Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

8

FILIPINO
KUWARTER 2 – MODYUL 6
Piling Akda sa Panahon ng Amerikano,
Komonwelt at sa kasalukuyan

SANAYSAY
“Dalawang Mukha ng Siyensiya”
Ni: Armando F. Kapuana

1
ARALIN 9 A: SANAYSAY
“DALAWANG MUKHA NG SIYENSIYA”
Ni Armando F. Kapuan

B: WIKA
Iba’t ibang Uri ng Pagpapahayag

INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang;
●Naipaliliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan, pananaw, opinion at saloobin
kaugnay ng akdang tinalakay.
●Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag (pag-isa-isa , paghahambing at iba pa)
sa pagsulat ng sanaysay.

UNANG PAGSUBOK
Panuto:Basahin ang bawat pahayag at piliin ang letra ng tamang sagot.

______1.Sa sanaysay na “Dalawang Mukha ng Siyensiya”, sino ang binaggit na napakaingat


na tao.
a.manggagawa c.doktor
b.siyentipiko d.inhenyero
_____2.Kapag ang siyentipiko ay nais niyang suriin ang isang bagay,sinisikap niyang
_____hangga’t maari ang mga paisa-isang epektibo ng mga paisa-isang kadahilanan.
a.isama c.ialis
b.ibukod d.ikalat
_____3.Ito ay isang uri ng halaman na mabilis ang paglago sa ibabaw ng Laguna de Bay.
a.water lily c.forever rich
b.pothos d.snake plant
_____4.Sa maraming lugar sa paligid ng lawa biglang nahinto ang ____sapagkat
natatabunan na ang lawa ng makapal na halamang tatlong piye sa ibabaw at ilan pang piye sa
ilalim.
a.negosyo c.pamamasyal
b. pangingisda d.pagtatabon
_____5.Ito ay isang mahalagang pagkain ng mga halamang-tubig.
a.phospate c.sugar
b.chlorine d.nitrate

BALIK-TANAW
Panuto:Markahan ng tsek(√) ang bawat bilang kung wasto ang anyo ng pandiwang may
salungguhit ayon sa aspektong nasa panaklong at ekis (x) kung hindi naman.
______1.Babasahin na ni Tenyong ang sulat na ipinadala ni Julia nang dumating ang kalaban.
(kontemplatibo)
______2.Bata pa lamang sila ni Julia ay nanumpa na sila ni Tenyong sa isa’t isa.
(Perpektibo)
______3.Ikakasal na si Julia kay Miguel. (imperpektibo)
______4.Iniisip ni Julia na sana’y dmating si Tenyong nang hindi matuloy ang kasal niya kay
Miguel. (kontemplatibo)
______5.Hindi raw pumayag si Aling Juana sa panukala ng ama ni Miguel na sila naman ang
susunod na magpapakasal. (kontemplatibo)

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN


Sa yugtong ito malalaman mo ang isang akdang pampanitikan na lumaganap sa
Panahon ng Komonwelt, “Ang Sanaysay”

Ano nga ba ang sanaysay?


Ang sanaysay ay isang uri ng anyo ng paglalahad na nagsasaad ng sariling pangmalas at
pananaw ng sumulat hinggil sa isang paksa . Ang pananaw at kuro-kuro ng sumulat ay batay
sa kaniyang karanasan, pagmamasid sa kapaligiran at pag-aaral. Napapaloob din dito ang
kaniyang kuro-kuro at damdamin. Kailangan maging malinaw , mabisa at kawili-wili ang
paglalahad ng sanaysay.

May Dalawang Uri ng Sanaysay:


1.Maanyo o Pormal
Ang ganitong uri ng sanaysay ay nangangailangan ng maingat , maayos at mabisang
paglalahad at ang pananalita’y pinipiling mabuti .Ang paksa ay pinag-uukulan ng isang
masusing pag-aaral.
2.Palagayan o di-pormal
Ang sanaysay na ito ay may katangiang pagkamalapit o palagay ang loob ng sumulat sa
mambabasa maging sa ipinahihiwatig ng paksa o sa himig ng pananalita. Ito’y may malayang
pamamaraan , karaniwan ang himig na parang nakikipag-usap at kung minsa’y tila ibig mag-
pakilala ng isang munting panuntunan sa buhay. Ito ay masaya at mapagpatawa at maliwanag
na kababakasan ng magandang kalooban.

