Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

LAWAK NG PAGPAPAHALAGA NG MGA MAG-AARAL SA

IKALAWANG TAON NG KURSONG AKAWNTANSI SA


PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS - PABLO
BORBON SA ASIGNATURANG FILIPINO KAUGNAY
NG KANILANG AKADEMIK PERFORMANS

Isang Sulating Pananaliksik


na Iniharap kay
Gng. Genoveva Ramos
Ng Pambansang Pamantasan ng
Batangas Pablo Borbon

Bilang Bahagi ng Pagtupad


Sa Pangangailangan ng Kursong
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
FILI 102

nina

DE LUNA, Quenie V.

ONA, Janine A.

PANGANIBAN, Jade Anne C.

PINTOR, Eljane H.

TIENGO III, Benedicto C.

ABRIL 2021

i
TALAAN NG NILALAMAN

PAHINA NG PAMAGAT………………………………………………………………..i

TALAAN NG
NILALAMAN…………………………………………………………....ii

KABANATA 1- Ang Suliranin at Sanligan ng Pananaliksik

Introduksyon……………………………………………………………………....1

Paglalahad ng Suliranin…………………………………………………………...3

Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………….4

Batayang Konseptwal……………………………………………………………..6

Ang Paradimo ng Pag-aaral……………………………………………………….9

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral………………………………………………10

Depinisyon ng mga Terminolohiya………………………………………………


11

KABANATA II- Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Banyaga na Literatura……………………………………………………………13

Lokal na Literatura…………………………………………………………….....15

Kaugnay na Pag-aaral……………………………………………………………17

KABANATA III- Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik…………………………………………………………20

Mga Respondente………………………………………………………………...21

Instrumento ng Pananaliksik……………………………………………………..22

Tritment ng mga
Datos…………………………………………………………...24

ii
BIBLIOGRAPIYA
APENDIKS
Sarbey Kwestiyoneyr…………………………………………………………….29
Talaan ng Talahanayan
Talahanayan Pahina
1 Espisipikasyon ng Sarbey Kwestiyoneyr 23
2 Likert Scale 27

iii
Talaan ng Larawan
Pigura Pahina
1 Ang Paradimo ng Pag-aaral 9

iv
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng rasyonal at kaligiran, paglalahad ng

suliranin, layunin at kahalagahan ng pag-aaral, teoretikal na gabay at konseptwal na

balangkas, sakop at delimitasyon, at pagbibigay kahulugan sa termino. Sa kabanatang ito

malalaman at mailalahad kung ano ang pinakapinupunto ng isasagawang pananaliksik.

Dito ay bibigyan ng paunang kaalaman o ideya ang mga taong makakapagbasa ng pag-

aaral na ito. Malalaman nila dito ang importansya ng naisagawang pananaliksik.

Introduksyon

Sa patuloy na pag-unlad ng bansa ay masasabing isa ang wikang Filipino sa

naging daan ngunit marami pa rin ang hindi tumatangkilik sa sarili nilang wika. Sa pag-

usbong ng iba’t-ibang lenggwahe sa ating bansa ay hindi maikakailang nalilimutan na ng

ibang mga Pilipino ang sariling wikang kinagisnan. Maraming mga Pilipino ang nagiging

banyaga sa sariling bansa sapagkat ang mismong wika ay hindi nila ginagamit at hindi

nila maintindihan. Sa mga mag-aaral ay marami rin ang nahihirapan sa paggamit ng

purong Filipino lalo na sa pang-angkop ng mga teknikal na ideya at salitang hiram mula

sa Ingles. Bagaman umuunlad ang wikang Filipino ay marami pa rin ang hindi

nagpapahalaga rito at nangingibabaw pa rin ang wikang Ingles sa iba’t-ibang mga

unibersidad.

Mahalaga na sa murang edad pa lamang ay naiintindihan at nagagamit na ng mga

kabataan ang wikang Filipino. Sa kanilang pagtanda ay patuloy dapat itong nalilinang at

1
hindi kinakalimutan. Gayundin, mahalaga ang papel ng mga kaguruan upang mahasa pa

at malinang ng mga kabataan ang kanilang kakayahan sa paggamit ng wikang Filipino sa

iba’t-ibang larangan. Sa paggamit ng wika, mahahasa ang kanilang kaalaman at

kakayahan sa pagsasalita sa wikang Filipino. Kapag ginagamit parati ang wika, magiging

matatag ang pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-unawa sa maraming

bagay tungkol sa mga Pilipino. 

Ang bansang Pilipinas ay isa sa mga bansang nakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang

bansa upang mapalago pa ang ekonomiya at sa patuloy na pakikipag-ugnayang ito ay

hindi maikakailang natutunan ng mga Pilipino ang iba’t-ibang kultura at paniniwala ng

iba. Malaking hamon ito sa lahat lalo at higit sa mga gurong nagtuturo ng asignaturang

Filipino sapagkat maraming mag-aaral ang mas pinipiling tangkilikin ang ibang kultura

kaysa sa kultura na mayroon ang mga Filipino. Malaki ang gampanin ng mga guro upang

maipaunawa ang kahalagahan at gamit ng wika ngunit napakahirap nitong ipaintindi sa

panahon ngayon sapagkat nakatatak sa isipan ng mga mag-aaral na wikang Ingles ang

dapat na ginagamit dahil ito ang makakatulong upang makipag-ugnayan sa ibang bansa.

Sa panahon ngayon, maraming mag-aaral ang ikinahihiyang gumamit ng wikang Filipino

sa pakikipagtalakayan sa paaralan. Ang wikang Filipino ay nawawalan na ng halaga at

tanging kaunti na lamang ang tumatangkilik dito.

Sa kasalukuyan, nakakalungkot man na isipin ngunit iilan lamang ang mga mag-

aaral na may marubdob na pagpapahalaga sa wikang Filipino. Madalas na maririnig sa

mga umpukan ng mag-aaral na kapag ang “Filipino” na ang pag-uusapan, hindi na

ganoong kaganda ang kanilang mga nasasabi. Hindi lamang ang mga kabataan ang

nagpapakita ng mga negatibong impresyon sa sarili nilang wika bagkus maging ang ilan

2
sa mga propesyunal ay ganoon din. Dahil sa pagkakaroon ng ganitong mga sitwasyon,

mahihinuha na maaapektuhan ang kanilang pagpapahalaga sa asignatura pati na rin ang

kanilang performans. Mayroong mga sitwasyon na kung saan ay kapag ginagamit ang

wika sa loob ng institusyon, hindi na ito ganoong pinapansin ng ibang mga guro at mag-

aaral dahil kung minsan nahahaluan pa ito ng pangungutya. Pinaniniwalaang hindi

problema ang malawakang pagpapaunlad at pagpapaangat sa antas ng paggamit natin ng

wikang Filipino dahil dito ay maipapakita natin ang ating pagpapahalaga rito.

