Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Puntahan Niyo Na!

Jeah: Isang magandang araw mga kapamilya. Nandito na naman kayo nakatutok sa programang
nagbibigay impormasyon tungkol sa lugar na gusto niyong puntahan. Ito ang PNN, Puntahan
Niyo Na! Papalapit na ang bakasyon. Marami nang naghahanda at nagpaplano kung saan sila
pupunta. Isa na dito ang magkakabarkadang sina Maria, Leonora, Fernando at Teressa. Tara
na’t basahin at pakinggan ang kanilang kahilingan.

Dear Jeah,

Nasa ika-apat na taon na po kami ng pag-aaral sa paaralang Regional Science High School
for Region VI. Malapit na po ang araw ng aming pagtatapos kaya magkakalayo-layo na po
kaming magkakaibigan dahil iba-iba na po ang paaralang aming papasukan pagtungtong namin
sa kolehiyo.Ngayon na papalapit na ang baksyon gusto po sana namin na ito ay ipagdiwang sa
lugar kung saan kami ay magsasaya bago kami magkakahiwalay. Sana po ay may alam kayong
lugar para sa amin. Maraming salamat po.

Nagmamahal,

Maria, Leonora, Fernando at Teressa

Jeah: Sa tingin ko’y may alam na akong lugar kung saan kayo maaring magsaya ito ang mga
Bayan ng Kalibo at New Washington na matatagpuan sa Probinsiya ng Aklan. Panoorin niyo ito.

Jeah: Ang Bayan ng Kalibo ay ang kabisera ng probinsyang Aklan, sa hilagang-kanluran ng Panay
Island, Philippines. Ito ay isang primera klaseng munisipalidad at ang International Gateway ng
Kanlurang Rehiyon ng Visayas, halos matatagpuan sa gitna ng lahat ng baybaying munisipalidad
ng probinsyang Aklan. Ang Bayan ng New Washington naman ay isa sa mga munisipyo ng
probinsyang Aklan na kilala na kinalakihang bayan ni Cardinal Jaime Sin, dating arsobispo ng
Maynila. Ito ay itinatag noong ika-15 ng Enero taong 1904. Ito ay ipinangalan kay George
Washington, ang unang presidente ng Estados Unidos.

Jeah: Ngayon ay dumako na tayo sa mga lugar na maari nating pasyalan sa Bayan ng New
Washington kaya heto ang unang lugar ang Immaculate Adoration and Pink Sisiters’ Convent.

Jeah: Ang Immaculate Adoration and Pink Sisiters’ Convent ay matatgpuan sa Polo, New
Washington, Aklan. Ito ay nagsisilbing tirahan ng mga madre na kilala sa tawag na Pink
Sisters………………………………..

Jeah: Napakaganda pala ng lugar na ito hindi lang dahil sa mga magagandang mga tanawin
kundi sa mga magagandang aral na makukuha at matututunan natin dito. Ngayon ay dumako
na tayo sa pangalawang lugar, ang Missionaries of Charity. Nandito sina Lorenz Alfaro at Ellaine
Bautista para bigyan tayo ng impormasyon tungkol sa lugar na ito.

Jeah: Nakita niyo sa bidyong aming ipinalabas na ang mga bata at matatanda ay
nangangailangan talaga ng ating tulong kaya kung sino man diyan ang may mga malalambot na
mga puso ay tulungan po natin sila dahil balang araw sila rin ang tutulong sa atin. Ngayon ay
dumeretso na tayo sa ikatlong lugar ang Samapaguita Gardens. Nandito sina Lorenz Alfaro at
Terrence Masigon para bigyan tayo ng impormasyon tungkol sa lugar na ito.

