Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ANG PAGSISIYAM PARA SA DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AKYAT SA

LANGIT NG BIRHENG MARIA (ASSUMPTION)-Aug 15

Aug 6-14

Sa ngalan ng Ama…

(Tatayo ang lahat)

PANALANGING PASASALAMAT

Nagpapasalamat kami sa araw na ito. Para sa marupok na planetang lupa, sa tuwi-tuwinang


paglaki at pagliit ng tubig, sa kanyang mga dapit-hapon at pana-panahon.

Nagpapasalalamat kami sa araw na ito. Para sa liwanang ng buhay-tao, sa kanyang mga hiwaga
at surpresa, mga pag-aasam at tagumpay.

Nagpapasalalamat kami sa araw na ito. Para sa aming komunidad, para sa aming iisang nakaraan
at pag-asa sa kinabukasan. Ang aming kaisahan sa paglampas sa lahat ng sanhi ng hidwaan, ang
aming galing na gumawa para sa kapayapaan at katarungan sa gitna ng galit at kaapihan.

Nagpapasalalamat kami sa araw na ito. Para sa matatayog naming pangarap at mabunying


adhikain, para sa pananampalatayang walang karahasan sa pag-unawa ng mga pananaw na hindi
namin ari.

Nagpapasalalamat kami sa araw na ito. Para sa mga nagpagod at nagdusa


para sa isang mundong higit na makatarungan sa mga namuhay upang ang iba’y mamuhay rin
nang may karangalan at kalayaan.

Nagpapasalalamat kami sa araw na ito


Para sa pantaong kalayaan at sagradong ritwal
Para sa pagkakataong magpanibago at lumago,
Igiit ang nais at pumili

Nagpapasalalamat kami sa araw na ito. Nananalangin kami na kami’y mabuhay hindi sa ilalim
ng aming mga pangamba subalit ang aming pag-asa, hindi sa pamamagitan ng aming salita kung
di ng aming mga gawa.

Luluhod:

MEMORARE

Alalahanin mo O pinagpapalang Birheng Maria na kailanman nagyari na sino mang dumulog sa


iyong pagkalinga, humingi ng iyong tulong, o nanalangin sa pamamagitan mo na hindi
pinakinggan. Buo sa ganitong pagtitiwala, tumatakbo akong patungo sa iyo, O Birhen ng mga
Birhen, aking Ina. Lalapit sa iyo, itatayo sa harapan mo, akong makasalanan at puno ng pighati.
O Ina ng Salitang nagkatawang-tao, huwag mong hamakin ang aking pagsamo, ngunit sa iyong
awa, digging mo at tuginin ako. Amen.

(1 Aba Ginoong Maria)

PANALANGIN SA PAG-AKYAT NG MAHAL NA BIRHEN SA LANGIT, KALULUWA


PATI KATAWAN

Marilag na Reyna ng Langit, at may bahay ng mga anghel, tinanggap mo mula sa Diyos ang
kapangyarihan at kagalingan upang durugin ang ulo ni satanas. Samakatuwid, buong kababaang
loob naming hinihingi sa iyo na isugo moa ng hukbo ng Langit, na nawa sa ilalim ng iyong
pamamatnubay ay mahanap nila ang lahat ng masasamang espiritu upang ito’y maakit sa kanila
sa lahat ng dako sa labanan nang masugpo ang kanilang pagmamataas upang muli lahat sila ay
magbalik sa hukay ng impyerno.

Buong tatag naming inihaharap ang aming mga sarili sa iyong harapan, aming pinakamamahal
na Ina. Sa aming karamdaman at kagalingan, hinihiling naming tulungan mo kami na
maintindihan ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal n mayroon ka sa amin. Kung ang mga
kahilingan na aming ipinagsisiyam sa nobenang ito ay sunod sa kalooban ng Diyos at para sa
ikagagaling ng aming mga kaluluwa, kasiyahan nawa kami ng iyong kalinis-linisang puso.

Aming sintang Ina, ikaw ang simbolo ng aming pag-asa at sa iyo aming iniaalay ang lahat ng
aming pagmamahal. Ina ng Diyos na aming Manunubos, ipadala moa ng iyong mga anghel
upang kami ay gabayan at ilayo sa lahat ng uri ng tukso. Banal na mga anghel at arkanghel,
udulot ninyo sa amin ang in yong pagkakandili at pagtatanggol. Amen

PANALANGIN SA MGA ANGHEL NA TAGAPAGBANTAY

Mga anghel ng Diyos, , mahal naming tagatanod, kung kanino kami ay tunay na itinalaga dahil
sa Knaniyang pagmamahal. Sa kabuoan ng lahat ng mga araw, manatili ka sa aming mga tabi,
upang tumaglaw at magbanta upang mamuno at pumatnubay. Siya nawa.