Layunin ng mananaliksik na malaman ang lawak ng pagpapahalaga ng mga mag-

aaral sa asignaturang Filipino at masuri kung nakaaapekto ba ito sa kanilang

pakikipagtalastasan, performans at pagkatuto sa klase.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na mayroong layuning matukoy ang lawak ng pagpapahalaga

ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng kursong akawntansi sa Pambansang Pamantasan

ng Batangas - Pablo Borbon sa asignaturang Filipino kaugnay ng kanilang akademik

performans.

Naglalayon ang pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga kalahok na mag-aaral sa pananaliksik batay sa:

1.1. kasarian;

1.2. paboritong asignatura; at

1.3. kinagigiliwang uri ng babasahin?

3
2. Ano ang lawak ng pagpapahalaga ng mga kalahok sa asignaturang Filipino batay sa:

2.1. interes sa asignatura;

2.2 motibasyon sa pag-aaral;

2.3 paggawa ng mga kursong pangangailangan; at

2.4 paggamit ng wikang Filipino?

3. Ano ang marka ng mga kalahok sa pag-aaral sa kanilang asignaturang Filipino?

4. May kaugnayan ba sa pagitan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga mag-aaral na ito sa

asignaturang Filipino at ang kanilang marka?

5. May kaugnayan ba sa pagitan ng propayl ng mga respondente at ang kanilang lawak ng

pagpapahalaga sa asignaturang Filipino?

Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gagawin ng mga mananaliksik upang matukoy ang lawak

ng pagpapahalaga ng mga piling mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Batangas –

Pablo Borbon. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay kapaki-

pakinabang, makabuluhan at may malaking maitutulong sa mga sumusunod:

Para sa mga mag-aaral. Ang pag aaral na ito ay makakatulong upang

magkaroon ng karagdagang impormasyon at kaalaman ang mga mag-aaral at ipamulat

ang pag-iisip ng mga mag-aaral na binabalewala ang asignaturang Filipino. Sa

pamamagitan din nito, habang nasa unang taon pa lamang ng kolehiyo ang mga mag-

4
aaral ay maaga nilang malaman ang kahalagahan ng asignaturang Filipino sa pagtahak

nila sa kolehiyo at mabuksan ang kanilang kamalayan sa mga bagay-bagay.

Para sa mga magulang. Ang magiging resulta ng pag aaral na ito ay

makakatulong sa mga magulang upang malaman nila ang mga mabuti at masasamang

maidudulot nito. Sa pamamagitan din nito, mas malalaman nila kung paano nila

papayuhan at bibigyan ng suporta at gabay ang kanilang mga anak. Mas malalaman din

nila kung paano nila matutulungan ang kanilang mga anak sa sitwasyon nila.

Para mga guro. Ito ay makakatulong upang mas maintindihan nila ang mga

opinyon at saloobin ng kanilang mga tinuturuan. Sa pamamagitan din nito, mas madali

nilang matutukoy kung ano ang mga problema at para mas maaga nilang masolusyonan

ito at upang mas mabigyan nila ng sapat na patnubay ang mga mag-aaral.

Para sa mga mananaliksik sa hinaharap. Ito ay makakatulong upang sila ay

magkaroon ng malawak na pananaw at karunungan, at mapalawak pa ang kanilang

kaisipan sa usaping ito. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing karagdagang impormasyon

sa kanila at upang mas mapahalagahan pa nila ang asignaturang Filipino. Sa

pamamagitan din nito, mabibigyan sila ng patnubay, karagdagang kaalaman at kalinawan

ang iba pang mananaliksik tungkol sa paksang kanilang aaralin at bubuuin.

Para sa Pambansang Pamantasan ng Batangas- Pablo Borbon. Ang magiging

resulta ng pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay na batayan upang mas mapaunlad pa

ang pamamahala sa loob ng paaralan. Sa pamamagitan nito, mas lalo pang mapapaigting

ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa larangan ng asignaturang Filipino, at upang ang

bawat mag-aaral ay mas lalo pang maging disiplinado at edukado.

5
Batayang Konseptwal

Mayroong iba’t ibang mga bagay ang nakakaapekto sa pag-aaral at kung kaya

naman sa pananaliksik na ito ay tutukuyin kung ano ang koneksyon sa pagitan ng mga

pananaw ng mag-aaral ukol sa asignaturang Filipino at ang kanilang akademikong

performans. Sa batayan na ito maipapakita ang mga mahalagang punto na dapat bigyan

ng pokus sa pananaliksik na isinagawa.

Sa bahaging ito nakasaad ang ilan sa mga konsepto, ideya at teorya na mayroong

koneksyon sa pag-aaralang paksa. Dito ay matutukoy ng mga mananaliksik kung ano ang

naging resulta o kaya ay ang mga ideya na nabuo na ng mga naunang mananaliksik na

tumalakay din ng paksa na katulad ng naisagawang pag-aaral na ito. Ang pag-aaral na ito

ay nakabatay sa Teoryang Connectionism ni Edward Lee Thorndike at Operant

Conditioning ni Skinner.

Nakapaloob sa Teoryang Connectionism ni Edward Lee Thorndike ang dalawang

magkaugnay na elemento na kung tawagin ay ang pampasigla (stimulus) at ang tugon

(response). Ang pagkakaugnay ng dalawa ay nagiging isang gawi at maaaring palakasin o

pahinain depende sa kalikasan o uri at dalas ng pagtatambal ng pampasigla at tugon.

Nangangahulugan na mabubuo ang pagkatuto at pag-uugali kung makahahanap ng isang

epektibong pampasigla na magpapatatag ng koneksyon sa pamamagitan ng pagtugon sa

pangangailangan ng mag-aaral upang magkaroon ng isang makahulugang karanasan sa

pagkatuto. Ito ay palatandaan na sa paggamit ng mga guro ng panggaganyak o

6
pampasigla sa pag-aaral ay mas mapapahalagahan ng mga mag-aaral ang isang

asignatura. (Corpuz et. Al, 93)

Ang teoryang Connectionism ay mas lalong magiging epektibo at mas matatag sa

pamamagitan ng tatlong alituntunin sa pagkatuto na iminungkahi ni Thorndike. Ang mga

ito ay:

1. Tuntuning Kalalabasan (Law of Effect). Kapag positibo ang naging epekto o

kinalabasan nito nagiging mas malakas ang koneksiyon. Sa madaling sabi, mas magiging

madali ang pagkakatuto kung maganda at kaaya-aya ang kaligiran o sitwasyon. Kapag

naman naging negatibo ang kinalabasan maaaring ang koneksiyon sa pagitan ng stimulus

at response ay humina. Kaya naman mas maganda na maging positibo ang kinalabasan

para sa maayos na koneksiyon.

