ang kaniyang buhok. "'Wag ka lang mainip. Sigurado ako na muli kayong pagtatagpuin sa hindi
inaasahang pagkakataon

"Kailan naman po kaya 'yon?"

Nagkibit ito ng balikat. '"Yon lang ang hindl ko masasabi." Ngumiti ito. "Siguro, hindi pa lang talaga ninyo
panahon ngayon."

Paano kung mag-asawa na lang bigla si Candy? Parang gusto niyang mapamura sa kaniyangnaisip.

Hindi maalis sa kaniya ang possibility na iyon dahil nang tanungin niya ang kaniyang Iola kung magkaano
ba ang ibinigay nitong kabayaran kay Candy, ang tangi lang sagot nito ay sapat na para mapaaral ang
mga kapatid ni Candy at magkaroon ng maayos na buhay. Ibig sabihin lang niyon ay hindi na iisipin pa
ngdalaga kung paano ang pag-aaral ng mga kapatid nito. At ang ending? Baka mag-entertain na ito ng
manliligaw.

And worst, baka mag-asawa na ito.

Nayukom niya ang mga kamay niya. Ang dibdib niya ay para bang naninikip dahil sa isipin na iyon.

What if?

Napakurap-kurap siya nang tapikin siya ng kaniyang abuela sa kaniyang braso.

"APO, sa halip na magmukmok ka, gawin mo pa rin 'yong mga ginagawa mo dati bukod sa pagtatrabaho.
Libangin mo ang sarili mo. O kaya, malay mo, may ibang babae talaga na nakalaan sa iyo at—"

"Lola," agaw niya sa sasabihin pa nito.

"Walang ibang babae na nakalaan sa akin."

Bahagyang tumaas ang isa nitong kilay. "At bakit mo naman nasabi?"

Mula sa pagkakaupo ay turnayo na siya. "Si Candy lang ang alam kong para sa akin, 'La," aniya na
nagpaalam na rito na pupunta muna sa silid niya.

Nangingiti naman ang Iola niya habang hinahatid siya ngtingin paakyat sa may hagdanan.

Readers also enjoyed:


His RedemptionC)

0 3.9M Read

TAGS dark sex forced second chance

Chapter 36

One year later...

NAPAKISLOT si Mhorric nang bigla na lamang makarinig ng ingay na nagmula sa ibinagsak na baso sa
lamesa na kaniyang kinaroroonan. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Blair na agad namang
naupo sa may karatig niyang bangko. Napailing-iling pa ito sa kaniya.

"Ganiyan lang ba talaga ang gagawin mo kapag narito ka sa Leisure Club? Ang tumunganga sa kawalan?
Men, hindi kita inaya na maging parte ng napakagandang lugar na ito para lang ganiyan ang gawin. Alam
mo, nakakabastos kay Daizuke Niwa."

Tukoy pa ni Blair sa may-ari ng UI-IB Leisure Club na si Daizuke Niwa. May walong buwan na rin siya
roong miyembro at masasabi niya na isa iyon sa magandang desisyon na nagawa niya para maibaling sa
iba ang kaniyang atensiyon bukod sa kaniyang trabaho.

Bumuntong-hininga siya bago muling turnanaw sa malayo. One of his favorite restaurant, ang Bay View
Restaurant ni Yuji Sakai. Bukod sa masasarap ang pagkain na sini-serve ay paborito rin niya ang
magandang view sa second floor ng naturang restaurant. Sa malayo kasi ay tanaw ang dagat. Ewan ba
niya, basta maganda ang hatak ng lugar na iyon sa kaniya.

"Last mo na 'yan, ha?" patuloy pa ring litanya ng kaniyang matalik na kaibigan na si Blair.

"Alam mo, Blair, 'wag mo na lang akong pansinin. Parang ikaw pa ang na-i-stress sa akin, aniya na
napailing-iling pa.

"Pare, 'wag mo kasing sayangin ang araw na inilalagi mo rito sa pagtulala lang. Ano 'yon, nagpa-member
ka rito para lang tumingin diyan sa view na 'yan?"

"Sabihin na natin na parang ganoon na nga."

"Ano'ng pinagtatalunan ninyo?" ani Jamil Ladjasali na bigla na lamang naupo sa may harapan
nilangdalawa ni Blair. Isa ito sa mga UHB Originals na tinatawag. Isa sa anim na mga kaibigan ni Daizuke
Niwa. Ito rin ang isa sa namamahala sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya nito na isa sa
pinakamalaking Power Plant sa bansa, ang Lineage Energy na tanaw na tanaw rin sa Bay View
Restaurant. Sa gabi ay mas higit na maganda angview roon.
"Wala," agap niya sa tanong ni Jamil.

"Wala?" ani Jamil na burnaling pa kay Blair Totoo

Sa isip ay pinaalis na niya sa kaniyang harapan si Jamil. Simpleng tsismoso rin ito. "Si Mhorric kasi, wala
ng ginawa kundi ang tumunganga rito sa Bay View Restaurant. Kulang na lang ay ipako ang puwetan niya
sa bangko kapag narito siya," panglalaglag pa ni Blair sa kaniya.

Minsan talaga ay napapatanong siya kung bakit ito pa ang higit niyang naka-close na kaibigan. Heto nga
at walang pakundangan kung ipagkanulo siya sa iba.

"Blair, paraan ko 'yon para mag-relax," kontra niya rito.

"Silly. Napakaraming sport dito sa Leisure Club na mas mag-e-enjoy at mag-re-relax ka kapag narito ka.
Pero napakadalang pa sa patak ng ulan na gawin mo. Mas higit pa 'yang pagtulala mo sa kawalan.
Minsan nga, malamig na lamang ang kape mo, hindi mo pa naiinom."

"Babae siguro ang dahilan," walang latoy pang wika ni Jamil.

"Alam ko naman na busy rin kayong mga tao," aniya. "Gawin na ninyo ang mga gagawin ninyo. Don't
mind me. l'm fine."

"Babae nga," ani Jamil na ngumisi pa.

"Umiiwas, eh.

"Malakas din talaga ang radar mo," ani Blair na nakipag-high five pa kay Jamil.

Hindi siya nagsalita o nag-react. Bahala na ang mga ito na mag-isip.

"Don't tell me, hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nakaka-move on sa ex mo?"

May warning ang tingin na ipinukol niya kay Blair. "Ang clami mong puwedeng gawing topic, siya pa
talaga?"

"Wala naman kasing ibang babae na huling na-involve sa iyo kundi si Ann Dae lang. Malay ko ba? Wala
ka naman kasing nakukuwento. At mukha namang walang ibang babae na na-i-involve sa iyo. Kasi kung
mayroon? Nakarating na sa kaalaman ko. Isangtaon na, move on din kapag may time."

"Kabalik-balik ba ang ex niya?" tanong ni

Jamil.

"Hindi," mariin niyang wika.

Wala pa ring matinong relasyon sa ngayon si Ann Dae, iyon ang pagkakaalam niya. May mga
nagkukuwento pa rin kasi sa kaniya kahit na hindi siya interesado. At dahil single pa rin siya hanggang
ngayon at hindi nangangahas na pumasok sa isang relasyon kaya naman akala ng iba ay umaasa pa rin
siya sa ex niya. Alam naman ng Diyos na hindi. Hindi siya umaasa na isang araw ay magkakabalikan sila.
Ni sa panaginip ay hindi niya binalak.

"Sabagay, kung interesado ka pa sa kaniya ay binalikan mo na siya despite sa past ninyo. Pero hindi mo
ginagawa kahit na naghahabol siya sa iyo," ani Blair na tumango-tango pa.

Tama si Blair, ilang beses na bang naghabol sa kaniya si Ann Dae? Marami na. Lalo na at alam din nito na
hindi naman siya nakikipagrelasyon pa. Mas focus lang siya ngayon sa negosyo ng kanilang pamilya. Siya
ang CEO ng Soliven Group of Companies. At wala namang ibang mamamahala sa mga negosyo nila kundi
siya lang. At ang UHB Leisure Club ang ginagawa niyang escape mula sa pagka-toxic sa trabaho. Ang
magandang lugar na iyon...

"Baka nalulungkot ka lang sa kinahinatnan ng huli mong relasyon kaya kung makatulala ka aywagas," ani
Jamil na inilibot pa angtingin sa paligid. "Alam mo, Mhorric," anito nang ibalik ang tingin sa kaniya. "Mas
the best pa ring tumunganga sa may Mishi River, damay na ang pag-me-meditate mo. Mas 'di hamak na
tahimik, ang ingay lang na maririnig mo ay ang daloy ng tubig sa ilog. Huni ng ibon at mga insekto."

"Bakit tunog endorser ka ng Mishi River?" natatawang pakli ni Wayne rito na nakiupo rin sa may tabi ni
Jamil.

Sa isip ay napailing-iling na si Mhorric. Heto na at pagkukumpulan na naman siya ng ibang mga co-
member niya sa UHB Leisure Club.

"The best suggestion 'yon. O kaya ay sa may Blue Lagoon. Maraming choices," dagdag pa ni Jamil.

"Kung nagugutom ka na," ani Mhorric kay

Jamil. "Um-order ka, treat 1<0."

"Ano'ng tingin mo sa akin, poor?" kontra ni Jamil sa kaniyang sinabi. "Kahit kasal mo kaya kong sagutin.
Isama mo na ang future ng mga magiging anak mo," pagyayabang pa nito.

"Kailan ka kaya matsi-tsismis na may kasamang babae?" out of the blue ay biglang tanong ni Blair sa
kaniya.

Napatingin tuloy siya sa kaniyang kaibigan. "Bakit ba atat na atat ka na may ma-link sa aking babae?"

"Concern lang naman ako sa iyo, alam mo na, mag-iisang taon ka ng single."

"Hindi ko pino-problema, Blair. Kaya 'wag mong gawing big deal."

"Naku, kapag nangyari 'yon, na may makasama kang babae. sagot ko ang dinner ng lahat clito sa UH B
Leisure Club," pagyayabang pa ni Blair.

"Ano ulit 'yon?" ani Wayne kay Blair. Agad namang inulit ni Blair ang sinabi nito. "Okay, naka-record na.
Baka magtago ka pa kapag dumating ang time na 'yon." Ngumisi pa si Wayne na ipinarinig sa kanila ang
ni-record nito sa cellphone nito.
Saka lang gumuhit ang ngiti sa labi niya dahil sa katusuhang iyon ni Wayne.

"Maliit na bagay, Wayne," ani Blair na tila ba

hindi aatras sa pusta nito. "Barya lang sa bulsa ko

"00 na, barya na kung barya. Basta n aka-record."

"Panay ang tambay ninyo rito, um-order muna kayo," sangat ni Yuji na inilagay sa harapan nila ang menu
ng restaurant nito.

"Libre ko na," ani Wayne. "Tutal naman ay hindi ramdam sa yaman ko kahit mabawasan ng pang-treat sa
inyong tatlo."

"Nagkakayabangan pala ngyaman dito, naiiling pang wika ni Yuji. "Order na para madagdagan
angyaman 1<0."

Isa sa nagustuhan niya sa lugar na iyon ay kuwela rin ang mga naroong miyembro. Despite sa pagiging
high profile ng mga ito ay hindi rin naman mahirap pakisamahan. Kaya hindi siya nahirapan noong unang
tuntong niya roon. Para bang welcome na welcome agad siya kahit na noong una ay hindi pa siya roon
miyembro. Iniimbitahan pa langsiya noon ni Blair na mag-stay roon kapag may time siya at hindi busy.

"ABROAD? Candy, anak, hindi mo naman kailangang lumayo," bakas sa ama ni Candy na hindi ito sang-
ayon sa kaniyang kagustuhan na mag-apply ng trabaho sa abroad nang ipaalam niya rito ang kaniyang
balak.

'"Tay, mas 'di hamak po na mas malaki ang sahod sa abroad kaysa rito sa Pilipinas."

"Malaki pa ang ipon natin, anak. Ang tindahan namin ng nanay mo ay maganda ang kita. Kaya kahit
dumito ka na langsa Pilipinas maghanap ng trabaho ay walang kaso."

Graduate na siya ngayon sa TESDA. Noong nakaraang taon, n ang magbukas ang school year, napilit siya
ni Margaux na siya muna ang mag-aral. At dahil ayaw niya na magsayang ng apat na taon sa pag-aaral
dahil ika niya ay sayang ang panahon, kaya ibinigay nito sa kaniya ang option na mag-aral siya sa TESDA.
Isang taong kurso lang at magkakaroon na siya ng diploma. Bagay na siyang habol niya. Culinary Arts ang
kurso na kinuha niya. Ngayon ay mas proud siya sa sarili niya dahil mas lumawak ang kaalaman niya sa
pagluluto. At hindi siya kahiya-hiya sa magiging asawa niya na ang tangi lang alam lutuin ay pritong itlog,
isda, manok at hotdog.

Napabuntong-hininga siya. Ayaw talaga siyang paalisin sa bansa ng kaniyang ama. May kaklase kasi siya
sa pinasukan niyang TESDA na mag-a-apply sa Canada. Maganda ang offer kaya gusto niyang sumubok.
Alam niya na mas magiging maganda ang kinabukasan ng kaniyang pamilya pagdating ng panahon.

'"Tay—"

"Anak, 'wag mo na munang ipilit."


Nagbaba siya ngtingin.

'"Wag mong mamasamain, anak. Ang akin lang ay matanda na rin ako at ang tangi ko lang gusto habang
nabubuhay pa ako ay ang makita kayo palagi. Masaya na ako roon. Hindi ko naman hangad ang
marangya pang pamumuhay. Para sa akin ay higit na ang naibigay mo para sa pamilya natin na sa
panaginip ko lang natupad. Anak, maraming-maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa
pamilya natin." Hinawakan nito ang kaniyang kamay at pinisil. "Nagawa mo na ang parte mo para sa
pamilya natin. Pakiusap ko langdin na sarili mo naman ang intindihin mo. 'Wag puro kami. Ayos lang
kami. Basta ang akin lang, dito ka lang sa Pilipinas. Kung mag-aasawa ka naman aywala namang kaso sa
amin ng nanay mo. Karapatan mo rin naman ang lumigaya.

"Tatay naman, eh. Alam niyo naman na wala akongjowa. At wala pa 'yon sa isip ko.

Twenty-five lang ako. Malayo pa po bago mawala sa kalendaryo ang aking edad. cTay, hayaan niyo lang
ako sa patuloy na pagsuporta sa pamilya natin. Dahil mas masaya ako na makatulong sa inyo nina nanay
at sa mga kapatid ko. Sige PO, kung hindi ninyo gusto na umalis ako. Hindi ko na muna ipipilit. Saka na
lang, kapag nagbago na ang isip mo," nangingiti niyang hirit bago ito niyakap. "Mahal na mahal ko po
kayo, 'Tay." "Mahal na mahal din kita, anak. Ang akin lang din, hindi naman kami kokontra ng iyong ina
kung may mapusuan ka man. Alam ko naman na hindi ka bato kahit na hanggang ngayon ay wala pa
kaming nababalitaan na naging nobyo mo sa isang libo mong manliligaw."

"Tatay, ang OA PO, ha?" aniya nang kumalas na siya sa pagkakayakap niya rito. "Maka-isang libo naman
po kayo."

"Totoo naman

"Nagkakabulaanan na rito, 'Tay," natatawa niyang wika na turnayo na. "Puntahan ko lang po si Aivan,"
paalam pa niya rito bago lumabas sa silid na garnit nito at ng kaniyang ina. Dumiretso siya sa may salas
kung saan naroon ang kaniyang pamangkin na si Aivan na tulog na tulog pa sa duyan nito. Napangiti siya
habang nakatitig sa mukha ng kaniyang pamangkin.

Five months na si Aivan ngayon at dahil muling pumasok ang kaniyang kapatid na si Margaux para
maipagpatuloy ang naudlot na pag-aaral, kaya naman ang nanay at tatay niya ang nag-aalaga sa bata.
Hindi naman ito mahirap alagaan dahil behave lang din parati. At kapag nasa bahay siya, siya ang nag-
aalaga sa kaniyang pamangkin na napakaguwapong bata. Ang tangos pa ng ilong.

"Kailan kaya kita makikita na may hawak na ring ganiyan?"

She rolled her eyes. "Tatay, kanina ka pa, ha?" reklamo na niya.

Napangiti lang ang kaniyang ama na kay lakas nga namang manudyo sa kaniya. Hindi pa niya iniisip ang
ganoong mga bagay. Sa ngayon, kontento na siya sa pamangkin niya na si Aivan. Isa sa source of
happiness niya at ng buong pamilya. Iba ang dulot ng batang ito simula nang dumatingsa buhay nila.
Chapter 37

"CANDY, puwede ka ba?"

"Saan?" baling niya sa naging classmate niya sa TESDA na si Geraldine Sales. Naging malapit din ito na
kaibigan sa kaniya dahil katulad niya ay breadwinner din ito. Nagkita sila nito sa isang kainan sa Mall
nang araw na iyon. May nais kasi itong ipakiusap sa kaniya na nais nitong pag-usapan sa personal.

"Eh, 'di ba, sabi mo nga, negative ka naman sa binabalak mong pag-a-abroad. Surnama ka muna sa akin."

"At saan naman ako sasama sa iyo?"

"Si bakla kasi may offer sa akin."

"Sinong bakla?"

'"Yong kapitbahay ko sa apartment na inuupahan ko, si Vergie. Puro big time ang hawak niyang raket.
Eh, kailangan niya ng dalawang babae na pasok sa panlasa niya. 'Yong maganda at may ibubuga mula ulo
hanggang paa."

Tinaasan niya ito ng kilay. "At bakit ako ang tinawagan Imo?"

Ngumiti ito. "Syempre, dahil ikaw ang swak sa hinahanap ni bakla.

"Ano ba kasing trabaho 'yan?"

Huminga ito nang malalim bago inilapit ang mukha sa kaniya. "Escort."

Inilayo niya ang mukha nito sa kaniya. "Escort?" aniya na umiling pa. "Aware ka ba sa trabaho na cyan?
Kung hindi, ako na ang nagsasabi sa iyo, hindi 'yan maganda."

"Candy, hindi kasingdumi ng iniisip mo. Ibang escort 'yon. May sarili silang ibig sabihin ng escort. Hindi
'yong babae na makikipag-sex sa kasama nila. Nabatukan ko nga rin si bakla nang una niya 'yang sabihin
sa akin. Kako, mahal ko masyado ang sarili ko para makipag-jerjeran lang sa hindi ko kakilala."

"Ano'ng klaseng escort ba ang kailangan?"

"May kailangan langtayong samahan na mayamang negosyante. Ang kailangan kasi nila ay 'yong mukha
na young and fresh. At saka 'yong bago lang sa lugar nila. Tipong, hindi pa roon nakikita kailan man.
Palamuti sa tabi nila. llang oras lang naman 'yon. Four ng hapon ang usapang oras tapos six ng gabi ang
tapos ng trabaho natin. Ganoon lang kabilis."

"Tunog black market," aniya na kinuha ang baso na may lamangjuice at uminom doon. "Alam mo,
Geraldine, graduate na ako sa mga ganiyang klase ng raket. Nagbabagong buhay na ako. Mas focus ako
sa trabaho na seryosohan at hindi panandalian lang."

"Bakit may kasamang hugot? Eh, 'di


mag-apply ka sa seryosong relasyon, este, sa seryosong trabaho. Isang araw lang naman ang hinihingi ko
sa iyo. Gusto ko ng kasama, Candy.

Nasasayangan din kasi ako sa offer ni bakla.

Biruin mo, fifty thousand sa dalawang oras lang."

"Tapos ano? Mukha ng DOM ang sasamahan

"Eh, ano? Malaking pera naman ang kapalit. Sige na, Candy. 'Yong nanay ko ay may sakit ngayon.
Kailangan kong magpadala sa kanila ng pera para pampa-check up sa ospital. Kaso, wala akong
makukuhanan ng may kalakihang halaga sa 100b lang ng isang araw. Kaya itong offer ni Vergie, gustong-
gusto kong sunggaban. Pero ang kundisyon niya sa akin, maghanap pa raw ako ng isa pang
makakasama." Napabuntong-hininga ito. "Ang hirap magkapera sa panahon ngayon. 'Yong fifty
thousand, ilang buwan kong pagtatrabahuhan. Samantalang dalawang oras lang ang offer na trabaho sa
akin. Candy, please?" lyong mukha ni Geraldine na maging siya ay naaawa dahil mukhang kailangang-
kailangan nga nito ng pera. Naalala tuloy niya ang sarili rito noong kailangan niyang maghagilap ng pera
para maipa-check up ang kaniyang ama. Panahong walang-wala pa rin sila.

"Safe ba talaga 'yan?"

Tila ba nabuhayan ito ng 100b sa naging sagot niya. "00. Assured din ni bakla. At saka,

akbay at hawak sa baywang lang naman ang gagawin at wala ng iba. May ka-deal daw kasi ang
magpinsan na kausap ni Vergie. Malaking negosyo."

"Pero bakit kailangan pang may kasamang

"Display? Ganiyan naman kalimitan, lalo na sa mga casino."

"Bakit alam na alam mo? Na-try mo na ba sa

Urniling si Geraldine. "Hindi pa. May idea lang ako dahil sa mga pa-raket ni Vergie. So, ano?

Deal na tayo? Sasamahan mo na ako?"

Tumango siya. "Basta safe, wala namang problema," sang-ayon na niya. Kung makakatulong din naman
ang pagpayag niya kay Geraldine, masaya siyang makatulong. At hindi naman para sa kaniya ang
matatanggap niyang pera kung sakali. Ibibigay rin niya iyon kay

Geraldine para sa ina nito. "Saan ba 'yan at

"Sa Friday na, Candy. 'Yong lugar, hindi ko alam kung alam mo ito o kung nakarating ka na doon... sa
Pagbilao City."

"Pagbilao City?" sandali siyang nag-isip. Parang pamilyar sa kaniya pero hindi niya sigurado. Siguro ay
naririnig na niya noon pero hindi lang niya mas napagtutuunan ng pansin dahil abala siya sa ibang bagay.
"00. High class ang lugar na 'yon. Mas 'di hamak na mas high class pa sa Makati. Kung gusto mo, magdala
ka na rin ng gamit mo para deretso apply ka na sa lugar na 'yon ng trabaho." "Kung mas high class pa sa
Makati, ibig sabihin, sa business world umiikot ang mundo roon. Geraldine, pangkusina lang ang alam ko
at tinapos ko sa TESDA. Baka 'yong ganoong lugar, eh, ang hanap din ay four years graduate kung
marami man doong mga restaurant. Kung gusto kong sumahod ng malaki, sa abroad lang mayroon
noon."

"Napaka-negative mo talaga. Alam mo, Candy, karamihan ngayon skills na ang basihan. Malay mo
naman, basta marunong ka sa isang bagay, tanggapin ka agad. 'Wag ka ngang negatron. Basta,
maghanda ka na rin ng resume mo. Mag-try ka sa lugar na 'yon. Malaki ang rate ng sahod sa lugar na
'yon. Kahit na ano pa ang trabaho mo."

"Para bang Manila rate?"

"Mas mataas pa."

Napapaisip na naman siya sa sinabi ni Geraldine. Wala namang masama kung susubukan niya ang lugar
na iyon.

"At saka, malay mo rin, naroon ang destiny mo."

Inismiran niya si Geraldine. "As if naman ay may naka-destiny nga sa akin. Alam mo, trabaho ang
kailangan ko ngayon, hindi 'yang kalandian."

"00 na PO. Basta sa Friday, ha? Pero pumunta ka na sa apartment ko ng Thursday para hindi ka na
ngaragsa biyahe. Magdala ka na rin ng maraming damit para in case na magustuhan mo ang Pagbilao
City, magpaiwan ka na room" Turnaas-baba pa ang mga kilay nito.

Urniling siya. "Saka na kapag totoong maganda nga sa lugar na 'yon."

"Kung tamang duda ka, puwede mo namang i-search sa internet ang lugar na 'yon."

"Wala akong data ngayon, free data lang ako."

"Haaay, napakamura na lang ng pag-register sa internet ngayon. Napakakuripot mo, Candy."

"Wala naman akong ka-chat, kaya hindi ako katulad mo na mamamatay kapag walangdata sa
cellphone."

Napatawa ito sa sinabi niyang iyon. "Burn," wika pa nito.

Tama lang ba ang naging desisyon niya ngayon? Na sumama sa kaibigan at kaklase niya na si Geraldine?
Pero dalawang oras lang naman ang trabaho na iyon.

Bahala na. . .
ARAW ng Biyernes, maagap nagbiyahe Sina

Candy at Geraldine papunta sa Pagbilao City na matatagpuan pa sa Quezon Province. May apat na oras
din ang biyahe kaya kailangan ay maagap sila. May hotel kung saan naka-book na ang pag-i-stay-an
nilang magkaibigan. Hindi siya nagdala ng maraming gamit. Tama lang sa pang-ilang araw.

Hindi naman nila problema ang isusuot nila dahil sagot iyon lahat ni Vergie. Maging ang ayos nila ay
gagawin pa sa isang kilalang salon para daw bongga sila mamaya.

Kinakabahan man ay hindi siya roon nagpadaig. Isang taon na ang nakalilipas simula nang talikuran niya
ang mga ganoong klase ng raket. lyong tipong, easy money. Dahil wala namang hatid na maganda. Pero
mukha namang iba ang isang ito kaysa sa nangyari noon. Dahil wala namang involve na droga ngayon.

Alindog at kagandahan lang niya ang kailangan.

Si Vergie, tuwang-tuwa sa kaniya nang makita siya dahil katulad daw niya ang hanap nito kaya pinuri pa
nito si Geraldine dahil napapayag siya nito sa trabahong iyon. Sinigurado naman nito na 'kasama' lang
ang kailangan ng dalawa nitong kliyente nang araw na iyon. At hindi katulad ng inaakala niya na may
kasamang close door deal.

"Narito na tayo," ani Vergie nang huminto

ang kotse nitong dala sa tapat ng isang hotel.

"Pagbilao City na ba ito?" ani Geraldine kay Vergie.

"00. Pero narito tayo ngayon sa Middle Town ng Pagbilao City. Wala pa tayo sa main proper ng high class
City sa lugar na ito. Bumaba na kayo para maipasok na rin ang mga garnit natin at nang makakain na rin
tayo. Time is gold," am Vergie na nauna pang bumaba sa kotse. Ito iyong bakla na hindi lantaran ang
pagkabading na tipong magsusuot ng mga pambabaing kasuotan.

Panglalaki pa rin ang suot nito.

Tahimik lang si Candy na sumunod sa mga ito dala ang kaniyang gamit.

Nang makuha ni Vergie ang susi ng silid na ukupado nila ay dumiretso na rin sila roon. Inatupag na rin
nila ang pagkain. One cup rice lang ang in-allow ni Vergie na kainin nila ni Geraldine. Bawal daw kasi na
kita angtiyan nila sa susuotin nilang dress mamaya.

Matapos kumain ay pumunta na rin sila sa isangsalon na pag-aayusan sa kanila. Nasa main proper iyon
ng Pagbilao City. Hindi maiwasan ni Candy na hindi humanga sa naturang lugar. Tama nga si Geraldine,
napakaganda roon.

Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Ang lugar na iyon, kay sarap sa matang pagmasdan. Nakakakita
naman siya ng mga building, pero iba ang ganda ng lugar na iyon. Para bang wala siya

sa Pilipinas.
HALOS hindi makilala ni Candy ang sarili habang nakaharap siya sa salamin. Tapos na siyang ayusan at
suot na rin niya ang kulay pulang dress na hapit sa kaniyang katawan na nagpakita ng maganda niyang
hubog. Ang haba ng dress na iyon ay umabot lang sa kalahati ng hita niya. Dahil maputi siya, kaya naman
bagay na bagay iyon sa kaniya. Idagdag pa ang mahahaba niyang biyas.

Napabuntong-hininga si Vergie habang hindi inaalis ang humahangang tingin sa kaniya.

"Napakaganda mo talaga, Candy. Kapag gusto mong rumaket sa akin, sabihin mo lang, ha? Naku, tiyak
na ang benta mo sa akin."

Napatawa siya. Una't huli na iyon. Pasalamat ito dahil naaawa siya kay Geraldine. Dahil kung hindi? Wala
siya roon ngayon.

Nang kapwa tapos na silang ayusan ni Geraldine ay kinausap pa sila ni Vergie sa isang sulok ng salon.

"Girls, pakatandaan ninyo na kung hindi naman kayo kinakausap ng client natin, 'wag kayong
magsasalita. Hayaan niyo na sila ang kumausap sa inyo. Pero 'wag kayong magbibigay ng infos ninyo."

"Bakit?" ani Geraldine.

"Nasa rules na hindi ninyo puwedeng ipaalam ang mga personal ninyong buhay. May nicknames din
kayo na gagamitin, ikaw Geraldine, ikaw muna si Anna. At ikaw naman Candy, ikaw muna si Stella. Bagay
na bagay sa hotness mo ang pangalan mo."

Napangiti siya sa sinabi nito. Right, napaka-hot nga ng pangalang Stella, katulad ng ayos at suot niya.
Pero sa likod ng ayos na iyon, isang maamong mukha ang makikita. Simpleng Candy lang. At sa ayos din
na iyon, alam niya na mahirap siyang makilala ng sino man.

"Let's go. Siguradong papunta na sila sa napag-usapang hotel," tukoy nito kina Mr. Heussaff at Mr. Smith
na siyang ka-deal naman nito.

Heto na, totohanan na ito.

Candy, dalawang oras na trabaho lang ito. Kayanin mo, cheer niya sa kaniyang sarili.

"Fighting," bulong pa sa kaniya ni Geraldine.

Alas sais ng gabi aytapos na rin ang trabaho nilang iyon ni Geraldine. Hindi iyon lalampas sa nasabing
oras. A deal is a deal. Kaya kampante siya.

Hindi na niya napagtuunan pa ng pansin kung ano'ng pangalan ng hotel na siyang kinaroroonan nila
nang mga sandaling iyon. Dumiretso sila sa lobby at naupo sa lounge na naroon. Nagpaalam na rin si
Vergie dahil hindi na raw ito magtatagal doon. Babalik lang ito kapag susunduin na sila ni Geraldine
mamayang gabi sa hotel din na iyon..

May kaba pa rin sa dibdib niya.


"Okay ka lang?" untag pa sa kaniya ni Geraldine.

Tumango siya. "00. Okay lang ako."

"Miss Stella, Miss Anna?"

Kapwa sila napabaling ng kaibigan sa isang lalaki na nakasuot ng kulay puti na polo at itim na slacks.
Tumango sila ni Geraldine. Ito na ba ang kumuha sa serbisyo nila? Medyo malaki kasi ang tiyan niyon na
hindi naitago sa suot nitong pormal na kauotan. Parang kapag tumayo siya ay mas matangkad pa siya
rito dahil sa suot niyang heels.

"Diamond," wika pa nito.

Code iyon. Kapag narinig nila iyon ay ito na ang hinihintay nila. Kaya naman tumayo na sila ni Geraldine.
May lumapit din sa kanila na dalawa pang lalaki na nakauot ng business suits.

Mukhang yayamanin dahil sa hitsura ng mga iyon na hindi purong Pinoy. Mukhang foreigner ang mga
ito.

"They are here, boss," anang lalaki na naunang lumapit sa kanila. Ipinakilala naman sa kanila kung sino si
Mr. Smith at si Mr. Eussaff.

Ang lumapit agad sa kaniya ay si Mr. Smith. Ang pobre niyang kamay ay hindi pa nakaligtas dito dahil
matapos makipag-shake hands sa kaniya ay ginawaran pa niyon ng halik ang ikod ng kaniyang kamay.
Muntik pa niya iyong mahigit mula rito.

Bukod sa hawak sa baywang at akbay sa balikat ay wala na iyong puwedeng gawin sa kanila ni Geraldine.
Display lang sila sa tabi ng mga ito. Kumbaga palamuti at hindi kung ano pa man.

Matapos magpakilala ay iginiya na sila ng mga ito palabas ng naturang hotel. Huminto sa kinaroroonan
nila ang dalawang magarang sasakyan. Inalalayan siya ni Mr. Smith pasakay sa itim na kotse na nasa
unahan. Sa sumunod na kotse naman si Geraldine sumakay.

Humantong sila sa isang mamahaling hotel. Isang president suites ang pinasukan nila.

Malawak iyon. Napakagara din ng salas na tila ba nag-aabang sa kanilang pagdating. May sarili ring mini
bar na puno ng alak. Doon gaganapin ang meeting ng mga ito. Isang deal ang kailangang makuha ng mga
ito.

Ganito ba talaga ang mayayaman? Kailangan ay may palamuti pang kasama sa tabi ng mga ito? Orjust to
show off? Na bukod sa yaman ng mga ito ay may ibubuga rin pagdating sa kasamang

babae.
Hindi nagtagal ay dumating na rin ang ka-business deal ng mga ito. Tatlong lalaki ang pumasok sa hotel
suite na kanilang kinaroroonan. Hindi naalis ang tingin ni Candy sa lalaking huling pumasok sa may pinto.
Para bang napako na roon ang tingin niya.

Napalunok siya nang mapagsino iyon. Kung hindi lang siya naka-makeup ay baka turnalikod na siya at
itinago ang sarili nang tumutok ang tingin niyon sa kaniya.

Hindi siya puwedeng magkamali, si Mhorric Soliven ang lalaking palapit ngayon sa kaniya. 00 nga at isang
taon na ang lumipas simula nang huli niya itong makita, pero hinding-hindi niya malilimutan ang mukha
nitong iyon. At sa isang iglap, para bang gustong turnalon ng puso niya sa kaniyang dibdib dahil sa lakas
ng kabog niyon.

Chapter 38

SA ISIP ay paulit-ulit na pinaalalahanan ni

Candy ang kaniyang sarili na kumalma lamang. Nagbawi na siya ngtingin at sinikap ding magpaka-casual
sa harap ng mga taong naroon. Lalo na kay Mhorric Soliven na isang beses pang sumulyap sa kaniya.

Nakilala ba siya nito? Sana naman ay hindi.

Sandali pang nagbatian ang mga bagong dating at mga kasama nila ni Geraldine bago naupo sa naroong
mga sofa. May magkatapat na dalawang mahabang sofa. Sa pagitan naman niyon ay mayroong single
sofa, wala roong naupo. Nasa sentro niyon ang center table kung saan naman inilapag ang isang itim na
attachecase. Mukhang doon nakalagay ang mga dokumento na pipirmahan mamaya.

Kung kanina ay go pa ang pakiramdam niya dahil sa pag-aakalang walang ibang makakakilala sa kaniya,
ngayon naman ay kabaligtaran.

lginiya siya ni Mr. Smith paupo sa sofa. Sa bandang dulo siya naupo. Parang gusto niyang mapatayo nang
maupo rin si Mr. Smith sa tabl niya at pumaikot pa ang isang kamay sa maliit niyang baywang. Hinapit
pa siya nito palapit dito. Kung hindi lang dahil sa dalawang oras na

trabaho rito ay nilayasan na niya ito. Hindi siya sanay sa ganoong gesture.

"Let's begin," ani Mr. Heussaff na nagpakurap pa kay Mhorric na noon ay nakatingin sa kamay ni Mr.
Smith na nakapulupot sa baywang ni Candy. Nagbawi na ito ngtingin at bumaling sa kasama nito.

Sumulyap si Candy kay Geraldine na nakahilig pa ngayon sa braso ni Mr. Heussaff. Sa isip ay nahila na
niya ang buhok ng kaibigan. Bakit mukhang mas feel na feel nito ang moment? Dahil ba feel na feel din
nito ang kasama? May hitsura din kasi angdalawa nilang kliyente kung iyon lang ang pag-uusapan. Pero
hindi siya katulad ng kaniyang kaibigan dahil kulang na lang ay hilahin na niya ang oras.

Lihim na lang siyang nakinigsa usapan ng mga ito. Dahil foreigner ang mga kasama nila, kaya naman
wikang Ingles ang garnit ng mga ito sa pagsasalita. At siya, habang nagsasalita si Mhorric? Hayon na
naman ang gaga niyang puso na triple pa ang paghanga rito nang mga sandaling iyon. Parang lalo itong
tumalino sa paningin niya. Sa isip ay pinalakpakan pa niya ito. "If you need something, just tell me," ani
Mr.

Smith na inilapit pa ang bibigsa may tainga niya.

Ang sarap nitong itulak sa may mukha, sa totoo lang. Ganoon pa man ay nginitian niya ito ng matamis.
Baka maging bato pa ang fifty

thousand na sasahurin niya mamaya.

"Okay."

Gumanti rin ito ng ngiti sa kaniya bago ibinaling sa mga kausap ang tingin. Takot siyang tingnan si
Mhorric. Ewan ba niya pero hayon ang kaba sa dibdib niya. Wala naman siyang ginagawang masama
pero pakiramdam niya ay kasalanan ang ginagawa niya nang mga sandaling iyon. Kung bakit kasi sa
dinamirami ng ka-deal nitong Sina Mr. Smith, eh, kasama pa roon si Mhorric? Kung sana ay kamukha
lang nito, pero hindi. Dahil kaboses na kaboses nito. At isa iyon sa na-miss niya. Ang boses nito na kay
sarap sa pandinig.

Bago sumapit sa pirmahan ng kontrata ay huminto muna ang mga ito sa pag-uusap at tila ba nagkaroon
muna ng break para kumain. Dumating na kasi ang mga pagkain na siyang inihain agad sa pahabang
lamesa sa may dining area. Doon lang din nagkaroon ng chance si Candy para umiwas sa mga matang
panaka-naka kung sumulyap sa kaniya. Agad siyang nagpaalam kay Mr. Smith na magbabanyo lang.

Sa 100b ng banyo ay saka lang siya nakahinga nang maluwag. Napapikit pa siya habang nakasandal sa
may nakasarang pinto.

"Mhorric," mahina pa niyang anas. Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Agad tumutok
angtingin niya sa babaeng nasa may

salamin. Repleksiyon niya iyon. Pakiramdam niya ay ibang-iba iyon sa nakasanayan niyang Candy.
Masyadong elegante ang babaeng iyon. Kapag talaga naayusan siya at nadamitan ng maganda, hindi siya
kahiya-hiyang itabi sa mga taong matataas ang estado sa buhay.

N apabunton g-hininga siya.

Deep inside ay natutuwa siya na makita si Mhorric. Pero hindi sa ganito kaalanganin na sitwasyon.

Naghugas siya ng kamay at agad lyong pinatuyo sa hand dryer na nasa may gilid lang ng sink. Muli niyang
sinipat ang sarili sa salamin. Okay na okay pa rin ang makeup niya. Para bang pang matagalan talaga
iyon.

Matapos matuyo ang kaniyang mga kamay ay nakailang beses pa siyang huminga nang malalim bago
ipinasya na lumabas sa banyo. Lihim pa siyang nakahinga ng maluwag nang makitang walang tao sa
labas ng banyo.
Ngunit sa lamesang kakainan nila, ang natitirang silya na bakante ay nasa pagitan ni Mhorric at Mr.
Smith. Parang gustong manlambot ng mga tuhod niya habang naglalakad palapit sa may lamesa.

Kung kailan mas gusto niyang bumilis ang oras, saka naman animo pagong sa sobrang bagal

No choice na rin siya nangtumayo na si Mr

Smith at ipaghila pa siya nito nang mauupuan sa may tabi nito at ni Mhorric. Halos pigilan niya ang sarili
na balingan si Mhorric. Pero hagip ng paningin niya sa kaniyang peripheral vision ang lalaki. Tahimik lang
itong kumakain habang ang dalawa nitong kasama ay Sige sa pakikipagkuwentuhan sa kliyente nila.

Ipinaglagay rin siya ni Mr. Smith ng makakain sa kaniyangpinggan.

"Thank you," aniya rito.

"My pleasure," ganting wika nito.

"Mr. Smith, you're not just lucky in business, huh?" anang isa sa kamasa ni Mhorric na nasa tapat nila.

"Why?" nangingiting balik-tanong ni Mr. Smith.

"You have a gorgeous young lady beside you."

Mukhang pati iyon ay nakuha ng kagandahan niya ang atensiyon.

"Ah, yeah. I am lucky for having Stella beside me. She's my lucky charm for today. Right, honey?'

"Of course," nakangiti niyang sang-ayon.

Nahagip pa ng kaniyang paningin nang kunin ni Mhorric ang baso sa harapan nito at uminom doon.

NAGKAPIRMAHAN na ng kontrata ang mga kasama nila sa silid na iyon. Hindi rin maikakaila ang saya sa
mga mata nina Mr. Smith at Mr.

Heussaff. Million dollar investment ba naman ang pinag-uusapan na nakuha ng mga ito.

Sisiw na sisiw angtig-fifty thousand na ibabayad sa kanila ni Geraldine para sa dalawang oras na serbisyo.

Matapos magkapirmahan ay nauna pang nagpaalam na aalis na si Mhorric. Sa isip ay nakaramdam ng


panghihinayang si Candy dahil mukhang matatagalan na naman ang susunod nilang pagkikita. Sa isip ay
napabuntong-hininga siya.

Ni hindi siya nito kinausap o ano pa man. Siguro nga, hindi siya nito nakilala. At nang tawagin pa siyang
Stella ni Mr. Smith ay doon na siguro tuluyang turnatak dito na hindi siya si Candy.

Nang umalis sila sa kinaroroonan nilang hotel ay muli rin silang inihatid nina Mr. Smith sa isa pang hotel
kung saan sila nagkita-kita kanina.

"Thank you for this day," nakangiti pa nitong wika sa kaniya bago siya burnaba sa kotse nito.
Para bang nag-loading pa ang isip niya kung ano ang dapat niyang isagot dito. Palibhasa ay hindi naman
siya sanay makipag-usap ng English.

"Y-you're welcome, Slr

"We're having a pool party tonight. If you want to come, please don't hesitate," pag-aaya pa nito sa
kaniya.

"l can't, Sir. I'm not used to wear this kind of heels, that's why I want to rest my feet first, dahilan pa
niya.

"Oh," tila ba nanghinayang ito sa naging tugon niya. "Okay. Maybe next time, then?"

At talagang gusto pa siya nitong makita? Sorry ito dahil kahit gentleman naman ito ay tinitiyak niya na
iyon na ang una at huli na magkikita sila.

"Sure," nakangiti niyang tugon.

"Great. Before you leave, take this as your bonus," anito na inilagay sa kamay niya ang isang sobre na
may kakapalan ang laman.

Pera ba 'yon? Pero sabi nito na bonus niya iyon.

"S-Sir—"

"Just take it," nakangiti nitong wika bago bumaba sa kotse at pinagbuksan siya ng pinto sa m ay passen
ger seat.

Wala ng nagawa pa na inilagay na lang ni Candy sa dala niyang sling bag ang puting sobre na ika ni Mr.
Smith ay bonus niya.

Hindi na rin naman ito nagtagal pa. Ganoon din si Mr. Heussaff. Saka lang siya tila ba nakahinga nang
maluwag.

"Grabe," ani Geraldine na para bang nasa cloud nine pa. "Sana maulit muli," nangingiti pa nitong wika.
"Ang guwapo ni Mr. Heussaff."

Nabura ang ngiti sa labi nito nang matitigan siya.

"Candy, okay ka lang?"

"O-okay lang ako."

"Bakit daig mo pa ang na-harass sa hitsura mo? Hindi ka naman siguro hinawakan sa legs ni Mr. Smith?"
natatawa pa nitong tanong.

Urniling siya. "Hindi."


"Hindi ka okay. May nangyari ba?" sumeryoso na ito.

Hindi rin naman makaka-relate si Geraldine sa sentiments niya. Binalingan niya ito. "Okay lang ako.
Geraldine. .. aniya kapagkuwan.

'"Yong bayad na ibibigay sa akin ni Vergie, para sa iyo 'yon."

Kumunot ang noo nito. Para bang hindi agad naunawaan ang kaniyang sinabi.

Saka lang sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Slow ka rin pala minsan," aniya rito. "Sabi ko, 'yong kinita ko ngayon clito sa raket natin, para sa iyo
'yon. Idagdag mo sa ipapadala mo sa nanay mo."

"Uy, 'wag ka ngang magbiro ng ganiyan," bigla ay tila ba naluluha nitong wika sa kaniya nangtuluyang
mag-sink in sa isip nito ang kaniyangsinabi.

"Totoo. Hindi ako nagbibiro. Sinamahan kita ngayon dito, hindi dahil gusto ko lang ding kumita. Pero
dahil gusto ko ring mapagaan ang isipin mo sa magulang mo. Ang mabuti pa, ikaw na mismo ang umuwi
sa inyo at magdala ng pera. 'Wag mo ng ipadala sa padalahan. Para makita mo rin ang pamilya mo.
Geraldine, 'wag mong sayangin 'yong chance habang nariyan pa ang mga magulang mo. Mas matutuwa
ang nanay mo at tiyak na mas gagaling agad kapag nakita ka." Tinapik niya ang balikat nito. "Naranasan
ko na 'yong pakiramdam na walang-wala. Lalo na at kailangan mo ng pera para maipagamot ang
magulang mo."

"Candy," naluluhang bulalas ni Geraldine bago siya niyakap. "Bakit ka ganiyan? Fifty thousand 'yon.
Ibibigay mo talaga sa akin?" "00 nga PO," aniya na pinigilan ang maging emosyonal nang mga sandaling
iyon.

"Salamat, Candy. Sana bigyan ka ni Lord ng mayamangjowa."

"Baliw," natatawa pa niyang wika. "Tama na ang drama."

"Thank you talaga. Mas pinakilig mo pa ako kaysa sa pangiti-ngiti ni Mr. Heussaff sa akin kanina."
Turningala ito para hindi tumulo ang luhang nasa mga mata nito. "Tara muna sa lobby ng hotel at
pinapawisan na ang likod ko rito sa labas," ani Geraldine na hindi na hinintay ang sagot niya. Hinila na
siya nito sa kamay papasok sa entrada ng hotel. "Aaah, mas masarap turnambay rito kaysa sa labas."

Malamig nga naman ang ibinubugang hangin sa 100b ng hotel na iyon. Mas masarap sa pakiramdam. Sa
labas naman ay nag-aagaw na angdilim sa kalangitan. Alam niya na hindi magtatagal ay darating na rin si
Vergie para sunduin sila.

Muli silang naupo ni Geraldine sa may lounge area sa lobby ng hotel.

"Candy," ani Geraldine na turnayo na.


"Punta lang muna ako sa CR, ha? Kapag dumating si Vergie, pakisabi na nasa banyo lang ako." "Sige,"
pagpayag niya rito. May pagmamadali naman na naglakad palayo si Geraldine.

Naka-cross legs siya habang nakaupo. Lalo kasing umiksi ang laylayan ng suot niyang dress na hapit din
sa may legs niya dahil nakaupo siya. Wala naman siyang ibang panaklob sa hantad niyang legs kundi ang
maliit niyang sling bag.

At kung maaari lang at hindi awkward tingnan, gusto na niyang tanggalin ang suot na high heels sa
kaniyang mga paa at magyakap na lang siya. Tiningnan pa niya iyon at bahagyang hinilot-hilot.

Mayamaya pa, nang maramdaman ni Candy ang pag-upo ng kung sino sa tabi niya ay siyang angat din ng
kaniyang tingin sa pag-aakalang burnalik na si Geraldine. Pero ganoon na lang nang matigilan siya sa
nakita.

Hindi si Geraldine ang naroon na nakaupo ngayon sa tabi niya. Kumurap pa siya ng isang beses, baka kasi
namamalikmata lang siya. Pero hindi nagbabago ang hitsura ng lalaking nasa tabi niya ngayon. Parang
gusto niyang turnakbo palayo.

Agad siyang nagbawi ngtingin nang burnalingdin ito ngtingin sa kaniya. Hayon na naman ang malakas na
kabogsa kaniyang dibdib. Hindi na naman papigil.

At ano'ng ginagawa roon ni Mhorric Soliven? Naupo pa talaga ito sa may tabi niya. Alam niya at ramdam
niya, hindi iyon nagkataon lang. Sinikap niyang huwag mailango ano pa man.

"What game are you playing this time,

lyong kaba sa dibdib niya ay tila ba lalong nagsalimbayan dahil sa sinabi ni Mhorric. Binanggit pa nito ang
kaniyang pangalan. Ibig lang niyong sabihin ay nakilala siya nito. Hindi maaari!

"l know it's you," dagdag pa nito.

Lihim muna siyang huminga nang malalim bago ito muling binalingan. Sila lang naman ang

magkatabi roon kaya natural lang na siya nga ang kausap nito at hindi niya puwedeng ipagkamali iyon sa
iba.

"I'm not Candy," aniya na kimi pa itong nginitian. "Excuse me," wika pa niya bago tumayo na at akmang
lalayo rito nang mabilis siya nitong pinigilan sa kaniyang braso.

"Bakit parang umiiwas ka?"

Binawi niya ang brasong hawak nito at kaswal itong hinarap kahit na gusto ng tumalon ng puso niya.
"Hindi ako umiiwas, Mister. Wala namangdahilan para urniwas."

Rea Ily? "

"Candy, wala pa rin ba si Vergie?"


Parang gusto niyang bum ukas ang sahig sa kaniyang kinatatayuan at lamunin na siya nang bigla namang
lumapit sa kaniya si Geraldine at tawagin pa siya sa kaniyang totoong pangalan.

At si Mhorric sa kaniyang harapan ngayon? Hayon at may sumilay pang munting ngiti sa sulok ng labi
nito habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Para bang, ngiting tagumpay iyon.

Paano pa siyang lulusot dito ngayon kung buking na siya agad? Ano pa ang idadahilan niya? Parang siya
pa itong napahiya ngayon dahil sa pagtanggi niya kanina na hindi siya si Candy. Tapos sa huli ay
malalaman nito na hindi ito nagkakamali at tama ito sa hinala nito.

Chapter 39

LORD, bakit naman po dinala niyo pa sa harapan ko itong si Mhorric? Ako pa ngayon ang napapahiya sa
kaniya...

Nagbawi siya ngtingin at si Geraldine ang hinarap. Sa isip ay pinanlakihan na niya ito ng mga mata.

"Wala pa," sagot niya sa tanong nito kung dumating na ba si Vergie.

Nang makita ni Geraldine si Mhorric ay natigilan pa ito. Mukhang namukhaan nito ang lalaki na kasama
nila kanina sa hotel.

'"Di ba, 'yan 'yong isa sa ka-deal ng mga kasama natin?" impit na bulongsa kaniya ni Geraldine nang
lumapit ito ng husto sa kaniya.

"Ano'ng gin agawa niya rito?"

"Hindi ko alam," tanging sagot niya na turnikhim pa bago muling hinarap si Mhorric. Buking na rin
naman siya. Kaysa magmaang-maangan pa na hindi siya si Candy ay itinigil na niya. Siya rin naman ang
mapapahiya sa huli.

Seryoso na ang guwapong mukha ni Mhorric nang muli niyang tingnan. Hindi niya mabasa kung ano ba
ang iniisip nito ngayon tungkol sa kaniya. Lalo na at kasama siya ng mga taong

nakipag-deal dito para sa isang multi-million dollar investment.

Akmang magsasalita siya nang siya namang dating ni Vergie.

"Girls, tumawag si Mr. Heussaff, baka raw gusto ninyong um-attend sa party mamaya," bungad agad nito
nang makalapit sa kanila. Para bang excited ito sa idea na iyon. Burnaling si Vergie kay Candy. "Mag-flat
shoes ka na lang daw para hindi sumakit ang mga paa mo, sabi ni Mr. Smith. Ang lakas ng tama sa iyo,
ha? Gusto pang umulit," natatawa pa nitong dagdag.

lyong sana ay sa private place na lang nito binanggit ang mga iyon. Dahil nasa kalapit lang nila si Mhorric.
Ang sarap talagang mag-walk out.
"Vergie," ani Geraldine na hinila si Vergie palayo sa kanila. Saka nito sinabi kung sino ang lalaking nasa
kalapit lang nila.

Napahawak naman si Vergie sa bibig nito at pasimple pang sumulyap kay Mhorric.

"Ano'ng trabaho mo ngayon?" malamig pa sa yelong tanong ni Mhorric.

Nakagat niya ang ibabang-labi. Isang hinga pa nang malalim bago niya ito muling hinarap.

"Bakit interesado kang malaman?"

Bahagyang tumiim ang labi nito. "Wala ka na bang ibang alam na matinongtrabaho? Lahat na lang talaga
ay pinatos mo?"

Bakit kailangan niyang masaktan sa sinabi nito? Wala naman iyong katotohanan. At isa pa, hindi naman
nito alam ang totoong dahilan kung bakit siya naroon ngayon. At kung alam lang niya na magiging
involve ito sa pangyayaring iyon nang araw na iyon, nuncana papatusin niya ang trabaho na iyon.

"May problema ba sa trabaho ko?" balik niya rito. "Alam mo, kung hindi mo masikmura, puwede ka
namang magkunwari na hindi mo ako nakilala. Walang kaso sa akin 'yon. Pasensiya kung na-disappoint
ka," aniya bago ito tinalikuran.

Bakas sa magandang mukha niya ang sakit dahil sa kaniyang sinabi. Huminga siyang muli ng malalim
bago ipinasya na lapitan na Sina Vergie. May lungkot na burnangon sa kaniya. Ayaw pa naman niya na
kinakain siya ng kalungkutan.

Pero bago pa siya tuluyang makalapit kina Vergie ay napahinto siya sa paglalakad nang bigla ay ibalabal
ni Mhorric ang hinubad nitong coat sa kaniyang mga balikat. Napakurap-kurap siya sa ginawa nito.

Sunod niyon ay iginiya na siya nito sa paglalakad habang nakahawak sa may baywang niya. Para bang
daig pa niya ang naloka sa ginawa nito. Naguguluhan siya kung bakit kailangan pa nito iyong gawin.

"Hiramin ko muna si Candy," paalam pa nito

kay Vergie na laglag ang panga sa ginawa nito sa kaniya.

"S-sandali, baka hindi mo kaya ang rate ng alaga 1<0?" apila pa ni Vergie.

"Name your price," wika pa ni Mhorric dito.

"One hundred thousand," sakay ni Vergie sa sinabi ni Mhorric.

"Vergie," apila niya rito.

"Deal," iyon lang at nagpatuloy na sa paglalakad si Mhorric kasama siya.

Shock si Candy sa mabilisang deal na iyon.


Naiwan namang mga nakanganga Sina Vergie at Geraldine habang habol sila ngtingin palabas ng hotel.

Seryoso ba talaga si Mhorric sa sinabi nito?

Nang makalabas sa hotel ay naiimposiblehan pa rin na hinarap niya si

Mhorric. "Nagbibiro ka lang sa pakikipag-deal mo kanina kay Vergie, 'di ba?" Umoo ka, Mhorric!

"Hella serious, Candy. Now, get in," anito nang huminto ang isang magarang sports car sa harapan nila at
buksan nito ang pinto sa may passenger side.

Gusto niya itong pagtawanan. At talagang tototohanin nito ang pagbabayad ng one hundred thousand
para lamang makasama siya?

"Sakayna."

"Mhorric—"

"Mamaya na tayo mag-usap," putol nito sa kung ano pa man angsasabihin niya. Dahil hindi siya matinag
sa kaniyang kinatatayuan kaya pati sa pagsakay sa kotse ay inalalayan din siya nito.

Bakit gusto pa siya nitong makausap? Gusto ba nito na sermonan pa siya dahil sa pinapasok niyang uri
ng trabaho?

Nang makaupo siya sa may passenger seat ay agad ding lumigid si Mhorric sa may driver side.
Pinagbuksan pa ito ng isang unipormadong lalaki ng pinto para makasakay. At bago pa harapin ni
Mhorric ang manibela ay urnisod pa ito palapit sa kaniya.

Para bang nalulon niya angdila niya nang lumapit ito ng husto sa kaniya. Nang ilapit pa ni Mhorric ang
guwapong mukha nito sa kaniya, inakala pa niya na hahalikan siya nito kaya naman napapikit pa siya.
Ngunit nang wala namang nararamdaman na lumalapat na labi sa kaniya ay unti-unti niyang iminulat
ang mga mata. Hayon at kinabitan lang siya nito ng seat belt. Pakiramdam niya ay napahiya na naman
siya dahil sa pagka-assuming niya.

May gumuhit pang munting ngiti sa labi nito dahil sa naging reaksiyon niya bago umayos na rin ng upo.
Nagkabit din ito ng seat belt sa sarili nito. Pagkuwan ay agad din namang pinasibad ni Mhorric ang kotse
nito.

Ibinaling niya angtingin sa may labas ng

bintana at mariing pumikit. Nakakahiya na may papikit-pikit pa siyang nalalaman kanina. Ano na lang ang
iisipin nito? Na umaasa siya na makakahalik dito? Napabuga siya ng hangin sa kaniyang bibig.

Salamat sa coat ni Mhorric at naibsan ang lamig na nararamdaman niya. Malakas kasi ang buga ng aircon
sa kotse nito. Pasimple pa niyang sininghot ang bango ng coat nito. Nakadikit doon ang mabangong
pabango nito.
Ni wala sa hinagap niya na ganito ang ending ngtrabaho niya sa araw na iyon. Na sa halip na magpahinga
siya ay si Mhorric pa ang hulingtao na makakasama niya. Makalipas ang isang taon ay muli silang
nagkita. .. pero sa napakaalanganing sitwasyon. To the point na gusto niyang i-explain ang kaniyang side
kung bakit niya nagawa angtrabaho na iyon.

Hindi naman nagtagal at huminto sila sa isang mataas na residential condo. Malaki ang pangalan na
nakabalandra sa labas ng mataas na gusaling iyon. The LPG Tower, iyon ang pangalan niyon. Bagay na
ikinakunot pa ng noo niya.

LPG talaga?aniya sa kaniyang isipan.

Napakurap-kurap siya nang biglang burnukas ang pinto sa gilid niya. Nakalabas na pala si Mhorric ay
hindi pa niya alam. Siya na ang mabilis na nagtanggal ng suot niyang seat belt at baka maulit pa iyong
kanina.

Huminga muna siya nang malalim bago burnaba sa kotse. Katulad kanina, may sumakay roong
nakaunipormadong lalaki at pinasibad na ang sasakyan palayo.

Kumunot tuloy ang kaniyang noo. Napansin ni Mhorric ang reaksiyon niya na iyon.

"Hiram mo lang ba 'yon?" baling pa niya rito.

"Igagarahe lang 'yon. Let's go," anito na muli ay iginiya na siya papasok sa lobby ng The LPG Tower.

Para siyang papel na tangay-tangay lang ni Mhorric. Kung saan man sila pupunta, ito lang ang
nakakaalam. At kumpara sa humahawak sa may baywang niya, bakit parang mas kumportable pa siya
kay Mhorric kaysa kay Mr. Smith kanina na halos itulak na niya palayo sa kaniya?

At bakit ganoon pa rin ang epekto ng isang Mhorric Soliven sa kaniya? Ang puso niya ay
nagsasalimbayan pa rin para dito.

Sumakay sila sa elevator. Wala silang imikan ni Mhorric hanggang sa makarating sila sa ika-twenty-eight
floor at hayunin ang isang unit.

Pagkabukas ni Mhorric sa pinto na digital ang lock ay unang bumungad sa kanila ang munting foyer.
Pagkuwan ay ang malawak na salas. May hagdanan pa paitaas. Ibig sabihin, kung sa isang bahay ay may
ikalawang palapag ang unit na iyon. Bahay na bahay ang datingan

niyon. Manly ang interior design. Doon ba nakatira si Mhorric?

Kahit na hindi siya inaalok na maupo ni Mhorric sa may sofa sa salas ay nagkusa na siya dahil sa mga paa
niya na hindi na maganda ang lagay sa suot niyang high heels. Nang makaupo ay agad niyang hinubad sa
kaniyang pobreng paa ang high heels na suot.

There, kay ginhawa sa pakiramdam.


Si Mhorric naman ay dumiretso sa kusina. Pagbalik nito sa salas ay may dala na itong maiinom para sa
kaniya. Maingat nito iyong inilapag sa center table bago ito naupo sa one setter na sofa sa tabi niya.

Siya naman aytumayo at hinubad angsuot na coat. Pero sa halip na ibigay iyon kay Mhorric ay ipinatong
niya iyon sa kaniyang hita nang siya ay muling naupo. Masyado kasing maiksi ang laylayan ng suot niyang
dress. Hindi siya sanay na hantad na hantad ang legs niya.

"Dito ka ba nakatira?' hindi niya napigilang itanong kay Mhorric.

"Hmmm," tugon nito.

Kung ganoon, dito ito sa Pagbilao City nag-stay? Siguro ay nasa lugar din na iyon ang negosyo nito.

Candy, hindi naman kayo super close para magkamustahan pa. Tapusin mo na kung bakit ka ba nasa
lugarna 'yan ngayon, sita pa sa kaniya ng

kaniyang isipan.

Urninom muna siya ng malamig na tubig para maibsan ang uhaw na nararamdaman niya.

Nang sulyapan pa niya si Mhorric ay nasa kaniya ang atensiyon nito. Inatake na naman siya ng
pagkailang dito. Pero hindi siya nagpahalata rito na kinakain na siya ng pagkailang. Idagdag pa na
napakaguwapo nitong lalo ngayon.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang mag-aksaya ng oras sa akin," simula niya. "Sa katulad mo
na para bang ginto ang bawat oras."

"Tama ka. Para sa akin, time is really gold."

"Kung ganoon, bakit kailangan mo pang aksayahin sa walang kakuwenta-kwentang bagay? Dinala mo pa
ako rito sa bahay mo."

"So what? Bayad ko naman ang oras mo."

Tumiim ang labi niya sa sinabi nito. Hindi niya iyon nagustuhan. Ganoon pa man ay hindi siya puwedeng
magpatalo sa mga sinasabi nito. Ayaw niya na siya itong iiyak-iyak sa huli. Naroon na siya. Kaya kailangan
niya na magpakatatag sa harapan nito.

"Fine. Isang oras lang ang katumbas niyon," taas ang kilay na wika niya rito. "Kaya sulitin mo na dahil
kanina pa tumatakbo ang oras mo."

Sa isip ay pinalakpakan na niya ang sarili dahil napaka-casual ng pagkakasabi niya niyon. "Isang oras?
Wala bang tawad 'yang oras

"Wala," aniya na tumayo kahit walang sapin sa paa. May carpet naman sa sahig ng buong salas kaya
masarap sa paang lakaran. Ipinatong muna niya sa may sofa ang coat ni Mhorric bago naglakad palapit
sa glass wall kung saan kita ang view ng mga nagtataasang building sa hindi kalayuan. Gusto lang din
niyang makaiwas sa mga titig ni Mhorric na para bang tinutunaw siya.

Pero mukhang hindi umaayon sa nais niya dahil sumunod sa kaniya si Mhorric at tumayo pa sa tabi niya.

"Bakit nauwi ka sa ganitong trabaho?"

Gusto niya sanang sabihan si Mhorric na bakit hindi ito maka-move on sa klase ng trabaho niya? Isinaisip
na lamang niya iyon.

"Bakit hindi?"

"Dahil ba easy money?"

Huminga muna siya nang malalim bago ito bahagyang hinarap. "Ano ba'ng problema mo sa trabaho ko
ngayon? Sabi ko naman sa iyo na kung nadudumihan ka, magkunwari ka na lang na hindi mo ako kilala.

"Napakarami kasing matinong trabaho, bakit ganiyan pa? Makikita na lang kita ay ganiyan pa ang
ginagawa mo. Akala ko ba, mas gusto mo ang matinong trabaho?" marahas itong bumuntong-hininga.
Para bang mas frustrated pa

ito kaysa sa kaniya.

lyong nagagalit na ito pero siya ay lihim pang natatawa sa reaksiyon nitong iyon.

"Matino naman 'yong ganitong trabaho, ah," gatong pa niya sa sinabi nito. Nakatikim tuloy siya ngtingin
nito na para bang nagsasabi na... are you out ofyour mind?

"Tigilan mo na 'yang ganiyang trabaho. Last mo na 'to," sa halip ay wika nito.

Hay. .. kung alam lang nito na talagang iyon na ang una't huli niyangtatrabahuhin ang ganoong uri ng
trabaho. Para saan pa ba ang pagpapaliwanag dito kung baka iyon na rin ang huli nilang pagkikita?

Ibinalik niya ang tingin sa mga nagtataasang gusali sa hindi kalayuan.

"Hindi ko alam kung concern ka lang ba sa akin o hindi mo langtalaga masikmura na makita ako sa
ganitong uri ng trabaho?"

Hindi agad nagsalita si Mhorric. Sinulyapan siya nito kapagkuwan. He sighed. "The truth? Hindi ako
natutuwa na makita ka sa ganiyang klase ng trabaho. Kahit na idahilan mo pa na easy money at malaki
ang kinikita mo. Alam ba 'yan ng mga magulang mo?"

Umiling siya. Baka matuktukan siya ng kaniyang ama kapag nakarating sa mga ito na pumasok siya bilang
isang escort. Kahit na sabihin na wala namang involve na sex.

Katahimikan angsunod na namayani sa pagitan nilangdalawa. Bumalik na naman ang nararamdaman


niyang pagkailang.
"Salamat sa sermon. Pero gusto ko ng umuwi at magpahinga. Libre na itong ibinigay kong oras sa iyo.
Kahit 'wag mo ng bayaran, hindi ka naman iba, eh," aniya na tinalikuran na si Mhorric at binalikan sa
may tabi ng sofa ang high heels niya.

Sa buong maghapon na naging busy ang bawat oras niya, ngayon niya mas naramdaman iyong pagod

Pinanood lang siya ni Mhorric sa pagsusuot ng kaniyang high heels sa paa. Mukha namang wala itong
balak na pigilan siya sa pag-alis.

Assuming siya masyado kung iisipin pa niya iyon.

May kirot pa rin sa kaniyang mga paa nang turnayo siya. Pero ininda niya. Mamaya naman ay
makakapagsuot na siya ng tsinelas. Kabastusan naman kung basta na lang siya aalis kaya hinarap pa niya
si Mhorric.

"Alis na ako," paalam pa niya rito.

"Okay," sa halip ay sagot nito.

Gusto niyang mainis dahil okay na okay lang dito na urnalis na siya pero ano ba ang karapatan niya?
Nagbawi na siya ngtingin at hindi na nangahas pa na tingnan si Mhorric. Wala ng imik na hinayon niya
ang kinaroroonan ng pinto. Feeling naman siya masyado kung pipigilan pa siya nito sa pag-alis.

Malungkot pa siyang bumuntong-hininga bago pinihit ang door knob. Pero hindi naman iyon mapihit
para bumukas ang pinto. Kumunot ang kaniyang noo. Naka-lock kasi ang naturang pinto.

Napilitan siyang pumihit sa likod niya. Sandali pa siyang natigilan nang makitang palapit sa kinaroroonan
niya si Mhorric.

"Naka-lock 'yong pinto," inporma niya rito na halos hindi ito matitigan sa mga mata nito.

"Makakaalis ka lang kapag nabuksan mo 'yan," makahulugan pa nitong wika na bahagyang ikinamaang ni
Candy.

"Mhorric

"We're not done yet, Candy," anito na c-in-orner siya sa may pinto at walang babala na sinakop ng labi
nito ang kaniyang labi.

Pati yata dulo ng buhok niya ay na-shock sa ginawa nito.

Chapter 40

"WE'RE not done yet, Candy...


Para iyong batingaw na paulit-ulit sa pandinig ni Candy. 00, hindi niya ikakaila na na-miss niya ang mga
labing iyon... ang halik nitong iyon. Pero hindi niya sigurado kung bakit siya nito hinahalikan ngayon.

Na-miss din ba siya nito o dahil langsa isang daang libo na ipinangako nito kay Vergie kanina? Kung
seryoso man ito sa bagay na iyon.

Kahit gustuhin man ni Candy na magpakalunod sa halik nitong iyon, hindi maaari. Hindi niya iningatan
ang sarili para lang magpakarupok na naman kay Mhorric. Kaya bago pa siya tuluyang malunod sa halik
na iyon ay siya na ang kusang pumutol niyon.

Iniiwas niya ang mukha rito nang akmang hahalikan siya nitong muli. Ang dalawa niyang kamay ay
inilapat niya sa dibdib nito para bahagya itong itulak palayo. Sandaling paglalapat ng mga labi nila pero
heto at nanlalambot ang mga tuhod niya. Isinandal niyang tuluyan ang kaniyang likuran sa may pinto
para kumuha ng sapat na suporta.

"H-hindi por que ibinigay kong libre ang oras ko sa iyo kanina ay lulubus-lubusin mo naman,"

asik pa niya rito. Hindi niya ito magawang tingalain at baka halikan na naman siya nito. Baka burnigay
ang natitira niyang pundasyon. Mahirap na.

Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa sulok ng labi ni Mhorric na wala yatang balak na lumayo sa kaniya. Sa
halip ay bumaba pa ang isa nitong kamay sa may baywang niya at hinapit siyang lalo palapit dito.
Napalunok siya sa ginawa nito.

"M-Mhorric—"

"Candy, sabi mo nga hindi na ako iba sa iyo

"Pero hindi kasali roon na hahalikan mo ako."

"Para namang hindi natin ito ginawa noon," he even teased. "Hindi mo ba na-miss?"

Lord, please lang, delekado ho ang katawang lupa ko rito sa lalaking ito, tungayaw niya sa kaniyang
isipan.

Huminga muna siya nang malalim bago ito lakas-loob na tiningnan sa mga mata nito. "A-ano ba sa tingin
mo ang ginagawa mo?"

"Come on, Candy. Kung magaling kang makipaglaro sa ibang lalaki, 'wag kang umasta na para bang pa-
hard to get ka pa," ani Mhorric na turniim pa ang bagang. Tila ba maging ito ay hindi nagustuhan ang
ideya na iyon.

Mapait siyang napangiti sa sinabi nito. Kung

ganoon, iniisip ba nito na easy to get na siyang babae ngayon basta may perang involve?

"Name your price. Tutal naman, mahilig ka sa... the price is right, 'di ba?"
Buong puwersa na itinulak niya ito palayo sa kaniya. Pasalamat siya at natinag ito at napaatras palayo sa
kaniya.

"Buksan mo na itong pinto," pigil ang maging emosyonal na wika niya. Nasasaktan siya sa inakto nito.
"Kung kailangan mo ng babae, siguradong maraming magkukumahog diyan para sa iyo. 'Wag mo na lang
akong isama sa listahan mo," aniya na tinalikuran na ito at muting pinagpipihit ang door knob ng pinto
nito. Wala siyang pakialam kung masira man niya iyon. "Pakiusap, pakibuksan nito. Gusto ko ng umalis
dito."

Marahas namang bumuntong-hininga si Mhorric. Kung ano man ang nasabi nito ay hindi na nito
mababawi pa. Nasaktan na siya nito sa mga salitang binitiwan nito.

"Candy—"

Itinaas niya ang isang kamay para lang patigilin ito sa pagsasalita. '"Yong pinto, pakibukas."

Pero mukhang wala itong balak.

Putik! aniya sa isip nang sumungaw na ang luha sa kaniyang mga mata. Para bang pinipiga ang puso niya
nang mga sandaling iyon. lyong mag-isip na ang iba ng masama tungkol sa kaniya, 'wag lang ang pamilya
niya. Pero heto at nangsi Mhorric naman ang mag-isip sa kaniya ng masama. .. hindi rin matanggap ng
puso niya kahit na alam naman niya sa sarili niya na hindi siya katulad ng iniisip nito.

Kinagat niya ang ibabang-labi at hinayaan ng pumatak ang butil ng luha mula sa kaniyang mga mata.
Pigil-pigil naman niya na may kumuwalang hikbi sa kaniyang mga labi. Ayaw niyang magmukhang
mahina pero nasagad na siya nang mga sandaling iyon, idagdag pa na pagod siya at masakit na ang mga
paa sa suot na high heels.

Muli siyang nilapitan ni Mhorric. Ngunit hindi para buksan ang pinto. Hinawakan siya nito sa kaniyang
magkabilang balikat at marahang pinihit paharap dito. Agad niyang iniiwas ang mukha na may bakas ng
luha.

Napabuntong-hininga si Mhorric nang makita ang luha sa pisngi niya. Sa halip na magsalita o ano pa man
ay nag-squat ito sa may harapan niya at walang imik na muling kinalas sa kaniyang mga paa ang suot
niyang high heels. Buong ingat ito sa gin agawa tipong ayaw madagdagan ang sakit na nararamdaman
niya sa kaniyang mga paa.

Inilagay lang nito sa isang gilid ang high heels niya at muling tumayo para harapin siya.

"I'm sorry," masuyo ng wika ni Mhorric.

Lalo lang niyang nakagat ang ibabang-labi.

Hindi pa rin niya ito magawangtingnan.

"Candy, I didn't mean to say those words. I'm sorry."


"Nasabi mo na. Ganoon na ba talaga ang tingin mo sa akin?" aniya nangtingalain ito. Sumabay pa ang
pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. Malungkot na naman siyang ngumiti. "Dahil lang nakita mo ako
sa ganoong klase ng trabaho kanina, inisip mo na agad na ganoon ako. Malay ko ba kasi na isa ka sa
susulpot kanina sa mga ka-deal ngclient namin. Kung alam ko lang, hindi ko tinanggap 'yong trabaho na
cyon.

Kahit sabihin mo pa na, the price is right

Akrnang papahirin ni Mhorric ang luha sa pisngi niya nang unahan niya ito.

"Pahiramin mo ako ng tsinelas," aniya kapagkuwan.

" Bakit?"

"Para makauwi na ako. Kakalimutan ko na lang din na nagkrus ang landas natin sa lugar na ito."

"Palagi kangsi pauwi," ani Mhorric na walang sabi-sabing pinangko siya.

"S-sandali—

"Hindi mo naman mabuksan 'yong pinto, paano ka makakauwi?" sa halip ay wika pa nito na muli
siyangdinala sa may salas. Sa mahabang sofa ay maingat siya nitong iniupo.

Seryoso ba talaga si Mhorric na kapag hindi niya nabuksan ang pinto sa unit nito ay hindi siya roon
makakaalis?

Naupo si Mhorric sa may bandang paanan niya. Napakurap-kurap pa si Candy nang iangat nito ang
dalawa niyang paa at ipatong sa may hita nito. At kahit hindi naman niya ipinapakiusap, hayon at hinilot-
hilot pa nito ang paa niya.

Unang dampi pa lang ng mainit nitong kamay sa paa niya ay pigil pa niya angsarili na masipa ito. Kakaiba
kasi ang dulot ng mainit nitong palad sa kaniya. May kakaibang kiliti.

"H-hindi mo naman kailangang hilutin pa ang mga paa 140. Mhorric!" apila na niya rito nang hindi siya
nito pansinin at magpatuloy lang sa ginagawa.

"Kanina mo pa ito infinda," sa halip ay wika nito.

N apabun ton g-hininga tuloy siya.

Binuksan niya ang dala niyang sling bag at kinuha roon ang kaniyang panyo na kulay pink. Maingat niya
iyong idinampi sa kaniyang mga mata. At nang ituloy lang ni Mhorric ang ginagawang paghihilot sa
kaniyang mga paa, kay ginhawa ng dulot niyon sa kaniya. Pero hindi lang paa niya ang apektado dahil
may kakaibang sensasyon din iyong idinudulot sa kaniya.
Humupa na ang pagluha sa kaniyang mga mata. Ngunit ang puso naman niya ang pumalit. .. wala na
naman iyongtigil sa pagkabog ng mabilis. Unti-unti niyang isinandal ang kaniyang likuran sa may arm rest
ng sofa.

Bakit ba kailangan pa iyong gawin ni Mhorric sa babaeng inakala nitong literal na bayaran?

Sa isiping iyon, kahit langit ang dulot ng pagmamasahe ni Mhorric sa kaniyang mga paa ay tinapos na
niya iyon. Binawi niya ang kaniyang mga paa at ibinaba na sa sahig. Umayos siya ng upo.

"Okay na 'yon," aniya rito. "Salamat."

"Hindi ko naman sinabi na libre 'yong pagmamasahe ko sa mga paa mo."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Ah, ganoon?"

There, ang mga mata nito ay nangingiti na habang nakatitig sa kaniya.

"Just kidding."

Inirapan niya ito. Ngayon ay may pa-kidding-kidding pa itong nalalaman. Kinuha niya ang nasa pagitan
nilang throw pillow at inilagay sa may arm rest ng sofa. Doon ay inihilig niya ang kaniyang katawan at
ulo.

"Gusto mo bang magpahinga? Puwede ka naman sa taas," pansin pa ni Mhorric sa ginawa niya.

"Hindi mo naman ako bisita para makigamit pa ng kuwarto sa taas ng bahay mo," aniya na ipinikit ang
mga mata.

"Then, be my guest."

Nang magmulat siya ng kaniyang mga mata ay sinulyapan niya ito. "Ayaw 1<0. Buksan mo na lang 'yong
pinto para makaalis na ako."

"Bakit ba atat na atat kang umalis?"

"Hindi ako kumportable rito," aniya bago muling ipinikit ang mga mata.

Sandaling katahimikan ang namayani. Animo may dumaang anghel dahil hindi na rin nagsalita pa si
Mhorric. Gustong magmulat ni Candy ng kaniyang mga mata ngunit para bang hinihila na siyang lalo ng
antok.

Hindi nga nagtagal ay tuluyan na siyang iginupo ng antok.

"MAY gusto ka bang kainin? Baka nagugutom ka," mayamaya ay tanong ni Mhorric kay Candy.

Bahagya pang kumunot ang kaniyang noo nang wala siyang makuhang sagot mula sa dalaga.
Pinagmasdan niya ito.
Mukhang nakatulog na ito dahil hindi na ito kumibo pa o ano pa man. Mapayapa na rin ang paraan ng
paghinga nito. Tipong natutulog na.

Napabuntong-hininga siya. Hinayaan muna

niya si Candy na lumalim pa ang pagtulog. At nang masigurado niya na may kalaliman na ang pagtulog
nito ay maingat niya itong binuhat at dinala sa guest room sa pangalawang palapag ng kaniyang condo
unit. Kinumutan pa niya si Candy at sinigurado na magiging kumportable ito sa pagtulog.

Pagkuwan ay naupo siya sa may gilid ng kama at malaya itong pinagmasdan.

Makalipas ang isang taon, heto itong muli sa harapan niya. Pero hindi katulad ng inaasahan niya ang
magiging una nilang pagkikita simula nang magkahiwalay na sila ng landas noon.

Ipinilig niya ang ulo nang bumalik na naman sa kaniyang alaala ang paghawak-hawak sa baywang nito ni
Mr. Smith.

Noong una niya itong makita kanina, akala niya ay napagkamalan lang niya ito kay Candy. Lalo na
nangtawagin pa itong Stella ni Mr. Smith.

Gusto niyang ipagpalagay na hindi nga ito si Candy. Pero hindi siya mapakali kaya naman nauna pa
siyang nagpaalam kanina matapos nilang magkapirmahan ng kontrata. Hindi naman siya umalis ng
tuluyan. Dahil hinintay niya na makaalis din ang mga ito. At lingid nga sa kaalaman ni Candy. Lihim
niyangsinundan ang mga ito. Hanggang sa burnaba ito sa isang hotel.

Ipinagtaka pa niya na iniwan ito roon ni Mr. Smith. Maging ang isa pa nitong kasama na

babae.

At dahil alam niya sa sarili niya na hindi siya matatahimik, kaya nilapitan na niya ito kanina. Gusto niyang
pagtawanan ang kaniyang sarili dahil sa pinaggagagawa niya. Pero kung iyon lang ang paraan para
makumpirma ang isang bagay, be it.

At nang tawagin nga ito mismo ng kasama nito sa totoo nitong pangalan, daig pa niya ang nakahinga
nang maluwag. Dahil malinaw na si Candy nga ang babaeng kaharap niya. God knows kung gaano kasaya
ang puso niya na makita itong muli.

Kung may isang bagay man siya na hindi ikinatuwa ay nang makita ito sa ganoong klase ng trabaho. Pero
ano nga ba ang malay niya sa totoong dahilan nito kung bakit nito iyon ginagawa bukod sa 'the price is
right' nitong motto?

Umangat ang isa niyang kamay at marahang hinaplos ang pisngi nito.

May patong man na makeup ang mukha nito, hinding-hindi iyon magiging dahilan para hindi niya ito
muling makilala. Ang tagal yata niyang hinangad na makitang muli ang mukhang iyon.
At ngayon na nasa kaniya ang pagkakataon, sorry si Candy, pero ayaw na niyang masayang pa ang
pagkakataon na iyon. Kung natakasan man siya nito noon, puwes, hindi na iyon para maulit pa ngayon.

Bago ito iwan sa silid na iyon ay kinintalan pa niya ito ng isang mabining halik sa labi nito.

"Sleep well," mahina niyang anas bago tuluyan ng tumayo at iwan ito sa silid na iyon.

Chapter 41

NAGISING si Candy bandang alas kuwatro y medya nang madaling araw. Hindi na siya nakatulog pa. Para
bang namamahay ang kaniyang pakiramdam. Nang magising nga siya kanina, buong akala niya ay nasa
hotel siya sa may Middle Town ng Pagbilao. Pero hindi. Nasa bahay pa rin siya ni Mhorric. Nakumpirma
niya iyon nang lumabas siya sa silid na kaniyang tinulugan.

Napabuntong-hininga si Candy matapos pihitin ang door knob ng main door sa condo unit ni Mhorric.
Naka-lock pa rin iyon. Kung ganoon, wala pa ring chance na makaalis siya roon.

Bumalik siya sa may salas at doon ay namaluktot ng higa. llang sandali lang siyang tulala bago nagawang
ilibot angtingin sa paligid.

Malawak ang unit na iyon para sa isangtao lang. Sabagay, mayaman si Mhorric, kahit siguro buong floor
area ng building na iyon ay kaya nitong bilhin kahit pa sabihin na solo lang ito na nakatira doon.

Pero ano ba ang malay mo Candy kay Mhorric?Ano ba ang alam mo? Imposible naman na sa 100b ng
isang taon ay hindi 'yan naghanap ng bagong karelasyon ? Remember? Kakahiwalay

lang nila noon ng kaniyang ex-girlfriend, ikaw naman angtinuka. Take note, nagpatuka ka naman. Ano ba
ang malay mo kung pagkaalis mo ay may kapalit ka agad, anang isang bahagi ng isip niya.

Umasim ang hitsura nang mukha niya sa isiping iyon.

Tama. Ano nga naman ba ang malay niya sa nangyayari kay Mhorric?

Marahas siyangbumuntong-hininga.

Dahil hindi na rin naman makatulog at mapakali kaya pumunta siya sa kinaroroonan ng kusina. Mag-
aalas singko pa lang nang umaga. Mayamaya lang ay nag-aagaw na ang liwanag sa kadiliman sa labas.

Ref agad ang una niyang binuksan. Nadismaya pa siya nang walang makitang pagkain sa freezer na
puwede niyang lutuin o kahit sa mismong refrigerator. Mas marami pa roon ang bottled water.

"Nagtitinda ba siya ngtubig?" naiiling niyang wika. Kay ganda ng ref pero puro tubig ang laman. Bukod sa
tubig ay may mga canned beer din.
Dismayadong isinara niya ang ref at ang mga cabinet naman doon ang pinagdiskitahang buksan. Pero
kahit stock ng can goods, wala ito. "Paano siya kumakain? Puro pagkain sa labas? Ni hindi siya nagluluto.
Ang ganda-ganda ng interior design ng kusina pero mukhang tambakan lang ng tubig ang role rito."

Kahit sana itlog na maaari niyang iprito ay wala rin.

Kumuha na lang siya ngtubig at iyon ang ininom.

Kalalabas lang niya siya sa may kusina nang makita naman niya si Mhorric na humahangos pababa sa
may hagdanan. Tila ba nakahinga pa ito nang maluwag nang makita siya.

"Kanina ka pa gising?" agad nitongtanong sa kaniya. Bahagya pang gulo ang buhok nito na sinuklay pa ng
isa nitong kamay papunta sa may likuran. Nakasuot ito ng pantulog na yari sa silk.

lyong karaniwang pantulog ng mga mayayamang tao.

"Medyo," aniya rito. Nilampasan niya ito at muling hinayon ang sala. Nakapaa lang siya dahil okay
namang lakaran ang sahig doon at yari sa kahoy. Wala rin naman siyang tsinelas na makita roon.

Surnunod sa kaniya si Mhorric, pero nang bigla niya itong lingunin ay napahinto ito sa paglalakad para
hindi mapabunggo sa kaniya.

"W-what?" anito nang makita ang seryosong mukha ni Candy na nakatitig dito nang harapin itong muli.
"Kung 'yong pinto pa rin ang concern mo, hindi ka pa rin makakaalis kung hindi mo 'yon mabubuksan,"
giit pa nito.

"'Yan. Alam mo, Mhorric, ang lakas ng 100b mo na ikulong ako rito sa bahay mo, eh, wala namang
kalaman-laman ang kusina mo. Ano'ng ipapakain mo sa akin dito? Puro tubig sa ref mo?" Naiiling na muli
niya itong tinalikuran at ipinagpatuloy ang pag-upo sa may single sofa sa salas. Kinuha niya ang isang
throw pillow at pinatong sa ibabaw ng hita niya na hantad na hantad sa kaniyang pag-upo.

Napapakamot naman si Mhorric sa batok nito nang sumunod sa kaniya at maupo rin sa may mahabang
sofa sa gilid niya.

"About that, hindi ko rin naman magagamit kung mag-stock ako ng mga pagkain dito sa bahay. Hindi
naman ako marunong magluto. At isa pa, mas madalas ako na nasa labas kaysa narito. So, ang tendency
kung mag-stock ako ng pagkain, kung hindi ma-expired. Baka masira lang," katwiran pa nito.

"Kaya ang ending, magtutubig na lang ako," pakli niya rito.

"Puwede naman akong um-order kung nagugutom ka na."

Urniling siya. "Hindi na. Pauwiin mo na lang ako para hindi ka maabala."

"No."

Kumunot ang kaniyang noo sa sinagot nito. "At bakit hindi?"


Pinagkrus nito ang dalawang kamay sa may dibdib nito. "Dahil sinabi ko."

"Mhorric, hindi kita amo para sundin ko."

"Hindi ko rin naman gusto na maging amo mo," mabilis nitong sagot sa sinabi niya.

"Kung ganoon, bakit ayaw mo akong paalisin? May pa-lock-lock ka pa ng pinto. Alam mo, daig mo pa ang
bata na ayaw palabasin ang kalaro."

"Isipin mo na ang gusto mong isipin, Candy. Hindi pa rin kita hahayaan na umalis na lang ng ganoon," ani
Mhorric na mulingtumayo at hinayon ang kinaroroonan ng telepono.

Dinig ni Candy na umu-order ito ng pagkain na idi-deliver sa condo unit nito.

Seryoso ba talaga ito na hindi siya nito paaalisin? Paano ang pamalit niya? Hindi na nga niya matiis na
suot ang dress na lyon na kitang-kita ang kurbada ng kaniyang katawan.

Matapos turnawag ni Mhorric ay muli itong bumalik sa pagkakaupo sa may gilid niya.

"Hindi ka naman siguro pihikan sa pagkain?" tanong pa nito sa kaniya.

Iling ang sagot niya. "Ano ba'ng modus mo at trip mo akong ikulong dito? Sa pagkakatanda 1<0, tapos na
tayong mag-usap kahapon.

Nasermonan mo na ako at—"

"Gusto kang makita ni Lola Teresa. At kapag hinayaan kitang umalis, siguradong magtatago ka na naman
sa kung saang lupalop ng Pilipinas." Hindi agad siya nakapagsalita nang banggitin nito ang Iola nito. Ang
Iola nito na may malaking parte sa puso niya. Kumusta na kaya iyon? At. .. iyon lang ba talaga angdahilan
kaya gusto ni Mhorric na mag-stay siya roon?

Lumunok siya. "K-kung si Donya Teresa lang pala angdahilan mo, sabihin mo na pupuntahan ko na lang
siya sa bahay nila kung kailan niya gusto. Ibigay mo na lang sa akin ang complete address nila sa Alabang
kung doon pa rin sila nakatira," aniya na nagbawi na ngtingin. Madali lang naman siyang kausap. Kung
idadahilan nito ang Iola nito, wala namang problema sa kaniya. Mas okay na iyong maaga pa lang ay
alam na niya para hindi siya aasa na may iba pang dahilan kaya ayaw siya nitong umalis agad.

"How about you, Candy?" ani Mhorric na mataman siyang pinakatitigan. "Ibibigay mo ba ang contact at
address mo?"

Bahagya niyang kin agat ang ibabang-labi. Ano pa bang sense kung mag-iiwan siya ng kaniyang contact o
kahit address dito? Para paasahin? Salamat na lang.

"Wala namang dahilan para mag-iwan pa ng contact sa iyo. Kung mangangamusta ka, palagi naman
akong okay."

'"Yan ba 'yong katwiran mo kaya hindi ka nag-iwan noon ng address at contact number
"Big deal ba 'yon sa iyo?" aniya na buong tapang na sinalubong ang mga titig nito.

"Sobra," walang gatol nitong sagot sa kaniya. Turnikhim ito kapagkuwan. Tila ba nag-aalis ng bara sa
lalamunan nito.

"Kung mag-iiwan ba ako ng contact sa iyo, paaalisin mo na ako?"

"Bakit ba, atat na ata kang umalis?" hindi na naman nito napigilang itanong.

"Buti ikaw nakapagpalit na ng kumportableng damit. Hindi mo ba nakikita ang hitsura ko kung
kumportable ba ako rito sa suot

Awtomatiko ang pagbaba ng tingin nito sa kaniyang suot. Napabuntong-hininga si Mhorric.

"Okay. Mamaya puwede ka ng bumalik sa kung saan ka man nag-stay." lyong mukha niya na biglang
napangiti sa tuwa. "Talaga?"

Tumango ito. "Sasamahan lang kitang kunin ang mga garnit mo."

Unti-unting nabura ang ngiti sa labi niya. Hindi naman siya bingi para hindi marinig ang sinabi nito. Anito
ay sasamahan siya nito para

lang kunin ang mga garnit niya sa kaniyang tinutuluyan. Pero bakit?

"Bakit kailangan mo pa akong samahan?"

"Duda ako kung magpapakita ka pa ulit kung hahayaan kitang urnalis mag-isa. Alam kong hindi, Candy."

Ang darning tanong sa kaniya pero hindi niya alam kung tapat ba nitong sasagutin? Isang titig pa sa
guwapo nitong mukha bago siya nagbaba ngtingin.

"Kung nag-aalala ka na hindi ako magpapakita sa Iola mo, 'wag kang mag-alala. Magpapakita ako kung
gusto niyang mangamusta ng personal. Wala namang kaso sa akin."

Tumiim ang labi ni Mhorric habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Kapagkuwan ay napabuntong-
hininga. "Alright. I wanted you to stay here. .. with me."

Nawindangna naman pati dulo ng buhok niya sa sinabi nito. Idinaan niya iyon sa tawa dahil ayaw niyang
seryosohin. Baka sa huli ay sabihin nitong. .. it's a prank!

"Bakit? Wala ka bang kasambahay kaya gusto mong dito na lang ako kasama mo?"

Kumunot naman ang noo nito sa kaniyang sinabi. "What?"

"'Di ba, sabi mo na gusto mo akong mag-stay rito kasama mo?" aniya na inilibot pa angtingin

sa paligid. Kahit na kay lakas na ng kabog sa dibdib niya ay hindi pa rin niya hinayaan ang sarili na
magpadala roon. "Sa laki nitong bahay mo para sa iyo, mukhang kailangan mo talaga ng maid."
"Candy, cut it off," ani Mhorric. "Hindi ko kailangan ng maid dahil weekly kung may maglinis clito sa unit
1<0."

Lalo yatang lumakas ang kabog sa dibdib niya. Lihim pa siyang napalunok. Kung ganoon. .. bakit—

"Kung hindi mo kailangan ng kasambahay rito, bakit gusto mo pa na mag-stay ako rito?" aniya na muli
itong binalingan. Parang gusto niyang magsisi na tiningnan pa niya si Mhorric dahil para bang tinutunaw
na naman siya nito sa mga titig nitong iyon sa kaniya.

"To be with you," walang gatong nitong sagot.

There, hindi agad siya nakapagsalita sa sinabi nitong iyon. Seryoso ba ito? Lalong nagsalimbayan ang
kabog sa dibdib niya.

"Bored ka ba sa buhay mo?" aniya na natatawang nagbawi ng tingin. Ayaw niyang seryosohin ang sinabi
nito dahil para siyang mababaliw. Humigpit ang kapit niya sa throw pillow.

"Siguro nga bored ako—"

Napasinghap si Mhorric nang ibato rito ni

Candy angthrow pillow na nasa ibabaw ng hita niya. Hindi iyon nasalag ni Mhorric kaya tumama sa
mukha nito. Napatayo pa si Candy dahil sa inis sa isinagot nito.

"Bored ka naman pala. Eh, 'di sa iba mo ibaling 'yang pagka-bored mo. 'Wag mo akong idamay,
Mhorric," inis na wika niya. "Busy akong tao kaya 'wag ako ang pag-trip-an mo."

"Sandali," anito na turnayo at agad na hinawakan siya sa kanÏyang mga kamay nang akmang dadampot
na naman siya ng throw pillow na ipanghahampas dito. "Hindi naman kasi katulad ng iniisip mo," agap
nito sa kung ano mang iniisip niya.

Tiningnan lang niya ito ng masama. "Bored ka, 'di ba? Mhorric, kahit offer-an mo pa ako ng malaking
halaga para lang mawala 'yang pagka-bored mo. Pasensiya, pero hindi ko papatulan," aniya na binawi
ang mga kamay mula rito.

Sa halip naman na mainiso ano ay napapangiti pa ito sa sinabi niya. "Listen to me first, Candy—"

"Hindi," kontra niya aniya na pinaningkitan pa ito ng mga mata. "Teka nga, alam ba ngjowa mo 'yang
mga pinaggagagawa mo habang mag-isa ka rito sa bahay mo? At nagagawa mo pa talaga na
magpapasok ng ibang babae rito."

"Wala akong girlfriend kung 'yon ang gusto

mong malaman. Kaya walang magagalit o ano pa man."

Ang kaalaman na iyon angsandaling nagpahinto sa kaniya sa pagsasalita. Wala itong nobya ngayon?

"Seryoso?"
Turnango ito. "Kahit magtanong ka pa sa lahat ng nakakakilala sa akin."

Bakit bigla ay para bang nabuhayan pa siya ng 100b? Napalunok siya. Sinaway niya ang puso na
nagsasaya dahil single pa rin si Mhorric. Hinawakan siya ni Mhorric sa magkabila niyang balikat at
pinaupo sa mahabang sofa. Doon ay naupo rin ito. Sa tabi niya.

"Seryoso, Candy," ani Mhorric na seryoso na nga talaga ang guwapong mukha habang nakatitig sa
kaniya. "Maybe, mukha talaga akong desperado ngayon. Sige, I won't force you to stay with me. Pero
gusto kong maging open sa iyo na totoong gusto kitang makasama rito."

Bumuntong-hininga ito. "Hindi na kita pipilitin dahil sabi nga ng matatanda, masama 'yong pinipilit. Ikaw
ang mag-decide kung gusto mong mag-stay rito kasama ako o hindi. Gusto ko pa rin na bukal sa puso
mo."

"Paano kung hindi?" walang kakurap-kurap na tanong niya rito.

Hindi agad ito nakapagsalita. At akmang magsasalita naman ito nang marinig nila ang pag-iingay ng door
bell. Mukhang dumating na ang in-order nitong pagkain. Kahit mukhang ayaw pang tumayo ni Mhorric
ay wala naman itong choice.

Nasundan niya ito ng tingin nang hayunin nito ang papunta sa may pintuan. Napabuntong-hininga siya.

Chapter 42

SA LOOB-LOOB ni Candy ay hindi siya mapalagay dahil sa pananahimik ni Mhorric. Malapit na lang silang
matapos na kumain ay wala pa rin itong kasali-salita tungkol sa huli nilang pinag-usapan kanina.

Ni hindi na nito nasagot iyong tanong niya na, paano kung hindi siya pumayag sa nais nito?

Magingsa kaniya ay para bang hindi pa rin mag-sink na gusto siya nitong makasama roon. Like,
seriously? Ngayon pa lang sila nito muling nagkita. Wala pa ngang twenty-four hours silang magkasama.
Tapos hihiritan agad siya nito na gusto nito na mag-stay siya roon para makasama nito.

Her heart wanted to say yes. .. pero lito pa rin ang isang bahagi ng puso niya. May katanungan pa rin na
nais muna niyang masagot. Kung bakit ba nais siya nitong makasama roon?

Urninom siya ng tubig. Pagkatapos niyon ay huminga nang malalim. Mayamaya pa ay sinulyapan niya si
Mhorric na nasa pagkain lang nito ang atensiyon. Ano kaya ang iniisip nito nang mga sandaling iyon?
Iniisip kaya nito ang huli niyang sinabi kanina?

Tumikhim siya para agawin ang atensiyon

nito. Hindi naman siya nabigo dahil nag-angat ito ng tingin sa kaniya.
At habang tinititigan niya ang guwapo nitong mukha, hayon na naman ang hindi makapaniwala na sarili
niya na ang mukhang iyon ay gusto siyang makasama roon.

"Hindi mo na sinagot 'yong tanong ko kanina," kaswal lang niyang tanong. Ayaw niyang magtunog atat
sa sagot nito.

"Kung hindi ka pumayag sa pakiusap 1<0?" ulit nito sa naging tanong niya kanina.

Tumango siya. Maghahanap na lang kaya ito ng iba na makakasama roon?

"Kapag hindi ka pumayag," anito na mataman pa siyang pinagmasdan. "Wala na akong magagawa sa
desisyon mo kung 'yon ang gusto mo."

Hindi siya nito kukulitin na mag-stay pa roon? Mukhang siya lang talaga ang assuming na igigiit nito ang
gusto. Nagbaba siya ng tingin at muling sumubo ng kaniyang pagkain.

"I'll make you stay, then," dugtong nito na nagpasamid kay Candy.

Mabilis niyang kinuha ang tubig sa baso at ininom. Kunot ang kaniyang noo nang muling tingnan si
Mhorric. "Ha?"

Seryoso pa rin ang guwapo nitong mukha. "I'll make you stay."

"Ikukulong mo ako ng sapilitan dito sa bahay

Umiling ito. "Hindi."

"Mukhang kahit ano'ng isagot ko sa iyo, ikaw pa rin ang masusunod. Akala ko ba, ayaw mong mamilit?"

"Ayaw ko naman talaga. Kaya gagawa na lang ako ng sarili kong paraan para wala ka ring choice kundi
ang mag-stay rito. na hindi kita pinipilit."

At ano naman ang gagawin nitong paraan?

Pinag-isip na naman siya nito.

"Ano ba kasi ang dahilan mo at gusto mo akong mag-stay rito? Ayaw mo ng katulong. So, ano ang gusto
mo?" lyong parang gusto nitong ibulalas ang nasa isip nito pero nagtatalo naman ang isip nito kung
sasabihin ba sa kaniya o hindi.

"Puwede bangtapusin muna natin itong pagkain natin bago natin pag-usapan angtungkol diyan?" sa huli
ay pakiusap nito.

Bumuntong-hininga siya. "Okay," aniya na ibinaling na muli sa pagkain ang atensiyon.

Gusto lang din niyang malinawan sa nais nito. Hanggat maaari ay ayaw niya ng malabong usapan.

"Paano ka kumakain?" out of nowhere ay usisa niya kay Mhorric habang nililinis nila ang
kanilangpinagkainan.

"A-ang ibig kong sabihin, hindi ka nagluluto. Ibig sabihin ba noon, pagkain lang lagi sa labas ang kinakain
mo?"

Tumango ito. "No choice. Wala naman akong time para magluto at hindi rin naman ako marunong."

Bahagya niyang nakagat ang ibabang-labi.

"Alam mo," aniya nang mull' siyang magsalita. "Masama rin sa katawan 'yong puro pagkain sa restaurant
ang kinakain mo. Hindi mo naman alam kung ano-ano ang inilalahok nila sa kinakain mo," ayaw niyang
magtunog concern ngunit ganoon ang tono na lumabas sa bibig niya. Napaiwas tuloy siya ng tingin nang
tingnan siya nito. Turnikhim si Candy at lumapit sa may sink matapos itapon sa basurahan ang mga
pinaglagyan ng pagkain na in-order ni Mhorric.

"Nakaka-miss 'yong pagiging concern mo."

Mhorric, tigilan mo ako sa mga banat mong ganiyan. 'Wag mo akongsimulan!tungayaw niya sa kaniyang
isipan.

"TSS. Sigurado naman na maraming concern sa iyo. Lalo na ang lolo't Iola mo," aniya na nagtuyo ng
kamay sa hand towel na nakalagay sa may bandang ibaba ngsink. May sabitan doon ng hand towel.

"Bukod sa grandparents ko, wala na namang ibang concern pa sa kalusugan ko."

Bolahin mo ang (elong mo, aniya sa isip.

Nang wala na siyang gagawin pa ay napilitan na siyang harapin ito. At mukhang nananadya pa si Mhorric
na nakaharang sa daraanan niya. Akrnang lalampasan niya ito nang ituon pa nito ang kamay sa may
kitchen island na nakapagitan sa kanila sa may labado.

lyong tipong iwas siya na tingnan ito sa mga mata pero dahil sa ginawa nito ay napilitan siyang tingnan
ito.

"Makikiraan," aniya rito.

Bumuntong-hininga si Mhorric. "Ako lang ba sa atingdalawa 'yong natutuwa na nagkita ulit

Gusto niyang pasubalian ang sinabi nito pero...

"B-bakit natutuwa ka na makita ulit ako?" lakas-loob niyang tanong.

"Kung mag-stay ka rito, sasabihin ko sa iyo.

Pero kung hindi, kalimutan mo na lang."

"Ah, ganoon?" aniya na hinawakan na ang kamay nito para sana alisin sa pagkakaharang sa may
daraanan niya.
"00 ganoon nga," ani Mhorric na pinagsalikop pa ang isa nilang kamay na ikinahigit ng paghinga ni
Candy.

"M-Mhorric," apila niya sa ginawa nito. Para

bang enjoy pa ito sa nangyayari habang siya ay hindi mapalagay sa trip nito nang mga sandaling iyon. Ni
hindi pa nito bitiwan ang kamay niya kahit bawiin niya iyon dito.

At nangingiti pa ang labi at mga mata nito habang hindi inaalis angtingin sa kaniya. Dahil hindi na normal
pati ang tibok ng kaniyang puso ay nagbawi siya ng tingin.

"Look at me, Candy."

'"Wag mo akong simulan ng mga paganiyan-ganyan mo, Mhorric," hindi niya napigilang isatinig.

"Why?" he even teased.

Napakislot pa si Candy nang lumapat ang kamay ni Mhorric sa pisngi niya.

'Wag kang titingin, Candy... 'Wag kang titingin!

Lihim siyang napalunok. Pigil ang sarili na tingnan ito nang hawakan niya ang kamay nitong nasa may
pisngi niya at ibaba.

Pero si Mhorric, para bang hindi pa tapos sa pagpaparusa sa kaniya dahil hindi pa rin ito natitinag sa
kaniyang harapan. At talagang sinadya pang lumapit sa kaniya ng husto. Pati paghinga niya ay halos
mapigil niya. At ang mga tuhod niya, unti-unti na ring nanlalambot.

Muli siyang napalunok. lyong isip niya ay gusto ng kumawala rito. Pero ang katawan

naman niya ay hindi makisama lalo na ang mga paa niya.

"Mho

Tila ba nalulon niya ang boses niya nang walang sere-seremonya na lumapat ang labi ni Mhorric sa
kaniya. Mukhang hindi na nito napigilan ang sarili sa pagtitig sa labi niya kaya angending? Hinalikan na
naman siya.

At sa pagkakataon na iyon. Hirap siyang kontrolin ang sarili na urniwas sa halik na iyon.

She just... can't.

Ang isa nitong kamay na hindi nakahawak sa kamay niya ay humapit sa kaniyang maliit na baywang
palapit sa katawan nito.

Sinisikap siya nitong patugunin sa halik nito.


Natutuliro naman siya kung ano ang gagawin. Mariin siyang napapikit. At nang hindi siya agad tumugon,
inihinto nito ang paghalik sa kaniya. Napabuntong-hininga pa ito nang bahagyang ilayo ang mukha sa
kaniya.

Iniisip siguro nito na walang amor sa kaniya ang halik nitong iyon. Kaya pati ang mahigpit na hawak sa
kaniyang kamay at baywang ay unti-unting lumuwag. Suko na ba agad ito sa panlalandi sa kaniya? Sa isip
ay napailing-iling siya. Kungtinagalan pa nito ay baka kusa pa siyang bumigay.

Ay ang harot din, kantiyaw ng isip niya sa kaniya.

"Mahirap talagang mamilit ng ayaw," makahulugan pa nitong wika bago tuluyang tumayo ngtuwid.

Hindi ba puwedeng hindi lang makagalaw agad kanina?sa isip ay reklamo niya.

Muli ay bumuntong-hininga si Mhorric bago tumayo ngtuwid. Tuluyan na rin siyang binitiwan.

"Siguradong kulang ka pa sa tulog. Matulog ka ulit," anito bago nagpatiuna na sa paglalakad palabas sa
kusina. Nasundan na lang ito ni Candy ngtingin.

Saka lang siya parang nakahinga nang maluwag. Napahawak pa siya sa may gilid ng kitchen island at
doon ay halos isubsob ang sarili. Ramdam na ramdam niya ang pangangatog ng kaniyang mga tuhod.

Ano ba talaga angtrip ni Mhorric? Hindi pa siya nito deretsahin para tapos ang usap. Ang clami rin nitong
paligoy-ligoy.

HINDI rin naman nakaidlip pa si Candy dahil sino ba naman ang makakatulogsa mga the moves ni
Mhorric? Kahit na wala siyang pamalit na dala ay naligo pa rin siya. Mamaya na lang siya magpapalit ng
bagong damit at panloob kapag inihatid siya ni Mhorric sa hotel sa may Middle Town.

Matapos maligo ay mas pinili niyang tumambay sa may salas. Nasa silid nito si Mhorric at simula kanina
nang umakyat ito ay hindi pa bumababa. Doon na lang din niya ito hihintayin sa may salas matapos
niyang maisuot ang kaniyang high heels.

Nang mapagmasdan ang kaniyang sling bag na dala ay saka lang niya muling binuksan iyon. Unang
nakaagaw sa kaniyang pansin ay ang puting sobre na iniabot sa kaniya ni Mr. Smith kahapon. lyon daw
ay bonus niya. Saka langdin niya inusisa ang laman niyon. Pera nga ang laman niyon nang silipin niya.
Tig-iisang libo. May kakapalan. Gusto sana niyang bilangin kung magkano ngunit saka na lamang. Hindi
rin naman siya ang makikinabang niyon, ibibigay niya iyon sa kaniyang nanay at tatay at mga kapatid.
Panggastos ng mga ito at pangbili ng mga kailangan ng pamangkin niya.

Ibinalik niya iyon sa loob ng sling bag at sunod na kinuha ay ang kaniyang touch screen na cellphone.
Napilitan siyang burnili niyon last year dahil na rin sa mga kailangan niyang i-research sa internet na
kailangan sa pag-aaral niya.

Napangiti siya nang buksan niya ang cellphone. Picture agad nila ng kaniyang pamangkin na si Aivan ang
bumungad sa kaniyang paningin.
Nang mga sandaling iyon ay nakaupo siya sa

may sofa na nakapatalikod sa may parteng hagdanan kaya naman hindi niya napansin ang muling
pagbaba sa hagdanan ni Mhorric. Lumapit pa ito sa kaniya sa may bandang likuran at tiningnan
angtinitingnan niya sa kaniyang cellphone.

Nagsalubong pa ang kilay ni Mhorric nang makita ang batang kasama niya.

"Sino 'yang kasama mo sa picture?"

Muntikan pang dumulas sa kamay ni Candy ang kaniyang cellphone nang muling marinig ang boses ni
Mhorric mula sa kaniyang likuran. Dagli na naman ang pagbilis ng kabog sa kaniyang dibdib.

Mula sa kaniyang likuran ay lumipat ito sa may katabi niyang upuan. Bihis na rin ito at ligo na.
Humahalimuyak din ang bango nito gamit ang mamahalin nitong pabango. Masarap sa ilong ang amoy
niyon. Nagustuhan niya.

lyong mukha ni Mhorric ay para bang naghihintay ng kaniyang sagot sa tanong nito. Napatingin siyang
muli sa screen ng kaniyang cellphone. Curious ito kung sino ang batang kasama niya.

"Si Aivan," aniya rito. Ibinalik na niya ang cellphone niya sa kaniyang bag.

"Anak mo?"

Gusto niyang matawa sa sunod nitong tanong, pinigilan lamang niya. Sa halip na itanggi

ay turnango pa siya. Nagbawi ito ng tingin. Sandali kasing lumarawan sa guwapo nitong mukha ang
lungkot bago nito pinaseryoso ang guwapong mukha.

Dismayado ba ito sa sagot niya? Kinagat niya ang ibabang-labi habang pigil ang mapatawa sa reaksiyon
nito. Nakalimutan ba nito na may kapatid siyang nabuntis noon? Sa isip niya ay napailing-iling siya.

"Ihahatid na kita sa pinag-stay-an mo. Para makapagpalit ka na ngsuot mo," ani Mhorric na tumayo na.

"Okay," agad niyangtugon bago turnayo na at sumunod kay Mhorric nang hayunin na nito ang main door
ng condo unit nito.

Wala na silang imikan pa matapos makalabas sa condo nito. Hanggang sa makasakay sila sa elevator at
makalabas sa gusaling iyon. Paglabas na paglabas nila sa may lobby ay siyang hinto ng kotse nito sa tapat
niyon.

Hindi na ba siya nito pipilitin na mag-stay pa kasama ito?

Muli lang nagsalita si Mhorric nang makasakay na sila sa kotse nito at tanungin kung saan siya nito
ihahatid. Pagkasabi niya rito ng pangalan ng hotel sa Middle Town ay tahimik niya itong pinagmasdan.

"Nasaan ang tatay niya?" out of the blue ay tanong ni Mhorric habang ang tingin ay nakatuon
lang sa daan.

"Ni Aivan?"

"Who else?"

Ibinaling niya angtingin sa may unahan. "Wala. Ipinagbubuntis pa lang si Aivan, hindi na nagpakita ang
tatay niya. Daig pa ang isang bula na bigla na lang nawala." Burnalik na naman ang galit niya para sa ama
ng pamangkin niya. Kaya hanggat maaari ay doble ang pagmamahal na ipinararanas nila sa bata.

"So, wala siyang kinikilalang ama?"

"Wala."

Turnango-tango si Mhorric. "Kung ganoon, hayaan mo na lang na ako angtumayong tatay sa kaniya."

Bigla siyang napabaling kay Mhorric.

Ano raw?!

Chapter 43

GANOON na lang ang tawa ni Candy sa sinabi ni Mhorric. Seryoso ba ito?

"Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko?" kunot pa ang noo na tanong nito nang sulyapan siya bago muling
ibinalik angtingin sa daan.

"Nakakatawa 'yong sinabi mo. Kung joke

'yon, napakabenta sa akin."

"I'm not kidding, Candy."

Hindi pa rin napalis ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Seryoso ka talaga?"

"Of course."

Napilitan tuloy siyang magseryoso n ang pumihit siya paharap dito. "Bakit mo gugustuhin na maging ama
ng isang bata na hindi naman sa iyo nanggaling?"

"Krimen ba ang umako ng bata na hindi mo totoong anak?" sa halip ay balik-tanong nito sa kaniya.

Mukhang seryoso nga talaga si Mhorric. Kung sana lahat ay katulad nito. Malas lang talaga si Aivan sa
totoo nitong ama.

"Gusto mo talaga na turnayong tatay ni Aivan?" muli niyang tanong dito.


"Nasagot ko na 'yan."

Burnalik ang ngiti sa labi niya kaya napasulyap na naman sa kaniya si Mhorric.

"Mukhang tuwang-tuwa ka?"

"Syempre naman, magkakaroon na ngtatay si Aivan," sakay niya sa sinabi nito. "Itatanong ko muna sa
kapatid ko kung papayag siya na tumayo kang tatay ni Aivan

"What?" kunot ang noo na tanong nito sa kaniya.

"Sa tipo mo naman, siguradong hindi ka matatanggihan ng kapatid ko," napatawa na naman siya
pagkasabi niyon.

Mukhang hindl' nauunawaan ni Mhorric ang pinagsasabi niya kaya inihinto nito sa tabing kalye ang kotse
at muli siyang hinarap.

"Ano'ng sinasabi mo?"

'"Di ba, gusto mong maging tatay ni Aivan? Sana panindigan mo rin 'yang sinabi mo. Tutal naman,
mukhang gustong-gusto mo rin."

"Sabi mo, anak mo si Aivan."

Nginitian lang niya ito. Pero ni hindi ito nadala sa pangiti-ngiti niyang iyon. Seryoso pa rin ang guwapo
nitong mukha.

"Candy," may warning sa boses nito.

"Mukhang nakalimutan mo na 'yong mga nangyari sa akin last year," aniya na itinigil na ang pang-go-
good time rito. "Hindi ko anak si Aivan. Anak siya ng kapatid ko na si Margaux. In short,

pamangkin ko siya."

Tila ba saka lang nag-sink in kay Mhorric ang kaniyang sinasabi. Tungkol sa kapatid niya na iniyakan pa
niya noon dahil maagang nabuntis.

"Kung kilala mo ako, alam mong hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak sa ngayon. Hindi pa tapos sa
pag-aaral ang mga kapatid ko," aniya bago umayos ng upo at itinuon ang tingin sa may unahan.

Napabuntong-hininga naman si Mhorric. "Gusto mo pa ring maging tatay ni Aivan?" baling niya rito.

"Godfather," agad nitong sagot sa tanong niya. "Sinabi ko naman sa iyo na magni-ninong ako sa kaniya."

Napangiti na naman siya. Ngayon naman ay nauwi sa pagiging Ninong lang ang gusto nitong role kay
Aivan.

"Tapos ng binyagan si Aivan," kontra niya rito.


"So? Hindi pa nga siya pinapanganak nag-offer na ako sa iyo noon. l'll still consider him as my godson."

Natutuwa siya sa parteng iyon na gusto pa rin nitong maging bahagi ni Aivan. Hindi man bilang isang
ama, pero bilang isang Ninong na handa itong gabayan. Dagdag pogi points iyon para dito.

"Okay, kung mapilit ka. Sa darating na Pasko, dadalhin ko siya sa iyo para naman mapakinabangan ang
pagiging Ninong mo sa kaniya."

There, gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Mhorric. "Gusto mong mag-advance?" sakay pa nito sa sinabi
niya.

"Alam mo, mag-drive ka na at baka makaalis ang mga kasama ko sa hotel na tinutuluyan namin.
Kailangan ko pang urnuwi sa amin."

Lihim siyang napabuntong-hininga nang mawala ang ngiti sa labi ni Mhorric dahil sa huli niyangsinabi.

"Kailangan mo talagang umuwi?"

Tumango siya. "Tatlong araw lang ang paalam ko kina Tatay at Nanay na wala ako. Siguro sasabihin mo
na hindi na ako bata para alalahanin pa ng mga magulang. Pero, sa poder pa rin nila ako nakatira kaya
obligasyon ko pa rin na ipaalam sa kanila ang mga bagay-bagay tungkol sa akin. At kailangan ko pa ring
umuwi sa nasabi kong araw para hindi sila mag-alala sa akin," paliwanag niya kahit na hindi naman ito
nagtatanong."

"Pero hindi mo sinabi kung ano ba ang ginawa mongtrabaho kaya ka mawawala ng tatlong araw."

Nagbawi siya ng tingin. "Sinabi ko lang na may raket ako."

"So, hindi ka talaga mapipigilan sa pag-alis

Katahimikan angsunod na namayani sa pagitan nila.

"Kung ganoon, hindi ko dapat paasahin

'yong sarili ko na babalik ka pa rito?"

Huminga muna siya nang malalim bago ito mulingtiningnan. "Ganoon na nga." Tutal naman, ang labo
mo ring kausap. Hindi mo pa ako deretsahin kung bakit ba gusto mo akong mag-stay rito. "May
kailangan din akong asikasuhin pag-uwi 1<0."

"Ano 'yon?"

"Mag-a-apply ako sa abroad ng trabaho, aniya kahit na wala na rin naman sa plano niya iyon. Gusto lang
din niya na makita ang magiging reaksiyon nito.

Kumunot ang noo nito. "Bakit lalayo ka pa?"


Gusto niyang mapangiti ngunit pinigilan niya. Ganoong-ganoon din ang reaksiyon ng kaniyang ama nang
sabihin niya rito na balak niyang man g-bansa.

"Syempre, mas maganda ang opportunity sa abroad. Malaki ang sahod. Saka hindi maarte ang mga
kompanya sa kung ano man angtinapos mo. Dito sa Pilipinas, kailangan graduate ka ng four years sa
college bago ka makakuha ng magandang trabaho. Saka, mas makakatulong ako sa pamilya ko."

"Magkano ba ang gusto mong sahod? Name it."

"At bakit?"

"Sa kompanya ka na namin magtrabaho, walang gatol nitong wika.

Napangiti na siya sa sinabi nito. Pagkuwan ay agad ding pinaseryoso ang maganda niyang mukha. "No
thanks. Salamat na langsa offer.

Ibigay mo na lang 'yan sa iba."

Marahas na bumuntong-hininga si Mhorric bago muling hinarap ang manibela. Muli nitong pinaandar
ang kotse nito.

"Lahat na lang ng offer ko ay ayaw mo," para bang himig nagtatampo pa ito.

Malabo ka kasing kausap, aniya sa kaniyang isipan. Hindi siya tumugon sa sinabi nito. Pinili na lang niya
na itikom ang kaniyang bibig.

Hanggang sa marating nila ang simpleng hotel na tinutuluyan sa may Middle Town ng Pagbilao ay hindi
na siya nag-ungkat pa ng kahit na ano tungkol sa napag-usapan nila kanina.

Pero inihatid pa siya ni Mhorric hanggang sa ukupado nilang silid sa hotel na iyon.

"Salamat," aniya rito bago siya pumasok sa binuksang pinto. "Hindi na kita iimbitahan sa 100b at baka
maging-issue pa kapag nakita ka nila. Ingat na lang," aniya na isang beses pang pinagmasdan ang
guwapo nitong mukha bago tuluyang pumasok sa 100b.

Ganoon na lang ang lungkot na burnalot sa kaniya nang maisara ang pinto at mawala na sa kaniyang
paningin si Mhorric.

