Filipino 10 - Q2 - Modyul 1 - Talumpati Mula Sa Estados Unidos - FINAL VERSION

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

10

Ikalawang Markahan – Modyul 2.1:


Talumpati mula sa
Estados Unidos
(Panitikan ng mga Bansa sa Kanluran)

1
Filipino – Ikasampu na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Talumpati mula Estados Unidos

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


SDO - Science City of Muñoz
Dante G. Parungao, CESO VI
Zurex T. Bacay Ph.D.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lilibeth M. Feliciano at Kristine R. Pajarillo
Editor: John A. Ocampo, Ph.D., Irene R. Macabante, Enrique Valenton
Tagasuri: Gilda S. Panuyas, Bennedick T. Viola at Augusto A. Mateo
Tagaguhit: Romeo B. De Castro Jr.
Tagalapat: Romeo B. De Castro Jr.
Tagapamahala:
Larry B. Espiritu, PhD
Rodolfo A. Dizon PhD
Augusto A. Mateo
Mercedita D. Saldero
Norma R. Framo

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education – Region III


SDO – Science City of Muñoz
Curriculum Implementation Division-
Learning Resource Management Section (CID-LRMS)
Office Address : Bgy. Rizal, Science City of Munoz, 3119
E-mail Address : munozscience.city@deped.gov.ph

2
Alamin

Sa modyul na ito, pag-aaralan natin ang Pabula mula sa bansang Mongolia


na gagabayan ng mga sumusunod na MELC (Most Essential Learning Competencies):

● Naibabahagi ang sariling puna at opinyon sa binasang talumpati


na isa sa mga anyo ng sanaysay F10PB-IIi-j-71
● Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di-lantad ang kahulugan
sa kahulugan tulong ng word association F10PT-IIg-h-69
● Nasusuri ang napanood na pagbabalita batay sa: Paksa at Paraan
ng pagbabalita F10PD-IIg-h-68
● Naipaliliwanag ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak
ng pangungusap F10WG-IIg-h-64
● Nakasusulat ng talumpati tungkol sa isang kontrobersiyal na isyu
F10PU-IIg-h-71

Kumusta na kayo, ako si Thalia na makakasama niyong muli


sa paglalakbay kasama ko ang kaibigan kong si Sergio. Ngayong
ikalawang markahan ay samahan niyo kami na tuklasin ang ilang
panitikan ng mga bansa sa Kanluran.

Una nating pupuntahan ang bansang Estados Unidos, natitiyak kong


nasasabik na kayo ngunit bago natin simulan ang paglalakbay ay subukin
muna natin ang inyong kaalaman…

Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan, isulat ang titik ng tamang
kasagutan sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay isinulat upang bigkasin ng mambibigkas sa harap ng publiko sa paraang masining,


madaling masundan at maunawaan ng mga tagapakinig.
a. talumpati b. editoryal c. lathalain d. balita

2. Nasa gitna tayo ng krisis na sa ngayon ay mabuting maunawaan. Ang salitang


may salungguhit ay may kasingkahulugan na _______________.
a. digmaan b. sakuna c. hamon d. kahirap

3. ” Sinasabi ko sa inyo na ang mga hamon na kinakaharap natin ay totoo.” Tukuyin


ang ingklitik na ginamit sa pahayag.
a. ko b. inyo c. na d. natin

3
4. “Bagkus kung ito ay kumikilos ba!” Ang pahayag na ginamit ay halimbawa
ng pagpapalawak ng pangungusap na ____________.
a. Ingklitik b. Komplemento c. Pang-abay d. Atribusyon

5. Ito si Barack Obama ang kauna-unahang Afrikano-Amerikanong pangulo ng Amerika.


a. Atribusyon o modifikasyon
b. Pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari
c. Pariralang lokatibo o Panlunan
d. Ingklitik

Aralin
Talumpati mula sa Estados
Unidos
Magandang araw sa iyo! Binabati kita at matagumpay mong natapos na pag-aralan
ang mga Modyul sa unang markahan. Nawa’y magustuhan mo ang mga susunod na
aralin sa Modyul 2. Samahan mo akong maglakbay sa mundo ng panitikang kanluranin
upang pag-aralan ang isang talumpati mula sa Estados Unidos, Pamilyar ka ba sa
akdang pampanitikan na ito? Anong talumpati ang huli mong nabasa o narinig? Maari
mo bang ibahagi? Bago tayo magpatuloy sa bago nating aralin iyo munang isagawa ang
ilang gawain. Alam ko na kayang kaya mo. Halika! Sasamahan kita.

