Paksa Katuturan at Kahalagahan ng Ekonomiks Baitang Baitang 9 Oras 1 oras at 30 minuto Layunin 1. Maipaliliwanag ang kahulugan at saklaw ng ekonomiks at ang mga suliraning tinutugunan nito; 2. Matutukoy ang pangunahing layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan; 3. Matutukoy ang kahalagahan ng ekonomiks sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng pamilya, ng mga industriya, at ng mga bansa Mga Paksang tatalakayin: 1. Kahulugan ng Ekonomiks 2. Kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay, bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan Gawaing A. Pagtatanong ng ideya sa kahulugan ng Pampakatuto ekonomiks B. Mga Gawain Gawain 1. OVER SLEPT Direksyon: Pagpapakita ng mga larawan na maiuugnay sa kahulugan ng Ekonomiks Mga kabilang na katanungan: 1. Ano ang ipinapakita sa larawan? 2. Anong sitwasyon ang naipakita sa larawan? 3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon na kinakailangan mong pumili, ano ang iyong gagawin? Paano mo ito pag dedesisyunan? Gawain 2. Think, Pair, and Share Direksyon: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa Option A at B. Sa ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa ika-apat na kolum ang dahilan ng iyong naging pasya. Pamprosesong tanong: 1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon? 2. Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging makatuwiran k aba sa iyong pasya? C. Kahulugan ng Ekonomiks D. Pamayanan at Sambayanan Gawain 3. Mind Mapping Direksyon: Iayos ang ginulong pigura ng mind map. Isulat sa text box ng mind map ang mga konseptong nakalahad sa talahanayan sa ibaba. Gamiting batayan ang pagbuo sa arrows at lines. E. Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks Pamprosesong tanong: 1. Paano nakatutulong sa matalinong pagdedesisyon ang mga konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking? 2. Sa iyong palagay, kailan masasabing matalino ang pagdedesisyong ginawa ng tao? F. Kahalagahan ng Ekonomiks G. Pagtataya
Pagtataya A. Direksyon: Sagutan ang sitwasyon sa ibaba.
Sitwasyon: Si Nicole ay pumapasok sa isang pampublikong paaralan na malapit sa kanilang bahay. Naglalakad lamang siya sa tuwing papasok at uuwi. Sa loob ng isang linggo, binibigyan siya ng kanyang magulang ng Php 100 na baon pambili ng kanyang pagkain at iba pang pangangailangan. Suriin ang talahanayan ng mga produktong maaaring bilhin ni Nicole sa canteen at maghanda para sa mga katanungan. Mga Katanungan: 1. Kung ikaw si Nicole, ano ang mga produktong hand among ipagpalit upang makabili ng inuming tubig? Bakit? 2. Nagkaroon ng promo sa mga kanin at ulam (combo meals) at bumaba sa Php 25.00 ang halaga nito. Kung ikaw si Nicole, paano mo pamamahalaan ang iyong badyet? B. Repleksyon C. Takdang Aralin 1. Pag-isipan ang sumusunod na sitwasyon: Si Mat at Tam ay pareho mong kaibigan. Si Mat ay isang negosyanteng nagmamay-ari ng malawak na palaisdaan at manukan sa iyong komunidad, at si Tam ay isang na basketball player at nagmamay-ari ng isang kilalang kainan sa kaparehong komunidad. Kung may kakayahan ang inyong pamilya na magtayo ng negosyo, ano ang maaari ninyong itayo? Kapareho ba ng mga negosyo nina Tam at Mat o hindi? Ilahad ang iyong sagot sa pamamagitan ng iyong kaalaman sa mga konsepto, kahulugan, at kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral, kasapi ng pamilya, at lipunan.