Naabutan pa niya na naghahanda na sa pag-alis Sina Vergie at Geraldine.

"Aba, at dumating na rin sa wakas ang layas na babaitang ito," ani Geraldine na agad siyang nilapitan.

"Nakailang round kayo kagabi?" pilya pang tanongsa kaniya ni Vergie na ikinatawa ni Geraldine.

"Walang ganoon," aniya kay Vergie.

"Binayaran ka niya?" hirit pa ni Vergie.


Binayaran ka niya?para iyong batingaw sa isipan niya.

lyon ang isa sa ayaw niya, ang magkaroon ng money involve sa pagitan nila ni Mhorric. Kahit ba sabihin
na kayang-kaya nitong bilhin ang buong pagkatao niya. Idamay na pati ang kaluluwa niya.

Umiling siya. "Hindi."

"Wow, at libre ang service."

"Magkakilala kami," putol niya sa kung ano mang sasabihin o iisipin ng mga ito. "Kaya hindi ko para
singilin siya dahil lang naglaan ako ng oras sa kaniya."

"Okay," ani Vergie. "Anyways, nabanggit sa akin ni Geraldine na gusto mong ibigay sa kaniya ang parte
mo sa trabaho ninyo kahapon."

Turnango siya. "Para sa nanay niya," aniya na napatingin kay Geraldine nang agad siyang yakapin.

"Thank you, Candy. Thank you talaga. Sobrang laking tulong para sa nanay ko." "Wala 'yon," aniya na
nangingiti itong ginantihan ngyakap.

"Iba ka talaga, Candy. Hindi ka lang puro ganda mula ulo hanggang paa, napakamatulungin mo rin," ani
Vergie na nakiyakap pa sa kanila. "O, siya, magbihis ka na kung magbibihis ka at paalis na rin tayo. Sa
labas na tayo mag-lunch bago urnuwi."

"Sige," aniya nang kumalas na sa mga ito. Binalikan niya sa silid na gamit ang kaniyang mga dalang
garnit. Sa banyo ay mabilis siyang nagpalit ng kasuotan at nag-ayos ng sarili.

Bihis na siya nang lumabas siya ng banyo. Agad niyang inayos ang ilang gamit niyang nakalabas pa sa
dala niyang duffel bag. Masarap na rin sa paa ang suot niyang sandals dahil wala na iyong takong. Flat
lang iyon.

Nakatalikod siya sa may pintuan, habang nakatayo sa may paanan ng kama, nang marinig na bumukas
iyon at agad ding sumara.

"Tapos na ako," aniya sa pag-aakalang isa sa mga kasama niya ang pumasok sa 100b. Nang wala siyang
makuhang tugon ay pumihit na siya paharap doon. Para lang matigilan nang makitang muli si Mhorric.
Akala ba niya ay urnalis na ito? Lihim siyang napalunok. May nakalimutan ba ito sa kaniya?

"B-bakit?" aniya na napatikhim pa dahil para bang nagkaroon ng bara sa kaniyang lalamunan.

"May nakalimutan akong ibigay."

Kumunot ang kaniyang noo. Nakalimutang ibigay? Ano pa ba ang makakalimutan nitong ibigay sa
kaniya? Parang wala naman. Ngunit nang maisip na baka ang isangdaang libo na inuohan nito kay Vergie
kahapon ay inunahan na niya ito sa pagsasalita.
"Mhorric, kung tungkol sa sinabi mong halaga kay Vergie ang nakalimutan mong ibigay sa akin, 'wag mo
ngtangkain na ibigay kung ayaw mong magalit ako sa iyo."

"So, libre talaga 'yong oras na ibinigay mo sa akin kahapon?" at nangingiti pa ito sa tanong nitong iyon.

"Una sa lahat, ayaw na ayaw kong magkakaroon ng involve na pera sa pagitan natin," hindi na niya
napigilan na sabihin dito. "Ayaw ko ng ganoon, Mhorric." Gusto niya, kung ma-i-involve man siya rito,
iyon ay dahil sarili lang nito ang dahilan at hindi ang pera nito.

"Kung ganoon, siguro naman ay tatanggapin mo ito," anito na lumapit sa kaniya nang husto. Walang
imik na kinuha nito ang kaniyang kamay at inilagay roon ang kapirasong papel.

"A-ano ito?"

"Tingnan mo," sa halip ay utos nito sa kaniya.

Isang sulyap pa kay Mhorric bago ibinalik ang tingin sa kapirasong papel na nakatupi pa sa kaniyang
palad. Kinuha niya iyon at binuklat. Sa isip ay binasa niya.

The LPG Tower. Twenty-eight floor. Unit three.

Nakasulat din doon ang digital code ng condo unit nito. Pati cellphone number nito ay nakasulat din sa
papel na iyon.

Kumunot tuloy ang kaniyang noo nang muli niyangtingnan si Mhorric. "Bakit binigyan mo ako

"Ayaw mo namang mag-iwan sa akin ng address at contact mo, kaya ako na lang ang magbibigay sa iyo.
Hahayaan kitang urnuwi sa inyo ngayon—

"Paano kung hindi na ako burnalik sa lugar

Sandaling katahimikan bago ito nagsalita. "Isa lang ang ibig sabihin noon. Hindi ako mahalaga sa iyo at
ayaw mo akong makasama rito."

Kaunti na lang ay magpapapagyak na siya sa harapan nito. "Seryoso, Mhorric. Ang labo mo kasing
kausap. Gusto mo akong mag-stay rito pero ayaw mo namang sabihin kung bakit. Paano ako
makakapagdesisyon katulad ng gusto mo?" Nagbaba siya ng tingin. "Ang labo-labo mo."

"Sinabi ko naman sa iyo na gusto kitang makasama."

"Pero bakit nga kasi?" aniya na muli itong tiningnan.

Ano ba ang pumipigil clito at hindi nito masabi ang dahilan?

Bumuntong-hininga ito. "Pagod na akong mag-isa lang. Pagod na akong umasa kung kailan ka ulit
darating. Noong nagkita tayo kahapon, alam mo 'yong para akong nabuhayan ng 100b dahil nagpakita ka
ulit. The heck kung ano ang ginawa mong trabaho kahapon? I'll still want you to stay. Pero kailangan
mong urnuwi sa inyo at magpakita sa mga magulang mo. Fine, I'll let you. Kahit hindi ako sigurado kung
babalik ka. 'Di ba, ang gago ko sa part na hahayaan na naman kitang mawala kahit puwede naman kitang
hindi na lang pauwiin? Pero katulad ng sinabi ko sa iyo, ayaw kitang piliting mag-stay sa akin kung ayaw
mo. Mas masarap pa rin sa pakiramdam 'yong bukal sa puso mo."

There, tagos sa puso niya ang mga sinabi nito. Kung ganoon, legit na gusto talaga siya nitong makasama
at hindi lang dahil trip nito. Sapat na sa kaniya ang sagot nitong iyon para pag-isipan niya ang offer nito.

"S-seryoso ka talaga riyan?"

"Seryosong-seryoso," tugon nito.

Bahagya niyang nakagat ang ibabang-labi.

"Hindi na magbabago ang isip mo?"

Urniling ito habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kaniya.

"Ang seryoso ng gusto mo, Mhorric. Puwede bang. .. pag-isipang m abuti?"

"Kaya nga ibinigay ko 'yang contact ko. Umuwi ka langsa bahay kapag nakapag-isip ka na. O, kung gusto
mo, puwede naman kitang puntahan sa bahay ninyo para maipakilala mo na rin ako sa mga magulang
mo."

Pigil niya ang kilig sa sinabi nito.

Nakakatuwa lang din na gusto nitong makaharap ang mga magulang niya basta pumayag siya. Pero
pakiramdam niya ay napaka-kumplekado pa rin ng mga bagay-bagay. At isa pa, kakakita lang nila ni
Mhorric ulit. Baka mabigla ang mga magulang niya kapag bigla ay ipinakilala niya ito sa mga iyon.

Siguro sa ibang pagkakataon na lang...

kapag totoong m ay forever.

"Paalis na rin daw kayo," mayamaya ay wika nito. "Ingat na lang din. Hihintayin ko kahit tawag mo."

Gusto niyang tumango, pero ayaw naman niya na urnasa ito at maghintay sa tawag niya.

Lalo pa sa tingin niya ay iba ang network na garnit nito. Siguradong mahagad sa load.

"Bahala na," sabi na lang niya na isiniksik sa kaniyang sling bag ang papel na ibinigay nito sa kaniya.
Akmang kukunin niya ang dala niyang duffel bag nang unahan siya nito.

"Ako na," ani Mhorric na nagpatiuna na papunta sa may pintuan.

Mabilis naman siyang sumunod dito. Kay bilis pa ng kabog sa dibdib niya nang mga sandaling iyon. At
nang humarap ito sa kaniya ay agad siyang tumingkayad at kinintalan ito ng halik sa labi nito.
Ganoon na lang nang matigilan si Mhorric sa kaniyang ginawa. Mukhang hindi nito inaasahan ang
ginawa niyang iyon. Napangiti tuloy siya sa reaksiyon nitong iyon. Goodbye kiss lang naman niya iyon
dito.

Siya na ang nagbukas sa pinto at nagpatiuna na sa paglabas. Baka bawian pa siya ni Mhorric sa kaniyang
ginawa kung hindi agad siya lalabas sa silid na iyon. Baka ang ending? Magbago pang lalo ang desisyon
niya na uuwi muna siya sa kanila.

Chapter 44

NAKATITIG lang si Candy sa kapirasong papel na galing pa kay Mhorric. Hindi niya alam kung tatawagan
na ba niya o 'wag muna ang numero nito. May tatlong araw na rin na nagtatalo ang isip niya. Marahas
siyang bumuntong-hininga.

Simula nang umuwi siya ay wala na siyang iba pang inisip kundi si Mhorric. Kung kumusta kaya ito o kung
ano ang ginagawa nito nang mga sandaling iyon.

Ang kaibahan lang ngayon, maaari niya itong matawagan dahil may cellphone number na siya nito. Hindi
katulad noon na wala siya kahit na anong contact dito.

"Ate Candy, pabili ho ng isang kilong bigas. Ate Candy!" malakas ng ulit ng bata na nasa harapan ng
kanilang munting tindahan.

Napakislot si Candy sa malakas na boses na iyon. Agad niyang itinago sa bulsa ng suot niyang pantalon
ang kapirasong papel at hinarap ang batang napapakamot pa sa ulo dahil sa tagal niyang kumilos.

"A-ano 'yon, Samuel?" aniya sa bata na suki sa tindahan nila. Malapit lang ang bahay nito sa kanila kaya
naman kilala niya.

"Isang kilong bigas PO. 'Yong pinakamahal

ang kilo."

"Wow, bakit mamahaling bigas yata ang bibilhin mo ngayon?" biro pa niya na nagkilo na ng bigas na nais
nito. Noon kasi ay palaging pinakamurang bigas ang binibili nito.

"Tinapa ang ulam namin kaya gusto ni mama ay 'yong bigas na mahal para mas masarap daw po ang
kain namin ngayong tanghali." Napangiti siya sa sinabi nito. "Naku, siguradong marami ka ngang
makakain dahil masarap ang ulam ninyo."

"Mas masarap pa rin po ang fried chicken, nangingiti nitong wika bago inabot sa kaniya ang bayad sa
bigas. "Bayad PO."
"May sukli ka pa," aniya na ibinigay naman dito ang isang kilo ng bigas pagkakuha sa binayad nito sa
kaniya. "Ingatan mo ang kapit sa supot at baka malaglag sa daan ang mga butil ng bigas." Bawal na kasi
ang plastic kaya naman sa supot na papel nakalagay ang bigas na binili nito.

"Opo," sagot ni Samuel. "Salamat, Ate Candy," wika pa nito nang maibigay niya rito ang sukli sa binili
nitong bigas.

Hinatid na lang niya ng tingin ang batang si Samuel bago muling naupo sa upuan na naroon sa tindahan
nila. Napabuntong-hininga na naman siya.

Kapag ganoong nasa kanila lang siya ay siya

ang nagbabantay sa kanilangtindahan na nasa harapan lang ng kanilang bahay. Ang mga magulang niya
ay hinahayaan lang niya na m agbantay kay Aivan.

Lumipas na naman angsandali na nakatulala lang siya sa kawalan.

"Anak, kakain na. Hahatiran ba kita riyan o kukuha ka na lang ng pagkain sa 100b?" tanong pa sa kaniya
ng kaniyang Nanay Rose na nasa may bungad lang ng pinto ngtindahan.

Napakurap-kurap si Candy nang marinig ang boses na iyon ng kaniyang ina. "Ako na lang po ang kukuha,
'Nay," aniya nang lingunin ito.

"Sige. Surnunod ka na sa 100b."

Hindi naman kasi puwedeng walangtao sa may tindahan kaya doon siya kumakain kapag tanghali.

Matapos mananghalian ay ang kapirasong papel na naman ang kaniyang pinakatitigan.

Napasulyap pa siya sa kaniyang cellphone. Kabibili lang niya ng bagong sim card. May regular load na rin
iyon. Same sa network na gamit ni Mhorric sa cellphone nito ang binili niyang sim. Kaya kung makapal
ang mukha niya, puwedeng-pwede na niya itongtawagan. Ngunit heto at pipindot pa lang siya ay
dinadalahit na siya ng kaba sa dibdib. Ano naman ang sasabihin niya kay Mhorric kapag tinawagan niya
ito?

Heto nga at undecided pa rin siya kung

papayag ba siya sa nais nito o hindi. Dahil maging siya ay hindi pa alam kung ano ang idadahilan sa
kaniyang ama kaya aalis muna siya kung sakali man.

Pero sa ama na rin naman niya nanggaling na hindi ito tututol kung dumating man sa punto na may
magustuhan siyang lalaki. O kahit nga ang mag-asawa na siya dahil nasa tamang edad na rin naman siya
at ika pa nito ay nagawa na niya ang lahat para sa pamilya nila kaya tanggap nito kung magdesisyon man
siya na magkaroon ng sariling pamilya.

Alam niya na sobrang aga pa para isipin ang bagay na iyon. Pero nagsusumigaw pa rin ang offer ni
Mhorric sa kaniya na makasama ito sa Pagbilao City kung gugustuhin niya.
Nakagat niya ang ibabang-labi. Handa na ba siyang makipag-live-in? Mukhang doon ang uwl nila ni
Mhorric kung papayag siya sa gusto nito na mag-stay kasama nito.

Live-in. , ,

Naalala niya iyong sinabi ng isa niyang kaibigan na may ka-live in ngayon. Ang katwiran kasi niyon ay mas
okay na iyong maaga pa lang ay nakikilala na ang ugali ng isa't isa ng mag-partner habang nasa iisang
bubong. Kaysa iyong pumasok agad sa kasal, tapos kung kailan magkasama na sa iisang bubong at
makita ang totoong pag-uugali ay mauuwi sa hiwalayan dahil hindi matiis. At least, maghiwalay man ang
mga iyon ay hindi nakatali sa isang kasal.

Nakagat niya ang ibabang-labi. Ganoon na ba talaga kamoderno ang mundo? Samantalang siya ay
lumaki sa paniniwala na dapat kasal muna bago magsama sa iisang bubong ang lalaki at babae.

Hindi naman mukhang nasasabik langsa kaniya si Mhorric kaya gusto siya nitong makasama. Dito na rin
nanggaling na pagod na itong mag-isa lang sa buhay. Ibig niyong sabihin ay mukhang hindi talaga ito
pumasok sa isang relasyon. At hinintay nito na magkita ulit sila.

Isang hinga pa nang malalim bago kinuha ang kaniyang cellphone at wala ng atrasan pa na tinawagan
ang cellphone number ni Mhorric. Kumunot pa ang noo niya dahil matatapos na lang ang tawag niya ay
hindi pa rin iyon sumasagot.

Mukhang busy ito. Napabuntong-hininga siya. Akrnang pipindutin na niya ang cancel call nang bigla
naman iyong sagutin ni Mhorric. Ganoon na lang lalo ang naging pagkabog ng m abilis ng kaniyang puso.

lyong puso niya na kulang na lang ay turnalon nang marinig ang boses na iyon ni Mhorric. Para pa
siyangtimang na impit na napangiti. Lihim siyang lumunok at piniling

pag-trip-an muna ito.

"Good afternoon, Sir," aniya na pinaganda pa ang boses. Tipong nasa call center. "Malapit na po ninyong
ma-reach ang inyong credit limit para sa buwan na ito kaya naman—

Umawang ang labi niya dahil sa pagbanggit nito sa kaniyang pangalan. Hindi tuloy agad siya
nakapagsalita. Sa dami ng puwede nitong maisip na pangalan ay siya talaga agad ang binanggit nito. O
baka naman hinihintay rin talaga nito ang tawag mula sa kaniya?

"Come on. Alam kong ikaw 'yan."

Hindi na niya napigilan ang mapatawa. "Paano mo nalaman?" sa huli ay tanong din niya. Suko agad sa
kaniyang kalokohan.

"Tinagalog mo kasi. Siguro, kung nag-English ka pa, baka maniwala akong hindi ikaw cyan."

Nakagat niya ang ibabang-labi. "Ganoon ba?" nangingiti pa niyangtanong. "Mukhang busy ka kasi ang
tagal mong sumagot," aniya kapagkuwan.
"No. Hindi ako busy," agad naman nitong tugon.

"Sir, pinababalik po kayo sa 100b ng Board Room," naulanigan ni Candy na wika ng isang lalaki sa
kabilang linya.

"Just a minute, Mr. Tolerino."

"Mhorric, Sige na. Busy ka, unahin mo na muna 'yon."

Napabuntong-hininga si Mhorric sa kabilang linya. "Okay. I'll call you later pagkatapos ng meeting.
Hmmm?"

"Sige."

"l miss you, Can—" ani Mhorric bago tuluyang naputol ang tawag niyang iyon.

"H-hello?" aniya ngunit busy tone na lang ang narinig niya. Kumunot ang kaniyang noo nang pagmasdan
niya ang kaniyang cellphone.

Malinaw niyang narinig ang huling sinabi ni Mhorric. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit
naputol ang tawag bigla?

Nang makita niya na zero balance na ang load niya ay saka lang niya naalala na hindi pa nga pala niya
iyon na-i-i-register.

"Ay ang shonga," aniya nang ma-realize na hindi man lang niya iyon na-register sa unlimited call. Regular
load ang naipangtawag niya kay Mhorric. Nasapo niya ang noo.

miss you...

Ang benta ng sinabi nitong iyon sa kaniya. Hindi tuloy mabura ang ngiti sa labi niya.

Sa 100b ng isang taon, ngayon na lang ulit niya naramdaman kung paano ang kiligin. At sa iisangtaon
lang niya iyon naranasan.

Paano kung mas pagsisihan niya sa huli ang hindi pagpayag sa nais ni Mhorric?

Nakagat ni Candy ang ibabang-labi sa isiping iyon.

Readers also enjoyed:

Alphas Broken Mate

0 149.5K Read

TAGS billionaire alpha sex kidnap


Chapter 45

AGAD ang pag-upo ngtuwid ni Candy nang tuluyang maalimpungatan mula sa pagkakatulog ng hapong
iyon. Nakayukyok lang siya sa may lamesa. Nahawakan pa niya ang gilid ng kaniyang labi. Wala naman
doong bakas na tumulo ang kaniyang laway sa pagkakatulog.

Nakatulog pala siya. Hindi niya namalayan. Napatingin siya sa ibabaw ng lamesa na nasa gilid lang ng
tindahan kung saan ay nakatulog siya. Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone. May sampung missed
calls na naka-flash sa screen ng kaniyang cellphone. Number iyon ni Mhorric. Kahit hindi iyon naka-save
sa list ng contact ng kaniyang cellphone ay alam naman niya na sa binata iyon.

Pero dahil nakatulog siya kaya naman hindi niya nasagot. Saka lang din niya naalala na naka-silent palagi
ang cellphone niya. Kaya hindl' siya nagising nang tumawag si Mhorric kanina.

"Pabili PO.

Dahil ukupado na naman ni Mhorric ang isip niya ay hindi agad niya napansin ang bumibili. Tuloy,
humahangos pang pumasok sa tindahan ang kaniyang ama.

"Gising ka na pala, Candy," pansin pa ni

Tatay Henry sa kaniya nang makitang gising na siya.

Saka lang natinag si Candy sa pagkakatitig sa cellphone niya bago napansin ang bumibili.

Ang tatay na niya ang nagbenta sa costumer nila.

"N-nakatulugan ko ang tindahan, 'Tay," aniya rito nang makaalis ang burnibili ng sigarilyo.

"00 nga. Ako na ang nagbenta kanina sa mga burnibili."

"Bakit hindi niyo po ako ginising, 'Tay?"

"Ang sarap ng tulog mo," nangingiti pa nitong wika bago nagpaalam na babalik na sa 100b ng bahay tutal
naman ay gising na siya.

Napabuntong-hininga siya. Kung siguro ay ginising siya ng kaniyang ama, baka sakaling nasagot niya ang
tawag ni Mhorric. Wala naman iyong iniwan kahit text message sa kaniya. Puro missed calls lang.

Tiningnan niya kung ano'ng oras na. Alas kuwatro na ng hapon. Baka busy na ito sa trabaho nito. Inabala
na lang muna niya ang sarili sa pagtitinda sa tindahan. Ang kaniya namang cellphone ay nilagyan niya ng
mahinang ringtone. Sapat lang para malaman niya kung may tumatawag o nagti-text.

Bakit ganoon? Kung kailan payag naman ang kaniyang mga magulang na makipagrelasyon siya o
magpaligaw ay saka pa siya nailang sa mga ito
ngayong may inaasahan siyang tawag. Tawag mula sa isang lalaki. Lalaki na napakalayo ng agwat ng
buhay sa kanila.

Kasasara lang niya ngtindahan nila kinagabihan at saktong nasa garnit na niyang silid siya nang muling
makatanggap ng tawag mula kay Mhorric. Ang kaso, hindi naman niya agad masagot dahil sa silid na
iyon ay kasama niya roon ang dalawa pa niyang kapatid na nakahiga sa may double deck na kama. Hindi
pa tulog at abala pa sa kani-kaniyang assignments.

Lum abas siya ng kanilang silid at dumiretso sa may banyo. Wala roong tao. Akmang sasagutin na niya
ang tawag ni Mhorric nang matapos naman iyon. Napabuntong-hininga siya.

Ang takip ng toilet bowl ay kaniyang isinara at doon ay naupo habang naghihintay sa muling pagtawag ni
Mhorric. Muntik pang dumulas sa kaniyang kamay ang cellphone niya nang muting makatanggap ng
tawag kay Mhorric.

May excitement na agad nabuhay sa kaniyang puso. Huminga pa siya nang malalim bago iyon sinagot at
agad na idinikit sa kaniyang tainga ang naturang cellphone.

"Hello?" bungad niya. Nakagat pa niya ang ibabang-labi.

"Busy ka?" narinig pa niyang tanong ni Mhorric buhat sa kabilang linya.

"H-hindi na. Katatapos ko lang magsara ng tindahan namin."

"Overtime ka sa tindahan ninyo?" biro pa nito na ikinangiti niya.

"Normal na alas otso y media ng gabi ang pagsasara namin ng tindahan."

"Baka nakakaabala ako sa pagpapahinga

Hay, kung alam lang nito na kanina pa siya naghintay na tumawag ulit ito. "Hindi. Okay lang. Wala na
naman akong gagawin. Ikaw, nakauwi ka

"00."

"Kumain ka na?" agad niyangtanong.

Dinig ni Candy ang bahagyang pagtawa ni Mhorric sa kabilang linya. "Katatapos lang.

N a-miss ko talaga 'yang pagiging concern mo." There, nakagat na naman niya ang ibabang-labi habang
pigil ang pagngiti. "Sigurado naman ako na maraming concern sa iyo. Kaya 'wag mo akong banatan ng
na-miss mo ang pagiging concern ko sa iyo. 'Wag ako, Mhorric."

"Seryoso, Candy."

"Gaano ka kaseryoso?" Sa akin?dugtong pa niya sa kaniyang isipan na impit na namang nagpangiti sa


kaniya.
"One hundred one percent."

"Siguro, mahilig ka sa basketball, Mhorric.

Ang hilig mo sa bola, eh."

Natawa na naman ito. "Hindi ako nambobola lang. So, ano na? Three days na. Hindi ka pa rin ba
nakakapagdesisyon?"

Turningala siya sa kisame at pinagmasdan ang naroong butiki. "Ano ba kasi ang gagawin ko riyan? Stay-
in sa bahay mo?" biro pa niya rito.

"Puwede. Kaso, naisip ko rin na baka mainip ka."

N agsalubong tuloy ang kaniyang kilay. "Nagbago na ang isip mo?" Na-realize ba nito na baka umalis siya
dahil lang maiinip siya sa bahay

"Hmmm."

Hindi agad siya nakapagsalita. Buhat sa kisame ay nagbaba na siya ng tingin.

"Kung nagbago na ang isip mo, hindi mo na kailangan ang desisyon ko kung pupunta pa ba ako riyan o
hindi na."

"Candy, hindi ko naman sinabi na hindi na kita pinababalik dito. Gusto mo ba, sunduin pa kita riyan sa
inyo?"

"As if naman ay alam mo kung nasaan ako ngayon?"

"Don't try me, Candy. I can trace you. Baka magulat ka na lang isang umaga, nakikipag-kape na ako sa
tatay mo."

Umawang ang labi niya sa sinabi nito.

"'W-wag mong susubukan, Mhorric."

"Ayaw mo bang makilala ako ng tatay mo?" Nakagat na naman niya ang ibabang-labi.

"Hindi ka naman nila kailangan pang makilala"

"Bakit hindi?"

"At ano naman ang pakilala ko sa iyo sa mga magulang ko? Aber? Ganito ba? 'Tay, 'Nay, si Mhorric PO.
Kakilala ko mula sa nakaraan ko, pairap niyang turan kahit na hindi naman siya nito kita.

"Ang cute mo. Last mo na 'yan," ani Mhorric sa kabilang linya.

Nangingiting inilipat niya sa kabilang tainga ang kan iyang cellphone.


"I'll give you until tomorrow to decide, Candy." "Kapag wala pa rin akong sagot hanggang bukas?"

"Then, magigising ka na nga lang isang umaga na nariyan ako sa inyo at nagkakape kasama ng tatay mo."

Seryoso ba ito sa lagay na iyon?

"As if naman totoong alam mo kung nasaan

"Bulacan," anito na nakapagpatameme kay Candy. Sa kabilang linya naman ay napangiti pa si Mhorric.
"Natahimik ka yata?" he even teased.

Tama ito sa binanggit nitong probinsiya. Lalo tuloy lumakas ang kabog sa kaniyang dibdib.

Turnikhim siya. "P-paano mo nalaman?"

"Secret."

"Mhorric, 'wag na 'wag kang susulpot dito. I'll swear, makakalipat kami ng tirahan ng wala sa oras,"
mariin niyang wika.

"Candy, hindi ba ako welcome diyan?" himig hinampo pa nitong tanong.

"Hindi naman sa hindi ka welcome. Hindi mo ba naisip ang magiging impact kapag nakita ka nila? Ayaw
ko lang mag-invest ng emotion sa iyo ang pamilya ko. Tapos sa huli—"

"Bakit ba 'yong huli agad ang iniisip mo? Ni wala pa nga tayong nasisimulan."

Tayo. ibig ba niyong sabihin ay gusto talaga nito na may masimulan din silang dalawa?

"Gusto ko rin namang makilala ang pamilya mo," dagdag pa ni Mhorric. "Gusto ko ring makuha
'yongtiwala nila katulad ng tiwala na ibibigay mo sa akin. Sa tingin mo ba, sasayangin ko 'yon? Of course
not."

"Pero hindi ngayon, Mhorric. 'Wag agad-agad."

Napabuntong-hininga ito. "Ikaw ang masusunod."

Napakislot siya nang marinig ang sunod-sunod na katok buhat sa labas ng pinto ng banyo.

"Sinong tao?" narinig ni Candy na tanong ni Margaux mula sa labas ng pinto.

"Ako!" sagot niya.

"Ate, pakibilisan lalabas na!"

"00," aniya bago muling binalikan si Mhorric. "May gagamit na nitong banyo. Kailangan ko ng putulin
itong tawag mo."

"Nasa banyo ka ngayon?" natatawa pang tanong ni Mhorric.


"00. Alangan namang ipangalandakan ko sa labas na may kausap ako sa cellphone?"

"Daig mo pa 'yong babae na nagtatago ng boyfriend sa pamilya niya," biro pa nito sa kaniya. "Hindi mo
naman ako kailangang itago sa kanila."

"Ang feeling mo sa part na 'yan. Hindi kita boyfriend para itago sa kanila. Ayaw ko lang mag-explain sa
kanila." "Ganoon na rin 'yon."

"Ate l"

"Sige na. Bye na. Good night," aniya na hindi na hinintay pa na makasagot ito. Tinapos na niya angtawag
na iyon bago turnayo at agad na itinago sa kaniyang bulsa ang dala niyang cellphone. Pagkuwan ay
binuksan na niya ang pinto ng banyo.

Mabilis namang pumasok sa 100b si Margaux at kulang na lang ay itulak siya palabas. Mukhang lalabas
na nga ang sama ng 100b nito.

Napatingin siya sa kaniyang cellphone nang makitang may dumating na text message. Mula iyon kay
Mhorric.

Tatawag ulit ako bukas. Good night. Sleep well.

May kiss emoji pa iyon sa dulo na ikinangiti niyang lalo. Hindi naman niya magawang mag-reply dahil
wala ng load ang kaniyang cellphone.

Kung kailan siya turnanda ay saka pa siya nagma-feeling teenager dahil sa kaniyang kilig na
nararamdaman.

The Wolf Princess and...

Addie Hayes

"How many mates do you have,

Princess?" Kia asks] look over at h

Chapter 46

HUMIGPIT lalo ang pagkakahawak ni Mhorric sa kaniyang cellphone. Ni hindi niya iyon magawang ibaba
matapos marinig ang busy tone. Senyales na wala na ang kausap niya sa kabilang linya.

Napatanaw siya sa malayo. May hapdi sa kaniyang lalamunan nang siya ay lumunok.

Nang makahuma ay muli niyangtinawagan ang numero ni Candy ngunit kina-cancel naman nito ang
kaniyang tawag. Pinigilan niya ang sarili na maibato ang hawak na cellphone dahil sa frustration na
nararamdaman.
"Pasensiya na, Mhorric. Kung hindi mangyayari 'yonggusto mo na mag-stay ako sa iyo. Ang darni kong
kailangang i-consider. Hindi ko puwedeng unahin angsarili koe Hindi naman lingid sa iyo na breadwinner
ako ng pamilya namin. Priority ko sa ngayon angpag-aaral ng mga kapatid 1<0. At uunahan na kita kung
igigiit mo na tutulungan mo sila na makatapos. Salamat, pero ayaw konggawin mo 'yon. Hindi mo kargo
ang pamilya ko. At ayaw ko rin na isipin ng iba nayaman mo lang ang dahilan kaya nakikipaglapit ako sa
iyo. Alam mo ring hindi ganoon. Dahil kung ganoon lang talaga ang habol ko, eh, 'di sana pumatol na ako
sa mayayamang nagpapakita ng interes sa akin. Sorry. Sana maintindihan mo..

lyon ang sinabi ni Candy sa kaniya nang hingin niya ang final nitong sagot.

"O, ano'ng nangyari sa isang 'yon? Kanina lang ay ngiting-ngiti pa nang dumating dito sa restaurant.
Ngayon naman ay daig pa ang pinagsakluban ng langit at lupa?" ani Ruin Austria kay Blair na nakatuon
din angtingin sa kinaroroonan ni Mhorric.

Nang mga sandaling iyon ay nasa may veranda siya ng Bay View Restaurant. Ang magandang view sa
gabi ng Lineage Energy, sa unang pagkakataon ay ni hindi niya magawang i-appreciate.

"Hindi ko alam. May kausap siya sa cellphone. Mukhang katatapos lang. Then, ganiyan na," ani Blair kay
Ruin. "Hey, Mhorric!" tawag nito sa kaniya.

Huminga muna siya nang malalim bago ipinasya na bumalik sa lamesa na ukupado nila ng kaibigan
niyang si Blair. Sandali pa siyang napahinto sa paglalakad nang makitang kasama na nila sa lamesa si
Ruin Austria. Muli ay nagpatuloy siya sa paglalakad at naupo sa bakantengsilya.

"Ano'ng nangyari? May ka-deal ka ba na hindi mo nakuha ang matamis na 00?" nakangisi

pang tanong ni Blair.

"Something like that," aniya na kinuha ang baso na may lamangjuice at uminom doon. Pagkababa niya
sa ininumang baso ay doon na natuon ang kaniyang pansin.

Nagkatinginan tuloy si Blair at Ruin.

"What do you mean by that? Malaking deal ba 'yan?"

"Share mo na sa amin at baka mabigyan ka pa namin ng magandang advice para naman mabawasan
'yang pagkalugi ng hitsura mo," suhistiyon ni Ruin.

Marahas siyang bumuntong-hininga. Hindi niya alam kung paano ba siya magsisimula o kung
maiintindihan ba siya ng mga ito?

"l," simula niya na sumulyap pa kay Blair. "l want to live with someone."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"l have this special someone na gusto kong makasama sa bahay. Hinintay ko 'yong sagot niya ng ilang
araw. At ang final niyang sagot ay hindi, amin niya sa mga ito.
"Gusto mong makipag-live in, ganoon ba?" ani Ruin.

"Kung 'yon ang tawag doon," aniya rito. Nahimas nito ang baba nito. Si Blair naman ay hindi
makapagbigay ng opinyon.

"Bakit daw ayaw niya? Ikaw pa ang

tinanggihan ng lagay na 'yan? Hindi ba niya alam kung gaano katabang isda ang tinanggihan niya?"
"Alam niya. Alam niya ang estado ko sa buhay. At sa tingin 1<0, isa 'yon sa talagang problema kaya
tumanggi siya."

"Pero ano talaga ang idinahilan niya nang turnanggi siya sa alok mo?" tanong ni Blair.

"Family niya. Breadwinner siya sa pamilya nila. May mga kapatid pa siya na nag-aaral at priority niya na
makatapos ang mga 'yon."

"Mhorric, napakadali ng problema mo. Barya lang sa iyo ang gagastusin sa pag-aaral ng mga kapatid
niya," ani Blair.

Urniling siya. "Ayaw nga niya na tulungan ko siya sa pag-aaral ng mga kapatid niya. Ayaw na ayaw niya
na magkaroon ng involve na pera sa pagitan namin."

"Wow. Bibihira 'yong ganiyan. 'Yong hindi nasisilaw sa yaman mo," ani Yuji Sakai na nakiupo pa sa tabi
niya. "O baka naman sa una lang kunwari ayaw niya sa yarnan mo pero deep inside

"Eh, 'di sana noon pa ay pumatol na siya sa akin? Pero hindi. Umalis pa rin siya," putol niya sa sasabihin
pa nito.

"Aba at mukhang matagal na 'yang babae na tinutukoy mo," ani Blair na kumunot pa ang noo.
"Imposibleng si Ann Dae 'yan. May itinatago kang Mataman niyang pinagmasdan si Blair.

"Tanda mo ba 'yong nag-alaga sa akin sa

Tagaytay noong panahon na nagkasakit ako?"

Nagsalubong ang mga kilay nito.

"Nag-alaga?"

"Last year. 'Yong binigyan mo ng calling card mo," pagbibigay niya ng ideya kay Blair.

"Ah!" react ni Blair nang maalala ang tinutukoy niya. "Maganda 'yon, ha," anito na sumeryoso pa ang
mukha. "Don't tell me, nahulog ka sa kaniya?" Turnango si Mhorric. "Damn. Kaya ba hindi mo
binabalikan si Ann Dae dahil sa babae na 'yon?"

"Teka nga, hindi ako maka-relate," awat sa kanila ni Yuji Sakai. "Ano ba ang nangyari noon?" tanong pa
nito. "Ang alam ko lang dito kay
Mhorric, laging tulala rito sa restaurant ko."

At inunahan pa talaga siya ni Blair sa pagkukuwento tungkol sa pagkakaroon niya ng sakit noon at ang
pagloloko ng dati niyang nobya. Pero ang nakuwento lang nito tungkol kay Candy ay noong dalawin siya
nito ng isang beses sa Tagaytay.

"Actually, hinihintay ko nga na tawagan ako, eh. Kaso, mukhang sinabotahe nitong si Mhorric," ngumisi
pa sa kaniya si Blair pagkasabi niyon.

"Am I right?"

"Sa klase mo pagdating sa mga babae, sa tingin mo, hahayaan ko siya na mapalapit sa iyo?"

kontra niya rito.

"Ah, kaya hinarang mo para sa iyo lang ang atensiyon niya?"

"Sa madaling salita, nahulog ka sa kaniya noon pa man?" segunda ni Ruin sa litanya ni Blair.

Tumango siya at hindi itinanggi ang tanong ni Ruin.

"Kaya ba hindi ka namin nababalitaan na may girlfriend o fling dahil umaasa ka pa rin sa kaniya?" tanong
naman ni Yuji Sakai.

"Sort off. Akala ko, tatanggapin niya 'yong alok ko na mag-stay rito sa Pagbilao kasama ako," aniya na
bumuntong-hininga. "Pero tinanggihan niya dahil sa mga priorities niya."

"Mahinang nilalang," naiiling na wika ni Kienlee Scott na nakikinig pala sa usapan nila sa kabilang lamesa.
Nilingon pa sila nito. "Alam mo, Mhorric, tatanggihan ka talaga ng babaeng matino kung aayain mo lang
na tumira sa bahay mo kasama mo. Ano ba ang maipapangako mo sa kaniya? Kaluwalhatian lang? Bakit
hindi mo subukan na mag-effort muna sa kaniya? Ni hindi mo man langyata nagawang ligawan. Pakitang
gilas ka muna. Malay mo, magbago ang isip. Hindi 'yong tinanggihan ka lang, akala mo naman ay end of
the world na," pangbabasag pa nito sa kaniya.

Tumikhim si Blair at pigil ang matawa. "Ito pa ang isa, ang takas mag-aya na tumira kasama sa bahay
mo," anito sa kaniya. "Ano ba ang ipapakain mo sa kaniya kapag tumira siya sa bahay mo? Puro tubig sa
ref mo?"

Pati ba naman iyon ay kailangan pa nitong sabihin? Hindi tuloy niya maiwasan na hindi maalala si Candy
na napansin din ang puro tubig sa ref niya.

"Alam mo naman na hindi ako marunong sa kusina. Ano'ng gusto mo, punuin ko ang ref ko at hayaang
masira lang ang mga laman?"

"Then, mag-hired ka ng chef para naman hindi niya problemahin kung ano ang kakainin ninyo. Pogi ka na
sana, eh. Kaso, puro tubig lang ang laman ng ref mo, Mhorric. Nakaka-turn off ka."
"Kaibigan ba talaga kita?"

"Na-i-imagine ko 'yong mukha ng gusto mong itira sa bahay mo kung aling bote ng mineral water ang
sunod niyang bubuksan. Kung 'yong nasa bandang itaas ba o 'yong nasa bandang ibaba?" Napabunghalit
pa ng tawa si Blair na ayaw pa ringtumigil

"Para namang napakagaling mong magluto," asik niya rito.

"Tama na cyan," saway sa kanila ni Ruin. "Bago pa mag-ending ang friendship ninyong dalawa."

"Mhorric, i-consider mo 'yong sinabi ko," anl Kien lee Scott.

"Paano naman manliligaw ang isang ito?" pang-aasar na naman ni Blair sa kaniya.

"Shut up," wika na niya rito.

"Magpakitang gilas nga si Mhorric sa babaeng nagugustuhan niya," ani Kienlee. "Kung magbibigay ka ng
bagay, dapat 'yong ma-a-appreciate ngtulad niya. Do you think, matutuwa ba siya sa mga materyal na
bagay? Kung hindi, isip ka ng iba. Para hindi ka na rin mahirapang mag-isip, bibigyan kita ng choices
mamaya," ngumisi pa sa kaniya si Kienlee bago nagbawi ngtingin.

Dapat ba siyang makinig sa mga ito?

Pero ano ba ang malay niya sa totoong dahilan ni Candy kaya siya nito tinanggihan? Baka naman
masyado itong na-pe-pressure dahil sa gusto niyang mangyari?

Gusto lang naman niya na mas lalo pa niya itong makilala. Alam niya na marami pa itong hindi
nakukuwento sa kaniya.

"Baka naman conservative 'yong natitipuhan mo kaya ayaw makipag-live in sa iyo? Siguro iniisip niya rin
na baka sa bandang huli, hindi kayo mag-click?"

Umangat ang tingin niya kay Ruin.

"Don't get mad, Mhorric. I'm just stating the fact," agad nitong bawi.

"Ang mabuti mong gawin," ani Kienlee na

9/1 5

lumingon na naman sa kaniya. "Alisin mo 'yong pag-aalinlangan sa kaniya kung totoo man 'yang
intensiyon mo. Kasi kung iisipin. Kung panandaliang kaligayahan lang ang habol mo sa kaniya, hinanap
mo na sana sa iba. But the fact na never kang nakipag-relasyon sa 100b ng isang taon... isang patunay na
'yan na hindi joke ang nararamdaman mo. Men, you're really in love with her. Alam mo naman sa sarili
mo 'yan kung sa pagkikita ninyong muli ay nangingibabaw pa rin 'yan. If yes, hindi mo kailangang pigilan.
Ipakita mo sa kaniya. Kaysa mag-aksaya ka ng panahon na kinikimkim mo lang 'yan. Malay mo, mutual
naman kayo ng nararamdaman. Eh, 'di parehas pa kayong sumaya," mahabang litanya ni Kienlee Scott.
'"Wag ka lang torpe na ipakita ang nararamdaman mo. Ah, 'wag puro the moves. Minsan, gusto rin ng
babae na naririnig na mahal mo sila."

Minsan, gusto rin ng babae na naririnig na mahal mo sila..

Ang sinabing iyon ni Kienlee Scott ay tumatak sa isipan ni Mhorric. May punto na naman ito. Hindi sa
lahat ng oras ay puro action lang siya. Kailangan din talaga niya na sabihin ang kung ano mang
nararamdaman niya.

NAGWAWALIS si Candy sa harapan ng

kanilangtindahan, nang bandang hapon na iyon, nang huminto ang isang may kahabaang close van sa
tapat ng kanilang tindahan.

Bago siya pumasok sa kanilang bakuran ay hinintay pa niya na burnaba ang driver niyon.

Kung bibili ba iyon o hindi.

"Delivery PO," anang isang lalaki na bumaba mula sa driver side ng close van.

Delivery? Wala naman siyang natatandaan na may parating silang delivery nang araw na iyon.

"Sandali lang ho," aniya na minabuti munang pumasok sa 100b ng kanilang bahay at pinuntahan niya
ang kaniyang ama na nakikipaglaro kay Aivan sa may kuna. "'Tay," agaw niya sa atensiyon nito. "May
delivery po sa labas. May in-order ba kayo ni nanay?" taka pa niyang tanong.

"Wala," umilingpa ito. "Baka naman hindi rito. Sandali at lalabasin ko," ani Tatay Henry na iniwan muna
sa kaniyang kapatid ang pag-aalaga kay Aivan.

Nang lumabas ang kaniyang ama ay sumunod siya rito.

"Wala ho kaming pina-de-deliver dito sa bahay," anangtatay niya sa lalaking nakauniporme pa ng kulay
puti.

"Eh, tama naman ho itong address na nakalagay rito," anang driver ng close van.

"Para kanino ba 'yan?"

Muling sinipat ng lalaki ang papel na hawak nito. "Ang receiver ho na nakalagay rito ay para kay Ma'am
Candy," anito na tiningnan ang kaniyangama.

"Candy?" ulit ng kaniyang ama na napatingin sa kaniya. "Sa iyo pala itong delivery, anak."

Kumunot tuloy ang kaniyang noo. "Wala rin ho akong pina-de-deliver, 'Tay. Baka may malakas na nang-
trip at clito in-address." uso pa naman iyon sa panahon ngayon.
Napapakamot tuloy ang driver sa ulo nito sa kaniyang sinabi. Ang dalawa naman niyong kasama ay
binuksan na ang likod ng may kahabaang close van.

"Ma'am Candy, wala naman po kayong babayaran at bayad po lahat 'yarn."

Out of curiosity ay sinilip niya kung ano ba ang laman ng close van na iyon. Natigilan pa siya nang makita
na puro groceries iyon.

Punong-puno ng paninda para sa tindahan.

"S-sandali PO. 'Wag muna ninyong ibaba pigil niya sa dalawang lalaki na akmang magbababa ng mga
kahon. Binalingan niya ang lalaking driver na lumapit sa kaniya. "Sigurado ba kayo na para dito 'yan?"

"Opo, Ma'am."

Maloloka yata siya nang mga sandaling iyon.

"Bukod po sa wala akong pina-de-deliver dito. Wala rin ho akong natatandaan na nanalo ako sa isang
raffle, na worth of grocery items mula sa grocery na pinamimilihan namin ng mga paninda sa tindahan.
Pasensiya na ho sa abala, pero hindi ko ho matatanggap ang mga dala ninyo. Pakibalik na lang ho sa
pinanggalingan."

"M-Ma'am, hindi po puwedeng ibalik."

"Mawawalan ho kaming lahat ng trabaho. Napag-utusan lang din po kami na i-deliver 'yan dito sa inyo.
Hindi po kami puwedeng urnalis na hindi 'yan naiibaba rito. Kami po ang malilintikan."

"Saan ba galing 'yan?" sangat ng kaniyang ama sa kanilang pag-uusap ng driver ng close van.

Muling tiningnan ng driver ang papel na hawak nito.

"Kay Sir Mhorric Soliven ho."

"K-kanino?" Sana naman ay nakaringgan lang niya ang pangalan na iyon.

"Kay Sir Mhorric Soliven PO," ulit pa ni manongdriver.

Sumakit yata pati bunbunan niya sa narinig na pangalan ng sender ng close van na iyon. "Saan ka
pupunta?" anang ama niya sa

kaniya.

"May tatawagan lang ho ako, 'Tay," paalam niya rito bago nagmamadaling pumasok sa kanilang
bakuran. Sa 100b ng tindahan ay agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone. Kumuha rin siya ng pera sa
kaniyang wallet at animo susugod sa gera na pumunta siya sa kabilang tindahan, sa hindi kalayuan sa
kanila. Doon ay nagpa-load siya sa kaniyang cellphone.

Unlimited call na iyon para hindi maputol ang kaniyang tawag.


Hindi na niya hinintay pa na makabalik siya sa kanilang bahay at doon pa lang ay tinawagan na agad niya
ang numero ni Mhorric. Kay lalim ng bawat paghinga niya. At ano naman ang naisipan ni Mhorric at
pinadalhan siya nito ng mga iyon? At sa kaalaman na alam nga nito ang bahay niya, hindi siya lalo
mapakali.

"Hi," bati agad sa kaniya ni Mhorric sa kabilang linya.

'"Wag mo akong ma-hi-hi ngayon, Mhorric. Ano't nagpadala ka ng close van sa bahay na puno ng
groceries?"

"Ah, about that. Naulit mo sa akin na may tindahan kayo. Naisip ko langna punuin ng laman 'yang
tindahan ninyo."

Umawang ang labi niya sa sinabi nito. "Mhorric," kung nasa harapan niya ito ay tiyak na natiris na niya
ito sa sobra niyang gigil. "At saan ko ilalagay ang mga pinadala mo? Nakalimutan ko yatang sabihin sa iyo
na kalahati lang ng banyo sa bahay mo ang laki ngtindahan namin. At hindi kasing laki ng convenient
store! Alam mo, nakaka-high blood ka."

"Sa tingin ko, mas gugustuhin mo 'yang pinadala ko kaysa sa mga designer bag. Alam ko naman na
praktikal ka," katwiran pa nito.

"Alam mo, kung nasa harapan kita ngayon, titirisin talaga kita."

"Oh, really? Kailangan ko na bang matakot?"

"Pauwiin mo 'yong driver ng truck," utos niya rito habang naglalakad pabalik sa kanila.

"No. Ibababa muna nila ang mga dala nila."

"Hindi," mariin niyang tutol. "Kasama nilang aalis 'yong mga dala nila."

"Hindi sila makikinig sa iyo," anito.

Huminga siya nang malalim. "Ano ba'ngtrip mo, Mhorric? Ginagantihan mo ba ako dahil turnanggi ako
na mag-stay diyan sa Pagbilao City kasama mo?" kaunti na lang ay tiyak na maloloka na siya sa
pinaggagagawa nito.

"Hindi. I respect your decision, Candy."

"Kung ganoon, ano'ng idadahilan mo sa pinadala mong ito?"

"Parte ito ng panliligaw ko sa IYO."

Muntik na niyang mabitiwan ang kaniyang cellphone sa sinabi nito. "H-ha?"

"Nabingi ka yata?" natatawa pa nitong tanong sa kabilang linya.

"Palakas yata nang palakas ang trip mo ngayon, Mhorric?"


Nakagat niya ang ibabang-labi nang mapahinto siya sa paglalakad. Seryoso ba si Mhorric? Liligawan siya
nito?

"Tatayo ka na lang ba riyan?"

Saka lang siya napakurap-kurap sa muling narinig na sinabi ni Mhorric. At paano nito nalaman na
nakatayo lang siya? Bigla ay napatingin siya sa dereksiyon ng bahay nila. Parang gusto niyang himatayin
nang makita ang isang magarang kotse na nakahinto sa unahan ngayon ng close van. Lumabas sa may
driver seat si Mhorric at may pagkaway pa sa kaniya habang hawak ang cellphone sa isa nitong kamay.

Chapter 47

IKINURAP-KURAP ni Candy ang kaniyang mga mata. Umaasa na isa lamang aparisyon ang kaniyang
nakikita. Pero hindi. Dahil totoong nakikita ng mga mata niya si Mhorric. Ibinababa na nito ang hawak na
cellphone at isinilid sa bulsa ng suot nitong pantalon bago naglakad papunta sa kaniyang direksiyon.

lyong mga paa niya na animo ipinako na sa kaniyang kinatatayuan dahil sa sobrang shock.

Kung ganoon, talagang alam nito kung saan siya ngayon nakatira. Pero paano? Pinasundan ba siya nito
noong pauwi siya sa kanila galing sa Pagbilao City? Napalunok siya.

Unti-unti niyang naibaba ang hawak na cellphone. Hindi talaga niya guni-guni lamang si Mhorric.

"Mukhang hindi ka natutuwa na makita ako?" wika pa ni Mhorric nang tuluyan itong makalapit sa
kaniya.

"P-paano mo nalaman itong bahay namin?"

"Pina-trace kita garnit ang cellphone number mo. Ganoon lang kasimple. Sabi nga, kapag gusto,
maraming paraan

Huminga siya nang malalim nang makahuma. Humigpit ang kapit niya sa kaniyang

cellphone. Para bang iyon lang ang bukod-tangi niyang mapagkukuhanan ng lakas nang mga
sandalingiyon.

"Nag-aksaya ka pa talaga ng panahon?"

"Bakit hindi?" seryoso nitong balik-tanong sa kaniya.

Marahas siyang bumuntong-hininga. "At bakit kailangan mo pang pumunta rito?"

"Tinanggihan mo ako. Kaya, tinutupad ko lang din 'yong sinabi ko sa iyo na pupuntahan kita rito."

"Para ano? Makipagkape sa tatay ko?"


"Puwede rin," nangingiti na nitong wika.

Mauubusan yata siya nang pasensiya nang mga sandaling iyon. Hindi siya handa na makita ito.
Pasalamat lang siya at kaliligo lang niya kani-kanina. Kung hindi, baka nanlilimahid pa siya sa pawis.

Akala niya, ang close van lang ang poproblemahin ni Candy nang araw na iyon. Pero hindi. Dumagdag pa
si Mhorric na sobrang lakas ngtrip sa buhay. Magpadala ba naman ng mga groceries na puno sa isang
truck. At ang main reason nito? Dahil nanliligaw ito sa kaniya. Napakagalante naman nitongtunay. Pero
hindi niya magawang magsaya. Ano na lang ang magiging reaksiyon ng kaniyang mga magulang kapag
nalaman ng mga ito na galing ang mga groceries sa manliligaw niya?

"Mhorric—"

"Candy, hayaan mo lang ako," putol nito sa kung ano man ang sasabihin pa niya. Nilingon nito ang
kinaroroonan ng bahay nila. Ang nanay at tatay niya ay nakatingin sa dereksiyon nila. Siguro ay
nagtataka kung sino ang kausap niya. Muli siyang binalingan ni Mhorric. "Ipakilala mo ako sa mga
magulang mo."

"At bakit?"

"Fine. Ako na lang ang magpapakilala sa sarili ko," anito na tinalikuran na siya.

"Mhorric," mariin niyang pigil clito nang surnunod siya sa paglalakad nito. '"Wag kang magkakamali sa
pagpapakilala mo sa mga m agulang ko."

"Then, ikaw ang magpakilala sa akin sa kanila."

Sasakit yata ang ulo niya. Nahilot niya ang kaniyang sentido.

"Sino ang bisita mo, anak?" taka pang tanong sa kaniya ng kaniyang ama ng makalapit sila rito ni
Mhorric.

"Magandang hapon PO," magalang pang wika ni Mhorric sa kaniyang mga magulang na nagmano pa sa
mga ito.

Lord, sanajoke lang ang lahat ng ito.

Sinulyapan siya ni Mhorric. Pero kung bakit ba hindi niya magawang magsalita nang mga

sandaling iyon. Daig pa niya ang nalulon angdila. "Ako po si Mhorric," pakilala na ni Mhorric sa sarili nito.

"Mhorric?" ulit pa ng kanÏyang ama na napatingin sa close van. "Ikaw ang nagpadala nitong close van
dito, hijo?" lyong ngiti ni Mhorric na bigla ay parang nahihiya. Malayo sa inisip ni Candy na nasa anyo
ang pagyayabang na dito nga iyon galing. lyong tipong taas noo pa. Pero hindi.

"Opo. Sa akin po galing," kimi pa nitong wika. "Nabanggit po kasi ni Candy na may tindahan kayo rito."
Napangiti ang kaniyang ina. "Hijo, bakit mo naman naisipan na magpadala ng sandamakmak na groceries
dito sa amin? Daig mo pa ang manliligaw nitong si Candy."

"Liligawan ko nga po si Candy," walang kalatoy-latoy na wika ni Mhorric na ikinatigilan ng kaniyang mga
magulang. Nasurpresa sa tahasang pag-amin ni Mhorric sa intensiyon nito kay Candy. "Okay lang po ba?
Sana po ay hindi ninyo masamain. Lalo na itong pinadala 1<0."

"Mhorric," saway niya rito. lyong mukha niya na nangangamatis na ang kulay dahil sa pagkapahiya.

"Taga saan ka hijo?" tanong ng kaniyang Tatay Henry nang makabawi sa pagkabigla.

"Pagbilao City po sa Quezon Province."

"Pagbilao?" kumunot pa ang noo ni Tatay Henry na bumaling kay Candy na hindi napigilan ang
mapayuko. "Candy, anak, doon ang punta mo bukas, 'di ba?"

Napatingin si Mhorric kay Candy dahil sa sinabi ng ama nito. "Pupunta ka ng Pagbilao bukas?"

'"Yon ang paalam sa amin ni Candy.

Nakahanda na nga ang mga gamit niya."

Lupa, please, pakilamon na aka Ngayon din!

Ang totoo niyan ay pinasakay lang niya si Mhorric sa alibi niya kagabi na hindi siya pumayag sa gusto
nito. Pero ang totoo niyon ay nakapagdesisyon na siya. Buong araw niyang pinag-isipan. Lalo na ang
consequence kapag hindi niya tinanggap ang alok nito sa kaniya. Siguradong pagsisisihan niya iyon na
hindi siya sumubok. Maraming what if.

Gusto niya sana itong isurpresa bukas. Pero heto at siya pa ang sinurpresa nito.

Nakapagpaalam na rin siya sa kaniyang nanay at tatay na pupunta muna siya sa Pagbilao City. Hindi
naman nagtanong ang mga magulang niya kung ano ba ang gagawin niya roon? Siguro ay inisip din ng
mga ito na baka magtatrabaho siya roon. Basta binilinan lang siya ng mga ito na ingatan ang sarili at
humirit pa ang kaniyang ama na kung may makikilala siyang pag-ibig sa lugar

na pupuntahan niya, 'wag siyang matakot na sumubok. Sa parteng iyon siya na-touch. Kulang na lang ay
ipagtulakan na siya nito na magkaroon ng nobyo. Hindi dahil sa kung ano pa man, pero para maranasan
naman daw niya ang ma-in love. Dahil wala na siyang ginawa kundi ang intindihin ang pamilya nila.

"Kung taga-Pagbilao ka. .. anangNanay Rose ni Candy na napasulyap din kay Candy bago ibinalik ang
tingin kay Mhorric. "Ibig sabihin ay madalas kayong magkikita ni Candy doon?"

"N-nanay—

"Kung ganoon man ang mangyari, hijo, ikaw na ang bahala sa panganay naming 'yan. Alam naman namin
na kaya na niya ang sarili niya. Pero iba pa rin ang may nag-aalaga sa kaniya," wika pa ng kaniyang ama.
"Wala pong problema," ngiting-ngiti pa na sang-ayon ni Mhorric. "Salamat po sa tiwala."

"Boss, excuse PO, ibababa na po ba namin itong laman ng truck? Para po hindi gabihin, anang driver ng
close van na lumapit kay Mhorric.

Si Mhorric naman ay ang mga magulang niya ang hinarap. "Sana po ay 'wag ninyong tanggihan itong
mga pinadala 1<0. Malinis naman ho ang intensiyon ko sa anak ninyo. At hindi rin ho nila 'yan dadalhin
pabalik sa pinanggalingan nila."

"Ay kung ganoon, salamat, hijo. Pero sana, last mo ng gagawin 'yan. Nakakahiya naman sa iyo," anang
tatay ni Candy.

Gusto niyang sum abat sa pag-uusap ng mga ito pero iyong dila naman niya ay hindi makisama sa kaniya.

Ang Tatay Henry at Nanay Rose na niya ang sumama sa driver ng close van para ituro kung saan
puwedeng ilagay ang laman ng truck. Ang terrace sa harap ng bahay nila ay malawak. Doon ipinalagay
ang iba. Ang iba naman ay sa may harapan ng bahay na nabububungan pa rin naman.

Minabuti na lang muna ni Candy na maupo sa upuang semento na nasa harapan ng kanilang tindahan. Si
Mhorric naman aytahimik na sumunod sa kaniya. Naupo ito sa may tabi niya.

lyong feeling na ang awkward lang. Isang Mhorric Soliven, nasa lugar nila. lyong pormahan nito na para
clito ay casual lang na sinusuot nito, hindi bagay sa lugar nila. At hindi bagay itabi sa kaniya.

Hayon na naman ang pag-aalinlangan niya para sa kaniyang sarili.

Official na rin, manliligaw nga ito sa kaniya..

Pakiramdam niya ay angdami agad na nangyari.

"Galit ka ba?" mayamaya ay basag ni Mhorric sa namumuong katahimikan sa pagitan nila. Napabuntong-
hininga pa ito nang hindi agad makapagsalita si Candy. "First time kong surnubok ng ganito sa isang
babae. Ang clami kong naisip na gawin. Pero ito lang talaga 'yong akala ko ay approve sa iyo."

Isang hinga pa nang malalim bago ito binalingan. Nag-iwas ito ngtingin. Para bang takot itong
masermonan niya. 00, deep in side ay Ina-a-appreciate niya ang effort nito. Pero kasi, napa-sobra
naman.

"Mhorric, hindi naman ibig sabihin na kapag manliligaw ka sa isang babae ay priority mo ang magdala ng
kung ano-ano. Aanhin ba ng isang babae ang kung ano-anong bagay na dala ng manliligaw niya kung sa
hull' ay hindi naman talaga sincere ang manliligaw niyang iyon? Okay, thank you sa effort mo. Pero over
naman masyado. Tingnan mo nga ang tindahan namin," aniya na iminuwestra pa angtindahan nila na
tama lang ang laki. Pero hitik sa paninda. "Saan ko pa riyan isisiksik ang mga dala mo? Balak mo pa
yatang gawing warehouse itong bahay namin Napapakamot ito sa batok nito. "Sorry na. Na-excite lang
naman ako. Sa susunod alam ko na ang gagawin."

Naningkit ang kaniyang mga mata sa sinabi nito. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"I-I mean, iibahin ko na lang ang strategy 1<0." "Mhorric, last mo na 'yan," saway niya rito.

llang sandali muna siya nitong pinagmasdan bago nagawang tumango. "Okay. Kung 'yon ang gusto mo."

Nagbawi sÏya ngtingin at muling nawalan ng masasabi.

"Totoong pupunta ka bukas sa Pagbilao?" muli nitong tanong sa kaniya.

Turnango siya. Wala ng dahilan pa para turnanggi. "00. Pero para magtrabaho," mabilis niyang dugtong.
Ayaw niyang isipin nito na dahil talaga dito kaya siya roon pupunta bukas. "Malaki raw kasi ang rate ng
sahod sa Pagbilao City. Gusto kong subukan."

"Ibigsabihin, hindi dahil sa akin kaya ka roon pupunta bukas?" mahina pa nitong bulalas sapat lamang
upang marinig ni Candy.

"Hindi," sakay niya sa sinabi nito.

Bumuntong-hininga ito bago turnango-tango. "Okay. Kung ganoon, hindi naman siguro masama na
ligawan ka pa rin. Mas okay nga na doon ka na, para mas malapit sa akin."

Nang muli niyang ibalik ang tingin kay Mhorric ay pinigil niya ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang mga labi.
"Kapag nagkaroon ako ng trabaho roon, tiyak na magiging busy rin ako.

Baka magsawa ka?" kunwa'y tanong pa niya.

"Magsawa?" anito na muli ring ibinalik ang tingin sa kaniya. "Wala sa vocabulary ko 'yan, Candy."
Pumihit ito ng upo paharap sa kaniya.

"I'm sorry."

"Saan?"

"Kung na-pressure kita na mag-stay kasama ko sa Pagbilao. Parang ang lagay, sarili ko lang 'yong iniisip
ko at hindi kita totally c-in-onsider. I'm sorry about that. Still, willing akong mag-effort para sa IYO. Para
patunayan na malinis ang intensiyon ko. Mark my word, Candy. Hindi lang ako sa una magaling.
Ipinapangako ko na hanggat may tiwala ka sa akin, o kahit maubos angtiwala mo, hindi pa rin ako
magbabago."

Lihim siyang napalunok sa sinabi nito. Para bang ngayon pa lang ay gusto na niya itong sagutin. Ang
pamilyar na paghuhurumintado ng kaniyang puso ay naroon na naman sa kaniyang dibdib. Ngayon,
nasasanay na siya roon. And it feels so good.

"Mhorric, 'wag mo na lang sabihin. Gawin mo na lang," aniya rito.

"Ang lagay ba niyan, pumapayag ka na ligawan 1<0?"

"Kapag ba pinigilan kita, papapigil ka ba?"


"Kapag pinigilan mo ako na ligawan ka, hindi na kita liligawan."

Kumunot ang kaniyang noo. "Eh, 'di sa una ka nga langdin magaling. Kapagtinanggihan, suko na agad."

"Listen first, Candy. Kung ayaw mong magpaligaw, then, aalukin na lang kita ng kasal.

Mamili ka sa dalawa kung alin ang gusto mo.

Madali naman akong kausap. Ikaw lang naman

'yong ayaw kong madaliin

Kasal?

"Uy, si Ate Candy, may boyfriend na."

Sabay pa silang napatingin ni Mhorric sa may tindahan. At naroon ang bunso niyang kapatid na si Avery.
Nakabungisngis habang pinagmamasdan sila.

"Hindi ko siya boyfriend, Avery," mariin niyang sansala sa sinabi ng kaniyang kapatid.

"Hindi pa sa ngayon," nangingiting wika ni

Mhorric na nakatikim ng palo sa hita mula kay Candy. Pero ang ngiting wagas na umabot pa sa mga mata
ni Mhorric ay para bang napagkit na doon.

Readers also enjoyed:

OREN

Alphas Broken Mate

0 149.5K Read

TAGS billionaire alpha sex kidnap

Chapter 48

ISA sa palihim na ikinatutuwa ni Candy kay Mhorric, iyon ay ang pagiging genuine ng saya rito habang
nasa kanila ito. Lalo na nang ipakilala niya ito sa mga kapatid niya. Higit pa angtuwa rito nang makita sa
personal si Aivan na hindi man lamang nag-iiyak kay Mhorric nang laru-laruin nito habang nasa duyan. Sa
halip ay panay pa ang ngiti.

"Ate, sabi ni Avery, boyfriend mo raw po 'yang guwapo nating bisita. Totoo po ba?" bulong pa sa kaniya
ni Henrick nang lapitan siya nito. Ika-apat niya itong kapatid.

"Hindi," mariin niyang sagot dito.

"Hindi pa," pang-aasar pa nito sa kaniya.

"Henrick, ha?" saway niya rito.

Doon na rin kumain ng hapunan si Mhorric, kasabay nila ito sa hapagkainan. Ang Nanay Rose niya ay
nagluto pa ng sinigang na baboy dahil may bisita sila. Halos mapigil pa ni Candy ang paghinga habang
nakatuon ang tingin kay Mhorric, na titikim pa lang ng niluto ng kaniyang ina, kung magugustuhan ba
nito iyon o hindi.

"Ang sarap po ng luto ninyo," nakangiti pang puri ni Mhorric sa kaniyang ina.

Lihim siyang nakahinga nang maluwag. Buti naman at nagustuhan nito iyon. Itinuloy na niya ang
kaniyang tahimik na pagkain. Ganoon din ang kaniyang mga kapatid.

First time na makasabay niyang kumain si Mhorric kasama ang buo niyang pamilya. Nakakailang pero
natutuwa ang puso niya. Lalo na at hindi ito nagpapakita ng kaartehan sa katawan. Simple lang naman
ang bahay nila.

Pero bungalow ang yari sa bahay nila.

Nabili nila iyon sa isang pamilya na paalis na ng bansa at maninirahan na sa abroad sa may kababaang
halaga lamang. Bagay na ipinagpapasalamat nila ng kaniyang mga magulang. Ang lawak ng lupa na iyon
ay nasa four hundred square meter. Kaya ang likuran nila na may malawak na espasyo ay siyangtaniman
ng kanilang ina at ama ng mga gulay. Sa harapan naman ng bahay nila ay nakabukod ang tindahan. Hindi
iyon nakadikit sa kanilang bahay. Isa iyon sa buhay sa probinsiya na gusto niya para sa mga magulang
niya. Medyo may kalayuan sila sa mismong bayan sa lugar nila. Kaya naman hindi roon dikit-dikit ang
mga kabahayan. Malayo rin sa polusyon. Pero nasa may tabi ng National Highway ang tinitirhan nila kaya
hindi mahirap pagdating sa masasakyan. Safe rin naman doon at hindi pa sila nananakawan sa awa ng
Diyos. Ang buong lupa naman nila ay may nakapalibot na bakod kaya hindi rin nakakabahala.

"Kanin pa, hijo?" alok pa ng kaniyang ama kay Mhorric nang mapansin na paubos na ang kanin sa plato
nito.

"Okay lang po ba?" alanganin pa nitong tanong.

"00 naman. Candy, abutan mo ng kanin ang bisita natin," utos pa sa kaniya ng kaniyang ama.

Sinupil niya ang ngiti sa labi nang kunin ang mangkok na may lamang kanin at ibigay kay Mhorric.
Mukhang sarap na sarap nga ito dahil nakadalawang round pa ng kanin.
Matapos nilang kumain ay hinayaan niya ang mga kapatid niya sa pag-iimpis ng kanilang mga
pinagkainan. Burnalik siya sa tindahan nang makita si Mhorric na buhat-buhat si Aivan. Hindi na niya ito
inabala pa dahil mukha rin namang tuwang-tuwa ito sa pamangkin niya na inako nito na inaanak nito.

Napabuga pa ng hangin sa bibig si Candy nang maraanan sa may terrace nila at sa mismong labas ng
kanilang bahay ang mga kahon na may lamang groceries. Punong-puno roon ng kahon. Hiling lang niya
na huwag umulan. Para hindi maampiyasan ng ulan ang mga kahon na naroon.

Abala si Candy sa paglalagay ng mga baryang tig-pi-piso sa plastic ng yelo na ganang isang daang piso
nang makarinig ng pagtikhim mula sa kaniyang likuran.

Napahinto siya sa pagbibilang at lumingon sa kaniyang likuran. Nakita niya si Mhorric na itinuloy ang
pagpasok sa nakabukas na pinto. Sandali na naman niyang napigil ang paghinga. Nang makahuma mula
sa pagkakapako ngtingin clito ay ibinalik niya sa ginagawa ang kaniyang atensiyon. Ngunit bumalik siya
sa umpisa ng pagbibilang sa barya dahil nawala sa isip niya kung saan siya nagtapos dahil sa presensiya
ni Mhorric. Na-distract siya rito.

"Hindi ka pa ba uuwi?" untag niya sa pananahimik nito.

"Pauuwiin mo agad ako?"

"Baka kasi gabihin kang lalo sa daan."

"Kung 'yon ang inaalala mo. .. don't worry.

Makikitulog naman ako rito sa bahay ninyo." Nawala na naman siya sa focus sa pagbibilang ng barya.
Minabuti ni Candy na ihinto na muna iyon at balingan na lang si Mhorric na nakasandal sa may counter
sa harap ngtindahan. Na may mga nakapatong na lalagyan ng mga candies.

"Sa tingin mo ba, magiging kumportable ka rito sa bahay namin? Mhorric, wala ritong aircon. Baka hindi
rin sanay ang balat mo sa kagat ng lamok." Bigla ay nakaramdam siya ng pag-aalangan para clito na
sanay sa magandang silid at fully air conditioned na bahay.

"Ano ba'ngtingin mo sa akin, Candy? Hindi

kayang sabayan ang lifestyle mo?" Hindi siya nakapagsalita.

"Kaya ko rin namang bumaba sa level mo para masabayan ka."

"Wala kaming guest room katulad ng bahay mo. Sa tingin mo, saan ka matutulog? Hindi ko naman
masisikmura na matulog ka sa sahig. Hindi ka rin naman kasya sa sofa sa may salas namin."

Gumuhit na naman ang ngiti sa labi nito.

"Concern ka na naman sa akin," he teased.

"Mhorric, seryoso ako."


'"Yon lang ba ang pinoproblema mo?" sa halip ay tanong nito sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya. "Maghanap ka na lang ng hotel na puwede mong tulugan."

"Napansin ko na may space pa sa harapan ng bahay ninyo. Kasya roon 'yong dala kong tent."

Kumunot ang kaniyang noo sa sinabing iyon ni Mhorric. "M-may dala kang tent?"

"Hmmm. Boy scout ako. Tingin mo sa akin, pupunta rito na hindi kumpleto sa garnit? Hindi naman ako
susugod sa gera na kulang-kulang ang dalang bala. So, clear na ba tayo sa tutulugan 1<0? Hindi na ba
issue 'yon sa iyo?"

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. At talagang may dala itong tent in case na hindi ito makatutulog
sa 100b ng bahay nila. Hands up

talaga siya sa isang ito.

"Pinaghandaan mo talaga ang pagpunta rito," naiiling niyang wika.

"Pabili PO," anang babae na kadarating lang. Nang pumihit paharap doon si Mhorric ay ganoon na lang
ang panlalaki ng mata ng anak ni Aling Marites, na si Gina, nang makita si Mhorric.

Bago pa manigas sa kinatatayuan ang babae sa labas ay hinila niya si Mhorric palayo at siya ang
pumwesto sa kinatatayuan nito.

"Ano 'yon?"

"For sale ba si Kuya? E-este," anito na napahawak pa sa dibdib nito. "Pabili po ng mantika. Isang bote."

Si Mhorric naman sa likuran niya ay napapangiti dahil sa reaksiyon ni Gina. Mabilis namang kinuha ni
Candy ang isang bote ng mantika at iniabot sa bumibili.

"Ano pa PO?"

"W-wala na," anito bago nagbayad at isang tingin pa kay Mhorric bago umalis. Para bang ayaw pa ngang
umalis.

Napapailing naman siya. Mukhang hindi kinaya ng puso ng anak ni Aling Marites ang nakitang lalaki sa
loob ngtindahan niya. Sobrang guwapo ba naman.

Ang hindi napaghandaan ni Candy ay nang magsunod-sunod ang mga bumibili sa kanila

nang gabing iyon. Unusual masyado. Lalo na at mukhang naglabasan ang mga kadalagahan sa baryo nila.

Sandali muna niyang hinarap si Mhorric nang mag-offer ito ng tulong nito. Alam niya na dahil dito kaya
naglabasan ang mga kababaihan sa lugar nila.

"00 nga. Ang guwapo nga ng bisita nina Inang Rose."


"Sinabi mo pa. Grabe, mukha siyang artista."

"Mhorric, doon ka muna sa 100b. Baka mamaya lang ay magkaroon ng stampede sa harapan ngtindahan
namin," aniya na sapat lang upang marinig nito.

"Kaya mo ba riyang mag-isa?"

"Kaya ko. Sige na. Makipagkuwentuhan ka sa tatay ko kung gusto mo. Basta 'wag ka lang dito sa
tindahan." lyong parang ayaw pa nitong iwan siya roon ngunit wala rin namang magawa dahil sa
desisyon niya.

"Okay," sa huli ay wika pa nito. At talagang may pahabol pang paghaplos ng isa nitong palad sa pisngi ni
Candy na ikinatigilan ngdalaga dahil sa kilabot na dulot niyon. "Malapit ng mag-eight thirty, babalikan
kita rito para tulungan ka sa pagsasara ngtindahan. No buts," putol pa nito sa akma niyang pagtutol.
Nag-iwan pa ito ng ngiti sa kaniya bago tuluyang lumabas sa tindahan nila.

lyong ngiti nito na para bang pati kaliit-liitang bahagi ng puso niya ay tinunaw nito. Mariin siyang
napapikit bago muling hinarap ang mga mamimili na nanghinayang pa dahil nawala na sa paningin ng
mga ito si Mhorric.

"Boyfriend mo ba 'yon, Candy?" usisa pa ni Maria Caridad sa kaniya na palagi niyang naaabutang nasa
may tabi ng kalsada at nakikipagtsismisan sa kapitbahay nito.

"Hindi PO," aniya bago ibinigay ang binili nitong asin. Impit pa rin ang bulungan sa paligid tungkol kay
Mhorric.

"Ang guwapo, ha? Kapag ayaw mo, sa akin na lang," biro pa nito sa kaniya bago pumunta sa may gilid
para bigyangdaan ang susunod na mamimili.

Nang maubos ang mamimili ay natuwa pa siya dahil sa nadagdag na kita nila para sa araw na iyon. Hindi
siya nagreklamo sa pagod dahil sa paikot-ikot siya sa tindahan nila. Sa halip ay sobrang natutuwa siya.

Nawala na nga sandali sa isip niya si Mhorric. Kaya nagulat siya nang akmang ibaba niya ang
pinakapansara sa harapan ng tindahan nila nang may mga kamay na mauna sa kaniya.

Ganoon na lang ang pagpihit niya sa kaniyang likuran. Natigilan pa siya nang makitang naroon si
Mhorric. At hindi lang iyon, napakalapit nito sa kaniya dahil nakapuwesto ito sa kaniyang likuran. Kaya
naman ngayon ay halos walang isang dangkal ang layo nila sa isa't isa.

Napalunok siya. Nakapagpalit na rin ito ng suot nito dahil puting cotton shirt na lang ang suot nitong
pang-itaas. Ang pang-ibaba naman nito ay pants na kumportable para sa pagtulog nito.

Si Mhorric naman ay itinuloy ang ginagawang pagbaba sa pansara sa tindahan nila. Habang si Candy ay
halos mapigil ang paghinga. Nangingiti naman si Mhorric nang bahagya siyang yukuin. Mukhang
natutuwa pa ito sa pagiging sobrang lapit nila nang mga sandaling iyon.
Nang maisip na baka may makakita sa kanila sa ganoon kalapit na tagpo ay bahagya niya itong itinulak
palayo sa kaniya. lyong kaba sa dibdib niya ay wagas na wagas na naman.

"Magtatayo na ako ng tent," inporma pa nito sa kaniya habang inila-lock niya ang harapan ng tindahan
gamit ang malaking padlock. May padlock din sa 100b ngtinadahan.

Muli niyang hinarap si Mhorric. "Seryoso ka talaga sa pagtulog mo sa tent?"

Tumango ito. "Mukha bang hindi?"

Bahagya pa niyang nakagat ang ibabang-labi bago nagawang magsalita. "Mhorric, baka kasi hindi ka
kumportable roon."

"Unless, patatabihin mo ako sa pagtulog mo," pilyo pa nitong anas sapat lamang upang

marinig niya.

lyong mga mata ni Candy na agad napatingin sa kaniyang kaliwa't kanan sa takot na baka may
makarinigsa sinabi nito. "Mhorric, 'wag kang mangharot dito sa labas. Ayaw na ayaw kong mapag-
uusapan ang pamilya ko rito sa amin ng dahil sa akin," mariin niyang saway rito.

"Sorry," nangingiti nitong wika bago hinayon na ang compartment ng magara nitong sasakyan at inilabas
doon ang isang pahabang bag na alam niyang tent ang laman. Ang isa naman nitong kamay ay inilabas
din ang isang plastic bag na transparent ang kulay. May comforter iyong laman, bed sheet, pillow case at
dalawang magic pillow.

Handang-handa nga ito sa pagpunta roon. Wala siyang maidadahilan para ipagtabuyan ito dahil gabi na.

Nilapitan niya si Mhorric at kinuha sa kamay nito ang pinaglalagyan ng tent nang may kunin pa ito sa
100b ng compartment.

"Ako na ang magdadala nito," aniya rito.

"Thank you," nakangiti pa nitong baling sa kaniya bago kinuha ang isang bladeless fan na hindi kalakihan.

Baka naman sanay rin si Mhorric na mag-camping dahil alam na alam ang mga dapat dalhin sa ganoong
pagkakataon.

Ni hindi na nito inabala ang kaniyang ama sa pagtatayo nito ng tent sa may bandang harapan ng bahay
nila. Kaya naman siya na angtumuwang dito. May dala rin itong extension wire kaya nakisaksak na lang
sa saksakan ng terrace. Abot iyon hanggang sa kinatatayuan ng tent nito. lyon ang pinagsaksakan nito ng
bladeless fan nito.

Si Candy na ang naglagay ng punda sa unan nito at nag-ayos ng hihigaan nito sa loob ng tent. Ang
comforter na dala nito ay nakatupi sa dalawa at siyang pinakapanlatag sa lapag ng tent. Pero hindi siya
pumayag na hindi iyon lalagyan ng karton sa ilalim at baka malamigan masyado ang likod ni Mhorric.
"Hijo, sigurado ka ba na ayos ka lang dito sa labas? Kahiya-hiya naman sa iyo," ani Tatay Henry nang
labasin Sila roon.

"Okay lang po," nakangiti ritong wika ni Mhorric. "Salamat po sa pagpayag sa akin na makituloy rito sa
inyo."

"Naku, maliit na bagay, hijo. Eh, nakakahiya nga at wala kaming extra na tulugan sa loob ng bahay para
sa bisita. Pasensiya na."

"Biglaan lang din naman po ang pagsulpot ko rito."

"Baka hindi ka na umulit niyan?" biro pa rito ni Tatay Hen ry.

'"Yan po ang malabong mangyari. liwan ko na nga ho rito itong mga ginamit ko para sa susunod na balik
ko ay hindi ko na problema ang

tutulugan."

Seryoso ba si Mhorric? Balak pa nitong bumalik sa kanila? Pero wala sa guwapong mukha nito na
nagbibiro lang ito.

Nagpaalam na rin dito ang kaniyang ama na papasok na sa 100b ng bahay.

Nang maiwan sila roongdalawa ang ni Mhorric ay namayani sandali ang katahimikan bago nagsalita si
Mhorric na pumasok na sa 100b ng tent nito.

"Maupo ka muna rito," pag-aaya pa nito sa kaniya.

Napatingin pa siya sa may bahay nila, wala namang nanonood sa kanila doon. Muli niyang ibinalik
angtingin kay Mhorric.

"Ang mabuti pa, matulog ka na. Isara mo na rin 'yang tent mo at ng hindi ka riyan mapasukan ng mga
lamok."

Bumuntong-hininga si Mhorric. "Ten minutes lang, Candy," pakiusap pa nito sa kaniya. Candy, matitiis
mo ba talaga si Mhorric? Baka sa halip na makatulog cyan diyan ngayos ay hindi?epal pa ng kaniyang
isipan.

Sa huli ay pinagbigyan na rin niya ito. Kapalit ng effort nito sa kaniya para sa araw na iyon. Pumasok siya
sa tent nito. Inalalayan pa siya nito sa pagpasok at pag-upo sa 100b.

"S-sandali, bakit isinasara mo 'yang tent?"

saway niya kay Mhorric nang i-zipper na nito ang pinakapinto ng tent.

"Sabi mo, para hindi na pumasok ang lamok," katwiran pa nito na muli siyang hinarap.

"Scared?" nangingiti pa nitong wika.


Ang pinakailaw nito sa 100b ng tent nito ay ang flashlight sa cellphone nito. Lumakas na namang lalo ang
kabog sa dibdib niya dahil nang mga sandaling iyon ay sila na lang ni Mhorric ang magkasama.

"Ano bangsasabihin mo? Sabihin mo na at ten minutes lang ang mayroon ka."

"Wala na bang tawad? Another ten minutes pa."

"Mhorric," saway niya rito.

"Just kidding. Gusto lang kitang makasama bago ako matulog dito."

Puso, ikalma mo lang Si Mhorric lang itong kaharap natin...

Lihim na naman siyang napalunok.

Tumikhim siya dahil tila ba may bara sa kaniyang lalamunan.

"Bakit... bakit napag-trip-an mo naman na manligaw sa akin?" hindi niya napigilang itanong dito. Curious
siya. Sobrang curious.

Magkaharap sila ngayon ng binata. Ito ay nanatili sa may tabi ng pintuan na para bang ayaw siyang
makaalis agad.

"Hindi ako nanti-trip lang, Candy. Seryoso ako."

"Pero bakit nga ang lakas ng 100b mo?"

"Malakas lang ang pananalig ko na may kabuluhan naman itong pinasok ko. Lalo na at noong bago ka
umalis," anito na sumilay pa ang ngiti sa labi. Bahagya pa nga nito iyong nakagat. "You're the one who
kissed me, Candy. And that simple smack kissed means a lot to me. Isa kasi 'yon sa proof na may pag-asa
ako sa iyo. Dahil kung wala, hindi mo naman gagawin 'yon."

Kung ganoon... binigyan pala talaga nito ng ibig sabihin ang goodbye kiss niyang iyon.

"Goodbye kiss lang 'yon," katwiran niya.

"Pero hindi mo naman ako boyfriend para bigyan ng goodbye kiss, Candy," katwiran din nito sa kaniya.

"At hindi mo rin naman ako girlfriend para halik-halikan mo. Quits lang tayo, Mhorric."

"Aminado naman ako na gusto kita kaya kita hinahalikan. Ah, mas malalim pa nga pala sa salitang gusto
kita."

Gusto gusto gusto kita... para iyong sirang plaka sa pandinig niya. lyong wala pang ginagawa si
Mhorric ngunit nag-iinit na ang kaniyang pakiramdam dahil sa tinatakbo ng usapan nila.

Napalunok na naman siya.


"Quits din ba tayo sa part na 'yon, Candy? Na gusto mo rin ako?" halos hindi kumukurap na tanong nito
sa kaniya.

Hindi siya makasagot. Para bang nalulon niya bigla ang dila niya.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Mhorric na umabot pa sa mga mata nito. "Silence means yes, Candy."

Ni hindi niya makuhang kumontra sa sinabi nito dahil totoo naman iyon deep inside kay Candy. Ang
nagawa lang niya ay ang magbaba ng tin gin.

Turnikhim si Mhorric. "Nakakatuwa ang pamilya mo. Pakiramdam ko, welcome na welcome ako rito sa
inyo," pag-iiba pa ni Mhorric sa usapan nila. "Ang sarap ding magluto ni Nanay Rose."

Napilitan si Candy na tingnang muli si Mhorric. At nanay pa talaga ang tawag nito sa kaniyangnanay.

"Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon na lang ang pagsisikap mo para sa kanila. Lalo na sa mga
kapatid mo. Nakakatuwa langdin na makita na bumalik ulit sa pag-aaral ang mama ni Aivan."

'"Yon ang pangako sa akin ni Margaux noon. Babalik siya sa pag-aaral. Ayaw niya akong biguin.

Kami nina nanay at tatay."

"Good for her. Candy, if you need help. Hindi

mo kailangang magdalawang-isip na lumapit sa akin

"Mhorric

"l insist. Ayaw ko lang mapahamak ka sa mga pinapasok mong raket."

Ang sarap talaga sa pakiramdam na may concern sa iyo. Siguro ay ganoon din ang nararamdaman ni
Mhorric kapag concern siya rito.

"Last na 'yong raket ko sa Pagbilao," sa halip ay sabi na lamang niya rito. "Promise," dagdag pa niya.

"Make it sure," anito na mataman pa siyang tinitigan. "Sige na. Tapos na ang ten minutes ko sa iyo.
Magpahinga ka na. Bukas ulit," anito na binuksan ang zipper ng tent at nagbigay daan sa kaniya.

lyong gusto pa niya itong makasama pero kailangan na niyang pumasok sa 100b ng bahay nila. Wala na
lang salita na akmang lalabas na siya sa tent ng pigilan pa siya ni Mhorric.

"Sandali lang," wika pa nito na kinuha ang cellphone.

Natigilan siya sa sunod nitong ginawa. Pinatay nito ang ilaw sa cellphone nito dahilan para tuluyang
dumilim sa parteng iyon ng tent. Lalo tuloy siyang na-stock sa kaniyang kinauupuan.
"Mas masarap matulog kapag mayroong ganito," ani Mhorric na mabilis ang kilos na nahawakan ang
kaniyang magkabilang pisngi at nagawaran siya ng mabining halik sa kaniyang labi. "Goodnight," narinig
pa niyang anas ni

Mhorric nang ilayo nito ang mukha sa kaniya.

"M-Mhorric—"

"Pumasok ka na sa 100b," anito nang muling dumistansiya sa kaniya.

Napalunok siya bago gin awa ang gusto nito.

"G-goodnight," sabi na lang din niya.

Ngiting-ngiti pa si Mhorric na muling binuhay ang flashlight sa cellphone nito at itinapat ang liwanag sa
kaniyang daraanan papunta sa may terrace ng bahay nila. Hindi mabura sa labi nito ang ngiti habang
inihahatid siya ng tingin.

Si Candy naman ay nahawakan pa ang labi. Nakagat niya iyon ng bahagya. Napakagaling din naman
talagang mag-ninja moves ni Mhorric.

Chapter 49

MAAGANG nagising si Candy. Dumiretso agad siya sa banyo upang maghilamos ng mukha at ayusin ang
sarili. Gusto niyang humarap kay Mhorric na presentable ang hitsura at hindi mukhang bruha.

Maaga kung magbukas sila ng tindahan. At iyon ang balak niyang gawin, ang buksan ang tindahan nila.
Gusto rin sana niyang silipin si Mhorric kung gising na ba ito o hindi pa. Piping hiling niya na sana ay
maayos ang naging pagtulog nito sa nakalipas na magdamag.

Gising na ang kaniyang ina na abala sa kusina. Si Avery at Henrick ay gising na rin para maligo. Nasa high
school na kasi ang mga ito. Sina Margaux at Angel Rose naman ay mamaya pa ang pasok kaya hindi
nakikipagsabayan sa mga bunso nila na maaga ang simula ng klase.

Hindi na niya inabala ang kaniyang ina sa kusina at dumiretso na papunta sa labas ng kanilang bahay.
Paglabas niya sa may terrace nila ay napahinto siya sa paglalakad nang makita si Mhorric at ang kaniyang
Tatay Henry na nagkakape sa may tabi ngtent ni Mhorric. May dalawang mono block na upuan doon at
isang maliit na lamesa na tiyak na binuhat ng kaniyang

ama papunta roon para patungan ng kape ng mga ito.

At mukhang tinotoo nga ni Mhorric ang sinabi nito na magigising na lamang siya isang urnaga na
nagkakape na ito at ang kaniyang ama.
Si Mhorric ang unang nakapansin sa kaniya n ang mapabalingsa kaniyang direksiyon. Agad sumilay ang
ngiti sa labi nito nang makita siya.

"Good morning," bati pa nito sa kaniya.

Tipid na ngiti lang ang itinugon ni Candy rito nang lapitan niya ang mga ito. "Ang aga mo yatang
magising?" baling niya kay Mhorric.

"Paglabas ko nga rito ay naabutan ko na kalalabas lang ni Mhorric sa tent niya. Kaya in aya ko ng
magpainit muna ng sikmura habang malamig ang umaga," wika ni Tatay Henry sa kaniya.

"Ganoon po ba? Bubuksan ko lang ho 'yong tindahan, 'Tay."

"Nabuksan ko na," ani Mhorric.

"B-bukas na?" ulit pa niya. Turnango ito.

Turnayo si Mhorric at iminuwestra ang inupuan nito. "Maupo ka muna, Candy," alok pa nito sa kaniya.

"Hindi na."

Inisang lagok na ng kaniyang ama ang kape sa tasa nito at tumayo na. "Samahan mo muna ang bisita mo
rito, anak. Ako muna sa tindahan,

ani Tatay Henry na hindi na hinintay pa ang sagot ni Candy na naglakad na palayo.

Tumikhim si Mhorric kaya muling nabaling dito ang tingin ni Candy. Ito na ang naupo sa inalisang upuan
ni Tatay Henry. Wala ng nagawa na naupo na rin siya sa inupuan ni Mhorric.

"Nag-request nga pala si 'Tay Henry na kung puwede, bukas na tayo magbiyahe papunta sa Pagbilao. Sa
akin ka na rin sumabay. Tutal, parehas lang naman ang lugar na pupuntahan natin."

Bukas? Ibig ba niyong sabihin ay matutulog itong muli sa tent na iyon? Napasulyap tuloy siya sa tent na
hinigaan nito.

"At pumayag ka naman?" baling niya rito.

"Why not? Mukha namang gusto pa akong kilatisin ngtatay mo," ngumiti na naman ito sa kaniya.

lyong ngiti nito na hindi pa natatapos ang buong araw aytila ba buo na agad ang maghapon niya.

"Baka kasi hindi ka okay sa tinutulugan mo. Ang aga mo pang nagising. Ibig sabihin, hindi ka nakatulog ng
maayos."

"Candy, I'm fine. Para lang akong nasa campsite," assurance pa nito kay Candy.

Kung ganoon, mukhang hindi rin naman ito mapipigilan pa. "Kung hindi ka naman

mapipigilan, puwede ka namang mag-stay rito." "Kasama ka," mabilis nitong dugtong.
Hihirit pa sana siya ngunit hindi na niya nagawa pa. Baka maagang masira ang mood nito na mukhang
maganda pa naman kapag biniro niya.

"Sigurado ka ba na okay ka lang diyan sa tinulugan mo? Baka hindi—"

"Trust me, Candy. Okay lang ako sa tinulugan 1<0. Actually, wala ng mas o-okay pa. Dahil paggising ko,
bukod sa tatay mo, Isa ka sa nakita 1<0," ani Mhorric na hindi inaalis angtingin sa kaniyang mukha.

Na-check naman niya kanina sa salamin na wala siyang muta sa mata dulot ng pagtulog. Kaya hindi siya
dapat ma-conscious sa titig na iyon ni Mhorric sa kaniya. Siguro ay dapat na siyang masanay. But still!
Pakiramdam pa rin niya ay tinutunaw siya ng mga titig na iyon ni Mhorric.

"Baka naman sabi mo lang 'yan?"

"Promise," nangingiti pa nitong itinaas ang isang kamay. Tila ba nanunumpa sa kaniyang harapan.
"Concern ka na naman," ani Mhorric nang ibaba ang kamay.

Hindi naman niya itatanggi ang bagay na iyon. "Paanong hindi? Naturingang bisita ka namin, pero dito ka
sa labas natulog."

"It's okay. Kaysa naman sa hotel pa ako

matulog. Mas gugustuhin ko pa rin dito. Malapit lang kasi sa iyo."

Lihim pang napigilan ni Candy ang paghinga dahil sa sinabi nito. Pambihira talaga ito. Napakaaga ring
magpakiligsa kaniya. Hindi ba puwedeng, pasikatin muna nito ang haring araw?

Tumikhim siya at kunway deadma sa sinabi nito. "Nakagamit ka na ba ng banyo? Baka nababanyo ka?"

"l'm done. Tulog ka pa."

Kung ganoon... maaga nga talaga itong nagising. "Ano bang oras ka nagising?"

"Saktong five. Lumabas na ako sa tent dahil hindi na rin naman ako makatulog ulit."

Tulog pa nga siya nang mga oras na iyon at magigising pa lang din halos. Mayamaya pa nga ay tinawag
na sila ng kaniyang kapatid na si Henrick para kumain na ng agahan.

"Medyo maaga kami rito kung mag-almusal," inporma niya kay Mhorric nangtumayo na siya at ayain na
ito papasok sa loob ng kanilang munting tahanan.

Kinuha muna nito angtasa nito na kauubos lang din ng laman na kape bago umagapay sa
kaniyangpaglalakad.

"Wala namang problema sa akin. Kahit nga alas kuwatro ng umaga ay walang problema basta ikaw ang
kasabay."

"Ang aga, ha?" saway niya sa banat nitong iyon sa kaniya na tinawanan lang nito. Damn his laugh
"IHATID ko na kayo," nakangiti pang wika ni Mhorric kay Avery at Henrick. Papasok na ang magkapatid
sa school nang umagang iyon.

Napatingin tuloy ang magkapatid kay Candy na kasunod lang ni Mhorric. Mukhang nag-aalangan ang
mga ito sa alok niya.

Napalingon tuloy si Mhorric kay Candy.

"Okay lang ba?" tanong pa niya kay Candy.

"Hindi ba nakakaabala sa iyo?" alanganin na balik tanong sa kaniya ni Candy.

Urniling siya. "Hindi." Mukha namang okay lang kay Candy basta okay sa kaniya. Kaya naman inaya na
niya angdalawa nitong kapatid sa kaniyang sasakyan. Sa back seat niya pinaupo ang mga ito.

Nagpa-guide na lang din siya sa mga ito kung saan ba angdaan papunta sa school ng mga ito.

Hindi naman siya nahirapan na matagpuan iyon.

"Kuya, tanda mo pa ba angdaan pauwi sa bahay?" concern pang tanong ni Hen rick sa kaniya nang
maihinto niya ang kotse sa gilid ng kalye, sa labas ng school ng mga ito.

"00 naman. 'Wag kayong mag-alala at

makakauwi pa ako sa inyo," nakangiti niyang wika na agad kumuha ng cash sa kaniyang wallet at inabot
sa magkapatid. "Baon ninyo." Tig-limang libo iyon.

"N-naku, Kuya Mhorric, hindi namin matatanggap 'yan," umiiling na wika ni Avery.

"Bakit? Hindi na naman kayo iba sa akin, giit niya.

"Bukod po sa masyadong malaki ang pera na ibinibigay ninyo... baka po magalit sa amin si Ate Candy
kapagtinanggap namin 'yan. 'Wag po sana kayong magalit," wika naman ni Henrick. "May allowance pa
naman po kami."

"Salamat na lang PO," panabay pang wika ng magkapatid

"Ingat po pag-uwi," ani Avery bago nauna ng bumaba sa kotse niya.

"Ipang-date niyo na lang ni Ate Candy 'yan, Kuya Mhorric," habol pa ni Henrick bago sumunod kay Avery.

Nang parehas na makababa ang magkapatid ay naihatid na lang ni Mhorric ngtingin ang dalawa.
Napabuntong-hininga siya. Pagkuwan ay napangiti.

KATULAD ng gusto ng ama ni Candy kaya naman bukas na sila ni Mhorric babiyahe papunta

sa Pagbilao City. At alam naman niya na pabor na pabor iyon sa binata na palaging kakuwentuhan ng
kaniyang ama. Para bang sa isang iglap ay close na agad ang mga ito sa isa't isa. Natutuwa naman siya sa
part na iyon. Tipong hindi kailangang mangapa ni Mhorric sa kanila dahil hindi mahirap kausapin ang
kaniyang mga magulang.

Hindi rin naman kasi niya patambayin ng matagal sa tindahan si Mhorric dahil sa mga costumer na wala
ng ginawa kundi ang matulala sa binata kaya palagi itong nasa 100b ng bahay. Tipo kasing inaabot na
niya ang binili ng customer ay tulala pa rin iyon sa likuran niya kung saan naroon si Mhorric.

"Meryenda."

Napatingin si Candy sa lamesa nang ipatong doon ni Mhorric ang bilo-bilo na umuusok-usok pa. Luto
iyon ng kaniyang nanay.

"Salamat," baling ni Candy kay Mhorric.

"Sa 100b ako kakain. Ayaw mo naman na nakatambay ako rito sa tindahan ninyo." Na-guilty siya sa
bagay na iyon.

Napabuntong-hininga tuloy siya. "Kung gusto mo na sabayan ako rito, sige," pagpayag niya.

lyong ngiti ni Mhorric na agad na sumilay sa labi nito dahil sa sinabi niya.

"Kukunin ko lang 'yong inihanda sa akin ni

Nanay Rose," anito na nagmamadali pang lumabas sa tindahan.

Nang bumalik si Mhorric ay may dala na itong pagkain nito. Mukhang mas pabor na pabor dito na
makasama siyang kumain niyon doon.

"Hindi ka ba naiinip?" aniya nang makaupo ito sa silya na kinuha pa nito sa 100b ng bahay.

May dala na rin ito na maiinom nila.

"Hindi. Bakit? Mukha ba akong naiinip na?" ani Mhorric nang pagmasdan siya.

Tumikhim siya. "Hindi naman."

"Masarap kakuwentuhan si Tatay Henry kaya hindi ako naiinip. Kahit gustuhin ko man na mag-stay rito
sa tindahan ninyo dahil narito ka, hindi ko naman magawa dahil nakaka-distract ako sa mga bumibili."
Hinipan nito ang bilo-bilo sa kutsara nito.

Nang hindi na iyon mainit masyado ay natigilan pa si Candy nang iumang nito iyon sa tapat ng kaniyang
bibig.

"M-mayroon akong sariling pagkain.

"Just this one," may ngiti sa labi nitong giit.


Sa isip niya ay napabuntong-hininga siya. Mukhang hindi siya nito titigilan kung hindi niya ito
pagbibigyan kaya ibinuka na niya ang kaniyang bibig at isinubo ang kutsara na nakaumang sa kaniyang
harapan.

Wala namang sinabi si Mhorric basta

nakangiti lang ito habang nakatitig sa kaniya. Matapos niyang isubo ang nasa kutrasa nito ay muli itong
sumalok ng bilo-bilo bago iyon kinain.

"Masarap," bulalas pa nito.

Sumilay rin ang ngiti sa labi niya bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"Saan mo balak mag-stay sa Pagbilao?" mayamaya ay tanong ni Mhorric.

Nilunok muna ni Candy ang pagkain sa bibig niya bago tiningnan si Mhorric. "Titingin pa ako," kunway
sagot niya.

"Sa bahay ka na mag-stay."

"Bakit sa bahay mo?"

"Kung mag-re-rent ka sa apartment, magagastusan ka pa. Bayad sa monthly na upa, tubig at kuryente.
Pagkain mo pa. Baka diyan lang mapunta ang sasahurin mo?"

Hindi niya sigurado kung concern ba talaga ito sa mga bayarin na iyon o gusto lang talaga nito na ma-
push na mag-stay siya sa bahay nito?

"Mhorric, kapag sa bahay mo ako nag-stay, baka matsismis ka pa na may ka-live in," aniya na umiling-
iling pa. "Ayaw kong sirain ang reputasyon mo."

"As if I care? Kapag ikaw ang involve, Candy, wala akong pakialam sa sinasabi mong reputasyon. Kahit
itsismis pa nila ako na may asawa na. Wala namang problema sa akin. Basta pangalan mo 'yong ididikit
nila sa akin." Sinupil ni Candy ang kilig na nararamdaman.

"Alam mo, Mhorric, 'wag mo namang gawing obvious na obvious ang pagkagusto mo sa akin.

Baka isipin ng iba, ginayuma kita."

Ganoon na lang ang pagtawa nito sa kaniyangsinabi.

"'Yong gayuma mo sa akin, lifetime yata ang tama. Walang expiration, eh," banat pa nito na ikinapula ng
pisngi ni Candy.

"Kumain ka na lang, Mhorric," saway niya rito na itinuon na sa pagkain ang atensiyon. Nag-iinit na ng
husto ang kaniyang mukha. Baka tuksuhin pa siya nitong lalo kapag nakita ang pamumula ng kaniyang
pisngi.
The Wolf Princess and.

Addie Hayes

C)

"How many mates do you have,

Princess?" Kia asks] look over at h

Chapter 50

GANOON na lamang ang pagbalot ng pag-aalala kay Candy dahil sa walang humpay na pagpatak ng ulan
nang gabing iyon. Nasa may salas siya nang mga sandaling iyon at nakatayo malapit sa may pinto.

Napakislot siya nang biglang may humawak sa kaniyang balikat. Nalingunan niya ang kaniyang Tatay
Henry. Inabot pa nito sa kaniya ang isang payong.

"Puntahan mo si Mhorric sa labas para hindi ka nag-aalala rito."

"Pero, 'Tay—"

"Malaki ka na anak," nakangiti nitong wika bago siya iniwan sa salas at bumalik sa 100b ng silid nito at ng
kaniyang ina.

Para bang sapat na ang salita ng kaniyang ama para mabawasan ngtuluyan ang pag-aalala niya para sa
binata. Hindi naman talaga maikakaila ang pag-aalala niya para kay Mhorric. Kung okay lang ba ito roon?
Napatingin siya sa hawak na payong. Binigyan siya ng basbas ng kaniyang ama na puntahan si Mhorric.
lyon ang go signal na kailangan niya.

Kinuha muna niya ang kaniyang towel at siyang ipinangtaklob niya sa kaniyang ulo.

Pagkuwan ay wala ng pagdadalawang-isip pa na pinuntahan ni Candy si Mhorric sa tent nito.

Kumukulog at kidlat pa nang mga sandaling iyon.

Ang mga groceries naman na dinala roon ni Mhorric ay safe sa 100b ng bahay nila. Ipinasok muna sa
may salas hanggang sa kusina ang nasa labas ng terrace na mga box. Ang nasa may terrace naman ay
napapalibutan ng malaking tulda kaya hindi nababasa.

"Mhorric," tawag niya sa binata. Tulog na kaya ito? Nakapatay kasi ang ilaw sa flashlight na ibinigay niya
rito. "Mhorric," ulit niyang tawag dito.

Mayamaya pa nga aytuluyan ng nagliwanag sa 100b ng tent ni Mhorric. Aninag din niya nang burnangon
ito para maupo. Hindi nga nagtagal ay ibinaba na nito ang zipper ng tent nito. Isinangga naman niya ang
payong sa parteng iyon para hindi maampiyasan ng ulan ang 100b ng tent.
"Bakit lumabas ka pa?" agad na tanong ni Mhorric sa kaniya.

Napalunok siya. Hindi niya direktang masabi na nag-aalala siya rito. "Umuulan, Mhorric," may kalakasan
niyang wika para marinig nito.

"Mababasa ka lang diyan. Pumasok ka rito," anito na mas ibinaba pa ang pagkakabukas ng zipper.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Candy.

Pumayag siya sa nais nito. At para makapasok si

Candy ay si Mhorric na ang naghawak ng payong na dala niya. Pagpasok niya sa 100b ng tent nito ay
agad niyang tinuyo ng dala niyang tuwalya ang kaniyang nabasang paa at binti.

"Paano itong payong mo?" baling sa kaniya ni Mhorric na hawak pa rin ang payong.

"Tiklupin mo na lang. Tapos, iwan mo diyan sa labas. Mababasa itong 100b ngtent mo kung ipapasok pa
'yan dito."

"Paano ba ito titiklupin?" natatawa pa nitong tanong na hindi maisara ang payong.

Right. Ano ba ang aasahan niya sa katulad nito na mukhang hindi naman sanay humawak ng payong? O
hindi lang ito aware na automatic ang folding na payong na iyon?

"Ako na," aniya na pagkahawak sa payong ay agad na pinindot ang pindutan niyon sa mismong hawakan
at inilapag sa gilid ng tent. Siya na ang nagsara ng zipper. Pagkuwan ay agad na nagtuyo ng kamay sa
tuwalya. Muli niyang binalingan si Mhorric. "Malakas ang ulan, hindi ba mababasa itong latag mo?"

Umiling ito. "Hindi. Dahil wala naman itong butas para pasukan ngtubig buhat sa ilalim." "Sigurado ka?
Na-check mo na ba ang ilalim?"

"Hindi pa. Pero malakas naman ang tiwala ko na wala."

Dahil mukhang wala nga itong balak tingnan kung may leak sa ilalim ng latag nito ay siya na ang gurnawa
niyon. Kinuha niya ang flashlight sa gilid ng tent at sinuri ang ilalim ng latag ni Mhorric. Nakahinga siya
nang maluwag dahil wala nga siyang nakikitang leak doon ng tubig.

Inayos niya ang pagkakabalik ng latag nito. "l told you," wika pa ni Mhorric. "But still, salamat sa pag-
aalala mo. Akala ko nga, mahimbing na angtulog mo sa silid mo kaya hindi na kita ginambala pa."

"Makatutulog ba ako ng maayos kung alam kong hindi ka okay rito dahil sa ulan?" hindi niya napigilang
sabihin nang muli itong harapin. "Syempre, hindi."

Umangat ang kanang kamay ni Mhorric upang hawiin ang hibla ng buhok na nasa pisngi ni Candy at
dinala iyon sa likod ng tainga niya. Sandali siyang nawalan ng masasabi dahil sa ginawa ni Mhorric.

"I'm sorry. Kung napag-alala na naman kita.


Okay lang naman—

Nang biglang lumagitik ang kidlat sa kalangitan na animo kay lapit lamang ng tinamaan ay ganoon na
lang ang biglang pagyakap ni Candy kay Mhorric. Kay lakas ng kabog ngdibdib ngdalaga. Sunod niyon ay
ang pagdagundong ng kulog. Lalo siyang napapikit nangmariin.

Gumanti naman ngyakap sa kaniya si Mhorric nang makabawi ito mula sa sandaling pagkabigla sa
kaniyang ginawang pagyakap dito. Hinagod pa nito ang kaniyang likod. Making sure na okay lang ang
lahat.

"lkaw ang pinakamatapang na babae na nakilala ko. Akala 1<0, family mo lang ang weakness mo. Takot
ka rin pala sa kidlat, nangingiti pang wika ni Mhorric sa kaniya.

Bahagyang inilayo ni Candy ang kaniyang mukha na nakasubsob sa dibdib nito. Napalunok pa siya. Kapag
ganoong kalakas na kidlat ay sino ba ang hindi matatakot? Pakiramdam niya ay tatamaan siya.

"N-nakakatakot naman talaga ang lagitik ng kidlat," katwiran niya rito na muting napasubsob sa dibdib
nito nang kumidlat na naman.

Mukhang ini-enjoy pa ni Mhorric ang pagkakataon na iyon. Na ganoon siya kalapit dito. "Okay. Wala
namang kaso kung matakot ka. Basta... sa akin ka lang yayakap ng ganito kapag natatakot ka."

Lihim siyang napangiti sa sinabi nito. At may ganoon pa talaga itong pahabol sa kaniya. Inalis din niya
ang ngiting iyon sa kaniyang labi at tuluyan ng dumistansiya rito. Kinuha na lamang niya ang isa nitong
unan at iyon ang niyakap. Napapalatak pa tuloy si Mhorric.

"Mukha ka namang okay rito," aniya rito

kapagkuwan.

"I'm not," anito na akmang kukunin ang cellphone nito nang pigilan niya ito. "Bakit?"

'"Wag kang gagamit ng cellphone kapag kumikidlat at baka tamaan ka na lamang ng kidlat diyan

"Totoo ba 'yon?"

"Search mo kaya. Ang dam' ng case na ganoon. Kaya para safe, 'wag kang gumamit ng cellphone. Saka
na, kapag wala ng kidlat. Paki-off din ang data na garnit mo."

"Bakit? Mati-trace ba ng kidlat kung nasaan ako?" biro pa nito sa kaniya.

"Mhorric, hindi ako nakikipagbiruan. Safety mo lang din 'yong inaalala ko. Kung matigas ang ulo mo—"

"Heto na PO, i-o-off na," ani Mhorric na pagka-off sa gamit nitong mobile data sa cellphone nito ay
inihagis na lamang basta sa may bandang paanan ng tent ang cellphone nito. "Kapag talaga ikaw ang
kasama 1<0, nadadagdagan ang kaalaman ko sa ibang mga bagay."

"Bola na naman," naiiling niyang wika.


"Totoo," ani Mhorric na kinuha ang nanlalamig niyang mga kamay at ikinulong sa dalawa nitong palad.
Huminga pa ito nang malalim bago idinikit ang labi nito roon at

hinipan.

Dama niya ang init sa mga palad nito. Lalo na sa ibinuga nitong hangin mula sa bibig nito. Animo nanulay
iyon sa bawat himaymay sa kaniyang katawan. Lihim na napalunok si Candy habang hindi inaalis
angtingin sa guwapong mukha ni Mhorric na ang focus ay nasa nanlalamig niyang mga kamay.

Nang mga sandaling iyon, dahil na rin sa maulan at malamig na panahon kaya nanlalamig ang buong
katawan niya. Pero dahil sa ginagawa ni Mhorric, unti-unti iyong naiibsan.

Makaraan ang ilang sandali ay bahagyang ibinaba ni Mhorric ang mga kamay nila. Hindi pa rin nito
binibitiwan ang kamay niya nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya.

"Hindi ba magagalit angtatay mo? Narito ka kasi, ang lakas pa naman ng ulan."

Urniling siya. "Hindi. Pinayagan niya ako," amin niya rito na nagbaba ngtingin. Nag-iinit na naman ang
mga pisngi niya.

Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Mhorric. "Feel ko lang, boto sa akin si Tatay Henry. Kasi kung hindi,
hindi ka niya papayagan na puntahan ako rito lalo na at gabi na. Nakakatuwa na pinagkakatiwala ka niya
sa akin."

Bakas sa guwapong mukha ni Mhorric ang saya sa kaalaman na iyon. Sigurado siya na mas nadagdagan
ang lakas ng 100b nito na ituloy ang nasimulan nitong panliligaw sa kaniya. Maging si Candy ay ramdam
din angtiwala na ibinigay ng kaniyang ama sa binata. Siguro ay ramdam din nito na seryoso ito sa kaniya.
At sa kabila ng estado nito sa buhay ay kayang magtiis sa kanila.

Hindi pa lang din niya nakukuwento sa kaniyang mga magulang kung ano ba ang pinagkakaabalahan ni
Mhorric. Hindi langdin niya sigurado kung na-interview na ba ito ng kaniyang mga magulang habang siya
ay nasa tindahan kanina at ang mga ito ang magkakasama.

"Paano kung mabait lang sa iyo si tatay dahil mayamang negosyante ka at good catch ka para sa akin?"
hindi kumukurap na tanong niya rito.

"Sinabi mo ba sa kanila kung ano ang estado ko sa buhay?"

Urniling siya. "Hindi," aniya na unti-unting nagbaba ngtingin. Umakma siya na bawiin ang kaniyang mga
kamay mula rito nang humigpit lalo ang pagkakahawak nito roon.

"Hindi ko pa rin naman sinasabi dahil hindi naman sila nagtatanong. At isa pa, Candy, marunong akong
kumilatis ng isang tao kung yaman ko lang ang gusto nila. At hindi ganoong klase ng tao ang tingin ko sa
mga magulang mo. Tingin ko, mas importante sa kanila ang nararamdaman mo para sa isangtao. Hindi
dahil mapera o mayaman lang. Masyado ka nilang mahal para itulak lang sa isangtao na wala ka namang
nararamdaman."

Natutuwa siya na marinig iyon mula rito. Na ni minsan ay hindi nito nakita ang kaniyang mga magulang
na ginusto ito para sa kaniya dahil lang sa yarnan lang nito.

"Kuwento nga sa akin ni Henrick kanina, may nagkakagusto sa iyo na konsehal dito sa lugar ninyo,"
dagdag pa nito.

Napatingin siyang muli rito. "Hindi ko naman gusto 'yon," agad niyang apila.

Totoo naman ang sinabing iyon ni Henrick kay Mhorric. Pero ni sa panaginip ay hindi naman niya iyon
nagustuhan. Masyado kung magpalipad hangin sa kaniya. Minsan nga, kapag may ani ng palay ang mga
iyon ay nagbababa pa sa kanila ng isang sakong bigas. Ekta-ektarya rin kasi ang sakahan ng palay. May
sarili ring rice mill kaya bigas na nangdumating sa kanila. Kahit ano namang tanggi niya sa pinapadala
niyon ay para bang baliwala lang doon dahil hindi tinatanggap pabalik ang naibigay na.

"Promise?"

"Mhorric, hindi nga sabi."

"Pahingi ng proof na hindi mo nga 'yon gus

Animo huminto sa pag-inog ang mundo ni Mhorric nang walang sabi-sabing kinintalan ito ng halik ni
Candy sa labi. Maging siya ay

bahagyang nagulat sa ginawa nang ilayo niya ng bahagya ang kaniyang mukha rito. Lalo tuloy lumakas
ang kabog sa kaniyang dibdib. Wala naman iyon sa plano niya. Pero bakit iyon ang ginawa ng kaniyang
katawan? Sa isip ay nahila niya ang sariling buhok.

At bago pa siya makalayo rito nang tuluyan ay ito naman ang walang babalang humalik sa kaniyang labi.
Binitiwan na rin nito ang kaniyang mga kamay at lumipat ang mga kamay nito sa kaniyang likuran.
Mukhang ayaw siyang makalayo agad. Inalis pa nito ang unan na nakapagitan sa kanila na kanina lang
ayyakap niya.

"Kiss me back. .. please," pakiusap pa nito nang ilayo ng bahagya ang labi sa kaniya. Hindi naman iyon
nagtagal at muli nitong pinaglapat ang mga labi nila.

Ipinikit ni Candy ang kaniyang mga mata at wala ng pakipot pa na tinugon ang halik nito na mukhang
matagal din nitong pinanabikan.

Maalab ang halik na pinagsaluhan nila. Pakiramdam ni Candy ay daig pa niya ang pinakawalan ang sarili
sa isang garapon. Pati kasi ang sarili niya ay hindi niya mapigilan sa maalab na pagtugon mula sa mainit
nitong halik.

Kinapa pa ng kamay ni Mhorric ang flashlight at ito na ang nagpatay sa liwanag niyon.
Malakas ang buhos ng ulan sa labas ng tent.

Ngunit hindi na nila iyon halos maalintana dahil

sa karupukang nangyayari sa 100b ng tent. Kahit nga nang lumagitik ang kidlat sa kalangitan ay
napayakap lang siyang lalo kay Mhorric.

Hinapit naman siya nitong lalo palapit dito. Umayos pa ito ng upo. At para mas maging okay ang
puwesto nila ay kinabig siya nito paupo sa kandungan nito. Tila ba nilipad na rin ang katinuan ni Candy
dahil ni hindi niya ginawang big deal ang posisyon nilang iyon ng binata nang mga sandaling iyon.
Kasalanan ng masarap na halik na ipinamamalas ni Mhorric sa kaniya.

Ang mga tuhod niya, ramdam na niya ang unti-unti niyong panlalambot. Para bang tinatakasan na rin ng
lakas.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi upang sumagap ng hangin ay halos sandali lang iyon dahil muli
siyang siniil ni Mhorric ng halik sa kaniyang mga labi. Pinagbigyan niya ang sarili nang mga sandaling
iyon. Kahit siya man ay na-miss din talaga ang halik na iyon ng binata na ilang beses niyang tiniis na hindi
tugunin nang nasa Pagbilao City sila.

Chapter 51

OUT of control na rin si Candy nang mga sandaling iyon. Tipong kung gugustuhin ni Mhorric na makuha
siya nang mga sandaling iyon ay wala siyang kapalag-palag.

Daig pa ni Mhorric ang uhaw sa halik niya dahil mukhang wala itong balak na basta tapusin ang mainit na
sandaling iyon sa pagitan nila. Kahit si Candy, hindi maikakaila ang matagal na pangungulila sa halik
nitong iyon.

Unti-unting iminulat ni Candy ang kaniyang mga mata nang pakawalan na ni Mhorric ang kaniyang mga
labi. Dahil madilim, hindi naman niya maaninag ang mukha nito. Basta ang alam lang niya ay nasa tabi
niya ito nang mga sandalingiyon.

"B-bakit ka tumigil?" hindi niya napigilang itanong habang bahagyang habol ang kaniyang paghinga.
Napalunok si Candy nang sunod niyang maramdaman ay ang pagyakap ni Mhorric sa kaniya habang
nakasaklang pa rin siya sa kandungan nito. Ganoon pa man ay iniwasan talaga niyang upuan ang
mismong hinaharap nito. Baka siya pa ang maunang mawala sa sarili.

"Baka kung saan pa tayo makarating kapag hindi ako tumigil," sagot ni Mhorric sa kaniyang

tanong. Ginawaran pa siya nito ng halik sa noo bago muling niyakap.

Mariing napapikit si Candy. Ang sarap sa pakiramdam ng ginawa nito. Lalo na ang pagyakap nitong iyon
sa kaniya. Iminulat niya ang mga mata at sinubok si Mhorric.
"Ano naman kung saan tayo makarating?"

Napangiti ito. '"Wag mo akong hamunin, Candy."

"Mabibigo ka lang."

Hindi niya mapigilan ang mapalabi.

"Ganoon?"

"Not here," anito. "Pero kung gusto mong bukas din ay makasal sa akin, sabihin mo lang."

At mukhang naghahamon din ito. Umakma siya na kakalas na sa pagkakayakap nito nang hindi siya nito
pakawalan.

"Gusto mo na ba? Madali naman akong kausap," patuloy ni Mhorric na panunudyo sa kaniya.

"Mhorric, kalimutan mo na 'yong sinabi ko."

Natawa na naman ito. "Seriously, open na ako for marriage. Sabihin mo lang kapag gusto mo na rin
akong maging asawa."

