Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

10

Ikalawang Markahan – Modyul 7:


Maikling Kuwento mula sa Estados Unidos
(Panitikan sa mga Bansang Kanluranin)

1
Filipino – Ikasampu na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Maikling Kuwento mula sa Estados Unidos

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


SDO - Science City of Muñoz
Dante G. Parungao, CESO VI
Zurex T. Bacay Ph.D.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rea A. Cagawan
Editor: John A. Ocampo,PhD, Bennedick T. Viola, Elaine B. Vizon
Tagasuri: Gilda S. Panuyas at Augusto A. Mateo, Bennedick T. Viola
Tagaguhit: Romeo B. De Castro Jr.
Tagalapat: Romeo B. De Castro Jr.
Tagapamahala:
Larry B. Espiritu, PhD
Rodolfo A. Dizon, PhD
Augusto A. Mateo
Norma R. Framo

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education – Region III


SDO – Science City of Muñoz
Curriculum Implementation Division-
Learning Resource Management Section (CID-LRMS)
Office Address : Bgy. Rizal, Science City of Munoz, 3119
E-mail Address : munozscience.city@deped.gov.ph

2
Alamin
Sa modyul na ito, pag-aaralan natin ang Maikling Kwento mula sa Estados Unidos
na gagabayan ng mga sumusunod na MELC(Most Essential Learning Competencies):
 F10PB-IIe-76 Nabibigyang-reaksiyon ang pagiging makatotohanan /di
makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling kwento
 F10PT-IIe-73, Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa
kahulugan
 F10PN-IIe-73, Nasusuri sa dayalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda
 F10WG-IIc-d-68: Nagagamit ang pokus ng pandiwa; tagaganap at layon sa isinulat
na sariling kwento
 F10PU-IIe-75, Naisusulat ang sariling maikling kwento tungkol sa nangyayari sa
kasalukuyang may kaugnayan sa mga kaganapan sa binasang kwento.
Inaasahang pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
nakapagpapamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
mga bansa sa Kanluran.

Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong, isulat ang titik ng tamang kasagutan sa
iyong sagutang papel.
1. Ano ang dalawang mahahalagang yaman ni Jim at Della na nagawa nilang
isakripisyo para maibili ng aginaldo ang bawat isa.
a. Buhok at diyamanteng kwintas
b. Buhok at mamahaling suklay
c. Buhok at mamahaling relos
d. Gintong relos at diyamanteng kwintas
2. Tukuyin ang damdaming nais ipahiwatig ng pahayag na, “Ipinaputol ko at
ipinagbili, hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?”
a. pagtatampo b. pag-aalala c. pagkainis d. pagtataka
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katotohanan batay sa kwentong
Aginaldo ng mga Mago?
a. Napakahalaga ng regalo tuwing Pasko.
b. Handa mong isakripisyo ang lahat para sa taong minamahal mo.
c. Kailangan ng magarbong handaan tuwing Noche Buena.
d. Kailangang magbigay ng regalo ang bawat isa sa araw ng Pasko.
4. Ano sa mga sumusunod na dayalogo ang nagpapakita ng pagiging malikhain ng
may-akda ng kuwento?
a. “Malakas humaba ang buhok ko,Jim.”
b. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?”
c. “Huwag ka sanang magkakamali,tungkol sa akin Della.”
d. “Sa palagay ko’y walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil
sa buhok o sa pabango, o ano pa man.”
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa pokus na tagaganap?
a. Nagluto ng masarap na hapunan si Della.
b. Ikinalungkot ko ng lubos ang nangyari sa buhay ng mag-asawa.
c. Pinagtanghalan niya ang napakagandang entablado noong isang gabi.
d. Pinagmamalupitan ako ng aking ama sa sarili naming tahanan.

3
Aralin Maikling Kuwento mula sa Estados
Unidos

Magandang araw! Binabati kita at matagumpay kang nakarating sa


ikapitong aralin ng paglalakbay sa mundo ng mga bansa sa kanluran. Sa
araling ito ay maglalakbay tayo sa Estados Unidos. Tutuklasin natin ang isa
sa kanilang mga akda na tunay namang napapanahon lalo ngayon at malapit
na ang pasko. Handa ka na ba?