2. Tuntuning Pagsasanay (Law of Exercise). Kapag ang pag-uusapan ay ang mga

Gawain, magiging maganda at perpekto ang kalalabasan nito kung may pagsasanay na

gagawin ang isang tao. Kaya naman kung palaging nagsasanay ang isang tao ay mas

malaki ang posibilidad na ito ay mas lalong tumibay. Ngunit hindi magiging matagumpay

ang pagsasanay kung wala naman itong kaakibat na pagtugon na aksiyon, na

nangangahulugan lamang na bawat pagtugon sa isang pagsasanay ay ang magandang

resulta ng sinanay na kilos o gawa.

3. Tuntuning Kahandaan (Law of Readiness). Nais iparating ng tuntuning ito na nararapat

na handa at nasa kondisyon ang utak. Ibig sabihin nito ay kapag handa na ang isang tao sa

pagtugon ng stimulus ay mas nagiging malakas ang bigkis sa pagitan ng dalawa. At

7
kapag mayroong sitwasyon na handa na ang isang tao sa pagtugon ngunit hindi naman ito

agad natugunan ay meron itong di ka nais nais na epekto sa tao.

Ang isa pa na teorya ay kilala bilang Operant Conditioning na nilikha ni Skinner

na kung saan ay naglarawan ito na ang pagkatuto ay resulta ng pagbabago ng ugali ng

tao. Ang pagkabago ng pag-uugali ay ang siyang nagiging bunga ng pagtugon ng isang

indibidwal sa isang pangyayari na nagaganap sa kanyang kapaligiran o kilala bilang

stimulus. Kapag ang isang partikular na stimulus-response na hulwaran ay napalakas at

nagagantimpalaan, nakokondisyon sa pagtugon ang isang indibidwal. Mas napapalalim

ang pagkondisyong sa pamamagitan ng tinatawag na reinforcement o pampalakas na

kung saan ito ay tinukoy bilang isang pampatibay sa ninanais na tugon (Corpuz et. al,

93). Malinaw na binigyang diin at pansin ng dalawang teoryang naisaad na ang

pagpapahalaga ng mga tao sa mga bagay ay nagsisimula sa pamamagitan ng wastong

pagkakontrol nila sa kanilang mga kinikilos. Ang paghuhubog ng pag-uugali ng isang tao

ay maituturing na isang paraan ng pagkontrol dahil sa pamamagitan nito, ang pagbibigay

sa kanya ng mga pangganyak bilang daan sa kanyang makahulugang karanasan sa

pagkatuto ay mas napapaunlad. Kung susuruin ang konteksto ng pagtuturo ng mga guro

bilang modelo, nararapat na maipakita nito sa kanyang mga tinuturuan ang kasikhayan sa

pagtuturo upang maimpluwensiyahan nito ang interes ng mga mag-aaral na pahalagahan

ang asignaturang Filipino at mas mapasisidhi pa sa paglilikha nito ng kapaligirang kaaya-

aya sa pagkatuto.

8
INPUT PROSESO AWTPUT

Propayl ng mga Mag-aaral Pamimigay ng mga Inaasahan ng mga


kuwestyuner o sarbey sa mananaliksik na
 kasarian
mga mag-aaral sa unang malaman kung gaano
 paboritong asignatura
taon ng akawntansi kalawak ang
 kinagigiliwang uri ng
pagpapahalaga ng
babasahin Pag-aanalisa at
mga mag-aaral sa
paglalahad ng mga datos
Lawak ng pagpapahalaga sa ikalawang taon ng
na nakalap sa pag-aaral
asignaturang Filipino kursong Akawntasi sa
 interes sa asignatura Pambansang
 motibasyon sa pag- Pamantasan ng
aaral Batangas sa
 paggawa ng mga asignaturang Filipino
kursong kaugnay ng kanilang
pangangailangan Akademik
 paggamit ng wikang Performans.
Filipino

PIGURA 1: ANG PARADIMO NG PAG-AARAL

Ang batayang konseptwal ng pananaliksik na ito ay nagpapakita ng isang input-

process-output model. Inilahad sa bawat frame ang mga hakbang na gagawin ng mga

mananaliksik. Ang unang frame ay ang lawak ng pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa

ikalawang taon ng kursong Akawntansi sa asignaturang Filipino batay sa kanilang interes

9
at kawilihan sa asignatura, motibasyon sa pag aaral, paggawa ng mga kursong

pangangailangan at paggamit ng wikang Filipino, ano ang mga grado ng magaaral sa

ikalawang taon ng kursong Akawntansi sa asignaturang Filipino at kung may kaugnayan

ba ang propayl ng mga kalahok at kanilang lawak ng pagpapahalaga sa asignaturang

Filipino. Sa pangalawang frame ay ang paggamit ng kuwestyuner or survey ng mga

mananaliksik bilang proseso ng pagkalap ng impormasyon at ang pangatlong frame ay

ang inaasang kakalabasan ng mga mananaliksik na kung saan ay malalalaman ang lawak

ng pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng kursong Akawntasi sa

Pambansang Pamantasan ng Batangas sa asignaturang Filipino kaugnay ng kanilang

akademik performans. Sa pamamagitan ng batayan na ito, mas madaling mauunawaan ng

mga mananaliksik at maging ng mga mambabasa kung ano ang pinakamahalagang mga

punto na dapat matandaan at maisaisip nila sa oras na makita nila ang akdang ito.

Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay tuon sa lawak ng pagpapahalaga ng mga

mag-aaral ng mga piling mag-aaral na nasa ikalawang taon ng kursong Akwantansi sa

Pambansang Pamantasan ng Batangas hinggil sa kaugnayan ng asignaturang Filipino sa

kanilang pang akademikong performans. Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagkuha ng mga

baryabol tulad ng preperensya, saloobin, pananaw at iba pang may kinalaman sa paksa.

Ang mga nasabing mag-aaral ang magiging bahagi ng pag-aaral sapagkat sa kanila

nakatuon ang pag-aaral. Dagdag pa rito, ang mga piling mag-aaral ang may sapat na

kaalaman, kasanayan at karanasan na nararapat upang mapagtagumpayan ang pag-aaral.

