Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Si Apollo at Daphne”

Isang araw nang nakauwi si Apollo sa Mount Olympus galing sa pagpaslang niya ng
Python sa Delphi, nakita niya ang batang si Eros – Ang Diyos ng Pag-ibig, na naglalaro
sa sarili niyang pana at pinagmamalaki ang kaniyang galing at kakayahan.
Pinagtawanan siya ni Apollo at sinabi, “Ang pana ay nararapat lamang sa mga Diyos na
may kakayahang pumatay ng mabangis na serpento, kagaya ko.”

Nainsulto si Eros sa sinabi ni Apollo at sa kaniyang galit ay kumuha siya ng dalawang


palaso, ang isa ay gawa sa bakal, ang isa naman ay gawa sa ginto. Pinana niya ng
gintong arrow kay Apollo – kung saan ay nagtataglay ng kakayahang mapa-ibig ang
tinamaan sa isang mortal o ‘di mortal. Pinana naman niya ang palaso na gawa sa bakal,
na nagmula pa sa kaniyang kapatid na si Anteros, kay Daphne, isang Naiad, na siya
ring diwata ng ilog at anak ng Diyos na si Peneus. Kapag tinamaan ka nito, ay
makakaramdam ka ng pagkamuhi o pagkasuklam sa taong nahahalina sa iyo.

Bunga nito’y labis na umibig si Apollo kay Daphne, habang si Daphne ay nagbigay-
linaw na ayaw niyang magpakasal at magkaanak, mas nais niya lamang manghuli at
gumala sa kagubatan. Subalit, nais ni Peneus na magkaroon ng apo kaya’t kinumbinsi
niya si Daphne na mag-asawa, ngunit ayaw pa rin magpatinag ng dalaga. Saad naman
ng kaniyang ama, “Daphne, anak, hindi pahihintulutan ng iyong magandang wangis ang
iyong kagustuhan.” Pagkatapos nito’y humiling si Daphne kay Artemis na pangalagaan
siya at ilayo sa mga nakakakilabot na mga lalaking umiibig sa kaniya.

Isang araw, ay nakita ni Apollo si Daphne sa kagubatan at sinundan niya ito. Hindi ito
ang unang beses na siya’y sinundan ng binata. Ilang beses na siya nitong
pinagtangkaang lapitan, subalit, tumatakas naman siya. Dahil ayaw niya pa rin sa
binate sa pagkakataong ito, tumakbo siya papalayo. Tumakbo din si Apollo at sinundan
ang diwata. Desperadong-desperado na si Apollo, kung kaya’t hiningi niya ang tulong
ng mga Diyos. Nang sobrang lapit na ni Apollo kay Daphne, ay malakas itong umiyak at
nagmakaawa sa kaniyang ama na ilibing siya ng buhay o ‘di kaya ay gawing puno.
Napahinto si Daphne sa pagtakbo ng ang kaniyang paa ay naging ugat ng puno, at ang
kaniyang buhok ay naging dahon, habang ang kaniyang katawan ay tuluyang naging
puno. Niyakap ni Apollo ang puno ni Daphne, at dahil hindi niya na ito maaaring maging
asawa, ay nangako na lamang siya na ang kaniyang punong laurel ay magiging
sagradong puno, at ang kaniyang dahoon ay magiging dekorasyon sa korona ng mga
pinuno. Ginawaran din ni Apollo ng kapangyarihang immortal ang puno, kung kaya’t
ang puno ng laurel ay nananatiling kulay berde. Simula nito, ang dahon ng laurel ay
hindi kailanman nabubulong.

You might also like