Pagtataya Sa Filipino 9 2nd Quarter

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Filipino 9 Second Quarter

Pagtatasa (Assessment) 1:
Panuto IA: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat sa papel ang titik ng tamang
sagot.
1. Tulang mula sa Hapon na binubuo ng 31 pantig.
A. Tanka C. Tanaga
B. Haiku D. Awit
2. Ang haiku ay higit na maikli kaysa tanka, binubuo ito ng tatlong taludtod at may kabuuang
pantig na ______.
A. labimpito C. labing-anim
B. labingwalo D. tatlumpu’t isa
3. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng cherry blossoms sa mga tanka ng Japan?
A. Taglagas C. Paglipas ng panahon
B. Mainit na panahon D. Malapit na ang taglamig
4. Payapang ganap ang paligid nang siya ay dumating. Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang may
salungguhit.
A. Kasiyahan C. Puno ng kalungkutan
B.Kapighatian D. Tahimik na kapaligiran
5. Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at tanka ng Japan?
A. Mas mahaba ang tanka kaysa tanaga
B. May tugma ang tanaga, sa tanka ay wala
C. Ang paksa ng tanaga ay tungkol sa pag-ibig, ang tanka ay sa panahon
D. Ang tanaga ay nagpapahayag ng kaisipan, ang tanka ay sa pag-iisa at pag-ibig
6. Pinukaw ang kanyang damdamin ng kuwentong binasa kaysa natutong lumaban. Ang salitang may
salungguhit ay nangangahulugang:
A. Ginising C. Ginalit
B. Inaliw D. Inarok
7. Kasaysayan ang nagpabatid ng nakaraan. Ang kahulugan ng nagpabatid ay ______.
A. nagpalinaw C. nagdugtong
B. nagpaalam D. nagpakita
8. Paano nakatutulong ang pagbabasa sa mga tao?
A. Nagiging aliwan C. Nakapagpapatalas ng isipan
B. Pampalipas oras D. Lahat ng nabanggit
9. Ano ang naging bisa ng pagbabasa sa kasaysayan at kasalukuyan?
A. Nagbibigay-aral sa mambabasa C. Ang nakaraan ay karugtong ng kasalukuyan
B. Nagsisilbing inspirasyon ng mambabasa D. Nalalaman ang mga pangyayari ng nakaraan
10. Sa pagbabasa, maaaring makapaglakbay ang imahinasyon sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa
ganitong paraan ay____.
A. Magiging sikat ka C. makapamamasyal ka
B. Magiging matalino D. maiintindihan ang kultura at pamumuhay ng tao
Panuto IB:Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon na tumutugon sa bawat tanong sa ibaba.
Diin Tono/ Intinasyon Ponema
Antala/hinto Ponemang Suprasegmental
11. Ito’y nagpapahayag ng lakas at bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig
Sa salita. Isa rin itong ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay at
nakakapagpabago ng kahulugan.
12. Nagpapahayag ito ng bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
13.Ito ay makahulugang tunog at malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin at
kaisipang
nais ipahayag ng nagsasalita.
14.Uri ng ponema na tulad din ng musika na may tono, bahagyang pagbaba, katamtaman at
mataas na tono.
15.Ito ang pinakamaliit na yunit ng salita at makabuluhang yunit ng tunog.

Pagtatasa (Assessment) 2:
Panuto IIA. Piliin ang titik ng tamang sagot ng mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa papel.
1. Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng
nakararami.
A. Manyusho C. Minyasho
B. Manyoshu D. Manyishu
2. Ponemikong karakter na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan”.
A. Kiru C. Kana
B. Kireji D. Shigure
Fil. 9 page 1

