Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

SEKSYON 12.

(1). Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay dapat na magkaroon ng karapatang
mapatalastasan ng kaniyang karapatang magsawalang-kibo at magkaroon ng abogadong may
sapat na kakayahan at Malaya na lalong kanais-nais kung siya ang may pili. Kung hindi niya
makakayanan ang paglilingko ng abogado, kinakailangan na pagkalooban siya ng isa. Hindi
maiuurong ang mga karapatang ito maliban kung nakasulat at s harap ng abogado.

(2). Hindi siya dapat gamitan ng labis na paghihirap, pwersa, dahas pananakot, pagbabanta o
ano mang paraan na pipinsala sa kanyang malayang pagpapasya. Ipinagbabawal ang mga lihim
na kulungan, solitary, ingkomunikado, o iba pang katulad ng anyo ng detendyon.

(3). Hindi dapat tanggapin na ebidensya laban sa kanya ang ano mang pagtatapat o pag-amin
na nakuha ng labag sa seksyong ito o sa seksyong labing-pito.

(4). Dapat na magtadhana ang batas ng mga kaparusahang penal at sibil sa mga paglabag sa
seksyong ito at gayon din ng bayad-pinsala at rehabilitasyon sa mga biktima ng labis na mga
paghihirap o katulad ng mga nakagawian, at sa kanilang mga pamilya.
Ang lahat ng tao ay magkaroon dapat ng sapat na karapatan upang maipagtanggol ang kanilang
sarili kung sila ay nasasakdal. Hindi sana kampihan ang iisang panig lamang. Hayaan na
maipabatid nila ang kanilang opinyon ukol sa bagay na nangyari. Litisin mabuti ang isang kaso
upang makuha ang sapat na katarungan. Pakinggan ang lahat ng tao na nais magbigay ng
kanilang pahayag ukol sa kanilang mga narinig at nakita na maaaring makatulong upang malutas
ang kaso. Kung ninanais ng nasasakdal na depensahan ang kanyang sarili laban sa mga
pahayag ukol sa kanya ay hayaan na marinig o mapakinggan ang kanyang panig. Ang
nasasakdal ay magkaroon ng laya sa pagpili ng kanyang sariling abogado at huwag siyang
pangunahan. Kung wala siyang pera upang kumuha ng abogado ay dapat mabigyan pa rin siya
ng isa upang maibigay nito ang pahayag ng kanyang panig. Huwag ipagdamot sa kanya ang
karapatan na madepensahan ang kanyang sarili laban sa nagsasakdal sa kanya.

Ang sino mang tao na gagamitan ng labis na pananakit, pagbabanta at dahas ang isang
nasasakdal ay nararapat na mabigyan lamang ng karamptang parusa. Ito ay labag sa batas kaya
kung sino man ang nakitang ginagawa ito ay nararapat na isuplong sa pulisya upang mabigyan
ng naaayon na parusa sa kanyang ginawa.

Ang anumag sinabi o ipinahayag ng tumistigo laban sa nasasakdal ay hindi dapat agad gawing
ebidensya laban sa nasasakdal. Ito kinakailangan ng masusi at matinding paglilitis. Kinakailangan
na siyasating mabuti ang ipinayag ng tumitistigo kung ito ba ay pawang katotohanan o hindi. Hindi
ito maaaring gamitin na ebidensya laban sa nasasakdal kung hindi ba natatapos ang paglilitis
kung ito ba ay totoo o hindi.

You might also like