Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

Akademiko

Tumutukoy sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag-aaral na


nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral. Ito kaiba sa praktikal o teknikal na
gawain. (www.oxforddictionaries.com)

Akademiya
o Ito ay katumbas ng salitang institusyon na nakatuon sa mga gawaing akademiko.
Ang mga gawaing labas dito ay tinatawag na di-akademiko.
o Nililinang o hinahasa ang mga kasanayan at natututuhan ang mga kaalamang
kaugnay ng larangang pinagkakadalubhasaan.

2
Mga gawaing akademiko:
✗ Pagbasa ng teskstong ginagamit sa klase;
✗ Pakikinig ng lektyur;
✗ Panonood ng video o dokumentaryo;
✗ Pagsasalita at pagdidiskurso sa loob ng klase o isang simposyum;
✗ Pagsulat ng sulatin o pananaliksik.

Mga di gawaing-akademiko:
✗ Panonood ng pelikula upang magpalipas-oras;
✗ Pakikipag-usap sa sinoman ukol sa paksang di-akademiko;
✗ Pagsulat sa isang kaibigan
✗ Pakikinig sa radio;
✗ Pagbabasa ng komiks atbp.

3
Pagsulat sa Larangan ng
Humanidades
Humanidades
o Hango sa salitang Latin na humanus na ang
kahulugan ay “tumulong sa tao”.
o Nagiging tulay ang larangan ng Humanidades upang
maipahayag ang nadarama, adhikain, pangarap, pag-
asa o pangamba ng isang tao.
o Ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong
tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito. Ito
ay ayon kay J. Irwin Miller

5
Humanidades
Ang larangan ng Humanidades ay higit na nauna kaysa sa Agham Panlipunan. Ito ay nabuo
noong ika-14 siglo.
Si Petrarch ang “Ama ng Humanismo”
Erasmus naman ang “Prinsipe ng Humanismo”
Mga kilalang Humanista:
1. Pope Pius II
2. Giovanni Boccaccio
3. Niccolo Machiavelli (Italya)
4. Thomas Moore (Britanya)
5. George Buchanan (Scotland)
6. Francois Rabelais (Pransiya)
7. Antonio de Nebrija (Espanya)
8. Confucius at Lao Tzu ng Tsina

6
Iba’t ibang Disiplina sa Larangan ng Humanidades:

Panitikan Pilosopiya Fine Arts


- nobela - relihiyon (Malayang Sining)
- maikling - industriya - calligraphy
kuwento o fashion - studio arts
- sanaysay o interior - art history
- applied Sining - print making
o graphics - biswal - mixed media
o pelikula
o teatro
7
Metodolohiya
Lapit na analitikal
- Ginagamit ito sa pag-organisa ng mga impormasyon
sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri, at mga pag-
uugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa.
Lapit na kritikal
- Ginagamit sa interpretasyon, argumento,
ebalwasyon, at pagbibigay ng sariling opinion sa
ideya.
Lapit na ispekulatibo
- Pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o
pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip, at pagsulat.

8
Estratehiya
Halimbawa ng mga estratehiyang ginagamit sa mga lapit na
nabanggit:
a. Deskripsyon
Halimbawa:
Kahit maaga pa'y napakarami na ang taong paroo't parito. Nangingibabaw ang
ingay at mababakas ang kasiglahan ng mga tindera sa pagsalubong sa isa na
namang bagong araw. Katakam-takam tingnan ang mga sariwang gulay, ang
kumikinang-sa-karaniwang mga isda, mga bagong dating na karne, prutas, at iba pa.
Feodor Villarin, "Mas Mahalaga Kaysa Uno" Binhi, 1990