3. Ang salitang paghihintuan o cutting word.


A. Kiru C. Kana
B. Kireji D. Shigure
4. Unang ulan sa pagsisimula ng taglamig.
A. Kiru C. Kana
B. Kireji D. Shigure
5. Ito’y kahawig ng sesura sa ating panulaan.
A. Kiru C. Kana
B. Kireji D. Shigure
6. Isang kathang naglalahad ng mga kuro-kuro at damdamin ng isang tao hinggil sa isang paksa.
A. Sanaysay C. Talata
B. Pangungusap D. Paksa
7. Ayon sa manunulat, ang sanaysay ay nakasulat sa karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
A. Virgilio Almario C. Amado V. Hernandez
B. Alejandro G. Abadilla D. Deogracias A. Rosario
8. Upang maging mahusay na manunulat ng sanaysay nangangailangang ang sumusulat na:
A. may malawak na karanasan C. may pinag-aralan
B. may paninindigan D. may respeto
9. “Babae pasakop kayo sa inyo-inyong asawa”. Paano sinimulan ang sanaysay?
A. nagsimula sa isang pahayag C. nagtatanong
B. naglalahad D. nangangatuwiran
10. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at imulat sa mga karapatang dapat ipaglaban ng mga
kababaihan. Anong katangian ng pangungusap ang taglay ng isang sanaysay?
A. paksa C. kongklusyon
B. layunin D. kaisipan
Panuto IIB. Lagyan ng bilang 1 hanggang 3 ang mga sumusunod na mga salita batay sa sidhi ng damdaming
ipinapakahulugan nito. Ang 3 para sa pinakamasidhi, 2 masidhi, at 1 di-masidhi.
11. __pagkamuhi 13. __ nangangamba 15. __ sigaw
__ pagkasuklam __ kinakabahan __ bulong
__ pagkagalit __ natatakot __ hiyaw

12. __ nasisiyahan 14. __ suklam


__ natutuwa __ yamot
__ naliligayahan __ inis

Pagtatasa (Assessment) 3:
PanutoIII A: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang tamang titik ng tamang sagot sa
inyong papel.
1. Gusto niyang lumaban ngunit wala siyang lakas kaya nagpanggap na lamang siyang tanga. Ano ang ibig
sabihin ng pahayag?
A. mahina ang loob C. matapang
B. duwag D. takot
2. Saan man siya magpunta laging may nagsasabi sa kanya ng dapat gawin at di-dapat gawin sa pagtingin sa kaniya
ng mababa, umaangat ang kanilang sarili, ano ang iyong mahihinuha sa pahayag?
A. May mga taong walang kakayahang ipaglaban ang sarili
B. May mga taong api at mapagmataas
C. May mga taong mapagsamantala
D. May mga taong sunod-sunoran
3. “Halos Bagong Taon na. Puwede kang manatili dito ngayon, sabi ni Tiyo Lu”. Ang pahayag na ito ay sumasalamin
sa kulturang Tsino na:
A. Pagpapahalaga sa pamilya
B. Pag-iwas sa responsibilidad
C. Pakikipagkaibigan
D. Pakikipagkapuwa
4. “Alam mo ba kung paano ka nakakuha ng lisensiya gayong maraming retirado at walang trabaho ang di-
makakuha?” “Dahil ...dahil kailangan ko ng trabaho?” “Kinakailangan ka ng pamahalaan, tiyak ko na alam mo
iyan”. Mahihinuha sa usapang ito na:
A. higit na pinahahalagahan ang lalaki kaysa babae
B. may pagpapahalaga sa mga mamamayan
C. walang pakialam sa kapwa
D. dapat magbayad sa kapwa
Fil. 9 page 2

5. “ Dapat lang na maayos ang Bagong Taon mo. Pagkatapos, dapat magtrabaho na. Ayusin mo at hahanapan kita
ng nobya.” Ipinakikita rito na ang mga lalaki tulad ni Huiquan ay:
A. inaasahang magtrabaho para sa pamilya
B. inaasahang magtrabaho para sa asawa
C. inaasahang mag-alaga sa mga anak
D. inaasahang mangalaga sa tahanan
PanutoIIIB: Isulat kung Tama ang isinasaad ng pangungusap at Mali kung hindi angkop ang isinasaad ng pahayag.
Isulat ang inyong sagot sa papel.
6. Ang mga Tsino ay lubhang nagpapahalaga sa sarili dahil ito raw ang ipinamulat sa kanila ng kanilang ninuno.
7. Tamad at mataas ang tingin sa sarili ng mga Tsino.
8. Isa sa malaganap na kaugaliang Tsino ay maniwala sa mga walang batayang pamahiin.
9. Mahalagang matukoy at magamit ninoman ang iba’t ibang pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos
ng isang kuwento.
10. Sa banghay, ipinahahayag ang pagsisimula ng magiging takbo ng kuwento.
Panuto III C: Hanapin at isulat sa inyong papel ang pang-abay na kataga/ingklitik.
Halimbawa:
Tinutulan daw ng karamihan ang kanyang mungkahi sapagkat marami raw ang salaping kakailanganin.
Sagot: daw, raw

11. Kumain muna sila bago umalis.


12. Naghihintay pa siya hanggang ngayon.
13. Darating kaya nang maaga ang mga panauhin?
14. Umalis man sila ay panatag ang kanilang kalooban.
15. Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring sakuna.