3.Tanging Lathalain
Ang tanging lathalain ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng
mga pagpapaliwanag , batayan , at impresyon ng sumulat.Hindi ito kathang-isip lamang. Bi-
lang isang karaniwang sanaysay, nagtataglay ito ng damdamin , may anyong personal at
nakatatawang pangyayari. Ang pangunahing layunin ng tanging lathalain ay manlibang at
kung minsa’y magpabatid o makipagtalo.
Isa itong pagpapahayag na nag-uulat ng mga makatotohanang bagay o pangyayari batay
sa pag-aaral , pananaliksik , o pakikipanayam at isinusulat sa isang paraang kawili-wili. Isa
rin itong sulatin na ang kawilihan ay nasa ibang bagay sa halip na sa mahalagang tala.

Pag-aralan at unawain ang sumusunod na katangian ng tanging lathalain:


1. Wala itong tiyak na haba.
2. Batay ito sa katotohanan na maaaring may kaugnayan sa balita . Maaari itong
sulatin sa anumang anyo, estilo ,o pamamaraan ngunit kailangan naaangkop ito sa
nilalaman at layunin.
3. Ginagamitan ito ng makabagong pamatnubay (novelty lead) o pamatnubay na di-
kombensiyonal. Ito ang unang talata o panimula ng sanaysay. Maaaring gamitin dito
ang madulang paglalarawan ng salita ,pamatnubay na tanong , paggamit ng tahasang
sabi o tuwirang sabi ng isang kilalang tao , o kaya ay paggamit ng salawikain o
kasabihan na may kaugnayan sa paksang tatalakayin .
4. Nasusulat ito sa himig ng pakikipagkaibigan.
5. Maaari itong sulatin sa una, ikalawa, o ikatlong panauhan.
6. Ito ay ang pinakamalayang pagsulat sa lahat ng uri ng pampamahayagang akda.
7. Maaari itong gumamit ng pang-uri , tayutay o idyoma hangga’t kailangan.
8. Nagsasaad ito ng mga ulat batay sa masusing pag-aaral , pananaliksik, o
pakikipanayam.
9. Karaniwan itong nasusulat sa paraang pataas ang kawilihan.
10. Ito ay may panimula ,katawan , at wakas.

Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag

Nagagamit sa pagsulat ng sanaysay ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag. Isa na


rito ang paglalahad na maaaring gamitin sa pagpapaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng
sanhi at bunga ng mga pangyayari sa ating kapaligiran. Sa uring ito ng pagpapahayag,
kailangang maging kasiya-siya sa mambabasa ang pagpapaliwanag at nasasagot sa
pagpapaliwanag ang mga tanong sa isipan ng mga bumabasa. Sa ganitong paraan nahihikayat
ang mga bumabasa na paniwalaan ang sinasabi ng may-akda sapagkat napupukaw ang
sariling pag-iisip ng bumabasa. May iba’t ibang estilo na maaaring gamitin sa paglalahad
upang maging mabisa ang pagbibigay ng mga impormasyon sa paksang tatalakayin sa
pagsulat ng sanaysay.