Balikan
Gawain 1: Character Profile
Panuto: Basahin at unawain ang talata na nagpapakilala kay Pangulong Barack Hussein
Obama. Pagkatapos ay punan ng impormasyon ang talahanayan sa kasunod
na bahagi.
Sino ba si Barack Hussein Obama II?
Isinilang si Obama sa Honolulu, Hawaii, siya ay African-American. Nagtapos siya mula
sa Pamantasan ng Columbia at sa Paaralan ng Batas ng Harvard, kung saan naglingkod
siya bilang pangulo ng Harvard Law Review. Nagtrabaho si Obama bilang tagapangasiwang
pampamayanan at naglingkod bilang isang manananggol na pangkarapatang sibil bago
magsilbi ng tatlong ulit sa Estado ng Illinois mula 1997 hanggang 2004.
Nagturo siya ng batas na makakonstitusyon sa Paaralan ng Batas ng Pamantasan
ng Chicago mula 1992 hanggang 2004. Kasunod ng isang hindi matagumpay na hangaring
makaupo sa Kabahayan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 2000, inihayag niya
ang kaniyang pangangampanya para sa Senado ng Estados Unidos noong Enero 2003.
Matapos ang paunang tagumpay (sa primarya) noong Marso 2004, nagbigay siya
ng talumpati sa Kumbensiyon o Pambansang Pagpupulong ng Partidong Demokratiko
noong Hulyo 2004.
Nahalal siya sa Senado noong Nobyembre 2004 na tumanggap ng 70 bahagdang
mga boto. Bilang kasapi ng mga Demokratikong minoridad sa ika-109 Kongreso ng Estados
Unidos, tumulong siya sa paglikha ng lehislasyon sa pagkontrol ng mga sandatang
kumbensiyonal o pangkaraniwan at sa pagtataguyod ng mas malawak na responsibilidad

4
ng lipunan sa paggamit ng mga pondong pederal. Nagsagawa rin siya ng mga opisyal
na paglalakbay sa Katimugang Europa, Gitnang Silangan, at Aprika.
Sa kapanahunan ng ika-110 Kongreso ng Estados Unidos, tumulong siya
sa paglikha ng batas hinggil sa pagla-lobby, mga katiwalian sa halalan, pagbabago ng klima
ng daigdig, terorismong nukleyar, at pangangalaga ng mga nakabalik nang mga tauhan
ng militar ng Estados Unidos. Ipinahayag ni Obama ang kaniyang pangangampanya
sa pagkapangulo ng Estados Unidos noong Pebrero 2007, at opisyal na nanomina bilang
kinatawan para maging pangulo, sa Pambansang Pagpupulong ng mga Demokratiko noong
2008, na kasama ang senador ng Delaware na si Joe Biden bilang tumatakbong kandidato
para sa pagkapangalawang pangulo ng Estados Unidos..
Character Profile
A. Pangalan : ___________________________________

B. Tirahan : ____________________________________

C. Kasarian : _________________________________

D. Hanapabuhay : _____________________________

E. Pagkamamamayan :_________________________

F. Naging tagumpay : __________________________

G. Kahanga-hangang katangian : _________________

Tuklasin
Dumako na tayo sa talumpati, ano ba ang isang talumpati? Tingnan nyo nga
sa diksyunaryo ang kahulugan? Magsaliksik ka rin sa mga aklat at internet. Mula sa
makakalap niyong mga kahulugan ay bumuo ng sariling pagpapakahulugan sa
talumpati, itala mo ito sa iyong kwaderno upang iyong magamit sa mga susunod pang
talakayan.
Upang lalo pang mapalawak ang inyong kaalaman, basahin at unawain natin ang
isang sipi ng Talumpati na isinalin nila Gng. Lilibeth M. Feliciano at Bb. Kristine R.
Pajarillo. Ano kayang aral ang ating mahihinuha sa akdang ito? Pagnilayan natin
kung makaaapekto ba ito sa iyong pang-araw-araw na buhay.