"Wala pa akongtrenta para mag-asawa, Mhorric," kunway apila niya sa sinabi nito. Bigla ay parang
nanuyo ang kaniyang lalamunan. "Pero, trenta na ako," anito na inilapit ang bibig sa may tainga ni
Candy. Ang mainit nitong hininga ay dumadampi sa kaniyang leeg.

Napalunok si Candy. "Gusto ko lang ulitin sa iyo,

Candy. Seryoso ako sa mga ginagawa ko sa iyo."

Napabuntong-hininga siya. "Kahit na. kahit na nakita mo ulit ako sa trabahong hindi
magandangtingnan?"

"Saan ba kita unang nakita, Candy?" sa halip ay balik tanong nito sa kaniya na inilayo ang mukha sa
kaniya. Nakatitig ito sa kaniya kahit na puro kadiliman ang nababalot sa paligid. "Hindi rin naman
maganda angtrabahong pinasok mo noon

Tama ito. Hindi nga maganda ang trabahong pinasok niya noong una siya nitong nakita. Seller ng party
drugs. At sa puntong iyon, tuluyan na siyang umalis sa kandungan ni Mhorric. Napabuntong-hininga na
naman siya.

Kinapa ni Mhorric sa tabi nito ang flashlight at binuhay iyon. Tuluyan ng nagliwanag ang buong 100b ng
tent. Nag-iwas siya ngtingin nang tapunan siya nito ngtingin. Muling kinuha ni Candy ang unan at iyon
ang niyakap. Nanlamig na naman kasi ang kaniyang pakiramdam dulot na rin ng malamig na sandaling
iyon. Malakas pa rin ang ulan sa labas. Ang kidlat naman ay nawala na.

"Ano nga ang gagawin mo kapag nagkita


tayong muli?" muli ay untag nito sa kaniya.

Alam naman niya ang pinupunto nito. "Okay. Alam kong super late na. Pero salamat pa rin sa pagtulong
mo sa akin noon," aniya nang sulyapan ito. "Hindi na ako nakapagpasalamat dahil sa pagmamadali kong
makauwi noong gabing 'yon pagkahatid mo sa akin sa may I-RT Station. Alam mo naman kung gaano ako
natakot noon. Pero bumalik ako para magpasalamat sana sa iyo, kaso nakaalis ka na. Huli man, pero
maraming salamat sa tulong. .." aniya na muling nagbawi ng tingin. Sa wakas, nasabi rin niya ang mga
katagang iyon kay Mhorric. Huli man, pero deserve pa rin nito na marinig iyon sa kaniya ng personal.
"Sobrang laking bagay 'yong ginawa mo."

"You're welcome."

"Noong panahon na iyon ay puwedeng-pwede mo akong isumbong sa mga nang-raid na PDEA pero hindi
mo ginawa. Tinulungan mo pa akong makatakas. Bakit ginawa mo 'yon, Mhorric?" aniya na muling
ibinalik ang tingin dito. Curious siya sa bagay na iyon.

"Katulad nang sinabi ko sa iyo noon na narinig ko ang usapan ninyo ng kasama mo. Hindi mo naman
inasahan na magiging tulak ka ng droga ng gabing iyon." Marahas itong nagpakawala ng buntong-
hininga. "Alam mo bang dahil din sa party drugs kaya namatay ang bunso kong kapatid na babae seven
years ago?" puno ng pait nitong pagkukuwento sa kaniya. "She's not a user, 'yon ang sinigurado sa akin
ng mga kaibigan niya. Nasa isang malaking event sila noon nang mangyari 'yon sa kapatid 1<0. Ang
kuwento pa sa akin ng isa sa mga kaibigan niya ay may bago raw nakilala si Sugar sa event. At ang mga
'yon ang pumilit na tumikim ng party drugs ang kapatid

1<0." Lumunok ito ng tila may kung anong bara sa lalamunan nito dahil sa alalahaning iyon. "Fly High
'yong pangalan ng party drugs na mabilis pumatay sa kapatid ko. Hindi pa raw natatagalang ininom ng
kapatid ko ang gamot na 'yon ay bigla na lang siyang nakaramdam ng kakaiba. Unti-unting burnagsak at
nangisay sa semento. Hanggang sa tuluyang mawalan ng buhay. Dead on arrival siya nang dalhin sa
ospital Sa isang iglap, bigla siyang nawala sa akin. Ang saya-saya pa niya nang magpaalam sa akin ng
araw na 'yon." Sandali itong natahimik at muling lumunok. lyong masaya nitong mukha kanina ay binalot
bigla ng lungkot. "Nawala na nga ang mga magulang namin, pati siya ay kinuha rin." Turningin ito sa may
paanan ng tent. "Pero sigurado ako na masaya na rin siya kung nasaan siya ngayon dahil nakasama na
niya ang mga magulang namin na hindi niya nakilala dahil baby pa lang siya nang mawala ang mga
magulangnamin."

Binalot din ng matinding lungkot si Candy sa nalaman. Kaya pala ganoon na lang ang galit nito habang
itinatapon noon ang dala niyang party drugs. Ngayon niya mas naunawaan kung bakit.

At kita niya sa guwapong mukha nito na apektado pa rin ito ng nakaraang iyon. Hiling lang niya na may
magawa siya upang mawala ang lungkot na nakikita niya sa mga mata nito.

"Mhorric, sorry," aniya rito. Nahahabag siya dahil nag-ungkat pa siya. "Hindi ko alam na ganoon ang
sinapit ng kapatid mo."

"Nakakalungkot lang na ganoon ang sinapit ni Sugar. Ang darni pa niyang puwedeng gawin.
Halos magkaedad lang kayo," dagdag pa nito.

Kung ganoon, baka noong gabing nakita siya nito sa bar at marinig ang usapan nila ni Neri na labag sa
kaniya ang trabahong pinasok ng gabing iyon, siguradong naalala ni Mhorric sa kaniya ang kapatid nitong
si Sugar dahil sa party drugs.

"Iniligtas mo ba ako nang gabing 'yon dahil naalala mo sa akin ang kapatid mo?"

"Labag sa kalooban mo ang trabaho na 'yon. Hindi ko rin alam kung bakit pagtayo ko ay ikaw agad ang
nilapitan ko. Puwedeng-pwede kitang iwan noon. Siguro, nakatadhana langtalaga na mangyari 'yon."

"Naniniwala ka sa tadhana?"

Sandali siya nitong pinakatitigan bago sumagot. "Noong magkita ulit tayo last year, saka

lang ako naniwala sa ganoon. Na siguradong may dahilan ang mga bagay-bagay at hindi nagkataon lang.
Na mayroon talagang destiny."

"Sigurado ako na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatahimik ng husto ang kapatid mo dahil hindi ka pa
rin maka-move-on sa nangyari sa kaniya," aniya na hindi rin inaalis ang tingin dito.

Paano kung nakikita lang siya nito dahil sa kapatid nito? Parang piniga ang puso niya sa isiping iyon.

Hindi rin niya maiwasang hindi malungkot para sa sinapit ni Mhorric, bata pa lang ito nang mawala ang
mga magulang nito. At hindi kalaunan, pati ang nag-iisa nitong kapatid ay nawala rin dito. Gaano kahirap
iyon para dito? Bigla rin ay parang gusto niyang ibahagi ang pamilya niya rito.

"Paano ba'ng mag-move on sa nangyari sa pamilya ko?" Napabuntong-hininga ito.

"Paano ka magiging masaya kung dala-dala mo pa rin ang masamang nangyari sa nakaraan mo?
Tanggapin mo nang maluwag sa puso mo ang pagkawala nila, Mhorric. Sigurado ako na ayaw ng mga
magulang mo na may lungkot pa rin sa puso mo. Lalo na ni Sugar. Hindi rin naman nila ginusto ang
nangyari sa kanila. Ang maiwan kang mag-isa rito. Alam 1<0, iba pa rin ang may mga magulang at
kapatid na kasama. Pero ano pa ba ang magagawa mo kung 'yon ang nakatadhana "Nang urnalis ka na
lang noon ng walang paalam," sa halip ay wika nito na hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "Pakiramdam
ko, lahat na lang talaga ng mga importanteng tao sa akin, iniiwan ako."

"Sorry kung mas pinili kong umalis na lang noon ng hindi nagpapaalam sa iyo. Hindi naman madali sa
akin 'yon. Noon kasi, natatakot ako sa nararamdaman ko. Bago 'yon. At saka. .. ayaw kong mas paasahin
ko 'yong sarili ko sa iyo, Mhorric," aniya na nagbaba ngtingin. Ang mga mata niya ay bigla na lang nag-
iinit ang bawat sulok dahil sa katotohanang iyon. "Napakataas mo kasi kumpara sa estado ng buhay na
mayroon ako. Hindi bagay 'yong katulad ko sa iyo." Nakagat niya ang ibabang-labi nang mangislap ang
kaniyang mga mata dahil sa luha. "Hanggang ngayon, nag-aalangan pa rin ako sa iyo."

"Bakit kailangan mong mag-alangan sa akin? Alam mo naman na kaya kong ibaba ang sarili ko sa iyo."
"Ano na lang ang sasabihin sa iyo ng mga taong nakakakilala sa iyo?" Ramdam niya ang unti-unting
paninikip ng kaniyang dibdib.

"Alam mo rin na wala akong pakialam sa sasabihin nila, Candy. Hindi naman sila 'yong gusto kong
makasama, eh. Ikaw. Hindi mo sila kailangang alalahanin. 'Yong mga totoo sa akin,

kaya nilangtanggapin kung sino man ang pinili ko. Pero alam mo 'yong mas importante? 'Yong opinyon
ko kaysa sa opinyon ng iba. Mahal kita, may magagawa ba sila?"

Ganoon na lang ang pag-angat ng tingin ni Candy kay Mhorric dahil sa sinabi nito.

Mahal kita... paulit-ulit iyon sa kaniyang pandinig. Na-speechless siya sa bagay na iyon. Hindi naman niya
iyon nakaringgan lang.

Maging si Mhorric ay natigilan sa sinabi nito.

"Candy—"

"Kahapon lang, gusto mo ako. Tapos ngayon, sasabihin mo na mahal mo ako," aniya nang makabawi.
Sinisikap na kumalma lang kahit na ang puso niya ay nagreregudon na naman.

Mukhang wala na itong ibang pagpipilian kundi ang umamin sa totoong nararamdaman sa kaniya. "Ayaw
lang naman kitang bibiglain. Idadahilan mo na naman, kakikita lang ulit natin at wala pa ngang isang
linggo. Candy, hindi ko naman ito naramdaman last week lang. Matagal na. Nawalan lang ako ng chance
na ipakita at iparamdam sa iyo dahil urnalis ka na lang bigla. 'Yong ngayon, itinutuloy ko lang 'yong
naudlot mula sa nakaraan."

Suminghot siya nang mag-iwas ng tingin dahil ang sipon niya ay nag-aamba na sa pagtulo dahil sa
pinipigilan niyang maluha.

"Nasabi ko na... at hindi ko na 'yon para

bawiin pa. At kung ano man 'yong nasabi ko kanina, 'yon 'yong totoo, Candy. Hindi kita pinipilit na
maniwala. Pero ano ba ang magagawa ko kung 'yon 'yong nararamdaman ko? Ikaw langdin 'yongdahilan
kung bakit sumaya ulit ako ngayon. Just so you know."

Kin agat niya ang ibabang-labi nang tuluyang pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Agad niyang
isinubsob ang mukha sa unan na hawak niya.

lyong kilabot niya dahil sa pag-amin na iyon ni Mhorric sa nararamdaman nito sa kaniya ay burnalot sa
buo niyang katawan.

Hindi handa ang puso niya sa pag-amin nitong iyon. Na daratingsa punto na may magmamahal sa kaniya
na katulad ni Mhorric Soliven.

Mabilis niyang pinahid ang luha sa kaniyang mga pisngi garnit ang kaniyang mga kamay.
"Paano kung nakikita mo lang sa akin ang kapatid mo, Mhorric?" aniya rito.

"Candy, alam naman ng Diyos na hindi lang isang nakababatang kapatid ang tingin ko sa iyo, dahil lang
kaedaran mo si Sugar. No," mariin nitong wika sa huli nitong sinabi. "More than that," ani Mhorric na
lumipat ng upo sa may harapan niya at sinapo pa ang kaniyang magkabilang pisngi para magpantay ang
mga tingin nila. "l love you. Hindi dahil para lang kitang kapatid. I love you for being you."

Lalo lang siyang naluha sa sinabi nito.

Damang-dama kasi niya roon ang senseridad. Mabilis namang pinalis ni Mhorric ang luha sa pisngi niya.

"Kainis ka," tanging nasabi niya rito.

"Masanay ka na."

"S-saan?"

"Na mahal kita," seryoso nitong sagot sa tanong niya. "Pero hindi dahil inamin ko ito sa iyo ay dapat mo
ng tugunin," anito na umiling pa. "Hindi mo kailangangsabihin na mahal mo rin ako kung hindi naman
talaga 'yon ang nararamdaman mo. I can wait, Candy."

Quota na quota na siya kay Mhorric simula pa lang kahapon. Kung sana ay puwede ring ipagsigawan ang
kaniyang nararamdaman dito.

Lord, bakit pinagpapala niyo ako masyado ? Deserve po ba talaga ako ni Mhorric?

Nang bumabang muli ang mukha ni Mhorric sa kaniya at gawaran siya ng halik sa kaniyang labi ay hindi
niya iniiwas ang kaniyang mukha o kahit ang pigilan ito. Sa halip ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata
at muling tinugon ang halik nitong iyon. Kahit sa pamamagitan lang ng halik niya ay maiparating niya rito
na nagkakasundo ang mga puso nila. Mahal kita...

I love you. . .

lyon ang isa sa pinakamasarap niyang narinig mula sa taong itinatanggi ng kaniyang puso. Ang luha niya
ay hindi niya mapigilan dahil sa nag-uumapaw na saya sa kaniyang puso. Ang sarap sa pakiramdam na
malamang mahal ka ng taong minamahal mo ng palihim.

Chapter 52

NAALIMPUNGATAN si Candy sa mabigat na kung anong nakadagan sa kaniyang katawan. Pupungas-


pungas na nagmulat siya ng mga mata. Kadiliman lang ang nakita niya.

Bakit may mabigat?aniya sa kaniyang isipan.

Gamit ang kanang kamay ay kinapa niya kung ano iyon. Natigilan siya nang makapa ang binti na
nakadantay sa kaniya kaya hindi siya makakilos. May bisig din na nakayakap sa kaniyang katawan.
Sa pagkakatanda niya ay wala naman siyang katabi kung matulog sa kaniyang higaan. May sarili siyang
kama. Si Angel Rose at Avery ay nakahiga sa double deck na kama sa silid nila.

Napalunok si Candy nang burnalik sa kaniyang isipan ang mga nangyari kagabi. Saka lang tumino sa
kaniyang isipan ang lahat.

Kung ganoon. si Mhorric ang nakadantay at nakayakap sa kaniya nang mga sandaling iyon. Daig pa niya
ang biglang pinangilabutan ang buong katawan dahil sa posisyon nilang lyon.

Hindi maaaring may makakita na nakatulog siya sa tent kasama ni Mhorric.

Maingat na inalis niya ang kamay nito at

binti sa kaniyang katawan. Pagkuwan ay daig pa ang magnanakaw na ubod ng ingat na lumabas si Candy
sa tent. Wala ng ulan nang mga sandaling iyon. Ang liwanag ay unti-unti na ring sumisilip sa Silangang
bahagi ng lugar nila.

Matapos niyang magbanyo sa 100b ng kanilang bahay ay minabuti niyang buksan na ang tindahan para
may alibi siya kung may makakita man na gising na siya. Hindi na rin naman siya makakatulog pa.

Nagtimpla siya ng gatas at iyon ang dinala sa may tindahan at marahang ininom. Hindi niya maiwasan
ang matulala sa kawalan. Sunod niyon ay ang pagbabalik sa kaniyang alaala ng mga maiinit na sandali
nila ni Mhorric sa 100b ng tent nito kagabi.

Agad niyang ipinilig ang ulo at sinikap na iwaksi ang alaalang iyon.

"Aba, ang aga niyo yatang magbukas ngayon," pansin pa ni Mang Nonoy na bumili ng kape sa kaniya.

"Maaga lang pong nagising," nakangiti niyang wika rito bago inabot clito ang kape na three-in-one. Nang
abutan siya nito ng buong isang daan ay agad din niya iyong sinuklian.

"Sukli PO."

"Salamat," anito bago umalis.

lyon ang araw na nakatakda silang umalis ni

Mhorric papunta sa Pagbilao City. Mukhang pati

ang bagay na iyon ay kailangan niyang paghandaan. Kailangan niyang maging emotionally, mentally at
physically ready sa mga maaaring mangyari sa pagitan nila. May kaba sa dibdib niya para sa bagay na
iyon. Ngunit walang dahilan para umatras pa.

May basbas na siya ni Tatay Henry at maging ang sarili niya ay gustong subukan ang panibagong hamon
ng buhay sa kaniya. Malayo sa kaniyang pamilya.

"Pabili PO."
Pagbaling ni Candy sa may harapan ng tindahan na may harang na bakal ay natigilan pa siya nang makita
si Mhorric na naroon. Maliwanag na sa labas ngunit hindi pa lumilitaw ang haring araw.

Napatitig pa siya sa binata. Partikular na sa labi nito na ilang beses na umangkin sa kaniya kagabi.

Ang labing iyon...

Bigla niyang ikinurap ang kaniyang mga mata at tumikhim. Pilit iwinaksi ang alalahaning iyon.

"B-bakit gising ka na agad?" aniya na muling tumalikod at kunway abala sa pag-aayos ng mga paninda.
Lalong lumakas ang kabog sa kaniyang dibdib. Kay aga-aga.

"Mas maaga akong nagising kahapon kumpara ngayon. Hindi na rin naman ako nakatulog nang magising
ako," katwiran pa nito. "Hindi mo ba ako pagbibilhan? May pambayad naman ako."

Seryoso ba ito na bibili ito?

Huminga muna siya nang malalim bago ito muling hinarap. Sa pagkatataong iyon ay lumapit na siya sa
kinaroroonan nito.

"Mhorric," aniya na iniwasan na mapatingin sa labi nito. "Alam ko naman na hindi ka bibili."

Ngumiti pa ito na [along nagpahurumintado sa kaniyang puso. "Bibili nga ako," anito na itinuro pa ang
hanay ng kape sa kaniyang likuran.

Iba't ibang brand iyon ng three-in-one na kape.

"Pabili ako noong kape na creamy ang flavor. That one."

Walang imik na kinuha niya ang gusto nitong kape. Inilahad nito ang kamay ngunit hindi naman niya iyon
ibinigay agad dito.

"Magkakape ka ng ganito?" kunot ang noo na tanong niya rito. Napatingin tuloy siya sa hawak niya sa
kamay na kape. Malayong-malayo sa mga mamahaling kape sa Starbucks.

Nahabol ni Candy ng tingin ang sachet ng kape nang kunin iyon ni Mhorric sa kaniyang kamay at mag-
iwan doon ng buong isang libo.

"Ganito 'yong pinainom sa akin ni Tatay Henry kahapon ng urnaga at nagustuhan ko ang lasa," anito na
ngumiti pa sa kaniya nang matamis. "Keep the change," wika pa nito bago siya tinalikuran at naglakad na
palayo.

Mahigpit niyang hinawakan ang isang libo sa kaniyang kamay at dinala iyon sa lagayan ng benta na
arinolang kulay pula. Nang makitang wala pang panukli roon para sa isang libo ay pinalitan muna niya sa
taguan nila ng benta ang malaking halaga na iyon.

Sunod niyon ay sinaglit niya si Mhorric na nasa labas ng tent nito at doon ay nagkakape.
Kasama na naman nito ang kaniyang ama. Nagtatawanan pa ang mga ito. Mukhang masayang
nagkukuwentuhan. Sinupil ni Candy ang ngiti sa kaniyang labi nang lapitan si Mhorric.

Para wala itong palag kaya naman kinuha niya ang isa nitong kamay at doon ay inilagay ang sukli niya sa
pera nito.

"Sukli mo. Hindi kami turnatanggap ng keep the change," aniya na tipid pa itong nginitian bago
tinalikuran para balikan angtindahan.

Napatingin si Mhorric sa pera na nasa kamay nito bago ibinalik kay Candy ang tingin na papalayo na.

Tinapik naman ni Tatay Henry si Mhorric sa balikat nito. "Hindi talaga 'yan tumatanggap ng keep the
change, hijo."

"Ganoon po ba?" ani Mhorric na itinago na lang sa bulsa ng suot nitong pants ang pera na isinukli rito ni
Candy.

"TATAWAG po ako ng madalas para mangamusta rito sa bahay," ani Candy sa kaniyang Nanay Rose na
pinuntahan siya sa silid na gamit niya.

"Mag-iingat ka palagi sa pupuntahan mo, anak. 'Wag mong pababayaan ang sarili mo," bilin pa nito sa
kaniya.

"Opo," ani Candy na tumabi ng upo rito sa gilid ng kaniyang kama at niyakap ito. "'Nay, kayo po ang
palaging mag-ingat clito ni Tatay. 'Wag ninyong papagurin ang sarili ninyo."

Napabuntong-hininga si Candy. Ngayon pa lang ay nami-miss na agad niya ang kaniyang mga magulang.

'"Wag mo kaming alalahanin at okay naman kami rito. Ikaw itong lalayo sa amin, eh," anito na gumanti
ngyakap sa kaniya at bahagyang hinaplos ang kaniyang likuran. "Pero ngayong alam namin ngTatay mo
na nasa Pagbilao rin si Mhorric, mas mapapanatag kami." Kumalas na sa yakap ni Candy ang kaniyang ina
at nanunudyo pa nang pagmasdan siya. "Bagay kayo, anak." Hindi niya napigilan ang pag-iinit ng
kaniyang mga pisngi dahil sa sinabi nito.

'"Nay, ano'ng tingin ninyo kay Mhorric?" gusto niyang malaman ang opinyon nito para sa binata.

"Sasaglit lang namin siyang nakasama ng

tatay mo. Pero nakikita ko na mabuti siyang tao. Hindi mapagmataas sa kapwa kahit ganito lang ang
estado natin sa buhay. Makikita ko naman sa reaksiyon at mukha niya kung ayaw niya sa estado natin.
Pero hindi. Mas tamang sabihin na nakikibagay talaga siya sa atin. Lalo na sa iyo.

Hindi siya napipilitan lang." Hinawakan nito ang kaniyang kamay at pinisil. "Mabuti ang hangarin niya sa
iyo, Candy."

Napangiti na siya sa sinabi ng kaniyang ina. "Ang ngiti mo, anak, abot sa mga mata mo.
Gusto mo rin ba si Mhorric?"

Turnango siya at hindi na itinanggi iyon dito. "Kaso PO, minsan, hindi ko pa rin talaga maiwasan na hindi
mag-alangan sa kaniya. Hindi po kasi basta-bastang tao si Mhorric, 'Nay.

Masyado siyang mataas kaysa sa akin."

"Kung parehas namang nagmamahalan ang isang tao, tingin 1<0, hindi basehan ang estado ninyo sa
buhay kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Ngayon lang kita nakitang masaya, Candy. Kaya kung ano
ang gusto mo, nakasuporta lang kami sa iyo ng tatay mo. Marami ka ng nagawa para sa amin at
nagpapasalamat kami sa iyo ng husto. Panahon na rin para kaligayahan mo naman ang intindihin mo.
Minsan, sarili mo naman ang isipin mo at hindi puro kami. Kaya namin, anak. 'Wag mo kaming alalahanin
at pinagyayaman namin ng tatay mo ang pinaghirapan mong ito. Wala naman tayo rito sa lugar na ito
kung hindi dahil sa

Sobrang na-touch si Candy sa sinabing iyon ng kaniyang ina. Muli siyang yumakap dito.

"Salamat, 'Nay. Kung nasaan man tayo ngayon, kayo po ang inspirasyon ko para marating natin 'yong
ganitong klase ng buhay. Buhay na malayong-malayo sa kinalakhan namin sa Maynila. Pero, hayaan niyo
pa rin po akong tumulong sa abot ng aking makakaya. Hmmm?" "Haaay, ikaw ang bahala, anak. At baka
magtampo ka pa kapag ikaw ay tinanggihan. Basta ang sa amin lang, sarili mo naman muna ang
pagtuunan mo ng pansin."

"Opo. Kung mapilit kayo," biro niya dahil naluluha lang siya. "Salamat PO, 'Nay," emosyonal pa niyang
pasasalamat dito.

"Siya, Sige na at baka gabihin pa kayo sa daan ni Mhorric."

Napilitan na siyang kumalas dito. Dala ang kaniyang duffel bag at bag pack na lumabas na siya sa Sila sa
silid na iyon. Sa salas naman ay naabutan pa niya na buhat-buhat ni Mhorric si

Aivan. Napangiti tuloy siya sa naabutang eksena.

Nilapitan niya ang kaniyang ama at nagpaalam na rin dito. Niyakap din siya nito at binilinan na mag-
ingat.

"Kumain ka ngtama sa oras at huwag

magpapalipas ng gutom," bilin pa nito sa kaniya.

"Opo, 'Tay. Ingat ka rin po palagi rito. Kapag may problema o emergency, tumawag lang po kayo."

"Anak, hindi para pag-alalahanin ka pa namin sa pupuntahan mo."

'"Tay," ungot niya. "Basta PO, tumawag kayo kapag may kailangan kayo ni nanay. 'Wag 'yong hindi,"
mariin pa niyang bilin.
"Ay siya, ikaw ang bahala, anak."

"Tama na angdramahan. Daig pa ni Candy ang mag-a-abroad niyan," ani Nanay Rose na kinuha na si
Aivan kay Mhorric. "Humayo na kayong dalawa para hindi kayo gabihin sa daan."

"llalagay ko muna ito sa compartment," aril Mhorric kay Candy na kinuha na sa dalaga ang dalang duffel
bag at bag pack.

Hindi na kumontra pa si Candy rito.

Inakbayan naman siya ng kaniyang ama at iginiya na palabas ng kanilang bahay. Ang tent ni Mhorric ay
nakatiklop na rin. Katulad ng nais nito, iniwan nito roon ang tent nito. Para in-case na mapapunta ulit
doon ay may tutulugan pa rin ito.

Mukhang seryoso talaga ito sa parte na iyon.

Mabigat ang pakiramdam ni Candy nang mga sandaling iyon. Daig pa talaga niya ang pupunta sa abroad
dahil sa nararamdaman niya. Ngayon lang ulit siya malalayo nang matagal-tagal sa kaniyang pamilya.

Ipinagbilin din siya ng kaniyang ama kay Mhorric. Nangako naman ang binata na ito na ang bahala sa
kaniya.

At habang papalayo ang kinasasakyan nilang kotse sa kanila. Iniwasan ni Candy ang lumingon. Dahil nang
mga sandaling iyon ay nag-iinit na ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. At nang malayo na nga sila sa
kanila ay saka lang nagbaling ng mukha si Candy sa may labas ng bintana at doon niya hinayaang
mamalisbis ang mga luha sa kaniyang pisngi.

Ma-mi-miss lang niya ang pamilya niya. Higit ang kaniyang Nanay at Tatay.

Napatingin siya sa kamay niya nang hawakan iyon ni Mhorric at pisilin.

"Kaaalis lang natin sa inyo, mukhang na-ho-homesick ka agad," ani Mhorric na sumulyap kay Candy bago
muling ibinalik sa daan angtingin.

Suminghot muna siya at kumuha ng tissue sa tissue box na nasa may dashboard ng kotse ni Mhorric.
Mabilis niyang pinalis ang luha sa kaniyang pisngi at mga mata. "Matatagalan kasi akong mawawala sa
bahay."

"Pero matagal ka rin namang nag-stay noon sa Tagaytay," paalala pa nito sa kaniya.

Ibinalik niya sa manibela ang kamay ni Mhorric na nakahawak sa kaniya para sa pagda-drive ito mag-
focus. "Iba 'yong dati sa

ngayon, Mhorric."

Noon ay dahil sa trabaho kaya natiis niyang malayo sa pamilya niya. Pero ngayon... hindi na dahil sa
trabaho. Pero dahil mismo kay Mhorric.
"Kapag gusto mong urnuwi sa inyo, sabihin mo lang sa akin, sasamahan kita. At uso rin naman ang video
call ngayon. Tumawag ka na lang ng madalas sa bahay ninyo para hindi mo sila mas lalong ma-miss,"
suhistiyon pa ni

Mhorric.

Tumango siya. "Sigel'

Sana lang ay tama ang desisyon niya na mag-stay kasama nito.

Chapter 53

NANG makarating Sina Candy at Mhorric sa Pagbilao City ay sa isang restaurant muna sila dumiretso.
Ginutom daw kasi ito sa ilang oras na pagmamaneho. Hindi rin naman kasi sila nag-stop-over kanina.
Nakatulog pa siya habang nasa biyahe.

Ngayon, hanging Pagbilao na ang kaniyang nilalanghap. Ibig lang niyong sabihin ay bago na rin ang
paligid na gagalawan niya. Lugar kung saan alam niya na kailangan niyang makibagay para siya ay
makasabay.

Si Mhorric ang hinayaan ni Candy na um-order ng pagkain para sa kaniya. Tutal naman ay ito ang
nakakaalam kung ano ang masarap na pagkain sa restaurant na kanilang kinaroroonan na anito ay
madalas din nitong kainan.

"Sa bahay ka muna ikaw mag-stay," ani

Mhorric nang muting ituon ang tingin sa kaniya.

Saan pa ba siya mag-stay? Wala namang iba. Pero lingid iyon dito dahil ang alam lang nito ay sa may
Middle Town niya balak na maghanap ng matitirhan.

Mula sa table napkin na nasa ibabaw ng lamesa ay humayon angtingin niya kay Mhorric na hindi inaalis
ang tingin sa kaniya nang mga sandaling iyon. Magsasalita pa siya ng 'bakit' nang mabilis naman nitong
dugtungan ang sinabi nito.

"Para less sa mga bayarin mo. Kahit nasa Middle Town ka ng Pagbilao City, medyo pricey pa rin ang cost
of living," dagdag pa nito.

"Okay lang naman. Mag-isa ko lang namang bubuhayin ang sarili ko," dahilan pa rin niya rito.

"Candy, malaki 'yong bahay ko. At mag-isa lang ako roon."

"Salamat sa offer mo, Mhorric. Pero nakapagdesisyon na ako," kunway sabi pa niya. "At isa pa, ayaw ko
rin naman na maging pabigat sa iyo. Intindihin mo pa ako."

Sige lang, Candy. Panindigan mo ang pagiging best actress mo, aniya sa kaniyang isipan.
"Tama na ang pakikipagtalo. Sa akin ka rin ipinagkatiwala ng mga magulang mo. Kaya habang narito ka,
kargo kita."

"Mhorric, hindi mo kailangang seryosohin ang pagbibilin sa iyo ng mga magulang ko. Kaya ko ang sarili
ko. Hindi na ako bata."

"Enough, Candy. Sa bahay ka muna and that's fin al.

lyong para bang ayaw na nitong makipagtalo pa sa kaniya kaya mas pinili na lamang ang manahimik. Pigil
niya ang mapatawa habang tinititigan niya ang guwapo nitong mukha.

Nang dumating ang order nila ay doon na nila itinuon ang kanilang atensiyon.

Matapos nilang kumain ay hindi na rin sila nagtagal pa sa restaurant. Palabas na sila sa may main
entrance nang mapahinto siya sa paglalakad nang makita si Mr. Smith. Agad siyang pumunta sa isang
sulok at doon ay hinintay na makapasok at makalampas ang dating kliyente.

Ayaw lang niya na makita nito na kasama niya si Mhorric. Lalo na at iba angtingin nito sa kaniyang
reputasyon.

"Why?" taka pang tanong sa kaniya ni Mhorric nang lapitan siya.

"Si Mr. Smith," aniya rito.

Nang makita rin ni Mhorric na papasok sa restaurant si Mr. Smith ay muli nitong ibinalik ang tingin sa
kaniya.

"Ano naman kung makita ka niya?"

"Mhorric, ayaw ko lang isipin niya na pati ikaw ay gin awa kong kliyente."

"Daig mo pa ang isang daga na nagtatago sa malaking pusa," anito sa kaniya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa sunod nitong ginawa. Inakbayan siya nito at muling iginiya
palabas ng restaurant. Napalunok siya nang makasalubong nila si Mr. Smith. May kasama itong ibang
babae na para bang bigla ang pagliliwanag ng mukha nang mapatingin kay Mhorric.

"Mr. Soliven," nauna pang bati ni Mr. Smith kay Mhorric.

Tipid lang itong nginitian ni Mhorric. At bago pa lumipat angtingin ni Mr. Smith kay Candy ay nagpatuloy
na sila ni Mhorric sa paglalakad. Nang makalayo ay saka lang mas nakahinga nang maluwag si Candy.
Pakiramdam niya ay lalong lumiit ang mundong ginagalawan niya sa lugar na iyon.

"Hindi mo kailangang intindihin si Mr. Smith," ani Mhorric nang makasakay na silang parehas sa kotse
nito. "In the first place, ilang oras lang kayong nagkasama noon."

"Ayaw ko lang naman na iisipin niya sa iyo na


"Candy, bahala siya kung ano ang gusto niyang isipin. I don't care. At wala rin siyang pakialam sa akin.
Lalo na kung ikaw ang kasama 1<0. Ang kaibahan ko lang sa kaniya, sa akin kang tunay," nginitian pa siya
nito bago pinasibad ang kotse nito.

"Ang kaibahan ko langsa kaniya, sa akin kang tunay... "

Bahagya siyang napangiti sa sinabi nitong iyon. "Makaangkin ka wagas, ha?"

"Advance lang akong mag-isip. Doon din naman tayo pupunta."

"Hindi pa nga kita sinasagot," kunway paingos niyang wika rito.

Napangiti ito na umabot pa sa mga mata nito. "Ah, ganoon? Pero nag-enjoy ka naman sa halik ko. Ibig
sabihin, mutual ang nararamdaman natin. Dahil kung hindi, hindi ka naman tutugon sa halik 1<0."

"Mhorric, 'wag mo ng ipaalala!" saway niya rito. "Tama na," aniya nang akmang magsasalita pa ito na
ikinatawa naman nito.

"You're blushing," he even teased. "Kapag n aging tayo na, ano'ng gusto mong endearment

Itinakip niya ang dalawang kamay sa kaniyang tainga at bumaling sa bintana sa gilid niya. "Wala akong
naririnig," wika pa niya.

"Honey? Hon? Darling? Babe? Baby? Sweetie? Sweetheart?" patuloy pa rin nitong panunudyo sa kaniya.
"Mahal?"

Lalo lang pinamulahan ng mukha si Candy.

"Tigilan mo ako, Mhorric."

"Mamili ka muna."

"Isa!" aniya na tiningnan pa ito ng masama.

"Okay," anito na hindi pinansin ang inis niya. "Ako na lang ang mag-iisip kung hindi ka makapili."

Tinamaan talaga ito ng magaling. Hindi na lang niya pinansin pa ang panunudyo nito.

Siguradong siya ang talo sa huli.

Nang makarating sila sa condo nito ay pumalatak pa siya. "Haaay, narito na naman ako sa puro tubig ang
laman ng ref," pagpaparinig niya kay Mhorric.

"You can check the kitchen," sa halip ay wika nito sa kaniya. "Dadalhin ko lang itong garnit mo sa taas,"
anito bago siya iniwan sa may salas.

Nasundan niya ng tingin si Mhorric. Ano naman ang titingnan niya sa kusina nito? Kung kumpleto pa ang
tubig sa ref nito? Kung may bawas man na bote ay palitan niya?
Naiiling na pumunta na siya sa kusina nito. Pagpasok niya sa pinto ng kusina ay natigilan siya nang
makita ang lugar na iyon. Kung dati ay empty angdatingan niyon. Ngayon naman ay parang lahat ng
parte ay mayroon laman na mga may kinalaman sa pagluluto. Tiningnan niya ang pantry. Punong-puno
na iyon ng laman. Maging ang mga cabinet na naroon ay puno rin. Sunod niyang binuksan ang double
door na ref.

Napalunok pa siya nang makitang punong-puno rin iyon ng pagkain. Hindi na puro tubig lang katulad
noon. Maging ang freezer ay puno rin ng laman.

lyong ngiti sa labi niya ay halos urnabot sa mga mata niya. Para sa kaniya ay napakagandang pagmasdan
ng kusina ngayon ni Mhorric. Parang kahit maghapon pa siya roon ay walang problema. Ganoon katindi
ang vibes ng kusina na iyon para sa kaniya.

Naupo siya sa high stool chair na nasa harapan ng kitchen island at doon ay nakangiting nangalumbaba.
Gusto niya ang ayos ng kusina ngayon ni Mhorric. Dahil minahal na rin niya ang pagluluto kaya ganoon
na lang ang saya sa puso niya nang mga sandaling iyon. Sobrang n a-a-appreciate niya.

"Kulang na lang, pati mga mata mo ay mangislap."

May ngiti pa rin sa labi niya nang balingan si Mhorric, na naupo sa katabi niyang upuan. "Bakit parang
gurnanda yata masyado ang kusina mo? Akala ko ba, hindi ka naman marunong magluto? Pero sa
nakikita ko ngayon, kumpleto rekados ka rito."

"Hindi naman porque pinapuno ko ito ay ako na ang magluluto."

Kumunot ang noo niya at nabura ang ngiti sa labi. "So, ano itong mga narito? Hahayaan mo lang na
masira?"

Burnaling ito sa kaniya. "Nakakahiya naman sa iyo kung aabutan mo rito sa kusina ko ay puro tubig pa
rin. Ako na ang nag-adjust. Magha-hire din ako ng chef para maluto ang mga pagkain dito."

Sandali siyang natigilan. Chef talaga ang iha-hire nito? Sabagay, masyado itong mayaman

kaya afford na afford nito angsahod ng isang chef.

"Magkano ang isasahod mo sa chef?" tanong niya na sandaling pumapalakpak ang mga tainga.

"The price is right."

Matamis niya itong nginitian. Nagsalubong tuloy ang kilay nito dahil sa kakaibang ngiti niyang iyon.

"Para saan ang ngiti mong 'yan?"

"Marunong akong magluto. Baka gusto mong ako na lang ang i-hire mo?"

"Candy
"Kung hindi ka aware, nag-aral ako ng culinary arts last year at marami akong natutunan pagdating sa
pagluluto." Tumaas-baba pa ang kaniyang mga kilay.

"Hindi kita pinag-i-stay rito sa bahay para gawin kong tagapagluto. No."

Napalabi siya. Pagkuwan ay nagbawi ng tingin. "Wala ka bangtiwala sa luto ko?"

"Hindi naman sa ganoon. Ayaw lang kitang mapapagod ng husto."

Ibinalik niya angtingin kay Mhorric. "Hindi naman isang barangay ang ipagluluto ko para mapagod ng
husto. Ang OA mo. Kung ayaw mo, ikaw ang bahala. Mag-apply na lang ako sa iba. 'Yong stay-in para
naman hindi nakakaabala sa iyo."

Bumuntong-hininga si Mhorric. "Fine. Hindi na ako mag-ha-hire ng iba. Ikaw na ang gumawa rito sa
kusina kung gusto mo."

Bumalik ang ngiti sa kaniyang labi. "Deal na 'yan?" "Tigilan mo ang pangiti-ngiti ng ganiyan at baka..

"Baka ano?"

Mataman lang siya nitong pinagmasdan.

Pagkuwan ay inilapit ang mukha sa kaniya.

Napigilan tuloy ni Candy ang paghinga.

"Baka patahimikin 1<0," anito bago urnayos ng upo.

Saka lang siya napalunok.

Candy, kalma. Kayo na lang ni Mhorric ang nasa lugarna 'yan, paalala niya sa kaniyang sarili.

Muli ay nagbawi siya ngtingin at itinuon iyon sa may malaking ref. Kailangan niyang mag-alibi para kahit
paano ay makalayo mula kay Mhorric. Ayaw niyang madungisan ang magandang kusina nito.

Bumaba na siya sa kinauupuan at turnayo. "Magpapahinga muna ako," paalam niya rito bago walang
lingon-likod na nilisan niya ang kusina.

Umakyat siya sa second floor at hinayon ang silid na gamit niya roon noong huling punta niya roon.
Inilibot niya ang tingin sa paligid. Hindi niya roon makita ang dala niyang mga bag. Napilitan

tuloy siya na lumabas muli roon at puntahan si Mhorric.

Pero hindi na kailangang puntahan ang binata sa ibaba dahil kaaakyat lang din nito sa second floor.

"Nasaan ang mga gamit ko?" Nilampasan siya nito kaya napasunod siya rito. "Mhorric," untag niya rito.

"Nasa silid ko," kaswal nitong sabi na nagpahinto kay Candy sa paglalakad. Huminto rin si Mhorric sa
paglalakad at nilingon siya.
"B-bakit nasa silid mo?"

"Why not?"

"Mhorric, hindi ako tutulog sa silid mo kaya tigil-tigilan mo ang mga garnit ko," aniya na nilampasan ito.

Pero mabilis namang nahagip ni Mhorric ang kaniyang isang kamay.

"Ano ba'ng masama kung doon ka matulog sa silid ko? Magkatabi naman tayong natulog kagabi sa

Mabilis na itinakip ni Candy angdalawa niyang kamay sa bibig nito. Ang kabog sa dibdib niya ay ganoon
na lamang ang bilis.

'"Wag mo ng ipaalala," mabilis niyang pigil dito.

Hinawakan ni Mhorric ang magkabila niyang kamay at ibinaba. "Wala namang makakarinig."

"Kahit na. May guest room ka pa naman na available."

"Yeah. Guest room. . . meaning, para sa bisita.

At hindi naman kita bisita rito."

Nagsalubong ang kilay niya. Hindi siya bisita roon? Pero tama naman ito dahil nag-apply nga siya rito na
maging tagapagluto nito roon.

"Ah, oo nga pala. Hindi ako bisita rito dahil nag-apply nga pala ako sa iyo bilang tagapagluto sa kusina
mo. Mas [along hindi ako dapat matulog sa silid mo."

"Candy, bago ka pa magpresinta na siyang magluto sa kusina, nauna na 'yong mga garnit mo sa silid ko.
Kaya doon lang 'yon. Kung gusto mong magpahinga, tara. Gusto ko ring magpahinga," anito na
inakbayan siya at hindi pinakawalan hanggang sa marating nila ang silid nito. Ni-lock pa nito ang pinto.

Napabuntong-hininga si Candy. Bakit sobrang kaswal ni Mhorric? Plano na ba talaga nito iyon?

Stay with me...

Ibig ba niyong sabihin ay magsasama sila sa iisang silid?

Bigla ay para siyang maloloka sa isiping iyon. Napalunok siya nang makita ang may kalakihan nitong
kama. Ang silid nito ay mala-five star hotel angvibes. Bigla ay kung ano-ano'ng naiisip niyang
kamunduhan. Sa isip ay pinilig niya ang

ulo.

"l almost forgot," ani Mhorric nang bitiwan siya. "Last year, nangako ka sa akin na kapag nagkita tayong
muli, maglalaan ka ng isang buong araw mo na kasama ako."

"Mhorric, magkasama na tayo maghapon simula pa kahapon, hindi pa ba 'yon sapat?"


"Iba 'yong ako at ikaw lang. So, bukas, claim ko 'yong pangako mo na 'yon," anito na mabilis pa siyang
ginawaran ng halik sa labi. Pagkuwan ay nangingiting iniwan siya sa kaniyang kinatatayuan at dumiretso
sa may kama at doon ay nahiga.

Simula na ba iyon ng mga the moves ni Mhorric? Sila na lamang ang naroon. Siguradong hindi na nito
pipigilan pa angsarili sa pagiging intimate sa kaniya.

Naroon siya dahil nakapagdesisyon na siya na manatili na kasama ni Mhorric. Pero ngayong nasa
aktuwal na siyang sitwasyon, grabe pa rin ang kaba sa dibdib niya. Hindi na lang niya makakasama ang
binata sa panaginip niya. Dahil ngayon. totoong magsasama na sila nito. Hindi lang ito aware na ginusto
talaga niya iyon.

Chapter 54

AKMANG kakapa si Mhorric sa tabi niya, kung naroon ba si Candy, nang iba ang agad masayaran ng
kaniyang isang kamay. Malambot iyon. Ngunit hindi iyon si Candy. Napilitan siyang magmulat ng mga
mata.

Sa isip ay napapalatak pa siya nang makita ang tatlong unan na magkakapatong sa gitna ng kama.
Mukhang naglagay ng boundary sa pagitan nila si Candy nang makatulog siya kanina.

Tuluyan na siyang naupo mula sa pagkakahiga at sinilip ang kabilang panig ng kama. Walang bakas doon
ni Candy. Maayos din ang parte na iyon na animo hindi natulugan. Kumunot tuloy ang kaniyang noo.
Pero ang alam niya ay nakatulog din ito kanina. Sunod na dumako ang kaniyang tingin sa kaniyang alarm
clock. Wala pang hating-gabi. Mag-a-alas diyes pa lamang ng gabi.

Medyo napahaba-haba rin ang tulog niya. Minabuti na muna niyang burnaba sa kama at hanapin si
Candy. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makita ang garnit nito na nasa may pinagpatungan pa
rin niyang sofa kanina.

Wala ang dalaga sa banyo. Kaya naman lumabas na siya sa silid niyang iyon at may

pagmamadaling pumunta sa ibaba ng kaniyang bahay. Kusina agad ang kaniyang hinayon dahil iyon ang
sinasabi ng kaniyang instinct. Pagbukas nga niya sa pinto roon ay agad na sumalubong sa kaniya ang
mabangong amoy mula sa 100b.

Mas nakahinga siya nang maluwag nang makita sa kusina si Candy na abala sa pagluluto. Nakatalikod ito
sa kinaroroonan niya kaya naman maingat ang gin awa niyang paglapit dito para hindi agad siya nito
mapansin.

Balak sana niya itongyakapin mula sa likuran nito nang bigla naman itong pumihit paharap sa kaniyang
kinaroroonan habang may hawak na nonstick na spatula sa isang kamay. Ganoon na lang ang paghinto
niya sa paghakbang at sa kaniyang binabalak.
Si Candy naman ay napahawak pa sa dibdib nito dahil sa gulat pagkakita sa kaniya.

"Mhorric," ani Candy na napahinga pa nang malalim.

Napangiti naman siya habang pinagmamasdan ito. Nakasuot ito ng apron at ang buhok ay nakapusod.
May ilang hibla pang nakalaglag na mukhang kumalas mula sa pagkakatali nito. Damn! She looks so
beautiful at the moment.

Wala itong kahit anong makeup sa mukha ngunit hindi iyon nakakabawas sa natural nitong ganda.
Actually, mas gusto pa nga niya iyon dito.

Her bare face.

"Kanina ka pa ba gising?" tanong niya rito.

"M-medyo," sagot ni Candy na muling hinarap ang niluluto.

"Ano'ng niluluto mo?" aniya na sinilip pa ang niluluto nito.

"Torta De Congrejo," tipid nitong wika na kinuha ang lalagyan na may tissue at inilagay roon ang naluto
na nito. "Nagutom ako kaya nagluto ako. ltlog lang at gulay para hindi mahirap tunawin sa tiyan."

"Puwede na bangtikman?" aniya na akmang kukurot sa niluto nito nang ilipat nito iyon sa may kitchen
island.

"Hindi puwede. Mamaya na kung gusto mo," ani Candy na muling nagsalangsa kawali. Nilahat na nito
ang laman ng nasa bowl at wala roong itinira.

Suminghot na lang siya. Amoy pa lang niyon ay ginugutom na naman siya. "Tamang amoy na lang
muna," pagpaparinig pa niya kay Candy.

"Mas okay talagang magluto rito sa kusina mo kapag solo lang at walang istorbo," ganting parinig din
nito sa kaniya.

"Behave lang ako rito, Candy. Hindi nga kita kinukulit."

Naupo naman si Mhorric sa may high stool chair sa harapan ng kitchen island at hinayaan si

Candy sa ginagawa nito. Hindi naman nagtagal at natapos na rin nitong lutuin ang nasa kawali.

Agad din nito iyong inilipat sa lalagyan.

Nagsalin din ito ng kanin sa dalawang Plato. Natuwa siya dahil idinamay siya nito sa pagsasandok nito ng
kanin. Mababaw na kung mababaw ang kaniyang kaligayahan nang mga sandaling iyon.

Siguro nga, na-miss din niya iyong may nag-aasikaso sa kaniya. It's been a while.

"'YONG nangyari sa tent kagabi."


Muntik ng maibuga ni Candy ang laman ng kaniyang bibig dahil sa sinabing iyon ni Mhorric. Nang mga
sandaling iyon ay kumakain sila ng late dinner sa mismong kusina. Nang makatulog din kasi siya kanina
ay nagising din siya bandang alas nuwebe ng gabi. Nakaramdam siya ng gutom kaya ipinasya niyang
magluto. Hindi naman niya inaasahan na magigising din si Mhorric. Kaya heto sila ngayon, kumakain ng
late dinner.

Pagkainom ng tubig sa kaniyang baso ay agad siyang umapila sa sinabing iyon ni Mhorric. Nakaupo ito sa
may katabi niyang upuan sa may kitchen island kaya ipinaling niya ang mukha sa kinaroroonan nito.

"Mhorric, walang ibang nangyari sa tent," mariin niyang wika rito. As if naman ay may iba pang nangyari
sa kanila bukod sa halik na ilang beses nilang pinagsaluhan kagabi habang kasagsagan ng malakas na
ulan. 00 na, sobrang rupok niya kagabi.

"Kahit halik lang 'yon, big deal pa rin 'yon," sa halip ay wika nito.

"Puwes, 'wag mo ng gawing big deal. As if naman, hindi ka nakikipaghalikan sa iba." "Hindi talaga.

"Sa 100b ng isangtaon?"

Bahagya pa nitong itinaas ang isang kamay.

"Swear. Ikaw rin 'yong huli at ikaw ulit ngayon."

Maniniwala ba siya? Isang taon ang lumipas. N atiis nitong walang babaeng—

Candy, 'di ba nga, natiis nga niya na walang mangyari sa kanila ng ex-girlfriend niyangsi Ann Dae kaya
naghanap ng iba ang ex niya dahil hindi maibigay ni Mhorric ang pangangailangan niyon dahil mas inuna
pa ni Mhorric na irespeto ito. 'Yong isang taon pa kaya na walang halikan ang hindi magawa ni Mhorric?
anang isip niya sa kaniya.

Kung seryoso ito sa bagay na iyon... ibig sabihin ay siya at siya pa rin ang babaeng muli't muling na-link
dito. Lihim siyang napalunok.

Muli siyang uminom sa kaniyang baso at nagbawi ngtingin.

"Past na 'yong nangyari kagabi, 'wag mo ng ungkatin, Mhorric."

"Why not?"

Manhid ba ito? Halos mamula na naman ang pisngi niya dahil sa topic nilang iyon. Ngunit, mukhang wala
yatang balak si Mhorric na tigilan angtopic na iyon. Mukhang natutuwa pa itong pag-usapan iyon at
tudyuin siya.

"l still miss your kisses."


Hindi nagsalita si Candy at nagkunwaring walang naririnig at itinuon lang ang kaniyang atensiyon sa
kaniyang kinakain. Sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi at mga mata ni Mhorric habang hindi inaalis
angtingin sa kaniya.

"Napakaganda mo pa rin. Actually, mas lalo kang gum anda ngayon

Candy.. . kaya pa ba?kantiyaw sa kaniya ng kaniyang isipan.

"Marami ngang nagsasabi niyan," kunway balewala niyang wika.

Humigpit ang kapit ni Candy sa hawak na kubyertos. lyong papuri nito sa kaniyang kagandahan ay
nagdudulot lalo ng panlalambot sa kaniyang buong sistema. Pinigilan niya ang sarili na tingnan si
Mhorric. Maraming pumupuri sa kaniya. Pero iba pa rin ang impact kapag kay Mhorric nanggaling.
Nahihirapan siyang magpigil ng kilig sa harapan nito at magkunwaring immune na siya sa ganoong
papuri.

"Sinasabihan ka rin ba ng ganoon noong konsehal na may gusto sa iyo?"

Huminga muna nang malalim si Candy bago muling binalingan si Mhorric. "Mhorric, 'wag kang
magsimula ng ikaiinis din ng kalooban mo. At isa pa, 'wag mo na ring pagbabanggitin pa ang konsehal na
'yon dahil hindi naman ako interesado sa kaniya."

Sumama na nga ako sa iyo rito, mag-iisip ka pa ng iba...

Tumikhim ito. "Okay," anito na para bang labas pa sa ilong nito.

"Kumain ka na lang," dagdag pa ni Candy. At akmang magsasalita pa ito ng agad niyang subuan ng ulam
sa bibig. "Don't talk when your mouth is full," aniya na nginitian pa ito bago ibinaling ang atensiyon sa
kaniyang kinakain.

Wala ng nagawa pa si Mhorric kundi ang nguyain ang pagkain na nasa bibig nito.

Chapter 55

MUKHANG wala pang balak na matulog si Mhorric dahil dumiretso pa ito sa Den at doon ay nanood sa
malaking flat screen TV.

Dahil na rin sa pamimilit nito kaya sumunod si Candy sa binata at naupo sa kabilang dulo ng sofa na
kinauupuan din nito.

"Galit ka ba sa akin at ang layo mo?" baling pa nito sa kaniya habang may munting panunudyo sa
guwapo nitong mukha.

"Naupo lang dito sa dulo, galit na agad sa iyo?" wika naman niya.
"Ganiyang-ganiyan ka rin noong unang punta mo rito sa bahay. Daig ko pa ang may sakit kung
makasiksik ka riyan sa dulo."

"Ang darni mong napapansin, Mhorric. Manood ka na lang," aniya na sinikap na ituon ang atensiyon sa
TV. Kinuha niya ang isang throw pillow at ipinatong sa ibabaw ng kaniyang hita.

Dumako sa kandungan ni Candy ang tingin ni Mhorric. Napangiti pa ito nang may maisip. Pagkuwan ay
tumayo at turnabi ng upo sa kaniya. Pagkuwan ay nahiga sa sofa at ipinatong ang ulo sa throw pillow na
nasa hita ni Candy.

"M-Mhorric," apila niya sa ginawa nito.

Paano pa siya makakapag-focus sa pinapanood kung humiga naman ng ganoon si Mhorric? At urnunan
pa talaga sa throw pillow na nasa hita niya!

May ngiti pa rin sa labi ni Mhorric nang ituon nito ang tingin sa kaniya. Tingin na animo tinutunaw na
naman ang buong pagkatao ni Candy.

Mahal

Pambihira. Pinaalala na naman iyon sa kaniya ng kaniyang pasaway na isipan. Humihina ang depensa
niya kapag naaalala ang hayagang pagsinta na iyon sa kaniya ni Mhorric.

"Nabanggit mo kanina na nag-aral ka ng culinary arts," simula pa nito.

Makikipagkuwentuhan ba ito sa kaniya sa ganoong puwesto? Parang gusto niyang magreklamo. Parang
mas okay pa na mag-usap sila sa dilim kaysa ganito na nakaunan pa ito sa may hita niya. Napakalapit na
naman nila sa isa't isa.

Tumikhim siya at kunway ibinalik ang tingin sa TV kahit na wala na roon ang kaniyang buong atensiyon.

"00. Hindi na rin kasi nag-aral last year si Margaux dahil sa pagbubuntis niya. At s-in-uggest niya na ako
na muna ang pumasok para makakuha ako ng diploma sa college," aniya na napilitan itong sulyapan.
"Pero ayaw ko pa noong una kasi sayangsa panahon kung magbubuno ako ng apat na taon sa college.
Mas gusto ko pa na ibigay na 'yong chance na 'yon sa mga kapatid 1<0. Pero sinabi naman ni Margaux na
may isang taon na kurso sa TESDA kung ayaw ko ng apat na taon sa college. Kaya pinatos ko na para
magkaroon din ako ng diploma. One year akong nag-aral ng culinary arts."

"Bakit pagluluto ang kinuha mo?"

"Para mas matutunan ko ang pagluluto."

'"Yon lang?" parang hindi kumbinsido sa kaniyang sagot na tanong pa nito.

"Mukha bang may iba pang dahilan?"


Ngumiti na naman ito. "Akala ko lang naman ay pinaghahandaan mo 'yong future mo. Para kapag nag-
asawa ka na at ang napangasawa mo ay puro tubig lang ang alam na ilaman sa ref—"

"Bakit parang tunog, eh, ikaw ang tinutukoy mo na mapapangasawa ko sa statement mo?" "Alangan
namang sabihin ko ay 'yong konsehal sa inyo?" anito na bigla ay napalis ang ngiti sa labi. Mukhang nasira
ang momentum nito.

"Wala akongsinasabi na ganoon," aniya na muling ibinalik ang tingin sa TV. "Gusto ko lang talagang
matutong magluto, kaya culinary arts ang pinili ko. Wala ng iba."

"Tunay nga," aniya na pinisil ang ilong nito.

Agad namang kinuha ni Mhorric ang kanan niyang kamay na siyang pinampisil niya sa ilong nito at
mahigpit na hinawakan. Ngumiti na naman ito. Dahilan para matunaw na naman ang kaniyang puso.

Bahagya na rin niyang napipigil ang kaniyang paghinga. Sino ba naman ang hindi kung ganito kaliteral na
guwapo ang nasa harapan mo? Minsan talaga, kapag naiisip niya na kung panaginip lang ang lahat...
ayaw na niyang magi gising pa.

Para kay Candy, Mhorric is too good to be true. Surreal.

"Isang taon cyong lumipas, Candy. Ano pa'ng nangyari sa iyo?" mayamaya ay seryoso na nitong tanong.
Maging ang guwapo nitong mukha ay medyo sumeryoso na rin habang hinihintay ang kaniyang sagot.

"Hindi ba puwedeng maupo ka, Mhorric?" sa halip ay tanong niya. "Kung gusto mong
makipagkuwentuhan."

"Mas okay na itong posisyon ko," anito na may ngiti na namang sumilay sa labi nito. Pagkuwan ay mas
hinigpitan pa ang kapit sa isa niyang kamay. "Now, tell me. Ano-ano'ng nangyari sa iyo?"

"Wala namang bago bukod sa nag-aral ako ng isang taon ."

"Hindi ka pumasok sa isang relasyon?"

"Mhorric, tingin mo ba, priority ko 'yon?"

"Alam ko namang hindi. Gusto ko lang makasigurado," dahilan pa nito.

'"Di ba, malakas ang instinct mo? 'Yon ang paniwalaan mo."

"Paano ba 'yan? Sinasabi ng instinct ko na malaki ang pag-asa ko sa iyo."

Hindi agad siya nakapag-react o ano pa man. Dahil totoo naman ang sinabi nito. Lihim siyang napalunok.

"Silence means yes," panunudyo na naman nito sa kaniya.


Sa pagkakataon na iyon ay nilabanan niya angtingin na iyon sa kaniya ni Mhorric. Kahit na sa kabila niyon
ay nanghihina na siya sa mga titig nitong iyon.

"Bakit kailangan mo akong hintayin?" out of nowhere ay tanong niya rito at hindi pinansin ang huli
nitong sinabi.

There, ito naman ang hindi agad nakapagsalita. "Wala naman sigurong masama kung hintayin kita?"
anito nang makabawi.

"Hindi mo naman kailangang gawin,

Mhorric. Paano kung hindi na tayo nagkita pa

"Gusto ko pa ring umasa. Na isang araw, maitutuloy natin kung ano man 'yong naudlot noon sa pagitan
natin."

Kung ganoon. .. talagang umaasa ito na isang araw ay magpapanagpong muli ang kanilang mga landas.
Kaya siguro ganoon na lang ang ginawa nito noong una silang magkitang muli. Hindi talaga siya
hinayaang makawala agad.

Gustong sumilay ng ngiti sa labi niya ngunit sinupil niya. Ayaw niyang hayagan nitong makita ang kilig na
bumabalot na naman sa kaniya nang mga sandaling iyon.

Pero hindi niya alam kung hanggang kailan din niya mapipigilan angsariling nararamdaman kay Mhorric.
Sa totoo lang, napakabuti nito. To the point na gusto na rin niyangtugunin ang hayagan nitong pag-amin
sa kaniya nang nararamdaman nito.

"Mhorric—"

Napilitan ng maupo si Mhorric sa tabi niya at pumihit ng upo para magkaharap sila. Ang pinapanood nila
sa TV ay tuluyan na rin nilang hindi napagtuunan pa ng pansin.

"Just let me, Candy. Alam mo ba 'yong pakiramdam ko noon na para na lang biglang na-freeze dahil sa
pagkawala mo? llang beses din akong nagpabalik-balik sa Quiapo para lang matiyambahan ka na naroon.
Pero bigo ako na makita ka. Sabi pa ng mga napagtanungan ko, hindi na kayo nagtitinda pa roon ni Tatay
Henry. Kahit sila, hindi alam kung taga saan ba kayo o

kahit ang last name ninyo. Para sana madali kitang mahanap kahit nasaang parte ka pa ng Pilipinas."

Nag-aksaya talaga ito ng panahon noon para hanapin siya? Para yatang [along piniga ang puso niya sa
isiping iyon. Siguradong nahirapan din ang kalooban nito dahil hindi siya matagpuan.

"Inaksaya mo talaga ang panahon mo para lang hanapin ako?"

"Candy, hindi pag-aaksaya ng panahon 'yon. Nakakabaliw sa totoo lang. Pinagtatawanan na nga ako ng
kaibigan ko dahil madalas ako sa simbahan ng Quiapo. Kung namamanata na rin daw ba ako kay Poong
Nazareno and so on."
Nang hawakang muli ni Mhorric ang dalawa niyang kamay ay hindi pumalago ano pa man si Candy.
Hinayaan lang niya ito.

"I'm sure, minsan nagugulat ka na langsa mga moves 1<0. Hindi ko lang din mapigilan lalo na at matagal
kitang hinintay. God knows, Candy.

Hindi ko ito sinasabi para lang magpalakas sa iyo. 'Yon ay dahil 'yon ang totoo. Masaya ako na malaman
na naging busy ka sa pag-aaral mo nitong nakalipas na isangtaon. Pero ang hindi ko maintindihan
ngayon, 'yong makita ka na nag-e-escort girl? Kasi sa nakikita ko naman, okay na okay naman kayo sa
Bulacan. Alam kong may explanation ka sa bagay na 'yon. Gusto kong marinig 'yong totoong dahilan."

Hindi na ipinagdamot pa ni Candy kay Mhorric ang totoong dahilan sa likod ng pagiging escort girl niya
sa 100b ng dalawang oras kung saan nasaksihan nito iyon.

Dumako ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa dalawa niyang kamay. Ang sarap sa pakiramdam
ng init na nagmumula rito.

"Nagkataon lang 'yon. Hindi rin naman sa pansarili ko lang kaya pumayag ako sa ganoong klase ng raket.
Dahil 'yon sa kaibigan at classmate ko sa TESDA na si Geraldine, 'yon 'yong kasama ko noong araw na
nagkita tayo," aniya nang ibalik ang tingin dito. "Napilit niya ako dahil kailangang-kailangan niya 'yong
raket na 'yon dahil sa nanay niya na may sakit at kailangang ipa-check up at ibili ng gamot. Gusto niya na
kasama ako kapag tinanggap niya 'yong raket. Malaking halaga 'yong offer sa amin. Pero may rules si
Vergie na hanggang akbay at hawak sa baywang lang ang client namin sa amin. At hindi 'yon puwedeng
lumampas sa ganoon. At 'yong pagiging escort girl namin ay hindi naman katulad ng ibang escort girl na
may iba pang ginagawa. Two hours lang din naming makakasama ang client kaya pumayag na rin ako.
'Yong kinita ko naman doon ay hindi sa akin napunta. Ibinigay ko 'yon kay Geraldine para sa kaniyang
nanay. Alam ko 'yong pakiramdam na wala kang ibang pagkukunan lalo na at may sakit

ang magulang mo. Ayaw ko lang din maranasan pa 'yon ni Geraldine. Baka maloka lang siya. 'Yon lang
'yong nangyari noon, Mhorric."

Bumuntong-hininga ito. "Katulad ng inaasahan ko, hindi mo 'yon pinasok dahil lang sa walang mabigat
na dahilan."

"At isang beses ko lang 'yong gin awa sa buong buhay ko. Hindi ko naman inaasahan na makikita kita
roon. Sobrang awkward. Akala ko, hindi mo ako mamumukhaan agad dahil nakaayos ako."

"Kita mo naman na hindi kita tinigilan hanggat hindi ko nalalaman ang totoo. Malakas lang din talaga ang
instinct ko nang mga panahon na 'yon. I admit, nakakainis na sa ganoong pagkakataon kita nakita. Pero
ano ba ang magagawa ko kung 'yon angtrip ni Lord na paraan para magkita ulit tayo? Ako pa ba ang
choosy? Kaya sa huli, nagpasalamat pa rin ako dahil natapos na rin cyong paghihintay ko na hindi naman
nauwi sa wala."
Sa pagkakataon na iyon ay hindi na niya napigilan ang ngiti na sumilay sa kaniyang mga labi habang
matamang pinagmamasdan si Mhorric. Umaapaw na naman kasi ang kaniyang puso dahil sa mga
naririnig sa binata.

A man like Mhorric Soliven. . . wala na talaga siyang mahihiling pa. Narito na ang lahat.

Bahagya pa siyang lumunok para lamang

hindi mautal o ano pa man sa muli niyang pagsasalita.

"Wala naman akong ibang ipagmamalaki, Mhorric. Pero mas pinili mo pa ring pagtuunan ako ng pansin."

"Ano'ng wala? Napakaraming dapat na ipagmalaki sa iyo. 'Wag mo nga laging maliitin angsarili mo.
Mahal na mahal mo ang pamilya mo, nangunguna 'yan sa isa sa pinakamagandang katangian pagdating
sa iyo. I know, mamahalin mo rin ang magiging pamilya natin

"Mhorric, uma-advance ka na namang m ag-isip."

"Bakit?" natatawa nitongtanong. "Ganoon lang naman 'yong na-vi-vision ko sa future natin." Pati ito,
animo siguradong-sigurado na sila talaga ang magkakatuluyan sa huli. Pinagbigyan na niya ito at hindi na
sinira pa ang pangarap.

"Hindi ka maarte," patuloy pa nito. "Siguro nga, the price is right, kaya mo ako inalagaan noong may
sakit ako. Pero ni minsan, hindi ko nakita sa iyo na pinandirihan mo ako. 'Yon 'yong isa sa dahilan kung
bakit madali akong nahulog sa iyo. Hindi mo ako sinukuan noong panahon na ako 'yong gusto ng sumuko
sa harnon ng buhay. Dahil pakiramdam ko iniiwan na lang ako ng lahat. Pero dumating ka at binigyan
ako ng pag-asa na magpatuloy pa."

"Pero iniwan din kita, Mhorric."

"But still, hindi ko piniling surnuko na lang basta. Dahil kung susuko na lang ulit ako, paano na lang 'yong
pangarap ko na maging masaya kasama 'yong babaeng mahal ko? Gusto ko pa ring maranasan 'yon.
'Yong makasama ka." Ikinurap-kurap niya ang mga matang nag-iinit na naman ang bawat sulok. lyong
lalaki sa harapan niya na kahit narito na ang lahat ay siya pa rin ang pinakapinapangarap.

Marami ng masasakit na pinagdaanan si Mhorric, dadagdagan pa ba niya?

Gumanti siya ng hawak sa kamay nito. "Alam mo ba kung bakit papunta ako rito sa Pagbilao?" tanong
niya rito.

"Sabi mo, para magtrabaho."

Umiling siya. "Hindi," ngumiti pa rin siya kahit na tuluyan ng mangislap ang mga mata dahil sa luha. "Ang
totoo niyan, kaya ako papunta rito, hindi dahil para maghanap ng trabaho katulad ng alibi ko sa iyo. G-
gusto ko subukan kung. . . kung may kahihinatnan ba 'yong pag-stay kasama ka sa lugar na ito." Nakagat
niya ang ibabang-labi habang pigil pa rin ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. "Hindi rin totoo na
hindi ako pumapayag na makasama ka rito. Nagdahilan lang ako noong gabi na tumawag ka.
Dahil gusto sana kitang isurpresa dito. Kaso, ako

'yong nasurpresa mo nang pumunta ka na lang basta sa Bulacan."

"W-wait," ani Mhorric na para bang nag-loading sa isipan nito ang kaniyang mga sinabi. "Gusto mong
subukan na—"

"Na makasama ka rin."

Umawang ang labi nito at hindi maikakaila ang kasiyahan sa mukha dahil sa kaniyang inamin.

"You want to stay with me?" Turn ango siya.

"Oh, God," bulalas nito na agad siyang kinabig para yakapin nang mahigpit. "Totoo ba? Totoong-totoo?"
anito habang yakap siya nang mahigpit.

"Totoo," aniya na hindi na napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata. "Ayaw kong may pagsisihan sa
bandang huli dahil hindi ko sinubukan, Mhorric."

"Thank you," ani Mhorric nang kumalas ng bahagya sa kaniya. Sinapo ng magkabila nitong kamay ang
pisngi niya. Pinalis din nito ang luha na namalisbis doon. Even his eyes, nangingislap dahil sa luha. Luha
ng kasiyahan. "Mas lalo mo akong pinasaya ngayon, Candy. Promise, hindi mo ito pagsisisihan," pangako
nito sa kaniya na muli siyang niyakap.

Inihilig niya ang pisngi sa dibdib nito. Ang sarap lalo sa pakiramdam na nasabi na niya ang bagay na iyon
kay Mhorric. Siguro, kailangan na lang din niyang masanay sa sweet gesture nito.

"Hindi dahil magsasama tayo rito, gagamitin ko 'yong chance na 'yon para mag-take advantage sa iyo. I'll
take it slow. 'Wag mo lang akong hahamunin," dagdag pa nito.

"Marupok," kantiyaw pa niya rito.

"Sobra. Pagdating sa iyo," anito na kumalas sa pagkakayakap sa kaniya at pinakatitigan siya sa kaniyang
mukha ng may saya. "l love you. a lot," anito na bago pa siya makapagsalita ay agad na bumaba ang
mukha sa kaniya at sinakop ng labi nito ang kaniyang labi.

Hindi na nagpabebe pa si Candy at buong pusongtinugon ang halik na iyon ni Mhorric.

Chapter 56

HINDI na yata matatapos ang nasimulan na kaligayahang iyon sa pagitan nila ni Mhorric. At ngayong
pinalaya ni Candy ang sarili para sa binata, napakasarap sa pakiramdam. lyong wala ka ng ibang nililihim
clito bukod sa isang bagay, at iyon ay ang katugon ng pagmamahal nito. Sa ngayon, gusto muna ni Candy
na namnamin ang moment na iyon kasama si Mhorric. Without him knowing kung ano talaga ang
totoong nasa 100b niya.
Napatingin si Candy sa kamay niya na mahigpit na hawak ni Mhorric. Kaaakyat lang nila sa second floor
at talagang hindi nito binitiwan ang kamay niya habang sila ay naglalakad galing sa Den. Holding hands
while walking. . .

Ang ngiti sa labi ng binata ay para bang nakaplaster na roon at hindi basta-basta mapapalis. Kung ano
man ang nangyaring aminan kanina sa Den ay hindi ay hindi niya iyon pinagsisisihan.

Gumanti siya nang mahigpit na kapit sa kamay ni Mhorric.

"So, are we in a relationship?" hindi napigilang itanong ni Mhorric kay Candy nang marating nila
angtapat ng silid nito. Hindi agad

nito binuksan ang pinto at hinarap muna siya. lyong mga mata nito ay umaasam na pumayag na siya.

Hindi ba nito gets na pumapayag na siya? Kaya nga pinili na niyang mag-stay kasama nito roon ay dahil
open na siya sa kung ano mang relasyon ang gusto nito para sa kanilang dalawa.

"Hindi pa kita sinasagot," sabi na lang niya dahil sa pagiging slow nito. Umakma siya na siya na ang
magbubukas ng door knob sa silid nito nang pigilan nito ang kaniyang kamay.

"Puwede bang, sagutin mo na muna ako? Don't worry, continues naman ang panliligaw ko sa iyo,"
ngumiti pa ito na para bang inaakit siya kahit hindi naman.

Hindi niya napigilan ang ngiti na sumilay sa labi niya dahil sa hirit nitong lyon. "Bakit parang atat ka
masyado, Mister Soliven?"

"Baka lang naman makaka-advance ako sa matamis mong 00."

Nauwi sa pagtawa ang kaniyang ngiti sa labi. "Alam mo, Mhorric. Hindi mo ba naisip na pumayag na ako
sa gusto mo na mag-stay rito kasama ka? Ibig sabihin noon, pumapayag na rin ako na magkaroon ng
label 'yong relasyon natin. Pangit din naman kasingtingnan na panay ang pahalik ko sa iyo tapos hindi pa
naman kita boyfriend," nakagat niya ang ibabang-labi pagkasabi niyon.

Lalong ngumiti ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. "Masyado mo akong pinapasaya ngayon,
Candy. Gusto ko lang din naman ng malinaw na usapan. Baka kasi masyado akong assuming. Anyways,"
anito na muling hinawakan ang kanan niyang kamay at ginawaran ng halik ang likod niyon na muntik
pang magpakislot kay Candy. "Thank you so much sa chance na ibinigay mo sa akin. I promise, I'll do my
best para hindi ka magsawa sa akin."

"Gawin mo na lang kaysa mangako ka pa.

Baka mamaya, mapako pa."

"Hindi 'yon mangyayari."

Kinatok niya ang pinto nito. "Baka puwede ng buksan at ng makatulog na tayo?"
Napatingin ito roon at wala ng imik na binuksan ang silid nito. Siguro nga, napakabilis ng mga
pangyayari. Kakikita lang ulit nila halos. .. tapos heto sila ngayon. Sumusubok sa isang relasyon na kahit
noon ay hindi niya inasahan na puwede palang mangyari sa pagitan nila.

At si Mhorric, hindi rin natatakot na ipakita ang totoong nararamdaman para sa kaniya. Siguro nga, iyon
na ang tamang panahon para sa kanila. At ayaw rin niya na masayang iyon. Dahil wala ng rewind para
mabalikan pa ang nakaraan.

"Tanggalin na natin 'to," ani Mhorric nang makapasok sila sa silid nito at hayunin agad ang

mga unan na inilagay niya sa gitna ng kama nito.

'"Wag mo ng tanggalin," aniya na sumampa sa kama at muling ibinalik sa gitna ang mga unan na inalis
nito.

"Candy, tutulog tayo na may barrier sa gitna natin? Daig pa natin ang may LQ niyan."

"Alam mo naman na wala tayong LQ," aniya na urnayos na ng higa sa kaliwang parte ng kama nito.
"Matulog na tayo. Good night." Tumagilid pa siya ng higa patalikod kay Mhorric bago ipinikit ang mga
mata. Pigil niya ang mapatawa dahil sa reaksiyon ni Mhorric.

Napabuntong-hininga si Mhorric. "Candy naman."

"Sabi mo, may pupuntahan tayo bukas, 'di ba? Matulog na tayo."

"Hindi ako makakatulog ng ganiyan."

"Pero nakatulog ka kanina na may barrier sa pagitan natin. Ang himbing pa nga ngtulog mo," katwiran pa
niya.

"Not this time," anito na muling inalis ang mga unan at inilagay sa may paanan nila. "No buts," mabilis
na kontra ni Mhorric nang akmang magsasalita si Candy nang pumihit siya paharap sa binata.

"Mhorric, hindi ako sanay na may katabing lalaki sa pagtulog."

"Pero nakatulog ka kagabi habang

magkatabi tayo sa tent 1<0. Ang himbing pa nga ng tulog mo," gaya nito sa litanya ni Candy kanina.

Hindi na niya napigilan ang mapangiti. Napakagaling din talaga nitong bumanat. "Hindi ka talaga
papatalo, 'no?"

"Kapag nasa tamang katwiran, ipaglaban mo," nangingiti rin nitong wika na nahiga na rin. "Baka
mahulog ka riyan. Masyado kang nasa dulo. Medyo umisod ka pagitna. lisod ka ba rito o bubuhatin pa
kita?" anito nang hindi kumibo si Candy.

"lisod na," mabilis siyang umisod papunta sa gitnang parte nang umakmang babangon si Mhorric.
Mayroong winning smile na sumilay sa sulok ng labi ni Mhorric. Hindi pa ito nakuntento at pinaunan pa
ang ulo ni Candy sa may braso nito. Napigil niya halos ang paghinga nang yumakap pa ito sa katawan
niya.

Ganoon ba dapat talaga ang puwesto nila sa pagtulog? Naninibago siya. Hindi naman kasi siya sanay na
may nakalingkis sa kaniya kapag matutulog. Mukhang dapat din siyang masanay sa parte na iyon dahil
iyon ang pinili niya.

Ikinalma niya ang buong sistema. Maging ang paghinga niya ay unti-unti na ring umayos.

"Mhorric," aniya kapagkuwan.

"Hmmm?"

Lumunok muna siya bago isinatinig ang kaniyang naiisip nang mga sandaling iyon. "Nagawa mo na rin ba
ito dati?"

'"Yong ganitong setup."

Bago ito sumagot ay ginawaran pa siya nito ng halik sa noo. "Hindi pa. Ngayon pa lang."

"H-hindi ninyo ginawa ng ex mo?"

"Hindi nga PO," anito na humigpit pa ang pagkakayakap sa kaniya. "Natuto na rin ako sa mga naging past
ko. Kaya hindi na ako basta makukuntento na lang na hindi mo ako iiwan dahil mahalaga ako sa iyo.
Sinisigurado ko rin sa iyo na palagi akong may oras para sa iyo at higit sa lahat. palagi mong tatandaan
na hindi ko para bitiwan ang kung ano man ang nasimulan natin. Kung tingin mo ay may pagkukulang
ako, tell me."

"Naninibago pa rin ako, Mhorric. Parang ang bilis natin sa ganitong stage."

"Ano'ng mabilis? Isang taon itong naudlot, Candy. Itinutuloy lang naman natin kung ano ang naudlot
noon. Masasanay ka rin."

"Hindi ka ba naninibago?"

"Naninibago rin. Pero alam naman ng Diyos na ito rin 'yong gusto kong mangyari sa pagitan natin. Na
makasama ka ng ganito. Malaya kong masabi kung ano ang nararamdaman ko sa iyo.

Alam mo ba na excited na rin ako na makilala ka ng mga taong malalapit sa akin?"

Sigurado si Candy na ang mga taong tinutukoy nito ay nasa high society rin.

"Mhorric, baka—"

"Sshh. Hindi mo pa man sila nakikita pero naikuwento na kita sa kanila. At kung iisipin mo ang estado mo
sa buhay, alam din nila 'yon. Hindi mo kailangang mailang sa kanila o ano pa man.
Makikilala mo sila bukas. For now, let's sleep.

Good night," anito sa kaniya.

"G-good night."

Tumikhim ito. "Wala bang... good night kiss?" hirit pa nito sa kaniya.

"Babangungutin ka ba kapag wala kang good night kiss?"

"Ganoon na nga ang mangyayari. Kaya kung ayaw mong paabutin sa ganoong senaryo

Hindi naituloy ni Mhorric ang paglilitanya nito nang gawaran niya ito ng halik sa labi. Maging siya ay
sandaling natigilan sa kaniyang ginawa.

"Matulog na," wika pa niya nang makabawi bago isiniksik ang mukha sa may leeg nito.

Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Mhorric. Hinalikan pa nito ang ulo ni Candy bago ipinikit ang mga
mata na may bakas pa rin ng ngiti sa mga labi.

FIRST time ni Candy na mapasok ang isa sa exclusive village na iyon sa Pilipinas. Ang Valle Encantado
Village. Narinig niya iyon sa kuwento sa kaniya ni Geraldine. Na doon nga raw naninirahan ang mga
pinakamayayamang tao sa bansa.

Hindi alam ni Candy kungsaan sila eksaktong pupunta ni Mhorric. Surprise raw anito sa kaniya nang
urnalis sila sa bahay nito kanina. Hindi pa sila nag-aagahan. Doon na raw sa pupuntahan nila.

Tahimik lang na humahanga si Candy sa bawat mansiyon na nadadaanan ng sasakyan ni Mhorric.


Pakiramdam niya ay wala siya sa Pilipinas ng mga sandaling iyon. Tamang sabihin na nasa dream land
siya. Sigurado siya na matutuwa ang kaniyang mga kapatid kung makikita rin ng mga ito ang mga
nakikita niya ngayon.

Nakasuot siya ng mga sandaling iyon ng navy blue na high waist na skinny jeans. Ang pang-itaas naman
niya ay ang crop top na regalo pa sa kaniya ni Margaux. Kulay puti iyon. Ngayon pa lang niya iyon
susuutin. Ayaw pa nga ni

Mhorric dahil medyo kita ng kaunti ang kaniyang tiyan, pero hindi naman siya nito pinagpalit ng bagong
damit.

9/1 5

Bagay naman iyon sa kaniya. At hindi naman sa pagiging ilusyunada o ano pa man, pero hindi halata sa
kaniya na galing siya sa hirap kapag nakakapagbihis ng maganda. Naglagay rin siya ng kaunting lip tint sa
kaniyang labi. Sa mukha niya ay hindi siya nagpahid ng face powder o ano pa man. Tanging sun screen
lang ang inilagay niya. Korean product iyon kaya maganda sa mukha.
Gusto naman niyang maging presentable kahit paano. Lalo na at kasama niya si Mhorric.

Hindi nagtagal ay narating nila ang isa pang guard house na mukhang mas high ang security kaysa sa
mga naraanan nilang guard house na pinalalampas ang kotse ni Mhorric kahit hindi sinisilip ang sakay.

Nang ibaling niya ang tingin sa malaking arko na naroon ay kumunot pa ang kaniyang noo sa nabasang
pangalan ng papasukin nilang lugar.

UHB Leisure Club? basa niya sa kaniyang isipan.

Saan nga ba niya narinig ang lugar na iyon?

Sigurado siyang narinig na niya iyon.

"Sino po ang kasama nila, Sir Soliven?"

"Girlfriend 140," sagot ni Mhorric sa security guard na nakatayo sa labas ng kotse nito.

Girlfriend 1<0. , , bakit parang may kiliti iyong dulot sa puso ni Candy?

"Ano pong pangalan?"

"Candy."

"Full name, Sir."

Pigil ni Candy ang mapangiti dahil mukhang hindi alam ni Mhorric ang last name niya hanggang ng mga
sandaling iyon.

"Candy Lerne ho," aniya na nginitian pa ang guard.

"Sa susunod, last name ko na ang gagamitin niya," sabi pa ni Mhorric sa guard bago sila pinayagang
pumasok sa 100b ng Leisure Club. "Candy Leme," bigkas pa ni Mhorric sa buong pangalan ni Candy
habang nakatutok ang tingin nito sa pagda-drive. "Hindi na ako clueless ngayon," may ngiti sa labi na
baling nito sa kaniya.

Ngiti lang ang isinagot niya rito bago muling ibinaling angtingin sa dinaraanan nila. Kung kanina, puro
bahay ang kanilang dinaraanan. Ngayon naman ay puro kakahuyan na kay ganda sa paningin. Mas
nakaka-relax sa mga mata.

"Ano'ng lugar 'to, Mhorric?" hindi niya napigilang itanong.

"My second home," tipid nitong sagot.

Second home?

Kung ganoon, handa na rin siyang marating ang second home nito at makita ang mga tao na siguradong
pangalawang pamilya na rin nito.
Makalipas ang ilang min uto na pagda-drive ni Mhorric sa may kahabaang forest trail, narating din nila
ang pinakadulo niyon. Lalong namangha si Candy sa kagandahan ng paligid na kaniyang nasisilayan. Daig
pa niya ang dinala sa ibang dimension.

Kulang na lang ay makalimutan na niya si Mhorric dahil sa kagandahan na nakikita niya.

Hanggang sa may maalala siyang isang eksena sa bahay nila. . .

"Ano 'ng pinagkakaguluhan ninyo riyan, Avery at Angel?" kunot ang noo na tanong ni Candy sa dalawang
kapatid na animo hindi magkamayaw sa impit na tilian sa higaan ni Avery.

"A-ah, wala, Ate Candy," aniAvery na pigil ang ngiti sa mga labi

"Nagpapantasya na naman ang dalawang 'yan sa isang Fan Page sa Facebook, Ate," sumbong pa ni
Henrick sa kaniya.

"Fan Page ? Patingin, " aniya sa dalawang nakababatang kapatid. "Isa."

"H-heto na," ani Avery na iniabot sa kaniya ang cellphone nito.

UHB Men Official, iyon ang pangalan ng Fan Page sa Facebook. "Ano'ngmeron dito?" aniya na nag-scroll
down pa. May nabasa pa siya na UHB Leisure Club sa isang picture.

"Puro guwapong lalaki, Ate, " ani Henrick na mukhang tuwang-tuwa na ilaglag ang dalawang kapatid,

Mag-scroll down pa sana siya nang marinig angsinabing iyon ni Henrich Itinigil na niya ang pag-scroll at
ibinalik kay A very ang cellphone nito. "Atupagin ninyo ang pag-aaral at hindi ang pag-stalk sa mga 'yan.
Hindi ako nagbabayad ng monthly sa internet para ganiyan ang unahin ninyo, " saway niya sa mga ito.

"Ate, inspirasyon lang naman," katwiran pa ni Angel Rose,

"Angel Rose, Sina Nanay at Tatay anggawin mong inspirasyon, " sa halip ay sabi niya rito na ikinatawa ni
Henrick. "Saka ka mang-stalk diyan kapaggraduate ka na."

"Ang KJ mo, ate," nakangusong wika ni Avery.

"A-ah, wala. Angsabi ko, mag-aaral na ako, ate,"

UHB Leisure Club... kung ganoon, sa isang Fan Page niya iyon nakita. Ibinaling ni Candy ang tingin kay
Mhorric. Bigla ay parang gusto niyang tawagan ang kaniyang mga kapatid at itanongsa mga ito kung
alam ba ng mga iyon ang lugar na kinaroroonan niya. At dahil ayaw niyang maging obvious kay Mhorric
kaya nag-text na lang siya kay Avery.

Avery, ano ba Yong UHB Leisure Club?

Ano'ng meron sa lugarna 'yon?

Hindi naman nagtagal ay nakatanggap siya ng reply sa kaniyang kapatid.


Ate, alam mo, kaka-focus mo sa pagta-trabaho, napag-iiwanan ka na ng panahon. Minsan magbabad ka
rin sa internet. 'Yong UI-IB Leisure Club, hindi siya basta-basta napapasok kasi exclusive siya sa mga
member. Take note, mga billionaire ang member diyan. Hindi basta-bastang tao. Bakit mo tinatanong?

Hindi niya masabi na naroon siya ngayon.

Ate, 'di ba, nasa Pagbilao City ka? Diyan located ang lugar na 'yon. Sobrang sikat ng lugar na 'yan, text pa
ni Avery sa kaniya.

Napakurap-kurap si Candy nang maramdaman ang paghinto ng kotse ni Mhorric. Nang tingnan niya kung
nasaan na sila ay saka niya nakita ang isang restaurant na dalawang palapag ang taas.

"We're here. Favorite spot ko ito," nakangiti pang wika ni Mhorric kay Candy nang ito pa ang magtanggal
sa suot na seat belt ng dalaga. Pagkuwan ay nauna itong bumaba para pagbuksan siya ng pinto.

Nang bumaba siya sa kotse ay agad naman siyang inalalayan ni Mhorric. Hindi niya mapigilang isipin ang
sinabi ng kaniyang kapatid kanina.

"Yong UHB Leisure Club, hindi siya basta-basta napapasok kasi exclusive siya sa mga member. Take note,
mga billionaire ang member diyan. Hindi basta-bastang tao..

"Let's go?" untag ni Mhorric sa kaniyang pananahimik.

Tumango si Candy at nagpagiya na sa binata. Tama, hindi basta-bastang tao si Mhorric. Kahit ayaw
niyang maramdaman, hindi naman niya mapigilan ang sarili na hindi manliit.

Pero naroon na siya. At alam niya na ang panliliit sa sarili niya ang numero uno na ayaw ni Mhorric na
maramdaman niya kapag ito ang kasama niya. Kaya nga ginagawa nito ang best nito para makibagay sa
kaniya at hindi niya maramdaman na hindi siya nababagay rito.

Candy, mas mahalaga pa rin ang opinyon ni Mhorric kaysa sa ibang tao, an ang isip niya sa kaniya.

Tama

Chapter 57

NGAYON pa lang ay para bang gusto ng malula ni Candy dahil sa malalaking personalidad na
makakaharap niya sa lugar na iyon. Paano kung hindi siya magustuhan ng mga iyon para kay Mhorric?

Ang darning, what ifs.

"Wow! Tama ba itong nakikita 1<0?" bigla ay wika ng isang lalaki pagkaakyat nina Candy at Mhorric sa
pangalawang palapag ng Bay View Restaurant.
Ang tendency tuloy ay napatingin sa kanilang kinaroroonan ang mga naroon na kumakain din ng agahan.
Parang gustong magtago ni Candy sa likuran ni Mhorric dahil sa mga pares ng mga mata na nakatuon sa
kanila ngayon.

"Hindi pa naman malabo ang paningin ko."

"Liam, not now," ani Mhorric na iginiya na si Candy papunta sa paborito nitong upuan. lyong malapit sa
may veranda at tanaw ang dagat sa hindi kalayuan. "Remind ko na agad sa iyo na 'wag mo silang
masyadong pansinin," nangingit pang bulong sa kaniya ni Mhorric nang ipaghila siya nito ng mauupuan.

"Hindi mo ba kami ipapakilala sa kasama

mo?" patuloy na pangungulit ni Liam Montiger kay Mhorric na naupo pa sa harapan nila.

Isa rin sa nakakalula roon ay ang mga naglipanang kalahi ni Mhorric. Mga wala ring tulak kabigin. Kahit si
Liam na nasa harapan nila. lyong pagkaguwapo nga lang nito ay para bang may halong kapilyuhan.

"Ah, by the way," wikang muli ni Liam na inilahad pa ang isang kamay sa harapan ni Candy.

"My name is Liam Montiger and—"

"No need to shakes her hand, Liam," ani Mhorric na ibinaba ang isang kamay ni Liam na nasa harapan ni
Candy. Binalingan siya ni Mhorric. "Isa sa pinakamatandang member clito si Liam," inporma pa nito sa
kaniya.

"Pinakamatanda talaga?" palatak pa ni Liam sa sinabi ni Mhorric. "Pasensiya na, ha? Very unusual kasi
na may kasamang babae rito si Mhorric. Simula yata nang maging member siya rito, wala siyang
sinasama rito bukod sa grandparents niya. So, are you his

"Candy is my girlfriend," muli ay agap na wika ni Mhorric. Wala itong pag-aalinlangan na aminin dito ang
bagay na iyon. Parang gustong lumutang ni Candy sa saya. Masarap sa pakiramdam na hindi ka itanggi sa
iba. "Liam, we're here to eat our breakfast. Hindi para makipagtsismisan. May tam ang oras para diyan."

"Narinig mo 'yon?" ani Yuji Sakai na may

dalang menu at inilapag sa harapan ni Candy at Mhorric. "Kakain muna sila bago makipagtsismisan.
Don't worry, Liam. Hindi ko agad palalabasin angdalawang ito dito sa restaurant ko hanggat hindi natin
nababalatan ng buhay."

"Yuji," saway rito ni Mhorric. "Baka isipin ni

Candy na mga sira-ulo ang mga tao rito."

"Hindi mo ba alam?" nakangisi pang tanong dito ni Yuji. "lkaw nga, muntik ng masiraan ng bait katititig
sa kawalan. Gusto mo bang ikuwento ko pa sa kasama mo kung ano ang ginagawa mo rito sa—"
"Enough. O-order na kami," putol ni Mhorric sa sasabihin pa ni Yuji. Bahagyang namumula ang mukha ni
Mhorric na lihim na ikinangiti ni Candy. Para bang ayaw nitong masukol. At mukhang ito ang nahihiya sa
mga pinagsasabi ng mga kaibigan nito.

"Pakainin muna natin at baka mahimatay na lang bigla," nakangisi pang wika ni Liam na mukhang walang
balak na tigilan si Mhorric.

"Parang gusto kong pagsisihan na clito pa kami pumunta para mag-almusal. Don't mind them," baling ni
Mhorric kay Candy. "Hindi sila kasing normal ng iniisip mo."

"Well. Well. Well. Dinig ko ay narito na si Mhorric at may kasamang babae?" anang isang bagong dating
na isa ring biyaya ng Diyos sa mga

kababaihan.

"Narito na nga Ruin," mabilis na wika ni Liam sa bagong dating. "Pero mamaya ka na mag-interview.
Kakain muna sila para hindi mablanko kapag in-interview natin." Turnayo na si Liam at hinila na palayo
ang bagongdating na si Ruin.

Tumikhim si Yuji. "Sige na, um-order na kayo," anito na inilabas pa ang isang ballpen at sulatan ng order.

"Longsilog lang sa akin saka kape," ani

Mhorric na hindi na tumingin pa sa menu book. "Ganoon din sa akin," sabi na lang din ni Candy.

"Pumili ka pa sa menu," ani Mhorric sa kaniya.

Umiling siya. "Okay na 'yon," aniya na tipid pa itong nginitian.

"Mukhang nawalan ka ng gana ngayon, ha?" nakangisi pang wika rito ni Yuji. "Bawi ka na lang
mamayang lunch."

"Sa Savanna's Side kami kakain mamayang lunch. Para walang maligalig at tsismosong may ari ng
restaurant," sa halip ay wika rito ni Mhorric.

"Ouch, ha? Baka gusto mong ipa-ban kita rito sa restaurant ko?" Napailing-iling si Yuji. Ngumiti pa ito
nang bumaling kay Candy. "Enjoy the view," wika pa nito bago sila iniwan sa

kanilang mesa.

Saka lang para bang nakahinga nang maluwag si Mhorric nang mapag-isa sila at wala ng mangulit pa.
Hinagod niya nang bahagya ang likod nito.

"Okay ka lang?" alanganin pa niyang tanong dito. Sapat lang upang marinig nito.

Nang bumaling ito sa kaniya ay inabot pa nito ang isa niyang kamay at pinisil. "Ako ang dapat na
magtanong niyan sa iyo. Sanay na ako sa kanila. Ikaw itong hindi."
Nginitian niya ito. "Mhorric, minsan, mas malata pa sa kanila ang na-e-encounter 1<0." "Baka mamaya,
ayaw mo ng sumama pabalik dito?"

Umiling siya. "Ang ganda ng lugar na ito para hindi ko gustuhin na balikan." Ibinaling niya ang tingin sa
harapan nila. Napakaganda ngview roon. Mayamay ay ibinalik niya ang tingin kay Mhorric. "Buong akala
ko, mga seryoso ang taong narito. Iba rin pala kapag bumanat."

"Hindi mo pa nakikita ang iba."

Napailing-iling pa si Mhorric. "Masasanay ka rin." Gumanti siya ng hawak sa kamay nito. Parang mas na-
frustrate pa si Mhorric kaysa sa kaniya. "Okay lang ako. Hanggat nariyan ka sa tabi ko."

Saka lang bumalik ang ngiti sa labi ni

Mhorric dahil sa sinabi ni Candy. Seeing him smiling again, mas lalong naging kampante si

Candy na magiging okay lang talaga ang lahat. Sana nga, pipingdalangin niya.

"PARANG noong huling tuntong mo rito sa

Leisure Club ay daig mo pa ang naluging Hapon, Mhorric? Tapos ano itong makakarating sa aking
tsismis? May girlfriend ka na agad? Totoo ba 'yan o joke lang?" naupo pa si Yahir Martini sa tapat nila.

Katatapos lang din kumain nina Candy at Mhorric nang muli silang lapitan ng mga kaibigan nito na
mukhang walang balak na bigyan sila ng privacy.

"Pero imposiblengjoke lang dahil isinama mo rito sa Leisure Club. Alam mo naman ang rules dito pagd
ating sa babae," patuloy ni Yahir.

Rules pagdating sa babae? Hindi aware si Candy na may rules doon pagdating sa isang babae na kasama
ng member na pupunta roon. Gusto niyang mag-usisa kung ano iyon ngunit hindi naman niya mahagilap
ang sariling boses.

Turnikhim si Mhorric. "Okay, guys. I know, ang iba sa inyo noong nakaraan ay aware sa naging problema
ko. Pero okay na. Salamat sa payo ni," anito na inilibot ang tingin sa paligid. Ngunit hindi roon makita
ang taong hanap nito. "Kienlee," patuloy nito. "It helps a lot." "Ibig sabihin siya 'yong babaeng
ikinukuwento mo noong nakaraan?" gulat na wika ni Ruin na muli ay pinasadahan si Candy ng tingin.
Napangiti pa ito. "Alam mo ba na kulang na lang ay tumalon itongsi Mhorric sa may veranda?"

"That's too much, Ruin," saway rito ni Mhorric.

"Men, kung hindi mo alam, ganoon ang hitsura mo noong gabing tinanggihan ka ng girlfriend mo."
Kumunot ang noo ni Ruin na muling binalingan si Candy. "Seryoso talaga?

Girlfriend ka na ni Mhorric?"

Nabibilisan ba ang mga ito sa pangyayari?


"Bakit pa patatagalin kung doon din naman ang punta?" sabad naman ni Keigo Mori na nakihila ng
upuan at nakiusyuso sa kanila. "Am I right, Mhorric?"

"One hundred percent," sang-ayon ni Mhorric sa sinabing iyon ni Keigo.

"Basta hindi mo pinilit ang babae," dagdag pa ni Keigo. "Pinilit ka ba niya?" baling kay Candy ni Keigo.

Umiling siya. "Hindi."

"Mahal mo?" salubong pa ang kilay na tanong ni Yahir.

'"Wag niyo namang i-pressure si Candy.

Pumunta kami rito para mag-relax," ani Mhorric na tumayo na mula sa pagkakaupo ngunit agad na
hinawakan ni Liam sa balikat at muling pinaupo.

"Kalma. Gusto lang naman naming makilala ang girlfriend mo," ani Liam.

"Masama bang magtanong kung mahal ka ng girlfriend mo?" ngumisi pa si Yahir. "Base sa background
niya

"Yahir," may warning sa boses na baling ni Mhorric sa lalaki.

"What? I'm just being frank here."

Lumunok si Candy. Dama niya ang bahagyangp t ng kaniyang lalamunan. Ayaw talaga niya ay iyong
napag-iisipan siya ng masama. At kapag background na niya ang napag-uusapan. Minsan, gusto na lang
niyang lumubog sa kaniyang kinatatayuan. Ano ba ang ipagmamalaki niya sa mga taong kaharap niya na
alam niya na nakakalula ang katayuan sa buhay? Ang ending, kuwestiyonable ang naging relasyon nila ni
Mhorric.

"Out of the picture ka muna," ani Liam na hinila palayo si Yahir.

"Pagpasensiyahan mo na si Yahir," ani Yuji kay Candy na naglapag ng Lemon Ice Tea sa harapan nito.
"Minsan, wala ring preno ang bibig ng isang 'yon."

"O-okay lang," aniya.

"You're not okay," ani Mhorric sa kaniya. Marahas itong bur-nun tong-hininga. Bago binalingan ang mga
kaibigan. "Isangtaon kong hinintay 'yong ganitong pagkakataon na makasama si Candy. Respeto lang
muna kung sa tingin ninyo ay masyadong mabilis na maging kami agad. I'm old enough para magpabebe
pa." Tinapik ni Ruin sa balikat si Mhorric. "Wala namang problema sa kung mabilis o matagal bago m
aging kayo. Ang im portante, nagkakaunawaan kayo. Candy," baling naman ni Ruin sa dalaga. '"Wag
mong isipin na against sa iyo ang iba. Wala naman kaming pakialam kung sino ang gustuhin ng bawat isa
sa amin. At 'wag mo ring isipin na hindi ka-welcome sa lugar na ito. Sabi nga, feel at home."
Salamat sa mga salitang lyon ni Ruin dahil ang namimigat niyang pakiramdam ay unti-untl na ring
gumagaan. Ngumiti siya kahit na hindi naman umabot ng husto sa mga mata niya.

"Salamat."

"Ang tagal kasing walang babaeng na-link dito kay Mhorric simula nang maging member siya rito. Alam
mo na, bago sa amin na makita na may kasama na siya pagpunta niya rito. At hindi na lang siya tutulala
sa kawalan ng matagal," ngumisi pa si Yuji Sakai.

Tumikhim si Mhorric. "Kapag bigla na lang nawala si Candy at hindi na nagpakita sa akin

habang-buhay, kayo ang sisisihin 1<0." Turnayo na ito at inilalayan din si Candy sa pagtayo.

"Saan kayo pupunta?"

Binalingan ni Mhorric si Liam na kababalik lang. "Sa malayo sa mga bubuyog," seryoso nitong wika.
"Ibigay niyo muna sa akin ang araw na ito na kami lang muna ni Candy. 'Wag niyo namang sirain ang
moment ko."

"Pagbigyan ang pumapag-ibig na si Mhorric," ani Keigo Mori. "Baka kapag iniwan ni Candy, matuluyang
tumalon sa veranda."

Pigil naman ni Candy ang mapangiti. Nang igiya na siya ni Mhorric palayo sa mga ito ay lihim pa siyang
nagpasalamat dahil hindi na sila sinundan pa ng mga iyon. Nang makalabas naman sila sa Bay View
Restaurant ay saka lang marahas na bumuntong-hininga si Mhorric.

Hinayon nila ang kotse nito na nakaparada sa may parking lot ng Bay View Restaurant.

Ngunit hindi agad nito binuksan ang pinto sa may passenger seat.

"Pasensiya na kanina. Hindi ko inaasahan na magiging ganoon sila. Ang darni nilang tanong," hinging
paumanhin ni Mhorric sa kaniya.

"Okay lang."

Ngunit mukhang hindi ito kumbinsido. "Hayan ka na naman sa okay lang. Alam ko namang hindi ka okay.
Lalo na 'yong banat ni Yahir kanina. Candy, alam mo naman na hindi ko minamata o ano pa man ang
background mo. Mas proud ako sa iyo," anito na hinaplos pa ang pisngi ng dalaga na lihim pang
napalunok. "Hindi sana ito 'yong huling beses na tutuntong ka rito." Hinawakan niya ang kamay nito na
nasa may pisngi niya at pinisil. "Mhorric, sabi ko naman sa iyo na hanggat ikaw 'yong kasama 1<0, okay
ako. Alam ko rin naman na hindi mo ako pababayaan." Nginitian niya ito. "Mukha namang okay 'yong
mga kaibigan mo. Masasanay rin ako sa mga banat nila."

"Make it sure. Baka mapaaway ako rito ng wala sa oras."

"Uy, cyan ang 'wag mong gagawin," saway niya rito.


"Seryoso," anito na muling bumuntong-hininga. Pagkuwan ay kinabig siya at niyakap. "Pumunta mun
tayo sa walang istorbo," ani Mhorric nang kumalas na mula sa pagkakayakap sa kaniya.

"You'll see," anito na pinagbuksan na siya ng pinto sa may passenger seat at inalalayan sa pagsakay. Ito
pa ang nagkabit sa kaniya ng kaniyang seat belt bago isinara ang pinto sa gilid ni Candy.

May ngiti sa labi nang sundan niya ng tingin si Mhorric sa labas ng kotse nito. Tama, hanggat alam niya
na kaya siyang ipaglaban ni Mhorric.

Hindi niya kailangang bumitaw na lang basta dahil pinanghinaan siya ng 100b.

The Wolf Princess and...

Addie Hayes

"How many mates do you have,

Princess?' Kia asks] look over at h

Chapter 58

PAGKA-PARK ni Mhorric ng kotse nito sa gilid ng kalye ay agad din itong bumaba para pagbuksan si
Candy. Pagkuwan ay magkahawak pa sila ng kamay nang maglakad sila sa isang pathway na isang dipa
ang lapad. Kasya roon ang isang golf cart. Maraming puno sa tigkabilang gilid. Ang pinakadamuhan ay
animo hindi tinutubuan ng ligaw na d* *o dahil kay ganda niyongtingnan sa mga mata. At dahil malilong
dulot ng mga dahon ng puno, tila ba kay sarap doong maghabulan. Patagdin kasi ang lupa na nalalatagan
ng carabao grass.

Sa hindi kalayuan ay mayroon siyang natanawan na parang kubo na walang dingding. Open na open
iyon. Doon sila pumunta ni Mhorric.

Tahimik sa parteng iyon ng Leisure Club. Tanging ang ingay lang na maririnig mo ay hum ng ibon, kulilis
at paggalaw ng mga dahon dulot ng hampas ng hangin.

"Dito masarap mag-meditate," nakangiti niyang baling kay Mhorric nang maupo siya sa papag ng kubo.

Yari iyon sa kawayan. Maging ang papag ng kubo. Ang kagandahan lang doon. Sa mismong gitna ng kubo
na medyo may kalakihan ay mayroong latag. May mga unan din para sa nais mahiga. Mukhang ginawa
iyon para maging pahingahan ng mga napapadako roon o gusto langtumambay.

Si Mhorric ay nanatiling nakatayo sa harap ng kubo.

"Hindi ka ba uupo?" muli ay baling niya rito.

"Kanina pa ako nakaupo. Tatayo muna ako."


Tinantiya niya ang sinabi nito at ang reaksiyon nito. Bakit parang nililipad sa kung saan ang isip nito?
Hindi pa rin ba ito maka-move on sa nangyari kanina sa Bay View Restaurant?

Napabuntong-hininga siya. Pagkuwan ay muling turnayo at hinawakan ito sa kamay para hilahin paupo
sa kaniyang kinauupuan kanina.

Ngayon ay magkatabi na sila roong nakaupo.

"Mhorric, iniisip mo pa rin ba 'yong kanina?" Sa halip na tingnan siya ay mas pinili pa nito angtumingin sa
malayo. "Hindi," kaila pa nito.

"'Wag ako, Mhorric. Halata sa iyo." Hinawakan niya ang pisngi nito para ibaling paharap sa kaniya. Hinuli
niya ang mga titig nito. Napabuntong-hininga pa siya nang magtama ang mga tingin nila. "Ano'ng iniisip
mo?"

Hinawakan nito ang kamay niya na nasa pisngi nito at ibinaba. Pero hindi nito iyon binitiwan. '"Yong
nangyari kanina. .."

"Magpapaka-stress ka ba dahil sa nangyari kanina?"

"I'm just worried, Candy. Paano kung dahil doon, bigla ka na lang umalis?"

Nginitian niya ito para ipakita rito na hindi iyon mangyayari. "Ang babaw na dahilan noon, Mhorric. Mas
malalim pa rin 'yongdahilan ko para mag-stay rito. Tingin mo ba, dahil lang parang big deal sa isang tao
ang background ko, iiwanan na lang kita?" Pinisil niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. "lkaw
naman 'yong makakasama ko at hindi siya. O kung sino man na against sa akin. Aalis lang ako kapag
ramdam ko na ayaw mo na," aniya na unti-unting nawala ang ngiti sa labi.

"Bakit naman ako aayaw?"

"Kapag lang naman dumating 'yong ganoong point. Advance lang din akong m ag-isip."

Urniling ito. "Hindi mangyayari 'yon," anito na kinabig siya para yakapin.

Isinandig niya ang pisngi sa dibdib nito. Pagkuwan ay turningin sa malayo kung saan puro puno at
damuhan lang ang kaniyang nakikita. Dinig niya angtibok ng puso ni Mhorric. Saka lang bumalik ang ngiti
sa kaniyang labi. Alam niya, sa kaniya ngayon tumitibok ang puso nitong iyon. Umangat ang kaliwa
niyang kamay at idinikit sa tapat ng puso nito para damhin ang kabog mula

roon.

Mayamaya ay kinuha ni Mhorric ang kamay niyang nasa may dibdib nito at ginawaran ng mabining halik.
Napangiting lalo si Candy dahil sa sweet gesture na iyon ni Mhorric.

"Mhorric.. ."

"Hmmm?" anito nang ibaba ang kaniyang kamay.


"Baka naman sa una ka lang sweet, ha?" biro pa niya rito.

"Ipinapangako ko sa iyo na hindi lang ako sa una sweet. Hindi mo naman kasi ako noon binigyan ng
chance na maging ganito sa iyo."

"00 na PO, kasi iniwan na lang kita basta, patuloy niyang litanya. Kumalas na siya mula sa pagkakayakap
nito. Pero nanatiling nakaupo sa tabi nito.

"Hindi ka naman galit niyan?"

Natatawang binalingan niya ito. "Bakit naman ako magagalit?"

Umiling ito bago ngumiti. "Nothing."

Siya naman ay sandaling natulala sa pagngiti nitong iyon. At si Mhorric, sinamantala ang pagkatulala
niyang iyon dito para nakawan siya ng halik. Smack lang iyon na nakapagpakurap-kurap sa kaniya.

"M-Mhorric," aniya na agad napatingin sa paligid nila. Baka kasi may ibang tao at makakita

sa ginawa ni Mhorric. Ang lakas tuloy ng kaba sa dibdib niya.

lyong ngiti ni Mhorric na umabot hanggang sa mga mata nito. "What?"

"What ka riyan. 'Wag kang PDA," saway niya rito.

"Ano bang masama kung halikan ko ang girlfriend 1<0?" tila ba balewala nitong tanong. Mukhang hindi
big deal dito kung may makakita man sa kanila.

Girlfriend 1<0. .

Napabuntong-hininga siya. "Hindi ako sanay na mag-PDA, Mhorric."

"Same here. Pero. .. hindi ko mapigilan kapag ikaw ang kasama. Don't worry, Candy. Wala namang ibang
tao rito."

Muli niyang inilibot ang tingin. Wala nga siyang nakikitang tao bukod sa kanila. Pero kahit na.

Turnayo siya. "Maglakad-lakad pa tayo," aniya rito. Baka mamaya ay hindi lang smack ang gawin nito at
mas mahaba pa roon.

Hindi naman kumontra si Mhorric. Tumayo na rin ito at umagapay sa kaniyang paglalakad. Pasimple pa
niyangtiningnan ang mga kamay nitong nakasuksok ngayon sa magkabilang bulsa ng suot nitong
pantalon. Ayaw ba nitong hawakan ang kamay niya na mukhang nasasanay na hawak nito kapag sila ay
naglalakad? Nang hindi pa rin ito kumilos para hawakan ang kamay niya ay ibinaling niya angtingin sa
unahan nila. Pagkuwan ay inilahad sa harapan nito ang kaniyang kanang kamay.

"Ano'ng gusto mo?" taka pang tanong ni Mhorric nang mapatingin sa kamay niyang nakalahad sa
harapan nito.
"Kamay mo," aniya na nakatingin pa rin sa unahan nila.

Naiiling na bumaling siya rito. Pagkuwan ay kinuha ang kaliwa nitong kamay na nakasuksok sa bulsa nito
at siya na ang kusang humawak doon.

"Baka mawala ako," walang kangiti-ngiti niyang wika rito bago nagbawi ngtingin. Pigil naman niya
ngayon ang mapangiti.

Baliw na ba siya? Sa isip ay napangiti siya.

Mukhang malapit na.

Si Mhorric naman ay napangiting wagas sa kaniyangginawa.

Sunod na pinagdalhan kay Candy ni Mhorric ay sa pamosong Blue Lagoon ng UHB Leisure Club. Halos
lumuwa ang mga mata niya sa sobrang ganda ng lugar.

"Ang ganda rito," hindi niya mapigilang ibulalas. Napakalinaw ng tubig na nagkukulay

aqua blue. May nakikita pa siya na barkadahang mga isda sa hindi kalayuan. Parang ang sarap talunan na
lang basta ng tubigsa lagoon.

"Mas masarap nga talagang mamasyal dito sa Leisure Club kapag may kasama," nangingiting wika ni
Mhorric na hindi inaalis angtingin kay Candy.

Mula sa lagoon ay ibinaling ni Candy ang tingin kay Mhorric. "Imposible na wala kang kasama na
pumupunta rito."

"Bukod kina lolo't Iola at sa mga co-member ko rito sa Leisure Club, wala ng iba."

"Seryoso?"

Itinaas pa nito ang isang kamay na animo nanunumpa. "Seryoso. Ngayon ko lang mas n a-a-appreciate
ang bawat parte nito. Dahil kasama kita."

"Nagsisimula ka na naman, ha?" nakangiting nagbawi siya ng tingin. Nang may maalala ay napilitan
siyang lumapit kay Mhorric. "Ano 'yong rules na sinasabi nila tungkol sa babaeng isinasama rito sa 100b
ng UHB Leisure Club? Nabanggit kanina ng kaibigan mo."

"Ah, about that. . . rules kasi rito na hindi puwedeng basta na lang magsama ng babae dito sa 100b.
Except kung relatives mo or family member."

"Bakit?" puno ng kuryusidad na tanong niya. "Kung may isasama man kami na babae rito, ibig sabihin,
siya rin 'yong pinili naming makasama sa habang-buhay."

Ganoon katindi ang rules doon? Bigla ang kabog sa dibdib niya. Kung ganoon. . . isinama siya nito sa
lugar na iyon dahil seryoso talaga ito sa kaniya?
Napalunok siya. "P-paano kung magkahiwalay 'yong member at girlfriend na isinama niya rito?"

Urniling ito. "Candy, marami ng nasaksihang kuwento ang Leisure Club na ito. 00, mayroong naghiwalay.
Pero sa huli? Sila pa rin ang nagkatuluyan. May sumpa ang lugar na ito. Kaya, mark my word. Tayo talaga
ang para sa isa't isa." lyong pagkasigurado nito sa kaniya, sapat na para hindi masira ang araw niya. At
walang Yahir Martini na muling makakasira.

"Siguradong-sigurado ka talaga?"

"Ngayon lang ako mas naging sigurado sa isang bagay, Candy," seryosong wika ni Mhorric sa kaniya.

Hindi na niya napigilan ang ngiti na sumilay sa labi at mga mata niya. "Tingnan natin."

"Siguro nga, nagmahal din ako dati. Pero masasabi ko na ibang klase 'yong pagmamahal na tumama sa
akin ngayon para sa isang babae. Matindi pa sa matindi. At ayaw ko lang na makampante basta-basta.
Kaya, as you can see,

masyadong mabilis ang lahat sa tingin ng iba. Pero ano'ng magagawa ko? Ayaw ko lang may pagsisihan
sa huli dahil pabagal-bagal ako."

"00 na PO. Nagiging makata ka na masyado, Mister Soliven," aniya na may ngiti pa rin sa labi nang ibalik
niya angtingin sa kagandahan ng lagoon.

"Thank you pa rin dahil dumating ka ulit sa buhay ko," ani Mhorric na niyakap pa si Candy mula sa
likuran ng dalaga.

Hinayaan lang ni Candy na nakayakap sa kaniya si Mhorric. "Most embarrassing moment ko 'yong
pagkikita natin ulit," amin niya rito.

"And why?"

"Syempre, dahil sa raket 1<0."

"May mas e-embarrass pa ba sa muling pagtatagpo natin na mukha akong halimaw?" nangingiti nitong
tanong sa kaniya.

Napangiti rin siya sa sinabi nitong iyon.

"Guwapong halimaw," pagtatama niya rito.

"May dahilan pa rin ang lahat."

"Ano'ng klaseng dahilan?" aniya rito.

"Dahilan para dumating tayo sa ganitong punto," malambing nitong wika sa may tainga niya. "Siguro,
nakatadhana na talaga simula pa lang noong unang beses tayong nagkita. Dahil kung hindi? Bakit
paglalapitin pa ulit tayo sa pangalawang pagkakataon? Naging daan si Iola para mangyari 'yon ng wala
tayong kamalay-malay parehas. At itong pangatlong pagtatagpo ulit natin. Parehas din tayong walang
kamay-malay na nakatakda ulit tayong magkita nang araw na 'yon. Ibang klase rin talaga ang timing ni
Lord sa ating dalawa."

Hindi talaga niya pagsasawaan na makinig sa mga sinasabi ni Mhorric. Isinandig niya ang ulo sa may
dibdib nito habang may ngiti pa rin sa kaniyang labi.

"Parang gusto ko na rin talagang maniwala na meant to be tayo," parinig pa niya rito.

"Aba, dapat lang," agad nitong tugon sa kaniyang sinabi. "Kaya nga for twenty-five years, walang ibang
lalaking na-involve sa iyo kundi ako lang."

"Correction, Mister. Dahil po ayaw ko talagang ma-involve sa iba."

"Pero bakit sa akin, gusto mo?"

There, sandaling hindi nakapagsalita si Candy.

Kumalas sa pagkakayakap sa kaniya si

Mhorric at naglakad papunta sa harapan niya. May nanunudyong ngiti sa labi na umabot sa mga mata
nito.

"Bakit sa akin, ginusto mong ma-involve, Candy? Sa dinami-raming lalaki na nagkaroon din ng interes sa
iyo?"

Sinusukol siya masyado ng isang ito. Huminga muna siya nang malalim bago niya nagawang salubungin
ang tingin nitong iyon.

'"Yong totoo?" aniya rito na tinanguan nito. "Dahil sa iyo ko lang naramdaman na safe ako at. . . at
kumportable ako. Kahit ayaw kong i-invovle 'yong sarili ko sa iyo dahil magkaiba ang mundo natin, never
mong ipinaramdam sa akin na iba ako sa iyo." Nginitian niya ito. "Alam mo naman na ayaw ko sa katulad
mo na masyadong mataas ang katayuan sa buhay. Pero kapag ito na rin 'yong nagdikta," aniya na
hinawakan ang tapat ng kaniyang dibdib. "Wala na rin akong magawa. Dahil kung pipigilan ko, alam kong
ako lang din 'yong masasaktan. Kaya, kita mo? Kahit alam ko rin na masyadong mabilis ang pangyayari sa
pagitan natin ngayon, wala rin akong nagawa dahil ayaw ko rin na may pagsisisihan ako sa bandang hull*
katulad mo. Sabi ng isa kong kaibigan, mas okay na 'yong sumubok kaysa magsisi ka dahil hindi mo
sinubukan."

"Pinasasaya mo ako masyado, Candy," anito na hindi mapigilan ang ngiti sa labi na abot sa mga mata
nito.

"Gaano kasaya?" nakangiti rin niyang sakay sa sinabi nito.