Binabati kita sa pagtuntong mo sa panibagong bahagi ng iyong


pag-aaral sa asignaturang Filipino. Ako naman si Serio, sasamahan ka
namin ni Thalia hanggang sa pagtatapos ng araling ito.
Handa ka na ba? Ngunit bago tayo magpatuloy ay balikan muna
natin ang iyong nalalaman tungkol sa dula na tinalakay natin sa
naunang modyul. Halika na!

Balikan
Gawain 1: #BALIKAN NATIN
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong sa ibaba, isulat ang titik ng tamang
kasagutan sa iyong sagutang papel.
1. Sa pangungusap na, “Hindi ko matanggap ang makiapid ang Mahal na Reyna sa aking
Tiyo Claudius.” Ang salitang-ugat sa nakasaalungguhit na salita ay _______________.
a. apid b. tanggap c. makiapid d. wala sa nabanggit
2. Ang mga sumusunod ay pangyayari sa dulang Hamlet na kung saan ay masasalamin
ang pagkakapareho ng kultura ng Denmark at Pilipinas, maliban sa __________________
a. Magarbong pagdiriwang ng kasal
b. Paniniwala sa mga kaluluwa at purgatory
c. Pagsunod sa mga pamahiin
d. Wala sa nabanggit
3. Ang sumusunod ay naglalahad ng katotohanan hinggil sa bansang Denmark na
masasalamin sa dulang Hamlet, maliban sa ____________ .
a. Hari ang namumuno sa bansang Denmark
b. Pagkakaroon ng pagdiriwang sa kasal ng hari at reyna
c. Nagkakaroon sila ng pag-aagawan ng mga kaharian
d. Tanging ang mga kawal lamang ang maaaring sumabak sa digmaan
Para sa bilang 4 – 5, suriin ang mga pangungusap sa bawat bilang at isulat sa patlang
ang A kung ito ay nasa pokus sa kagamitan at B naman kung ito ay nasa pokus sa
pinaglalaanan.
___4. Ihahanap niya ng hustisya ang nangyaring krimen.
___5. Ibinili ni Delia ng bag ang kanyang mahal na Ina

Mahusay! Tunay ngang may nakintal sa iyong isipan hinggil sa iyong pinag-
aralan noong nakaraang aralin na tungkol sa dula. Ngayon naman ay
tatalakayin natin ang isang maikling kwento mula sa Estados Unidos. Handa
ka na ba? Halina, alamin na natin ang mga pangyayaring naganap sa akda.
4
Tuklasin

Ngayon ay simulan na nating tuklasin ang makulay na mundo ng maikling kwento


mula sa Estados Unidos. Basahing mabuti ang akda at pagnilayan ang aral na iyong
matututuhan.

AGINALDO NG MGA MAGO


Maikling Kwento mula sa Estados Unidos-O. Henry
sariling salaysay ni REA A. CAGAWAN

