Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mga anyo ng Akademikong Pagsulat ayon kay Dr.

Mabilin
1. Malikhaing Pagsulat – Ang layunin ay aliwin, pukawin, antigin ang imahinasyon at
damdamin ng mga mambabasa. Maaari itong piksiyon na bunga ng malikot na imahinasyon o
kathang – isip lamang ng manunulat o di kaya naman ay hindi piksiyon na batay sa mga tunay
na pangyayari. Kinabibilangan ito ng mga makata, kuwentista, nobelista at iba pa. Ang mga
halimbawa nito ay maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, pelikula, teleserye,
komiks, musika at iba pa.
2. Teknikal na Pagsulat - layunin nito ay lumutas ng isang komplikadong suliranin, bumuo ng
pag-aaral o proyekto. Malawak ang kaisipang sakop ng ganitong anyo ng sulatin. Ang feasibility
study ay maituturing na isang halimbawa nito.
3. Propesyonal na Pagsulat – may kinalaman sa isang tiyak na propesyon o larangan ang
anyong ito ng pagsulat. Ang paggawa ng ganitong sulatin ay kadalasang batay sa propesyon o
bokasyon ng isang tao. Ang pagsulat ng police report, lesson plan, medical report at iba pa ay
ilan sa mga halimbawa nito.
4. Dyornalistik na Pagsulat – mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag ang anyo ng
ganitong sulatin. Bihasa sa pangangalap at pagsulat ng mga totoo, obhektibo at makabuluhang
mga balitang nagaganap sa kasalukuyan. Karaniwan itong isinusulat sa mga pahayagan,
magasin o kaya naman ay iniuulat sa radio, telebisyon o maging sa social media gamit ang live
streaming. Ang mga halimbawa nito ay balita, editorial, lathalain, artikulo at iba pa.
5. Reperensiyal na Pagsulat – layunin nito ay irekomenda sa iba ang mga sangguniang
maaaring pagkuhaan ng mga datos at impormasyon tungkol sa isang paksa. Karaniwan itong
nakikita sa huling bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanata ng isang
tesis o disertasyon na tumatalakay sa kaugnay na literatura o pag-aaral.

You might also like