Fil6 Q2WEEK1 FINAL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

UNANG DISTRITO NG TAMPILISAN

FILIPINO 6
IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO-1

Pangalan:__________________________________________Baitang/Seksyon:_______________
Paaralan:___________________________________________Iskor:__________________________

GAWAING PAGKATUTO/LAS
Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Talaarawan at Anekdota
I-Kasanayang Pagkatuto at Koda
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/ nabasang talaarawan
at anekdota(F6RC -IIdf-3.1.1)
Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan(F6PS-IIh-3.1)
II-Panimula(Susing Konsepto)
Ang talaarawan ay isang pasulat na pagsasalaysay ng pang-araw-araw na pangyayari sa buhay,
mga personal na karanasan, saloobin, obserbasyon at pananaw. Ito ay sinusulat sa paraang nakikipag-
usap sa isang tao. Kaya maaari itong magsimula sa “Mahal kong Diary o Talaarawan” o maaari ring
bigyan ng pangalan na parang isang tunay na tao ang sinusulatan.
Ang anekdota ay isang maikling salaysay ng natatangi at nakawiwili o
nakalilibang na pangyayari, karaniwan sa buhay ng kilalang tao at maaaring
tunay na nangyari o hindi.
Layunin nito na maghatid ng mga karanasang kapupulutan ng aral. Ito ay may isang paksa at
ang bawat pangyayari ay nagbibigay kahulugan at ideyang nais ipadama.
Kung gayon sa pagsagot sa mga tanong mula sa nabasang talaarawan at
anekdota, dapat tandaan ang sumusunod:
1. pag-unawang mabuti sa isinasalaysay ng akda;
2. pag-unawang mabuti sa mga ibinigay na tanong;
3. pagsagot nang mahusay sa mga tanong; at
4. pagrebyu at pagtiyak kung tama ang sagot sa mga tanong.
Ang pagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan ay isang mahalagang
kasanayan na dapat matutuhan upang maunawaan ang mga tiyak na sitwasyong
nagaganap sa paligid. Ito ay isang paraan ng komunikasyon na maaaring
isagawa nang pasalita at pasulat. Isang halimbawa ng pagbabahagi ng
pangyayaring nasaksihan ay ang mga madalas nating naririnig, nababasa, at
napanonood sa radyo, telebisyon at pahayagan.
III-Mga Pagtatasa
GAWAIN A
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang anekdota. Sagutin ang sumusunod
na mga tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.
Kahapon, nakita ko ang aking inay na umiiyak dahil
Gusto na niyang bisitahin ang puntod ng aking ama
na namayapa na. Subalit hindi niya ito magawa sa
kadahilanang hindi pa pwede pumunta sa
sementeryo. Mahirap para sa akin ang makita kong
umiiyak ang nanay ko.Mahal na mahal ko ang aking
nanay. Kaya sabi ko sa kanya “Nanay, tahan na.
Ito ay iginuhit ni Zia

Bisitahin nalang natin sa susunod na araw ang puntod ni Tatay.Huwag ka na umiyak Nanay,mahal na
mahal kita”.

1. Kaninong anekdota ang iyong nabasa?


A. Jane B. Zia C. Mariz D. Roan
2. Ano ang kaniyang nakita?
A. Ang asong tumatahol
B. Ang nanay niyang humalakhak
C. Ang ate niyang natutulog
D. Ang nanay niyang umiiyak
3. Sino ang gustong bisitahin ng kanyang ina?
A. Ang tatay niyang namayapa na
B. Ang kaibigan niyang nasa hospital
C. Ang Lolo niya na nasa probinsya
D. Ang tatay niyang nasa kulungan
4. Bakit hindi niya ito mabisita?
A. Bawal pa pumunta sa sementeryo.
B. Walang masasakyan.
C. Walang kasama ang nanay.
D. Dahil maysakit ang nanay.
5. Anong aral ang makukuha mo sa nabasang anekdota?
A. Huwag maging matatakutin.
B. Sundin ang sariling desisyon.
C. Maging maalahanin sa iyong mga magulang.
D. Pag-isipan nang mabuti ang pagdedesisyon.

GAWAIN B
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talaarawan na nasa ibaba. Punan nang
tamang sagot ang bawat salungguhit.

Mahal kong Talaarawan,


6 Nobyembre 2021
Sabado
Ngayon ay Sabado at ito na ang pinakahihintay kong araw dahil aalis kami ni mama papunta sa
Sundance Resort. Maaga akong gumising, dadalhin ko ang paborito kong swimsuit. Excited na akong
maligo sa swimming pool. Pagkatapos naming maligo ni mama, kakain kami sa isang kainan ng batchoy
ang paborito kong ulam.
7 Nobyembre 2021
Linggo
Linggo ngayon at araw ito para sa Poong Maykapal. Maaga kaming naghanda dahil magsisimba.
Pagkatapos naming magsimba, pumunta kami sa palengke upang bumili ng bagong damit, namasyal at
kumain. Walang ano-ano, biglang sumakit ang tiyan ko dahil naparami ang kain ko ng kanin, fried
chicken at pag-inom ng softdrinks. Niyaya ko na sina mama na umuwi dahil masakit ang tiyan ko.
Nagmamahal,
Shang-shang

Ang may-akda ng talaarawan ay si_________________. Ang paborito niyang


ulam ay____________. Pumunta sila sa ______________upang maligo ng swimming pool kasama ang
_____________niya. Araw ng __________, nagsisimba sila. Pagkatapos magsimba ay pumunta na sila
sa _____________upang bumili ng bagong____________.
Biglang ______________ang tiyan niya dahil naparami ang kain niya ng kanin, _______________, at
pag-inom ng _____________.

GAWAIN C
Panuto: Buoin ang Story Train. Itala ang pagkasunod-sunod ng mga kaganapang
iyong napansin o nasaksihan simula pagkagising sa umaga, pagdating ng
tanghali at pagsapit ng gabi. (10 PUNTOS)

_________________________ ______________________ _____________________________


_________________________ ______________________ _____________________________
_________________________ ______________________ _____________________________
_________________________ ______________________ _____________________________
_________________________ ______________________ _____________________________
GAWAIN D
Panuto: Ibahagi ang iyong nasaksihan sa isang ginaganap na kasal sa inyong
pamayanan sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling talata. (5 puntos)

Ang aking nasasaksihan sa isang ginaganap na kasal ay___________________


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_______________________________.

IV.Pangwakas/Pagninilay

Ano ang natutuhan mo sa araling ito?


________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
V.SANGGUNIAN
Most Essential Learning Competencies 2020 (F6PS-IIh-3.1 pah. 222)
2016 K to 12 Gabay Pangkurikulam Filipino (F6PS-IIh-3.1 pah. 123)
Sariling Katha

Lagda ng Magulang: ______________________________

SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN A GAWAIN B
1. B 1. Shang-shang 6. palengke
2. D 2. batchoy 7. damit
3. A 3. Sundance Resort 8. sumakit
4. A 4. Mama 9. Fried chicken
5. C 5. Linggo 10. softdrinks
Gawain C at D
Depende sa sagot ng bata

Inihanda ni :

MARIE KRISTINE LOVE B. PALINGCOD


T-I/School Filipino Coordinator
Member/Quality Assurance Team

Sinuri nina :

JOSELITO P. GUMIRAN DARLYN S. BALILI


P-I/ District Filipino Focal Perso n T-III/ District Filipino Coordinator

EMMA C. DIZON
T-III/School Filipino Coordinator
Member
Quality Assurance Team

Inaprubahan ni:

LOIDA J. GIM AN G
P-II/Principal -In-Charge of the District

You might also like