Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 80

SYNOPSIS

Sa unang pagkakataon sa buhay ni Marjorie Torres Ortinez, nagkagusto siya sa isang


lalaki. Hindi maalis ang mata niya sa lalaki kaya naman ginawa niya ang lahat para
malaman ang pangalan nito.

Nang malaman niya, para siyang stalker na dumadaan sa bar nito araw-araw para
batiin ito ng 'hi'. Hindi niya alam kung ilang beses na niyang binati ito na tango
lang o pagtaas ng kilay ang sagot sa kanya.

Sa ka-desperaduhang makasama niya palagi si Marlon Aiken Garcia, nag-apply siya


bilang isang waitress sa bar na pag-aari nito. Akala niya magiging maayos ang lahat
kapag natanggap siya... Doon siya nagkamali.
CHAPTER 1

"MARJ, hindi ka ba napapagud sa kaha-hi mo riyan kay Marlon Aiken Garcia? Kasi ako,
pagud na." Mataray na sabi ng kaibigan ni Marj na si Clover.

Tiningnan niya ang kaibigan na nakataas ang kilay.

"Clover, gusto ko siya e. Malay mo mapansin din niya ako."

"Oo, kapag naging waitress ka doon sa bar niya. Saka ka lang niya mapapansin."
Singit ni Gilen na abala sa pagkain ng cake na ini-order nila. Halos ito na ang
umubos sa lahat ng ini-order nilang pagkain.

Hindi talaga siya naiinitindihan ng mga ito. "Gusto ko nga siya, diba? Kaya okay na
sa akin na makita siya."

"Hindi normal na gusto mo siyang makita araw-araw." Ani ni Gilen.

"Tama si Gilen at hindi ka naman niya binabati kapag nagkikita kayo." Sagot ni
Clover.

"Ayos lang 'yon."

"Kagagahan." Tumayo si Clover mula sa pagkakaupo. "Halika na. Dumaan na tayo doon
sa bar ni fafa Marlon mo at ng matapos na itong kahibangan mo ngayong araw."

Nakangiting tumayo si Marj sa kinauupuan at sumunod kay Clover, nang hindi makita
si Gilen, nilingon niya ang mesa na inukupa nila. Nakita niya roon ang kaibigan na
abala sa pagkain ng cake.

"Gilen, halika na!" Mahina niyang sigaw dito.

"Maiwan na muna ako. Kumakain pa ako e!"

Itinirik ni Marj ang mga mata. "Napakatakaw mo talagang babae ka."

"Inggit kalang kasi matakaw ako na sexy." Hinimas pa nito ang maliit na bewang para
i-emphasize ang sinabi nito.

Hindi nalang ito pinansin ni Marj at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Ugali na talaga


nilang ewan si Gilen, lalo na sa mga restaurant. Sa sobrang takaw kasi nito, lahat
nalang kinakain. Tutal naman, kapag busog na ito, sumusunod nalang ito sa kanila.

Pagkalabas nila ng coffee shop kung saan paborito nilang tambayan, ininspeksiyon
niya ang sarili.

"Okay na ba ang suot ko?" Tanung niya kay Clover na busy sa pagsimsim ng kape.

Pinasadahan siya nito ng tingin. "Okay ka sa paningin ko. Pero kay Marlon Aiken?
Hindi ka pasado sa panlasa niya."

She grimaced. "You're my friend, Clover. Dapat sinusuportahan mo ako."

Napapiling na pumasok ito sa kotse nito. Hindi niya dinala ang sasakyan kaya naman
nakikisakay lang siya rito.

"Mula pa simula sinupurtahan na namin yang kabaliwan mo, Marj." Anito ng pausarin
ang sasakyan. "Wala ka namang kasing mapapala sa lalaking 'yon. You've been pinning
for that guy for almost three months now. Nag-aalala lang naman ako sayo."

She hugged her best friend from the side. "Salamat sa pag-aalala. Pero ayos lang
ako. Gagawin ko ang lahat para mapansin ako ni Marlon ko."

"At kailan mo pa siya naging pag-aari. Feel na feel mo na naman yang 'ko' mo."

Inirapan niya ito. "Huwag ka ngang nega diyan. Believe in me. Believe in the magic
of love."

"Kanina wagas ka kung maka-angkin kay Marlon, ngayon naman nagaala chichay ka ng
got to believe, Marj, wake up! Ayokong masaktan ka."

"Hindi ako masasaktan. I'll be fine. At hindi ako susuko hangga't hindi niya ako
pinapansin."

"Hay, sana nga hindi ka masaktan. At kailan ka ba sumuko? Hindi ka magiging isang
sikat na director, kung madali kang sumuko."

Napangiti siya sa sinabi ni Clover, isa sa matalik niyang kaibigan.

Oo nga. Wala siya ngayon sa kinatatayuan niya kung madali siyang sumuko. Sa edad na
twenty-seven, masasabi niyang successful na siya. Her family is already well-off.
She had a high-paying job. She owns a house in one of the famous village in the
country. She has businesses here and there. She drives a Jenson interceptor. Ang
tanging kulang nalang sa kanya ay boyfriend.

At nakita niya 'yon sa katauhan ni Marlon Aiken Garcia. Alam niyang magiging isa
itong mabuting boyfriend. Nararamdaman niya iyon.

Una niya itong nakita ng mag bar hopping sila nila Clover at Gilen. Katatapos lang
ng isang pelikula na hawak niya kaya naman nag-celebrate silang magkakaibigan. Doon
niya nakita ang binata at talaga namang sa unang pagkakataon, napanganga siya. At
sa kagustuhan ngang malaman ang lahat ng tungkol sa binata, pinagtanung-tanung niya
ang pangalan nito. She found out from a friend of a friend of Gilen na ex-
girlfriend ng binata na Marlon Aiken Garcia ang pangalan nito.

At sa una ring pagkakataon, naranasan niya ang nangyayari sa pelikula na diniderik


niya. Ang mabilis na pagtibok ng puso. Hindi niya maalis ang tingin sa guwapo
nitong mukha. Kaya naman simula ng gabing 'yon, pinangako niya sa sarili na
magiging boyfriend niya ito.

And three months later... wala paring nangyayari! Gusto na niyang sumuko pero hindi
siya ipinanganak para sumuko. Gagawin niya ang lahat para mapansin ng binata.
"Earth to Marj! Nandito na tayo." Pukaw sa kanya ni Clover.

Napakurap-kurap siya at bumalik sa kasalukuyan. Napakagat labi siya ng mapansing


nakaparada ang sasakyan ni Clover di kalayuan sa bar ni Marlon Aiken.

Humugot siya ng mahabang hininga bago binuksan ang sasakyan. "Wish me luck."

"Always."

"Thank you."

Lumabas siya ng sasakyan at inayos ang sarili. Kinalma muna niya ang puso na
bumilis ang tibok ng makita si Marlon na lumabas ng bar.

Ang guwapo talaga niya! Sheyt!

She composed herself and walks straight to Marlon.

Halos mabingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Nang tumapat siya kay Marlon,
napatigil siya at parang tinulos sa kinatatayuan ng magtama ang mga mata nila.

He arched his eyebrow at her. "Yes?"

Nagharikiri ang puso at kaluluwa niya ng marinig ang baritonong boses nito. Sa
maraming beses na dumaan siya dito at nagha-hi sa binata na palaging nasa labas ng
bar nito, ngayon lang siya nito kinausap.

Oh! My! God!

"Ahm... hi?" Wala sa sariling wika niya.

Kumunot ang nuo ng binata. "Palagi kang dumadaan dito sa bar ko. Are you looking
for someone... or something?"

Wala pa rin sa sariling tumango siya.

"Who?"

"You."

"Me?"

"Oo."

"Bakit?"

Napakurap-kurap siya at bumalik sa kasalukuyan. My gosh! Saan ba nagsususuot ang


isip niya? "Anung bakit?"

"Why are you looking for me?"

"Ha?" OMG! Anung pinagsasasabi niya? "Hinahanap kita?"

"'Yon ang sinabi mo kanina." Naguguluhang wika nito.

"What?" Napanganga siya. Nagmukha siyang timang sa harapan nito? "Hindi kita
hinahanap. Gusto ko lang mag-hi sayo." Aniya at nag-umpisa ng maglakad palayo.
"Goodbye."
"If you're looking for a job, hiring kami." Anito sa malakas na boses.

Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ang binata. "Mukha ba akong naghahanap ng


trabaho?"

Nainsulto siya sa sinabi nito. She's wearing a signature clothes for Pete's sake!

"Well..." He shrugged nonchalantly. "Palagi ka kasi dumadaan dito. Baka kako


naghahanap ka ng trabaho. May hiring kami. Waitress. Mukhang papasa ka naman kasi
matangkad ka at may itsura."

Nahulog yata ang panga niya sa narinig. Oo nga at kinausap siya nito pero puro
hindi niya gusto ang lumalabas sa bibig nito. Siya? Mag wi-waitress? God! She's a
summa cum laude sa kursong Film and Television Directing at isa siya sa mga in
demand na Film Director sa bansa! May itsura!? Maganda siya! Magandang-maganda!

Kung hindi lang kita gusto. Kanina pa kita pinatiwarik diyan sa kinatatayuan mo!

"Hindi ko kailangan ng trabaho." Aniya at iniwan itong nagkibit-balikat lang sa


sinabi niya.

"CAN YOU believe that guy?! Waitress?! Waitress-sin niya ang mukha niya!"
Nanggigigil na wika ni Marj habang nakalublub ang katawan sa Jacuzzi.

Agad siyang umuwi sa bahay niya pagkatapos ng pag-uusap nilang 'yon ni Marlon. Kung
pag-uusap nga na matatawag ang palitan nila ng ilang sentence. Pagkatapos ay
tinawagan niya si Clover at Gilen na agad namang pumunta sa bahay niya.

At heto nga sila ngayon. Siya nakalublub sa Jacuzzi, naghihimutok, si Clover ay


nakaupo lang sa sahig at kaharap ang cell phone nito at naglalaro ng temple Run at
si Gilen naman ay kumakain ng cake na binili ng mga ito bago pumunta sa bahay niya.

"Sinabihan na kita. Nakinig ka ba?" Pangaral ni Clover. "Oo nga at katakam-takam


ang kaguwapuhan ng lalaking 'yon. Pero hindi mo kilala ang pagkatao niya. Kaya
hayun! Nainsulto ka tuloy."

"Hmp! Basta. Gusto ko parin siya pero dahil ininsulto niya ako, nabawasan na yun ng
ten percent."

"Baliw." Ani ni Gilen na puno ng pagkain ang bibig.

"Hindi ako baliw." Napasimangot siya ng maalala ang sinabi ni Marlon Aiken. "Ang
lalaking yon! Pinagkamalan akong naghahanap ng trabaho!"

"At least, pinansin ka niya. Kung hindi dahil sa trabaho, hindi ka niya mapapansin.
Dapat mo rin ipagpasalamat na hiring sila dahil kung hindi, nunkang pansinin ka ng
lalaking 'yon."

Natahimik si Marj sa sinabi ng kaibigan. Medyo may punto naman kasi si Clover.

"Aha!" Sigaw ni Gilen na parang may naisip na magandang ideya. "May naisip ako."

"Ano naman yun?" Usisa ni Clover.

"Diba baliw na baliw ka sa lalaking 'yon at gusto mong mapansin ka niya?"


Nakangiting tanung nito sa kanya.
Mabilis siyang tumango.

"I have a very brilliant idea."

"Ano nga?" Excited siya sa ano mang naisip nito.

"Bakit hindi ka mag-apply bilang isang waitress doon sa bar niya?" Nagniningning
ang mga mata ni Gilen habang sinasabi 'yon.

Inirapan niya si Gilen. "Ikaw nalang. Ikaw naman ang may gusto. At bakit ko naman
gagawin 'yon, Aber?"

Gilen sighed heavily. "Diba nga, sa unang pagkakataon pinansin ka niya kasi akala
niya naghahanap ka ng trabaho. What if, mag-apply ka? Siguradong kakausapin ka niya
ng bonggang-bongga. At kung matatanggap ka doon sa bar niya, palagi mo na siyang
makikita at makakasama. Oh, diba? Ang brilliant ng naisip ko?"

Hindi umimik si Marj. Naglalaro sa isip niya ang brilliant idea ni Gilen.

Kapag nakapasok siya sa bar ni Marlon Aiken, malaki ang posibilidad na kakausapin
siya nito. At kapag kinausap na siya nito, gagawa na siya ng paraan para maging
boyfriend niya ito.

Napatango-tango siya bilang pagsang-ayon sa sariling naiisip.

"Tama ka." Sang-ayon niya kay Gilen. "Magpapanggap akong naghahanap ng trabaho at
maga-apply ako doon sa bar niya."

Mabilis na tinuyo niya ang basang katawan ng tuwalya at naglakad papasok sa walk-in
closet niya. Pinili niya ang mumurahing damit at isinuot 'yon.

"Saan ka pupunta?" Usisa ni Clover sa kanya na sumundo pala papasok sa closet niya.

Nginisihan niya ang kaibigan. "Maga-apply ako ng trabaho."

Tumawa ng malakas si Clover. "Nababaliw ka na ba? Naisip mo ba ang gagawin niya


sayo kapag nalaman niyang nagsisinungaling ka?"

"Walang akong pakialam. Ang importante, makapasok ako sa bar na 'yon."

"Hah! Oh diba? Ang galing ng naisip ko?" Nakangiting pagmamalaki ni Gilen na


nakahilig sa hamba ng pintuan ng walk-in closet niya.

"Oo na. Ikaw na ang magaling." Aniya.

Pinusod niya ang mahabang buhok at tiningnan ang sarili sa salamin.

Hmm. Mukha na siyang naghahanap ng trabaho. Pero sa tingin naman niya hindi niya
kailangang mag-effort, kanina nga na nakasuot siya ng signature clothes,
napagkamalan siyang naghahanap ng trabaho, ngayon pa ba?

KINAKABAHANG pumasok sa loob ng Bachelor's bar si Marj. Inayos niya ang hindi naman
kusot na damit. Makikilala kaya siya ni Marlon Aiken? Kinakabahan siya sa isiping
makikita niya ulit ang binata.
Ipinalibot niya ang paningin sa kabuunan ng bar. Halatang mamahalin ang mga inumin
dito. Tatlong beses lang siyang pumasok sa bar na ito. Masasabi niyang mahal ang
isang basong alak dito at pawang mayayaman lamang ang pumapasok sa bar na 'to pero
worth it naman.

Nilapitan niya ang security guard slash bouncer na hindi naman mukhang guard. Sa
guwapo nitong mukha, mapagkakamalan itong model kung hindi ito nakasuot ng uniform.

"Ahm... andito ba ang may-ari ng bar?" Magalang niyang tanung sa guard.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Bakit? Kung isa ka sa mga babaeng
iniwan at pinaiyak ni Marlon, humayo ka na. Inuunahan na kita. Hindi ka niya
kakausapin o babalikan pa."

Tumaas ang kilay niya. Babaero pala si Marlon? Bakit ba hindi siya nagulat? "Mukha
ba akong maruming babae?"

Pinasadahan siya ulit nito ng tingin." Hindi. Kung ganun bakit mo siya hinahanap?"

"Mag-a-apply ako ng trabaho. Nakita ko sa labas na nagha-hire kayo ng waitress."


Aniya.

"Hindi ka mukhang pang-waitress."

"Alam kung maganda ako pero kailangan ko ng trabaho."

Napailing-iling ang lalaki. "Oo, maganda ka. Pero mahangin. But seriously, hindi ka
mukhang waitress."

"Pakialam mo naman." Sikmat niya at pinag-krus ang braso sa harap ng dibdib niya.

"Wala akong pakialam." Iniluwas nito ang cell phone at may tinawagan. "Marlon, may
nag-a-apply ng trabaho dito. Waitress daw... Ano? Oo, babae... May naka-reserve na?
Okay." Pinatay nito ang tawag at tiningnan siya. "Paano yan, Miss. May naka-reserve
na pala ang in-a-apply-an mo. Maghanap ka nalang sa iba."

"Ganun? Janitress nalang ang a-apply-an ko." Pamimilit niya.

"Marami na kaming Janitress dito. Aagawan mo ng trabaho si mang pedring na may


limang anak na pinapakain."

Laglag ang balikat na ipinalibot ni Marj ang paningin sa loob ng bar. Hinahanap ng
mata niya si Marlon. Hindi man lang niya nakita ang binata. Sayang ang panpunta
niya rito.

Napatigil ang mata niya sa pamilyar na bulto ng lalaki. Para siyang tinulos sa
kinatatayuan ng magtama ang mata nila ng lalaki nakatayo sa second floor ng bar.
Halos matunaw siya sa klase ng pagkakatitig nito. At hindi nakakatulong na ito ang
lalaking hinahanap-hanap ng mata at puso niya.

Marlon Aiken!

Nakatingin pa rin ito sa kanya ng may tawagan ito sa cell phone. May narinig siyang
nag-ring pero hindi niya 'yon pinansin dahil abala ang mga mata niya sa
pakikipagtitigan kay Marlon.

Nakita niyang may kinusapa ito sa cell phone, habang ginagawa 'yon nakatingin pa
rin ito sa kanya. Siya na ang unang nag-iwas ng tingin dahil namumula na ang pisngi
niya. Ito ang unang beses na nakipagtitigan siya sa isang lalaki ng ganoon katagal.
"Miss na nag-a-apply bilang waitress." Boses iyon ng guard.

Nilingon niya ito. "May pangalan ako. Marj."

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Pinapasabi ni Marlon na hired ka na. Bumalik
ka nalang daw mamayang ala-sais ng gabi para sa interview mo." Anito na ikinalaki
ng mata niya.

"Pero sabi mo kanina reserve na sa iba yung slot?"

"Malay ko kay Marlon. Huwag ng maraming tanung. Bumalik ka nalang dito mamaya.
Okay?"

Mabilis siyang tumango. "Okay."

Tiningnan niya ang lugar kung saan nakatayo si Marlon kanina. Bumilis ang tibok ng
puso niya ng makitang nakatitig pa rin ang binata sa kanya.

Agad siyang nag-iwas ng tingin at lumabas ng bar. Saka lang siya nakahinga ng
maluwang. Napakagat labi siya ng maalala ang kulay berde nitong mga mata na parang
binabasa ang buong pagkatao niya.

Humugot siya ng malalim na hininga at nag-umpisa ng maglakad. Nasuspende ang


paghakbang niya ng marinig ang boses ng guard.

"Miss na nag-a-apply bilang waitress!" Tawag nito sa kanya.

Nanggigigil na nilingon niya ang lalaki. "Marj ang pangalan ko! Marjorie Torres
Ortinez!"

Nagkibit balikat ito. "Pinapasabi ni Marlon na pagpunta mo dito mamaya, dapat naka
jeans ka." Tumingin ito sa suot niyang mini-skirt. "Bawal daw iyan."

Napakunot ang nuo niya ng maalala ang uniform na suot ng mga waitress sa loob.

"'Yong uniform ng waitress, diba mini-skirt na sobrang ikli?" Tanung niya. "Bakit
bawal ito?"

The guy just shrugged. "Sundin mo nalang si Marlon." 'Yon lang at bumalik na ito sa
loob.

Naguguluhan siyang iniwan ng lalaki. Bakit naman kaya pinapag-jeans siya? Tiningnan
niya ang paa niya. Pangit ba ang legs ko? Pero, sabi ng mga kaibigan niya, may
killer legs daw siya.

Hay, ewan!

Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa bahay niya. Mula ngayon, hindi na niya
magagamit ang pinakamamahal niyang sasakyan.
CHAPTER 2

"SO, magtatrabaho ka talaga sa bar ni Marlon Aiken para lang mapansin niya?" Tanung
ni Gilen ng ihatid siya nito sa bar ni Marlon Aiken.

Ayaw niyang sumakay ng taxi kaya naman nagpahatid siya. Hindi rin naman niya
puwedeng gamitin ang sasakyan.
"Oo." Maikli niyang sagot.

"Galingan mo. Ideya ko yan kaya naman huwag kang papalpak. Kung hindi pareho tayong
patay kay Clover. Bully pa naman 'yon."

Tumawa siya. "Oo na. Gagalingan ko. Salamat lang talaga at wala akong project
ngayon. Makakapag-focus ako sa pagiging waitress."

"May alam ka ba sa pagwi-waitress?"

She shrugged. "How hard can it be? Magsi-serve ka lang naman ng inumin. Wala namang
mahirap doon."

Tumigil ang sasakyan ni Gilen hindi kalayuan sa bar ni Marlon Aiken, inayos niya
ang buhok at damit.

"Okay na ba itsura ko?" Tanung niya.

Kinuha niya ang lipstick sa bag at akmang bubuksan iyon ng pigilan siya ni Gilen.

"Huwag kang mag-lipstick. Dapat haggard looking ka." Anito.

Ibinalik niya ang lipstick sa purse na dala. "Okay."

Inagaw ni Gilen ang purse niya. "And don't bring this. Dapat mukha kang pulubi."

"Pero hindi ako sanay na walang dalang purse!" Reklamo niya.

"Dalhin mo at nang mabuko ka."

"Fine. Hindi na dadalhin."

Kinalma niya ang sarili at lumabas ng sasakyan. Habang naglalakad siya patungo sa
bar, palakas ng palakas ang tibok ng puso niya. Hindi siya mapakali na ewan.

Pagkapasok niya sa loob, agad niyang nakita yung guard slash bouncer na hindi naman
mukhang bouncer.

"Bakit hindi mo sinunod ang pinapasuot sayo ni Marlon?" Tanung kaagad nito ng
makita siya.

Tiningnan niya ang sarili. Nakasuot siya ng isang simpleng kulay puti na blouse at
palda na hindi maikli at hindi rin mahaba.

"Anong mali sa suot ko? Ang importante, hindi siya maikli." Dipensa niya sa sarili.

Nagkibit-balikat ito. "Bahala ka." Itinuro nito ang maliit na pasilyo na nasa
kanan. "Tahakin mo ang pasilyong iyan. Ang pinakahuling pintuan ay ang opisina ni
Marlon. He's expecting you."

Tango lang ang isinagot niya rito at sinunod ang sinabi nito.

Mas nadoble pa ang kaba na nararamdaman niya ng makita ang pintuan ng opisina ni
Marlon Aiken na tinutukoy ni Mr. bouncer.

Huminga siya ng malalim bago kumatok sa pintuan ng tatlong beses at pumasok. Agad
na pinalibot niya ang paningin sa kabuunan ng silid. Simpling opisina lang 'yon at
halatang lalaki ang umuukupa. Maliban sa mesa na maraming nagkalat na papel, isang
mini- bar sa na nasa glid ng silid, isang maliit na fridge, at couch, wala ng laman
ang silid na iyon.

Then her eyes settled on a man sitting on the couch.

His eyes were on her!

Ang berde nitong mata na nakapagpapahina ng tuhod niya ay nakatingin sa kanya.


Pasimple niyang hinawakan ang doorknob para kumuha ng suporta. Baka kapag ngumiti
ang lalaking ito e bigla nalang siyang bumulagta sa sahig.

Hindi niya kayang makipagtitigan dito kaya naman agad siyang nagbawi ng tingin.

"Hi." Bati niya sa binata.

"So..." He trailed while lazily standing from the couch. "Akala ko ba, hindi ka
naghahanap ng trabaho."

Shit! Naaalala siya nito?! Patay siya ngayon!

She started fidgeting. "Ahm... Kasi- h-hindi ko-"

"It's cool. No need to answer me. Lahat naman yata nangangailangan ng trabaho."
Anito.

Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito. Buti naman.

Naglakad si Marlon Aiken palapit sa kanya. Tumigil lang ito ng isang hakbang nalang
ang layo nilang dalawa.

"If you're going to work here, you better follow my rules. First," Tiningnan nito
ng masama ang legs niya. "Cover them. Ayokong makita na walang takip yan. Always
wear jeans or slacks. I don't care kung ano, basta takpan mo."

Napakunot ang nuo niya. "Pero nakita ko ang uniform ng mga waitress, maiikli naman
yung suot nilang skirt."

"Sundin mo nalang ang sinabi ko, or, I'll fire you."

Paunti-unting nawawala ang kaba ni Marj at napalitan 'yon ng pagkainis sa kaharap.


Sino ba ang lalaking 'to para pakialaman ang damit na susuutin niya?

Siya lang namang ang boss mo at ang lalaking gusto mo. Kaya makinig ka nalang. Ani
ng isang bahagi ng isip niya.

"Okay. Tatakpan na."

"Good. Second rule, bawal ang makipag-boyfriend dito. Malas 'yon sa negosyo.
Pangatlo, ayoko ng palaging absent. May day off ka para gawin ang lahat ng gusto
mo. Pang-apat, dapat palagi kang nakangiti. Ayoko ng nakasimangot. Always be nice
to a customer, that's our motto. Sundin mo lahat ng 'yon at wala tayong problema."

Tumango-tango siya. Hindi niya alam na ganito pala ito ka istrikto pagdating sa
trabaho. Pero naiintindihan niya ito. Kasi ganoon din siya sa mga crew niya kapag
nasa shooting sila.

"Kailan ako magsisimula?" Tanung niya.

"Ngayon na."
"Okay." Akmang lalabas na siya ng opisina nito ng pigilan siya nito sa braso.

Parang may kung anung kuryente siyang naramdaman ng hawakan siya nito. Ito ba 'yon?
'Yong kuryente na tinutukoy nila na mararamdaman mo kapag gusto mo ang isang tao?

"Saan ka pupunta?" Mabilis nitong tanung na parang tatakas siya.

"Ahm... sa labas, para mag-umpisa sa trabaho ko." Nagaalangang sagot niya.

"Oh." Binitiwan siya nito at nag-iwas ng tingin. "Akala ko aalis ka."

Umiling siya. "Hindi ako aalis. Kailangan ko ng trabaho diba?"

"Yeah. Kailangan mo pala ng trabaho." Anito na parang wala sa sarili.

Naglakad ang binata papuntang mini-bar. "Mamaya ka na lumabas, i-interview-hin pa


kita." Anito at kumuha ng isang bote ng whiskey at binuksan iyon.

"Okay."

Naglakad ang binata pabalik sa couch at umupo roon. "Upo ka."

Ipinalibot niya ang paningin. Wala siyang ibang makitang upuan maliban sa inuukupa
nitong couch.

"Saan naman ako uupo? Sa tabi mo?" Sarkastikong tanung niya.

"Hindi. Diyan ka umupo." Tinuro nito ang mesa.

"Pero nakapalda ako."

"So? Kasalanan mo 'yon dahil hindi ka nakinig sa akin. Diba pinasabi ko na kay
Kaino na mag-jeans ka? Anung suot mo ngayon? Kaya magdusa ka. Hala, upo ka riyan sa
ibabaw ng mesa."

"Sino si Kaino? Yung guwapong bouncer?" Tanung niya na may ngiti sa mga labi.

So, Kaino pala ang pangalan ng guard slash bouncer na 'yon. Nawala ang ngiti niya
ng dumilim ang mukha nito. Mas nasabi ba siyang hindi maganda?

"Taken na si Kaino kaya huwag ka ng lalapit sa kanya. Saka bouncer lang siya, hindi
magiging maganda ang buhay mo sa kanya."

Napapantastikuhang tumingin siya kay Marlon Aiken. "Bakit mo sinisiraan ang bouncer
mo? Saka, hindi ko naman siya gusto e."

May munting ngiti na sumilay sa labi ng binata o baka naman namamalikmata lang
siya. Wala namang dahilan para ngumiti ito.

"Good. Kasi taken na siya at wala kang pag-asa sa kanya. Saka malas 'yon sa
negosyo. Sige, upo ka na para masimulan na natin ang interview."

Nagaalangang umupo siya sa ibabaw ng mesa.

