Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang pagkakaron ng kasanayan sa akademikong pagsulat ay napakahalaga upang

makapagpahayag ng mga konsepto, ideya, at pag-aaral sa isang pormal at lohikal na


pamamaraan. Upang ako ay magkaroon ng kasanayan para dito, maaaring taglayin
ko ang mga sumusunod na katangian:
1. Mataas na antas ng kaalaman at kagalingan sa wastong paggamit ng balarila
o gramatika – Ang akademikong pagsulat ay nangangailangang sumunod sa
mga naitatalang mga tuntunin sa paggamit ng wika at gramatika. Ito ay
kinikilala bilang isang mataas na uri ng pagsulat at ito ay nagbibigay ng mataas
na uri ng impormasyon, kaya nararapat lamang na ang indibidwal na
sumusulat nito ay may karampatang kasanayan sa paggamit ng perpektong
gramatika.
2. Marunong makinig ng tamang impormasyon – Mainam kung ang indibidwal
ay magaling sa pagsulat, subalit mas mainam kung siya ay mayroon ding
kakayahang makinig kung ano ang nais malaman ng mga mambabasa.
Makakabuti rin kung marunong siyang makinig kung ano ang mga tunay na
impormasyon tungkol sa kanyang sinusulat upang maiwasan ang mga
pagkakamali at ang malimit na pagbabago ng mga akda.
3. Ang magaling na akademikong manunulat ay tapat at maaasahan –
Kadalasan sa akademikong pagsulat ay nakakasalamuha ng mga manunulat
ang iba’t-ibang mga tao na siyang pinagkukunan niya ng impormasyon.
Madalas dito ay ang mga pag-uusap tungkol sa kung saan, papaano, at kailan
makukuha ang impormasyon. Nararapat lamang na marunong sumunod sa
usapan ang manunulat upang hindi masayang ang oras ng kanyang mga
pinagkukunan ng impormasyon at nang mayroon pang maganap na
pakikipagtulungan sa mga susunod pang gawain.
4. Iwasan ang plagyarismo – Maaaring maituring na isa sa mga pinakamalaking
kasalanan ng mga manunulat ang plagyarismo. Ito ay tinuturing na maling
gawain sa lahat ng aspeto at ito ay kinokonsiderang pagnanakaw sa ideya,
konsepto, at gawa ng iba. Kaya naman, pinakainiiwasan ng mga manunulat na
makagawa ng kamaliang ito. Ang magaling na akademikong manunulat ay
gagawin ang lahat upang ang kanyang akda ay orihinal, o hindi kaya ay may
tamang pagkikila o citation sa kung sinuman ang unang nakalikha ng
kaparehong akda o konsepto.
5. Maglaan ng sapat na panahon para sa pananaliksik – Ang isang akademikong
akda ay mahalagang pinagkukunan ng impormasyon. Naglalaman ito ng mga
sulat na may pruweba, lohikal, at madalas ay siyentipiko. Kaya naman
mahalaga na sapat ang pananaliksik na ginawa ng manunulat upang makabuo
ng tapat at wastong akda. Responsibilidad ng manunulat na siguraduhing ang
bawat akda na kangyang isinulat ay detalyado, wasto, at eksakto sa lahat ng
pagkakataon.

You might also like