Isang araw bago ang Pasko, malungkot na malungkot si Della at umiiyak. Paulit-
ulit niyang binibilang ang salaping naipon na nagkakahalaga lamang ng piso at
walumpu’t pitong sentimo. Naisip na walang mabibili ang halagang ito para sa regalo sa
kanyang asawang si Jim.
Tinapos niya ang kanyang pag-iyak, inayos ang sarili at nagnilay-nilay. Malungkot
mang isipin na ilang buwan siyang nag-ipon para pang-aginaldo sa kanyang
pinakamamahal na asawa subalit hindi pa rin ito naging sapat. Nais niya sana ngayong
pasko na mabigyan ang kanyang asawa ng katangi-tanging aginaldo.
Biglang nagningning ang kanyang mga mata sa kanyang naisip, humarap sa
salamin at inilugay ang kanyang buhok na maipagmamalaki niya nang labis. Maliksi niya
itong ipinusod habang may dalawang tulo ng luha na tumulo sa kanilang lumang karpet
sa sahig.
Nakaisip na siya ng kanyang gagawin. Makikita ang kinang sa kanyang mata
habang paalis ng kanilang tahanan.
Nasa tapat na si Della ng isang puwesto na may karatulang “Mme.Sofronie. Lahat
ng Uri ng Kagamitang Yari sa Buhok.” Tinanong ni Della kung sila ay bumibili ng buhok.
Pinaalis ng Madame ang kanyang sombrero at sinuri ang kanyang buhok. Ayon kay
Madame ito ay bibilhin niya sa halagang beinte pesos. Hindi na nagdalawang isip si Della
at winikang “bayaran ninyo ako agad.”
Nagmamadali siyang humanap ng panregalo sa kanyang asawang si Jim sa
maraming tindahan sa loob ng dalawang oras. Hanggang sa siya ay makakita ng isang
magandang kadena platino para sa relo ni Jim. Ito ang napili niya dahil may relo si Jim
na sadyang ang ganda subalit ito ay nasa kanyang bulsa lamang at palihim na tinitignan
dito ang oras kapag nasa trabaho dahil sa lumang katad na nakakabit dito.
Naghanda na si Della ng makakain habang siya ay nagtataka dahil alas siyete na
ng gabi ay wala pa ang kanyang asawa na hindi kailanman ginagabi ng pag-uwi. Habang
hawak niya ang kadena para sa relo ni Jim ay narinig niya ang mga yabag nito. Bumukas
ang pinto at pumasok si Jim subalit isinarang muli nito ang pinto. Mababakas sa mukha
nito ang walang kagalakan.
Hanggang sa ito ay pumasok muli sa pinto na walang katinag-tinag. Nakatitig ito
kay Della at ang damdamin nito ay hindi mahulaan.
Lumapit si Della kay Jim at sinabing “Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili
sapagkat hindi na ako makatatagal na hanggang sa isang pasko kung hindi kita
mabibigyan ng isang aginaldo, huwag ka sanang magalit.” Sinabi ni Della kay Jim na
hahaba rin namang muli ang kanyang buhok at ginawa niya itong ipaputol para siya ay
mabilhan ng isang magandang aginaldo para sa araw ng Pasko.
Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kanyang bulsa at ito ay kanyang inihagis sa
lamesa. Sinabi ni Jim “Huwag ka sanang magkakamali sa akin,Della. Sa palagay ko’y
walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o sa pabango, o
ano pa man. Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay mauunawaan mo kung bakit
ako nagkagayon noong bagong dating ako.”

5
Binuksan ito ni Della at ng makita ang laman nito ay isang tili ng galak at hagulgol
ang narinig. Ang laman ng balutan na dala ni Jim ay isang huwego ng mga suklay na
matagal ng gustong gusto ni Della.
Iniabot naman ni Della ang kadena para sa relo ni Jim na kanyang binili. Hinihingi
ni Della ang kanyang relo upang maikabit ang kadena dito subalit umupo na lamang sa
sala si Jim at ngumiti. Sinabi nito na “Della, itabi muna natin ang ating mga pang-
aginaldo at itago natin ng ilang araw. Sayang na gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang
relos ay ipinagbili ko para maibili ka ng suklay.”
At inutusan na ni Jim si Della na prituhin ang karne upang sila ay makakain na.

Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Marahil ay oo dahil


ang maikling kwentong ito ay tunay na kapupulutan ng aral at
kawili-wili.
Halina at ating ipagpatuloy ang ating aralin upang mas
mapalalim pa natin ang pagtalakay sa akda.

Sa bahaging ito ng ating aralin ay susubukin ang inyong


husay sa pagkakaunawa sa binasang maikling kwento. Halina at
sama-sama nating sagutin ang mga inihandang gawain upang lubos
nating maunawaan ang binasang akda.

Gawain 2: UNAWAIN NATIN!