Sipi mula sa Talumpati ni Pangulong Barack Hussein Obama sa


kanyang Inagurasyon
(Kauna-unahang Afrikano-Amerikanong Pangulo ng Estados Unidos)
Salin nina Gng. Lilibeth M. Feliciano at Bb. Kristine R. Pajarillo

Sa aking mga Kababayan:


Nakatayo ako rito ngayon, mapagpakumbaba na maisasagawa ang mga tungkulin
na naiatang sa akin, nagpapasalamat sa ibinigay ninyong pagtitiwala at pagsasaalang-alang
sa mga sakripisyong ginawa ng ating mga ninuno para sa ating kalayaan.
Ang ika-44 na Amerikano ay nanumpa na sa pagkapangulo. Kasalukuyang sinasabi
ang mga kataga habang tumataas ang alon ng kaunlaran at nananatili ang tubig
ng kapayapaan. Gayon man, kadalasan, ang panunumpa ay isinagawa sa gitna ng pag-
iipon ng mga ulap at nagngangalit na bagyo. Sa mga sandaling ito, Ang America
ay nagpapatuloy hindi lamang dahil sa husay o paningin ng mga nasa mataas
na katungkulan,kundi dahil tayo, na mga mamamayan ay nanatiling tapat sa mga mithiin
ng ating mga ninuno at totoong natatag mula sa tunay na mga dokumento.
Nasa gitna tayo ng krisis na sa ngayon at mabuting maunawaan. Humina ng husto
ang ating ekonomiya, bunga ng kasakiman at kawalan ng pananagutan sa bahagi ng ilan.

5
May mga nawalan ng bahay at trabaho dahil pagsasara ng mga negosyo. Masyadong
magastos at mahal ang pangangalaga sa kalusugan, maraming bumagsaksa mga paaralan.
Ilan ito sa mga ipinapahiwatig ng krisis, na nakapailalim sa datos at istatistika.
Ngayon, sinasabi ko sa inyo na ang mga hamon na kinakaharap natin ay totoo.
Seryoso at marami. Hindi madaling matugunan sa isang maikling panahon, Ngunit aalamin
ng Amerika: upang ang mga ito ay makikilala.
Sa araw na ito, nagtitipon tayo sapagkat pinili natin ang pag-asa kaysa takot,
pagkakaisa ng layunin sa kabila ng hidwaan at hindi pagkakasundo. Sa araw na ito, narito
tayo upang ipahayag ang pagtatapos ng maliliit na hinaing at maling pangako.
Sa muling pagkumpirma ng kadakilaan ng ating bansa ay nauunawaan natin na
ang kadakilaan ay hindi kailanman naibigay. Ang ating paglalakbay ay hindi kailanman
madali. Hindi ito para sa mga mahihina, hindi rin para sa mga mas gusto ang paglilibang
kaysa sa magtrabaho, o hanapin lamang ang kasiyahan ng kayamanan at katanyagan.
Ito ay paglalakbay na ipinagpapatuloy natin ngayon. Simula ngayon, dapat ay matuto
tayong itaas ang ating mga sarili, mula sa alikabok at simulan muli natin ang paggawa
ng Amerika.
Saanman tayo tumingin, may mga gawain na kailangang tapusin. Ang estado ng ating
ekonomiya ay nananawagan para sa mabilisang aksyong . Kikilos tayo, hindi lang
sa paglikha ng bagong mga trabaho kundi upang maglatag ng isang bagong pundasyon
para sa paglago. Itatayo ang mga kalsada at tulay, mga electric grid at linya ng digital
na kumilala at nagbuklod sa komersyo. Ibabalik natin ang agham sa tamang lugar nito,
gumamit ng mga teknolohiya upang itaas ang kalidad sa pangangalaga ng kalusugan
at babaan ang gastos nito. Gagamitin ang araw, mga hangin at kalupaan upang malagyan
ng gasolina ang mga sasakyan at mapatakbo ang mga pabrika. Magkakaroon ng pagbabago
ang mga paaralan, kolehiyo at unibersidad upang matugunan ang mga hinihingi ng isang
bagong panahon. Ang lahat ng ito ay magagawa natin. Ang lahat ng ito ay gagawin natin.