9
Estratehiya
b. Paglilista
Halimbawa:
Sa daloy ng laro, lumalakas ("level up") ang bawat hero sa pamamagitan
ng (1) pagpatay ("kill") sa kalabang hero, (2) pagbasag ng mga tore (“tower”) ng
kalabang koponan, (3) pagbili ng mga gamit ("items") gamit ang naiipong pera
(“gold) ng bawat player mula sa kanilang napatay na mga enemy hero at creep.
- Gerard P. Concepcion, "Ang Umuusbong na Wika ng Kabataang Pilipino sa
Paglalaro ng DOTA"Salindaw,(2012)

10
Estratehiya
c. Kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng pangyayari

Halimbawa:

Ang mga pangyayari sa tinatawag na telecommunication revolution ay nagdulot ng


malaking impak sa teknolohiya ng komunikasyon mula nang maipakilala ang telegraph noong dekada
40 ng siglo 19. Kaagapay nito ang pagsulong ng Morse Code noong 1844 (Search Unified
Communication). Ang mga tuklas na ito ang nagbunsod sa iba't ibang modipikasyon at pagbabago
sa teknolohiya ng komunikasyon. Taong 1960 nang magkaroon ng telecommunication satellite na
isang balloon. Naging sunud-sunod na ang lalo pang pag-unlad ng teknolohiya hanggang sa
makapaglagay ng unang satellite sa kalawakan, ang Telstar, na naging dahilan upang maging posible
ang komunikasyon ng tao sa bawat panig ng mundo (Harasim, 1993:5).
- Mary Anne S. Sandoval, "Wika sa Komnet,

Isang Bagong Rehistro ng Wikang Filipino" Salindaw, (2012)


11
Estratehiya
d. Sanhi at Bunga
Nakababahala para sa mga magulang kung Jejemon ang isang anak dahil nakikita
nilang nakasasama ito para sa kanilang anak. Kadalasan, kung talagang nahumaling na ang
isang tao sa paggamit ng wikang jejemon, ginagamit niya na rin ito sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan. Kung hindi naiintindihan ng mga magulang ang Jejemon, magkakaroon
ng isang harang sa pagitan ng magulang at anak sa komunikasyon. Dahil dito, maaaring
mapalayo ang loob ng anak sa kaniyang mga magulang.

Vivencio M. Talegon, "Kultura at Sistemang Jejemon:


Pag-aaral sa Varayti at Baryasyon ng Filipino Slang"Salindaw, 2012 e.
Pagkokompara

12
Estratehiya
e. Pagkokompara
Kapuna-puna ang kaibahan sa Kubismong Pranses ng mga likha ni
Manansala, na kung kaniyang tawagi'y Tahimbuhay. Naiiba ang mga ito hindi
lamang sa kanilang pagpapahalaga sa kaanyuan ng mga bagay na ipininta, kundi pati
sa karamihan ng mga hugis ng mga bagay. Naririto ang palayok, kawali, mangkok,
sandok, gayundin naman ang iba't ibang sangkap ng anomang iluluto. Isda,
kamatis, at iba pang mga gulay.
Rod Paras Perez, "Sining ng Nagsisikip na Dingding." Binhi, 1990

13
Estratehiya
f. Epekto
Kailangang alam natin, ani Gunnar Myrdal, ang sapat na pagnanasang
mag-aruga sa kapwa o ng pag-aalaala sa madla (social consciousness) upang ang
mga produkto ng ating pagsulong ay maging pangmatagalan, maging
panghabambuhay.

Pura Santillan-Castrence, "Ang Pag-unlad at


ang Pagbabago ng Mga Gawi at Pag-uugali, Binhi, 1990

14
Pagsulat sa Humanidades
15
May tatlong anyo ang pagsulat sa larangan ng
Humanidades batay sa layunin (Quinn at Irvings 1991).

A. Impormasyonal - Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod:

• Paktuwal na impormasyon bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionote tungkol sa may-
akda o libro sa pabalat, artikulo tungkol sa kasaysayan ng mga bagay, at iba pa.