Upang mas lalo mong mapaglalim ang pag-unawa sa akda ay halina at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Paano ipinamalas ng mag-asawa ang masidhi nilang pagmamahalan?

2. Bakit pinamagatang Aginaldo ng mga Mago ang akda?

3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng mag-asawa, gagawin mo rin ba ang kanilang
ginawa? Oo o Hindi, Ipaliwanag ang iyong sagot.

4. Anong bagay na pinakamahalaga sa iyo ang handa mong isakripisyo para sa


kaligayahan ng taong pinakamamahal mo?

5. S iyong palagay, bakit sinasabing “Mas mabuting magbigay kaysa tumanggap.”


Pangatwiranan ang iyong sagot.

Magaling! Natapos mo na namang sagutan ang isang gawain.


Makatutulong ang mga impormasyon na iyong natutuhan sa ating
pagsusuri sa susunod nating paksa.

6
Gawain 3: ATING ALAMIN!

Panuto:Sa bahaging ito ay nais kong bigyang pansin mo ang ilang


dayalogo sa akda na sa iyong palagay ay nagpapakita ng masining na
pagpapahayag. Itala mo ang mga dayalogong ito. Pagkatapos ay suriin
mo kung nakatulong kaya ito upang mas maging masining ang akda?
Ano sa iyong palagay? Patunayan mo nga ang iyong sagot. Isulat mo ito
sa iyong kwaderno.

Suriin
GAWAIN 4: TRUTH OR BLUFF?
Panuto: Suriin ang mga pahayag at sitwasyon sa ibaba. Magbigay ka ng reaksyon kung
ang pahayag na iyong binasa ay makatotohanan o hindi. Ipaliwanag at magbigay ng mga
patunay upang masuportahan ang iyong napiling sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Kinabukasan noon ay araw ng Pasko at ang pera niya’y wala kundi piso at
walumpu’t pitong sentimos lamang para ipambili ng regalo kay Jim. Kung ilang
buwan siyang nagtabi ng pera at ito lamang ang kanyang natipon.

2. Ang balutan ay pinunit ng mapuputi at magagandang daliri. At isang malakas na


tili ng galak at pagkatapos ay- isang hagulgol na sinabayan ng pagdaloy ng
masaganang luha.

3. Bumukas ang pinto at pumasok si Jim at pagkatapos ay isinara ulit iyon. Parang
nangayayat siya at ang mukha niya’y walang bakas ng kagalakan. Kawawa naman!
Dadalawampu’t dalawang taon lamang siya at nag-iintindi na dahil sa kaniyang
pamilya!

Natapos mo na ba ang mga gawain? Saang bahagi ka nahirapan? Kung


ikaw ay may katanungan ay huwag mahihiyang tanungin ang inyong
magulang o kaya ay ang inyong guro. Halina at ating ipagpatuloy ang
ating pagtalakay sa akda.

Gawain 5: IUGNAY MO!


Panuto: Mula sa mga salita na nasa loob ng kahon sa ibaba, itala ang mga salitang
magkakaugnay o magkakatulad ng kahulugan. Isulat sa sagutang papel.

malakas na pag-iyak halukayin simbuyo

humarurot hagulgol napaupo

halungkatin humahagibis silakbo

7
1._______________________-_______________________
2._______________________-_______________________
3._______________________-_______________________
4._______________________-_______________________

Alam mo ba na …
ang maikling kwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang
maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa tauhan o
ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari? Taglay nito ang pagkakaroon ng
a. iisang kakintalan, b. may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning
kailangang bigyan ng solusyon, c. tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay, d.
may mahalagang tagpuan, e. may kawilihan hanggang sa kasukdulan na agad na
susundan ng wakas.
Ang Aginaldo ng mga Mago ay kaugnay ng salaysay sa Bibliya hinggil sa tatlong
haring mago na matatagpuan sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 2:1-12). Ang mga Mago ang
nag-alay ng kanilang handog sa batang si Hesus noong ito ay natagpuan nila sa sabsaban
sa Jerusalem. Sinasabing sila ang nagpasimula sa pagbibigayan ng mga regalo.

