Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan: __________________________________________________________
Antas: 5 Kwarter: 2 Linggo: 6 .

Gamit ang SMILE Packet na ito ikaw ay inaasahang:


Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng
Espanya sa bansa ayon sa: A. Patakarang pang -ekonomiya (Halimbawa:
Pagbubuwis, Sistemang Bandala, Kalakalang Galyon, Monopolyo sa
Tabako, Royal Company, Sapilitang Paggawa at iba pa) B. Patakarang
pampolitika (Pamahalaang kolonyal)AP5PLP-li-10
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang layunin ng pagkakatatag ng Royal and Supreme
Council of the Indies at ang pamamahala ng Royal Audiencia sa bansa.
2. Natutukoy ang papel na ginampanan ng Royal and Supreme Council
of the Indies at ng Royal Audiencia sa panahon ng pananakop ng
Espanya sa bansa.
3. Napahahalagahan ng mga naging kontribusyon nito sa larangan ng
politika.
Ang Real y Supremo Consejo de Indias o Royal and Supreme
Council of the Indies ay itinatag ng Hari ng Espanya noong 1524. Ito ay
isang konseho na nagbibigay ng mungkahi sa Hari tungkol sa
pangangasiwa ng mga kolonya ng Espanya. Taglay nito ang lehislatibo,
ehekutibo at hudisyal na gampanin sa Amerika at Asya.

Aralin Panlipunan,IkaIawang Markahan, modyul 3, Linggo 7, Unang araw

Ang opisyal na tirahan ng Hari kung saan itinatag ng


Royal Council of the Indies
Pagsapit ng 1544, ang Spanish Empire ay nahati sa dalawang
viceroyalty ang Viceroyalty of New Spain (kasalukuyang Mexico) at ang
Viceroyalty of Peru. Ang Viceroyalty ay mga teritoryo o kolonya na
pinangangasiwaan ng isang viceroy o hinirang na kinatawan ng Hari ng
Espanya sa mga sakop nitong mga bansa sa mundo. Ang Pilipinas ay
napasailalim sa Viceroyalty of New Spain nang tuluyang sakupin at
pangasiwaan ang bansa ng mga Espanyol.
Dahil sa kalayuan ng Pilipinas sa Mexico kung saan nakasentro ang
Viceroyalty of New Spain, itinalaga ang Gobernador-Heneral upang
tuwirang pangasiwaan ang Pamahalaang Sentral ng Pilipinas sa ngalan
ng Hari ng Espanya.
. Ang mga batas at kautusang ipinatupad sa Pilipinas bilang kolonya
ng Espanya ay naaayon sa Recopilacion de las Leyes de los Reynos de las
Indias (Compilation of the Laws of the Kingdoms of the Indies). Binubuo ito
ng mga batas at kautusang may kaugnayan sa pampulitika, pang-
ekonomiya at panlipunang aspekto ng pamumuhay ng mga
nasasakupan ng Espanya. Sang-ayon sa Royal Decree noong March 20,
1863, itinatag ng Espanya ang Ministerio de Ultramar (Ministry of Overseas).
Layunin nito na pangasiwaan ang mga kolonya ng Espanya kabilang ang
Pilipinas. Ang Council of the Indies o Royal and Supreme Council of the
Indies ay pinakaimportante na bahagi ng administrasyon ng Espanya. Ito
ay parte ng hurisdiksyon ng Council of Castile. Binuwag ang Council of the
Indies noong 1834, isang taon pagkatapos mamatay ni Haring Fernand VII.

Royal Audiencia
Ang Royal Audiencia ang kataas-taasang hukuman sa Pilipinas
noong panahong kolonyal. Ito ang nagsilbing Royal Court of Justice ng
Espanya na itinatag sa pamamagitan ng Royal Decree ni Haring Felipe II
noong Mayo 5,1583. Layon ng hukumang ito na saklolohan ang
Gobernador Heneral sa pamamahala at pangalagaan ang mga
mamamayan mula sa mga mapang-abusong pinunong Espanyol.
Mayroong anim na sakop o hurisdiksiyon ang Royal Audiencia. Ang
mga ito ay sibil, pamahalaan, pangmilitar, elklesiyastika, pang edukasyon,
at pandistrito. Maaaring gampanan ng Royal Audiencia ang
kapangyarihang ehekutibo sa sandaling mabakante ang posisyon ng
Gobernador-Heneral. Nagsilbing tagapagsangguni rin ito sa Gobernador-
Heneral sa pagpapatupad ng autos acordados o mga batas na
napagkasunduan.