UNANG ARAW (Aug. 6)

PANALANGIN SA UNANG ARAW

Kalinis-linisang Birhen, Ina ni Hesus at amin ring Ina, kami ay nananalig na ang iyong katawan
at kaluluwa ay maluwalhating iniakyat sa langit kung saan ang mga anghel at mga banal ay
niluwalhati ka bilang Reyna ng langit at lupa. Kaisa nila kami sa pagpupuri sa iyo at sa
Panginoon na nag-akyat sa iyong karangalan sa lahat ng mga nilalang. Kalakip ng kanilang
pagpupuri, iniaalay namin ang aming pamimintuho at pagmamahal sa iyo. Buo ang pagtitiwala
naming kami’y iyong tutunghayan sa aming mga gawain. Sa iyong pag-aampon ipinapanalangin
namin na ipamagitan moa ng aming kahilingan. (Banggitin ang pagsariling kahiligan).

Kami ay panatag na nananalig na darating ang pangako ng Muling Pagkabuhay. Kami ay


tumutunghay sa iyo, aming buhay, aming katamisan at aming pag-asa. At matapos yaring
pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Hesus. O mabait, mapagmahal,
matamis na Birheng Maria. O Birheng iniakyat sa langit, ipanalangin mo kami

Aba Po…

IKALAWANG ARAW (Aug 7)

PANALANGIN SA IKALAWANG ARAW

Santa Mariang iniakyat sa langit, dinarakila ka namin bilang Reyna ng langit at lupa. Sa
pamamagitan ng iyong anak, ikaw ay inuluklok sa kaluwalhatian ng Sangkalangitan. Mahal
naming Reyna, ipamagitan mo nawa kami sa maing mga pangangailangan. (Banggitin ang
pagsariling kahiligan).

Nagpapasalamat kami kay Hesus sa pagpuputong ng pinakamagandang korona sa iyo habang


niluluwalhati ka ng mga anghel at ng mga banal sa langit bilang kanilang Reyna. O Birhweng
iniakkyat sa langit, Ipanalangin mo kami.

Aba Po…
IKATLONG ARAW (Aug 8)

PANALANGIN SA IKATLONG ARAW

Sanata Mariang iniakyat sa langit, sapagkat ikkaw ay nakibahagi sa misteryo ng aming


kaligtasan ditto sa lupa, ikaw ay kinoronahan ni Hesus hindi lamang ng kaluwalhatian kung di
maging ng kapangyarihan. Sa pamamagitan ng maluwalhating pag-akyat sa langit sa iyo at sa
iyong pamamagitan, tulungan mo kami aming mapagmahal na Ina na ilapit sa aming Panginoong
Hesus an gaming kahilingan (banggitn ang sariling kahiligan). O Birheng iniakyat sa langit,
ipanalangin mo kami.

Aba po…
IKA-APAT NA ARAW (Aug 9)

PANALANGIN SA IKA-APAT NA ARAW

O AMING Inang Maria, iniluklok ka ng Diyos sa kanyang kaluwalhatian at bin igyan ng


katangi-tanging karangalan ang pagiging Ina ng Diyos. Dinarakila ka namin kasama ng mga
banal bilang aming Reynang malapit sa puso ng aming Ama, higit sa lahat ng kanyang mga
nilalang. Ipanalangin mo kaming iyong mga anak upang maipamahagi moa ng biyayang
pinagwagian ng aming Tagapagligtas noong Siya ay namatay sa Krus. Sa pamamagitan ng iyong
kabanal-banalang pangalan, ipamagitan mo kami sa aming mga pangangailangan at hilingn mo
kay Hesus na ipagkaloob Niya ang aming kahilingan para sa ikabubuti ng aming kaluluwa
(Banggitin ang pangsariling kahiligan). O Birheng iniakyat sa langit, ipanalangin mo kami.

Aba Po…
IKALIMANG ARAW (Aug. 10)

PANALANGIN SA IKALIMANG ARAW

Mahabagin at mapagmahal na Ina, mapuno nawa ng iyong kaluwalhatian ang aming mga puso
upang aming matalikuran an gaming pagkiling sa kamunduhan at yakapin ang pagnanasang
masumpungan namin ang walang hanggang kaligayan sa langit. Ilingon mo nawa sa amin ang
iyong mga matang maawain sa mga suliranin at mga pasakit dito sa lupang kahapis-hapis.
Pakinggan mo mapagmahal na Ina at ibulong sa Diyos ang aming mg panalangin (Banggitn ang
pangsariling kahilingan). Lukubin mo kami ng iyong kalinisan at grasya dito sa lupa, at iyong
walang hanggang kaluwalhatian sa Langit. O Birheng iniakyat sa langit, Ipanalangin mo kami.