Halimbawa:
1. Pag-isa-isa-Nakatutulong ang paggamit ng pag-isa-isa sa pagpapaliwanag kung paano
ang paggawa ng isang bagay o kung ano ang mabuting paraan upang matamo ang
isang layunin. Karaniwang ginagamit dito ang kaayusang kronolohikal (chronologi-
cal order) at sinasabi rito kung ano ang unang dapat gawin , ang susunod, hanggang
sa matapos ang pagpapaliwanag.
Ang panandang ginagamit dito ay:
●isa, dalawa, tatlo, apat
●a,b,c,d
●una, pangalawa, pangatlo, pang-apat
●susunod, pagkatapos, sa huli
●sa unang pagkakataon, sa ikatlong pagkakataon, pagkaraan
●bilang panimula, bilang pangwakas/pagtatapos
Halimabawa:
Mahalaga ang paggamit ng siyensiya dahil una, pinadadali nito ang pamumuhay;
pangalawa, nagagamit ang siyensiya sa pagtuklas ng maraming bagay; at pangatlo,
nagkakaroon ang tao ng pagkakataon upang paunlarin ang paligid.
2. Paghahambing- ginagamit ang uring ito ng paglalahad upang madaling maunawaan
ang isang pagkukuro. Inihahambing ng manunulat ang paksang tinatalakay sa isang
bagay o karanasang alam na ng bumabasa o nakikinig. Nakatutulong ang paggamit ng
paghahambing sa ikalilinaw ng pagtalakay sa paksa o sa pagbibigay ng kahulugan ng
paksa.Ang panandang ginagamit dito ay:
●katulad, di-katulad, magkaiba
●ngunit, pero, bagama’t
●magkapareho at hindi kaiba
Halimbawa:
Nakatutulong ang paggamit ng siyensiya sa pang-araw-araw na pamumuhay ng
tao ngunit nakasasama rin ito kung ito’y aabusuhin.
3. Pagpapakilala ng Sanhi at Bunga- may mga bagay na nangyayari sa ating buhay na
kailangan ang masusing pagpapaliwanag upang maintindihan ang pinanggalingan ng
pangyayaring ito, bakit ito nagkaganoon, o kaya’y ano ang mapakikinabangan o
mapapala ng mga tao sa pangyayaring ito. Kapag ganito ang paraan ng
pagpapaliwanag,kailangang gamitin dito ang paraan ng pagpapakilala ng pinagmulan
ng sanhi at bunga.Kailangan ng manunulat na sumangguni sa iba’t ibang aklat,
pahayagan, ensiklopedya, at iba pang sanggunian upang mailatag nang wasto at
maging magiliw sa mambabasa ang pangyayaring ipinaliliwanag gaya ng tekstong
binasa sa aralin.Ang panandang ginagamit dito ay :
●dahil sa, resulta ng
●ito ay humantong sa
●nang sa gayon
Halimbawa:
Ang ganitong pagpapataba sa pamamagitan ng sustansiya na humahantong sa
“pamumukadkad ng mga alga” ang isang pangunahing sanhi ng pagtanda ng mga
tubigan o tinatawag na eutropikasyon,

BASAHIN

DALAWANG MUKHA NG SIYENSIYA


ni Armando F. Kapuan

Napakaingat na tao ng mga siyentipiko. Kapag nais nilang suriin ang isang bagay, sinisikap
nilang ibukod hangga’t maaari ang sistemang ito at gawin itong napakasimple hangga’t
makakaya. Ideal sa siyensiya na ibukod ang mga paisa-isang epekto ng mga paisa-isang
kadahilanan.

Sa kasamaang-palad, bihirang-bihirang tumakbo sa ganitong ideal na antas ang kalikasan.


Ang mga simple’t pang-araw-araw na bagay ay kombinasyon ng maraming nag-uugnayang
kadahilanan at nang sa gayon din karami’t kasalimuot na nag-uugnayang epekto. Sa isang
likas na bagay, tulad ng ulan, na wari’y nagaganap nang di kinasasangkutan ng tao, hindi
natin ito gaanong iniintindi. Ngunit tayo’y nababahala kapag ang mga aktibidad ng tao ay
tuwirang impluwensiya at tuwirang naiimpluwensiyahan ng isang likas na penomenon (lalo
na’t pang-ekonomiya ang mga aktibidad na ito). Halimbawa ng ganitong penomenon ang
mabilis na paglago ng nilad (water lily) sa ibabaw ng Laguna de Bay. Sa maraming lugar sa
paligid ng lawa, biglang nahinto ang pangingisda sapagkat natabunan na ang lawa ng
makapal na halamang tatlong piye sa ibabaw at ilan pang piye sa ilalim. Dahil sa labis na
kapal nito’y hindi man lamang mailunsad mula sa pampang ang mga bangka ng mangingisda.
Makakita man ang mga mangingisda ng puwang na may tubig na mapaghahagisan ng lambat,
ang biglang bugso ng hangin ay mabilis na tumatangay sa nakapaligid na nilad upang
pumulupot na tumatangay sa lambat. Napakalubha ng nagiging epekto nito sa kabuhayan.
Bumaba na ang kita ng mga taong umaasa sa pangingisda sa lawa. Dahil dito’y hindi
mabayaran ang mga inutang para sa kagamitan sa pangingisda at ang buhay nila’y naging
sangkahig-sangtuka na lamang.
Sa problema ng environmental pollution o pagpaparumi sa kapaligiran, kapansin-pansin kung
paanong ang magagandang intensiyon sa isang larangan ay nagkakaroon ng masasamang
epekto sa iba namang larangan. Ang paglikha sa mga sabong panlinis (na nagkakataong
nababase sa petrolyo tulad ng karamihan sa mga modernong kemikal) ay itinuturing na
napakabuting bagay at humantong sa paggamit dito sa halos lahat na ng “modernong” pook-
tahanan ng mga tao. Subalit upang umubra, ang mga pormula na sabon ay kailangang
gumamit ng napakaraming aditibong phospate. Sapagkat ang sabong pampaligo at panlinis ay
ginagamitan ng tubig, sapagkat karaniwang itinatapon ang gamit ng tubig, lumaki nang
lumaki ang konsentrasyon ng phospate sa mga batis, ilog, at lawa, kasabay ng paggamit ng
sabon.