Halimbawa:

Maliban sa masusing pagsalaysay kung paanong nakakamit at napapanatili ng katutubong


Talaandig ang kulturang kapayapaan, nilalaman din ng aklat ang mga salaysay tungkol kay Agyu, ang bida
at bayani ng mga Manobo at Talaandig sa Mindanao, pitong modyul sa pagtuturo ng edukasyong
pangkapayapaan at kuwentong pambata ng Talaandig na huhubog ng isang kamalayang makatao ang
isinama sa aklat.

Geraldine Villaruz, RSCJ, Nalandangan: Kulturang Kapayapaan ng Inang Malinandang ng Talaandig (2014)

16
• Paglalarawan - Nagbibigay ito ng detalye, mga imahe na dinedetalye sa
isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay
isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya ng kritisismo, tula,
kuwento, nobela, at iba pa.
Halimbawa:
Ni minsan, hindi pa ako nakapasok sa bahay ng mahirap. Bahay na pala
ang tawag nila doon. Doon sa masikip na kawayang sahig na siya ring kainan,
kuwarto, sala, at kusina. Malawak ang paligid nila ngunit hirap silang makakain
ng tatlong beses isang araw.
Joel Albulario "Merli" Binhi, 1990

17
• Proseso - Binubuo ito ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa, at ang
naging resulta na kadalasa'y ginagawa sa sining at musika.

Halimbawa:
Sumunod na naisipan nina Picasso at Braque ang paglalagay ng tunay na bagay
sa kanilang gawa: kapirasong diyaryo o, dili kaya, upuang yantok… ngunit kahit na
naipahiwatig ng mga likhang ito ang damdamin at alaala ng isang pook o bagay, ang
kabuuan ng mga bagay-bagay ay nawala. Nagkawasak-wasak ang mga gitara’t
nagkawatak-watak ang pagumukha ng mga tao ni Picasso.

Rodolfo Paras Perez," Sining ng Nagsisikip na Dingding"Binhi, (1990)

18
B. Imahinatibo – binubuo ito ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela, dula, maikling
kuwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri dito.

Ang pagsusuri ng malikhaing akda (piksyon) ay nagbibigay-tuon sa kung ano ang


mensaheng ipinahahayag at paano nila ito ipinahahayag. Ang apela nito ay imahinasyon at
emosyon ng nagbabasa o nakikinig. Gayundin, sinusuri ito ayon sa estilo, epekto, at maging
lohika ng akda.

sa pagsusuri ng piksyon, kinakailangan ang analitikal at kritikal na ebalwasyon at


pagbasa na katatampukan ng sumsusnod na elemento: tauhan, aksiyon, tagpuan, banghay,
tema, wika, at ebalwasyon ng akda kaugnay ng katangian, kahulugan at kabuluhan nito.

sa larangan naman ng sining at musika, ang pagsusuri ay batay sa kakaibang katangian


ng akda, kabuluhan, at katangian nito ayon sa ibinibigay nitong ginhawa, malalim na pagkaunawa,
at bagong kaisipan kaugnay ng karanasan at buhay ng sangkatauhan.

19
Halimbawa ng pagsusuring imahinatibo

1. Sa "Himagsik ni Emmanuel" masasabing napaka-Asyano ang pananaw ng


awtor sa kasaysayan ng tao. Ang pagbabalik, gaya ng nabanggit, ay sirkular
buhay at kamatayan, Alpa at Omega, Yin at Yang ... Hindi lamang saksi ang
bundok kungdi sagisag na ito ng walang katapusang kasaysayan ng tao at ng
kaniyang kamalayan. Sa bundok unang nagising ang kamalayan ni Emmanuel
sa pamamagitan ni Aurora at sa bundok din siya yayao. Ngunit sa bundok din
siya magbabalik habang nakaabang ang walang kapagurang si Apo Layo.
Ma. Crisanta Nelmida Flores, Panitikan
Bilang Panunuring Panlipunan, Daluyan 2004

20
2. Si Hernando Ocampo; masasabing wala siyang natirang ispasyo. Mararamdaman lamang ang
kaniyang ispasyo sa kilos ng kaniyang mga hugis na pumupuno sa buong likha.
Si Cesar Legaspi: puno rin ng mga tao o di kaya'y ng sari-saring hugis.