"Gusto mong makita?" tanong pa nito sa kaniya na tinanguan niya. "Okay," ani Mhorric na huminga
muna nang malalim bago humarap sa may lagoon at buong lakas na sumigaw. "Thank you, Lord! For
giving me the most precious gift! Candy," anito na bahagya pang sumulyap sa kaniya. "Mahal kita! Mahal
na mahal!" ubod lakas na sigaw ni Mhorric na halos magpapula sa buong mukha nito. Habol pa nito ang
paghinga nang muling humarap sa kaniya. "See?" nangingiti pa nitongwika.

lyong kilig niya nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay umabot hanggangsa bahay nila sa Bulacan.
Pigil pa niya ang maluha dahil sa ginawa nitong iyon.

Walang salita na tinawid niya ang pagitan nila at niyakap ito nang mahigpit. Gumanti naman ito ng
mahigpit ding yakap sa kaniya.

"Mahal din kita, Mhorric," buong pusong tugon niya rito dahilan para matigilan ito na lalo niyang
ikinangit .

There, nasabi na niya ang isang bagay na tiyak na lalong magpapabago sa relasyon nila.

Chapter 59

DAHlLsa narinig na confession ni Candy ay hindi na naman makagalaw si Mhorric sa kinatatayuan nito
dahil hindi agad makapaniwala sa narinig mula sa kaniya.

Si Candy na ang naunang kumalas mula sa pagkakayakap kay Mhorric at buong pagmamahal na
pinagmasdan ito sa guwapong mukha nito na natitigilan pa rin.

"A-ano'ng sabi mo? Puwede bang ulitin mo?" ani Mhorric nang makabawi. Halos hindi kumukurap.

"Nasabi ko na at ayaw ko ng ulitin, nakangiti niyang wika na tinalikuran na ito at nagsimulang maglakad-
lakad sa gilid ng lagoon. "Candy," habol sa kaniya ni Mhorric. Humarang ito sa kaniyang harapan kaya
napahinto sa paglalakad ang dalaga. "Please," pakiusap nito sa kaniya.

Paano ba tiisin ang lalaking ito? Huminga muna siya nang malalim bago ibinigay ang gusto nito.

"Mahal kita. Okay na ba?"

Sa halip na magsisigaw ito sa tuwa ay bigla ang pangingislap ng mga mata nito dahil sa luha.

"B-bakit parang hindi ka natutuwa?" may kaba sa dibdib na tanong niya kay Mhorric.

Pero hindi nagsalita si Mhorric. Sa halip ay inisang hakbang nito ang kanilang pagitan at siniil siya ng
halik sa labi. Siya naman ang sandaling natigilan sa ginawa nito. Mayamaya ay napangiti at ipikinit ang
kaniyang mga mata nang tugunin niya ang halik na iyon ni Mhorric.

Mukhang speechless lang talaga ito sa sinabi niya kanina at hindi magawang makapagsalita kaya sa halik
na lamang in-express ang nararamdaman. At sa paraan nitong iyon ay napanatag na ang kaniyang puso.

Kapwa habol pa nila ang paghinga nang pakawalan ni Mhorric ang labi ni Candy. Saka lang gurnuhit ang
ngiti sa labi nito na urnabot pa sa mga mata nito.
"l," lumunok si Mhorric bago muling nagsalita. "l didn't expect na magkakaroon agad ng katugon ang
pagmamahal ko sa iyo, Candy. God knows, ayaw kitang madaliin na sagutin din 'yong pagmamahal ko.
Basta ako, masaya na ako na nasabi ko sa iyo kung ano man ang nararamdaman ko. Oh, God," anito na
hindi napigilan na muli siyang yakapin ng mahigpit. "Ang saya-saya ko na marinig ang mga salitang 'yon
sa iyo."

Gurnanti siya nang yakap sa nobyo. Opisyal na opisyal na talaga sila. Napangiti siya. "Matagal ko na 'yong
naramdaman,

Mhorric," amin niya rito. "Natakot lang ako noon na baka sa hull' ay masaktan lang ako kaya mas pinili
kong lumayo na lang ng walang paalam sa iyo. Ngayon, hindi ko na rin mapigilan na hindi aminin sa iyo."

"You really made my day," anito nang bahagyang kumalas sa kaniya at gawaran siyang muli ng mabining
halik sa labi. Pagkuwan ay pakatitigan sa kaniyang mukha. "l love you. I love you so much, Candy."

"l love you too, Mhorric," hindi kumukurap niyang tugon.

"Pinaluluha mo ako," natatawa nitong wika na tumingala pa sa langit.

Alam niya, luha iyon ng kaligayahan.

"Gusto mong bawiin ko?" nangingiti niyang biro dito.

"No!" mabilis pa sa alas kuwatro nitong tanggi. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at hinagkan
parehas. "l can't imagine na magiging ganito ka-memorable ang Leisure Club na ito sa akin. Lalo na ang
lagoon na ito," anito na turningin pa sa Blue Lagoon bago ibinalik sa kaniya ang tingin. "Sana lang, hindi
ako nananaginip."

Para maniwala ito kaya naman pinisil niya ang magkabila nitong pisngi. "Naniniwala ka na ba na hindi ka
lang nananaginip?"

Bahagyang umawang ang labi nito dahil sa ginawa niya. "Y-yes," natatawa pa rin nitong tugon.

"Gusto kong Iibutin itong Blue Lagoon.

Tara?" nakangiti niyang pag-aaya rito.

"Sure," ani Mhorric na hinawakan na ang kanan niyang kamay.

Ang sayang nakabakas sa guwapong mukha ni Mhorric aytila ba hindi na talaga mapapalis. Ganoon din
kay Candy.

"AAAW. Ang saya naman nila," parang timang pa si Kienlee na nangingiti habang nakatitig sa malaking
screen.
Nang mga sandaling iyon ay nasa 100b ng malaking Control Room Sina Kienlee Scott at Daizuke Niwa.
Napadaan ang magkaibigan nang umagang iyon doon para personal na kumustahin ang mga tauhan na
naroon.

"Inggit ka?" walang kangiti-ngiting tanong clito ni Daizuke Niwa.

"Medyo. Para ngang na-miss ko bigla ang asawa 1<0," ngumisi pa si Kienlee kay Daizuke.

Sa isang particular na screen ay kitang-kita ang sweet moment ni Mhorric Soliven kasama ang anito ay
girlfriend nito. At base sa nasaksihan nina Daizuke at Kienlee, hindi maikakaila na seryoso ang mga ito sa
isa't isa.

"Ngayon ko lang nakitang ganiyan kasaya si Mhorric simula nang tumuntong siya rito," am Kienlee
mayamaya.

"Hanggangsaan naman kaya angsaya niyang 'yan?"

Bumaling si Kienlee kay Daizuke at may mapaglarong ngiti na sumilay sa labi. "Let's see, Dark."

Dinukot ni Daizuke ang cellphone sa suot nitong pantalon at may tinawagan doon.

"Sino'ng tinatawagan mo?" kunot ang noo na tanong ni Kienlee.

"Si Yahir Martini."

MAGING sa pagkain ng tanghalian ay hindi mapalis ang matamis na ngiti at titigan kina Candy at Mhorric.
Perks of being in real and official relationship.

At katulad ng sinabi kanina ni Mhorric, hindi sila sa Bay View Restaurant kumain ngtanghalian. Nang mga
sandaling iyon ay nasa Savanna's Side sila. Isang high end restaurant sa 100b ng UHB Leisure Club na
nasa North part ng naturang lugar. Nagustuhan niya ang restaurant na iyon dahil literal na malapit sa
tabing dagat. Mas kitang-kita iyon sa veranda ng restaurant. Hindi

katulad sa Bay View Restaurant na abot tanaw lang talaga ang view ng dagat.

"Ang ganda ng dagat," nakangiti pa niyang baling kay Mhorric. "Parang ang sarap languyan. Alam mo
'yong kahit santing ang sikat ng araw, hindi ako matatakot na mangitim."

"Next weekend. Dadalhin kita riyan," pangako pa nito sa kaniya. "For now, titigan mo na lang muna."

"Mag-si-swimming tayo?" n a-excite yata siyang lalo dahil sa sinabi nito.

Tumango ito. "Kung gusto mo."

"Gusto ko," walang gatol niyang tugon.

"Pero 'wag mo ng pangarapin na magsuot diyan ng two-piece swimsuits."


"Baka magbago ang isip ko."

Napatawa siya. "Sige. Pantulog, okay na?"

"Puwede na rin," anito na saka ang ngumiti ulit. "Punta muna ako sa CR," paalam pa ni Mhorric sa kaniya
nang turnayo ito.

"Sige," pagpayag niya.

"Hintayin mo lang ako riyan," anito bago naglakad palayo.

Nang mawala sa paningin ni Candy si Mhorric ay muli niyang ibinalik sa magandang tanawin ang
kaniyang paningin.

HINDI rin naman nagtagal si Mhorric sa Comfort Room dahil ayaw niyang paghintayin si Candy.

Paglabas niya roon ay may pagmamadali pa nang hayunin niya ang ukupado nilang lamesa. Unti-unting
kumunot ang kaniyang noo nang hindi roon makita si Candy. Ganoon pa man ay sinikap niyang kalmahin
ang kaniyang sarili at hinayon ang veranda. Baka naroon lang ito. Pero hindi niya ito roon makita.

Ch-in-eck na rin niya ang CR na pambabae ngunit wala rin ito roon.

Doon na siya nagdesisyon na magtanong sa staff ng Savanna's Side kung nasaan ang kasama niya nang
pumunta siya roon.

"Sir, hindi ko langdin po napansin ang kasama ninyo."

Gusto niyang mapamura dahil sa frustration. Pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Panay ang hinga niya
nang malalim nangsubukan niyang tawagan ang cellphone number ng nobya. Ngunit cannot be reach
iyon.

"Where are you?" anas niya nang humahangos na hinayon ang elevator. Ang saya na nababalot sa
kaniya ay napalitan ng kaba.

Parang gustong sumakit ng ulo niya dahil hindi niya alam kung nasaan nang mga sandaling iyon si Candy.
At bakit bigla na lang itong nawala?

Chapter 60

MULING nasapo ng dalawang kamay ni Mhorric ang kaniyang noo. Kagagaling lang niya sa kinaroroonan
ng Control Room ngunit close iyon para sa outsider dahil may indoor meeting daw na nagaganap sa
100b. At kahit makiusap siya na importante lang ang sadya niya ay hindi pa rin siya pinapasok.

For heaven 's sake, tatlong oras daw on-going ang naturang meeting.
Bumalik din siya kanina sa Savanna's Side para ipa-check ang CCTV footage na nakuhanan sa CCTV na
naroon kanina. Ngunit nang araw na iyon ay under maintenance raw ang mga CCTV na nakakabit sa
buong building. May ikakabit daw na panibagong CCTV camera.

Pakiramdam niya ay mababaliw siya sa mga nangyayari nang mga sandaling iyon. Bakit kung kailan
kailangan niya ng footage mula sa Savanna's Side ay wala naman siyang makuha? Busy rin ang securities
ng naturang club dahil may meeting.

Hindi niya alam kung malas lang ba siya ng mga sandali na iyon o sadyang hindi nakikiayon ang
pagkakataon sa kaniya? Which is which?

"Mhorric!"

Hindi siya gurnalaw o ano pa man mula sa kaniyang kinauupuang bench.

Kung kanina ay abot-langit ang kaniyang saya, bakit ngayon ay biglang binawi?

Wala namang makapagsabi kung sino ang kasama ni Candy nang urnalis ito kanina. lyon ay kung
mayroon man na kasama. Puro hindi raw napansin ang kaniyang nobya.

"Bakit daig mo pa ang natalo sa lotto?" natatawa pang tanong sa kaniya ni Blair.

Parang gusto niyang magalit sa kaibigan kung bakit ngayon lang ito nagpakita sa kaniya. Kung kailan
pakiramdam niya ay bigla siyang pinaglaruan ng UHB Leisure Club na iyon.

Ibinaba niya ang mga kamay at saka lang nagawang balingan ang kaibigan.

"I'm not in the mood, Blair. Bakit ba ngayon ka lang sumulpot?" sita pa niya rito.

"Teka," anito na naupo sa may tabi niya.

"Busy lang. Ano'ng nangyari sa iyo?"

Sa halip na sagutin angtanong nito ay bahagya pang nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "Paano mo
nalaman na narito ako?"

Nang mga sandali kasi na iyon ay nasa may Japanese Garden siya.

"A-ah. Napadaan lang ako. Then, nakita kita.

Alangan namang lampasan lang kita?"

Hindi na siya nangatwiran pa at napapagod

din naman siyang makipagtalo pa. Marahas siyang bumuntong-hininga nang maalala ang pino-problema.
Nagbawi siya ngtingin at itinuon iyon sa malayo.

"Kanina lang, tuwang-tuwa ako sa lugar na ito. Tapos ganito ang mangyayari."
"Ano ba kasi ang nangyari?" muli ay tanong ni Blair sa kaniya.

"Nawawala si Candy at hindi ko alam kung saan siya naroon ngayon. I know, malaki ang kinalaman ng
Leisure Club na ito sa pagkawala niya na para bang bula. Nag-CR lang ako, tapos pagbalik 1<0, wala na
siya sa lamesa na ukupado namin sa Savanna's Side."

Umawang nang bahagya ang bibig ni Blair. Pagkuwan ay lumunok ito. Nakikisimpatya ang tingin nito sa
kaniya. "Seryoso? Daig mo pa ang nasalisihan, ha? Pina-trace mo na ba kung nasaan si Candy?"

"Paano ko pa ba siya mapapa-trace kung pati cellphone niya ay mukhang naka-off? Tapos, hindi pa
maasahan ang security team ng Leisure Club. Bawal maabala dahil nasa indoor meeting. Bawal ang
istorbo. See? Daig pa ang mga kontrabida na magkakakuntsaba. Isama mo na ang Savanna's Side na
under maintenance raw ang mga CCTV na nasa buong building nila. Kahit 'yong nasa labas."

"Ouch. Napakamalas mo yata ngayon,

Mhorric? May balat ka ba sa puwetan mo?"

"Blair, I'm not kidding," walang kangiti-ngiti niyang baling dito. "Nakaka-stress."

Ang saya-saya lang niya kanina. Tapos biglang ganito ang mangyayari. Parang gusto niyang sumigaw.
Pero ngayon, dahil sa sobrang frustration na nararamdaman. Lampas isang oras na niyang hindi nakikita
si Candy. Parang mababaliw siyang lalo kaiisip kung nasaan ba ito nang mga sandaling iyon at kung okay
lang ba

Tinapik nito ang balikat niya. "Come on. Ngayon ka pa na-stress. Parang bago ka nang bago sa lugar na
ito. Hindi ka pa ba nadadala sa mga nangyayari sa paligid mo?"

'"Yon na nga, pero bakit ngayon pa?"

"Baka kailangan mo ng magbaliktad ng damit mo?" natatawa nitong suhistiyon sa kaniya.

"Isa ka pa, Blair."

"Just kidding—

"And I'm not kidding here, Blair. Sa ibang pagkakataon ka na lang magbiro. Please lang, 'wag ngayon.
Kung wala ka rin namang maitutulong sa akin, iwan mo muna ako. Mas gusto ko pang mapag-isa."

"Are you sure? Mas gusto mong solohin ang problema mo na 'yan? Walang kaso sa akin,"

anito na tumayo pa.

Ang sarap lang batuhin ng suot niyang sapatos ang kaibigan niyang ito. Parang hindi totoong kaibigan.

Hindi na lang siya nagsalita pa.


Ilang sandali namang nanatiling nakatayo lang si Blair at tinatantiya ang kaniyang reaksiyon. Pagkuwan
ay napangiti ito.

"Ngayon ko lang nakita na malapit ka ng mabaliw dahil sa isang babae. Lucky girl.

Muli niyang sinulyapan si Blair. "Bakit hindi ka pa umaalis?"

"As far as I can remember, hindi ko naman sinabi na aalis na ako," anito na nag-inat pa nang dalawang
kamay. "Saan kaya masarap kumain ng late lunch?"

Kaysa matuluyan pang mabaliw dahil sa kaibigan niya na pakiramdam niya ay walang kuwenta nang mga
sandaling iyon ay tumayo na rin siya.

"Saan ka?" habol pa ni Blair nang mag-umpisa ng maglakad palayo si Mhorric.

"Hahanapin si Candy," aniya na nagpatuloy maglakad papunta sa kinaroroonan ng kaniyang kotse.

Kung kinakailangan na hanapin niya sa buong sulok ng UHB Leisure Club si Candy, gagawin niya. Tama na
iyong sandaling pag-upo kanina. Walang magagawa ang pagka-frustrate niya. Kaya kailangan niyang
kumilos.

"Tara," ani Blair na umagapay pa sa kaniyang paglalakad at inakbayan pa siya.

"Akala ko ba, kakain ka ng late lunch mo?"

"Later. Baka mamaya ay kung ano pa ang maisipan mong gawin sa sarili mo kapag hindi mo makita ang
rumor girlfriend mo."

"Ano'ng rumor?" aniya na bahagya itong itinulak palayo sa kaniya. "Totoong girlfriend ko si Candy."

"Wow. Sa wakas, madidiligan na rin ang kaibigan kong matagal ng tigang." "Shut up!" he hissed.

Tinawanan langsiya ni Blair.

Chapter 61

"PARANG gusto kong bigyan ng reward ang pagiging ninja ng mga tauhan mo, Dark," nakangisi pang
litanya ng isang lalaki nang madala sa isang pribadong silid na iyon si Candy. Napalunok si Candy
matapos maupo sa silya na pinagdalhan sa kaniya.

Dalawang unipormadong lalaki ang nanakot sa kaniya kanina sa Savanna's Side na may mangyayaring
masama kay Mhorric kapag hindi siya sumama ng maayos. Dahil sa takot na may mangyari nga kay
Mhorric kaya wala siyang nagawa kundi ang surnama. Ayaw rin ng mga iyon na hintayin pa niya si
Mhorric na makalabas sa CR. Parang gusto niyang pagsisihan ang ginawang pagsama sa dalawang lalaki
kanina.
Daig pa niya ang k-in-idnap.

Hindi niya kilala ang tatlong lalaki na naabutan niya sa 100b ng silid na iyon na mga nakaupo sa
pahabang lamesa. Magkakatabi ito. Habang siya ay nasa tapat ng mga ito. Pero nasisiguro niya na mga
kagalang-galang iyon sa lugar na iyon. Base sa hitsura at ayos ng mga iyon, mga hindi basta-basta. Their
gorgeous looks... wala siyang maipintas.

"A-ano ba ang kailangan ninyo? Siguradong hahanapin ako ni Mhorric," hindi niya napigilang ibulalas.
"Baka puwedeng, ibalik na ninyo ako sa Savanna's Side."

"Sorry, Miss. Pero ayaw pa namin. By the way, I'm Kienlee Scott," pakilala ng lalaking nasa gitna. "This is
Jamil Ladjasali," pakilala rin nito sa lalaking nasa kaliwa nito. "And this is Daizuke Niwa, ang nagmamay-
ari nitong buong UHB Leisure Club. At siya ring may pakana kung bakit ka ngayon narito," tukoy nito sa
lalaki sa kanan nito na may magagandang singkit na mga mata. Matang hindi basta-basta kung
makatingin. Hindi agad nakapagsalita si Candy.

siguradong ito iyong isa sa pinasalamatan kanina ni Mhorric sa Bay View Restaurant. Pero ano itong
ginagawa ng mga ito at sapilitan siyang dinala roon? Napalunok na naman siya.

"Ang bilis mo yatang manlaglag?" nakangising baling ni Jamil kay Kienlee.

"Gusto ko lang maging malinaw kay Candy ang lahat. Candy, right?" pagtatama pa ni Kienlee sa kaniyang
pangalan. Tiningnan lang ito ni Candy. "Para naman hindi niya ibunton ang galit niya sa akin kung bakit
ba siya narito ngayon," patuloy ni Kienlee.

Tumikhim si Daizuke Niwa na para bang kay ilap ng ngiti sa seryoso nitong mukha. Ganoon pa man, hindi
rin niya maikakaila kung gaano ito kaguwapo. Tama ang kapatid niya. Kuta nga ng mga guwapong
bilyonaryo ang lugar na iyon.

Lahat ng nasa harapan niya, animo mga Greek God na bumaba sa lupa mula sa kalangitan.

"Forget about Mhorric," deretsang wika sa kaniya ni Daizuke.

lyong paghinga ni Candy, para bang nahirapan siya ng bahagya dahil sa tahasang sinabi na iyon ni
Daizuke. Bigla ay may kirot sa kaniyang puso.

"Dark, baka ma-misinterpret ka ni Candy niyan," saway rito ni Jamil.

"For a while," dugtong ni Daizuke sa sinabi nito kanina. "Balita namin, ikaw ang girlfriend niya ngayon?
Seryoso ba 'yan o baka naman prank lang?"

Lumunok si Candy. "Hindi niyo rin ba ako tanggap para kay Mhorric?" prangka niyang tanongsa mga ito.
"Dahil ba nakarating din sa inyo na kung ikukumpara sa katayuan ni Mhorric, halos hindi kami umabot sa
talampakan niya?" Kumuyom ang dalawa niyang mga kamay dahil sa pagpipigil ng emosyon. "00,
mahirap lang kami. Pero hindi naman sa katayuan lang ng buhay nababase ang nararamdaman ng isang
tao. K-kung ayaw niyo rin sa akin kasi... kasi hindi ako nababagay sa mundong ginagalawan ninyo, wala
namang problema sa akin. Tatanggapin 1<0," aniya na kumibot pa ang labi dahil nasasaktan na naman
siya sa katotohanang iyon. Ang mga mata niya ay nag-uumpisa na namang mag-init. "Kung hindi rin ako
welcome sa lugar na ito, w-wala rin naman akong magagawa. Pasensiya kung nagulo ko 'yong mundo
ninyo," aniya na nagbaba na ng tin gin.

Mahirap nga talagang magmahal ng taong mas angat ang buhay sa iyo. Dahil maraming magiging against
sa inyong relasyon.

"Sandali," kontra ni Daizuke sa mga pinagsasabi niya. "Wala naman akong sinasabi na against kami sa iyo
para kay Mhorric. Gusto ko lang namang malaman kung seryoso ka bang talaga sa kaniya?"

Muli siyang nag-angat ng tingin. Deretso ang tingin niya kay Daizuke Niwa. "Hindi ako mag-aaksaya ng
panahon sa lugar na ito kung hindi ako seryoso sa nararamdaman ko para kay Mhorric. Sinayang ko na
'yong unang chance na binigay sa akin dahil mas pinili kong iwan siya noon. Dahil natatakot pa ako noon
na sumugal na baka sa huli, mabigo lang ako. Masyado kasing matayog si Mhorric. Hindi kami bagay, a-
alam ko naman 'yon, eh. Tanggap ko 'yon"

Nararamdaman na ni Candy ang p t ng kaniyang lalamunan pero tiniis niya. "Pero siguro naman, hindi
masamang sumubok ngayon kung mag-wo-workout ba ang relasyon na parehas naming pinili na
pasukin. A-ayaw ko lang din na may pagsisihan sa huli dahil hindi ko sinubukan. Dahil hindi ako
sumugal."

"Well said," tanging komento ni Daizuke sa kaniyang mga sinabi.

Nagbawi na siya ng tingin.

"Nangangako ka ba na hindi mo sasaktan si Mhorric? Masyado siyang masaya ngayon dahil sa iyo."

Muli siyang napatingin kay Daizuke. Lumunok muna siya para alisin ang tila bara sa kaniyang lalamunan.
"Wala namang dahilan para saktan si Mhorric."

Napatango-tango si Daizuke. "Good to hear that."

"Hindi naman dahil lang tsismoso kami sa relasyon ninyo, ha?" ani Kienlee. "Mhorric is part of our big
family. Deserve rin niyang maging masaya. Dahil sa ilang buwan niyang pananatili rito, ngayon lang
namin nakita kung gaano ka-genuine ang saya sa kaniya. Hindi kami against sa iyo, Candy. Kaya 'wag
mong isipin na ganoon kami sa iyo."

"Seriously, masaya kami na masaya kayo ni Mhorric," ani Jamil.

Saka lang unti-unting kumalma ang pakiramdam ni Candy. Ang luhang namumuo sa sulok ng kaniyang
mga mata ay agad niyang pinahid ng mga kamay niya.

"Baka masakal tayo ni Mhorric kapag nakarating sa kaniya na umiyak si Candy rito?" bulong pa ni Kienlee
kina Jamil at Daizuke.

"Unless, sabihin mo," balewalang tugon ni Daizuke.


Kinuha ni Candy angjuice na nasa kaniyang harapan at ininom iyon. Pakiramdam niya ay nanuyo rin ang
kaniyang lalamunan dahil sa tatlong lalaking ito.

"A-ano ba'ng dahilan at pinadala ninyo ako rito? Siguradong. . . siguradong nag-aalala na si

Mhorric sa akin dahil bigla na lang akong nawala." "Don't mind him. Magkikita rin naman kayo mamaya.
Hayaan mo muna na ma-miss ka niya," ani Jamil.

"Ang saya-saya kasi kanina ni Mhorric," ani Kienlee. "Sa ngayon, gusto lang naming i-hold ng
pansamantala ang saya niya na 'yon. At para na rin makilala ka. Since, isa ka na rin ngayon sa bagong
bahagi ng pamilya namin clito sa UHB Leisure Club."

Hindi mapigilan ni Candy na matigilan sa sinabing iyon ni Kienlee. Dito na rin nanggaling na isa na siya
ngayon sa bahagi ng pamilya ng mga ito sa 100b ng UI-IB Leisure Club. Gusto niyang maging emosyonal
ngunit pinigilan niya. lyong marinig mula sa mga ito na tanggapin siya sa pamilya ng mga ito roon,
napakalaking bagay sa kaniya. Dahil pakiramdam niya, sobrang

outcast niya. lyon pa naman ang ayaw niyang maramdaman. Pakiramdam niya ay lalo siyang nada-down.
Pero ngayon, unti-unti na niyang natatanggap na bahagi na siya ng pamilyang iyon.

"Mhorric is a good man," ani Daizuke mayamaya. "You're lucky for having him. 'Wag mong isipin na
wealth niya ang pinatutungkulan ko sa pagiging masuwerte mo sa kaniya. Hindi ganoon. Kundi 'yong
mismong katauhan niya. I know, you're in good hands. Kaya sana lang kung may dumating na problema
sa future, pag-usapan ninyo ng maayos. Kasi madalas, 'yan ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon
ng malaking misunderstanding ang dalawang couple. Sinasabi ko ito dahil marami ng case na ganito.
Talk. Lahat naman ng problema ay nadadaan sa maayos na usapan."

"Seriously, based on experience 'yan ni Dark," nakangisi pang wika ni Jamil.

"Shut up."

"TSS. Come on, Dark. Totoo naman. Tingin mo ba—"

"Hindi ang past ko ang issue rito. 'Wag mo akong simulan, Jamil," wika naman ni Daizuke.

"00 na. Wala na akong sinabi," natatawang bawi ni Jamil bago binalingang muli si Candy. "Magiging
madalas na ang pagtuntong mo rito,

Candy. Kaya sanayin mo na rin ang sarili mo sa lugar na ito. Hindi mo kailangang mailang. swear, kung
ano ang nakikita mo rito sa 100b ng Leisure Club. Hindi mo basta makikita sa outside world."

Wini-welcome ba siya ng mga ito roon? Habangsi Mhorric ay hinahayaan lang ng mga ito na mabaliw sa
pag-aalala sa kaniya nang mga sandaling iyon. Gusto niyang mapailing sa part na iyon.

"T-thank you. Thank you sa pagtanggap sa akin. A-ahm. Puwede ko na bang puntahan si Mhorric?"
Umiling si Kienlee. "Not yet, Candy. May kailangan ka pang harapin. And speaking of a devil," anito na
humayon angtingin sa pinto. Ganoon din si Jamil at Daizuke.

Huminga muna si Candy nang malalim bago lumingon din.

"Bakit ngayon ka lang?" sita pa ni Daizuke kay Yahir Martini na siyang bagong dating.

Agad na nagbawi si Candy ngtingin. Turniim ang kaniyang labi nang makita ang lalaking iyon.

Hindi niya iyon makakalimutan.

"May inasikaso lang na mas importante pa sa iyo," sa halip ay nakangisi pang wika ni Yahir na hinila ang
isang upuan na nasa tabi niya. "Ano bang meron?" Sandali pang sumulyap si Yahir sa kaniya bago ibinalik
ang tingin sa tatlong co-member nito.

"Terminated ka na sa Leisure Club," walang gatol na wika rito ni Daizuke Niwa.

Unti-unting nabura ang ngisi sa labi ni Yahir. Ganoon na lang ang pagiging seryoso ng guwapo nitong
mukha. "W-what?"

"It's a prank!" ani Kienlee na humagalpak pa ng tawa. "Men, nakikita mo ba ang hitsura mo sa salamin?
Malapit ka ng mamutla."

Napahawak si Yahir sa dibdib nito at animo nakahinga nang maluwag. "Putik naman. Walang biruan ng
ganiyan. 'Di ba nga, clito pa ako magkakaroon ng mga apo? 'Wag naman ninyong sirain ang pangarap
ko."

"Buti naman at may kinatatakutan ka pa rin bukod sa asawa mongsi Nati," ani Daizuke na tumikhim
muna bago nagpatuloy sa agenda nito kay Yahir. "May gusto lang kaming kumpirmahin, Yahir. Alam mo
naman, may pakpak ang balita, makahulugan pang wika ni Daizuke.

"At ano 'yon?" tanong ni Yahir.

"Against ka ba kay Candy para kay Mhorric?" prangkang tanong dito ni Daizuke. Tahimik lang na
nanonood Sina Kienlee at Jamil sa naturang usapan.

Si Candy naman ay may kaba sa dibdib dahil sa tinatakbo ng usapan. Bahagya niyang nakagat ang
ibabang-labi.

"Ako, against kay Mhorric at sa girlfriend niya? Bakit ninyo naman naitanong 'yan?"

"Ang dating daw kasi kanina sa Bay View Restaurant, para bang against ka kay Candy dahil mahirap lang
siya.

"I'm not. Why should l?" ani Yahir na bumaling kay Candy. Bumuntong-hininga pa ito. "Sino ba ako para
maging against sa relasyon

Lihim na napalunok si Candy. Nagbaba lang siya ng tingin.


"Nagtatanong lang naman ako kanina. I'm sorry. I'm sure, na-misunderstood mo 'yon," ani Yahir kay
Candy.

"So," ani Jamil. "Hindi ka tutol sa kanilang dalawa?"

"Of course not," mabilis na tanggi ni Yahir.

"Kung ganoon, curious ka lang din talaga kanina? Kaya parang tunog kontrabida ka sa dalawang legit na
nagmamahalan?" ani Kienlee rito.

Itinaas pa ni Yahir ang dalawa nitong mga kamay. "l swear. Kung sino ang mahalin at magpasaya kay
Mhorric, wala naman akong pakialam pa roon," anito na ibinaba na ang dalawang kamay. "Labas ako
roon. In fact, masaya ako para sa kanila. Lalo na kay Mhorric." Turnango-tango si Kienlee. "Kung
ganoon," anito na bumaling kay Candy. "Hindi mo kailangang isumpa si Yahir."

"S-sandali, ano'ng isumpa? Wala namang ganyanan. Mahal ko ang pamilya ko," kontra pa ni Yahir sa
sinabing iyon ni Kienlee.

"Just kidding," bawl' rin ni Kienlee dahil mukhang naniwala agad si Yahir.

Napatingin si Daizuke sa mamahaling relong pambisig nito. "Time is running," baling nito kina Kienlee at
Jamil. "What's next?"

"Step three," makahulugan pang bulalas ni Kien lee.

"P-puwede ko na bang puntahan si

Mhorric?" agaw niya sa atensiyon ng tatlo.

"Not yet," sabay-sabay pang tutol ng mga ito.

Hindi pa rin? Ano pa ba ang plano ng mga

Step three. .. naalala niyang wika ni Kienlee. At ano ang mayroon sa step three na iyon? Parang sasakit
ang ulo niya.

Ang bawat sandaling lumilipas ay tila ba taon sa sobrang tagal. Napakagaling din naman talaga ngtiming
ng mga ito. Gusto na niyang makita si Mhorric. Pero ayaw naman siyang pakawalan basta ng mga ito.

Chapter 62

NAG-AAGAW na ang dilim sa kalangitan nang mga sandaling iyon. Ngunit hanggang ng mga oras na iyon,
pakiramdam ni Mhorric ay walang silbi ang lahat. Lalo ang securities ng UHB Leisure Club na noon ay isa
sa numero uno niyang hinahanggan sa lugar na iyon. Tapos ngayon naman na siya na ang may kailangan
sa mga iyon, hindi siya magawang tulungan. Hindi raw ma-locate kung nasaan si Candy.
At nang sabihin nga kanina ng isa sa head ng security na mukhang wala na sa UHB Leisure Club si Candy
ay gusto niyang bigwasan ang mukha niyon. Pinigilan lang siya ng kaibigangsi Blair.

"Hindi ka ba nagugutom? Kahit meryenda, hindi ka kumain kanina," ani Blair nang balingan nito si
Mhorric.

Hindi niya inalis angtingin sa kalangitan. "Paano ba ako makakakain kung hanggang ngayon ay wala si
Candy?" Tumiim ang labi niya nang maramdaman ang unti-unting pag-iinit ng kaniyang mga mata. Na-
mi-miss na niya ang kaniyang nobya at gusto na niya itong makita.

Hindi niya alam kung ano ang eksaktong nangyari kanina kung bakit bigla na lamang itong nawala.

"Sa pagkakaalam 1<0, wala namang

Tikbalang sa lugar na ito. Pero bakit daig ko pa ang napaglalaruan ng Tikbalang?" hindi niya napigilang
ibulalas.

Ganoon na lang angtawa ni Blair sa kaniyang sinabi. "Sabi ko naman sa iyo kanina na baliktarin mo na
angdamit mo." Pumikit siya at marahas na bumuntong-hininga. Pagkuwan ay muling nagmulat at
binalingan ang kaibigangsi Blair. Nang mga sandaling iyon ay nasa may Lake Side Restaurant sila. Si Blair
lang ang kumain doon. Siya naman ay walang kagana-gana dahil sa nangyayari.

"Naniniwala ako na narito pa rin sa 100b ng Leisure Club si Candy. Ang tanong lang, kung saan siya
naroon ngayon at sino ang may pakana kung bakit siya nawala na lang bigla?"

Sumeryoso naman ang mukha ni Blair. "Pero hindi pa rin natin malaman kung nasaan siya."

"Dahil hindi nakikipagtulungan ng maayos ang mga securities ng Club," mariin niyang wika.

Nagkibit ito ng balikat. "Baka naman nagkataon lang talaga

"Mas mukhang nananadya sila," aniya na ibinaling ang tingin sa may kaliitang lake.

"Who knows?"

"God knows," sansala niya.

Nang mag-ring ang cellphone ni Blair ay agad nito iyong sinagot. "Yes? Ah. 00. Sige. Pupunta na. Baka
ako lang. Mukhang wala sa mood si Mhorric. Hmmm. Sure. Bye."

"Sino'ng kausap mo?" baling niya rito.

"Si Wayne. 'Di ba, nakapagbitiw ako ng salita noon na sagot ko ang dinner ng lahat clito sa Leisure Club
kapag may nakasama kang babae na pumunta rito? Well, mukhang kailangan kong seryosohin ngayon.
Naniningil na ang mga napangakuan ko."

"Nakita mo ba na may kasama akong babae ngayon? Ni hindi mo nga nakita na kasama ko si Candy."
"Pero nakita ng marami kanina na magkasama kayo. So, deal is a deal," katwiran pa rin ni Blair. Tumayo
na ito. "l need to go. Kung ayaw mong sumama sa Club House, ikaw ang bahala. Pero kung sasama ka
naman... kaso mas mukhang gusto mong mapag-isa ngayon, desisyon mo 'yan."

Hindi siya nagkomento.

Sa halip ay muli siyang nag-dial sa kaniyang cellphone para tawagan ang numero ni Candy. Ngunit,
cannot be reach pa rin iyon.

"Mhorric, pang-isang libong beses mo na yatang tinatawagan ang number ni Candy."

"Akala ko ba, aalis ka na?" aniya sa kaibigan bago turn ayo.

"Hinihintay lang kita, baka magbago ang isip mo at surnama ka papunta sa Club House."

"Pumunta ka na sa gusto mong puntahan." Naglakad na si Mhorric at nilampasan si Blair na agad


humabol sa kaniya.

"Saan ka pupunta?"

"Sa Savanna's Side, baka bumalik doon si Candy," aniya na hinayon ang kinaroroonan ng kaniyang kotse.

"Baka mag-close na lang ang restaurant na 'yon ay hindi pa roon magpakita ang hinihintay mo."

"Mas okay na 'yong maghintay sa wala roon ."

Nang makalapit siya sa kaniyang sasakyan, akmang bubuksan niya ang pinto sa may driver side ng
mabilis siyang pinigilan ni Blair.

"Mhorric, tumawag ka na lang sa Savanna's

Side na tawagan ka kapag naligaw roon si Candy."

Inalis niya ang kamay nito sa may pinto.

"Blair, naibilin ko na 'yon kanina pa. At hanggang ngayon nga, maggagabi na lamang ay wala pa rin silang
itinatawag sa akin. Tingin mo, natutuwa ako sa nangyayari?" aniya na umiling-iling. "No," mariin niyang
wika. "Gustong-gusto ko ng makita si Candy."

Nang lumarawan ang sakit sa mukha niya ay

hindi agad nakapagsalita si Blair. Mayamaya ay bumuntong-hininga ito. Pagkuwan ay tinapik siya sa
balikat.

"Mhorric, I'm sure, gusto ka na ring makita ng girlfriend mo." Bumuntong-hininga ito. "llang oras pa lang
kayong hindi nagkikita, daig mo pa ang bibitayin
"Hindi mo kasi naiintindihan," aniya na tuluyan ng binuksan ang kaniyang kotse at sumakay sa 100b
niyon. Hindi na niya hinintay pang magsalita si Blair nang pasibarin na niya ang kaniyang kotse palayo sa
lugar na iyon.

Kung sana ay alam lang niya kung nasaan si Candy, hindi siya magiging ganito. Pero ni hindi niya alam
kung nasaan ito o kumusta na ito? Kaya sobra siyang nag-aalala para dito.

Isang lugar lang ang gusto niyang puntahan, ang Savanna's Side.

Pero palapit pa lang siya sa naturang lugar ay kita niya na nakapatay ang lahat ng ilaw sa Savanna's Side.
Close na ba agad iyon?

Nakumpirma niya ang hinala nang makita ang signage sa labas ng restaurant na close iyon. Dahil nasa
Club House ang may-ari.

Marahas siyangnapabuntong-hininga. Bahagya pa niyang napukpok ang pinto ng Savanna's Side.

Bakit pakiramdam niya ay literal na mag-isa lang siya nang mga sandaling iyon sa mundo?

Ganoon ang nararamdaman niya. Dati naman, wala siyang pakialam sa ganoon. Pero ngayon. . . hindi na.

Napalunok siya. Ngunit nanakit lang ang kaniyanglalamunan.

Candy, nasaan ka ba? Bakit bigla ka na lang nawala? Okay naman tayo...

Huminga siya nang malalim bago ipinasya ng umalis doon. Saan naman siya ngayon pupunta?

Agad niyang kinusot ang kaniyang mga mata na nag-iinit na naman ang bawat sulok.

Nang muli siyang makasakay sa kaniyang kotse ay tulala lang siya nang ilang sandali. Gusto niyang mag-
isip ng maayos. Pero hayon, para bang pati utak niya ay hirap ngayong mag-function.

Napakurap-kurap lang siya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nang tingnan niya ang screen niyon
ay nakita niyang si Blair ang turnatawag. Hindi niya iyon pinansin.

In-start na niya ang makina ng kaniyang kotse at muli iyong pinasibad. Halos i-full speed pa niya ang
pagpapatakbo roon. Daig pa niya ang nakikipaghabulan kay Karnatayan. Bumagal lang ang kaniyang
pagmamaneho nang makalabas sa Dark Zone.

Bahagya pa niyang habol ang kaniyang paghinga kahit nakaupo lang naman siya at hindi

turnakbo garnit ang mga paa.

Nang muling tumunog ang kaniyang cellphone ay pangalan naman ni Yahir ang nakita niyang naka-
register sa screen niyon.
Ika-cancel sana niya ang naturang tawag, pero ang nalapatan ng kaniyan daliri ay ang answer call. Wala
na siyang nagawa kundi ang sagutin angtawag na iyon. Inihinto muna niya sa gilid ng kalsada ang
kaniyang kotse.

"Ano'ng kailangan mo?" walang ligoy na tanong niya kay Yahir. "Kung nonsense, please, wala ako sa
mood na makipag-usap kahit na kanino."

"Hey! Can you please calm down for a second? Masyado kang high blood."

"Yahir, ayaw kong makipag-plastic-an. Cut the crap."

"Mhorric, iniisip mo pa rin ba 'yong nangyari kaninang umaga sa Bay View Restaurant? Come on, men.
Hindi mo kailangang gawing big deal or tingnan sa pangit na part. I'm just asking lang naman. Hindi ibig
sabihin ay ayaw ko sa girlfriend mo para sa iyo. Geez! Kayo ang magsasama at hindi kami. You are lucky
for having someone na mahal ka hindi dahil sa kung ano ang mayroon ka. As far as I can see, mabait
naman ang girlfriend mo."

"Hindi pa nga nag-iinit ang puwetan mo kanina sa Bay View Restaurant nang makita mo

siya, paano mo masasabi na mabait siya. Ni hindi mo nga siya nakausap."

"Sino'ng may sabi? Katatapos lang naming mag-usap kanina."

"A-anong sabi mo?"

Tama ba ang narinig niya? Katatapos lang mag-usap ni Candy at Yahir kanina? Nakita ba nito ang nobya
niya? Bigla ay nabuhayan siya ng 100b.

"Nagkita ba kayo ni Candy? Nasaan siya?"

"Mhorric—"

"Where are you?" mariin niyang tanong.

"Nasaan ba ang lahat ngayon?" makahulugan nitong tanong.

Ang Club House agad ang kaniyang naisip. Napalunok siya. "Nariyan din ba sa Club House ngayon si
Candy?"

"Wala."

"Sigurado ka?"

"00."

Lumunok siya nang pakiramdam niya ay nanunuyo na ang kaniyang lalamunan.

"Sumunod ka na rito."
"Bakit pa ako susunod kung wala naman diyan si Candy?"

"Mhorric, narito ang lahat, maliban sa iyo. Ikaw, bahala ka kung ayaw mong pumunta. Libre pa naman ni
Blair ang dinner party ngayon." "Kaya ko ring magpa-dinner party, Yahir," mariin niyang wika rito.

'"Wag ka ngang KJ."

"Hindi ako KJ, may pinagdadaanan ako ngayon at wala namang gustong tumulong sa akin. Then, fine.
Kung ayaw ninyo, 'di 'wag."

"Pumunta ka na rito," ani Yahir bago pinutol angtawag na iyon.

Inihagis lang niya sa may passenger seat ang kaniyang cellphone bago nagpatuloy sa pagda-drive. Sa huli
ay wala rin siyang nagawa kundi ang pumunta sa Club House. Doon siya dinala ng kaniyang pag-da-drive.

Pagka-park ng kaniyang kotse sa may parking lot ay agad niyang hinayon ang main entrance ng Club
House. Hindi niya magawang magmadali sa paglalakad dahil nanghihina ang pakiramdam niya. Kumbaga
sa battery life ng isang cellphone ay malapit na siyang ma-low bat.

Nasa mismong tapat na siya ng main entrance sa may lobby ng Club House nang mapahinto siya sa
paglalakad.

May kadiliman kasi sa 100b. Sa 100b ng walong buwan na pabalik-balik niya sa UHB Leisure Club ay
ngayon lang niya nakita na medyo madilim sa lugar na iyon. Nagtitipid ba ng kuryente si Daizuke Niwa?
Pero imposible naman dahil may sariling Solar Street na tinatawag ang lugar na iyon kung saan naroon
ang napakaraming solar panel. Doon kumukuha ng kuryente ang buong UH B Leisure Club.

Huminga muna siya nang malalim bago ipinasyang magpatuloy sa paglalakad. lisang lugar lang ang
hinahayon niya. Kung saan alam niya na naroon ang mga co-member niya nang mga sandaling iyon.

Pero nang marating naman niya iyon ay para bang wala namang ibang espesyal nang mga sandaling iyon
bukod sa pagiging taya ni Blair sa dinner party na iyon. Nang makita siya ng kaibigan niyang si Blair ay
agad siya nitong nilapitan at dinala sa may bandang unahan kung saan naroon din Sina Daizuke Niwa at
ang mga kaibigan nito.

"Hahanap na lang ako ng ibang upuan," aniya sa kaibigan.

"Dito ka na maupo," anito na naupo sa may kalapit niya para siguraduhin na hindi siya makakaalis.

Mukhang ka-uumpisa lang ng mga itong kumain. May mga pagkain na kasi sa lamesang iyon. At dahil
wala siyang pagkain na nakahain doon kaya may tinawag si Blair na isang waiter. Nagpapahatid ng
pagkain para sa kaniya.

"Galing ka sa Savanna's Side pero sarado?" baling sa kaniya ni Blair.

"Narito ang may-ari," tipid niyang sagot na kinuha ang isang basong tubig at ininom.
Napangalahati niya iyon. Wala siyang pakialam sa paligid. Kaya hindi rin niya pansin na nasa kaniya ang
atensiyon nina Daizuke.

"May special menu kami para sa iyo," nangingiti pang wika ni Kienlee.

Tahimik lang siya.

Hindi nagtagal ay may lumapit na food cart sa may tabi niya at buong ingat na inilagay doon ang pagkain
na maytaklob pa. Nang alisin ang stainless na panaklob ay bumulaga sa kaniya ang Sinigang na Hipon na
nakalagay sa isang may kalakihang serving bowl.

Nangtingnan niya ang ibang pagkain na naroon ay kakaiba nga kaysa sa kaniya. Lihim siyang napalunok
dahil mas nakaramdam pa siya ng gutom nang makita ang pagkain na iyon kaysa sa ibang pagkain na
naka-serve sa mga kaibigan niya.

Hindi niya napigilan ang sarili na tikman iyon. Huling kain pa niya ng Sinigang ay sa bahay pa nina Candy.
Sandali pa siyang napapikit dahil sa sarap niyon. Tamang-tama lang ang asim para sa kaniya. Why it feels
like home?

"Kumain ka na," ani Blair sa kaniya.

Hindi na niya pinansin pa ang kaibigan at pinagbigyan na rin angsarili na bigla ay nakaramdam ng gutom.
Nagpatuloy na rin sa pagkain ang mga kasamahan niya.

Matapos nga niyon ay nagsalita pa si Jamil.

"Masarap ba, Mhorric?"

Pagkapahid ng table napkin sa kaniyang bibig ay saka niya ito binalingan. "Sobra."

"Baka gusto mong purihin ang nagluto niyan? Sobrang special pa naman niyan."

"Sigurado naman na makita pa lang ng nagluto nito na naubos ko ang niluto niya ay matutuwa na siya,"
katwiran pa niya.

"Are you sure? Ayaw mong mag-thank you man lang? Mukha namang nabusog ka."

"Ang mabuti pa, tawagin na lang natin," ani Kienlee na may tinawagan pa sa cellphone nito.

Si Mhorric naman ay walang pakialam nang mga sandaling iyon. Basta ang alam lang niya ay busog na
siya. Ang gusto na lang niya ngayon ay ang makita si Candy.

"Miss Chef, sobrang nagustuhan ni Mhorric ang niluto mo. Mukhang gusto pa nga ng extra rice, nahihiya
lang magsabi," nag-thumbs up pa si Jamil habang nakangisi.

Nang sulyapan ni Mhorric si Jamil ay deretso lang ang tingin nito sa may bandang likuran niya.
Mukhang naroon ang chef na tinutukoy ni Jamil. Napilitan siyang magbaling doon ngtingin para lamang
mapatayo sa nakita.

lyong malapad na ngiti agad ni Candy ang burnungad sa kaniya. Bigla ay hindi niya maipaliwanag ang
tuwa na siyang

nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Napalunok siya. Kumurap pa nga siya ng ilang beses para
lamang masigurado na hindi ito mawawala sa kaniyang paningin.

Hindi na niya hinintay pa na makalapit sa kaniya si Candy dahil inilang hakbang lang niya ang pagitan nila
bago ito mahigpit na niyakap. Bigla ay nawalan siya ng pakialam sa buong paligid. Si Candy lang ang
mahalaga sa kaniya nang mga sandaling iyon.

"Kanina pa kita hinahanap," pigil ang emosyon na wika niya rito.

"l miss you," sa halip ay emosyonal na wika ni Candy na gumanti nang mahigpit na yakap sa kaniya.

Ramdam na ramdam ni Mhorric sa yakap na iyon ni Candy kung gaano siya nitong na-miss.

Hindi maikakaila.

"Ang higpit ng mga yakap," wika pa ni Wayne sa katabing si Daizuke. "Mukhang may mararating ang
dalawang 'yan mamaya. Miss na miss ang isa't isa, eh," natatawa pa nitong dagdag.

"Maghanda ka na ng couple ring," nakangisi pang wika ni Kienlee kay Daizuke.

"Okay. Charge ko sa inyo," sagot ni Daizuke na binalingan si Jamil. "Step four," makahulugan pa nitong
wika sa kaibigan.

Chapter 63

"EHEM," eksaherado pang turnikhim si Blair na nakaupo pa rin sa kinauupuan nito.

Kung maaari lang ay aayaw ng burnitiw ni Mhorric sa nobya para lang masigurado na hindi na ulit ito
mawawala sa kaniyang paningin at sa kaniyang tabi. Pero may mga kailangan pa siyang harapin na
mukhang may kinalaman sa pagkawala ni Candy kanina.

Hinalikan pa niya ang nobya sa may buhok nito bago kumalas ng yakap dito. Pero ang isa niyang kamay
ay agad na humapit sa baywang nito. Naninigurado na hindi ito mawawala.

Pagkuwan ay pumihit paharap sa lamesa na kaniyang kinainan kani-kanina lang.

"Sino'ng promotor nito?" walang kangiti-ngiti niyang tanong sa mga kasama niya sa pabilog na lamesa.

lisa lang ang hinayon ng tingin ng mga ito.


Lahat ay kay Daizuke Niwa na dereksiyon.

"May problema ba tayo, Mhorric?" tila ba kaswal lang na tanong pa sa kaniya ni Daizuke.

"Mhorric," mahina pang tawag ni Candy sa kaniyang pangalan. Sapat lang upang marinig niya. Para bang
sinasaway siya.

"Hindi ko alam kung bakit ginawa ninyo ito.

Hindi nakakatuwa."

Maghapon siyang na-stress kahahanap sa nobya niya. Tapos ang ending, alam ng mga ito kung nasaan si
Candy. Pero walang tumulong sa kaniya. At ngayon niya mas na-realize na siguradong pakana rin ni
Daizuke kung bakit hindi siya magawang tulungan ng mga securities sa 100b ng UHB Leisure Club. Kaya
ang claming alibi.

"Alam mo rin ito, Blair?" baling pa niya sa kaniyangkaibigan.

"Ang alam ko lang ay sagot ko ang mga pagkain dito," playing safe pa na sagot ni Blair. "At isa pa, kanina
pa tayo magkasama. Kahihiwalay lang natin kanina."

Hindi kumbinsido si Mhorric sa sagot nito.

"Mhorric, chill ka lang," ani Jamil.

"Alalahanin mo, nasarapan ka sa nilutong Sinigang na Hipon ni Candy," ngumisi pa ito sa kaniya. "Bigyan
mo naman ng reward ang girlfriend mo. Hindi lahat ng babae, magaling sa kusina."

Mula kay Jamil ay lumipat ang tingin niya kay Candy. Saka lang ulit niya naalala ang kinain kanina na
kahit pakiramdam niya noong una ay wala siyang kagana-gana. Ngunit nang makita niya ang naturang
pagkain ay bigla siyang nakaramdam ng gutom.

"lkaw ang nagluto noon?"

Tumango si Candy. Pagkuwan ay ngumiti.

"Naubos mo talaga?"

Turnango siya. Ipinakita pa niya ang kaniyang pinagkainan. "Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan
ay kung bakit bigla kang nawala kanina. May ginawa ba sila sa iyo? Just tell me," mariin niyang wika rito.

"Wala," assurance ni Candy sa kaniya. "I'm fine. Mukhang gusto lang akong makilala ng mga namumuno
rito sa UHB Leisure Club."

"Pinagluto ka pa nila. Alam mo naman na

"Mhorric," agad na pigil ni Candy sa kaniyang pagsasalita. "Ginusto kong ipagluto ka. 'Yon lang naman
ang alam konggawin. Hindi mo kailangang magalit sa kanila. Promise. Okay lang ako. At walang pilitang
nangyari sa pagluluto. Kaya ka nga nasarapan sa luto ko dahil bukal sa puso ko ang ipagluto ka. Idagdag
pa na sobrang na-miss kita," ani Candy na bahagyang nagbaba ngtingin. Mukhang nailangsa pag-amin na
iyon.

Pasalamat ang mga naroon at sobrang mahal niya ang babaeng nasa harapan niya ngayon. Pinigilan na
niya ang sarili na makapagsalita pa ng kung ano-ano.

"Mhorric, para kang bago nang bago sa mga inlababo na kagaya mo. Walang exemption. Lahat
nakakatikim ng kamandag ni Dark," ani Kirst sa kabilang lamesa na grabe rin ang naging sakripisyo noon
para sa minamahal nito.

Huminga siya nang malalim. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Nangyari na. Lumipas na ang maghapon
na wala siyang ibang ginawa kundi ang halos mabaliw-baliw kahahanap at kaiisip kay Candy.

"Mukha namangtuwang-tuwa kayo na makita akong parang tanga kanina. Sana masarap angtulog ninyo
mamaya," aniya na iginiya na si Candy palabas sa lugar na iyon at hindi na pinansin pa ang pagtawag ng
mga ito sa kaniya.

Isa lang ang gusto niya nang mga sandaling iyon, ang makalayo muna sa lugar na iyon. Gusto niya ng
peace of mind.

"Uuwi na tayo," baling niya kay Candy.

"lkaw ang bahala, Mhorric," anito sa kaniya.

Ngunit paglabas nila sa pinto ng bulwagang iyon ay natigilan pa silang parehas dahil may mga security
guard na nakaharang sa labas.

"Paraanin ninyo kami," utos niya sa mga ito.

"Bawal pa po kayong lumabas, Sir Mhorric. Utos po ni Boss," anang pinaka-head ng naturang securities.

Hindi mapigilan ang pagsasalubong ng mga kilay ni Mhorric. "Kanina, hindi kayo maasahan. Tapos
ngayon, pipigilan niyo pa kami sa pag-alis?

Paraanin ninyo kami dahil uuwi na kami ng

girlfriend 1<0."

"I'm sorry, Sir Mhorric. Kay Boss pa rin kami makikinig."

Parang mauubusan siya ng pasensiya kung hindi pa siya hihilahin ni Candy palayo roon.

Pumunta pa ito sa harapan niya.

"Mhorric, 'wag mong pairalin ang init ng ulo mo sa kanila," ani Candy na hinawakan ang dalawa niyang
mga kamay. "Kalmahan mo lang." "Candy, kung alam mo lang ang ginawa nila sa akin kanina—"
"Siguro, sumusunod lang sila sa utos ng nakatataas sa kanila. Mhorric, please, kalma." Magsasalita sana
siya nang lapitan sila ni Kienlee Scott. Kasama nito si Keigo Mori.

"The party is not yet over, Mhorric.

Magkasama na kayo ni Candy, bakit hindi mo pa sulitin dito?" ani Keigo sa kaniya.

"Keigo," aniya rito. "Susulitin ko talaga na makasama ulit si Candy, pero hindi sa lugar na ito."

"Napaka-basic ng nangyari sa iyo ngayong araw, Mhorric," wika naman ni Kienlee. "Kumpara sa isang
taon na paghihintay mo kay Candy. Come on. Hindi ka na nasanay sa lugar na ito. Tingin mo ba, papayag
na lang basta si Dark na aalis kayo ni Candy?" Umiling ito. "No. Kaya kung ayaw mong mapaaway sa mga
securities sa labas,

'wag mo ng pilitin. Baka ma-turn off sa iyo si Candy niyan?"

"Hindi mangyayari 'yon," mariin niyang kontra sa sinabi nito.

"Hindi ka sure. At isa pa, wala ka pang pinanghahawakan sa girlfriend mo. Tingin mo ba, sapat na 'yong
mahal niyo lang ang isa't isa? Asan ang assurance?" Ngumiti pa ng makahulugan si Kienlee. "Burnalik na
kayo sa unahan." lyon lang at magkasabay na si Kienlee at Keigo na naglakad pabalik sa kinaroroonan ng
table ng mga ito.

"Tingin mo ba, sapat na 'yong mahal niyo lang ang isa't isa ? Asan ang assurance ?"

Marahas siyang bumuntong-hininga dahil sa alalahanin na iyon.

"Maaga pa naman, tara muna roon," ani Candy sa kaniya na hinila na siya sa kamay kaya wala na rin
siyang nagawa pa kung hindi ang magpatianod sa kaniyang nobya. Kahit na ang totoo ay gusto na niyang
urnuwi sila.

Para kay Mhorric, na unang beses na napagkaisahan sa 100b ng UHB Leisure Club, hindi biro ang
ginawang iyon sa kaniya ng kaniyang mga kasamahan. Daig pa tuloy niya ang nagkaroon ngtrauma. To
the point na ayaw na niyangdalhin ulit doon si Candy dahil sa nangyari. Tipong noong una na excited pa
siya na dalhin doon ang kaniyang nobya. Tapos ang ending, may plano rin palang iba sa kanila si

Daizuke. Hindi niya akalain na maiisahan din siya ng tusong may-ari ng lugar na iyon. Kung kailan hindi
niya napaghandaan.

Kung maaari lang ibalik ang oras, hindi na sana siya pumunta sa CR. Para bang kumuha lang talaga ang
mga ito ng tiyempo para malingat siya. Napakabilis lang din ng pangyayari dahil hindi naman siya
nagtagal ng husto sa CR kanina.

Ngayon, isa lang ang sigurado niya, marami silang pag-uusapan ni Candy mamaya pag-uwl nila.

Writer
Jonquil

First of all, I'm sorry kung may time na sobrang ikli ng update nitong nakaraan. Dahil po namatayan po
ako ng biyanan. Kaya po ganoon lang ang kaya kong update. And this is the last one.

Muli po tayong magkita-kita sa OCTOBER 01

Chapter 64

MAGKATABI na Sina Mhorric at Candy nang maupo sa lamesang ukupado ng mga kaibigan ni Mhorric.

Masaya si Candy dahil magkasama na silang muli ni Mhorric. Matapos ang literal na maghapon nilang
pagkakahiwalay ng landas. Kung hindi dahil sa katusuan ni Daizuke Niwa, hindi naman siya mapapalayo
kanina kay Mhorric.

Nagulat pa si Candy nang malaman na alam din ng mga ito na marunong siyang magluto. At dahil sa laki
ng impluwensiya nina Daizuke Niwa sa bansa, kaya naman isang pitik lang ng mga daliri ng mga ito ay
instant na nakuha ang background information niya. Kaya pakiramdam niya ay wala siyang maitago sa
mga ito.

Binigyan pa siya ng kundisyon ni Daizuke na kailangan niyang mamili kung ano ang gagawin niya para
makita ang kaniyang nobyo na si Mhorric. At dahil pagluluto lang naman ang kaya niya kaya iyon ang
kaniyang pinili. Kahit madali lang lutuin ang Sinigang na Hipon ay sobrang pinag-effort-an niya iyon para
sa binata.

Humigpit ang kapit ni Candy sa kamay ni Mhorric nang muting makahalubilo ang mga kaibigan nito.
Napasulyap sa kaniya si Mhorric.

"Kung hindi ka kumportable rito, handa akong makipagsuntukan sa labas para lang makaalis na tayo
rito," seryoso pang wika ni Mhorric kay Candy.

"Hindi ka makikipag-away," saway niya rito. "Mukhang hindi nila agad tayo paaalisin. Tiis muna.
Hmmm?"

Huminga muna nang malalim si Mhorric bago muling nagsalita. "Okay. Kung 'yon ang gusto mo. Sandali,
kumain ka na ba?" Umilingsiya.

"Bakit hindi mo agad sinabi?" Animo nagpipigil ng galit si Mhorric nang balingan ang mga kaibigan.
"Bakit ginugutom ninyo si Candy?" sita pa nito sa mga naroon.

"Busog pa ang pakiramdam ko kanina," aniya sa nobyo para lamang kumalma ito. lyon naman ang totoo.

"Mhorric, 'wag kang mag-alala. Nagrereklamo ka pa lang, parating na ang pagkain ng girlfriend mo," ani
Jamil na ngumiti pa nang matamis sa binata. "You're welcome," wika pa nito kay Mhorric.
Akmang magsasalita pa nga langsi Mhorric nang bigla namang may dumating na waiter na siyang
naglagay ng pagkain sa harapan ni Candy. Lihim pa siyang napalunok nang makita ang pagkain niya sa
kaniyang Plato. Beef steak iyon na tingin pa lang ay kay sarap na.

"Candy, kumain ka muna," wika pa ni Kienlee na noong sulyapan ni Candy ay ngumiti pa sa dalaga.

"Sige na, kumain ka na muna," segunda rin ni Mhorric sa mababang tinig.

Tiningnan niya si Mhorric. "Ikaw?"

"Nabusog na ako sa niluto mo. Thank you," anito habang matamang nakatingin sa kaniya.

Nginitian niya ito bago itinuon angtingin sa kaniyang pagkain. Hindi na rin siya nangimi pa na kainin ang
pagkaing nakahain sa kaniyang harapan habang animo may sarili ng mundo ang mga kasama nila ni
Mhorric sa lamesa na iyon. Si Mhorric naman ay kinausap din ng kaibigan nitongsi Blair na noon lang
muli nakita ni Candy makalipas ang isang taon. Isang sulyap lang clito kanina ay nakilala agad niya iyon.
lyon ang kaibigan nito na tanging dumalaw rito noong may sakit ito.

Paano ba niya itong makakalimutan kung mukhang pinagselosan ito noon ni Mhorric?

Pakiramdam ni Candy, sa isang iglap ay naging back to normal ang lahat. Kaswal na rin kung makipag-
usap si Mhorric. Mukhang kinakalma na rin talaga angsarili na kanina ay para bang sasabog na lamang.

Habang kumakain siya ay panaka-naka ang pagsulyap sa kaniya ni Mhorric. Mukhang ina-assure na okay
lang siya.

Matapos niyang kumain ay nagpaalam pa siya kay Mhorric na gusto niyang pumunta sa CR.

"I'll go with you," agad na wika ni Mhorric sa kaniya. Nang magsitinginan kay Mhorric ang mga kasama
nila sa lamesa ay muli itong nagsalita. "Nawalan na ako ngtiwala sa mga kasama natin dito. Mamaya,
bigla ka na namang itago," anito na turnayo na para alalayan si Candy sa pagtayo nito.

Hindi na lang kumontra pa si Candy.

"May CR clito sa 100b ng pavilion, hindi niyo kailangang maghanap ngCR sa labas, ha? Hindi kayo
makakalusot sa mga security," paalala pa ni Keigo sa kanila.

Hindi nagkomento si Mhorric sa sinabing iyon ng kaibigan nito. At nang medyo makalayo sila sa mga iyon
ay hindi nakalampas sa matalas na pakiramdam ni Candy ang paghinga nang maluwag ni Mhorric.

"Okay ka na ba?" baling niya rito.

Tumango ito. "Mas okay na ako ngayon.

Kasama na kita."

Muling surnilay ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa sinabi nito. Ramdam na ramdam niya na na-miss siya
nito.
Nang makarating sa may CR ay agad na nagbawas ng panubigan si Candy. Kanina pa siyang hindi
nagbabanyo kaya naman nakaramdam agad siya ng tawag ng kalikasan.

Hindi na rin naman siya nagtagal pa dahil ayaw niyang paghintayin si Mhorric sa labas.

Pagkahugas niya ng kamay ay agad na rin siyang lumabas ng CR.

"Tara na?"

"Just a moment," ani Mhorric na iginiya siyang muli papasok sa 100b ng CR.

Napakurap-kurap pa si Candy nang i-lock pa ni Mhorric ang pinto sa CR. Gusto sana niyang magtanong
kung bakit nito ni-lock ang pinto. Ngunit nang magsalubong ang kanilang mga paningin ay tila ba dagling
naglaho ang tanong na iyon sa kaniya at nagkaunawaan ang kanilang mga puso't damdamin.

Kaya naman nang tawirin ni Mhorric ang natitirang pagitan sa kanilang dalawa ay awtomatiko rin ang
pagpikit ng kaniyang mga mata nang bumaba ang mukha nito palapit sa kaniya. Hinintay niya ang
paglalapat ng kanilang mga labi. At nang maramdaman niya ang paglapat ng malambot nitong labi sa
kaniya ay dagli ang pananayo ng kaniyang mga balahibo sa buong katawan. Halos marinig na rin niya ang
malakas na kabog sa kaniyang dibdib.

Humapit ang kamay ni Mhorric sa kaniyang baywang nang palalimin pa nito ang halik na pinagsasaluhan
nila nang mga sandaling iyon na buong alab din niyang tinutugon. Maging siya ay ayaw na maputol agad
iyon.

Mukhang hindi na ito makapaghintay pa na makauwi sila sa bahay nito. Kaya naman doon pa lang ay
sinamantala na ang pagkakataong masolo siya. In a way na mas mapaparamdam nito sa kaniya ang kung
ano mang nararamdaman nito nang mga sandaling iyon.

Yumakap ang mga kamay ni Candy sa batok ni Mhorric. Kahit yata pagkakatukin sila roon ay hindi
matitinag maging si Mhorric na ramdam na ramdam ni Candy ang pagka-miss sa kaniya sa paraan ng
paghalik nito sa kaniya.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay kapwa habol pa nila ang kanilang paghinga.

"B-baka hanapin nila tayo?" hindi niya napigilang itanong.

"Don't mind them. Matapos nila akong pahirapan sa 100b ng maghapon, tingin mo ba, may lakas sila ng
100b na gambalain tayo rito?

Kung myaroon man, wala akong pakialam."

Muli siyang hinapit ni Mhorric palapit dito.

"Sobrang na-miss kita. Alam mo ba 'yon?" madamdaming wika ni Mhorric habang deretso ang tingin sa
kaniyang mga mata.
"Miss na miss din kita, Mhorric. Gusto na kitang balikan kanina, pero hindi naman agad sila pumayag,"
aniya na inihilig ang pingi sa may dibdib nito. "Kung puwede lang tumakas kanina. Kaso, may mga body
guard silang kasama. I'm sorry. Kung ako lang, ayaw kitang pag-alalahanin.

Pero ang lalakas ngtrip nila dahil hindi man lang sila naaawa sa iyo. Dahil sigurado ako na hinahanap mo
ako." Mariin siyang pumikit.

"Sshh. Wala na rin naman tayong magagawa pa. Nangyari na at hindi na maibabalik pa. Siguro nga hindi
na ako nasanay sa lakas ng trip nila. Hindi ko naman alam na ipaparanas agad nila sa akin ang pagkalakas
ng trip nila sa unang beses ko pa lang na dalhin ka rito." Bumuntong-hininga si Mhorric. "Sinamantala
nila masyado ang pagiging masaya ko ngayong araw na ito." Umayos si Candy ng tayo at muling
pinakatitigan ang guwapong mukha ni Mhorric. "'Wag kang mag-alala. Okay naman silang kasama."
Nginitian pa niya ito. "Nakakatuwa lang na w-in-elcome nila ako bilang parte ng malaking pamilya ninyo
rito sa UHB Leisure Club. Hindi ko ini-expect ang part na 'yon. Hindi katulad ng una kong naramdaman,
na pakiramdam ko, hindi ako welcome sa lugar na ito."

"Candy, kung ano man 'yong sinabi ni Yahir

"Mhorric," agad niyang putol sa anumang sasabihin nito. '"Wag ka na ring magalit kay Yahir," nakangiti
niyang wika rito. Ikinuwento pa niya nang papuntahin ni Daizuke Niwa si Yahir Martini sa kinaroroonan
nila kaninang hapon para kastiguhin tungkol sa nangyari kaninang umaga sa Bay View Restaurant.
"Humingi rin ng

paumanhin si Yahir at nilinaw sa akin na hindi siya against sa akin para sa iyo. Kaya 'wag ka ng magalit sa
kaniya. Hmmm?" llang sand ali bago nito nagawang turn an go.

"Okay."

"So, puwede na ba tayong lumabas? A-ayaw ko lang mag-isip sila ng kung ano kung bakit ang tagal natin
dito." Baka mamaya ay masyado ng advance ang iniisip ng mga iyon kung bakit ang tagal-tagal niyang
gum amit ng CR.

"A little moment," sa halip ay wika nito na muli siyang siniil ng halik sa kaniyang labi.

Sandali rin munang pinagbigyan ni Candy ang kaniyang sarili at tinugon ang halik na iyon ni Mhorric.
Halik na kailanman ay hinding-hindi niya pagsasawaan.

Matapos ng pinagsaluhan nilang halik ay muli siya nitong niyakap.

"Mauna ka ng lumabas," aniya rito.

"Bakit?" anito nang kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

"Aayusin ko lang ang sarili 1<0. Sige na," pagtataboy na niya rito. Binuksan na niya ang pinto at
iminuwestra na lumabas na ito. Pero may pahabol pa talaga na smack kiss sa kaniyang labi si Mhorric
bago ito tuluyang lumabas.
Hindi tuloy mapuknat ang ngiti sa labi ni

Candy nang lumapit siya sa may kinaroroonan ng

sink kung saan naroon din ang malaking salamin. Doon ay agad siyang nagsuklay ng kaniyang buhok.
Naglagay rin siya ng lip tint sa kaniyang labi.

Nang masiguradong presentable na ulit siyang tingnan ay lumabas na rin siya sa 100b ng banyo at
nilapitan si Mhorric na naghihintay lang sa kaniya sa labas.

"Tara na," muli ay pag-aaya niya rito.

This time, hindi na ito kumontra pa at iginiya na siya pabalik sa malawak na pavilion kung saan ay naroon
pa rin ang mga co-member nito at ang mga pamilya ng mga may asawa na.

Naunang mapahinto si Mhorric sa paglalakad nang makitang literal na dumilim sa buong pavilion,
kasunod si Candy. May mumunting ilaw sa bawat lamesa na siyang nagbibigay ng liwanag sa mga taong
naroon. Pero hndi iyon ang mas nakaagaw sa kanilang pansin. Dahil sa mismong daraanan nila ay may
naka-formation pa na animo pathway na mga kandÏla sa sahig.

May kabang bumundol sa dibdib ni Candy at hindi niya alam kung para saan ba iyon. Basta may kaba sa
kaniya nang mga sandaling iyon.

"Mhorric and Candy, tatayo na lang ba kayo riyan?" boses iyon ni Kienlee na may gamit na microphone.
"Sundan niyo lang 'yang mga may kandila na 'yan."

Lumipat ang kamay ni Mhorric sa kaniyang kaliwang kamay at iyon ang mahigpit na hinawakan. Kita pa
ni Candy nang mapalunok si Mhorric. Mukhang nag-iisip ito kung tutuloy ba o hindi?

Sa huli ay humakbangdin ito at inalalayan siya sa paglalakad.

"A-ano'ng mayroon?" hindi niya napigilang itanong sa nobyo.

"Hindi ko alam kung ano na naman ang kanilang pakulo ngayon," tugon ni Mhorric sa kaniya.

Hayon na naman ang paninindig ng kaniyang mga balahibo habang binabagtas nila ang animo pathway
na daan. Hindi lang iyon, may animo usok pa sa sahig na nagbibigay ng mas kakaibang feels sa sandaling
iyon.

Napatingin siya sa kamay nila ni Mhorric na magkahugpong nang mga sandaling iyon.

Hinigpitan niya ang kapit sa kamay nitong iyon.

Huminga nang malalim si Candy. May kadiliman man ngunit ramdam nila ang pares ng mga mata na
nakasunod sa bawat galaw nila ni Mhorric. Ano na naman kaya ang pakana ng mga taong naroon? Hindi
pa rin ba tapos ang mga ito?
Chapter 65

"PARA sa kaalaman ng lahat, Mhorric is with his girlfriend, Candy," boses naman ni Daizuke ang sunod
na pumailanlangsa paligid. Sa halip na mic ay lavalier microphone o lapel mic ang garnit nito. "Ngayon,
hindi na langsa trabaho umiikot ang mundo ni Mhorric dahil may bago ng nagpapaikot niyon. Literally. In
romantic way." "Akala ko talaga noon, may pagka-allergic sa babae si Mhorric," wika pa ng isa.

"No. Not really, Sergio. Isang taong naghintay si Mhorric para magkita ulit sila ng girlfriend niya. Nastya,"
agaw ni Daizuke sa pansin ng asawa ni Kirst Monzerate na hindi pa tapos sa pagkain nito. "Baka ma-
inspired ka sa love story ng dalawang cyan."

Nag-thumbs up si Nastya kay Daizuke na kay lapad din ng ngiti sa labi. "Interview-hin ko sila. Soon.
Uunahan ko na ang asawa mo sa pag-i-interview sa kanilang dalawa."

'"Wag na pala," birong bawi ni Daizuke na bahagyang ikinatawa ng mga nasa paligid.

Huminto Sina Mhorric at Candy sa paglalakad nang marating nila ang gitna nang bulwagan kung saan
animo dead end din iyon ng kanilang daraanan. Nasa 100b sila ng kurting puso na napapalibutan pa rin
ng mga kandila sa sahig. May kalakihan ang heart shape na kinatatayuan nila.

"What now?" agaw naman ni Mhorric sa pansin nina Daizuke.

Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Daizuke Niwa at naglakad palapit sa kinaroroonan nilang dalawa.
Magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay. Walang may gustong burnitaw.

"Maupo muna kayo," suhistiyon pa ni Daizuke.

Magrereklamo sana si Mhorric nang sa paglingon nito ay makita nito ang dalawang silya na may
malambot na upuan at sandalan na nasa may likuran na agad nila. Itinikom na lang nito ang bibig at
inalalayan na si Candy sa pag-upo sa isang silya na naroon.

"Sandali," ani Daizuke na pumasok din sa kinaroroonan nila sa 100b ng kurting puso na puro kandila.
Naupo pa ito sa isang silya na bahagyang inilayo sa kanilang kinaroroonan para magkaroon ng espasyo.

"Tatayo na lang ba ako?" reklamo na rito ni Mhorric.

"No. Lagyan natin ngtwist," ngumisi pa ito.

"Candy, tumayo ka muna."

Tumalima naman si Candy sa utos ni Daizuke. Mas okay na iyong sumunod kaysa turnagal pa sila roon.
Ayaw pa naman niya sa lahat ay iyong animo sentro sila ng buong atensiyon.

"lkaw muna ang maupo, Mhorric. Then, kalungin mo si Candy. Para maiba naman."

"Aaaw. Ang sweet. Sana all, kinakalong," wika pa ng isang babae na hindi na napagkaabalahan pang
lingunin ni Candy. May kadiliman din naman kaya hindi niya iyon mamumukhaan.
"H-hindi na," kontra niya bigla. Dagli rin ang pag-iinit ng kaniyang pakiramdam. "Tatayo na lang ako.
Ikaw na lang ang umupo," baling pa niya kay Mhorric. Grabe ring mag-isip ng ideya si Daizuke.

"'Yong sinabi ko ang sundin ninyo. Utos 'yon na kailangan ninyong sundin. Mhorric, alam mo naman
kung sino ang batas sa lugar na ito."

Bumuntong-hininga na lamang si Mhorric. Pagkuwan ay naupo na rin sa silya. "Maupo ka na rito,


Candy," ani Mhorric kay Candy.

Seryoso ba talaga si Daizuke? Parang gusto niyang magtatakbo palayo roon. Ang awkward ng
pinagagawa nito. Pero si Mhorric, wala namang nagawa. Ibig ba niyong sabihin ay kailangan din niyang
sumunod kay Daizuke dahil ito ang batas sa lugar na iyon?

Nagdadalawang isip tuloy siya kung sasama pa ulit kay Mhorric sa lugar na iyon sa susunod nito roong
pagpunta.

Lord, bakit naman ganito?piping wika pa niya sa isip bago marahang naupo sa kandungan ni Mhorric.
kumapit pa siya sa may balikat nito. Sandaling hindi niya napigilan na hindi pagmasdan ang guwapong
mukha nito. They are too close.

Nang sumulyap sa kaniya si Mhorric at magtama ang kanilang mga mata... sunod niyang naramdaman
ang pagpulupot ng mga kamay nito sa kaniyang baywang. Mukhang sini-secure na hindi siya mapapalayo
rito.

"Anyways," basag ni Daizuke sa namuong katahimikan na nakapagpakurap kay Candy. "Tutal naman,
Mhorric, takot ka ng mawala si Candy sa tabi mo kaya tama lang 'yang puwesto ninyong dalawa. Secured
na secured ang girlfriend mo sa iyo. Right?"

Napalunok na naman siya bago nagbawi ng tingin. Hayon na naman ang nag-iinit niyang pisngi. Iniwasan
ni Candy na ilibot ang tingin sa paligid para hindi mailang sa kanilang puwesto ni Mhorric.

"Ano ba ang gusto mong mangyari, Dark?" hindi na napigilan pang bulalas ni Mhorric. know, you are up
to something. Hindi ka mag-aabala ng ganito kung wala."

Daig pa nila ang nasa isang talk show. Kaibahan lang ay malakas masyado angtrip ng host dahil iisang
silya lang ang puwede nilang

maupuan ni Mhorric.

"Tama ka. I am up to something. Something na mukhang hindi mo pa nagagawa. So, uunahan na kita."
Tumikhim pa si Daizuke bago sinimulan ang agenda nito.

May answer and question portion ba sila? At sa ganoong posisyon pa talaga nila ni Mhorric. Paano kung
mapagod si Mhorric sa pagkalong sa kaniya? Eh, wala pa naman sa hitsura nito na magrereklamo ito sa
kaniyang kabigatan. Naawa tuloy siya rito.

"Nakarating sa aking kaalaman na nagsasama na kayo sa iisang bubong," panimula ni Daizuke.


"Dark, wala ka namang paki kung ganoon nga ang gawin namin ni Candy. Desisyon namin 'yon," apila
rito ni Mhorric. "Hindi na kami bata na hindi alam ang ginagawa sa buhay."

"Hmmm. Paano kung sabihin ko sa iyo na gusto kong makialam?" sa halip ay seryosong hamon pa ni
Daizuke kay Mhorric. "May magagawa ka ba?"

Tumiim ang labi ni Mhorric dahil alam naman nito na wala itong magagawa kapag isang Daizuke Niwa na
ang mangialam.

"Hindi naman ako against sa bagay na 'yon," patuloy ni Daizuke. "Ang sa akin lang, rather, ang sa amin
lang naman. Tingin mo ba, sapat 'yong magsasama lang kayo sa iisang bubong? Aware

ka ba na ang mga babae, gusto nila ng assurance?"

"Dark, ano pa bang klase ng assurance ang gusto mo na ibigay ko kay Candy? Alam naman niya na kung
assurance lang din, assured na assured na sa kaniya lang ako," ani Mhorric.

Halos mapigil ni Candy ang kaniyang paghinga sa tinatakbo ng usapan na iyon.

"Pero hanggang sa salita lang?"

"Pati sa gawa," mariing sansala ni Mhorric sa sinabi ni Daizuke.

Ang mga naroon ay tahimik lang na pinanonood sila. Walang nangangahas na umepal o um-interrupt
kina Daizuke at Mhorric. Maging si Candy ay hindi magawang magbigay ng opinyon. Gayong hindi naman
siya tinatanong ni Daizuke.

Si Daizuke Niwa iyong klase ng tao na malakas masyado ang personalidad. Tipong nakaka-intimidate. At
sigurado siya na ganoon din ang dating nito sa ibang tao.

"Talaga? I wonder kung paanong pati sa gawa, Mhorric." Dumako pa angtingin ni Daizuke kay Candy.
"Candy, nag-propose na ba siya sa

"Dark, hindi ko minamadali si Candy—"

"Shut up for a moment, Mhorric," ani

Daizuke na nakapagpatikom sa bibig ni Mhorric.

Nakatingin pa rin ito kay Candy. Mukhang hinihintay ang kaniyang tugon.

Lihim na napalunok si Candy. Kailangan ba niyang sagutin? Pero mukhang naghihintay si Daizuke sa
sagot niya. Mula sa pagkakakapit sa balikat ni Mhorric ay ibinaba ni Candy ang kaniyang mga kamay.

"H-hindi pa. Pero si Mhorric, kahit gustuhin niyang turnalon na kami sa ganoong part ng relasyon, na
pakasalanan niya ako para lang ipakita na totoo 'yong nararamdaman niya sa akin na hindi kasing babaw
ng iniisip ko. Ayaw ko. Tama siya, ayaw niya akong madaliin sa ganoong stage. Lalo na at bago pa lang
naman naming pinapasok ang relasyon na mayroon kami ngayon. Naniniwala naman ako na
kungdarating kami sa ganoong punto, na maghiwalay kami hindi naman mapipigilan 'yon. Pero hindi ko
iniisip 'yon. Ang importante lang sa akin ngayon, mas makilala pa namin ang isa't isa."

"Pumayag kang makipag-live in sa kaniya na walang ibang assurance?"

Sandaling hindi nakapagsalita si Candy. Ano pa bang assurance ang gusto ni Daizuke Niwa?

"Sa ngayon, sapat na sa akin na assurance 'yong mahal niya ako at hindi para ipagpalit sa iba."

"You think so?"

Tumango siya. "Pinasok ko 'yong ganitong

setup dahil ayaw kong may pagsisihan ako sa huli na hindi ko hinayaan 'yong sarili ko na subukan na
makasama si Mhorric. Hindi ko na muna iniisip kung ano ang posibleng mangyari sa future. Dahil mas
focus ako ngayon sa present na kasama si Mhorric... na masaya kami."

Sa ngayon, wala siyang kasiguraduhan sa kung ano man ang maaaring mangyari sa future. Pero isa lang
ang alam niya, susulitin niya ang bawat araw na lilipas kasama si Mhorric.

"Well said. Pero hindi pa rin ako kontento na hanggang sa ganiyang setup lang kayong dalawa ni
Mhorric. Bilang isa sa bagong parte ng pamilya ko rito sa UHB Leisure Club, mas gusto ko lang din na mas
maganda 'yong setup ninyong dalawa ni Mhorric, Candy. Gusto ko rin na magkaroon kayo ng assurance
na tiyak na parehas ninyong panghahawakan. 00, mahal ninyo ang isa't isa. Wala namang duda sa part
na 'yon."

"Dark, masyado pang maaga para sa kung ano ang gusto mo," saway pa rito ni Mhorric na mukhang
naaamoy na ang binabalak ni Daizuke.

"l don't think so. Matagal ka na ring naghihintay, Mhorric. Anyways, let me ask you first. Gaano ba
kaimportante sa iyo si Candy?" "Mas importante pa sa iniisip mo, Dark," walang ligoy na mabilis na sagot
ni Mhorric sa tanong na iyon ni Daizuke.

"Ganoon? Pero bakit hindi mo pa

nilampasan 'yong ganiyang stage? You're old enough for having a girlfriend, Mhorric. Dapat—" "Dark,
puwede bang chill ka muna? Hindi nga kami nagmamadali si Candy."

"So, kailan mo pa balak? Kung kailan lalayuan ka ulit niya? Then, what's next?

Maghihintay ka na naman ng matagal? Mhorric, 'yan ang ayaw kong scenario. Sayang ang mga buwan at
taon na lilipas na sana mas masaya kayong nagsasama."

Pumitik si Daizuke. At sa isang pitik nga lang niyon ay biglang nagkaroon ng mga ilaw sa paligid. Mga
naka-open ang ilaw na ang kulay ay warm lights.

Nang ilibot ni Mhorric angtingin sa paligid ay sandali pa nitong naisubsob ang mukha sa balikat ni Candy.
Lihim na namang napalunok si Candy. Ngayon mas luminaw sa kaniya kung ano pa ang nasa paligid sa
kabila ng nababalot na kadiliman kanina. Sa bandang likuran nila ay mayroong makeshift stage kung
saan may dekorasyon na mga bulaklak at mga ilaw na nagpapaganda lalo ng ayos niyon.

"Kung ayaw mong magpabasbas sa simbahan, hayaan mong ang lugar muna na ito ang babasbas sa
pagsasama ninyo ng girlfriend mo. Always remember na hindi ka iba sa akin.

Ang hangad ko lang din naman ay ang kaligayahan ninyo parehas. I think, wala namang masama roon.
Right?"

"Makinig ka sa expert, Mhorric. Marami ng napagdaanan 'yang si Dark. Sabi nga ng mga matatanda,
papunta ka pa lang, pabalik na 'yan," komento pa ni Jamil.

"A-ano ba'ng mangyayari?" hindi napigilang bulong ni Candy kay Mhorric na sapat lang upang marinig
nito.

"May kutob ako sa kung ano ang gusto ni Dark. Pero hindi ko sigurado kung iisa lang ang tumatakbo sa
isip naming dalawa ngayon.

Ano ba ang iniisip ngayon ni Mhorric at plano ni Daizuke?

Magtatanong pa lang siya kay Mhorric nang turnayo na si Daizuke mula sa pagkakaupo nito.

"Lipat tayo sa kabila. Mas maganda ang setup," wika pa nito na naglakad papunta sa may m akeshift
stage.

Nang alalayan siya ni Mhorric sa kaniyang pagtayo ay wala na rin siyang choice kundi ang turnayo.
Biglang tumugtog ang isang malamyos na musika sa buong paligid. Bagay na nagpakabog lalo sa dibdib
ni Candy na walang kaide-ideya sa kung ano man ang posibleng mangyari ng mga sandaling lyon.

Nakaalalay rin si Mhorric kay Candy nang hayunin nila ang kinaroroonan ng makeshift stage. Tumayo sila
parehas sa pinakagitna niyon.

Mahigpit ang kapit ni Candy sa braso ni Mhorric. Siya itong mas kinakabahan sa kung ano man ang
mangyayari.

May munting ngiti pa na sumilay sa labi ni Daizuke nang pagmasdan silang dalawa.

"Kung ako lang ang masusunod, ipinakasal ko na agad kayo ngayon," napailing-iling pa ito.

"S-seryoso ba siya?" hindi niya napigilang ibulong na naman sa nobyo.

"Yeah."

Napalunok na naman si Candy.

"'Wag na natin pang pahabain ito," muli ay wika ni Daizuke. "Candy," muli ay baling nito sa dalaga.
"A-ano 'yon?" tugon niya na kapit na kapit pa rin kay Mhorric.

"Relax," wika pa ni Daizuke nang mapansin ang pagkakakapit niya sa nobyo. "May gusto lang akong
itanong. Gusto ko ring marinig mula sa iyo. Tutal naman, narito ang lahat. Marami tayong witness," anito
na sandaling huminto sa pagsasalita bago muting nagpatuloy. "Ano'ng na-vi-vision mo five years from
now? Nakikita mo pa ba si Mhorric na kasama mo?"

Five years from now? Thirty na siya pagdating sa panahon na iyon. Sumulyap siya sa kaniyang nobyo.
Pagkuwan ay ibinalik ang tingin kay Daizuke. Lumuwag na rin ang pagkakakapit niya sa braso nito.

"Five years from now. . . hindi ko lang na-vi-vision ang sarili ko na basta magkasama lang kami ni
Mhorric. Dahil nakikita ko rin ang sarili ko na may. .." huminga siya nang malalim. "M-may anak na
kami." Hindi naman masamang mangarap ng ganoon. Dahil kung tatagal sila ng ganoon katagal, sigurado
siya na may anak na silang dalawa.

"Wow. Sa iyo na rin naman nanggaling 'yan. Mhorric, kilos na para matupad," biro pa rito ni Daizuke.

Hindi magawangtingnan ni Candy si Mhorric na kakaiba ang saya ngayon sa guwapo nitong mukha. Kung
kanina ay halos magsalubong na ang kilay nito, ngayon naman ay kakaiba ang glow niyon. Biglang nahiya
si Candy sa kaniyang sinabi. Baka isipin nito na anak agad talaga?

Hindi ba puwedeng kasal muna?

Advance lang ding mag-isip, aniya sa isip. Nasabi na niya. Hindi na para bawiin pa.

"Mahal mo ba talaga si Mhorric?" follow up question pa ni Daizuke kay Candy.

Lihim na namang napalunok si Candy. llan pa ba ang nakahandang tanong ni Daizuke sa kaniya? Hindi
siya sanay na live ang pagsinta niya sa nobyo.

"Matagal na," sagot pa rin niya sa sinabi nito.

"Mas nauna ko pa siyang mahalin bago ko pa nakita ang totoo niyang hitsura noon. Noong panahon na
nagkaroon siya ng sakit."

"Dark," ani Blair. "If you're not aware, sila ang literal na Beauty and the Beast," nakangisi pa nitong wika.
"Sayang, wala akong picture ni Mhorric noong nagkaroon siya ng impetigo sa buo niyang mukha. Si
Candy lang ang nakatagal diyan para alagaan siya," pagkukuwento pa nito gamit ang wireless mic na
gamit kanina ni Kien lee.

"Hmmm. Mukhang maganda ang back story ninyong dalawa. But for now, let's continue. So, mahal mo si
Mhorric. Pero hanggang kailan mo siya kayang mahalin?"

Hindi pa talaga nauubusan ng tanong itong si Daizuke. Sa isip ay bumuntong-hininga si Candy.

"Hanggat mahal niya ako, mamahalin ko siya ."


"Paano kung dumating 'yong point na hindi ka na niya mahal?"

"Dark," saway rito ni Mhorric. "That's too much to ask."

"Manahimik ka na muna, Mhorric. Si Candy ang kausap ko. Pakinggan mo na lang muna ang mga sagot ni
Candy."

Muli ay itinikom ni Mhorric ang bibig nito at nanahimik na lang muna. Wala rin naman itong magagawa.

Muting nagsalita si Candy nangtumuon sa kaniya ang tingin ni Daizuke. "Kung dumating man sa ganoong
punto, hindi naman agad mawawala 'yong pagmamahal ko sa kaniya. Pero kung hindi na niya talaga ako
mahal, hindi ko naman para ipagpilitan pa ang sarili ko sa kaniya at patuloy siyang itali sa akin."

"That won't happen," anas pa ni Mhorric na sapat lang upang marinig ni Candy. Parang ina-assure nito
na hindi sila darating sa ganoong punto.

"Okay. Hindi naman maikakaila na mahal niyo nga ang isa't isa. At itong araw na ito, alam kong
unforgettable rin naman kay Mhorric. 'Wag na nating isali 'yong nawala ka sa landas niya kanina, Candy.
Kaya lubusin na rin natin," ani Daizuke na may dinukot sa bulsa nito. "May bago akong inilabas na
exclusive naman para sa mga couple na hindi pa kasal. Ito ay kung open si Candy na magpatali na sa iyo,
Mhorric. In a way na sa kasal din naman ang punta ninyo sa susunod. Wala naman itong pilitan. Si Candy
pa rin ang magdedesisyon."

Gustong mapanganga ni Candy nang buksan ni Daizuke ang isang velvet box sa harapan nila ni Mhorric.
May laman iyon na dalawang singsing na kulay gold. Ang isa na mukhang pambabae ay mayroong mga
diyamante na nakapaikot sa buongsingsing. Habang plain naman ang isa na

1 5/20

panglalaki. Plain na kulay gold.

"Ito ang UHB Promise Ring, Mhorric. Actually, parang engagement ring na rin," ngumiti pa ang singkit na
mga mata ni Daizuke. Kinuha ni Daizuke ang singsing na pambabae at inilagay sa isang kamay ni
Mhorric. "Wala namang masama kung bigyan mo ng level up na assurance si Candy. Para lang naman
secured na secured ang pagmamahalan ninyo. Same ng UHB Infinity Ring, maraming benefits din 'yan
para kay Candy kapag narito siya sa Leisure Club. So," anito na umatras ng bahagya. "Time is gold. 'Wag
kang feeling assured lyong puso ni Candy na para bang tatalon na mula sa kaniyang dibdib. Sila pa talaga
ni Mhorric ang unang magkakaroon ng ganoon sa lugar na iyon. Promise Ring na sumisimbolo rin ng
pagmamahalan nila ng nobyo kung tatanggapin niya. At kung tanggapin nga niya, daig pa nila ang naka-
engage sa isa't isa. Gusto niyang malula sa bilis ng mga pangyayari.

Sandaling pinagmasdan ni Mhorric ang singsing. Walang duda na tunay na gold iyon. Maging ang mga
diyamante na nakapalibot sa singsing. Mukha iyong mamahalin. Nakakatakot isuot na baka bigla na
lamang may mang-holdap sa kaniya sa daan.
Huminga nang malalim si Mhorric. Nang pumihit ito paharap sa kaniya ay napilitan si

Candy na bumitaw sa pagkakahawak sa braso nito. Mukhang hindi na ito nag-isip pa ng kung ano-ano.
Lumunok pa ito bago nag-angat ng tingin sa kaniya.

"I'm sorry—"

"What? Ayaw mo pa rin?" reklamo rito ni Wayne Monterey. "Mhorric, pag-isipan mong mabuti. Trenta
ka na, Utoy. Bilis-bilisan mo para maabutan mo pa ang mga apo mo sa tuhod."

"Patapusin niyo muna ako," baling pa ni Mhorric sa nagsalita. Muli nitong ibinalik ang tingin sa harapan
ni Candy. Lumunok pa ito para alisin ang bara sa lalamunan nito. "I'm sorry kung tingin mo ay
nagmamadali na naman ako sa desisyon ko ngayon. Pero gusto ko lang din na malaman mo na ganito rin
naman 'yong gusto 1<0. Na maging sa sarili ko ay may assurance ako na literal na akin ka lang, Candy.
Marami akong flows. Siguradong masasaksihan mo rin 'yon sa mga susunod. Wala naman akong gustong
itago sa iyo. Nakasama mo na rin naman ako noon. Gusto ko ring malaman mo na masaya ako na sa
wakas, may kasama na rin ako ngayon at hindi na mag-isa. At sisiguraduhin ko rin sa iyo na hindi lang
panandalian kundi panghabang-buhay rin ang kung ano mang nararamdaman ko para sa iyo. Hinintay ko
'yong ganitong pagkakataon at ayaw kong sayangin. Lalo na ngayon na ibinigay ka na Niya sa akin
ngtuluyan. Ngayon lang ako mas naging sigurado sa mga desisyon ko sa buhay." Ikinurap-kurap ni
Mhorric ang mga mata nitong unti-unti ng nangingislap dahil sa luha. "Wala namang masama na
sumubok din." Muli ay huminga ito nang malalim. "Candy, mahal ko, saksi ang buong UHB Leisure Club
sa pagmamahal ko sa iyo. At ngayon, saksi naman ang mga taong pamilya ko na rin," anito na unti-unting
lumuhod sa harapan niya. Pagkuwan ay iniumang ang UI-IB Promise Ring sa harapan ni Candy na hindi
inaalis angtingin sa mukha ng kasintahan. "Alam ko, marami pa tayong pagdadaanang dalawa. Mahal
kita, Candy. Mahal na mahal. Ayaw kong mag-fast-forward. Pero ayaw ko rin naman na may pagsisihan
din na bakit hindi ko subukan? Candy, will you accept me to be your half? Will you. . . will you marry

lyong guwapong mukha ni Mhorric na para bang kabado rin sa ginawa nitong iyon na pag-aalok sa
kaniya ng kasal. Hindi agad niya m agawang magsalita.

Unti-unting nagbaba ng mukha si Mhorric. "l know, napakaaga pa para dito," anito na akmang ibababa
na ang kamay ng walang salita na inilahad ni Candy ang kaniyang kaliwang kamay sa harapan nito.

00, napakabilis ng lahat. Pero maging siya, ayaw niyang may pagsisihan sa huli kung bakit hindi rin niya
sinubukan. Maganda rin naman ang adhikain nina Daizuke. Gusto rin ng mga ito na may level ang
pagsasama nila sa iisang bubong. Hindi basta live in lang. Tipong kahit ganoon, taas noo niyang masasabi
na fiance niya ang kinakasama niya.

"Baka hindi ko mapatawad angsarili ko kapag tinanggihan kita, Mhorric. Yes. I'll marry you. sa tamang
panahon," aniya na ngumiti. Ngunit kasabay rin niyon ang pagpatak ng hindi niya mapigilang mga luha.

Literal na nakahinga nang maluwag si Mhorric. "Akala 1<0, tatanggihan mo talaga ako," anito na agad na
isinuot ang singsing sa palasingsingan ni Candy na para bang sinukat lamangsa kaniyang daliri dahil kasya
iyon doon.
Tamang-tama lang ang sukat. Pagkatayo ni Mhorric ay hinalikan pa nito ang kamay niyang may suot na
singsing. Pagkuwan ay mahigpit siyang niyakap. "l love you," madamdamin pa nitong wika sa may tainga
niya.

"l love you too," tugon ni Candy na niyakap din ito nang mahigpit.

Masigabong palakpakan ang pumuno sa paligid ng mga sandaling iyon. Sa gilid naman ay nangingiti lang
si Daizuke Niwa habang pinagmamasdan silang dalawa.

"May isang singsing pa rito," ani Daizuke na muling lumapit sa dalawa. Kinuha nito ang isa

pang singsing at ibinigay iyon kay Candy. "Isuot mo kay Mhorric."

"Thank you," emosyonal niyang wika kay Daizuke na tinanguan lang siya. Naging tuso man ito kanina
nang ilayo siya kay Mhorric. Pero bumawi naman ito sa kanila ng ganoon katindi. Hinarap ni Candy si
Mhorric habang hawak ang singsing na para dito. "Hindi na ako magtatanong pa, Mhorric. Alam ko
naman na gustong-gusto mo rin ito," nakangiti niyang wika rito habang may bakas pa rin ng luha sa
kaniyang mga mata. Hinawakan din niya ang kaliwa nitong kamay at sa ring finger nito ay isinuot niya
ang singsing dito. "Habang suot mo ang singsing na ito, patunay lang 'yon na ako pa rin 'yong nasa puso
mo. Kaya ingatan mo. Parang ako rin ito. Kailangan mong ingatan. Mahal na mahal kita. Hindi ko pa
naranasan sa kahit na kanino 'yong ganitong pakiramdam. Sa iyo lang. Sa iyo lang ulit." Tumulo na
naman ang luha sa kaniyang pisngi na agad na pinalis ngdalawang kamay ni Mhorric.

"l love you more, fiancee," sumilay ang ngit sa labi ni Mhorric na umabot sa mga mata nito bago
burnaba ang mukha sa kaniya para halikan siya sa kaniyang labi.

Fiancee...

Ngumiti pa ang luhaan niyang mata bago iyon ipinikit.

Dumarating din pala talaga iyong ganito. Na mawawalan ka ng pakialam talaga sa buong paligid mo.
Dahil ang importante lang ng mga sandaling iyon ay si Mhorric.

The Wolf Princess and...

Addie Hayes

"How many mates do you have,

Princess?" Kia asks] look over at h.

Chapter 66

MABILIS na pinahid ni Candy ang mga luhang naglandasan sa kaniyang pisngi nang marinig ang mga
katok sa may pinto ng banyo na siyang kinaroroonan niya ng mga sandaling iyon.
Nakabalik na Sina Candy at Mhorric sa condo unit nito sa The LPG Tower. Hinding-hindi niya malilimutan
kung ano man ang nangyari kanina sa UHB Leisure Club. Kakaiba ang pasabog ng mga kaibigan ni
Mhorric. Para ngang nakikini-kinita pa niya ang lahat.

At hanggang ng mga sandali nga na iyon ay hindi pa rin niya mapigilan angsarili na hind m aging
emosyonal habang pinagmamasdan ang singsing sa kaniyang palasingsingan.

Sino ba ang mag-aakala na ang araw na tinugon niya ang pagmamahal ni Mhorric ay masusundan ng
mas level up na label sa pagitan nila? Engage na sila.

Huminga muna nang malalim si Candy bago ipinasya na hayunin na ang pinto at buksan iyon. May pag-
aalala pa sa guwapong mukha ng kaniyang nobyo nang makita siya nito.

"Okay ka lang? Kanina ka pa sa 100b," agad na tanong ni Mhorric kay Candy.

Tumango siya. "Okay lang ako."

Bumuntong-hininga ito nang makita ang bahagyang pamumula ng kaniyang ilong. "Umiyak ka?"

Nagbaba siya ngtingin. Paano ba niya sasabihin dito na naging emosyonal lang siya dahil sa mga nangyari
kanina? Lalo na kapag nakikita niya ang singsing sa kaniyang daliri.

"Hindi ko ginusto na madaliin ka. Wala naman sa plano ko na agad-agad ay mas itali ka sa akin."

Nangingiti nang muli niyangtingnan si Mhorric. "Gusto mo ba o ayaw? Ibabalik ko itong singsing sa iyo."

"T-teka. Syempre, gusto ko. Pero kasi, baka nabibilisan ka."

"Mabilis nga masyado ang mga pangyayari. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin nag-si-sink in sa akin na
engage na tayo. Pero wala akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko kanina, Mhorric. At isa pa,
maganda rin naman ang hangarin ng mga kaibigan mo. Kahit na, pinangunahan nila ang mga desisyon
natin."

"Kung ganoon, para saan ang pag-iyak mo sa 100b ng banyo?" kunot-noo nitong tanong.

Iminuwestra niya sa harapan nito ang suot niyang singsing. "Dahil dito." Hayon na naman at naluluha na
naman siya. Kumibot pa ang kaniyang labi. "Napakaraming meaning ng singsing na ito. Kaya hindi ko
mapigilang maging

emosyonal kapag nakikita 1<0. Masaya lang ako. Kaya 'wag mong isipin na baka pinagsisisihan ko

'yong nangyari kanina."

"Mas [along wala akong pinagsisisihan kanina," anito na kinabig siya para yakapin. "Maliban na lang
doon sa pagpunta ko ng CR." Napapikit si Mhorric. "Pakiramdam ko kanina, mababaliw na ako kaiisip
kung nasaan ka. Walang securities na gustong tumulong sa akin. Malay ko ba na may utos sa kanila si
Daizuke. Pati sa Savanna's Side, pinalabas pa nila na under maintenance ang lahat ng CCTV kaya hindi
makikita kung sino ba ang kasama mo nang umalis ka roon."

"Pero wala silang pakialam kahit mag-alala ka ng sobra," aniya rito.

"Ganoon sila kapag may mga nilulutong Plano. Kahit maglupasay ang target nila, wala silang pakialam.
Dahil alam naman nila na mas triple ang gagawin nilang pagbawi sa kanilang main target. Katulad na
lang nang nangyari kanina."

Kumalas na sa pagkakayakap sa kaniya si Mhorric. Pagkuwan ay iginiya na siya papunta sa kinaroroonan


ng kama nito.

"Matulog na tayo. Siguradong napagod ka rin kanina," wika pa nito na bahagyang ibinaba ang comforter
para makahiga siya nang maayos.

"Hindi naman masyado. Hindi naman nila

ako pinagod, eh."

Nang mahiga si Mhorric sa tabi ni Candy ay tumagilid pa siya ng higa paharap dito at yumakap sa may
bandang tiyan nito. Urnunan din siya sa may braso nito. Hindi pa man sila natatagalan na nagsasama
nito ngunit nasasanay na siya sa ganoong puwesto.

Sa isang iglap din ay nawala ang pagkailang niya kay Mhorric.

Turnagilid din ng higa si Mhorric paharap sa kaniya at niyakap din siya. Idinantay pa nito ang isa nitong
binti sa kaniyang hita.

"l love you," anas pa nito sa kaniya. Mga kataga na sa tuwina ay buong pusong binibigkas ni Mhorric sa
kaniya.

Gumuhit na naman ang ngiti sa kaniyang labi na umabot sa kaniyang mga mata. "l love you too," aniya
na bahagya itong tiningala. Bahagya pa siyang ngumuso rito para gawaran siya nito ng good night kiss.
Bagay na hindi naman nito ipinagdamot sa kaniya.

Sandali lang naglapat ang mga labi nila bago nito inilayo ang mukha sa kaniya.

"Good night," ani Mhorric.

"Good night," nakangiti niyang wika rito bago ipinikit ang kaniyang mga mata. Bahagya pa niyang
isiniksik sa dibdib nito ang kaniyang mukha.

Sigurado siya na maging ang mga magulang niya ay magugulat kapag nalaman kung ano na ang estado
nila ni Mhorric ngayon. Tiyak na ganoon din ang lolo't Iola ni Mhorric.

KINABUKASAN ay maagang gumising si Candy para ipagluto ng almusal si Mhorric. Unang beses niya
itong ipagluluto ng agahan at hindi naman maikakaila na ganadong-ganado siya sa kaniyang ginagawa.
Ngayon, mas malaya niyang ma-e-express ang kung ano man ang nararamdaman niya rito.

"Good morning," anang boses na nagpalingon kay Candy.

Napangiti siya nang makita ang bagong gising na si Mhorric. Humarap siya rito. Sinuklay pa ng kamay
nito ang bahagyang gulo na buhok. Sa kaniya agad ito dumiretso at walang paalam na niyakap siya.

"Good morning," ganting bati niya rito. Nang hagkan niya ito sa pisngi nito ay ganoon na lang ang
pagsilay ng ngiti sa labi nito na umabot pa sa mga mata nito.

"Kanina ka pa gising?"

Tumango siya. "Hmmm. Maluluto na rin itong niluluto ko," aniya na tinalikuran na si Mhorric at inasikaso
ang pag-aahon ng prinito

niyang sausage. Inilagay niya iyon sa isang pinggan na may nakapatong na tissue para ma-absorb ang
langis na galing sa sausage na prinito niya.

Si Mhorric naman ay mukhang nakukulangan pa sa pagyakap sa kaniya dahil muli itongyumakap mula sa
kaniyang likuran. Kahit medyo nahihirapan sa naging posisyon nila ay hindi naman nagreklamo si Candy
at itinuloy lang ang kaniyang ginagawa.

Napilitan lang burnitaw sa kaniya si Mhorric nang dalhin na niya sa komedor ang kaniyang mga niluto.
Nagluto siya ng kanin kanina. Dahil wala namang kaning-lamig kaya bagong lutong kanin ang kanilang
kakainin.

"Ano'ng inaalmusal mo nitong mga nakaraan? Lalo na kapag papasok ka sa trabaho mo?" tanong ni
Candy kay Mhorric habang kumakain sila.

"Kape."

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "Kape

Turnango ito. "Lunch na ako kumakain ng heavy meal."

Napailing-iling siya. "Alam mo, magkakasakit ka niyan kapag puro kape ka lang.

Mag-heavy meal ka kapag umaga."

"Kasama na naman kita, tingin ko naman, hindi mo ako pababayaan na magkape lang sa

umaga," may ngiti sa labi na wika nito.

"Hindi talaga. Itatapon ko 'yong mga stock mo ng kape."

'"Wag," mabilis nitong pigil sa kaniya.

"Kailangan ko 'yon."
"Mas kailangan mo kaysa sa akin?" Gustong matawa ni Candy sa kaniyang sinabi. Pinigilan lamang niya.
Hindi na rin niya binawi pa.

"Syempre, mas kailangan kita. Sige na, magtutubig na lang ako," wika pa nito bago isinubo ang pagkain
na nasa kutsara nito.

Saka lang muling sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Charotlang," sabi na rin niya.

"Pardon?"

"Ibig kong sabihin, joke lang."

"Ano 'yong charot?" tanong pa rin nito.

"Gay words 'yon na ang ibig ding sabihin ay biro lang. As in, joke. Just kidding. Ganoon."

"Ah," napatango-tango nitong wika. Para bang nagkaroon na naman ito ng bagong kaalaman.

"Kumain ka na," aniya rito na muting ibinaling sa pagkain ang atensiyon.

Dahil araw iyon ng Linggo kaya naman wala pa ring pasok si Mhorric. Buong maghapon pa sila nitong
magkakasama sa bahay nito.

Matapos ng gawain sa kusina ay nahiga naman si Candy sa mahabang sofa sa salas.

Nakapikit siya nang lapitan siya roon ni Mhorric at halikan sa kaniyang labi ng smack kaya naman
napamulat siya ng kaniyang mga mata.

Nangingiti pa ang kaniyang nobyo habang hindi inaalis angtingin sa kaniya. Pagkuwan ay naupo ito sa
may gilid niya.

"Gusto mo bang lumabas tayo o dito lang tayo sa bahay?" tanong pa nito sa kaniya.

"Dito lang," aniya rito.

Hinawakan ni Mhorric ang kaniyang kamay at pinisil-pisil. "Okay. Pabor din naman sa akin." "Hindi mo
kailangang magpagod at may pasok ka na bukas. Lunes na bukas," paalala pa niya rito.

"Opo. Alam 1<0. Kaya nga kung ako lang, mas gusto kong mag-stay lang clito sa bahay at ubusin ang oras
kasama ka."

How sweet ofyou, Mhorric, aniya sa isip.

"May request ka ba para sa lunch?" mayamaya ay tanong pa niya rito.

"Kakakain lang natin."

"Para ma-prepare ko mamaya."


Urniling ito. "Wala pa akong maisip sa ngayon."

'"Yong gusto mo lang," giit pa niya.

"lkaw lang naman ang gusto ko."

Napangiti siya sa banat nitong iyon. "Bukod sa akin. Hmmm. Alam ko na, baka na-mi-miss mo na 'yong
bulanlang na malunggay?" natatawa niyang biro dito.

"Wala ritong puno ng malunggay."

Napalabi siya. "Okay. Gisingin mo na lang ako kapag may naisip ka ng kainin para sa lunch," aniya na
ipinikit na ang mga mata.

"Candy, mahirap mag-isip kapag busog."

Tumagilid siya ng higa sa sofa para mas makaupo ng maayos si Mhorric. Muli niyang iminulat ang mga
mata at sinulyapan ang nobyo. Mukha itong nag-iisip habang nakatitig sa may center table. Bahagya
niyang kinagat ang kaniyang ibabang-labi para pigilan ang mapangiti. Nag-iisip na ba ito ng lulutuin niya
para sa tanghalian nila?

"Nag-iisip ka na ba ng lagay na 'yan?" untag niya rito.

Kumurap-kurap pa ito bago nagbaling sa kaniya ng tingin. Si Candy naman ay bumangon na at naupo na
langsa tabi nito. Agad naman siyang inakbayan ni Mhorric at kinabig palapit dito.

"Hmmm. Pero hindi talaga ako makapili. Mamaya mo na lang ako tanungin kapag alas-dyes na. By that
time, tunaw na ang kinain ko," suhistiyon pa nito sa kaniya.

"Sige," pagpayag niya. Ayaw na rin naman niya na mamilit pa. Baka makulitan pa ito sa kaniya. "May
suggestion din naman siya pero mamaya na niya sasabihin dito."

"Hindi ka ba maiinip dito sa bahay kapag nasa trabaho ako?"

Tiningnan niya ito. "Hindi naman. Bakit?"

"Baka kapag nainip ka rito, urnuwi ka na sa

Napatawa siya sa sinabi nito. "Agad-agad?

Maraming puwedeng gawin clito sa bahay mo.

Puwede akong maglinis

"Hep. Hindi ka maglilinis clito sa bahay," saway nito sa kaniya. "Hinayaan na kita sa kusina. Pero tama na
'yon."

"Mhorric, hindi naman mahirap linisin itong bahay mo."


"Bahay natin," animo pagtatama nito sa kaniyangsinabi.

Bahay natin...

"Tayong dalawa ang nakatira dito. Kung ano 'yongsa akin, sa iyo rin 'yon. 'Yong paglilinis dito sa bahay,
hayaan mo na 'yon sa mga naglilinis talaga dito. Bukod sa pagluluto, na gusto mo talagang gawin,
manood ka ng TV kapag wala kang ibang ginagawa. Kung gusto mong mag-shopping, wala namang
problema."

Shopping? Hindi siya sanay sa gawain na 'yon. Mas sanay siyang mamili sa palengke kaysa sa mga mall.
Mas mura at puwede pang turnawad. Pero sa case ni Mhorric, sigurado siya na hindi rin siya nito
papayagan na sa palengke mamili ng mga personal niyang gamit. Baka kapag iginiit niya ay pagtalunan
pa nilang dalawa.

Baka nga hindi rin ito kumakain ng street food.

"Okay na ako rito sa bahay. Sanay naman ako na nasa bahay lang."

"Are you sure? Kapag may gusto ka, sabihin mo lang."

"lkaw lang din naman 'yong gusto ko," aniya na matamis pa itong nginitian.

"Candy, 'wag kang pangiti-ngiti sa akin ng ganiyan," saway pa nito sa kaniya.

"Bakit?" aniya na pinagbuti pa ang pagngiti rito.

"Mga ganiyang ngiti 'yong nakakawala ng self control."

"Talaga?"

" Isa."

"Dalawa," gantl' niya.

"Sinusubukan mo ba talaga ang pasensiya

Natatawa nang turnayo na siya. "Hindi. Ligo lang ako," paalam pa niya rito.

"Gusto mo ba ng kasabay? Taga-kuskos ng likod mo?"

Dagli ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi

sa sinabi nitong iyon. "Mhorric, kaya ko na ang sarili ko. Salamat na lang," aniya na hinayon na ang
hagdanan.

"Willing naman ako," anito na tumayo na rin at sumunod sa kaniya. "Parang gusto ko na ring maligo.

Napabilis tuloy ang pag-akyat ni Candy sa may hagdanan na halos takbuhin na niya paakyat sa itaas.
"Puwede ka namang maligo na rin, eh.

Marami ka namang banyo na available rito."

"Mas sanay ako sa banyo sa silid natin."

"Eh, 'di gamitin mo. Sa guest room na lang ako maliligo."

"Bakit parang takot na takot ka na makasabay ako?" pang-aalaska pa ni Mhorric kay Candy. "Liligo lang
naman tayo."

Kakabog-kabog tuloy ang kaniyang dibdib.

Para sa kaniya ay hindi pa nila na-re-reach ni Mhorric ang ganoong level para magsabay sa paliligo.

Handa na ba siyang makita ang...

Mariin siyang napapikit habang naglalakad sa second floor papunta sa silid ni Mhorric. Kung ano na
naman ang itinanim ng nobyo niya sa kaniyang isipan. Hayon at nag-iinit ang buong mukha niya.

Pagkapasok sa silid ni Mhorric ay agad siyang dumiretso sa banyo. Pagkasara sa pinto ay ni-lock agad
niya iyon. Saka lang siya nakahinga nang maluwag.

Chapter 67

MARAHANG inilusot ni Candy ang kaniyang ulo sa pinto ng banyo na bahagyang nakasiwang ang
pagkakabukas. Katatapos lang niyang maligo nang mga sandaling iyon. Tanging royal blue na roba lang
ang kaniyang suot nang mga sandaling iyon sa kaniyang katawan. Dahil size iyon ni Mhorric kaya sobrang
laki para sa kaniya. Ayaw naman niya na magsuot lang ng towel sa kaniyang katawan.

Palibhasa ay pumasok agad siya sa banyo kanina na walang ibang dala na pamalit kaya ang ending. ..
wala siyang suot na pangloob.

Nang makita na wala naman sa 100b ngsilid si Mhorric kaya naman lumabas na siya sa banyo. Hinahayon
na niya ang kinaroroonan ng walk-in closet ni Mhorric kung saan naroon din ang mga gamit niya nang
bigla namang labas ng binata sa kaniyang pakay na puntahan.

Mabilis niyang nayapos ang sarili nang mapahinto siya sa paglalakad. Napalunok pa siya.

Si Mhorric naman ay naglandas pa ang tingin sa kaniyang kabuuan.

"T-tapos na akong maligo. Ikaw naman," aniya na akmang lalampasan ito nang humarang naman si
Mhorric sa kaniyang daraanan.
Muntikan pa siyang mapasubsob sa katawan nito kung hindi agad siya nakapagprino sa paghakbang. Kay
bilis ng tahip ng kaniyang dibdib. Ang mga mata niya ay natuon sa may dibdib nito habangyakap pa rin
niya ang kaniyangsarili.

May amusement naman sa mga mata ni Mhorric habang nakatitig sa kaniya. "Masyadong malaki sa iyo
ang bathrobe na 'yan.

Magpapa-deliver ako ng para sa iyo."

"O-okay lang naman. Mhorric," aniya na tiningala na ito. "Paraanin mo muna ako," pakiusap pa niya rito.
Nang humakbang pa ito palapit sa kaniya ay ganoon na lang ang bigla niyang pag-atras. Napalunok na
naman siya dahil sa kaba na bigla niyang naramdaman.

Lalong napangiti maging ang mga mata ni Mhorric. "Afraid of me?" he even teased.

"M-Mhorric, gawin mo na kung ano ang gagawin mo. Tantanan mo muna ako."

"Sa iyo lang naman ako may gustong gawin," anito na hindi pa nakuntento at kinorner pa talaga siya sa
may pader.

Halos mapigil niya ang paghinga sa pinaggagagawa nito sa kaniya. Ano ba ang gusto nitong gawin sa
kaniya? Nang maisip niya ang kaniyang katawan na halos hubad sa 100b ay dagli ang panlalambot ng
kaniyang mga tuhod.

Balak na ba nito na may mangyari sa kanila?

Agad-agad? Mariin siyang napapikit.

"Please, 'wag ngayon," nakapikit pa rin nang mariin na pakiusap niya. Kung ano man ang binabalak nito,
sana naman ay iyong pagkakataon na handang-handa na siya.

"What do you mean?"

'"Y-yong sinasabi mo na gusto mong gawin sa akin."

Lalo namang napangiti si Mhorric. Taliwas sa inaakala ni Candy, sunod niyang naramdaman ay ang
pagtaas ng suot niyang roba sa may bandang balikat niya.

"Bumaba na masyado itong nasa may balikat mo sa sobrang laki nitong bathrobe para sa iyo," anito na
nakapagpamulat kay Candy. "'Wag mong masyadong e-expose ang sarili mo sa akin. Kahit katiting. Lalo
na at tayong dalawa lang dito," anito sa tinig na pang-bedroom voice na lalong nagbigay ng kilabot sa
katawan ni Candy. "Ligo lang ako," anito na tuluyan siyang niyuko para gawaran ng smack kiss sa
kaniyang labi. Pagkuwan ay hinayon na rin nito ang papunta sa banyo.

