Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Pinakamatinik na Conman sa Kasaysayan

I, Christophe Rocancourt, Orphan, Playboy and Con.

Ito ang pamagat ng librong sinulat mismo ni Christophe habang siya pa mismo ay napiit
sa bilangguan. Hango ito sa buhay niya na puno ng panggagantso, panghuhuthot ng
pera, pangloloko at kung paano niya ginasta ang mga ito sa marangyang paraan.
Kasama sa kuwento ng librong ito ang mga babaeng dumaan sa buhay niya. May
modelo, hollywood actress, beauty queen, lahat sila, biktima ng husay niya sa
pagmamanipula.

Ngunit paanong ang isang laki sa hirap na batang iniwan ng mga magulang sa
ampunan ay nagkamal ng milyon-milyong salapi?

Sino-sino ang mga ginamit ni Christophe upang makuha ang kanyang gusto?

At bakit tinagurian si Christophe Rocancourt, bilang pinakamatinik na conman sa


kasaysayan?

Hindi naging maganda ang kabataan ni Christophe sa Honfleur, France. Taong 1967
nang isilang siya. Hindi maganda ang relasyon ng kanyang mga magulang. Nasabak sa
prostisusyon ang ina. Lasenggero naman ang ama. Pitong taon siyang nasa ampunan.
Nang may kumupkop naman sa kanya’y hindi niya natagalan ang pagpapalaki ng
disiplinaryong ama-amahan na dating sundalo. Palayas-layas siya sa bahay nito. Nang
makatuntong sa edad na 18, nagpasya siyang magtungo sa Paris at nangakong babalik
na isang bigatin.

Sa Paris binuo ni Christophe ang kanyang bagong pagkatao, si Prince de Galitzine.


Nagpanggap siya bilang isang mayamang Ruso. Sa umpisa’y simpleng pangloloko lang
ang ginagawa niya. Paggawa ng mga cheke. Panghihiram ng Porche para ipakita sa
iba na mayaman siya.

Dito siya nag-praktis. Hanggang mag-forge siya ng isang pekeng deed of sale para sa
townhouse ng tatay ng kanyang kasintahan. Naipagbili niya ito sa halagang $1.4M.
Agad siyang nagtago sa Switzerland, nang ipa-surveillance siya ng Swiss government
sa kanyang mga kahina-hinalang aktibidad. Lumipad siya patungong US sa edad na 24.

Sa Hollywood mas nagamit ni Christophe ang husay niya sa pag-iimbento ng mga


kuwento. Tumira siya sa magarang bahay. Pumunta sa party ng mga sikat. Artista.
Negosyante. Mga sikat na personalidad. Nagpakilala siyang isa sa mga nabubuhay sa
mundo nilang pinaiikot ng salapi. At dahil sa nakamal niyang pera, hindi siya
nahirapang paniwalain silang isa siyang producer ng mga pelikula at nangangapital sa
malalaking negosyo. Ikinabit niya ang sarili bilang kamag-anak ng kilalang fashion
designer na si Oscar de la Renta at Italian actress, Sophia Loren. Katwiran ni
Christophe, mga mayayaman lang naman ang kanyang mga ginagantso.

Agree ka ba sa sinabing ito ni Christophe? Share niyo naman ang sagot sa comment
section below.

Sa mga magagara niyang party, imbitado ang lahat at doon niya nilalatag ang kanyang
business proposal. Mag-invest lang sa kanya at tiyak na malaki ang balik. At dahil
kumbinsido ang mga nakapaligid sa kanyang tunay ang kanyang yaman at mga
sinasabi, hindi sila nagdadalawang-isip na magbigay ng pera kay Christophe. Matapos
nilang mag-depost ng pera sa bangko, hindi na ulit nila nakausap si Christophe, tangay-
tangay ang mga pera nila.

Ginamit din ni Christophe ang pangalan ni Jermaine Jackson, kapatid ng King of Pop na
si Michael Jackson upang kumbinsihin ang isang kumpanya ng isang line ng pabango
bilang na nakapangalan sa mga kantang pinasikat ni Michael Jackson. Walang kaalam-
alam ang dalawang dating miyembro ng grupong Jackson 5 na nadawit ang pangalan
nila sa isang scam.

Isa sa mga kilalang hollywood actor na naging kaibigan ni Christophe ay si Mickey


Rourke. Umabot pa sa puntong pinangakuan niyang mag-po-produce ng pelikula para
kay Jean Claude Van Damme. Ngunit nang makuha na ang pera para sa pelikula, agad
na naglaho sa buhay nila si Christophe.

1992, nagpakilala siya bilang Christopher De Laurentiis sa noo’y hindi pa artista na si


Gry Park. Pursigido siya sa pagsuyo kaya naman napasagot niya ang dalaga. Nang
dumalas ang mga tawag kay Gry Park tungkol sa mga utang ng kanyang asawa, doon
na lamang niyang napagtantong hindi niya pa lubos na kilala ang napangasawa.
Kalaunan ay naghiwalay din ang dalawa kahit na ilang beses nagmakaawa si
Christophe. Hindi matanggap ni Gry na isang kriminal ang kanyang napangasawa.
Nagdahilan si Christophe na miyembro siya ng Italian Mafia kaya marami siyang pera at
marami ang naghahabol sa kanya.

1996 nang magpakasal naman siya sa Fil-Am, Playboy Playmate na si Pia Reyes.
Rumenta sila ng hotel sa Beverly Wiltshare kung saan natakasan niya ang bill na
umabot ng $60K. nagkaroon sila ng isang anak. Naaresto sila noong 2001 sa
Canada. Pinalaya si Pia nang mapatunayang wala siyang kasalanan.

2007 naman, matapos ilang taon nang pang-i-iscam at ilang pagbabayad ng


piyansa, panunuhol sa mga alagad ng batas at pagpapabalik sa kanya sa
France, nakarelasyon naman niya ang dating Miss France na si Sonia Rolland.
Nagkaroon sila ng anak at naghiwalay rin.
Sinasabi nilang gentleman thief si Christophe dahil mayayaman lang ang
ninanakawan niyam, ngunit ayon sa reports, marami rin siyang nalokong mga
maliliit na tao. Dagdag pa riyan ang paggamit niya sa mga babae at pang-
aabuso sa kanilang relasyon upang makuha ang gusto niya. Lagi nating tandaan
na ang pagnanakaw, sa kahit kanino man gawin o sa kahit anong halaga ay isa
pa ring pagnanakaw.

You might also like