Tiningnan niya ito ng masama. "Bakit kaya hindi nalang ikaw ang umupo rito at ako
naman diyan sa couch." Suhestiyon niya.

"Ayoko nga. Boss mo ako, trabahante ka lang. At saka parusa mo yan dahil hindi ka
nakinig sa akin."

"Pero babae ako at lalaki ka. You can sit anywhere you want."

"Ahh, so you can speak English. Mabuti yan dahil maraming foreigner ang pumapasok
dito sa bar ko."

"Huwag mo ngang ibahin yung topic." Naiinis niyang sabi. Panay ang ayos niya sa
palda na pataas ng pataas sa bawat galaw niya. Argh!

"So, nakapag-aral ka ba?" Tanung nito.

"Oo." Wala sa sariling sagot niya dahil naka-focus siya sa palda niya na panay ang
taas!

"May boyfriend ka na?"

Napatigil siya sa ginagawa at napatingin dito. "Ano?"

"I'm asking you if you have a boyfriend."

Kumunot ang nuo niya. "Kasama 'yon sa interview ko?"

"Y-Yeah. Personal background. Ayokong ng may-boyfriend kasi panira iyan sa


trabaho."

"Wala akong boyfriend." Sagot niya na naguguluhan parin sa tanung nito.

Nag-i-interview din naman siya pero never niyang tinanung kung may kasintahan ang
mga ito. Samantalang mas demanding ang trabaho nila kasi nga ilang araw iyon na
walang uwian at tulugan.

"Good. Ayokong umabsent ka para lang makipag-date. Bawal 'yon."

"Hindi ako a-absent para lang diyan." Aniya at ibinaba ang palda na nakataas na
naman. "Saka efficient ako mag-trabaho. Kaya wala kang dapat ipagalala sa-"
Napatigil siya sa pagsasalita ng mapansing tumayo ang binata at naglakad palapit sa
kanya.

"A-anong-"

He takes off his leader jacket and put it over her lap, covering her legs.

Tiningnan siya nito sa mga mata. "There. Okay na?"

Lihim na napalunok si Marj. Grabe! Ang bango! Kanina naamoy na niya ang pabango
nito, pero ngayong isang dangkal nalang ang layo ng katawan nila, mas lalo niyang
na-appreciate ang amoy nito.

"A-Ahm... O-Oo. O-Okay n-na." Nauutal niyang sagot. Windang ang utak niya sa ginawa
nito at halos sumabog na ang dibdib niya sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

"Hmm."

"Hmm?"

Napahawak si Marj sa mesa ng unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ng binata.
May kakaibang kislap din ang mga magandang kulay berde nitong mata. Para siyang
nahi-hipnotismo na titigan ito.
"Bakit ang guwapo mo?" Wala sa sariling tanung niya rito.

Mas lalong lumapad ang ngiti nito. "Hindi ko alam. Pinanganak na akong ganito e.
Sobrang guwapo. Bakit mo naitanung?"

Napakurap-kurap siya sa tanung nito. Bakit niya naitanung? Sheyt! May sinabi na
naman siyang nakakahiya?

"A-Ano?"

Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. "You asked me why am I so handsome. I
answered you, now I'm asking you why you asked me that."

"K-Kasi... A-Ano... A-Anong t-tanung mo?" Natuturiti ang utak niya dahil sa amoy ng
hininga nito. Sheyt! Napakabango! Parang ang sarap singhutin.

He chuckled. "Ang cute mo kapag nauutal at wala sa sarili."

Nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito.

Nakangiti pa rin itong humakbang palayo sa kanya. "Let's continue our interview."

Tango lang ang sinagot niya. Hindi niya kayang magsalita sa sandaling 'yon. Masyado
pa siyang overwhelmed sa pagtawag nito sa kanya na cute.

Bumalik ito sa pagkakaupo sa couch. "Anong alam mo sa mga alak. Ngayong magta-
trabaho ka sa bar ko, dapat alam mo ang lahat nang 'yon. Umpisahan natin sa ladies
drink. Anung alam mo sa mga inuming pambabae?"

She calmed herself before answering. Nagpapasalamat siya at mahilig siyang mag bar
hopping kaya naman alam niya ang sagot sa tanung nito.

"Cosmopolitan drink, a cocktail drink for women. According sa nabasa ko, una siyang
na-feature sa Florida at sa movie na sex in the city. Margarita, sikat siya sa mga
kababaihan. Mojito is a tropical cocktail, malakas ang inumin na 'to. Mostly sini-
serve lang siya sa mga resorts. Then the Pear Martini. Tequila. The Bronx. The
French 95, one of the sweetest cocktail. The island breeze, it has a mixture of
rum. Marami pa akong alam na cocktail drink na suitable para sa kababaehan pero
siguradong uumagahin tayo kapag inisa-isa ko pa."

Nang tingnan niya si Marlo Aiken, halata sa mukha nito ang gulat. "Ang dami mo
palang alam pagdating sa inuming pambabae. Paano mo nalaman ang mga 'yon?"

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Sheyt! Anung isasagot niya?

"Ahm... nabasa ko sa magazine."

Napatango-tango ito at nagpapasalamat siya sa naniwala ito sa kanya. Bakit naman


kasi hindi niya napigilang magmagaling ang bibig niya! Mabubuko siya nito ng wala
sa oras.

"Mabuti naman at marami kang alam. Last question bago kita palabasin sa opisina
ko." Tumayo ang binata at naglakad palapit sa kanya. Nang isang dangkal nalang ang
layo nila sa isa't-isa, tumigil ito at tinitigan siya. "Ano ang paborito mong
alak?"

Ang dali namang sagutin! "Margarita with a little bit of tequila."


Inabot nito sa kanya ang bote ng whiskey na hawak-hawak nito. "Oh, mag whiskey ka
muna. Mamaya na ang margarita mo."

"Hindi ako umiinom niyan."

He shrugged. "Pang-sosyal ang mga alak na alam mo. Sigurado ka ba talagang isa ka
lang simpleng babae na nangangailangan ng trabaho?"

Kinabahan siya bigla sa tanung nito. "Oo naman."

"Okay." Anito at bumalik sa kinauupuang couch. "Makakaalis ka na."

Binuksan niya ang pintuan ng opisina nito. Akmang hahakbang na siya palabas ng
marinig niyang ang boses ni Marlon Aiken.

"I'm Marlon Aiken Garcia by the way, but you can call me Aiken for short."

Nagtitili ang puso niya sa sinabi nito. Kahit pangalan lang 'yon, kinikilig siya.
Hay!

Nilingon niya ito. "I'm Marjo-"

"Marjorie Torres Ortinez. I know."

Nanlaki ang mga mata niya. "P-Paano mo nalaman?"

"Makakaalis ka na." Pagtataboy nito sa kanya.

"P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Tumayo ito ulit at naglakad palapit sa kanya. "Sa resume mo. Umalis ka na at mag-
umpisa ka ng magtrabaho. Hanapin mo si Yuan, siya ang bahala mag training sayo.
Remember the rules." Iyon lang at itinulak siya nito palabas ng opisina.

Walang nagawa si Marj kung hindi mapatitig sa nakasarang pintuan.

Resume? Hindi naman siya nagpasa ng resume ah!


CHAPTER 3

PAGKATAPOS siyang i-training ni Yuan, ang baklang manager ng Bachelor's bar, agad
siyang pinagtrabaho nito. Binigyan siya ni Yuan ng uniform. Kulay itim na mini-
skirt at hapit na hapit na kulay puting polo shirt. Mas lalong napansin ang maputi
niyang balat dahil sa kulay ng uniform. Ang buhok niya na sanay siyang nakalugay,
ngayon ay nakatali na.

Binabawi na niya ang sinabi kanina tungkol sa mga waitress. Isa lang ang masasabi
niya, napakahirap maging isang waitress. Kailangan balansi ang hawak mo sa tray.
Kailangan mabilis ang lahat ng galaw mo. Dapat palaging nakangiti kahit nakakapagud
na. Kailangan approachable ka sa lahat ng customer.

Nakakapagod!

Nang mag-break siya, lamog na lamog na ang katawan niya. Ito ang unang beses na
napagud siya ng todo. Sa pagdi-direk ng tileserye o pelikula, puyatan ang drama
niya. Medyo namamaos din ang boses niya dahil sa kasisigaw nang kung ano ang dapat
gawin ng mga artista. Pero sa pagiging waitress, sobrang nakakapagod sa katawan.
Hindi niya akalain na ganito pala kahirap ang trabaho ng isang waitress. Mabuti
nalang at may locker room sila kung saan nagpapalit ng damit ang mga empleyado o
nagpapahinga kapag break kaya naman heto siya ngayon, naka-upo sa isang mahabang
upuang kahoy at minamasahe ang sariling paa. Masakit ang mga muscles ng paa niya at
may paltos din siya!

Ayoko na! Maiyak-iyak na tili ng isip niya.

Narinig niyang bumukas ang pintuan ng locker room. Hindi niya tiningnan kung sino
ang pumasok dahil naka-focus siya sa nananakit niyang paa.

"Kumusta ang trabaho mo?"

Napalingon siya sa nagsalita. Nanlaki ang mata niya ng makita si Marlon Aiken sa
likuran niya. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at hinarap ang binata.

"Anong ginagawa mo rito sa loob ng locker room?" Tanung niya sa binata.

He gave her a 'duh' look. "I'm the owner. I can go wherever I want in this bar."

"So? Hindi porke't pag-aari mo ang bar, e basta-basta ka nalang papasok. Paano
nalang kung nagbibihis ako?"

"Hindi pa tapos ang duty mo. Saka alam ko namang break mo at nagpapahinga ka lang
dito."

"Paano mo nalaman?"

"Tiningnan ko ang schedule mo."

"Bakit mo tiningnan?"

"Malamang kasi empleyado kita."

"Bakit ba palagi ka nalang may sagot sa tanung ko?" Naiinis niyang sabi sabay upo
sa mahabang upuan na gawa sa kahoy.

"Kasi matalino ako." Tiningnan nito ang paa niya na hinihilot niya. "Okay ka lang?"

"Okay lang." Sagot niya.

"Okay ka lang ba talaga?"

"Oo nga. Okay lang ako."

"Talaga? Wala kang nabasag na baso? Hindi ka natapilok? Hindi ka pumalpak?"

Napanganga siya. Akala pa naman niya nagaalala ito sa kanya. Nag-aalala pala ito sa
mga baso!

Pinigilan niya ang sarili na hindi ito irapan. Pagod na pagod na nga ang katawan
niya, ang binata pa na nagpapalakas ng mga buto-buto at kalamnan niya ay wala man
lang pakialam sa kanya.

Bakit ka naman niya pakikialaman? Sino ka ba? Isa ka lang namang trabahante.
Isaksak mo yan sa utak mo. Ani na isang bahagi ng isip niya.

Kung may katawang tao lang ang isip niya, kanina pa ito bugbug-sarado sa kanya.
"Okay lang ang mga baso." Puno ng sarkasmo ang boses niya. "At hindi ako natapilok
kaya okay lang din ang sahig, kung iyon ang inaalala mo."

"Okay. Mabuti naman. Mahal ngayon ang baso."

Nanggigigil na nginitian niya ito. "Oo. Mahal nga."

"Oo mahal. Lalo na ang gamit na baso sa bar."

"Oo na. Isaksak mo sa baga mo ang mga baso na yan." Bulong niya sa sarili.

"Ayos lang ang paa mo?" Kapagkuwan ay tanung nito.

"Ano?" Naguguluhan siya kung bakit ito nagtatanung tungkol sa paa niya.

"Nagtatanung ako kung ayos lang ang paa mo."

Inungusan niya ito. "Ano naman ang pakialam mo sa paa ko?"

He tsked and shook his head. "Trabahante kita rito, siyempre may pakialam ako
sayo."

Itinuro niya ang kasabay niyang mag-break na si Tessa na naghihilik at puno ng


paltos ang paa.

"Sa kanya, hindi ka nag-aalala?"

"Gagaling din ang paa niya. Ang paa mo, okay lang?"

"Ayos lang ang paa ko." Aniya. "Gagaling din yan."

Tiningnan niya ang orasan, nang makitang tapos na ang break niya, inayos niya ang
buhok at damit.

Paika-ika siyang naglakad papunta sa pintuan ng locker room. Akmang pipihitin niya
ang door knob ng pigilan siya ni Marlon Aiken sa braso.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanung nito na nakatingin sa maikli niyang mini-skirt.
"Diba sinabi ko na sayo na mag jeans ka?"

"Ngayon mo lang napansin?"

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Palitan mo yan."

"Ito ang binigay na uniform sa akin."

"Magbihis ka."

Nagkibit-balikat siya. "Okay. Pero mamaya na."

Pinihit niya ang door knob at akmang hahakbang na palabas ng pigilan na naman siya
nito. Napalunok siya ng maramdaman ang kuryenteng dumaloy sa balat niya sa pagdaiti
ng kamay nito sa braso niya.

"Don't go. Magpalit ka muna ng damit. At 'yong paa mo..." He trailed while looking
at her feet.

Nilingon niya ang binata. "Pero kailangan ko ng magtrabaho. Diba, malas sa negosyo
ang late?"
Binitiwan siya ng binata. "Yeah, malas. Pero ang paa mo-"

"Ayos lang 'yan. Kaya ko pa naman." Nginitian niya ito at lumabas ng locker room.

Ang totoo, hindi na niya kaya. Hindi siya sanay sa ganito. Pero ayaw naman niyang
masira siya sa paningin ni Marlon Aiken. Isang responsabling babae ang gusto niyang
makita ng binata at gagawin niya ang lahat para mapatunayan dito na isa siyang
responsabling babae.

Kaya nga siya nandito diba? Para mapansin ni Marlon Aiken?

Inayos niya ang sarili at nag-umpisa nang magtrabaho. Kahit masakit ang paa niya,
ayos lang. Hindi siya susuko. Darating ang araw na masasanay din siya at hindi na
sasakit ang paa niya. Pinigilan niya ang sarili na hindi umika-ika habang nagsi-
serve ng mga order ng costumer.

"One shot of vodka and one scotch on the rock, please." Ani niya sa bartender na
nakatalikod at abala sa pagmi-mix ng inumin.

Nang humarap ito, ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya. "Bartender ka rin?"

Marlon Aiken nodded. "Yup. Owner and part-time bartender."

"Wow. Hindi ko alam 'yon a."

He just shrugged and continued making drinks. "Bumalik ka rito pagkatapos mong i-
serve yan. Okay?" Sabi nito pagkabigay ng order sa kanya.

"Okay."

Pagkatapos niyang i-serve ang inumin, bumalik siya sa bar counter kung
saan busy si Marlon Aiken sa pag-gawa ng iba't-ibang klaseng inumin.

"Bakit mo ako pinabalik?" Usisa niya at umupo sa stool. "May iuutos ka?"

Tumigil ito sa ginagawa at may inilapag na Margarita sa harapan niya. "Here, drink
this. Paborito mo 'to diba?"

Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa margarita at sa naka-paskil na puting papel sa


pader sa likuran nito.

"Inumin mo na. Ako ang gumawa niyan kaya walang lason 'yan." Anito.

"Diba ipinagbabawal sa mga trabahante rito sa bar na uminom sa oras ng trabaho?"


Tanung niya habang nakatingin sa paalala.

"Ano?" Kumunto ang nuo nito at sinundan ang tingin niya. "Oh, that?"

Tumango-tango siya. "Bawal diba? Pinaalala rin 'yon sa akin kanina ni Yuan. Sabi
niya bawal kahit isang patak."

Pinunit ni Marlon ang paalala na naka-paskil. "Hayan, wala na. Inom na."

"Okay, sir Marlon Aiken." Aniya at tinunga ang margarita.

Kumunot ang nuo ng binata. "Anong itinawag mo sa akin?"

"Sir Marlon Aiken."


Mas lalong kumunot ang nuo nito. "Don't call me Marlon Aiken. It's Aiken and cut
the sir."

Kinilig siya sa sinabi ng binata. Sign na ito galing sa langit. Marami na ang
nabasa niyang romance novel para kiligin ang puso niya sa sinabi nito.

"Pero sir kita diba?" She faked a frown. Pinipigilan niya ang ngiti na gustong
kumawala sa mga labi niya. "Kasi diba ikaw ang may-ari-"

"It's Aiken." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin.

"Pero-"

"Say it."

"But-"

"Say it."

"Ai-Aiken." Aniya sa mahinang boses. Napakasarap banggitin ng pangalan nito.

"Good." Naglapag ulit ito ng isang shot na margarita. "Inom ka ulit."

Walang patumpik-tumpik na tinunga niya ang margarita.

"Masarap?"

Inilapag niya ang baso at ngumiti kay Aiken. "Yes! Kailan ba naging pangit ang lasa
ng margarita?"

May sumilay na ngiti sa mga labi nito. Nawala bigla ang sakit sa paa na kanina pa
niya iniinda.

"Good." Lumabas ang binata sa bar counter at tinawag si Yuan. "Yuan, maglagay ka ng
bagong paalala at ipaskil mo rito sa pader. Bawal uminom ang mga empleyado sa bar."

Napanganga siya sa sinabi nito. Ano daw?

NASA LABAS si Marj ng Bachelor's Bar at naghihintay ng taxi ng may pumaradang kulay
itim na Cadillac sa harapan niya. Tinitigan niya ang sasakyan at iniisip kung sino
ang ngamamaneho 'non ng bumukas ang pintuan sa driver seat at iniluwa ang isang
pamilya na bulto ng isang lalaki.

"Aiken?" Hindi niya makita ang mukha nito dahil may kadiliman ang paligid.

"Yeah?"

Kaagad na bumilis ang tibok ng puso niya ng masilayan ang guwapo nitong mukha.
Hindi niya akalain na kaya niyang maramdaman ang ganito para sa isang lalaki.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at kinalma ang sarili ng makitang naglakad ito
palapit sa kanya. Hindi niya maiwasan na pagmasdan ang binata. Simpli lang naman
ang paglalakad nito pero napakalakas ng epekto 'non sa kanya.

Tumigil ang binata ng dalawang hakbang nalang ang layo nilang dalawa.

"Bakit nandito ka pa?" Tanung niya na parang bang krimen na nandito pa ang binata.
He arched his eyebrow. "I own the bar. Of course I'll be here."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin."

"Whatever. Come on, ihahatid na kita."

"Hindi na kailangan." Mabilis niyang sagot.

Ayaw niyang makasama ang binata na sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Baka kung
ano na namang kahihiyan ang magawa siya sa harap nito. Natutulala pa naman siya
kapag lumalapit ito sa kanya.

"Bahala ka." Anito at bumalik na sa sasakyan nito at mabilis na pinaharurot iyon


paalis.

Nanghihinayang na tumingin si Marj sa alikabok na iniwan ng sasakyan ni Aiken.


Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa pagtanggi sa alok ni Aiken. Nanghihinayang
siya sa sinayang na opurtunidad na makasama ang binata sa iisang sasakyan.

Humugot siya ng malalim na buntong hininga at pinara ang papalapit na taxi at


nagpahatid sa bahay niya.

Kahit sobrang nanghihinayang siya sa pagtanggi sa alok ni Aiken, sa tingin ni Marj


tama ang ginawa niya. Siguradong magtatanung ang binata kung saan ang address niya
at ayaw niyang makita nito ang bahay niya na nagkakahalaga ng ilang milyong peso.

CHAPTER 4

GUMISING NANG maaga si Marj dahil bibisitahin niya ang mga magulang. Nuong huling
tumawag ang ina niya sa kanya, sinabi nitong nagtatampo na raw ito ang ama niya sa
kanya dahil wala na raw siyang oras para sa mga ito. Ayaw niyang nagtatampo ang ina
dahil may sakit ito sa puso.

Itinigil niya ang sasakyan sa labas ng bahay ng mga magulang niya. Isa iyong
simpling kulay beige na old mansion, namana ng mommy niya ang bahay na iyon na
pagmamay-ari pa ng kanunu-nunuan niya. Gusto ng mga magulang niya na manahin din
niya ang bahay kaya naman hindi ng mga ito nagustuhan ang pagbili niya ng sariling
bahay.

No offence meant sa mga kanunu-nunuan niya, hindi niya gusto ang mansion. Kaya
naman ng kumita siya ng malaki, bumili kaagad siya ng sariling bahay.

"Hello, mommy! Kumusta? I miss you!" Nakangiti niyang bati sa ina ng pagbuksan siya
nito ng pintuan. "Mommy, bakit kayo ang nagbukas ng pintuan? Nandiyan naman si
Cora." Aniya na tinutukoy ang katulong na sini-swelduhan niya para alagaan ang ina.

"Marj, okay lang ako and I miss you too. I need to exercise anyway. Hindi ba sabi
iyon ng Doctor ko?"

"Mommy naman. Ayoko lang na mapagod kayo o ma-stress."

"Anak, okay nga lang ako. Malakas pa ako kaya hindi mo ako kailangang baby-hin."

Nakasimangot na niyakap niya ang ina. "Fine, basta huwag masyadong maglalalakad,
okay?"
"Oo. Tara, hinihintay ka na ng Daddy mo sa komedor." Anito at hinatak siya ng ina
papunta sa komedor.

"Daddy!" Sigaw niya ng makita ang ama na naka-upo at nag-aagahan at mahigpit na


niyakap ang ama. "Kumust po kayo? I miss you!"

"I miss you too, honey." Niyakap din siya ng ama. "Ang tagal mong hindi kami
binisita." Puno ng pagtatampo ang boses nito.

"I'm sorry Dad, medyo naging busy lang ako."

"Palagi ka namang busy." Sabad ng ina niya na puno rin ng pagtatampo ang boses.

Pinakawala niya ang Daddy niya sa pagkakayakap at bumaling sa ina. "Mommy, alam
niyo naman diba kung anong klaseng trabaho mayroon ako? Kapag hindi ako busy at
puyat, tulog ako."

Niyakap siya ng Mommy niya. "Na-miss ka lang namin, anak."

"I know. Kaya nga nandito ako." Ngumiti siya.

Nang pakawalan siya ng ina sa pagkakayakap, umupo siya sa bakanting upuan na nasa
gitna ng Mommy at Daddy niya.

"Joyce." Tawag ng ama sa isa pa nilang katulong. "Ikuha mo nga ng pinggan si Marj.
Sasabay siya sa aming kumain."

"Opo, sir." Sagot ni Joyce na agad naman tumalima.

"Kumusta ka naman, baby ko?" Malambing na tanung ng Daddy niya.

"Ayos lang naman po ako." Sagot niya.

"Kumusta ang love life? Sinagot mo na ba si Ralph?"

Napasimangot siya sa tanung ng ina. "Mommy! Wala akong gusto sa lalaking 'yon noh.
Ang babaero kaya 'non."

Si Ralph ay ka-klase niya sa kolehiyo at ngayon ay isa na ring Director na tulad


niya. isa rin ito sa pinakasikat na Director sa bansa. Pareho sila ng ginagalawang
mundo at sa kasamaang palad, isa siya sa mga babaeng nahumalingan nito. Pero
nunkang magkakagusto siya sa lalaking 'yon. Sobrang babaero at hindi ang mga
katulad ni Ralph ang tipo niya.

Nanunuksong ngumiti ang ina niya. "Asus! Marj, baka tulak ng bibig, kabig ng dibdib
iyang drama mo."

"Hindi no. May iba akong gusto. Ang guwapo at ang kisig niya." Kinikilig na sabi
niya.

Dalawang pares ng mata ang tumingin sa kanya. Puno iyon ng katanungan at


kuryusidad. Ito ang unang beses na umamin siya na may gusto siyang lalaki maliban
sa mga Hollywood actor na pinagpapantasyahan niya.

Ang ama niya ang bumasag sa katahimikan. "Sino naman ang lalaking 'to? Ginagalang
ka ba niya? Tinatrato ka ba niya ng maayos?"

Tumawa siya ng mahina at kinagat ang pang-ibabang labi. "Daddy, hindi nga niya alam
na gusto ko siya e."

Kumunot ang nuo ng ama niya. "Bakit naman? Hindi pa ba kayo?"

"Hindi pa po. Pero nararamdaman kong malapit na!" Kinikilig na tumili siya.

"Marj, baka naman saktan ka lang ng lalaking yon." Ani ng ina niya na nanahimik
lang at nakikinig sa kanilang ng ama.

Binalingan niya ang Mommy niya. "Mommy, hindi niya ako sasaktan. Nararamdaman kong
magiging mabait siyang Boyfriend."

"Siguraduhin mo yan, anak. Ayaw namin malaman na umiyak ka dahil sa lalaking 'yon.
Baka magamit ko ang tinatago kong samurai ng wala sa oras." Seryosong sabi ng ama
niya.

"Promise po Mommy at Daddy, hindi po niya ako paiiyakin."

Tango lang ang itinugon ng mga magulang sa kanya at ipinagpatuloy ang mga ito ang
naudlot na pag-aagahan. Ilang sandali lang ang lumipas dumating si Joyce na may
dalang pinggan at isang pares nang tinidor at kutsara.

MASAYANG iginarahe ni Marj ang sasakyan hindi kalayuan sa Bachelor's Bar. Nami-miss
na niya ang magmaneho kaya naman dinala niya ang sasakyan. Sigurado naman na hindi
ito makikita ni Aiken.

Mula sa bahay ng mga magulang niya, tumuloy siya rito. Pagkatapos ng agahan nila,
maghapon silang nag-chess na mag-ama. Ang ina naman niya ay nasa tabi lang ng Daddy
niya at chini-cheer ang ama sa tuwing natatalo niya ito. Hindi sila tumigil sa
paglalaro maliban nalang nuong lunch at meryenda. Masaya siya at kahit papaano,
napasaya niya ang mga magulang niya. Nang paalis na siya, maluha-luha ang Mommy
niya. Kung hindi pa siya nangako na babalik sa susunod na linggo, hindi siya nito
papayagang umalis.

Pagkapasok niya sa Bacherlo's bar, agad na sumalubong sa kanya ang hindi maipintang
mukha ni Aiken. Madilim ang aura nito at halatang galit ang binata.

"Hindi ba sinabi ko na sayo na ayokong ng late? Saan ka galing?" Galit na tanung


nito sa kanya na ikinagulat niya.

"Ha?" Tiningnan niya ang orasang pambisig. Isa iyong simpling relo na binili niya
nuong College siya. Hindi iyon signature watch kaya naman iyon ang isinuot niya.
"Twenty minutes lang naman akong late."

Mas lalong sumama ang templa ni Aiken. "Kung mala-late ka, magsabi ka. Alam mo bang
nagalala ako-" Nanlaki ang mga mata nito na para bang may nasabi itong hindi dapat
sabihin. Tumikhim ang binata. "Alam mo bang nag-alala ako na baka absent ka. Kulang
ang waitress ngayon kasi absent si Trina, may sakit daw ang anak niya."

Na-disappoint siya sa sinabi nito. Akala naman niya ano na ang pinagaalalahan nito.
Akala niya nag-aalala ito sa kanya. Trabaho na naman pala ang pinagaalala nito.
Nuong una mga baso, ngayon naman trabaho. Hanep din ang karibal niya sa binata.

"Sorry na late ako. Hindi na mauulit." Aniya sa mahinang boses.

His forehead knotted. "It's okay. Just do your job properly." Iyon lang at iniwan
na siya nito.
Bagsak ang balikat na naglakad siya papuntang locker room. Nakita niya si Yuan na
nakasandal sa pintuan ng locker room at may sinusulat sa note pad nito.

"Good evening, Yuan." Walang buhay na bati niya sa manager nila na ayaw na
tinatawag na Sir.

Nagtaas ito ng tingin. "Anong nangyari sayo?"

"Wala naman."

Nanunundyong ngumiti ito. "Dahil ba nasigawan ka ni Sir Marlon Aiken? Naku, huwag
mong intindihan iyon. Nagaalala lang 'yon sayo."