Wika at Gramatika

Pokus sa Tagaganap- sumasagot ito sa tanong na sino?Ang paksa ay ang


tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap. Gumagamit sa pokus
na tagaganap ng mga panlaping mag-,um-,mang-,ma-,maka-,makapag-,maki-
,magpa-.
Halimbawa:
1. Nagluto ng masarap na hapunan si Della para sa kanyang asawa.
2. Magbebenta ng relos si Jim mamayang hapon.

Pokus sa Layon-Sumasagot ito sa tanong na ano? Ang paksa ay ang layon ng


pangungusap. Ginagamit sa pokus na ito ang mga panlaping in-,i-,ipa-,ma-an-.

Halimbawa:
1. Niluto ni Della ang masarap na hapunan para sa kanyang asawa.
2. Ang relo ay ibebenta ni Jim mamayang hapon.

Pagyamanin

Magaling! Sa aking palagay ay naisasagawa mo ang mga gawaing


nakatakda para sa araling ito. Halina at ipagpatuloy natin ang
pagsasagawa ng mga gawain hinggil sa Wika at Gramatika para sa mas
lalong paglawak ng iyong pag-unawa at kaalaman hinggil dito. Handa ka
na ba? Halina at sabay tayong matuto!

8
Gawain 6. SAGUTIN NATIN!
Panuto: Suriin ang mga pangungusap sa bawat bilang at isulat sa patlang ang A kung ito
ay nasa pokus sa tagaganap at B naman kung ito ay nasa pokus sa layon. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

______1. Ang isang huwego ng mga suklay ay binili ni Jim.


______2. Paulit-ulit na binilang ni Della ang salaping naipon niya.
______3. Nagmadaling humanap ng panregalo si Della para kay Jim.
______4. Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kanyang bulsa.
______5. Humagulgol si Della dahil sa regalong bigay ng kanyang asawa.

Gawain 7. BUMUO KA!


Panuto: Bumuo ng tig-limang halimbawa ng pangungusap na nasa pokus ng pandiwa na
tagaganap at layon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Binabati kita sa iyong masigasig na pagsagot sa mga gawain.


Batid ko na nagamit mo ang iyong mga natutuhang impormasyon
sa pagsasagawa ng mga gawain.

Isaisip
GAWAIN 8: #Nalaman Ko!
Panuto: Lagyan ng puso ang patlang kung ang sumusunod na pahayag ay naunawaan at
naikintal sa iyong isipan pagkatapos mong basahin, masuri at maunawaan ang maikling
kwento. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_________1. Kung mahal mo ang isang tao ay handa mong isakripisyo ang lahat para sa
kanya.
________ 2. Ang pagmamahal ay hindi masusukat sa material na bagay lamang.
________ 3. Ang pagiging makatotohanan at di-makatotohanan ng mga pangyayari sa akda
ay may epekto sa kwento.
________4. Mahalaga ang dayalogo upang mas maging masining ang pagpapahayag.
________5. Ang pag-unawa sa pokus ng pandiwa ay maaaring magamit sa ating pang-
araw-araw na pamumuhay.

9
Natapos mo ba nang maayos ang
mga gawain? Naintindihan mo ba ang
Handa ka na bang
mga aralin?
magpatuloy? Kung
Kung oo ang iyong sagot ay
gayon ay lumipat ka
napakahusay mo, kapag hindi naman
na sa susunod na
ay maari kang humingi ng tulong sa
gawain!
iyong magulang, kasama sa bahay o sa
iyong guro. Huwag kang mag-alala,
hindi ka namin pababayaan.

Isagawa

Gawain 9: KAYA KONG SUMULAT!