10
Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa Pambansang Pamantasan ng Batangas at mas

espisipiko ay sa mga mag-aaral sa kursong akwantansi. Ito ay mas lalo pang nililimitahan

sa pamamagitan ng pagkuha ng mga respondente mula sa mga piling mag-aaral ng

kursong Akawntansi na nasa ika-lawang taon. Ang mga mag-aaral ay pinili dahil sila ay

isa sa mga mag-aaral na kinakitaan na mayroong nagiging epekto ang pananaw na

mayroon sila at ang kanilang nagiging performans sa mga aralin na kanilang tinatalakay

sa kanilang kurso.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mapabilis at mapadali ang pang-unawa sa pag-aaral na ito, ang mga

sumusunod na salita ay binibigyang katuturan:

Akademik performans. Ito ay sumusukat sa kakayahan at abilidad ng bawat

mag-aaral sa loob ng silid-aralan (Flores et al., 2016). Sa pag-aaral na ito, ito ay

tumutukoy sa kalagayan at antas ng kakayahan ng mga mag-aaral patungkol sa iba’t

ibang mga aralin at mga gawain na isinasagawa sa klase.

Asignaturang Filipino. Ito ay disenyo ng departamento ng edukasyon upang

mapalawak ang kaalaman ng bawat Filipino patungkol sa sariling wika at ang mga

kagamitan nito (Fernandez et al., 2010). Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa kung

ano ang pinag-aaralan ng mga mag-aaral na patungkol sa kung ano ang mayroon sa wika

at pati na rin ang kasanayang isinasagawa ng mga Pilipino.

Lawak ng pagpapahalaga. Tumutukoy sa lalim ng pagbibigay ng impresyon ng

respondante sa kanilang pagtanggap sa asignaturang Filipino sa panahong ito ay kanilang

pinag-aaralan o kinuha (Sullera, 2015). Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa kung

11
gaano nabibigyaang diin ang pagmamahal at pagrespeto ng mga mag-aaral sa wikang

Filipino.

Respondente. Tumutukoy sa mga mag-aaral na sakop sa pag-aaral na ito (Sullera,

2015). Sa pag-aaral na ito, sila ay tumutukoy sa mga piling mag-aaral na siyang mga

kalahok at bahagi na sasagot sa mga katanungan ng mananaliksik ng isinagawang pag-

aaral.

Wikang Filipino. Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino ito ang katutubong

wika, pasalita at pasulat sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon at sa iba

pang sentrong urban sa archipelago na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga

etnikong grupo. Sa pag-aaral na ito, ito naman ang tumutukoy sa lenggwahe na

ginagamit ng wikang Filipino at nagsisilbing pambansang wika na parating nagagamit sa

araw-araw nilang mga buhay.

12
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay ukol sa mga pag-aaral at babasahin na may

kaugnayan sa lawak ng pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng kursong

akawntansi sa Pambansang Pamantasan ng Batangas - Pablo Borbon sa asignaturang

Filipino kaugnay ng kanilang akademik performans. Sa kabanatang ito rin ipinapakita

ang ilan sa mga pananaliksik na naisagawa na mayroong koneksyon ditto sa pananaliksik

na isasagawa pa lamang.

Banyaga na Literatura

Batay kina Ganai at Muhammad (2013) ang akademikong performans ay

kaalamang nakakamit ng kakayahan at antas ng kakayahan sa mga gawain sa paaralan na

karaniwang nasusukat sa pamamagitan ng mga eksaminasyon na ibinibigay sa mga mag-

aaral at sa mga markang nakukuha ng mga ito. Karaniwan din na nasusukat ang

akademik performans sa patuloy na pagsusuri sa kakayahan ng mga mag-aaral at sa

pagtatalakayan sa loob ng silid-aralan. May iba’t –ibang salik na nakakaapekto upang

mapalawak ng mag-aaral ang pagpapahalaga sa wikang Filipino kaugnay ng kanilang

13
akademik performans. Ito ay ang mga guro at kolaborasyon ng bawat indibidwal,

malikhaing pag-iisip at antas ng interes sa asignaturang Filipino.

Ang mga guro ay isa sa mga salik na nakakaapekto upang pahalagahan ng mga

mag-aaral ang asignaturang itinuturo sa kanila. Ayon kay Lemery-Chalfant et. al (2012)

kapag ang mga mag-aaral ay may positibong ugnayan sa kanilang mga guro ay isa ito sa

magiging dahilan upang magtagumpay ang mga mag-aaral sapagkat mas nahihimok ang

bawat indibidwal na magkaroon ng motibasyon at pagpapahalaga sa pag-aaral. Kung

mayroong kamalayan ang mga magulang at mga guro kung paano nila

naiimpluwensyahan ang mga mag-aaral ay maaaring maging positibo ang resulta nito sa

pag-aaral ng mga bata.

Ang ikalawang salik naman ay ang kolaborasyon na kung saan ay isa ito sa

itinuturing na mahalagang tunguhin ng edukasyong kabilang sa ika-21 siglong kasanayan

na kinakailangan lamang na matamo. Ito ay tumutukoy sa pagsasama-sama ng iba’t ibang

indibidwal sa isang gawaing may isang layunin o kaya naman ay may pangangailangan

sa kasunduan sa loob ng pangkat at panan (Piirto, 2011). Dito maipapakita na mahalaga

rin para sa mga mag-aaral at maging ng ilan sa mga kaguruan na kumustahin ang

kanilang kapwa mag-aaral o kapwa guro upang kanilang matukoy ang mga bagay na

kinakailangan pa nilang malaman patungkol sa kung ano ang dapat ay kanilang

nalalaman.

Gayundin ay nabanggit na ang interes ng mag-aaral ay isa sa salik na

nakakaapekto sa pagpapahalaga sa isang asignatura. Sa pag-aaral na isinagawa ni

MeenuDev (2016) napatunayan na ang antas ng interes ng mga mag-aaral sa isang paksa

o asignatura ay nakakaimpluwensiya sa kanilang akademikong performans. Katulad nito,

14
iginiit nina Kpolovie, Joe, and Okoto (2014) na ang ugali ng mga mag-aaral sa paaralan

at ang kanilang interes sa pag-aaral ay nakakaapekto rin sa pagpapahalaga ng mga mag-

aaral sa isang asignatura at lalo’t higit sa kanilang akademikong performans.

Ayon naman kay Salna (2012) ang malikhaing pag-iisip ay kinakailangan lalo na

ng mag-aaral upang magtagumpay sa ika-21 na siglo at dito naman sa pahayag na ito ay

mapapatunayan na kailangan na mayroong malawak at malikhaing pag-unawa ang mag-

aaral sapagkat ito rin ang magiging daan upang kanilang mapagtagumpayan at maabot

ang mga bagay na kanilang minimithi. Mas magkakaroon ang mga mag-aaral ng puwersa

na magbibigay sa kanila ng kakayahan upang mas bigyan ng pagpapahalaga ang pag-

aaral sa mga aralin na mayroon ang Filipino.

