Huwag Sayangin Ang Oras!

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.

Ano ang mga napagtanto mo sa lahat ng mga pinagdaanang karanasan sa pag-


aaral?
- Mula sa karanasan ko sa pag-aaral, napagtanto ko na ang pagiging mabait at
mahabagin ay mahalaga. Lahat ay mga kanya-kanyang bagahe na dinadala at
bawat kwento ay magkaiba. Noong nasa high school ako, madalas akong
humusga sa mga tao kahit hindi ko alam ang kanilang panig ng kwento at ang
mga hamon na pinagdaanan nila. Ngayon, pinili kong alalahanin na ang lahat ay
sumisikap. Dapat laging piliin ang maging mabuti at mas malaking tao dahil kaya
ko.
2. Paano mo ginamit ang iyong bakanteng oras? Pamatay oras lang ba o
binigyang-buhay mo ba ito?
- Ginagamit ko ang aking bakanteng oras sa pagpapahinga. Hindi ito ibig sabihin
na tutulog lang ako buong araw, kundi bibigyan ko ang aking sarili ng
oportunidad na pakawalan ang stress na nanggaling sa mga nakaraang araw. Ito
ay sa paraang paglalaro sa aking mga alagang kuneho, paglinis ng aking kwarto,
at pagnood ng iba’t ibang pelikula. Binibigyang buhay ko ito dahil hindi ko
kailangan magmadali sa mga gawain. Kung ano ang inilaan para sa akin, ito ay
dadating sa tamang oras.

You might also like