Ang katanungan natin sa kasalukuyan ay hindi tungkol sa kung gaano kalaki o kaliit
ang ating pamahalaan. Bagkus kung ito ay kumikilos ba—makatutulong sa bawat pamilya
na makahanap ng disenteng trabaho at maayos na sahod, pangangalaga na abot-kaya
at isang marangal na pagreretiro. Kung ang ating sagot ay oo, gusto nating sumulong, Kung
ang ating sagot ay hindi, tatapusin na ang programa.
Ang kapangyarihan nito na makabuo ng yaman at mapalawak ang kalayaan ay walang
kapantay. Ngunit ang krisis na ito ay nagpapaalala sa atin na kung walang mapagmatyag
na mga mata, ang merkado ay maaaring hindi na mapipigilan. Ang bansa ay hindi uunlad
ng mahabang panahon kapag ang pinanigan lamang nito ay mga mayayaman.
Ang tagumpay ng ating ekonomiya ay laging nakasalalay hindi lamang sa laki ng kabuuan
ng ating lokal na produkto, kundi sa pag-abot ng ating kasaganahan, maging
sa pagpapalawak ng pagkakataon para sa bawat nagnanais- hindi ito dahil
sa pagkakawanggawa bagkos dahil ito ang tiyak na daan patungo sa ating kabutihan.
At sa gayon, sa lahat ng iba pang mga tao at pamahalaan na nanonood ngayon, mula
sa pinakadakilang kapitolyo hanggang sa maliit na nayon kung saan ipinanganak ang aking
ama, alam na ang Amerika ay kaibigan ng bawat bansa, at bawat lalaki, babae at bata
na naghahangad ng kapayapaan at karangalan sa hinaharap. At dahil dito ay handa kaming
mamunong muli.
Alalahanin natin ang mga naunang henerasyon ay naranasan ang pasismo (naglalayon
ito ng sapilitang panunupil sa nais tumaliwas sa layunin ng gobyerno. Walang boses
ang mga mamamayan sa ganitong uri ng pamahalaan) at komunismo na hindi lamang
sa mga misile at tangke, kundi sa malakas na mga alyansa at matibay na paniniwala.
Tayo ang tagapangalaga ng pamana na ito. Mula sa gabay ng mga prinsipyong ito
maaari nating mapagtagumapayan ang mga bagong banta na humihingi ng mas higit
na pagsisikap, maging sa lalong higit na kooperasyon at pag-unawa sa pagitan
ng mga bansa. Magsisimula tayong iwanan ang Iraq sa mga mamamayan nito at maging
huwad ang isang pinagsikapang kapayapaan sa Afghanistan. Sa mga dating kaibigan
at dating kalaban, magsusumikap kaming mabawasan ang banta ng nukleyar, at ibalik
ang pangitain ng isang nag- iinit na planeta.

6
Hindi kami humihingi ng kapatawaran para sa aming pamumuhay, o mag-aalinlangan
din sa pagtatanggol nito. At para sa mga naghahangad na isulong ang kanilang mga layunin
sa pamamagitan ng pag-uudyok ng takot at pagpatay sa mga inosente, sinabi namin
sa inyo ngayon na ang aming diwa ay mas malakas at hindi masisira - hindi mo kami
madadaig, at matatalo ka namin.
Para sa kaalaman, na ang aming pamanang pinagsama- sama ay isang lakas at hindi
isang kahinaan. Kami ay isang bansa ng mga Kristiyano at Muslim, Hudyo at Hind us,
at maging ng hindi mananampalataya. Kami ay hinuhubog ng bawat wika at kultura,
na hinugot mula sa bawat dulo ng Daigdig na ito; at dahil naranasan natin ang mapait
na kinahinatnan ng giyerang sibil hindi natin maiwasang maniwala na ang mga dating
pagkapoot ay lilipas din.
Sa mga kapatid nating Muslim, hahanap tayo ng bagong paraan na naaayon
sa pagkakapareho ng ating interes at paniniwala. Sa mga lider sa buong mundo
na naghahangad na magpunla/ magsimula ng di pagkakaunawaan o sinisisi sa suliranin
ng kanilang lipunan sa Kanluran, huhusgahan kayo ng inyong mamamayan sa kung ano
ang inyong nagawa, hindi sa kung ano ang inyong sinira.
Sa mga nangungunyapit sa kapangyarihan na ginagamit sa korapsyon, pandaraya
at pagsalungat na lihim, alam ninyo na kayo ay nasa maling kasaysayan, bukas-palad ko
kayong tatanggapin at tutulungan kung ibubukas ninyo ang inyong kamay sa pagbabago.
Sa mga mamamayan ng mahihirap na bansa, kami ay nangangako na gagawa kasama
ninyo upang ang inyong lupain ay umunlad, magkaroon kayo ng malinis na umaagos na
tubig, magkaroon ng masustansiyang pagkain ang katawan at mapakain ang nagugutom
na kaisipan. At sa mga bansang maraming kamag-anak na kagaya namin, hindi na natin
mararanasan ang ipagsawalang-bahala sa labas ng ating nasasakupan, maaari na nating
gamitin ang mapagkukunang yaman ng mundo na di nag-aalinlangan sa epekto nito. Para
sa pagbabago ng mundo, nararapat na tayo ang magbago nito.
Bilang pagsasaalang –alang sa bagong tungkulin/papel na nagbukas sa atin, marapat
nating pasalamatan ng taus sa puso ang matatapang na mga Amerikanong sundalo na
sa oras na ito ay nagpapatrol/nagbabantay sa malalayong disyerto at kabundukan.
Ikinararangal natin sila hindi lamang dahil sila’y tagapagtanggol ng ating kalayaan,
kundi kinatawan nila ang diwa ng paglilingkod at handang magsakripisyo ng higit
sa kanilang sarili.
Ang mga hamon na ating kakahaharapin ay maaaring bago. Ang pagsubok
na kahaharapin ay maari ring bago. Subalit ang kahalagahan ng tagumpay ay nakasalalay
sa katapatan, kasipagan, tapang at patas na paglaban – ang mga ito ay di na bago ngunit
totoo. Ito ang mga puwersa sa pag-unlad ng ating kasaysayan.
Pakatandaan natin ang araw na ito bilang pag-alaala sa kung sino tayo at kung
hanggang saan tayo maglalakbay. Sa taon ng pagsilang ng America, sa pinakamalamig
na buwan, ang maliit na grupo ng mga makabayan, nakayakap sa namamatay nang apoy
sa paligid ng nagyeyelong ilog. Ang kabisera ay inabandona. Ang pagsulong ng mga kalaban.
Ang niyebe ay napuno ng dugo, resulta ito ng ating pakikipaglaban..
“ Kaya dapat sabihin ito sa buong mundo, sa lalim ng taglamig na walang iba kundi
pag-asa at kabutihan ay maaaring mabuhay sa bayan at bansa, humanda sa isang
panganib, lumabas upang magtagpo.
Amerika: sa pagharap sa karaniwang panganib, sa taglamig ng ating paghihirap, ating
alalahanin ang mga mahalagang salita na ito. Na may pag-asa at kabutihan, maging
matapang muli sa pagharap sa pagsubok at magtiis sa kalalabasan nito. Hayaan mong
sabihin ito ng ating mga anak sa kanilang magiging anak na nang sinubok tayo ay hindi
tayo sumuko, hindi nag-alinlangan, nakamulat ang ating mga mata at laging nakatanaw
sa biyaya ng diyos, na ang mahalagang handog/regalo at kalayaan ay maihahatid ng ligtas
sa mga susunod pang henerasyon.
Maraming salamat. At pagpalain tayo ng Diyos at ang United State of America.