Aralin Panlipunan,IkaIawang Markahan, modyul 3, Linggo 7, Ikaapat na araw


Royal Audencia
Itinatag ang Royal Audiencia sa pamamagitan ng atas ng hari
noong ika-15 ng Mayo 1583. Si Santiago de Vera ang naging kauna-
unahang pangulo nito. Ang Royal Audencia, na siyang kataas-taasang
hukuman noong panahon ng Espanyol, ang gumagawa ng mga batas at
nagtatalaga ng panandaliang Gobernador-Heneral lalo na kung ang
Gobernador-Heneral ay umabuso sa kapangyarihan nito. Kinabibilangan
ito ng mga oidores na siyang naglilitis ng lahat ng kasong criminal at sibil
na manggagaling sa mababang hukuman. Ang Royal Audiencia rin
ang naglalabas ng mga autos acordados katulad ng paghihigpit sa
pagpasok ng mga Tsino sa bansa, pagtatalaga ng presyo ng
pangunahing bilihan at pag-utos sa mamamayan na tuparin ang kanilang
pansimbahan
GAWAIN 1
Panuto: Batay sa iyong natutunan sa binasang teksto, gumawa ng graphic
organizer na nagpapakita ng mga layunin kung bakit itinatag ang Royal
and Sumpreme Council of the Indies at ang Royal Audiencia.

Royal and Supreme


Council of the Indies Royal Audiencia

GAWAIN 2
Panuto: Iguhit o isulat ang kaliwang kamay sa patlang kung ang
pahayag ay nagpapakita ng katungkulang ginagampanan ng Royal and
Supreme Council at kanang kamay kung Royal Audiencia

1. Ang Viceroyalty ay mga teritoryo o kolonyang


pinangangasiwaan ng isang viceroy o hinirang na kinatawan
ng Hari ng Espanya sa mga sakop nitong mga bansa sa
mundo.

2. Pangalagaan ang mamamayan mula sa mapang abusong


pinunong Espanyol.

3. Nagtatalaga ng panandaliang Gobernador-Heneral kung


ito ay umabuso sa kapangyarihan nito.

4. Itinalaga ang Gobernador-Heneral upang tuwirang


pangasiwaan ang Pamahalaang Sentral ng Pilipinas sa ngalan
ng Hari ng Espanya

5. Tagapagsangguni sa GobernadorHeneral sa
pagpapatupad ng autos acordados.
GAWAIN 3:
PANUTO: Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga naging kontribusyon ng
Royal and Supreme Council at Royal Audiencia sa larangan ng politika.
Magsulat ng maikling sanaysay. Gamitin ang pamantayan sa paggawa
ng sanaysay. Gawin mo ito sa isang bond paper. Isulat sa malinis na papel.

RUBRIK PARA SA GAWAIN 3


PAMANTAYAN PUNTOS NAKUHANG
PUNTOS
Wasto at makabuluhan ang nilalaman 4
Sapat ang mga naibigay na detalye 4
Maayos ang daloy at organisasyon at 2
wasto ang gramatika at bantas
KABUUANG PUNTOS 10

K-12 Most Essential LearningCompetencies(MELCs(AP5Quarter3-Week 1)


Araling Panlipunan,Pilipinas Bilang Isang Bansa (Batayang Aklat) Ikalimang
Baitang p.151-153
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan-Modyul 1: Tugon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismong Espanyol.
Araling Panlipunan 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa, 2016 ng Vibal Group, Inc
Pagsulong at Pagbabago: Ang Pagbuo ng Pilipinas bilang Nasyon,

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.dreamstime.c
om%2Fillustration%2F philippines-
boy.html&psig=AOvVaw0vNtcoCJkHf4QkSOUs
Dr7&ust=1593762064367000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoT
CLCr-K-IruoCFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fclipart-
library.com%2Fteacher-cliparts
transparent.html&psig=AOvVaw3sQ9kiYYYmPzmOZtJiBBch&ust=159376226
9772000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLiGiZSJruoCFQAA
AAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.emaze.com%
2F%40AORQZOILO& psig=AOvVaw1Z_akZ2eFZrGEKqHP
HBgv&ust=1593762392947000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFw
oTCICwv9yJruoCFQ AAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.wikiwand.co
m%2Fen%2FList_of_sovereign_state_leaders_in_the_Philippines&psig=AOvV
aw1zOWbxELx_Fp15U5PtyMjN&ust=1593762483346000&source=images&cd
=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKinr_iJruoCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Falchetron.com%2FS
antiagodeVera&psig=AOvVaw3c9Dvl25w6ro7L9ne1sEv4&ust=15937625881
40000&source=images&cd= vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKi31a-
KruoCFQAAAAAdAAAAABAQ

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftwitter.com%2Fdfa
phl%2Fstatus%2F1015762394579066880&psig=AOvVaw2-
nIDEu_ha1iBgGynRL3eF&ust=1593763412817000&source=images&cd=vfe&
ved=0CAIQjRxqFwoTCID8u7uNruoCFQAAAAAdAAAAABAM
(Para sa guro, magulang at kaagapay sa pagtuturo)

GAWAIN 1:

GAWAIN 2:

1. Kaliwang kamay o 2. kanang kamay o

3. kanang kamay o 4. kaliwang kamay o

5. kanang kamay o

GAWAIN 3:
(Ang iskor ay depende sa sanaysay na ginawa ng mga mag-aaral at kung
nasunod ang pamantayan)

Inihanda ni:
JUDY C. PURISIMA
MT-I
Salvacion Elementary School
Caramoan South District

You might also like