Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Gawain 1

Rafael Palma

Noong 1907, si Rafael ay nahalal sa Cavite para sa kauna-unahang Asemblea


ng Pilinas. Siya rin ay naging senador noong 1916 at pagkalipas ng may 6 na taon, siya
ay nagretiro sa politika.

Pedro Paterno

Siya ang namumuno sa tuwing magkakaroon ng pagpupulong at palagi niyang


pinaiiral ang mapayapang diplomasya upang magkaroon ng maayos na pag-uusap sa
iba’t ibang partido pampolitika. Nang bumagsak sa kamay ng mga kaaway ang Malolos,
iminungkahi ni paterno ang pakikipagsundo ng mga Pilipino at Amerikano.

Benito Legarda

Ay isang pilipinong mambabatas na miyembro ng Philippine Commision ng


American colonial insular government, ang lehislatura ng gobyerno, at kalaunan ay
isang Resident Comissioner mula sa Philippine Islands hanggang sa United States
Congress.

Eulogio Rodriguez

Bilang parangal sa kaniyang ambag sa bayan, particular na ang paggawa ng


mga batas para sa masa, ipinangalan sa kaniya ang kaniyang baying sinilangan pati na
an gating paaralan.

Norberto Romualdez

. Isa siyá sa mga unang nagtaguyod ng isang wikang mauunawaan sa buong


bansa. Noong1935, at bilang delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal,
nangampaniya siyá para sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa batay sa isang
katutubong wika. Pagkaraan ng kumbensiyon at mahalal siyá sa Pambansang
Asamblea, siyá ang bumuo ng batas para sa pagtatatag ng Surian ng Wikang
Pambansa.

Wenceslao Vinzon

Habang nasa unibersidad siya, si Vinzons ay naging sikat na lider ng


estudyante. Isa siyang miyembro ng Upsilon Sigma Phi. Siya rin ay mahahalal bilang
pangulo ng lupon ng mga estudyante at punong patnugot ng Philippine Collegian. Kilala
rin siya sa pagbigay ng isang talumpati na may pamagat ng "Malaysia Irrendenta", kung
saan pinamunkahi niya ang pagkakaisa ng mga bansa sa Timog Silangang Asya na
may pinagmulang Malay. Ginantimpala siya ng Gintong Medalya ni Manuel L. Quezon
ng Kagalingan.

Jaime C. de Veyra

Naging gobernador siya ng Leyte noong 1906 at kasapi sa Asamblea ng Filipinas


noong 1907. Naging kasapi siya ng Philippine Commission noong 1913 at kalihim
ehekutibo ng Filipinas noong 1916. Noong 1917, nahirang siyá bilang Resident
Commissioner sa Estados Unidos, at kinatawan niya ang bansa sa kongresong
Amerikano.

Cecilio Lopez

Siya ang kaunaunahang nakatapos ng Doktorado sa larangan ng linggwistika sa


Pilipinas kaya tinagurian siyang “Ama ng Linggwistika sa Pilipinas” dahil siya ang
pinakaunang linggwistang Pilipino. Sinulat niya noong 1940 ang “Gramatika ng Wikang
Tagalog”. May humigit-kumulang na tatlumpung pag-aaral ang naisagawa ni Lopez
tungkol sa mga ponolohiya, morpolohiya, at sintaks ng mga wika sa Pilipinas.

Santiago Fonacier

Si Fonacier ang isa sa unang kapanalig ni Gregorio Aglipay. Naging sekretaryo-


heneral siyá ng Iglesia Filipina Independiente at nang mamatay si Aglipay ay pumalit na
Obispo Maximo nitó. Namatay siyá noong 8 Disyembre 1977 sa gulang na 92 taón.
Noong Mayo 1985, itinapat sa kaniyang sentenaryo ang paglalagay ng marker ng
National Historical Institute sa kaniyang sinilangang bahay.

Casimiro Perfecto

Isang bikol at tinaguriang bilang ng kagawad

Hadji Butu

Si Hádji Bútu ay isang estadista, at ang unang senador na Muslim. Nanungkulan


siyá bilang senador para sa 12 distrito ng Filipinas noon.