Lokal na Literatura

Ayon kay Dr. Jose V. Abueva, pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), “Ang

Pambansang Wika ay hindi lamang wika kundi pananaw rin at pagtingin na maka-

Filipino. May mga pagkakamali na nagagawa ang mga mamamayan ng bansa sapagkat

hiram ang ginamit na salamin sa pag unawa sa mga realidad. Maitutuwid ng mga

mamamayan ang mga pagkakamaling ito at higit pa namatutuklasan ang mga aspeto ng

mga sarili nila sa paggamit ng Filipino.”

Nabanggit din sa isang pahayag ni Porter (2012), ang wika ay isang mahalagang

kasangkapan sa komunikasyon. May kakayahang makakuha at magbahagi ng kaalaman,

kagustuhan at damdamin sa halos bawat aspeto ng pang-araw-araw na buhay. Ang

mabisang pag-aaral ay nakasalalay sa matagumpay na pagkalap ng mga ideya sa iba sa

15
pamamagitan ng wika kagaya na lamang ng wikang Filipino. Ang isang tao ay

kailangang maging bihasa sa pagsasanay sa wikang Filipino upang magamit ito nang

maayos.

Maituturing na mahalaga ang kritikal na pag-iisip sa pagkalap ng mga ideya lalo’t

higit sa araling Filipino. Batay sa pag-aaral na naisagawa nina Bialik at Fadel (2015) ang

kritikal na pag-iisip ay itinuturing na isang intelektwal na disiplinadong proseso ng aktibo

at mahusay na pagkokonseptuwal, paglalapat, pagtataya, at pati na rin pagsusuri ng

impormasyong nakalap at nabuo sa pamamagitan ng pagmamasid, karanasan, repleksyon,

at pangangatwiran kung kaya naman masasabi na ito ay isa rin sa mga nakakaapekto sa

persepsyon o pananaw ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng paggamit ng kritikal na

pag-iisip, napapagtanto ng mga mag-aaral kung ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng

iba’t ibang konsepto sa araling Filipino.

Sa pagkalap ng ideya ay malalaman kung gaano kainteresado ang mga mag-aaral

sa asignaturang Filipino ngunit sa isang pag-aaral na isinagawa ni Taeza (2012) tungkol

sa mga problemang kinakaharap ng mga nagsasalita ng Filipino, nalaman niya na

limampu at tatlong bahagdan ng mga mag-aaral ay walang interes sa mga asignaturang

Filipino, habang nasa apatnapung bahagdan ng mga mag-aaral ang nahihiya na magsalita

ng wika. Ang pagkakaroon ng mababang iskor sa mga asignaturang Filipino ay isa rin sa

mga napansing nakakaapekto. Pinatunayan nito na ang interes at pagpapahalaga ng isang

mag-aaral para sa isang paksa ay may malaking impluwensya sa kanilang pagganap sa

loob ng silid-aralan.

Nawawalan ng interes ang mga-aaral sa asignaturang Filipino sapagkat tingin nila

na mas mahalaga ang wikang Ingles. Iilan na lamang ang gumagamit ng wikang Filipino

16
sa pagtuturo kung kaya’t nawawalan din ng saysay ang asignaturang Filipino dahil

kakaunti lamang ang nagpapahalaga rito. Ayon kay Gng. Reyno (2018) ng Ateneo de

Manila University ay mahalagang malaman ng mga estudyante ang kahalagahan ng

asignaturang Filipino. Sa kasong ito, malalaman ng mga mag-aaral na ang wikang

Filipino na kanilang pinag-aaralan ay hindi lamang isang paksa. Sa pamamagitan ng

paggamit ng wika, mapalalakas ang kaalaman at kakayahang magsalita ng Filipino ng

mga mag-aaral. Kung palaging ginagamit ang wika, ang pundasyon ng mga salitang

maaaring magamit upang maunawaan ang maraming bagay tungkol sa mga Pilipino ay

magiging matatag. Ang mga kopya, dula, o anumang mga pagtatanghal o salamin sa

mata, at mga kwentong tungkol sa mga Pilipinong narinig sa wikang Filipino ay mas

mahalaga sapagkat sapat ang kaalaman tungkol dito ng mga mag-aaral. Maaari rin itong

mapagkukunan ng pagkamakabayan at magiging apoy ng pagmamahal sa bansa at sa mga

Pilipino.

Kaugnay na Pag-aaral

Mula sa aklat ni Badayos (2018) mabisang dapat isaisip na ang kakayahang

mailahad ang anumang naiisip o nadarama sa pamamagitan ng pagsulat ay napakahalaga

sa pang-araw-araw na pakikipag- ugnayan. Maaring tingnan bilang tugon ito sa

pagpapahayag ng damdaming emosyunal na karaniwan na minsa’y mahirap gawin sa

pasalita. Mahalaga ang asignaturang Filipino upang maipahayag ang mga saloobin ng

mag-aaral tungkol sa isang paksa mapasulat man o pakikipagtalastasan.

17
Simula noong inaprubahan ni dating pangulong Benigno Aquino III ang

programang K-12, nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas, bilang

tugon sa napapanahong sistema ng edukasyon sa iba’t ibang bansa. Ito rin ang dahilan

kung bakit kailangan din baguhin at ayusin ang kurikulum para sangayunan ang nararapat

na matutunan ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon. Noong taong 2013,

napagdesisyonan ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon (CHED) na magtanggal ng

anim na yunit ng Filipino para sa papasok na mag-aaral ng kolehiyo sa taong 2018. Ang

CHED Memorandum Order (CMO) bilang 20 serye 2013 ay naglalayong gawing 36

yunits ang orihinal na 63 yunits ang General Education kurikulum para sa kolehiyo na

siyang naging sanhi ng pagkakadismaya ng mga ilang propesor sa Filipino. Batay kay Dr.

Randy Din (2013) isang propesor sa Colegio na eksperto sa wikang Filipino, ay hindi sya

sumasang-ayon sa panukalang ito. Aniya kung sakaling itiwalag ang asignaturang

Filipino sa kolehiyo ay magkakaroon ng malaking epekto ito sa mga estudyante.

Ayon sa League of Filipino Students (2017) ipinagtataka nila kung bakit

ikinakatwiran ang patriyotismo sa pagra-"ratsada" diumano ng mandatory Reserved

Officers' Training Corps sa senior high school gayong tinatanggal naman ang Filipino at

Panitikan sa mga paaralan. Aniya, mahalaga daw ang dalawang asignatura "sa pag-aaral

at pagsasabuhay ng mga kabataan sa nasyunalismo". "Ang ganitong mga patakaran ang

naglalantad sa gobyerno at kay Duterte bilang ipokrito at anti-Pilipino," sabi ng LFS sa

isang pahayag.

