Professional Documents
Culture Documents
50 Years Later
50 Years Later
Ilang ekstra
Nagsimula na ang kampanya para sa paparating na halalan at ang pamilya Santos ay nasa
Luneta upang ibigay ang kanilang buong suporta sa kanilang haligi ng tahanan na si Ferdinand
na tatakbo sa pagka-pangulo.
Ferdinand: Iboto niyo ako bilang presidente! Siguradong uunlad at gaganda ang mahal nating
bansang Pilipinas sa aking mga kamay!
Alejandro: Wala ho yun papa. Mahal ka po namin kaya nandito kami para ibigay ang aming
buong lakas para suportahan ka. Saka bukas na ang eleksyon kaya’t nararapat lang na andito
kami ni mama para tumulong sa iyo.
Ferdinand: Anak!
Alejandro: Ho?
Loren: Ang ganda ng Luneta hindi ba? Ang daming mga puno sa paligid, ang linis ng kapaligiran
at ang saya-saya ng mga tao. Hay, sana mas umunlad pa ang bansa natin ngayong may malaking
posibilidad na mananalo ang ama mo.
Loren: Ok sige. Mag-iingat ka ha. Kita tayo muli dito sa Luneta. Maghihintay ako!
Kinabukasan, nagmaneho papuntang voting precinct si Alejandro para malaman kung ilan na
ang lamang ng kaniyang ama sa botohan.
Tagapagbalita: Magandang araw sa inyong lahat. Tapos na ang botohan at ang ating bagong
pangulo ay si Ginoong Ferdinand Santos. Isa na namang pangulo ang naihalal. Mas uunlad ba
ang bansa natin sa kanyang mga kamay? Subaybayan pa natin ang kaniyang mga plano at
proyekto para sa ating bansa kaya tumutok lang kayo dito sa DYRS 69.9 FM.
Ferdinand: Maraming salamat sa inyong mga boto! Salamat! Pangakong uunlad ang mahal
nating Pilipinas sa aking pamamahala.
Dali-daling dumeretso ng ospital ang mag-asawa atkagyat nilang hinanap at kina-usap ang
doktor.
Ferdinand: Nasaan ang anak ko?! Sabihin mo kung nasaan siya ngayon din!
Doktor: Sa tingin niyo ho, masasabi ko po ba kung nasaan ang anak niyo ng sinasakal ako?
Doktor: Mabuti naman. Wag kang magalala mahal na pangulo. Nasa ICU na si Alejandro. Grabe
ang natamo niyang tama sa ulo kaya nasa comatose stage po siya ngayon.
Ferdinand: Ano?!
Doktor: Maaring tumagal ito ng 7 taon.. May posibilidad rin ho na mamatay siya kaya ginagawa
na po namin ang lahat ng aming makakaya para mabuhay pa siya. Makikiraan lang po.
Walang nagawa ang mag-asawa kundi ang umiyak dahil sa naging kalagayan ng kanilang anak.
Pitong taon nilang hinintay ang paggaling ni Alejandro at sa bawat araw na lumilipas unti-unti
na ring naghirap ang bansa.
Tagapagbalita: Magandang araw mga kababayan. Lalong naghirap ang mga tao dahil sa Unlad-
Bayan Scam. Ito ay isang napakalaking scam na naitala sa buong bansa. Nagdulot ito ng
paghihirap sa mamamayang Pilipino dahil itinaas ang mga buwis at ibinulsa ang perang di
umano’y inilaan para sa pagpapatayo ng mga public hospital dito sa ating bansa. Ang
nagpasimula at pinuno ng malaking scam na ito ay ang dating pangulong Ferdinand Santos.
Kasama rin niya rito ang iba’t-ibang kilalang senador, gobernador, mayor at iba pang opisyal na
sumang-ayon sa Public Hospital Plan.
Alejandro: Lumayo ka sa akin. Anong klase kang ama? Anong klase kang pangulo? Anong klase
kang tao? Wala kang awa. Akala ko pa naman kapag ikaw ang naging pangulo’y uunlad ang
bansa natin. Eh ano yun? Ano yung Unlad-Bayan Scam! Papa! Hindi mo alam kung ano yung
ginawa mo. Maraming tao ang naghihirap at nagdudusa sa ginawa mo. Wala ka bang
konsensiya? Wala ka bang awa? Lahat ng perang iyon ay para sa kanila hindi para sa iyo!
Ferdinand: Tama na! Tama na! Oo, ako na ang may kasalanan ng lahat! Ako na ang masama.
Ako na ang walang awa. Ano? Ano pa ang gusto mong sabihin ha! Tawagin mo na akong isang
masamang nilalang pero alam kong tama ang ginawa ko.
Alejandro: Anong tama! Wala kang ginwang tama!
Ferdinand: Anak, kung alam mo lang ginawa ko yun para sa iyo. Lahat ng perang iyon. Lahat ng
perang ninakaw ko ay para sa iyo dahil gusto kong gumaling ka. Lumalaki na ang gastusin natin
sa ospital at hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera kahit ako’y isang pangulo na.
Hindi ibig sabihin na kung pangulo ka’y hindi na mauubos ang iyong pera. Pitong taon akong
nagpakahirap na pagsilbihan ang aking pamilya lalong-lalo na ang bansa ngunit hindi ko na
kinayang maghanap ng iba pang solusyon sa lahat ng problemang dumarating sa aking buhay.
Yung mga kasamahan ko, yung mga perang ninakaw nila ay binili nila ng kotse, bahay, alahas at
kung ano-ano pa. Kaya tama lang ang ginawa ko. Sila ang mali.
Matapos ang ilang araw ay naka-alis na ng ospital si Alejandro at pumunta sa Luneta kung saan
nakita niya si Loren.
Loren: Alejandro!
Nagyakapan ang dalawang matalik na magkaibigan at napa-iyak si Loren dahil sa sobrang saya.
Loren: Alejandro akala ko hindi na kita makikita. Akala ko hindi mo na ako babalikan. Buti
nalang at buhay ka pa!
Alejandro: Oo naman. Nangako ako sa iyo diba na babalikan kita. Saka bakit nangangalakal ka
na ngayon? Bakit naghahalungkat ka ng basura?
Loren: Naku Alejandro grabe ang pagdurusa namin. Ngayon ay itinaas na ang buwis pati na rin
ang mga bilihin. Isa pa, kahit magtrabaho ka na ngayon ay kakaunti lang ang sweldo mo. Gaya
ko, ako’y naging isang guro. Ang sweldo ko lang ay dalawang libong piso kada buwan. Hindi yun
kasya para sa aking pamilya kaya naghahanap pa ako ng iba pang mapagkakakitaan kaya
ngayon heto sa basurahan ang punta. Saka diba dati sa Luneta malinis, maraming puno at kahit
saan ka tumingin ay masaya ang mga tao hindi tulad ngayon na basura ang iyong makikita kahit
saan, at ang mga tao ngayon ay sa halip na magsaya ay naghahanap ng trabaho at naghihirap.
Saka isa pa mas lalong dumami ang mga pulitikong kurakot at kurap hindi tulad dati na ang pera
ng gobyerno ay ginagastos para sa mga mahihirap. Isa pa pala, marami ng magnanakaw ngayon.