Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Riza Clarito Custodio

bilang isang Guro ng Pilipinas


Mahusay dumisiplina, tagapagtanggol ng mga mag-aaral, ang mga arali`y parang tubig
sa batis ang linaw. Maayos sa kagamitan,pananamit at pagkilos, magalang at may
pananampalataya sa Diyos.Tumatayong pangalawang magulang sa eskwelahan, nagmumulat ng
mga matang nakapikit at nagbubukas ng isipan tungo sa mga bagong kaalaman.Walang
kapagurang tsine- tsek ang mga papel at kinu-compute ang mga grado upang makita ang
kagalingan sa akademiko “Madaling sabihin ngunit mahirap gawin,”iyan ang mga katauhan
kapag isang guro.
Pagkatapos ng sekondarya, mag-aaral ako ng isang edukasyon at kukuha ng isang Board
Examination para maging isang ganap na guro. Ito ang nais kong maging propesiyon sa
kadahilanan na makatulong sa iba. Ang maganda at tapat na serbisyo ang kasabihang
pinanghahawakan ko ang siyang tanging maiaalay ko sa aking maging trabaho sa darating na
panahon. Ang tanging pamilya ko ang siyang pinanghuhugutan ko ng lakas sa pagharap ng mga
hamon sa buhay. Iniisip ko lagi ang magandang bukas at mga pangarap nila na walang iba kundi
ang magkaroon ako ng magandang buhay at ang tanging panginoon ang lagi kong sandalan sa
mapasaya man at kalungkutan ay lagi akong nagpapasalamat dahil kahit papaano ay hindi niya
ako hinahayaan sa tuwing akoy nadadapa at natutumba. At ang tanging sa panginoon ko lang
inaalayat inaasa ang buo kong buhay dahil alam ko siya lang ang nakakaalam sa lahat at sa aking
kinabukasan.
Hindi madali na maging isang guro dahil marami ka pang sakripisiyong gawin at
pagdaanan upang maging isang ganap na guro. Maraming kailangan pag ika’y magiging isang
guro. Lahat ng mga impormasyon ay dapat tama at dapat ay may katotohanan at nanggaling
mismo sa libro.Bilang isang guro ay marami kang dapat maintindihan, maraming tungkulin sa
buhay, maraming responsibilidad sa ating bayan, dapat maintindihan mo ang bawat tao,kailangan
mong busugin ang mga utak ng estudyanteat bilang isang guro ay dapat mayroon kang mahabang
pasensya.At higit sa lahat hindi madali maging guro dahil ikaw ang magiging pangalawang
magulang ng mga estudyante at halos isang buong lingo ay nag kakakita kayo araw araw. Ang
pagiging guro ay iniisip ay ang serbisyo o tulong sa ibang mga bata at tao na hindi pa nakakapag-
aral. Ang pagiging guro ay hindi usapan ang pera kung hindi ang kanilang kaalaman na
maibabahagi sa bawat tao. Maraming katangian ang dapat kong isaalang-alang
upang isang maging gurong epektibo sa mga estudyante sa hinaharap. Bilang isang gurong ay
dapat kasing luwag ng langit ang iyong pananaw ang siyang nararapat lang upang ang
magkaintindihan kami ng aking mga estudyante at wala silang takot na lapitan ako kung meron
silang problema. Malalapitan nila ako tuwing sila ay nababalot na ng kadiliman sa kanilang mga
dinaranas sa buhay upang maging pangalawang magulang nila at magbigay ng mga payo na
nararapat sa ikabubuti ng bawat buhay nila. Para matuto din ang mga bata ay dapat hindi lang
natin iniintindi ang ating sarili subalit isipin din natin ang kalagayan ng mga estudyante kung sila
ay walang natutunan kung ikaw ay magiging istrikto o tinatawag nilang “terror prof” dahil mas
pangungunahan nila ang takot kay sa sila ay matuto. Ngunit dapat ay meron pa rin akong
natatanggap na respeto na nangagaling sakanila. Hindi ko rin hahayaan na ang mga estudyante
ay walang madadala pag labas subalit ay dapat pag sila ay nakapagtapos ay dapat mayroon silang
kaalaman at disiplina sa kanilang sarili upang hindi masayang ang mga pinaghirapang salapi ng
kanilang mga magulang. Bilang isang guro sa hinaharap din ay dapat hindi lang puro teknolohiya
ang aking gamitin upang malaman din ng ibang mga estudyante na hindi lang ito ang pwedeng
gamitin sa pagtuturo.Ang pagiging guro ay parang isang bayani dahil marami silang bata na
tinuturuan at binubuksan ang isip para sa kanilang haharapin at ang isang guro ay isang
bayani ng ating bayan.

You might also like