Sa kasalukuyan ay may umiiral na isyu ukol sa pagtanggal ng asignaturang

Filipino sa kolehiyo. Inulan ito ng batikos mula sa mga mag-aaral, magulang at lalo’t

higit sa mga guro. Iginiit ng Commission on Higher Education o CHED na hindi na

18
magagamit ang panitikan at asignaturang Filipino sa ilang mga pangunahing kurso sa

kolehiyo subalit ayon sa isang online blog noong taong 2018, ang nasabing hakbang ng

CHED ay hindi konkreto at walang maayos na basehan. Dagdag pa rito, iginiit din niya

na hindi pa ganoon kalawak ang kaalaman ukol sa pormal na wika at pananalita na siyang

nararapat ngunit napalitan ng mga balbal at kolokyal na termino dahil sa paglaon ng

panahon.

Ang asignaturang Filipino ay mahalaga hindi lang dahil isa itong

pnangangailangan sa paaralan ngunit dahil mga Pilipino tayo at dapat lang na maging

sanay tayo sa sarili nating wika. Ayon kay Datu (2014), bagamat araw-araw na ginagamit

ang wikang Filipino sa tahanan man o sa kalsada, maraming mga pilipino parin ang hindi

bihasa rito. Marami pa ring mga Pilipino na patuloy na nagkakamali sa tamang paggamit

ng mga salita. Nararapat lamang na hindi alisin ang asignaturang Filipino kung kaya’t

nagtatag ng isang samahan ang “Ang Tanggol Wika”, isang organisasyon na

pinangungunahan ni Dr. David San Juan na galing sa De La Salle University at iba pang

mga guro sa Filipino sa bawat lugar sa Maynila ay nagtipon upang mapanatili ang

Filipino sa pag-aaral sa paparating na mga estudyante sa kolehiyo. Ang pagtanggol na

ginawa upang mapanatili ang Filipino sa kurikulum ay isa lamang patunay na tayo ay

mayroon paring respeto sa ating kultura at pagmamahal sa kinagisnang wika na siyang

naging parte at humulma ng ating kasaysayan, kultura, at pagka-Pilipino.

19
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag at mailahad ang mga paraang

gagamitin ng mga mananaliksik upang mabigyang katuparan ang layunin ng pag-aaral.

Dito ay nakapaloob ang disenyo ng pananaliksik, mga respondente, intrumento ng

pananaliksik, at tritment ng mga datos. Sa kabanatang ito maipapakita ang kabuuang

disenyo ng isasagawang pananaliksik at kung anong mga pamamaraan ang gagamitin

upang makamit ang inaasam na mga kasagutan.

Disensyo ng Pananaliksik

20
Ang disenyo ng pananaliksik ay ang plano na siyang gumagabay sa pagkolekto ng

mga datos at impormasyon upang makamit ang lalayunin ng isang pananaliksik. Dito

nagsisimulang mabigyang diin ang mga instrumento at pamamaraan ng pagkalap ng mga

kinakailangang impormasyon para sa pananaliksik upang magamitan rin ng tamang

tritment o pag-aanalisa sa mga nakuhang datos.

Pinakapangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang tukuyin kung ano ang

pananaw at gaano kalawak ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino

at kung paanong ang ganitong pananaw nila ay mayroong koneksyon at epekto sa

kanilang akademikong performans. Upang matamo ang kinakailangang mga layunin ng

pananaliksik na ito, napagtanto ng mga mananaliksik na ang karapat-dapat na gamiting

pamamaraan ng pananaliksik ay ang deskriptibong pananaliksik.

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik ngunit napili ng mananaliksik

ang deskriptib-korelasyon na disenyo ng pag-aaral na naglalayong masuri at makuha ang

kaugnayan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga mga mag-aaral sa ikalawang taon ng

kursong akawntansi sa Pambansang Pamantasan ng Batangas - Pablo Borbon sa

asignaturang Filipino kaugnay ng kanilang akademik performans. Naniniwala ang mga

mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali

ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.

Sa pamamagitan ng paggamit ng deskriptib-korelasyon bilang disenyo ng

pananaliksik, nakikita ng mga mananaliksik na matutukoy at maaanalisa kung mayroon

nga ba na mahalagang koneksyon at kung paanong naaapektuhan ang akademikong

21
performans ng mag-aaral batay sa kanilang lawak ng pagpapahalaga sa asignaturang

Filipino at upang mahanap ang mga nararapat na solusyon na kinakailangan para rito.

Mga Respondente

Ang mga respondante ng pag-aaral ay 50 mag aaral ng Akawntansi na nasa

ikalawang taon mula sa Pambansang Pamantasan ng Batangas - Pablo Borbon. Upang

makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang “lawak ng

pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng kursong akawntansi sa

Pambansang Pamantasan ng Batangas - Pablo Borbon sa asignaturang Filipino kaugnay

ng kanilang akademik performans”, gagamitin ang non-probability sampling na kung

saan ang pagpili ng mga respondente ay hindi pinili ng random subalit naaayon sa

layunin ng pag-aaral. Ang non-probability sampling teknik na gagamitin ay quota

sampling na kung saan pipili ng espisipikong sample mula sa kabuuang populasyon. Ang

pag aaral ay makakatulong upang maebalweyt ang lawak ng pagpapahalaga ng mga

respondate sa assignaturang Filipino. Ang mga mananaliksik ay naglalayon na

matuklasan kung may kaugnayan ba ang propayl at marka ng mga respondante sa lawak

ng kanilang pagpapahalaga sa assignaturang Filipino.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang paggamit ng sarbey kwestiyoneyr ang pinakamabisang gamitin na instrument

sa pangangalap ng mga datos patungkol sa pananaliksik na ito na nangangailangan ng

sample ng mga respondente. Ito ay kinakailangan upang makuha ang mga nararapat na

22
impormasyon na kinakailangan upang magsilbing kasagutan ng isang malaking grupo ng

mga respondente at ito ay ang paggamit ng set ng mga katanungan. Ang isang

kwestiyoneyr ay isang instrument na kinapapalooban ng set ng mga katanungan na

naglalayon na makapangolekta ng impormasyon mula sa mga respondente ng

pananaliksik.