Jeah: Sa loob ng Sampaguita Gardens ay matatagpuan niyo ang kanilang magandang Garden na
dinesenyohan ng mga Precious Moments-themed displays katulad ng Precious Moments
Animals at Precious Moments Holy Family Belen. Meron din itong circus rides na pwedeng
sakyan ng mga bata at feeling bata. Meron ring boutique hotel na nakaharap sa dagat kung
saan pwede silang magovernight at convention facilities na pwedeng dausan ng kahit anong
selebrasyon. Hindi rin mawawala ang ipinagmamalaki nilang Jojo’s Christmas Cottage kung
saan matatagpuan ang mga sikat na Precious Moments Dolls (paalala lang ang mga manikang
ito ay pwede niyong bilhin kaya siguradong may subenir at may pasalubong pa kayobago kayo
umalis sa lugar na ito) at ang kanilang Christmas Museum na punong-puno ng mga Santa Claus.
Matatagpuan niyo rin sa lugar na ito ang Sam Butcher’s Mansion. Kung kayo naman ay
nagugutom, sila rin ay may tatlong restawrant ang Sir Sam’s, Jojo’s Christmas Cottage Coffee
Town at Jojo’s Poolside Grill and Restaurant. Speaking of poolside, hindi mawawala ang
kanilang napakalaki at napakalinis nilang paliguan heto ulit sina Lorenz Alfaro at Terrence
Masigon.

Jeah: Naku! Napakaganda ng lugar na yan. Sigurado akong mag-eenjoy ang mga bisitang
pupunta diyan. Heto naman ang ika-apat na destinasyon ang monumento ni Cardinal Sin.
Nandito si Mary Jude Ilustre upang bigyan tayo ng impormasyon.

Jeah: Kilala nga talaga sa bayang ito si Cardinal Sin. Ngunit kilala niyo ba si Cardinal Sin? Heto
panoorin niyo.

Jeah: Si Jaime Sin ay ipinanganak sa New Washington, Aklan. Siya’y anak nina Juan Sin at
Maxima Reyes Lachica. Siya ang ika-pitong anak sa 16 niyang kapatid. Siya ay kilala dahil sa
kaniyang instrumental role noong People Power Revolution noong taong 1986 na dahilan ng
pagbagsak ni Pres. Ferdinand Marcos. Siya ay namatay noong ika-21 ng Hunyo taong 2005 sa
edad na 76 dahil sa renal failure.

Jeah: Dumako na tayo sa huling lugar ang New Washington Plaza.

Jeah: Ang New Washington Plaza ay isang napakagandang lugar upang magpahinga at
magmuni-muni dahil sa lawak nito, mga upuang nakahilera at sa mga punong nakatayo rito. Ito
ay isang magandang lugar para sa mga walang perang pumunta sa mga resort o kahit ano pang
lugar na may aliwan dahil dito ay may palaruan para sa mga bata at lugar para sa mga gustong
maglaro ng kahit anong isports tulad ng badminton at tennis.

Jeah: Napakanature friendly naman ng lugar na iyan at makakatipid ka pa. Ngayon ay tapos na
tayong libutin ang napakagandang bayan ng New Washington kaya deretso na tayo sa kabisera
ng Aklan, ang bayan ng Kalibo. Ang unang lugar na ating pupuntahan ay ang St. John the Baptist
Church o ang kilalang Kalibo Cathedral. Nandito si Jude Rano para bigyan tayo ng impormasyon
tungkol sa simbahang ito.

Jeah: Maganda palang lugar ang simbahang ito upang magdasal at magpasalamat sa ating
Poong Maykapal. Puntahan naman natin ang ikalawang lugar ang Kalibo Pastrana Park. Nandito
si Mary Jude Ilustre.

Jeah: Dito sa Pastrana Park ay matatagpuan niyo ang kanilang palaruan kung saan pwedeng
maglaro ang mga bata at feeling bata.

Jeah: Ang sarap palang magrelax sa Pastrana Park na yan. Ngayon ay dumeretso naman tayo sa
ikatlong lugar ang Museo it Akean. Nandito si Ellaine Bautista para bigyan tayo ng
impormasyon.