Hinalaw mula sa https://obamawhitehouse.archives.gov/blog/2009/01/21/president-


barack-obamas-inaugural-address

7
Gawain 2: Paglinang sa Talasalitaan
Panuto: Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang nasa loob ng diagram.
(Word Association) Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Halimbawa: Masipag

Haligi ng Lalaki Matatag


Tahanan

a. b.
Ekonomi Amerika
ya

Gawain 3: Pag-unawa sa Binasa


Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sa inyong
kwaderno.
1. Ano ang nais na makamit ni Pangulong Obama sa kaniyang pamumuno
sa America?
2. Ilarawan ang kalagayang panlipunan ng America batay sa mga sinabi
ni Pangulong Obama. Ayon sa kaniya, paano niya ito mapapabuti?
3. Batay sa nabasang talumpati, ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng sitwasyon ng Amerika sa mga suliraning kinakaharap ng mga Pilipino
dito sa ating bansa. Sagutin sa tulong ng venn diagram
Nagustuhan niyo ba ang inyong binasa? Ang nabasa ninyo ay isang sipi ng
Talumpati mula sa bansang Estados Unidos. Papaano kaya naiiba ang talumpati
ng Estados Unidos sa iba pang akdang tuluyan tulad ng talumpati sa Pilipinas?
Masasalamin ba ang kanilang kalagayang panlipunan batay sa mga
impormasyong inilahad? Kung nais ninyong malaman ay ipagpatuloy na natin ang
ating talakayan.

Suriin
Sa bahaging ito ng ating aralin ay susubukin ang inyong husay
sa pagbibigay ng kahulugan sa mga salita at ang inyong
pagkakaunawa sa binasa niyong talumpati. Halina at sama-
sama nating sagutin ang Gawain inihanda ng inyong guro.

Alam mo ba na … ang talumpati ay isang sanaysay na binibigkas, na tinatawag din


na tulang pambigkasan. Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang
mananalumpati sa harap ng publiko. Ang mga kaisipang ito ay maaaring magmula
sa pagbabasa, pakikipanayam, pagmamsid, pananaliksik at batay sa mga
karanasan. May paksang pinagtutuunan ng pansin at isinasaalang-alang din ang
tagapakinig o bumabasa, pook, pagdiriwang at iba pa. Maaaring isaulo ng
bumibigkas ang nilalaman ng talumpati na maaaring biglaan na kung tawagin sa
Ingles ay extemporaneous.