Ang sarbey kwestiyoneyr na ito ay mayroong tatlong bahagi na kung saan sa una

ay ito ay kinapapalooban ng profayl ng mga kalahok o respondente at dito nakalagay ang

kanilang pangalan, kurso at kinabibilangang pangkat, at ang kanilang kasarian. Sa

ikalawang bahagi naman ng kwestiyuneyr na ito ay kanilang pipiliin kung ano ang

kanilang paboritong asignatura at kanilang mga kinagigiliwang babasahin, Sa ikatlo at

huling bahagi naman nito ay ang nagtataglay ng mga mahalagang katanungan na

mangangalap ng kasagutang kinakailangan para sa pananaliksik na ito. Dito ay mayroong

apat na punto na mayroong tig-lilimang katanungan at ang mga ito ay patungkol sa

interes o kawilihan sa asignatura, motibasyon sa pag-aaral, paggawa ng mga kursong

pangangailangan, at ang paggamit ng wikang Filipino

Nakatala sa ibaba ang pinakabuod ng mga konsepto at katanungan na nakapaloob

sa sarbey kwestiyoneyr na gagamitin para sa pananaliksik na ito. Ito ay nakahati sa

tatlong bahagi na kung saan ay ipinakita rin ang seksyon at ano pa ang mga subseksyon

na nakapaloob pa sa mga ito. Nakalagay rin kung ilan ang bilang ng aytem sa bawat

baryabol.

Baryabol Seksyon Bilang ng Aytem


Profayl 1

23
Mga Kinahihiligan 2

 Asignatura 2.1 1

 Babasahin 2.2 1
Sariling Pananaw 3

 Interes/Kawilihan sa Asignatura 3.1 5

 Motibasyon sa Pag-aaral 3.2 5

 Paggawa ng mga Kursong 3.3 5

Pangangailangan 3.4 5

 Paggamit ng Wikang Filipino

Table 1. Espisipikasyon ng Sarbey Kwestiyoneyr

Tritment ng mga Datos

Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mag-aaral na tutugon

sa talatanungan ay pagsasama-samahin o itatally upang makuha ang tama at eksaktong

bilang ng mga mag-aaral ukol sa kanilang persepsyon. Ang mga datos na ito ay

magsisilbing kasagutan sa mga katanungang inilalahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay

iaanalisa at ikukumpara ayon sa pagkakaiba ng mga tumugon. Ang mga datos na

makakalap ay isasalarawan gamit ang bar graph upang makamtan ng may kaayusan ang

tamang resulta at upang makapagbigay ng malinaw at madaling pag-unawa sa mga

nagnanais na makabasa ng nasabing pag-aaral.

Ang pormularyong gagamitin sa pagkuha ng porsyento ng tugon sa bawat tanong

ay:

24
Bilangng Tugon
Porsyento= ×100
Kabuuang Bilang ng Respondente

Upang masukat ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondante sa asignaturang

Filipino ay gagamitin ang weighted mean na kung saan ang pormula ay:

w x̄=
∑ fx
n

w x̄=¿ weighted mean

f = frequency

x = rating

∑ = summation

n= kabuuang bilang ng mga mag-aaral

Sa pagkuha naman ng kabuuang marka ng mga mag-aaral ay gagamitin ang mean

na kung saan ang pormula ay:

x̄=
∑x
n

x̄ = mean/average

25
x = iskor

n = kabuuang bilang ng mga mag-aaral

Gagamitin naman ang Pearson r Product Moment Coefficient of Correlation

upang ipakita ang kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente

sa asignaturang Filipino at ang kanilang akademik performans. Ang pormulang gagamitin

ay ang sumusunod:

N ( ∑ xy )−(∑ x)(∑ y )
r=
√¿ ¿ √ ¿ ¿

x = antas ng kawilihan

y = performans ng mga mag-aaral sa Filipino sa Ikalawang Markahan

r = kaugnayan

Upang maipaliwanag ang correlation value (r) na makukuha, gagamitin ang mga

sumusunod na klasipikasyon:

± 1.00 - ganap na pagkakaugnay

Sa pagitan ng ±0.80 to ± 0.99 - napakataas ang pagkakaugnay

Sa pagitan ng ±0.60 to ± 0.79 - mataas ang pagkakaugnay

Sa pagitan ng ±0.40 to ± 0.59 - katamtaman na pagkakaugnay

Sa pagitan ng ±0.20 to ± 0.39 - bahagya ang pagkakaugnay

26
Sa pagitan ng ±0.01 to ± 0.29 - halos walang pagkakaugnay

Chi-square naman ang gagamitin upang ipakita ang kaugnayan sa pagitan ng

lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa Wikang Filipino at ang kanilang profayl

( fo−fe ) ²
x 2=∑
fe

X2 = Chi-square

fe = observed frequency

fo = expected frequency

Upang maipaliwanag ang kompyuted (x2) na nakuha, gagamitin ang mga

sumusunod:

Legend: (source: http://www.acastat.com/Statbook/chisqassoc.htm)

>0.5 mataas ang pagkakaugnay

0.3 to 0.5           katamtaman ang pagkakaugnay

0.1 to 0.3           mababa ang pagkakaugnay

0.0 to 0.1           napakababa ang pagkakaugnay

27
Para mailarawan ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa

asignaturang Filipino ay gagamitin ang Likert’s 5-point scale.

Skeyl Deskripsyong Berbal Antas/Lawak


4.21-5.00 Lubhang sumasang-ayon Napakataas ng lawak
3.41-4.20 Lubos na sumasang-ayon Mataas ang lawak
2.61-3.40 Hindi makapagdesisyon Katamtaman ang lawak
1.81-2.60 Sumasang-ayon Mababa ang lawak
1.00-1.80 Hindi sumasang-ayon Napakababa ng lawak

Table 2. Likert Scale

BIBLIOGRAPIYA

TESIS/DISERTASYON

Felipe B. Sullera, Jr. Lawak ng Pagpapahalaga ng mga Estudyante sa Asignaturang


Filipino Kaugnay ng Kanilang Akademik Performans. Di-Limbag na Tesis.
Lupon ng Paaralang Graduwado ng Unibersidad ng Foundation Siyudad ng Dumaguete,
2015

Saida HDII & Mustapha Fagroud. The Effect of Gender on University Students’ School
Performance: The Case of the National School of Agriculture in Meknes,
Morocco. Di-Limbag na Tesis. National School of Agriculture, Meknes,
Morocco, 2018

WEBSITES

Bialik, M. & Fadel, C. (2015). Skills for the 21st century: what should students learn?
Kinuha mula sa http://curriculumredesign.org/wp- content/uploads/ccr
skills_FINAL_ June2015.pdf
Piirto, J. (2011). Creativity for 21st century skills: how to embed creativity into the
curriculum. Kinuha mula sa https://www.sensepublishers.com/ media/203-
creativity-for-21st-cen- tury-skills.pdf

28
Salna, L. (2012). Creativity as a 21st century skill: training teachers to take it beyond the
arts. Kinuha mula sa http://digitalcommons.buffa-
lostate.edu/cgi/viewcontent.cgi?ar- ticle=1167&context=creativeprojects

SARBEY- KWESTYONEYR
Hinggil sa

LAWAK NG PAGPAPAHALAGA NG MGA MAG-AARAL SA


IKALAWANG TAON NG KURSONG AKAWNTANSI SA
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS - PABLO
BORBON SA ASIGNATURANG FILIPINO KAUGNAY
NG KANILANG AKADEMIK PERFORMANS

Mahal na respondente,

Pagbati ng Kapayapaan!