"Bakit naman siya mag-aalala sa akin?"

Maarteng inirapan siya ni Yuan. "Girl, nag-aalala siya sayo. Trust me. Nagtanong
nga siya sa akin kanina kung may cell phone number ako sayo kasi raw baka na-kidnap
ka."

Nanlaki ang mata niya. "Na-kidnap?"

"Yes. Tamang-tama naman na dumating ka. Hindi na ako magtataka kung tumawag si Sir
Marlon Aiken sa mga pulis kung natagalan ka pang dumating."

Inirapan niya ang bakletang manager. Hindi siya naniniwala sa mga sinabi nito.
Napaka-OA naman 'non kung totoo 'yon. At saka, bakit naman mag-aalala ng ganoon si
Aiken para sa kanya kung nagkakakilala pa nga lang sila?

That's just absurd!

"Tigilan mo nga ako, Yuan. Hindi ako naniniwala sayo." Aniya.

"Whatever. Basta nafe-feel ng aking eight sense na may gusto sayo si Sir Marlon
Aiken. Grabe kung mag-alala e. To the highest level!"

Hindi man niya gusto, napangiti siya sa sinabi nito. Sumaya rin ang puso niya na
mabilis ang tibok sa isiping gusto rin siya ng lalaking gusto niya.

Malapad siyang ngumiti. "Sige, sabihin mo pang gusto ako ni Sir Marlon Aiken. Feel
na feel ko ang haba ng buhok ko."

"Loka!" Tinampal siya sa braso ni Yuan. "Magtrabaho muna tayo, mamaya na tayo mag-
chikahan. Marami ng costumer."

Nang makitang marami nga silang costumer, dali-daling pumasok si Marj sa locker
room. Hindi makapaniwalang tumingin siya sa uniform na nakitang nakatago sa locker
niya. Isa iyong kulay itim na slacks.

"Ano 'to?" Tanung niya sa sarili.

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng nuo niya ng makakita ng nakatuping maliit na
papel. She hurriedly picked it up and unfolds it. Binasa niya ang maiksing mensahe
na sulat kamay ng isang lalaki.

'Wear this - Aiken'

Naiinis na tinapon niya ang papel pabalik sa locker niya at isinara iyon. Wala
siyang choice kung hindi isuot ang slacks. Siguradong mangangati siya bukas.
Allergic pa naman siya sa kahit anong uri ng pantalon.

Nang makalabas siya sa locker room, nakita niyang nakatayo si Aiken hindi kalayuan.
Nilingon siya nito at tiningnan siya mula waistline hanggang paa. Mukhang
nakontento ito sa nakita dahil umaliwalas ang madilim nitong mukha.

"Iyan na ang uniform mo mula ngayon." Anito at umalis.

Nag-uumpisa na siyang mangati pero ayos lang. Nawala rin ang inis na nararamdaman
niya para rito. Masaya siya na dahil sa pagpapantalon niya, nag-iba ang expression
ng mukha nito.

Maganang nagtrabaho si Marj. Kahit papaano, medyo sanay na siya sa pagiging


waitress.

"Miss, one scotch on the rock please?" Nakangiting order ng isang mukhang
Americanong lalaki.

"Sure, Sir." She smiled back and writes his order on her small note pad.

"One Martini for me." Wika ng kasama nito.

"Okay. I'll be back in a minute." Nakangiti pa ring wika niya at iniwan ang mga
ito.

Mabilis niyang tinungo ang bar. "One scotch on the rock and Martini." Aniya kay
Aiken na siyang bartender na naman.

"Bakit ang lapad ng ngiti mo? Nakakita ka lang ng Americano, hindi na mapuknat yang
ngiti mo." Anito sa naiiritang boses.

She rolled her eyes. "Correction, guwapong amerikano."

"Mas guwapo naman ako sa kanya."

"Sinong may sabi?"

"Ikaw. Tinanung mo pa nga sa akin kung bakit napaka-guwapo ko nuong ini-interview


kita."

Agad siyang namula ng ipaalala nito sa kanya ang nangyari. "Wala akong alam sa
sinasabi mo." Pagkakaila niya at mabilis na kinuha ang order at dinala iyon sa
table na inuukupa ng Amerikano.

"Here's your order, sir." Aniya at inilapag ang order ng mga ito.

"I'm James Sparks, What's your name beautiful lady?" Tanung nito sa kanya.

Her, being polite, she answered. "My name is Mar-"

"March. Her name is March." Putol ng isang pamilyar na boses sa sasabihin niya.

Naramdaman niyang may umakbay sa kanya, nang tingnan niya kung sino iyon, nanigas
siya sa kinatatayuan ng makitang si Aiken ang nakaakbay sa kanya at magkadikit na
ang tagiliran nila. Lihim siyang napalunok at ikinuyom ang nanlalamig na kamay.

"Her name is March, Mr. Sparks, is there anything you need?" Nakangiti ang binata
pero wala namang halong friendliness ang boses nito.
James chuckled and shook his head like he can't believe what he's seeing. "Nah, I'm
good." Nginitian siya nito. "Nice meeting you, Marj."

Her eyes widen. "How did you know?"

Tinuro nito ang maliit na name tag na naka-pin sa uniform niya. "May I know you
full name, Marj? Or maybe your number?" Tanung nito sa kanya habang nakangisi kay
Aiken.

Pinagpalit-palit niya ang tingin kay James at Aiken. Both men are staring at each
other. Si James ay nakangiti, si Aiken naman ay madilim ang mukha at gumagalaw ang
panga, tanda na galit ito.

Ang malaking katanungan na umuukilkil sa utak ni Marj ay ... bakit naman ito
magagalit? Hindi naman siya binabastos ni James. He's just asking for her full name
for Pete's sake! At saka mukha namang mabait ang lalaki.

"My full name is Marjorie-"

"Marjorie March." Pagtutuloy ni Aiken sa sasabihin niya. "And her favorite number
is seven." Anito at hinatak siya palayo sa mesa nila James.

Nilingon niya si James. Nakita niyang kumakaway ang lalaki sa kanya na may pilyong
ngiti sa mga labi.

"Bakit ba pinamimigay mo ang pangalan mo sa kung sino-sino lang?" Sikmat sa kanya


ni Aiken na madilim ang mukha. "Malay mo isa pala siyang rapist or worse, a
killer!"

Inirapan niya ito. "Sir Aiken, sobra naman kayo. Mukha namang mabait si Sir James."

"Don't James him." Pinandilatan siya nito. "And how many times should I tell you to
cut the sir and just call me Aiken?"

Huminga siya ng malalim. "Aiken, mukha namang mabait si Sir James."

"Hindi siya mabait. Nagbabait-baitan lang siya."

"Paano mo naman nalaman?"

"Because he is a regular costumer at marami na yang dinalang babae rito." Binitawan


siya nito at hinarap siya. "So, stay away from him."

Tinitigan niya ito ng matiim dahil gusto niyang basahin kung ano ang emosyon ng mga
mata nito. Mukhang nailang ito sa klase ng pagkakatitig niya dahil nag-iwas ito ng
tingin.

"Bakit ba ganyan ka kung maka-react? Mas OA ka pa sa tatay ko nuong may nanligaw sa


aking lalaki nuong nag-aaral pa ako."

Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Well, give your father my big thanks." Iyon
lang at iniwan na siya nito.

Sa halip na mainis, natuwa pa si Marj sa inasal ni Aiken. Kung tama ang hinala
niya, nagseselos ito. Hindi naman siya bulag para hindi makita iyon. At sana nga,
ipinagdarasal niya na tama ang hinala niya.
CHAPTER 5
ISANG LINGGO nang nagta-trabaho si Marj sa Bar ni Aiken. Sanay na siya sa trabaho
niya bilang isang waitress. Hindi na nananakit ang paa niya sa katatayo at
kalalakad para kuhanin at ihatid ang order ng mga costumers. Nakakabiruan na niya
ang iba pang waitress na kagaya niya, at ang manager ng Bar na si Yuan ay medyo ka-
close na rin niya.

Nag-i-enjoy siya sa trabaho niya. Hindi niya akalain na masaya rin palang maging
isang waitress.

Tulad ng mga nagdaang araw, marami na namang tao sa Bachelor's Bar. Nasa
kalagitnaan siya ng paglilinis ng isang table ng lapitan siya ni Yuan.

"Marj, puwede bang pakiasikaso ng lalaki iyon sa table ten? That's Ramm Nicolas San
Diego, pinsan ni Sir Marlon Aiken sa ina. Busy pa kasi ako sa mga costumer sa VIP
room, hindi ko sila puwedeng ipaubaya sa ibang waiter o waitress kasi mga
importante ang mga taong ito sa Bachelor's Bar. Pakisabi kay Sir Ramm na sandali
lang at pasensiya sa paghihintay."

Hindi pa siya nakaka-oo sa pinapagawa nito sa kanya, mabilis na itong nawala sa


tabi niya. Nakita niya si Yuan na nagmamadaling naglalakad papunta sa VIP rooms.

Inayos niya ang sarili at tinungo ang table ten. "Mr. San Diego?"

Nilingon siya ng lalaki at hindi niya maiwasang humanga sa taglay nitong


kaguwapuhan. Pero kung ikukumpara niya ito kay Aiken, mas guwapo naman si Aiken.
Hindi niya alam kung bias lang talaga ang puso niya.

"Yes? Who are you?" Tanung nito sa kanya na kunot ang nuo.

"I'm Marjorie Ortinez, isa po akong waitress dito sa Bar. Pinapasabi lang ho ni Yu-
ahm, Sir Yuan na sandali lang po medyo busy daw kasi siya at pasensiya raw sa
paghihintay."

"Tell Yuan, its okay. I can wait. Can I have a glass of water?"

Tumaas ang kilay niya sa order nito. "A glass of water, sir?" Paninigurado niya
baka mali ang pagkakarinig niya.

He smiled shyly. "Yes. Baka maamoy ng asawa ko na uminom ako ng alak, sa sahig ako
matutulog kapag nagkataon."

Napangiti siya sa tinuran nito. Hindi niya akalain na may mga lalaki pa rin palang
iniisip ang asawa bago gawin ang isang bagay. "Ang sweet niyo naman ho, sir. I'm
sure po na hindi kayo malalasing sa tubig."

He chuckled. "Yeah."

"I'll get your water, Sir." Iniwan niya ang lalaki at kinuha ang order nitong
tubig.

Pagbalik niya, may kausap ito sa telepono kaya naman, tahimik niyang inilapag ang
tubig sa mesa nito. Hindi niya maiwasan na marinig ang sinasabi nito sa kung sino
man ang kausap nito sa kabilang linya.

"Shit! Why didn't you tell me it's not here, you dipshit!" Galit sa wika ni Sir
Ramm sa kausap nito sa cell phone. "What do you mean, it's in your house? Malay ko
ba na hindi ka pala pumasok ngayon... No! That's my file. Pinahiram ko lang iyon
sayo... Marlon Aiken, isang taon na yang file sayo."
Natigilan siya ng marinig ang pangalan ng binata. Hindi pumasok si Aiken? Kaya
naman pala hindi niya ito makita na pakalat-kalat sa loob ng bar at nakatingin sa
bawat galaw niya. Nasaan kaya ang binata?

"Marlon Aiken, hiniram mo ang file na 'yon hindi pa kami nagkakamabutihan ni


Yanzee, ngayon kinasal na kami at magkakaanak na, hindi mo pa rin naibabalik ang
file na hiniram mo sa akin. Give it back to me this instant! I need that file you
dimwit. I can't wait any longer." Binalingan siya ni Sir Ramm. "Thanks for the
water, Marjorie." Anito sa kanya at ibinalik ang atensiyon sa kausap nito sa cell
phone.

Naglakad siya palayo kay Sir Ramm at inasikaso ang bagong dating na mga customer.

She was in the middle of telling the bartender the drink that was ordered when
someone tapped her shoulder. Mabilis niyang nilingon kung sino iyon. Bahagyang
lumaki ang mata niya ng makita si Sir Ramm sa likuran niya.

"Yes, sir?"

"Busy pa ba si Yuan?" Tanung nito habang ipinapalibot ang paningin sa kabuunan ng


Bar.

"Nasa VIP room po si Sir Yuan. Gusto niyo po papuntahin ko rito?"

"Nah. It's cool. Puwede namang ikaw nalang ang kumuha sa file na kailangan ko kay
Marlon Aiken."

Natigilan siya sa sinabi nito. "Ako?" Paninigurado niya sabay turo sa sarili.

Tumango ito. "Yeah, you. Do you know where Sunrise Village is?"

Sunrise village? Malapit lang iyon sa Village kung nasaan ang bahay niya. "Yes.
Alam ko."

Ramm smiled. "Great. Nasa hillside ang bahay ni Marlon Aiken, siya lang ang may
kulay gray na bahay sa hillside ng Sunrise Village kaya hindi ka mawawala.
Tinawagan ko na siya at sinabi kung ipapakuha ko ang file na hiniram niya. Mag-
doorbell ka nalang at hintayin na bumukas ang pintuan ng bahay niya. Okay? He needs
you."

Kumunto ang nuo niya. "He needs what?" Hindi niya alam kung tama ang narinig niya.

"I said, I need the file." He grinned like a Cheshire cat. "Go. Ipapasabi ko nalang
kay Yuan na pinapunta kita sa bahay ni Marlon Aiken. Kapag nakuha mo ang file,
ibigay mo nalang kay Yuan at ako nalang ang kukuha sa kanya. Kailangan ko na rin
kasing umalis. Pinapauwi na ako ni Misis. Okay?"

"Okay." Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi sumunod sa utos ni Sir Ramm, at
saka gusto rin niyang makita ang bahay ni Aiken. Hindi niya palalampasin ang
oportunidad na makita ang bahay ng lalaking gusto niya.

NAIIRITA na kinapa ni Marlon ang nag-iingay na cell phone sa night stand na katabi
ng kama niya. Masakit ang ulo niya at hindi nakakatulong ang pag-iingay ng cell
phone niya. Papikit-pikit na tiningnan niya ang orasan na katabi lang ng cell phone
niya. It's eight. He's not sure, if it's AM or PM though.
Sinagot niya ang tawag sa inaantok na boses. "Hello?"

"Marlon, nasaan ang file ko na hiniram mo isang taon na ang nakakaraan?" Boses iyon
ni Ramm sa kabilang linya.

Tinatamad na umupo siya sa kama. "Aren't you supposed to be with your wife?"

"Oh, shut up. Where's my file? Nandito ako sa Bar mo. Wala ka raw dito. Nasaan ang
file ko at ako na ang kukuha?"

"It's not there. Nandito ang file sa bahay ko."

"Shit! Why didn't you tell me it's not here, you dipshit!" Galit sa wika ni Ramm sa
kabilang linya. "What do you mean; it's in your house?"

"Gusto mo tagalogin ko para maintindihan mo? Nandito sa bahay ang file na hinahanap
mo at hindi ako pumasok kasi masakit ang ulo ko. May hangover pa ako sa Birthday ni
Alexus kagabi."

"Wala akong pakialam. At malay ko ba na hindi ka pala pumasok ngayon."

Itinirik niya ang mga mata at minasahe ang nuo. "Hindi ko sinabi na nandito ang
file sa bahay kasi kasi ngayon mo lang naman hinanap 'yon." Sagot niya sa nauna
nitong tanung. "At saka, matagal na 'yon sa akin. It's good as mine."

"No! That's my file. Pinahiram ko lang iyon sayo. Marlon Aiken, isang taon na yang
file sayo. Baka nagka-apo na iyan diyan sa sobrang tagal sayo."

"Yes, I borrowed it. Ibabalik ko naman, nakalimutan ko lang." Aniya at tumayo mula
sa pagkaka-upo sa kama.

"Marlon Aiken, hiniram mo ang file na 'yon, hindi pa kami nagkakamabutihan ni


Yanzee nasa iyo na yan, kinasal na kami at magkaka-anak na, hindi mo pa rin
naibabalik ang file na hiniram mo sa akin. Give it back to me this instant! I need
that file you dimwit. I can't wait any longer." Ilang Segundo itong hindi natahimik
sa kabilang linya. "Thanks for the water, Marjorie."

Nag-vibrate ang tenga niya sa narinig na pangalan na binaggit ng pinsan. Marjorie?


Si Marj? Ang waitress sa bar niya? Oo nga pala, duty ng dalaga ngayon sa Bar niya.
Ibig sabihin gabi na pala kasi nasa Bar na si Marjorie.

So it's eight PM.

"Bakit mo kinakausap si Marjorie? Teka, bakit mo siya inutusan na kumuha ng tubig?"


Nasira kaagad ang gising niya dahil sa narinig.

"Ah, duh? Waitress siya. Teka nga muna, bakit sa tono ng pananalita mo e ayaw mo
utusan ko si Marjorie? May something kayo?"

"Something ka diyan! Tigilan mo nga ako. Bakit naman ako magkakagusto sa babaeng
'yon?"

"I didn't say about you liking her. Ikaw ang nagsabi 'non." Tumawa ng nakakairita
si Ramm. "Marlon Aiken, ikaw na ang nahuli sa sarili mong bibig."

Sa sobrang inis, pinatayan niya ito ng tawag. Nakakainis naman talaga si Ramm kahit
noon pa. Pero mas nakakainis ito ngayon. Buwesit! Kagigising pa nga lang niya dahil
sa hang-over sa nagdaang gabi, iniinis pa siya nito. Nasira tuloy ang gabi niya!
He cursed when his phone rang again. Padaskol niyang sinagot ang tawag. "Hello?"

"Chill, cousin. It's me Ramm, pupunta ako riyan sa bahay mo. I-ready mo na ang file
na kailangan ko. Ayokong magtagal diyan sa lungga mo." Anito at pinatay ang tawag.

Napipilitan na tinungo niya ang study table at hinanap ang folder na naglalaman ng
file na hiniram niya kay Ramm. Pagkalipas ng sampung minuto, nahanap din niya ang
file na nagtatago pala sa ilalim ng kabundok na mga papel na nagkalat sa study
table niya. Naglakad siya patungo sa kusina na dala-dala ang file. Inilapag niya
iyon sa ibabaw ng island counter at pinagtimpla ang sarili ng kape.

Marlon leans on the Island counter while sipping his coffee and looking through the
photos on his phone. Mga kuha niya iyon sa Bar. It never fails to make his day
better. Yon palagi ang tinitingnan niyang larawan bago matulog at pagkagising sa
umaga. He didn't know but that picture makes him smile for no apparent reason.

Hindi pa nauubos ang kape niya ng marinig niyang tumunog ang doorbell ng bahay
niya. Sa isiping si Ramm 'yon, kinuha niya ang file at mabagal na naglakad patungo
sa pintuan at binuksan iyon.

"Where's my file?" Iyon kaagad ang tanung ni Ramm ng pagbuksan niya ito ng pinto.

"Alam mo bang sinira mo ang tulog ko? Kaya naman huwag ka ng magtaka kung pinunit
ko ang ibang pahina ng pinakamamahal mong file." Aniya at ibinigay dito ang file na
hinahanap nito.

Mabilis nitong inisa-isa ang pages ng file na hawak nito para kompirmahin kung
totoo ang sinabi niya. Nang malamang nagbibiro lang siya at hindi totoo ang sinabi
niya, ngumisi sa kanya si Ramm.

"Thanks, couz. Hindi na ako papasok sa bahay mo." Anito.

"Hindi ka naman welcome sa bahay ko."

Napapailing na sumilip si Ramm sa loob ng bahay niya. Napailing-iling ito ng makita


ang makalat niyang sala. "Damn, cousin, I advice you to clean up."

"Trust me, mas malala pa riyan ang kalat sa kuwarto ko."

"Maglinis ka."

"Ayoko. Wala namang pumupunta rito sa bahay. At isa pa, palagi naman akong nasa
Bar."

"Bahala ka. Basta sinabihan na kitang maglinis." Ramm took a step back. "Hindi ako
magpapasalamat sa File. Aalis na ako. Bye! Enjoy my thank you gift to you."

"What thank you gift?"

Ramm grinned. "Nothing."

He rolled his eyes at Ramm. "Whatever. Get out of here." Pagtataboy niya rito at
malakas na isinara ang pinto.

Binalikan niya ang kape na iniwan sa island counter at kinuha iyon. Pumunta siya sa
sala at nang makita ang laptop niya na nasa center table, binuksan niya iyon at
naglaro ng DOTA. Hindi siya papasok ngayon sa Bar. Inaataki siya ng katamaran.

Nag-uumpisa palang siyang maglaro ng tumunog na naman ang doorbell niya. Kumunot
ang nuo niya. Sino na naman kaya 'yon? Ito ang unang pagkakataon na dalawang beses
tumunog ang doorbell niya sa isang araw. Wala naman kasing bumibisita sa kanya
maliban sa mga magulang niya na nasa Europe ngayon at binibisita ang ilan nilang
kamag-anak doon.

He closed the game he's playing then went to the door and opens it. He froze when
he saw who was outside his door at this hour.

"Marjorie? Anong ginagawa mo rito sa bahay ko?"

"Pinapakuha raw ni Sir Ramm ang file niya."

Napanganga siya. Shit! Curse you, Ramm! Ano ba ang iniisip ng pinsan niyang iyon?
Nilingon niya ang makalat na sala. Hindi niya puwedeng papasukin ang dalaga sa
loob. Ngayon nagsisisi siya na hindi siya nakinig kay Ramm. Well, in his defense,
hindi naman niya alam na darating ang dalaga. Natigilan siya sa pag-iisip ng mag
sink-in sa utak niya ang sinabi nito.

Ibinalik niya ang paningin kay Marjorie. "Pinapakuha ni Ramm ang file niya?"

Nang tumango ang dalaga, walang ibang pumasok sa isip niya kung hindi pilipitin ang
leeg ni Ramm. He's setting him up with Marjorie! Ang pinsan niyang iyon talaga, may
asawa na nga hindi pa nananahimik!

"Ahm... Marjorie, kasi 'yong file na pinapakuha ni Ramm... Ahm, hahanapin ko pa. I
think I misplace it or something. Would you mind entering my simple and messy abode
for a minute while I look for it?"
CHAPTER 6

NAGAALANGANG pumasok si Marj sa bahay ni Aiken. She can see uncertainty on his
green eyes and it worried her. Baka napipilitan lang ang binata na papasukin siya
sa bahay nito dahil hahanapin pa nito ang file na pinapakuha ng pinsan nito sa
kanya.

Hindi siya nahirapan na hanapin ang bahay nito. Tama nga si Sir Ramm, ang bahay
lang ni Aiken ang may kulay gray na pintura. At nakatulong din ang lamppost na
nadaanan niya para madaling mahanap ang bahay ni Aiken. Hindi tumuloy ang taxi na
sinakyan niya kasi bako-bako na ang daan at kailangang lakarin niya ang daan
papunta sa bahay ni Aiken.

"Ahm... I can wait outside." Aniya at nilingon ang medyo may kadiliman na paligid.

"No, please, enter." Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto. "Medyo makalat nga
lang ang bahay ko." Sabi nito na bahagyang nakangiwi.

"Okay." Dahan-dahan siyang pumasok sa bahay nito at ipinalibot ang tingin sa


kabuunan ng bahay nito.

Napanganga siya ng makita ang makalat nitong sala. Nagkalat sa sahig ang mga
sapatos, medyas, libro, DVD tapes at kung ano-ano pang gamit nito. Nakita niyang
isa-isang pinulot ni Aiken ang nagkalat na mga gamit.

"Ahm... yeah." Napakamot sa batok si Aiken. "Medyo makalat ang bahay ko."

"Medyo? That's an understatement of the century. Hindi iyan medyo." Iminuwestra


niya ang kamay sa nagkalat na mga gamit nito. "Sobrang kalat kaya."
"I'm not here often, kaya naman makalat dito." Tumigil ito sa pagpupulot ng kalat
at tumingin sa kanya. "Ahm... would you mind if you wait in the kitchen. At least
doon, walang kalat."

"Sure." Aniya at sinundan ang binata papuntang kusina.

"Well, you can wait here. Hahanapin ko lang 'yong file." Anito at nagmamadaling
iniwan siya sa kusina.

Ipinalibot niya ang paningin. Malinis nga rito kompara sa sala. Walang nagkalat na
mga gamit at malinis din ang sahig. Mukhang palagi ngang wala rito ang binata tulad
ng sabi nito kanina.

Ilang minuto rin ang lumipas bago bumalik si Aiken. Medyo hinihingal ito at pawis
na pawis. "Anong nangyari sayo?" Tanung niya.

"I can't find it." He exhaled a loud breath. "Nawawala yata."

"Iyon ang pinunta ko rito. Kung nawawala naman pala e di aalis na lang ako." Ayaw
niyang magtagal sa bahay ng binata. Baka atakihin naman ang mahalay na parte ng
utak niya at ano pang kagagahan ang magawa niya.

Oo nga at gusto niya si Aiken, pero wala naman siyang balak na maging isang
disperadong babae.

"Wait!" Pigil nito sa kanyang ng akmang lalabas na siya ng kusina.

"Ano?"

"Can you wait a little bit longer? Sa sala na kung gusto mo."

"Okay. Basta huwag ka lang matagalan sa paghahanap." Aniya at naglakad pabalik sa


sala.

Natigilan siya ng makita ang walang kalat na sala. Maayos na ang pagkakalagay ng
mga gamit, at malinis na rin ang paligid. Nilingon niya si Aiken na nasa tabi niya.
"Ang bilis mo namang maglinis."

He chuckled while rubbing his nape. "Actually, tinapon ko lang ang mga nagkalat na
gamit doon sa basement."

Napailing-iling siya. "Ewan ko sayo, Aiken. Sige, hanapin mo na ang file na


pinapakuha ni Sir Ramm at ng makaalis na ako."

"Okay. Wait here." Iniwan siya nito para hanapin ulit ang file.

Umupo siya sa mahabang sofa. "Wala ba siyang katulong at ganito kakalat ang bahay
niya?" Tanung niya sa sarili.

Napatingin siya sa center table kung saan naroon ang isang kulay itim na laptop.
Out of curiosity, she opened it. Walang password ang naturang laptop kaya naman
madali niya iyong nabuksan. Napatanga siya ng makita ang desktop background nito.
Larawan iyon ng anim na kalalakihan. Lahat mga guwapo at makikisig. Ang kilala lang
niya sa lima ay si Aiken, ang bouncer na si Kaino at si Sir Ramm. Mag pinsan si
Aiken at Sir Ramm, pinsan din kala niya si Kaino at ang tatlo na hindi niya kilala?
May posibilidan na pinsan niya si Kaino, kasi kung makipag-usap ito kay Aiken sa
Bar, parang hindi ito trabahante roon.

Marj opened the Pictures, and saw only one photo. Iyon ay ang larawan na ginamit
nito bilang desktop background. Then she opened the Documents. Napatanga siya sa
sobrang dami ng files na naka-save. Alam niyang trespassing na ang gagawin niya
kung bubuksan niya ang isa sa mga files, pero hindi niya napigilan ang kamay na
buksan iyon.

Kumunot ang nuo niya ng makita ang laman ng file. Hindi niya alam kung tula ba iyon
o ano. It's titled Falling for you and if it's not a poem, then it's a song.

"It's a song."

Napaigtad si Marj ng marinig ang boses ni Aiken sa likuran niya. Mabilis niyang
nilingon ang binata na nakatingin sa laptop na nasa harapan niya.

"Sorry, na curious ako. Binuksan ko." Nakatungo niyang hingi ng tawad.

"It's okay." Umupo ito sa tabi niya at tumingin ulit sa screen ng laptop. "I
compose it three months ago."

She's amazed. "Hindi ka lang pala bartender, songwriter ka rin? Ikaw na ang
talented." Puri niya rito.