Panuto: Napili ka ng inyong Barangay upang maging isa sa kalahok sa pagbuo ng isang
maikling kwento tungkol sa mga pangyayari sa kasalukuyang panahon. Ang paksa ng
inyong maikling kwento na paglalabanan ay tungkol sa mga pangyayaring naganap
ngayong may pandemya ng COVID-19 sa ating bansa. Sa iyong gagawing maikling
kwento ay maaari mo itong gamitan ng pokus ng pandiwa na tinalakay sa modyul na ito.
Tatayain ito gamit ang sumusunod na pamantayan. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Pamantayan sa Pagsulat ng Salaysay:

Kahusayan ng Pagkakabuo ----------------------------------------------- 10 %


Paggamit ng pokus ng pandiwa--------------------------------------------- 5%
Kaugnayan ng binuong kwento sa
mga pangyayari sa kasalukuyang panahon--------------------------------- 5 %
Kabuuan ------------------------------------------------------------ 20 %

Tayahin
GAWAIN 9: Kilalanin Mo!
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano sa mga sumusunod na dayalogo ang nagpapakita ng pagiging malikhain ng


may-akda ng kwento?
a. “Malakas humaba ang buhok ko,Jim.”
b. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?”
c. “Huwag ka sanang magkakamali,tungkol sa akin Della.”
d. “Sa palagay ko’y walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil
sa buhok o sa pabango, o ano pa man.”

10
2. Ano ang dalawang mahahalagang yaman ni Jim at Della na nagawa nilang
isakripisyo para maibili ng aginaldo ang bawat isa.
a. Diyamanteng kwintas at buhok
b. Buhok at mamahaling suklay
c. Buhok at mamahaling relos
d. Mamahaling kwintas at gintong relos

3. Anong damdamin ang nais ipahiwatig ng pahayag na,”Ipinaputol ko at ipinagbili,”


wika ni Della.”Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?”
a. pagtatampo b. pag-aalala c. pagkainis d. pagtataka

4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa pokus na tagaganap?


a. Nagluto ng masarap na hapunan si Della.
b. Ikinalungkot ko ng lubos ang nangyari sa buhay ng mag-asawa.
c. Pinagtanghalan niya ang napakagandang entablado noong isang gabi.
d. Pinagmamalupitan ako ng aking ama sa sarili naming tahanan.

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katotohanan batay sa kwentong


Aginaldo ng mga Mago?
a. Napakahalaga ng regalo tuwing Pasko.
b. Handa mong isakripisyo ang lahat para sa taong minamahal mo.
c. Kailangan ng magarbong handaan tuwing Noche Buena.
d. Kailangang magbigay ng regalo ang bawat isa sa araw ng Pasko.

Binabati kita dahil masigasig mong natapos ang araling ito.


Batid kong nakapapagod ngunit napakagandang pagkakataon
namang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa Maikling
Kwento ng Estados Unidos. Masaya akong nakasama kita sa
paglalakbay. Hanggang sa muli kaibigan!

11
Susi sa Pagwawasto

5. A A 5.
4. B B 4.
3. A C 3.
2. B A 2.
1. B D 1. B 5.
A 4.
Gawain 6
Tayahin D 3.
C 2.
4. Simbuyo-silakbo A 1.
halukayin
Balikan
3. Halungkatin-
humahagibis 5. A
2. Humarurot- 4. D
na pag-iyak 3. B
1. Hagulgol-malaks 2. B
1. C
Gawain 5 Subukin

Sanggunian

Mga Aklat

Ambat, V. Cariño, E. et.al. (2015). Panitikang Pandaigdig. Modyul para sa mga mag-
aaral.Vibal Group Incorporation. Pasig City.

Internet

Diego, Janette, Filipino VI, Pokus ng Pandiwa,


https://www.slideshare.net/alyssa_kentdiego/pokus-ng-pandiwa-45168632, September
26,2020

12
Para sa mga katanungan, puna, o suhestyon maaring sumulat o
tumawag sa:

Department of Education – Region III


SDO – Science City of Muñoz
Curriculum Implementation Division-
Learning Resource Management Section (CID-LRMS)
Bgy. Rizal, Science City of Munoz, 3119
Telephone No.: (044) 806 - 2192
E-mail Address: munozscience.city@deped.gov.ph

13

You might also like