Kami ay mga mag-aaral na nagmula sa BSA 1205 na nagsasaliksik tungkol sa


Lawak ng Pagpapahalaga ng mga Mag-aaral sa Ikalawang Taon ng Kursong
Akawntansi sa Pambansang Pamantasan ng Batangas- Pablo Borbon sa
Asignaturang Filipino Kaugnay ng Kanilang Akademik Performans.

Bilang katuparan nito, ginawa namin ang kwestyoneyr na ito ay upang makuha
ang inyong mga tugon o sagot hinggil sa lawak ng inyong pagpapahalaga sa asignaturang
Filipino kaugnay ng inyong akademik performans. Ang mga datos na makukuha ay
maaasahang manatiling kompidensyal at gagamitin lamang sa pag-aaral na ito.

Pangkalahatang Panuto: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga


sumusunod na katanungan. Sagutin ito nang may sensiridad at buong katapatan.

29
I. Profayl

Pangalan: ________________________ Kurso/Pinagdalubhasaan: _________


Kasarian: ________________________ Taon/Antas: _____________________

II. Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang kahon na angkop sa iyong sagot. Pumili lamang ng isa

1. Ano ang iyong paboritong asignatura?


English
Filipino
History
Mathematics
Science
Magmungkahi ng iba: _________________
2. Ano ang iyong higit na kinagigiliwang babasahin?
Pocketbooks sa Tagalog
English magazines
Kathambuhay sa Ingles (English novels)
Komiks
Diyaryo sa Ingles
Diyaryo sa Filipino
Magmungkahi ng iba: _________________

III. Panuto: Basahin at sagutin ang mga sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng tsek ( ) ang kahon
na naaayon sa iyong sariling pananaw. Gamitin ang leyenda sa ibaba.

LEYENDA

Antas Diskripsyong Verbal Paliwanag


5 Lubhang Sumasang-ayon Napakataas ng lawak ng
pagpapahalaga
4 Sumasang-ayon Mataas ng lawak ng
pagpapahalaga

30
3 Hindi Makapagdesisyon Katamtaman ang lawak
ng
pagpapahalaga
2 Hindi Gaanong Sumasang-ayon Mababa ang lawak ng
pagpapahalaga
1 Hindi sumasang-ayon Napakababa ng lawak
ng
pagpapahalaga

A. Interes/Kawilihan sa Lubhang Sumasang- Hindi Hindi Hindi


Sumasang- ayon Makapag- Gaanong Sumasang-
Asignatura ayon desisyon Sumasang- ayon
ayon
1. Sa lahat ng
pagkakataon/panahon,
magiliw akong gumagamit
ng wikang Filipino sa aking
pakikipagtalastasan sa mga
talakayan sa loob ng klase
(asignaturangFilipino).
2. Maunawain ang aming
guro pag dating sa paggamit
ng tamang gramatika kaya
kinagigiliwan kong sumagot
at makibahagi sa mga
talakayan.
3. Paborito ko ang
asignaturang Filipino kaya
nagaganyak akong gawin ang
mga gawain sa loob ng klase.
4. Nauunawaan ko ang
koneksyon ng mga leksyon
na magagamit ko sa
pagpapalawak ng aking
buhay.
5. Palaging may magandang

31
interaksyon ang aming
pagkaklase at may mga
pangkatang gawain.
B. Motibasyon sa Pag-
aaral
1. Bago sisimulan ng aming
guro ang mga talakayan sa
araw-araw ay may mga
bagong hamon siyang
iniharap sa amin kaya ako na
gaganyak na nakikinig at
nakikibahagi.
2. Maayos at kawili-wili ang
atmospers/kaligiran ng
aming klasrum kaya
naiiwasan ko ang
pagkaantok sa loob ng klase.
3. May maayos at kaaya-
ayang katauhan ang aming
guro at higit sa lahat siya’y
punong buhay sa pagkaklase
kaya nadadala ako sa
kanyang kasikhayan.
4. Gumagamit ng mga
makabagong pamamaraan at
teknolohiya ang aming guro
sa pagtuturo ng mga leksyon
kaya lubos nanapupukaw
ang aking interes na
makinig.
5. Nais kong makakukuha ng
malaking marka kaya ako
nagpupursiging mag-aral
nang mabuti sa asignaturang
Filipino.
C. Paggawa ng mga Lubhang Sumasang- Hindi Hindi Hindi
Sumasang- ayon Makapag- Gaanong Sumasang-
kursong ayon desisyon Sumasang- ayon
pangangailangan ayon
1. Nauunawaan ko ang
direksyon ng pagbuo ng
aking kursong
pangangailangan kaya
nagawa ko nang maayos ang
aking takda at mga proyekto.
2. Pinaglaanan ko ng sapat na
oras ang paggawa ng aming

32
proyekto at mga takda sa
Filipino dahil inspirado
akong gawin ang mga ito
sapagkat naunawaan ko ang
pagbuo nito.
3. Nakikita ko ang kabuluhan
ng aming mga takda at
proyekto at may kaugnayan
ito sa kursong kinuha ko
kaya nagagawa ko ito nang
mabuti.
4. Alam kong makatutulong
sa aking paraan ng pag-aaral
(study habits) ang paggawa
ng mga proyekto at takda at
nagsisilbi rin itong disiplina
sa aking pag-aaral.
D. Paggamit ng wikang
Filipino
1. Naunawaan ko ang
kahalagahan ng paggamit ng
wikang Filipino sa
pakikipagtalastasan.
2. Nauunawaan ko na ang
wikang Filipino ay
nakatutulong sa pagpreserba
ng ating kultura at
pagkakilanlan.
3. Ikinatutuwa ko ang
paggamit ng wikang Filipino
sa harap ng aking mga
kaklase at kaibigan.
4. Taas noo ako bilang
Pilipino kaya nagugustuhan
ko ring gamitin ang wikang
Filipino.
5. Nauunawaan ko ang mga
paghihirap na dinanas ng
ating mga bayaning Pilipino
upang maangkin ang
kasarinlan kaya
pinahahalagahan ko rin ang
wikang Filipino sa
pamamagitan ng paggamit
nito kung kinakailangan.

33
34

You might also like