Jeah: Sa loob ng museong ito ay matatagpuan niyo ang iba’t-ibang obra maestro katulad ng
Yolanda’s Wrath ni Ramil I. Repil. Dito niyo rin matatagpuan ang mga litratong kuha ng mga
magagaling na photographers tulad ng Tribute ni Ree Dexter Ingeniero, Invisible Light ni Dexter
Ingeniero at Majika II ni Young Cahan Park. Meron ring mga sinaunang mga kasangkapan sa
bahay tulad ng oil lamp, Dama Juana, Prinsa de Corona, De Mano, Kuskusan, Hungot,
Banggerahan at Green Bottle. Isa pa, meron rin silang mga manika ng “Bagobo” Tribe of
Cotabato and Davao, “Mandaya” Tribe of Compostela Province, “Gadang” of Central Cordillera
Cordillera Mountains of Luzon at marami pang iba. Hindi rin mawawala ang mga banal na gamit
tulad ng Pope’s Chair, Memorabilla of Archbishop Gabriel M. Reyes at iba pa. Meron rin silang
mga litrato at mga gamit ng mga kilalang tao sa Aklan.
Jeah: Magandang lugar pala ang Museo it Akean para sa mga taong gustong makita at
mabigyang alala ang mga gamit at tao noon. Pumunta na tayo sa ika-apat na lugar ang
Gomburza. Narito si Justine Hilario para bigyan tayo ng impormasyon.

Jeah: Ngayon ay dumeretso naman tayo sa ika-limang lugar ang Aklan Freedom Shrine. Narito si
Kian Nosotros para bigyan tayo ng impormasyon.

Jeah: Bago natin alamin ang ika-anim na lugar kilala niyo ba kung sino-sino ang mga 19 Martyrs
na nagbuwis ng mga buhay? Unahin natin ang mga nagmula sa Bayan ng Kalibo sila ay sina
Roman Aguirre, Tomas Briones, Domingo de la Cruz, Claro Delgado, Angelo Fernandez, Catalino
Mangat, Lamberto Mangat, Valeriano Masinda at Simplicio Reyes. Ang mga nagmula sa Bayan
ng New Washington ay sina Valeriano Dalida, Isidro Jimenez, Maximo Mationg, Canuto Segovia,
Gavino Sucgang at Francisco Villorente at ang mga nagmula sa Bayan ng Malinao ay sina Benito
Iban, Candido Iban, Simon Inocencio at Gabino Yunsal. Ngayon ay puntahan na natin ang ika-
anim na lugar ang Bakhawan Eco Park. Narito si Philip Sajise.

Jeah: Sa loob ng lugar na ito ay agad na tatambad sa inyo ang napakaraming bakhawan na
nagsisilbing tirahan ng mga lamang dagat at iba pang mga puno. May mga kubo rin sila kung
saan pwede kang magpahinga. Sa pinakadulo ay matatagpuan niyo ang isang napakagandang
dagat kung saan mararamdaman mo na sulit ang iyong pagod sa paglalakad.

Jeah: Mukha palang paraiso ang Bakhawan Eco Park at speaking of dagat halina’t tuklasin ang
ika-pitong lugar ang Mabilo Beach. Narito sina Lorenz Alfaro at Terrence Masigon.

Jeah: Ang sarap maligo sa dagat na yan ah! Sayang-saya talaga yung dalawa. Ngunit siguradong
mas mananabik kayong maligo sa huli nating lugar na pupuntahan ang Miggy’s Secret Garden.

Jeah: Ang Miggy’s Secret Garden Resort ay isang inland resort na matatagpuan sa Andagao,
Kalibo, Aklan. Sa loob ng resort nito ay matatagpuan niyo ang isang palaruan kung saan
pwedeng magsaya ang mga bata. Meron ring mga iskulptur tulad ng mga ahas. May mga
cottage din na pwede niyong rentahan para may pahingahan kayo. Syempre hinding-hindi
mawawala ang napakaganda nilang paliguan lalong-lalo na ang kanilang slide na itsurang barko
kaya talagang mag-eenjoy kayo. Heto si Terrence Masigon na sabik na sabik ng maligo.

Jeah: Nakakainggit naman. Gusto ko ng malig! O ayan Maria, Leonora, Fernando, at Teressa
maraming lugar na ang aming ipinakita sa inyo. Sigurado akong magsasaya kayong apat sa mga
lugar na yan kaya wag na kayong magpatumpik-tumpik pa Puntahan niyo na. Paano ba yan mga
Kapamilya. Wala ng oras. Kita-kits muli tayo bukas dito lang sa PNN. Puntahan Niyo Na!

You might also like