"Yeah, I'm a song writer too pero hindi ako kasing galing ni Alexus sa paggawa ng
kanta."

"Sino si Alexus?"

"My cousin. He owns the AEG Recording company."

Nanlaki ang mga mata niya. "Ang AEG Recording company ay isa sa mga sikat na
recording company sa asya."

"Yeah. He's that good in terms of business and music. Anyways, nagko-compose ako ng
kanta at pinapasa ko sa kanya. Bahala na siya kung anung gawin niya sa gawa ko. I
trust him. At kapag may singer na bumuli sa gawa ko, seventy-thirty ang hatian
namin."

Tumango-tango siya. "Ilan na ba ang kanta na nagawa mo?"

"Eight, pang nine ang isang iyan." Anito na nakatingin sa screen ng laptop.

"Sabi mo, three months ago mo pa ginawa ang kantang yan. May nakabili na ba niyan?"

"Nah. Hindi ko pa nga pinapasa kay Alexus, and I'm not planning on it."

"Bakit naman?"

"Because that song is very special to me and I don't want anyone hearing it except
her."

"Ah. Okay." Wala na siyang ibang masabi. Ayaw niyang magtanung kung bakit espesyal
ang kantang iyon. Nararamdaman kasi niya na hindi niya magugustuhan ang isasagot
nito. Sa lyrics palang ng kanta, alam na niya na para iyon sa babaeng gusto nito at
nagseselos siya.

"Hindi mo ba itatanung kong para kanino ang kantang yan?" Tanung ni Aiken sa kanya
pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.

"Hindi."
Matiim siya nitong tinitigan. "Bakit? Ayaw mo bang malaman ang sagot ko?"

Mabilis siyang umiling. "Hindi ako interesado sa sagot mo."

Aiken shrugged and leaned on the back of the sofa. Nabalot ng katahimikan ang buong
bahay. Nilingon niya ang binata ng may maalala.

"Aiken, nasaan na pala ang file na pinunta ko rito?" Tanung niya sa binata na
nakapikit ang mata.

"The title is 'falling for you'." Anito at pumailanlang ang baritono at magandang
nitong boses na hindi niya akalain na taglay nito.

'The first time I saw you, I was awed

You captured my heart, and I'm afraid to get hurt

You're so near, yet so far away to reach

I wish I could make you fall in love with me

But I'm afraid I'll never be good enough for you.'

Aiken green eyes opened and he looked deep into her eyes. It's full of emotion that
she can't name.

'Falling for you is easy as breathing

One inhale is all I need to fall madly harder

Falling for you is the best thing that ever happened in my life

Addicted by your scent

Addicted by your smile

Your love is the only thing my heart needed, your love that I yearn to have.'

His eyes were still on hers when he sang the second verse. Marj can't look away.
The songs that he's singing at the moment is capturing her heart and sipping
through her soul.

'The first time I saw your smile

My heart leaped a million mile

My stomach butterflies fluttered inside

I was intoxicated by your smile

I can't seem to look away

Your smile that always made my day.'


"Repeat chorus and that's it."

"Wow." She whispered. "It's... it's..."

"It's what? Lame? It's under revision so it's okay if it's not good."

"Hindi. Ang ganda kaya."

"Sige bulahin mo pa ako." Nakangiti sabi nito.

"Hindi kita binobola, maganda talaga. Promise!"

"Oo na." May iniabot itong folder sa kanya. "That's the file that you came here
for."

Akmang kukunin niya ang folder nang itago nito iyon sa likuran. "Ibibigay ko ito
sayo, kapag pumayag ka na ihatid kita pabalik sa Bar. Gabi na, baka mapaano ka sa
daan."

"Sige, okay lang na ihatid mo ako." Sagot niya ng hindi nag-iisip. Gusto pa niyang
makasama si Aiken at sa pagkakataong ito, hindi niya tatanggihan ang alok nito na
ihatid siya.

MAGKATABI sila ni Aiken na naglalakad papunta sa parking lot na ginawa ng may-ari


ng Sunrise Village para sa may mga sasakyan na nakatira sa Hillside. Malapit lang
naman daw iyon sabi ni Aiken kaya naman heto, ilang minuto na rin silang
naglalakad.

"Bakit dito mo naisip na tumira?" Tanung niya habang nakatingin sa malubak na daan
na dinadaanan nila. "Ang hirap naman dito. Para kang nasa kabundukan."

"That's why. Para akong nasa kabundukan, at walang isturbo sa akin dito. Well,
maliban nalang kung ang iisturbo sa akin ay 'yong taong gusto ko."

"Ganoon? So ayaw mong iniisturbo ka?"

"Oo, pero kung ikaw naman ang iisturbo sa akin, I can make an exemption."

Parang tinambol ang puso ni Marj sa narinig na sinabi ng binata. Nararamdaman niya.
She can feel that he's flirting with her. Tama ba ang feeling niya? o feeling-ngira
lang talaga siya?

"Puwede kitang isturbuhin kahit kailan?" Pakikisakay niya sa sinabi nito.

"Of course, ikaw pa. Exemption ka nga diba?"

Napangiti siya ng lihim sa sinabi nito. Sheyts! Parang may kumikiliti sa puso niya
at gusto niyang magtatalon sa saya pero dahil nasa harap siya ni Aiken, kinalma
niya ang sarili at umastang walang epekto ang sinabi nito.

"Huwag kang mag-alala, hindi kita iisturbuhin." Aniya.

"Okay lang naman sa akin. You can disturb me anytime you want."

"Okay." Aniya habang pinipigilan ang malapad na ngiti na gustong kumawala sa mga
labi niya. Pinipigilan niya ang kilig na nararamdaman.
"Always remember that, Marjorie." Anito at naglakad ng mabilis palapit sa parking
lot na may tatlong sasakyang naka-park.

Mukhang kaunti lang ang nakatira sa Hillside, iyon o mga walang sasakyan ang ibang
nakatira roon.

Aiken opens the passenger's door of his car. "Hop in."

Mabilis siyang sumakay at umayos sa pagkaka-upo ng pumasok si Aiken. Walang imik na


binuhay nito ang makina at pinaandar ang sasakyan. Nasa daan na sila ng magsalitang
muli ang binata.

"May boyfriend ka?" Tanung nito na ikinagulantang ng lahat ng cells niya sa


katawan.

"Wala." Mabilis niyang sagot. "Wala pa kasi akong nagugustuhan e."

"Bakit naman? Mapili ka? Ano ba ang tipo mo sa isang lalaki?"

Napaisip si Marj sa tanung na iyon ni Aiken. "Ahm... hindi ko alam. Wala pa naman
akong gustong lalaki sa ngayon." Pagsisinungaling niya.

"Kapag nagkagusto ka sa isang tao, ano ang kaya mong gawin para sa taong 'yon?"

"Hindi ko siya iiwan. Para sa akin, doon nasusukat ang pagmamahal." Sagot niya.
"Kahit ano pa ang gawin ng taong 'yon sayo, kapag mahal mo, hindi mo iiwan."

Marahan itong tumango. "Ako, magugustuhan mo ba ako kung sakali?"

Mabilis niyang nilingon si Aiken. "A-Ano?"

"Don't mind what I said."

Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan ni Aiken. May kanya-kanyang laman ang
isip niya. Siya, nasa isip niya ang tanung nito. Kung alam lang nito ang nasa loob
ng puso niya, pangalan nito ang nakasulat doon at hinding-hindi iyon mawawala.

CHAPTER 7

NAKATAYO si Marj sa labas ng Bachelor's bar at hinihintay ang pagdating ni Clover.


Tinawagan niya ito para sunduin siya. Ayaw niyang mag-taxi dahil ayaw niya.

Ilang minuto na siyang naghihintay kay Clover ng tumunog ang cell phone niya.
Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. It's Ralph. Ito ang kanyang masugid na
manliligaw. Ilang beses na niyang tinapat ang binata na wala siyang nararamdaman
para rito pero ayaw pa rin nitong sumuko.

Sinagot niya ang tawag. "Yes?"

"Marj, congratulations!"

Kumunto ang nuo niya. "Congratulations?"

"Yung project na teleserye ng channel nine. Pinagkakaguluhan yan dito kanina sa


station. Pero sabi ng producer e ikaw na daw ang hahawak 'non. I called to
congratulate you. Congratulations!"

"Ahm... thanks?" Ano ba ang teleserye na sinasabi nito? Wala siyang natanggap na
telerserye sa channel nine.

"Welcome. So, saan tayo magce-celebrate?"

"Celebrate?"

"Oo. Marj, it's a big project. And we both know na magki-click 'yon sa masa. We
need to celebrate. Saang bar ang gusto mo? Susunduin kita riyan sa bahay mo."

"Wala ako sa bahay." Mabilis niyang sabi. "May pinuntahan akong importante. I have
to hang up."

"But, Marj-"

"Ralph, I have important things to do." Aniya at pinatay ang tawag.

Anong teleserye 'yon. Wala naman siyang natanggap na text o tawag na nagsasabing
hahawak siya ng isang teleserye. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip kung anong
teleserye ang tinutukoy ni Ralph ng may magsalita sa likuran niya.

"Sino si Ralph?"

Kaagad na bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang boses ni Aiken.

"Kaibigan ko." Aniya at mabilis na inayos ang sarili.

"Kaibigan lang?"

"Bakit ba nagtatanung ka? Wala naman itong kinalaman sayo ah."

Naglakad ang binata palapit sa kanya at tumayo sa tabi niya. "Who's Ralph?" Ulit
nitong tanung.

"Kaibigan ko nga. Bakit ba ang kulit mo?"

"Kaibigan lang talaga?"

"Ano bang paki mo?" Napipika na siya sa katatanung nito. Busy ang utak niya sa pag-
iisip kung anong teleserye ang tinutukoy ni Ralph kaya wala siyang oras para
basahin na naman dahil ng mga galaw at salita nito.

"Nagtatanung lang naman ako. Anong masama sa pagtatanung?"

"Masama kasi makulit ka."

"I'm just asking."

"Why are you so curious? It's none of your business."

Hinarap siya nito na kunot ang nuo at madilim ang mukha. "It is. Sa tingin mo ba
talaga hindi ko alam? I know everything about you. Imposibling hindi kita makilala.
Marjorie Torres Ortinez, one of the most famous Directors in the country."

Halos mahulog ang panga niya sa sinabi nito. "W-What d-did you say?"

"You heard me."


Sa halip na mahiya dahil nalaman nito na nagsinungaling siya, itinaas niya ang baba
niya. "Alam mo naman pala e, bakit mo pa ako tinanggap bilang waitress?"

"Wala lang. Gusto ko lang. Ikaw? Bakit ka nandito sa bar ko?"

Nagkibit balikat siya. "Wala lang din. Gusto ko lang din."

His jaw thightened as he glared at him. "Bakit ka nagsinungaling sa akin?"

Ayaw niya pero nararapat lang na malaman nito ang katutuhanan. Tutal naman buko na
siya. Hinarap niya ito at tumingin sa mga mata ng binata.

"Gusto kita. That's why."

Nanlaki ang mga mata nito at halatang nagulat sa sinabi niya. Hinintay niyang
magsalita ang binata. Hinintay niyang sagutin nito ang nararamdaman niya. Sobrang
bilis ng tibok ng puso niya habang hinihintay ang reaksiyon o sasabihin nito.

"See you tomorrow. Gusto kong makita kita sa bar eksaktong ala-sais ng gabi. Wala
akong pakialam kung Director ka. Sa bar ko, waitress ka. At magta-trabaho ka para
sa akin dahil naka-leave pa ang papalit sayo." 'Yon lang at tinalikuran na siya
nito at pumasok sa loob ng bar.

Ilang minuto rin siyang nakatanga sa pinasukan nitong pinto. Inaasahan niya na may
nararamdaman din ito para sa kanya, she can read between the lines. She can feel it
in her bones that Aiken likes her too. Halata naman sa mga galaw nito. Kung pag
tatagni-tagniin ang mga pangyayari sa kanilang dalawa, masasabi niyang kahit
papaano, may gusto rin sa kanya ang binata.

Pero mukhang imahinasyon lang niya ang mga nababasa niya sa galaw nito. Gawa-gawa
ng malikot niyang isip. Masakit man aminin pero 'yon ang totoo. At hindi niya
akalain na kilala pala siya ng binata. Pero ang pinagtataka niya, kung kilala siya
nito, bakit inalok siya nito ng trabaho? Bakit tinanggap siya nito bilang waitress?

Bakit- Argh! Ang daming bakit na kumukuliglig sa isip niya.

Nagulat siya ng biglang bumukas ang pintuan ng bar at iniluwa si Aiken na dala-dala
ang jacket nito.

"Come on. Ihahatid na kita." Anito sa walang emosyong boses.

"Thanks but no thanks. Susunduin ako ng kaibigan ko."

"I said come on."

"Ayoko nga-"

"Ihahatid kita o ipagkakalat ko sa medya na ang isang sikat na Director na katulad


mo ay nagpapanggap na waitress para lang mapansin ko. Pumili ka."

"You wouldn't..."

"Oh... I will. Sasabihin ko sa kanila at wala akong pakialam sa mangyayari sayo.


So, you better hopped in my car or I'll drive straight to my Reporter friend. I'm
sure bukas na bukas ikaw ang headline sa bawat diaryo at telebisyon dito sa
Pilipinas."

Napanganga siya sa sinabi nito. Ang pagkagusto niya rito ay unti-unting napapalitan
ng galit. Ito ba ang lalaking nagustuhan niya. Ito ba ang lalaking araw-araw niyang
pinagsasayangan ng oras sa kaha-hi? Ang lalaking dahilan kung bakit waitress siya
ngayon? Ang lalaking dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso niya. Ang lalaking
dahilan ng paba-blush niya?

Ano nga ba ang alam niya kay Marlon Aiken Garcia maliban sa pangalan nito at
nagmamay-ari ito ng isang bar? Wala siyang alam tungkol sa binata. Tama nga ang
kasabihan. Makikilala mo ang ugali ng isang tao kapag nakasama mo na ito. At
nagsisisi siya na nagkagusto siya sa lalaking 'to. Oo nga at napaka-guwapo nito at
talaga namang kaya nitong matibukin ang puso niya ng sobrang bilis, pero hindi niya
matatanggap ang panba-blackmail nito sa kanya.

"Okay." Wala siyang ibang choice kung hindi ang pumayak at sundan ito patungong
sasakyan nito na nakaparada hindi kalayuan sa bar.

NANG tumigil ang sasakyan ni Aiken sa labas ng bahay niya, napatingin siya rito.

"Paano mo nalaman ang address ko?"

"Who wouldn't know the house of Marjorie Ortinez?" Balik tanung nito.

She rolled her eyes and opens the door. Akmang lalabas na siya ng magsalita ito
ulit.

"Six o'clock in the evening. Gusto ko nasa bar ka na. Ayoko ng late."

Natigilan siya. "I'm resigning."

"You can't. Sinabihan na kita kanina. Naka-leave pa ang papalit sayo."

"Wala akong pakialam. I'm resigning and that's final. And it's not my fault that
you accepted me even knowing who I really am."

Ilang minuto itong walang imik. "Sasabihin ko sa media na nag-apply ka bilang isang
waitress para lang mapansin ko. And they will believe me. I have CCTV camera all
over the bar."

Nanigas siya sa kinauupuan. Hindi niya akalain na sasabihin nito iyon. She thought
he's just bluffing earlier. But looking at him now, he's dead serious.

"You w-wont..."

"I can and I will ... if you quit."

Napalunok siya sa klase ng boses na ginamit nito. "I have to. May hahawakan akong
teleserye-"

"Then I think you should learn to multi-task." Anito sa walang emosyong boses.

Napaawang ang bibig niya sa kawalan nito ng emosyon at pakialam sa nararamdaman


niya.

Bakit naman ito makikialam sa kanya? She's just one of his employees. Wala nang
iba.

"Fine. I'll be at your bar tomorrow."


"Good."

Galit siyang lumabas ng sasakyan nito at pabalibag niyang isinara ang pinto ng
sasakyan. Napabuntong-hininga siya ng mabilis na pinaharurot nito ang sasakyan
paalis.

KINABUKASAN, maagang nagising si Marj. Hindi siya makatulog sa nagdaang gabi sa


kakaisip ng paraan kung paano niya pag sasabayin ang pagwi-waitress at pagdi-direk
ng isang teleserye. Hindi niya hahayaang malaman ng media ang ginawa niya.

Siguradong pag-uusapan 'yon at may posibilidad na masira ang reputasyon niya.

Napakunot ang nuo niya ng marinig ang door bell ng bahay niya.

"Sino naman kaya 'yon?" Tanung niya sa sarili.

Nang isiping baka si Ralph 'yon at mangungulit na naman, naiinis na binuksan niya
ang pintuan.

"Ralph, diba sinabi ko na sayo na hindi kita gusto." Aniya sa bored na boses.

"And you said Ralph is just a friend."

Napamulagat siya ng marinig ang boses ni Aiken.

"Anong ginagawa mo dito sa bahay ko? You're not welcome here."

"Hindi naman ako papasok e, so okay lang."

"Ano ba ang kailangan mo?"

"May pag-uusapan tayo tungkol sa bar. Come. Let's talk over coffee."

Sumandal siya sa hamba ng pintuan. "Ayoko. Kaya kung mag-kape ng nag-iisa. At saka
ano naman ang pag-uusapan natin tungkol sa bar mo? I don't know a thing about bar."

"But you know a lot about drinks."

"So?"

"Basta. Sumama ka nalang sa akin kung hindi, alam mo na ang gagawin ko."

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. "Fine." Akmang lalabas na siya ng
bahay ng pigilan siya nito.

He looked at her from head to toe. "Magbihis ka."

She looked at her self. She's wearing a mini-skirt and cute hanging blouse. "Okay
na 'to. I'm comfortable with it."

"Change."

Inirapan niya ito at lumabas ng bahay. Hinding-hindi siya nito mapapapayag na


magpalit ng damit. She's comfortable wearing a mini-skirt. Kaya naman malimit lang
siyang mag pantalon, nangangati kasi ang legs niya.

"Hindi ako magpapalit ng damit." Aniya at tinungo ang sasakyan nito na nakaparada
hindi kalayuan sa bahay niya.

Pagkapasok niya sa sasakyan nito, ilang minuto lang ang lumipas, sumakay na rin si
Aiken.

Nasa gitna na sila ng kalsada ng magsalita ito.

"How's your feet?"

Tiningnan niya ang paa na medyo nananakit parin. "Why do you care?"

"Isa ka sa mga trabahante ko. That's why."

"Okay lang ang paa ko."

"Are you sure?"

"Yes."

"Wala kang paltos sa paa?"

"Mayroon. Pero magiging okay din 'yon." Aniya at tumingin sa labas ng bintana.

Out of nowhere, a band-aid appeared in front of her.

"Oh, ilagay mo sa paltos mo."

Nilingon niya si Aiken na nakatingin sa daan habang inaabot sa kanya ang band-aid.

"I don't need that." Aniya pero ang gusto niyang gawin ay tanggapin 'yon. Pero ang
pride niya ay nagsusumigaw na hindi.

Pagkatapos ng pamba-blackmal na ginawa nito sa kanya? Nunkang tanggapin niya ang


binibigay nito.

"Sure you do."

"Hindi ko kailangan 'yan." Aniya sa matigas na boses at tumingin ulit sa labas ng


bintana.

Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Wala ni isa man ang nagsalita. Hindi
na nito ulit inabot sa kanya ang band-aid na ikinalungkot niya. Pero pinigilan niya
ang sarili na maramdaman 'yon.

Hindi na puwede! Ayaw na niyang magkagusto sa lalaking 'to!

Itinigil ni Aiken ang sasakyan sa labas ng isang Shay café. Kilala niya ang
naturang café dahil ito ang paboritong tambayan ng mga kaibigan niya.

Tahimik na lumabas siya ng sasakyan, maglalakad na sana siya papasok sa café ng


humarang si Aiken sa dinaraanan niya.

She glared at him. "What now?"

Umuklo ito ng ikinabigla niya. May kinuha ito sa bulsa at ganoon na lamang ang
lakas ng tibok ng puso niya ng makitang ang band-aid 'yon na ibinigay nito sa
kanya.

Binuksan nito ang band-aid at inilagay sa paltos niya na nasa kanang bahagi ng paa
niya. Inayos muna nito ang pagkakalagay ng band-aid bago ito nagtaas ng tingin.

"Feeling better?"

Nag-iwas siya ng tingin at sinuway ang puso na mabilis ang tibok dahil sa ginawa
nito. Hindi niya akalain na gagawin nito iyon.

He doesn't care about her, that's for sure... pero bakit nito ginawa iyon?

Walang imik na iniwan niya ang binata at naglakad papasok sa café. Nakasunod naman
sa kanya si Aiken. Pagktapos um-order, pinili niyang umupo sa mesa na nasa gilid at
medyo tago.

"Anong paguusapan natin tungkol sa bar mo?" Tanung kaagad niya ng makaupo si Aiken.

Tiningnan siya ni Aiken ng matagal bago nagsalita. "Ahm, I was thinking of a new
drink to serve."

"'Yon lang kaya mo ako dinala rito? You're a bartender. Dapat alam mo ang isi-serve
mo."

"I need a woman's idea. Saka diba mahilig ka naman mag-bar?"

Kumunot ang nuo niya. "Paano mo nalaman 'yon?"

Natahamik ito kapagkuwan ay sumagot. "I always saw you in my bar with your
friends."

Tumawa ng pagak si Marj. "Wow. So, you do know me. It's good to know na hindi lang
naman pala ako ang nagsinungaling. Ikaw din."

"I'm not a liar."

"Yes you are. You're also a blackmailer."

"I'm not."

"Anong tawag mo sa ginagawa mo ngayon? Aiken, you are blackmailing me to do your


bidding."

Tumingin ang binata sa labas ng café. "I have to blackmail you."

"Pardon?" Hindi sigurado si Marj sa narinig na sinabi ni Aiken.

Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Nothing. I said yes, I am a blackmailer but not
a liar."

She rolled her eyes at him. "Whatever."

Nang dumating ang order nila, inabala ni Marj ang sarili sa inorder na kape at
sandwich. Si Aiken naman ay kape lang ang inorder.

Katahimikan ang namayani sa kanila.

Kapagkuwan ay may kinuha si Aiken sa bulsa nito at inilapag iyon sa harap niya.

"Accept it." Anito sa matigas na boses.

Napatitig siya sa isang miniature na baso na may lamang margarita. Ang cute 'non
tingnan. Puwedeng gawing key chain.

"Bakit mo ako binibigyan nito?"

"It's ahm..." Bumaba ang tingin nito sa tasa ng kape. "A first day gift."

"Ano?"

"Binibigyan ko ang lahat ng empleyado ko ng first day gift." Anito na nakatungo pa


rin sa tasa ng kape.

She slowly picks up the miniature glass of margarita. "Ang ganda naman nito."

"You like it?"

"Yes."

"Good."

She gave him a small smile. "Thanks for this."

A smile appeared on Aiken's lips, but it quickly disappeared when she said, "But i
still don't like you blackmailing me."

He sighed heavily and leaned on his chair. "Pero gusto mo pa rin ako diba?"

Mabilis siyang napatingin sa binata. "What did you say?"

A small smirk appeared on his lips. "You don't like me blackmailing you, but you
still like me."

Parang may kabayong naghahabulan sa dibdib ni Marj dahil sa sobrang lakas ng tibok
ng puso niya. "H-how-"

"Marjorie, wala naman akong amnesia. I can still remember your little confession."

Napalunok siya. "A-Akala ko-"

"Akala mo ano? Na kinalimutan ko na? How can i? When it was the famous director who
confessed to me?"

Nag-init ang mukha ni Marj sa narinig. Alam niyang pulang-pula ngayon ang pisngi
niya kaya naman tumungo siya. Naghihimutok ang kalooban niya sa pinaparamdan nang
binata sa kanya ngayon. Kahit naiinis siya rito dahil sa panba-blackmail sa kanya,
nariyan parin ang hibang niyang puso na gustong-gusto ito.

"M-Mawawala rin ang nararamdan kong 'yon para sayo." Aniya sa hindi sigurado ng
boses. "Ngayon pa na naiinis ako sayo-"

Malalaki ang mata na napatigil siya sa pagsasalita ng bigla itong tumayo at


inilapit ang mukha sa mukha niya.

Napanganga siya sa sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya.

"Aiken..." Bulong niya nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa mukha niya.
Limihim siya napalunok ng hawakan nito ang pisngi niya.

Then slowly he grinned. "What? You think I'm going to kiss you?" He chuckled.
"Hindi ako nanhahalik ng trabahante sa bar."
Sa sobrang inis niya sa sinabi nito, sinampal niya ang binata.

"For your information, hindi lang ako trabahante sa bar mo. I'm a director."
Pagkasabi 'non ay mabilis siyang lumabas ng café at pumara ng taxi.

How dare him! Sino naman ang sira ulong gustong humalik sa hinayupak na 'yon?

Ikaw. Ani ng isang bahagi ng isip niya.

"Hindi ko siya gustong halikan!" Dipensa niya sa sarili at sumakay ng taxi pabalik
sa bahay niya.

PAGKAPASOK na pagkapasok ni Marj sa Bachelor's bar, sinalubong kaagad siya ni Mr.


Bouncer.

"Pinapapunta ka ni Marlon sa opisina niya." Anito at iniwan siyang natitigilan.

Ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking 'yon sa kanya?

Hindi siya kumatok at agad na pumasok sa opisina ni Marlon. Halos lumuwa ang mata
niya sa nakita.

"Oh god..."

Mabilis na itinulak ni Aiken ang babaeng kahalikan nito. And it's none other than
the famous porn actress, Lizella Stan.

Nang tumingin si Aiken sa kanya, punong-puno ang mata nito ng emosyong hindi niya
mabasa.

"She's ahm... She's- ahm..." Hindi nito matapos-tapos ang sasabihin dahil nauutal
ito.

"Ahm... sa labas nalang ako. I didn't know." Mabilis siyang lumabas ng opisina ni
Aiken at patakbong tinungo ang locker room.

Nagpapasalamat siya na walang tao loob. Nanghihinang napasandal siya sa nakasarang


pinto at sinapo ang puso niya na parang may karayum na tumutusok.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Shit naman! Bakit ba siya apektado sa nakita?
Hindi ba dapat wala na? Naiinis siya sa binata. Galit siya rito dahil sa pamba-
blackmail nito sa kanya. Pero bakit? Bakit ba siya nasasaktan?

Argh! Sinabunutan niya ang sariling buhok at padaus-dos na umupo sa sahig.

Buwesit! Hindi dapat siya apektado. Bakit ba siya nasasaktan?

Nasa ganoon pa rin siyang posisyon ng bumukas ang pinto, at dahil nga nakaharang
siya, hindi iyon bumukas.

"Marjorie, let me in."

Mabilis siyang napatayo ng marinig ang baritong boses ni Aiken.

Kinalma niya ang sarili at inayos ang nalukot na damit. Umalis siya sa
pagkakaharang sa pintuan.
"About what you saw. It was-"

"It was nothing." Aniya sa kalmadong boses.

He frowned. "What? Diba may gusto ka sa akin? What you saw should-"

"What I saw was nothing. I don't care and I don't give a shit about it. Ang sa akin
lang, sana hindi mo ako pinapunta kung may ginagawa ka palang milagro. Naisturbo ko
pa tuloy kayo."

Gusto niyang magbunyi dahil napanatili niyang kalmado ang boses kahit ang kalooban
niya at nasasaktan.

"Marjorie-"

"Sir Aiken, lumabas na po kayo. Magbibihis na ako." Tinalikuran niya ang binata at
binuksan ang locker niya kung saan naroon ang uniform niya. Akmang kukunin niya
iyon ng biglang sumara ang lover niya. Mabuti nalang at mabilis na nailabas niya
ang kamay at hindi 'yon naipit.