Pagtatasa (Assessment) 4:
Panuto IV A: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang titik sa papel .

1. Binubuo ito ng pagpili ng paksa, paglikha ng mga ideya, at pagbuo ng mga ideya.
A. Bago Sumulat C. Paglalathala
B. Pagsulat D. Rewriting
2. Nakapaloob dito ang pagsulat ng borador/draft.
A. Rewriting C. Paglalathala
B. Pre-writing D. Actual Writing
3. Nagaganap dito ang pagdidisplay ng komposisyon o sulatin sa bulletin board o kaya ay
paglilimbang.
A. Rewriting C. Paglalathala
B. Pre-writing D. Actual Writing
4. Dito ang pamimili ng paksa at pangangalap ng impormasyon para sa susulatin.
A. Rewriting C. Paglalathala
B. Pre-writing D. Actual Writing
5. Kabilang dito ang pagdidisplay ng komposisyon o sulatin sa bulletin board o kaya ay paglilimbag.
A. Rewriting C. Paglalathala
B. Pre-writing D. Actual Writing
Panuto IVB: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon.

A. Sinauna C. Tanghalan E. Katutubo


B. Aktor D. Direktor F. Manonood

6. Alin sa mga elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito?


7. “Kawangis ng madilim na kalangitan ang nadarama ng magiting na mandirigmang naninimdim sa takbo ng
kapalarang sinapit na nakatalungko sa isang sulok ng makipot at karima-rimarim na piitan”. Anong
elemento ng dula ang ipinakikita rito?
8. “1...2...3... Action”, mga katagang madalas nating marinig sa anong elemento ng dula?
9. Makikita sa loob ng bahay ang kasangkapang antik. Ang kahulugan ng salitang antik ay ____.
10. Borte: ( Sa isang mahinang tinig ) Bakit kita paniniwalaan? Di naman kita kilala.
Temujin: Kahit di mo ako kilala kaya kong patunayan sa iyo na ako’y mabuti.
Sina Borte at Temujin ay mga halimbawa ng _____.
Fil. 9 page 3

Panuto IVC:Panuto: Piliin ang angkop na pang-ugnay na ginamit sa loob ng pangungusap. Isulat ang
sagot sa papel.
11. Mapait na mapiit sa kulungan dahil ito ay silid ng kalungkutan.
12. Kahit ngayon ko lang siya nakita, batid kong si Borte na ang babaeng hinahanap ko.
13. Ang kasal ay para sa matatanda lamang kaya’t wala pa ito sa aking isip.
14. Si Borte ang babaeng pipiliin ko sapagkat iba ang nararamdaman ko sa kanya.
15. Para sa akin, ang pagkakaroon niya ng kakaibang pang-akit ang ikinaiba ni Borte.

Gawain sa Pagganap ( Performance Task ):

Ang mga mag-aaral ay inaasahang maglalarawan nang may kasiningan sa mga kaugalian at uri ng
pamumuhay ng alinmang bansa sa Silangang Asya sa pamamagitan ng paggawa ng Collage. Tandaang ang
pagganap ay batay sa GRASP.( Ilagay lamang ang inyong Collage sa A4 na bondpaper )

Goal: Makapaglarawan ng kaugalian at uri ng pamumuhay ng alinmang bansa sa Silangang Asya.


Role: Ikaw ay isang Tourist Guide
Audience: isiping mong ang inyong mga kamag-aral ay mga turista
Situation: Sila ay iyong hihikayatin na magustuhan ang bansang inyong bibisitahin
Standard: ( nasa ibaba ang pamantayan kung paano tatayain ang performance ng mag-aaral )

Rubrik sa Paggawa ng Collage

Pamantayan Kailangang Magsanay Mahusay Napakahusay


(1) (2) (3)

Nilalaman May tatlo o higit pang May isa- dalawang mali Wasto ang lahat ng
mali sa gawain sa gawain nilalaman ng gawain

Paglalahad Hindi gaanong maayos Maayos ang Napakaayos ng


ang pagkakasunod-sunod pagkakasunod-sunod ng pagkakasunod-sunod ng
ng mga larawan mga larawan mga larawan

Kaayusan Hindi gaanong malinis Malinis ang gawain Napakalinis ng gawain


ang gawain
Fil. 9 page 4

You might also like