8
Ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Karaniwang
ang paksa ng mga sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan at mga bagay
na kapupulutan ng maraming impormasyon na makatutulong sa pagbuo
ng sariling pananaw.
Mga bahagi o balangkas ng Sanaysay
1. Panimula – inilalahad sa bahaging ito ang pangunahing kaisipan o pananaw
ng may-akda kung bakit ang tinatalakay na paksa ay mahalaga.

Halimbawa:
Nasa gitna tayo ng krisis na sa ngayon at mabuting maunawaan.
Humina ng husto ang ating ekonomiya, bunga ng kasakiman at
kawalan ng pananagutan sa bahagi ng ilan. May mga nawalan ng
bahay at trabaho dahil pagsasara ng mga negosyo. Masyadong
magastos at mahal ang pangangalaga sa kalusugan, maraming
bumagsaksa mga paaralan. Ilan ito sa mga ipinapahiwatig ng krisis, na
nakapailalim sa datos at istatistika.

2. Gitna o Katawan – sa bahaging ito ay inilalahad ang karagdagang kaisipan o


pananaw kaugnay sa paksang tinalakay upang suportahan ang inilahad
na pangunahing kaisipan.
Halimbawa:
Sa mga mamamayan ng mahihirap na bansa, kami ay nangangako
na gagawa kasama ninyo upang ang inyong lupain ay umunlad,
magkaroon kayo ng malinis na umaagos na tubig, magkaroon ng
masustansiyang pagkain ang katawan at mapakain ang nagugutom na
kaisipan. At sa mga bansang maraming kamag-anak na kagaya namin,
hindi na natin mararanasan ang ipagsawalang-bahala sa labas ng ating
nasasakupan, maaari na nating gamitin ang mapagkukunang yaman ng
mundo na di nag-aalinlangan sa epekto nito. Para sa pagbabago ng
mundo, nararapat na tayo ang magbago nito.

3. Wakas – tumatalakay ang bahaging ito sa kabuuan ng sanaysay. Nakapaloob


ang pangkalahatang pasya o palagay tungkol sa paksang inilahad na nakabatay
sa mga katibayan
Halimbawa:
Amerika: sa pagharap sa karaniwang panganib, sa taglamig ng ating
paghihirap, ating alalahanin ang mga mahalagang salita na ito. Na may
pag-asa at kabutihan, maging matapang muli sa pagharap sa pagsubok at
magtiis sa kalalabasan nito. Hayaan mong sabihin ito ng ating mga anak
sa kanilang magiging anak na nang sinubok tayo ay hindi tayo sumuko,
hindi nag-alinlangan, nakamulat ang ating mga mata at laging nakatanaw
sa biyaya ng diyos, na ang mahalagang handog/regalo at kalayaan ay
maihahatid ng ligtas sa mga susunod pang henerasyon.

9
Paano ang pagsulat ng mabisang talumpati?
Sa pagsulat ng talumpati ang unang dapat na isaalang-alang ay ang pagpili
ng paksa. Nakasalalay sa paksa at sa mananalumpati ang ikatatagumpay ng isang
pagtatalumpati.
Mga katangian ng paksa na dapat taglayin sa susulating talumpati.
1. Tumutugon sa layunin – naisasagawa ang pagtatalumpati gamit
ang mga sumusunod na layunin:
a. magturo e. pumuri
b. magpabatid f. pumuna
c. manghikayat g. bumatikos
d. manlibang

2. Napapanahon – ang paksa ng talumpati ay napapanahon kung may


kaugnayan sa ipinagdiriwang na okasyon o programa.

Pagyamanin

GAWAIN 4: Pagsusuri sa Pagkakabuo ng Talumpati


Panuto: Suriin ang pagkakabuo ng binasang talumpati sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga tanong na nasa kahon. Isulat ang sagot sa papel.

Mga Tanong Sagot

Panimula
1. Ano ang paksa ng binasang talumpati?
2. Ano ang layunin ng nagsasalita?

Katawan o Nilalaman
1. Ano ang punto ng nagsasalita?
2. Ano-ano ang ebidensiya o katunayang kaniyang
inilahad?
Pangwakas
1. Bigyang-pansin ang wakas na bahagi, ano
ang masasabi mo rito.