Tiningnan niya ng masama ang salarin. "Sir Aiken, alam mo bang muntik na akong
maipit sa ginawa niyo?"

"You don't care? You don't give a shit about what you saw?"

Alam niya kung anu ang sinasabi nito pero nagmaang-maangan siya.

"Ano bang sinasabi mo?"

"You know what I'm talking about."

"Sir Aiken, bakit ba big deal sa inyo ang nakita ko? Wala naman 'yon e. It was
nothing."

"So kung hahalikan kita ngayon, nothing din 'yon?"

Bago pa siya makapag-react, lumapat na ang labi ni Aiken sa labi niya. Sa sobrang
gulat sa ginawa nito, hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Naramdaman nalang
niya ng pakawalan nito ang labi niya.

"It's Aiken and cut the sir." Anito at iniwan siyang nakatanga sa kawalan dahil sa
halik nito.
CHAPTER 8

WALA sa sarili si Marj habang nagsi-serve ng alak sa mga costumer. Ang utak niya ay
nasa locker room pa rin. Kung saan siya hinalikan ni Aiken. Ang utak niya na
paulit-ulit na nagtatanung.

Why? Why did he kiss her? After he kissed that porn star! Siguro ito 'yong babae na
tinutukoy sa kanta na ginawa nito. Gusto niyang magwala pero ano naman ang hawak
niya? wala? Isa lang siyang assuming na babae!

Pero sa halip na magmumog dahil isang bacteria ang hinalikan nito bago siya, mas
ninamnam pa niya lalo ang halik nito.

"You're not yourself today, Ms. Waitress."


Napalingon siya sa nagsalita. Si Mr. Bouncer 'yon.

"Ano naman ang pakialam mo?" Mataray niyang sikmat.

Umiling-iling ito. "Wala naman. Napansin ko lang."

Inirapan niya ito at pumuntang locker room. Naabutan niya doon si Yuan na inaayos
ang gamit at naghahanda nang umuwi. Katulad nito, tapos na rin ang oras niya sa
trabaho.

"Marj." Nginitian siya nito. "Uuwi ka na, girl?"

"Oo." Sagot niya at kinuha ang mga gamit sa locker . Habang inaayos ang gamit niya
sa bag, nahulog ang susi niya sa bahay.

"Ang ganda naman." Puri ni Yuan sabay pulot sa susi niya at tiningnan mabuti ang
key chain niya. "Saan mo 'to nabili?"

Napangiti siya sa tanung nito. "Hindi ko yan binili. Bigay yan ni Ai- ni Sir Marlon
Aiken."

Nanunundyong tiningnan siya nito. "Wow. Binigyan ka ni Sir Marlon Aiken ng key
chain na hugis margarita drink? Ang sweet naman." Anito na parang kinikilig.
"Nililigawan ka ba niya?"

"What?! No!" Mabilis na tanggi niya.

"E bakit binigyan ka niya nito?"

"Binibigyan niya lahat ng impleyado niya ng first day gift."

Kumunot ag nuo ni Yuan. "First day what?"

"First day gift. Parang welcome gift. Sabi niya lahat ng empleyado niya e
binibigyan niya ng regalo."

"Girl, limang taon na ako rito sa Bachelor's bar pero wala pa akong natanggap ni
isang regalo galing kay Sir Marlon Aiken."

Napamaang siya sa sinabi ni Yuan. Anong ibig sabihin nito? "P-Pero sabi niya..."

Yuan tsked. "Isa lang ang ibig sabihin 'non. Nililigawan ka niya!" Tumili ito at
nagtatalon na parang ito ang kinikilig para sa kanya.

"Bakit naman ako liligawan 'non? Eh may Lizella na 'yon."

"Naku! Huwag mong pansinin ang mahadirang Lizella na 'yon. Siya lang naman itong
may gusto kay Sir Marlon Aiken. Walang gusto doon si Sir. Yang Lizella lang ang
panay ang punta rito. Feeling naman magkakabalikan pa sila ni Sir Marlon."

"Magkakabalikan?"

Ibinalik nito sa kanya ang key chain. "Yes, girl. Huli ka na sa balita. Bago yan
maging porn star si Lizella e girlfriend yan ni Sir Marlon. Naghiwalay sila dahil
nga desperado si Lizella na maging artista at kahit porn e tinanggap para lang
makilala at sumikat."

"G-Ganoon pala 'yon."


Nginitian siya ni Yuan. "Yes. But don't worry, Marj, my dear. Matagal ng hiwalay
ang dalawang 'yon. At saka ikaw na ngayon ang bagong apple of the eye ni Sir."

"Hindi niya ako apple of the eyes. Tinik of his eye kamo."

Maarting itinirik nito ang mata. "Anong wala? Marj, I'm not blind. Kahit hindi kami
nagri-react nakikita namin. Duh!"

"W-wala nga. Saka hindi ako gusto 'non kasi trabahante lang ako."

"Hay! Ewan ko sayo! ka-stress ka sa beauty ko!" Maarte nitong wika at isinukbit ang
bag sa balikat. "You can deny all you want but we're not blind. We can see that Sir
Marlon has a thing for you. Anyway, alis na ako."

Nakaalis na si Yuan pero nasa isip pa rin niya ang mga sanabi nito. Alam niyang
imposibling magkagusto sa kanya si Aiken. Sinabi na nito iyon sa kanya. At hindi
siya aasa baka masaktan lang siya. At isa pa, galit siya rito sa panba-blackmail
nito sa kanya!

Magulo ang isip niya habang naglalakad palabas ng Bachelor's bar. She halts on her
step when she felt someone's eyes on her. Ipinalibot niya ang paningin at bahagyang
lumaki ang mga niya ng magtama ang paningin nila ni Aiken. Matiim itong nakatitig
sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin at nagmamadaling lumabas ng bar. Pumara
siya ng taxi at nagpahatid sa bahay niya na nasa isipan pa rin niya ang kulay
berdeng mata ni Aiken.

MALAKAS ang buntong-hininga na pinakawalan ni Marj ng makalabas siya sa opisina


nang President ng channel 9. Totoo ang sinabi ni Ralph. Siya pala ang napili nang
network na mag-direk ng teleserye dahil malaking project daw iyon at may tiwala ang
mga ito sa kakayahan niya bilang isang magaling na Director. Ngayon tuloy, mas na-
pressure siya.

Paano niya pagsasabayin ang pagdi-direk ng isang teleserye at pagwi-waitress. Hindi


siya puwedeng mag-quit bilang waitress dahil sa pamba-blackmail ni Aiken. Hindi
naman niya puwedeng tanggihan ang teleserye dahil interesado siyang gawin 'yon.
Napakaganda ng estorya nang teleserye para palampasin niya.

Nagpapasalamat nga siya at pumayag si Yuan na ibahin ang oras niya sa pag-duty. Sa
halip na mula six AM hanggang two AM, inilipat siya nito ng oras. Mula nine PM na
siya hanggang five AM na siya. At according pa sa baklang si Yuan na sobrang
daldal, umuuwi daw si Aiken, alas dose ng hating gabi kaya naman mas lalong
nagpasalamat siya. Sa wakas tatlong oras lang ang iindahin niyang kasama ito sa
isang lugar.

"Marj!"

She rolled her eyes when she heard Ralph's voice.

She turned to him. "What?"

"Can we eat outside?"

She sighed. Kailangan na naman ba niyang ipaalala rito na wala itong aasahan sa
kanya?

"Ralph, ilang beses ko bang sasabihin sayo? Guwapo ka naman pero hindi lang talaga
kita type. Maghanap ka nalang ng iba."

He chuckled. "I know. I just want to eat with you and also to congratulate you. At
saka pati ba naman simpling crush e bawal?"

Napailing-iling siya. "Basta ba crush lang. Ayos lang sa akin."

"Yeah, it's just a harmless crush." He smiled, showing his dimples. "At saka malay
mo, mag-iba ang isip mo. Biglang liko ang puso mo sa puso ko."

"Ang corny mo!"

Tumawa ito ng malakas. "Just kidding. But seriously, Marj, I really like you since
college."

"Ralph, hindi nga ako naniniwala sayo diba? May like bang iba-iba ang girlfriend
bawat linggo."

He rolled his eyes at her. "Oo naman. May ganoon. I like you a lot, Marj. Super
like."

Hindi nalang niya ito pinansin at naglakad papunta sa sasakyan niya na nakaparada
hindi kalayuan sa gusali.

"So? Kakain ba tayo sa labas?"

Nilingon niya si Ralph na nakasunod sa kanya. "Sure. Basta ako ang pipili ng
restaurant at ikaw ang magbabayad."

He winked. "Kailan ko ba pinagbayad ang ka-date ko?"

She glared at him. "It's not a date."

"Friendly date?"

"Nope. Cut the date."

"Friendly?"

Tumawa siya ng mahina. "Ewan ko sayo, Ralph."

IPINARADA ni Marj ang sasakyan sa labas ng Yanzee's Restaurant. Ito ang paborito
niyang restaurant. Maliban sa masasarap na pagkain e maganda rin ang serbisyo nila
rito.

"I know you're going to pick Yanzee's Restaurant." Sabi ni Ralph na naka-upo sa
passenger seat. Sumakay ito sa kotse niya dahil tinatamad daw itong magmaneho.

Nilingon niya si Ralph. "What? There food was delicious."

Nauna na siyang lumabas ng sasakyan. Naramdaman niyang sumunod si Ralph sa kanya.


Nang makapasok na sila at makaupo sa isang bakanteng mesa, nilapitan sila ng isang
waiter.

"Your order ma'am?" Tanung nito.

Hindi na niya binasa ang menu dahil halos memorize na niya iyon.
"Bean Sprouts Chicken and for dessert, Artichoke Spinach Dip."

"Okay, ma'am." Bumaling ang waiter kay Ralph. "How about you sir?"

"Fried Bangus, Fontina-stuffed Bacon-wrapped for appetizer and a glass of water."

"Is that all?"

"Yes." Sabay nilang sagot ni Ralph.

Nang makaalis na ang waiter, ipinalibot niya ang tingin sa kabuunan ng Restaurant.
Tumigil ang mata niya sa lalaking may kausap na limang kalalakihan at nagtatawanan.

Aiken!

Mukhang naramdaman nito ang titig niya dahil bumaling tio sa direksiyon niya. His
stare hopped to Ralph who's busy reading the menu. Nakita niyang dumilim ang itsura
ng binata nang tumingin kay Ralph.

Anong problema niya? Nagbawi siya ng tingin at ibinalik ang atensiyon kay Ralph.

"Marj, bakit may lalaking nakatingin sa akin na parang gusto akong patayin?"
Naguguluhang tanung ni Ralph. "Last time I check wala ka namang boyfriend kasi busy
ka. Kaya nga malakas ang loob ko na kulitin ka e."

"Sino?" Pa-inosente niyang tanung.

Nakita niyang tumingin si Ralph kung saan naka-upo si Aiken. "'Yong lalaking yon
oh. Yong naka-polo na kulay dark blue."

Hindi na kailangan pang tingnan ni Marj kung sino ang tinutukoy ni Ralph. Alam
niyang si Aiken ang tinutukoy nito.

She blew a loud breath. "Hayaan mo siya. Hindi ko siya kilala."

When Ralph looked at her, his eyes were full of suspicion. "Who's he? I'm jealous."

Sinipa niya ang paa nito na nasa ilalim ng mesa. "Huwag ka nang magbiro ng ganyan!"

"What? I'm not kidding. I am really jealous. I like you, Marj. Kahit wala akong
pag-asa sayo may puso naman ako."

Iningusan niya ito at itinuro ang sexy na babae na nasa likod nito. "Sexy oh."

Mabilis pa sa kidlat na lumingon ito at tiningnan ang babae.

Napailing nalang siya. "See? That's the reason why I don't like you. Masyado kang
babaero. Hindi porke't guwapo ka e mambabae ka na."

Ralph chuckled lightly. "Masama bang mag-appreciate ng magandang bagay dito sa


ibabaw ng lupa?"

She rolled her eyes at him. Hindi niya pinansin ang pakikipagusap sa kanya ni
Ralph. Ang kulit kasi nito. Wala siyang imik at hinintay ang pagdating waiter na
dala ang pagkain nila. Nang tumigil sa pagsasalita si Ralph at naramdamang may
nakatayo sa malapit sa mesa nila, binalingan niya ang nakatayo sa isiping ang
waiter iyon.
"Can I have some water-" Nabitin ang sasabihin niya ng makitang si Aiken ang
nakatayo sa tabi ng mesa nila.

"A-Aiken..." She whispered his name. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Nanlalamig
din ang kamay niya.

Aiken move to stand beside her. "Ipakilala mo naman ako sa kasama mo, Marjorie."

May kakaibang timbre ang boses nito. Para iyong galit na nagtitimpi. Pero bakit
naman ito galit?

"Ahm..." Tiningnan niya si Ralph na nakatingin kay Aiken. "T-this is Ra-"

"Ralph Troyan Vasquez, Marj's suitor." Pagpapakilala ni Ralph sa sarili sabay lahad
nang kamay.

Tinanggap ni Aiken ang pakikipagkamay ni Ralph. "Marlon Aiken Garcia. Marjorie's


boss."

Nahulog ang kutsara na hawak niya sa narinig na sinabi ni Aiken. Napatanga siya sa
binata na madilim pa rin ang mukha.

"Aiken!" Nanggigigil na tawag niya sa pangalan nito sa mahinang boses. "Ano bang
problema mo?"

Tumingin sa kanya ang binata. "Wala akong problema. Ikaw, mayroon?"

Tiningnan niya si Ralph na kunot na kunot ang nuo. Ang mga mata nito na nakatingin
sa kanya ay humihingi ng eksplinasyon sa sinabi ni Aiken.

Nangigigil sa inis na hinawakan niya si Aiken sa braso at hinatak ang binata


papuntang rest room. Pagpkapasok nila doon, agad niyang bintiwan si Aiken at
hinarap ito.

"Ano bang problema mo?!" Malakas ang boses na tanung niya. "Nagta-trabaho naman ako
sa bar mo ah! Bakit mo sinabi 'yon?! Akala ko ba kapag nagtrabaho ako sa bar mo
hindi mo ipagsasabi-"

"I didn't say that."

Napatitig siya kay Aiken. "What?"

"I didn't say that. Hindi ko sanabi na kapag nag-trabaho ka sa bar e hindi ko
ipagsasabi ang sekreto mo sa media. Ang sinabi ko lang ipagkakalat ko ang sekreto
mo kapag hindi ka nag-trabaho sa bar ko. There's a difference."

Hindi makapaniwalang tumawa siya ng mapakla. "Wow. All this time, may balak kang
ipagsabi ang ginawa ko? How heartless can you get? Ginagawa ko naman ang gusto mo-"

In a blink of an eye, she was pinned against the rest room door.

"How heartless can I get?" His face was just inch away from hers. "How about you?
How heartless are you? Nagka-amnesia ka ba o ganyan ka na talaga?"

"What are you saying?" Naguguluhang tanung niya.

"I kissed you. And then this? Really Marjorie, ano bang nasa utak mo at nakipag-
date ka sa ibang lalaki. It should be me-"
"Wait. Wait. Ano bang sinabi mo? Yeah, you kissed me but it's not like there's a
meaning behind it other than you're not your self that time and you're a bastard
blackmailer."

Matagal siya nitong tinitigan kapagkuwan ay nagsalita. "I'm a what?"

"A bastard blackmailer." Ulit niya.

"And that's all? The kiss, it didn't mean any-"

"It didn't mean anything." Pagtatapos niya sa sasabihin nito at itinulak ang binata
palayo sa kanya.

Ramdam niya ang init ng katawan nito na kumikiliti sa mahalay na parte ng utak
niya. Kahit gustong-guto niyang ang init na hatid ng katawan nito, kailangan niyang
lumayo rito. Pronto.

Nang hindi na nagsalita si Aiken at nakatitig lang sa kanya ng matiim, binuksan


niya ang pintuan ng rest room.

"Please, just please, don't tell Ralph." Pakiusap niya kay Aiken.

Akmang lalabas na siya ng rest room ng marinig niyang magsalita si Aiken.

"That kiss. It means something to me." Mahinang boses na sabi nito.

Napatigil siya sa paglabas at mabilis na nilingon si Aiken na matiim pa ring


nakatingin sa kanya. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya.

"Ano?" Gusto niyang marinig muli ang sinabi nito.

He glanced away. "Nothing." Nilampasan siya nito at naunang lumabas ng rest room sa
kanya.
CHAPTER 9

KINAKABAHAN si Marj habang nakatayo sa labas ng opisina ni Aiken. Magpapaalam siya


dahil pupunta siya sa Paris sa susunod na linggo para sa teleserye na hinahawakan
niya. Doon kasi gagawin ang unang scene. Maaga siyang magpapaalam para makapag-
relax ang utak niya.

Humugot siya ng malalim na hininga at kumatok sa pintuan ng opisina nito.

"Come in." Narinig niyang sabi ni Aiken mula sa loob.

Kinalma niya ang sarili at pumasok sa loob nang opisina ng binata. Naka-upo si
Aiken sa nag-iisang couch ng opisina nito at may binabasang files habang may hawak
na whiskey.

Kumunot ang nuo nito ng makita siya. "What are you doing here?"

"May sasabihin sana ako sayo e." Aniya sa kinakabahang boses.

Baka ano ang gawin ni Aiken kapag hindi siya nagpaalam at bigla nalang nawala. Baka
ipagsabi nito ang lihim niya.

"What is it?"
"Ahm... magpapaalam sana ako-"

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko? May day-off ka para sa lahat nang gusto mong
gawin." Sansala nito sa sasabihin niya.

"No, it's not that." She inhaled and exhaled loudly. "I'm going to Paris next
week." Mabilis niyang sabi.

Hindi nagsalita si Aiken. Nakatingin lang ito sa kanya na para bang binabasa ang
saloobin niya. Kapagkuwan ay tumayo ito at naglakad palapit sa kanya. Tumigil ang
binata ng isang hakbang nalang ang pagitan nila.

"Anong gagawin mo sa Paris?"

"'Yong teleserye na hawak ko, doon gaganapin ang unang scene. I have to go there.
Please, babalik din naman ako kaagad."

"Bakit ka nagpapaalam sa akin kung kailangan mo naman palang pumunta doon? I have a
feeling that whether I say yes or no, pupunta ka pa rin. So what's the use of
this?"

She looked at him in the eyes. "Aiken, nakakalimutan mo na ba ang pamba-blackmail


mo sa akin? Ayokong umuwi na may issue na sasalubong sa akin. Especially negative
issue."

Aiken's jaw tightened. "Ganoon ka ba talaga ka takot na malaman ng media na may


gusto ka sa akin?"

Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya alam ang isasagot sa tanung na iyon.

"Don't worry about your little secret. You can go anywhere you want, I don't care.
But I have one condition."

Ibinalik niya ang tingin dito. "Ano?"

"I'm coming with you."

Umawang ang labi niya sa sinabi nito. "W-What?"

"I said I'm coming with you. It's been a long time since I visited Paris."

"Sasama ka sa akin?" Paninigurado niya. Baka nagkamali lang siya ng dinig.

Nagsisisigaw ang utak niya na hindi. Hindi ito puwedeng sumama. Pero ang puso naman
niya na patuloy na tumitibok para sa binata ay nagsusumigaw ng oo.

"Bakit hindi ba puwede? Well, you don't have a choice. I'm coming with you whether
you like it or not. Pero puwede rin naman akong magpaiwan. I'm just not sure na sa
pagbabalik mo e walang negative issue na sasalubong sayo." He smirked and tapped
her cheek then motioned his hand to door. "Makakaalis ka na."

Nagpupuyos ang dibdib ni Marj ng makalabas siya sa opisina ng binata. Sasama sa


kanya kung hindi ipagsasabi ang sekreto niya? How dare he?! Gago talaga ang
lalaking 'yon! Nabu-buwesit siya at hawak siya nito sa leeg. Hindi niya iyon gusto.

Peste talaga itong puso niya! Sa kadami-daming lalaki sa sanlibutan, ang isang
blackmailer pa ang nagustuhan!

Naiinis pa rin siya habang nagta-trabaho. Ang utak niya ang nasa pag-uusap pa rin
nila ni Aiken. Nag-iisp siya ng paraan para makawala rito.

"Marj, costumers in table nine is asking for you." Imporma sa kanya ni Yuan nang
makabalik siya galing sa pagsi-serve ng drink sa VIP room.

"Okay." Aniya at tinungo ang table nine na may pekeng ngiti sa mga labi.

"What's your dri-" Nanlaki ang mga mata niya ng mapagsino ang umuukupa sa table
nine. "Anong ginagawa niyo rito?"

Gilen grinned. "Well, ever since nagtrabaho ka rito, hindi ka na namin mahagilap.
Kaya naman, pinuntahan ka na namin."

Tumango si Clover bilang pagsang-ayon kay Gilen. "Yep. Kumusta na pala ang plano
niyo nitong si takaw, is it working well? O baka naman nabuko ka na?"

Mariin siyang napapikit at naupo sa tabi ni Clover. Hindi na niya kailangang


magsalita pa, alam na ng dalawa niyang matalik na kabigan na nabuko siya.

Clover rolled her eyes. "I told you so, didn't I? It was a lame plan from the very
beginning. Tingnan mo ngayon ang nagyari."

Inilapag ni Gilen ang hawak-hawak na glass of tequila. "Ano bang nangyari?"

Tiningnan ito ng masama ni Clover. "We don't need to know. Sapat na ang mukha
nitong best friend natin para mahulaan ang nangyari."

Gilen shrugged and looked at her. "Well, I want to know what happened."

She took a deep breath before explaining everything. Nang matapos siyang mag-
kuwento, nakangisi si Gilen at may sinusupil naman na ngiti sa mga labi si Clover.

"Anong nginigiti-ngiti niyo? Dapat nakikisimpatya kayo sa nagyayari sa akin."

Gilen giggled like a teenager. "God, Marj, can't you see it? He likes you! kaya
naman bina-blackmail ka niya para hindi ka umalis dito sa bar niya kasi gusto ka
niyang makita araw-araw." She giggled again. "At saka kung alam naman pala niya
mula pa simula kung sino ka, e bakit ka niya tinanggap? I'm one hundred percent
sure na like na like ka niya."

Napailing-iling si Marj sa sinabi ni Gilen. Binalingan niya sa Clover, sa dalawa,


si Clover ang matino ang utak. "Clover, pakisabi nga rito kay Gilen na walang
katutuhanan ang espikulasyon niya."

"Well..." Clover trailed with uncertainty on her voice. "Medyo tama si Gilen."

"Anong medyo? Tamang-tama ako no!"

Itinirik ni Clover ang mata. "There is a possibility na gusto ka ni Marlon Aiken,


pero ang posibilidad na 'yon ay biglang nawala ng nakita mong may kahalikan siyang
ibang babae. Pero nabawi naman ang posibilidad na 'yon ng magalit siya sa
restaurant kasi nagselos siya kay Ralph tapos hinalikan ka rin niya-"

"Wait! Preno." Pigil ni Marj sa iba pang sasabihin ni Clover. "Hindi siya nagselos
kay Ralph. Siguro bad mood lang talaga siya sa mga panahong 'yon. And about the
kiss... it was nothing."

"Nothing daw." Tinawanan siya ni Gilen. "E bakit namumula ka riyan?"


Inirapan niya ito. "Whatever. Kahit anong sabihin niyo, alam kong walang gusto sa
akin si Aiken. Nararamdaman ko 'yon."

Sumimsim si Clover sa hawak na tequila. "Dati nararamdaman mong may gusto siya sayo
ngayon naman nararamdaman mong wala siyang gusto sayo. Ano ba talaga, ha, Marj? Ang
gulo mo e."

"Bahala ka sa buhay mo." Aniya ni Gilen at tumayo. "I'm going to dance!"

Ihinatid nila ni Clover ng tingin ang super hyper na si Gilen.

"Ano naman ang nakain 'non at mukhang one hundred fifty percent ang battery life?"
Tanung niya kay Clover.

Clover shrugged. "Hindi na ako magtaka kung malaman kong kumakain si Gilen ng
battery."

Natawa siya sa sinabi ni Clover. "Ikaw talaga. Will you stop bullying Gilen? Mabait
naman 'yon e. May sayad nga lang minsan."

"Magyeyelo muna ang impyerno bago ko sabihing mabait si Gilen. And I'm not bullying
her. It's my way of caring. Tulad sayo, tinatarayan kita but it doesn't mean na
inaaway kita, ganoon na talaga ako sa mga taong mahal ko."

Lumambot ang puso niya sa sinabi ni Clover. Alam naman nila ni Gilen na kahit
mataray si Clover e mahal sila nito.

Niyakap niya ito ng mahigpit. "Aww, thanks Clover Cinnamon Perez."

Clover glared at her. "Say my full name again at itutulak kita sa bangin."

Marj chuckled. Nakalimutan niya na ayaw na ayaw pala ni Clover na naririnig ang
second name nito. Nagmumukha daw kasi itong food spice.

"Sorry." Hingi niya ng tawad dito. "Nakalimutan kong ayaw mo pala sa second name
mo."

"Ayaw? I loathe my second name! Okay na ang Clover, bakit kailangan pang dugtungan
ng mga magulang ko ng isang karumal-dumal na food seasoning?"

Napatawa siya ng malakas sa sinabi nito. Hanggang ngayon hindi pa rin ito maka move
on sa second name nito. Napatigil siya sa pagtawa ng biglang may umupo sa
kinauupuan ni Gilen kanina.

It was a man. A very gorgeous man on his late twenties. He looks like a Greek god.
His eyes. His nose. His jaw. His face. his body. Everything about this man shouts
gorgeousness. Pero mukhang siya lang ang apektado sa kaguwapuhan nito kasi si
Clover ay nakatingin lang sa lalaki na para bang ito ang pinaka boring na tao sa
mundo.

He smiled, showing his set of dimples. "If being beautiful is a crime, you'll be
guilty as charged. Can I have your name?" Tanung nito kay Clover.

Clover looks at the man uninterested. "Why? Don't you have one already? But yeah,
you can have my second name. I hate it anyway."

Hindi apektado ang lalaki sa pagtataray ni Clover kasi mas lalong lumapad ang ngiti
nito. "Can I buy you a drink?"
"Actually, I rather have the money." Sagot ni Clover. "Medyo mamahalin din ang mga
inumin dito. Pandagdag sa ipon."

"Come on, stop turning me down. I know you want me." Puno ng kompyansa ang boses
nito.

Clover smiled at the man fakely. "Yeah you're right; I want you- to leave."

"I think I could make you happy."

"Why? Are you leaving? Because I'd be bouncing in happiness." Sarkastikong sagot ni
Clover sa lalaki.

"What will make you happy?"

"You-leaving."

"Where have you been all my life?"

"Hiding from you."

"You're the woman of my dreams."

"Go back to sleep."

"I know how to please a woman."

"Then please, leave me alone." Puno ng iritasyon ang mata ni Clover. "And stop with
the pick up lines. It's not going to work. So, leave!"

The man chuckled. "Will you go out with me this Saturday?"

Clover smirked. "Sorry, I'm having a headache this weekend."

He grinned. "I'll be your Advil."

Clover grins fakely. "I'm a Medicol kind of woman."

"I could be a medicol-"

"Save the oxygen and close your mouth. If you can't understand that, it means shut
up."

Sasagot pa sana ang lalaki ng may nagsalita sa likod niya.

"God, Alexus, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Boses 'yon ni Aiken.

Mabilis siyang tumayo at hinarap ang nagsalita. Aiken's face darkened while looking
at her then to the man behind her. "Ginugulo ka ba ni Alexus?"