Si Carlos Francisco'y gayon din: punong-puno ng mga tao ang kaniyang mga gawa o dili kaya ng iba
pang mga bagay.

Mamamalas din ang damdaming ito sa mga gawa ng mga pintor na gaya nina Federico Aguilar
Alcuaz at Juvenal Santos. Ang mga naunang gawa ni Fernando Zobel noong siya'y naririto sa Pilipinas ay
halos wala ring itinitirang ispasyo, halimbawa ang mga altar niya.

Masasabing ang damdamin ukol sa ispasyo ng nabanggit na mga pintor ay di sinasadya o di binalak.
Maaari.Lalong mabuti.Sa gayo'y matitiyak na ang damdamin ay likas. Samakatuwid maaaring gamitin ang
damdaming ito bilang isa sa mga pantangi sa sining-Pilipino. Isang namumukod na diwang-sining na
magagamit na panukat sa pagbubukod sa damdaming taal at damdaming-aral.

Rod Paras Perez, Sining Ng Nagsisikip na Dingding. Binhi, 1990

21
C. Pangungumbinse - Pangganyak ito upang mapaniwala o di-mapapaniwala ang
bumabasa, nakikinig, at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito kaya't mahalagang
ang opinyon ay kaakibat ng ebidensiya at katuwiran o argumento. Makikita ang
ganitong anyo ng pagsulat sa mga kritisismo o rebyu ng libro, pelikula, dula, sining,
musika, at iba pa.

22
Narito ang ilang halimbawa:

May potensyal sana ang naratibo ng pelikula para mapayaman ang diskurso tungkol sa kababaihan at maghain ng
bagong sinasabi. Kasabay ng mga pagbabago sa politika at ekonomiya ang pagbabago ng papel ng babae at lalaki sa sinaunang
lipunan dahil walang kinikilalang kasarian ang gawaing pamproduksyon. Ang lupa at iba pang hanguan ng kabuhayan ay pag-aari
ng lahat, kaya ang paglinangditoay tungkulin din ng buong komunidad. Sa katunayan, pinaniniwalaan pa ngang may pribilehiyong
posisyon ang babae bilang babaylan na naggagamot at nag-iingat ng kaalamang bayan. (Ito kaya ang dahilan kung bakit
ipinapakitang nakapagpapagaling ng mga hayop si Ana?) Sa pagdating ng mga Kastila, nabawasan kundi man naglaho ang
kapangyarihan ng mga babaylan. Ang lupa na dati'y pag-aaring kumon ay naging pribadong ari-arian, at napagtibay ang piyudal na
sistema ng produksyon. Sumunod na napairal ang piyudal na relasyon sa pamilya na nagdulot ng sapin-saping kaapihan sa
kababaihan.

Malaki rin sana ang potensiyal ng iba't ibang manipulasyon ng panahon na kinasangkapan ng pelikula-gunita sa
pagyao ng ina ni Ana, imahen ng pista ng San Isidro, eksena ng pakikipag-usap ni Ana sa kaniyang ina. Ang mga anakronismong
ito, kung nagamit lang sana nang mabuti, ay makapagpapalinaw sa mas masalimuot na pagpapakahulugan. Ngunit tila hindi ito
nalinaw at napag-ugnay ng bisyon ng pelikula.

Sa kabuuan, hindi lamang ang pangunahing karakter ang ginawang pipi. Napipi rin ang marami pang aspekto ng pelikula.

Galileo Zafra, "Sidhi: Piping Piping Pelikula"

23
Ang Humanidades ay hindi tungkol
sa kung ano ang gagawin ng tao,
kundi kung paano maging tao.”

24

You might also like