Saka lang napakurap-kurap si Candy bago burnaling kay Mhorric na kapapasok lang sa banyo. Ngumiti pa
ito sa kaniya bago isinara ang pinto.
Napasulyap siya sa kaniyang balikat na kanina ay nahantad ng hindi niya napapansin

dahil sa naging presensiya ni Mhorric. Muli ay napalunok siya.

Mukhang nag-overthinking na naman siya kanina. Magkaiba pala ang iniisip nila ni Mhorric.

Ikinundisyon muna niya angsarili bago hinayon ang walk-in closet. Hindi niya alam kung sinasadya ba ni
Mhorric ang ginawa nito kanina o hindi. Pambihira din talaga ito minsan.

NANG bumalik ng muli sa trabaho si Mhorric, napagdesisyonan nito na palagi ng umuwi tuwing lunch sa
bahay nito para sabay pa rin silang kumain. Bagay na ikinatutuwa ni Candy dahil nakikita pa rin niya ito
tuwing tanghali at hindi siya solo lang na kakain.

Sa hapon naman ay hindi ito nagpapagabi ng uwi.

"Ngayon lang ako mas na-excite umuwi rito sa bahay," nangingiti pang wika ni Mhorric habang
magkatabi silang dalawa na nakaupo sa sofa sa may Den.

Katatapos lang nilang kumain. Nag-aya rin ito na manood sila ng movie kaya sila naroon ngayon sa Den.

"Bakit?"

"Syempre, may naghihintay sa pag-uwi ko." Wagas na naman ang ngiti sa labi ni Candy.

"Baka hindi ka sanay, ha?" biro pa niya rito.

"Seriously, hanggang pangarap ko lang 'yong ganito noon. Iniisip ko kung mangyayari pa ba 'yong ganito
sa akin? Na darating ka at pipiliin na makasama ako rito. Akala ko noon, hanggang pangarap lang. Kung
kailan lumiliit na 'yong kinakapitan kong chance, kasi isang taon na pero hindi pa rin kita nakikita. Bigla-
bigla ka namang darating."

"At kung makapag-aya ka pa sa akin na tumira dito kasama ka, wagas."

Napangiti ito sa alalahaning iyon.

"Desperado ako at hindi ko itatanggi ang bagay na 'yon."

At talagang aminado ito sa part na iyon.

Inihilig niya ang kaniyang ulo sa may braso nito. Kahit naman siya ay nangarap din noon na makasamang
muli si Mhorric. Na inakala rin niya na hanggang pangarap na lamang noon.

"At kahit maulit 'yong pagkakataon na 'yon, ganoon pa rin ang sasabihin ko sa iyo," patuloy nito.

"Tatanggihan pa rin kita," sagot naman niya.


"Syempre. Biruin mo, mas gugustuhin mo pa akong alukin na makasama rito kaysa alukin muna na
magingjowa mo. Alam kong malapit ng mawala sa kalendaryo ang edad mo, pero hindi naman kailangan
na mag-fast-forward ka sa mga

bagay-bagay."

"Kaya nga po pinuntahan na kita sa inyo para personal na umakyat ng ligaw. Nakilala ko pa ang buong
pamilya mo."

Umayos si Candy ng upo at pumihit paharap dito. "At 'wag mo ng uulitin 'yong ganoong stunt," aniya na
napailing pa nang maalala angdinala nitong isang truck ng groceries. "Nakakawindang ang ginawa mo."

"Okay. Hindi na." Bumuntong-hininga ito.

Pagkuwan ay mataman siyang pinagmasdan. "Alam mo, hanggang ngayon, hindi pa rin ako
makapaniwala na narito ka at kasa-kasama ko."

"Baka kung kailan sanay ka na, urnuwi na ako sa amin," aniya na pigil ang matawa sa kaniyang sinabi.
Biro lang naman niya iyon.

'"Yan ang 'wag mong gagawin, Candy," anito na biglang sumeryoso ang guwapong mukha.

"'Yong bigla ka na lang aalis ng hindi ko alam." "Biro lang," bawi rin niya. "Basta wala namang magiging
dahilan para urnuwi na lang akong bigla, clito lang ako," pangako pa niya rito na nginitian ito.

Saka lang sumilay ang ngiti sa labi nito. "Promise. Walang magiging dahilan para umuwi ka. Unless, may
emergency. Pero hindi naman kita hahayaan na umuwing mag-isa. Magkasama tayo sa lahat. Hmmm?"

Turnango siya. Kay sarap pakinggan ang mga

sinabi nito. Saan pa ba siya makakahanap ng katulad ni Mhorric? Mukhang napaka-rare din ng katulad
nito sa mundo. "Okay," aniya na muling ibinalik sa malaking flat screen TV ang tingin. "Manood na tayo.
Hindi na natin naiintindihan kung ano ang nangyayari."

"Hmmm," sang ayon nito.

Ibinalik na rin ni Mhorric angtingin sa TV. Inakbayan siya nito at kinabig pahilig sa may braso nito. Sa
ganoong puwesto nang magpatuloy silang muli sa panonood ng isang movie.

Panonood ng movie kapag wala ring ibang ginagawa si Mhorric ang isa sa pinaka-bonding nila nito.
Hanggat maaari din ay iniiwasan nitong magdala ng trabaho sa bahay dahil mas gusto nitong ilaan ang
oras nito sa kaniya.

Chapter 68

"HINDI ko sigurado kung makakauwi ako ngayong lunch," ani Mhorric sa kabilang linya.
Sandaling hindi agad nakapagsalita si Candy. Nang makabawi ay lumunok muna siya. "Ganoon ba?"

"Hmmm. May meeting kami mamaya after lunch."

"Saan ka kakain?"

"Magpapa-deliver na lang siguro ako."

"Deliver? 'Wag na. Hatiran na lang kita? Gusto mo?" nakangiti pa niyang wika kahit na hindi nito kita.

"Pupunta ka rito?"

"Bakit parang ayaw mo yata?" aniya na nawala na ang ngiti sa labi at napalitan ng kunot ng noo.

"No. Hindi sa ganoon."

"May tinatago ka ba riyan sa kompanya mo?"

Ganoon na lang ang pagtawa ni Mhorric sa kabilang linya. "Wala. Wala akong tinatago. Okay, kung gusto
mong pumunta rito, ikaw ang bahala.

Gawin mo 'yong gusto mo. Hmmm?"

"Nagbago na ang isip ko. Magpa-deliver ka na langsa iba ng lunch mo. Sige na at baka

naaabala na kita masyado. Bye." Hindi na niya hinintay pa ang tugon nito at pinagpatayan na niya ito ng
cellphone.

Napabuga siya ng hangin at huminga pa nang malalim.

Muli siyang napatingin sa kaniyang cellphone nang tumunog iyon. Tumatawag si Mhorric. Sa halip na
sagutin ay iniwan na niya iyon sa may sofa at hinayon na ang kusina para maghanda ng para sa
tanghalian. Alas-dyes na at sa ganitong oras siya madalas maghanda ng para sa tanghalian.

Nilabas niya ang ilang piraso ng pata ng baboy mula sa freezer. Balak niyang magluto ng nilagang baboy.
Naglabas din siya ng mga gulay na kaniyang gagamitin. Matapos niyon ay nagsalang na muna siya ng
bigas sa rice cooker.

Kung hindi naman makakauwi si Mhorric, hindi naman niya ito pipilitin.

Sunod niyang isinalang ay ang pata ng baboy. Palalambutin pa niya iyon. Nilagyan din niya ng paminta,
asin, sibuyas at bawang ang pinakukuluang pata para kahit paano ay magkaroon na ng lasa habang
pinalalambot.

Nagbabalat na siya ng patatas nang maisip na naman si Mhorric. Napabuntong-hininga siya bago
ipinasya na balikan ang kaniyang cellphone na iniwan niya sa may salas. Sandali muna niyang iniwan ang
kaniyang ginagawa sa kusina.
Pagkakuha sa kaniyang cellphone ay agad niya iyong binuksan. Naka sampung missed call pa si Mhorric
sa kaniya. Ni isa ay wala man lang siyang sinagot. Nainis kaya ito sa kaniyang ginawa kanina?

Tingin mo, Candy, sino ang matutuwa na pagpatayan ng tawag? Kung sa iyo kaya 'yon gawin ni Mhorric,
matutuwa ka ba?

pangongonsensiya pa sa kaniya ng kaniyang isipan.

Mabilis siyang nag-type ng text message para i-send sa nobyo.

Sorry. Hindi ko na nasagot ang tawag mo. Nagluluto na ako, eh. Mag-focus ka na lang muna sa work
mo... ingats,

Napabuntong-hininga na naman siya. Dinala na niya ang cellphone sa kusina. Ipinatong niya iyon sa may
kitchen island para kitang-kita niya kapag nag-reply si Mhorric sa kaniyang text message.

Paminsan-minsan ay tinatapunan niya ng tingin ang kaniyang cellphone ngunit hindi na nangahas pang
turnawag si Mhorric o kahit ang mag-reply sa kaniyang text message. Mukhang busy na ulit ito.

Huminga siya nang malalim at ipinagpatuloy na ang kaniyang ginagawa. Baka kaaasa niya sa reply ni
Mhorric ay magkaroon pa ng problema sa kaniyang niluluto. S-in-et aside na muna niya ang isipin na
iyon at nag-focus sa kaniyang pagluluto.

Malapit ng matapos ang kaniyang nilulutong ulam, ngunit nagtatalo pa rin ang kaniyang isipan kung
pupuntahan pa ba si Mhorric sa kompanya nito o hindi na?

"Lord, pahingi po ng sign. Kung pupunta pa ba ako kay Mhorric o hindi na? Dadalhan ko pa ba siya nitong
niluto ko o hindi na?" usal niya na napatingin na naman sa kaniyang cellphone. "Okay," aniya kapag
kuwan. "Kapag eleven-twenty na at wala ka pa ring reply, Mhorric. Ibig sabihin, hindi na kita pupuntahan
para hatiran."

Tama, ganoon na nga lang.

At nang mag-eleven-twenty na nga at wala pa ring reply si Mhorric, iyon na ang sign na hinihingi niya.
Napabuntong-hininga na lang siya bago naghanda ng kaniyang kakainan. Dahil mag-isa lang kaya naman
napagpasyahan niya na sa may kusina na lang kumain ng tanghalian.

lyon ang unang beses na kakain siya ng tanghalian na hindi niya kasabay ang nobyo.

Abala siya sa pagsasandok ng kanin mula sa rice cooker nang bigla na lang siyang mapakislot dahil sa
mga brasong bigla na lamang pumulupot sa kaniyang maliit na baywang. Papalirit pa sana siya dahil sa
pag-aakalang may nakapasok sa bahay na iyon ni Mhorric nang mapagtanto kung sino iyon. Parnilyar
ang mabangong amoy nito.

Mabilis siyang pumihit paharap doon.


Sandali siyang nawalan ng masasabi nang makita ang guwapong nobyo sa suot nitong business suit.
Nagtanggal lang ito ng coat at tanging puting long sleeve polo ang natirang suot na pang-itaas. Nakalilis
pa ang manggas niyon hanggang sa may Siko nito.

Kapag ganoon ang suot nito. Lalo na kapag nakikita niya ito sa urnaga, bago pumasok sa trabaho, hindi
niya mapigilan ang sandaling matulala langsa kaguwapuhan nitongtaglay.

"M-Mhorric," anas niya sa pangalan nito nang makabawi siya sa pagkabigla.

May ngiti naman sa labi nito. Mukha ring hindi ito galit o ano pa man dahil sa ginawa niya kanina. He
even landed a smack kiss on her lips.

Lihim na napalunok si Candy. "B-bakit umuwi ka? Akala ko ba, hindi ka makakauwi?" aniya.

"Na-miss kita," anito na kumalas na mula sa pagkakayakap sa kaniya. "Saka ang luto mo." Ngumiti na
naman ito sa kaniya.

Tunaw na naman ang puso ni Candy.

"Sorry kanina," muli ay hinging-paumanhin niya rito. "Hindi ko na rin nasagot 'yong tawag mo."

"No worries. Hindi naman ako galit."

"Hindi ka galit?" aniya na napalabi pa bago

muling hinarap ang pagsasandok ng kanin sa rice cooker. "Pero hindi ka nag-reply sa text ko."

Bahagya itongtumawa. "Nabasa ko 'yong text mo kanina, pero may ginagawa ako kaya hindi ko na na-
reply-an pa. At isa pa, nag-decide na rin ako na umuwi rito ngayongtanghali. Luto mo pa rin 'yong
hinahanap ko. Tampo ka pa rin niyan? Narito na ako sa harap mo?"

"Hindi ako nagtatampo," aniya na inilapag na sa may kitchen island ang bandihado na may lamang kanin.

Napatingin si Mhorric sa pinggan niya na nasa may kitchen island din.

"Dito ka ba sa kusina kakain?"

"Kung hindi ka dumating, 00. Wala naman akong kasabay."

"Doon na tayo sa dining," anito na dinala na roon ang kanin na sinandok niya.

Ang nilagang baboy naman ay inilagay niya sa dalawang serving bowl. kumuha siya ng tray at inilagay
iyon doon bago dinala sa dining room. Maingat niya iyong ipinatong sa lamesa.

Si Mhorric na ang kumuha ng isa pang plato para dito. Ito na rin ang nag-ayos ng kanilang kakainan. Si
Candy naman ay inatupag muna ang paghihiwa ng apat na kalamansi at piniga iyon sa isang sauce plate.
Pagkuwan ay nilagyan niya ng tamang darni lang ng patis. The best iyon sa nilaga, para sa kaniya.
Pagkadala ng ginawang sawsawan ay muli siyang bumalik sa kusina para kumuha ng tubig at juice sa ref.
Nagsalin siya sa baso bago muling burnalik sa dining.

"Candy, let's eat. Nakakagutom masyado itong niluto mo," ani Mhorric na pinaghila na siya ng
mauupuan.

"Opo. Kakain na," aniya na naupo na rin sa upuan na hinila nito para sa kaniya.

Nang magsimulang kumain si Mhorric ay hindi inaalis ni Candy ang tingin sa nobyo. Ngayon lang siya
nagluto ng nilagang baboy. At gusto niyang makita ang reaksiyon ng mukha nito kung nasarapan ba ito o
ano?

"Okay lang ba ang lasa?" alanganin pa niyang tanong.

Nakatatlong higop pa ng sabaw si Mhorric bago nagawang magsalita. "Sobrang sarap," sa halip ay wika
nito. "Tama lang talaga ang desisyon ko na urnuwi," nakangiti nitong wika sa kaniya. Saka lang sumilay
ang ngiti sa labi ni Candy.

"Try mo itong gin awa kong sawsawan, aniya na inilagay sa pagitan ng pinggan nila ang sauce plate.
Share na sila roon.

Hindi na nawala ang munting ngiti sa mga labi ni Candy habang kumakain sila ni Mhorric ng tanghalian.
Sabay pa rin sila ngayon dahil hindi rin natiis ni Mhorric na hindi roon kakain kahit na

may meeting ito mamaya. Malaking bagay iyon para sa kaniya. Ang mabigyang importansiya ng nobyo sa
kabila ng pagiging busy nito.

"HINDI ka ba mali-late sa meeting mo?" untag pa ni Candy kay Mhorric na nakatambay rin sa kusina
matapos nilang kumain ng tanghalian. Katatapos lang din niyang maghugas ng kanilang mga
pinagkainan.

"Mayamaya pa naman ang start," anito na sumenyas pa na lumapit siya rito. Nakaupo ito sa may high
stool chair na nasa may harapan ng kitchen island.

Nagpunas muna siya ng kamay sa may hand towel bago ito nilapitan. Nang ibuka pa nito ang dalawang
kamay ay alam na niya ang gusto nito. Kaya naman paglapit niya rito ay yumakap siya rito.

"Weekend na bukas. Saan mo gustong pumunta?" tanong pa nito sa kaniya habang yakap siya.

Ang bilis din ng araw. Weekend na naman bukas. "Gusto mo bang lumabas tayo?" balik-tanong pa niya.

"Kung gusto mo. Wala namang problema sa akin. Mag-date tayo. Pero uunahan na kita, please lang,
'wag mo munang isama sa suggestion mo ang UI-IB Leisure Club. Parang may trauma pa rin ako sa
pagkawala mo na parang bula last weekend."

Napatawa siya sa sinabi nito. "Eh, doon ko pa naman gustong pumunta," kunway sabi niya.
"Marami pang iba na magagandang pasyalan."

"Pero wala ng gaganda pa sa Leisure Club, Mhorric," sansala niya sa sinabi nito.

"'Wag muna doon. Please?" anito na hinalik-halikan pa ang kaniyang pisngi. Tila naglalambing.

May mumunting kiliti ang dulot ng halik nitong iyon sa kaniya. Para bang dumadaloy hanggang sa
kaibuturan ng kaniyang katawan.

"Kung may alam ka na ibang lugar, ikaw na ang bahalang magdesisyon kung saan dahil hindi ko naman
kabisado ang mga lugar dito," aniya na sinalubong ang tingin nito. Tingin na para bang tinutunaw na
naman siya. Lihim siyang napalunok.

Bahagya nitong inilayo ang mukha sa kaniya. Mataman siya nitong pinagmasdan bago nagsalita. "Kung
ako lang, mas gugustuhin ko pa na dito na lang sa bahay. Para solong-solo kita. Pero syempre, hindi
naman puwedeng buong linggo na nakakulong ka lang dito sa bahay. Kaya kailangan nating lumabas."

"Ah, alam ko na," aniya nang biglang may maisip na lugar. "Alam mo ba 'yong Lucban? Dito

rin 'yon sa Quezon Province."

"Lucban? Saan sa Lucban?"

"Sa Kamay ni Hesus. Gusto kong maakyat 'yongtuktok noon kung saan naroon ang malaking rebulto ni
Hews."

'"Yong maraming hagdanan?"

Nakangiting turnango siya. '"Yon nga." Nabasa niya dati sa isang diyaryo ang tungkol sa lugar na iyon.
Gusto niyang manalangin at humilingsa lugar na iyon. Wala namang masama dahil may paniniwala
siyang kaniya. Unti-unting napalis ang ngiti sa kaniyang labi nang hindi agad magsalita si Mhorric. "Ayaw
mo ba?"

"H-hindi. Iniisip ko lang kung gaano nga ba karaming baitang ng hagdanan ang lalakarin natin bago
marating 'yong pinakaitaas niya."

"Sisiw lang 'yon sa iyo. So, deal na? Doon na tayo pupunta?" muli ay bumalik ang ngiti sa labi niya.
Ngiting nanlalambing.

In the end ay tumango rin si Mhorric. "Okay.

Doon tayo bukas."

"Thank you," walang paglagyan ang kasiyahan niya nang muli niyangyakapin nang mahigpit si Mhorric.
Ngayon pa lang ay excited na siyang marating ang Kamay ni Hesus.

Nang malapit ng mag-ala una ng hapon ay nagpaalam na rin sa kaniya si Mhorric na babalik na sa
trabaho. Inihatid pa ito ni Candy sa may
main door ng condo unit.

"Ingat sa pagda-drive," bilin pa niya rito.

"l always will," anito na kinintalan pa siya ng halik sa labi bago hinarap ang pintong nakapinid. Akmang
pipihitin na ni Mhorric ang door knob nang muli nitong ibaba ang kanang kamay at pumihit paharap sa
kaniya.

"May nakalimutan ka pa ba?"

"Hmmm," anito na tumango pa. "May meeting kami at kailangan kong mas ma-inspired kaya hindi sapat
'yong smack kiss lang," anito na muling humakbang palapit sa kaniya at sinapo ang magkabila niyang
pisngi bago siya hinalikan sa labi.

Ipinikit ni Candy ang kaniyang mga mata at hindi ipinagkait sa kaniyang nobyo ang mainit din niyang
pagtugon sa halik nitong iyon. Halik na para bang ayaw pang matapos ni Mhorric ng ganoon na lang.

"Kung wala lang kaming meeting, ang sarap sanang magsiyesta lang ngayong hapon," nangingiti pa
nitong wika nang bahagyang ilayo ang mukha sa kaniya. "l need to go."

"Tunay na ba 'yan?"

"Actually, undecided nga ako, eh."

"Tumigil ka," natatawang saway niya rito. Siya na ang nagbukas nang pinto para dito. "Sige na at baka
ma-late ka pang lalo. Bye," aniya na

abot pa rin sa mga mata ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Isang titig pa sa kaniya bago ito tumango.

"Okay. Papasok na. .. for real," dugtong pa nito. Ngunit nagpahabol pa ito ng isa pang smack kiss sa
kaniya bago tuluyang humakbang palabas sa may pinto. "l love you," wika pa nito.

"l love you too," tugon niya rito.

Bakas ang pagkakontento sa guwapong mukha ni Mhorric bago ito nag-wave ng kamay sa kaniya.
Pagkuwan ay turnalikod na rin at naglakad na palayo. May ngiti pa rin sa labi niya nang ihatid niya ng
tingin ang nobyo. Nang lumiko na ito ay saka niya isinara ang pinto.

Readers also enjoyed:

0m Bule Suamiku (Adams...

0 2.5M Read

TAGS love after marriage age gap


Chapter 69

NAKASUOT ng bestidang puti si Candy na umabot ang haba hanggang sa may lampas tuhod niya. At dahil
aakyat sila sa Kamay ni Hesus nang araw na iyon kaya naman rubber shoes na kulay puti rin ang suot
niya sa kaniyang mga paa. Okay lang naman iyong tingnan sa suot niyang bestida.

Sinabihan din niya si Mhorric na mag-rubber shoes ito para hindi manakit ang mga paa mamaya sa pag-
akyat nila sa mataas na kinaroroonan ng Kamay ni Hesus. Nagbaon rin siya ng pamaymay na natutupi in
case na mainitan siya mamaya.

"Ito na lang angdalhin mo," ani Mhorric nang mapansin ang pamaypay niya na isinilid niya sa kaniyang
shoulder bag. Iniabot naman nito sa kaniya ang isang maliit na hand fan. "Para hindi ka na mapagod sa
kapapaypay mo." Napangiti siya. "Sige. May extra ka pa?"

"Hmmm."

"Dalhin na rin natin para may magamit ka rin," suhistiyon pa niya.

Tumango si Mhorric bago kinuha pa ang extra nitong hand fan at muli ay ibinigay sa kaniya. Inilagay niya
iyon sa shoulder bag na dadalhin niya.

"Tubig? Baka mauhaw tayo."

"Bumili na lang tayo sa daan," sa halip ay wika nito. "Kung wala ka ng nakakalimutan, tara na."

"Sandali, 'yong payong 1<0. Baka umulan, aniya na bumalik sa may walk-in closet nito at kinuha sa
kaniyang garnit na cabinet ang kaniyang folding na payong. Mas okay na iyong handa kaysa sa hindi.
Baka mamaya ay magkabiglaan at urnulan pa. Hindi naman natin masasabi ang lagay ng panahon na
pabago-bago rin.

Hindi na rin naman sila nagtagal pa at umalis na rin sila. Hindi naman halatang-halata na excited siyang
marating ang lugar na pupuntahan nila. Araw iyon ng Sabado. Inagahan nila para hindi sila
makipagsabayan mamaya sa mga tao. Siguradong marami rin ang pupunta roon dahil weekend.

Kumain naman sila ng almusal kanina bago sila umalis. Kaya medyo nakakundisyon sila ng kaniyang
nobyo.

Nag-text siya kay Avery na pupunta siya nang araw na iyon sa Kamay ni Hesus.

Sino ang kasama mo, Ate? reply ni Avery sa kaniyang text.

Si Kuya Mhorric mo.

Wow! Mag-picture kayong dalawa, Ate. Send mo sa akin sa Messenger, ha?


Sige. Mamaya kapag naroon na kami. Ingat kayo riyan. Sumunod sa utos nina Nanay at Tatay,

Opo, Ingat din kayo, Ate.

May ngiti sa labi na nagbaling ng tingin si Candy sa labas ng bintana at tiningnan ang
kanilangdinaraanan.

"Sino'ng ka-text mo?" mayamaya ay biglang tanongsa kaniya ni Mhorric.

Nagbaling dito ng tingin si Candy. "Si Avery.

Sinabi ko na pupunta ako ngayon sa Kamay ni Hesus."

"Hindi mo sinabi na magkasama tayo?"

"Sinabi ko. Nagtanong din kasi siya."

"Okay lang ba sila roon?"

Tumango siya. "Hmmm. Palagi naman akong nangangamusta sa bahay. Okay lang sila." "Kapag nami-
miss ka nina Nanay at Tatay, puwede naman tayong pumasyal sa Bulacan kapag wala akongtrabaho. Or,
sila ang papuntahin natin dito. Dalhin natin sila sa UHB Leisure Club para naman makapag-relax sila."
Gustuhin man niya ngunit bigla siyang nag-alangan. "S-saka na siguro."

"Bakit?" anito na sandaling nagbaling ng tingin sa kaniya.

"Hindi pa naman nila alam angtungkol sa atin," aniya na napabuntong-hininga pa.

Sumulyap siya sa labas ng bintana. Kung dadalhin man nila sa UHB Leisure Club ang kaniyang pamilya,
gusto niya na alam na ng mga ito ang kanilang estado ni Mhorric. Baka maging ang pamilya niya ay
masyadong madalian sa kanilang relasyon.

"Babe."

Kunot ang noo na binalingan niya si Mhorric.

"Babe? Saan galing 'yan?"

Napatawa naman si Mhorric. "Wala man lang tayong endearment sa isa't isa."

"Tigilan mo ako sa babe na 'yan," aniya na inirapan pa ito. "Sa pagkakatanda ko, 'yan ang endearment
ninyo ng ex-girlfriend mo."

"Okay. Kung ayaw mo ng babe... love na lang."

"Kailangan pa ba talaga ng endearment?" salubong ang kilay na muling baling niya rito.

"For me, mas masarap sa tainga na may endearment ang couple. Parang. .. it's too formal kapag first
name bases tayo. Lagyan naman natin ng kaunting sweetness."
"Love," usal pa niya. Puwede na rin kaysa sa babe. Gustong turnaas ng kilay niya sa part na iyon.

"Okay na ba 'yong love? Approve na sa iyo?"

Turnango siya. "Hmmm," sang ayon niya. Hindi niya mapigilan ang muling mapangiti habang
pinagmamasdan si Mhorric. Para kasing tuwang-tuwa ito sa endearment nila na iyon.

Love... usal na naman niya sa kaniyang isipan.

Nang makarating sila sa Kamay ni Hesus na matatagpuan sa Lucban, Quezon, nang umagang iyon ay una
nilang inatupag ang pagpa-park ng sasakyan na garnit nila sa pinaka-parking lot na may kalapitan lang sa
mismong Healing Church. Ang founder ng lugar na iyon ay ang isa sa kilalang pari sa buong Pilipinas. Si
Father Joey Faller. Kilala rin bilang isa sa healing priest.

May karamihan din ang sasakyan. Kahit na alas syete pasado pa lang ng urnaga ay naroon na sila. Nag-
research din siya kagabi at kapag araw ng Sabado ay mayroong healing mass tuwing alas nuebe y media
ng umaga. May time pa sila ni Mhorric na umakyat sa pamosong grotto ng Kamay ni Hesus. Bago um-
attend ng healing mass mamaya.

Wala siyang sakit, pero nais din niyang ipanalangin ang kalusugan ng kaniyang Nanay at Tatay. At isa pa,
naroon na rin naman sila ni Mhorric kaya lulubusin na niya ang maka-attend ng mass.

Bago sila bumaba sa sasakyan ay napatingin pa siya kay Mhorric dahil nagsuot pa ito ng itim na

sumbrero at itim ding face mask sa mukha.

"Bakit nag-face mask ka pa?" kunot pa ang noo na tanong niya sa nobyo.

"Love, kapag hindi ko ito ginawa, baka dumugin ako ngtao. Mahirap na," nangingiti ang mga mata na
wika nito bago bumaba sa kotse dala ang dalawang plastic bottle ng mineral water na binili nito kanina
sa naraanan nilang convenient store.

Pagkababa ni Mhorric sa kotse nito ay agad din itong lumigid sa may passenger side para pagbuksan siya
ng pinto. Nakaalalay pa ito sa kaniyang pagbaba. Kung ano ang trip nito ay hinayaan na lamang niya ito.
Naalala tuloy niya iyong huling simba niya noon sa Quiapo Church, naka-face mask at sumbrero din siya
para lamang hindi makilala ng mga nakakakilala sa kaniya noon.

Muntik na niyang makalimutan, member nga pala ng isang sikat na Club ang kaniyang nobyo. Kaya hindi
malayo na may makakilala rito sa labas.

Magkahawak kamay nilang hinayon ang papunta sa kinaroroonan ng aakyatin nilang grotto.

Bago sila dumiretso roon ay naraanan pa nila ang simbahan. Nakabukas iyon pero hindi sila pumasok.
Nag-sign of the cross na lang siya. Ginaya naman ni Mhorric ang ginawa niya.

"Almost three hundred steps ang aakyatin natin," baling niya kay Mhorric.
"Sisiw," sa halip ay tugon nito bago nila pinasok ang gate na may nakasulat na entrance. May mga
signage roon na siyang sinunod nila. May naraanan pa silang donation box.

Tiningnan niya ang wallet niya kung may nadala ba siyang mga small bills. Twenty pesos ang una niyang
nakuha. Inihulog niya iyon sa donation box. Pagkuwan ay nagpatiuna na kay Mhorric dahil hindi naman
sila puwedeng magsiksikan sa pathway na kanilang daraanan.

Si Mhorric naman ay dinukot ang wallet sa bulsa at naglabas ng buong one thousand peso bill. lyon ang
inihulog nito.

Napangiti pa si Candy nang pagmasdan ang unang hagdan na daraanan nila. Pagkuwan ay tiningala ang
kinaroroonan ng malaking grotto ni Hesus sa tuktok niyon. Masyado iyong mataas.

Pero naniniwala siya na kaya niya iyong maakyat. Ang pinakahagdanan doon ay mayroong nakaharang
na bakal sa pinakagitna. Sa kaliwa ay paakyat. Sa kanan naman ay para sa mga pababa sa grotto. Pin aka-
exit.

Hinarap muna niya si Mhorric. "Ako na ang mauuna?"

Tumango ito. "Sige. Dito lang naman ako sa likuran mo," sang-ayon nito sa kaniya.

"Tara," na-e-excite niyang bulalas na

nagsimula ng umakyat sa baitang ng hagdanan. Animo pa-zigzag ang kanilang lalakarin dahil nakasara
ang ilang parte ng hagdan na paakyat sa may kanang bahagi ng paakyat ng grotto. Siguro ay para
maraanan din ang lahat ng station habang paakyat sa pinaka-itaas ng grotto. At hindi sila mas mapagod
sa pag-akyat kaya may flat pa rin silang dinaraanan bukod sa pag-akyat sa baitang ng hagdanan.

May naraanan pa sila na hindi naman sobrang laki na fish pond matapos nilang umakyat sa unang
hagdan na dinaanan nila. May ilang isda rin siyang nakita. At mga coins na nagkalat sa sahig ng pond.
Mukhang humihiling din ang mga tao na pinapa-shoot sa naroong tapayan o isangjar.

Bago sila muling umakyat sa hagdanan ay may naraanan na naman silang donation box. Muli ay
naghulog siya roon. Wala namang masama na mag-share ng blessing kahit na sa magkaanong halaga ang
kaya ng isang tao. Basta bukal sa puso. Muli ay naghulog din ulit si Mhorric.

Sunod nilang nadaanan ay ang last supper ni Hesus. Bago sila dumiretso ni Mhorric sa paglalakad.
Huminga pa siya nang malalim bago naglakad sa hagdan. Wala pa sila sa itaas pero nakakaramdam na
agad siya ng kaunting pagod dahil may katarikan din ang hagdanan na

inaakyat nila ni Mhorric.

"Love," aniya sa nobyo na nasa likuran niya.

"Kaya pa?"

"Kaya pa, Love," tugon ni Mhorric.


Gusto sana niyang isama roon ang kaniyang ama't ina, pero baka hapuin ang mga ito bago makarating sa
tuktok ng grotto. Nakakahingal din talaga at hindi niya iyon maikakaila.

"Sa ilong ka lang huminga," bilin pa sa kaniya ni Mhorric. "'Wag sa bibig. Baka hapuin ka."

"Okay," aniya na sinunod ang bilin nito. Hindi rin pala biro para sa first timer ang lugar na iyon.

Station of the Cross ang tawag sa nilalakaran nila ni Mhorric tuwing matapos nilang umakyat sa
hagdanan. Kaya bawat nadaraanan nila ay ipinapakita ang mga nangyari kay Hesus bago ito mamatay.
May mga rebulto roon si Hesus.

Napakalinis din ng lugar. Nakakatuwa na masisinop din ang mga napunta roon na hindi basta-basta nag-
iiwan ng basura. May basurahan din naman silang nadaanan. Mukhang nakikisama ang kalangitan dahil
medyo maulap ng mga sandaling iyon. May kalamigan din ang hangin kaya masarap sa pakiramdam.
Hindi siya nagpapawis. Kaya hindi na rin niya nagamit pa angdala nilang hand fan.

Nang makarating sila sa ika-twelve station

kung saan nakapako na si Hesus sa krus, muli ay huminto sa paglalakad si Candy para pagmasdan ang
rebulto na iyon.

"Ang ganda na ng view rito," ani Mhorric na nakapatalikod naman kay Candy habang nangingiti sa kabila
ng pagod na nararamdaman. Inalis na rin nito ang suot na face mask at itinira lang ang surnbrelo sa ulo.
Mas lalo raw itong nahihirapan sa paghinga dahil sa face mask.

Isang sulypa pa kay Hesus na nakapako bago burnalingsa tinitingnan din ni Mhorric. Napangiti rin siya
nang makita nga ang magandang view. May kataasan na rin ang kanilang kinaroroonan kaya kitang-kita
na rin ang ibabang bahagi ng lugar na iyon sa Lucban, Quezon.

Doon ay sandali muna silang nagpahinga bago muling nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdanan. Nang mga
sandaling iyon ay magkahawak na ang kanilang kamay. Isang station of the cross pa ang kanilang
dinaanan bago muling umakyat sa hagdan. Isang deretso na iyon papunta sa kinaroroonan ng fifty feet
na grotto ni Hesus.

"Kaunti na lang," nasisiyahang bulalas niya. Nakakahingal man at nakakapanlambot sa kaniyang mga
tuhod pero ininda niya iyon. Worth it naman kapag nasa mismong itaas na. "Sa wakas," bulalas pa niya
nang makarating sa pinakahuling step. May mangilan-ngilan na tao

na naroon na rin sa pinakaitaas. May mga nagpi-picture-an. May tila ba taimtim na nananalangin.

Hawak pa rin niya sa kamay si Mhorric nang hayunin niya ang pinakaibaba ng rebulto ni Hesus at doon
ay sumandal habang kinakalma ang kaniyang paghinga. Si Mhorric din ay sumandal sa kinasasandalan
niya.
"Ang saya 1<0," aniya na tumingala pa. "Nabisita rin kita," kausap pa niya sa malaking rebulto. Sobrang
taas niyon. Ganoon din ang kanilang kinaroroonan. Isang achievement para sa kaniya ang marating ang
lugar na iyon. Idagdag pa na si Mhorric ang kaniyang kasama.

Binalingan niya ang kaniyang nobyo. "Okay ka

Tumango ito. "Sabi ko naman sa iyo, sisiw." "Sus. Hiningal ka nga rin bago makaakyat dito," natatawa
niyang wika.

Nang maging okay na ang kaniyang paghinga at medyo nakaraos na sa pagod ay saka lang uminom
ngtubigsi Candy. Ganoon din si Mhorric.

Kinuha pa niya ang kaniyang cellphone at p-in-icture-an muna ang mataas na grotto. Burnaba pa siya ng
hagdanan para mas makuhanan niya iyon ng maganda. Pagkuwan ay hinarap niya sa kaniya ang camera
para sila n aman ng grotto ang mag-selfie.

"Ayaw mo ba akong isama?" wika pa ni Mhorric nang lapitan siya.

"Gusto mo?" aniya na bahagyang ibinaba ang hawak na cellphone.

"Syempre," anito na nagtanggal muna ng sumbrelo sa ulo bago kinuha ang kaniyang cellphone at siyang
nag-picture sa kanilang dalawa.

"Isama mo 'yong grotto," natatawa niyang saway rito.

"Okay. One more," wika pa nito.

Tamang-tama dahil mahaba ang braso nito kaysa sa kaniya.

Nasiyahan naman siya sa mga kuha nitong larawan nila. lyon din ang unang beses na nag-selfie sila ng
kaniyang nobyo.

Matapos niyon ay nag-send naman siya sa kaniyang kapatid na si Avery ng picture ng Kamay ni Hesus at
picture nila ni Mhorric na magkasama, iyong kita ang grotto.

Nagtagal pa sila roon ng ilang sandali. Muli siyang lumapit sa grotto ni Hesus at nagbigay rin ng
panalangin habang nakapikit. Humawak pa siya sa sinandalan nila kanina ni Mhorric at pumikit. Humiling
din siya. Para sa magulang niya, mga kapatid at sa kanila ni Mhorric.

Nang matapos ay unti-unti na niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Napatingin siya sa kaniyang tabi
nang makitang nakatayo rin

doon si Mhorric at ginaya ang kung ano man ang ginawa niya. Nakapikit din ito at tila ba nananalangin
din. May ngiti sa labi na hinayaan lang niya ito.

Matapos niyon ay hawak kamay silang bumaba sa grotto matapos maglagi pa roon ng ilang sandali.
Kapag pababa na ay hindi na naman nakakapagod. Hindi katulad kanina noong um akyat sila. Ang pin
aka-exit ng grotto ay ang kinaroroonan ng Garden of Eden at ng Noah's Ark. Namangha na naman siyang
lalo sa lugar na iyon.

Pero dahil malapit na rin ang healing mass kaya dumiretso na sila ni Mhorric sa may simbahan para may
maupuan sila. Dumarami na rin kasi ang mga tao. Sa may sulok sila naupo. Muli ay nagtanggal ng
sumbrelo si Mhorric. Pero naglagay naman ito ng face mask sa mukha.

Nang magsimula ang mass ay doon na sila nag-focus ni Mhorric.

The Wolf Princess and...

Addie Hayes

How many mates do you have,

Princess?" Kia asks] look over at h.

Chapter 70

"MUKHANG sila na nga 'yon."

"00 nga. 'Yon 'yong babae na kasama ni Mhorric Soliven sa picture. At ganoon din 'yong suot ni Mhorric.
Mukhang ayaw lang may makakakilala sa kaniya kaya para siyang naka-disguise."

"Oh, my God! Ngayon lang ako nakakita ng UHB Men sa personal," impit na tili ng isa. "Sana makita ko
rin 'yong mukha niya."

"Puwede kaya tayong magpa-picture sa kaniya? O kaya mag-hi?"

"Do you think, papansinin niya tayo?"

"Sino 'yong kasama niya? Girlfriend ba

"Akala kojoke lang 'yong nasa caption ng picture. Pero mukhang totoo. Look at them, mukha nga silang
couple."

Pasimpleng lumingon si Candy sa mga babae na nasa hindi kalayuan sa kanila ni

Mhorric. Katatapos lang ng healing mass at balak sana nilang bumalik ni Mhorric sa kinaroroonan ng
Garden of Eden para mamasyal pa at gusto rin niyang makapasok sa Noah's Ark.

Ano 'ng picture ang sinasabi nila? clueless na

tanong niya sa kanÏyang isipan nang magbawi siya ng tingin.


Sa pagkakatanda naman niya ay wala siyang pino-post sa social media na picture nila ni Mhorric na
magkasama sa lugar na iyon. Mas lalong hindi si Mhorric dahil sa pagkakatanda niya ay siya lang itong
naglabas ng cellphone kanina para mag-picture sila.

"Mukhang may nakakakilala sa iyo rito," bulong niya kay Mhorric.

"Nag-post ka ba online?"

Urniling siya. "Hindi. Pero nagpasa ako ng picture nating dalawa kay Avery kasi request niya," aniya na
mabilis na kinuha ang kaniyang cellphone sa kaniyang shoulder bag. Para sana magtanong sa kapatid
niya. Naka-silent ang kaniyang cellphone, kaya naman napakurap-kurap pa siya nang makitang ang
darning missed call ni Avery. May mga text din na inuna niyang buksan habang marahan pa rin silang
naglalakad ni Mhorric. Hawak siya nito sa kaniyang baywang kaya naman kampante siya na hindi siya
mahihiwalay sa nobyo kahit hindi siya nakahawak dito.

Ate, bakit ang daming nakakakilala kay Kuya Mhorric?

OMG! Member pala siya ng UHB Leisure Club, Ngayon ko lang napagtanto. Nag-search agad ako, confirm
nga Alam mo ba 'yon, Ate?

Ate, sorry, pinost ko sa Facebook account ko 'yong picture ninyo ni Kuya Mhorric. Hindi ko naman
expected na maraming mag-share at comment.

Delete ko na ba?

Ate mag-reply ka, Ate ? A ? A ?

Parang sasakit yata ang kaniyang ulo ng mga sandaling iyon. Kung ganoon ay si Avery ang salarin. Nang
bahagya niyang ilibot angtingin sa paligid ay marami pa rin ang nakatuon ang atensiyon kay Mhorric.
Para bang naghihintay ng pagkakataon na makalapit sa binata.

"Si Avery ang salarin," aniya sa nobyo.

Dahil sa post ni Avery ay marami tuloy ang nakaalam na naroon ngayon ang isa sa member ng UHB
Leisure Club na si Mhorric Soliven.

"Tutuloy pa ba tayo sa Garden of Eden at sa Noah's Ark?" tanong pa sa kaniya ni Mhorric na para bang
mas mahalaga pa ng mga sandaling iyon ang kagustuhan niya na marating iyon. Kaysa sa mga taong
kulang na lang ay takbuhin ito.

Urniling siya. "Hindi na. Baka dumugin ka pa kung magtatagal tayo rito. Umalis na tayo," sa halip ay
suhistiyon niya rito.

Hindi literal na celebrity ang kaniyang nobyo. Pero daig pa nito ang isang sikat na sikat na artista. May
mga kumukuha pa ng stolen shot sa kanila. May napansin pa siya na nagla-live. Napansin din iyon ni
Mhorric. Kaya naman hinubad ni Mhorric ang suot na sumbrero at isinuot muna sa kaniyang Lilo bago
sila pumihit ng paglalakad at hinayon ang kinaroroonan ng parking lot.
"Halal Si Mhorric nga. Same na same sa kumakalat na picture sa Facebook."

Hanggang sa may parking lot ay maraming sumusunod sa kanila. Ang iba ay gustong magpa-picture. Ang
iba naman ay tila clueless kung bakit hinahabol sila ng mga tao. Mga nakatingin lang.

"Get in," ani Mhorric nang buksan ang pinto sa may passenger side.

Agad naman siyang sumakay. Lumigid din agad si Mhorric papunta sa may driver side. Pero bago nito
buksan ang pinto ay humarap muna ito sa crowd na nananabik na makita ito.

Walang salita na ibinaba nito ang suot na face mask na ikinatilian ng mga kababaihan at kabaklaan na
para bang dumayo langtalaga sa lugar na iyon dahil sa binata.

'"Wag po tayong maingay, nasa tabi lang tayo ng simbahan," wika pa nito. Ngumiti pa ito at nag-wave sa
mga naroon. Hindi naman ito nagtagal at sumakay na rin. Mukhang pinagbigyan lang ang mga naroon na
umaasam

na makita ito.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Candy. "Ang dami mong fans," biro pa niya rito.

"Sisihin mo ang UHB Leisure Club."

"Mukhang kailangan ko ng gumawa ng fandom mo. Ako ang President," nakangiti pa rin niyangwika.

"Love, ako pa rin ang numer one fan mo. Mas hinahangaan kita sa maraming aspeto," anito na may
pinindot sa screen ng cellphone nito. Direksiyon iyon ng sunod nilang pupuntahan. Pagkuwan ay inilagay
sa may tabi ng manibela kung saan mayroong naka-built in na patungan ng cellphone. Sunod niyon ay
pinaandar na nito ang kotse. May mga tao pa sa daraanan nila na panay pa rin ang kaway rito.

Kung kinikilig ang mga naroon na makita ito... mas kinikilig siya sa sinabi nito.

"00 na lang," kunway tugon niya sa huli nitongsinabi.

Nang makalabas sila sa gate ng Kamay ni Hesus ay saka lang tila ba nakahinga nang maluwag si Mhorric.

"Nagugutom na agad ako," Wika pa nito habang daan.

"Saan ba may masarap na kainan dito sa Lucban?" Tanghalian na rin naman halaos kaya nakakaramdam
na ito ng gutom. Ganoon din naman siya.

"Sa Buddy's."

"Buddy's?" ulit niya na tinanguan naman ni Mhorric.

"Yeah. Doon tayo pupunta."


Habangdaan naman ay nag-open siya ng kaniyang Facebook account at tiningnan ang p-in-ost ni Avery
sa account nito.

Naka-post nga roon ang kanilang picture ni Mhorric na hindi pa nga nagtatagal ay may ten thousand
shares na agad. Ang darni ring react at comment. Hindi na siya nangahas na magbasa ng komento at
baka marami ang negative ang sinasabi against sa kaniya. Baka ma-stress lang siya sa halip na maging
masaya dahil magkasama sila ngayon ni Mhorric.

Napapalatak pa siya sa caption ng kaniyang kapatid.

Ang mabait kong future brother-in-law...

"Avery," anas niya sa pangalan ng kaniyang bunsong kapatid. Tinawagan niyan ang cellphone number
nito.

"A-ate," agad nitong sagot sa kaniyang tawag.

"Avery, bakit mo naman p-in-ost 'yong picture namin ng Kuya Mhorric mo?" sita pa niya rito.

"Ate, sorry. Sabi kasi ni Ate Angel ay i-post ko

raw. Sorry PO"

"Alam mo ba ang impact ng ginawa ninyo? Halos dumugin kami sa labas ng simbahan. Hindi na rin
namin napuntahan 'yongdapat na pupuntahan namin pagkatapos ng healing mass kanina."

"Sorry na. Gusto mo bang i-delete ko na

'yong picture?"

"00. I-delete mo na 'yong picture."

'"Wag mong i-delete, Avery," may kalakasang wika ni Mhorric para siguradong marinig ni Avery.

"Si Kuya Mhorric ba 'yon, Ate?"

Sinulyapan niya ang nobyo. "Pero, Mhorric..

"Hayaan mo na. 'Wag mo na ring pagalitan ang kapatid mo," anito na ngumiti pa.

"Baka kasi nagalit ka," alanganin pa niyang wika rito.

"Hindi," nangingiti pa nitong wika. "Basta tayong dalawa ang magkasama, wala namang problema."

Napabuntong-hininga siya. '"Wag mo na raw i-delete sabi ng Kuya Mhorric mo."

"Yes! Sabihin mo, Ate Candy, bagay na bagay talaga kayo."

Napataas ang isa niyang kilay. "Akala ko ba, linta lang ang marunong sumipsip? Sige na. Bye.
Ingat kayo palagi diyan. Pakikumusta kina Nanay at Tatay, ha?"

"Sige PO. Bye!"

Nang matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Avery ay ibinalik na niya sa kaniyang shoulder bag ang
kaniyang cellphone.

Hindi rin naman nagtagal at narating nila ang Buddy's. Restaurant iyon.

Nang makababa sila ni Mhorric sa sasakyan nito ay nakaalalay pa rin ito sa kaniya nang pumasok sila sa
100b ng Buddy's. Dumiretso sila sa may counter at doon ay namili ng o-order-in sa menu.

"Ano ang best menu nila rito?" clueless niyang tanong sa nobyo.

"Pancit Lucban. Geez! Bigla akong nag-crave," nangingiti na naman ang matang wika nito.

"Sige. Ganoon na langdin ang kakainin ko. Saka pizza," aniya nang makita na mayroon din doong pizza.
"Lemonade na lang ang drinks 1<0." "Okay," ani Mhorric na agad lumapit sa mismong harap ng counter
nang matapos um-order ang isang may edad ng lalaki. "Two to three person na Pancit Lucban," anito sa
babaeng nasa harap ng counter. "Then, one Buddy Pizza Super Supreme. 'Yong medium size lang."

"Anything else, Sir?"

"Two lemonade," anito na burnaling sa kaniya. "Halo-halo, gusto mo?"

Tumango siya. "Sige."

"Then, one halo-halo."

Inulit muna ng nasa counter ang order ni Mhorric bago nagbayad ang binata gamit ang cash nito sa
wallet. Matapos niyon ay naghanap sila ng mauupuan. Sa medyo gilid ang napili nila para hindi ganoon
ka-expose sa mga tao. Inalis na rin ni Mhorric ang suot nitong face mask. Si Candy naman ay inalis na rin
sa ulo angsumbrero na suot pa rin niya ng mga sandaling iyon at ipinatong sa pinakadulong bahagi ng
lamesa.

Nang ibaling niya ang tingin kay Mhorric ay bigla siyang nakaramdam ng munting pagkailang dahil nasa
kaniya ang buong atensiyon nito. Hindi naman sa pag-pi-feeling, pero iyong hitsura kasi nito ay daig pa
iyong gandang-ganda sa kaniya.

"B-bakit?" tanong pa niya rito.

"Nothing," anito na ngumiti pa sa kaniya.

There, tunaw na naman ang kaniyang puso. "Uuwi na ba tayo pagkatapos nating kumain?" pagkuwan ay
tanong niya.

"Masyado pang maaga para umuwi sa bahay.


Hmmm. Pumasyal muna tayo."

"Wala na akong ibang alam na lugar dito."

"Ako na ang bahala."

"Okay."

Napuntahan na nila ang gusto niyang puntahan at iyon nga ang Kamay ni Hesus. Ngayon naman ay si
Mhorric naman ang sunod na taya para sa kanilang susunod na pupuntahan.

Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang pagkain nang makaramdam ng kakaiba si Candy.

Dumarami na rin kasi ang costumer sa 100b ng Buddy's. Hindi niya sigurado kung dahil lang ba weekend
kaya maraming tao sa labas o dahil may nakatunog na naman na naroon sila ni Mhorric ngayon?

Pasimple niyang inilibot ang tingin sa paligid. Majority na naman ang mga matang nakatuon sa
direksiyon nila. Lihim siyang napalunok.

"Love," anas niya na sapat lang upang marinig nito.

Saka lang ito nag-angat ng tingin sa kaniya. "Hmmm?"

"Mukhang may nakatunog din na narito ka, may pag-aalala na wika niya rito. "Dumarami na
naman'yong tao."

Pasimple rin nitong inilibot ang tingin at saka lang nakumpirma ang bagay na iyon. Mas focus kasi ito sa
pagkain ng na-miss nitong Pancit Lucban.

"Don't mind them, love. Kumain ka muna.

Hindi ka mabubusog kung ang crowd ang iisipin

mo. Mamaya na natin sila isipin. Hmmm?"

Bumuntong-hininga siya. Pagkuwan ay tumango. Pero habang kumakain ay naaagaw pa rin ng mga
dumaraming tao ang kaniyang isipan. Idagdag pa nang magsimula rin niyang marinig ang usapan tungkol
kay Mhorric.

Masasabi niya na iba nga talaga ang impact ng mga UHB Men sa mga tao.

Patapos na silang kumain. Mas [along naging crowded sa 100b at labas ng Buddy's. Ang security guard
doon ay hindi na rin nagpapapasok ng mga tao.

Nang mag-ring ang cellphone ni Mhorric ay agad naman nito iyong sinagot. "Yes, Kienlee? Ah, 00. Narito
kami ngayon sa Lucban," anito sa tamang takas lang ng boses. "Ah, kaya pala. 00 nga, eh. Biglang
dumami angtao rito sa may Buddy's. Patapos pa lang din kaming kumain ni
Candy." Sandaling huminto sa pagsasalita si

Mhorric at nakinig sa sinasabi ng kausap nito. "Ngayon? Hindi na. Kaya ko naman. 'Di bale ng ako, 'wag
lang si Candy. Maaabala pa kayo riyan. Salamat na lang. Sige. Bye."

Nang maibaba ni Mhorric ang cellphone nito ay nakatingin lang dito si Candy.

"Ano'ngsabi ni Kienlee?" hindi niya napigilang usisa.

"May isang customer clito ang nag-post ng stolen picture natin. Kaya dumami rin ang tao rito."
Napailing-iling ito. "Mas safe pa talagang mag-d ate around Pagbilao area."

Mukhang hindi na mauulit na lumabas sila basta ng Pagbilao City. Lalo na at matunog ang pangalan ng
mga UI-IB Men. Higit na iyong mga nasa karatig lugar lang ng Pagbilao. Main it-init pa talaga kaysa sa
tinapay ang pangalan ng mga member ng UHB Leisure Club.

Tapos na silang kumain. Ang problema lang ng mga sandaling iyon ay kung paano sila makakalabas
papunta sa kinaroroonan ng sasakyan ni Mhorric? Siguradong katulad kanina sa may Kamay ni Hesus ay
dudumugin na naman itong lalo.

Abala pa siya sa pag-iisip nang biglang buksan ng security guard ang glass door ng Buddy's at sunod-
sunod na pumasok ang mga naka-black suit na mga kalalakihan.

Nang makita ng animo pinaka-leader kung nasaan ang puwesto nila ni Mhorric ay sa kanila agad
pumunta ang mga iyon.

"Sir Mhorric," anang head ng security.

Kumunot pa ang noo ni Mhorric nang makita ang head ng security ng UH B Leisure Club. "Ano'ng gin
agawa ninyo rito?"

"Pinapunta po kami rito nina Sir Kienlee, magalang niyongtugon.

"Oh, thank you," usal ni Mhorric na nakahinga nang maluwag. Turnayo na ito at

inalalayan na rin si Candy sa pagtayo.

"Makakalabas na tayo ng matiwasay," nangingitl pa nitong wika.

Mabuti naman kung ganoon. Hindi na sila mahihirapan sa paglabas na baka kung ano pa ang mangyaring
kumusyon.

Pakiramdam tuloy ni Candy ay daig pa nila ni Mhorric angVlP na pinaliligiran ng mga body guard palabas
sa isang mataong lugar. Tingin niya ay sa mga sikat na celebrities lang nangyayari iyong ganitong scene.
Sino ba ang mag-aakala na mangyayari din pala sa kanila ni Mhorric. Ang tanging gusto lang naman nila
ng araw na iyon ay angmag-date.

"OMG! Ang guwapo nga ni Mhorric Soliven l" palirit pa ng mga babaeng hindi mapigilan ang kilig.
"Sana all mayroong Mhorric Soliven."

Hanggang sa makasakay sila sa kanilang sasakyan ay safe sila parehas ni Mhorric. Nauna na nitong
pinasibad ang kotse nito. Sunod niyon ay nagsisakayan na rin ang mga securities ng UH B Leisure Club sa
tatlong Fortuner na kulay itim.

Ang epic lang masyado ng eksena sa paglabas nila ng Buddy's.

Nangingiti pa si Mhorric habang naiiling.

"Mukhang ang ending din natin ngayon ay sa Leisure Club."

Pupunta sila roon? Ganoon na lang ngiting sumilay sa labi niya.

"Sige. Doon tayo," sang-ayon pa niya.

"Gustong-gusto mo naman?"

"Syempre," walang gatong niyang tugon. Sino ba ang may ayaw sa ganoon kagandang lugar? At isa pa,
napaka-memorable niyon sa kaniya.

Hindi pa natatapos ang araw na iyon pero para bang napakarami na agad ng nangyari. At maaari pang
mangyari. Pero katulad ng sinabi ni Mhorric, basta ito rin ang kasama niya sa mga ganoong kaganapan,
walang kaso sa kaniya.

May ngiting sumilay sa labi niya nang ibaling niya ang tingin sa may labas ng bintana.

Chapter 71

HINDI mapigilan ni Candy ang i-research sa isa niyang social media account ang pangalan ni Mhorric.
Hindi niya expected na magiging hot topic sila para sa linggong iyon. Maraming lumabas na suggestion
sa kaniyang screen.

May isang particular na video siyang cl-in-ick dahil sa title niyon.

SCOOP: Sino ang kontrobersiyal na babaeng kasama ni Mhorric Soliven sa Lucban, Quezon?

Huminga muna siya nang malalim bago pl-in-ay ang naturang video. May introduction pa iyon bago nag-
appear ang tatlong babae sa screen. Mukhang vlog iyon na sila ni Mhorric ang topic. Tahimik lang niya
iyong pinanood.

"At 'yon na nga. Mainit-init pa na tsismis mga ka-virtual kapitbahay," anang isang babae na nagpakilala
na Cora. "Siguro naman ay nabalitaan din ninyo ang kaganapan sa Lucban noong Sabado?"

"Yes!" ani Jessica. "Isang Mhorric Soliven lang naman ang naligaw sa bayan ng Lucban. Kaya nagulo ang
mga taong naroon at ganoon din ang mga nasa karatig bayan."
"There's more," anang nagpakilala naman na Lore. "Hindi mag-isa ang hottie na billionaire

na si Mhorric Soliven. He's with someone!"

"Someone na ayon sa aming source ay hindi basta-bastang babae lang sa buhay ni Mhorric. So, ano'ng
tingin ninyo sa babae na kasama niya?" baling ni Jessica kina Lore at Cora.

Si Cora ang naunang sumagot. "Too plain 'yong babae para sa kaniya. Medyo, hindi naabot ng
expectation ko na ganoong klase ng babae ang mali-link kay Mhorric. Common, he's a billionaire for
Pete's sake. Tapos isang napakasimpleng babae lang ang madidikit sa kaniya? 'Yong suot niya, para bang
nabili lang sa palengke." "Cora, uso naman ngayon ang mala-Cinderella na buhay," ani Lore.

"l know. Pero parang ang ano lang— "Cora, sabi nga raw kapag inggit, pikit," natatawang biro dito ni
Lore.

"Oh, shut up, Lore. Unti-unti ng nauubos ang single na UHB Men. Sinisira ng mga babaing 'yan ang
pangarap ko," sumimangot pa si Cora bago ngumiti ulit nang humarap ito sa camera.

"Opinyon ko lang naman 'yon."

"Ang mabuti pa, magbasa na muna tayo ng mga piling comments sa ating post kagabi about Mhorric
Soliven," ani Jessica. "May mainit na naging sagutan sa comment section kagabi. Para bang G na G si
Ateng nag-comment," anito na nag-scroll sa hawak nitong cellphone.

"Nabasa ko 'yon," natatawang wika ni Cora.

"So, ito 'yon. Babasahin ko lang, ha? Hindi nanggaling sa akin ng personal. Sabi rito. .." anito Jessica na
tumikhim pa bago muling nagsalita. "Kilala ko ang babae na kasama ni Mhorric. Nakikita ko 'yan sa
pinasukan kong TESDA, last school year. Hmp, hindi sila bagay. Mahirap lang 'yang babae. Feel na feel
masyado na may kasamang mayaman na lalaki. Tingin yata niya sa sarili niya ay nakaahon na sa
kahirapan. Galing naman sa squatter."

"Oh, my God. Taga-squatter cyong babae? Baka naman gold digger 'yan?" urnasim pa ang mukha ni
Cora.

Unti-unting humahapdi ang lalamunan ni Candy dahil sa pagpipigil na maluha. Bakit ba napakadaling i-
judge ang isang tao na hindi pa naman nakikita at nakikilala sa personal?

Parang gusto niyang ipagtanggol ang sarili laban sa mga taong ito. Pero hindi naman niya magawa.

"Cora, tingin ko rin," ani Jessica. "Siguro, gagawin lang niyang dahilan si Mhorric para makaahon sa
kahirapan. Alam mo na, ganiyan naman ang karamihan sa mga Pinoy. Aminado ako na may hitsura siya,
pero hindi pasado sa taste ko para sa isang Mhorric Soliven."

"Agree. Mas mukha pa nga tayong classy kaysa sa kaniya. I wonder kung paano niyang nakuha ang
atensiyon ni Mhorric. Hmmm. Ate, baka naman ginamitan mo ng katawan mo, ha?" ngumisi pa si Cora
pagkasabi niyon.
"Magsasawa rin diyan si Mhorric. Pustahan, hindi sila magtatagal

"Pupusta rin ako. 'Te, lagyan mo ng helmet ang ulo ni Mhorric, baka mauntog," ani Cora na tumawa pa.
"Naku, end of the world mo na.

Babalik ka na ulit sa squatter. Tapos ano?

Kaga-graduate lang sa TESDA? Mukhang wala ka pa ngang nahahanap na trabaho. Ano 'yan, aasa ka na
lang sa yaman ni Mhorric? That's so eeew!" Hindi na napigilan ni Candy ang tuluyang pagtulo ng mga
luha sa kaniyang mga mata. Nanginginig ang mga kamay na pinatay na niya ang kaniyang cellphone at
hindi na nangahas na tapusin ang kabuuan ng naturang video. Masyado ng masakit sa dibdib. Hindi na
niya kinakaya pa.

Gold digger! animo batingaw iyon sa kaniyang tainga na paulit-ulit niyang naririnig.

Tinakluban niya ngdalawa niyang kamay ang kaniyang mga tainga at dumapa sa kama. Isinubsob niya
ang kaniyang luhaang mukha sa unan.

Mukhang isang malaking pagkakamali nga ang turningin sa social media. Napakakulit din naman kasi ng
apog niya. Nagbilin na rin ang kaniyang mga kapatid na huwag na siyang mag-open ng account. Maging
ang mga iyon ay naka-deactivate dahil sa mga pamba-bash na

natatamo. Lalo na sa post ni Avery na picture nila ni Mhorric. Napilitan itong i-delete ang naturang post.

SALUBONG na ang mga kilay ni Mhorric. Pangatlong tawag na niya sa cellphone ni Candy ngunit hindi
naman nito sinasagot ang kaniyang tawag. Maging ang telepono nga sa bahay niya ay tinawagan na rin
niya.

Coffee break ng mga sandaling iyon kaya saka lang niya naharap ang kaniyang cellphone. At kapag
ganoong oras ay tin atawagan talaga niya ang nobya.

"Bakit hindi mo sinasagot?" anas pa niya.

Bumuntong-hininga siya. Sumubok ulit siya ng isa pang tawag. Saka lang siya nakahinga nang maluwag n
ang sumagot ito.

"Busy ka ba? Kanina pa ako tumatawag," aniya sa nobya. Mula sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair
ay turnayo siya at naglakad palapit sa may glass wall at tumanaw sa malayo.

Dinig pa niya ang paghinga nito nang malalim. "H-hindi naman. Galing lang ako sa banyo."

Kumunot ang kaniyang-noo nang marinig ang boses nito. Para bang mayroong kakaiba roon. "Okay ka
lang ba, love? Parang may iba sa boses mo."

"O-okay lang ako."

Parang hindi siya kumbinsido. "'Yong totoo?"


"Promise, okay lang. . . ako."

Hindi talaga siya kumbinsido. "Wait a second, love," aniya na c-in-ancel ang naturang tawag. Sunod niya
itong tinawagan through video call. Sa pangalawang tawag pa nito nagawang sagutin angtawag niyang
iyon. Naka-off pa ang camera nito. "Love, open your camera."

'"W-wag na."

"Lalo mo lang pinalalakas ang instinct ko na hindi ka okay. Show me your face, gusto kong makita.
Please?" giit pa rin niya. Heto nga at bigla siyang kin abahan.

"Love, uuwi ka na rin naman mamaya.

Magkikita rin tayo."

"Love, isa."

Napabuntong-hininga na naman si Candy bago ito napilitang buksan ang camera sa cellphone nito. Una
niyang nakita sa screen ay ang labi nito at bandang leeg.

"Love," saway niya rito nang hindi nito ayusin ang kinatututukan ng camera ng cellphone nito.

Kin agat nito ang ibabang-labi. Para bang may pinipigil na kung ano. llangsandali pa ang lumipas bago
nito nagawang ipakita ang mukha

sa kaniya. Hindi ito makatingin sa kaniya.

Para bang sinipa angdibdib niya nang makita ang pugto nitong mga mata at bahagyang namumulang
ilong.

"May nangyari ba?" agad ang pagbalot ng pag-aalala sa kaniya.

Umiling ito. Pero hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang paghibi ng labi nito. Senyales na para bang
naiiyak na naman. At ang mga mata nito, hindi man nakatingin sa kaniya, pero kitang-kita rin niya nang
unti-unting manubig.

lyong puso niya, para bang pinipiga. Hindi na rin niya matiis pa.

"Pag-uusapan natin kung ano man 'yan," aniya rito. "Hintayin mo lang ako," aniya bago tinapos na rin
ang tawag na iyon.

Isinuot lang niya ang kaniyang coat at ipinasya ng lumabas sa kaniyang opisina.

"Sir," naibulalas pa ng kaniyang secretary nang makita siya na akmang lalampas sa may cubicle nito.
Mabilis iyong tumayo bago nagbigay galang sa kaniya.

"Cancel my appointment kung mayroon man. Kailangan ko na munang urnuwi sa bahay.


May emergency lang," inporma pa niya rito.

"Y-yes, Sir." lyon lang at may pagmamadali na hinayon

niya ang elevator na nakalaan lang para sa mga VIP na katulad niya.

Nang makasakay sa kaniyang kotse ay halos paharurutin niya iyon makarating lamangsa The LPG Tower
na may ilang minuto rin ang layo sa Soliven Group.

Hindi niya mahihintay ang paglabas niya mamaya. Baka mabaliw lang siya kaiisip kung ano ang nangyari
kay Candy. Umiiyak ito at iyon ang ayaw na ayaw niyang makikita rito.

PAGBUKAS ni Mhorric sa pinto ng silid nila ni Candy ay bahagya pa siyang nakahinga nang maluwag nang
makita ang kaniyang nobya na nakahiga lang sa kama nila. Yakap nito ang isang unan.

May pagmamadali na lumapit siya rito. Tinanggal pa niya ang sapatos sa kaniyang paa bago sumampa sa
kama. Saka lang napamulat ang mga mata ni Candy nang maramdaman ang paglundo ng kama. Natigilan
pa ito nang makita siya.

"M-Mhorric," ani Candy na pinilit burnangon mula sa pagkakahiga. Agad naman itong inalalayan ni
Mhorric sa pag-upo nito.

"I'm here," aniya na agad itong niyakap. Mahigpit. "Ano'ng nangyari? You tell me. Alam kong hindi ka
iiyak kung wala lang."

Hindi nagsalita si Candy. Pero ramdam niya ang bahagyang pagyugyog ng mga balikat nito.

Indikasyon na urniiyak na naman ito. "May nangyari ba sa inyo?" Umiling ito.

"Then, what?" ani Mhorric na bahagya ritong kumalas. He even captured her face. "Tell me, love. Ano'ng
nangyari?"

Huminga ito nang malalim bago malungkot na ngumiti. "W-wala."

"Please?" pakiusap niya rito.

lyong mga titig nito sa kaniya na may halong lungkot. Hindi pa man ito nagsasalita pero bakit pati siya ay
nasasaktan para dito?

Nagpakatatag lang siya ng mga sandaling iyon.

Humibi na naman ang labi nito. Ang mga mata ay muling nagbabalong ang mga luha. "Na. . . nasasaktan
lang ako."

"Saan?"

Ikinuwento nito ang napanood nitong partikular na video sa social media account nito.
Literally bashing her.

Tumiim ang labi niya. "Can you show me that video?" Hindi talaga niya mapapatawad ang nasa likod
ngvideo na iyon.

Urniling ito. '"Wag na. Kasalanan ko rin naman kasi pinanood ko, eh. Hindi naman," nakagat nito ang
ibabang-labi. Ang mga luha ay sunod-sunod sa pagpatak sa pisngi nito. "Hindi naman totoo na yarnan
mo lang ang habol ko sa iyo. Alam mo naman 'yon, eh."

"Alam ko 'yon," sang-ayon niya rito. "Tahan na. Ayaw kong nakikita kang nasasaktan at urniiyak ng
ganiyan. Tingin mo ba, okay lang sa akin? No. Because right now, I want to sue them, aniya na muli
itong niyakap. "Hindi mo kailangang magpaapekto sa kanila. Wala naman silang alam tungkol sa totoong
nangyayari. Ang alam lang nila ay kung ano ang naririnig o nababasa nila. Pero 'yong totoong kuwento,
hindi nila alam 'yon. Ano ba'ng alam nila? Wala," mariin niyangwika.

"Ang ano lang din kasi," ani Candy. "Masyado rin nilang minamaliit 'yong pagpasok ko sa

TESDA. Ginusto ko namang magtrabaho agad, eh. Alam din naman 'yon nina Nanay at Tatay. Pero
dumating ka," ani Candy sa pagitan ng paghikbi. "Kasalanan ba na piliin ko naman 'yong sarili ko ngayon?
Almost ten years akong nagtrabaho para lang sa pamilya ko. Hindi ako nagrereklamo kasi gustong-gusto
ko na makatulong sa kanila. Hindi ko noon inuna 'yong sarili ko. Ngayon lang..

"Sshh. Tahan na, love." Kung nasasaktan ito. Mas higit siya. Gusto niyang turuan ng leksiyon ang dahilan
ng pag-iyak nitong iyon. Pero alam niya na hindi naman nito papaboran. "Ang mabuti pa, para
mabawasan ang toxic sa paligid mo. Mag-deactivate ka muna ng mga account mo sa social media. Then,
uninstall all your social media app. Okay?"

Marahan itong tumango.

"Love, ito lang ang masasabi ko, hindi mahalaga ang mga sinasabi ng mga taong 'yon sa social media.
Wala naman silang ambagsa buhay natin. At higit sa lahat, hindi natin sila kailangan sa buhay natin.
Doon tayo mag-stick sa mga taong higit na nakakakilala sa atin sa personal. Naniniwala na talaga ako
ngayon na sobrang toxic ng social media." Hinagod-hagod niya ang likod nito.

"Kahit gusto kong ipagtanggol 'yong sarili ko, alam ko naman na baka pagtawanan lang nila ako," anito
pa sa kaniya.

"Love, hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa kanila. Let's move forward. Kalimutan mo na
'yong napanood mongvideo. Hmmm?

Isa lang ang maaari niyang gawin, ang ipa-take down ang lahat ng post sa social media na may kinalaman
sa kanilangdalawa ni Candy. Lalo na sa mga news site. Ayaw rin naman niya na pagpiyestahan lalo ng
mga tao ang nobya niya.

Baka kung saan lang makarating ang galit niya.


"Sisikapin kong kalimutan

"At ayaw kong makikita ulit na namumugto

'yang mga mata mo. Hmmm?"

Turn ango ito.

Muli ay mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dito. Alam niya, mas higit na kailangan ng kaniyang
nobya ang comfort mula sa kaniya.

Readers also enjoyed:

0m Bule Suamiku (Adams...

0 2.5M Read

TAGS love after marriage age gap

Chapter 72

DAHlLsa nangyari, kaya naman in-assure din mismo ni Mhorric ang security ng pamilya ni Candy sa
Bulacan. Hindi biro ang mga banta na natamo rin ng mga kapatid niya sa social media bago mag-
deactivate ang mga iyon ng account. Kaya hindi rin pumayag si Mhorric na walang gagawin para sa
kaligtasan ng mga ito. Lalo na at malayo sila sa lugar na iyon.

Kauuwi lang nila ni Mhorric nitong nakaraang weekend sa Bulacan. Nag-stay sila roon ng Sabado at
Linggo. Akala ni Candy ay para dalawin lang nila ang kaniyang pamilya, pero hindi niya inaasahan noong
matapos silang maghapunan, araw ng Sabado ay hingin nito sa kaniyang mga magulang ang kamay niya.
Sa harap din mismo ng kaniyang mga kapatid. Wala ring takot na inamin nito sa kaniyang Tatay Henry na
sinagot na niya ito at may relasyon na sila. Mukhang, marami itong baon na lakas ng 100b nang pumunta
sila roon.

Nag-usap din ang kaniyang ama at si Mhorric ng walang ibang kasama. At walang ideya si Candy kung
tungkol saan ang pinag-usapan ng mga ito dahil ayaw namang ikuwento ni Mhorric sa kaniya. Sekreto
lang daw ng mga ito.

Ganoon pa man, natutuwa siya sa natural na closeness ng kaniyang Tatay Henry at ni Mhorric. At higit sa
lahat, iyong pagiging opisyal nilang dalawa maging sa buong pamilya niya. Wala na silang dapat na itago.
Masaya siya sa bagay na iyon.
Simula nga rin nang alisin niya ang mga social media app sa kaniyang cellphone at hindi na halos gamitin
iyon, unless, turnawag si Mhorric or tawagan niya ang kaniyang pamilya. . . mas gurnaan ang kaniyang
pakiramdam.

Kapag talaga masaya ang isang tao, hindi talaga maiiwasan na may ibang tao na hindi masaya para sa
iyo. Siguro, ganoon talaga sa mundo. Sabi nga, we can't please people.

At wala namang ibang importante ngayon para kay Mhorric kundi iyong masaya sila.

ISANG hapon, hindi na pinagluto pa ni Mhorric si Candy ng hapunan. Dahil anito ay sa labas daw sila
kakain para hindi na siya mapagod sa pagluluto. Kaya naman ang ginawa na lamang ni Candy ay ang
magbihis at ayusan ang sarili. Suot niya ang mamahaling red dress na pina-deliver pa ni Mhorric para sa
kaniya kanina. Kumpleto iyon, may kasama ring heels na three inch lang ang taas. Alam naman nito na
ayaw niya sa masyadong mataas na heels. Sukat na sukat

lang din iyon sa kaniyang katawan.

Nang umuwi si Mhorric galing sa trabaho ay bihis na bihis na siya. Ngumiti pa siya nang lapitan ito.

"Hi," bati pa niya rito.

"Hi," ganting bati nito. "Bakit parang masyado mo namang ginandahan ang ayos mo?" nangingiti rin
nitong tanong na agad siyang hinapit sa kaniyang baywang nang makalapit dito. lyong hitsura nito, para
bang pigil na pigil na siilin siya nang halik. Bagaman ayyumuko pa rin ito para kintalan siya ng halik sa
labi. "l love you," buong puso pa nitong wika sa kaniya.

Abot yata hanggang sa outer space ang ngiti na sumilay sa labi ni Candy. "l love you too. Bagay ba?"
aniya na kumalas clito at iminuwestra ang kaniyang suot na dress. Umabot ang haba niyon sa kaniyang
tuhod. Umikot pa siya.

"Bagay na bagay," may ngiti sa labing wika ni Mhorric habang hindi inaalis angtingin sa kaniya. lyong mga
mata nito ay hindi maikakaila ang paghanga sa kaniya ng mga sandaling iyon. "Mahihintay mo ba ako?
Liligo lang ako ng madali."

"Teka," pigil pa niya sa braso nito. "Galing ka sa trabaho.

"Love, wala naman akong nakakapagod na ginawa sa kompanya bukod sa pag-upo maghapon," biro pa
nito.

"Eh, ang mga kamay mo? Baka maghapon kang pumindot nang pumindot sa keyboard ng laptop mo."

"I'm fine. And I'll assure you, wala akong masyadong ginawa kanina. Kung puwede nga lang umuwi agad
ng maaga ay ginawa ko na. Pero baka pagalitan mo lang ako. So, hinintay ko ang oras ng uwian. Don't
worry, hindi ako mapapasma o ano pa man. Nakakahiya naman sa ka-d ate 1<0, ang bango-bango. Tapos
ako—"
"Sobrang bango mo nga," kontra niya rito. "At kahit wala kang pabango sa katawan, amoy mabango ka
pa rin."

Hindi naman napigilan ni Mhorric ang muling pagngiti dahil sa sinabi niya. "Whatever, love. Mag-wa-
warm bath ako. At hindi ako magtatagal sa banyo. Hmmm?"

Mukhang hindi na talaga ito mapipigilan pa kaya sa huli ay hinayaan na lang din niya.

"Okay."

"lkaw na ang bahala sa isusuot ko," kumindat pa ito sa kaniya bago hinayon ang banyo. May
pagmamadali sa paglalakad nito.

Kung alam lang nito, kanina pa niya naihanda.

Isa sa kinasasanayan pa rin niyang gawin ay ang paghahanda ng isusuot nito na may isang linggo na rin
niyang ginagawa. Lahat naman ng inihahanda niya ay isinusuot nito. Biro pa nito sa kaniya ay puwede na
raw siya nitong maging stylist. Hindi siya nagrereklamo, dahil kahit naman sinong partner ay isa iyon sa
gustong gawin para sa mga kaparehang lalaki. Para sa kaniya ay hindi naman iyon mabigat na trabaho.

Hinayon na rin ni Candy ang walk-in closet at doon hinintay si Mhorric. Muli niyang sinipat ang isusuot
nito mamaya.

"GRABE, love, akala ko naman ay lalayo tayo," natatawang wika ni Candy nang maupo siya sa silyang
hinila ni Mhorric para sa kaniya.

May naka-reserve roon na table para sa kanila.

Buong akala niya ay kung saan sila mag-di-dinner. Kaya naman hindi niya maiwasan ang mapatawa nang
humantong sila sa high end restaurant na pagmamay-ari din mismo ng owner ng The LPG Tower na si
Natzu Daez. Member din iyon ng UI-IB Leisure Club. Ang restaurant na iyon ay nasa mismong building
din ng The LPG Tower.

Napakaganda ng view dahil nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan. Napakataas din ng
kinaroroonan nila dahil nasa ika-forty-eight floor iyon. Kaya naman overlooking ang maraming part ng
Pagbilao City.

"Hindi mo ba gusto rito?"

"Syempre, gusto 1<0. Hindi ko lang expected na dito lang tayo sa building na ito. Kaso,

pakiramdam 1<0, para pa ring nagalaw ang paligid ko." Hindi naman siya takot na takot sa heights. Iba
lang talaga sa pakiramdam na urnakyat sa ganoon kataas na gusali.

Saka lang napatingin si Candy sa bungkos ng mga pulang rosas sa may bandang dulo ng lamesa nang
kunin iyon ni Mhorric at iabot sa kaniya.
"Para sa napakaganda kong ka-date ngayon," may ngiti pa sa labi na wika nito sa kaniya. Ang mga mata
ni Mhorric ay animo nangingislap sa saya.

"Thank you, love," aniya nang tanggapin iyon. Sinamyo pa niya iyon bago bahagyang niyakap. "Ang
ganda."

"Syempre, mas maganda ka pa kaysa riyan," anito na lalo pa niyang ikinangiti.

llalagay niya iyon sa magandang vase pag-uwi nila mamaya.

Ang kaibahan sa lugar na iyon sa Pagbilao

City, kahit na nasa paligid mo lang ang mga UHB Men, may control ang mga tao sa sarili. Palibhasa ay
majority ang mga galing sa high profile na mga tao kaya tamang tingin at sulyap lang kay Mhorric.
Walang naglalabas ng cellphone para kuhanan sila ng stolen shot habang magkasama. May respeto sa
kanilang privacy. Ganoon lang ang napapansin niya. Mas hindi siya nangangamba na baka may manghila
na lang bigla sa kaniyang buhok. Lalo na ng mga sandaling iyon.

Nang i-serve sa kanila ang first course para sa kanilang dinner na isang soup. Taimtim munang nagdasal
sa isip si Candy ng pasasalamat sa Diyos bago iyon tinikman. Masarap iyon. Hindi lang niya alam kung
ano'ng tawag sa ganoong soup.

"Love," agaw ni Mhorric sa pansin niya mayamaya.

"Hmmm?" aniya na nag-angat ngtingin dito. "Gusto mo bang mag-open ng business? Puwede tayong
mag-open kung gusto mo. Ikaw ang magma-manage," suhistiyon pa nito sa kaniya.

"B-business?"

Turn ango ito. Para bang excited ito sa offer na iyon sa kaniya. "Para naman may pagkaabalahan ka rin.
Pero 'wag mo ng piliin ang restaurant, baka maubusan ka pa ng oras sa akin," hirit pa nito. '"Yong
business na hindi ka sobrang mapapagod. Magha-hired din tayo ng tao. Sa location naman, walang
problema. Kung ayaw mong ma-miss ako masyado," parinig pa nito sa kaniya habang nangingiti.
"Puwede tayong maglagay ng puwesto mo sa ground floor ng kompanya 1<0."

Ano namang business ang gagawin niya? Bigla ay kung bakit wala siyang maisip. Muli siyang humigop ng
soup gamit ang kaniyang

kutsara na para sa soup.

"Parang nablanko ako sa kung ano'ng business ang gagawin 1<0," aniya rito.

"Love, napakarami mo ng napagdaanang raket. Alam ko, kaya mo." lyong napakataas ng tiwala nito sa
kaniya, sino ba ang hindi gaganahan sa buhay?

Napabuntong-hininga siya at ngumiti.


"Puwede bang pag-isipan?"

Turnango ito. "Sure. Hindi naman kita minamadali. Para sabay tayong papasok at uuwi," tumaas-baba pa
ang mga kilay nito habang nangingiti pa rin.

"Alam mo, love, mas hindi hamak na excited ka pa sa akin, ha?"

"Hindi ko itatanggi," nangingiti pa rin nitong wika bago humigop din ng soup nito.

"Tutulungan kitang mag-isip, don't worry."

Kung matutuloy man iyon, maaari niyang kunin si Geraldine para magtrabaho sa kaniya kung gugustuhin
nito. Napangiti siyang muli. Tingin niya ay pabor na pabor dito ang magtrabaho sa Pagbilao City.

NAKABIHIS na ng pantulog si Candy nang mga sandaling iyon. Paglabas niya sa banyo ay naabutan pa
niya si Mhorric na nakatayo sa may

9/1 5

glass wall ng silid nito. Nakatanaw sa malayo.

May ngiti sa labi na maingat siyang naglakad palapit sa kinaroroonan nito. Busog na busog pa rin ang
kaniyang pakiramdam dahil sa darni ring courses na kinain nila kanina ni Mhorric sa restaurant na
pinanggalingan nila.

Nang makalapit sa nobyo ay walang imik na niyakap niya ito mula sa likuran nito na mukhang ikinabigla
nito dahil ramdam niya nang manigas ang katawan nito.

Tila ba nakahinga ito nang maluwag nang makita ang kamay niya.

"Love," bulalas pa nito.

"Para namang may iba pang yayakap sa iyo," natatawa niyang wika bago kumalas dito at tabihan ito sa
pagkakatayo nito. "Ano'ng iniisip mo? Ang layo kasi ng hinahayon ng tingin mo."

"Wala naman," anito na lumipat naman ng tayo sa may likuran niya at niyakap siya mula roon. Ipinatong
pa nito ang baba nito sa may ulo niya. "l love you, love," masuyo nitong saad.

Inihilig niya ang kaniyang likod sa katawan nito. "l love you too, love," aniya na tumingala pa. Napangiti
pa siyang lalo nang yukuin siya nitong lalo at kintalan ng halik sa kaniyang labi. Umayos din siya ng
puwesto dahil hindi niya matagalan ang pagtingala. Muli rin siyang tumanaw sa malayo.

Mayamaya naman ay may dinukot si Mhorric

sa bulsa ng suot nitong pangtulog at kumalas sa pagkakayakap kay Candy.


At bago pa nga ito malingon ni Candy ay naramdaman naman ngdalaga ang malamig na bagay sa
kaniyang leeg. Nang hawakan niya iyon ay saka lang niya napagtanto na kuwentas ang inilagay na iyon ni
Mhorric sa kaniyang leeg. Napalunok siya nang makita ang isang gold necklace na mayroong heart na
pendant. May kanipisan iyon. At sigurado siya na hindi basta-basta ang presyo niyon.

"Love," aniya nang pumihit siya paharap dito. "Bakit gum astos ka pa? 'Di ba, sabi ko sa iyo

"Sshh," agad nitong pigil sa kaniyang pagsasalita.

Alam naman nito na ayaw na ayaw niya na gagastusan siya nito sa mga materyal na bagay.

Lalo na ng ganoon kamamahalin.

"Just this one. And please, 'wag natin itong gawing issue to the point na baka pagtalunan pa natin."

"Pero kasi—

"Happy monthsary, love. At ang necklace na ito ay monthsary gift ko sa iyo," putol nito sa iba pa niyang
sasabihin.

Monthsary?

Bigla ay naisip niya kung ano'ng petsa na ng

mga sandaling iyon. Umawang ang labi niya nang maalala na iyon nga ang first monthsary nila ng
kaniyang nobyo. Bakit hindi niya naalala? At si Mhorric pa talaga ang nakaalala ng okasyon na iyon.

"N-nakalimutan 1<0," bulalas niya. Bigla siyang nahiya. First monthsary nila. Kaya ba ito nag-aya na
kumain sila sa labas? Tapos may regalo pa ito sa kaniya. Habang siya, wala man lang. Napabuntong-
hininga siya. "Sorry, love." Gayon pa man ay may ngiti pa ring nakabakas sa guwapo nitong mukha. "It's
okay. Tho, naghihintay rin talaga ako na batiin mo ako. Pero mukhang limot mo rin talaga kaya hindi na
ako nag-expect pa ng kahit ano. Walang kaso sa akin 'yon, love. Basta ang alam ko lang, masaya ako na
naka-isang buwan na tayo."

Na-speechless siya. Kaya walang imik na yumakap siya rito. Pumikit siya ng ilang sandali bago muli ring
nagmulat ng mga mata.

"Happy monthsary, love. Hindi ko na napagtuunan pa ng pansin ang petsa ngayon. Sorry." Hindi rin
naman kasi niya masyadong nahawakan sa maghapon ang kaniyang cellphone. Sa susunod nga ay
maglalagay na siya ng alarm. "Salamat sa pagmamahal. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip
kung bakit minahal mo ako ng ganito."

" Nah. Alam mo naman na kamahal-mahal ka

ng husto. I love everything about you."


"l love you more, love," aniya na kumalas na dito para pagmasdan ito. Pangako niya sa sarili na babawi
siya sa susunod.

Nang bumaba ang mukha nito sa kaniya ay siyang pagpikit din niya at hinintay ang labi nito na bigla ay
pinanabikan niya. Nang maglapat ang labi nila ay buong puso rin niyangtinugon ang halik nitong iyon.
Iniyakap pa niya ang kaniyang mga kamay sa batok nito. Si Mhorric naman ay burnaba ang mga kamay
sa may baywang niya.

Hinapit siya nitong lalo palapit sa katawan nito.

Habang turnatagal ay para bang lalong umiinit ang pinagsasaluhan nilang halik ng nobyo. Nang sandaling
maghiwalay ang mga labi nila ay muli rin siya nitong siniil ng halik sa labi.

Nang umatras ito papunta sa kinaroroonan ng kama nila ay nakasunod lang siya sa bawat galaw nito.
Naupo ito sa gilid ng kama at hinapit siya paupo sa kandungan nito. Pero para bang hindi sila parehas
satisfied na nakaupo lang siya sa kandungan nito. Dahil makalipas pa ang ilang sandali ay siya na mismo
ang naupo pasaklang sa kandungan nito. Wala namang pag-aalinlangan na hinapit siya ni Mhorric paupo
sa mismong hinaharap nito. Lalong urninit ang pakiramdam ni Candy nang maramdaman sa ibaba niya
ang matigas na hinaharap na iyon ng nobyo.

Tunay ngang nakalalasing ang halik nitong

iyon. Urninom man sila ng red wine kanina, pero one glass lang iyon at hindi na niya nasundan pa.
Ganoon din si Mhorric. Mas nalalasing pa siya sa masarap nitong halik na iyon.

Mayamaya pa ay muling naghiwalay ang mga labi nila. Pinagdikit pa nito ang kanilang mga noo. Katulad
niya, bahagya rin nitong habol angpaghinga.

"l love you, love. Sobra," madamdamin nitong wika sa kaniya.

"Mas sobrang mahal kita, love," aniya na nginitian ito. "Love. ..

"Hmmm?"

Nakagat niya ang ibabang-labi. Kinakabahan siya pero inihanda na naman niya ang sarili para sa bagay
na iyon. "G-gusto mo na ba na. .. na."

"G-gawin natin 'yong... 'yong," bakit hindi niya masabi? Bigla ay nakaramdam siya ng hiya para sa sarili.
Siya pa talaga itong mag-aaya? "A-ah, wala. Good night," sabi na lang niya bago urnalis na sa kandungan
nito at nahiga na sa kama. Napakalakas ng kabog sa kaniyang dibdib. Mariin siyang pumikit.

Candy! palirit niya sa kaniyang isipan.

Huminga naman muna nang malalim si Mhorric bago tumayo.

Nang maramdaman naman ni Candy ang


pagtayo na iyon ni Mhorric ay saka lang siya muling nagmulat ng mga mata.

Nakapatalikod pa rin kay Candy si Mhorric. Kaya naman nagulat ang dalaga nang makitang hubarin ni
Mhorric ang pang-itaas nito at mahantad ang matikas nitong pangangatawan. Sunod iyon ay hinubad
naman nito ang pang-ibaba nito at tanging natira lang ay ang suot nitong boxer short.

Napalunok na naman siya. At nang surnampa na rin si Mhorric sa kama ay halos mapigil pa niya ang
paghinga nang gumapang pa ito mula sa kaniyang paanan paakyat sa kaniyang katawan. At nang
makalapit ito ng husto sa kaniya ay bahagya pa siya nitong niyuko.

"Gusto mo na ba? Go signal mo lang naman ang kailangan ko," sumilay pa ang ngiti nito na nagpakilig na
naman sa kaibuturan ng kaniyang puso.

"Nagpapakiramdaman lang pala tayo kung ganoon?" hindi niya maiwasan na matawa.

Sa 100b nga naman kasi ng isang buwan na magkatabi silang natutulog ay hanggang yakap at halik lang
ito sa kaniya. Hindi ito nangangahas na lumampas pa roon.

Muli niyang ikinawit sa may batok nito ang kaniyang mga kamay. "Take me," walang gatol niyang wika
na hindi inaalis ang tingin dito.

"My pleasure, love," animo mas nangislap sa

saya ang mga matang iyon ni Mhorric nang muli siyang siilin ng halik sa labi.

Wala naman siyang ibang gustong pagbigyan ng sarili kung hindi kay Mhorric lang din. At alam niya,
hindi lang panandalian ang kung ano man ang relasyon na mayroon sila. Dahil katulad nito, ngayon lang
din siya mas naging sigurado sa kaniyang buhay.

Chapter 73

BAWAT haplos ng mainit na palad ni Mhorric sa katawan ni Candy, na nasa 100b ng suot na pantulog
niya ay may dulot na kilabot. Kilabot na masarap sa pakiramdam. At hindi iyon maitatanggi ni Candy.

Kung gaano kainit ang halik na pinagsasaluhan nila ng mga sandaling iyon ay ganoon din kasidhi ang
kasabikan niya na maranasan kung paano maangkin. Maangkin ng lalaking minamahal. May kaba man at
takot ay isinantabi na muna niya iyon.

Noon kasi ay nakakarinig din siya ng mga usapan ng mga nakakasama niya na masakit nga raw sa unang
beses ang pakikipagtalik.

Malalaman niya mamaya kung totoo nga.

Mula sa kaniyang labi ay burnaba ang halik ni Mhorric sa kaniyang baba. Pababa pa sa kaniyang leeg.
Habang ang dalawa naman nitong kamay ay abala sa pagtatanggal ng butones sa suot niyang pantulog.
Napalunok si Candy. Para siyang pangangapusan ng hininga. Nang sa wakas ay matanggal lahat ni
Mhorric ang butones sa pang-itaas niya ay napapikit pa si Candy. Hantad na rito ang dalawang umbok sa
dibdib niya. Wala naman siyang suot na bra kaya nahantad agad iyon. Nang alisin nito iyon ay kumilos
din siya para mapadali ang pagtatanggal nito sa suot niyang pang-itaas. Wala itong maririnig na reklamo
sa kaniya.

Hindi rin naman niya kayang magsalita. Dahil pakiramdam niya ay nanunuyo na ang kaniyanglalamunan.

Nakagat niya ang ibabang-labi nang maramdaman ang isang palad ni Mhorric na animo minarnasahe ang
isa niyang dibdib.

"Look at me, love," masuyo pa nitong wika. Sinikap ni Candy na kalmahin lang ang kaniyang paghinga.
Para kasing pangangapusan siya pati ng paghinga dahil sa ipinamamalas nito sa kaniyang dibdib. Ganoon
pa man ay iminulat niyang muli ang kaniyang mga mata at sinalubong ang tinging iyon ni Mhorric. Ang
mga titig nito ay tila ba nag-aapoy. Mukhang hindi na rin ito mapipigilan pa sa mga kaganapan sa pagitan
nila ng mga sandaling iyon. At maging siya ay ayaw rin naman na hihinto ito. Nasa punto na talaga siya
ng buhay niya na handa ng isuko ang sarili rito.

Nilaro-laro pa ng daliri nito ang tuktok ng dibdib niya na ramdam niya ang paninigas. Hindi niya alam
kung normal ba iyon na manigas ng ganoon dahil ngayon lang din niya iyon naramdaman. At iyong
ginagawa nitong iyon sa

dibdib niya ay animo may kakaibang pakiramdam na gumagapang pababa sa kaniyang puson. Para bang
mas pinasasabik siya nito sa mga susunod pang kaganapan.

Huminga siya nang malalim.

"Wala ng bawian?" tanong pa nito sa kaniya. Naninigurado.

Muli siyang lumunok. "Baka hindi ka makatulog kapag binawi ko?" biro pa niya rito.

"Hmmm. Baka bangungutin ako," sakay nito sa kaniyang sinabi. "Gusto ko lang namang manigurado,"
anito na muli siyang kinintalan ng halik. Tuloy pa rin ang isa nitong kamay sa paghimas sa isa niyang
dibdib. "Dahil hindi ka na puwedeng umatras kapag ganitong galit na ang forever best friend ko."

"Best friend?" medyo na-slow pa siya sa part na iyon.

"Never mind," anito na muli siyang siniil ng halik sa labi na hindi naman tinanggihan ng dalaga.

Kahit yata magdamagan silang maghalikan ay hindi niya pagsasawaan. Nasa punto na rin siya ng
kaniyang buhay na ayaw na rin niyang mabibitin pa. Nto now.

Mayamaya pa ay muling burnaba ang mga halik ni Mhorric sa kaniyang leeg... pababa pa.

Nahigit ni Candy ang paghinga nang


lumapat ang mainit nitong labi sa tuktok ng isa niyang dibdib. Urnawang ang labi niya sa sarap na
nararamdaman. Pagkuwan ay mariin niyang nakagat ang ibabang-labi nang laru-laruin pa ng dila nito
ang tuktok ng dibdib niya na pinagpapala nito ng mga sandaling iyon.

Bahagya pang tumingkayad ang kaniyang katawan. Ang isa niyang kamay ay humawak sa may ulo nito.
Habang ang isa naman ay nakakapit sa may balikat nito.

Lalo yatang nanuyo ang lalamunan niya nang bumaba ang isang kamay ni Mhorric sa tiyan niya. May
ideya na siya sa tutumbukin niyon nang mas bumaba pa iyon sa may puson niya. At nang malapit na nga
iyon sa pakay na lugar ay bigla niyang nahawakan ang kamay nitong iyon.

Halos mapigil niya ang paghinga. At ang kabog sa kaniyang dibdib ay animo daig pa ang may
nakikipagkarerahan na kabayo sa sobrang bilis.

"M-Mhorric," hindi na niya napigilan pang bulalas sa pangalan nitong iyon.

"Love, relax," nangingiti pa nitong wika na muling siniil ang labi niya ng mainit na halik.

Ipinikit niya ang mga mata at sinikap na i-relax ang sarili sa pamamagitan ng halik na pinagsasaluhan
nilang dalawa ng mga sandaling iyon.

At ang kamay nga nito na naudlot sa

pupuntahan ay muling nagpatuloy sa pagbaba. Hindi pa nakuntento at ipinasok pa talaga sa 100b ng


panloob niya. Napamulat tuloy siya at mahigpit na napahawak sa magkabila nitong balikat.

Bago iyon sa kaniya kaya naman naroon pa rin iyong pagkailang niya. Ganoon pa man ay sinikap niyang i-
relax muli ang sarili at hinayaan ang kung ano mang gagawin ni Mhorric.

Matinding kilabot ang sunod na gumapang sa katawan ni Candy nang maramdaman ang kamay ni
Mhorric na dumadama sa kaniyang kaselanan. Saka lang din niya naramdaman ang pamamasa niya dahil
madulas ang bahaging lyon ng kaniyang katawan.

Mukhang lalo pang nanabik sa kaniya ang kaniyang nobyo.

Wala pa mang nangyayari ngunit heto at para na siyang nasa langit nang simulang laru-laruin naman
ngdaliri nito ang kaselanan niya. Kusa pang umangat ang isa niyang binti at kumaang para hindi ito
mahirapan sa ginagawa.

Pero hindi rin naman nagtagal at umangat ang katawan ni Mhorric. Walangsalita na ibinaba na nito ang
suot niyang pajama bottom kasama ang panloob niya. Wala talaga itong itinira.

Dahil tila lasing na siya sa nangyayari kaya hindi na niya nagawa pang mahiya kung makita man nito ang
buong katawan niya. Katawan niya na masasabi niyang nagpapaluwa ngayon sa mga mata nitong hindi
itinago ang paghanga habang nakatitig sa kaniyang kahubdan.

Parehas silang nag-iinit ng mga sandaling iyon.


Nangtumayo si Mhorric para hubarin ang natitira din nitong saplot sa katawan ay pigil pa ni Candy ang
mapapikit. Curious siya sa hinaharap nitong iyon na sa tuwina ay naninigas kapag nadidikit sa katawan
niya.

There, pigil din niya ang mapalunok nang sa wakas ay makita ang mahaba na may katabaan at tigas na
tigas nitong hinaharap.

Bigla ay hindi niya mapigilan ang mapatanong sa kaniyang isipan kung kakayanin ba niya ito? Pero
katulad ng sinabi nito, wala ng atrasan pa gayong galit na ang hinaharap nito. Ngayon lang niya mas
napagtanto ang sinabi nito kanina na 'forever best friend' nito. Ang hinaharap pala nito iyon.

Lumuhod sa bandang paanan niya si Mhorric. Akala niya ay sisimulan na siya nitong binyagan nang
paghiwalayin nitong lalo ang pagitan ng mga hita niya. Pero hindi. Mukhang may isa pa itong ritwal bago
siya nito angkinin.

Literal na nahigit ni Candy ang paghinga nang bumaba ang ulo ni Mhorric sa pagitan ng mga hita niya at
maramdaman ang mainit nitong dila sa hiwa ng kaniyang kaselanan.

"M-Mhorric," aniya na nahawakan pa ang ulo nito.

Hinawakan naman nito ang magkabila niyang kamay at animo ipinagkit sa kama dahil hindi nito iyon
binitiwan. Sa halip ay nagpatuloy sa pagpapala sa kaniyang kaselanan.

Lalong nanuyo ang lalamunan ni Candy at bahagyang nahabol ang paghinga dahil sa pinamamalas na
iyon ni Mhorric sa kaniya. Nahihiya siya, 00. Pero, patawarin siya ng Diyos dahil nasasarapan din siya sa
bagay na iyon. Nang mapaungol siya ay nakagat niya bigla ang kaniyangibabang-labi.

Ang mga hita niya ay ramdam niya ang panginginig. Halos mangunyapit siya.

"L-Love," hindi na naman niya mapigilang mapaungol nang halos manirik ang kaniyang mga mata sa
sarap ng ipinamamalas nito sa kaniya. Akala niya ay mas masarap pa ang ma-in love, may mas sasarap
pa pala sa pakiramdam bukod doon.

Hindi naman tinigilan ngdila ni Mhorric ang nasa itaas ng kaniyang p e. Mayamaya pa nga ay nanginig na
ang magkabilang hita ni Candy nang marating ang rurok na ipinamalas sa kaniya ng kaniyang nobyo.

"Aaah," daing niya habang habol ang paghinga. Napapikit siya at bigla ay para ba siyang pagod na pagod
kahit na nakahiga lang siya. Nanlambot din bigla ang kaniyang pakiramdam.

Ang inilabas niyang katas sa kaniyang kaselanan ay walang sinayang si Mhorric. Wala itong itinirang kalat
doon.

Satisfied ang mababakas na kaligayahan sa guwapong mukha ng kaniyang nobyo nang mag-angat na ito
ng katawan at pakatitigan ang nobya na bahagyang nanghina sa katatapos lang na kaluwalhatian na
ibinigay nito.

"How's that?"
Unti-unting iminulat ni Candy ang kaniyang mga mata. Ano ba ang dapat niyang isagot?

Nag-init tuloy ang kaniyang mga pisngi.

"Puwede bang 'wag ko ng sagutin 'yan?"

"Fine. Kita naman sa mukha mo ang sagot," sa halip ay nangingiti nitong wika na muling inayos ang
kaniyang posisyon. Niyuko pa siya nito at hinalikan sa labi.

Hindi nakaramdam ng kung ano mang pandidiri si Candy kahit na alam niyang galing si Mhorric sa dako
pa roon, pagkatapos ay heto at hahalik sa labi niya. Buong puso pa rin niyang tinugon ang halik nitong
iyon.

Basta isa lang ang alam niya kanina, sobrang sarap ng ginawa nito sa kaniya. Hiling lang niya ay 'wag
niyang hanap-hanapin.

"Love," ani Mhorric nang bahagyang ilayo

ang mukha sa nobya.

Nagmulat si Candy at sinalubong ang tingin ni Mhorric. "Hmmm?"

"Relax lang, ha?" bilin pa nito. "Dadalhin na kita sa totoong labanan."

Tumango siya. Bahala na kung ano man ang mangyari. Inihanda niya angsarili. Muli ay umangat ang
katawan ni Mhorric at bahagyang lumuhod sa kaniyang harapan.

Nakagat ni Candy ang ibabang-labi nang maramdaman ang kahabaan ni Mhorric na nagbaba-taas pa ang
dulo sa kaniyang kaselanan. Mukhang kumukuha ng pampadulas bago pumasok sa masikip niyang
kuweba.

Inayos muli ni Mhorric ang pagkakahiwalay ng kaniyang mga hita bago ito sumubok na pumasok sa
kaniyang p

Napasinghap si Candy sa hapding naramdaman. Muntik pa siyang mapaatras palayo kay Mhorric.

"M-masakit," reklamo niya na nahabol muli angpaghinga.

Tunay nga na masakit. Para bang pinupunit ang pakiramdam niya.

Muli siyang kinubabawan ni Mhorric. "Relax lang. Dadahan-dahanin ko lang," pangako pa nito sa kaniya.
"We'll try again. Hmmm?"

"O-okay," aniya na huminga pa nang

malalim. "Kiss me," aniya rito.


Walangsalita na muli nitongsinakop ang kaniyang labi. At habang magkahinang ang kanilang mga labi ay
hinawakan ni Mhorric ang isa niyang kamay. Ang isa naman niyang kamay ay yumakap dito. Mayamaya
pa ay muli itong sumubok na pumasok sa kaniyang kaselanan.

Muli rin ay naramdaman ni Candy ang kirot. Kirot na sukdulan niyang tiniis. Sa sobrang sakit ay nanubig
pa ang kaniyang mga mata sa bawat pag-ulos nito. Mahigpit din ang naging kapit niya kay Mhorric.
Pasalamat ito at hindi siya mahilig magpahaba ng kuko, dahil kung hindi, tiyak niya na bumaon na ang
mga kuko niya sa balikat nito na siyang kinakapitan ng isa niyang kamay.

"Aaah," hindi napigilang ungol ni Mhorric. "You're so tight, love. Aaah," bahagya na ring habol ni Mhorric
ang paghinga habangtuloy ang pag-abot sa kaloob-looban niya.

Hindi naman magawang magsalita ni Candy dahil kagat niya ang ibabang-labi. Kung kanina ay sarap ang
naramdaman niya, ngayon naman ay kabaligtaran iyon. Wala pa man sila sa totoong laban ngunit para
bang drain na drain na agad siya.

Nang sa wakas ay mapasok ni Mhorric ng tuluyan ang kaniyang kaselanan ay sandali nitong isinubsob
ang mukha sa kaniyang balikat. He's panting at the moment. Trying to remain his strength.

"A-are you okay?" tanong pa nito sa kaniya.

Napalunok si Candy. "Hmmm," tanging tugon niya. Ramdam na ramdam niya sa kaniyang 100b ang
kahabaan nito. May kirot pa rin pero kaya naman niyangtiisin.

"Kaya pa?"

"Nabubuhat nga kita, eh," biro pa niya rito dahil nakakubabaw ito sa kaniya. Ganoon pa man ay hindi
naman nakapuwersa ang buong bigat nito sa kaniya.

Nang mga sandaling iyon ay iisa na lang ang katawan nila. Magkahalo ang sakit at kaligayahan. Nakuha
na ni Mhorric ang isa sa pinakaiingat-ingatan niya. . . wala siyang makapa na kahit na anong pagsisisi ng
mga sandaling iyon.

Mukhang nagpahinga lang talaga si Mhorric. Dahil mayamaya pa ay muli na itong kumilos sa kaniyang
ibabaw. Umulos ng paulit-ulit na mayroon pa ring pananantiya. Hindi nagmamadali. Tila ba sinasanay
ang kahabaan sa kaniyang kasikipan.

Hindi nagtagal at naramdaman muli ni Candy ang totoong kaligayahan sa pag-iisa nilang iyon ng
kaniyang nobyo nang magpatuloy ito sa pag-ulos sa kaniya. Pigilan man niya ang pag-ungol dahil sa
sarap na nararamdaman ngunit hindi naman niya mapigilan. May

kumukuwala pa ring daing at ungol sa labi niya. Hindi rin niya alam kungsaan pa ibabaling ang mukha na
hindi mapakali dahil sa kaluwalhatiang pumalit sa sakit kanina.
Nakagat ni Mhorric ang ibabang-labi nito nang bumilis lalo ang pag-ulos nito sa kaniyang kaselanan.
Malamig man ang hanging ibinubuga ng aircon sa silid nitong iyon. Pero heto sila ngayon, kapwa may
gitli ng pawis sa noo. Lalo na si Mhorric.

Lalo ring turnindi ang nararamdaman niya sa kaniyang puson. Daig pa niyon ang dinadala siya sa
kalangitan. Naipikit niya ang mga mata habang bahagyang awang ang mga labi.

Mukhang nakalimutan na rin niyang huminga sa kaniyang ilong dahil sa bibig na niya iyon ginagawa.

Kasabay ng pagbayo ni Mhorric sa kaniya ng mabilis ay ang unti-unti namang panginginig ng kaniyang
mga hita. At nang kapwa marating nila ang sukdulan ay unti-unti na ring bumagal ang paggalaw ni
Mhorric sa ibabaw niya. Hanggang sa ibagsak nito ang pagal na katawan sa kaniya. Habol nito ang
paghinga nang ituon nito ang magkabilang braso sa pagitan niya.

I love you, love," muli ay wika nito na umangat sandali nag mukha para kintalan siya ng halik sa
kaniyang labi. Pagkuwan ay niyakap siya. Hindi pa rin nito hinuhugot ang kahabaan sa kaniya.

Lumunok muna si Candy bago tumugon. "l love you too," anas niya sa may bandang tainga nito.
Napapikit siya. Literal na ubos na ubos ang lakas niya ng mga sandaling iyon.

"Masyado mong mas ginawang memorable ang araw na ito," anito mayamaya. Muting umangat ang
mukha nito at pinakatitigan siya. Siguro ay dahil sa pagpayag niya na may mangyari na sa kanila kaya
nito nasabi iyon. Binasa niya ang kaniyang labi na nanunuyo rin. "Ang saya mo 'no?" biro pa niya rito.

"Hmmm. Sobra," walang gatol pa nitong wika. "Sa sobrang saya ko nga, gusto na kitang pakasalan agad
bukas na bukas din."

Seryoso ba ito o nagbibiro lang? Pinili niya ang hull' kaya tinawanan niya ang sinabi nito. "00 na lang.
Hindi ka pa ba aalis sa ibabaw ko?"

"Hindi pa. Hindi pa tayo tapos."

Napakurap-kurap siya. "H-ha?" Hindi pa sila tapos?

Pilyo pa itong ngumiti. "You heard it right, love," anito na umayos muli ng posisyon sa kaniyang ibabaw
at muling umulos matapos siyang halikan sa labi.

Mukhang mapapalaban talaga siya sa gabing iyon. Hindi naman niya magawang tumanggi dahil nang
magsimula na ulit itong gurnalaw sa ibabaw niya ay halos baliwin na naman siya nito sa sarap.

The Wolf Princess and...

Addie Hayes

How many mates do you have,

Princess?" Kia asks] look over at h.


Chapter 74

NANG tuluyang magising ang diwa ni Candy kinaumagahan ay unti-unti rin niyang iminulat ang kaniyang
mga mata. Liwanag buhat sa nakawahing kurtina ang agad na sumilay sa kaniyang paningin. Muli siyang
napapikit. Mukhang tinanghali na siya ng gising.

Muli niyang iminulat ang mga mata. Sunod na naagaw ng kaniyang tingin ang tulog pa ring si Mhorric sa
tabi niya. Nakatagilid ito ng higa paharap sa kaniya.

Bakit naroon pa rin ang kaniyang nobyo? Sa pagkakaalam niya ay may pasok ito ng araw na iyon. Nang
maalala ang bagay na iyon ay bigla pa siyang napabangon. Hindi pa niya ito napaghahanda ng almusal
nito!

Nang dumulas pababa ang nakabalot na comforter sa kaniyang katawan ay saka lang niya napagtanto na
wala siya kahit isang saplot sa katawan. Saka langdin niya naalala ang mainit na tagpo na namagitan sa
kanila ni Mhorric nang nakaraang gabi. Hindi iyon isang panaginip lang.

Totoo iyon.

Napapalunok na mabilis niyang kinipit sa may kilikili niya ang comforter. Pagkuwan ay hinayon niya
ngtingin ang kinaroroonan ng wall

clock.

Alas nuebe na ng umaga. Nasapo niya ang kaniyang noo bago muling nahiga sa tabi ni

Mhorric. Bigla ay nakaramdam siya ng pagkahilo.

"L-Love," tawag pa niya sa nobyo. Turnagilid siya ng higa paharap dito at niyugyog ng bahagya ang braso
nito. "May pasok ka pa, love. Bakit hindi ka pa gumigising? Love. .."

Ungol lang ang tugon ng nakapikit pa rin na si Mhorric.

"Tanghali na. Hindi ka ba papasok?" muli ay tanong niya rito.

"Love, antok na antok pa ang pakiramdam 1<0," sagot nito na kinapa pa siya at hinapit palapit dito bago
niyakap. "Tulog pa tayo."

Anong oras na rin kasi sila nakatulog.

Madaling araw na iyon.

Mataman niyang pinagmasdan ang nakapikit pa rin na si Mhorric. lyong kaguwapuhan nito nang
umagang iyon ay wala man lang ka-effort-effort. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi habang nakatitig
dito.
Saka lang niya ngayon mas nararamdaman angp t ng ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Maging ang
kaniyang balakang. Ganoon pa man ay ininda niya iyon. Katunayan lang iyon ng namagitan sa kanila
kagabi ni Mhorric. They made love.

"Alas nuebe na," inporma niya rito.

llang sandali pa ang pinalipas ni Mhorric bago ito bahagyang nagmulat ng mga mata. Sa kaniya rin iyon
direktangtumuon.

"Gutom ka na ba? Pa-deliver na langtayo," suhistiyon pa nito sa husky voice nito. Bago muling pumikit.
Mukhang antok pa nga talaga ito. Napabuntong-hininga si Candy. "Hindi ka na papasok ngayon?"

Tumango ito. "Hmmm. Dito lang ako sa tabi mo... maghapon."

Hindi niya maiwasan ang hindi mapangiti sa sinabi nitong iyon. Maghapon talaga?

"Bumangon ka na at maligo para mawala ang an tok mo, love."

"Sasabayan mo ba akong maligo? Kung hindi, tutulog na lang ako."

Magsasabay sila sa paliligo? Parang naiilang pa rin siya kahit na sabihing wala na naman siyang halos
maiitago pa sa nobyo. Lahat ay nakita na nito sa kaniya. Ganoon din siya rito. Pero kahit na ganoon, may
burnabangon pa ring hiya sa kaniyang katawan.

Hindi ako babangon," sa halip ay sagot niya bago ipinikit ang mga mata. "Masakit ang katawan ko," aniya
na wala naman sa boses ang pagrereklamo.

Si Mhorric ay muling napamulat ang mga

mata. "S-sobrang sakit ba?" may pag-aalala sa boses na tanong nito. Para bang bigla ay nagising ang
buong diwa nito na inaantok pa.

"Hindi naman sobrang sakit... pero para bang hindi ako basta-basta makakatayo." Para ngang gusto lang
niyang nakahiga lang. Ganito pala sa unang beses na makipagtalik... ang resulta? Daig pa yata niya ang
bed ridden sa buong maghapon. Pagod ang katawan niya at masakit.

Nang kintalan siya ni Mhorric ng halik sa noo ay saka lang niya nagawang imulat ang mga mata.
Nasundan niya ito ngtingin nang tuluyan na itong bumangon. Inabot lang ng kamay nito ang cellphone
nito na nasa may bed side table bago muling nahiga sa tabi niya.

"O-order na lang ako ng kakainin natin.

What do you want?"

"Kahit ano, love. Basta heavy meal," aniya na yumakap sa may tiyan nito bago muling ipinikit ang mga
mata.
"Ah, akala 1<0, ang sasabihin mo ay ako lang ang gusto mo," nangingiti pa nitong tudyo sa kaniya
habang nag-scroll down sa screen ng cellphone nito.

Napatawa siya. "Alam mo na naman 'yon, bakit ko pa sasabihin?"

"Mas lamang pa rin 'yong naririnig."

"Mas gusto kita, love. Pero gusto ko na ring

kumain."

Nagmulat siya. Mayamaya ay urnunan siya sa may braso ni Mhorric. Yumakap naman sa kaniya ang
braso nito na inuunanan niya. Pagkuwan ay isiniksik niya ang mukha sa may balikat nito. Sandali lang
siyang natigilan nang maramdaman niya ang pagdiin ng malambot niyang dibdib sa may tagiliran nito.
Siya pa itong napalunok.

Matapos namang um-order ni Mhorric ng pagkain ay muli siya nitong hinarap.

"l love you," masuyo pa nitong wika bago siya kinintalan ng halik sa labi.

"l love you too, love," tugon niya. "Hindi ka ba hahanapin sa trabaho?"

Umiling ito. "Hindi."

"Paano kung may importanteng—"

"Mas importante ka pa rin kaysa sa tinutukoy mo," putol pa nito sa kung ano man ang sasabihin niya.

Ang isang kamay ni Mhorric ay naglandas sa hantad na balikat ni Candy. Hindi pa nakuntento at bumaba
pa ang mukha nito at pinaulanan iyon ng mumunting halik na nagpahigit sa paghinga ni Candy.

"L-Love," saway niya rito. Mukhang nagsisimula na naman itong mangharot sa kaniya. Nakagat pa niya
ang ibabang-labi nang unti-unting burnaba ang mumunting halik nito sa

kaniyang dibdib. "B-baka dumating 'yong in-order mong pagkain ."

"They can wait outside, love," sa halip ay tila balewalang tugon nito.

"Pagkain ang aalmusalin natin, hindi ang isa't isa," muling saway niya rito. Hinawakan niya ito sa balikat
nito para pigilan sa ginagawa nito. Ang paghinga niya ay lumalalim na rin. Ang masama pa roon ay
mabilis na nag-re-react ang kaniyang katawan sa ginagawa nitong lyon. Katawan niya na buong akala
niya ay pagod.

pero parang naisangtabi agad ang bagay na lyon.

"Mabilisan lang, love," pilyo pa nitong hirit na umangat ang mukha palapit sa kaniya.
Hindi na nakakontra pa si Candy nang sakupin nito ang kaniyang labi at siilin ng halik. Muli na naman
nitong nahuli ang kahinaan niya. Pinatiklop na naman siya ng halik nitong iyon.

Ang mga sumunod pang sandali ay hindi na naman niya kontrolado pa.

"MASARAP?" nakangiti pang tanong ni Candy kay Mhorric habang ipinatitikim dito ang niluto niya para
sa hapunan nila.

Kalderetang baka iyon katulad ng request nito sa kaniya.

Animo tinatantiya pa nito ang lasa ng

tinikmang pagkain. "Hmmm. Parang..

"May kulang pa ba?" bigla ay nag-alangan siya. Kinuha niya ang kutsara na ginamit nito sa pagtikim ng
kaniyang niluluto. Kumuha rin siya ng kaunting sauce niyon sa wok bago tinikman din. Kumunot pa ang
kaniyang noo. Para sa kaniya ay lasang kaldereta na iyon. "Tama na naman ang lasa niya," naibulalas pa
niya.

Saka naman sumilay ang ngiti sa labi ni Mhorric na kanina ay seryoso lang. "Masarap," wika nito. "Pero
mas masarap ka pa rin kaysa riyan."

"Mhorric!" she hissed.

Tinawanan lang siya nito. "Seryoso," natatawa pa rin nitong bulalas na niyakap pa siya. "Kanin na lang
ang kulang," pagkuwan ay seryoso na nitong wika.

"Puro ka kalokohan. Akala ko naman ay may kulang pa."

"Kanin na nga lang ang kulang," nangingiti na naman nitong wika na kumalas na sa kaniya.

"Kung ganoon ay magsandok ka na ng kanin," pakisuyo pa niya rito.

Hinarap naman ni Candy ang paglalagay ng ulam sa serving plate. Habang si Mhorric ay walang reklamo
na nagsandok ng kanin sa rice bowl. Ito na rin ang nagdala niyon sa may dining room. Pagkadala ni
Candy ng ulam sa dining room ay muli siyang bumalik sa kusina. Kinuha niya sa ref angtinimpla niya
kaninangjuice. Dinala niya iyon sa dining room at sinalinan ang dalawang tall glass. Pagkuwan ay inilapag
niya sa isang gilid ang babasaging pitsel.

"Kain na tayo," pag-aaya pa niya kay Mhorric.

Napasunod ang tingin niya rito nang pumunta pa ito sa may ikuran niya.

"Tanggalin mo muna itong apron mo," anito na siyang nagtanggal ng apron sa kaniyang katawan.

Nakalimutan na iyongtanggalin ni Candy. "Thank you," aniya sa nobyo na agad din siyang ipinaghila ng
upuan. Ang apron na suot niya ay isinampay muna nito sa karatig niyang upuan.
Naupo na rin si Mhorric sa may kabisera ng hapagkainan. Napangiti pa si Candy nang ito ang mag-lead
ng prayer bago sila kumain.

Palagi nitong sinasabi sa kaniya na the best pa rin ang kumain sa bahay. Masaya raw ito na maranasan
iyong muli. Bagay na lalong nagpapasaya kay Candy. Dahil worth it ang bawat effort niya sa pagluluto
para dito.