"No." Sagot niya.

"Are you the owner of this bar?" Mataray na tanung ni Clover kay Aiken.

"Yes, why?"

Clover pointed the man who's still grinning from ear to ear. "Can you please take
him away? Sinisira niya ang gabi ko."
"Sinisira?" Parang hindi si Aiken makapaniwala sa sinabi ni Clover. Tumingin ito sa
lalaking nakangisi pa rin. "Man, that's a first."

The guy chuckled and stands up. "I know right?" Matiim nitong tinitigan si Clover.
"One last pick up line, miss. And if you have a witty comeback, hindi na kita
guguluhin. Kapag wala ka namang maisagot sa pick-up line ko, sisiguraduhin kong
kahit sa pagtulog mo, guguluhin kita."

Na-alarmang tiningnan niya ang kaibigan. "Clover, halika na. Hanapin na natin si
Gilen."

"Alexus, stop it. Huwag mong guluhin ang mga customer ko." Saway ni Aiken sa lalaki
na ang pangalan pala ay Alexus.

Hindi pinansin ni Alexus si Aiken at dumukwang ito palapit kay Clover. "If I were
to rewrite the alphabet, I would put U and I together."

Tumawa ng pagak si Clover. "Is that all you got? Too bad, because if I were to
rewrite the alphabet, I would put F and U together. Get my point?"

Bago pa makapag-react si Alexus sa sinabi ni Clover, hinawakan na ito sa braso ni


Aiken at hinatak palayo sa kanila.

"I'm not done with you miss! I'll see you soon, honey!" Sigaw ni Alexus habang
hinahatak ito ni Aiken papunta sa kung saan.

"Argh! Nakakainis ang lalaking yon!" Nanggigil na sabi ni Clover. "Salamat talaga
at mahilig akong magbasa ng kung ano-ano kaya alam ko ang pansupalpal sa mga
ganoong pick up lines."

"Ang galing mo." Puri niya sa kaibigan. "Lahat yata ng pick up lines na sinabi niya
e nasupalpal mo."

Tumawa ng mahina si Clover. "Yeah, nakakatawa ang reaksiyon niya. Mukhang hindi
sanay na sinusupalpal."

"Pero ang guwapo niya no?"

Pabiro siyang tinampla nni Clover sa braso. "Para sa akin, mukhang siyang tsararat.
Mag focus ka nalang kay Marlon Aiken. Huwag na sa kung sino-sinong lalaki na
mukhang iniri ng isang nono sa punso."

Marj laughed. "You know it's not true. Sa itsura ng lalaking 'yon-"

"Marj, save oxygen please?" Putol ni Clover sa iba pa niyang sasabihin.

"Hey, girls." Walang buhay na bati sa kanila ni Gilen.

Nagkatinginan sila ni Clover. Kailan pa nawalan ng buhay si Gilen.

"Anong nangyari sayo?" Tanung niya.

Sumimangot si Gilen. "May naka-argumento akong security guard doon sa may rest
room. Na-drain yata ang utak ko sa mga republic act na pinagsasasabi niya. Akalain
mo bang sinaysayan ako ng mga batas? Hello! Iihi lang po ako at nagkataong
panlalaki ang napasukan ko kasi hindi ako nagbabasa ng sign. Alam kong mali 'yon
pero kailangan bang isa-isahin niya ang lahat ng batas sa Pilipinas?"

Security guard? Isa lang naman ang guard dito. Si Kaino.


"Paki-explain nga ng mukha ng security guard na nakasagutan mo." Aniya.

"Macho at guwapo."

"Malaking tulong ang description mo." Sarkastikong wika niya.

"What? E 'yon lang naman ang napansin ko sa kanya, well, maliban sa maganda niyang
mata."

"I think si Kaino ang bouncer na tinutukoy mo."

"Kaino? Ang pangit naman ng pangalan niya." Komento ni Gilen. "Pero okay lang.
guwapo naman e."

"Marjorie, can I talk to you for a minute?" Boses iyon ni Aiken mula sa likuran
niya.

"Bakit?"

"Basta."

She bid goodbye to her friends. "Sige, kakausapin daw ako."

Nanunudyong ngumiti sa kanya si Gilen. "Aherm. Ingat. Huwag mangangagat."

Inirapan niya ito at humarap kay Aiken. "Saan tayo maguusap?"

"Follow me." Anito.

"Okay." Aniya at sinundan ang binata papunta sa opisina nito.

CHAPTER 10

HUMUGOT nang isang malalim na hininga si Marj habang nakatingin sa Eiffel Tower.
Pangarap niyang pumunta rito kasama ang magiging boyfriend niya pero mukhang hindi
iyon matutupad, wala naman siyang boyfriend at ang binata na gusto niyang makasa
rito ay hindi naman pala sasama. Akala naman niya makakasama niya si Marlon dito sa
Paris, pero umayaw din naman ito. Naalala pa niya ang huli nilang pag-uusap ng
binata.

Kinakabahan siya habang sinusundan si Aiken papunta sa opisina nito. Wala siyang
ideya kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Gusto niyang tanungin ang binata kung
ano ang sasabihin nito pero pinigilan niya ang sarili.

"I can't go with you to Paris." That's the first thing he said when they enter his
office.

Dapat okay lang sa kanya ang balitang iyon pero parang bumigat ang dibdib niya sa
sinabi nito. "Okay lang. But I still can go right? Kailangan kung pumunta."

"It's okay. Kailangan ko kasing samahan si Lizella. She needs me for something.
Hindi ko alam kung ano 'yon pero pupuntahan ko pa rin siya."

Nanikip ang puso niya sa narinig. Kaya pa niya na hindi ito sasama kasi may
importanteng gagawin, pero para puntahan si Lizella? Ang babaeng porn star na
kahalikan nito? Parang may pumipitas sa puso niya sa sakit na nararamdaman. Gusto
niyang suntukin ang kaharap sa pinaparamdam nitong sakit sa kanya pero ayaw niyang
malaman nito na apektado siya.

"Okay lang. You don't need to explain yourself. Hindi ka naman talaga kasama sa
Paris e."

"I want to go with you, Marjorie, but Lizella-"

"Stop. It's okay. I don't care what your reason is. Ang importante, papayagan mo
ako papuntang Paris. Gusto ko ring makasiguro na wala kang pagsasabihan tungkol sa
sekreto ko."

"Is that all you care about?" Madilim ang mukhang tanung nito. "Don't worry. Hindi
naman ako ganoong klaseng tao."

"Sa mga ipinakita mo sa akin, ganoon klaseng tao, Aiken." Aniya at umalis sa
opisina nito.

Pagkatapos ng pag-uusap nila ng gabing iyon, hindi na niya ito nakausap o nakita
kasi umalis kaagad siya kinabukasan. At wala siyang balak na makita o makausap ang
binata. Medyo nasasaktan pa rin siya sa dahilan kung bakit hindi ito sumama. Ang
sarap tadyakan. Nagseselos siya pero wala naman siyang karapatan para maramdaman
ang emosyon na 'yon.

"Why are you looking lost?"

Nilingon niya si Ralph na nasa likuran niya na kasama sa crew na lumipad papuntang
Paris. Sumama lang ito sa kanya dahil nangungulit na naman ito. Ayaw niya nuong una
pero hindi naman niya ito napigilan kaya naman hinayaan nalang niya itong sumama.

"I'm not lost. I'm just enjoying the scenery." Aniya.

"Yeah, right. Stop lying to me and to yourself. What's with you? Since yesterday,
parang wala ka sa sarili at palaging nasa kung saan ang isip mo. Ano ba ang
nangyayari sayo?"

Huminga siya ng malalim. "Do you know the feeling when you like someone and it
hurts that he doesn't like you back?" Hindi napigilang tanung niya. Gusto niyang
ilabas ang nararamdaman at nagpapasalamat siya kay Ralph na narito ngayon sa tabi
niya kahit itinutulak niya ito palayo.

Ralph exhaled loudly. "Marj, kung nasasaktan ka dahil hindi ka niya gusto, hindi na
'yon simpling pagkagusto. It's the scary four letter word called 'love'."

"Love?" Tumawa siya ng mapakla. "How can you love a person who's blackmailing you
to get what he wants?"

"That's love." Tumabi ito sa kanya at tumingin sa Eiffel tower. "Love is magic at
the same time curse. Magic if the person you love loves you back. But it's a curse
when he or she doesn't love you back. Kaya nga ayokong mapana ni Kupido. Ayokong
maramdaman ang nakakabaliw na emosyong 'yon. And I can tell that you'd been hit by
cupid."

Kinapa niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya. "Masakit na masaya. Nakakaloka na
nakakakilig. Nakakainis na nakakataba ng puso. Hindi ko akalain na ang simpling
pagkagusto ko sa kanya, e mauuwi sa ganito."

"Tuso talaga ang pag-ibig. Kaya naman ingat-ingat din kapag may time." Natatawang
sabi ni Ralph.

"Yeah. Hindi ako nag-ingat kaya tingnan mo naman, heto, nasasaktan."

"Sino ba itong lalaking nanakit sayo? Is he the guy who was giving me deathly
glares in the restaurant?"

"Yes, he is the one." Pag-amin niya. Wala namang saysay kung itatago pa niya ang
nararamdaman. "Hindi naman niya ako sinaktan, kasi hindi naman niya alam ang
nararamdaman ko." Hindi nga siya sigurado kung naaalala pa ni Aiken ang pag-amin
niya na gusto niya ito.

"Then it's his loss, not yours. Sa nakita ko, gusto ka niya, kaya naman hindi ko
akalain na-"

"Stop. Wala siyang gusto sa akin. Stop putting that idea in my head. Ayoko ng
umasa." Aniya at mabilis na naglakad palayo kay Ralph, pabalik sa Hotel na inuukupa
nila.

Hmp! Magsama sila ng pesteng Lizella na 'yon! As if I care! Pinahid niya ang isang
butil ng luha na tumulo mula sa mga mata niya. Sino ba ang niloloko niya? Of
course, she cared!

HINDI ALAM ni Marj kung bakit gusto siyang makausap ng Big bosses ng Chanel 9.
Hindi niya rin alam kung bakit nandito ang mga ito sa Paris. Wala naman sa usapan
nila na sasama ito para subaybayan ang progress ng shooting.

"Malay mo, nagkataon lang na pumunta sila rito." Wika ni Ralph na pinapakalma siya.

Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. She shouldn't be worried. Pero may
kung ano sa likod ng isip niya na nagsasabing may dahilan kung bakit narito ang Big
Bosses. Sana naman hindi iyon para palitan siya.

Pilit na kinalma ni Marj ang sarili habang naglalakad papunta sa Restaurant na


pagmi-meeting-ngan nila. Panay ang hinga niya ng malalim.

"Geez! Relax, Marj. It's not like their going to get rid of you." Natatawang wika
ni Ralph.

"'Yon na nga ang inaalala ko. Paano kung palitan nila ako? We already shoot the
first scene at nagsayang na rin ako ng oras para sa teleseryeng 'to."

"Hindi ka papalitan. There's no reason to replace you."

Reason? Napakagat labi siya. May rason para palitan siya. Paano kung pinagsabi na
ni Aiken ang sekreto niya at nalaman iyon ng buong Media, syempre malalaman yon ng
president ng Channel 9. At kung pagtatagni-tagniin, iyon lang ang dahilan para
personal na pumunta rito ang Big Bosses para makausap siya, wala ng iba.

"Well, hanggang dito nalang ako." Ani ni Ralph na tumigil sa labas ng restaurant.

She forced a smile ang give him a quick hug. "Wish me luck, Ralph."

He pinched her cheek. "I will. Now, go inside."

She nodded and walks inside the restaurant. Mabilis na hinanap ng mata niya ang
dalawang Big Bosses ng Channel 9. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng makitang
kasama ng mga ito si Aiken!

Shit! Shit! Shit! What's happening! Anong ginagawa niya rito?

Dubling kaba ang naramdaman niya ng magtama ang mga mata nila ni Aiken at umakto
itong hindi siya nakita. Walang emosyon ang mga mata nito at iyon ang ikinatakot
niya. Anong ginagawa nito rito sa Paris? Akala ba niya kasama ito ni Lizella? Bakit
ito narito? Iyon ang malaking katanungan na umuukilkil sa isip niya. Nagsalita na
ba ito sa media? Nagsumbong ba ito?

Para siyang robot na naglakad papunta sa mesang inuukupa ng Big Bosses ng Channel
9. "Good afternoon." Bati niya.

Nakangiting nilingon siya ni Mr. Owel Larazabal, ang thirty-one years old na
President ng Channel 9. "Oh, hello Director Ortinez. Please, take a sit."

Dahan-dahan siyang umupo. "Why did you call me, Mr. Larazabal? Is there something
wrong?" Agad na tanung niya habang ang mata ay na kay Aiken na abala sa kinakain
nitong Pasta.

"Please, call me Owel and I'll call you Marjorie in return. I think we pass the
formality already. And no, Marjorie. There's nothing wrong." Sagot ng President
nang Channel 9.

Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan ng marinig ang sinabi ni Owel.


Nakahinga siya ng maluwang at umusal siya ng maikling panalangin.

"I thought there's something wrong." Aniya habang nakangiti.

"Nah. Just a slight changes." Wika ng Vice-President ng Channel 9 na si Craig


Saludaga.

Kinabahan siya sa sinabi nito. "What kind of changes, Mr. Saludaga?"

"Changes in casting. We're going to pull out Heriana in the lead female role and
replace it with Lizella Llama instead. And please, call me Craig."

"What?" Nagulat siya sa sinabi ni Craig. "Bakit naman, sir? Heriana is a good
actress for the lead female role. Sikat din siya at tinatangkilik ng masa ang
teleserye at pelikula niya. She's perfect for the role? Why replace her?"

Owel looked at Aiken who was still busy eating Pasta. "I would like you to meet
Marlon Aiken Garcia. He's the one who recommended Lizella for the lead role."

Napamaang siya sa binata. What the heck? "But it doesn't mean that she's-"

"I'm sorry, Marjorie, Marlon recommended her and we owe him. Kaya naman pumunta
kami rito para pakiusapan ka ng personal. The producer already said yes, ikaw
nalang ang hinhintay naming umo-o." Wika ni Craig sa walang buhay na boses. "If
it's just me, I don't want to pull out Heriana. She's a good actress, but, we owe
Marlon and this is the only way we can pay him."

Matiim niyang tinitigan si Aiken. "Care to explain further why you recommended her
for the lead role? She's a porn star for crying out loud, Aiken! What were you
thinking?"

"Magkakilala kayo?" Sabay na tanung ni Owel at Craig sa kanila ni Aiken. "And you
call him Aiken?"
Hindi niya pinansin ang mga ito at nagpatuloy lang sa pagtitig ng matiim kay Aiken.
Hindi niya akalain na ito ang nag-recommend sa babaeng 'yon! At ito pala ang
dahilan kung bakit narito ito sa Paris! Napupuyos siya sa galit pero hindi naman
niya iyon mailabas dahil may dalawang pares ng mata na nakatingin sa kanila.

Nagtaas ng tingin si Aiken at sinalubong ang titig niya. "I don't have to explain
further. Just do what they said and we're good." Binigyan diin nito ang salitang
'good'.

Is he blackmailing her again? For Pete's sake! She's so fed up! Nasa kalagitnaan
siya ng pagpapakalma sa sarili ng may magsalita sa likuran niya.

"Marlon, bakit hindi mo ako sinundan sa Restroom. I need you there." Boses iyon ng
isang babae.

Hindi na kailangan lingunin pa ni Marj ang nagsalita. Sa tono palang ng boses nito,
alam na niyang si Lizella iyon. And really? I need you in the restroom? Who the
hell would say that? Mga patakbuhing babae lang ang nagsasalita ng ganoon!

Nakita niyang niyakap ni Lizella si Aiken mula sa likuran. Pinikit niya ang mga
mata para pigilan ang luhang nagaambang tumulo. Hindi siya puwedeng umiyak sa
harapan ng mga ito.

"Lizella, I want you to meet, Director Marjorie Torres Ortinez. Siya ang Direktor
mo sa teleseryeng 'Romance in Paris'. Marjorie, this is Lizella Llama, the lead
female role for Romance in Paris." Pagpapakilala sa kanila ni Owel.

Nagmulat siya ng mata at ngumiti ng peke kay Lizella na pekeng nakangiti rin sa
kanya. God! She knew a fake smile when she sees one.

"Hi, nice to meet you." Aniya sabay lahad ng kamay.

"Nice to meet you too." Anito at umupo sa tabi ni Aiken na hindi manlang tinanggap
ang pakikipagkamay niya.

Syempre napahiya siya sa ginawa nito, pero umakto siyang hindi napahiya at ibinaba
ang kamay. Narinig niyang humugot ng buntong hininga si Craig at napailing-iling
naman si Owel.

"Well, bukas mag-uumpisa na ang shooting." Wika ni Craig habang nakatingin sa


kinakain nito. "It's the first scene kaya naman galingan mo Lizella."

Lizella fluttered her eyelashes. "Of course! Ako pa. Magaling ako, diba Aiken?"
Anito sabay haplos sa braso ni Aiken.

"Don't call me that." Ani ni Aiken sa mahinang boses.

"Why not? Aiken naman talaga ang tawag ko sayo noon pa. Ikaw lang itong ayaw na
tawagin ko ng ganoon." Nakangusong wika ni Lizella habang hinahaplos ang braso at
dibdib ni Aiken.

Nag-init ang ulo niya ng hindi manlang umiwas si Aiken. Bakit naman ito iiwas?
Mukhang gustong-gusto naman nito ang ginagawa ni Lizella.

"Kung 'yon lang ang sasabihin niyo, can I leave?" Aniya kay Owen at Craig na
nakikinig lang sa usapan ni Aiken at Lizella. "Aayusin ko pa kasi ang mga pagbabago
sa casting. Kailangan ko rin ipaalam ito sa buong crew ng Romance in Paris para
hindi sila magulat sa pagbabago."
"Yeah, that's good. You can leave." Wika ni Craig na tumayo na rin. "I'm leaving
too. Hindi ako makahinga. There's toxic in the air." Nauna itong lumabas sa kanya.
Nakita niyang umiling-iling si Owel.

Tumayo na rin siya at nagpaalam. "I'm leaving too."

"You're not eating? Sayang naman ang inorder namin para sayo." Ani ni Owel habang
nakatingin sa hindi niya nagalaw ng Shrimp Pasta.

"Busog pa ako." Aniya. "I'll go ahead. Bye Marlon Aiken, Bye Lizella."

Mabilis na nagtaas ng tingin si Aiken at tumingin sa kanya na kunot ang nuo. "What
did you call me?"

"Marlon Aiken."

His face darkened. "How many times should I tell you that it's Aiken?"

Pinaglipat-lipat ni Lizella ang tingin sa kanila ni Aiken. "Bakit gusto mong


tawagin kang Aiken ng babaeng yan?" Anito sabay turo sa kanya. Puno ng pagseselos
ang boses nito.

"Nothing-"

Aiken cut her off. "Show some manners Lizella, she's your Director."

"I don't care. You want her to call you Aiken. Why is that? Ayaw mong tinatawag
kang Aiken dahil naalala mo ang namatay mong kapatid na babae. Ang nag-iisang tao
na tumawag sayo ng ganoon. Tapos siya ikaw pa ang may gusto na tawagin kang Aiken?"

Aiken took a deep breath and looked at Lizella annoyed. "Can you shut the fudge
up?"

Lizella looked at her, her eyes full of jealousy. "I'm the only woman entitled to
call him Aiken! Who are you-"

"Lizella, please, calm down." Saway ni Owel. "Pinagtitinginan na tayo ng mga tao."
Bumaling ito sa kanya. "Marjorie-"

"Aalis na ako. I don't want to cause a scene." Aniya.

Nagmamadali siyang lumabas ng restaurant. Hindi pa siya nakakalayo ng may humablot


sa braso niya. "Marj, stop. I can explain everything."

Walang emosyong nilingon niya si Aiken. "Explain what Aiken? Wala ka namang dapat
na i-explain." Hinablot niya ang braso na hawak nito. "Sana lang nagisip ka bago mo
nirekomenda ang babaeng 'yon! Galit ako dahil sinira mo ang teleserye na hawak ko.
I can't believe you!"

"'Yon ba talaga ang dahilan kung bakit ka galit?"

Natigilan siya sa sinabi nito. "Y-Yon ang d-dahilan ko."

"Stop lying to me and to yourself, Marjorie! Why can't you just tell me that you're
jealous that's why you're mad? Ganoon ba kahirap aminin 'yon?"

"I'm not-"

"Yes, you freaking are! I can see it in your eyes."


She held her chin up. "So what? What is it to you? Yes, I'm jealous. Happy?"

"Say that you love me too, and I'll be the happiest man alive." Puno ng pagsamo ang
mga mata nito

"Too? What do you mean?"

Aiken shook his head. "Because I love you, you numb silly woman. Why can't you see
it?"
CHAPTER 11

MARJ LOOKED at Aiken like he lost his head. She can't believe what she just heard.
Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng binata kaya naman ganoon na lamang ang
gulat niya. Si Aiken na palagi siyang bina-blackmail at pinapagsalitaan ng kung
anu-anu ay in-love sa kanya? Parang hindi iyon yata kaya i-take in ng utak niya.

"A-Anong sinabi mo?" Nauutal na sabi niya.

Aiken tsked and rolled his eyes. "I'm in love with you. I'd been dropping hints
here and there. Hindi ako makapaniwala na hindi mo iyon napansin."

"Pakiulit please?" Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "I need to hear it again. H-
hindi ako makapaniwala-"

"I'm in love with you, Marjorie Torres Ortinez!" Malakas nitong sigaw. "Gusto mo
ulitin ko pa?"

She was teary eyed and ready to confess her feelings to Aiken when she heard a
squeaky irritating voice behind them.

"Marlon, bakit mo ba ako iniwan sa restaurant?" Ipinulupot ni Lizella ang braso


nito sa braso ni Aiken. "At anong 'I love you' ang narinig ko? Didn't you promise
to marry me someday?" Lizella said while fluttering her eyelashes.

Parang may kung anong sumipa sa dibdib ni Marj sa narinig. Marry Lizella someday?
Anong ibig sabihin nito? Nagtatanung ang mga mata niya ng tumingin siya kay Aiken.
Humihingi siya ng paliwanan sa narinig niyang sinabi ni Lizella. Bumuka ang bibig
niya para magsalita pero maunahan siya ni Aiken.

"Lizella, stop it." Anito sa babae pero hindi naman binaklas ang pagkakapulupot ng
braso nito.

"Why?" Lizella pouted and glared at her. "Because of her? Tama na ang paglalaro mo
sa kanya, Marlon. Stop pretending that you love her. Hindi ba sinabi mo sa akin na
ako ang mahal mo?"

"Lizella-"

"Say it, Marlon. You know what I can do." There's a warning tone on her voice.

"Lizella, please-"

Nanlaki ang mata niya ng sakupin ni Lizella ang mga labi ni Aiken. Ang luha na
kanina pa niya pinipigilan ay unti-unti lumabas. Kinagat niya ang pang-ibabang labi
para pigilan ang pagdaloy ng luha niya. Ang masakit, hindi gumalaw si Aiken para
itulak si Lizella. He just stands there and let Lizella kissed him and it hurt so
damn much!

'Yon ba ang mahal daw siya?

Lizella pulled back and smirked at her. "See that, Director? Marlon is just kidding
you when he said that he loves you. Ang dali mo namang maniwala. It's just a joke."

"Please, Lizella, this is not the time for-"

"Not time for what, Aiken?" Marj's voice was shaky.

Nilingon siya ng binata na puno ng pagsusumamo ang mga mata. "Please, Marjorie. I
can explain everything but not now." Anito at binalingan si Lizella.

"Just stop, Aiken!" Sobrang sakit na ang nararamdaman niya habang nakatingin sa
dalawa. "Ika nga ng sawa na nakapulupot sayo, stop pretending. Hindi rin naman ako
naniwala sa sinabi mo. You love me? Yeah, right. Walang nagmamahal na nagpapahalik
sa iba, sa harap pa mismo ng mahal daw niyang babae. It's just so absurd. Walang
ganoon, Aiken, wala!"

Tumalikod siya at nagmamadaling iniwan ang dalawang taong dahilan ng sakit na


nararamdaman ng puso niya. Hindi niya hahayaan na makita ng mga ito na nasasaktan
siya. She won't give them the satisfaction of making her cry!

"Marjorie!"

Lakad-takbo ang ginawa niya ng marinig na tinawag ni Aiken ang pangalan niya. Hindi
puwedeng abutan siya nito. Baka kung ano pa ang isipin nito kapag nakita ang mga
luha niya. Sinabi palang niya na hindi ito deserving sa nararamdaman niya,
kailangang panindigan niya iyon-

Someone grabbed her arm forcefully. "Stop, damn it!"

Mabilis na pinahid niya ang mga luha at hinarap si Aiken na humihingal. "Tantanan
mo na nga ako. Just leave me alone! Bumalik ka nalang doon sa porn star na 'yon!
Wala akong pakialam sayo. Wala akong-"

He crashed his lips against hers, shutting her up and making her knees weak. Ramdam
niya ang kasayahan ng puso niya sa simpling halik na iyon. Hindi niya napigilan ang
isa-isang pagpatak nang mga luha niya. Naawa siya sa sarili. Sinaktan na nga siya
at lahat-lahat, siya pa rin itong umaasa. Umaasa na totoo ang sinabi nito. Umaasa
na ang halik nito ay may ibig sabihin maliban sa gusto lang siya nitong patigilin
sa pagsasalita.

Aiken stopped kissing her and dried her tears using his thumb. "Please... shhh...
don't cry. I don't want to see you cry. What Lizella said? It was nothing. Wala
iyon. I'm not pretending and please believe me when I say I'm in love with you.
Marjorie, please, believe me when I say I love you." Nagmamakaawa ang boses nito at
hinawakan ang kamay niya. "Please, you have to believe me. If you don't, then
please, just give me an assurance that I somehow have the change to have your
heart. I promise I'll explain everything after this whole thing is over. I'll do
anything for you to believe me. I'll do anything for you, Marjorie."

She looked at Aiken's green eyes; she can't understand what he's saying. Her heart
was hurting and she can't think straight. "What do you mean about 'this whole thing
is over'?"

"I can't explain it now. But I will, after. Just tell me that I have a chance in
your heart. Please, Marjorie."
Napailing-iling siya. "Yes, I like you a lot, 'yon ba ang gusto mong marinig? Sige
sasabihin ko sayo. I like you very much and I didn't realize that, that simple like
will turn into something else, something deeper. But it was a mistake and you don't
deserve it, Marlon Aiken. You don't. I'll do anything to get rid of that feeling
for you."

"Don't get rid of that feeling for me, Marjorie. Ngayong nalaman ko na may gusto ka
rin sa akin, gagawin ko ang lahat para walang mangyari sayong masama. Mahal na
mahal kita-"

"No, Aiken, please, stopped lying to me." She whispered, still in tears.

"I'm not lying!"

"Yes you are! How can you say that you love me? Hindi mo ako kilala-"

"I know you-"

"I just barge into your life, hoping that you'll like me too and it was a stupid
idea applying in your bar as a waitress but I did it anyway because I wanted you to
see me. To give-"

"I see you, Marjorie. Hindi ka pa nag-apply sa bar ko nakita na kita. You're just
too preoccupied in your world that you haven't seen me."

Napatitig siya sa binata. "What do you mean? Hindi kita maintindihan."

He cupped her face. "Listen and listen very well, because I'm not going to repeat
myself. The first time I saw you was when I went to see Lizella to stop her from
doing a porn movies. I don't know why you're there. All I care about was you. You
were wearing baggy clothes, no make-up on, you're sweating, you're hair was messy,
but still you look beautiful in my eyes. Weeks after that I saw news of you on TV-"

"Marlon!" Boses iyon ni Lizella. "Halika na. Samahan mo ako sa Hotel ko. Leave
her."

