Professional Documents
Culture Documents
Bilyon Bilyon Ang Kanilang Pera, Ngunit Bakit Mahirap Parin Sila
Bilyon Bilyon Ang Kanilang Pera, Ngunit Bakit Mahirap Parin Sila
30Billion Zimbabwean dollar para sa sa isang loaf ng tinapay. 1Trillion Zimbabwean dollar
naman ang halaga ng isang Hershey’s Bar. Kung iniisip mong sobrang mahal naman ng mga
bilihin sa Zimababwe, nagkakamali ka. Ganito kababa ang halaga ng kanilang pera. Sobrang
baba na ang palitan ng dolyar ay pumalo ng 250 Trillion Zimbabwean dollar katumbas ng 1 US
Dollar noong 2007.
Punong-puno ng mga pangarap at pag-asa ang buong bansa nang makamtan nito ang kalayaan
mula sa mga British na sinakop sila mula 1890 hanggang 1979. Sa ilalim ng pamumuno ni Robert
Mugabe, isang war hero at unang prime minister, nasaksihan ng mundo ang potensyal na
mayroon ang bansa. Mataas na kalidad ng edukasyon, maayos na mga polisiyang
pangkalusugan, pati na ang lupa nitong tumutubo ang kahit anong itanim, minsan nang tinawag
ang Zimbabwe bilang "the breadbasket of Africa."
Ngunit hindi rin ganun nagtagal ang kasaganahang ito. Unti-unting ipinakita ni Robert Mugabe
ang kanyang tunay na mukha, ang pagiging isang diktador. Ang mga tumutuligsa sa kanyang
pamamahala ay mabilis na dinadakip o pinapapatay gamit ang army na trained ng North Korea
sa ilalim rin ng diktador na si Kim Il Sung. Ipinag-utos ni Robert Mugabe ang pagkuha sa halos
200 lupang sakahan ng mga puti at ipinamahagi sa mga bagong magsasaka sa Zimbabwe.
Itinago niya sa ilalim ng land reform at land distribution ang hangarin niyang makakuha ng
simpatya at suporta mula sa kanyang mga kababayan.
Hindi tuluyang umayon ang lahat sa plano ng diktador. Hindi nagpakita ng interes ang mga
magsasakang binigyan niya ng lupa dahil mga hindi naman talaga sila mga magsasaka. Nawalan
ng sigla ang kanilang sektor ng agrikultura. Nawala ang dalawang pinakamalaking ani nila, mais
at tabako. Lubos na naapektuhan ang kanilang supply ng pagkain. Ang mataas na demand na
may kulang na supply ay isang sure recipe para sa isang disaster. Susundan na ito ng hindi
maawat na pagtaas ng mga bilihin na nakadepende sa mga produktong agricultural. Hindi
magtatagal, susunod na ring tumaas ang iba pa.
Nagsimula ang pagtaas ng inflation rate sa 98% araw-araw. Dalawa ang maaring gawin ni
Robert Mugabe para ma-solusyunan ang inflation, ihinto ang pag-iimprenta ng pera o bigyan
ang assurance at confidence ang mga mamamayan na may halaga ang kanilang pera at
magagamit nila ito. Walang ginawa sa alinmang ito ang diktador. Sa halip, ang ginawa pa niya ay
magpa-imprenta ng mas maraming pera upang matugunan ang mga lumulobong utang ng
bansa.
Nag-print ang Zimbabwe ng 21 Trillion upang magbayad ng utang sa IMF at 60 Triliion naman
para suwelduhana ang mga sundalo, pulis at iba pang kawani ng pamahalaan.
Ang hyperinflation ay makikita rin sa Venezuela na minsan ring naging maunlad dahil sa
kanilang oil reserves. Mula 1999 hanggagn 2013, maraming mga itinaguyod na programa ang
pamahalaan sa pamumuno ni Hugo Chavez upang kalabanin ang kahirapan at hindi
pagkakapantay-pantay. Biglang bumagsak ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Nawala ang demand para sa langis mula Venezuela. Bumaba ang halaga ng bolivar, currency ng
Venezuela. Parehas ang naging solusyon ni Mugabe at ng president nitong si Nicolas Maduro,
mag-imprenta ng mas maraming pera. Marahil ay alam mo na rin ang kasunod na nangyari.
Walang tag price ang mga items sa grocery dahil oras-oras nagtataas ang presyo ng mga ito.
Malupit din ang pamamahala ni Maduro, may mga kaso rin ng pang-aabuso sa kanyang mga
kritiko. Halos 5.6 million Venezuleans an gang naging refugee at lumikas mula sa kanilang bansa
dala ng kakulangan sa supply pagkain at malupit na pamamahala. Pinakamalaking migration ito
sa Latin American History.
2008, umabot ang inflation rate ng Zimbabwe sa 79,600,000,000%. Sa panahong ito ay mayroon
na silang na-print na 100 Trillion Zimbabwean Dollar. Napasya na ang National Reserve na –
adopt na lang muna ang US Dollar upang maging mas praktikal dahil malaki din ang gastos sa
pag-imprenta ng pera. Nauso din ang mobile payment at naging cashless economy ang
Zimbabwe. May mga tao pa rin sa Zimbabwe na hawak pa rin kanilang million, billion at trillion
dollars. Paalala marahil ng isang mahirap na yugto ng kanilang bansa.
Ang kaso ng hyperinflation sa Zimbabwe pati na rin sa Venezuela ay parehong resulta ng mga
hindi napag-isipang hakbang ng malupit at makasariling pamamahalaang hindi marunong
makinig sa hinaing ng kanyang mamamayan.