Ang phospate (kasama ang nitrate) ay mahalagang bahagi ng pagkain ng mga halamang tubig
at ang pagdami ng sustansiyang ito ang dahilan ng pagkapal ng mga organismong ito
hanggang sa yaong mga tubigan na dati’y bumubuhay sa maliit at matatag na populasyon ay
naging mga berdeng sopas at may panahong taon-taong namamatay at bumabaho. Ang
ganitong pagpapataba sa pamamagitan ng sustansiya na humahantong sa “pamumukadkad ng
alga” ang isa sa pangunahing sanhi ng pagtanda ng mga tubigan o yaong tinatawag na
eutropikasyon.

Bukod sa pagbaba ng kalidad ng tubig (ang tubig na may alga ay hindi maiinom, salain man)
ang eutropikasyon ay makaaambag pa sa mga pangyayaring nakasisira sa kabuhayan, tulad
nitong nakaraang pagkamatay ng isda sa mga baklad sa Laguna.

Makikita ang pagdadalawang-mukha ng siyensiya sa naganap sa Laguna. May pagsisikap na


makagawa ng kabutihan—pag-unlad sa pamamagitan ng siyensiya. Subalit sa halip na
kabutihan ang idulot ng siyensiya, ang di-inaasahang epekto ay kapahamakan.

Mangyari pa, iba ito sa buktot na tendensiyang sinasadya man o hindi ay may layong
makapinsala sa pasimula pa man. Napakaraming negosyante ang sa kasamaang-palad ay nasa
kategoryang ito. May mga masisibang may-ari ng trosohan na kumakalbo sa mga bundok,
mga nanghuhuli ng balyena na halos nakalipol na sa ilang uri ng balyena, mga
tagamanupaktura ng kemikal na nakalason na sa kilo-kilometrong ilog at ekta-ektarya ng
lupang agrikultural.

Ang nakapanghihinayang sa pagdadalawang-mukha ng siyensiya ay ang bagay na tunay na


nagsisikap makagawa nang mabuti ang mga taong kasangkot sa iba’t ibang aktibidad
kaugnay nito. Kaya’t inihihimatong man ng maingat na pagsusuri na maaaring makalikha ng
pinsala, mahirap na ring maneutralisa ang kanilang marubdob na pagsisikap “Papanong
kakalabanin mo ang mas malawak na empleyo, mas malaking produksiyon ng bigas. Mas
mataas na GNP?”

Papaano haharapin ng mga siyentipiko ang ganitong pangyayari? Ano ang kailangan upang
ito’y maunawaan? Ano ang ating magagawa tungkol dito?

Nitong nagdaang panahon, maraming siyentipiko ng kalikasan ang nagpapalagay na dapat


tayong gumamit hindi lamang ng utak sa pagharap sa napakakumplikadong mga sistema
(tulad ng problema ng eutropikasyon), gaya ng paggamit natin hindi lamang ng lakas ng
masel upang gampanan ang ating aktibidad. Dapat nating harapin ang tunay na masalimuot
na kalagayan ng mga likas na penomena, sapagkat ang siyentipikong ideal ang pagbubukod at
simplikasyon ay hindi uubra sa ganitong larangan. Ngunit upang
makapagtrabaho man lamang sa ganitong kapaligiran na wika ng isang siyentipiko ay
“magulo,” hindi maaaring “utak lamang” ang gagamitin. Ang ganitong larangan ay
siyentipikong pagsisikap ay hindi pa lubos na kilala at nasaliksik sa bayang ito.