Ipinilig niya ang ulo at tumingin sa direksiyon ni Lizella. Kung nakakamatay lang
ang tingin, kanina pa siya ibinurol. Her eyes were full of venom while shooting
daggers at her.

"I have to go." Wika ng binata.

Ibinalik niya ang tingin sa binata. "Kung mahal mo ako tulad nang sabi mo, bakit ka
sasama sa kanya? Why don't you stay with me? Be with me?"

Aiken has a sad expression on his face while looking at her. "I can't. I have to go
with her."

"Why?" Puno ng hinanakit ang boses niya.

"I have to. Just always remember that I love you and I'm doing this for you. I
won't let her hurt you."

"What do you mean?"

"I'll explain everything after this whole thing is over. Just believe in me. Mahal
kita. Mahal na mahal. Lahat ng makikita at maririnig mo tungkol sa amin ni Lizella,
inuunahan na kita, walang katutuhanan ang lahat ng 'yon. Puro iyon kasinungalingan.
Ikaw ang mahal ko. Huwag mong kalilimutan 'yon. Okay?"

"Aiken-"

"Please, Marjorie. Huwag kang maniniwala sa kahit na anong makita at marinig mo."

"I can't promise that-"

"Marjorie, please listen to me."

"Why don't you tell me everything. Para maniwala at makinig ako sayo."

"Marlon! Halika na! I want to cuddled with you in the bed!" Lizella shrieked.

He kissed her forehead. "I will explain but not now. Please, believe in me." Iyon
lang at iniwan siya nito at lumapit kay Lizella.

Agad na ipinalibot ni Lizella ang braso sa braso ni Aiken. "Huwag ka ng


maglalalapit sa babaeng 'yon." Anito na masama ang tingin sa kanya. "Hug me,
Marlon. I'm feeling cold."

She saw Aiken nod and it was heart clenching to watch him encircled his arms on
Lizella's waist. It's like a hand was gripping her heart and squeezing it tightly.
Marj looked away to stop the pain she's feeling. When she heard them walk away, she
turns around and resumes walking with a wounded heart.

Kahit pilit na isinisiksik sa utak niya na mahal siya ni Aiken, may pagdududa pa
rin siyang nararamdaman. Hindi pa rin buo ang paniniwala niya sa binata. Pero
umaasa ang puso niya na sana... sana nga totoo ang sinabi nito.

Sana nga totoo na mahal niya ako.

SA SET ng Romance in Paris, mainit ang ulo ni Marj. Maliban sa paulit-ulit ang
pagta-take ng scene dahil hindi magawa ng tama ni Lizella ang pag-arte, palagi rin
itong humihingi ng break para makipaglampungan kay Aiken na kasama nito sa set.

Sinabi ni Aiken na hindi siya maniwala sa makikita niya. Paano? Masyadong sweet ang
dalawa para hindi maniwala ang dati nang sugatan niyang puso. Wala sa mukha ni
Aiken na napipilitan lang ito sa pakikipaglampungan kay Lizella. It seems that he's
enjoying it.

Naglakad siya patungo kay Lizella at Aiken na magkayakap. "Lizella, can we talk?"

Tinaasan siya nito ng kilay. "Anong sasabihin mo? If this is about my Marlon, then
you better back off."

She rolled her eyes. "This is not about him. This is about you. Hindi ka marunong
umarte at hindi ka nakikinig sa mga instructions ko. Kung patuloy kang magiging
ganito, much better na ibalik nalang Heriana."

Tumawa ito ng maarte at ngumiti sa kanya na parang nanunuya. "Too bad. Ako na ang
lead female role. Hindi mo ako puwedeng palitan. Sino ka ba? You're just a
Director." Binalingan nito si Aiken at niyapos ang binata sa braso. "Marlon, puwede
bang sabihin mo kay Owel na palitan ang babaeng yan bilang Director ng Romance in
Paris? Ayokong makita ang pagmumukha niya rito."
Napanganga siya. Ito pa ang may ganang palitan siya, samantalang ito naman ang
walang future sa pag-arte. Ang sarap sabunutan pero kinontrol niya ang galit na
nararamdaman.

Walang emosyong tumingin sa kanya si Aiken. "I'll talk to Owel."

Nalaglag yata ang panga niya sa narinig. "What the hell? Anong you'll talk to Owel?
Hindi ako ang dapat na palitan, siya!" Aniya sabay turo kay Lizella.

Aiken sighed and looked at Lizella. "Oo nga naman, Lizella, ikaw ang dapat
palitan."

Puno ng galit ang mata ni Lizella ng tumingin ito kay Aiken. "What did you say?!"
She huffed in anger. "Nakakalimutan mo na ba ang usapan natin, Marlon? Oh baka
naman gusto mong magsalita ako? Sisiguraduhin kong magsisisi ka!"

Aiken hurriedly took Lizella's hand. "No! Nagusap na tayo. Okay, I will talk to
Owel. Papalitan natin siya."

She looked at Aiken like he lost his head. What the hell?!

"Good." Binalingan siya ni Lizella na nakataas ang kilay. "Hmp! Sino ngayon ang
papalitan? Magbalut-balut ka na. Bukas, babalik ka na sa Pilipinas." Pagkasabi 'non
maarting naglakad ito at iniwan sila.

Nanlilisik ang matang dinuro niya si Aiken. "How dare you! Sino ka para papalitan
ako?! Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to! You said you love me. You said to never
believe what I hear and see. Pero sa nakita at narinig ko ngayon, I had enough of
your crap! How can you nonchalantly say that you will talk to Owel to replace me?
Sino ka ba?! Ha? Sino ka ba?!"

Aiken seized her hand. "Stop shouting." Ipinulupot nito ang braso sa bewang niya.
"I can't believe naniwala ka sa sinabi ko. Para namang hahayaan kong palitan ka."

She glared at him. "Kung ganoon bakit sinabi mo 'yon kay Lizella?"

He tsked. "Didn't I told you already to not believe everything you hear and see?
Walang katutuhanan sa mga pinagsasasabi ko. I cared for you, Marjorie. Hindi ko
hahayaan na palitan ka dahil lang kay Lizella."

Itinulak niya ito palayo sa kanya. "Ang gulo mo. Siguraduhin mo lang na hindi ako
papalitan, dahil kapag nangyari 'yon, magwo-world war three tayong dalawa!"

Mabilis siyang naglakad palayo kay Aiken at bumalik sa kinauupuan niya kanina.
Nagpupuyos pa rin siya sa galit pero kinalma niya ang sarili. Sa pagkakataong ito,
hahayaan niya ang sarili na umasa sa salita ni Aiken. If he really love her like he
claimed, he would not talk to Owel to replace her.

CHAPTER 12

MASAKIT ang ulo ni Marj ng magising siya. Nanakit din ang mata niya dahil sa pag-
iyak niya sa nagdaang gabi. Nakakahiya mang aminin pero umiyak siya, hindi na niya
nakaya ang sakit na nararamdaman. She had to let it out, that's why she let herself
cry.
Nasa kalagitnaan siya ng pagbibihis ng marinig niya ang mahinang katok sa pintuan
ng kuwarto niya. Tinatamad na naglakad siya papuntang pintuan at pinagbuksan ang
kumakatok. Marj frowned when she saw Ralph.

"Anong ginagawa mo rito? Shouldn't you be out there, chasing women?" Nakangiting
sabi niya.

Hindi ito nagsalita at nakatingin lang sa kanya, puno ang mata nito ng halo-halong
emosyon. Hindi niya kayang pangalanan ang iba pero siguradong siyang may awa sa mga
mata nito.

She frowned. "What? Cat got your tongue?"

He took a deep breath and looked deep into her eyes. "Marj, I'm sorry. Hindi ko
naman alam na mangyayari 'to. But please, don't be mad at me. I didn't know it will
happen, I accepted it because I want the project and it seems that you're not
interested so I took it. Please, huwag kang magagalit sa akin."

Her frown deepened. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Bakit ka ba humihingi ng tawad sa
akin?"

Natigilan si Ralph at kunot ang nuong tinitigan siya nito. "You don't know?"

"Know what?"

"God." Sinapo nito ang nuo. "That just so cruel." He whispered.

"What are you talking about? What's so cruel?"

Ralph looked at her softly. "Marj... you've been replaced."

"Replaced?"

Tumango ito. "Yeah. Pinalitan na kita bilang Director ng Romance in Paris. I'm
sorry, akala ko sinabi na nila sayo. Tinanggap ko kasi akala ko inayawan mo ang
project kasi hindi kayo magkasundo ni Lizella."

Napahawak siya sa hamba ng pintuan sa narinig. Para siyang pinagbagsakan ng


limampung hallow blocks. Imposibli! Bakit? Paanong nangyari... She gritted her
teeth when she remembered Lizella... and Aiken. They did this! Ang dalawang 'yon
ang dahilan kung bakit siya pinalitan.

And here she thought Aiken loves her... Kasinungalingan lang ang lahat! The 'I love
you's' and all that confessing. It was a freaking lie!

Namalisbis ang luha sa mga mata niya. "B-Bakit niya n-nagawa sa akin 'to?"
Nanghihinang sabi niya.

Mabilis siyang dinaluhan ni Ralph ng makitang mabubuwal siya sa kinatatayuan.

"Shit! If I know you'll react like this, I shouldn't have accepted it." Anito
habang sinusupurtahan ang katawan niya para hindi siya mabuwal.

Napahawak siya sa braso ni Ralph para kumuha doon ng suporta. Mabilis niyang tinuyo
ang mga luha sa pisngi niya. Hindi! Hindi siya puweding magmukhang kawawa! She
wasn't born to be a pitiful loser!

I'm Marjorie Torres Ortinez! I'm an independent woman who doesn't need a man to be
happy! Twenty-six years siyang nabuhay na walang Marlon Aiken sa buhay niya. Hindi
niya kailangan ang lalaking tulad nito. Isang walang kwentang lalaki na mapaglaro
sa mga babaeng katulad niya. At hindi rin niya hahayaang magmukha siyang kawawa sa
harapan ni Lizella.

It's time to stand up for myself. Simula ng makilala niya si Aiken, nawala ang
Marjorie na palaban at hindi sumusuko. Hinayaan niyang diktahan siya nito at
blackmail-lin dahil gustong-gusto niya ito. Nagpakababa siya para mapansin lang
nito, nagpaalila siya para lang makasama ito. Nawala ang tunay na Marjorie at
napalitan iyon ng Marjorie na hibang sa pag-ibig.

"Ahm... Marj, bakit puno ng galit 'yang mata mo? If you're mad because of me
accepting the project, tatawagan ko si Owel para sabihing hindi ko na 'yon
tatanggapin. It wasn't mine in the first place."

Tinitigan niya si Ralph. Bakit ba hindi nalang ito ang nagustuhan niya, at least
kilala niya ang pagkatao nito. She pulled Ralph into a tight hug.

"Thanks for always being there for me, Ralph. Kahit tinutulak kita palayo."

Halatang nagulat ito sa ginawa niya pero agad din naman itong nakabaw at niyakap
siya. "Of course, I can't be with you as a boyfriend because you won't let me, but
I'll be with you as a friend. Sapat na sa akin 'yon. Ang I think we're better off
as friends."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Thanks Ralph."

"No problem, Marj. What are friends are for?"

Kahit papaano napagaan ni Ralph ang pakiramdam niya. Pero nasa dibdib pa rin niya
ang galit. She will confront Aiken; she needs to talk to him for clarification.
After that, it's sayonara Marlon Aiken Garcia.

TAAS NUONG naglakad papasok si Marj sa set ng Romance in Paris. Ramdam niya ang mga
matang nakatingin sa kanya pero ipinagwalang bahala niya iyon at naglakad patungo
sa kinaruruonan ng pakay niya.

Pagkatapos niyang pilitin si Ralph na tanggapin ang project, tinawagan niya si Owel
at Craig. Mula sa mga ito, nalaman niyang si Marlon ang nag-suggest na palitan siya
dahil hindi raw sila magkasundo ni Lizella. Nagpupuyos siya sa galit habang
nakikinig sa paliwanag ng dalawa. Nalaman din niyang hindi pa rin pala totally
pinu-pull out si Heriana. Kapag hindi raw naging maayaos ang pag-arte ni Lizella,
ibabalik si Heriana.

Nang makita siya ni Lizella na papalapit, ipinulupot kaagad nito ang braso sa braso
ni Aiken. Marj cursed when she felt her heart stringed. God! How she wished she's
not affected by Aiken and Lizella's closeness, but she'd be fooling herself. Kahit
pilit niyang tanggalin sa sistema niya si Aiken, alam niyang mahihirapan siya.
Nakaukit na sa puso niya ang binata. Pero gagawin niya ang lahat para lang makawala
ang puso niya mula sa pagkakahawak nito.

"What are you doing here?" Lizella asked her haughtily.

"Just watching." Aniya habang ipinapalibot ang paningin sa kabuunan ng set.

"And why?"

"Oh, nothing. It's just Owen and Craig asked me to supervise the shooting of
Romance in Paris." She smirked at Lizella. "I may not be the Director anymore, but
I'm still a part of the show. You can't just get rid of me that easily." She looked
at her from head to toe. "The likes of you can't just get rid of Marjorie Torres
Ortinez. You're just a porn star and nothing more-"

"Stop it, Marjorie!" Malakas ang boses na saway sa kanya ni Aiken.

Tiningnan niya ang binata na matiim na nakatingin sa kanya. Sinalubong niya ang
titig nito. "Why, Marlon Aiken? Hindi mo ba kayang marinig na iniinsulto ang babae
mo?"

"Just stop, Marjorie. You've been replaced for a reason."

Walang buhay siyang tumawa. "For a reason? Tanggap ko pa sana kung pinalitan ako
dahil hindi ako magaling, pero pinalitan ako dahil sa inyong dalawa? It's
unacceptable, Marlon Aiken." Binalingan ni si Lizella na nakatingin lang sa kanya
na para bang nagi-enjoy ito sa sagutan nila ni Marlon Aiken. "I'll make sure na
matatanggal ka bilang lead female role. You don't deserve that role."

Lizella smirked tauntingly. "Para namang hahayaan ka ni Marlon na gawin 'yon."


Yumakap ito sa binata. "Diba, Marlon? Ipagtatanggol mo ako at hindi hahayaang
masaktan?" Malambing na sabi nito sa lalaki.

"Yes." Maikling sagot nito na nagpakulo pa lalo sa dugo ni Marj.

Lizella smiled widely and looked at her. "See? Kaya umalis ka na. You're just
wasting your time here."

Hinatak nito si Marlon Aiken palayo sa kanya. Nakita niyang nilingon siya ng
binata, puno ng emosyon ang mukha nito na hindi niya kayang pangalanan. Tinaasan
niya ito ng kilay at inirapan.

He smiled sadly and mouthed 'I love you'.

Hindi niya alam kung tama ang pagkakabasa niya sa labi nito pero biglang bumilis
ang tibok ng puso niya.

"Shit!" She cursed and left the set.

Totoo ang sinabi niya kay Lizella. Humingi sa kanya ng pabor sina Owel at Craig na
i-supervise ang shooting ng Romance in Paris. Gusto ng mga ito na magbigay siya ng
impormasyon sa kung ano ang mga nagyayari sa shooting. Kung tama ba ang pag-arte ni
Lizella o hindi. Nuong una ayaw niya dahil ayaw niyang lumabas na bitter, pero
ngayon, tinatanggap na niya.

Tinganan lang natin kung sino ang mawalan ng career sa ating dalawa. Humanda ka
Lizella. Hindi kita uurungan.

"POSE!" Natatawang sigaw ni Ralph habang nakaumang ang camera nito sa kanya.

"Sure!" Aniya at inilagay ang kamay sa bewang niya at maarteng ikinimbot ang
balakang niya pakanan.

"Say, Ralph is amazing!"

Napatawa siya ng malakas sa sinabi nito. Isang linggo na mula ng palitan siya ni
Ralph bilang Director ng Romance in Paris at isang linggo na rin siyang nagsu-
supervise. Ilang beses siyang sinubukang kausapin ni Aiken pero hindi niya ito
hinayaan. Wala siyang balak makipag-usap dito. Hindi pa niya nakokompronta ang
binata at sa tingin niya, hindi na iyon mangyayari. Hindi niya kayang makausap ito.

Tapos na ang shooting ng Romance in Paris sa Paris, bukas ay babalik na sila sa


Pilipinas at doon ipagpapatuloy ang shooting. Napagdesisyunan nila ni Ralph na
mamasyal bago man lang sila umuwi sa Pilipinas. Kaya naman heto sila ngayon,
nagtatawanan habang kinukunan ng litrato ang isa't-isa sa labas ng modern pyramid
glass na entrance papunta sa Louvre Museum.

Napakaganda nang pagkakagawa sa Pyramid Glass. It was a sight to behold and she's
thankful that she can see such wonderful creation.

"This day was amazing." Aniya habang isa-isang tinitingnan ang mga larawan nila sa
Digital Camera nito.

Tumawa si Ralph. "I agree. This day was fun. Thanks for the date."

Tinaasan niya ito ng kilay. "What did you say?"

Umiling-iling ang binata. "I mean, thanks for the friendly date."

She rolled her eyes at him and bumped her shoulder against his. "Thanks for
accompanying me these past few days."

"Nah. It's no biggie. You're my friend." Kinuha nito ang Camera sa kanya. "I'm just
going to pee. Huwag kang gagalaw diyan. I'll be right back."

Natawa siya ng makitang nagmamadali itong tumakbo para maghanap ng restroom. She's
very thankful to Ralph's company. Dahil sa binata, kahit paano napapangiti siya at
nawawala sa isip niya ang sakit na nararamdaman.

"You really are heartless."

Mabilis siyang napalingon ng marinig ang pamilyar na baritonong boses na iyon. Her
eyes widen when she saw Aiken behind her.

"Anong ginagawa mo rito?" Gulat na tanung niya.

He didn't answer her; he just looked at her with dark expression on his face. "Why?
Iniiwasan mo ako, ayaw mo akong kausapin, you're acting like I don't exist in the
set; you're acting like you don't know me. And then I always saw you with that guy.
What's with you? Wala ba akong halaga sayo?"

Napatawa siya ng mapakla sa mga sinasabi ni Aiken. "Really? You're gonna asked me
that? You're playing the innocent card. Aiken, just stop it already. At saka hindi
mo naman kailangang itanung 'yon sa akin. It's easy really, it's self explanatory."
Inisang hakbang niya ang pagitan nilang dalawa at tinitigan sa mata ang binata.
"You're a jerk bastard, that's why."

"So I'm a bastard jerk? Ano naman ang tawag sayo? You lead me on!"

She huffed. "I lead you on? Can you even hear yourself? Ikaw itong sinungaling sa
akin at pinaasa ako."

"When I told you that I love you, it was true and it came from my heart! Hindi ako
sinungaling."

"Aiken, tama na. Itigil mo na ang panloloko mo sa akin. Tama na! Ayoko na! Hindi pa
ba sapat na sinira mo ang hawak kong teleserye, pinalitan mo ako bilang Director ng
Romance in Paris at pinaasa sa kasinungalingan mo? Kung hindi pa 'yon sapat, sige,
ano pa ang kailangan mong sirain? Ang career ko?! Ang buhay ko?! Tantanan mo na
ako. You already hurt me too much!"

Kung hindi pa tinuyo ni Aiken ang luha sa pinsgi niya, hindi niya mamamalayan na
umiiyak pala siya.

Tinabig niya ang kamay nito. "Hanggang kailan mo ba ako paiiyakin? Hanggang kailan
ba, Aiken? Hindi pa ba sapat ang pagpapaasa mo sa akin? Ang kasinungalingan mo?"

"I may have lied and pretended about lot of things, but I didn't lie or pretend
when I told you that I love you." Wika nito nito sa matigas na boses. "I didn't
mean for everything to happen. I was just doing it because I thought I'm doing the
right thing for you."

"'Yon ang hindi ko naiintindihan. Why? Ano ba ang para sa akin sa ginagawa mo? You
said you love me, pero hindi ko naman maramdaman 'yon, Aiken. I'm not the kind of
person who gives up easily, but I'm giving up on you. I give up liking you. I give
up loving you. I'm fed up with you blackmailing me; I'm fed up with you hurting me.
I give up, Aiken. It was a big mistake applying as a waitress in your bar, I wasn't
thinking straight. Iyon ang malaking pagkakamali ko. I quit being a waitress ,wala
na akong pakialam, you can tell the media everything. It will take time to forget
you, but I will. You don't deserve my love or my time."

Dahan-dahang lumuhod sa harapn niya si Aiken. "Please, I'm begging you, don't stop
loving me. I'm doing everything I can to deserve your love, to deserve you, I
didn't know that by doing those things, I'm hurting you." He looked down. "I'm
sorry. I thought, by giving everything Lizella wants, I'm protecting your secret.
Hindi ko naisip na sinasaktan na pala kita. I'm sorry. I'm really sorry." Nagtaas
ito ng tingin. His eyes were full of pain and regret. "Tama ka, I don't deserve
your love. I don't deserve anything from you. But I'm willing to do anything for
you to not give up on me and to deserve your love. I love you so much, Marjorie.
Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Hindi kita hahayaang kalimutan ako.
Ngayon pa na alam kong mahal mo rin ako."

Hinablot niya ang kamay na hawak nito. "Huwag kang lumuhod, hindi ako santa para
luhuran mo. If you love me like you claimed, then prove it. Hindi ako maniniwala sa
mga salita mo. Nasaktan na ako dahil diyan. Prove to me, Aiken. Prove to me that
you really love me."

"How?" His voice was somewhat desperate.

"It's for you to find out how." Aniya.

Nakita niyang nakatayo si Ralph hindi kalayuan sa kanila ni Aiken at nakatingin sa


kanila. Mabilis siyang tumakbo palapit dito. "Umuwi na tayo."

"Paano siya?" Anito sabay nguso kay Aiken na nakatayo na.

"Hayaan mo siya. Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya." Aniya at hinatak
ito papunta sa sakayan pabalik sa Hotel nila.

CHAPTER 13

NAKATINGIN si Marj sa labas nang bintana nang eroplano at nag-iisip kung anong
magandang gawin pagkabalik niya sa Pilipinas. Hindi na siya magta-trabaho bilang
waitress at babalik na siya sa dating buhay niya.
Nasa himpapawid siya pabalik sa Pilipinas. Katabi niya sa upuan si Ralph kaya naman
hindi siya nailang humilig sa balikat nito.

"Ralph, parang gusto kong magbakasyon pagkauwi natin. I want to go to a quite place
to think."

"Sure, basta kasama ako, why not?"

Nalaki ang mga mata niya ng marinig ang boses ni Aiken. Mabilis siyang nagtaas ng
tingin. "Nasaan si Ralph?"

Lumingon ito na para bang may tiningnan sa likod. "We exchanged chairs."

Umayos siya sa pagkakaupo. "Bumalik ka na sa upuan mo. Baka hanapin ka pa ni


Lizella, bigla pang mag transform 'yon at maging malaking sawa."

"Damn her." Mahina pero mariing sabi nito. "Dahil sa kagagawan niya kaya magulo
tayo."

"Walang tayo, Marlon Aiken." Pagtatama niya rito.

Aiken chuckled and pinched her nose. "May tayo. Simula ng sabihin kong mahal kita
at aminin mong mahal mo rin ako, may tayo na. Yes, it's not yet official, pero
papunta rin tayo roon."

Inirapan niya ito. "Puwede ba, Marlon Aiken. Tigil-tigilan mo ako. At masyado kang
bilib sa sarili mo. Nakakalimutan mo bang galit ako sayo?"

"Alam kong galit ka sa akin. That's why I'm here to explain everything." Anito.
"Damn Lizella! Dahil sa pagsunod ko sa lahat ng gusto niya, marami akong nasira, at
isa na doon ang tiwala mo."

Hindi siya nagsalita dahil wala siyang naiintindihan sa sinasabi nito.

"First, before I start explaining, can I ask a little favor from you? Call me
Aiken. Not Marlon Aiken."

"Ano ba sayo kung tawagin kitang Aiken o Marlon Aiken, ano ba ang pinagkaiba 'non.
Pareho mo namang pangalan 'yon."

"Dahil ipinangako ko sa sarili ko na tanging mga babaeng mahal ko ang tatawag sa


aking Aiken, at isa ka sa mga babaeng 'yon. My sister Aika, who died because of
that freaking sickness, called cancer, used to call me that. Hindi ko siya
nabanggit dati kasi kahit matagal na siyang namatay, sensitibo pa rin para sa akin
ang topic na 'yon. She's just ten when she died and it scared my heart. My mom
calls me Aiken too. Maliban kay mommy, si Aika lang ang babaeng minahal ko ng todo.
Kaya naman gusto kong tawagin mo rin ako ng ganoon. Call me, Aiken. Pakiramdam ko
kasi, kapag tinatawag mo akong Marlon Aiken, I'm just a nobody to you. Kaya
pinipilit kitang tawagin akong Aiken. Because every time you call me that, I feel
like I belong to you. I feel like somehow, I have a space there in your heart."

"Whatever." She rolled her eyes and acted like she doesn't care. Pero ang totoo,
na-touch siya sa sinabi nito. Hindi niya alam na may rason pala ang pamimilit nito
na tawagin niya itong Aiken. "Start explaining... Aiken."

He took a deep breath while looking at her with hopeful expression on her face. "I
hope, after this, you'll believe me. It all started when you saw Lizella kissed me
in my office."
Nag-init kaagad ang ulo niya at inatake ng selos ang puso niya. "Correction,
naghahalakan kayo."

"No, she kissed me. There's a difference." Sumandal ito sa likuran ng upuan. "She
asked me who you are. Alam kasi niyang hindi ko ugali na magpatawag ng empleyado sa
opisina ko. She was my girlfriend for a year kaya alam niya iyon. I told her you
were one of my employees. And that was my biggest mistake. Hindi ko alam na kilala
ka pala niya, I should have known better. Parehong mundo ang ginagalawan niyo ni
Lizella at sikat ka sa mundong 'yon-"

"Correction again, hindi kami pareho ng mundong ginagalawan. She's a porn star and
I'm a director. Iniinsulto mo ba ako?"

Hindi siya nito pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita. "-Then she started asking
questions about you. Who are you, why are you working in my bar and all that stuff.
I don't know why she's so interested about you." Aiken holds her hand and played
with it. "Remember that folder I gave you when you went to my house to get Ramm's
file?"

"Yes, I remember." Inagaw niya ang kamay na hawak nito.

"Walang laman iyon maliban sa isang pirasong bond paper na sinulatan ko para kay
Ramm."

"So, walang file?" Naguguluhang tanung niya. "Pero si Sir Ramm-"

"May File at inunahan ka ni Ramm na kunin iyon. Kaya naman ng makita kita sa labas
ng bahay ko, asking for Ramm's file, nagulat ako. Gusto kong pipitin ang leeg ni
Ramm dahil makalat ang bahay ko at the same time magpasalamat dahil sa kanya,
nasolo kita-"

"Okay. Nasolo, blah, blah, blah, we're getting off topic. Ano na 'yong kay
Lizella?"

He rolled his eyes. "'Yong file na kinuha mo sa bahay na ibinigay mo kay Yuan na
ibinigay naman ni Yuan kay Ramm ay ibinalik ni Ramm sa akin. Bago sa akin 'yon
ibalik ni Ramm, sinagot niya ang tinanung ko sa kanya sa puting papel. At ang file
na 'yon ay nabasa ni Lizella ng pumunta siya sa office ko para kulitin na naman ako
na magbalikan kami-"

"Wait! Ano ba ang tinanung mo kay Ramm?"