"Love," ani Mhorric makaraan ang ilang sandali.

"Bukas, okay lang ba na hatiran mo ako ng pagkain sa office? Doon ka na rin kumain, sabay tayo,"
request pa nito sa kaniya na paano ba

niyang hihindian?

"Sige. Wala namang kaso sa akin. May meeting ba kayo?"

Turnango ito. "May meeting kami sa hapon. Sa umaga, marami akong dapat tapusin na mga paper
works. Sahuran din ng mga employee. Kaya kailangan ng pirma ko para sa approval ng mga sahod nila."

Nauunawaan naman niya. "Sige. Ano ba'ng gusto mong kainin bukas?"

"lkaw.. ."

Nahirinan siya sa sinabi nito. Bigla ay iba ang pumasok sa isip niya na ibig nitong sabihin.

"H_ha?"

"lkaw ang bahala," kaswal nitong wika na tila ba hindi katulad ng kaniyang iniisip ang iniisip nito. "Kung
ano'ng gusto mong ipakain sa akin. Kakainin ko naman."

Siya nga lang talaga itong nag-isip ng iba sa sinabi nito.

Candy, iba na 'yan, ha?tudyo pa sa kaniya ng kaniyang pasaway na isipan. Sa isip ay tinuktukan niya ang
kaniyang sarili. Siya ngayon itong parang nakaramdam ng pagkapahiya. Buti na lang at hindi napansin ni
Mhorric na para bang may iniisip pa siyang iba kanina.

"S-sige," pagkuwan ay tugon niya.

"Ipapasundo kita bukas."

'"Wag na. Mag-iwan ka na lang ng address ng kompanya mo. Magta-taxi na lang ako."

"Are you sure?"

Turnango siya. "Kaya ko naman," nginitian pa niya ito.

"Sige, love. Ikaw ang bahala.


Muli silang nagpatuloy ni Mhorric sa pagkain. Panaka-naka kung sulyapan niya ang nobyo na maganang
kumakain ng mga sandaling iyon. Hindi niya maiwasan ang hindi mapangiti. Sapat na ang maganang
pagkain nito para masabl niyang worth it ang kaniyang effort sa pagluluto. "Sa weekend, sa Leisure Club
naman tayo."

Ganoon na lang angtuwang sumilay sa labi ni Candy dahil sa sinabing iyon ng kaniyang nobyo. Pabalik na
sila sa kanilang silid ng mga sandaling iyon.

"Talaga?"

"Hmmm. Na-miss ko ang kumain ng fresh na alimango."

"Fresh na alimango?"

Turn ango ito bago binuksan ang pinto sa silid nila. "Dadalhin kita kung saan kinukuha ang mga fresh na
seafoods sa UHB Leisure Club."

Bigla ay nakaramdam siya ng excitement. "Sana ay mag-weekend na agad," nangingiti pa niyangwika.

"Kung gusto mo rin, sa Leisure Club na tayo mag-stay sa Friday. Doon na tayo mag-dinner."

"Approve," nag-thumbs up pa siya rito. Basta tungkol sa UHB Leisure Club ay approve lahat sa kaniya.
Ganoon niya kagusto ang lugar na iyon na tanggap ang buo niyang pagkatao. Loob man o labas.

'"Wag mo na munang kaisipin 'yon," saway sa kaniya ni Mhorric. "You're too excited basta UH B Leisure
Club ang pinag-uusapan," napapailing pa nitong wika na naupo sa may bandang paanan ng kama.

Tumayo naman si Candy sa harapan nito at humalukipkip pa. "Bakit parang tunog bitter yata ang love
ko?" natatawa pa niyang tudyo rito.

"I'm not," anito na pumulupot pa ang mga braso sa kaniyang baywang at hinapit siya palapit lalo rito.

Napahawak si Candy sa magkabilang balikat ni Mhorric. Nangtumayo ito ay nakahawak pa rin ang mga
kamay niya sa balikat nito. Bahagya niya itong tiningala. Bakit parang may gusto na naman itong gawin?

Napagtanto niyang tama siya ng hinala nang walang sali-salitang bumaba ang mukha nito palapit sa
kaniya at halikan siya sa kaniyang labi.

Para ding nabura na sa kaniyang vocabulary ang salitang pagtanggi. Dahil sa tuwina ay buong puso rin
siyang nagpapaubaya rito.

Readers also enjoyed:

Pernikahan Anak SMA C)

0 4M Read

TAGS love after marriage friends to lovers


Chapter 75

PAGKABABA ni Candy sa sinakyang taxi ay sandali pa niyang tiningala ang matayog na gusali ng Soliven
Group kung saan naroon ngayon ang kaniyang nobyo. Hindi niya maiwasan ang humanga sa magandang
design ng naturang gusali.

Ayon na rin kay Mhorric, nasa pinakahuling palapag ang gamit nitong opisina. Bagay na nagpalunok sa
kaniya. Hindi naman kasi niya inaasahan na isa sa matatayog na gusali na natanawan niya habang
nakasakay sa taxi ang pagmamay-ari nito.

Huminga muna siya nang malalim bago nagsimulang maglakad. May dala siyang paper bag kung saan
nakalagay roon ang mga pagkain na nakalagay sa disposable container. Mainit pa iyon dahil kaluluto
lang. Hindi na siya pinagdala pa ni Mhorric ng pinggan at kubyertos dahil magpapadala raw ito sa office
nito. Kaya naman pagkain lang angdala niya.

Paglapit niya sa mismong entrance door na yari sa bubog ay automatic na bumukas iyon dahil sa sensor.

"Good morning, Ma'am," bati pa sa kaniya ng dalawang guwardiya na nakatayo sa 100b.

"Good morning din PO," bati rin niya sa mga ito. Ang isa ay lumapit sa kaniya.

"Puwede po bang ma-check muna ang dala ninyo? SOP lang, Ma'am," magalang pa niyong wika.

"A-ah, Sige ho," pagpayag niya.

Iminuwestra pa ng isang security guard ang daan papunta sa may gilid ng lobby kung saan mayroong
maliit na lamesa. Doon ay ipinatong niya ang kaniyang mga dala. Habang ang isa naman nitong kasama
ay nanatili pa rin sa may entrance.

"Magtitinda po ba kayo rito?" tanong pa nito nang makita ang mga pagkaing dala niya.

"H-hindi PO," umiiling niyang wika. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano. Lalo na at ang guard
na ito ay armado rin.

"Kung ganoon, saan ninyo ito dadalhin?" "Kay Mhorric Soliven," aniya.

"Kay Boss?"

Turn ango siya.

"Excuse me, Ma'am, kayo po ba si Miss Candy?" anang isang lalaki na nakasuot ng business suit. Ang
buhok ay nakasuklay papunta sa likod ng ulo niyon. Animo hindi gumagalaw kahit na mapatapat sa
electric fan na may malakas na buga ng hangin. Sa tantiya niya ay nasa late twenties ang edad niyon.
Tumingin siya sa lalaking bagong lapit at turnango. "Opo."

"Dumiretso na ho kayo sa itaas. Hinihintay kayo ni Mister Soliven ."

Muli niyang hinawakan sa handle ang paper bag at kiming nginitian ang guwardiya na turningin sa mga
dala niya at napagkamalan pa siyang nagtitinda ng pagkain.

"Ako na po ang magdadala niyan," wika pa ng lalaki na hindi alam ni Candy ang pangalan dahil hindi
naman nagpapakilala.

"Hindi na PO. Kaya ko naman," tanggi niya.

"Are you sure, Miss Candy? Bilin kasi ni Mister Soliven na—"

"Kaya ko PO," nakangiting putol niya sa sasabihin pa nito.

"O-okay," hindi na nakipagtalo pa nitong wika.

Sumunod na siya rito nang imuwestra nito ang daraanan niya. Dumiretso sila sa isang pasilyo kung saan
naghanay ang mga elevator na magkakatapatan. Dumiretso sila sa dulo kung saan naroon ang elevator
na pang VIP lamang. Mukhang ang iba roong elevator ay para sa mga empleyado.

Nang makasakay siya sa elevator ay sumakay rin ang naturang lalaki at siyang pumindot sa
kinaroroonang floor ni Mhorric.

Hindi na siya mangangamba pa na baka maligaw siya roon dahil mayroong nagga-guide sa kaniyang
pupuntahan. Mukhang nasabihan na agad iyon ni Mhorric na parating siya.

Huminga siya nang malalim. Nasa ika-forty floor ang pinaka-private office ni Mhorric. Kaya n aman nang
tuluyang huminto ang elevator sa forty floor ay ramdam niya ang kaunting pagkahilo. Lalo na nang
lumabas na siya ng elevator at maitapak sa sahig ang kaniyang mga paa. Hindi agad siya nakakilos.
Nakatayo lang siya at tinatantiya ang gagawing sunod na paghakbang. lyong pakiramdam niya na
bumubulusok pa rin siya paitaas.

"Are you okay, Miss Candy?"

Napakurap siya. Pagkuwan ay kimi ang ngiti sa labi na turnango siya. "O-okay lang." Lumunok muna siya
bago muling sumunod dito.

May naraanan pa silang cubicle kung saan tila naghahanda na sa pag-alis ang babaeng naroon. Agad
iyong tumayo at nagbigay galang sa kaniya. Maganda at sexy iyon.

lyong tingin niyon sa kaniya ay kung bakit para bang puno pa ng paghanga kaysa taasan siya ng kilay.
Mukhang alam na rin niyon na siya si Candy. . . ang nobya ng boss nito.

Nang marating ang nakapinid na pinto ay kumatok pa ng tatlong beses ang lalaking kasama niya.
Pagkuwan ay binuksan na rin nito iyon para
sa kaniya.

"Pumasok na po kayo, Miss Candy," anang lalaki na nagbigay galang pa sa kaniya bago nagpaalam na.

Natutuwa siya sa approach niyon sa kaniya.

"Thank you PO," pahabol pa niya rito bago tuluyang pumasok sa pintong binuksan nito. Agad din nito
lyong isinara nang siya ay makapasok ngtuluyan sa 100b.

Bahagya pang nagtaka si Candy dahil wala siyang makitang tao sa 100b ng silid na kaniyang pinasukan.
Ganoon pa man ay alam niya na pribadong opisina iyon ni Mhorric. Lalo na at sa lamesa na naroon ay
mayroong pangalan nito na naka-engrave sa kahoy. Katulad nga rin ng sinabi nito ay marami nga na mga
paper works na nasa lamesa nito.

Malawak ang opisina na iyon. May mini sala pa sa gitnang bahagi. Doon niya dinala ang pagkaing dala
dahil may coffee table roon na puwede niyang pagpatungan sa mga dala niya. Nasaan naman kaya ang
kaniyang nobyo?

Dahil nahihilo rin kaya naman ipinasya na muna niya ang maupo. Hindi na muna niya inilabas ang mga
dalang pagkain dahil na rin baka lumamig agad. Malamigdin kasi ang buga ng aircon sa silid na iyon.

Wala namang nabanggit ang lalaking kasama niya kanina na wala roon si Mhorric.

Kumatok pa nga iyon sa pinto, ibig sabihin ay alam niyon na naroon si Mhorric.

Ipinikit niya ang mga mata. Hindi pa rin nawawala ang hilo niya.

Grabe rin talaga ang mayayamang negosyante. Bakit ba palaging nasa matataas na parte nggusali ang
kanilang mga opisina?himutok pa niya sa kaniyang isipan. Ganoong-ganoon din sa mga napapanood
niyang mga international dramas. Ang mga CEO o mga Company President ay nasa pinakaitaas na floor
ang garnit na private office.

Siguro ay sanay na rin si Mhorric sa ganoon kataas na lugar.

Saka lang napamulat si Candy nang may malambot na lumapat sa kaniyang labi. Ang mukha agad ni
Mhorric ang nakita niya. Ngingiti-ngiti pa iyon nang dumistansiya sa kaniya. Agad itong naupo sa tabi
niya at kinabig siya para yakapin.

"Love," he even whispered.

"Saan ka gating?" hindi niya napigilang itanong.

"Sa CR," anito na hinalikan pa siya sa buhok niya bago kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya. "Kanina
ko pa gustong mag-lunch." "Gutom ka na?"

"Not really. Gusto lang kitang makita,"

nakangiti nitong wika na tumulong din sa kaniya sa paglalabas ng mga pagkain mula sa paper bag.
"Alam mo ba na napagkamalan pa ako ng security guard sa baba na nagbebenta ng mga pagkain?"
natatawa niyang kuwento rito.

"Really?" may gulat sa tanong nito.

Turnango siya. "Buti na lang, mayroong lumapit sa akin na nagtanong kung ako ba si Candy. Siya 'yong
nag-assist sa akin hanggang sa makarating dito sa office mo. Kaya hindi rin ako nahirapan na makarating
dito."

"That's Jeff," anito sa kaniya. "Assistant ko. Pinakisuyuan ko kanina na hintayin ka sa may lobby. Hindi pa
rin kasi ako tapos sa paper works kaya hindi ako basta makalabas ng opisina."

"Gusto mo ba na clito muna ako? Sabay na tayong umuwi mamaya," suhistiyon pa niya. Wala rin naman
kasi siyang gagawin sa bahay nito.

"Okay lang sa iyo? Mamaya nasa meeting ako."

"00 naman. Walang problema. 'Yon naman ay kung gusto mo lang."

"Of course, gusto ko," agad na sang-ayon ni Mhorric. Ngumiti pa ulit ito. Napakaguwapo talaga nito.

Hindi maiwasan ni Candy na mapabuntong-hininga. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya maiwasan na
isipin na kung bakit ang

suwerte niya sa pagkakaroon ng isang Mhorric Soliven? Lalo na ngayon na nasa isang matayog siyang
gusali na pagmamay-ari mismo ni Mhorric. A billionaire since born. habang siya ay isang hamak lang
since born. Akala niya noon ay mala-Beauty and the Beast lang ang kanilang kuwento. Malay ba niya na
mala-Cinderella rin?

Tumayo si Mhorric para kunin ang pinadala nito sa opisina nito na pinggan at mga kubyertos. May
dalawa ring baso. Nakabalot pa iyon sa plastic wrap. Making sure na hindi mapapasok ng alikabok.
Kumbaga, silyadong-silyado. Agad nito iyong dinala sa kinaroroonan ni Candy at inalis sa pagkakabalot
ng plastic wrap.

Muling turnayo si Mhorric at nilapitan ang mini ref na naroon para kumuha ng dalawang mineral water
na nakalagay sa plastic bottle. At dalawangjuice in can.

"Let's eat," pag-aaya na ni Mhorric kay Candy nang maupo na itong muli sa tabi ng nobya.

"Wala ka na bang kukunin?" nangingiti pa niya ritong tanong.

"Wala na," may ngiti rin sa labi na tugon ni Mhorric.

KINAHAPUNAN, nang um-attend sa meeting si Mhorric ay nanatili lang si Candy sa opisina nito. May TV
roon kaya hindi siya nainip. Nanood
siya ng movie habang hinihintay si Mhorric. Dinalhan pa siya roon ng meryenda ng secretary nito bagay
na pinasalamatan din niya.

Nang mahiga siya sa sofa, habang ang mga mata ay nakatutok sa malaking flat screen TV, hindi nagtagal
ay nilamon din siya ng antok.

Naalimpungatan langsi Candy nang maramdaman ang kamay na humahaplos sa kaniyang buhok. Nang
bahagya niyang imulat ang mga mata ay agad dumako ang kaniyang tingin kay Mhorric na nakaupo sa
may tabi niya.

Sinulyapan niya ang TV na nakapatay na rin. Ikinurap-kurap niya ang kaniyang mga mata. Kinapa pa niya
ang kaniyang pisngi, making sure na walangtumulong [away mula sa kaniyang labi.

"K-kanina ka pa?" ani Candy nang makaupo siya. Inalalayan naman siya ni Mhorric sa pag-upo. Tumayo
pa ito para mailapat niya sa sahig ang kaniyang mga paa. Pagkuwan ay muling naupo sa tabi ni Candy.

"Not really. Katatapos lang din ng meeting.

Nagising ba kita, love?"

" Medyo," nangingiti niyang tugon.

"Kung inaantok ka pa, pwede ka pa namang matulog. I'm sorry for waking you up," hinging paumanhin
pa nito.

Yumakap siya sa braso nito. "Hindi na rin ako makakatulog. Okay lang, narito ka na rin naman." "Are you
sure, love?" Tum ango siya.

"Mamaya, mag-dinner na muna tayo sa labas bago umuwi. Okay lang ba sa iyo? Puwede rin tayong
pumunta sa mall kung may gusto kang bilhin para sa sarili mo."

"Wala naman akong kailangang bilhin."

"Manood na lang tayo ng movie? Balita ko may magandang movie ngayon sa cinema."

"Sige. Mas gusto ko 'yon," sang-ayon niya rito. "CR muna ako, love," aniya na hinalikan pa ito sa pisngi
bago turnayo.

"Okay," sang-ayon nito.

Nang makapasok sa CR ay nagbawas lang naman siya ng panubigan. Pagkuwan ay naghugas ng kamay sa
may sink at humarap sa salamin para suriin ang mga mata. Checking kung may muta siya sa mga mata
niya. Ngumiti siya ng walang makita. Hindi na rin naman siya nagtagal pa roon at lumabas din agad.

Naabutan pa rin niya si Mhorric na nakaupo sa sofa na hinigaan niya kanina. Naupo siyang muli sa tabi
nito. "Wala ka na bang gagawin? Or naka-break time ka lang?"
"May gagawin pa ako, mayamaya," anl Mhorric sa kaniya. "For now," anito na pumihit pa paharap kay
Candy. "Tayo munang dalawa.

Tayong dalawa?ulit niya sa kaniyang isipan. "Tayong dalawa ang ano?"

"Ang focus 1<0," sagot nito sa kaniyang tanong. "Love, sobrang nakakapagod ang maghapon. Pa-
recharge muna."

"Gusto mong matulog?"

"lkaw 'yong gusto 1<0," malambing pa nitong wika na mataman siyang pinakatitigan sa mga mata.

Lihim siyang napalunok dahil sa titig na iyon ni Mhorric. Titig na alam niyang may ibang halo.

'"W-wag mong sabihing—"

"Okay. Hindi ko sasabihin. Gawin na lang natin," ngumiti pa ito ng pilyo bago nito tinawid ang natitirang
pagitan nila at siniil siya ng halik sa kaniyang labi.

Hindi niya maiwasan na hindi kabahan sa nais nito. Na-ge-gets niya kung ano ang gusto nitong mangyari.
Pero doon sa opisina nito? Paano kung biglang may pumasok?

"L-Love," aniya nang bahagyang ilayo rito ang mukha. "B-baka biglang may pumasok."

"Walang mangangahas na pumasok dito. Bukod sa naka-lock ang pinto. Sinabihan ko rin ang secretary
ko na lahat ng concern ay iwanan sa kaniya. Dahil ayaw kong maiistorbo rito ngayon."

Napalunok siya. Kung ganoon, kaya pala malakas ang 100b nito ng mga sandaling iyon.

"Magugusot ang suot mo," dahilan pa rin niya.

"Ayaw mong magusot? Madali lang 'yon," anito na inalalayan pa siya sa pagtayo. Pagkuwan ay iginiya
papunta sa likod ng sofa na siyang kinauupuan nila.

Clueless siya kung ano ang gagawin nila roon. Napaka-inosente pa rin talaga niya sa ibang bagay. Lalo na
pagdating sa ganoong tagpo.

Muli siya nitong hinalikan sa labi. Ang mga kamay naman niya ay animo may sariling isip na nagkusa pa
na pumupulot sa may leeg nito. Humapit naman sa may baywang niya ang mga kamay ni Mhorric.
Lumalim lalo ang pinagsasaluhan nilang mainit na halik. Bigla ay nawalan na naman siya ng pakialam sa
kanilang kinaroroonan. Ang tanging mahalaga lang ay silang dalawa ng kaniyang nobyo.

"Turn around," anas pa ni Mhorric sa pagitan ng kanilang mga labi mayamaya.

Nagmulat ng mga mata si Candy at walang imik na sinunod ang nais nito. Sandaling lumayo sa kaniya si
Mhorric. Pagbalik ay mayroong inilapag na tissue box sa may sofa na nasa harapan nila ngayon.

"Medyo, i-bend mo ang katawan mo payuko," muli ay utos sa kaniya ni Mhorric.


"Ganito?" aniya na nakatuon angdalawang kamay sa may sandalan ng sofa habang

naka-bend ang katawan payuko sa may sofa.

"Hmmm," ani Mhorric na inayos pa ang pag-bend niya. Napalunok si Candy nang maramdamang itaas ni
Mhorric ang laylayan ng suot niyang bestida hanggang sa may likuran niya. Kung ganoon, ganoon ang
style nila para hindi nga naman magusot ang suot nito? Hindi pa man nag-iisa ang kanilang mga katawan
ngunit heto at para bang nanunuyo na agad ang kaniyanglalamunan.

Sunod niyang naramdaman ay nang ibaba ni Mhorric ang suot niyang panloob. Hindi pa nakuntento at
tuluyang hinubad sa kaniya. May kaba sa dibdib niya pero ayaw namangtumutol ng kaniyang katawan sa
nais mangyari ng nobyo sa kanilang dalawa.

Nang lingunin niya si Mhorric ay bahagya lang din nitong ibinaba ang suot nitong pang-ibaba. At ang
alaga nito ay naghuhumindig na rin. Napapalunok na nagbawi siya ngtingin.

Hinawakan ng isang kamay ni Mhorric ang kaniyang balakang. Lumapit din ito sa kaniya. Sunod ay
napaawang ang labi niya nang maramdaman ang dulo ng p I nito na itinapat nito sa kaniyang kaselanan.
Sunod niyon ay ang pagpasok ng kahabaan nito sa masikip niyang butas na ikinasinghap niya. Halos
manirik pa ang mga mata niya nang isagad pa nito iyon hanggang sa kaloob-looban ng kaniyang
kaselanan. Hindi niya maikakaila ang sarap na dulot niyon sa kaniyang p

"Aaah," daing niya. Humigpit ang kapit niya sa may sofa nang magsimula ng umulos si Mhorric mula sa
kaniyang likuran. Kinagat niya ang ibabang-labi para lang pigilan ang pagkawala ng ungol at daingsa
kaniyang bibig. Baka marinig pa sa labas. Nakakahiya.

Sa bawat sagad na pag-ulos ni Mhorric sa kaniyang kaselanan ay ga-langit ang kaluwalhatian na


nararamdaman niya.

Damang-dama niya ang p i nito dahil sa kasikipan niya. Ramdam niya nang labasan na siya. Pero
mukhang pinipigilan pa rin ni Mhorric ang sarili na labasan dahil tuloy-tuloy lang ito sa pag-ulos sa
kaniya.

Ang mga binti niya ay nanlalambot na. Ganoon pa man ay para pa siyang babaliwin lalo ni Mhorric sa
posisyon na iyon. Habang pigil-pigil ang pagkuwala ng mga daing sa kaniyang labi. May kung ano ring
gumagapang papunta sa ulo niya kaya naninindig maging ang mga balahibo niya sa katawan. Kulang na
lang ay isubsob niya ang mukha sa may backrest ng sofa.

"M-malapit na," naibulalas pa ni Mhorric nang mayamaya pa ay lalong bumilis ang paggalaw nito na
halos mayanig ang mundo ni Candy.

Grabeng kaluwalhatian ang dulot ng sabay

nilang pag-akyat sa rurok. Bago tuluyang huminto sa paggalaw si Mhorric ay isinagad pa nito ang
hinaharap sa kaniyang kaselanan. Tulad ni Candy ay habol din ni Mhorric ang paghinga nito. Siguradong
katulad niya ay nanuyo rin ng husto ang lalamunan nito.
Nanlalambot na isinubsob niya ang sarili sa likuran ng sofa. Si Mhorric naman ay niyuko pa ang tissue
box na ipinatong nito sa may sofa. Kumuha ito ng ilang piraso at inilagay nito sa isa nitong kamay. Bago
bitiwan ang box ay muli itong kumuha ng ilang piraso pa.

Sunod niyon ay ang paghugot na nito sa alaga nito para punasan. Mabilis ang bawat kilos nito. Ganoon
din ang pagpunas sa inilabas na katas ni Candy sa kaniyang kaselanan. Nang matapos ay inayos na rin
nito ang pagkakasuot ng pang-ibaba nito.

Lumunok muna si Candy. Bumawi lang siya ng lakas bago isinuot ang kaniyang panty na hinubad sa
kaniya kanina ni Mhorric. Bago pumunta sa banyo si Mhorric para itapon ang tissue na ginamit nila ay
inalalayan pa siya nito sa pag-upo sa sofa.

Nang burnalik si Mhorric ay inabutan pa siya nito ng malamig na tubig.

"Thank you," aniya bago iyon inumin. Ramdam na ramdam niya ang pagkaubos ng kaniyang lakas.

Naupo sa tabi niya si Mhorric at inakbayan siya. Hinalikan pa siya sa kaniyang buhok.

"l love you," buong pagmamahal pa nitong saad."

"l love you too, love," baling niya rito.

Kinintalan pa siya nito ng halik sa labi. "Parang mas inantok pa ako," natatawa pa nitong wika.

"May gagawin ka pa," paalala niya rito. "Puwede naman kasi na sa bahay na gawin. Pat• itong opisina,
eh, bininyagan."

"Sshh. Gusto ko pa ngang ulitin sa susunod," pilyo pa nitong hirit.

"Ano?"

"Sabi ko, magtatrabaho na po ulit ako. Stay foot ka lang dito," anito na hinalikan siya sa labi bago
turnayo na. Pasipol-sipol pa ito nang bumalik sa lamesa nito.

Habol naman ito ngtingin ni Candy. "Love, hindi ka ba nagugutom?"

"Nagmeryenda kami kanina sa meeting. Nagugutom ka ba?" balik-tanong pa nito sa kaniya.

"Hindi. Dinalhan ako kanina ng pagkain ng secretary mo," aniya rito. "Maganda 'yong secretary mo.
Saka, sexy. Hindi mo ba siya na-type-an?" hindi niya naiwasang itanong.

Tumawa ito. "May asawa't anak na 'yong

secretary 1<0. Tatlo na ang anak niya. Kaya hindi puwede 'yang iniisip mo."

Napakurap-kurap siya. Tatlo na ang anak ng secretary nito? Hindi halata. O sadyang magaling lang ding
magdala ng katawan at masaya sa buhay may pamilya nito. Nangingiting nagbawi na siya ngtingin.
Kaya naman pala hindi siya nakaramdam ng kakaiba sa secretary nito simula nang makita niya iyon
kanina.

Chapter 76

NAITULAK ni Candy palayo sa kaniya si Mhorric, na nakayakap sa kaniya, nang bigla na lamang tumunog
ang doorbell. Indikasyon na may tao sa labas ng unit nito.

"M-may bisita ka ba?" tanong agad ni Candy kay Mhorric.

Urniling ito. "Wala," sagot nito. Inayos nito ang suot na darnit na bahagyang nalukot bago hinayon ang
papunta sa may main door ng condo unit nito.

Mabilis namang dumiretso si Candy sa kusina para uminom ng tubig. Kararating lang din ni Mhorric
galing sa trabaho. Maghahanda pa lang din siya ng para sa hapunan nila. Akmang bubuksan niya ang ref
nang maulanigan ang papalapit na boses sa kusina. Ibinaba niya ang kamay at marahang naglakad
papunta sa may pinto ng kusina.

Curious siya kung sino ang dumating.

Malapit na siya sa may pinto nang bigla naman iyong bumukas. Animo para siyang naestatwa sa
kaniyang kinatatayuan nang makita ang bagong dating. Na sa halip na magulat dahil nakita siya ay
ganoon na lamang ang paglawak ng ngiti sa labi. Maging ang mga mata niyon ay

ngumiti nang makita siya.

"Candy, hija," ani Donya Teresa na agad siyang nilapitan para yakapin. "How have you been, hija?"

Napalunok siya. Hindi niya inaasahan na ngayon niya makikita ang abuela ni Mhorric. Si Mhorric naman
ay nakasunod langsa Iola nito. May ngiti rin sa labi habang nakamasid sa kanila ng Iola nito.

"D-Donya Teresa," sa wakas ay naibulalas niya nang siya ay makabawi mula sa pagkabigla. "O-okay lang
po ako. Kayo po ang kumusta?"

"Mas naging okay ako ngayon na nakita kita ulit. At magkasama pa kayo ng apo ko," nangingiti pa nitong
tudyo nang kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya.

Nag-init ang magkabila niyang pisngi dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung nabanggit na ba ni
Mhorric na magkasama sila roon o ngayon lang din nito nalaman?

Hindi tuloy niya maiwasan ang sandaling ma-speechless sa harapan ng donya. Parang wala namang
nagbago rito. Kung ano iyong huling kita niya rito ay ganoon pa rin ito ngayon. Elegante at postoryosa.

"May nakarating sa akin na balita na narito ka. Ang apo ko kasi ay mukhang walang balak na sabihin ang
nangyayari sa kaniya rito," ani Donya Teresa na nilingon pa si Mhorric. "Ano'ng plano
mo, hijo? Itago sa akin angtungkol sa inyo ni Candy?"

'"La, hindi naman sa ganoon. Sasabihin ko rin naman po—"

"Kailan? Pagputi na ng uwak?" naiiling nitong pamimilosopo sa apo.

"No. Syempre, kumukuha lang din po kami ng magandang tiyempo. Ang balak ko sana, pupunta kami sa
Alabang," ani Mhorric sa abuela. "Kuuu. Baka abutin pa ng siyam-siyam." Muling bumaling kay Candy si
Donya Teresa.

"Okay ka lang ba rito?" Inilibot pa nito ang tingin sa paligid. "Parang wala akong nakikitang maids dito?
Mhorric?" nabura na ang ngiti ng donya sa labi.

Napapakamot naman sa batok si Mhorric.

"A-ako po 'yong may ayaw na kumuha ng maids, Donya Teresa," agad niyang wika.

"Candy, apo na rin kita. Hindi mo na kailangang tawagin pa ako na Donya Teresa. Tawagin mo akong
Iola," muli itong ngumiti pagkasabi niyon. "Pero bakit ayaw mong kumuha kayo ng maids ni Mhorric?"

"May naglilinis naman po rito sa unit weekly, 'La," katwiran ni Mhorric.

"Ang paglalaba? Pagluluto?" muli ay tiningnan nito ang apo.

"Ako po ang nakatoka sa pagluluto," wikang

muli ni Candy.

Pero para bang hindi iyon nagustuhan ng

Iola ni Mhorric. Binalingan nito ang apo.

"Mag-uusap tayo."

'"La—"

"Gusto ko naman po 'yong ginagawa ko," ani Candy kay Donya Teresa para hindi nito kagalitan ang apo.

"Candy, hija, kung ako lang ang masusunod, hindi mo kailangang gumawa ng mga gawain dito sa bahay."

Perks of being a billionaire ba kaya ayaw nito na gagawa siya roon? Ganoon din naman si Mhorric noon.
Ayaw na ayaw siyang pagagawain.

"Instead, you should pamper yourself."

Nginitian niya ito para ipakita na okay lang siya. Mukhang concern lang din ito sa kaniya na ayaw
mahihirapan sa gawaing bahay. "Salamat PO. Pero gusto ko naman po 'yong ginagawa 1<0. Masaya po
ako na ipagluto si Mhorric. Kaya wala po kayong dapat na ipag-alala sa akin."
"Are you sure? Baka ma-stress ka rito sa kusina?"

'"La, favorite spot niya itong kusina," sangat pa ni Mhorric.

Napabuntong-hininga ang donya. "Bueno, gustuhin ko man na matikman ang luto mo, hija, ayaw naman
kitang pagurin ngayon. Sa labas na tayo mag-dinner. Marami tayong pagkukuwentuhangdalawa."

"Mukhang out of the picture yata ako ngayon?" reklamo ni Mhorric sa abuela nito.

"lkaw, Mhorric, apo, ibinabahay mo na rito si Candy, ano na ba ang plano mo?" sa halip ay paninita na
naman ni Donya Teresa sa apong si Mhorric. "Ayaw kong hanggang ganito lang kayong dalawa. Daig pa
ang nagbabahay-bahayan lang. Baka bumangon sa libingan ang mga magulang mo at multuhin ako?
Napag-usapan na ba ninyo ang pagpapakasal?" Naglipat pa angtingin nito sa kanilangdalawa ni Mhorric.

Naglakad naman si Mhorric palapit kay Candy at inakbayan ang nobya.

'"La, darating din kami diyan ni Candy. For now, ayaw muna niyang pag-usapan ang bagay na 'yan. Ayaw
ko naman siyang madaliin. And respect her decision."

Bumuntong-hininga ang matanda. "Ang sa akin lang naman, kung tingin ninyo ay doon din naman kayo
pupunta, bakit kailangan pang patagalin? Matanda na kami ng 1010 mo, apo. Baka naman puwedeng
humirit na pakibilisan na ang pagdedesisyon ninyo? Wala namang problema sa magiging kasal ninyo
kung sakali. Kung gusto ninyo pa na pinaka-engrandeng kasal ang maganap, walang problema. Candy,
hija,"

baling nito sa kaniya. "Mahal ka ng apo ko, saksi ako riyan noong umalis ka na lang ng walang paalam sa
kaniya. Kaya ako na ang nagsasabi na puro at totoo ang pagmamahal niya sa iyo. Hindi mo kailangang
pagdudahan. Kaya kung nagdadalawang isip ka pa sa pagpapakasal sa kaniya, 'wag na. Alam mo naman
na welcome ka sa pamilya namin. At kung may tumutol man sa pagmamahalan ninyo, ako ang
makakalaban nila," ani Donya Teresa na ngumiti na.

Na-touch siya sa sinabi nito. "Salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin."

"Alam ko naman na sa iyo langdin sasaya 'yang si Mhorric. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi
ka na niyan pinakawalan pa.

Desperado ang isang 'yan na makasama ka."

Tumikhim si Mhorric. '"La, hindi ko naman po itinanggi kay Candy ang bagay na 'yan. At para po
mapanatag ka," ani Mhorric na hinawakan ang kamay ni Candy na may suot na singsing at ipinakita sa
matanda. Ganoon din ang singsing nito sa kamay. "We're engage."

Umawang ang labi ni Donya Teresa. Lumarawan ang pagkagulat sa mukha na napalitan ng saya. "Really?
Pero bakit wala akong kaalam-alam?" anito na nahampas pa sa braso ang apo. "Mahal mo ba talaga
kami ng 1010 mo?"
"It was a surprise engagement, 'La. Gusto mo ba ng take two?" ani Mhorric na nahimas ang braso na
nahampas ng abuela nito.

Ikinumpas nito ang isang kamay. "Magbihis na kayongdalawa at ng makakain na tayo ng hapunan.
Nagugutom na ako," anito na naiiling na iniwan na sila sa kusina.

Nagkatinginan sila ni Mhorric.

"Galit ba si Donya Teresa?" alanganin pa niyang tanong rito.

Urniling ito. "Hindi. Hindi marunong magalit si Iola pagdatingsa akin. Lalo na sa iyo. Kaya 'wag mong
kaisipin 'yong naging reaksiyon niya kanina. Siguro ay nabigla lang din siya na malaman na engage na
tayo pero wala siyang ideya. Ako na ang bahalang mag-explain sa kaniya mamaya. Let's go," anito na
iginiya na siya palabas sa kusina.

Napabuntong-hininga si Candy. Hindi niya inaasahan ang biglaang pagsulpot ng abuela ni Mhorric. Pero
masaya siya na makita itong muli na malakas at malusog.

"ARE YOU sure, 'La? Ayaw mong mag-stay sa bahay? May guest room naman doon, paninigurado ni
Mhorric sa abuela nang sabihin nito na mag-stay ito sa Alager Hotel Beach and Resort kasama ang isa
nitong maid at driver habang nasa Pagbilao City ito ng ilang araw.

"Salamat na lang, apo. Ayaw ko rin naman na makaabala sa inyongdalawa," ani Donya Teresa kay
Mhorric. "Naka-check in na rin naman kami sa Alager."

"Wala namang kaso kahit doon kayo mag-stay sa bahay."

Umiling ang abuela nito. "I'm fine, apo. At isa pa, gusto kong magpaaraw bukas ng um aga sa tabing
dagat." Hinarap naman ni Donya Teresa si Candy. "Bukas ng after lunch, samahan mo ako, hija."

"Saan PO?" magalang na tanong ni Candy rito.

"Malling," nakangiti nitong wika. Humagod pa angtingin nito mula ulo hanggang paa ni Candy. lyong
tingin na para bang may gustong gawin sa kaniya. "At hindi ka puwedengtumanggi sa matanda."

Hindi naman talaga niya matatanggihan si Donya Teresa. Napakalaki rin ng utang na 100b at
pasasalamat niya rito para mabago ang buhay ng pamilya niya. At mananatili ang utang na 100b na iyon
sa kaniya hanggang sa huling hininga niya. Kaya para sa kaniya ay kahiya-hiya ang tumanggi rito.

"Sige PO."

"That's good to hear, apo," nasisiyahan nitong sagot na nilapitan pa siya at niyakap nang mahigpit.
"Candy, apo, sobrang saya ko na

makita ka ulit. Lalo na at kasama mo pa ang apo ko. Isa 'yan sa ipinagdarasal ko," mahina pa nitong wika
sapat lang upang marinig niya. Nakapaskil pa rin ang ngiti sa labi nito nang dumistansiya sa kaniya.
"Magkita ulit tayo bukas.
Hmmm?"

Matamis ang ngiti sa labi na turnango siya.

"Sige PO," sang-ayon niya rito.

Nagpaalam na rin ito sa kanila ni Mhorric. Inalalayan naman ni Mhorric si Donya Teresa sa pagsakay sa
kotse nito. May sariling driver ang Donya kaya hindi na nag-abala pa si Mhorric na ihatid ang abuela nito
sa Alager Hotel Beach and Resort.

"Let's go," ani Mhorric sa kaniya na iginiya na siya pasakay sa kotse nito na huminto na rin sa tapat nila.
Binuksan nito ang pinto sa passenger side at inalalayan siya sa pagsakay sa 100b. Agad din namang
lumigid si Mhorric sa may driver side. Nagpasalamat pa ito sa valet bago tuluyang sumakay sa kotse nito.

Habangdaan ay kapwa tahimik lang sila ni Mhorric.

Hindi niya maiwasan ang mapangiti habang nakatuon angtingin sa may labas ng bintana. Hindi kasi
maikakaila kay Donya Teresa kanina ang kasiyahan habang magkakasama sila.

Interesadong-interesado rin ito sa kuwento nila ni Mhorric. Kung paano ba silang nagkitang

muli. Nahihiya siyang magkuwento sa part na muli silang nagkita kaya si Mhorric ang nagkuwento ng
part na iyon sa abuela nito.

Ang pagpunta ni Mhorric sa kanila sa Bulacan ay si Candy naman ang nagkuwento sa matanda.

Para pa itong isang teenager na kinikilig sa kanilangdalawa.

"For sure, daig pa ni Lola Teresa ang bum ata ng sampung taon," nangingiting wika ni Mhorric nang
makapasok sila sa condo unit nito.

"Panigurado," sang-ayon niya. "Hindi na nawala ang saya sa mukha niya."

"Actually, hindi 'yon masaya na makita ako. Mas masaya 'yon na makita ka. Kaya, as you can see, nang
malaman niya ang balita na magkasama tayo rito. . . hindi siya nagdalawang isip na pumunta rito."

"Pero bakit hindi niya kasama ang 1010 mo?"

"May check-up bukas si 1010. Buti nga, pumayag na umalis si Iola.

Hinahayon na nilang dalawa ang hagdanan nang huminto ito sa paglalakad at humarap sa kaniya.
Pagkuwan ay walang imik na niyakap siya nangmahigpit.

"B-bakit?"

"Nothing. Masaya lang din ako ngayon.

Nakita ka na ni Iola."
Gumanti siya ng yakap dito. "Masaya rin ako na makita si Donya Teresa."

"Lola Teresa," pagtatama nito sa kaniyang sinabi. "Masanay ka na. Hmmm? Mas doble ang saya ni Iola
kapag itinuring mo na rin siya bilang Iola mo."

Huminga siya nang malalim. "O-okay.

Sasayangin ko ang sarili ko," pangako niya rito.

Medyo nakakapanibago lang siguro talaga sa una.

Nang kumalas ito sa kaniya ay kinintalan pa siya nito ng halik sa labi. Pagkuwan ay inalalayan na rin sa
pag-akyat sa may hagdanan. Ipinulupot pa ni Candy ang isang kamay sa may baywang ni Mhorric.

Chapter 77

KATULAD ng pangako ni Mhorric kay Candy, nag-stay sila sa UI-IB Leisure Club. Friday pa lang ng hapon
pagkalabas na pagkalabas ni Mhorric galing sa trabaho nito ay pumunta na sila roon. Doon na rin sila
nag-dinner.

Si Donya Teresa naman ay burnalik na rin sa

Alabang at hindi na rin nagtagal pa sa Pagbilao City. Nangako naman si Mhorric na dadalaw sila sa
susunod na weekend sa mga ito. Para na rin makita nila ang 1010 nito.

Pinag-shopping din siya ni Donya Teresa nang pumunta sila sa Monterey Mall. Dinala din siya sa salon.
Ipinaayos nito ang buhok niya. Kung noon ay purong itim ang kulay niyon, ngayon naman ay chocolate
brown na ang kulay. Medyo wavy na rin ang bandangdulo. Nagustuhan naman niya ang bago niyang
hairstyle. Ang mga kuko niya sa paa at kamay ay pina-manicure din nito at pedicure. Pamper na pamper
naman talaga siya ng araw na iyon. At ang reaksiyon sa kaniya ni Mhorric nang makita siya nito sa bago
niyang ayos? Wagas. ..

HUMINGA pa nang malalim si Candy bago

binuksan ang pinto sa condo unit ni Mhorric. Kauuwi lang niya galing sa mall kasama si Donya

Teresa. Hindi na siya nagpahatid pa sa driver ni Donya Teresa hanggangsa unit ni Mhorric, ika-niya ay
kaya naman niya. Pero hindi pala. . . buti na lamang at may mabuting 100b na guard na tumulong sa
kaniya para maiakyat ang lahat ng dala niya.

Mag-aalas diyes na ng mga sandaling iyon at tiyak niya na hindi na maipinta ang mukha ng nobyo niya
Idagdag pa na iniwan niya ang kaniyang cellphone sa utos na rin ng Iola nito.

Ipinasok lang niya sa maygilid ng foyer ang mga dala niyang paper bag na may mga branded na tatak,
Pagkuwan ay maingat niyang isinara ang pin to.
Natigilan siya nang makarinig ng pagtikhim mula sa kaniyang likuran. Alam niyang si Mhorric iyon.
Napalunok siya.

"At talagang kayo na ang nagsara ng

Mon terey Mall ni Iola, " matabang pang litanya ni Mhorric sa kaniya.

Milling huminga nang malalim si Candy bago lakas 100b na pumihit paharap kay Mhorric, "Ni hindi ka
man lang nag—" literal na natameme ito nang makita siya

Ayaw mag-assume ni Candy, pero daig pa ni Mhorric ang naengkanto sa kinatatayuan nito habang
tulalang nakatitig sa kaniya ng mga

sandaling iyon. May maganda rin siyang clip sa side ng buhok niya. Lalong nag-e-emphasize sa
kagandahan ng kaniyang bagong hairdo. Siguro nga, ang bago niyang ayos ay talaga namang nagpalitaw
lalo sa ganda niya. May kaunti rin siyang bangs na nakabagay sa kaniyang buhok. May light makeup din
siya sa kaniyang mukha. At ang suot niya ay isang eleganteng dress na hindi na pinahubad sa kaniya ng
Iola nito dahil bagay sa kaniya. Ni hindi umabot ang haba niyon sa may tuhod niya.

Tingin nga niya ay bumalik sa pagkadalaga ang Iola nito dahil tuwang-tuwa na bilhan siya ng
magagandang damit.

"S-sorry kung late na akong nakauwi, " halos mapigil pa niya ang paghinga dahil sa nararamdamang kaba
Nagbaba siya ng tingin.

Nang makabawi si Mhorric ay itinikom nito ang bibig na literal na napanganga nang makita siya Lumunok
pa ito bago tumikhim.

"Ah, Miss, naliligaw ka ba? Pasensiya na, ha?

Stick to one kasi ako. Loyal ako sa fiancee ko.

Kaya hindi kita ma-e-entertain. Kaya kung— "

Kumunot ang noo ni Candy sa pinagsasabi ni Mhorric. "Ano ba'ngpinagsasabi mo riyan?" aniya nang muli
itong tingnan.

Saka lang napatawa si Mhorric. "Just kidding, " anito na wala na ang animo pagka-bad trip sa guwapong
mukha dahil sa late na niyang

pag-uwi. Naglakad ito palapit sa kaniya at walang imik na niyakap siya. "Akala ko kung sinong
magandang chicks."

Gumuhit na ang ngiti sa labi ni Candy. Ramdam din niya ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi, Mukhang
nagandahan ito sa bago niyang ayos.

"Okay lang ba ang hitsura 1<0?" may pag-aalangan pa ring tanong ni Candy kay Mhorrjc.
Kumalas sa kaniya si Mhorric at pinagmasdan siya mula 1110 hanggang paa. "Hmmm. Bagay na bagay.
Mukhang hindi ka tinantanan ni Iola kanina?" nangingiti nitong tanong.

Tumango siya. "00. Kulang na lang ay bilhin lahat ng mga magagandang damit na makita niya.
Nakakatakot din palang kasama ang Iola mo sa mall. Grabe siyang mag-shopping," aniya na nilingon pa
angmga dala "Hindi nga ako magkandaugaga sa pag-akyat ng mga 'yan dito, tukoy niya sa mga pinamili.
"Pero tinulungan naman ako ng guard sa baba sa pag-akyat dito sa taas ng mga dala 1<0. "

"Hayaan mo langsi Iola. Kaligayahan na niya 'yan," ani Mhorric na muli siyang niyakap. "Ang ganda-
ganda mo (a/o."

Nakagat ni Candy ang ibabang-labi dahil sa papuring iyon mula kay Mhorric. "Love, puwede bang 'wag
mo ng ipangalandakan?

Nakakailang.

"l can 't help it, " anito bago siya pinakawalan, "lakyat na natin ito sa itaas, " anito na nilapitan na ang
mga paper bag.

Kinuha naman ni Candy ang mga natirang paper bag na hindi kayang dalhin ni Mhorric.

"Kumain ka na ba, love?" tanong ni Candy sa nobyo habang paakyat sila sa may hagdanan,

"Hmmm. Nagpa-deliverako kanina dahil alam ko naman na kumain na kayo ni Iola sa labas."

Mabuti naman kungganoon. Hindi ito nagpakagutom. Nakahinga siya nang maluwag sa kaalaman na
iyon,

"Na-miss lang talaga kita, " ani Mhorric. "Panay ang tawag ko sa cellphone mo pero iniwan mo pala rito
sa bahay. Hindi mo man lang ako na-inform. "

"Sorry. Bilin kasi ni Lola Teresa na iwanan ko ang cellphone 1<0.

"Ayaw maiistorbo sa moment ninyong dalawa, " nailing pa nitong wika

Baka isip na isip pa ito kanina. "Hindi na mauulit," pangako pa niya rito.

"1 don 't think so, love. Knowing, Iola, kapag nakagusto, 'yon anggagawin. Basta next time, inform mo
ako kung iiwanan mo ba ang cellphone mo or what. Si Iola, tinatawagan ko hindi rin naman sumasagot.

"Iniwan din niya ang cellphone niya sa hotel."

"Sabi na nga ba," naiiling na naman nitong wika, "Tho, okay na rin naman na si Iola ang nakasama mo sa
pag-sa-shopping. "

"See? Hindi ka nakatanggj sa kaniya, Dahil kung ako ang kasama mo, panay ang tanggi mo na bilhan kita
ng mga ganito, " ngumiti pa si Mhorric,
"Hindi naman ako sanay na mag-shopping sa mall."

"Kaya nga hindi kita pinipilit kapag tayo ang magkasama. Sasabihan ko rin si Iola na dalasan ang
paglabas-labas ninyong dalawa. "

"Love, 'wagmong tangkain, Nakakahiya."

"Kung si Iola lang din ang hindi mo matanggihan, mas mabuti pa na kayong dalawa ang palaging lumabas
para mag-shopping.

"Ang darni na nitong pinamili niya para sa akin, okay na ito."

"How about, family mo na lang ang ipag-shopping mo?" ani Mhorric nang makapasok sila sa 100b ngsilid
nito.

Nahihiya siyang umoo kahit na gusto niya angideya nito. "H-hindi na. Nakakahiya."

"Alam ko naman na never mong uunahin ang sarili mo. Kaya next na uwi natin sa Bulacan, sila ang ipag-
shopping mo. Ako naman ang taya kaya 'wag mongproblemahin 'yon at 'wag mong idadahilan na
nahihiya ka Okay?"

Napabuntong-hininga siya. "lkaw ang bahala.

"Dalhin na natin ito sa walk-in closet at kailangan mo pang magbayad ng utang sa akin. " May ngiti sa
labi na idiniretso na ni Mhorric sa may walk-in closet nito ang mga dala Nakasunod naman dito si Candy.

"At ano naman ang utang ko sa iyo?

"Malalaman mo rin mamaya"

Kakaiba ang ngiti ni Mhorric sa labi nito. Mukhang may ideya na siya sa utang niya na tinutukoy nito.
Hindi niya maiwasan ang hindi mapailing.

KINABUKASAN, araw ng Sabado ay dinala naman siya ni Mhorric sa tinatawag na crab farm sa UHB
Leisure Club. Tabing dagat iyon kung saan mayroong isa't kalahating iktarya na lawak na farm para sa
mga iba't ibang uri ng crab. Bukod sa crab ay mayroon din doong mga sugpo na literal na malalaki ang
size. Mas majority nga lang ang mga crab.

Walang tubig ang pinaka-pond dahil katatapos lang daw mag-harvest ng mga alimango at sugpo.

Nakakagaan sa pakiramdam ang lugar na iyon. Hindi maiwasan ang humanga dahil ngayon lang din siya
nakakita sa personal ng ganoong klase ng lugar para sa mga iba't ibang uri ng crab.

"Ubos na ubos na ba ang mga alimango rito?" tanong pa niya kay Mhorric.

"l think, may matitira at matitira pa rin dito, anito na hinawakan siya sa kamay habang magkatabi silang
naglalakad sa gilid ng pond. Puwede naman doong pumasyal. Kaya malakas din ang 100b ni Mhorric na
dalhin doon si Candy.
At isa pa ay nakapangako ito sa nobya.

"Na-i-imagine 1<0, love. Siguro kung puno ng tubig itong mga pond clito tapos maraming crab na i-ha-
harvest pa lang, delekado sigurong malaglag sa tubig 'no?"

"Hmmm. Siguro? Depende," ani Mhorric na nagkibit pa ng balikat.

"Isipin mo, babagsak ka sa mga may sipit na alimango. Eh, kayang-kaya ng mga sipit nila na pumutol ng
isang daliri. Baka pagpiyestahan ka nila kapag nahulog ka sa tubig." Nangilabot si Candy sa kaniyang
naiisip. "Hindi ko ma-imagine.

"Love, ang mabuti pa, lumayo tayo rito sa may pond at baka mahulog tayo ng wala sa oras

at mangyari ang naiisip mo," ani Mhorric na hinila siya palayo sa mismong pond.

Natawa siya sa ginawa nito. Mukhang maging ito ay natakot sa sinabi niya.

"Takot kang mahulog, love?"

"Hindi ko itatanggi," walang keme nitong tugon. "Nagki-crave na ako sa King Crab ng

Savanna's Side," mayamaya ay bulalas nito.

"Gusto mong mag-early lunch?"

Umiling si Mhorric habang nagpapatuloy sila sa kanilang mabagal na paglalakad. Hawak nito ang
kaniyang kamay. "Kaya ko pang maghintay ngtanghalian. Kakakain pa lang naman natin ng almusal
kanina."

Huminga si Candy nang malalim at pinuno ng sariwang hangin ang kaniyang baga.

"Napakapresko ng hangin dito." Pumikit pa siya habang ninanamnam ang hampas ng hangin sa kaniyang
mukha.

"Love," untag ni Mhorric sa kaniya.

"Gusto mo rin bang kumain ng sea foods mamaya? Baka kasi, ako lang itong nagki-crave sa sea foods,
tapos ayaw mo naman pala. Baka may gusto kang iba?"

May ngiti sa labi nangtingnan niya ito. "Gusto ko ring kumain ng sea foods. Masarap ang sea foods na
sini-serve sa Savanna's Side. Tapos nakakamay pa tayo habang kumakain." Bigla ay para bang naglaway
rin siya kahit na busog pa siya sa kinain nilang almusal kanina. Napalunok tuloy siya.

"Great," nasisiyahang tugon ni Mhorric. Tumanaw ito sa malayo. Bago ibinalik ang tingin sa kaniya.
"Pero mas the best kumain sa tabing dagat ng sea foods."
"Sa may beach?" tukoy niya sa mismong beach ng UHB Leisure Club. Mayroon doong mga cottages.
Malayo nga lang iyon sa kanilang kinaroroonan ngayon. Nasa Silangang bahagi sila ng UI-IB Leisure Club.
Lugar kung saan may mga bakawan sa tabing dagat.

Tumango si Mhorric. "Puwede naman tayong magpa-deliver doon. What do you think?" "Sige. Mas
maganda 'yan. Ligo rin tayo sa dagat?" huminto siya sa paglalakad at nakangitl pang nag-puppy eyes
dito.

"Mataas na ang sikat ng araw," kontra pa nito.

"Ano naman? Wala namang problema sa akin kahit umitim ang kulay ko. Kung ayaw mo namang mag-
swimming, walang kaso sa akin. Doon ka na lang sa cottage." lyong dagat kasi sa beach ng UHB Leisure
Club, literal na kahit na umitim siya kalalangoy sa magandang crystal clear na tubig sa beach ay wala
siyang pakialam. Nanghahalina naman kasi

talagang languyan.

"Baka magka-sunburn ka."

"May sunblock na tinda sa shop sa may Club House."

Napailing-iling si Mhorric. "Wala talaga akong lusot sa iyo."

"So, tara? Bilhan mo ako ng swimwear," request pa niya rito. Wala naman kasi siyang nadala.

"Swimwear? Gusto mong mag-two-piece?" umiling ito. "No. Okay na 'yang suot mo. Parnalit na lang ang
dalhin natin."

Hindi tuloy maiwasan ni Candy na bumaba angtingin sa kaniyang katawan. Nakasuot siya ng Adidas na
pants na kulay itim na tinirnuhan niya ng puting darnit na naka-tuck-in pa sa kaniyang pang-ibabang
suot. Mayamaya pa ay muling urnangat ang tingin niya kay Mhorric.

"Love, puwede bang kahit short na lang ang ipalit ko rito sa pants? Hindi naman talaga ako m agsusuot
ng two-piece."

"Kahit na ano. Basta 'wag two-piece," anito na iginiya na siya pabalik sa pinanggalingan nila.

Mukha namang pumayag na ito sa request niya na bilhan siya nito ng panligo. May ngiting tagumpay sa
kaniyang mga labi.

Gusto niyang gawing memorable ang bawat araw na magkasama sila ng kaniyang nobyo. Para bago ito
bum alik sa trabaho nito ay sobrang nasulit nila ang weekend na magkasama.

The Wolf Princess and...

Addie Hayes

"How many mates do you have,


Princess?" Kia asks] look over at h.

Chapter 78

PINAGMASDAN ni Candy ang sarili sa harapan ng salamin sa 100b ng banyo. Banyo na nasa may beach
ng mismong UI-IB Leisure Club. Suot na niya ang napili ni Mhorric na panligo niya sa dagat.

Rash guard suit na kulay itim ang suot niya. May mahabang manggas sa pang-itaas. Hindi naman umabot
sa kalahati ng hita niya ang haba ng pang-ibaba niyon. Ang buhok niya ay ipinusod niya para hindi
manabog mamaya sa tubig. Nakapagpahid na rin siya ng sunblock sa kaniyang mukha. Ganoon din ng
sunblock lotion sa kaniyang hantad na katawan. Daig pa niya ang babaing mag-sa-surfing sa dagat.

Paglabas niya sa banyo ay nakaabang na si Mhorric sa labas niyon. Suot na rin nito ang panligo nito.
Nakasuot din ito ng rash guard suit. Male version lang ng suot niya. Biro pa nga sa kanila ng isa nitong
co-member ay naka-couple suit daw sila.

"Tara?" nakangiting pag-aaya ni Candy kay Mhorric na tinanguan nito. Kumapit siya sa braso nito. Ang
dala naman niyang sports bag na may laman na mga damit niya ay kinuha nito at ito na ang nagdala para
sa kaniya. Pagkuwan ay

naglakad na rin sila papunta sa cottage na ukupado nila.

"Hon, kung hindi tayo katulad nila, salamat na langsa lahat," narinig pa ni Candy sa nakasalubong nilang
babae na kasama ang nobyong UHB Men din.

"Ano'ng gusto mo? Magsusuot din ako ng swimsuit?"

Pigil ni Candy ang mapatawa sa narinig na sagot ng nobyo ng babaeng nagsalita.

Si Mhorric naman ay hindi nakatiis at huminto sa paglalakad para lingunin ang co-member nito.

"Hanga na ako sa iyo, Art, kapag nagawa mo 'yon," ngumisi pa nang nakakaloko si Mhorric bago
nagpatuloy sa paglalakad.

"Patolero ka," natatawa pang sita ni Candy sa nobyo.

"I'm just teasing him," nangingiti pa ring wika ni Mhorric.

Inihilig naman ni Candy ang pisngi sa braso ni Mhorric. Pero may isa siyang hindi gusto sa suot ng
kaniyang nobyo. Muli ay dumako ang tingin niya sa pang-ibaba nito. Sobrang hapit naman kasi kaya
bakat na bakat ang malaking hinaharap. Sa isip ay napabuntong-hininga siya. Parang ito ang gusto
niyang pagsuutin ng pants sa paliligo sa dagat.

Nang makarating sa cottage nila ay inilabas na ni Candy ang dalawang puting roba na isusuot nila
mamaya kapag aahon sila sa dagat. Galing iyon sa Yadoya Hotel na siyang tinutuluyan nila.
Ganoon din angdala niyangtowel nila.

Ang pagkain nila ay mamaya pa ang dating.

"Maligo muna tayo, love," pag-aaya na niya sa nobyo.

"Magugutom ka agad," katwiran na naman nito.

"Mas okay nga 'yon. Mauubos ang lahat ng pagkain na order mo dahil gutom ako."

Matamang pinagmasdan ni Candy ang mukha ni Mhorric. Wala pa itong sunblock sa mukha nito.
Lumapit muna siya sa bag niya at kumuha roon ng sunblock para sa mukha at sunblock lotion.

"Papahiran muna kita ng sunblock para hindi ka magkaroon ng sunburn," aniya na hinila si Mhorric
paupo sa upuan na yari sa kawayan.

Tumayo naman siya sa may harapan nito. Pagkuwan ay ginawa ang pagpapahid ng sunblock sa mukha
nito na hindi naman nito tinutulan.

"Ang seryoso mo, love," pansin pa ni Mhorric sa mukha ni Candy na naka-focus sa ginagawa.

"Para lahat ay sure na malalagyan ng sunblock."

Sunod niyon ay pinahiran naman niya ito sa mga kamay nito ng lotion. Sunod ay sa hantad nitong mga
hita hanggang sa may paa nito. Nag-squat pa si Candy para mas mapahiran ang binti nito at mga paa.
Nakasunod naman ang tingin ni Mhorric sa ginagawa ni Candy. Habang may ngiti sa labi.

Matapos sa ginagawa ay muli na namang naagaw angtingin ni Candy ng hinaharap ni Mhorric. Tumayo
na siya at binalewala iyon. Siya lang siguro itong naa-awkward-an sa ganoon.

Mukha naman kasing hindi big deal kay Mhorric.

"Tara na," aniya na hinila na si Mhorric papunta sa may dagat.

"Hindi ka naman siguro magiging isda kapag nabasa ngtubig ang mga paa mo?" biro pa sa kaniya ni
Mhorric.

"Malalaman natin," nakangiting sakay ni Candy sa sinabing iyon ni Mhorric.

Malaki ang tubig ng mga oras na iyon. Pero hindi maalon. Kalmado lang angdagat. Mumunting hampas
ng alon lang din ang humahampas sa tabing-dagat. Hindi rin maitago ni Candy ang kilig dahil sa
napakagandang paligid. Lalo na sa tubig ng dagat na napakalinaw.

Crystal clear water.

Sige lang siya sa paglalakad sa tubig-dagat hanggang sa umabot ang lalim ngtubigsa kaniyang baywang.
Huminga nang malalim si Candy at hindi maikakaila ang saya sa kaniyang mukha habang inililibot ang
tingin sa buong paligid.
Ang lahat ng karangyaang maituturing na nararanasan niya ngayon, sa kabila niyon ay hindi niya
maiwasan na maisip ang mga magulang at mga kapatid niya. Na sana, maiparanas din niya sa mga ito
ang kung ano man ang na-i-experience niya ngayon.

Ito iyong ayaw niya kapag sobrang masaya siya. Bigla na lang siyang mapapaisip. Nanakit bigla ang
kaniyang lalamunan dahil sa pinipigil na mapaluha pagkaalala sa kaniyang pamilya.

Napakababaw ng luha niya pagdating sa mga ito.

Napapikit siya nang bigla siyang sabuyan ni Mhorric ng tubig sa kaniyang mukha.

"Love!" saway niya rito.

"Akala ko ba ay maliligo ka? Bakit naestatwa ka na riyan?"

Pinalis niya ang tubig sa kaniyang mukha. "May naisip lang ako," amin niya rito. Lumunok siya at sinikap
na ngitian ang nobyo.

"Okay ka lang?" bigla ay nabalot ng pag-aalala ang guwapong mukha ni Mhorric.

"Okay lang ako," paninigurado ni Candy kay Mhorric.

"Hindi ako kumbinsido," anito na hinawakan ang magkabila niyang pisngi. "Ano'ng iniisip

"Sina nanay at tatay," amin na niya rito mayamaya. "Bigla lang silang sumagi sa isip ko. Pero okay lang
ako," nginitian pa niya ito.

"Nami-miss mo sila?"

"00. Hindi naman mawawala 'yon. Ano ba? Ayaw kong i-spoil ang moment natin dito. Okay lang ako."

Burnaba ang mukha nito sa kaniya at ginawaran siya ng halik sa labi. "Make it sure. Ayaw ko na
nalulungkot ka."

Tumango siya. "Sorry..

"Maligo na tayo. Alam ko naman na gustong-gusto mo ritong maligo sa dagat," ani Mhorric sa kaniya.
Humalik pa ng isa si Mhorric kay Candy bago tuluyang pinakawalan ang nobya.

"Race tayo," pag-aaya niya rito.

"Sandali," bigla ay natatawa pa nitong bulalas. "Marunong ka bang maglangoy at inaaya mo akong mag-
race tayo?"

Hindi naman siya magaling na magaling.

Pero nakakalangoy naman siya kahit na paano. "Try lang natin," aniya na hinila na ito papunta sa parte
ng dagat na umabot pa sa may dibdib niya.
"Dito tayo mag-start."

"Hinahamon mo ba talaga ako, love?"

"00. Takot ka ba?" nakangisi pa niyang tanongdito.

"Ako pa ang matatakot? Sisiw, love. 'Wag sasama ang 100b mo kapag natalo kita, ha? Baka bigla mo
akong i-break?"

"OA masyado 'yang ganiyan, love," ani

Candy kay Mhorric. "Tara na. Karera na tayo." "Sandali," pigil nito sa kaniyang braso.

"Bakit?" aniya nang harapin ito.

"At ano naman ang prize ng mananalo?

Dapat mayroon ."

"Dapat ba talagang mayroon pa? Alam mo naman sa sarili mo na ikaw ang mananalo." "Syempre," sa
halip ay giit pa nito.

"Kahit na ano'ng gusto ng mananalo," sabl na lang niya para matigil na ito.

"Okay. Game," ani Mhorric na nag-warm up pa.

Naiiling na umayos na rin ng puwesto si Candy. Si Mhorric ang nagbigay ng go signal.

"Three... Two... One!"

Hindi man sobrang galing ni Candy sa paglalangoy pero ibinigay niya ang best niya sa paglangoy. Kahit na
sabihing pangbata lang ang kaya niyang langoy.

Si Mhorric naman na nasa kalagitnaan na ng laban ay huminto sa paglalangoy at pinagmasdan ang nobya
na Sige ang paglangoy palapit sa pampang. May ngiti sa labi na muli itong lumangoy.

Nang makarating sa pampang si Candy ay agad siyang tumayo at humarap sa may dagat. Kumunot pa
ang noo niya nang makita si Mhorric na palapit pa lang. Ibig ba niyong sabihin ay siya ang nauna? Parang
hindi niya magawang paniwalaan ang bagay na iyon. Naupo siya sa tubig at doon ay hinintay si Mhorric.

"Bakit ang bagal mo, love?" taka pa niyang tanong dito. Samantalang ang lakas pa ng bilib nito sa sarili
nito na ito ang mananalo sa race nila. "Mabilis ka lang," sa halip ay sagot ni Mhorric sa tanong ni Candy.

Siya, mabilis? Talaga ba? Ibig sabihin ay siya ang panalo?

Naupo sa tabi niya si Mhorric. "lkaw ang nanalo, ano'ng gusto mong prize?"

Hindi pa rin siya makapaniwala na siya talaga ang nauna. "P-puwede bang ulitan?"
"lkaw na nga 'yong nanalo, gusto mo pa ng take two?"

Hindi pa rin siya satisfied na siya nga ang nanalo. Ibinaling tuloy niya ang tingin sa malayo.

"Isipin mo na kung ano ang gusto mong prize. Dahil hindi tayo rito tatayo hanggat hindi mo nasasabi sa
akin kung ano 'yon."

"Baka naman nagpatalo ka lang?" "No," natatawa nitong wika.

Kung may hingin siya rito, ibibigay ba nitong talaga? Kaso, baka tanggihan nito.

"Love?" untag ni Mhorric kay Candy. "Hindi ka ba makapili sa mga iniisip mo?" biro pa nito sa nobya.

Huminga siya nang malalim bago muling burnalingsa nobyo. "Puwede bang, lubusin ko 'yong prize na
gusto ko?"

Tumango ito. "Kahit ano. 'Wag mo lang akong paglalakarin sa pond ng mga alimango," biro pa nito sa
kaniya na ikinangiti niya.

"Okay," aniya na muling huminga nang malalim. "May gusto akong gawin. Ang totoo niyan, gustong-
gusto kong gawin talaga."

"Ano 'yon?"

"Magpa-feeding program sa dati naming tinirhan sa may Quiapo," aniya na bahagyang nakagat ang
ibabang-labi. "Marami kasing mga bata roon na salat din sa pagkain. 'Yon 'yong isa sa gusto kong gawin."
Hindi lang niya nagawa noon dahil naka-focus pa siya sa kaniyang pamilya at idagdag pa na nag-aral siya
nitong nakaraan na isang taon. Ngayon, may pagkakataon na siya na gawin iyon. Masarap tumulong sa
kapwa. Lalo na kung bukal sa kalooban.

"Sure. We can do that."

Hindi maiwasan ni Candy ang pamimilog ng kaniyang mga mata sa ginawa nitong pagpayag. "Sigurado
ka?" Lumarawan ang saya sa maganda niyang mukha.

"00 naman. Kahit monthly mo pa gustong gawin lyong puso niya, para bang sasabog sa sobrang
kasiyahan. Mahigpit niyang niyakap si Mhorric.

"Thank you, love," emosyonal niyang wika.

Gumanti rin ito ngyakap sa kaniya. "Umaasa ako na baka may gusto ka na para sa sarili mo. Pero, ibang
tao pa rin talaga ang nasa isip mo." Bumuntong-hininga si Mhorric. "Dahil diyan, hayaan mong ako
naman ang mag-isip ng para sa iyo, love. Just let me. Hmmm?"

"Okay lang naman ako, love. Wala na akong mahihiling pa para sa sarili ko. Pakiramdam ko, nasa akin na
ang lahat."
"Alam ko. Pero hayaan mo ako na ibigay ko pa rin sa iyo 'yong mga bagay na puwede sa iyo. 'Wag mong
tatanggihan. Kung napapasaya ka ng pagtulong sa iba, masaya rin ako na mabigyan ka ng mga bagay na
gusto ko na mayroon ka."

Kumalas na siya sa pagkakayakap kay Mhorric at mataman itong pinagmasdan sa guwapo nitong mukha.
"Kung mapapasaya ka noon, sige. Ikaw ang bahala," aniya na hindi na ito tinanggihan pa.

Saka sumilay ang ngiti sa labi nito. "Deal.

Wala ng bawian."

Turnango siya rito. Nang kabigin siya nito para halikan sa labi ay buong puso pa niya iyong tinugon.
Walang pakialam kung may makakita man sa kanila.

"Mahiya nga kayo sa akin," anang isang lalaki na sinabuyan pa Sina Candy at Mhorric ng tubig-dagat.

Hindi naman na-bad trip si Mhorric nang dumistansiya ng bahagya kay Candy at harapin ang urnepal sa
kanilang momentum. Para bang masyado itong masaya para masira ang mood ng ganoon lang.

"Tres, puwede bang ikaw na lang ang mag-adjust?" nakangisi pang wika rito ni Mhorric na gumanti ng
pagsaboy ng tubig. "Doon ka kasi sa dulo. 'Yong wala kang makikitang couple. O kaya, mag-asawa ka na
para naman hindi ka na nabi-bitter."

"Pag-asawahin mo muna si Uno at Dos," anito bago naglakad na palayo.

The Montejero's Triplets. . . iyon Sina Uno, Dos at Tres. Pawang mga member din ng UHB Leisure Club.

Muling nag-aya si Candy na maglangoy sila ni Mhorric na hindi naman nito hinindian. Maging ito ay nag-
enjoy na magbabad sa tubig-dagat kahit na santing ang sikat ng araw.

lyong kahit na panay ang dahilan ni Mhorric noong nasa Crab Farm pa lang sila, heto naman ngayon at
wala pa itong balak na umahon sa tubig kung hindi pa dumating ang pagkain nila para sa tanghalian.

Chapter 79

"LOVE, hindi ka pa ba aahon?"

"Mayamaya," sagot ni Candy sa tanong na iyon ni Mhorric. Nakakiling na ang sikat ng araw at para sa
kaniya ay hindi na masakit sa balat ang sikat niyon.

Nakadapa siya sa tubig. At tanging ang ulo lang niya ang nakalitaw.

"Grabe ka rin talaga kapag nasa tubig. Daig mo pa ang isang bata na ayaw ng umahon," naiiling na wika
ni Mhorric na naupo naman sa tabi niya. Hinayaan din ang sarili na bahagyang nakalubog sa tubig-dagat.

"Naniniwala ka na ba na may sa-isda ako?" nangingiting biro niya rito.


"Confirm na confirm ngayon, love," sakay naman nito sa kaniyang sinabi.

"Ang sarap dito. Kahit siguro tumira ako sa tabing dagat, tapos ganito kaganda ang tubig sa dagat,
hinding-hindi ako magsasawa."

"Handa kang iwan ang buhay sa siyudad para sa isang Island life?"

Sinulyapan niya si Mhorric. "Kaya ko. Kaya

Pinisil ni Mhorric ang kaniyang baba. "Love,

dadalaw-dalawin na lang kita sa isla na gusto mongtirhan."

Napasimangot siya sa sinabi nito. "City boy," bulalas niya na inismiran pa ito.

Nangingitingtumanaw ito sa malayo. "Dito na lang tayo. Kahit araw-araw ka pa sa tabing-dagat, ikaw ang
bahala."

"Tapos ano? Pupuntahan mo na lang ako rito kapag labas ka na sa office mo? Salamat na lang. Uuwi na
lang ako sa amin."

'"Yan ang 'wag mong gagawin."

"Ibabalik kita rito sa Pagbilao."

Tumihaya ng higa si Candy at ipinangtuon sa buhangin ang dalawa niyang siko. Katulad ng ginawa ni
Mhorric. Pero ng mayroong kalokohan na naisip ay burnangon siya. Mabilis ang kilos niya nang
sumaklang siya paupo sa ibabaw ni Mhorric. Hindi pa siya nakuntento at dumapa pa siya sa ibabaw nito.

"Hmmm. Mas masarap clito sa ibabaw mo," ani Candy.

"Love, mapapahiga ako ng tuluyan," reklamo ni Mhorric. Kapag kasi napahiga ito ng tuluyan ay lulubog
ang ulo nito sa tubig.

"Hindi mo na kaya?" she even teased.

"K-kaunti na lang.

May ngiti sa labi na inilapit pa niya ang

mukha rito at hinalik-halikan ang labi nito. Still teasing him.

" Love

Hindi nga nagtagal at tuluyang napahiga ang katawan ni Mhorric sa tubig. Natatawa naman na umalis si
Candy sa ibabaw ni Mhorric at agad itong inalalayan sa pagbangon sa takot na rin niya na baka
makainom ito ngtubig.

"Kaya pa?" pang-aasar pa niya rito.


Naihilamos ni Mhorric ang dalawang kamay sa mukha nito. Hindi pinansin ang sinabi niya. Sa halip ay
tumayo ito at walang imik na pinangko siya.

"S-sandali, love!" palirit niya nang magtatakbo naman si Mhorric sa tubig at dalhin siya sa malalim.
Pagkuwan ay doon inihagis. Gurnanti pa talaga ito sa kaniya. Puwes, gaganti rin siya rito.

Sa halip na umahon ay hindi niya ginawa.

Hinayaan lang niya ang sarili sa ilalim ngtubig. Naglangoy siya palayo sa pinaghagisan sa kaniya ni
Mhorric.

NAPAHINTO sa pagtawa si Mhorric nang mapansin na hindi pa rin urnuultaw buhat sa tubig ang nobya
niyang si Candy.

"Love," tawag niya rito.

May biglang urnahon na kaba sa kaniyang dibdib nang maglakad siya at aninagin sa ilalim ngtubig si
Candy. Kumunot ang noo niya nang hindi niya ito makita sa pinaghagisan niya rito kanina. Napilitan
siyang surnisid sa ilalim. Pero bigo siyang maaninag ito.

SAMANTALA, pasimple namang umultaw ang Lilo ni Candy buhat sa ilalim ngtubig. Hinanap niya si
Mhorric. Natanawan niya ito sa hindi kalayuan mula sa kaniyang kinaroroonan. Mukhang hinahanap pa
rin siya.

Nakaramdam ng konsensiya si Candy kaya naman lumangoy na siya palapit sa kinaroroonan ng kaniyang
nobyo.

Akrnang lalangoy ito nang mabilis siyang sumaklang sa may likuran nito. Iniyakap niya ang mga kamay sa
may leeg nito. Ganoon na lang ang pagsinghap ni Mhorric. Mabilis pa itong lumingon sa kaniya. Saka
lang ito tila ba nakahinga nang maluwag nang makita siya.

"Where have you been?" anito na mabilis na pumihit paharap sa kaniya.

Natigilan si Candy nang mahigpit siya nitong yakapin. Para bang ayaw siyang mawawala. "L-love," anas
niya. Nang makabawi ay gurnanti rin siya ngyakap dito.

"I'm sorry..

Napakurap-kurap siya. "S-sorry saan?" "Sa paghagis ko sa iyo kanina. Akala ko kung napano ka na. Hindi
ka na urnahon mula sa tubig." Lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya.

Lumunok si Candy. "Love, sorry rin," aniya nang bahagyang dumistansiya rito para makita ang mukha
nito. Ang mukha niya ay apologetic din ng mga sandaling iyon. "Pinag-trip-an kita. Noong inihagis mo
kasi ako, pinili kong lumangoy palayo sa kinaroroonan mo. Pero noong makita kita na hinahanap ako,
hindi ko na rin natiis na hindi ka lapitan. Patawad.
Bumuntong-hininga ito bago muli siyang kinabig para yakapin. "Pinakaba mo ako ng husto, alam mo ba
'yon? Kaunti na lang magpapatawag na ako ng mga security para hanapin ka."

"Sorry," muli ay anas niya.

"Please lang, love. 'Wag mo ng uulitin 'yon. Lalo na rito sa tubig. Kung alam mo lang 'yong kaba ko."

"Opo. Pangako," aniya na hinalikan pa ito sa pisngi at sa labi nito. "Ahon na tayo," pag-aaya na niya rito.

"Ayaw mo na bang maligo?"

"Ayaw ko na."

"Are you sure?" paninigurado pa ni Mhorric sa kaniya.

"Sure na sure. Kumain na lang tayo," aniya na kumalas na rito. Nakakaramdam na siya ng gutom ng mga
sandaling iyon.

"Okay."

Sa halip na languyin pa nila ang papunta sa pampang ay magkahawak ang mga kamay na nilakad lang
nila iyon.

Pagkakuha sa kanilang bag na dala ay dumiretso na rin sila sa banyo para maligo.

Inihatid pa siya ni Mhorric sa banyo ng pambabae.

"Ops. Bawal ka sa 100b, love," aniya na humarang sa may pinto nang akmang papasok ito roon.

"Sabay na tayo."

"Pambabae itong banyo na kinaroroonan ko. Doon ka na sa panlalaki. Sige na. Baka matsismis pa tayo,"
aniya na nginitian pa ito.

"Okay," sumusuko ng wika ni Mhorric na hinayon na ang banyo na panglalaki.

Nangingiting hinatid naman ni Candy ng tingin si Mhorric. Saka lang siya pumasok sa shower room nang
masiguro na wala na si Mhorric.

Matapos hubarin ang lahat ng saplot sa katawan ay itinapat niya ang sarili sa shower. Hindi na naman
niya maiwasan na isipin ang

nangyari kanina. Sigurado siya na hindi biro iyong kaba ni Mhorric sa ginawa niyang panti-trip dito.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata.

ARAW ng Linggo. Magkasamang um-attend ng Sunday mass Sina Candy at Mhorric sa UHB Chapel.
Matapos niyon ay nag-aya si Mhorric sa Rawnie's Restaurant dahil light lang ang inalmusal nila kanina
pagkagising nila. Anito ay nagugutom na naman ito. Um-order ito ng pancit na chami para sa kanilang
dalawa. Nag-request pa si Mhorric na tamis-anghang ang i-serve para dito.

"Ang bilis ng araw, Lunes na naman bukas," bulalas ni Mhorric makaraan ang ilang sandali.

"Ang sarap um-absent bukas."

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Candy sa hulingtinuran ni Mhorric. "Ano'ng sabi mo?" "Ah, kako,
uwian na naman mamayang gabi," nangingiti nitong bawi sa sinabi nito.

Naintindihan naman niya ang huli nitong sinabi. Pinaulit lang niya. "Gutom lang 'yan," sa halip ay wika na
lang niya. Kahit naman siya ay bitin sa weekend vacation nila sa UHB Leisure Club. Tama rin si Mhorric,
ang bilis lumipas ng araw. Parang kailang lang, kapupunta lang nila roon. Tapos mamayang gabi, uwian
na naman.

Habang hinihintay ang order nila ay inatupag naman ni Mhorric ang pagtitig sa kaniya.

"Natutulala ka na naman sa kagandahan ko," biro niya rito.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Mhorric. "Lagi naman."

Pigil niya ang mapangiti ngwagas dahil sa sinabi nito. Gurnanti rin siya ng titig dito. Titig na puno ng
pagmamahal.

"l love you," wika ni Mhorric na inabot pa ang isa niyang kamay at pinisil-pisil.

"l love you too," ganting wika niya rito.

May tumikhim na lalaki sa kabilang lamesa. Nang balingan iyon ni Mhorric ay napailing-iling na naman
ito.

"lkaw na naman?" ani Mhorric sa isa sa mga Mon tejero's Triplets.

Hindi sigurado si Candy kung tama si Mhorric na iyon si Tres na urneksena rin sa momentum nila nito
kahapon sa may tabing-dagat. Kung bakit naman kasi sobrang identical ng tatlong kambal.

"Anong ako na naman?" baling ng lalaki kay Mhorric.

"TSS. Alam mo, Tres—"

"Uno," agap niyon sa sasabihin pa ni

Mhorric. Inililis pa nito ang manggas ng suot

nitong polo hanggang sa may Siko nito. "Mukha ba akong nagbabad sa dagat kahapon?"
Maputi nga iyon. Kumpara kay Tres na board short lang ang suot kahapon nang maligo iyon sa dagat.
Kaya naman medyo nag-tan ang kulay ng balat. Pinisil ni Candy ang kamay ni Mhorric na nakahawak pa
rin sa kamay niya. Nangtumingin ito sa kaniya ay bahagya siyang umiling. She's trying to say na tigilan na
nito si Uno.

"Fine," sabi na lang ni Mhorric na nagkibit pa ng balikat. Itinuon na lang nitong muli ang tingin kay
Candy. "Saan mo gustong pumunta pagkatapos nating kumain dito?"

"Maglakad-lakad? Tapos, tam bay tayo sa may Blue Lagoon?"

Turnango-tango si Mhoric. "As you wish," anito na ngumiti pa.

Napatingin sila ni Mhorric kay Uno nang turnayo ito.

"Nakakawala rin talaga ng peace of mind kapag may katabing love birds. Makalayo muna at baka
mawalan pa ako ng gana sa kakainin ko mamaya," parinig pa nito sa kanila bago lumipat ng mauupuan.
Mas pinili ni Uno sa isang sulok maupo.

"Don't mind him," baling sa kaniya ni Mhorric. "Ganiyan kapag walang karelasyon, n agiging bitter."

"Ganiyan ka rin ba noong wala pa ulit ako sa buhay mo?" pigil ang matawa niyang tanong kay Mhorric.

"Medyo," amin nito sa kaniya.

At hindi talaga ito tumanggi. Napangiti tuloy siyang lalo. "Kung ganoon, love, relate ka rin sa

"Hmmm. Naiintindihan ko sila. Been there, done that."

Na-i-imagine niya ito sa mga panahon na nasa UHB Leisure Club ito at napapalibutan ng mga UI-IB Men
na kasama ang mga mahal sa buhay. Nahiling din kaya nito na sana, isang araw ay makasama rin nito
ang minarnahal nito?

Hindi malayong ganoon na nga ang nangyari.,. aniya sa kaniyang isipan. "Love," aniya rito kapag kuwan.

"Ano 'yon?"

"Paano kung hindi talaga tayo ang para sa isa't isa?"

Kumunot ang noo ni Mhorric. "Joke ba

"Tanong lang naman. Hindi mo kailangang seryosohin. Pero kailangan mong sagutin."

"Isa lang ang alam ko, love. Para lang ako sa iyo at para ka lang sa akin. Walang makakapagpabago niyon.
Kahit may dumating man na pagsubok sa relasyon natin, hindi dahilan 'yon para sukuan na lang kita
basta. Katulad ng sinabi ko sa iyo noon, ngayon lang ako mas naging sigurado sa buhay ko. At hindi ko
pinagsisisihan ang mga ginawa kong desisyon para sa relasyon natin."
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Candy. "Kaya mo bang imagine-in ang sarili mo na ibang babae ang kasama?
Hindi na ako?"

"What a question?" bulalas pa nito na para bang against ito sa itinatakbo ng usapan.

"Tanong lang," mabilis niyang apila.

"l can't imagine, love. Kaya 'wag mo na ring imagine-in angsarili mo sa iba."

Bahagya niyang itinaas ang dalawang kamay. Senyales ng pagsuko. "Okay."

"Ang alam ko lang din, wala akong ibang mamahalin ng ganito bukod sa iyo," wika pa ni Mhorric na
ikinangiting lalo ni Candy.

"Sarap sa pandinig," aniya sa nobyo. N ag-finger heart siya rito.

Kumunot na naman ang noo ni Mhorric. "Ano 'yan?" tukoy nito sa sinenyas niyang finger heart.

"l love you," aniya rito.

"Ah," warey nadagdagan na naman ang bago nitong kaalaman. Nangingiti rin itong nag-finger heart sa
kaniya.

Nang mai-serve ang kanilang pagkain ay sandaling doon na natuon ang atensiyon nila ni Mhorric.
Nasarapan siya sa pancit na kinakain nila.

"Ang sarap," hindi niya napigilang ibulalas.

Nangingiti naman si Mhorric nang sulyapan siya. Mukhang inaasahan na rin nito ang magiging reaksiyon
niya na iyon.

Chapter 80

TANGHALI na nang halos maalimpungatan si Candy. Wala na si Mhorric at nakapasok na sa trabaho nito.
Burnangon na siya mula sa pagkakahiga at nag-inat ng kaniyang mga kamay. Kung bakit para bang tamad
na tamad siya sa bawat pagkilos niya.

Nang makababa siya sa kama ay kinuha niya ang kaniyang cellphone na nasa may bedside table. Walang
iniwan kahit text message sa kaniya ang nobyo. Napabuntong-hininga siya. Ibinaba niyang muli ang
cellphone at dumiretso na sa banyo para makapaghilamos.

NAKAILANG tawag na yata si Mhorric sa cellphone number ni Candy ngunit hindi nito sinasagot. Nahilot
niya ang kaniyang sentido nang ibaba na niya ang kaniyang cellphone.

Napabuga siya ng hangin. Pasado alas tres na ng hapon. At ano naman kaya ang ginagawa
O baka naman sinasadya nitong hindi sagutin angtawag niya dahil hindi siya umuwi kaninang tanghalian
sa bahay niya?

Isang buntong-hininga pa ang kaniyang pinakawalan bago hinarap ang kaniyang laptop at ipinagpatuloy
ang kaniyang ginagawa roon.

Kinahapunan, pagkauwi ni Mhorric galing sa trabaho ay may dala pa siyang bungkos ng rosas at
paboritong pagkain ni Candy.

Pero walang Candy ang sumalubong sa kaniya sa ibaba ng bahay nila katulad ng madalas nitong gawin
kapag dumarating siya. Una muna niyang tiningnan ang kusina dahil baka naroon ito at nagluluto, pero
wala.

Kaya naman urnakyat na si Mhorric sa itaas ng unit niya. Dumiretso siya sa kuwarto. Ini-expect niya na
baka nasa banyo ito o may ginagawa lang. Pero mali siya ng inaakala. Tulog ito sa kama nila.

Napabuntong-hininga siya.

"Tulog ka na naman," anas niya na ipinagpatuloy na ang pagpasok sa 100b ng silid nila.

NANG imulat ni Candy ang mga mata ay ang digital alarm clock, na nakapatongsa may bedside table, ang
agad bumungad sa paningin ni Candy. At nang makita ang oras doon ay ganoon na lang nang
mapabangon siya.

"Seryoso?!" naibulalas niya na mabilis na burnaba sa kama. Six-thirty na ng gabi. Parang gusto niyang
mabaliw ng mga sandaling iyon dahil wala pa siyang naihahanda para sa hapunan nila ni Mhorric.

Hindi na siya nag-abala pa na pumunta sa banyo. May pagmamadali na isinuot niya ang kaniyang sapin
sa paa. At akmang tatakbo papunta sa may pintuan nang maagaw ang tingin niya ng isang bungkos ng
rosas na nasa kabilang parte ng kama.

Bakit parang lalo siyang nakaramdam ng pagka-guilty?

Nilapitan muna niya iyon at sinamyo. Pagkuwan ay maingat na ibinaba sa kama.

Mamaya na niya iyon ililipat ng lalagyan.

May pagmamadali na lumabas siya sa silid nila at hinayon ang hagdanan pababa.

Unti-unting burnagal ang paglalakad niya nang makita si Mhorric na paakyat naman sa may hagdanan.

"L-love," naibulalas pa niya. Nanibago Sl Candy dahil sa kaseryosohan ng anyo nito.

Kakaiba rin ang awra ni Mhorric ng mga sandaling iyon. Lihim siyang napalunok. Binalewala niya iyon.
Inisip na lang niya na baka pagod ito sa trabaho. Tama. Baka pagod nga lang ito. "G-gutom ka na ba?
Maghahanda na ako ng pagkain." Huminto siya sa paglalakad nang malapit na ito sa kaniya.
"Nagpa-deliver ako ng pagkain. Tapos na rin akong kumain. May pagkaÏn pa sa dining room. Initin mo na
lang kung gusto mo," sa halip ay wika ni Mhorric na nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan.

Ni hindi ito huminto. Para bang hindi siya nakikita na nilampasan lang nito. Hindi rin siya nito tinapunan
ng tingin.

Literal na natigilan siya sa ginawang iyon ni Mhorric sa kaniya. Gusto niyang magtanong kung bakit
ginawa nito iyon sa kaniya. Pero para bang may nakabara sa kaniyang lalamunan. Nang makabawi ay
nahabol niya ito ng tingin.

Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa mawala ito sa kaniyang paningin.

Kung ganoon, kumain na ito ng hindi man lang siya hinintay? O ginising? Pinalampas na nga niya ang
hindi nito pag-uwi kaninangtanghali.

Huminga siya nang malalim. Ayaw niya ang nararamdaman ngayon. Lumunok siya. Pero ramdam niya
ang sakit na dulot niyon sa kaniyang lalamunan. Ikinurap-kurap niya ang mga mata na nag-init ang bawat
sulok. Ayaw niyang iyakan ang nangyari.

Kumapit siya sa railings ng hagdanan bago nagpatuloy sa marahang pagbaba sa may hagdanan.

Paano ba siyang gaganahan sa pagkain kung ganoon ang naging trato ni Mhorric sa kaniya kanina?
Maging ang boses nito ay may kalamigan.

Kahit ng matapos sa mabagal na pagkain si

Candy ay hindi agad siya umakyat sa silid nila ni Mhorric. Ang tagal niyang tulala lang sa may kusina
habang nakaupo sa may high stool chair sa may harapan ng kitchen island.

Pabalik-balik sa kaniyang isipan ang nangyari kanina sa may hagdanan. Kumirot na naman ang kaniyang
puso. Huminga siya nang malalim para paluwagin iyon.

Makaraan pa ang ilangsandali ay ipinasya na niyang urnakyat sa silid nila. Maging sa pagtulog ay hindi na
rin siya hinintay pa ni Mhorric. Mukhang tulog na rin ito habang nakatalikod sa puwesto niya kung saan
naroon ang bungkos ng rosas.

Ngayon lang siya nakaramdam ng lungkot sa durasyon ng pagsasama nilang dalawa.

Kinabukasan, nang magising si Candy ay wala na si Mhorric. Nakapasok na sa trabaho. Pasado alas otso
na siya naalimpungatan. Hindi na naman niya ito napaghanda ng almusal.

"IIWASAN mo na naman ako?" hindi na natutuwang tanong ni Candy kay Mhorric nang akmang
lalampasan siya nito.

"What do you want?" sa halip ay kaswal nitong tanong na huminto sa paglalakad. Walang kalambing-
lambing sa boses.
Bagay na nagpakirot na naman sa puso ni Candy. llang araw na itong ganoon sa kaniya at hindi na niya
kayang paabutin pa ng matagal.

"Ano ba'ng problema?" aniya rito.

"Mayroon ba?" sa halip ay balik tanong nito sa kaniya.

Tumiim ang labi ni Candy. Sinikap niyang magpakatatag sa harapan nito. "Wala ba?" "Mukhang sa iyo,
mayroon," anito na nilampasan na siya.

Unti-unting kumunot ang noo ni Candy. Ang bawat sulok ng kaniyang mga mata ay unti-unti ring nag-
iinit. Nahihirapan siyang huminga dahil sa pagpipigil ng emosyon.

Gusto niyang pag-usapan kung ano ba ang problema pero para bang mas gusto pang iwasan ni Mhorric
at panindigan ang panlalamig sa kaniya. Galit ba ito sa kaniya? Bakit hindi nito sabihin ng harapan sa
kaniya? Bakit kailangan siya nitong daanin sa panlalamig nitong iyon?

Dumagdag pa sa bigat na nararamdaman ni Candy ay nang marinig niya si Mhorric na may kausap sa
cellphone nito. Naraanan lang niya ito sa study room na nagsisilbi rin nitong opisina sa bahay nito.
Bahagyang nakasiwang ang pinto. Mukhang hindi nailapat ng maayos ni Mhorric kanina nang pumasok
ito sa 100b.

"Yes. I need a personal chef by Monday. May extra room naman sa first floor ng unit ko where

she can stay. Yes. Stay-in..."

Hindi man lang siya kinunsulta ni Mhorric na kukuha ito ng tagaluto sa bahay nito. Doon na siya hindi
nakapagpigil sa kaniyang emosyon. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa kaniyang mga mata.

May pagmamadali na pumunta siya sa silid nila at sa banyo ay nagkulong. Ni-lock niya iyon. Bigla ay para
siyang naubusan ng lakas. Ang mumunting hikbi ay lalong nagkaroon ng tunog.

Kung kukuha ito ng personal chef sa bahay na iyon, para bang wala na siyang gagawin pa roon. Ang
paborito niyang spot sa bahay nito ay ibibigay na nito sa iba. Paano nito nagawa iyon sa kaniya?

Lalo pang nakadagdag sa bigat na kaniyang nararamdaman ay ni hindi man lang nito nakuhang sabihin
sa kaniya. Mag-isa lang itong nagdesisyon. Sabagay, bahay nito iyon. His rule. And it breaks her heart
even more. Para bang unti-unti na siyang nawawalan ng silbi roon. lyon ang nararamdaman niya ngayon.

BINALOT na ng kadiliman ang buong paligid ngunit tamad na tamad pa rin ang pakiramdam ni Candy na
umuwi sa bahay ni Mhorric.

Kaninang hapon, naisipan niyang maglakad-lakad sa labas ng kinatitirahang gusali

nila ni Mhorric. Napadpad siya sa animo park na puro puno. Maliwanag naman doon dahil sa mga solar
lights. Kaya hindi nakakatakot. Marami ring bench na maaaring upuan para sa mga nais umupo. At doon
nga siya nakaupo ng mga sandaling iyon.
Sarili lang niya ang dala niya. Wala siyang dalang cellphone o kahit pera. Kaya kung tinatawagan man
siya ni Mhorric sa number niya, wala siyang idea.

Mapait siyang napangiti. As if naman ay hahanapin siya nito? Matapos ng trato nito sa kaniya. Imposible.
Baka nga immune na ito.

Huminga si Candy nang malalim at pinuno ng malamig na hangin ang kaniyang baga. Turningala siya sa
kalangitan. Gabi na. Kanina, halos may kataasan pa ang araw nang pumunta siya roon.

Makaraan pa ang Îlangsandali ay ipinasya na rin niyang umuwi. Sigurado naman na nagpa-deliver na
naman si Mhorric ng pagkain dahil wala siya roon para ipagluto ito.

Daig pa niya ang isang robot na naglalakad sa gilid ng kalye. Walang kaemo-emosyon. Once and for all,
gusto na niyang kausapin si Mhorric ng masinsinan. Dahil kung tatagal silang ganoon, baka mabaliw lang
siya kaiisip. Gusto na rin niya ng peace of mind. Bahala na kung ano ang kalabasan.

Nang makarating sa unit ni Mhorric ay huminga pa siya nang malalim bago binuksan angpinto.

Kusina ang una niyang naisipan na puntahan, kung wala kasing pagkain na luto ay m agluluto siya.

Pumasok siya sa dining room dahil iyon ang unang mararaanan bago ang kusina. Pagkapasok pa lang
niya sa bungad ay sandali siyang natigilan nang makita na may nakagayak na mga plato sa hapagkainan.
Hindi dalawang serving, pero tatlo.

Kumunot ang noo niya.

Bakit tatlo?iyon ang katanungan sa kaniyang isipan.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Muli lang unti-unting burnagal ang lakad niya nang makita si Mhorric na
lumabas buhat sa kusina. May dalang lutong ulam. Lihim siyang nasurpresa. Inisip na um-order ito ng
pagkain.

"Saan ka gating?" tanong pa nito na agad ipinatong ang dalang ulam sa lamesa at hinarap siya.

Akmang sasagot siya nang maagaw ang tingin niya ng isang babae na sunod na lumabas galing sa kusina.
Para bang pati paghinga niya ay nabitin sa ere nang makita si Ann Dae. Isang malaking katanungan sa
kaniya kung bakit naroon ang babaeng iyon doon? Ang dating nobya ni Mhorric. Hinding-hindi niya

makakalimutan ang mukha nitong iyon.

Kimi pa itong ngumiti sa kaniya nang makita siya. "Hi," bati pa nito.

Kahit pekeng ngiti ay hindi niya magawang ibigay rito. Hindi rin niya magawangtapunan ng tingin si
Mhorric.

Ayaw niyang isipin na ito ang iha-hired na chef ni Mhorric dahil sa Monday pa nito iyon kailangan. Pero
bakit ito naroon ngayon?
"Dinner is already serve. Let's eat," pag-aaya pa ni Mhorric sa kaniya.

Tanga ba siya para sabayan ang mga ito? Gusto niya itongtingnan ng matalim pero nagpigil siya.

Hindi niya alam kung nananadya si Mhorric o ano. Isa lang ang malinaw sa kaniya, wala siyang alam kung
bakit naroon ang babaeng iyon na minsan ng nangloko rito.

"Busog pa ako. Kayo na lang," aniya na tinalikuran na ang mga ito at hinayon ang palabas ng dining
room. Pagkuwan ay halos takbuhin niya ang paakyat sa may hagdanan habang pigil ang pagbalong ng
luha sa mga mata.

Sa guest room siya pumasok at agad iyong ni-lock. Halos mahabol pa niya ang paghinga. Kahit
nagugutom na siya, kaya niya iyongtiisin, 'wag lang makita ang mga ito. Lalo na si Mhorric na ngingiti
kapag kinausap ng ex nito. Baka maingudngod lang niya ang pagmumukha nito sa kinakain nito.

"Last mo na ito. Mhorric," puno ng hinanakit niyangwika.

Kung kailan handa na siyang ayusin ang kung ano mang gusot nila ay ganito ang maaabutan niya sa
bahay na iyon? Hindi marunong magluto si Mhorric at aminado ito sa bagay na iyon. Mukhang nakialam
sa kusina nito ang ex nito.

Lalo lang iyong nakadagdag sa kaniyang hinanakit dito. Para bang lalong nadungisan ang paborito niyang
spot sa bahay nitong iyon.

Padapa siyang nahiga sa kama at doon ay pinakawalan ang mga luha. Mariin siyang pumikit.

Ayaw niyang basta magbitiw ng desisyon lalo na sa estado ng emosyon niya ngayon. Dahil kapag ginawa
niya iyon, talagang paninindigan niya.

Chapter 81

"HINDI ba masarap ang luto ko?" kay tarnis pa ng ngiti sa labi ni Ann Dae nang itanong iyon kay Mhorric.
"Mhorric," untag nito sa kaniya.

Napapakurap na binalingan niya ito. "What?" "Kung hindi ka ba nasasarapan sa niluto ko?" muli ay ulit
nitong tanong sa kaniya. Kulang na lang ay mag-pout ang labi.

Napasulyap tuloy si Mhorric sa pagkain niya sa plato na hindi pa niya napapangalahatian.

"It's good," aniya rito. Kahit na ang totoo ay may hinahanap pa rin siyang lasa na hindi naman kayang
higitan ng luto nito. Nagpatuloy na siya sa pagkain at hindi na ito pinansin pa.

Wala naman talaga sana siyang balak na patuluyin ito sa bahay niya. Ito lang ang mapilit. Ang dahilan
nito? For old time sake raw. Kung talaga raw na naka-move on na siya sa sinapit ng relasyon nila dati ay
patuluyin niya ito sa kaniyang bahay. Pinigil niya ang sarili na ipamukha rito kung anong kahayupan ang
ginawa nito noon habang nasa iisang relasyon pa sila. Ayaw lang niyang magmukhang bitter. Dahil kung
tutuusin ay wala na rin naman siyang pakialam pa roon. Siguro nga, talagang naka-move on na siya sa
naging relasyon nila noon. Kaya hahayaan na lang niya na isipin nito na wala siyang alam sa ginawa
nitong iyon sa kaniya.

Tinanggihan pa niya si Ann Dae noong unang igiit nito na papasok ito sa 100b ng bahay niya dahil aniya
rito ay nirerespeto niya ang fiancee niya na kasama niyang nakatira sa bahay niyang iyon. But she's too
furious na makapasok sa 100b. Hanggangsa wala na rin siyang nagawa pa. Ayaw naman niya na
mangaladkad ng babae.

Hinanap din nito ang nobya niya na wala kanina. Kaya nang lumipas ang oras at magdilim na at wala
pang pagkain na luto, at wala pa rin si Candy, nangialam na ito sa kusina. Ibinida pa nito sa kaniya na
magaling na rin ito sa kusina. Bagay na hindi naman siya interesado.

Napabuntong-hininga siya nang muling maisip si Candy. Wala ito sa silid nila ng puntahan ito para ayain
ulit na kumain. Nang maraanan naman niya ang guest room at subukan na buksan iyon, naka-lock iyon
kaya nahinuha niya na naroon ito.

"Pagkatapos mong kumain, makakaalis ka na," pormal niyang wika kay Ann Dae na napahinto sa akmang
pagsubo nito.

Burnaling angtingin nito sa kaniya."Agad-agad?"

"Ann Dae, don't expect na makikipagkumustahan pa ako sa iyo. I think, you' re doing great."

"Mhorric—"

"Alam kong hindi ikinatutuwa ng fiancee ko na makitang narito ka."

Kumunot ang noo nito. "Kilala ba niya ako para hindi siya matuwa na narito ako?"

Hindi ba nito nakilala si Candy nang makita kanina?

"May babae siyang makikita na narito, tingin mo, ikatutuwa ba niya 'yon? Kung ikaw siya, matutuwa ka
ba?"

Tumiim ang labi nito. "Fine," sa huli ay wika na rin nito.

Bigla ay para bang may pader na lalong nagharangsa pagitan nilang dalawa. At wala naman siyang
pakialam sa bagay na iyon. O kahit kung ano pa ang isipin nito.

Nauna pang matapos sa pagkain si Ann Dae. Si Mhorric, halos hindi na magalaw pa ang pagkain kaya
turnayo na rin siya.

"Ayaw mo na? Tulungan na kitang mag-impis."

"May usapan tayo," aniya rito na nagpahinto sa akmang pagkuha sa pinagkainan nito.
Bumuntong-hininga ito bago turnango. Binawi na nito ang mga kamay at saka siya mulingtiningnan sa
kaniyang mukha. Bakas ang panghihinayangsa mga mata nito.

"Good night," ani Ann Dae bago nagpaalam na aalis na.

"Please, ito na 'yong huli na tatapak ka rito."

Hindi ito sumagot. Walang imik na iniwan na siya nito sa dining room.

Nang maiwan siya roon ay siya na ang nagdala ng mga pinagkainan sa kusina. Ang mga natirang pagkain
ay itinapon niya sa basurahan.

Alam niya na maraming nagugutom sa mundo. Pero hindi naman niya maaatim na ipakain pa iyon sa
fiancee niya. Ni hindi nga niya naubos ang pagkain niya.

Siya na rin ang naghugas ng mga pinagkainan at ginamit sa pagluluto ng dating nobya.

N apabunton g-hininga siya.

Matapos sa ginagawa ay agad na rin siyang urnakyat sa itaas. Huminto siya sa guest room na
kinaroroonan ni Candy at pinihit ang door knob niyon. Naka-lock pa rin iyon. Wala ba itong balak na
lumabas doon? Hindi ba ito matutulog sa tabi niya?

Umangat ang isa niyang kamay at akmang kakatok sa pinto nang muli rin niya iyong ibaba.
Napabuntong-hininga na naman siya.

Ipinasya na muna niya itong hayaan at bukas na lang kausapin.

Ngunit kinabukasan naman nang

makatapos siya sa paliligo ay ang guest room agad na tinulugan nito ang kaniyang hinayon.

Naka-lock pa rin iyon.

Hindi na siya nakatiis pa at kumuha na ng susi sa study room niya para mabuksan ang pinto sa guest
room. Nang mabuksan ang silid na iyon ay turnambad sa kaniya angtulog pa rin na si Candy.
Nakapamaluktot ito habang yakap ang unan.

N apabun ton g-hininga siya.

"Love," anas niya.

Mukhang nasa kasarapan pa ito ng pagtulog. Hindi na lang niya ito ginising pa at hinayaan na lang sa
pagtulog nito. Yumuko siya at gin awaran ito ng halik sa labi bago iniwan sa silid na iyon. Maingat din
niyang inilapat pasara ang pinto.

KINAHAPUNAN ay hindi na nahintay pa ni Mhorric ang tamang oras ng uwian, para bang hindi siya
mapakali sa opisina niya. Kaya sa huli ay ipinasya na niyang umuwi kahit na alas dos pa lang ng hapon.
Kahit na gustuhin man niyang um-absent na lamangsa araw na iyon ay hindi naman maaari dahil may
dinaluhan siyang conference meeting kaninang urnaga. Hindi puwedeng wala siya roon.

Nang makarating sa condo niya ay may pagmamadali nang urnakyat siya sa may hagdanan. Dumiretso
siya sa may guest room at baka naroon si Candy. Hindi na rin naka-lock ang pinto kaya malaya siyang
nakapasok sa 100b.

Ngunit wala ito roon.

Agad din siyang lumabas doon at sunod na pinuntahan ang silid nila. Ngunit wala rin ang bakas nito
roon. Kahit sa banyo at sa walk7in closet nila.

"Love?" tawag niya rito. Ngunit walang sumasagot.

Muli siyang burnaba at hinanap doon si

Candy. Wala ito maski sa kusina. Wala rin sa Den.

Dinukot niya ang cellphone at tin awagan ang numero ng cellphone nito. Nag-ri-ring iyon. Nakahinga siya
nang maluwag sa bagay na iyon. Ngunit Sige lang iyon sa pag-ring. Hindi sinasagot ni Candy.

Bumalik ulit siya sa silid nila. Habangtuloy lang sa pagtawag sa numero ng nobya. Natigilan siya nang
may marinig na tunog. Kumunot ang noo niya. Pagkuwan ay sinundan niya ang tunog na iyon.
Nagmumula iyon sa 100b ng walk7in closet niya na agad niyang hinayon.

Binuksan niya ang cabinet na gamit ni Candy. Naroon ang cellphone nito. Kumunot ang noo niya nang
hindi roon makita ang mga dinala nitong darnit nang unang punta nito sa bahay niya.

Para bang sinipa angdibdib niya dahil sa kabang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Bigla ay ramdam
din niya angtila ba lumalaki ang Lilo niya sa naiisip na posibilidad.

"N-no," anas niya na sinikap na tingnang mabuti ang mga gamit roon ni Candy. Ang mga naroon ay ang
galing pa sa Iola niya at mga binili niya rito. Wala rin ang dinala nitong bag.

Nahilot niya ang sentido nang animo pumitik na lang iyon bigla. Ayaw niya ng naiisip niya. Isinara na niya
ang cabinet at animo nahahapong naupo sa Cleopatra chair na naroon.

Naninikip angdibdib niya kaya para bang nahihirapan siyang huminga. Hull' na ba? Huli na ba para
makapag-usap sila ni Candy?

"You're such a big moron, Mhorric Soliven," Sisi niya sa sarili. Napukpok niya ng kamao ang kaniyang
dibdib. Ang mga mata niya ay pigil ang maluha.

Chapter 82

"BAKIT parang napapadalas ka rito sa Leisure


Club?" may kunot sa noong tanong ni Blair kay Mhorric na naupo sa katapat niyang upuan, sa ukupado
niyang lamesa, sa Bay View Restaurant.

"Nag-di-dinner," tipid niyang sagot sa kaibigan. Katatapos lang din niyang kumain ng hapunan.

Kumunot ang noo nito. "Bakit? Akala ko ba, luto lang ni Candy ang gusto mong kainin?

Umuwi ba siya sa kanila kaya mag-isa ka lang

Sana nga, ganoon na lang ang nangyari. Na umuwi na lang si Candy sa Bulacan para sigurado siya na safe
lang ito. Pero hindi..

"l need an update. Now," ani Mhorric sa h-in-ired na private investigator na tinawagan niya sa cellphone.

"Sir. Negative pa rin PO. Hindi pa rin po umuuwi si Ma'am Candy sa bahay nila rito sa Bulacan, llangaraw
na rin akong nagmamatyag dito sa kanila para makasigurado.

Halos hindi na niya magawang sagutin ang sinabing iyon ng private investigator.

"Mag-re-report po agad ako kapag may panibagong update na dito, Sir."

Huminga siya nang malalim dahil naninikip ang dibdib niya. Pinatay na niya ang

Kumurap-kurap si Mhorric dahil sa alalahaning iyon. Pagkuwan ay sinulyapan si Blair.

"Akala ko ba, busy ka? Ano'ng ginagawa mo rito?" sa halip ay tanong na lang ni Mhorric kay Blair.

"Nah! 'Wag mo ngang ibahin ang usapan. Ano'ng nangyari?" muli ay tanong nito sa kaniya. "May
nakapagsabi sa akin na concern citizen na napapadalas ka nga raw rito. At narito ka na naman nga raw
ngayon, bilang kaibigan mo, syempre nag-aalala lang ako na baka may nangyari. Hindi ka naman
mapapadalas dito kung okay kayo ni Candy or wala sa bahay mo si Candy.

So, which is which, Mhorric?"

"The last one," sa huli ay amin niya rito. Nagbaba siya ngtingin sa baso na nasa may harapan niya.

"W-wala sa bahay mo si Candy? Umuwi ba siya ng bulacan?"

Umiling siya. "Wala rin siya roon."

"What do you mean, wala?" Tumikhim si Blair. Nang hindi makuntento ay lumipat ito sa upuan sa tabi
niya. "Ano bang nangyari? You tell me."

Bumuntong-hininga siya. "Nagkaroon kami ng misunderstanding. It's my fault. Hindi ko siya kinausap ng
maayos."

"Why? Langya naman, 'wag mong sabihin na nawala na agad ang pagsinta mo sa kaniya? Ano 'yon?
Nagkasawaan na agad kayo?"
Umiling siya. "Hindi ganoon. Hindi ako nagsawa sa kaniya. At hinding-hindi mangyayari 'yon ."

"So, sino? Siya ba ang nagsawa sa iyo?"

Lumunok siya at muling urniling. "Katulad ng sinabi ko sa iyo, ako ang may kasalanan." At aminado siya
sa part na iyon. Kung hindi naman kasi niya hinayaan ang sarili na sarilihin ang pinoproblema niya. Tingin
niya ay hindi naman sila aabot sa ganoon. Pero ano pa ba ang magagawa niya? Huli na. Umalis na si
Candy.

"Gago 'to. Ano naman ang ginawa mo?"

Turnanaw siya sa malayo. "Alam mo kung gaano ko kagusto 'yong mga niluluto ni Candy para sa akin."

"Of course. Paanong hindi? Mambubulabog ka lang sa akin via call kung gaano ka kasuwerte na may
fiancee kang masarap ding magluto. Ikuwento mo kung ano ang nangyari sa inyo. 'Wag mong sarilinin.
Baka sumabog ka na lang bigla riyan."

Uminom muna si Mhorric ng tubigdahil pakiramdam niya ay nanuyo bigla ang kaniyang lalamunan dahil
sa pagpipigil ng emosyon. "Siguro nanibago lang din ako noong dumating 'yong time na napapadalas na
tinatanghali na siya ng gising sa umaga. Aalis na lang ako at lahat, tulog pa siya. Kaya ang tendency, hindi
na niya ako napaghahanda ng almusal sa urnaga. So, papasok ako sa office na walang laman angtiyan.
Minsan, uuwi ako, maaabutan ko na tulog siya. Ang ending ulit, hindi na naman siya makakapagluto
dahil dilim ng magigising. I don't know kung hapon na ba siya nakakatulog kaya late na ring magising."
"Palagi siyangtulog? Baka may nararamdaman si Candy, hindi mo man lang ba natanong kung okay lang
siya?" Umiling si Mhorric. "Eh, ang pag-usapan ang naging problema mo na ikinikilos niya lately, 'yong
pagiging antukin niya?"

Muling urniling si Mhorric. "Hindi kam nag-uusap."

"Gago ka talaga. Kasalanan mo nga. Hindi mo naman pala kinakausap. Tingin mo ba, mananatili 'yon sa
bahay mo kung para lang siyang hangin kung itrato mo? So, kailan mo ma-re-realize ang pagkakamali rin
sa part mo? Ngayong urnalis na siya? Paano kung hindi na siya bumalik at magpakita sa iyo? Huh! Sige,
magdusa ka. Mga sampung taon."

"That's too much," kontra niya sa huli nitong sinabi. Mabilis siyang kumatok ng tatlong beses sa
lamesang kahoy para makontra ang sinabing iyon ni Blair.

"Too much din naman 'yong ginawa mo kay Candy. Bigla ka na lang nagdeklara ngsilent war sa pagitan
ninyo. Kahit naman ako, lalayasan din kita kung hindi mo ako kinakausap. Bakit naman ako magtitiis sa
bahay mo?"

Marahas siyang bumuntong-hininga. "Pero tingin ko, mas nag-trigger sa kaniya 'yong biglang pagsulpot
ni Ann Dae sa bahay. Naabutan ni Candy si Ann Dae noong gabi.

"Pumunta si Ann Dae sa bahay mo?"


Turnango siya. Ikinuwento niya rito ang nangyari ng araw na iyon.

Nahimas nito ang baba nito. "Hmmm. Tingin ko rin. Baka nga isa 'yon sa rason. Kahit naman ako, hindi
ko gugustuhin na makita ang ex ng girlfriend ko

"May girlfriend ka na?"

"Wala. Kungsa akin lang naman mangyayari," mabilis na paliwanag ni Blair. "Baka isipin ni Candy na may
something na naman sa inyo ni Ann Dae."

"Alam ni Candy kung ano ang nangyari noon sa pagitan namin ni Ann Dae."

"Pero ano ba ang malay natin. Baka nag-isip siya na may namumuong something na naman sa inyo.
Tapos, nangialam pa sa kusina na alam mo

naman na paborito niyang spot sa bahay mo. Siguradong naghinanakit 'yong lalo. Tsk. Tsk. Tsk. Wrong
move."

Napalunok siya sa sinabi nito. "T-tingin mo?"

"lkaw, matutuwa ka ba na madungisan, ng halimbawa ay ex ni Candy, ang paborito mong lugar? Siguro
naman ay hindi."

"Pero, balak ko pa naman na kumuha ng personal chef.

"Bakit? Dahil tinatanghali ng gumising ang fiancee mo at hindi na magawa ang dapat niyang gawin?
Pare, tingin ko ay sampal na naman 'yan sa kaniya. Baka isipin ni Candy na wala na siyang silbi sa bahay
mo?"

"Hindi sa ganoong dahilan kaya kukuha ako ng personal chef," tanggi niya.

"Then, for what?"

"Ang sa akin lang naman, kung hindi naman siya makakapagluto, wala na namang problema sa part ko.
Uunawain ko na lang. Kaya naisipan kong mag-hired ng personal chef para hindi siya makaramdam ng
pressure na on time ay dapat may naluto na siya dahil kailangan kong kumain. Like for example, sa
almusal. Kung tanghaliin man siyang magising, walang problema. Gigising na langdin siya na may
nakahain na rin sa kaniya na pagkain. Hindi ko na siya para gisingin pa para lang ipagluto ako bago ako
pumasok sa trabaho. God knows, Blair, pinagsisihan ko na 'yong naging move ko. Mali 'yon. Maling-mali.
Kaya gusto kong burnawi."

"Pero nangyari na, Mhorric. Umalis siya ng walang paalam. Hindi pa siya umuwi sa kanila. Paano ka
ngayon niyan? Paano kung hindi na bumalik si Candy dahil sa sama ng 100b sa iyo?"

Hayon na naman ang kirot sa kaniyang puso. Ikinurap-kurap niya ang mga mata na nagsisimula na
namang mag-init ang bawat sulok dahil sa mga possibilities na maaaring mangyari.
Nami-miss na niya si Candy. Lalo lang din siyang nagagalit sa sarili niya kapag naaalala niya ang in asta
niya rito. Mating-mali siya, pero huli na nang mas ma-realize niya iyon. Kung kailan handa na siyang
suyuin ito ay saka naman ito urnalis.

Tinapik siya sa balikat ni Blair nang mapansin ang pangingislap ng mga mata niya.

"Gusto mo bang magpa-press conference ako para malaman natin agad kung nasaan si

Candy? Sabihin mo lang," seryosong wika ni Blair.

Umiling siya. "'Wag. Mukhang wala ring idea ang family niya na wala siya sa poder ko ngayon."

"How did you know? Tumawag ka ba sa

"Hindi. Nasa bahay ang cellphone ni Candy. Palaging nagte-text sa kaniya ang kapatid niya,
nangangamusta."

"Nag-re-reply ka ba?"

Tumango siya. "Baka kasi magtaka sila at hindi nagre-reply ang ate nila, kaya nagrereply ako kapag
nangangamusta sila."

"Ano'ng plano mo ngayon? Tahimik mong ipapasuyod ang buong Pilipinas para mahanap si Candy? I'm
sure, hindi naman siya lalayo ng

Luzon area. Narito lang siya sa Luzon."

"May mga kinuha na akong private investigator."

"May result na ba?"

"Puro negative pa rin."

Napabuga ng hangin si Blair. "Mukhang matinik magtago ang fiancee mo. Or should I say, ex-fiancee?"
ngumisi pa si Blair. Para bang iniinis pa siya.

"Don't start, Blair. Hindi ko siya ex," mariin niyang wika sa huling salita na kaniyang sinabi. "l am not
ending this relationship with her."

"Pero paano kung siya na ang nagkusang tumapos?"

"Eh, 'di sana iniwan niya 'yong Promise Ring. Pero hindi. Siguradong suot pa rin niya 'yon." At isa iyon sa
pinanghahawakan niya.

"Sige lang, paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Para naman hindi ka mas masaktan pang lalo.

"l will," sagot niya na turnayo na.

"O, saan ka na niyan pupunta?"


"Uuwi na."

Baka umuwi si Candy. Kaya urnuuwi pa rin siya sa bahay niya. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa. Gusto
pa rin niyang paniwalaan na babalik din ito. Hindi lang niya alam kung kailan. Pero handa siyang
maghintay.

"Convoy tayo," ani Blair na tumayo na rin.

"Wala ka namang gagawin sa bahay."

"Mayroon. Doon na ako kakain. For your information, hindi pa ako kumakain.

Magpapa-deliver na lang ako," mabilis pa nitong paliwanag.

Hindi na kumontra pa si Mhorric nang umagapay na rin si Blair sa kaniyang paglalakad. Kahit paano ay
para bang nabawasan ang bigat sa kaniyang dibdib dahil may napaglabasan na siya ng nasa dibdib niya
na nagpapabigat doon.

