Professional Documents
Culture Documents
Wikang Bikolano - Ang Ponolohiya
Wikang Bikolano - Ang Ponolohiya
Wikang Bikolano - Ang Ponolohiya
Ang Bicol ay kilala sa katagang “ibalon” na ang ibig sabihin ay sa kanilang dako. Bikol o Bikolano
ay ang wikang sinasalita sa lugar ng nabanggit. Ito ang itinuring na lingua franca sa loob ng rehiyon kahit
pa mayroong ibang wika na isinasalita roon. Ginagamit ang wikang Bikol sa pagtuturo sa loob ng
paaralan. Mayroong tatlong kilalang varayti ang wika ng Bikolano. Ito ay ang sumusunod;
Bikol Catanduanes
Bikol Miraya
Bikol Sorsogon
Katulad ng kasaysayan ng Pilipinas, nahahati ang kasaysayan ng wikang Bikolano. Ang apat na
hati o kabanata nito ay ang sumusunod;
Ayon sa isinulat ni Morga (Blair and Robinson, vol. XVI, pp. 116-117), “The natives throughout
the Islands can write excellently with certain characters, almost like the Greek and the Arabic. These
characters are fifteen in all. Three are vowels, which are used as our five. The consonants number
twelve, and each and all of them combine with certain dots or commas, and so signify whatever one
wishes to write, as fluently and easily as is done with our Spanish alphabet. The method of writing was
on bamboo, but is now on paper, commencing the lines at the right and running to the left, in the Arabic
fashion. Almost all the natives both men and women, write in this language. There are very few who do
not write it excellently and correctly.”
Nagbigay ito ng ideya na ang lengguwahe ng mga Bikolano ay nabubuhay na sa panahong ito.
Malinaw na ebidensiya rin ay ang Hadyong o ang epiko sa Bikol.
Sa pagdating ng kastila, bukod sa nadagdagan ang mga letra o titik sa alpabetong Tagalog.
Nadagdagan din ang abakada sa Bikol, sapagkat ang unang misyonero na ipinadala sa Bikolano ay ang
pagsulat ng abakada sa Romano. Dahil dito, ito na ang ginamit ng mga katutubo upang makipag-usap sa
kanila. Dahil nga sa impluwensya ng mga Romano, nadagdagan ang abakada ng Bikol. Ang dating tatlong
patinig ay naging lima.
C. Panahon ng Amerikano
D. Panahon ng Tagalog
Ang ponolohiya ay ang pag-aaral sa ponema, paghinto, pagtaas at pagbaba ng mga pintig, diin,
at iba pa. Ang ponema ang pinakamaliit na yunit ng tunog na nahahati sa dalawang uri; ang ponemang
segmental at ponemang suprasegmental.
Sa ponema ng modernong wika ng Bikolano, binubuo ito ng labing anim na katinig na binibigkas
katulad sa wikang Pilipino. Ang patinig naman ay nabanggit na mayroon itong tatlo (a, i, u). Kasama
ang /e/ bilang allophone ng i at /o/ bilang allophone ng u. Ang allophone ay sinasabing maaaring maging
bigkas o tunog ng isang ponema. Ang diptonggo sa wikang Bikol ay katulad lang din sa wikang Tagalog.
Mayroon itong iw, aw, ay, at uy.
Komparatibong Analysis
Halimbawa:
Tagalog Bicol
Matanda Gurang
(Datos galing sa lektyur ni Dr. Leonard Newell, August 1993)
Ang salitang gurang ay kalimitan na naririnig sa pang-araw-araw. Nagagamit ang salitang ito na
may magkaparehas na kahulugan.
Halimbawa, ito naman ang mga salitang parehas ang anyo at kahulugan sa salin ng Bicol at
Tagalog. Isa na rito ang salitang mata – na sa wikang Bikol at Tagalog ay iisa lamang ang ibig sabihin pati
na rin ang baybay nito.
Pagdating naman sa magkaanyo ngunit magkaiba ang kahulugan. Narito ang ilan sa mga
halimbawa.
Halimbawa:
Nakita sa table na ito ang pagkakaiba ng kahulugan sa salin ng wikang Bicol at Tagalog kahit pa
man mayroon itong iisang baybay.
Ang huli sa komparatibong analysis ng ponolohiya nito ay ang kanilang ekstrukturang leksikal.
Halimbawa:
Tagalog Bicol
alak arak
maulan mauran
ulan mauran
magulang magurang
alin arin
suklay sukray
sulat surat
labanos rabanos
Sa bahaging ito nakitaan ng pagbabago ng isang ponema ng katinig na l. Sa salin ng wikang Bicol,
ang l ay napapalitan sa tunog ng r.
Sanggunian:
Adizas, C., Capati, RL., De Leon, M., et.al, Pananaliksik sa Wikang Bikolano, Retrieved from:
https://www.scribd.com/document/367281642/Research-Wikang-Bikolano-midterm-docx