Natigilan ito at ilang minuto ring hindi nagsalita. "Tinanung ko siya kung paano
niya nalaman."

"Nalaman na?"

"Nalaman na may gusto ako sayo."

Bumilis ang tibok ng puso niya pero hindi niya iyon pinansin. Hindi ngayon ang
panahon para pairalin ang puso niya. "Paano naman napasok sa usapan si Lizella?"

"Nabasa ni Lizella ang nakasulat sa puting papel. She got so jealous. Hindi niya
matanggap na may babae akong mahal na iniisip niyang rason kung bakit ayokong
makipagbalikan sa kanya. Inamin niya sa akin na kilala ka niya at sinabi rin niya
sa akin na magpipyesta ang media kapag nalaman ng mga ito na ang sikat na Director
na si Marjorie Torres Ortinez ay nag-apply na waitress sa bar ko. Natakot ako para
sayo, I know how important your career to you, Marjorie. Kaya naman nakiusap ako na
ilihim niya iyon, syempre, may kapalit ang pananahimik niya."

She gritted her teeth. "Ang kapalit ba noon ay i-recommend mo siya para sa lead
female role ng Romance in Paris?"

"That and for me to stay by her side, always. It was a nightmare being with
Lizella. Sa tuwing niyayakap ko siya, ikaw ang laman ng isip ko. Sa tuwing
hinahalikan niya ako, ikaw ang iniisip kong kahalikan para hindi ko siya itulak
palayo. Sa tuwing naglalambing siya sa akin, pinagdarasal ko na sana ikaw 'yon.
Pero kailangan kong gawin ang mga 'yon kung gusto kong manatili siyang tahimik
tungkol sayo. Hindi ko hahayaan na sirain ka niya. Being a waitress may not ruin
your career as a Director, pero alam kong pag-uusapan ka ng media. Tatanungin ka
nila kung bakit mo ginawa iyon, alam kong gusto mong ilihim ang dahilan ng paga-
apply mo, kaya naman pumayag ako sa lahat ng gusto ni Lizella."

Nangigigil na ikinuyom niya ang kamay. Ang babaeng 'yon! Ginamit pa siya para mam-
blackmail ng tao! Hindi niya akalain na may mga ganoong tao pala sa mundo.

"Is that the reason why you tolerate her? Why you do whatever she asked you too?"

He nodded. "'Yon din ang rason kung bakit kinausap ko si Owel na palitan ka. I
don't want to, pero tatawagan na ni Lizella ang Media. I panicked. Alam kong
iisipin mo na ako ang nagpakalat 'non sa media and I don't want you to think that.
Kaya naman pinigilan ko si Lizella sa abot ng makakaya ko. She asked me to tell
Owel to replaced you and I did what she asked me too. It was a stupid idea, I know,
pero natakot ako na baka magalit ka sa akin. Na baka iyon ang maging dahilan kung
bakit hindi ka maniwala na mahal kita."

Hindi makapaniwalang umiling-iling siya. "Alam mo bang halos isumpa kita ng sabihin
sa akin ni Ralph ang balitang pinalitan na ako bilang Director ng Romance in Paris.
Ikaw ang una kong sinisi. All along, ang babaeng 'yon pala ang dahilan ng lahat!"

"It was partly my fault. Kung hinayaan kitang mag resign, eh di sana masaya ka
ngayon." Puno ng pagsisisi ang boses ni Aiken.

Tiningnan niya ang binata. Halata sa mukha nito na nagsisisi ito sa ginawa.

"Aiken, why did you blackmail me?"

He chuckled. "Selfish reason. Kaya nga hindi ko matanggap na nang dahil doon,
mapapahamak ka."

"Why did you blackmail me?" Ulit na tanong niya.

He reached for her face and caressed her cheek softly. "Kasi gusto kitang palaging
nakikita. It was a selfish reason, I know. Pero para sa lalaking gustong makasama
ang babaeng nagpatibok ng puso niya, hindi iyon selfish reason."

Nag-iwas siya ng tingin ng maramdamang namula ang pisngi niya. "Aiken, hindi na ako
galit sayo, but it doesn't mean-"

"Marjorie, alam mo bang ikaw ang kaisa-isang babae na nagpatibok ng puso ko? Nang
makita kita, para akong tumakbo ng isang libong metro sa sobrang bilis ng tibok ng
puso ko. Right there, I knew that you are the one for me."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang mas pamumula ng pisngi niya.
"Tumigil ka nga, Aiken."

He smiled. "Bakit naman ako titigil? Ang ganda mo kapag namumula ka."
"Sige, bulahin mo pa ako." Aniya na tinakpan ang pisngi.

He chuckled lightly. "Hindi kita binobola. The first time I saw you, you have no
make-up on, you're sweaty, you're wearing baggy clothes, you're cheeks were red
because of the heat of the sun. You look so beautiful that day and ever since,
palagi na kitang inaabangan lumabas sa TV. Kapag may mga movie ka na pina-plug,
inaabangan ko 'yon. I know I sound staker-ish, pero naniniwala kasi ako na kapag
may babaeng nagpatibok sa puso ko ng mabilis, hinding-hindi ko na siya pakakawalan.
At ikaw 'yon. So, whether you like it or not, you're stock with me and I'm not
letting you go, even if you pushed me away."

"Hindi lang naman ikaw ang mukha stalker. Ako rin." Namumula ang pisnging pagamin
niya. "Nang una kitang makita sa Bar, na hooked na ako sayo. Kaya naman
pinagtanung-tanung ko ang pangalan mo."

Hinawakan nito ang kamay niya at tinanggal iyon sa pagkakatakip sa mukha niya.

"There's nothing to be ashamed of. So what kung stalker ka, pareho naman tayo. I
stalked you, you stalked me. And that's freaking okay as long as we're both happy."

Sinalubong niya ang tingin ni Aiken. "Do you really love me, Aiken?"

"I wouldn't let Lizella control me to do her bidding so I could protect you if I
don't. I wouldn't blackmail so I could see you everyday if I don't. I wouldn't let
you call me Aiken if I don't. I wouldn't begged for you to never forget me if I
don't. I wouldn't be here, explaining everything and confessing my feelings If I
don't. And lastly, I wouldn't be sweating bullets here, praying to god that you
still love me, if I don't. I love you, Marjorie, look at me in the eyes and you'll
see how madly deeply in love I am with you."

Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin si Aiken. Sa lahat ng sinabi nito, isa
lang ang mahalaga sa kanya. His confession of love for her. Nang malaman niyang
pinalitan siya bilang Director ng Romance in Paris, nasakta siya, hindi dahil
pinalitan siya kung hindi dahil si Aiken mismo ang nakiusap kay Owel na palitan
siya dahil sa kagustuhan ni Lizella. Hindi totoo ang pagmamahal na sinabi nito sa
kanya. Pero pagkatapos ng mga narinig niya ngayon, naniniwala na siya na mahal siya
nito. Hindi na niya kailangang tingnan ito sa mga mata para maniwala sa pagmamahal
nito, sapat na ang ginawa nito para protektahan siya para patunayan sa kanya na
mahal nga siya nito.

Aiken hugged her back. "So... are we okay... or not?"

She pulled away and looked at Aiken. "We're okay, but I need time for myself.
Kailangan kung mag-isip."

Aiken nodded in understanding. "Sure. I'll give you time for yourself. Basta ba
hindi ka manlalaki, okay lang."

Napailing siya habang nakangiti. "Kahit naman saan ako magpunta, ikaw pa rin ang
laman ng puso ko. I just need to re-think everything."

"After re-thinking, babalik ka ba sakin?"

"I'm not sure. Bahala na."

He sighed. "Siguro mabuti narin 'to, aayusin ko rin ang gulong ginawa ko at itatama
ko ang lahat ng mali ko, para sa pagbalik mo, maayos na ang lahat. Wala ng Lizella
na manggugulo sa atin."
"Thank you." Aniya at humilig sa braso nito. "Thank you for protecting me in your
very twisted way."

He chuckled. "I love you, Marjorie."

"I love you too, Aiken." Walang pag-aalinlangan sagot niya bago siya pumikit ang
natulog.

CHAPTER 14

PAGLAPAG ng eroplanong sinasakyan, inayos ni Marj ang sarili. Sinuklay niya ang
mahabang buhok gamit ang kamay at inayos niya ang medyo nakusot na damit. Nilingon
niya si Aiken na kalmadong naka-upo at nakatingin sa kanya.

"What?" She asked, frowning.

He smiled sadly. "Nothing. Kung alam ko lang na magiging okay tayo kapag
ipinaliwanag ko ang lahat, e di sana hindi na ako nakinig sa mga kaartehan ni
Lizella."

She patted his shoulder. "Tapos na 'yon at hindi na maibabalik pa. Isipin mo nalang
kung paano ka makakawala sa kanya."

Marahan itong tumango at hinawahan ang kamay niya na nasa balikat pa nito. "I will.
Nalulungkot ako. Pagkalabas natin sa ereplanong 'to, hindi ko alam kong kailan kita
ulit makikita. Hindi ba puwedeng ipagpaliban mo muna yang pag-iisip mo at manatili
ka sa tabi ko?"

"Aiken, we already talk about this." She said while caressing his chin. "I need
time for myself."

He sighed heavily. "Fine. Basta babalik ka ha?"

She gave him a small smile. "Yeah, babalik ako."

"Good." Anito at nginitian siya. "I'll wait for you."

MAGKASAMA silang bumaba ng eroplano ni Aiken. Hindi nila pinansin ang isang pares
ng mata na nanlilisik at puno ng selos habang nakatingin sa kanila.

"Don't mind her. Tapos na ang paglalaro niya." Ani ni Aiken at pinagsiklop ang
kamay nila.

She bumped her shoulder against his. "I'm okay, Aiken. Huwag mo akong alalahanin.
Hindi ako magiging isang sikat na Director kung madali akong matakot."

"Paano kung sabihin niya iyon sa media?"

"Okay lang. Haharapin ko kung ano man ang itatanung nila sa akin. I have to face
the consequences of what I did. And I think I just over react, hindi naman siguro
masisira ang career ko bilang isang Director kung malalaman nilang nag-apply ako
bilang isang waitress para mapansin mo." Aniya sa matatag na boses. "Yes,
nakakahiya ang ginawa ko at mukhang desperado sa paningin ng iba, pero wala akong
pakialam sa iisipin nila. Ginawa ko 'yon para mapansin ako ng taong gusto ko at
hindi ko ikakahiya 'yon."
Puno ng paghanga ang mga mata ni Aiken habang nakatingin sa kanya. "Hindi nagkamali
ang puso ko sa pagpili ng babaeng mamahalin."

Pabiro niyang tinampal si Aiken sa braso. "Tigilan mo nga ako sa kakornihan mo."

"Sorry... " Napakamot ito sa batok. "Hindi ko naman sinasadya ang kakornihan ko.
Ganoon siguro talaga ang pag-ibig. Korni."

Inirapan niya ito. "Ewan ko sayo, Aiken."

Magkahawak kamay silang naglakad ni Aiken palabas ng Airport. Nagbibiruan sila at


nagtatawanan habang naglalakad. Wala silang pakialam sa paligid kaya ganoon na
lamang ang gulat niya ng biglang may maraming nag-flash na camera. Tinakpan niya
ang mata gamit ang braso.

"Shit!" Aiken tightly holds her hand.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakatakip ng braso sa mata niya. Her eyes
roamed around. Reporters everywhere. Flashing cameras. Reporters shouting different
questions at her. Questions that make her heart beat so fast. Questions that she
didn't want to answer.

"Director Ortinez! Is it true that you applied as a waitress in Bachelor's Bar?"

"Director Ortinez! Why did you apply as a waitress?"

"What's your reason, Director?"

"Is it true that you applied as a waitress because you're so desperate to get Mr.
Garcia's attention?"

"Director Ortinez, what can you say about you being a desperate woman?"

Nakatayo lang siya habang sabay-sabay na tinatanung siya ng mga reporter. Hindi
siya makagalaw sa kinatatayuan habang nakikinig sa mga binabatong katanungan at
akusasyon sa kanya. Naramdaman din niyang nanigas sa tabi niya si Aiken. Mukhang
kahit ito, nagulat sa mga nangyayari.

Marj heard taunting laugh behind them. Hindi na niya kailangang lingunin para
malaman kung sino iyon.

"Enjoy the attention, Marjorie." Bulong ni Lizella sa tenga niya. "Wala ng halaga
sa akin ang sekreto mo. Ako ang lead female role ng Romance in Paris at hindi ko
hahayaan na matanggal ako ng dahil lang sayo. At kabayaran mo rin ito sa pang-aagaw
mo kay Marlon. I'm sure kapag wala ka na sa indutriya at sira na ang pangalan mo,
babalik na sa akin si Marlon." Humalakhak ito at naglakad palabas ng airport habang
nakasunod ang ilang reporters dito.

Mahigpit siyang humawak sa kamay ni Aiken ng dumugin sila ng mga reporter at sabay-
sabay na nagtatanong. Nagpasalamat siya ng may makitang security at
pinapadestansiya sa kanila ang mga reporters.

Habang busy ang mga reporters sa pakikipagsiksikan at pakikipagtalo sa mga security


guard ng Airport, hinatak siya ni Aiken palayo sa maingay na mga reporters. Nang
makalabas sila sa gusali, mabilis na pumara ng taxi si Aiken.

"Get in." Sabi ni Aiken sa matigas na boses. "You have to get out of here."
Tiningnan niya ang binata na halata ang pag-aalala sa mukha. "Aiken, paano ka? At
isa pa, hindi ako tatakbo-"

"I know that you're a brave woman, Marjorie. Pero bago mo sila harapin, kailangan
mong magpahinga at mag-isip kung ano ang isasagot mo sa kanila. Now go." Nilingon
nito ang mga reporter na nagtatakbuhan palapit sa kanila.

"Okay." Akmang papasok na siya sa taxi ng may tumigil na Audi sa tabi ng taxi at
lumabas mula doon si Clover at Gilen.

"Marj, dito ka sumakay. Dali!" Sigaw ni Clover at binuksan ang backseat.

Tumakbo siya palapit sa sasakyan ni Clover at pumasok. Nagmamadaling pinaharurot ni


Clover ang sasakyan palayo sa airport. Nang lingunin niya ang pinanggalingan,
nakita niya si Aiken na dinudumog ng mga reporters. Hindi na niya makita ang binata
dahil napapalibutan na ito ng maraming reporters.

I'm sorry, Aiken. Hingi niya ng tawad sa binata na mag-isang humarap sa mga
reporters.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanung sa kanya ni Gilen.

Ibinalik niya ang atensiyon sa mga kaibigan na palaging nakasuporta sa kanya. "Okay
lang ako, don't worry."

"God!" Clover exclaimed while driving. "Hindi ako makapaniwala ng marinig ko ang
balita. How did they know? Tayong tatlo lang naman ang nakakaalam 'non, well, pati
rin si Marlon Aiken, pero sigurado akong hindi niya iyon ipagkakalat."

Napatingin siya kay Clover na puno ng kasiguraduhan ang boses. "Paano ka


nakasisiguro na hindi siya ang nagpakalat 'non?"

"Duh! Ikaw lang ang bulag sa ating tatlo. I know a love sick man when I see one.
I'm a matchmaker. Kaya alam ko ang bawat galaw ng mga lalaki." Sagot ni Clover sa
mataray na boses.

"Aiken told me that he loves me." Aniya habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

Tumili si Gilen. "My god! Ayeiii! I know he's in love with you!"

"Manahimik ka nga, Gilen." Saway ni Clover sa kaibigan. "Hayaan mo magmuni-muni si


Marj."

"Hmp! Bully." Mahina ang boses na sabi ni Gilen kay Clover.

Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Nakatingin lang siya sa labas ng


bintana habang nag-iisip ng magandang gawin.

"Siguro makabubuting hindi ka muna lumabas ng bahay. You can stay at my place.
Siguradong napapalibutan na ngayon ng paparazzi ang bahay mo." Narinig niyang sabi
ni Clover.

Nilingon niya ang kaibigan. "Kailangan kong sagutin ang mga tanung nila para
matapos na ito. I'm not afraid to face them."

"Don't. Let the news die down, saka ka magsalita. You need to think this through,
Marj."

Marahan siyang tumango bilang pagsang-ayon. "Yeah. I think I need to think this
through before I face them."

ISANG LINGGO na ang nakakaraan mula ng malaman ng media ang ang munting lihim niya.
Mula noon, hindi na rin niya nakita si Aiken. Sa bahay siya ni Clover tumira para
sa katahimikan niya. Ni minsan, hindi siya nagbukas ng TV para manuod ng balita.
Alam naman kasi niya na siya ang laman ng balita.

Nasa kalagitnaan siya ng pagme-meryenda ng umupo si Clover sa katabing upuan niya.

"Tama ba ang narinig kong balita? Magpapa-interview ka na?" Tanung sa kanya ni


Clover. "At sa 'Let's talk' pa talaga. Alam mo naman kung gaano kasikat ang talk
show na 'yon. Everyone is watching that show."

Tiningnan niya ang kaibigan. "Yes. Sa tingin ko sapat na ang isang linggo kong
pahinga. I need to face them and answer their questions. I want this issue to be
over. Ayoko nang maburo rito sa bahay mo ng isa pang araw. I want to go out. I want
to shop. I want to see Aiken."

Clover nod in understanding. "Okay. Susupurtahan ka namin ni Gilen sa kahit anong


desisyon mo. Always remember, nandito lang kami sa likod mo."

She hugged Clover with so much gratitude. "Thanks, Clover."

"No problem."

"Mom and Dad were here hour ago." Aniya.

"Anong sabi nila? Nagalit ba sayo?"

Marahan siyang umiling. "You know how understanding they are, Clover. Sabi ni
Daddy, wala naman daw masama sa ginawa ko at susupurtahan daw nila ako sa kahit
anong desisyon ko. Si mommy naman galit dahil pinag-alala ko raw sila at naiirita
na siya sa mga balitang naririnig at sa mga reporter na nasa labas ng bahay nila.
Kaya naman napagdesisyunan kong sagutin na ang isyu, ayokong lumala ang sakit ni
mommy nang dahil sa akin."

"Okay. Always remember, marami kaming nagmamahal sayo."

"Salamat, Clover. I'll always remember that."

MARJ exhaled loudly when she heard Rhian Aquino, the host of 'Let's talk', one of
the famous talk show in the country called her name. That's her cue to enter the
room full of people who are there to judge her or listen to her.

Pagkapasok palang niya sa studio ng Let's talk, agad na natahimik ang buong
paligid. Taas nuong naglakad siya papunta sa platform kung saan naroon si Rhian at
nakaupo sa sofa.

"Good afternoon, Director Ortinez." Bati nito sa kanya.

"Good afternoon. Please, call me Marjorie or Marj." Aniya at nakipagbeso-beso.

"Please sit." Anitong nakangiti. "Well, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Talaga
bang nag-apply ka bilang waitress sa Bar ni Marlon Aiken Garcia para mapansin ka
niya?"
"Oo, totoo 'yon." Aniya na walang takot na sumagot. "I applied on his bar to get
his attention. Hindi ko ikinakahiyang aminin 'yon sa harap ng mga tao."

"So is it true that you are desperate to get his attention?"

"You can say that. Desperado nga siguro ang ginawa ko sa mata ng ibang tao. Pero
para sa akin, ginawa ko 'yon para mapansin ako ng taong gusto ko. Period. Judge and
condemn me all you want, but I'm not ashamed to admit that I become a waitress to
get someone's attention, and anyway ano ba ang masama sa pagiging isang waitress?
Isang marangal 'yon na trabaho at saludo ako sa lahat ng waiter at waitress sa
mundo, kasi naranasan ko ang hirap at pagud na naranasan nila. Para sa akin, walang
mali sa ginawa ko. Wala naman akong naapektuhang ibang tao o nasaktan. Alam ko,
somewhere out there, ginawa na rin ng iba ang ginawa ko. Mas big deal nga lang ang
sa akin kasi kilala ako sa lipunan. Pero kong isa lang akong simpling mamamayan ng
bansa, sigurado akong walang makikialam o magaakusa sa akin ng kung ano-ano."

Tumango-tango si Rhian. "Tama ka. Wala namang mali sa pagiging isang waitress.
Hindi ko nga alam kung bakit ganoon na lamang ang pagbibigay atensiyon ng mga tao
sa isyung ito."

"Yeah. At sa lahat ng tao na sa tingin ay mali ang ginawa ko, isa lang ang masasabi
ko. Hindi niyo ako kilala para husgahan. You don't know what I'd been through while
waitressing in Bachelor's Bar. Hindi lang naman ang mapansin ni Aiken ang ginawa ko
roon. I worked hard like any waitress in Bachelor's bar, you can even asked then if
you think I'm lying. Nagkapaltos-paltos ang paa ko at napagod ako. Kaya wala kayong
karapatan na husgahan ako, kasi hindi niyo naman alam ang back-story ng isyu."

"Kaya nga narito tayo ngayon para alamin ang likod ng isyu." Tinitigan siya ni
Rhian sa mga mata. "Sino sa tingin mo ang nagpakalat sa media tungkol sa ginawa mo?
Kaibigan mo ba?"

Mahina siyang tumawa. "Ayokong pangalanan ang taong 'yon, baka kung ano na naman
ang issue kapag sinabi ko kung sino siya. I don't know that person very well and
we're far from being friends. Mga loyal ang kaibigan ko. Kahit kailan, hinding-
hindi nila ako ipapahamak.

"Marjorie, from a very reliable source, we learned that you stole Marlon Aiken
Garcia from the Lizella Llama. May katutuhanan ba ito?"

Iyon ang hindi niya inaasahang tanong. Siya? Inagaw niya si Aiken? That's just
absurd! Bago pa siya makasagot, may sumagot na para sa kanya.

"It's not true."

Napatayo siya mula sa kinauupuan ng marinig ang baritonong boses ni Aiken. "Anong
ginagawa mo rito?" Tanung niya sa binata.

"Hindi niya ako inagaw kay Lizella. We're not an item in the first place. Yes,
naging girlfriend ko siya pero matagal na kaming naghiwalay. Walang inagaw si
Marjorie. Wala siyang sinaktang tao at oo, nag-apply siya bilang waitress sa Bar ko
para mapansin ko pero wala namang masama roon. Kahit ako gagawin din ang ginawa
niya, naunahan nga lang niya ako. I would even apply as a janitor or anything just
to get her attention, gagawin ko 'yon. Para sa babaeng mahal ko."

She was teary eyed while listening to Aiken's words. Hindi niya akalaing
magsasalita ito para ipagtanggol siya.

Mabilis itong naglakad palapit sa kanya at pinahid ang luha niya. "Tinawagan ako ni
Owel para ibalita na magpapa-interview ka raw. Kaya naman mabilis akong pumunta
rito." Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. "Hindi ko hahayaang sagutin
mo ang katanungan nila ng mag-isa. I'm here for you."

She squeezed his hand. "Thank you."

"That and I want to see you. I freaking miss you! Alam mo ba ang pangungulila ko
sayo sa isang linggong hindi tayo nagkita? I miss you like crazy, Marjorie!"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang luha na gustong kumawala sa mga
mata niya pero hindi siya nagtagumpay na pigilan iyon. Isa-isang namalisbis ang
luha sa mga mata niya. Akala niya wala ng pakialam sa kanya si Aiken at iniwan na
siya nito dahil hindi ito gumawa ng paraan para makausap o makita siya sa loob ng
isang linggo. Masaya siya na hindi lang pala siya ang nangungulila, pati rin ito.

She pulled Aiken into a tight hug. "I miss you too."

Aiken pulled away from her hug. "Do you remember when you asked me to prove my love
to you? I told you I love you and you told me to prove it." He cupped her face. "Sa
isang linggong hindi kita nakita, inisip ko kung paano ko patutunayan sayo ang pag-
ibig ko. And there's only one thing that i think will prove how much you mean to me
and how much I love you."

Marj frown when Aiken took one step back and kneel on one knee in front of her.
"What are you doing?"

"Ninety-four." Anito na ikinakunot ng nuo niya.

"What ninety-four?"

"Ninety-four times kang nag-hi sa akin." He smiled shyly at her. "Yes, binilang ko
'yon. Ninety-four days kang dumaan sa labas ng Bar ko. Ninety-four days kong
palaging inaabangan ang pagdaan mo. Ninety-four days akong parang tanga na
hinihintay ang oras kung kailan ka dadaan at ninety-four days akong umasa na
titigil ka at kakausapin ako instead of just saying hi."

"It might sound cheesy, but I asked god a sign. I told him that if you say 'hi' to
me 143 times, I will talk to you and I'll do whatever it takes to make you mine.
Hindi umabot sa 143 and 'hi' mo nang kausapin kita, hindi ko kasi napigilan ang
sarili ko. When you stopped walking and just stared at me like I was the only man
in the world, my heart pumped like crazy. Nawala ako sa sarili at kinausap kita
kahit nga medyo na offend kita. Masaya na ako na nakapalitan kita ng salita. I'm
that crazily in love with you. Kaya naman ng makita kitang pumasok sa Bar at nag-
apply ka bilang isang waitress, I can't just turn down the opportunity to be with
you. Kaya naman kahit alam ko kung sino ka, tinanggap kita. I won't let that
opportunity slip. It's my chance."

Hindi si Marj makapaniwala sa lahat ng narinig niyang sinabi ni Aiken. Hindi niya
akalain na binibilang nito ang pagbati niya rito ng 'hi'. Hindi niya akalain na ang
lalaking gusto niya ay matagal na palang may gusto sa kanya.

"Aiken... I don't know what to say." Aniya sa mahinang boses. She was touched at
the same time stunned.

May kinuha ang binata sa bulsa nito. "Marjorie, ang dami kong ginawa na nasakta ka.
Kahit hindi ko sinasadya ang lahat ng 'yon, nasakta pa rin kita." He opens his
close palm showing her a very beautiful ring with a small opal stone. "This is the
only way to prove to you that I love you. Marjorie Torres Ortinez, would you accept
me if I apply for a position in your life as your husband?"
Mabilis siyang tumango habang patuloy paring umiiyak. "You're hired."

Maluwang ang ngiti na tinuyo ni Aiken ang mga luha niya. "I promised to do anything
and everything not to get fired."

Tumawa siya. "I won't fire you, I'm sure of it."

"Good, because I'll blackmail you again if I have to so I could stay by your side."

Aiken captured her lips and she eagerly kissed him back with all her heart.

She heard the people cheering in happiness for them. She even heard Rhian whistled.
Alam niyang mawawala rin ang isyung pinagkalat ni Lizella. And about that porn
star? She received a text from Gilen na tinaggal na raw ito sa pagiging lead role
ng Romance in Paris at ibinalik si Heriana, hindi naman daw kasi ito magaling
umarte.

And speaking of which, because of Gilen's brilliant idea, fiancée na niya ngayon
ang taong noon ay pinapangarap lang niyang maging boyfriend. Kailangan niyang
ilibre si Gilen sa eat all you can bilang pasasalamat sa brilliant idea nito.

(THE END)

I hope you enjoy reading Falling for Marlon Aiken - C.C.

**********************************
CONVERTED BY WATTPAD2ANY VERSION 1
----------------------------------

ALL RIGHTS RESERVED TO THE OWNER


OF WATTPAD.COM AND ALSO
ALL RIGHTS RESERVED TO THE AUTHOR
OF THIS BOOK

BY CONVERTING THE BOOK, YOU HAVE


ACCEPTED TO THE TOS OF WATTPAD
AND ALSO
WOULDN'T POST ANY OF THE CONTENTS
CONTAINED IN THIS FILE BY ANY MEANS
ELECTRONIC OR PRINTED, WITHOUT
THE CONSENT OF THE AUTHOR.

COPYRIGHT 2013
**********************************

You might also like