Chapter 83

"GUSTO ko ng umuwi."

"Candy, wala pang saktong isang linggo. Saktuhin na natin. Hmmm?" matamis pang ngumiti si Maryey
kay Candy. Kinuha ni Maryey ang cellphone nito, na nakapatong sa coffee table, nang mawala na sa
kabilang linya si Blair. "Pero si Mhorric kasi—

"Sshh. Deserve rin naman niyang ma-miss ka paminsan-minsan. Alam 1<0, dahil sa nangyari sa inyo, mas
natuto siya. Lesson lang din ito sa iyo at sa kaniya," ani Maryey Delavin. Asawa ito ni Sergio Delavin na
pawang co-member ni Mhorric sa UHB Leisure Club.

"Nag-aalala lang ako sa kaniya. Baka sa sobrang stress at lungkot niya, magkasakit siya," aniya rito.

"Hindi mangyayari 'yon. Naroon naman si Blair para damayan ang kaibigan niya. At ikaw, don't stress
yourself too much. Lalo na ngayon. Two days from now, magkikita na naman kayo ni Mhorric. Ang
mahalaga ay malinaw na rin sa side mo kung ano ba ang naging rason niya kung bakit bigla siyang
nanlamig sa iyo, katulad ng sinabi mo sa akin noon. At kung bakit urneksena ang ex niya sa bahay niya."

Huminga siya nang malalim. Tama si Maryey. Ngayon ay may ideya na siya. Salamat kay Blair na
napakiusapan ni Maryey at Sergio na alamin ang pinoproblema ngayon ni Mhorric. At habang nakikipag-
usap nga si Blair kay Mhorric sa Bay View Restaurant nang gabing iyon, hindi alam ng nobyo niya na
naka-on-going call si Blair kay Maryey. Kaya maski siya ay nalinawan sa nangyari.

"Napatawad mo na ba siya agad?"


Kumurap ang mga mata ni Candy. Pagkuwan ay sinulyapan si Maryey. "Mahal ko si Mhorric, Maryey.
Ngayong narinig ko 'yong side niya, hindi ko mapigilan 'yong sarili ko na patawarin siya at kalimutan na
'yong nangyari."

"Good for him."

"Nahihiya rin ako sa inyong mag-asawa," ani Candy na nagbaba ngtingin. "Pinag-stay ninyo ako rito sa
bahay ninyo. Baka—"

"Baka nakakaabala ka na? Ano ka ba? Bisita ka naming mag-asawa. You're Mhorric's fiancee. Parte ka ng
malaking pamilya namin. Kahit nga isang buwan kang manatili rito ay walang kaso sa amin 'yan." Muling
sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Maryey. "Pero alam kong imposible 'yon dahil baka matuluyan
ang fiance mo kapag natagalan kang hindi nakita. But for now, Candy.

'Wag mo na munang alalahanin si Mhorric.

Nariyan si Blair para i-assure na safe si Mhorric."

"Salamat, Maryey."

"Maliit na bagay."

Paano nga ba siya napunta sa poder ni Maryey?

HINALO-HALO lang ni Candy ang kape sa tasa niya Ni hindi niya iyon nababawasan pa simula nang dalhin
iyon sa kaniya ng waitress ng kinaroroonan niyang coffee house.

Doon siya dinala ng mga paa niya matapos niyang umalis sa bahay ni Mhorric, Ang dami niyang iniisip.
Undecided din siya sa mga bagay-bagay. Katulad ng pag-alis niyang iyon. Naiisip niya na parang too
unfair kung idadaan niya sa paglayo kay Mhorric ang sama ng 100b niya rita

At iyong nangyari kaninang umaga, gising na siya noon nang pumasok si Mhorric sa guest room na
siyang gamit niyang silid Hinalikan pa siya nito. Isa lang naman ang ibigsabihin niyon, deep inside him, he
still cared for her.

Pero kapag naaalala niya na tumapak sa bahay nito ang ex nito, lugmok na naman ang pakiramdam niya.
Nangingibabaw na naman ang hapdi sa puso niya.

Kumibot na naman ang labi niya, She's too emotional. Magulo rin ang isip niya. Kaya hindi pa niya
magawang lumayo ngtuluyan. May parte pa rin niya na gusto ng umuwi sa condo ni Mhorric at hintayin
ang paliwanag nito. May parte naman na ayaw.

"Siguradong malamig na ang kape mong

'Yan."
Napakurap-kurap si Candy. Mabilis niyang pinalis ang mga luhang namuo sa kaniyang mga mata Saka
niya nagawang sulyapan ang babaeng

nagsalita na ngayon ay naupo pa sa may upuan sa harapan niya kahit na walang permiso niya.

Sandali siyang natigilan nang makita ang babaeng iyon. It was Maryey Delavin. Paano bang hind/' niya
ito makikilala, eh, madalas din niya itong makita sa UHB Leisure Club dahil asawa ito ng co-member ni
Mhorric na si Sergio Delavin.

"M-Maryey, " bulalas niya sa pangalan nito na ikinangiti nitong lalo ngunit sumeryoso ring muli.

"Bakit parang iba ang vibes ko sa aura mo ngayon ? At, " anito na sinulyapan pa ang dala niyang bag na
nakapatongsa katabing upuan ni Candy. "At daig mo pa ang nag-alsabalutan.

Correct me if|'m wrong."

Pero hindi nagawang magsalita ni Candy para pabulaanan ang sinabing iyon ni Maryey. "Silence means
yes," bulalas nito na natutop pa ang bibig. Tumingin pa ito sa paligid.

Pagkuwan ay bahagyang inilapit ang mukha sa kaniya. "Tell me, umalis ka ba sa poder ni Mhorric?
Malungkot ka rin." Napalunok ito. Bakas din ang simpatya sa maganda nitong mukha. Walang halong
pagkukunwari.

Nagbaba siya ng tingin.

Huminga nang malalim si Maryey bago tumayo. "Kung hindi nakakaabala sa iyo, Candy, tara sa office ko.
Doon tayo mag-usap, " pag-aaya nito sa kaniya. "Para mas private.

Office nito? "S-sa iyo ba itong coffee house?"

Tumango ito. "Isa ako sa owner nitong NIM Coffee House Tara, let's talk. / know, kausap ang kailangan
mo ngayon at hindi ang kape sa tasa mo na hinahalo-halo mo lang. Sumunod ka sa akin, Candy. Don 't
worry, harmless ako, " ani Maryey na kinuha ang dala niyang bag at dinala na kinaroroonan ng opisina
nito.

Mukhang paraan nito iyon para sumunod siya rito, kaya nito dinala ang kaniyang bag,

Isang sulyap pa sa in-order niyang kape bago ipinasya ngsumunod kay Maryey. Iniwan na niya ng kape
niyang wala ng init sa lamesa.

Bahagyang nayakap ni Candy ang kaniyang sarili nang salubungin siya ng mas malamig na buga ng aircon
sa 100b ng opisina ni Maryey, Mukhang napansin naman nito na nilamigsiya kaya agad na hininaan ang
buga ng aircon gamit ang maliit na remote control sa office table nito.

"Come here, Candy," ani Maryey na naupo sa sofa sa receiving area sa 100b ng opisina nito.
Naupo siya sa sofa na single. Nakakaramdam pa rin siya ng hiya para sa babaeng kaharap niya Hindi
naman kasi sila as in close ni Maryey. Sa Leisure Club, kapag nagkakasalubong sila ay agad siya nitong
babatiin at ngingitian ng matamis Hanggangganoon lang, Ngayon pa lang sila nito nakapag-usap. Pero
magaan naman ang 100b niya rita

"Hindi ko na tatanungin kung okay ka lang ha? Kasi alam kong hindi. Don 't hesitate to tell me your
problem. Dahil naniniwala ako na mas gagaan ang nagpapabigatsa dibdib mo kung ilalabas mo 'yan. And
take note, mas masarap maglabas ng hinaing sa buhay sa isang tao na.. . sabihin na nating, hindi mo
literal na ka-close, I know, we are not too close to each other. Hindi pa naman kasi tayo nakakapag-chit-
chat dahil si Mhorric, halos hindi umalissa tabi mo. But anyway, ngayon na may chance na tayong
magkuwentuhan, 'wag kang mahiya, Candy. Makikinig ako, Tiwala lang din, Kungayawmong malaman ni
Mhorric na nagkausap tayo ngayon, I won 't tell him. You can trust me. Even your deepest secret, "
ngumiti na naman ito,

Paano ba tanggihan ang isang Maryey Delavin na mapi-feel mo rin na willing talagang makinig sa hinaing
niya sa buhay?

Natagpuan na lang niya angsarili na nagsisimula ng ikuwento rito ang mga nangyari

sa kanila ni Mhorric nitong mga nakalipas na araw. Maging ang pagsulpot ng ex-girlfriend nito kagabi sa
condo unit ng nobyo niya.

Bumuntong-hininga si Maryey nang marinig ang kuwento niya Bakas ang simpatya nito sa kaniya.

"Kaya pala ang lungkot mo kanina. Kanina pa nga kita pinagmamasdan. Tapos panayang halo mo lang sa
kape mo. Kaya nag-decide na akong lapitan ka at kausapin. Buti na lang malakas anggut feeling ko na
kailangan mo ng kausap." Tumikhim ito, "So, ano angplano mo ngayon ? Bakit may dala kang malaking
bag? Lalayasan mo na ba si Mhorric?"

"P-parang hindi ko kaya, " amin niya rito na malungkot itong tiningnan.

"Undecided ka?"

Tumango si Candy. "Parang ang unfair na lalayasan ko siya at hindi pakinggan ang side niya. Paano kung
mali ako ng naiisip?"

"Right. Lahat ng bagay, Candy, may side story. Sigurado ako na may side story si Mhorric na dapat mong
marinig

"Kaya naisip kong umuwi na lang alit."

"Wait," anito na bigla ay may naisip. "Sabi mo, palagi kang inaantok. Hindi naman sa pagiging tsismosa
or what, Candy, ha? Gusto ko lang namang makasigurado. I'm sure may nangyayari sa inyo ni Mhorric.
Right?"

Pinamulahan siya ng pisngi sa sinabj nito. Hindi siya makapagsalita Sa halip ay napababa siya ng tingin.
"Come on, Candy. Hindi mo kailangang mahiya sa akin. Pinagdaanan din namin 'yan ni Sergio. Matanda
na tayo para magpabebe pa sa mga ganiyang usapin. Am I right? Imposible naman na nagtititigan lang
kayo. Kilalang-kilala ko ang mga galawan ng mga UHB Men, kapag sigurado na sila sa isang babae,
mamarkahan na nila 'yam And I know, isa ka na sa mga namarkahan, " ngumiti pa ito,

Nalilito siya sa parteng mamarkahan na sinasabi ni Maryey. "Ano'ng ibig mongsabihin sa mamarkahan?"
hindi niya napigilang isatinig.

Ngumiti itong lalo. "Base on my experience na nararanasan mo rin ngayon, | am one hundred percent
sure that you are pregnant,

Literal na natigilan siya sa sinabi nito.

Pregnant?

Napakurap-kurap siya. "P-pregnant?A-ako?"

"Yes, ikaw.

"Paano mong nasabi na—

"Candy, " ani Maryey na umisod ng upo palapit sa kaniya at hinawakan angdalawa niyang kamay.
"Apatna 'yonganakko. Kaya nakakasigurado ako na ang nararanasan mo ngayon na pagiging antukin mo
ay dahil nagdadalang tao ka. Ayaw mo bang maniwala? Magpapa-deliver ako ng pang-pregnancy test mo
rito."

Napalunok siya. Hindi pa rin mag-sink in sa kaniya ang sinabing iyon ni Maryey. Na buntis siya, Hindi rin
naman malayong mangyari dahil wala naman silanggamit na proteksiyon ni Mhorric kapag may
nangyayari sa kanila.

Agad na kinuha ni Maryey ang cellphone nito at nagpipindot doon. Hindi nga nagtagal ay dumating ang
in-order nito online na Pregnancy Test Kit. Tatlong piraso pa iyon para daw makasigurado sila

"Sige na Mag-try ka na. " Iminuwestra pa nito ang CR sa 100b ng opisina nito,

Kinakabahan siya. Kaba na tanging ngayon lang niya naramdaman sa tanang buhay niya.

"Kinakabahan ako, " aniya kay Maryey.

"Sa una lang 'yan. Mawawala rin 'yan kapag nakita mo na ang resulta Sige na at pumasok ka na sa 100b."

Huminga muna siya nang malalim bago tuluyang pumasok sa 100b ng banyo para subukan ang biniling
iyon ni Maryey para sa kaniya. Never na pumasok sa kaniyang isipan na may posibilidad na bun tis siya
Ngayon lang nang sabihin iyon sa kaniya ni Maryey.
Nag-sign of the cross muna siya bago isinagawa ang tamang procedure sa pagsasagawa ng pregnancy
test. Lahat ay ginamit niya.

Parang taon ang hinihintay niya habang hinihintay na malaman ang resulta sa isinagawang pregnancy
test. Ang tatlong

Pregnancy Test Kit ay nakapatong sa may gilid ng sink.

Napigil ni Candy ang kaniyang paghinga nang makita ang paglabas ng kulay pulang guhit sa test kit. Lahat
ay may tig-ñsa ngguhit na pula. At mayamaya pa nga ay sunod ding lumabas ang isa pangguhit na pula.
Lahat ng test kit at may tigdadalawangguhit na pula. Ibig sabihin ay positive. Buntis siya.

Natutop niya ang bibig, Bigla ay nag-init ang bawat sulok ng kaniyang mga mata dahil sa nalamang
resulta Lalo siyang naging emosyonal at hindi napigilan ang maluha.

Lahat ng tampo niya sa dibdib kay Mhorric, tuluyang naglaho sa isang iglap. Para bang wala na iyong
puwang sa puso niya na sobranggalak ng mga sandaling iyon.

"Ano 'ng result?" bakas ang excitement sa boses ni Maryey.

Walang imik na ipinakita niya rito ang tatlong test kit. Umawang ang labi nito sa saya.

"l toldyou. Oh, my God! Congrats, Candy!" Mahigpitsiyang niyakap ni Maryey. "I'm so happy foryou.
'Wag ng malungkot, okay? Your babyis waving."

Naiyak na naman siya. Kung hind/ dahil kay Maryey, hindi niya malalaman ang kundisyon niya ngayon.
Paano kung nagpadalos-dalos siyang lalo? Baka may kung ano pang mangyari sa baby na nasa
sinapupunan niya ngayon.

"Don 't stress yourself, Candy. Makakasama sa baby ninyo ni Mhorric, " ani Maryey nang kumalas na sa
kaniya. "Gusto ko ring makasigurado na safe kayo ng baby mo. Tara sa 0B 1<0? Para ma-check up ka
'Wag mo na rin munang isipin si Mhorric. Umalis ka na sa poder niya, panindigan mo muna ng kahit
isang linggo lang. Para ma-realize rin niya ang naging action niya sa iyo nitong mga nakalipas na araw."

"P-pero— "

"Candy, isang lingo lang. Triple naman ang saya na mararanasan niya kapag nalaman niya na tatayna
siya. Trust me. I-heal mo muna totally ang sarili mo. Siguradonggrabe angstress na naranasan mo lately.
Sa bahay ka muna mag-stay, welcome ka room At ako na rin ang mag-a-assure sa iyo na hindi
makakarating kay Mhorric kung nasaan ka Hindi rin naman niya maiisip na nasa bahay ka namin ni
Sergio. And lastly, ako ang kauna-unahang magiging ninang ng anak mo. Kaya ngayon pa lang,
magkumare na tayo.

Pambihira talaga itong si Maryey, (alo lang


siyang pinaluha. lyong pakiramdam na welcome na welcome ka sa buhay nito. Sobrang laking bagay
para sa kaniya. Lalo na ngayon na kailangan niya ng isangtao na masasandalan. Ni hindi ito nag-
alinlangan sa kaniya na damayan siya.

Readers also enjoyed:

His Retribution

0 1.4M Read

TAGS revenge alpha sex kidnap

Chapter 84

BUHAT sa living room, kung saan nakaupo siya sa isang single sofa ay nakatuon ang tingin ni Mhorric sa
kinaroroonan ng main door ng kaniyang condo unit. Umaasa pa rin na bubukas iyon at makikita mula
roon ang kaniyang nobya. Handa naman siya kung ano ang isumbat nito sa kaniya. Tatanggapin niya at
hindi makikipagtalo rito. Tanggap naman niya ang pagkakamali niya. Bumuntong-hininga siya.

Hindi ba siya nami-miss man lang ni Candy? Tuluyan na ba itong naging bato agad sa kaniya nang ganoon
lang kabilis?

Eh, ikaw nga, Mhorric, in-ignore mo siya ng ganoon lang din kabilis, Do you think, hindi rin 'yon
kayanggawin sa iyo ni Candy? Remember, she can live withoutyou, paninisi na naman ng isang bahagi ng
kaniyang isipan sa kaniya.

Bahagya siyang napaiktad nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Mabilis niya iyong kinuha sa
kinapapatungan niyon na center table at tiningnan ang screen kung sino ba ang turnatawag.

It's Blair.

Pahinamad na sinagot niya ang tawag nito. ''Hello?"

"Nasaan ka?" agad na tanongsa kaniya ng kaibigan.

"Bahay."

"Hindi ka pumasok?"

"Hindi."

"Hindi ko magawang iisangtabi 'yong personal kong problema at mag-focus sa trabaho," ani Mhorric sa
kaibigan. Madalas ay natutulala siya sa kaniyang opisina. At kapag lalapitan siya ng kaniyang empleyado
ay nakakatikim ng pag-init ng ulo niya.
"Sad boy ka?" pagbibiro pa ni Blair.

"Blair, wala ako sa mood. Kaya kung gusto mo lang mang-good time o 'di kaya naman ay wala kang
magawa ngayon. Please, spare me.

"W-wait, Mhorric! I'm just kidding. Kung nariyan ka lang sa bahay mo para magmukmok, pumunta ka na
lang dito sa Leisure Club. Para naman mabawasan ang stress mo. Come on. 'Wag mong solohin. Itagay
natin 'yan."

"Ayaw kong mag-inom ."

"Then, let's do other stuff. 'Yong kahit paano ay malilibang ka."

"Baka biglang urnuwi si Candy."

"Mhorric, kung uuwi man si Candy, hindi

'yon aalis diyan. Hihintayin ka noon."

"Paano kung kunin lang niya ang cellphone niya?" dahilan pa rin niya. Angdami niyang what if?

"Eh, 'di mag-iwan ka ng notes na hintayin ka niya riyan kung pupunta man siya riyan para kunin lang ang
cellphone na naiwan niya. O kaya ay mag-text sa iyo at ora mismo ay pupuntahan mo siya."

Bumuntong-hininga si Mhorric.

"Ano ba ang gusto mo? Magpakabaliw riyan sa bahay mo? Gago! 'Wag kang tatalon sa roof top."

Sa punto na iyon ay hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano sa sinabing iyon ng kaniyangkaibigan.

"Kung hindi ka pupunta rito, Mhorric, I swear, magpapadala ako riyan ng mga security para lang ma-
assure na okay ka at hindi ka mag-a-attempt ng kahit anong katangahan."

"Stop over reacting, Blair."

"Then, pumunta ka na rito. Baka naman gusto mo pa na sunduin kita?"

"Fine. Pupunta na para matigil ka na," aniya na turnayo na at hinayon ang hagdanan.

"Bilisan mo. Bye," iyon lang at nawala na sa kabilang linya si Blair.

Isang buntong-hininga pa bago binilisan ni Mhorric ang pag-akyat sa hagdanan.

"MEN, parang lumipat ka lang ng pagtutulalaan mo," kantiyaw pa ni Blair kay Mhorric.

Nang mga sandaling iyon ay nasa may golf course silang magkaibigan. Katatapos lang nilang mag-golf. At
kasalukuyang namamahinga sa isang upuan na nasa ilalim ng malaking umbrella table.

Kinuha niya ang inilapag na bottled water ni Blair at binuksan. Pagkuwan ay ininom ang laman niyon.
Tumingin muna sa malayo si Blair bago ibinalik ang tingin kay Mhorric. Ang hawak nitong cellphone ay
inilapag nito sa lamesa ng patalikod. "Negative pa rin ba ang result ng pagpapahanap mo kay Candy?"
mayamaya ay seryosong tanong ni Blair sa kaniya.

Turnango siya. Pagkuwan ay bumuntong-hininga. Inilapag niya ang bottled water sa mesa. "Negative pa
rin."

"Haaay. Kapagtalaga hinahanap, hindi nagpapakita. 'Wag mo na lang kayang hanapin?" suhistiyon pa ni
Blair. "Suggestion lang naman," mabilis nitong paliwanag nang tingnan ito ng masama ni Mhorric.

"Sarilinin mo na lang ang suggestion mo na 'yan."

Itinaas nito ang dalawang kamay. "Pero kung ayaw mo, ikaw naman ang bahala. Pera mo naman ang
ginagastos mo para sa mga private investigator na h-in-ired mo. Fact lang naman angsa akin."

"Damn your fact," anas niya na sapat lang upang marinig ni Blair. "Umaasa pa rin ako na isang araw, may
good news akong matatanggap mula sa kanila."

"Hanggang kailan ka naman kaya maghihintay?"

Hindi nakaimik si Mhorric. Humayon ang tingin niya sa malayo at nanatilingtahimik. Wala rin siyang
ideya.

Sana lang talaga ay nasa maayos na lagay si Candy. Dahil kung hindi, hinding-hindi niya mapapatawad
ang kaniyang sarili.

Napakurap-kurap siya nang tapikin siya sa balikat ni Blair.

"Alam mo, ikaw na ikaw 'yan noong bago ka rito sa Leisure Club. Palaging malayo ang tingin at iniisip
kapag mag-isa ka. The funny thing is, iisa ang dahilan. Si Candy ulit." Huminga nang malalim si Blair.
"Sana naman, eh, hindi matulad sa nakaraan ano? 'Yong naghihintay ka na walang kasiguraduhan kung
kailan ulit kayo magkikita." Napailing-iling pa ito. "Alam mo 'yon, may naghihintay ng limang taon, anim,
pito, walo, siyam at sampu. Bago ulit sila magpangita ng

mga minamahal nila sa buhay. Too much time of waiting. Haaay. Napakaraming taon ang nasasayang na
dapat masaya lang kayo.

Magkasamang bumubuo ng pangarap. Sabagay, masyadong unpredictable naman ang buhay. Hindi
natin masasabi kung matagal ba o madali lang bago ulit kayo magkita ni Candy. God knows kung kailan.
O kung pipiliin pa rin niya na makasama ka.

O kung pipiliin pa rin niya na makasama

Huminga nang malalim si Mhorric. Ang isang bahaging iyon sa mga sinabi ni Blair ay para bang umuukilkil
sa kaniyang isipan. Tagos sa puso niya ang sakit. Hanggat maaari ay ayaw niyang maging emosyonal
kapag nasa harapan ng ibang tao. O kahit ng kaibigan pa niyang si Blair. Pero kung bakit hindi niya
mapigilan ng mga sandaling iyon.
Tumayo siya at namulsa. Humakbang siya ng ilang hakbang palabas sa malaking payong sa ukupado
nilang lamesa at bahagyang turningala sa asul na asul na kalangitan. Ikinurap-kurap niya ang kaniyang
mga mata na dagli ay namasa.

Kung maaari lang ay ayaw niyang makarinig ng mga negatibong bagay. Lalo lang siyang pinanghihinaan
ng 100b na kumapit sa maliit na tiyansa na babalik sa kaniya si Candy. Pinagsisihan na niya ang naging

pagkakamali niya. Isa lang naman ang hiling niya ngayon, iyong mabigyan siya ng tiyansa na makausap at
makapagpaliwanag kay Candy. At humingi ng kapatawaran dito dahil sa naging pagkakamali niya.

Hindi naman nakatiis si Blair at tumayo rin. Nilapitan nito si Mhorric. Bumuntong-hininga ito nang mag-
iwas pa siya ng tingin para hindi nito makita ang pagpipigil niya sa kaniyang mga luha.

"Mhorric, kalimutan mo na nga 'yong mga sinabi ko. Isipin mo na lang na baka nag-iisip-isip lang si Candy
somewhere. Kung tutuusin mababaw lang naman ang naging puno't dulo ng nangyari sa inyo. Kayang-
kaya pa 'yang ayusin at isalba ang relasyon ninyo. Kung mahal ka talaga niya, hindi niya gagawing dahilan
ang mga nangyari para tuluyan niyang putulin ang connection sa iyo. Kapag nahimasmasan na 'yon,
siguradong gugustuhin din niya na makausap ka. Kung nami-miss mo na siya, siguro naman ay ganoon
din siya sa iyo."

"l really missed her," anas niya na tuluyan ng pumatak ang luha sa mga mata. Mabilis niya iyong pin alis.

"l know. Halatang-halata naman sa iyo. Damn it, men. Para kang hindi lalaki," ani Blair nang makita ang
luha sa mga mata ng kaibigan. "Don't tell me, kapag nasa condo ka at mag-isa lang, iniiyakan mo 'yan? I
can't imagine. Baka

ma-turn off si Candy na iyakin ang fiancee niya," pang-aasar pa nito sa kaniya para gumaan ang
pakiramdam niya.

"Puwede bang maglaho ka muna sa paningin ko kahit isang buong taon lang?" angil niya sa kaibigan.

"Baka ako naman ang ma-miss mo ng husto niyan?" ngumisi pa ito. "Cheer up. I know, magiging okay rin
ulit ang lahat," ngumiti si Blair at tinapik si Mhorric sa balikat. "lkain na muna natin 'yan. Nagutom ako sa
paglalaro ng golf. Hindi kaya ng tubig lang. Damn it, Mhorric. Tahan na." Lumunok si Blair na para bang
nadadala sa emosyong nakikita sa kaniya ng mga sandaling iyon.

"P-pakiramdam 1<0, nag-failed ako sa pangako ko sa Tatay ni Candy. At natatakot ako na... na hindi na
niya ako hayaan na makalapit pa kay Candy," lalong nanikip ang dibdib niya sa isiping iyon.

"No way. That won't happen. Kung kinakailangan ang buong batalyon ng UHB Leisure Club to save your
relationship, we will, Mhorric. Always remember that. Hmmm? Palagi lang kaming nasa likuran mo.
Cheer up." Dinukot ni Blair ang panyo sa suot nitong pantalon at inilagay sa kamay niya. "Mabango at
bagong laba cyan," agap pa nito. "Use it."

Walang imik na ginamit niyang pampunas sa


luha ang panyong iyon ng kaibigan niya na palaging nariyan kapag nasa alanganin siyang sitwasyon.
Siningahan pa niya iyon na ikinangiwit nito.

"Geez! 'Wag mo ng ibabalik sa akin 'yan, ha? Itapon mo na pagkagamit mo. Tara na," muli ay pag-aaya
nito sa kaniya.

Paano pa ba siyang makakatanggi sa kaibigan kung hinila na siya nito?

Sa kabilang banda ay nagpapasalamat siya sa presensiya nito. Dahil sa ganoong down ang pakiramdam
niya ay naroon ito para damayan siya.

PATAPOS ng kumain Sina Mhorric at Blair nang magkumpulan sa kabilang lamesa ang ibang UHB Men.

"Narinig niyo na ba ang bagong balita?" tanong pa ni Sergio sa mga kasama nito.

Wala sanang balak na makinigsi Mhorric sa usapan sa kabilang lamesa, pero kung bakit ba malakas ang
boses ng mga naroon.

"Ano'ng balita?" usisa ni Yuan.

"May soon-to-be-daddy na, na UHB member."

Bumagal ang pagnguya ni Mhorric sa karne na nasa bibig niya. Napasulyap pa siya kay Blair nangtumayo
ito at lumipat sa kabilang lamesa. Binilisan pa talaga nito ang pagkain at ng makahabol sa tsismisan sa
kabilang lamesa. Napailing-iling siya.

"Talaga? May idea na kayo kung sino?" ani Blair kay Sergio.

"Wala pa. Nasagap ko lang naman na balita.

Ayaw pang pangalanan kung sino."

"Madadagdagan na naman ang magandang lahi ng mga UHB Men."

"l agree."

"lkaw, Mhorric? Kailan ka magdadagdag ng magandang lahi dito sa tribo natin?" biro pa sa kaniya ni Ruin
Austria.

'"Wag niyo na munang tanungin si Mhorric. Negative pa 'yan," ani Blair sa mga kasama sa lamesa.

Uminom ngjuice si Mhorric para malunok ang kinakain. Bumuntong-hininga siya. Hindi na niya
magawang ubusin pa ang iilang subo ng pagkain sa kaniyang Plato.

Kaya naman napagpasyahan niya na tumayo na at hayunin angveranda para malayo sa nag-uusap sa
likuran niya. Doon ay huminga siya nang malalim at turnanaw sa malayo.

Wondering kung ano kaya ang ginagawa ngayon ni Candy?


Kumain na kaya ito? Sana lang ay hindi nito tinitipid angsarili.

Napakurap siya nang may humawak sa balikat niya. Nalingunan niya si Sergio. Nagbawi rin siya ng tingin.

"Ang seryoso mo lately," wika pa nito na tumayo sa tabi niya at namulsa habang nakatingin sa malayo.

"Ang darni mong napapansin."

"Kaya nga pati ikaw ay napansin 1<0," pamimilosopo pa nito. "Hindi mo rin kasama si Candy. Hmmm.
Kinda new for me. Kapag kasi pumupunta ka rito, palagi mo siyang kasama."

Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatingin sa malayo.

Itinaas nito ng bahagya ang dalawa nitong kamay. "Alright, I respect your silence."

"Sergio, pati ba naman si Mhorric ay papasahan mo ng tsismis mo?" natatawang wika ni Blair na lumapit
din sa kinaroroonan nila.

Tumayo naman ito sa kabilang side ni Mhorric.

"Baka lang kasi may idea siya kung sino ang napapabalitang bagong daddy dito sa UHB Leisure Club."

"Magkakapera ka ba kapag nalaman mo?"

"Aanhin ko pa ba ang pera? Hindi ko na nga mabilang kung magkaano ang pera ko sa sobrang dami,"
nakangising wika ni Sergio kay Blair.

"Tsss. Eh, 'di wow!"

"Ako na lang ang tanungin mo, Sergio, kung sino ang bagong tatay na tinutukoy mo," ani Kienlee Scott
na kauupo lang sa isang lamesa na nasa may veranda. Kasama nito Sina Daizuke Niwa, Wayne Monterey
at Mark Brice Regala.

"Bakit ang lakas ng pandinig mo?" ani Sergio rito na napagpasyahan ng umalis. "I'm going." "Agad-
agad?" ngumisi pa rito si Kienlee.

"Nagpapahanap pa ng Penoy sa akin ang mahal kong asawa."

"Penoy? Naglilihi ba si Maryey? Ang akala ko, nagpa-ligate na siya?" ani Mark Brice.

"Baka naman ikaw ang bagongdaddy? Now you know?"

Hindi mapigilang matawa ni Blair, nasa tabi lang ni Mhorric, sa palitang iyon ng salita ng mga tao sa
likuran niya.

"Whatever," ani Sergio na akmang aalis na nang humarang sa daraanan nito si Yuji Sakai.

"Gusto mo bang ipagluto kita ng itlog?" "Damn your egg, Yuji. Never again," am Sergio bago nagpatuloy
sa pag-alis.
"Mukhang hindi pa rin siya nakaka-move on sa lugaw na may itlog na pinaluto nila ni Maryey," natatawa
namang wika ni Yuji na binigyan ng menu book ang mga bagong dating.

"Presyohan mo ba naman ng million?" ani Daizuke rito.

"Binulabog niya ang tulog 1<0. Plus, wala naman siyang magagawa."

"Uuwi na muna ako," baling ni Mhorric kay Blair.

'"Wag muna, Mhorric!"

Lahat sila ay napatingin kay Wayne na napalakas pa ang pagsasalita. Tumikhim ito at ngumiti.

"May fireworks display mamaya. Siguradong gagaan ang pakiramdam mo," patuloy ni Wayne.

Tumango si Daizuke. "Kaya dapat lahat ay narito mamaya. It's a mandatory. Kaya kung uuwi ka,
kailangan mo pa ring bumalik mamaya. Magpapabalik-balik ka lang. Mukhang hindi ka pa nag-che-check
ng inbox sa phone mo. May ipinadala akong text sa lahat. Mayroon din sa Group Chat. Mayroon din sa
personal email account ninyo."

Bumuntong-hininga siya. Kung ganoon, hindi rin siya makakauwi agad. Tumango na lang siya bilang
pagsang-ayon.

"Kung gusto mong magpahinga, tara muna sa Yadoya Hotel," ani Blair kay Mhorric.

"Sige," pagpayag niya. Nagpatiuna na siya sa paglalakad. Sumunod naman sa kaniya si Blair.

"Ang tagal ko na ring hindi nakakapanood ng fireworks display," nangingiti pang wika ni Blair habang
pababa sila sa hagdanan sa may Bay View

Restaurant.

"Saan ba gaganapin?" tanong niya sa kaibigan.

"Sa may Club House. Seven-thirty pa naman ang call time kaya may oras pa tayo para makapagpahinga."

Kung ganoon ay may oras pa siya para makaidlip. Pakiramdam niya ay kulang na kulang siya sa tulog.
llang gabi na rin kasi na hindi kumpleto ang tulog niya.

Chapter 85

SAKTONG seven-thirty n ang dumating Sina Blair at Mhorric sa Club House. Hinayon agad nila ang
papunta sa likod na bahagi ng Club House kung saan naghihintay ang iba pa.
Unti-unting burnagal ang paglalakad ni Mhorric nang makita sa may papuntang exit ang malaking
customize na mga lobo. Naka-form iyon into a big letters. At kung babasahin mo, ang nakasulot roon
ay. . .

Love, basa niya sa kaniyang isipan.

Ipinaalala na naman niyon sa kaniya si

Candy. lyon ang endearment nila sa isa't isa. Huminga siya nang malalim. Ramdam niya ang unti-unting
paninikip ng kaniyang dibdib. At bago pa mamuo ang luha sa kaniyang mga mata ay naramdaman na
lamang niya ang pag-akbay ni Blair sa balikat niya at igiya na siya palabas ng Club House. Palayo sa
display na iyon.

"Natulala ka na roon," nakangisi pang wika ni Blair kay Mhorric.

"Maganda lang 'yong design," dahilan ni Mhorric sa kaibigan.

"Wow, look. Mukhang may pa-dinner din dito," ani Blair nang mapansin na maraming pabilog na lamesa
sa malawak na space na iyon sa labas ng Club House.

Akala niya ay manonood lang din sila ng fireworks display mamaya. Kaya naman napagkasunduan nila ni
Blair na kakain na lang sila ng dinner after nilang manood ng fireworks display.

"Napaka-generous naman ng may paganap dito," ani Blair sa naraanan nilangsina Kienlee at Keigo na
nag-uusap. "May free dinner ba?"

Tumangos si Keigo. "Meron. Eight-thirty pa naman ang fireworks display kaya may oras pa para kumain
at magpasaya ngtao."

"Magpasaya ngtao? Sino na naman ang pasasayahin ninyo?" ani Blair.

'"Yong pinagtsi-tsismisan ninyo na soon-to-be-daddy," ani Kienlee na tinapunan pa ng tingin si Mhorric.


"Okay ka lang, Mhorric?"

"Actually

"I'm fine," mabilis niyang wika nang magsalita si Blair. "Maghahanap lang kami ng mauupuan," aniya sa
mga ito na hinila na ang kaibigan. "Blair—"

"What?" feeling safe nitong tanong.

Bumuntong-hininga siya at hinayaan na lamang ang nangyari kanina. Sa medyo pagitnang bahagi sila
nakakuha ng mauupuan.

Nalalatagan ng bituin ang kalangitan ng mga sandaling iyon kaya nakasisigurado siya na hind

uulan.
Natigilan na naman siya nang maisip si Candy. Kung sana ito ay naroon, sila sana ang magkasama sa
panonood ng fireworks display mamaya. Alam niya na gustong-gusto iyon ng kaniyang nobya.

"Malapit na ring mag-December, " ani Candy habang nanonood sila ng isang movie sa Den.

"Excited ka ng mag-Pasko ?" nangingiti niyang tanong dito. First Christmas nila kung sakalisa taon na
iyon.

"Excited din. First Christmas natin, eh. Pero mas excited ako sa mga pa-fireworks display ng mga mall.
Mayroon ba sa Monterey Mall? Noon kasi, hilig kong manood ngganoon kapag may fireworks display
ang isang partikular na mall sa Manila."

"Hmmm, Ang alam ko, mayroon sa Monterey Mall. Mayroon din sa UHB Leisure Club kapag New

Year.

"Siguradong mas bongga ang fireworks display sa Leisure Club. 'Yon anggusto kong mapanood, " ang
mga mata nitong nakangiti ay animo nagniningning.

"Ang tahimik mo na naman," puna ni Blair kay Mhorric.

Napakurap siya at agad na bumalik sa realidad. Napapalunok na binalingan ni Mhorric ang kaibigangsi
Blair.

"Iniisip mo na naman ba si Candy?"

Marahas siyang bumuntong-hininga. "Alam mo naman na hindi ko maiiwasan na hindi siya isipin ."

"Isang linggo na. Pero kahit 'Hi' ay wala siyang paramdam. Mahal ka ba talaga ni Candy? Haaay... sana
naman ay hindi siya ma-fall out of love sa iyo."

"Blair, 'wag mo akongsimulan ng mga negatibong bagay. Pakiusap lang."

"Sorry," anito na nagbalingsa iba ngtingin. "Nagiging realistic lang din naman ako. Kung mahal ka lang
naman kasi talaga ni Candy, hindi ka niya matitiis. Katulad ng hindi mo pagkatiis sa kaniya."

Hindi niya magawang magsalita. lisang linggo pa lang naman ang lumilipas. Hindi pa isang taon o higit pa
roon. Kung kailangan pa ni Candy ng kaunti pang panahon para makapag-isip-isip, makakapaghintay siya.
Isa lang naman ang gusto niya, iyong masigurado na safe lang ito kung nasaan man ito ngayon. Isa iyon
sa palagi niyang ipinagdarasal.

"Masarap sanang manood ngayon kung may ka-share ka na mahal mo sa buhay," patuloy ni Blair.
"Suwerte mo, ako ang kasama mo."

"Gutom ka na ba?" sa halip ay tanong niya sa kaniyang kaibigan na gusto na niyang tapalan ang
bunganga para manahimik.

"Hmmm. Pero mukhang may event pa bago magpakain si Daizuke."


Even

"Naulit kanina nina Keigo, magpapasaya pa raw sila ng tao bago ang fireworks display," paalala ni Blair
kay Mhorric.

00 nga pala..

"Tamang-tama, wala kayong kasama sa table," ani Ruin Austria na ipinaghila pa ng mauupuan ang
asawangsi Jasmin. Bago naupo sa katabi ni Blair.

"Bakit parang hindi ninyo kasama ang mga anak ninyo?" pansin pa ni Blair sa mga ito.

"Nasa bahay ng parents ni Ruin," ani Jasmin. "Dumating din kasi ang parents ko galing Bohol, ayaw
mahiwalay sa mga apo kaya kami lang ni Ruin ang magkasama ngayon dito."

"Wow, ha? Instant date," ngumisi pa si Blair.

"Baka masundan ang bunso ninyo niyan?"

"Wala namang problema sa akin kung masundan ang bunso namin," walang gatol na wika ni Ruin.
"Asawa ko lang naman ang may ayaw. Tama na raw muna 'yong dalawa."

"Hindi naman kasi ganoon kadali ang magbuntis at manganak," ani Jasmin sa asawa. " Por que kasi hindi
ikaw ang mabubuntis kaya gustong-gusto mo. Gusto ko munang mag-focus sa dalawa naming anak,"
baling ni Jasmin kay Blair.

"Mahirap bang magbuntis?" clueless na tanong ni Blair kay Jasmin.

"00 naman. Marami ring risk."

"Sobrang antukin niyan kapag buntis. Kulang na lang ay buong araw na nakahiga sa kama," ani Ruin.

"May reklamo ka?"

"Wala naman," agad na sagot ni Ruin kay Jasmin. "Kaya kita mo naman, hinahayaan lang kita noon. May
narinig ka ba sa aking reklamo?"

"Mabuti na 'yong nagkakaliwanagan tayo," ngumiti pa ng matamis si Jasmin sa asawangsi

Ruin. "Baka kasi may itinatago kang hinanakit."

"You mean, sobrang antukin mo kapag nagbubuntis?" mayamaya ay tanong ni Blair kay Jasmin. "Puwede
mo bang i-explain 'yong pagiging antukin mo?"

"Bakit? May nabuntis ka ba?"

"For reference lang," ngumisi pa si Blair.


"Hmmm. Normal lang naman sa mga buntis na maging sobrang antukin. Lalo na sa umaga. Tanghali na
rin halos kung burnangon. In short, unusual ang pagkaantukin ng isang buntis. Mapapansin mo naman
'yon. Kung dati, hindi naman siya antukin, bigla na lang isang araw ay magiging antukin. Lalo na kung
alam mo naman sa sarili mo na may nangyayari sa inyo. Confirm,

buntis 'yan. Kung duda ka, then, samahan mong magpa-check up. Masyado ring emosyonal ang mga
buntis. Naku, pakaiwasan na bigyan ng stress ang partner ninyo. Makakasama sa mental health ng
mommy at ng condition ng baby sa tummy ng mommy."

"Paano kung puyat lang kapapanood ng

Korean Drama?"

"Eh, paano kung hindi naman nanonood?" kontra ni Jasmin sa tanong ni Blair.

Napakamot pa sa baba si Blair. "Sabagay," anito bago bumaling ng tingin kay Mhorric na natulala na sa
may flower arrangement sa gitna ng lamesa nila. "Mhorric," untag nito sa kaibigan.

Saka lang napakurap-kurap si Mhorric. Hindi niya maiwasan ang mapaisip ng malalim sa naging usapan
nina Jasmin at Blair.

Naisip niya si Candy na bigla ang pagiging unusual ng pagiging antukin. Tumiim ang labi niya. Paano
kung. .. paano kung buntis ang nobya niya?

Kumuyom ang kamao niya. Parang hindi niya lalo mapapatawad ang kaniyang sarili dahil sa naging past
action niya.

"Good evening, ladies and gentleman!" malakas na bungad ni Wayne Monterey using a lapel mic.
Naglakad ito papunta sa may bandang unahan at doon ay humarap sa mga tao na naroon nang gabing
iyon. Ang pinakalikuran nito

ay ang malawak ding open space kung saan sakop iyon ng golf course ng UHB Leisure Club. "Gutom na
ba ang lahat?" nakangiti pa nitong tanong. "But, I'm sure, mas excited kayo sa fireworks display
mamaya."

Bumuntong-hininga si Mhorric bago itinuon angtingin sa unahan. Nililipad na naman ang isipan niya.
Angdami na namang. .. what if?

"Nakakatuwa namang makita na present ang lahat. Wala bang absent?" ani Wayne na sinulyapan si
Jamil na kasama sa table ang mga kaibigan nito.

Nag-thumbs up naman si Jamil.

"Very good. So, before anything else. Let's pray first. Para magpasalamat sa Ama. Dahil magkakasama na
naman tayong lahat dito. May masasaksihan na naman tayong maganda," anl
Wayne na siyang namuno para sa opening prayer. Nag-sign of the cross si Mhorric at sandaling ipinikit
ang mga mata. Sandali rin siyang taimtim na nanalangin. Sa ngayon, gusto muna niyang ipagpasa-Diyos
ang lahat. Na 'wag nitong pababayaan ang nobya niya. 'Wag na 'wag.

"Alright," muli ay pumailanlang ang boses ni Wayne. Inilibot pa nito angtingin sa paligid. "Bago tayo
mag-dinner, may inihanda muna kaming munting game para sa mga single at 'yong mga taken na hindi
pa married. Kaya kung alam mo naman sa sarili mo na kasama ka sa

mga nabanggit 1<0, magkusa ka ng pumunta rito sa unahan bago pa kita ipakaladkad sa mga security."

"Single raw at taken na hindi pa married," ani Blair na tumayo na at hinila sa braso si Mhorric. "Tara na,
bago pa tayo ipakaladkad sa mga security. Wala kang choice, Mhorric. Kasama ka sa nabanggit. Fifty-fifty
ka, taken na single," biro pa nito.

"Shut up, Blair," aniya na nagpatianod na rito papunta sa unahan.

"Naglabasan ang mga literal na single," kantiyaw pa ni Kienlee sa mga nasa unahan.

"Quiet, Kienlee," saway rito ni Wayne. "Okay, guys, madali lang naman ang first game natin. Ang darni
ninyo kasi, eh. Humanay muna kayo ng pa-horizontal. Thank you."

Magkakalapit na humanay sila ng pa-horizontal katulad ng utos ni Wayne.

"Sobrang dali ng first game natin.

Hep-hep-hooray lang naman." Nag-demonstrate pa ito kung paano ang gagawin nila sa hep-hep-hooray
na laro.

Huminga nang malalim si Mhorric. Mukhang wala naman siyang magagawa kundi ang seryosohin muna
ang naturang laro.

"Relax muna tayo," ani Blair sa kaibigan. "Galingan mo, ha?" ngumisi pa ito. "Presence of mind ang
kailangan sa game na 'yan. Hindi ka

dapat malito. lisangtabi mo muna ang problema mo at sandaling mag-enjoy."

"ANG TIBAY naman nitong mga ito," natatawang wika ni Wayne Monterey na medyo hingal na dahil
kanina pa nagsasalita. "Mukhang nagkakakilanlan kung sino talaga ang active na active ang presence of
mind.

Kasama sa limang natira sa larong hep-hep-hooray si Mhorric. Sa darni nga nila ay masuwerte siyang
nakatagal. Sabi nga ni Blair kanina, kailangan ang presence of mind para sa larong iyon. Kasama niya sa
nakatagal ay Sina Uno at Tres. Si Art at si Timo.

"Kaya pa ba, guys? Dahil kayo ang natira, medyo madali lang naman angsusunod natin na game,"
patuloy ni Wayne. "May huhulaan lang naman kayo na mga title ng kanta na maririnig niyo. Actually,
sobrang dali lang niya. First two person na makakakuha ng three correct answers, pasok sa final round.
Let's begin, para hindi sayang ang oras."

May lumapit kina Mhorric at pinagbibigyan sila ng wireless na microphone.

"Game!" ani Wayne na pumitik pa sa ere.

Kumunot ang noo ni Mhorric nang marinig ang tugtog. Bakit tunog ng lullaby ang pinapatugtog? Wala
iyong halong lyrics,

instrumental na tunog lang. Nang maisip angtitle ay agad siyang nagsalita.

"Rock A Bye Baby!"

"Wow, ang bilis makasagot ni Mhorric," puri pa ni Wayne sa kaniya.

Napalunok siya. Nagbibigay ng nostalgia ang tugtog na iyon sa kaniya. Bigla ay naalala niya ang kaniyang
namayapa ng ina, na ginagawang pampatulog sa kaniya noong bata pa siya ang pag-humming ng
naturang lullaby.

"May one point ka na, Mhorric. Second song. Music please!" ani Wayne.

Ngunit ang pangalawang tugtugin ay si Timo ang nakasagot. Huminga nang malalim si Mhorric para
makapag-focus sa susunod na tugtog.

"Twinkle Twinkle Little Star!" mabilis niyang bulalas.

"Correct. Two points for Mhorric."

Sa ilang araw na na-i-stress siya dahil sa mga nangyari ay ngayon lang siya napangiti dahil naka-two
points na siya. Isa na lamang at pasok na siya sa final round. Kahit paano ay nakakawala ng problema
ang sandali na iyon. Kahit saglit lang..

Ngunit unang nakapasok sa final game ay si Art na ngingisi-ngisi pa sa kanila. Muli ay huminga nang
malalim si Mhorric. Parehas silang two points ni Uno ngayon.

Nang pumailanlang ang sunod na tugtugin ay sandali iyong pinakinggan ni Mhorric. "Itsy Bitsy Spider!"

"Correct!"

Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Ang huling tugtugin na pumailanlang ay hilig naman niyang
kantahin noong elementary days niya. Those songs, nakakatuwa na hindi pa rin naaalis sa kaniyang
sistema.

"At dalawang taken ang maghaharap sa ating final round. So? Handa na ba kayong maging daddy?" ani
Wayne kina Mhorric at Art. Seryoso ang mukha nito.

Si Art ang unang sumagot. "Kung bibigyan naman ni Lord, walang kaso sa akin."
"Okay. How about you, Mhorric?" baling sa kaniya ni Wayne.

Sandaling katahimikan ang namayani bago niya nagawang iangat ang mic at magsalita. "Since five years
old ako, ako na lang at ang bunso kong kapatid ang magkasama noon. Lolo't Iola ko lang ang nagpalaki at
nag-aruga sa amin. Pero noong eighteen ang kapatid kong bunso, pati siya kinuha rin sa akin. Kaya
simula noon, solo na lang ako. Hindi rin naman ako nakatira sa poder ng lolo't Iola ko dahil narito ako sa
Pagbilao at nagma-manage ng business ng pamilya. Hindi ko sila literal na nakakasama araw-araw. Kaya
nagpapasalamat din ako na bukod sa business, parte ako ng lugar na ito. Nagkaroon ako ng panibagong
mga kapamilya na nakakasama. Hindi ko man kayo pamilya sa dugo, pero sa puso't isipan," aniya na
turningin kay Wayne. "Kaya kung pagkakalooban din ako na mabigyan ng anak, I've been waiting for that
time to happen, Wayne."

Huminga siya nang malalim. Kung bibigyan siya ng pagkakataon na maging ama, lubos niya iyong
ipagpapasalamat sa Diyos.

Turnango-tango si Wayne. "Na-carried away ako sa litanya mo, Mhorric. Maganda ang intro mo. Alam
mo naman dito sa Leisure Club, pamilya tayong lahat," tinapik pa nito sa balikat si Mhorric. "Dahil mas
maganda ang naging sagot mo kaysa kay Art, ikaw na ang panalo sa final round natin."

Napakurap-kurap siya sa sinabing iyon ni Wayne. Seryoso? lyon na iyon? Final round na iyong
pagtatanong nito?

"Tapos na?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya rito.

"00. Final round na 'yon. Pagandahan lang naman ng sagot ang kailangan namin. So, here is your prize,"
ani Wayne na may iniabot sa kaniya na puting paper bag. "Syempre, may consolation prize rin si Art at
baka maghinanakit."

"Damn. Kung alam ko lang, naghanda rin ako ng essay na sagot sa tanong mo," natatawang litanya ni Art
kay Wayne.

"Walang kahugot-hugot ang n aging sagot mo."

Napasulyap si Mhorric sa hawak niyang paper bag. Ano naman kaya ang laman niyon?

"Puwede na bang buksan ito?" tanong pa niya kay Wayne. Curious siya sa laman niyon.

"Mamaya na. Para may twist," anito na muling binawi sa kaniya ang paper bag at ipinatong sa isang silya
na ipinalagay ni Wayne sa unahan. "After ng dinner, saka mo ito buksan."

"Ganoon?"

"Yes. You heard me right," ani Wayne na nag-announce na para kumain ng dinner.

Hindi nga nagtagal at sunod-sunod ang mga waiter na naglabasan sa may exit door ng Club House. Mga
may dalang pagkain para sa dinner nila.
Wala na rin namang nagawa si Mhorric kundi ang burnalik sa ukupado niyang lamesa.

"Naks! Congrats! Hugot na hugot ang sagot mo kanina," nakangising biro pa sa kaniya ni Blair nang
maupo siya sa karatig nitong upuan.

"Let's eat," sa halip ay wika niya sa kaibigan. Uminom muna siya ng malamig na tubig sa isa niyang baso,
pagkuwan ay inatupag ang pagkain. Hindi niya itatanggi. Muntikan na rin siyang maging mas emosyonal
kanina.

May kirot sa puso niya. ayaw niya iyong

1 5/26

nararamdaman niya ngayon na para na naman siyang naiwan ng mahal niya sa buhay.

MATAPOS nilang mag-dinner, ang mga ilaw sa paligid ay mga namatay. Ganoon din ang mga ilaw na
nasa center table. Lahat ay nag-power-off.

"Mag-start na ba ang fireworks display?" naulanigan pa ni Mhorric na usapan sa paligid

Nabalot din ngdilim ang kinaroroonan nila.

"Mommy, I'm scared," anang isang bata.

"It's okay, baby. Later, magliliwanag ang sky.

Wait for it. Hmmm?"

"O-okay, mommy."

"Akala ko ba, pabubuksan nila 'yong prize ko after ng dinner?" hindi napigilang ibulalas ni Mhorric kay
Blair.

"Baka nakalimutan nila."

Lahat sila ay napatingin sa kalangitan nang marinig ang malakas na dagundong sa paligid na nagmula sa
putok ng fireworks na agad nagbigay ng liwanag sa kalangitan. Iba't ibang kulay at design ang
nagpamangha sa mata ng marami.

"Sabi na, eh, hindi titipirin nina Daizuke ang fireworks display ngayon," nasisiyahang wika ni Blair habang
nakatingin sa kalangitan.

Hindi magawang magsaya ng husto ni


Mhorric. Dahil na rin sa presensiya na gusto niya na maramdaman ng mga sandaling iyon. Presensiya na
hindi niya alam kung kailan ulit niya mararamdaman.

Makalipas ang isang minuto ay muling nabalot ng kadiliman ang buong kalangitan. Sunod niyon ay
muting nabuhay ang lahat ng ilaw sa kanilang paligid.

"Hala? Seryoso? 'Yon na ba 'yon?" reklamo ng ilan na nabitin sa napanood na fireworks display.

"Parang nabitin sa ere 'yong paghanga ko sa ganda ng fireworks display ngayon," reklamo rin ni Jasmin
sa asawa nito.

"Kalma lang!" natatawang wika ni Jamil na may hawak na mic. "Practice lang 'yon. May kasunod pa
'yan," anito na naglakad papunta sa unahan. "Hindi pa nga nabubuksan ng winner natin kanina itong
prize niya." Dagdag pa ni Jamil na hinanap sa crowd si Mhorric. "Mister Soliven, maaari ba na
maimbitahan ka ulit dito sa unahan?"

"Mhorric, humayo ka na. Bilisan mo rin ang pagbubukas ng prize mo para naman matuloy na ang
naudlot na pasabog sa kalangitan," nakangit pang wika sa kaniya ni Jasmin.

"Sige na," ani Blair. "Gusto mo pa ba na ihatid kita?" biro pa nito sa kaniya.

"Kaya ko na," aniya na turnayo na at

hinayong muli ang papunta sa unahan.

"For sure, nabitin ka rin sa fireworks display?" nangingiti pang tanong ni Jamil sa kaniya.

"Hindi naman masyado," sagot ni Mhorric.

"Okay. So, let's proceed?" ani Jamil na kinuha ang paper bag. Pagkuwan ay iminuwestra ang upuan.
"Maupo ka rito habang binubuksan mo ang primyo mo."

"H-hindi na," tanggi niya.

"Mhorric," nakangiti pa rin nitong wika.

"Uupo ka o kakalungin pa kita riyan?"

"Sabi ko nga, uupo na," aniya na hindi na kumontra pa kay Jamil. Naupo na siya sa naroong silya.
Tumayo naman si Jamil sa gilid niya.

"Puwede mo ng buksan, Mhorric. May kinatatakutan ka bang mga insekto or anything?" tanong pa nito
nang makuha ni Mhorric ang box sa 100b ng paper bag.

Napalunok siya. Kung may kinaaayawan man siya ay tanging uod lang. Siguro naman ay hindi sila para
magkulong ng uod sa isang box na sealed masyado? Huminga siya nang malalim. At hindi muna pinansin
si Jamil. Pero muli itong nagsalita nang simulan niyang alisin ang nakabalot sa box.
"Ano sa tingin mo ang laman ng box na 'yan,

Mhorric? Do you think, is it worth it for you?"

"Paano ko malalaman kung hindi ko pa naman nakikita?" katwiran pa niya.

"Hmmm. Idea mo lang? Any idea?"

Umiling siya. "Wala akong idea. Pero kahit ano pa ang laman nito, I think, deserve ko 'yon. Dahil
pinaghirapan ko."

"Right. Pinaghirapan mo 'yan. Kaya deserve mo talaga 'yan. And I hope, pahalagahan mo rin. 'Yong
laman kasi niyan, something na kailangan mo talagang i-cherish."

Something na kailangan mong i-cherish. , , paulit-ulit ang mga salitang iyon sa kaniyang isipan. Hindi
tuloy maiwasan ng isang bahagi niya ang ma-excite sa laman niyon.

Halos mapigil tuloy ni Mhorric ang kaniyang pahinga nang unti-unti niyang buksan ang maliit na box.
Tutok na tutok naman ang tingin ng lahat sa kaniya. Mga nangingiti.

Kumunot ang noo niya nang makita ang isang munting bagay sa loob ng box na maraming iba't ibang
makukulay na papel na kinapapatungan. Kinuha niya iyon at may pagtatakang pinakatitigan. May balot
din ang pahabang bagay na iyon. Kung ano iyon ay wala rin siyang idea.

"Ano 'to?" tanong niya kay Jamil. lyon na ba ang napanalunan niya? But still, naroon pa rin ang
matinding curiosity.

"Open it," sa halip ay Wika ni Jamil sa kaniya.

"For sure, mababago niyan ang buhay mo."

Isang hinga pa nang malalim bago iyon nagawang buksan nang dahan-dahan.

Nakatalikod pa iyon sa kaniya kaya dahan-dahan niyang ibinaliktad paharap sa kaniya para mas makita
niya. Literal ang pagkunot ng kaniyang noo.

What is this?hindi niya napigilang itanong sa kaniyang isipan.

Napalunok siya. Sa gitna niyon ay may dalawang nakaguhit na pula.

"A-ano 'to?" hindi niya napigilang itanong kay Jamil. Naguluhan din siya sa mga sinabi nito kanina.

Nangingiti naman si Jamil na bumaling sa crowd. "Mrs. Delavin, please come over. May nagtatanong kasi
rito, pakisagot naman."

Hindi naman nagtagal at lumapit din doon ang asawa ni Sergio Delavin na si Maryey.

Tiningnan pa nito ang hawak ni Mhorric.


"Are you sure, wala kang idea kung ano 'yan, Mhorric?"

Urniling siya. Dahil wala naman talaga. Hindi pa siya nakakagamit niyon.

"Napakainosente naman nito," naiiling pang wika ni Maryey na kinuha ang cellphone sa sling bag nito at
nagpipindot sa screen niyon. Sunod niyon ay ipinakita sa kaniya ang nasa screen ng

cellphone nito.

May larawan doon na katulad ng hawak niya. May pangalan din sa ibaba kung ano ba iyon. Pregnancy
Test Kit. . .

Lihim siyang napalunok nang tuluyang ma-realize ang hawak niya. Tama, isa nga iyong Pregn ancy Test
Kit. He almost forgot for Pete's

Pero bakit binibigyan siya ng ganoon bilang prize niya? Hindi niya agad maintindihan.

"B-bakit ganito 'yong ibinigay ninyong prize para sa akin?" hindi niya napigilang isatinig.

"What do you think?" balik tanong ni Jamil sa kaniya. "Syempre, premyo mo dahil nanalo ka kanina."

Umiling-iling siya. "P-pero—"

"Mukhang kailangan munang mag-isip ni Mhorric kung bakit ganoon ang prize niya," baling ni Maryey
kay Jamil.

"Baka mabaliw lalo kaiisip si Mhorric."

"Don't talk, as if, I'm not here," apila niya sa dalawang ito. Maingat niyang ibinalik sa 100b ng box ang
hawak niyang test kit.

"Mhorric, tingnan mo 'yong pinakailalim ng box. May laman pa 'yan," ani Jamil sa kaniya.

"Baka sakaling maliwanagan ka."

May laman pa? Pero tingin niya ay wala na.

Flat kasi iyon. Ganoon pa man ay walang imik na winahi niya ang mga mumunting papel sa 100b ng box.
May nakita siyang picture sa 100b niyon. Bigla ang animo pagdagundong ng kaba sa kaniyang dibdib
nang kunin niya iyon.

Ang isa niyang kamay na nakahawak doon ay bahagyang nanginig nang makita ang babae na nasa
larawan. Hayon na naman ang p t ng kaniyang lalamunan dahil sa pagpipigil na maluha. Pero sa huli,
kahit na ano'ng pigil niya ay pumatak pa rin ang pasaway niyang luha. Lalo niyang na-miss ang nobya at
nanabik na makita ito.

Dahil ang nasa larawan na iyon ay walang iba kundi si Candy. Stolen shot iyon ni Candy, habang
nakatingin ito sa hawak nito sa dalawa nitong kamay na katulad ng nasa box niya na Pregn ancy Test Kit.
"Are you okay, Mhorric?"

Ang tanong na iyon ang nagpakurap sa kaniya. Suminghot siya. Agad siyang kumuha ng tissue sa inilapit
na tissue box sa kaniya ni Maryey para magpahid ng luha sa kaniyang mga mata.

"May idea ka na ba ngayon?" muli ay tanong ni Jamil.

Nakatitig lang siya sa larawan na iyon ni Candy. Gusto niyang mag-assume.

Gustong-gusto.

"Mhorric, lately, alam namin na hindi ka okay," ani Jamil. "May pinoproblema ka pero mas pinili mong
solohin at hindi ibahagi sa nakararami. Kaya naman, mas pumabor kami na... sige, solohin mo. Pero,
suwerte mo pa rin. Dahil hindi ka kabilang sa mga taong matagal na nagdusa. Masyado kang mahal ng
partner mo para iwan ng mas matagal.

Hindi napigilan ni Mhorric ang hindi mapatayo dahil sa mga sinabi ni Jamil. "M-may alam ka ba kung
nasaan si Candy? At itong picture na ito?" aniya na iminuwestra ang larawan ni Candy. Umaasam ang
mukha niya.

Tumikhim si Maryey. "I'm off," anito na nangingiti pang burnalik na sa ukupado nitong lamesa.

In-off ni Jamil ang mic at ibinaba. "Mhorric, isang tanong na lang," anito sa kaniya. "Gaano ka ka-deserve
sa hawak mong 'yan?"

Napatingin siya sa hawak niya sa kamay. Lumunok siya. Gaano nga ba siya ka-deserve sa bagay na iyon
kung nagkamali siya?

Tinapik siya sa balikat ni Jamil. "Lahat naman ay deserving na maging masaya at mapatawad ng mahal
nila. Cheer up, Mhorric. Don't worry, hindi pa nagtatapos ang kuwento ninyong dalawa. Halos,
nagsisimula pa lang," makahulugan nitong wika. "Ang hirap maging slow, 'no?" biro pa nito sa kaniya.
"Okay, hindi na kita pahihirapan pang mag-isip. Direct to the point na tayo. Soon—"

Napaawang ang labi ni Jamil nang biglang mag-power off ang buong paligid at sa pangalawang
pagkakataon ay lumiwanag ang kalangitan.

"Dark!" baling ni Jamil sa kaibigan.

"Angtagal ninyo riyan. Manood na muna tayo ng fireworks display," sa halip ay inip nitong wika na
nakatuon angtingin sa kalangitan habang katabi ang asawa nitong si Nashnairah.

Napailing-iling si Jamil. "Let's continue later," anito na hindi na urnalis sa puwesto nito at doon na rin
nanood ng fireworks display.

Isinara na muna ni Mhorric ang box at ibinalik sa paper bag bago ibinaling din ang tingin sa kalangitan.
Nasa dibdib pa rin niya ang malakas na kabog.
Madilim ang paligid at tanging ang liwanag lang sa napakagandang fireworks display ang
pinanggagalingan ng munting liwanag.

Nasa ganoon siyang tagpo nang maramdaman ang paghawak ng isang mainit na kamay sa kaniyang
kaliwang kamay. Ganoon na lang ang ginawa niyang pagpaling sa kaliwa niya para matigilan sa nakita.

Nang muling magliwanag ang kalangitan ay kitang-kita niya ang magandang mukha na iyon na kay tagal
niyang pinanabikang makitang muli.

Ang tingin niyon ay nakatuon sa fireworks.

Ikinurap-kurap niya ang mga mata dahil baka

dala lang ng pagka-miss niya ang kaniyang nakikita. Ngunit hindi naglaho sa kaniyang tabi si Candy.

Bigla na naman ang pag-iinit ng bawat sulok ng kaniyang mga mata. "L-love?" tawag niya rito.

Halos mapigil ni Mhorric ang paghinga nang burnalingsa kaniya si Candy. Ngumiti pa ito sa kaniya. Hindi
ba talaga siya nananaginip lang? Ang kamay niyang hawak nito ay hinawakan din niya nang mahigpit.
Ramdam niya ang init na nagmumula rito.

And without a word, hindi napigilan ni Mhorric na tawirin ang pagitan nila ni Candy. Wala siyang
pakialam kung dumulas man sa kaniyang kamay ang hawak niyang paper bag. Ang mahalaga lang sa
kaniya ng mga sandaling iyon ay si Candy. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at siniil ng halik
sa labi.

Parang gusto niyang lumipad sa sobrang kaligayahan nang muling maramdaman ang init ng labi nito na
agad tumugon sa kaniyang halik. She's finally here with him. Damang-dama niya ito. Totoong-totoo.

Oh, God!

Dahil ang mundo ni Mhorric ay mas na-focus kay Candy. Ni hindi niya namalayan na muting nagliwanag
ang paligid, habang tuloy rin ang pagliliwanag ng kalangitan.

Napangiti ang lahat sa nakitang eksena nila

ng nobya nang mga sandaling iyon. Naging masigabo ang palakpakan sa paligid sa pangunguna mismo ni
Blair na hindi mabura ang ngiti sa labi.

"Eight-thirty pa naman ang fireworks display kaya may oras pa para kumain at magpasaya ng tao.

"Magpasaya ng tao? Sino na naman ang pasasayahin ninyo?" ani Blair,

"'Yong pinagtsi-tsismisan ninyo na soon-to-be-daddy...

Ngayon lang mas turnino kay Mhorric ang sinabing iyon kanina nina Kienlee.

Soon-to-be-daddy...
At siya iyon.

Burnaba ang isa niyang kamay sa baywang ni Candy at hinapit itong lalo palapit sa kaniya. Gusto niyang
iparamdam dito kung gaano niya itong n a-miss.

Chapter 86

HABANG palapit nang palapit ang oras ng pagkikita ni Candy at ni Mhorric, [along lumalakas ang kabog
sa kaniyang dibdib.

"Okay ka lang?"

Napasulyap si Candy kay Nastya na siyang kasama niya ngayon sa isang pribadong silid. Naupo ito sa
katabi niyang upuan. Nasa pangalawang palapag ng Club House angsilid na iyon. At buhat sa kanilang
kinaroroonan ay kitang-kita nila sa may terrace ang nangyayari sa ibabang bahagi ng Club House.
Nakaupo siya sa naroong malambot na silya.

"Okay lang ako," aniya kay Nastya.

Tinanggap niya ang inabot nitong baso na may lamangtubig. Kanina pa nga parang nanunuyo ang
kaniyang lalamunan.

"l think, si Mhorric na 'yon," itinuro pa nito ang lalaking naka-side view na kausap nina Kienlee at Keigo.

Napalunok si Candy. Kilala niya ang bulto ni Mhorric.

Kaunting oras na lang, love, magkikita na Illit tayo.,. aniya sa isip.

Lahat naman ng mga nangyayari ay palaging mayroong kaakibat na dahilan. Katulad na

lamang nitong nangyari sa kanila ni Mhorric. Hindi niya alam kung saan pa sila nito hahantong kung hindi
muna sila panandaliang naghiwalay. Mas marami siyang na-realize nang ipa-realize sa kaniya nina
Maryey at Nastya ang mga bagay-bagay pagdating sa pagsasama sa iisang bubong ng mga couple.
Maraming darating na pagsubok. Hindi puro saya lang.

At kung dumating muli ang panibagong pagsubok sa kanila ni Mhorric, hindi niya dapat iyon basta
takasan. Sa halip, kailangan nila iyong pag-usapang dalawa para maagapan na maayos.

"Take note, Candy. Hanggat maaari ay huwag ninyong patagalin ang away ninyo o tampuhan. Dapat,
hindi ninyo paabutin 'yan ng kinabukasan. May isa dapat na magbababa ng pride. 'Wagmagpataasan.
Okay? Naranasan ninyo ngayon na malagay sa alanganing sitwasyon. Sana, last na Cyan. Lalo na at tatlo
na kayo,"naalala ni Candy na payo pa ni Maryey sa kaniya.

"Excited ka na ba?"

"Kinakabahan ako," aniya kay Nastya.


Ngumiti ito. "As expected.

Dahil hindi pa sila puwedeng burnaba kaya nanatili muna sila roon ni Nastya. Doon nila pinanood ang
pasimulang event ng gabing iyon. Nagkaroon ng munting games kung saan kasali si

Mhorric. Games na dapat makapasok si Mhorric

hanggang sa huling round. lyon ang kasunduan. At lingid iyon sa kaalaman ni Mhorric. Halos lahat ng
UHB Men ay mga kakuntiyaba rin ng mga sandaling iyon.

"Kaya kung pagkakalooban din ako na mabigyan ng anak, I've been waiting for that time to happen,
Wayne."

Ikinurap-kurap ni Candy ang mga mata na nag-iinit na dahil sa isinagot ni Mhorric sa tanong ni Wayne
kung handa na ba itong maging daddy? Nahawakan niya ang tiyan na maliit pa rin. Pero may buhay na
roon na bunga ng pagmamahalan nila ni Mhorric. Kinagat niya ang ibabang-labi. Pigil niya ang maluha.

"Nakakatuwang marinig mula kay Mhorric na handa na rin siyang maging daddy," may ngiti sa labi na
wika ni Nastya. Nang sulyapan nito si Candy ay sandali itong tumayo at pumasok sa 100b ng suite. Nang
burnalik ito ay may inilapag itong tissue box. "'Wag mong pigilan ang emotion mo. It's okay na
pakawalan mo ang luha mo."

"Tears of joy, 'to," aniya kay Nastya. Kumuha siya ngtissue at maingat na idinampi sa gilid ng kaniyang
mga mata. Sa pagpipigil niyang maluha kanina pa ay sinipon na siya.

Nagpapasalamat siya dahil sinamahan siya roon ni Nastya. Sa halip na dapat ay kasama ito ng pamilya
nito sa mismong event.

Nang ianunsiyo na ni Wayne na kakain muna

ang lahat bago buksan ni Mhorric ang nakuha nitong prize, ay siya namang dating ng dalawang waiter na
naglapag ng pagkain nila ni Nastya sa lamesa na nasa harapan nila.

"Thank you," anila sa nagdulot ng pagkain sa kanila.

Habang kumakain si Candy ay panaka-naka ang pagsulyap niya sa kinauupuan ni Mhorric.

Ano kaya ang iniisip nito ng mga sandaling iyon? May idea na kaya ito sa mga nangyayari o wala pa rin?

Matapos nilang kumain, napapitlag pa si Candy nang biglang may malakas na pagsabog na narinig.
Napahawak pa siya sa dibdib. Naibsan ang takot niya nang sunod ay ang pagliliwanag ng kalangitan.

"B-bakit nagpaputok na agad ng fireworks?" baling niya kay Nastya.

"Baka testing lang," hindi rin sigurado nitong wika.


Nakumpirma lang nila kung bakit nang makalipas ang isang minuto ay mawala na ang pagliliwanag sa
kalangitan. Practice lang daw sabi ni Jamil na siyang sunod na pumunta sa unahan ngvenue at turnayo
bilang host. Muli nitong pinapunta sa unahan si Mhorric.

Nang tumunog ang cellphone ni Nastya ay agad nitong sinagot ang tawag.

"Okay. Bababa na kami. Sige." Pagkababa ni Nastya sa cellphone nito ay agad siya nitong hinarap. "Bum
aba na raw tayo, Candy. Let's go?"

"Puwede bang magbanyo muna ako?"

Turn ango ito. Nagbawas lang si Candy ng panubigan at inayos ang sarili. Bago sila tuluyang bumama ng
Club House ni Nastya.

Naabutan nila nang buksan ni Mhorric ang nakabalot na Pregnancy Test Kit. Halos mapigil na naman ni
Candy ang kaniyang paghinga. Ngunit pagtataka lang ang mababakas kay Mhorric kung ano ang hawak
nito.

"Grabe, wala siyang idea sa hawak niya," natatawang wika ni Nastya.

Nawala ang focus niya sa kinaroroonan ni Mhorric nang lapitan siya ng isang security at iabot sa kaniya
ang isang cellphone.

"Phone call po para sa inyo, Ma'am Candy."

"Sino 'yan?"

"Si Boss," tukoy nito kay Daizuke Niwa.

"Hello?" aniya nang sagutin niya ang naturang tawag.

"Candy, once mag-continue ang naudlot na fireworks display, lapitan mo na si Mhorric.

"O-okay," sagot niya. Hindi na rin naman nagtagal ang pag-uusap nilang iyon. Ibinalik na niya ang
cellphone sa security bago muling itinuon angtingin sa kinaroroonan ni Mhorric.

Hawak na niyon ang larawan niya na kasama sa box na in-open nito.

NAPATINGALA sa kalangitan si Candy nang biglang lumiwanag na naman ang kalangitan dahil sa
fireworks. Dumilim na rin ang buong paligid para kitang-kita ang ganda ng fireworks display.

lyon na ang oras para lapitan niya si Mhorric. May umalalay sa kaniyang dalawang security hanggang sa
marating niya ang kinaroroonan ni Mhorric. Si Nastya naman ay hinayon na ang kinaroroonan ng
pamilya nito.

Huminga muna siya nang malalim bago tumabi ng tayo sa kaniyang nobyo. Mukhang hindi agad siya nito
napansin dahil ng mga sandaling iyon ay nasa kalangitan ang atensiyon nito. Kaya naman hinawakan
niya ang kamay nito bago tumingin din sa kalangitan. Napangiti siya. Kasama na niya ngayon si Mhorric.
She wanted to cry again... pinigilan lang niya.

"L-love?"

But hearing that word again... kumibot ang labi niya. Hindi na rin niya napigilan pa ang sarili na balingan
ang nobyo na hindi makapaniwalang nakatitig sa kaniya. Nginitian niya ito. Mukhang hindi pa rin ito mas
makapaniwala na naroon siya sa harapan nito ngayon. Ramdam ni Candy nang

gurnanti ng hawak sa kamay niya si Mhorric.

Hindi nagtagal aytinawid ni Mhorric ang pagitan nila. Binitiwan na nito ang kaniyang kamay at sinapo
ang magkabila niyang pisngi. Sunod niyon ay burnaba ang mukha nito palapit sa kaniya at siniil siya ng
halik sa labi.

Maging siya ay hindi mapigilan ang sarili na hindi agad tugunin ang halik nito na kalaunan ay mainit
nilang pinagsaluhan. Tuluyang nawalan ng pakialam si Candy sa buong paligid.

Nagliwanag ang paligid dahil sa mga in-on na mga ilaw, habang tuloy ang fireworks display sa kalangitan
ngunit walang pakialam ang dalawang magsing-irog.

Nang hapitin siya sa baywang ni Mhorric ay iniyakap naman niya sa batok nito angdalawa niyang kamay.

Hinayaan lang niya ang butil ng luha na pumatak sa mga mata niya. It was a tears of joy.

Isang halik pa sa labi ni Candy bago iyon tuluyang pinakawalan ni Mhorric. Sunod niyon ay niyakap siya
nito nang mahigpit.

"I'm sorry, love," agad nitong anas sa may bandang tainga ni Candy. "I'm sorry." "Tapos na 'yon," aniya
rito.

"Kasalan ko."

"Love, okay na. Naiintindihan ko," kumalas siya rito. Akmang magsasalita pa si Mhorric nang itapat niya
sa labi nito ang kaniyang hintuturo. "Malinaw na sa akin ang lahat kung bakit naging ganoon ang action
mo noong nakaraan." Ibinaba na niya ang kamay.

Pinalis nito ang luha sa pisngi niya. "Paano mo nalaman? Hindi ko pa na-i-explain ang part ko sa iyo."

"Palagi mong kasama si Blair," nginitian niya ito. "Lahat ng pag-uusap ninyo tungkol sa nangyari sa atin,
alam 1<0. Dinig 1<0. Kaya malinaw na sa akin kung bakit. Sorry kung tinangka ko na lumayo sa iyo," ani
Candy na unti-unting napalis ang ngiti sa labi. "Akala ko, may something na naman sa inyo ng ex mo."

"Love, wala. Alam mo naman na hindi ko para balikan ang ex ko na 'yon."


Turnango siya. "l know. Hindi siya katulad ng iniisip ko. Akala ko nga, siya ang kukunin mong chef dahil
hindi ko na magawa 'yong duty ko sa iyo dahil sa kundisyon ko ngayon. Pero 'wag kang mag-alala,
naunawaan ko na rin kung bakit gusto mong mag-hired ng personal chef."

Hinaplos nito ang buhok niya. "You can still cook. The kitchen is still yours, love. Hindi ko inaalis sa iyo
'yon. Ayaw ko lang mahirapan ka. But it's too late. Kung kailan gusto kitang kausapin, saka ka naman
umalis. Please, 'wag mo na 'yong uulitin. Hindi ko kaya," emosyonal na wika ni Mhorric. "Alam mo rin na
ayaw ko ng

mag-isa."

"Hindi na," pangako niya sa nobyo bago ito muling niyakap. "Hindi na mauulit 'yon."

"l love you, love. And I miss you so much.

Kung alam mo lang."

"Alam 1<0, love. Gustong-gusto ko ng urnuwi. Pero one week 'yong hiningi nila sa akin."

Sandali itong natigilan. "Nino?" ani Mhorric na bahagyang dumistansiya sa kaniya ng makabawi.

"Ng unang taong kumupkop sa akin nang umalis ako sa poder mo."

"Si Maryey," amin niya rito. "At naging majority sa lahat na 'wag muna akong magpakita sa iyo ng isang
linggo. Sa tulong din ni Blair, nalaman ko 'yong side mo."

"You mean, all this time, may alam si Blair kung nasaan ka?"

Tum ango siya.

"Damn him for playing innocent in front of me," napapailing na hinayon nito ngtingin ang kinaroroonan
ng kaibigan.

Tila ba saka lang nag-sink in kay Mhorric kung nasaan sila. Saka lang nito napansin na nasa kanila na ang
atensiyon ng lahat.

Napakurap-kurap si Mhorric.

"W-wait. Ibig sabihin, lahat kayo ay may

alam kung ano ang nangyayari sa akin ngayon?"

"Yes, Mhorric," ani Kienlee. "At kung wala kang idea, this event is for you. Anyways, you are welcome.
Happy ka na ulit?"

"For the second time, nawala na naman sa iyo si Candy. Pasalamat ka at one week lang," ngumisi pa si
Jamil. "But this time, pinalungkot ka muna naming lahat bago pasayahin. Pero hindi lang si Candy, dahil
may kasama na siya ngayon."
"Mukhang mas focus ka sa muli ninyong pagkikita ng fiancee mo," ani Daizuke na may hawak na wireless
mic. Nakaupo pa rin ito sa kinaroroonan nitongtable. "Nakalimutan mo na yata 'yong prize mo. Napaka-
slow mo rin sa bagay na 'yon. Anyways, magiging daddy ka na. Four weeks pregnant na si Candy. Siguro
naman ay maa-absorb mo na 'yon, Mhorric? Kukutusan na kita kung hindi pa rin," ani Daizuke na
ikinatawa ng marami.

Muling bumaling kay Candy si Mhorric. Puno ng emosyon ang mga mata nito. '"Y-yong laman ng box,
love..

lyong nangingiti habang naiiyak, ganoon ang reaksiyon ni Candy. Turnango siya. "Sa akin 'yon. At totoo
'yong sinabi ni Daizuke. Four weeks na itong tiyan ko," pagkumpirma niya sa bagay na iyon.

"Sorry sa stress na nabigay ko sa iyo. Kung maibabalik ko lang 'yong nakaraan," puno ng pagsisisi na wika
ni Mhorric sa kaniya. "Babawi ako," pangako nito sa kaniya na kinintalan siya ng haliksa labi.

Pagkuwan ay lumuhod ito sa harapan ni Candy na ikinatahimik ng lahat. Napigil naman sandali ni Candy
ang paghinga dahil sa ginawang pagluhod ni Mhorric. Lalo siyang na-speechless nang kintalan ni Mhorric
ng mabining halik ang tiyan niya habang nakahawak ito sa magkabila niyang balakang.

"Baby, babawi si daddy sa inyo ni mommy mo, ha? I'm sorry, baby. Hindi na mauulit 'yong nangyari nong
nakaraan. Kung gusto mong maghapongtulog si mommy, okay lang. Walang problema kay daddy.
Sigurado ako na nagpapalaki ka kaya ganoon. I love you, baby. 'Wag mong... 'wag mong pahirapan
masyado si mommy mo, ha?" ani Mhorric na muling hinalikan ang impis pangtiyan ni Candy.

Walang masabi si Candy. Hindi niya napigilang ang mapaluha dahil sa hindi inaasahan na eksena na iyon.
Agad niyang pinalis ang luha na naglandas sa kaniyang pisngi. Nang turnayo si Mhorric ay agad niya itong
niyakap nangmahigpit.

"l love you, love. .

Ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang sandaling nakakulong siya sa mga bisig nito na

agad ding gurnanti ng mahigpit na yakap sa kaniya.

Readers also enjoyed:

Bullied by Twin Alphas

0 221.8K Read

TAGS murder sex kidnap

Chapter 87
"HAPPY now?" pilyong tanong ni Blair kay Mhorric nang lapitan nito ang kaibigan.

"Damn you," sa halip ay sagot ni Mhorric kay Blair. "All this time, may alam ka pala kung nasaan si
Candy? Tapos, kung maka-react ka sa mga sentiments 1<0, daig mo pa ang walang kaalam-alam. You're
such a great—"

"Actor?" agaw pa ni Blair sa litanya ni Mhorric.

"Bastard," ani Mhorric na ikinatawa lang ni Blair.

"Kalma na. Kasama mo na si Candy ngayon. Sino ba ang may kasalanan kung bakit siya urnalis sa poder
mo? Ako ba? 'Di ba, ikaw? Mhorric, pinagkatiwalaan lang ako ng kabilang panig. Ayaw ko namang sirain
'yon. Baka isipin ng fiancee mo, hindi ako mapagkakatiwalaan."

"Akala ko ba, magkaibigan tayo?"

"00 nga. Pero, fiancee si Candy ng matalik kong kaibigan. One week ang palugit na ibinigay sa akin nina
Maryey. Kung alam mo lang, daig ko pa ang namamangka sa dalawang ilog." Tinapik ni Blair sa balikat si
Mhorric. "Ang mahalaga, hindi ka naghintay ng matagal. Pinakamabilis na 'yang one week. And be
thankful, dahil

masusubaybayan mo ang mag-ina mo. Unlike sa iba rito, hindi nila naranasan 'yan."

"Tama na cyan. Baka may mag-Friendship Over pa rito," natatawang wika ni Maryey na nilapitan sila
nina Mhorric. Agad nitong niyakap si Candy. "Congrats, ulit."

Nginitian ni Candy si Maryey. "Thank you, Maryey," aniya na iniharap din ito sa kaniyang nobyo na si
Mhorric. "Si Maryey 'yong kumupkop sa akin nang isang linggo, love."

"Hep," ani Maryey nang akmang magsasalita si Mhorric. "Don't worry, Kumpareng Mhorric, dahil
inalagaan kong mabuti ang fiancee mo. Tinulungan ko rin siyang mabawasan ang stress na dinadala niya.
I hope, maging mas matatag ang pagsasama ninyo ngayon," ngumiti pa ito nangmatamis.

"Kumpare?" sangat pa ni Blair.

Binalingan ito ni Maryey. "FYI, Blair, ninang ako ng dinadala ni Candy sa kaniyang sinapupunan."

"Hindi pa nga binyag. .."

Bumuntong-hininga si Mhorric. "Salamat sa pag-aalaga kay Candy, Maryey."

Muling burnaling si Maryey kay Mhorric.

"Maliit na bagay. Be thankful, ako ang nakakita sa kaniya noong araw na umalis siya sa bahay ninyo.

Kaya makakasiguro ka na naging safe siya katulad ng gusto mo habang wala siya sa tabi mo. And, as soon
as possible, samahan mo si Candy sa OB. Suggestion kasi ni Sergio na kayo na lang dalawa ang personal
na pumunta sa 0B para mapa-check up si Candy. Para naman masabi mo na nasa tabi ka ni Candy during
her first check up."

Tumango si Mhorric. Pagkuwan ay inakbayan si Candy. "Okay. Bukas din, pupunta kami."

Nagpaalam muna sa kanila si Blair. Sunod ay si Maryey.

Tumikhim ang lumapit sa kanila na si Mark Brice Regala makaraan ng ilang sandali. "So, ano'ng plano
ninyo, Mhorric at Candy? Kailan ang balak ninyong kasal? Pagkaanak mo na ba?" baling pa nito kay
Candy.

Kasal? Hindi pa iyon pumapasok sa isipan ni Candy. Nang hindi siya nakapagsalita ay si Mhorric na ang
nagsalita.

"Pag-uusapan pa naming dalawa."

"Okay. Pero kung ako ang tatanungin, mas maganda pa rin na makasal kayo bago pa makapanganak si
Candy. Para, apelyido mo na, Mhorric, ang garnit niya kapag nakapanganak siya. Suggestion ko lang
naman. No pressure." "Doon din naman ang punta ninyo," segunda pa ni Kienlee na lumapit sa tabi ni
Mark Brice. Pumitik pa ito sa harapan nila. "Isang pitik lang, kayang maasikaso ang lahat. Kung
gugustuhin mo, Mhorric."

"Sa lakas ng radar ninyo, I'm sure, malalaman niyo rin agad kapag nakapagdesisyon na kaming dalawa ni
Candy," ani Mhorric.

"If you need help, sabihin mo lang. Don't hesitate. Kung gusto mo nga, bukas na agad, eh, ani Kienlee.

"Pupunta kami sa 0B bukas."

"Then, the other day?"

Seryoso ba tagala ang mga ito sa suggestion ng mga ito? Parang gustong mahilot ni Candy ang kaniyang
sentido. Sabagay, mga bilyonaryong tao ang mga nag-uusap-usap sa kaniyang harapan. Walang
imposible sa mga ito basta gustuhin ng mga ito ang isang bagay. At tama si Kienlee. Isang pitik lang ng
kamay ng mga ito, magagawa ng mga ito ang gusto.

"Just kidding," nangingiting bawi ni Kienlee.

"Baka ma-pressure kayong dalawa. Lalo na si Candy."

"l think, kailangan na nating i-suggest kay Dark na maglagay na ng paanakan dito sa 100b ng Leisure
Club," ani Mark Brice kay Kienlee.

Tumango-tango si Kienlee. "Tama ka. Para hindi mahirapan ang mga buntis."

Nang magpaalam sa kanila angdalawang UHB Originals ay muling binalingan ni Mhorric si Candy.

"Kumain ka na ba?"
Tumango si Candy. "Kasabay ninyo," nakangiti niyang sagot dito.

"Kasabay namin?"

"Hmmm. Doon kami kumain ni Nastya kanina habang hinihintay ang oras ng pagbaba namin dito," aniya
na itinuro pa sa nobyo ang silid na kinaroroonan nila sa second floor ng Club House. "Wala akong masabi
sa mga asawa ng mga co-member mo rito sa UHB Leisure Club, love. Sobrang babait nila. Noon lang
kami nagkasama talaga, pero hindi ko naramdaman 'yong mailangsa kanila dahil hindi rin nila hinayaan
na maramdaman ko 'yon."

Kinabig siya ni Mhorric para yakapin.

Hinalikan din siya nito sa kaniyang buhok. "Wala kang ma-e-encounter na mga plastic dito, love. Pero
may mga kapilyahang taglay, 'yan, marami." Isang halik pa ulit sa buhok ni Candy bago kumalas sa kaniya
si Mhorric. "Gusto mo na bang magpahinga? Baka napagod ka?"

Nginitian niya ang nobyo. "Napagod lang akong maghintay para sa araw na ito, love," nangingiti niyang
wika. "Isang linggo lang 'yong pinaghintay ko, pero daig ko pa 'yong naghintay ng isang taon sa tagal
lumipas ng bawat araw.

Ganoon yata talaga kapag may hininhintay ka." "Magkasama na tayo ngayon. Hindi ka na maiinip."

"Sa bahay ba tayo uuwi ngayon?"

Bigla ay parang nagdalawang isip si Mhorric. think, 'wag muna."

"Bakit?" kumunot ang noo ni Candy.

"You're pregnant. Siguradong sensitive ka ngayon. Saka na tayo urnuwi sa bahay. Ipapalinis ko muna ng
husto. Tipong walang alikabok na makakapasok. Hmmm? Dito muna tayo sa Leisure Club."

"Dito kita hihintayin galing sa trabaho mo?"

Urniling si Mhorric. "Sino'ng may sabing magtatrabaho agad ako? Mas gusto ko munang magbawi sa
mag-ina ko. I'll start tonight." May kakaiba sa ningning ng mga mata ni Mhorric.

"At anong bawi naman cyan?"

"You'll see."

Pero ang plano ni Mhorric na pagtakas nila sa hindi pa tapos na event, dahil naroon pa rin ang lahat, ay
naudlot nang lapitan sila ni Daizuke Niwa. May inabot itong card key kay Mhorric.

"May surprise ako sa inyo. Nasa Presidential

Suite ng Club House. Sa second floor."

"Ano'ng mayroon doon?" ani Mhorric nang tanggapin ang card key na ibinigay ni Daizuke rito.
"Kaya nga surprise. Makikita niyo rin kapag naroon na kayo."

"Hindi ka talaga nauubusan ng pasurpresa sa katawan," nangingiti pang wika ni Mhorric kay Daizuke.

"Mabuti naman at marunong ka ng ngumiti ulit ngayon," sa halip ay wika nito. "Alam mo naman nitong
nakaraan, daig mo pa ang naluging Hapon," ngumisi pa ito kay Mhorric bago sila nilampasan.

Naiiling na nahabol ni Mhorric ngtingin si Daizuke. "Thank you, Dark!" pahabol pa ni Mhorric dito na
kinawayan lang nito.

"Tingnan natin kung ano ang mayroon diyan," pag-aaya na ni Candy kay Mhorric.

"Okay," sang-ayon nito bago siya inalalayan sa paglalakad.

'Wag daw nilang kabilisan at baka mapagod agad siya.

"Bawal ka munangtumakbo o maglakad ng mabilis," bilin pa ni Mhorric sa kaniya.

"Seryoso ba Cyan?" natatawang tanong ni Candy kay Mhorric nang makapasok sila sa 100b ng Club
House. "Daig mo pa ang doktor kung makapagsabi ng mga bawal."

"Naninigurado lang na safe si baby sa tiyan mo." lyong ngiti na sumilay sa labi ni Mhorric ay urnabot pa
sa mga mata nito. "Hindi pa rin ako makapaniwala na may baby na tayo."

"Masaya ka ba, love?"

"Love, higit pa sa salitang masaya. Pangarap ko ring dumating 'yong ganito. 'Yong magkaroon ako ng
sariling pamilya. Bonus na 'yong ikaw ang ibinigay sa akin ng Diyos. Daig ko pa ang nanalo sa lotto."

Tagusan na naman sa puso ni Candy ang mga binitiwang salita ni Mhorric.

Bumuntong-hininga ito kapagkuwan.

"Bakit, love?"

"Kapag naaalala ko 'yong nangyari sa atin noong nakaraan, naiinis ako sa sarili ko."

"Kalimutan mo na 'yon. Ayaw ko na ring balikan, love. Maging lesson na lang din sa atin 'yong nangyari.
Hmmm? Ang mahalaga, magkasama na ulit tayo. Siguro naman ay may natutunan ka rin sa nangyaring
ito? Ayaw ko na lang din na mauulit 'yong ganoon. Na panlalamigan mo ako kapag may hindi ka
nagustuhan na action ko. Sana kinausap mo ako o pinag-usapan natin kung ano ang hindi natin
pinagkakaunawaan."

"Hindi na mauulit. Pangako."

Nang huminto sila sa tapat ng elevator ay kinintalan pa siya ni Mhorric ng halik sa labi at masuyong
pinakatitigan.
"Nasa huli lang talaga siguro lagi ang pagsisisi."

Turningkayad si Candy at siya naman ang

9/1 5

humalik sa labi ni Mhorric. "l love you."

"l love you too."

Akmang hahalikan siya ni Mhorric nang bumukas na ang elevator. Naudlot man sa una ngunit humirit pa
ng isang mabilis na smack kiss bago siya iginiya papasok sa 100b ng elevator.

Kapwa may ngiti sa mga labi nila. Hanggang sa marating nila ang second floor ng Club House at marating
ang suite na pakay nila.

Palaisipan pa rin sa kaniya hanggang ngayon kung ano ang nasa 100b ng suite na iyon na siyang surpres
sa kanila ni Daizuke Niwa.

Kaya naman nang buksan ni Mhorric ang pinto, garnit ang card key nito ay pigil pa niya ang
kaniyangpaghinga.

"Bubuksan ko na," ani Mhorric sa kaniya nang ma-unlock nito ang pinto.

"Sige," sang-ayon niya rito.

Pero hindi agad binuksan ni Mhorric ang pinto. "Ano sa tingin mo ang surprise sa atin ni Dark?" sa halip
ay nangingiti pa nitong tanong sa kaniya.

"Hmmm. Baka may romantic setup siya sa 100b para sa atin," panghuhula niya. "lkaw? Ano sa tingin
mo?"

"Same," anito na tuluyan ng pinihit pabukas angpinto.

Pero hindi katulad ng kanilang inaasahan

ang bubungad sa kanila. Dahil mas higit pa sa kanilang inaasahan. Maging si Mhorric ay natigilan din sa
mga nakita.

"Congratulation!" masayang bati sa kanila ng Iahat ng nasa loob ng suite.

Agad ang pag-ahon ng emosyon kay Candy nang makita ang kaniyang buong pamilya na nasa loob ng
suite na iyon. Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Pero hindi nawala sa paningin niya ang mga iyon.
Naroon din ang lolo't Iola ni Mhorric na masaya silang sinalubong sa may pintuan.

Hindi siya makakilos agad dahil sa matinding pagkabigla.


"P-paanong—

Si Daizuke Niwa. .. iyon ba ang surpresa nito sa kanila ni Mhorric?

Napakurap-kurap siya nang mahigpit siyang yakapin ni Donya Teresa. "Congrats, apo, masaya ako para
sa inyo ni Mhorric. Sa wakas, magkakaroon na kami ng apo sa tuhod."

Tuluyan ng naglandasan ang luha ni Candy sa kaniyang pisngi. Totoo talagang naroon ang mga ito.
Gumanti rin siya ng yakap sa Iola ni Mhorric.

"Salamat PO." lyong saya sa donya ay hindi maikakaila.

Lalo na ang Lolo Delfin ni Mhorric na niyakap din

siya.

Inalalayan din siya ni Mhorric papasok sa 100b ng suite. Mukhang katatapos lang kumain ng dinner ng
mga ito sa mahabang lamesa na nasa may dining area. May malaki rin doong flat screen TV kung saan
kita ang nangyayari sa may event kanina. Kung ganoon, ay kita rin ng mga ito ang nangyayari sa baba.
Hindi lang pinahalubilo ni Daizuke ang mga ito sa mga tao roon dahil ito ang nakalaan nitong supresa
para sa kanila ni Mhorric.

Ang sarap din talagang patayuan ng rebulto ni Daizuke Niwa. Hindi ito nangingimi na magpasaya ng
member nito sa Leisure Club nito.

Walang imposible para dito.

Sinalubong din siya ng mahigpit na yakap ng kaniyang ama't in a.

'"Nay, 'Tay," aniya na hindi pa rin mapigilan ang luha sa kaniyang mga mata. Sobrang saya niya na
makitang muli ang mga ito. Hindi pa rin siya makapaniwala na kasama na rin niya ang mga ito ngayon sa
100b ng UHB Leisure Club.

"Ate, dream come true ko 'to," abot pa sa mga mata ang ngiti ni Avery nang lapitan din siya at yakapin.

"Ako rin, ate," segunda ni Angel Rose.

Niyakap din niya isa-isa ang kaniyang mga kapatid. Ganoon din ang paborito niyang pamangkin na si
Aivan. Pinupog pa niya ito ng

halik sa pisngi.

"Nakaka-speechless na narito rin kayo ngayon," aniya na tinanggap ang tissue na ibinigay ni Margaux sa
kaniya. "Thank you," aniya sa kapatid. Pinahid niya ang luha sa mga mata. Inilibot pa niya ang tingin sa
mga ito. "Pakikurot nga ako sa pisngi."

"Anak, bawal. Baka magpeklat," saway ng kaniyang Nanay Rose sa kaniya.


Napalunok siya nang may maalala. "N-nakita ninyo lahat ng nangyari sa baba?" kinain siya bigla ng hiya.

Turnango ang mga ito.

"Alam na rin namin na nagdadalang-tao ka. Walang nabanggit sa amin ang may ari nitong Leisure Club,"
anang Tatay Henry niya.

"Ang nasabi lang sa amin, may pinagdaanan kayo nitong nakaraan ni Mhorric," segunda ni Donya
Teresa. "Kaya sobrang nasurpresa kami nangmalaman din namin na nagdadalangtao ka na, apo."

Si Mhorric ay tila ba nahihiya sa Tatay ni Candy. At dama iyon ng ama ni Candy. Kaya naman si Tatay
Henry na ang lumapit kay Mhorric at tin apik ito sa balikat.

'"T-tay, I'm sorry PO. 'Yong usapan natin noon

Ngumiti si Tatay Henry kay Mhorric. "Naipaliwanag na sa aming mabuti. Nangyari na. Kita ko naman na
masaya kayo ngayon. At sa tingin ko ay 'yon ang mas mahalaga.

Napag-uusapan naman ang mga bagay-bagay, hijo. 'Wag ninyong tikisin ang isa't isa."

Tumango si Mhorric. "Salamat, 'Tay," ani Mhorric na niyakap si Tatay Henry.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Candy kahit na may pumapatak pa ring luha buhat sa mga mata niya.

Kahit magkakakilala na ang bawat pamilya nila ay pormal pa ring ipinakilala ni Mhorric ang Iolo't Iola nito
sa pamilya ni Candy.

'"Nay, 'Tay," ani Candy sa kaniyang ama't ina. Pigil ang maluha nang lapitan niya si Donya Teresa at
iharap sa mga ito. "Si Lola Teresa po

'yong nagbigay sa akin noon ng malaking raket. Kaya kung ano man po 'yong naipundar ko para sa
pamilya natin last year, kaya tayo nagkaroon ng sariling bahay at lupa sa Bulacan at nakakapagpatuloy sa
pag-aaral ang mga kapatid 1<0... lahat po 'yon ay utang na loob ko po kay Lola Teresa."

"Candy, apo, pinaghirapan mo 'yon. Hindi mo kailangang tanawin na utang na loob sa akin dahil mas
malaki ang utang na loob ko sa iyo," ani Donya Teresa kay Candy.

"Hindi po kasi magiging mas maayos 'yong buhay namin kung hindi dumating 'yong trabaho na ibinigay
ninyo sa akin."

Ngumiti si Donya Teresa. "Para sa akin, ikaw pa rin 'yong sagot na hiningi ko sa may kapal.
Pangmatagalan nga lang," nangningiti nitong wika na sinulyapan din ang apo na si Mhorric.

"Isa pa PO, masaya ako na naipakilala ko na rin kayo sa mga magulang 1<0," aniya na mataga ng
pangarap iyon. Na isang araw ay maiharap niya sa mga magulang niya ang taong nagpabago sa buhay
nila.

"Hanggang kailan kayo rito?" mayamaya ay tanong ni Mhorric.


"One week," sagot ni Don Delfin, ang 1010 ni Mhorric. "Libre ang stay namin dito, apo. Lahat ng
amenities at meal everyd ay. Nakaka-miss ding magbakasyon sa ganito kagandang lugar," anito na
sinang-ayunan din ng asawa.

"Isang linggo rin po ba kayo rito?" baling ni Candy sa kaniyang mga magulang. Turnango ang mga ito na
ikinangiti niyang lalo. Kung ganoon, magkakasama-sama sila roon sa 100b ng isang linggo.

Walang mapaglagyan ang saya niya. Sa wakas, mararanasan din ng kaniyang pamilya kung gaano
kagandang mag-stay sa lugar na iyon. Salamat kay Daizuke Niwa, inunahan nito ang plano nila noon ni
Mhorric na madala roon ang pamilya niya.

Kung ano man ang dinanas niyang lungkot

nitong mga nakaraan ay triple naman ang ibinalik niyong saya sa kaniya. Hindi lang niya makakasama sa
sayang iyon si Mhorric, dahil maging ang buong pamilya nila ng kaniyang nobyo ay kasama.

lyon ang gabi na halos wala na siyang mahiling pa. Pakiramdam niya ay nasa kaniya na ang lahat. Posible
pala ang ganoon. Sobrang kuntento ng kan iyang pakiramdam.

Chapter 88

ARAW-ARAW na walang paglagyan ang saya ni Candy. Pangarap lang niya iyong ganito noon. Na
maparanas ang ganoong leisure para sa pamilya niya. Higit sa lahat ay sa kaniyang Nanay at Tatay.

Pamper na pamper ang mga ito, ganoon din ang kaniyang mga kapatid. Si Avery at Angel Rose, umiyak
pa sa kaniya noong isang araw. Am ng mga ito ay hindi pa rin daw makapaniwala na nakatapak ang mga
ito sa UHB Leisure Club at na-meet ng personal ang mga member ng UHB Leisure Club na sa magazine at
social media lang nakikita ng mga ito. Si Henrick naman ay hindi na kinantiyawan pa ang dalawang
kapatid, bagkus ay siya pang tum ayong photographer ng dalawa niyang kapatid.

Nang mga sandali ngang iyon ay nakayakap sa baywang niya, ang bunso niyang kapatid na si Ave ry.

ungot pa nito.

"Hmmm?"

"Puwede bang mag-request?"

"Ng isang magandang scrapbook."

"At ano naman ang gagawin mo sa scrapbook?" nangingiting tanong ni Candy sa kapatid.
Nang mga sandaling iyon ay nakaupo sila sa mahabang sofa sa may salas. Nasa Yadoya Hotel sila. Doon
kasi sila naka-check-in ni Mhorric. Habang ang pamilya naman nila ay nasa isa sa mga suite ng Club
House. Mga VIP lang halos ang nag-i-stay sa mga suite roon.

Halata ang pamumula ng mga pisngi nito.

Tila nahihiya. "Hihingi ako ngsign sa lahat ng UHB Men na narito sa Leisure Club, ate. Last day na namin
dito bukas, puro picture lang ang mayroon ako. Eh, gusto ko rin po ng autograph nila.

"Hindi naman sila artista para hingan mo ng autograph," kunway kontra niya sa sinabi nito.

"Pero, ate, sikat sila. Sikat pa sila kaysa sa artista," giit pa rin nito. "Kita mo nga, nag-viral noon si Kuya
Mhorric. Kasi, famous siya kahit hindi siya artista."

"Avery, saan ba nakakabili ng scrapbook na 'yan?" sangat ni Mhorric sa usapan nila ng kaniyang kapatid.
Naupo ito sa karatig nilang single na sofa.

Kumalas si Avery sa pagkakayakap sa baywang ni Candy at hinarap si Mhorric. "Sa bookstore PO, Kuya
Mhorric, mayroon PO."

"Kailangang-kailangan mo na ba ngayon?"

Nahihiyang nagbaba ito ng tingin. "Opo sana." Nakagat nito ang ibabang-labi.

Nangingiti naman si Candy sa reaksiyon na iyon ng kaniyang kapatid.

Sumulyap si Mhorric sa oras sa relo nitong pambisig. "Open na ang Monterey Mall. Tara?"

Awang ang labi na nahabol ng tingin ni Avery si Mhorric nangtumayo na ito mula sa pagkakaupo.

"N-ngayon na PO?"

Tumango si Mhorric. "00. Sumama ka para makapamili ka ng mga kailangan mo para sa scrapbook mo."

"Hala," hindi pa rin makapaniwala nitong saad na napatingin sa ate nito. "Ate...

"Sige na. Baka magbago pa ang isip ng Kuya Mhorric mo," aniya sa kapatid.

"Hindi ka ba sasama, love?" tanong sa kaniya ni Mhorric.

"Hindi na. Kayo na lang. Basta 'wag kayong magpapaabot ng lunch sa labas," paalala pa niya. Sama-sama
kasi silang kumakain.

"Okay," ani Mhorric na nilapitan siya at hinalikan ngsmack sa labi.

Nangingiti naman si Avery habang pinagmamasdan sila.

"Let's go, Avery," pag-aaya na rito ni Mhorric.


Kumaway muna si Avery kay Candy bago surnama sa Kuya Mhorric nito. Hindi na siya sumama para
naman magkaroon ngsariling bonding si Avery at si Mhorric.

Hindi naman nagtagal, simula nang umalis Sina Mhorric ay siyang dating naman sa suite nina Angel Rose
at Henrick.

"Nasaan si Avery, ate?" agad na tanong ni Angel Rose.

"May pinuntahan sila ng Kuya Mhorric mo."

"Saan?"

"Sa Monterey Mall, may binibili lang."

Namilog ang mga mata nito. "Hala, ate, pangarap kong mapuntahan 'yon. Bakit hindi mo ako t-in-ext?"
maktol nito.

"Biglaan lang 'yon. At isa pa, wala naman akong cellphone na dala ngayon," nangingiti niyang sagot.

"Wala ka na kasing inatupag kundi ang magpo-pose sa lahat ng madaanan natin," anl Henrick sa kapatid.

Napakamot sa baba si Angel Rose. Pagkuwan ay napabuntong-hininga. "Ate, sa bakasyon, pwede bang
dito ako sa iyo magbakasyon? Kulang ang isang linggo, eh," nangingiti nitong ungot. "Please?" nag-puppy
eyes pa ito.

"Ate, 'wag na," kontra ni Henrick. "Alam mo ba na may modus 'yan? Baka raw kasi narito rin

sa Pagbilao ang destiny niya."

"Ate, 'wag kang maniniwala riyan kay

Henrick. Hindi 'yon totoo."

"Saka ka na mangarap ng ganoon kapag nakatapos ka na sa college. Two years pa, ha?" pang-aasar pa
rin ni Henrick kay Angel Rose.

"00 na. Ang epal mo. May crush ka nga sa anak ni Wayne Monterey, eh.

"Wala ah!"

"Sshh. Tama na 'yan. Baka marindi sa inyong dalawa si baby," saway niya sa mga ito. "Bakit iniwan ninyo
Sina Nanay at Tatay?"

"Wala sila sa Club House," ani Henrick.

"May lakad ba sila ngayon?" parang walang nabanggit ang mga magulang niya sa kaniya.

"Ah, kasama nila ang lolo't Iola ni Kuya Mhorric. Namamasyal," agap ni Angel na ngumiti pa.
"Ate, baka gusto mong maglakad-lakad sa labas?" pag-aaya pa ni Henrick sa kaniya.

"Sige," pagpayag niya. "May kukunin lang ako," aniya sa dalawa bago hinayon ang silid na gamit nila ni
Mhorric. Kinuha niya ang sling bag niya kung saan nakalagay ang wallet niya.

Wallet na noong una ay tatatlong libo lang ang laman na cash. Nagulantang siya noong nasa NIM Coffee
House siya. Dahil noong magbabayad siya ng order niya na kape ay siksik-liglig ang

laman na cash niyon. Hindi niya alam na pinuno iyon ng laman ni Mhorric.

Nang tanungin niya ito noong minsan kung bakit nito nilagyan ng cash ang wallet niya, ang sagot lang ni
Mhorric ay baka raw may maibigan siya kapag lumabas siya ng condo. Mas okay na raw iyong may
hawak siyang cash. Dahil ayaw naman niyang tanggapin ang card na ibinibigay nito sa kaniya.

"Tara," pag-aaya niya sa dalawa niyang kapatid. "Si Margaux at Aivan, ano ang ginagawa

"Nasa Club House lang sila, ate. Ayaw namang lumabas ni Ate Margaux," ani Hernick. "Puntahan muna
natin sila," aniya sa mga ito. "Tapos, mag-snack tayo."

"Gusto ko 'yan," nagniningning ang mga matang sang-ayon ni Angel Rose.

"Basta pagkain," naiiling namang wika ni Henrick."

"Echozka, Henrick, alam ko naman na gusto mo rin. Hep! 'Wag ka ng kumontra. Mas matanda pa rin ako
sa iyo. Mataas ka lang kaysa sa akin."

"I-zipper mo na 'yang bibig mo, baka mairita sa iyo ang baby ni Ate."

Isa sa nami-miss niya ay ang kakulitan din nitong mga kapatid niya. Nag-aasaran pero hindi naman
dumaratingsa punto na magbabatuhan kapag may napikon.

"GOODNIGHT, 'wag ng magpuyat ang buntis, ha?" bilin pa ni Nanay Rose kay Candy.

"Opo, 'Nay," ani Candy sa ina. Yumakap din muna siya sa kaniyang ama na nasa tabi lang ng kaniyang
ina. "Goodnight, 'Tay."

"Goodnight din, anak. Pahinga na pag-uwl ninyo sa hotel na tinutuluyan ninyo."

"Opo. Kayo rin diyan."

Isang tingin pa sa mga ito bago siya nagpagiya kay Mhorric palabas ng presidential suite na siyang
tinutuluyan ng kaniyang buong pamilya. Ang lolo't Iola naman ni Mhorric ay nakabukod ng suite. Privacy
na rin dahil may edad na.

Bumuntong-hininga siya.

"Ang lalim noon, ha?" pansin pa ni Mhorric sa gin awa niyang pagbuntong-hininga.
Sinulyapan niya ang nobyo bago ibinalik ang tingin sa pasilyo. "Uuwi na sila bukas. Napakabilis ng araw."

"Pero nag-enjoy ka naman ba?"

Turnango siya. "Hindi ko halos ma-explain 'yong saya na nararamdaman ko, love. Kung puwede nga lang
din na pag-stay-in pa sila ng ilang araw pa... kaso, hindi naman puwede dahil

may pasok ang mga kapatid 1<0." Naka-excuse lang sa school ang apat niyang kapatid.

"Love," ani Mhorric na hinimas-himas ang kaniyang braso. "Don't worry. Next time, makakapag-bonding
ulit kayo ng matagal-tagal." Tumango ulit siya. Marami pa namang next time. lyon nga lang, kailangan pa
ring ikunsidera ang pag-aaral ng kaniyang mga kapatid.

'"Wag ka ng malungkot at baka makasama sa baby natin."

Nginitian niya ito. "Opo."

Nang makarating sila sa kanilang hotel suite sa Yadoya Hotel ay inasikaso agad niya ang pagpapalit ng
kaniyang suot. Napangiti pa siya habang tinititigan niya ang sariling repleksiyon sa harap ngsalamin.
Hinawakan niya angtiyan na hindi pa halata.

"Soon, mas mararamdaman din kita, baby. Mahal na mahal ka ng nanay," nakangiti pa niyang wika. "Lalo
na ngtatay mo."

Wala siyang masabi sa pagiging maalaga sa kaniya ni Mhorric. Hindi lang ito basta burnawi sa kaniya.
Dahil sobrang bawing-bawi ito. Hands on ito noon pero masasabi niya na mas hands on ito sa kaniya
ngayon.

Pati mga pagkain na puwede at hindi puwede sa kaniya ay talagang pinakatatandaan nito. Wala naman
sa high risk ang kaniyang pagbubuntis. Hindi rin siya maselan. Hiling lang

niya ay magtuloy-tuloy na ganoon. Na walang maging problema sa kaniyang pagdadalang tao.

"Love, tapos ka na?"

Napatingin si Candy sa pinto ng banyo nang marinig ang pagkatok doon ni Mhorric. Ganoon din ang
boses nito.

Isang sulyap pa ni Candy sa salamin bago ipinasya na buksan na ang pinto.

"Tapos na ako. Gagamit ka ba?"

"Later," anito na inalalayan na siya papunta sa kanilang kama. Maging sa pag-upo niya ay nakaalalay ito.
Daig pa niya ang babasaging kristal. "Ready na ang gatas mo," anito na kinuha sa may bedside table ang
tinimpla nitong gatas niya.

Napangiting lalo si Candy. "Thank you, love."


Sa umaga, pagkagising niya, may handa na agad na gatas sa kaniya si Mhorric. At bago matulog,
tinitimplahan din siya nito.

Unti-unti na namang nasasanay si Candy sa lasa ng gatas na pangbuntis. Vanilla flavor ang iniinom niya
dahil iyon ang pumasa sa panlasa niya.

Matapos inumin ang gatas ay hindi muna agad humiga si Candy. Si Mhorric naman ay saka lang
nagpaalam na magbabanyo muna.

Habang hinihintay si Mhorric ay sandali pa siyang napatingin sa kawalan. Iniisip kung ano ang
magandang gawin para bukas. Lalo na at iyon ang huling araw ng kanilang pamilya sa UH B

Leisure Club. Babalik na ang pamilya niya sa

Bulacan. Gayon din Sina Donya Teresa sa Alabang.

Alas otso pa lang ng gabi pero nag-aya na rin agad matulog si Mhorric matapos nitong magbanyo.

"Bawal kang mapuyat. Kailangan, tama ang oras na itutulog mo sa gabi," paalala pa nito sa kaniya.

"Minsan nga, sobra pa 'yong tulog ko," nangingiti niyang wika rito.

Turnagilid siya ng higa paharap clito at yumakap dito.

"Okay lang 'yon, nagpapalaki si baby," katwiran ni Mhorric bago siya kinintalan ng halik sa noo. "Kung
nalaman ko lang agad ng maagap

"Sshh," agad niyang pigil sa pagbabalik-tanaw na naman nito sa nakaraan. "Love, alam mo, mas nakaka-
stress 'yang pagbabalik-tanaw mo sa nangyari noon."

"Naiisip ko pa rin kasi, love."

"Tutulog ba tayo o magkukuwentuhan?" nangingiti niyang tanong dito.

"Tutulog na PO."

"Okay. Goodnight, love," aniya na hinalikan pa ito sa labi.

"Goodnight din, love," ganting wika ni

Mhorric na ginawaran din siya ng halik sa labi. Mas matagal nga lang. "l love you... both, n angingiti
nitong dagdag.

"We love you too," ganting wika naman niya.

Kapwa may ngiti sa labi nang sabay nilang ipikit ang kanilang mga mata. Masarap talagang matulog
kapag katabi mo ang mahal mo.
Chapter 89

"LOVE..."

Antok pa ang pakiramdam ni Candy. Pero pinilit niyang imulat ang mga mata dahil dinig niya ang
panggigising sa kaniya ni Mhorric nang umagang iyon.

"Hmmm?" aniya bago muting ipinikit ang mga mata.

"May meeting kami ngayon sa Club House.

At kailangan ko ng pumunta roon ngayon. Nakahanda na rin sa dining ang breakfast mo," masuyo nitong
wika sa kaniya.

Tinanghali ba siya ng gising? Ikinundisyon muna niya ang sarili bago muling iminulat ang mga mata. Ang
guwapong mukha ng kaniyang nobyo ang nakita niya. Fresh na fresh ito dahil bagong ligo.

"Good morning, love," sa halip ay wika niya. Nag-unat siya ng mga kamay at humikab. "Ano bang oras n
a?"

"Eight na, love. Hindi na kita ginising kanina at ang sarap pa ngtulog mo. Baka maudlot ang paglaki ni
baby kapag ginising agad kita. I think, you have enough sleep. Kaya ginising na kita ngayon. Ayaw ko rin
naman na magigising ka na wala na ako rito sa suite natin. I really need to go.

Eight ang call time ni Dark," tukoy nito kay Daizuke Niwa.

"Ano'ng mayroon? Ang aga naman ng meeting ninyo?"

Nang bumangon para maupo si Candy ay agad siyang inalalayan ni Mhorric.

"l don't know. Wala naman siyang nabanggit na agenda."

"Ganoon ba? Sige na. Pumunta ka na." Kaya na naman niyang kumilos.

"Pasensiya na, love—"

Nangingiting tiningnan niya ito. "Okay lang.

Kaya ko na ang sarili ko."

"You sure?"

Tumango siya. "Opo." Bumaba na siya sa kama.

Pero bago umalis si Mhorric ay yumakap pa ito kay Candy na ikinangiti niya. How sweet of him. Gumanti
siya ng yakap dito. Nang kumalas ito sa kaniya ay niyuko pa siya nito at kinintalan ng mabining halik sa
labi.

"Love, mali-late kang lalo. 'Di ba, may fines 'yon?" paalala pa niya rito.
"Opo, aalis na. Bye," isang halik pa sa labi niya bago nito hinayon ang palabas ng silid nila.

Bago puntahan ni Candy ang kaniyang pagkain sa may dining area ay hinayon muna niya ang banyo.
Naghilamos siya at nag-toothbrush.

Nagbawas din siya ng kaniyang panubigan.

Matapos niyon ay inasikaso na niya ang kaniyang pagkain. Hindi siya puwedeng mag-skip ng meal sa
umaga dahil hindi lang siya ang kailangan ng lakas, kundi ganoon din ang munting buhay sa kaniyang
sinapupunan.

Last day ng kaniyang pamilya sa UHB Leisure Club pero hindi man lang niya nagawang samahan ang mga
ito sa agahan.

Napabuntong-hininga siya.

Naligo na rin siya matapos kumain. Plano niya na puntahan ang kaniyang pamilya sa Club House pero
paalis pa lang siya nang tumunog ang door bell sa suite nila ni Mhorric.

Inisip niya na kapatid niya ang nasa labas.

Agad niyang hinayon ang pinto at binuksan. Natigilan pa siya nang makita si Paige Mori. Ang asawa ni
Keigo Mori na isa sa UI-IB Men Originals.

"Hi, Candy," ngiting-ngiti pa nitong bati sa kaniya.

"H-hi, Paige. M-may kailangan ka ba?"

Nakangitingtumango ito. "Puwede bang pumasok?"

"00," aniya na niluwagan pa ang pinto sa pagkakabukas. Sandali pa siyang natigilan nang makitang hindi
ito nag-iisa. Marami itong kasama na may kaniya-kaniyang dala na pumasok sa 100b ng suite. Ang isa ay
may dala pang malaking box na kulay puti. "A-ano'ng mayroon?" muli ay

baling niya kay Paige nang lapitan ito sa 100b.

"May bagong design ako na ilalabas sa market and I want you to wear it today."

"Bakit ako?"