Alam mo ba na…
Ang Paksa/ Simuno at Panaguri ay ang mga bahagi ng isang
pangungusap. Napapalawak pa ang pangungusap sa mga maliliit na bahagi nito.
Sa tulong ng pagpapalawak ng paksa at panaguri, napagsasama at napag-uugnay
ang mga ito sa dalawa o higit pang pangungusap.

10
1. Paksa/Simuno - nagsasabi kung ano o sino ang pinag-uusapan
sa pangungusap.
Halimbawa:
Ang mga frontiners ay handing magbuwis ng buhay para
sa kaligtasan ng bayan.
2. Panaguri - Nagsasabi tungkol sa simuno o paksa.
Halimbawa:
Laging naghuhugas ng kamay si Martha.

Kaisahan at kasanayan sa Pagpapalawak ng Pangungusap


Ang pangungusap ay maaaring mapalawak sa pamamagitan ng pagpapalwak
sa panaguri sa tulong ng Ingklitik, Komplemento, Pang-abay at iba pa. Napapalawak
naman ang paksa sa tulong ng atribusyon o modipikasyon, pariralang lokatibo
o panlunan at pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari.

Panaguri - nagsasabi tungkol sa simuno o paksa.


1. Ingklitik- isinasama sa pangungusap upang mas malinaw ang mensaheng
nais na iparating.

Mga Halimbawa ng Ingklitik


man naman kaya kasi
yata sana tuloy nang
ba pa muna pala
na daw/raw din/rin lamang/lang

a. Si Barrack Obama pala ang ika- 44 na pangulo ng Amerika.

2. Komplemento/ Kaganapan – tawag sa pariralang pangngalan na nasa


panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng pandiwa.
Mayroong iba’t ibang uri ang komplemento o kaganapan.
Mga Halimbawa:
a. Sinang-ayunan ni Barrack Obama ang panawagan ng mga
kababayan. (Tagaganap)
b. Ipagpatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo
ng bayan. (Layon)
c. Nagbigay ng donasyon ang kanilang samahan para sa mga biktima
ng sunog. (Tagatanggap)
d. Nagtalumpati ang pangulo sa Pag-asa Gym. (Ganapan)
e. Iginuhit niya ang larawan ni Mona Lisa sa pamamagitan ng krayola.
(Kagamitan)
f. Namasyal sila sa Luneta buong maghapon. (Direksyunal)
g. Nagtagumpay siya sa buhay dahil sa kanyang kasipagan. (Sanhi)

3. Pang-abay – nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay


Halimbawa:
• Batayang Pangungusap: Nagtalumpati ang pangulo.

11
• Pagpapalawak: Magaling na nagtalumpati ang pangulo kahapon
at talagang humanga ang lahat.

Simuno o Paksa - nagsasabi kung ano o sino ang pinag-uusapan sa


pangungusap.

1. Atribusyon o Modipikasyon – naglalarawan sa paksa ng pangungusap.


Hal. Si Mayumi ang pinakamahusay at pinakamaganda sa klase.

2. Pariralang Lokatibo – ang paksa ng pangungusap ay naglpapahayag


ng lugar.
Hal. Inayos ang plasa sa Cebu.

3. Pariralang nagpapahayag ng Pagmamay-ari - gamit ang panghalip


ay nakapagpapahayag ng pagmamay-ari.
Hal. Pinakikinggan ko ang talumpati ng kapatid ko.

Gawain 5: Pangungusap ko, Suriin Mo!

Panuto: Suriin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang ginamit na paraan
sa pagpapalawak ng pangungusap na maaaring nasa panaguri o paksa. Isulat
ang inyong sagot sa sagutang papel.

Halimbawa: Kahit po may pandemya ngayon dapat lamang na maghanda ka.


Sagot: Ingklitik

_____ 1. Kinukuha ng mga basurero ang mga kalat at ito ay dinadala


sa tambakan ng basura.
_____ 2. Ipagpapatuloy ko ang adbokasiya ng aking ninuno.
_____ 3. Marami ang nawalan ng hanapbuhay ngayon dahil sa pandemya.
_____ 4. Sarado ang mga silid-aralan ngayon sa lahat ng paaralan.
_____ 5. Pinakinggan naman ni Pangulong Barrack Obama ang hinaing
ng kaniyang mamamayan.

Naunawaan niyo ba na walang kahirap-hirap


ang paliwanag? Makakatulong ang mga sumusunod
na Gawain upang lalo pang mahasa ang kaalaman niyo
sa gramatika. Halika, sabay nating gawin.

12
Isaisip
Napakahusay mo mahal kong mag-aaral! Sa bahaging ito ay iyong pagninilayan
ang mga mensahe ng mga paksang ating tinalakay. Mahalagang sagutin mo ito.