Filemon Sotto

ay isang Pilipino Bisaya abugado, mambabatas, at pulitiko mula sa Cebu,


Pilipinas. Siya ay isang tagapaglathala ng pahayagan at itinatag ang mga peryodiko El
Imperial, Ang Kaluwasan, La Opinion, at La Revolucion. Nagsilbi siya bilang miyembro
ng lupon ng munisipyo ng Cebu, Kongresista ng ika-3 distrito ng Cebu para sa
Assembly ng Pilipinas (1907–1916), Senador ng Batasan ng Pilipinas (1916–1922),
delegado sa 1934 Batas sa Konstitusyon, at italaga sa Institute ng Wikang Pambansa
(1937).
Feliz Salas-Rodriguez

Isa sya sa mga naunang miyembro ng lupon ng SWP (Surian ng Wikang


Pambansa).

Isidro Abad

Sya ang pumalit bilang kagawad, sa posisyon na hindi tinangap ni sotto

Lope K. Lopez

Si Lope K. Santos ay pangunahing manunulat at makata, lingguwista, at lider


manggagawa.

Inigo Ed Regalado

Si Iñigo Ed. Regalado ay tanyag noong sa sagisag na Odalager. Naging


patnugot siya ng pahayagang Mithi, Watawat, Pagkakaisa, at ng lingguhang magasin
na Ilang-ilang. Isa siya sa mga Taliba ng panulaan. Kilala siya bilang makata ng pag-
ibig.

Gawain 2

PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN

Sa pagkakatatag ng Malasariling Pamahalaan at sa ilalim ng pamumuno ni Pang.


Manuel L. Quezon nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng Pilipinas
ng isang wikang pambansa. Sinikap niyang mapasama sa Saligang Batas ng
Komonwelt ang Artikulo XIV, Pangkat 3 nag nagsasaad na “ . . . . ang Kongreso ay
gagawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa
isa sa mga umiiral na wikang katutubo.”

Itinalaga ng Kongreso ang pagkakaroon ng lupong siyang mag-aaral kung aling wikang
katutubo ang ang pagbabatayan ng wikang pambansa at ang lupon ay kinilalang Surian
ng Wikang Pambansa ayon sa bisa ng Batas Komonwelt 184.

PANAHON NG PAGSASARILI
Muling nagkakaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong
1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli ito ay nagging probisyong pangwika sa
Saligang batas ng 1973.

PANAHON MATAPOS ANG MAPAYAPANG REBOLUSYON HANGGANG SA


KASALUKUYAN

Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming
nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.
Marami ding akdang naisulat sa wikang tagalog. Parang mga akdang nagsasaad ng
pagiging makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga Kastila ang pangunahing
paksa ng kanilang mga isinulat.

Gawain 3

Gawain 4

TAGALOG

Ito ay salitang pinalaganap sa ating mga katutubo at sinasalita ng mga naninirahan sa


katimugang Luzon.

PILIPINO

Ito ang tawag sa mga taong nakatira sa Pilipinas, ito rin ang wikang nasyonal noong
taong 1943.

FILIPINO

Ito ang tinatawag na nasyonalismo sa mga taong nakatira sa Pilipinas. Ito rin ay wikang
pambansa noong 1987. Ito ang wikang pambansa ng pamahalaan at ginagamit sa
pakikipag ugnayan sa mga mamamayang kanyang sakop at tinatawag itong tulay na
wika.

Assignment
Dalawang uri ng Komunikasyon

1. Berbal na komunikasyon

Ang berbal na komunikasyon ay gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng


kaisipan, damdamin o saloobin sa paraang salita.

2. Di-berbal na komunikasyon

Ang di-berbal na komunikasyon ay ang komunikasyon na naipapahayag ang


damdamin o gusto sa pamamagitan ng senyas, ekspresyon ng mukha, simbolo at
iba pa. Madalas itong ginagamit ng mga taong may kapansanan sa pagsasalita at
pakikinig.

You might also like