Tiningnan siya nito mula sa ulo hanggang paa. Pagkuwan ay pabalik ulit sa kaniyang mukha. "l love your
body figure, Candy. Bagay na bagay sa aking design."

Kilalang fashion designer si Paige. Sikat na sikat ang mga design nito sa alta sociedado sa high society. At
ang mapili siya nito na magsusuot ng design nito? Parang kakapusin siya ng hininga dahil sa galak.

"Sigurado ka ba na ako talaga 'yong gugustuhin mo na magsuot ng design mo?"


"Uh-huh! So, mukhang fresh from the bath ka na rin. Can we start?"

Hindi ba siya puwedeng tumanggi rito? Mas mukhang nakapagdesisyon na nga rin talaga ito dahil dala
nito ang buong team nito.

Dahil abala siya sa pakikipag-usap kay Paige kaya hindi niya napansin na nakapag-setup na sa may salas
ang makeup artist at hair stylist na kasama nito. May ring light din na nakabukas na ang Îlaw. Isinara
naman ang curtain sa salas para walang liwanag na papasok mula sa labas ng bintana.

"Na-i-speechless ako, Paige."

"It's okay," matamis pa itong ngumiti sa kaniya. "First, kukuhanan muna kita ng sukat ng katawan mo
para makita ko kung may kailangang adjustment sa isusuot mong gown mamaya."

"Bawal bang tumanggi?"

"l don't take no for an answer, Candy."

Kung ganoon, bawal nga siyang tumanggi.

Huminga siya nang malalim bago tumango. "Sige. Sana lang ay 'wag mong pagsisihan na ako ang napili
mo," biro pa niya rito.

"Hinding-hindi."

Habang busy ang nobyo niya sa meeting ay heto siya at hindi niya inaasahan na magiging busy rin siya sa
umagang iyon.

Nagsimula na si Paige na kuhanan siya ng sukat ng katawan. Bawat numero na sabihin nito ay mabilis na
isinusulat sa blankong papel ng kasama nito.

"Okay. Done," muli ay nakangiting wika ni Paige sa kaniya. "Magpalit ka muna ng robe. Para madaling
magpalit mamaya after mong ayusan. Then, later, maupo ka roon," turo pa nito sa uupuan niya habang
aayusan siya mamaya.

Sinunod na niya ang utos ni Paige. Ginamit niya ang roba na nakuha niya sa banyo. Nang makalabas siya
sa silid na garnit niya ay muli niyang binalikan sa salas Sina Paige.

"I'll just check the gown. Can we use your

room? Doon ko na rin ilalagay ang gown dahil doon ka rin naman magbibihis mamaya," ani Paige kay
Candy.

Turnango siya. Hindi naman doon makalat kaya hindi siya nag-alangan. "Sige."

Inalalayan pa siya ng isang babae sa pag-upo sa upuan na may kataasan. Usual na ginagamit ng mga
makeup artist na upuan. Medyo nakaharap siya sa may ring light.
May part pa rin niya ang hindi makapaniwala na siya ang napili ni Paige para magsuot ng design nito.
Kinikilig ang puso niya. Tipong gusto niyang i-share kay Mhorric. Ngunit wala ito roon ngayon. Sinasarili
tuloy niya ang saya na nararamdaman niya.

May itinayo ring setup na white background para sa photo shoot mamaya kapag natapos siyang ayusan
at maisuot ang design ni Paige.

Pakiramdam ni Candy ay mayroong maliliit na mga paruparo na lumilipad sa kaniyangtiyan. Dahil wala
namang salamin sa harapan niya kaya wala siyang ideya kung ano na ba ang hitsura niya ng mga
sandaling iyon.

Habang inaayusan siya sa mukha ay inaayusan din siya ng buhok. Nilagyan pa siya ng hair extension para
humabang lalo ang buhok niya na medyo kinulot. Hindi nakapusod ang buhok niya, bagkus ay nakababa
iyon.

Nangangati na siya na makita ang hitsura

niya ng mga sandaling iyon. Habang abala ang lahat sa buhok at mukha niya ay mayroon ding abala sa
paglilinis ng kaniyang kuko sa kamay at paglalagay roon ng fake nails.

Pakiramdam ni Candy ay kulang na lang, pati buong katawan niya ay mayroong kumalikot.

Isang oras din at kalahati bago natapos ang overall transformation niya.

"Wow! You're so gorgeous, Candy," napabuntong-hininga pa si Paige habang nakangiting


pinagmamasdan ang ayos niya. "Bagay na bagay 'yong gown sa ayos mo ngayon.

Just like what I've imagined."

"Sigurado ka ba?"

Tumango si Paige. "Tara na sa room mo. Para masuot mo na 'yong gown. Guys," baling pa nito sa mga
kasama. "Good job," nakangiti pa nitong puri sa mga ito.

"Thank you, Ma'am Paige."

Nang makarating sa 100b ng silid na garnit ay agad siyang lumapit sa mirror wall para makita ang
kaniyang sarili. Bahagyang urnawang ang labi niya sa nakitang hitsura niya.

Lalo siyang na-speechless. Pakiramdam niya ay hindi siya ang nasa salamin. Napakaganda naman kasi.
Paano pa kung suot na niya ang gown na tinutukoy ni Paige na isusuot niya?

Turnagilid pa siya para makita ang buhok

niya. May nakalagay pang hair crystal vine sa kaniyang buhok. Para siyang Diyosa na nagkatawang tao.
Ganoong level.

"See? Napakaganda mo," muli ay puri ni Paige nang tabihan siya sa may salamin.
Aminado siya na napakaganda rin ni Paige. Pero dahil mas nakaayos siya ngayon, mas angat ang ganda
niya rito. Parang gusto niyang maging proud sa sarili niya na may mas igaganda pa rin siya kahit paano.
Na hindi siya nakakahiyang idikit sa mga naggagandahang asawa ng mga

Uh-IB Men.

"Nakaka-speechless," bulalas niya.

"Let's go, isuot mo na 'yong gown," ani Paige na hinawakan na siya sa may braso niya at iginiya palapit sa
may kama kung saan nakalatag ang gown na tinutukoy nito.

Natigilan na naman si Candy pagkakita sa gown na iyon. Seryoso? lyon ang isusuot niya? Napakalayo sa
gown na na-i-imagine niya simula kanina.

'"Y-yan ang isusuot 1<0?" hindi makapaniwalang tanong ni Candy kay Paige.

"Hmmm. Maganda ba?"

Turn ango siya. "0-00. Sobrang ganda." "Tutulungan kitang isuot. I'm sure, kasyang-kasya 'yan sa iyo."

May mabilis namang umalalay kay Paige

para maitayo ang gown na nakahimlay sa ibabaw ng kama.

Pinaalis din ni Paige ang suot niyang bra dahil hindi na raw iyon kailangan sa mismong gown. Tumalikod
si Paige at ang isa nitong assistant nang alisin na niya ang suot niyang roba. Ganoon din ang bra.

Nang maisuot niya ang gown ay saka lang humarap Sina Paige sa kaniya para muling i-zipper ang ibabang
bahagi sa likuran ng gown at ayusin ang laylayan niyon na sayad sa sahig.

Napalunok siya. Pagkuwan ay humayon ang tingin kay Paige.

"W-wedding gown ba ito, Paige?"

Ngumiti ito at tumango. "Maganda ba?" muli nitong tanong.

Turn ango siya. Kulang ang salitang maganda para i-describe niya iyon. Siguradong mamahalin ang gown
na iyon na kitang-kita ang kaelegantehan.

It was a champagne wedding dress. Princess off-shoulder Belle sleeves style. Backless ang likuran. The
gown decorated with appliques, beading, lace, ruffle, sequins and tassel.

"This is one of my luxury collection, Candy," inporma pa ni Paige sa kaniya. "Mayeth, makikikuha noong
shoes for Candy."

"Yes, Ma'am."

"Maupo ka muna, Candy," ani Paige na inalalayan siya paupo sa may bandang paanan ng kama.
"Okay lang ba talaga na ako ang magsuot nitong gown mo na ito?" Parang nakakatakot madumihan.

"00 naman, Candy. My pleasure. .. kung alam mo lang."

Si Mayeth pa mismo ang nagsuot sa napakaganda ring sapatos sa kaniya na may three inch lang na taas
ang takong.

"Carry mo kaya ang heels ng shoes, Candy? If not, papalitan natin 'yan ng mas mababa," ani Paige na
inalalayan siyang tumayo matapos maisuot ang high heels shoes sa kaniya.

Sinubukan niyang humakbang. Pagkuwan ay sinuluyapan si Paige. "Okay lang."

"How about the size?"

"Tama lang. Parang isinukat lang din sa paa ko," nakangiti niyang wika rito na ikinahinga nito nang
maluwag. Magaan ding ihakbang kaya hindi siya nahirapan.

"That's good to hear."

Nang muling lumapit si Candy sa harap ng mirror wall, nawalan na naman siya ng masasabi.

Sa isang iglap, para siyang naging isang prinsesa. Napakaganda ng wedding gown na iyon. Hindi niya
mapigilang imagine-in ang sarili na suot iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.

Hindi rin naman sila nagtagal sa silid at muli ring lumabas papunta sa may salas. Lahat ay namangha
nang makita siya.

"Napakaganda niyo PO, Miss Candy," puri pa sa kaniya ng mga naroon.

Bigla ay parang gusto niyang maiyak sa galak. "Thank you... pinaganda ninyo ako ng ganito ngayon."

May bagong dating din na photographer na kinuhanan siya ng mga larawan.

Si Paige naman ay makausap sa cellphone nito.

Matapos ng picture taking sa 100b ng suite ay sinabi naman ni Paige na pupunta na sila sa second
location ng kanilang photo shoot bago sila pumunta sa mismong main location.

"Pasensiya na, first time ko sa ganitong photo shoot. Hindi ko alam kung tunay bang perfect ang mga
shot ko katulad ng sinasabi ng photographer," ani Candy kay Paige.

"Ano ka ba? You look so natural sa mga shot mo and you look so gorgeous, Candy. Hindi mo kailangang
mailang, okay? Damahin mo lang 'yong pagiging Diyosa mo ngayon. Dahil ikaw ang pinakamukhang
Diyosa sa buong UHB Leisure Club."

Dahil sa mga kaganapan ay nakalimutan na

niya si Mhorric. "B-baka hanapin ako ni Mhorric pagbalik niya rito sa suite."
"Don't worry. I'll inform him para hindi ka mag-worry. Para kung gustong sumunod ni Mhorric sa
location natin, much better. So, shall we go?" pag-aaya na nito sa kaniya.

Tumango siya. May tatlong nakaalalay sa laylayan ng kaniyang gown dahil may kahabaan iyon.

Sa may pinaka-grand staircase nga ng Yadoya Hotel ay kinuhanan din siya ng ilang larawan.

At paglabas nila sa mismong hotel ay napaawang pa ang labi ni Candy nang makita ang isang
napakagandang white carriage. May isa ring unipormadong kutsero ang nakaupo sa unahan niyon. Ang
nasa harapan niyon ay dalawang puting kabayo na kitang-kita na may lahi dahil sa laki niyon. Mahaba rin
ang pony niyon.

"Ang ganda," hindi niya napigilang ibulalas.

"Diyan ba ako sasakay?" baling niya kay Paige.

"00. Don't worry, naka-convoy kami sa inyo. Hindi naman ako puwedeng sumakay riyan dahil may
videographer din na naka standby sa iyo. Magmumukha akong photoboomer sa shots mo," nakangiti
nitong wika.

Wala na rin siyang nagawa dahil iyon ang desisyon ni Paige. Sumang-ayon na lang siya. Agad naman
siyang inalalayan sa pagsakay sa puting karwahe.

Mas lalo niyang na-feel na para talaga siyang prinsesa na nasa isang fairy tale. Yes, UHB Leisure Club is
her fairy tale land.

Kung sana ay kasama niya sa sayang iyon ang kaniyang real life Prince Charming. .. mas triple siguro ang
saya niya.

Pero sigurado naman siya na magkikita sila mamaya. At sa isipin pa lang na iyon ay lalo siyang na-excite
na makita siya ni Mhorric sa ganoong ayos.

The Wolf Princess and...

Addie Hayes

"How many mates do you have,

Princess?' Kia asks] look over at h.

Chapter 90

"MOVE na tayo sa main location ng photo shoot natin. Naka-ready na rin doon," inporma ni Paige nang
lapitan nito si Candy. "Okay ka lang?" Turn ango si Candy. "Okay lang."

"Kaya pa ba? Hindi ka ba nahihirapan sa suot mong gown? I know its a bit heavy—"
"Okay lang, Paige. Mas mabigat pa rito 'yong binubuhat ko dati," nangingiti niyang wika. Kaya naman
niya ang bigat ng traje de boda na iyon. Napakaganda niyon para makaramdam siya ng pagod.

"Pero kasi, buntis ka ngayon."

"Promise, okay lang talaga."

Lapat naman kasi iyon sa damuhan kaya hindi siya totally nahihirapan. Kumbaga, hindi siya ang sumasalo
ng buong bigat ng gown na iyon. But still, concern na concern pa rin si Paige sa kaniya.

"Inom ka muna," ani Paige na inabutan siya ng mineral water na may straw.

"Thank you," aniya nang tanggapin iyon. Habang sumisipsip siya ng tubig sa straw ay may isa namang
staff na may hawak na portable na fan. Nakatapat iyon sa kaniya para hindi siya

mainitan. Ang kagandahan lang doon ay hindi mainit ang hangin. May kalamigan kaya hindi pa rin siya
pinagpapawisan. Idagdag pa ang palaging naka-standby na portable fan para sa kaniya.

Matapos niyang uminom ng tubig ay ni-retouch muna ng makeup artist ang kaniyang mukha. Inayos din
ng stylist ang kaniyang buhok. Nasa malilong na parte naman sila ng hardin sa Sunken Garden.

"Kailangan mo na itong isuot, Candy," ani Paige na may data-dala naman ngayongveil. "To complete the
drama," nangingiti nitong wika. "UHB Chapel ang next natin na location. So, you need to wear this."

Ang pin aka-hair stylist ang naglagay ng veil sa kaniyang ulo. May tiara rin na inilagay sa buhok niya.
Huminga nang malalim si Candy.

Gusto sana niyang makita ang sarili kung ano ang hitsura niya. Wari naman ay nakatunog si Paige sa nais
niya kaya ipinakuha nito sa makeup artist ang dala niyong salamin. Si Paige pa mismo ang nagdala niyon
sa kaniyang harapan.

"Mas pak na pak ngayon ang dating mo," walang paglagyan ang ngiti sa labi na wika ni Paige.

Pero may napansin si Candy nang tingnan niya si Paige. "Bakit parang naluluha ka, Paige?" "H-ha?"
nagulat pa nitong bulalas na agad nasalat ang gilid ng mga mata. "Tears of joy.

Natutuwa lang ako kapag. hindi agad nito maituloy ang nais sabihin. "Kapag may nagsusuot ng design ko
sa importanteng araw katulad nito.

It means a lot, Candy."

"Salamat kasi ako 'yong napili mo na m agsuot nito."

Ngumiti ito. Pagkuwan ay inabot sa makeup artist ang salamin. "You're welcome, Candy." Para bang may
nais pa itong sabihin pero hindi naman magawang isatinig. Sa halip ay inalalayan na siya pabalik sa
sinakyan niyang puting karwahe kanina. "Pagdating sa main location natin. Relax ka lang, okay?" paalala
pa ni Paige.
Tumango si Candy. Huminga siya nang malalim nang mag-umpisa ng umaandar ang kaniyang
kinasasakyan.

May napansin pa siya na nakasunod na drone sa kinasasakyan niya. Nasa tapat niya iyon sa may
bandang gilid niya. May camera sa harapan niyon kaya ngumiti siya roon. Matapos niyon ay lumipad na
iyon papunta sa unahan.

Siguro ay parte rin iyon ng photo shoot na iyon.

lyong pakiramdam niya ngayon, hindi niya mapigilan na mag-day dream na ikakasal siya. Ganoon din
naman ang sabi ni Paige kanina, i-feel lang niya na iyon ang big day niya. Para habang nakaharap siya sa
camera ay kitang-kita ang emotion niya as a bride.

Nang makarating sa UHB Chapel ay nagtaka

pa siya dahil nakasarado ang pinto ng chapel. Walang ibang sasakyan bukod sa kinasasakyan niya at sa
naka-convoy sa kanila kung saan naroon Sina Paige. Pero ang ganda ng ayos sa labas ng Chapel. Idagdag
na ang mga naggagandahan doong halaman at mga bulaklak.

Inalalayan siya sa pagbaba ng mismong kutsero ng karwahe. Hindi niya alam pero bigla ang pag-eksena
ng kaba sa kaniyang dibdib.

Huminga siya nang malalim para maibsan iyon.

Hindi naman nagtagal at nilapitan siya ni Paige. lginiya siya nito palapit sa may malaking pintuan
ngChapel na nakasara pa. May kalakihan ang Chapel na iyon na kasya ang buong pamilya ng lahat ng
UHB Men.

Inayos din ni Paige ang laylayan ng kaniyang suot na wedding gown.

"Later, bubukas ang pinto na 'yan, Candy. At kapag bumukas 'yon, maglakad ka lang papasok hanggang
sa may unahan ng Chapel. Okay?" bilin pa nito sa kaniya.

Turnango siya. "O-okay. Bigla akong kinabahan," aniya rito.

"It's normal," nakangiti nitong wika.

"Burnaba ka ng kaunti, Candy," ani Paige.

Sinunod niya ang nais nito. Inayos nito ang veil niya sa ulo. Kung kanina ay lahat ay nasa likuran lang
niya. Ngayon ay may inilagay na rin ito sa harapan niya. Pagkuwan ay muli siya nitong

pinatayo. Ang karwahe na sinakyan niya ay urnalis na rin.

May inabot pa na puting panyo sa kaniya si

Paige. Malambot iyon. "Keep this."


"Ma'am, 'yong bouquet PO," ani Mayeth na muling ibinigay kay Candy ang Ivory Rose na siyang bridal
bouquet niya para sa photo shoot na iyon.

"Ang perfect mo talaga ngayon, Candy," hindi na naman mapigilang puri sa kaniya ni Paige. Hindi
maikakaila ang paghanga nito sa kaniya.

"Lalo akong nahihiya, Paige," aniya rito.

"Don't. You're so beautiful. Anyway, it's almost time. Lalayo muna kami para hindi kam maging
photoboomer sa mga shots mo," anl Paige na muling binilinan siya na relax lang. Kasama nito Sina
Mayeth na hinayon na ng mga ito ang papunta sa gilid ng Chapel.

Naiwan siyang nakatayo sa harapan ng pinto ng Chapel. Hinihintay ang pagbubukas niyon.

Nakatitig siya sa hawak niyang bouquet.

Kaya naman nang mahagip ng upper vision niya na unti-unti ng bumubukas ang pinto ng Chapel ay unti-
unti rin ang ginawa niyang pag-angat ng tingin. May pumailanlang din na tugtog. Everyday I Love You.

Ngunit ang mas nagpatindig ng balahibo sa kaniyang mga braso ay nang makita ang 100b ng

Chapel. Ang akmang paghakbang tuloy niya ay hindi niya nagawa sa sobrang pagkagulat.

Maraming tao sa 100b ng Chapel.

Parte ba iyon ng photo shoot? hindi niya maiwasang itanong sa sarili.

Napalunok siya. Nang hayunin niya ang tingin sa mismong unahan ng Chapel ay nakita niya roon na
nakatayo si Mhorric. Hindi siya maaaring magkamali. Si Mhorric nga ang nakatayo roon. Para itong
prinsipe sa suot nito.

Naguluhan siya sa nangyayari.

"Later, bubukas angpinto na 'yan, Candy, At kapag bumukas 'yon, maglakad ka lang papasok hanggang
sa may unahan ng Chapel.

Okay?"naalala ni Candy na bilin sa kaniya kanina ni Paige.

Baka naman parte rin iyon ng photo shoot.

Ganoon na lang ang ipinagpalagay ni Candy.

Huminga muna siya nang malalim bago marahang naglakad papasok sa 100b ng simbahan.

"Walk like a bride, Candy. Il-feel mo na ito ang big day mo as a

Habang naglalakad siya ay hindi niya maiwasan na manayo ang mga balahibo niya. Naroon ang lahat.
Hindi niya ma-explain ang kaniyang nararamdaman dahil samut-sari na iyon.
Kaliwa't kanan ang flash ng camera sa kaniya.

Napaka-bongga naman masyado ng photo shoot na iyon dahil napakaganda ng simbahan. Maraming
bulaklak sa ceiling na nakalawit. Sa tapat mismo iyon ng kaniyang daraanan. Even the aisle. Ang gilid
niyon ay marami ring mamahaling bulaklak.

Halos mapigil ni Candy ang paghinga nang sa gitna ng aisle ay makita ang naghihintay sa kaniya na Sina
Nanay Rose at Tatay Henry. Mga nakabihis din na animo a-attend ng kasal.

"'N-Nay. . . T-Tay," aniya na may pagtataka. Ikinurap-kurap niya ang mga mata na namamasa dahil sa
tuwa na makita ang mga ito sa ganoon kagandang bihis. Bagay na bagay sa mga ito. "Hala, ang ganda
mo, 'Nay," aniya sa kaniyang ina nang humawak ito sa isa niyang braso.

"Mas maganda ka pa rin, anak," nakangiti nitong wika na ikinurap-kurap ang mga mata na nangingislap
nang makita siya. "Bagay na bagay sa iyo ang suot mo."

"Kayo rin PO, 'Nay," aniya na binalingan naman ang kaniyang ama. "Ang pogi ninyo lalo, 'Tay," puri din
niya rito.

"Nambola pa itong anak ko," anangtatay ni Candy.

Umangkla si Candy sa braso ng kaniyang ama. Bago sila nagpatuloy sa paglalakad papunta

sa unahan ngChapel.

Bakit ganoon? Parang totoong-totoo ang eksena ng mga sandaling iyon? Idagdag pa na naroon ang
lahat. Ang pamilya niya ay naroon din. Sa unahan, sa kaliwang parte ay naroon ang mga kapatid niyang
babae. Sa kanan naman ay naroon si Henrick habang buhat-buhat si Aivan. At sa mismong unahan ng
Chapel...

nakatayo roon si Mhorric na hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Katabi nito si Blair at si Lolo Delfin at Lola
Teresa.

Hindi nakaligtas sa kaniya ang emosyonal na awra ng kaniyang nobyo. Lalo tuloy bumibilis ang pintig ng
puso niya.

lyong utak niya, nagtatalo kung parte pa rin ba ng photo shoot ang mga kaganapang iyon? Para kasing
daig pa niya ang totoong nasa isang kasalan. Humigpit ang kapit niya sa kaniyang hawak na bouquet.

Lahat ay naroon. .. pamilya niya. . . pamilya ni

Mhorric. At ang buong pamilya nila sa UHB Leisure Club. Gustong mangatog ng mga tuhod niya.

Hinanap ng mga mata niya si Paige, ngunit hindi naman niya ito makita. Muli niyang ibinalÏk angtingin
kay Mhorric na hindi rin inaalis ang tingin sa kaniya.

Nang makarating sila sa unahan ay nilapitan sila ni Mhorric. Nagmano at yumakap pa ito sa
kaniyang mga magulang. Ganoon din ang lolo't Iola nito sa kaniya.

Hindi niya mapigilang ma-carried away sa mga nangyayari. C-in-ongrats pa sila ng mga ito. May pari din
sa may mismong harapan ng dambana ng Diyos.

Nang harapin siya ni Mhorric ay bakas ang pagiging emosyonal nito sa kabila ng humahanga nitongtingin
sa kaniya.

"Napakaganda mo, love," wika pa nito na kinuha ang isa niyang kamay at kinintalan ng halik ang likuran
niyon.

He's wearing a three piece suit ivory tuxedo. Bagay na bagay rito. Lalo na ang ayos ng buhok nito.
Mukhang ito talaga ang Prince Charming na hinihintay niya.

"Love," hindi na niya napigilang ibulalas.

"A-akala ko ba, may meeting kayo sa Club

"Tapos na 'yong meeting kanina pa."

Kung ganoon, kaya siguro naroon ang lahat?

"Kasali rin ba kayo sa pa-photo shoot ni

Paige para sa latest collection niya?"

Hindi nasagot ni Mhorric ang tanong niya nangtumikhim ang pari sa harapan nila. "Let's start the
wedding ceremony."

Umawang ang labi niya. "S-sandali. Walang nabanggit si Paige na may kasamang wedding

ceremony ang photo shoot niya na 'to."

Pigil ang mapatawa ng iba dahil sa reaction na iyon ni Candy.

Inalalayan siya ni Mhorric papunta sa harapan ng pari kung saan naroon ang kanilang uupuan.

"Love," baling niya rito.

Inilapit ni Mhorric ang bibig nito sa may tainga niya. "Calm down. This is a real wedding ceremony, love,"
bulong nito kay Candy.

Para siyang itinulos sa kinatatayuan sa narinig mula sa nobyo.

This is a real wedding ceremony, love.. . para iyong batingaw sa kaniyang pandinig. lyong ulo niya,
pakiramdam niya ay biglang lumaki. Parang hihimatayin ang pakiramdam niya sa sinabing iyon ni
Mhorric.
Totoong wedding ceremony iyon? Wedding nila ni Mhorric? Pero wala pa silang napag-uusapan tungkol
sa kasal nila. Pero hayon siya sa Chapel na iyon na bihis na bihis ang buong lugar para sa isang totoong
seremonya ng kasal Naroon din ang buong pamilya nila.

Napalunok si Candy. Halos ayaw pa ring mag-sink-in ng mga nangyayari sa kaniya.

Nagsimula ang seremonya ng kasal. Si Mhorric ay hawak ng mahigpit ang kaniyang kanang kamay. Pinisil
pa niya ang kaniyang

braso. Masakit iyon.

Hanggang sa dumating sa punto na unti-unting manubig ang bawat sulok ng mga mata ni Candy. Totoo
ang lahat ng nangyayari.

Palabas lang ba ni Paige ang Photo Shoot?

Surprise na naman ba iyon? Gustong-gusto niyang lingunin ang mga UHB Men Originals na nasa bandang
likuran lang nila. Sigurado siya na ang mga iyon na naman ang may pakana niyon. Mga mas atat pa na
makasal sila ni Mhorric.

Kumibot ang labi niya. Mukhang siya naman ngayon ang naisahan ng mga ito.

Paniwalang-paniwala pa naman siya na para lang iyon sa photo shoot ng latest collection ng wedding
gown na design ni Paige. Napakagaling ding artista ng asawang iyon ni Keigo Mori. Kaya pala iyongsaya
sa mukha ni Paige kanina na halos maiyak pa ito ay kakaiba. Parang may mas malalim na
pinaghuhugutan.

"Na-prank nila ako, love," ungot niya sa nobyo. Pinigil niyangtumulo ang luha mula sa mga mata niya.
Agad niyang idinampi sa sulok ng kaniyang mga mata ang hawak niyang panyo na binigay pa sa kaniya ni
Paige kanina.

"Same here, love. Hindi ka nag-iisa."

Kung ganoon, pati ba ito ay napaniwala rin katulad niya?

Humayon angtingin niya sa dambana ng

Diyos. Parehas silang nakaharap doon ni Mhorric.

At sa puntong iyon, animo may kung anong mainit na bagay na para bang humaplos sa kaniyang puso.

Hindi pa rin maiaalis kay Candy ang shock para sa kaganapan na iyon. Pero masaya siya. . . masaya siya
na pinag-effort-an sila ng mga importantengtao sa buhay nila para sa araw na iyon. They even make
stories para lang hindi nila maisip na para sa kanila talaga ang sandall' na iyon.

"FIRST of all, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari 'to," pigil ang maluha na wika ni Candy
habang may microphone na nakatapat sa may labi niya. Nakatayo siya paharap kay Mhorric. Sumulyap
pa siya sa crowd. "Buong akala ko, may photo shoot lang akong gagawin kaya ako inayusan ng ganito
kaganda. Pero sobrang nag-feeling-era din ako na ikakasal ako suot ang ganito kaganda na traje de boda
na gawa pa mismo ni Paige Mori. Paige, kung nasaan ka man, sobrang napaniwala mo ako kanina sa pa-
photo shoot mo. Hindi ko expected na totohanan na pala ito. Sa totoo lang, pakiramdam ko,
mahihimatay ako kanina sa sobrang shock. Sinikap ko lang control-in 'yong emotion ko." Huminga muna
nang malalim si Candy bago tiningnan si Mhorric. "Love, sorry, lutang pa rin 'yong isip ko," aniya na
kumibot pa ang labi dahil naluluha na naman siya. "Basta. . . basta, mahal na mahal kita. Masaya ako na
ikaw 'yong ibinigay sa akin ng Diyos para maging partner ko habang-buhay. Maraming darating na
struggles, pero, pangako, kakayanin ko para sa pamilya natin. Hindi kita tatalikuran basta-basta. Sa
panahon na down ang pakiramdam mo, palagl mong tatandaan na narito ako para sa iyo," lumunok siya
para alisin angtila bara sa kaniyang lalamunan. "Kung may problema ka na gusto mong mapag-usapan,
sabihin mo langsa akin. Handa akong makinig sa iyo. Sa saya... sa hirap at sa ginhawa, narito lang ako
para sa iyo. Mahal na mahal kita, love."

Sa huli ay hindi rin napigilan ni Candy ang pagtulo ng kaniyang luha sa mga mata. She's too emotional.
Maingat na idinampi ni Candy ang panyo sa pisngi at gilid ng kaniyang mga mata. Lalo na at nag-sink in
na sa kaniya ang nangyayari ng mga sandaling iyon. lyong saya sa puso niya. Halos wala ring paglagyan
ngayon.

"Love," panimula ni Mhorric na hinawakan ang dalawa niyang kamay. Mukhang kumukuha roon ng takas
ng 100b. "Even before, I've already imagined things just like this. 'Yong nakatayo ako sa unahan
ngsimbahan habang hinihintay ang pagdating mo. . . ang paglalakad mo palapit sa akin." Ikinurap-kurap
ni Mhorric ang mga mata nito. "Pero wala sa hinagap ko na ngayon ko ito mararanasan. Anyways, thanks
to Daizuke Niwa, anito na sandaling sinulyapan si Daizuke sa kinaroroonan nito na may ngiti sa labi.
Bago muling ibinalik angtingin kay Candy. "Nainip daw siya na makita tayo na dumating sa ganitong
tagpo. Tutal, narito na rin naman daw ang family natin, bakit hindi pa gawin ngayon? He's indeed a King
of this place. Wala siyang ginusto na hindi nasunod. Pinangunahan mo na naman ako, Dark," ani Mhorric
kay Daizuke. "Thank you for your never ending support. I know, I owe you a

lot."

"Just be happy," may kalakasang wika ni Daizuke kay Mhorric.

Lalo tuloy nangislap ang mga mata ni Mhorric. "Sorry. Hindi ko lang din mapigilan na hindi maging
sobrang emotional today," ani Mhorric na dinampian ng panyo ang mga mata. "Napakasuwerte ko lang
na kahit wala na 'yong kapatid ko at mga magulang 1<0, dahil sa inyo, daig ko pa 'yong nagkaroon ng
instant na mga kapatid. UHB Men Originals, kayo 'yong tumayong mga kuya ko. Thank you so much. Lalo
na sa best actor kong kaibigan, Blair. Diyos na ang bahala sa inyong lahat."

Maging si Candy ay dama rin ang emosyon na iyon ni Mhorric. Napakababait naman kasi talaga ng grupo
ni Daizuke Niwa. Hindi

nagdadalawang isip na gumawa ng effort.


"Love, patatayuan na ba nati ng rebulto si Daizuke Niwa?" tanong niya sa nobyo na ikinatawa ng mga
naroon.

"Malapit na, Love," nangingiting sagot ni Mhorric sa kaniya. Tumikhim ito bago muling nagpatuloy sa
pagsasalita. Sa kaniya na natuon ang tingin nito. "l know how shock you are, love. Pero narito na tayo.
Mamaya lang, totoong Misis na kita at totoong Mister mo na rin ako. 'Yong mga past mistake ko, alam
ko hindi ko na 'yon mababalik pa. But, I promise, hindi na mauulit 'yon. O kung maulit man, pag-uusapan
natin 'yon ng maayos. Gusto ko sanang mangako pa. . . pero mas okay pa rin kung gagawin ko na lang
kaysa daanin ko pa sa pangako. But one thing is for sure, I'll make you happy everyday, love. Kahit
magsawa ka sa akin. Ikaw langdin 'yong mamahalin ko ng ganito hanggdang sa dulo ng hininga ko. I love
you. 'till death do us part."

"l love you more," ganting wika niya rito. Kung wala lang veil sa ulo niya ay nahagkan na niya ito.

Nang magpatuloy ang seremonya ng kasal, muli ay mahigpit na hawak ni Mhorric ang kanang kamay ni
Candy.

"l now pronounce you man and wife. You may kiss your bride, Mister Soliven," an ang pari kay Mhorric.

There, ngiting-ngiti lalo ang ngayon ay asawa na ni Candy na si Mhorric nang humarap sa kaniya.

"Excited yan?" biro pa niya sa asawa.

Ang sarap sa pandinig. Lalong kinilig ang puso niya. Kasal na sila sa wakas. Kung noon ay engage lang sila.
Ngayon, heto, mag-asawa na sila ni Mhorric.

Matapos itaas ni Mhorric ang veil na nasa harapan ni Candy at ilagay sa parteng likuran niya ay
humawak pa ang dalawang kamay ni Mhorric sa magkabilang balakang ni Candy. Pagkuwan ay burnaba
ang mukha nito palapit sa mukha niya. Ipinikit ni Candy ang mga mata nang maglapat ang mga labi nila
ni Mhorric.

First kiss of being, Mrs. Soliven...

Chapter 91

SA MISMONG reception area ng kasal nina Candy at Mhorric, na ginanap sa pavilion hall na nasa may
Club House ay doon na bumuhos ang pinipigilang emosyon ni Candy.

Nasa unahan sila ng pavilion at nakaupo sa animo pang hari at reyna na upuan.

"Thank you so much po sa inyong lahat. Lalo na kay Mister Daizuke Niwa," ani Candy gamit ang
microphone na wireless. Dahil siguro sa kundisyon din ni Candy bilang isang buntis kaya naman
napakaiyakin din niya ng mga sandaling iyon. Tila ba, hindi mauubos ang kaniyang luha. Luha dahil sa
galak. "Simula nang tumuntong ako sa lugar na ito, napakaraming surpresa na naranasan 1<0. Mga
surpresa na hindi ko inakala na mangyayari din sa isang katulad ko. Akala ko, 'yong surprise engagement
na 'yong masasabi ko na malala na nangyari. May kasunod pa pala. Hindi ko naisip na posibleng
mangyari ito. Tipong agad-agad. Na matatapos 'yong bakasyon namin dito, kasama ang buo naming
pamilya, na masasaksihan din nila 'yong ganitong ganap sa buhay namin. Hindi pa rin ako makapaniwala
na kasal na kami ni Mhorric. Masaya ako, sobra pong saya. To the point na hindi ko na talaga mapigil
itong mga luha 1<0. Hanggang ngayon, nagpapasalamat pa rin ako kasi nariyan kayo. 'Yong mga tao na
hindi ako kailanman hinusgahan kahit na 'yong background na pinanggalingan ko, walang-wala sa
kalingkingan ninyo. Kayo 'yong nasa high society na hindi nagparamdam sa akin na iba ako sa inyo, mas
pinaramdam ninyo sa akin na belong ako sa inyo. Noong una, kaya sobra din akong nag-aalangan kay
Mhorric," aniya na huminto sandali sa pagsasalita at nagpahid ng luha garnit ang tissue na nasa tissue
box.

Sinulyapan pa ni Candy si Mhorric nang hawakan nito ang isa niyang kamay. Bahagya pa nito iyong
pinisil. Nginitian niya ito para iparating dito na okay lang siya. Gusto lang niyang mag-share ng saloobin.

Huminga muna si Candy nang malalim bago nagpatuloy sa kaniyang speech.

"Nag-alangan ako noon kay Mhorric kasi malinaw naman na hindi ako bagay sa isang katulad niya.
Pakiramdam ko, suntok sa buwan na totoong magustuhan niya. Mas gusto kong maging realistic noon
sa sarili 1<0. Sinabi ko rin naman sa kaniya noon, noong inaalagaan ko pa siya sa Tagaytay, noong
magkaroon siya ng sakit... na kung mag-aasawa ako, mas pipiliin ko pa rin 'yong taong kapantay ko lang.
Kasi mahirap mangarap ng mas mataas. Baka bumagsak lang

ako sa hull* mula sa itaas. Mas masakit 'yon. Kaya kahit nagtatalo 'yong puso't isipan ko, umalis ako ng
walang paalam kay Mhorric. Bukod sa natatakot akong sumubok, napakarami ring 'what if' na naiisip ko.
Gusto ko langdin ibagay 'yong sarili 1<0. Wala naman ako sa fairy tale, eh. Pero makalipas ang isangtaon.
. . muli kaming magkikita sa hindi na naman inaasahan na pagkakataon." Hindi niya mabanggit iyong
ginawa niyang trabaho dahil naroon ang pamilya nila. "Hindi ko ini-expect na hindi pa rin pala siya
nakaka-move on sa akin," nangingiti niyang wika habang nangingislap ang mga mata.

Binalingan pa niya si Mhorric na nangingitl rin sa tabi niya.

"Sana, pinag-isip niyo muna si Mhorric ng sampung beses kung gusto na niyang magpatali sa akin,"
binalingan niya Sina Daizuke na napatawa pa sa kaniyang sinabi.

"Love," ani Mhorric na ginamit na ang mic na nasa tabi nito. "Alam mo naman na hindi ko na 'yan
kailangan pang pag-isipan dahil noon pa lang ay na-vision ko na ito na mangyayari din sa atingdalawa.
Ang kaibahan lang, naunahan na naman ako nina Dark. I think, we're really in a fairy tale land. You see?
Ang clami ko ritong fairy godfather. Isang pitik lang ng kanilang kamay, nagiging posible ang mga
imposibleng bagay."

"Mhorric," ani Daizuke. "Don't thank me for

everything, after this wedding, babayaran mo lahat ng gin astos ko."

Ganoon na lang ang tawanan ng mga tao sa sinabi ni Daizuke.


"Haaay, akala ko naman sagot mo na. Mag-speech pa naman ako. Salamat na lang sa lahat. Sa mga
magbibigay po riyan ng gift, makiki-cash na lang po at ng may maipambayad kaming mag-asawa kay
Dark. Alam kong biglaan ito, kaya siguro, hindi na rin kayo nakapag-isip kung ano na ang ibibigay ninyong
regalo. Cash na lang. Puwede ring cheque kung wala kayong cash na dala. Kahit magkaano ay buong
puso naming tatanggapin dahil kapag napagsama-sama 'yan ay malaking halaga rin po 'yan." lyong luha
tuloy ni Candy ay tila ba urnurong na dahil sa mga pinagsasabi nina Daizuke at Mhorric. Hindi alam ni
Candy kung seryoso ba o hindi ang mga ito sa naging palitan ng usapan. But knowing, Daizuke Niwa,
wala pa naman siyang nabalitaan na siningil nito si Mhorric noong na-engage sila. Maging sa muli nilang
pagkikita matapos ang isang linggo.

"Mhorric, 'wag mo na rin akong hihingan ng gala, ha? Sagot ko na 'yong Chapel," wika pa ni Daizuke.

"'Yon na 'yon? Ang kuripot mo naman," ani Keigo rito.

"O, bakit, ano'ng igagala mo sa

m ag-asawang Soliven?"

Tumikhim si Keigo bago hiniram ang mic na hawak ni Daizuke. "Hindi pa man lumalabas ang anak ninyo,
Mhorric at Candy, pero bibigyan ko na 'yan ng libreng education sa Mori High. From Nursery to College.
Okay na ba?" ngumisi pa si Keigo kay Daizuke. Si Keigo Mori kasi ang siyang namamahala sa buong Mori
High. From Academy to University. The most prestigious school in the country.

"Wow, ha? S-in-ecured mo na ang pag-aaral ng anak ko. Isang anak lang ba ang cover niyan? Balak kasi
namin ni Candy, isang dosena ang magiging anak namin," birong-hirit pa ni Mhorric. "Kahit dalawang
dosena pa, Mhorric," ani Keigo.

"Naka-record 'yan, Keigo," may ngiti sa labi na wika ni Mhorric.

Nagpatuloy ang kasiyahan. Ang saya ay hindi maikakaila na urnaapaw ng mga sandaling iyon. Dahil
galing sa pag-iyak si Candy kaya naman ni-retouch pa siya ng makeup artist niya.

Ginawa rin nila ang traditional na pagsayaw sa gitna ng dance floor.

Ngunit kakaiba ang style ng mga sandaling iyon. Sa halip na sabitan sila ng cash sa damit ay mayroong
inilatag na kiddie pool na inflatable sa gitna. Nasa harapan nila iyon.

"Mag-su-swimming ba tayo?" biro pa niya

kay Mhorric.

"l don't know. Para saan ito?" tanong pa niya sa host ng kasal nila.

"Para po 'yan sa magbibibay ng gala sa inyo," nakangiti niyong tugon.

"Hindi po kumpleto ang event kung wala ang gala."


"Pero bakit pool ang inilagay ninyo?" "Pool of gala po ang tawag diyan."

Nagkatinginan tuloy sila ni Mhorric.

Mukhang maging ito ay hindi iyon expected.

"Sa mga nais pong magbigay ng gala sa ating newly wed na Sina Mister and Misis Soliven, the floor is
now open," anunsiyo ng host.

Nagsayaw sila sa saliw ng malamyos na musika na Let's MakeA Memoryni Rex Smith.

Nakahawak ang dalawang kamay ni Mhorric sa kaniyang baywang. Habang ang mga kamay naman ni
Candy ay nakayakap sa may batok ni Mhorric. Ang mga mata nila ay kapwa hindi mapuknat sa
pagtititigan. Punong-puno ng pagmamahalan.

"Gusto ko 'yong kanta na 'yan," ani Candy kay Mhorric.

Ngumiti maging ang mga mata ng kaniyang asawa. "Let's Make A Memory?" wika pa nito sa title niyon
na tinanguan ni Candy. "Tatandaan ko 'yan," wika pa nito na yumuko at ginawaran siya ng haliksa labi.

"Waaah!" reaksiyon ng host kaya naman naghiwalay agad ang mga labi nina Mhorric at Candy at
tiningnan kung ano iyon.

Maging si Candy ay napaawang ang labi nang makita si Blair na may dalang itim na attache case. May
laman iyong lilibuhin na itinaktak nito sa 100b ng pool.

"Best wishes!" nakangiti pang wika ni Blair sa kanila.

"Wow, ang galante naman ng BFF ni Mister Soliven," puri pa rito ng event host.

"Alam kong barya lang sa iyo 'yan," nakangising wika ni Mhorric sa kaibigan. "Thank

Parang malulula yata si Candy nang literal na puro limpak-limpak na cash ang ibigay sa kanila ng mga
naroon. Perks of being in a billionaire society.

Inihilig ni Candy ang kaniyang ulo sa dibdib ni Mhorric. "Love, balak ba nilang punuin ang kiddie pool na
'yan?" hindi niya napigilang itanong.

Napalunok si Candy. Dahil ordinaryong galaan lang ang nasasaksihan niya sa mga kasal na na-attend-an
niya noon, kaya naninibago siya sa klase ng galaan dito sa UHB Leisure Club.

Si Sire Fiorano naman ay kakaiba. Lumapit itong walang kahit na anong dala. Pati host ay nagtataka.

"Sorry, wala akong cash. Hindi uso sa akin, ngumisi pa si Sire. Dumukot ito sa bulsa ng suot nitong coat
at itinapat ang kamay nito sa 100b ng inflatable kiddie pool. Susi ang hawak nito. "Susi lang ng latest
Ferrari ang dala ko. Kunin mo na lang sa labas," ani Sire bago inihulog sa kiddie pool ang susi. "Best
wishes," nakangiti pa nitong wika bago tumalikod matapos nilang magpasalamat.

MATAPOS magsayaw ni Mhorric at Candy, na literal na nakapuno ng isang kiddie pool ng limpak na pera,
sunod naman na nag-sayaw kay Candy ay ang kaniyang ama. Pumapailanlang pa lang ang intro ng Dance
With My Fatherni Luther Vandrossay namasa na agad ang mga mata ni Candy nang tuluyan siyang
lapitan ng kaniyang ama.

Agad siyang yumakap dito nang makalapit ito sa kaniya.

Tay," anas niya. Hindi niya mapigilan ang mas maging emosyonal. Parang kailan lang nang magpaalam
siya rito na pupunta sa Pagbilao City para maghanap ngtrabaho. But the truth is, iba talaga ang pakay
niya. Tapos heto sila ngayon, sa lugar na iyon. Sa araw ng kaniyang kasal. .. "Salamat sa lahat, 'Tay."

"Candy, anak, ako ang dapat na magsabi niyan sa iyo. Sa darni mo ring sakripisyo para sa pamilya natin.
Kahit nakakahiya sa parte mo dahil ako lang ang dapat na gurnagawa ng mga 'yon, hindi ka naman
papigil."

"'Tay, kahit ibalik pa ako sa panahon na nagtapos ako sa high school noon, pipiliin ko pa rin kung ano ang
pinili ko noon. At 'yon ay ang tumulong sa inyo ni Nanay. Hindi ko pinagsisihan 'yon, 'Tay. O ang
magtampo dahil hindi ninyo ako nagawang mapag-aral. Naiintindihan ko naman po ang sitwasyon natin
noon. At masaya ako na nakatulong ako sa inyo ni Nanay. Proud po ako roon ."

"Mas proud na proud sa iyo ang Tatay, anak. Wala akong hinangad kundi ang maging masaya ka rin para
sa sarili mo. At heto na 'yon. Maging mas matatag sana ang pagsasama ninyo ng iyong asawa. 'Wag mo
kaming kaisipin ng mga kapatid mo at ng Nanay mo. Ayos lang kami. Mas mag-focus ka ngayon sa
magiging pamilya mo.

Marahan siyangtumango. "Pero hindi pa rin po maaalis sa akin na isipin kayo. Dahil pamilya ko kayo."

"Kaya nga pinananatili kong malakas ang

aking katawan at malayo sa sakit para hindi ka mag-alala. Ganoon din ang Nanay mo."

Humigpit ang yakap niya sa kaniyang ama.

"Mahal na mahal ko po kayo, 'Tay."

"Mahal na mahal din kita, anak," madamdamingtugon sa kaniya ng kaniyang ama.

"READY? In three... two. one!" pagbibigay go signal ng host.

Huminga muna nang malalim si Candy bago inihagis papunta sa likuran niya ang hawak niyang bouquet,
kung saan naghihintay ang mga single ladies na nasa wedding reception ng mga sandaling iyon.

"OMG!" narinig na palirit ni Candy bago niya nagawang lumingon kung sino ang nakasalo niyon.
Napangiti si Candy nang makita ang girlfriend ni Art Guererro na siyang nakasalo ng bulaklak.

"Hon! Kailangan mo na talaga akong pakasalan. Heto na angsign. 'Wag ka ng magpatumpik-tumpik pa.
Naunahan pa tayo nina Mhorric at Candy. Gusto mo pa yata na magkalayo tayo ng ten years bago mo
maisipan na sana pala pinakasalan mo na ako," biro pa nito na

ikinatawa nila.

Pinagkakantiyawan tuloy ng mga UHB Men si Art.

"Baka naman!" hirit pa ng isa.

"Darating din kami riyan. Malalaman niyo na lang na kasal na kami," ani Art.

"Mukhang may mate-terminate ako rito ng wala sa oras," ani Daizuke.

"Naku, Art! Ayaw na ayaw ni Dark na hindi na-i-invite sa kasal ng mga member niya rito sa UHB Leisure
Club," ani Natzu kay Art.

"Nagtatampo 'yan."

"Sabi ko nga, si Dark agad ang kauna-unahang makakaalam kapag magpapakasal na kami ng girlfriend
ko," mabilis na bawi ni Art sa sinabi nito kanina.

"Mabuti na 'yong malinaw," ani Daizuke.

Nang lapitan ni Mhorric si Candy ay sandali itong niyakap ni Candy. Kinintalan naman siya ng halik sa labi
ni Mhorric.

Mayamaya pa ay pinapunta ang girlfriend ni Art sa gitna ng dance floor at pinaupo sa isang silya. Ganoon
din si Uno na siyang nakasalo ng garter na inihagis ni Mhorric kanina.

"Uno, ngayon pa lang ay pinaaalalahanan na kita na hanggang sa tuhod lang 'yang garter na hawak mo.
Kapag tumaas pa 'yan sa tuhod ng girlfriend 1<0, aabangan kita sa labas," banta pa ni

Art kay Uno.

"Gusto mo pa, hanggang sa binti lang, eh," balewalang sabi ni Uno.

"Game na PO. Isuot na po natin kay soon-to-be-Mrs. Guererro ang garter, Mr. Montejero," an ang event
host.

"Higher!" chant ng marami.

Sina Dos at Tres naman ay nakahawak pa sa magkabilang braso ni Art.

"Bro, higher! 'Wag kang mag-alala ba-back-up-an ka namin ni Dos kapag pumalag itong si Art," ani Tres
sa kapatid
"Damn you, triplets. Umayos kayo kung ayaw ninyong pagbuhulin ko kayong tatlo," apila ni Art. "Let go
of me."

Wala namang umaawat kina Dos at Tres. Para bang pinagkakatuwaan pa ng mga UHB Originals na inisin
si Art.

Tila nananadya naman si Uno na akmang itataas pa ang garter sa itaas ng tuhod ng girlfriend ni Art.

"Uno!" Art hissed.

Natatawa namang tinigilan na ni Uno ang legs ng girlfriend ni Art. Si Uno pa mismo ang nagbaba ng
laylayan ng suot nitong dress.

"That's enough. Baka bumulagta na lang si Arthur Guerrero ng wala sa oras," nakangisi pang wika ni
Uno.

Masigabong palakpakan naman ang pumuno sa paligid.

"Wala bang kiss diyan? As a friend?" hirit pa ng event host na tila rin tini-teased si Art.

"You wanna die?" baling doon ni Art.

"Just kidding, Sir."

Walang paglagyan ang ngiti ni Candy habang pinapanood ang mga UI-IB Men. Those men... hindi lang sa
pagiging generous magaling. Pero numero uno ring makukulit. Pikon talo, ika-nga.

Naalala tuloy niya si Mhorric noong panahon na literal na pinagkaisahan ng mga magkakaibigan.

Chapter 92

"BAKIT dito sa Tagaytay mo naisipan na i-spend ang honeymoon natin? Puwede naman tayong pumunta
sa magagandang tourist destination dito sa Pilipinas. Puwede rin sa abroad kapag okay na 'yong passport
mo."

"Na-miss ko 'yong Taal Volcano," ani Candy na pinagsasawa angtingin sa kagandahan ng view ng Taal
Volcano Island.

'"Yon lang?"

"Biro lang," mabilis na bawi ni Candy habang nangingiti. Binalingan niya ang kaniyang asawang si
Mhorric.

Nang mga sandaling iyon ay nasa rest house sila ng mga ito sa Tagaytay. Lugar kung saan sa
pangalawang pagkakataon ay muli silang nagpanagpo ng landas noon. Nakatambay silang mag-asawa sa
terrace ng silid ni Mhorric sa bahay na iyon. Silid na siyang gagamitin nila habang naroon sila.
Yumakap si Candy kay Mhorric. "Ang totoo niyan, na-miss ko 'yong lugar na ito. Gusto ko lang ding
balikan. Ang darning good memories dito, love."

"Bakit? Dito ka rin ba unang nahulog sa akin?"

Saka lang bahagyang kumalas si Candy mula sa pagkakayakap kay Mhorric. "Unang nahulog sa iyo?"
umiling si Candy. "Hindi dito."

"So, ibig mong sabihin, hindi ka talaga nahulog sa akin noon, noong narito tayo?"

"Pangalawa lang itong lugar na ito, love." Nginitian niya ito. "Akala ko noon, imposibleng mangyari 'yong
ma-love at first sight ka sa isang tao. Na hindi 'yon totoo. Pero posible pala noong ako na 'yong naka-
experience noon. Sa Tomas Morato pa lang, kahit sasandali lang tayong nagkasama noon. Malaki 'yong
impact na iniwan mo sa akin. Hindi dahil thankful lang ako sa iyo dahil iniligtas mo ako noon sa drug raid.
Pero dahil naranasan ko rin 'yong ma-love at first sight sa isang tao. Noong unang beses kong ituon 'yong
tingin ko sa iyo. .."

Wagas na naman ang naging ngiti ni Mhorric.

Rea I

Turnango siya. "00. Alam ko naman na hindi mutual 'yong naramdaman natin noon dahil nasa isang
relasyon ka pa—"

"Malabong relasyon," putol nito sa kaniyang sasabihin. admit, you're so attractive that n ight."

"KUUU! Baka tinulungan mo lang ako dahil attractive ako masyado noong gabi na 'yon?
Pinanghinayangan mo na mapupunta lang sa kulungan itong ganda ko na ito," biro pa niya. "Geez. Of
course not!" natatawa nitong react. "Sabi ko naman sa iyo noon na narinig ko 'yong usapan ninyo ng
kasama mo. I know, hind mo gusto 'yong nangyayari. Noong namatay si Sugar, wala akong nagawa para
mailigtas siya. Kaya, parang may nag-urge sa akin na iligtas kita sa nagbabantang kapahamakan sa buhay
mo. Hindi mo naman 'yon ginusto. Kaya noong gabi na 'yon, hindi ko inaalis ang tingin ko sa iyo. Hindi ko
rin naman expected na may mga PDEAsa bar nang gabing iyon. Kaya pagtayo ko, para bang automatic,
'yong katawan ko ay sa iyo agad pumunta."

"Gusto mo lang talaga akong tulungan

"Kasama na 'yon. Tho, deep inside, may paghanga ako sa iyo na ayaw kong i-entertain that time. Kahit
na may problema na ako noon sa relasyon namin ng ex ko, there was a time na pumapasok ka pa rin sa
isip ko. Kung kumusta ka kaya after ng nangyari na 'yon?"

"Tapos, isang araw, makikita mo ulit ako sa lugar na ito," nangingiti niyang wika rito. Muli siyang humilig
sa dibdib ng kaniyang nobyo at tinanaw ang kagandahan ng Taal Volcano.

"Destiny. Noongtime na 'yon, hinayaan ko na rin 'yong sarili ko na mapalapit sa iyo. Dahil kahit ako, hindi
ko rin mapigilan." Napangiting lalo si Candy.
Sila langdalawa ni Mhorric ang nasa rest house mansion ng mga ito sa Tagaytay. Para daw solong-solo
nilang mag-asawa ang lugar na iyon.

Walang istorbo, ika nga ni Mhorric.

"Gusto mo bang pumunta tayo sa mismong Taal Volcano Island?" mayamaya ay suhistiyon pa ni Mhorric
kay Candy.

Napatingala tuloy siya sa asawa. "Puwede bang purnunta roon?"

"Of course. Puwedeng pumasyal doon basta may tour guide kang kasama."

Sunod-sunod ang naging pagtango niya.

"Gusto ko. Mukha namang safe pumasyal doon." "Hindi ka ba natatakot na baka bigla na lamang
pumutok ang bulkan?"

"Love, 'wag mo ngang sirain ang momentum ko. Hindi mangyayari 'yon. Saka matagal ng natutulog ang
bulkan na 'yan."

"Pero nagkaroon ng steaming before."

"Pero hindi siya sumabog," kontra niya. "Love, tigilan mo na 'yang topic na 'yan, baka mamaya,
magkaroon pa ako ng anxiety."

"Sorry," nangingiti nitong wika na niyakap siya nang mahigpit at pinupog ng halik sa pisngi. Pagkuwan ay
hinagkan sa kaniyang labi. "l love you."

"l love you more," aniya na turningkayad at kinintalan ito ng halik sa labi nito.

"Tara sa 100b," mayamaya ay pag-aaya nito. "Bakit?"

Ngumiti lang ito ng matamis bago siya hinila papasok sa 100b ng silid nila. Ang ngiting iyon ng kaniyang
asawa. Ngiti na may binabalak na naman.

"Love, hindi ka ba napapaisip na baka mamaya niyan, sa halip na isa lang 'yong nasa tiyan ko, eh,
dumami sila?" ani Candy kay Mhorric nang makapasok sila sa silid nila.

Hinapit siya nito sa kaniyang baywang.

"Hindi mangyayari 'yong ganoon, love."

Alam naman niya na imposibleng mangyari iyong ganoong scenario. Pero hindi naman niya mapigilang
isipin. Weird.

"Sana nga hindi mangyari 'yong ganoon."

"Don't think too much, love. Nakaka-stress


'yan. Ako na lang ang isipin mo. Hmmm?"

"Mas nakaka-stress ka kaya."

"Ano na naman ang ginawa ko at mas na-i-stress ka sa akin?" natatawa nitong tanong.

"Basta," aniya.

"Fine. Enough na, love. Baka lalo ka lang ma-stress. Ayaw kong masira 'yong stay natin dito. Paliligayahin
na lang kita," ani Mhorric na yumuko para hagkan sa labi si Candy. "Sabi nga.. make love, not war," hirit
pa nito bago tuluyang sinakop ang labi niya.

Unang araw nila sa Tagaytay, pero ang asawa niya, hindi na makapaghintay ng gabi para sa make love,
not war nitong iyon.

HABANG kumakain ng hapunan ay may inilapag na brown envelope si Mhorric sa tabi ni Candy.

Mula sa brown envelope ay tumaas ang tingin ni Candy sa asawang si Mhorric. "Ano 'yan, love?" tanong
pa niya rito.

Muli itong naupo sa kabisera ng hapagkainan. Sandali itong nagpaalam kanina na may kukunin lang.
Pagbalik nga ay iyon na ang dala.

"Open it," may ngiti sa labi nitong Wika bago muling nagpatuloy sa pagkain. Habang panaka-naka ang
pagsulyap sa kaniya.

Sinulyapang muli ni Candy ang brown envelope. Ang hawak niyang kubyertos ay ibinaba muna niya sa
kaniyang Plato. Pagkuwan ay kinuha ang brown envelope. Huminga muna nang malalim si Candy bago
sinilip kung ano ang laman niyon.

Kumunot ang noo niya nang makita ang laman niyon. Napasulyap pa siya kay Mhorric na sumenyas na
kunin na niya ang laman niyon.

Isang hinga pa nang malalim bago niya

tuluyang kinuha ang laman ng brown envelope.

Isang land title ang laman niyon.

"Para saan ito?"

"Basahin mo," sa halip aytugon ni Mhorric.

Tahimik na binasa ni Candy sa isip ang nakasulat doon.

Transfer Certificate of Title, iyon ang nasa pinakaunahan ng titulo ng lupa. Bumaba ang tingin niya at
nagpatuloy sa pagbabasa. Napahinto siya nang mabasa ang buong pangalan ng kaniyang Nanay at Tatay.
Ikinurap-kurap pa niya ang mga mata at muling inulit ang pagbabasa. Land title iyon ng bahay sa
Tagaytay na siyang kinaroroonan nila ngayon at inilipat na iyon sa pangalan ng kaniyang mga magulang.

"L-love," na-i-speechless na baling niya rito. Iniharap pa niya rito ang hawak niyang titulo ng lupa. "B-
bakit nakalagay rito 'yong pangalan nina Nan ay at Tatay?"

Ngumiti si Mhorric. "Kanila na itong bahay at lupa."

"H-ha? Bakit?"

"Wala akong maisip na wedding gift para sa iyo. Dahil kung material na bagay naman ang ibibigay ko sa
iyo, alam kong hindi mo ma-a-appreciate. So, naisip ko na lang na ganiyan na lang ang ibigay kong gift
para sa iyo.

Nagustuhan mo ba?"

"Seryoso talaga ito? Itong mansiyon, ibibigay mo sa pamilya ko?"

Tumango ito. "Wala rin namang nag-stay rito bukod sa caretaker. Maganda ang climate rito para kina
Nanay Rose at Tatay Henry. Mas malayo sa polusyon. Sariwa ang hangin. Maganda ang view. Malawak
ang paligid ng bahay, siguradong matutuwa si Aivan kapag doon siya nagtatakbo sa labas."

Ang luhang pinipigil niya ay tuluyang burnagsak. "Love," humihikbi na niyang wika. Kung alam lang nito
na pangarap niya iyon. Na hindi man niya maitira sa ganoong lugar ang mga magulang niya ay maipasyal
man lamang niya. Pero mas higit pa roon ang nangyari. Hindi man niya sinabi kay Mhorric ang tungkol
doon. Pero heto at tinupad pa nito ng mas higit pa.

Mabilis namangtumayo si Mhorric at nilapitan si Candy na agad yumakap sa baywang nito.

"Tears of joy ba 'yan?" nag-aalala pa nitong tanong. "Tahan na, love. Wala lang talaga akong maisip na
puwedeng iregalo sa iyo. And as you can see, mas malapit lang sa atin sa Pagbilao ang lugar na ito.
Unlike kung nasa Bulacan sila. Mas safe rin sila rito. May malapit ding University at High School sa lugar
na ito para sa mga kapatid mo. Sa transportation, wala namang problema dahil magha-hire ako ng
personal driver para sa

kanila. Magha-hire din ako ng maids para hindi mahirapan si Nanay Rose sa mga gawaing bahay." Lalo
lang siyang naiyak sa mga pinagsasabi ni Mhorric. What a gift!

Pangarap lang niya dati iyon para sa pamilya niya. Pero mas higit pa rin sa kaniyang inaasahan. Hindi
naman niya ito hinihingi kay Mhorric dahil malaki ang hiya niya sa katawan, pero ito pa iyong nagkusa na
magbigay.

"Pagka-graduate ng mga kapatid mo, I'll make sure na may magandangtrabaho na naghihintay para sa
kanila sa kompanya 1<0."

"Sobra-sobra 'yang wedding gift mo na 'yan, love," naluluha pa rin niyang wika.
"Isa 'yan sa gift ko na alam kong worth it para sa iyo. At alam kong mas ma-a-appreciate mo. If I'll buy
you a luxury bag, baka ibato mo lang pabalik sa akin," nangingiti pa nitong dagdag. Pinahid na ni Mhorric
ang luha sa pisngi ni Candy. "Tahan na at baka isipin ni baby na inaaway ko ang mommy niya." Yumuko
ito at hinalikan si Candy sa labi. Pagkuwan ay kinuha ang land title at ibinalik sa brown envelope. "'Wag
ng urniyak.

Hmmm?"

"Sobrang pinasaya mo ako, love." Naluha na naman siya. "Sorry, wala man lang akong gift sa

Hinawakan nito ang kaniyang kamay at pinisil. Nag-squat pa si Mhorric para lang magpantay ang mga
mukha nila. Buong pagmamahal siya nitong pinakatitigan sa mga mata. "Love, hindi ko kailangan ng
kahit na anong gift mula sa iyo. Dahil walang tutumbas sa gift na ito," anito na hinimas pa ang kaniyang
tiyan. "lkaw lang at ang baby natin, kontento na ako. Wala na akong mahihiling pa. At gusto ko rin
naman na mas maging stable Sina Tatay at Nanay sa lugar na ito. At 'yong silid na gamit natin, 'yon 'yong
magiging silid nilang mag-asawa.

Siguradong maganda lagi ang gising nila dahil sa magandang view ng Taal. Sobrang memorable sa atin
ang lugar na ito. Mas gawin pa nating mas memorable para naman sa mga magulang at kapatid mo.
Hmmm?"

Bakit ba ang suwerte-swerte niya? Matapos ng lahat ng sakripisyo niya sa buhay. Grabeng balik naman
ng blessing sa kaniya ngayon. Hindi na niya mahintay iyong araw na ipapaalam nila sa kanilang mga
magulang na doon na titira ang mga ito.

"Kailan sila puwedeng lumipat dito?" aniya nang makabawi mula sa pag-iyak.

"As soon as possible, kung gusto mo. Puwede naman nating i-transfer ang mga kapatid mo na nag-aaral
sa lugar na ito. Ikaw ang mag-decide, love. Dahil ikaw ang magbibigay ng title na 'yan kina Nanay Rose at
Tatay Henry."

Ang lawak ng lupang lyon. May malaking

bahay. Malawak na kapaligiran. Magandang view.

Sariwang hangin...

"Hindi na talaga kita lalayasan, love, kapag nagkatampuhan tayo," aniya na yumakap muli rito.

Napangiti naman si Mhorric sa kaniyang sinabi. "Kung lalayasan mo ako, siguraduhin mo lang na clito ka
pupunta. Baka itago ka na naman ng mga taga-UHB Leisure Club." Hinalikan siya nito sa noo. "Kumain na
ulit tayo at baka lumamig ang pagkain," ani Mhorric na turnayo na at bumalik na sa kinauupuan nito sa
may kabisera ng hapagkainan. "Kain na, love."

Tumango siya. Muli ay nagpatuloy sila sa pagkain. Inilihis na rin ni Mhorric angtopic para hindi na maging
emosyonal pa si Candy.
Readers also enjoyed:

Secret Baby

0 1.3M Read

TAGS sex family friends to lovers

FINALE

Threeyears later...

"SINA Candy ho?" tanong pa ni Mhorric sa naabutang kawaksi na abala sa paglilinis sa may salas.
Kagagaling lang niya sa trabaho.

"Good afternoon, Sir Mhorric. Nasa taas po Sina Ma'am Candy," sagot ni Elsa.

"Okay," aniya bago dumiretso na papunta sa pangalawang palapag ng kaniyang condo unit.

Hindi pa sila nakakalipat ni Candy ng bahay. Saka na raw kapag mas lumaki pa ang pamilya nila. Sa
ngayon, mas gusto nito na manatili pa sila sa The LPG Tower dahil na rin sa malaki niyong espasyo.
Pamilya lang naman nila ang nakatira doon at ang dalawa nilang kasambahay.

Nang makarating sa tapat ng pinto ng silid nila ni Candy ay marahan niya iyong binuksan. Pagkuwan ay
sinilip ang 100b. Ngunit taliwas sa kaniyang naiisip ang naratnan niya.

Napapangiti pa si Mhorric na mas niluwagan ang pinto at tuluyan ng pumasok sa 100b. Maingat din
niyang isinara muli ang pinto para hindi magising ang mag-ina niya na tulog na tulog sa

may sahig na nalalatagan naman ng makapal na foam mat na kulay baby pink.

Hinubad niya ang suot na coat, ipinatong niya iyon sa may paanan ng kama. Pagkuwan ay nagtanggal din
siya ng suot niyang leather shoes. Sunod niyon ay maingat siyang lumapit kina Candy at sa anak niya.

Ang silid nilang iyon ng kaniyang asawa, na mas nagmukha pang kiddie room, dahil naroon din ang mga
laruan ng kanilang anak. Maging ang mga garnit niyon. Dahil first baby, mas gusto ni Candy na kasama
nila sa silid nila ang anak nila. Kaya naman hindi na sila naglagay pa roon ng nursery room.

Naupo siya sa tabi ni Candy. Mataman niyang pinakatitigan ang asawa na sobrang on-hands sa pag-
aalaga sa anak nila. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito na mukhang hindi pa halos nasusuklay at
basta na lamang ipinusod. Pagkuwan ay niyuko niya ito at marahang hinagkan sa pisngi.

Agad niyang nailayo ang mukha rito nang tila maalimpungatan ito. Sa isip niya ay pinagalitan niya ang
sarili dahil mukhang nagising na niya ang asawa niya.
Mayamaya pa nga aytuluyan na itong nagmulat ng mga mata. Ikinurap-kurap pa nito ang mga mata bago
humayon ang tingin sa kaniya.

"L-love," anas pa nito nang makita sÏya.

"Sorry. Nagising kita," hingi niya ng paumanhin bago ito muling hinagkan. Sa pagkakataon na iyon ay sa
labi na nito.

"Okay lang. Nakatulog kami ni Sugar," nangingiti nitong wika bago sumulyap sa dalawangtaon nilang
anak na tulog na tulog pa rin.

Isinunod ni Candy ang pangalan ng panganay nilang anak sa pangalan ng kaniyang sumakabilang buhay
na kapatid na si Sugar. Kaya pala hindi nito sinasabi kung ano ang gusto nitong ipangalan sa anak nila
dahil na rin gusto siyang isurpresa. Magkasingtamis din naman daw ang pangalan nito at ng anak nila.

'"Wag na muna nating gisingin," tukoy niya sa kanilang anak. "Siguradong nagpapalaki 'yan," aniya bago
kinintalan din ng halik ang kanilang anak. Pagkuwan ay yumakap siya sa kaniyang asawa na ipinasya na
rin ang burnangon mula sa pagkakahiga.

"Larong-laro kanina bago tuluyang nakatulog si Sugar."

"Hapon na ba kayo nakatulog?" tanong niya na tinanguan ni Candy. "Nagugutom ka ba?" mayamaya ay
tanong niya rito.

Umiling si Candy. "Hindi."

"Are you sure?"

Turnango si Candy. "Hmmm. Magpalit ka na muna ng pambahay mo para maalwan kang kumilos,"

"Later," ani Mhorric.

Kumalas na siya sa kaniyang pagkakayakap sa kaniyang asawa bago turnayo at hinayon ang drawer
malapit sa may glass wall. Kinuha niya ang hair brush na naroon. Nang balikan niya si Candy ay naupo
siya sa may likuran nito. Maingat na inalis niya sa buhok nito ang puyod nito. Pagkuwan ay sinuklayan
niya ang buhok nito na may kahabaan na ulit. Noong nakaraangtaon ay nagpaikli ito ng buhok. Ngayon
ay humaba na ulit iyon.

"Naiirita ka na ba sa buhok ko, love?" biro pa ni Candy sa kaniya.

"No. Mukhang nakakalimutan mo na ang magsuklay dahil sa pagka-busy mo kay Sugar. Ako na lang ang
gagawa nito para sa iyo."

Napabuntong-hininga si Candy. "Thank you, love," ani Candy.

Nang matapos niya itong suklayan at muling puyuran ng buhok ay agad humarap sa kaniya ang kaniyang
asawa at mahigpit siyang niyakap.
"l love you," ani Candy sa kaniya.

"l love you too, love," tugon niya.

"Bigla tuloy akong n a-conscious sa sarili 1<0.

Simula talaga bukas, haharap na rin ako sa salamin," nangingiti nitong wika. Bahagya itong kumalas sa
kaniya at pinakatitigan siya sa kaniyang mukha.

Lumipas man ang mga taon, pero may isang bagay pa rin ang hindi nagbabago kasabay ng paglipas ng
panahon. lyon ay ang pagtingin niya sa kaniyang asawa.

"Love," aniya na hinaplos pa ang pisngi nito. "Hindi mo kailangang ma-conscious. Sa halip na mag-focus
ka lang muna sa anak natin, ginagawa mo pa rin 'yong duty mo sa akin. Hindi ka lang supermom, you're
still the best wife for me." Gumigising pa rin ito ng maaga para ipaghanda siya ng almusal. Kahit may
tagapagluto sila, basta sa almusal, ito ang todo effort. At hanggang ngayon, hindi pa rin ito pumapayag
na hindi siya kakain ng heavy meal sa urnaga.

Nakagat ni Candy ang ibabang-labi. Ikinurap-kurap din nito ang mga mata nito na bahagyang namasa
dahil sa sinabi niya.

"Salamat sa appreciation, love."

"Ako ang dapat na mas mag-thank you. Hindi lahat, may asawang maalaga" sa halip ay wika rin niya.
Akrnang hahagkan niya ito ng. . .

"Daddy!"

Sabay silang napatingin kay Sugar na agad burnangon at halos itapon ang sarili sa kandungan ng ama.

"Gising na ang baby girl 1<0," ani Mhorric na pinupog ng halik ang mukha ng kaniyang anak na panay
ang hagikhik. "Na-miss mo ba si daddy?" tanong pa niya kay Sugar na mahigpit na yumakap sa may leeg
niya.

"Opo, daddy," anang munting boses nito na siyang pumupog naman ng halik sa kaniyang mukha.

"Oh, miss na miss nga ako ng baby ko," aniya na mahigpit din itong niyakap. "Miss na miss ka rin ng
daddy."

"Daddy, play," ani Sugar na kumalas na sa kaniya at hinigit siya sa may kamay niya palapit sa mga toys
nito.

Nangingiti naman si Candy habang nakasunod ang tingin sa kanilangdalawa ni Sugar.

"Baby, magpapalit muna ng damit si daddy, ha? Para makapag-play kayo ng maayos," ani Candy kay
Sugar nang tabihan ito.

Tiningnan pa ni Sugar ang suot ni Mhorric bago tumango. "Okay."


"Mabilis lang si daddy. Hmmm?" aniya sa anak bago ito hinagkan sa noo. "Mabilis lang ako, love,"
paalam din niya kay Candy nang tumayo siya.

"Take your time," ani Candy bago hinarap si Sugar at siya munang nakipaglaro sa anak nila.

Isang sulyap pa niya sa kaniyang mag-ina bago hinayon ang walk-in closet. Kahit pagod siya sa
maghapong trabaho sa opisina, kapag umuwi naman siya sa kanilang bahay ay para bang nari-recharge
siya kapag nakikita ang kaniyang asawa't anak.

IKINURAP-KURAP ni Candy ang kaniyang mga mata. Sinikap niyang hindi iyon pumikit dahil nakatuon
angtingin niya kay Sugar na abala sa paglalaro ng mga blocks nito sa may salas.

"Ma'am Candy, gusto ninyo po bang matulog muna? Ako po muna ang bahala kay Sugar," ani Elsa sa
kaniya. Kasambahay nila ni Mhorric.

"Wala ka bang gagawin?" tanong pa niya na tinanguan nito.

"Opo. Wala na PO."

"Sige, Elsa. lidlip muna ako, ha?" aniya na hinayon ang sofa at doon ay humilata ng higa. Kung bakit ang
hapdi-hapdi ng kaniyang mga mata. At ang tanging sulusyon lang doon ay ang ipikit iyon.

"SIR MHORRIC, tulog po si Ma'am Candy.

Gigisingin ko pa po ba?"

"Ah, 'wag na. Kung natutulog siya, hayaan

mo na lang muna. Let her sleep. Si Sugar, pakibantayang mabuti," bilin pa ni Mhorric kay Elsa.

"Yes, Sir Mhorric."

"Ano raw?"

Matapos ibaba ni Mhorric ang kaniyang cellphone ay sinulyapan niya si Blair na nasa opisina niya. "Tulog
si Candy."

"Napapadalas na naman ang pagiging antukin ng asawa mo, ha?" nangingiting puna sa kaniya ni Blair.

"What do you mean?"

"Baka may kasunod na ang inaanak ko ay hindi pa ninyo alam?"

Sandali siyang natigilan sa sinabing iyon ni Blair. What if?

"Subukan mo kayang obserbahan ang asawa mo," suhistiyon pa ni Blair kay Mhorric.

Kaya naman pag-uwi ni Mhorric sa bahay niya ay si Candy agad ang hinayon niya. Tulog pa rin iyon sa
silid nila. Si Sugar naman ay binabantayan ni Elsa habang nanonood iyon ng nursery rhymes sa may Den.
Para bang bumalik na naman Sina Mhorric sa nangyari noon.

Kung dati ay nagagawa pang gumising ng maaga ni Candy. Ngayon naman aytinatanghali na ulit ito ng
gising.

Isang hapon, hindi na niya napigilang hindi kausapin ang kaniyang asawa.

"Okay ka lang ba?" tanong pa niya rito.

Turnango ito. "00 naman. Bakit?"

"Are you sure?"

"00 nga PO. Okay lang ako. Mukha bang

Pinagmasdan lang niya ito. Mayamaya ay bumuntong-hininga siya at kinabig ito para yakapin. Paano
kung hindi pa rin naiisip ng kaniyang asawa ang mga weird na bagay na nararanasan nito ngayon?
Maging siya man ay gusto rin na makasigurado sa kundisyon nito ngayon kahit na mayroong mga
senyales.

"May ipapagawa ako sa iyo," aniya kay Candy nang kumalas siya mula sa pagkakayakap dito.

"Ano 'yon?"

Sa halip na magsalita ay iginiya niya ito papunta sa banyo.

"At ano'ng gagawin ko rito?" taka pang tanong ni Candy sa kaniya.

Hinawakan niya ang kamay nito at inilagay sa palad nito ang dalawang Pregnancy Test Kit.

"Mag-test ka, love."

Tila ba napipilan si Candy habang nakatitig sa test kit na nasa kamay nito nang mga sandaling iyon.
Napalunok ito. Pagkuwan ay umangat angtingin sa kaniya. Nginitian niya ang

Isang hapon, hindi na niya napigilang hindi kausapin ang kaniyang asawa.

"Okay ka lang ba?" tanong pa niya rito.

Turnango ito. "00 naman. Bakit?"

"Are you sure?"

"00 nga PO. Okay lang ako. Mukha bang

Pinagmasdan lang niya ito. Mayamaya ay bumuntong-hininga siya at kinabig ito para yakapin. Paano
kung hindi pa rin naiisip ng kaniyang asawa ang mga weird na bagay na nararanasan nito ngayon?
Maging siya man ay gusto rin na makasigurado sa kundisyon nito ngayon kahit na mayroong mga
senyales.

"May ipapagawa ako sa iyo," aniya kay Candy nang kumalas siya mula sa pagkakayakap dito.

"Ano 'yon?"

Sa halip na magsalita ay iginiya niya ito papunta sa banyo.

"At ano'ng gagawin ko rito?" taka pang tanong ni Candy sa kaniya.

Hinawakan niya ang kamay nito at inilagay sa palad nito ang dalawang Pregnancy Test Kit.

"Mag-test ka, love."

Tila ba napipilan si Candy habang nakatitig sa test kit na nasa kamay nito nang mga sandaling iyon.
Napalunok ito. Pagkuwan ay umangat angtingin sa kaniya. Nginitian niya ang

asawa niya.

"Sige na," ani Mhorric kay Candy.

Marahang tumango si Candy bago pumasok sa loob ng banyo. Siya na ang nagsara ng pinto at
matiyagang naghintay sa muling paglabas ng kaniyang asawa. Ang bawat minuto ay tila ba nananadya
dahil sa mabagal niyong paglipas.

Nang lumabas si Candy sa banyo ay agad niya itong sinalubong. "Ano'ng result?" halos mapigil pa niya
ang paghinga habang nakatitig dito.

"Nakaisa ka na naman," ani Candy bago ipinakita sa kaniya ang hawak na Pregnancy Test Kit na may
resulta na dalawang guhit na pula. Ibig sabihin niyon ay positive. Napangiti si Candy nang makita ang
reaksiyon ni Mhorric na titig na titig sa test kit. "Love," untag ni Candy sa pananahimik ni Mhorric.

Ikinurap-kurap pa ni Mhorric ang tingin sa hawak na test kit. Hindi nagbago ang resulta niyon. Saka lang
tila ba na-absorb ng kaniyang buong sistema ang resulta ng pregnancy test ng kaniyang asawa.

"Positive!" sa wakas ay tuwang-tuwang bulalas niya na nayakap pa ang asawa. Ibig lang niyong sabihin
ay masusundan na talaga si Sugar. "Thank you, Lord," bulalas pa niya bago hinalikan ang asawa sa labi.
"What do you want to eat? Anything na kini-crave mo? Bibilhin ko," agad

niyang wika nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Candy.

Umiling si Candy. "Wala akong maisip, love."

"Are you sure?" turnango ito. Ayaw naman niya itong pilitin. "Basta kapag may gusto ko, tell me right
away. Okay?"

"Opo," ani Candy na masayangyumakap sa kaniya.


Lumunok siya at bahagyang tumingala dahil halos maluha-luha siya sa sobrang kaligayahan. Another
blessing ang dumating sa kanilang mag-asawa. Lalo siyang sisipagin sa pagtatrabaho nito.

"Kaya pala palagi na lang akong antok na naman tuwing hapon. Tapos tinatanghali na namang
gumisingsa umaga," ani Candy kay Mhorric.

"Pansin ko rin 'yan kaya pinag-test na kita para mas ma-confirm natin. Kailangan mong maging extra
careful dito sa bahay. Hmmm? Lalo na sa pag-aalaga kay Sugar. Please," pakiusap niya. "Iwasan mo
ngtumakbo. 'Wag ka ng makipaglaro ng habulan kay Sugar sa baba."

May ngiti sa labi na tumango si Candy. "Opo. Hindi na."

"We should celebrate the good news. Sa labas na tayo mag-dinner. Hmmm?"

"Sige, love."

Isang halik pa sa labi bago iginiya ni Mhorric palabas ng kanilang silid si Candy. Huminga siya nang
malalim, daig na naman niya ang parang nakalutang sa ulap dahil sa sobrang kaligayahan.

The Wolf Princess and...

Addie Hayes

"How many mates do you have,

Princess?" Kia asks] look over at h

EPILOGUE

"MOMMY, am I pretty?" anang munting tinig ni Sugar nang lapitan nito si Candy na abala naman sa
pagsasalansan ng kanilang mga darnit sa isang cabinet.

"Of course, ba—" Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Candy nang makita ang hitsura ng
kaniyang anak. "Sugar, ano'ng ginawa mo sa makeup ni mommy?" Hindi niya alam kung matatawa ba
siya o ano sa pinaggagagawa ng kaniyang anak. Sasaglit pa lang niya itong tinatalikuran. Pero heto at
kung ano-ano na ang pinaggagagawa.

Tumawa lang si Sugar na nag-beautiful eyes pa. Kapag ganoong nagpapa-cute na ito, hindi mo na talaga
magagawang pagalitan ito.

Napakaganda naman kasing bata. Tatlong taon na si Sugar at kabuwanan na rin niya sa pangalawa nilang
anak ni Mhorric. Ngayon, lalaki ang nasa sinapupunan niya. Bagay na mas [along ikinatuwa ni Mhorric
dahil may magdadala na ng apelyido nito.

Gusto man niyangyukuin ang anak ngunit hindi naman niya magawa dahil sa malaki niyang tiyan. Kaya
naman naglakad siya papunta sa may malambot na upuan at doon ay kinastigo ang
makulit niyang anak.

"Baby, 'wag mo pong paglaruan ang makeup ni mommy."

"Why PO?"

"Kasi PO, pangmatanda na kasi 'yan. And you're still young. 'Yong beautiful face mo, 'young pa rin.
Matapang po kasi ang makeup na pangmatanda kaya bawal sa bata. Hmmm? 'Wag mo ng uulitin 'yon,
ha? Baka magkaroon ng maraming pantal-pantal ang face mo."

Turnango ito. "Sorry PO, mommy," anito na nagbaba ngtingin. Mukhang na-absorb na nito ang ginawa
nitong kamalian.

Nangingiti naman na ginulo niya ang buhok nito. Muli niyang pinagmasdan ang maliit nitong mukha. Ang
lipstick nito ay lampasan sa bibig. May eye shadow rin sa mga mata nito na kulay itim. Ang kapal din ng
nilagay na cream sa mukha.

Kumuha siya ng baby wipes at siya munang pinantanggal sa makeup na nakakalat sa mukha ni Sugar.
Sunod niyon ay dinala niya ito sa banyo at hinilamusan. Ngunit nauwi rin sa pagligo nito nang maglandi
na ito ngtubig sa gripo.

Kahit sobrang kulit nito, hindi pa rin siya mapapagod na alagaan ang kaniyang anak na panganay. lyong
pagod kasi ay dagling napapawi oras na humagikhik na ito at mag-umpisang maglambingsa kaniya.
Napaka-sweet din na bata.

"Mommy, will you give me some sweets?" tanong pa sa kaniya ni Sugar habang binibihisan niya ito
matapos itong maligo.

Nakangiting urniling siya. "No."

"Because I use your makeup?" nakanguso pa nitong tanong.

"Uh-huh," sang-ayon niya.

"Hindi ko na po uulitin. I promise, mommy."

Hinalikan niya ang pisngi nito. "Pag-iisipan ni mommy."

"Daddy!" agad na palirit ni Sugar nang makita ang ama nito na pumasok sa silid nila.

Kagagaling lang nito sa trabaho.

"Hi, baby!"

Nasundan ni Candy ngtingin si Sugar nang magtatakbo ito papunta sa ama nito. Agad naman itong
binuhat ni Mhorric at pinupog ng halik sa mukha.

"Hmmm. Ang bango naman ngAte Sugar


Panay lang ang hagikhik ni Sugar. Naglakad palapit sa kaniya si Mhorric habang buhat-buhat pa rin ang
anak nila.

"Daddy, I want some sweets," bulong pa ni Sugar sa ama na hindi naman nakatakas sa malakas na
pandinig ni Candy.

"Okay."

"No," agad na sansala ni Candy sa pagpayag ni Mhorric na bigyan ng matamis si Sugar.

Nang makalapit sa kaniya si Mhorric ay niyuko siya nito at hinalikan ng smack sa labi.

"Bakit, no?" tanong pa nito na naupo sa tabi niya.

"May kasalanan siya, eh," aniya na sinulyapan si Candy na itinago ang mukha sa may leeg ng ama.

"Oh, may ginawa kang bad?" ani Mhorric kay Sugar.

Turnango naman si Sugar. Alam naman nito na bawal ang magsinungaling. "O-opo."

"Ano 'yong ginawa mong bad?"

"l used mommy's makeup. .." pag-amin ni

Sugar. "But I promise not to do it again."

"Nag-sorry ka na ba kay mommy?"

"Opo."

"Pero ayaw ka pa ring bigyan ni mommy ng sweet."

Bumuntong-hininga si Sugar. Bahagya itong kumalas sa pagkakayakap sa ama at binalingan angina.

"Mommy..

"Gusto mo talaga ng sweet?" ani Candy na tinanguan ni Sugar. "Then, tomorrow. Puwede ka ng kumain
ng sweets."

Parang walang ibang choice si Sugar kundi ang pumayag sa gusto niya. Sa huli ay tumango rin ito.

Nangingiti naman si Mhorric na niyakap ang anak na kalong-kalong nito. Pagkuwan ay binalingan si
Candy. "Magbibihis lang ako. Then, punta na tayo sa Leisure Club."

Tumango siya. Nakabihis na rin naman siya. Ganoon din si Sugar. "Hintayin ka na lang namin sa baba,"
aniya rito.

"Sige," ani Mhorric na ibinaba na si Sugar. "Magbibihis lang si daddy, ha? Then, punta na tayo sa Leisure
Club."
"Okay PO," ngiting-ngiting tugon ni Sugar na hinawakan na sa kamay si Candy para alalayan sa pagtayo.
"Let's go, mommy," pag-aaya pa nito sa kaniya. Kahit sa murang edad nito, panay rin ang alalay sa ina.
Palibhasa ay iyon ang nakikita sa ama kaya ginagawa rin ni Sugar kay Candy.

Nagpaalam na siya kay Mhorric at nagpatianod na sa pag-alalay ni Sugar sa kaniya palabas sa kanilang
silid.

Pagbaba nila sa unang palapag ng kanilang bahay ay iniwan muna niya ito sandali sa salas. Naroon
naman si Elsa para bantayan ang anak niya. Sa kusina ay agad niyang hinayon ang pantry at doon ay
kumuha siya ng chocolate. Hindi na siya kumuha sa may ref dahil matutunaw lang dahil galing sa lamig.
Ibibigay niyo iyon mamaya sa anak nila ni Mhorric kapag tapos na silang mag-dinner.

Nang makarating sila sa UHB Leisure Club ay una agad inungot ni Sugar ay ang puntahan ang mga kalaro
nito na kapwa anak din ng mga naroong UHB Men.

"Later, baby," ani Mhorric na buhat pa rin ito at hindi ibinaba nang makapasok sila sa 100b ng Club
House. Dahil tiyak na magtatatakbo agad ito palayo. Kilalang-kilala na ni Mhorric ang pag-uugali ng
kaniyang anak.

May time kasi noon na sandali nitong ibinaba ang anak nilang si Sugar, nakatakbo palayo sa kanila. Ang
ending, kagulo ang mga security sa paghahanap dito. Kaya hindi na naulit na ibababa agad ni Mhorric si
Sugar. Daig pa ang isang ibon na nakawala sa hawla. Palibhasa ay sa building sila nakatira kaya tuwang-
tuwa si Sugar tuwing nasa UHB Leisure Club.

"Mommy," ungot pa sa kaniya ni Sugar na para bang humihingi ng saklolo.

"Makinig muna kay daddy," sa halip ay wika niya.

Dumiretso sila sa Pavilion Hall kung saan inimbitahan sila para sa isang farewell party para kay Keige, ang
panganay na anak nina Paige at Keigo Mori. Nakatakda itong urnalis kinabukasan papunta sa France para
mag-aral ng Fashion Design. Bagay na ikinagulat din ni Paige dahil ibang kurso ang kinuha nito noong
una itong tumuntong sa college. Kaya naman buong akala

ni Paige ay mas interesado lang si Keige sa pagmomodelo kaysa ang maging fashion designer katulad ng
ina. Naging endorser din kasi si Keige sa murang edad nito.

Sa 100b ng Pavilion Hall ay mukhang mapapalaban pa si Mhorric sa pagbabantay sa anak nila dahil
mayroon na namang mga booth para sa mga bata na naroon.

Bago pagbigyan si Sugar na magpa-paint sa mukha nito ay inihatid muna siya ni Mhorric sa uukupahin
nilang table.

"Samahan ko muna si Sugar, Love," paalam pa ni Mhorric kay Candy na tinanguan niya.

Inihatid pa niya ng tingin ang mga ito.

"Buntis," ani Maryey na naupo sandali sa tabi niya. "Hindi pa ba nahilab angtiyan mo?"
Umiling siya. "Hindi pa naman. Sana lang ay huwag ngayon," nangingiti pa niyang dagdag.

"Naku, mare, 'wag masyadong kumain ng marami. Baka mabusog ka at masikipan sa 100b ang baby
mo."

"Sana lang 'wag masyadong masarap ang ihaing pagkain. Dahil hindi ko maipapangako na kaunti lang
ang makakain 1<0."

'"Yon lang," natatawa nitongtugon.

"Maryey," aniya na medyo hininaan ang boses. Baka maging obvious na nakikitsismis siya. "Bakit biglaan
'yong desisyon ng anak nina Paige na mag-aral sa abroad?"

Nagkibit ito ng balikat. "Wala naman daw sinasabing ibang dahilan si Keige bukod sa gusto raw niya na
mag-grow pa. Pero duda 1<0, baka dahil sa anak nina Daizuke at Nashnairah na si Kanji.

Panganay na anak iyon nina Daizuke Niwa at ng asawa nito. Si Keige at Kanji ang nagsisilbing
pinakapanganay sa lahat ng anak ng mga UHB

Men.

"Ano'ng problema kay Kanji?"

"May nali-link na anak ng isang Governador ng karatig probinsiya kay Kanji. 'Yon lang 'yong nakalap ko.
Baka pinagseselosan ni Keige kaya gustong lumayo muna. Anyways, bata pa naman sila. Kailangan pa
nga talaga nilang mag-grow. Malay naman nila, 'di ba? Ma-realize nila na sila rin talaga 'yong para sa isa't
isa in the end. Kapag sila 'yong magkasama, ang takas ng chemistry nila." Burnuntong hininga si Maryey.
"l love them both. Kahit noong high school pa lang sila.

Tahimik kasi si Kanji. Hindi mo basta mabasa ang naiisip. Parang ang tatay niya. Father like son." "Tingin
mo, pupunta rito si Kanji?"

"Siguro?" hindi rin nito siguradong sagot.

"Magpustahan tayo," mayamaya ay nangingiti niyang pag-aaya kay Maryey.

"Para saan?"

"Kung magkakatuluyan ba sa huli Sina Keige at Kanji," may ngiti pa rin sa labing wika niya. Saka lang
bumalik ang ngiti sa nalungkot na mukha ni Maryey.

"Sige. Syempre, doon na ako sa may forever sa kanilang dalawa. Hindi pa lang kasi nila mas Ina-re-realize
ngayon. How about you?"

"Forever still exist. Tama ka, baka hindi pa lang nila na-re-realize. Marami pa ring dapat patunayan sa
sarili si Kanji."

"Nagkakasundo talaga tayo sa lahat ng bagay," nangingiti nitong wika.


"Bakit parang interesante ang pinag-uusapan ninyong dalawa?" ani Zafrina Millares na naupo sa kabilang
side ni Maryey. Kasunod nito si Nastya Monzerate na nakigulo rin sa kinaroroonang lamesa ni Candy.

"Pinag-uusapan lang namin itong baby ni Candy," ani Maryey na hinimas pa ang umbok na tiyan ni
Candy. "Mukha kasing anytime soon ay lalabas na."

"Weh?" tamang-duda na wika ni Nastya.

"00 nga PO."

Nangingiti lang din si Candy. Hanggang sa hindi na rin nakatiis si Maryey at sa mahinang boses ay sinabi
sa mga ito ang naging topic talaga nila kanina. Sa huli nga ay nakasama pa nila ni Maryey sa kanilang
pustahan ang dalawang bagong dating.

"Mukhang kailangan ko ng simulan ang season one ng kuwento nilang dalawa," ani Nastya na isang sikat
na Tagalog Romance Writer sa bansa.

"Baka hingan ka ng bayad ni Nashnairah dahil sa paggamit mo sa kuwento ng anak niya?" nangingiting
biro ni Zafrina dito.

"libahin ko syempre ang pangalan ng mga main character para wala silang idea," ani Nastya.

Mayamaya pa ay iniba na ni Maryey ang kanilang topic at baka makarating pa kay Keige na pinag-
uusapan nila ito... in a good way naman.

Nang magsimula ang party ay saka lang napilitan na pumunta sa kani-kaniyangtable na ukupado ang
mga naging kaibigan din niya sa 100b ng UHB Leisure Club. Si Mhorric at Sugar ay burnalik na rin sa
kanilang table. Napangiti pa siya nang makita ang mag-ama na parehas may paint sa mukha. Kaya pala
medyo natagalan ang mga ito bago nakabalik.

"Hindi pumayag ang magaling mong anak na hindi rin ako magpapa-face paint."

"Bagay naman sa iyo," ani Candy kay Mhorric.

"Ha-ha-ha," sarkastiko pang tawa ni Mhorric. Paano naman kasi ay mukha itong wolf. Habang si Sugar ay
si Minnie Mouse ang naka-paint sa mukha.

"Seryoso, bagay naman sa iyo. Ayaw mo?"

"Hindi ako sanay na may kung anong nakalagay sa mukha, love. Sana lang ay 'wag akong katihin
mamaya."

"Hindi 'yan," aniya na nginitian pa ito nang matamis.

"OKAY ka lang, love?" agad na napabangon si Mhorric mula sa pagkakahiga nang marinig ang daing ni
Candy.

"Hindi ko maintindihan 'yong nararamdaman ko sa puson, love," ani Candy.


"Mukhang lalabas na si baby," aniya rito.

Huminga muli siya nang malalaim.

Kanina pa siyang parang matatae na hindi niya maintindihan. Mukhang magdidilang anghel pa si Maryey
na baka nga manganak na siya. Hindi rin naman niya napigilan angsarili na kumain kanina nang marami.
Palibhasa ay wala pa siyang nararamdaman na kakaiba.

Inalalayan siya sa pag-upo ni Mhorric. "Baka naman magbabawas ka lang? Gusto mo bang samahan kita
sa banyo?"

Tumango siya. Ngunit nang alalayan siya sa pagtayo ni Mhorric ay may kakaiba siyang nararamdaman sa
kaniyang kaselanan. Para bang iyong pakiramdam kapag unang araw na

mayroon ka. Napalunok siya.

Hindi pa naman niya nararamdaman iyong paghilab na maya't maya.

Pagdating niya sa banyo ay hindi siya iniwan ni Mhorric. Nang ibaba niya ang suot niyang underwear ay
natigilan pa silang dalawa nang makitang may spotting siya.

"Ganiyan ka rin kay Sugar noon, 'di ba?" ani Mhorric nang sulyapan siya. "No, love. 'Wag ka ng
magbawas at baka si baby na ang ilabas mo. Maligo ka na ng mabilis. I'll call your doctor," ani Mhorric na
inilalayan siya papunta sa may shower. "Warm water ang iligo mo. Kaya mo ba? O sasamahan kita?"

"K-kaya ko pa," aniya. Hanggat hindi pa humihilab ang tiyan niya nangsunod-sunod ay kaya pa niyang
kumilos.

Tinulungan na lang siya ni Mhorric na mahubad ang pantulog niya na maternity dress.

Ito rin ang nagtimpla ng tubig na ililigo niya.

Tama lang ang init.

"Magtitimpla rin ako ng gatas mo after kong tawagan si Dok para mainitan angtiyan mo. Careful.
Hmmm?" Hinagkan pa nito sa labi si Candy bago nilisan ang banyo.

Siya naman ay naligo lang din ng mabilis. Dahil patuloy ang spotting niya kaya naman gurnamit na siya
ng sanitary napkin. Madaling araw na iyon. Tulog pa rin si Sugar sa kanilang kama.

"Paano si Sugar?" aniya sa asawa.

"Si Elsa na muna ang bahala kay Sugar.

Don't worry, hindi mapapabayaan si Sugar."

"A-aaah," aniya na napahawak sa braso ni Mhorric nang makaramdam ng paghilab ng tiyan.


"S-sumasakit na, love."

"O-okay. Tiis lang," anito na inalalayan na siya sa paglabas sa kanilang silid.

Si Elsa naman ay agad na isinunod ang mga nakahanda niyang garnit para sa panganganak niya.
Nababaan pa nila si Blair na medyo magulo pa ang buhok.

"Pinalipad mo pa yata ang sasakyan mo papunta rito," ani Mhorric kay Blair.

"Emergency," nangingiti nitong wika.

Si Blair ang nag-drive sa kanila papunta sa Leisure Club. Habang si Mhorric naman ay todo alalay sa
kaniya. Mayroon ng first class na paanakan sa UHB Leisure Club na exclusive para sa mga asawa ng IJHB
Men. Kalapit lang iyon ng UHB Clinic. Naroon na rin ang kaniyang doctor na siyang magpapaanak sa
kaniya.

"Mukhang gusto na talagang lumabas ni baby," anang doktora. Nine CM na raw si Candy matapos
magsagawa ng procedure ang doktora.

"Naparami ho yata ang kain ni Misis kanina," ani Mhorric na mukhang idinadaan sa pagbibiro

ang kaba.

Sunod ay dinala na sa labor room si Candy.

Normal ang pag-anak niya katulad kay Sugar. Nasa tamang posisyon na rin naman ang kaniyang anak.
Handang-handa na sa paglabas.

Alas kuwatro ng madaling araw nang tuluyang lumabas ang pangalawang anak nina Mhorric at Candy.
Agad pumuno sa silid ang pag-iyak niyon. Sakto rin na paglabas ay saka dumumi. Bagay na
ipinagpasalamat ng kaniyang doktor dahil hindi iyon naidumi sa loob. Dahil delekado kung sakaling
makain iyon ng bata.

Ang pagod na pagod na si Candy ay naghalo angsaya at li-lha sa mga mata. Hawak naman ni Mhorric ang
kaniyang kamay at hindi binibitiwan. Yumuko pa ito para hagkan siya sa noo at sa labi.

"l love you, love," may bakas din ng luha sa mga mata ni Mhorric. It was a tears of joy. "Nakita na
naman kung gaano kahirap 'yong pinagdadaanan ninyong mga mommy sa pag-anak. You're such a
superwoman," anito na muling kinintalan ng halik sa labi si Candy.

"Dito ka lang, love," aniya sa nanghihinang tinig. Gusto na niyang ipikit ang kaniyang mga mata ngunit
gusto pa niyang makita ang kanilang bagong silang na anak.

Hindi naman nagtagal, matapos malinis ang dapat linisin sa kaniya ay inilipat na siya sa isa pang hospital
bed. Dadalhin siya sa recovery
room. Ngunit bago iyon ay marahang idinapa sa kaniyang dibdib ang bagong silang niyang anak. Lalo
lang naluha si Candy nang makita iyon. Ang tangos ng ilong. Manang-mana sa ama.

Kamukhang-kamukha rin ni Mhorric.

"Baby," anas niya. "l love you."

Mukhang naghahanap na iyon ng gatas. Kaya naman inayos niya ang dibdib niya at ibinigay rito ang
gusto nito. Napangiti siyang lato nang animo gutom na gutom iyon habang dumedede sa kaniya.
Nagpapasalamat siya dahil may gatas siyang naiilabas.

May ngiti rin sa labi at mga mata ni Mhorric habang nakatitig sa kanilang mag-ina.

"Ano'ng ipapangalan mo sa kaniya?" tanong niya sa asawa habang ang mga mata ay nasa anak pa rin
nila.

"Maverick," ani Mhorric na hindi inaalis ang tingin sa baby nila. "Maverick Soliven."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Kay gandang pangalan. Isang munti na naman ang nadagdag sa pamilyang
binubuo nila ni Mhorric.

"Gusto ko 'yong pangalan na naisip mo," baling niya sa kaniyang asawa.

Nang tingnan siya ni Mhorric ay gumuhit din ang ngiti sa labi nito bago siya muling niyuko para halikan
sa kaniyang labi.

"l love you," sambit pa nito.

"l love you too, love," tugon niya.

WAKAS

SPECIAL CHAPTER

"LOVE, 'wag mo namang ipahalata na sabik na sabik ka sa akin," natatawang kantiyaw ni Candy kay
Mhorric nang sandaling maghiwalay ang mga labi nila mula sa isang makapugtong-hiningang halik na
mainit nilang pinagsaluhan.

May ngiti sa labi habang nakatitig siya sa guwapong mukha ng kaniyang asawa. Ang mga kamay niya ay
nakayakap sa may batok nito.

"Kung puwede ka nga lang hilahin agad papunta rito sa silid natin kanina ay ginawa ko na," ani Mhorric
na kinintalan siyang muli ng halik sa labi.

Kauuwi lang nito mula sa isang linggong business conference na dinaluhan nito sa Japan. Kaya naman
heto ang asawa niya at daig pa ang isangtaon silang hindi nagpangita. Palagi naman silang nag-vi-video
call pero miss na miss pa rin siya nito. Tho, ganoon din naman siya rito. Nahirapan yata siyang matulog
na hindi ito katabi. Kaya naman sa silid nila natutulog ang mga anak nila para lang makatulog siya ng
maayos sa gabi. Dahil noong unang gabi na wala ito ay madaling araw na siyang nakatulog. "l miss you so
much, love," anas nito.

"Na-miss din kita ng sobra, love."

Malakas ang Lilan sa labas ng bahay ng mga sandaling iyon. Tulog na rin ang mga bata na si Mhorric pa
ang nagpatulog. Pagpasok na pagpasok nga nito sa silid nila ay siya agad ang nilapitan at walang sali-
salita na sinakop ang kaniyang labi at siniil siya ng halik sa labi.

Muling siniil ni Mhorric ng halik sa labi si Candy. Mull' ay mainit niya iyong tinugon.

Humigpit din lalo ang pagkakayakap niya sa may batok nito. Ito naman ay humigpit ang pagkakahapit sa
kaniyang baywang.

Nang hindi na makatiis si Mhorric ay binuhat na siya nito at dinala sa kanilang malambot na kama. Doon
ay maingat siya nitong ibinaba. llang taon na ang lumipas simula nang sila ay ikasal, pero heto at hindi pa
rin nagbabago ang pag-iinit na nararamdaman sa kaniya ng kaniyang asawa. Ganoon din siya rito.

Bago siya kubabawan ni Mhorric ay mabilis na nitong hinubad ang suot nito sa katawan. Walang itinira.
Kaya naman kitang-kita ni Candy ang naghuhumindig nitong alaga na lalong nagpasabik sa kaniya.
Nagkusa na rin siyang hubarin ang kaniyang suot na pang-itaas. Ang pang-ibaba niya ay si Mhorric na ang
naghubad. Sunod niyon ay surnampa na ito sa kama at agad siyang kinubabawan. Ibinuka naman niya
ang kaniyang mga hita para dito.

Nang muli siya nitong siilin ng halik sa labi ay ipinuwesto na rin nito ang alaga nito papasok sa kaniyang
kaselanan. Nahigit pa ni Candy ang kaniyang paghinga as he enter her womanhood.

Muli ay ipinulupot niya ang kaniyang mga kamay sa batok ni Mhorric at yumakap doon nang magpatuloy
ito sa sunod-sunod na pag-ulos sa kaniyang kaselanan.

"Oh, God!" impit pa niyangdaing nang hinwalayan ni Mhorric ang kaniyang labi. Sobrang na-miss niya
ang kaniyang asawa. Lalo na ang kaluwalhatiang ipinararanas nito sa kaniya.

Dagli ang panunuyo na nararamdaman niya sa kaniyang lalamunan. Napalunok siya. Pigil niya ang
mapaungol sa sarap na nararamdaman dahil baka marinig sila ng nasa labas. Nasa kabilang silid langdin
ang mga anak nila.

Nakagat niya ang ibabang-labi. Bahagyang nakaangat ang mukha ni Mhorric na sandali pa siyang
pinagmasdan. Pagkuwan ay pumikit ito at tila ba nagpo-focus sa ginagawa. Bakas din ang sarap na
nararamdaman sa guwapong mukha ng kaniyang asawa. May diin sa bawat pag-ulos nito. Para bang
sobrang na-miss nito ang ganoong sandali sa pagitan nila.

Mayamaya pa ay pinatalikod siya nito.


Nakaluhod ang mga tuhod niya sa kama habang ang mga kamay niya ay nakatuon din sa kama. Nasa
may likuran niya si Mhorric. Sa ganoong posisyon ay muling umulos ang kaniyang asawa habang
nakahawak ang dalawang kamay nito sa magkabila niyang balakang.

Halos manirik ang mga mata ni Candy nang sunod-sunod urnulos sa kaniya si Mhorric buhat sa kaniyang
likuran. May kung anong kilabot na gumagapang papunta sa kaniyang ulo. Mariin niyang nakagat ang
ibabang-labi para lang hindi mapaungol dahil sa sarap na ipinararanas nito sa kaniya nang mga sandaling
iyon.

"Aaah," mahinang daing ni Mhorric buhat sa likuran niya. Bahagya pa itong yumukod para lang maabot
ng mga kamay nito ang dalawa niyang dibdib. Pumisil-pisil ito roon habang Sige ang ulos. Hindi rin
naman iyon nagtagal at muling burnalik sa may balakang niya ang mga kamay nito.

Nang unti-unting burnilis ang bayo nito ay ramdam na ni Candy na lalabasan na ito. Hindi niya alam kung
nakailang labas na siya. Basta ramdam niya sa 100b niya na nilabasan na siya dahil madulas na ang
bawat ulos ng kaniyang asawa.

Until he reach his climax...

Habol ni Mhorric ang paghinga. Ganoon din si Candy. Ngunit ang kaluwalhatiang nararamdaman ni
Candy ay dagling napalis nang may maalala. Nilabasan na ang asawa niya ngunit

hindi nito ipinutok sa labas!

"Love!" she hissed.

"Hmmm? 'Wag ka munang gagalaw," anito na mabilis inabot ang darnit nitong hinubad at siyang
ipinangpunas sa kahabaan nito na kahuhugot lang sa kaselanan ni Candy. Pagkuwan ay siyang
ipinangpunas din sa kaniya.

"Ano'ng ginawa mo?"

"Pinupunasan ka," sa halip ay sagot nito.

Kinuha niya rito ang damit nito bago ito hinarap. "Bakit sa 100b mo pinutok?"

Para bang may dumaang anghel at natahimik si Mhorric. Sandaling napaisip ito.

Pagkuwan ay napakurap-kurap.

"Hindi mo pa ba safe day?"

Umiling siya. Ayaw rin naman niyang uminom ng contraceptive dahil natatakot siya sa maaari niyong
side effect pagdating ng panahon. Si Mhorric naman ay aayaw namang gumamit ng condom. Ayaw raw
nito ng may kapote.
Walang imik na bumaba siya sa kama at tumalon-talon sa sahig. Hoping na mailabas niya ang semilya
nito na natira sa 100b niya. Pumunta lang itong Japan ngunit nakalimot na. Napasarap masyado. Usually,
palagi silang withdrawal kapag hindi pa niya safe day.

"Love," ani Mhorric na hinawakan siya sa kamay at hinila palapit dito. Napaupo si Candy sa kandungan
nito. Yumakap naman si Mhorric sa kaniya. "Malaki na si Mave, puwedeng-pwede ng sundan," sa halip
ay wika nito.

Napabuntong-hininga siya. Tatlong taon na si Maverick, ang bunso nila. Pero para bang mas gusto niya
na 'wag muna nilang sundan si Maverick. Pero sa ginawa ni Mhorric, mukhang doon ang punta nila.

"I'm sorry, nawala sa isip ko. Sa sobrang pagka-miss ko sa iyo, nakalimutan kong mag-ingat," hinalik-
halikan siya ni Mhorric sa kaniyang balikat. Naglalambing.

"Sus," aniya nang balingan ito. "Kunwari ka pa, love. Alam kong gusto mo rin talaga."

Guilty ang ngiting sumilay sa labi at mga mata nito. "Aaminin ko, 00. Pero nawala rin talaga sa isip ko.
Nariyan na 'yan. Siguradong may nakarating ng sperm sa egg cell mo," ngumiti pa ito ng pilyo. Para bang
inaasar pa siya. "Got yah, love. Pero kung ipinaalala mo rin sa akin kanina na mag-ingat ako, baka naalala
ko. Kaso, pati ikaw ay nakalimot. So, we're quits."

"Huli. Pero, hindi kulong ang peg mo, ha?" aniya kay Mhorric.

"Hmmm. Whatever. Mayamaya na tayo matulog," anito na binuhat siya at muling inihiga sa ibabaw ng
kama. Ngumiti na naman ito ng pilyo habang kinukubabawan siya. "Isang linggo yata akong nawala.
Dapat, sulitin ang pagbabalik

ko, 'di ba?"

"Napaka-energetic mo. Ano'ng ginseng ang ininom mo habang nasa Japan ka?" biro pa niya rito.

'"Wag mo ng alamin, love," sa halip ay muling sinakop ng labi ni Mhorric ang kaniyang labi at
ipinaramdam na naman sa kaniya kung gaanong na-miss nito ang sandaling iyon sa pagitan nila.

INAYOS ni Candy ang necktie ng kaniyang asawa nang mapansin na medyo tabingi iyon. '"Yan, Okay na,"
aniya rito.

"Thank you, love," ani Mhorric na maingat pang kinintalan siya ng halik sa labi dahil may lipstick siya ng
mga sandaling iyon.

Napatingin sila kina Sugar, Aivan at Maverick na panay angtakbo at hagikhikan sa may salas na siyang
purnupuno sa loob ng bahay.

Nang araw na iyon ay nakatakda silang magpakuha ng family photo. Kasama ang lolo't lola ni Mhorric at
ang buong pamilya ni Candy.
"Careful," saway pa ni Candy kina Sugar. "Yes, mommy," ani Sugar na sige ang paghabol kina Maverick at
sa Kuya Aivan nito.

Ang mag-asawang Delfin at Teresa naman, habang nakaupo sa sofa ay tuwang-tuwang pinanonood ang
mga bata.

Napakurap-kurap siya nang yumakap pa si Mhorric mula sa kaniyang likuran. "Kapag nag-positive ka this
month, sisimulan na natin ang construction ng bahay natin sa may Valle Encantado," mahinang anas pa
nito sa may tainga niya na nagpatindig ultimo sa kaliit-liitang balahibo ni Candy sa katawan.

Lihim siyang napalunok. "Love, 'wag kang excited ."

'"Yon ang usapan natin. Kapag may pangatlo na tayo, lilipat na tayo. Para kapag lumabas na si baby,
doon na rin tayo titira."

"Siguradong-sigurado ka masyado, Mister."

"Of course. Sabi raw, maniwala ka sa instinct mo. Parang gusto ko na talagang maniwala, nangingiti pa
nitong wika.

Usapan din nila na magti-take siya ng Pregn ancy Test after three weeks. Two weeks from now. Pero
heto at mas excited pang 'di hamak ang asawa niya na kung ito lang ang masusunod ay nasundan na
agad nila si Maverick dahil sa pangarap nitong malaking pamilya.

"Mommy," ani Maverick na yumakap sa kaniyang mga binti. "Si Ate!" palirit pa nito na napalitan ng
hagikhik nang maabutan ng kapatid nitong si Sugar.

"I'll eat your brain," pananakot pa ni Sugar na mukhang nasobrahan na sa paglalaro ng Plant Vs Zombie
sa laptop ng ama nito.

"Babies," aniya kahit na hindi na literal na baby ang mga ito. "Baka magusot ang mga damit ninyo. Gusto
niyo bang mukha kayong zombie sa picture natin? 'Yong buhok mo, Ate Sugar, baka magulo lalo."

"Stop na. Mamaya na ulit maglaro after the shoot. Hmmm?" ani Mhorric na niyuko ang dalawang anak
at hinalikan parehas sa noo.

"Sugar, dito ka muna kay Tita," ani Avery na kinuha na si Sugar at inakay papunta sa isang upuan at doon
ay naupo.

"Tita Avery, may I borrow your phone?" ungot pa ni Sugar sa tita nito.

"Sige," ani Avery na ikinatuwa ni Sugar.

Si Maverick naman ay hindi na urnalis sa tabi ng ina. May ngiti naman sa labi ni Candy habang
pinagmamasdan niya ang kaniyang ama at ina na ngayon ay kakuwentuhan ang lolo't Iola ni Mhorric.

Tatlong beses sa 100b ng isang buwan kung magsama-sama sila sa 100b ng isang araw.
Tuwing linggo ay family day nilang lahat. Halinhinan, first Sunday of the month ay sa

Alabang sila nagla-lunch at dinner. Second Sunday ay sa Tagaytay, sa bahay ng kaniyang pamilya. Third
Sunday ay ang mga ito naman ang babiyahe papuntang Pagbilao City. Tuwing ika-fourth Sunday kasi ay
nakalaan naman para

sa sarili nilang pamilya ni Mhorric. Nakatulong din ang ganoong setup para mas mapatibay pa ang
samahan nilang lahat. At isa rin iyon sa routine na ikinatutuwa ng lolo't Iola ni Mhorric. Ang mga kapatid
niya ay nakapagtapos na rin sa pag-aaral. May mga stable ng trabaho.

Bagay na lubos niyang ipinagpapasalamat. Looking back, kung saan nasa panahon pa sila na walang-wala
sila. At ngayon, kung saan stable na silang lahat. Hindi mapigilan ni Candy na mapabuntong-hininga
kapag naiipagkumpara niya ang buhay nila noon sa ngayon. Sobrang laki ng ipinagbago.

"Ready na PO," anang photographer na pinaupo na ang mag-asawang Delfin at Teresa sa naka-setup na
paggaganapan ng kanilang family photo shoot. Sa living room lang iyon ng kanilang bahay. Pero on
details ang lahat para maganda ang kalabasan ng picture.

Ang mag-asawa ang nauna. Sunod ay kasama sila ni Mhorric at ngdalawa nilang anak. Sunod niyon ay
ang pamilya lang nila ni Mhorric. Pagkuwan ay ang pamilya naman ni Candy. Ang Nanay at Tatay niya at
ang mga kapatid niya. Hindi kasama ang mga bata sa mga naunang shot.

Hindi naman nagtagal ay kasama na rin sa picture Sina Mhorric at ang tatlong bata.

At ang pinakahuli, iyong sama-sama na

silang lahat. Sa gitna ng sofa ay nakaupo si Lolo Delfin at Lola Teresa habang kalong si Sugar at Maverick.
Nakaupo naman si Candy at Mhorric sa tigkabila ng lolo't Iola nito. Ang kaniyang ama at ina ay nakaupo
sa single sofa na nasa tigkabilang gilid ng mahabang sofa. Ang mga kapatid naman niya ay nakatayo sa
may bandang likuran. Kalong ng kaniyang Tatay Henry si Aivan.

"Perfect!" bulalas ng photographer. "One more. Okay. In three... two... one... smile!"

Yearly kung magpalit sila ng family photo na naka-display sa bahay nila. At sa taon na iyon, lubos na
nagpapasalamat si Candy dahil buo pa rin sila at magkakasama. Ano pa ba ang mahihiling niya? Wala na.
Maliban na lamangsa mahaba pang buhay para kina Lolo Delfin, Lola Teresa at sa mga magulang niya.

"Love, come here," ani Mhorric kay Candy. Kausap nito ang photographer.

"Bakit, love?" aniya nang lapitan ito.

Katatapos lang ng kanilang family photo shoot.

"Pa-picture tayo. 'Yong tayong dalawa lang," hirit pa nito.

Pumpwesto na sa may harapan nila ang photographer. "Closer PO."


"Closer claw," ani Mhorric na nangingiting hinapit si Candy palapit dito.

"Okay. Good. One more. Magkaharap naman po kayo," anang photographer.

Pumihit si Candy paharap kay Mhorric. Muli ay hinapit siya nito sa may baywang niya.

"Tumingin ka sa mga mata ko, love," ani Mhorric na sinunod din ni Candy.

lyong mga mata nito na habang nakatitig kay Candy ay bakas na bakas ang buong pusong pagmamahal
para sa kaniya. Nag-uumapaw pa nga. Napangiti siya. Sige naman ang click ng photographer sa camera
nito. Hanggang sa bumaba ang mukha ni Mhorric at halikan siya sa kaniyang labi.

Ganoon na lang ang pagngiti ng photographer nila. At ang impit na tilian sa paligid nila. Ganoon din ang
naroong mga staff. "Talaga namang," natatawang saway ni Candy sa asawa.

Ngumiti langsi Mhorric. "l love you," sa halip ay wika nito.

"l love you too."

"Naku, baka masundan niyan si Mave," parinig pa ni Lola Teresa sa kanila.

"Malapit na, 'La," walang gatol na wika ni Mhorric.

"Love," saway niya rito.

"Advance lang akong mag-isip," anito na ikinatawa ng mga naroon.

— WAKAS NA TALAGA —

Author Note: Pakaabangan po ang MARRIED AT EIGHTEEN, start na po ngayong November 01, 2021 ang
daily update.

Sana po ay mabasa niyo rin ang kuwento nina Janicah at Ezekiel.

Maramingsalamatpo sa pagsama sa akin sa kuwento nina Mhorric at Candy. Isang kuwento na naman
ang ating isasara, Salamat PO.

JONQUIL

LIST OF UHB MEN STORIES

* ONE KISS

* SAY YES

* MARRYING MY FIANCEE
* A KISS FROM THE BILLIONAIRE'S SON

* A BILLIONAIRE IN DISGUISE

( MARRIED TO A BILLIONAIRE, UHB Men Jamil

Ladjasali parent's story)

END.

You might also like