Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Gawain 8: Editorial Cartoon 

/ Panoorin ang Pelikulang , “Goyo, Ang Batang Heneral”

Panuto:  Sumulat ng Sanaysay na pumapatungkol sa “ TUNAY NA BANG MALAYA


TAYONG MGA PILIPINO MULA SA MGA DAYUHAN?” Pagkatapos ay i-record at i-video
ang iyong ginawang sanaysay upang maging talumpati.

Tunay na kalayaan

Sulat ni: CHRISTIAN C. PACAMARRA

BACOMM 2A

Isa sa dapat itanong sa ating mga sarili na tunay na nga bang Malaya na tayong mga Pilipino mula sa mga
dayuhan. Hindi lingid sa ating kaalaman na maraming mga dayuhan ang sumakop sa ating bansa, isa na
rito ang mga taga espanya na tayo ay inalipin sa sariling bayan sa loob ng tatlong daan at tatlong pot
tatlong taon. Una ang kanilang rason sa pag punta sa atin ay kumuha ng mga pampalasa or spices na
maaaring magamit sa pagluluto. Ngunit nakita natin sa kasaysayan ang tunay nilang intensiyon sa ating
bayan, yun ay ang sakupin tayo, magpalawak ng kanilang lugar at samsamin ang likas na yaman ng
pilipinas. Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop hindi natin maitatanggi ang mga naging
impluwensiya sa atin ng mga dayuhan, unang una sa ating relihiyon halos lahat ng Pilipino na
naninirahan sa ating bansa ay mga kristiyano katoliko, pangalawa sa ating mga pananamit, pangatlo sa
ating mga katutubong sayaw. Makikita natin ang malaking naging impluwensiya ng mga dayuhan na
magpahanggang ngaon dala dala pa rin natin.

Ngunit kung ako ang tatanungin tunay na nga bang Malaya tayo kahit tapos na ang pananakop? Oo
Malaya na ang pilipinas laban sa mga dayuhan dahil ang soberanya ng ating bansa ay naaririyan. Malaya
tayong nagagamit ang mga likas na yaman ng ating bansa ng walang paglilimita laban sa mga ibang
bansa. Ngunit ito ang aking napansin Malaya tayo pisikal laban sa mga dayuhan ngunit kung titingnan
natin ang ating mga isipan at paniniwala ay sakop pa rin ng mga dayuhan, marami na sa mga kabataan
ang mas magaling sa mga salitang banyaga kaysa sa sariling wika, marami sa mga Pilipino ang
namumuhay na tulad ng mga banyaga at nababalewala na ang tunay na kataohan ng mga Pilipino.

Marahil tayo nga ay Malaya dahil nakaraan na lang ang lahat pero magpa hanggang ngayon narito pa rin
ang mga bakas ng mga pananakop ng mga banyaga sa atin. Hindi natin pwedeng kalimutan na minsan
silang nagpa hirap sa ating mga ninuno, ginawang mga alipin, inalipusta at trinatong parang mga hayop.
Sinunog at binura ang mga orihinal na paniniwala, kultura at panitikan ng ating mga ninuno at pinalitan
ng kanilang mga paniniwala.

At ngayon sa bago nating kinakaharap na pananakop ng isang bansa, ang bansang china pilit na
inaangkin ang isang bahagi ng ating bansa na matatangi nating sagana sa yamang mineral at mga isda.
Angkin nga natin ang kalayaan ngunit hanggang kailan? Nariyan pa rin ang mga badiya ng kaaway na
mga gahaman sa kapangyarihan.
Huwag nating hayaan na sila ang mag dikta ng kanilang nasasakupan, huwag nating hayaan na sila ang
komontrol sa ating bansa, huwag nating hayaan na mabura ang orihinal na katauhan ng mga Pilipino.
Atin ngang pagyabungin ito at tangkilikin sa halip na tangkilikin natin ang mga bagay na hindi naman
talaga sa atin. Tayo rin mismo ang gumagawa ng paraan para sila ang maging mataas at tayo ang nasa
ibaba. Kaya mas lalo pa nating pagyamanin at ipamalas ang kultura, wika at katauhan nating mga
Pilipino sa mga ibang bansa.

Kung wala ang ating mga ninuno na nakipaglaban sa mga dayuhan siguro hanggang ngayon nasa ilalim
pa rin tayo ng pamumuno ng ibang bansa, kung walang nag mulat sa mga mata ng mga Pilipino walang
pag aaklas na mangyayari. Kaya huwag natin itong kalimutan, at tayo bilang Pilipino sa panahon ngayon
ang responsibilidad natin ay panatilihin ang ating kalayaan.

Kaya walang karapatan ang ibang bansa na manghimasok sa mga isyu na kinakaharap ng ating bansa,
wala silang karapatan na sila ang maging mataas sa ating bansa, huwag natin itong hayaan. Ating
panatilihin ang soberanya ng ating bansa, na kaya natin itong pamunuan na hindi kailangan ang kanilang
mga matatamis na salita. Na minsan tinuring nila ang ating mga ninuno na mga indio at walang
kakayahanng mamuno ang mga Pilipino sa sariling bansa.

Tayo ay Malaya na kaya huwag na natin pang hayaan na mawala ito sa atin, ating pahalagahan ang
kasaysayan at huwag limutin. Alalahanin natin ang buhay na sinakripisyo ng ating mga ninuno para lang
makamtan ang kalayaan na inaasam.

You might also like