Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
San Ildefonso North District
SUMANDIG ELEMENTARY SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 6

Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao Week: 8 Date: Dec 1- 4, 2020


MELCs:
 Nakagagamit ng impormasyon (wasto / tamang impormasyon).
Layunin:
1. Natutukoy ang tamang hakbang sa paggamit ng impormasyog may kinalaman sa pangyayari na
makukuha sa radio, telebisyon, at social media.
2. Nasusuri ang mga impormasyong nakukuha o naririnig sa radio, telebisyon,o social media.
3. Nisasagawa ang tamnag paggamit ng impormasyong nakukuha sa radio, telebisyon, o social media.
4. Napahahalagahan ang tamang paggamit ng impormasyon na nabasa o narinig.
Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)
 Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang makabuluhang
araw.
 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo kasama ang miyembro
ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
 Sa pasimula ng aralin, hayaan munang magkuwento o maglahad ng ilang konseptong nalalaman mo
tungkol sa paggamit ng impormasyon.
 Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang sagutang papel na
kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
 Pasagutan sa bata ang paunang pagsusulit sa pahina 2-3.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto.

 Matapos nilang masagutan ang mga tanong ipabasa sa bata ang panimula ng aralin na makikita sa
pahina 4.
Tandaan: Maaari kang magtanong muli sa bata ng ilang katanungan batay sa kaniyang binasa.
BALIKAN
 Sa bahaging ito ng modyul, may pagsasanay na kailangang sagutan ng mag-aaral bilang
pagbabalik-aral sa kanyang kaalamang natutuhan na nakaraang aralin. Gabayan ang mga bata sa
pagsagot ng mga katanungan.
Tandaan: Bigyan ng pagkakataon na mag-isip ang bata at alalahanin niya ang araling kaniyang napag-
aralan o natalakay na.
TUKLASIN
 Isang kaalaman tungkol sa paggamit ng social media ang babasahin sa pahina 7-10.
Tandaan: Habang binabasa ang maikling kuwento ay maaari ka nang magtanong sa bata upang
masiguradong nauunawaan niya ang kanyang binabasa.
SURIIN
 Sa bahaging ito, kinakailangan mong maglaan ng sapat na oras sapagkat tatalakayin nito ang
nilalaman ng aralin. Basahin, pag-aralan at unawain ang mga mahahalagang impormasyon tungkol
sa paggamit ng social media na mababasa at sasagutan sa pahina 11-13 ng inyong modyul.
Tandaan: Tiyaking maayos na masusuri ang kaalaman sa paggamit ng social media na nasa araling
ito. Magkaroon ng maganda at kawili-wiling talakayan kasama ang iyong anak.
PAGYAMANIN
 Sa parteng ito masusukat mo kung lubos bang naunawaan ng bata ang konsepto ng aralin. Matroong
babasahing talata at may sasaguting mga tanong sa pahina 14.
Tandaan: Siguraduhing maayos na masasagot ng iyong anak ang inihandang pagsasanay.
ISAISIP
 Sa bahaging ito maibubuod ang konsepto ng aralin gamit ang inihandang gawain sa pahina 15.
Kinakailangang nilang sumulat ng limang hakbang sa tamang paggamit ng impormasyon.
Tandaan: Bigyang patnubay ang mag-aaral kung lahat ng aytem ay nasagutan.
ISAGAWA
 Sagutin ang gawain sa pahina 16. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Tandaan: Bigyang patnubay ang mag-aaral kung lahat ng aytem ay nasagutan.
TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng bata ang tamang konsepto ng aralin na nasa pahina
17.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahagi ng Pagtataya subalit napakahalaga
na ang sagot ay magmumula mismo sa sariling pag-iisip ng bata.
KARAGDAGANG GAWAIN
 Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa
kaalamang natamo niya. Makikita ito sa pahina 18 ng modyul at ang sagot ay isusulat sa sagutang
papel.

Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin,batiin mo ang iyong anak ng buong ngiti at may pagmamalaki.
Bigyan siya ng mga papuri upang lalo siyang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong tagapayo sa
itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

MARY ANN R. GUANSING JOSEPHINE M. BUSALPA


Guro III Pang Ulong Guro I
Petsa: ______________ Petsa: ___________________

You might also like