Professional Documents
Culture Documents
Pagbasa NG Impormasyon
Pagbasa NG Impormasyon
Ang Kasalukuyan tinatawag na information age. Ga-iglap sa bilis ang pagdami o pagbabahagi ng
impormasyon dahil sa maunlad na teknolohiya. Ang mga impormasyon ay dapat na masubaybayan
upang makasabay sa mga kaalamang napapanahon. Iba-ibang kaalaman at karanasan ang naipararanas
ng siyensya at teknolohiyana maaring matunghayan sa mga pahina ng iba’t ibang materyales tulad ng
aklat,journal, magasin at mga elektronikong babasahin o e-book. Sa kabila ng katotohanan na marami na
sa kasalukuyan ang mga babasahin na sinasabing nagsulputang parang kabute, maliit na porsyento pa
rin ang ginugugol para sa paghahanap ng mahalagang impormasyon. Idagdag pa rito na sa kasalukuyang
pamamayagpag ng napakaraming babasahing limbag at di-limbag ay nakikisabay rin ang pagkalat ng
maraming impormasyon na walang katotohanan o fake news.
Sabi nga sa wikang Ingles, “The more you read, the more you know, the more you know the
smarter you grow, the stronger your voice when speaking your mind and making your choice”.
Katotohanan ang pahayag na ito. Sa nakalipas na panahon, maraming mga indibidwal ang nagtagumpay
dahil sa paggamit ng mahuhusay na impormasyon.
Likas sa isang tao ang makisama, makihalubilo at makipagtalastasan sa kapwa. Ito ang dahilan
kung bakit patuloy na pinauunlad ang teknolohiya sa larangan ng komunikasyon. Magkagayunman, hindi
sapat na alam ng tao na gamitin ang kominikasyon nang mabisa at mapanghikayat, higit na mahalagang
matuto siya mula sa mahalagang impormasyon na mapupulot sa pakikipagkominikasyon.
Pagbasa ng Impormasyon
Kahulugan ng Pagbasa
Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga idea mula sa mga
nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga
mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa ay nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal.
Kapaki-pakinabang ang gawaing ito sapagkat ito ang huhubog ng kanyang pagkatao-ang tutugonsa
kanyang pagnanais na makapagtamo ng mas malawak na kaalaman hinggil sa kaniyang kapaligiran,
hinggil sa kanyang bansa at daigdig na ginagalawan, at sa marami pang iba na kailangan niyang
matutunan.
Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na dapat malinang sa mga estudyante sapagkat
ito ang tulay tungo sa mabisang pang-unawa sa teksto. Ang pagbasa ay may malaking kaugnayan sa
makrong kasanayang pakikinig pagssalita, pagsulat at panonood. Sa pagbabasa ay napapahusay ang
kanilang kakayahan makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng damdamin sa iba’t ibang disiplina
o larangan. Sa kabilang banda, ang mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa pamamagitan ng pagbasa,
pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaring sulatin upang maibahagi sa iba.
Kahalagahan ng Pagbasa
Ang isang estudyanteng palabasa ay may mas malaking posibilidad na makapasa sa mga
pagsusulit na ibibigay ng guro kumpara sa isang hindi palabasa. Posible ito sapagkat sa kanyang
pagbabasa ay mas madaragdagan ang kanyang kaalaman, mas lumalawak ang kanyang talasalitaan at
mas dumarami ang kaniyang mga karanasan . Kumpara pa sa isang hindi palabasa, mas hasa ang
kaisipan ng estudyanteng palabasa sa pag-unawa ng malalalim na idea o ng mga argumentong
pangangatwiran at batid niya ang implikasyon ng kanyang binasa. Sa ganitong paraan, masasabing ang
pagbasa ay isang masalimuot na proseso sapagkat nasasangkot ditto ang maraming kasanayan.