Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SERNA, JOYLENE F.

BSED ENGLISH 2-A

DALUMAT 4

II. Introduksyon

Answer: Ipinakita sapelikulang ito ang simpleng pamumuhay ng mga kabataan sa pamamagitan
ngpaglalaro. Ang mga pangkabataang laro tulad ng ice water, mataya-taya, langit lupa,bangsak at target
ay ilan lamang sa mga larong nabanggit at sa bawat laro na ipinakitasa pelikula ay mayroong itinatagong
malalim na mensahe para sa masa.Umpisa pa lang ng pelikula ay makikita mo na ang simbolo ng nais
iparating naisyu ng direktor, na kung saan ito na nga ay walang iba kundi ang kahirapan. Alamnaman
natin na talagang mahirap iresolba ang kahirapan sa bansa, kaya naipakita ngpelikula kung gaano
kahirap ang buhay ng mga ibang Pilipino. Nang dahil sa kahirapan,maaaring maging kaakibat nito ang
mga elemento na maaaring magtungo sa krimenat karahasan.

Ang pelikula ay nagging malikha sa paggamit ng mga iba’t

-ibangrepresentasyon

kung kaya’t ito ay naging supersibo sa realidad

at isa na nga dito angmga lar

ong pambata. Isang magandang halimbawa ang larong “bangsak”, kung saan

ipinapakita dito ang pagiging mapang-abuso ng mga tauhan ng gobyerno salansangan, upang gamitin
ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng isangkalabit at bala. Dito pa lamang, nawawalan na ng
karapatang pangtao ang ating mgahindi nakaangat na kababayan. Maiging ipinresenta ng pelikula na
hindi porket ikaw ayisang mamamayan ay may boses kana para sa iyong ipinaglalaban dahil hindi lahat
ngiyong sasabihin ay kanilang pakikinggan. Hindi lahat ng iyong ipinaglalaban ay kanilangbasta-basta
hahayaan dahil pawis, dugo at boses ay ilan lamang sa maisasakripisyo atmaisasayang bago pa makamit
ang inaasam, dahil ito ang realidad, hindi biro angrealidad at hindi madali ang realidad.Ang aking
masasabi sa pelikula ay naging magaling ang lahat ng may ambagdito. Maganda ang naging daloy ng
storya sapagkat hindi naging magulo angtransisyon sa bawat eksena na kanilang ipinakita. Naging
matalino at malaikhain sa pag-isip ng konsepto ang director sa pagrerepresenta ng mga nais nilang
iparating napahayag sa mga manunuod, sapagkat hindi ito basta nalang inilatag para malamanagad
kundi kinakailangan din ng kaunting imahinasyon at likot ng utak para maintidihanang napakagandang
mensahe ng pelikula. Higit sa lahat, maganda ang pelikulang itosa paggising sa mga utak at puso nating
mga Pilipino na kailangang magkaroon ngpakialam sa mga nangyayari sa bansa.

IV. Pagsubok

A.
1. Nasyonalistikong Pride

2. Sensitivity

3. Pakikiramdam

4. Pananliksik

5. Neoliberalismo

6. Pribatisasyon

7. Deregulasyon

8. Executive Order 210

9. Edukasyon

10. Feminismo

B.

1. Makikita ang sensitivity at pride ng mga Pilipino sa pagiging matiisin at mapagpasensya nila, kabilang
ang hindi agarang pagkilos para sa pagbabago at manahimik na lamang dahil sa takot at kabiguan, tulad
na lamang ng mahabang panahon na inabot upang mapalaya ang ating sarili sa mananakop na Espanyol.

2. Ang pakiramdam ay nagpapahalaga sa kalooban ng tao na kinapapalooban ng aktibong proseso ng


maingat na pagmamatyag sa damdamin ng kapwa bago magsalita o magkilos. Ayon kay Enriquez ang SIR
ay kadalasang nakakamit sa pakikisama samantala ang SIS ay bunga ng pinagkaisang pagpapahalaga ng
tao.

3. Naimpluwensyahan ng neoliberalismo ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas sapamamagitan ng


pagsuri sa patakaran sa edukasyon. Dahil sa neoliberalismo ay nagpatupad ang dating Pangulo na si
Gloria Macapagal Arroyo ng Executive Order 210 noong 2003 na nagsulong sa Ingles bilang wikang
panturo upang matugunan ang sistema ng edukasyon ang pangangailangan para sa mangagawang
Pilipinong nagsasalita ng Ingles.

