Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Paano Mababago ng ALS ang Katayuan ko sa Buhay

Ang Alternative Learning System (ALS) ay naglalayong makapagbigay ng


panibagong pagkakataon para sa mga magaaral na nahinto sa pagaaral. Alam kong
mababago nito ang aking buhay dahil bibigyan ako nito ng pagkakataon na
magpatuloy ang aking edukasyon at maabot ang aking mga pangarap. Pangarap na
matuto, makapagaral sa kolehiyo, makapagtapos at magkaroon ng maayos na trabaho
na magiging dahilan upang matulungan ko ang aking pamilya. Alam ko rin na kapag
nakapagtapos ako ng pagaaral hindi lang ako ang matutulungan nito pati na rin ang
aking mga kapatid dahil nais ko silang tulungan makapagtapos din ng pag-aaral at
mabigyan sila ng maayos na buhay.

Mga Hamon ng ALS learner sa panahon ng pandemya

Noong nakaraang taon ng magsimula ang pandemya, madaming naapektuhan,


kabuhayan ng mga tao, nabago ang mga nakasanayan at lalong lalo na ang edukasyon
dahil upang mapanatiling ligtas ang mga estudyante sa virus nagsara ang mga school
at ang mga studyante at napilitang magaral na lamang sa kani-kanilang bahay.
Nagkaroon ng problema dahil hindi lahat ay mayroong gadget na magagamit upang
magpatuloy sa pag-aaral, karamihan ay huminto muna. Maging ang mga ALS learner
at lubhang naapektuhan ng pandemya dahil karamihan sa mga ALS learner ay may
mga trabaho at kulang ang kakayahan upang magkaroon ng gadget. Ngunit sa kabila
ng lahat nais ko pading ipagpatuloy ang pag-aaral ko bilang ALS learner dahil alam
kong malaking tulong ito sa akin.
PAMILYA ORDINARYO

Gaya ng ibang Indie Film, ang Pamilya Ordinaryo ni Eduardo Roy Jr. ay tumatalakay rin
sa palasak na paksang mauunawaan at maiuugnay sa totoong buhay ng nakararami. Mula sa salitang
ordinaryo o karaniwan, ang pelikula ay naglaman ng istorya na maaaring iugnay sa pangkaraniwang
buhay ng isang tipikal na pamilyang Pilipino. Ngunit gaano kaordinaryo ang pamilya Ordinaryo?

Si Aries Ordinaryo na ginampanan ni Ronwaldo Martin ay isang 17 taong gulang na


batang kalye na asawa naman ng 16 taong gulang na si Jane na ginampanan ni Hasmine Killip, na
bagaman baguhan sa pagsabak sa Indie Film, nasungkit ang prestihiyosong Best Actress Award.

Ang dalawang karakter sa pelikula ay naging batang magulang ni Baby Arjan.


Pinagsamang Aries at Jane ang pangalang ibinigay sa batang wala pang tatlumpung araw mula nang
isilang. Mga karaniwang batang lansangan na nagkalat sa kalakhang Maynila, kadalasang pinandidirihan,
kinatatakutan, minamaliit at nilalait. Mga batang kalyeng walang ibang alam gawin kundi ang tumakbo
nang tumakbo upang hindi makuha ng awtoridad at hindi mailagak sa DSWD. Nabubuhay sa mga ilegal
na gawain gaya ng pagnanakaw. Gumagamit ng mga ipinagbabawal gaya ng rugby upang maibsan ang
kalam ng sikmura. Tipikal na batang Quiapo sina Aries at Jane Ordinaryo.

Ang istorya ng pelikula ay umikot sa Quiapo bilang tagpuan, na isa sa pinakamatataong


lugar sa lungsod. Na kapag sinabing matao, iba’t ibang klase ng tao ang matatagpuan dito. Masama at
mabuti. Mga gumagawa ng masama ngunit may mabuting kalooban. At gumagawa ng mabuti ngunit
masama ang kalooban.

Nagsimula ang kwento sa isang karaniwang pangyayari sa Quiapo, isang batang naglalaro
sa kalsada ang na-Hit-and-Run. Si Jane, karga ang anak na wala pang tatlumpung araw ay naglakad
papalayo sa pangyayari nang makasalubong niya ang asawang si Aries at nakipagbati dito. Parang
ordinaryong magkasintahan na nag-aaway-bati lamang, ngunit ang kaibahan ay mayroon ng Baby Arjan
na kailangan nilang pakaisipin. Sa gilid lamang ng isang abandonadong building natutulog ang dalawa,
doon na rin nila ginagawa ang halos pang-araw-araw na pagsisiping upang mapunan ang tawag ng laman
ni Aries. Pasimple, upang hindi mapansin ng mga taong nagdaraan. Bastos, palamura, walang galang at
walang disiplina, ilan sa mga katangian nilang dalawa. Walang duda, nagampanan nila ang karakter ng
isang tipikal na batang kalye sa Quiapo, batang hamog sa kalsada, silang-sila ang karakter ng bawat
batang hindi naging bata dahil nabiktima ng kahirapan ng buhay.
Isa ring karakter sa pelikula si Ertha, isang baklang nagpapautang, nagpapaarkila ng
bisekleta at nag-alok kay Jane na bilhan si Baby Arjan ng diaper sa grocery at ilang mga pagkain para sa
kanila. Gawa ng pagkainosente, sumama si Jane kay Ertha sa pag-aakalang bukal sa loob nito ang
pagtulong. Kasalukuyan na silang namimili nang nag-alok si Ertha na siya na lamang ang kakarga kay
Baby Arjan upang makapamili nang maayos si Jane. Nang magbabayad na sila, sinabi ni Ertha na baka
kulangin daw ang perang dala niya at kinakailangan niyang mag-withdraw sa ATM. Lumabas na si Ertha,
dala si Baby Arjan.