Aba Po…

IKA-ANIM NA ARAW (Aug. 11)

PANALANGIN SA IKA-ANIM NA ARAW

Santa Maria, giliw naming Ina at dinaraakilang Reyna, malugod mong tanggapin an gaming mga
pusong kasama ng aming mga kalayaan at mga naisin at ang aminmg pag-ibig na kalakip nito.
Lahat ng hawak namin at lahat ng ninanais naming biyaya mula sa grasya ng Diyos at sa iyong
pamamagitan. Tulungan mo kami mapagmahal na Ina upang maisuko namin sa Diyos ang lahat
ng kalakip na panalangin. (banggitn ang pangsariling kahilingan). O Birhwng iniakyat sa langit,
ipanalangin mo kami.

Aba po…
IKA-PITONG ARAW (Aug. 12)

PANALANGIN SA IKA-PITONG ARAW

Maria, Reyna ng bawat puso, iyo nawang tunghayan mo na kami na nauugnay sa iyo sa
pamamagitan ng iyong pag-ibig, na kami ay sa iyo magpakailanman at aming maipahayag ang
katotohanan na “Kami ay kay Hesus sa pamamagitan ni Maria”. Aming Inang iniakyat sa Langit
at Reyna ng Santinakpan maluwalhating Laging Birheng Ina ng Diyos, ipamagitan moa ng
aming kaluluwa (Banggitin ang pagsariling kahiligan). Aming Inang iniakyat sa Langit,
minamahal ka namin. Biyayaan mo kami ng dakilang pagmamahal para kay Hesus at para sa iyo.
O Birheng iniakyat sa langit, ipanalangin mo kami.

Aba po
IKA- WALONG ARAW (Aug. 13)

PANALANGIN SA IKA-WALONG ARAW

Maria, Reynang iniakyat sa langit, kami ay nagagalak sa iyong titulo bilang Reyna ng Langit at
Lupa. Ibinigay moa ng iyong sarili sa Diyos at ikaw ay naging Ina ng aming manunubos.
Mangyari pong tulutan ninyo kami ng kapayapaan at kaligtasan sa pamamagitan nitong aming
mga panalangin, sapagkat ikaw ang nagluwal sa Panginoong Hesus, ang tagapag ligtas ng
sanlibutan. Ipamagitan mop o kami at idulog ang aming mga kahilingan sa trono ng Ama.
(Banggitn ang pangsariling kahilingan). Sa mga panalangin naming ito, ang amin nawang
kaluluwa’y mapuno ng pagnanasa upang maging sing katulad mo, isang mapagkumbabang
tagasunod ng Espiritu Santo at tagapaglingkod ng makapangyarihang Diyos. Ipanalangin mo
kami O Reynang iniakyat sa Langit, na kami ay maging dapat na magkamit sa mga pangako ni
Hesukristo. Amen.

Aba Po…

IKA-SIYAM NA ARAW (Aug. 14)

PANALANGIN SA IKA-SIYAM NA ARAW

Panginoong Hesukristo, napagtagumpayan mo ang kapangyarihan ng kamatayan at mula dito’y


iyong binuksan para sa sangkatauhan ang pag-asa na buhay na walang hanggan sa katawan at sa
kaluluwa. Ibinigay mo sa iyong Ina ang pagkakataon upang ang kanyang katawang lupa ay di
madapuan ng pagkabulok. Ngayong ipinagdiriwang ng lahat ang pag-akyat sa Langit ng Mahal
na Birhen, kami po ay dulutan mo ng panibagong kumpyansa sa pagtatagumpay ng buhay sa
kamatayan at isang panibagong paggalang para sa aming katawang panlupa. Ngayong aming
dinarakila ang Birheng Maria na iniakyat sa Langit, mangyari nawang kami ay makapagbalita ng
pag-asa mula sa iyong Mabuting Balita na ang bawat isa ay may pagkakataon na makaupo sa
iyong tabi sa trono sa oras na itinakda. Nawa ang ninanasa namin na pagkakataong iyon ay
makapag patibay ng pagmamahal at paggalang sa bawat buhay na naririto sa mundong ibabaw
(banggitn ang pangsariling kahilingan). Ikaw na nabubuhay at naghaharing walang katapusan.
Amen