4. Ang karanasan ng Unibersidad ng Pilipinas sa marketisasyon ng edukasyon ang hagupit ng neoliberal


na patakaran sa edukasyon. Makikita ito sapamamagitan ng pagsusuri sa mga patakaran sa edukasyon.

5. Nagtataglay ng kagalang-galang at maipagmamalaking posisyon sa komunidad ang kababaihan sa


panahon bago dumating ang mananakop na Espanyol. Relatibong mas mataas ang estado ng mga babae
sa panahong ito, at bahagi rin sila ng produksyon sa ekonomiyang nakasasapat at agrikultural.

V. Karagdagang Pagsasanay

Rebyu tungkol sa "Beauty and the Bestie"


Anumang gampanin mayroon ang isang tao sa pamilya at sa propesyon ay dapat siyang maging
responsable. Pinakita sa pelikulang Beauty and the Bestie na ang isang miyembro ay handang
magsakripisyo para maitaguyod ang pangangailangan ng pamilya. Ang kabuhayan na naiwan ng
magulang ay maaring pagyamanin upang mapagkunan ng pangtustos sa pangangailangan. At kung may
magkasakit o matinding pangangailangan ang pamilya ay gagawin ang lahat; pwedeng isangtabi ang
pride at ang nasaktang damdamin para maisalba at maisaayos ang buhay na nalagay sa peligro. Nakitaan
ng pagbibigay ng tamang paggabay sa pananamit at pakikipagrelasyon bilang kuya o ate sa
nakababatang kapatid. Kahanga-hanga din ang karakter na ginampanan ni Coco Martin, kung saan
nakitaan ng kahinahunan sa sitwasyon, dignidad sa trabaho, paggalang sa magulang, malasakit sa
kapwa, pagtanggap nang walang pagsasamantala sa kaibigang bakla. Malakas din na mensahe ng
pelikula na maaring mangibabaw ang matapat na pagkakaibigan sa pagitan ng isang binabae at lalaki
kaysa paghahangad ng higit pa.

Rebyu tungkol sa "Praybeyt Benjamin"

Ang pelikulang Praybeyt Benjamin ay tungkol kay Benjamin Santos VIII. Nanggaling siya sa isang
mahabang linya ng mga mandirigma at sundalo. Dumating na ang panahon niya upang maging isang
bayani sa pamamagitan ng pagkikilaban sa digmaan sibil para patunayan niya ang kanyang sarili sa lahat
at higit sa lahat, ang kanyang lolo.

Sa maraming paraan, pagkakapareho ng Disney film na “Mulan” ang pelikulang Praybeyt Benjamin. At sa
maraming paraan, hindi ito katulad ng Mulan din. Ito ang mga dahilan kung paano pareho sila. Unang
pagkakapareho ay ang kwento ng dalawang pelikula. Parang kabaligtaran ng Mulan ang kwento ng
Praybet Benjamin. Nagkakaroon ng isang digmaang silbil ang Pilipinas at bawat lalaki ay dapat sumali sa
laban. Dahil bakla at isinasaalang-alang na babae si Benjamin, ang kanyang ama ay nagpalista sa hukbo.
Ngunit dahil may sakit ang kanyang ama, pinilit si Benjamin na sumali siya sa hukbo. Pangalawang
pagkakapareho, may mga eksena na katulad ng Mulan. Ang eksena na pagsasanay ang mga sundalo ay
pagkakapareho sa mga eksena ng “Be A Man” sa Mulan. Pangatlo, nalaman ang mga heneral at sundalo
ang tunay na pagkakakilanlan ng mga bida sa kwento. Ang mga dahilan kung bakit hindi pareho ang mga
pelikula ay dahil sa tema. Pangapat, sa eksena na bihis sila bilang babae para makapunta sa loob ng base
ng mga terorista.

Sa Mulan, ang tema ng pelikula ay ang lakasan ng babae. Ang tema ng Praybeyt Benjamin ay sa halip sa
pagtitingin na tao muna ang mga bakla. Hindi isang sakit ang pagbabakla. Ipinapakita ang Praybet
Benjamin pagkakapantay-pantay ng mga bakla.

-Ipinapakita sa dalawang pelikula na hindi lahat ng bakla ay salot sa lipunan karamihan sa kanila ay mas
makikinabangan at my ambag sa lipunan.

You might also like