Nang gabing iyon, hindi na nakita ni Jane si Ertha at si Baby Arjan. Ngunit nagpursigi pa
rin sila sa paghahanap dito. Nanghingi ng tulong sa kapitana, nanawagan sa radyo at patuloy na naghanap
sa kung saan mang lugar na hindi na nila alam. May nag-alok na gawan ng dokumentasyon ang
paghahanap nila kay Baby Arjan at ipalalabas ito sa telebisyon upang mas maraming makapanood at
makatulong sa kanila. Ngunit ginawang romantisado ni Abby Castaneda ang kwento nina Aries at Jane,
nagsimula sa kung paano ba nila napaibig ang isa’t isa. Sa huli, maraming negatibong komento ang
nakuha nilang dalawa mula sa tao, gayundin ay marami ang gustong manloko sa kanila na
nagkukunwaring alam nila kung saan makikita si Baby Arjan.

Niloko rin sila ng nagpakilalang nanay ni Ertha, si Helen, sinabi nitong kukumbinsihin
niya ang anak na ibalik si Baby Arjan ngunit kailangan niyang makauwi sa Romblon dahil nandoon ang
anak. Humihingi siya ng sampung libo kina Aries at Jane, na imposible naman nilang maibigay. Ngunit
nagnakaw pa rin si Aries para lang may makuhang pera, gayundin si Jane, inagawan niya ng bag ang
isang estudyante na wala naman pera kundi barya. Ang pinakahuling pag-asa nila ay nang may mag-text
sa kanila at ipaalam na isang Elsa Duque ang nakabili kay Baby Arjan. Kahit na malayo, pilit pa rin nila
itong pinuntahan. At dahil sa executive subdivision ito nakatira, hindi sila hinayaang makapasok ng
guard. Kaya patago na lamang na pumasok si Aries at kinuha ang bata sa malaking bahay na iyon, kahit
hindi siya sigurado kung si Baby Arjan ba talaga iyon. Nang mahawakan na ito ni Jane, alam niyang hindi
ito si Baby Arjan kaya ipinasauli niya ito kay Aries. Sa huli, umuwi silang wala pa ring Baby Arjan at
walang kasiguraduhan kung mahahanap pa ba talaga nila ito.

Ang paggawa ng pelikulang ito ay hindi naging madali para sa mga karakter. Hindi
lamang ito simpleng pelikula bagaman totoong nangyayari ang istorya nito. Magaling ang pagpili ng
karakter, gayundin ang tagpuan ay sadyang makatotohanan. Ramdam ang bawat eksena dahil sa
kagalingan ng mga aktor sa pelikula. Sadyang nakatulong ang malulutong na pagmumura sa mga bagay
na totoong kamura-mura.
Kung susuriin, ang istorya ng pelikula ay nangyayari sa totoong buhay. Nangyayari kahit
nasa anong estado ka pa. Posibleng mangyari kahit na kanino. Ngunit para sa isang ordinaryong pamilya,
na ang tanging bagay na mayroon sila ay buong pamilya, malaki ang epekto nito. Gaano kahirap ang
mawalan ng anak, lalo’t wala pa itong tatlumpung araw? Sapat na ba ang pagluwal sa sanggol, paano ang
pagpapalaki dito? Paano ba magpakaama? Paano magpakaina? Paano magpakamagulang para sa kina
Aries at Jane? Maraming reyalisasyon sa pelikula na mag-iiwan ng tanong. Bakit hindi nahanap si Baby
Arjan? Marahil, kung mahahanap ito, hindi na magiging makatotohanan ang kwento.
KABAYANIHAN

Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod


na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya, minsang kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.
Natatalastas mong sa iyong pananim
iba ang aani’t iba ang kakain;
datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil.
Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…
pinupuhunan mo at iniaalay,
kapagka ibig mong sa kaalipinan
ay makatubos ka ng aliping bayan.
Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,
sa turo mo’y naging mulat ang mulala,
tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.
Tikis na nga lamang na ang mga tao’y
mapagwalang-turing sa mga tulong mo;
ang kadalasan pang iganti sa iyo
ay ang pagkalimot, kung di paglililo.
Lope K. Santos

You might also like