Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MODERNONG TEKNOLOHIYA O KALIKASANG PAWALA NA

Lakandiwa: Jeah

Kalikasan: Nicole Bautista

Modernong Teknolohiya: Keith Malolos

LAKANDIWA:

Magandang araw po sa mga panauhin

Jeah Recaforte ang pangalang magbibilin

Ang lakandiwa na may gustong sambitin

Na ang lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan din.

Kasabay ng paglipas ng panahon ay ang mabilis na pagbabago

Modernong teknolohiya’y naging kakampi na ng tao.

Itong regalo ng siyensiya’y pinagaan ang ating trabaho

Ating buhay ay umunlad, naging hi-tech at progresibo.

Ngunit sa kabilang dako tila yatang may namumuong galit

Ang modernisasyon daw ay delikado at pangit.

Dala-dala ang mga masasamang epektong hindi masukat

Kaya itong si kalikasan ay sumasalungat.

Itong balagtasa’y akin ng binubuksan

Nang ang dalawang panig ay magsimulang magtagisan.

Tagisan ng talino patungkol sa kalikasan

Halina kayo’t dito’y magtalastasan.

KALIKASAN:

Maraming salamat Binibining Lakandiwa

Ako si Nicole Anne Bautista

Ang tunay na kakampi ng balana

Na siyang unang magiging tagapagsalita


Saan ba nagbuhat itong gumigiba

Sa kapaligiran ng mundo at bansa

Itong kalikasang dating mapayapa

Sinong gumipiling, sinong nagpaluha?

Ang lupang mataba na bukid-sabana,

Saan ba napunta, nangaglayag na ba?

Ah hindi… naroon… mga mall na pala,

Ng ganid na tao sa yaman at pera.

Anong klaseng nilalang ka

Kapaligiran kung saan ka nakatira

Gigibain mo na parang wala kang konsensya?

Naku, kapag mangyari ito paano ka na?

Lakandiwa: Hinto, tumigil na kayo tama na ang pagtatalo!

Ang oras nyo'y naubos na, ang sisingit nama'y ako.

Bawat panig ay may katwirang talagang totoo

Sa lahat ng nanonood masigabong palakpakan ang hiling ko.

Nasaksihan natin ang palitan ng talino

Kaya’t ang aking naging hatol ay walang nanalo

Sapagkat

Akin na pong pipigilin ang talaktakan ng dalawa

Ako namang Lakandiwa ang papasok sa eksena

Ang hiling ko sa dalawang makata ay magkamay na

At sa inyo, mga kababayan, palakpakan muli sila!


Hinto! Tigil! Para! Stop na! Magsitabi muna kayo

Palakpakan nating muli si Mejia at Pulmano.

Marahil nararapat ng wakasan

Itong inyong tagisan at talastasan

Sapagkat maaaring ito’y walang patunguhan

Lalo’t ang mga tanong ay nabigyang kasagutan

Ngayo’y narinig na ang panig mo Roy at Nena

Napagtanto ko na si Nena ang tama

Kalikasan nati’y nasisira na nga

Dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya.

You might also like