Gawain 5 Pre FNG

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan: LAPINID CATHYLYN W.

Kurso: BSED FILIPINO 3

Ipaliwanag ang mga sumusunod: (35pts)

1. Komposisyon
Ang komposisyon ay isang salitang may kasingkahulugan sa pagsusulat. Isa itong
paraan ng pagsusulat kung saan ang may akda ay nangangalap ng mga impormasyon
at ideya mula sa iba’t-ibang paraan at magpakukunan. Ang mga nakalap niya ay kanya
naming pagsasama-samahin upang siya ay makabuo ng kasulatan na maiintindihan ng
isang mambabasa.
Gaya ng ibang uri ng panitikan, ang komposisyon ay binubuo rin nga mga talata. Ito ay
may panimula, katawan, at pang-wakas. May iba’t-ibang uri rin ang komposisyon base
sa nais iparating ng may akda. Halimbawa, ang naratibong komposisyon ay
nagsasalaysay ng isang kuwento habang ang argumentatibong komposisyon naman ay
nanghihikayat ng isang indibidwal ukol sa isang isyu.
2. Talata
Ang talata ay isang serye ng mga pangungusap na nakaayos at magkakaugnay, at
lahat ay may kaugnayan sa isang paksa. Ito ay nagpapakita sa isang mambabasa kung
saan nagsisimula at nagtatapos ang mga subdibisyon ng isang sanaysay, at sa gayon
ay matulungan ang mambabasa na makita ang samahan ng sanaysay at maunawaan
ang mga pangunahing punto nito. Ang bawat talata ay may istruktura. Ito ay hindi isang
random na koleksyon ng mga pangungusap. Ang mga bahagi na bumubuo sa teksto ay
may kaugnayan sa bawat isa. Ang paksang pangungusap ay kadalasang nasa unahan
at hulihan ng talata. Layunin nito na magpahayag ng isang kaisipan o ideya. Ito ay
binubuo ng higit sa limang pangungusap. Ang kalipunan ng mga talata ay bumubuo sa
isang sanaysay, nobela at iba pang akdang pampanitikan.
3. Editoryal
Ang editoryal o pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng kuro-kuro ng isang
pahayagan. Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng
pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Layunin nito sa pagbibigay ng
kuro-kuro ang magpabatid, magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri,
manlibang at magpahalaga sa natatanging araw.
Itinutuwid ng editoryal ang mga maling palagay o paniniwala at pagkalito ng tao sa
isang isyu. Nagbibigay-pakahulugan din ang isang editoryal sa balita o kaganapan
upang bigyang-linaw sa kahulugan ng pangyayari. Nagbibigay-puna ang editoryal sa
layuning magkaroon ng pagbabago para sa pakinabangan ng nakararaming tao. Ang
pagtuligsa ay hindi kailangan makasakit ng damdamin ng kapwa. Pumupuring editoryal
kung may dapat pahalagahan. May mga editoryal naman na ang pagkakasulat ay
nanlilibang subait taglay nito ang mahalagang opinyon.

4. Anu- ano ang katangian ng isang mabuting talata (20pts)

Ang katangian ng isang mabuting talata ay ang mga sumusunod:


1. May isang paksang-diwa
Masasabing may isang paksang-diwa ang isang talata kapag ito ay nagtataglay ng isa
lamang paksang pangungusap. Ang pangungusap ay pangungusap sa talata na
nagsasaad ng buod ng nilalaman niyon. Nagsisilbi itong patnubay upang hindi malihis
sa paksa ng talata ang mga pangungusap na napakaloob sa talata at nang sa gayo’y
maiwasan ang pagpasok ng mga bagay na hindi kailangan sa talata. Maaaring makita
ang paksang pangungusap sa iba’t ibang bahagi ng talata .
Madalas, ito ang unang pangungusap ng talata. Gayon din nilalagay rin ito sa huling
pangungusap ng talata at paminsan- minsan ay sa gitna ng talata. Ang anyo ng
paksang pangungusap ay maaaring patanong o paturol. Pangungusap ito na maaaring
nagbubuod o naglalahad ng diwa ng talata.
2. May Kaisahan ng Diwa
Masasabing may kaisahan ng diwa ang isang talata kapag ang bawat pangungusap ay
nauugnay sa paksang pangungusap.
3. May Wastong paglilipat-diwa
Nagiging malinaw ang mga pangungusap ng talata kapag may wastong paglilipat-diwa.
May mga salita at pariralang ginagamit sa paglilipat-diwa. Makakatulong ang mga ito
upang maunawaan ang tamang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na
bumubuo sa talata. Sa bawat isipang ililipat, may angkop na salita o pariralang
ginagamit. Pansinin ang mga kasunod na halimbawa:
a. Pagdaragdag- at, saka, gayon din
b. Pagsalungat- ngunit, subalit, datapwat, bagaman, kahiman, sa kabilang dako
c. Paghahambing- katulad ng, kawangis ng, animo’y, anaki’y
d. Pagbubuod- sa madaling sabi, kaya nga
e. Pagkokongklud- samakatuwid, kung gayon
Masasabing may kaisahan ng diwa ang isang talata kapag ang bawat pangungusap
niyon ay tumutulong sa pagsulong ng diwa ng talata at kapag ang bawat pangungusap
ay nauugnay sa paksang pangungusap niyon.
4. May Kaayusan
Bagama’t walang tiyak na panuntunang sinusunod ukol sa pagsasaayos ng talaan,
mabuting ayusin ang mga pangungusap sa talata sa paraang papaunlad ang galaw ng
mga pangyayari o ang kaisipang tinatalakay. Kumpletuhin muna ang kaisipan ng isang
talata bago lumipat o gumawa ng bagong talata.
A.) Ayusin nang kronolohikal ayon sa pagkakahanap ng mga pangyayari. Karaniwan
ang ayos na ito sa mga komposisyong pasalaysay o palahad.
B.) Ayusin ayon sa pananaw sa bagay o pangyayari, gaya halimbawa ng malapit-palayo
o kabalikan nito, mula sa loob- palabas o kabalikan nito o mula sa kanan-pakaliwa o
kabalikan nito.
C.) Iayos na mula sa masaklaw patungo sa ispesipiko. Ito ang karaniwang ayos na ang
paksang pangungusap ang unang pangungusap ng talata. Maari ring ayusin sa
kabalikan nito na mula sa mga pangungusap na ispesipiko tungo na masaklaw na
pangungusap. Sa ganito, ang paksang pangungusap ang huling pangungusap ng
talata.

You might also like