Ang Pagkamatay Ni Andres Bonifacio

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa pag-uulat na ito, aming ilalahad at tatalakayin ang mga rebelasyon at ebidensya patungkol sa

pagkakasangkot ni Emilio Aguinaldo sa pagkamatay ni Andres Bonifacio. Ilan sa mga ebidensyang ito ay
ang mga salaysay ni Lazaro Makapagal at ang liham ng pag-amin na isinulat mismo ni Aguinaldo.

Si Lazaro Makapagal ay isang heneral noong panahon ng rebolusyon at syang nanguna sa


pagpatay kay Andres Bonifacio at sa kapatid ng huli na si Procopio.

Noong ika-10 ng mayo taong 1897, si Makapagal ay inabutan ng selyadong sulat at inatasang
dalhin ang magkapatid na Bonifacio sa Bundok ng Maragondon. Pinaniwala nila ang magkapatid na
itatakas lamang sila sa labanang dulot ng pagsalakay ng espanyol sa maragondon. Ngunit ng mapagod si
Andres ay hiniling nya na basahin sa kanila ang sulat na ang nilalaman pala ay "kayo at mga kawal na
nasa ilalim ng inyong kapangyarihan ay inuutusan upang ganapin ang nasabing hatol na barilin ang
dalawang magkapatid".

May dalawang bersyon na ibinigay si makapagal tungkol sa pagpatay kay bonifacio.

Ang una ay sa testimonyang ibinigay niya kay santiago alvarez para sa isang dyaryo, tatlong
dekada matapos ang pagpatay. Sinabi niyang matapos mabasa ang hatol, nananangis na yumakap si
Procopio Kay Andres at sinabing "kuya, paano na tayo?" Hindi raw nakakibo ang supremo at umagos
lamang ang luha. Dahil raw sa pagkahabag sa magkapatid ay tumalikod sya at hindi tinignan ang
pagbaril.

Ngunit nang sumulat si Makapagal kay Jose P. Santos noong ika-27 ng hunyo taong 1929, nag-
iba ang kanyang testimonya. Matapos raw niyang basahin ang hatol, napatalon si Procopio at nagsabing
"naku, kuyang!" Napaluhod raw si Bonifacio at nagsabing "kapatid patawarin mo ako". Naunang binaril
si Procopio at muling nagmakaawa si Bonifacio. Muli niyang sinabi "kapatid, patawarin mo ako."
Sumagot si Makapagal at sinabing "wala akong magagawa". Tumakbo raw ang supremo at kanila itong
tinugis sa kakahuyan at binaril malapit sa ilog hanggang sa tuluyan itong mamatay.

Ang mga rebelasyong ito ay nagmula sa blog ni Michael charleston briones chua o xiao chua,
isang pilipinong historyador.

Batay sa mga ebidensyang nabanggit, mayroong iba’t ibang bersyon ang sinasabing dahilan ng
pagpapapatay kay Andres Bonifacio. May nagsasabing nangyari ito dahil sa kagustuhan ni Aguinaldo na
mawala sa kanyang landas ang Supremo at mayroon namang nagsasabi na ito ang desisyon ng Korte
Militar. Sa kabila ng mga ito at sa pabago-bagong salaysay ni Lazaro Makapagal na siyang namuno sa
pagpaslang sa magkapatid na Bonifacio at itinuturing na eyewitness, hindi nagbago ang katotohanang
ginawa nila ang pagpatay bilang pagtugon sa utos ni Aguinaldo. Base nga sa liham ni Emilio Aguinaldo,
masasabi nating nasa kanya ang huling desisyon at siya nga ang nag-utos sa pagpatay sa Lider ng
Katipunan na si Andres Bonifacio.

You might also like