Gawain 6: Nalaman ko!


Panuto: Sagutin ang katanungan gamit ang grapikong representasyon. Kopyahin ito
sa iyong sagutang papel.

Paano
nakatutulong ang
kasanayan sa
pagpapalawak ng
pangungusap sa
pagsulat ng
talumpati?

Kumusta! Ngayon ay malapit na tayo sa huling bahagi ng


ating aralin. Huwag kang bibitiw, halika, sasamahan kita sa isa
pang Gawain na lalo pang makakatulong sa iyong pagkatuto sa
ating aralin.

Isagawa

Gawain 7: Magsulat Tayo!


Ang Kagawaran ng Araling Panlipunan ay magsasagawa ng Patimpalak sa Pagbigkas
ng Talumpati bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Nagkakaisang Bansa o United
Nations na may temang “Ang Gampanin ng mga Kabataan sa mga Isyung
Panlipunan.” Ikaw ang pinili ng iyong tagapayo na isali sapagkat mahusay ka sa
pagsulat at pagbigkas sa loob ng klase. Ang mabubuo mong talumpati ay
mamarkahan gamit ang pamantayan na nasa ibaba.

Mamarkahan ang inyong talumpati batay sa mga sumusunod na pamantayan:


a. Taglay ang maayos na paliwanag sa layunin- 15
b. Taglay ang maliwanag na paglalahad ng impormasyon- 15
c. Malinaw na paglalahad ng wakas- 10
d. Kaisahan at kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap 10
Kabuuang puntos………………………………………………………………………50

13
Tayahin

Pagsasanay 1: Kaalaman Mo’y Subukin!


Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan, isulat ang titik ng tamang kasagutan
sa iyong sagutang papel.
1. Uri ng sanaysay na binibigkas sa harap ng publiko sa paraang masining, madaling
masundan at maunawaan ng mga tagapakinig.
a. talumpati b. tula c. lathalain d. balita

2. Nasa gitna tayo ng pandemya na sa ngayon ay mabuting maunawaan. Ang salitang


may salungguhit ay may kasingkahulugan na _______________.
a. sakit b. sakuna c. hamon d. kahirap

3. Ang ika-44 na Amerikano ay nanunumpa na sa pagkapangulo.


a. ko b. inyo c. na d. natin

4. “Ang estado ng ating ekonomiya ay nananawagan na.” Ang pahayag na ginamit ay


halimbawa ng pagpapalawak ng pangungusap na ____________.
a. Ingklitik b. Komplemento c. Pang-abay d. Atribusyon

5. Pakinggan ninyo ang pagtatalumpati ni Pangulong Barack Obama.


a. Atribusyon o modifikasyon c. Pariralan lokatibo o Panlunan
b. Pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari d. Ingklitik

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga sa pag-aaral upang


matagumpay mong matapos ang ating aralin! Hindi pa natatapos ang
ating paglalakbay, ano na naman kayang bansa ang ating lalakbayin
sa susunod na linggo?

Tiyak na nasasabik na kayo sa mga susunod


pang mga aralin ngunit pahinga
muna…Hanggang sa susunod nating
paglalakbay!

14
Susi sa Pagwawasto
5. A
4. A
3. C
2. C
1. A
GAWAIN 5:

kasagutan
Maraming posibleng
GAWAIN 3 at 4:
sa paksa.
kaugnayan nito
batay sa
sumusunod
5. A mga
4. A markahan ang
3. C kasagutan,
2. A posibleng 5. A
1. A 1. Maraming 4. A
3. C
Pagsasanay 1
2. D
Gawain 1 at 2
posibleng kasagutan 1. A
Gawain 6: Maraming SURIIN Subukin

Sanggunian
Mga Aklat

Panitikan ng Daigdig Baitang 10, Unang Edisyon 2014, muling limbag 2016, 2017 ISBN 978-
621-402-034-8

Talumpati, Debate at Argumentasyon, (Villafuerte, 2002)

Internet

https://www.slideshare.net/cli4d/pagpapalawak-ng-pangungusap-67838040

https://obamawhitehouse.archives.gov/blog/2009/01/21/president-barack-obamas-inaugural-
address

https://www.coursehero.com/file/pjkug8/Mahusay-na-nagtalumpati-ang-pangulo- kahapon-
at-totoong-humanga-ang-lahat-3/

http://filipinotutorial.blogspot.com/2010/10/iv-kaganapan-ng-pandiwa.html

https://www.slideshare.net/carolenenicolas/pang-abay-26426663

15

You might also like