APvlog (Script)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Rynel: Uy dave may alam ka ba tungkol sa UNSDG?

Dave: Oo dong, UNSDG o United Nation Sustainable Development Goals at Ang goal 11 nila ay ang
mapanati ang lungsod at mga komunidad

Mabilis ang naging pagtaas sa bilang ng mga nasa senior age group—60-anyos pataas—kumpara sa
ibang grupo. Tumaas ito ng 4% mula noong 2015 hanggang 2020 at ngayong sumasakop sa 8.8
porsiyento ng kabuuang populasyon. Kabaliktaran nito, bumaba naman ang nasa grupo ng 0—hanggang
14-anyos mula 34% noong 2010 hanggang sa 30.14% ngayong 2020.

Jobeth: Inaasahang aabot ang pambansang populasyon sa 115 milyon pagsapit ng 2025. Mas mabagal
ito kung ikukumpara sa naunang pagtataya na 109.9 milyon. Sa 38.7%— halos dalawa sa bawat limang
Pilipino—ang maninirahan sa mega-region ng Metro Manila, Cetral Luzon, at Calabarzon.

Rynel: May panahon, ilang taon na ang lumipas, na ikinakabahala ang masyadong mabilis na paglago ng
populasyon ng Pilipinas. Sa katunayan, isa itong pandaigdigang pangamba, na nagmula sa pahayag ng
British economist Thomas Malthus na “Population, when unchecked, increases in a geometrical ratio.
Subsistence increases only in an arithmetical ratio.” Nanawagan siya para sa “preventive checks,”tulad
ng moral restraint, abstinence, at birth control “to save humanity from itself.”

Faye: Sa mga bansa sa mundo, nagpatupad ang China ng one-child policy noong 1978 upang mapigilan
ang paglago ng populasyon nito—na siyang pinakamalaki sa mundo. Sa pagtataya ng mga mananaliksik
ng pamahalaan, inaasahan nilang aabot ito sa 1.4 bilyon sa 2029—ngunit ikinakabahala rin nila na
susundan ito ng isang “unstoppable decline” na kinakikitaan nila ng pagbagsak sa 1.36 bilyon sa 2050, na
magpapabagsak sa lakas-paggawa ng 200 milyon. Nagpaalala rin ang China Academy of Social Sciences
na maaaring bumaba ang populasyon ng 1.17 bilyon pagsapit ng 2065.

“The long-term population decline, especially when it is accompanied by a continuously aging


population, is bound to cause very unfavorable social and economic consequences,” ayon sa ulat ng
akademya. Itinaas ng China ang limit sa pagkakaroon ng anak sa dalawa noong 2016, ngunit patuloy na
naitatala ang pagbaba ng panganganak, kung saan naitala sa ilang probinsiya ang malaking pagbagsak
hanggang 35%. Ngayon, napaulat na nagsasagawa na ng hakbang mga mambabatas sa China, upang
luwagan ang restriksyon sa family planning.
Zay: Sa Pilipinas, mayroon tayo ngayong National Family Planning Program na iniiimplementa ng
Department of Health na nakadisenyo upang makatulong sa mga pamilya na makamit ang kanilang ideal
na laki ng pamilya sa tulong ng universal access to quality family planning information and services.
Kabilang dito ang probisyon ng family planning commodities na ligtas, legal, non-abortifacient, epektibo,
at kultural na pagpanggap . Ang mga serbisyong ito ay nasa mga hospital at iba pang health facilities.

Ang National Family Planning Program na ito ang nagpabagal sa paglago ng populasyon s Pilipinas sa
1.38%, na nasa kapasidad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Jasper:Gayunman, ang natuklasan ng pag-aaral ng Popcom, hinggil sa mabagal na pag-usad ng


populasyon ng mga nasa 0-14 anyos habang nakitaan ng pagtaas ang nasa senior age group, ay isang
bagay na kailangang pagtuunan. Marapat na patuloy na inaaral ang ating mga Family Planning Program
upang masiguro na hindi ito magdudulot ng hindi inaasahang epekto, tulad nang nangyari sa one-child
policy na inilunsad ng China noong 1978.

Kent: Tama, Ang mabilis na paglaki ng mga lungsod - isang resulta ng pagtaas ng populasyon at pagtaas
ng paglipat-ay humantong sa isang boom sa mega-city, lalo na sa umuunlad na mundo, at ang mga slums
ay nagiging mas makabuluhang tampok ng buhay sa lunsod.

Armond: , Ang paggawa ng mga lungsod na napapanatiling nangangahulugan ng paglikha ng mga


oportunidad sa karera at negosyo, ligtas at abot-kayang tirahan, at pagbuo ng mga nababanat na
lipunan at ekonomiya. Ito ay nagsasangkot ng pamumuhunan sa pampublikong transportasyon at
paglikha ng berdeng mga pampublikong puwang,

You might also like