Aba Po…
LITANYA SA BUHAY NG MAHAL NA BIRHEN

Panginoon, Kaawaan mo kami


Panginoon, Kaawaan mo kami

Kristo, kaawaan mo kami


Kristo kaawaan mo kami

Panginoon, Kaawaan mo kami


Panginoon, kaawaan mo kami

Kristo pakinggan mo kami


Kristo pakapakinggan mo kami

Diyos Ama sa lanngit


Maawa ka sa amin
Diyos Ama, manunubos sa sanlibutan
Maawa ka sa amin

Diyos Espiritu Santo


Maawa ka sa amin

Banal na Trinidad ng Diyos


Maawa ka sa amin

Birheng mula sa lahi ni David………. Ipanalangin mo kami


Birheng itinalaga kay San Jose…
Birheng naging malinis at Birhen kailanman…
Birheng luwalhati ng mga Anghel…
Birheng napupuno ng grasya…
Birheng pinagpala sa babaeng lahat…
Birheng nagdalan-tao sa pamamagitan ng Espiritu Sanato…
Birheng dala sa sinapupunan ng Diyos na nagkatawang tao…
Birheng Ina ng Diyos…
Birheng Ina ng tunay na Solomom…
Bieheng binisita ang pinsang si Isabel…
Birheng pinagpalang lupa, kung saan ipinanganak ang manun ubos…
Birhang banal na pinto, kung saan ang hari ng langit lamang ang nakakaraan…
Birheng naglakbay patungong Betlehem kasama ang esposong si San Jose…
Birheng dinala sa mundo ang Diyos Anak…
Bieheng inihiga sa sabsaban ang Diyos Anak…
Birheng dinalaw ng mga Apostol…
Birheng kinilala ng mga mago…
Birheng dinala ang anak sa ritwal ng pagtutuli…
Birheng ibinigay ang sarili sa ritual ng paglilinis…
Birheng itinaas ang anak sa templo…
Birheng nagpunta sa Ehipto upang iligtas ang anak…
Birheng nagbalik sa Israel mula sa Ehipto…
Birhang namuhay ng simple sa Nazareth…
Birheng ipinagdiwang ang mga pista ayon sa batas…
Birheng lungkot ang sinapit sa pagkawala ng kanyang labindalawang taong gulang na anak…
Birheng malumbay na tatlong araw hinanap ang nawawalang anak…
Birheng kinilala ang presensya noong kasalan sa kana…
Birheng nakisuap sa anak na maging alak ang tubig…
Birheng tagapamitan sa mga milagro…
Birheng sunundan ang anak sa mga misyon…
Birheng sinamahan ang lumbay ng anak…
Birheng nakatayo ang sa paanan ng krus…
Birheng ipinagkatiwala ang anak kay Sanb Juan Ebangelista…
Birheng tinarakan ng mga espada ng hapis…
Birheng pinagpala ng Espiritu Santo noong Pentekostes…
Birjeng tinatawag na pinagpala ng lahat ng bansa…
Birheng reyna ng Langit…

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan


Tulungan mo kami Panginoon namin

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan


Pakinggan mo kami Panginoon namin

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan


- Maawa ka sa amin
Panalangin mo kamo O Santang Ina ng Diyos
- Upang kami’y makinabang sa mga pangako ni Hewsukristong Panginoon namin.

Manalangin tayo:

Tulungan mo kaming iyong mga alagad O Panginoon na ngangailangan ng iyong tulong at


paggabay at iyong ibinigay sa amin ang pagkakandili ng Mahal na Birheng Maria upang kami ay
ipagtanggol sa lahat ng masasama at sa lahat ng nalalapit na panganib. Sa pangalan Mo
Hesukristong amoing Panginoon. Amen.

PANALANGIN SA BIRHEN NG ASUNCION

Maria, Reynang iniakyat sa langit, ako ay nagpupugay sa mga taong inilagi sa mundo, sa wakas
ay naiakyat ka na sa Iyong tromo sa langit at inihanda nang matagal ng Banal na Trinidad.
Isama moa ng aking puso sa iyong maluwalhationg pag-akyat nang sa gayun ako ay malayo sa
mga nakakarimarim na sanhi ng mga makaluamang kasalanan at karumihang mumdo. Tulungan
mo ako na tingnan na napaka liit pala ng mundo kungm ito ay titingnan mula sa langit. Tulungan
mo akong maintindihan na ang kamatayan ay isang mahiwagang pinto kubngf saan ako ay
makapupunta sa iyong mahal na Anak at balang araw, ang aking katawang lupa ay tuluyang
mapapasama sa aking kaluluwa sa buhay na walang hanggan sa langit.

Mula rito sa mundong ibabaw na tinitingnan ko bilang isang banal na paglalakbay, hinihiling
kong ako’y iyong tulungan na makamit ang mga kahilingang aking inaasam sa pagsisiyam na ito.
Sa oras ng aking kamatayan, gabayan mo ako sa daan patungo sa iyong Anak, nang sa gayo’y
aking madanas ang pangako ng Diyos na tayo’y magkasama-samag walang hanggan
magpakailanman. Amen

Sa ngalan ng Am

You might also like