GAWAIN 1
A.Isaayos ang mga salita ayon sa kasidhian ng kahulugan ng mga ito .
1. masasakim, masisiba, matatakaw
2. marubdob, masidhi, matindi
3. bugso, kagyat, bigla
4. naubos, nakalipol, nakapatay
5. itaas, tuktok, ibabaw

GAWAIN 2
Sagutin ang mga tanong .
1. Bakit naging problema ng mga mangingisda ang paglago ng nilad o water lily?
2. Paano dumami ang mga nilad o water lily sa lawa ng Laguna?
3. Paano nakatutulong ang paglikha ng isang produkto sa buhay ng mga tao at ang
naging epekto nito sa ibang larangan?
4. Bakit nasabi ng may-akda na may dalawang mukha ang siyensiya na naganap sa
Lawa ng Laguna?
5. Ano ang naging kongklusyon ng may-akda sa naging problema ng mga mangingisda?
Sumasang-ayon ka ba rito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

GAWAIN 3
C. Suriin ang bawat pahayag. Tukuyin kung may katotohanan o wala ang mga kaisipang
ipinahayag sa bawat bilang.Ipaliwanag.
1. Kapaki-pakinabang ang imbensiyon ng tao dahil natutugunan nito ang iba’t ibang panga-
ngailangan ng mga tao.
2. Bawat imbensiyon ay may kaakibat na masamang epekto.

TANDAAN

Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang
sariling opinyon o kuro-kuro, saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng
mambabasa.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay”. Ang sanaysay
ay anyo ng sulating hiram. Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne
ang tinaguriang ama.Ito ay tinawag niyang “essai” na nangangahulugang isang pagtataka,
isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng panulat.
PAG-AlAM SA NATUTUNAN
Panuto:Gamit ang Venn Diagram , ihambing ang sanaysay na binasa sa napanood na progra-
mang pantelebisyon gaya ng: Survivorman, Frozen Planet atbp.

A at B: pagkakaiba
C: Pagkakatulad

A B C

SANAYSAY PAGKAK
PAGKAKATULAD PROGRAMANG

PANTELEBISYON
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto:Basahing mabuti ang pahayag at piliin ang letra ng wastong sagot.


1.Anong uri ng akdang pampanitikan ang binasa sa modyul na ito?
a.maikling kuwento
b.sanaysay
c.tula
d.balagtasan
2.Ano ang kailangan sa pangangalaga ng kapaligiran nang maiwasan ang pagpaparumi ng
kapaligiran?
a.disiplina
b.kapabayaan
c.maging makasarili
d.maging dalubhasa
3.Ginagamit ang uring ito ng paglalahad upang madaling maunawaan ang isang pagkukuro.
a.pag-isa-isa
b.paghahambing
c.pagpapakilala ng sanhi o bunga
d.paglalahat
4.Kung ang ginagamit mong pananda sa pagsulat ay: una,susunod,isa;anong paraan ng
pagpapahayag ang iyong ginagamit?
a.pag-isa-isa
b.paghahambing
c.pagpapakilala ng sanhi o bunga
d.paglalahat
5.Ayon sa sanaysay nitong nagdaang panahon maraming siyentipiko ng kalikasan ang
nagpapalagay na dapat tayong gumamit hindi lamang ang ____ sa pagharap sa
napakakumplikadong mga sistema.
a.pera
b.impluwensiya
c.utak
d.kapangyarihan

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO

Ibuod ang binasang sanaysay “Dalawang Mukha ng Siyensiya” ni Armando F. Kapuan

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
SUSI NG PAGWAWASTO

Unang Pagsubok
1.B
2.B
3.A
4.B
5.A

Balik-tanaw
Gawain
sagot ng mga mag-aaral
Gawain 1-3
Sariling sagot ng mga mag-aaral

Pag-alam sa natutunan
Sariling sagot ng mga mag-aaral

Pangwakas na Pagsusulit
1.B
2.A
3.B
4.A
5.C

Sanggunian:
Mga aklat

Aida M. Guimarie Pinagyamang Wika at Panitikan Batayang Aklat sa Filipino 8, Rex Book
Store Inc. 2018.

Aida M. Guimarie Pinagyamang Wika at Panitikan Batayang Manwal ng Guro sa Filipino 8,


Rex Book Store Inc. 2018.
Willita A. Enrijo etal Panitikang Pilipino-Ikalawang Baitang Filipino-Modyul para sa Mag-
aaral, Book Media Press Inc. Unang Edisyon 2013.
Ailen G. Baisa-Julian etal Pinagyamang Pluma Ang Bagong Baitang 8, Phoenix Publishing
House 2014.

You might also like