Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

GENERAL SANTOS CITY SPED INTEGRATED SCHOOL

Prk. Malipayon San Isidro General Santos City

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 9
(Apostol, Ballos, Barcelona, Baron, Faderogao, Ponciano, Surriaga)

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: _______ Petsa: ____________


LRN: ______________________ Marka: ___________
Guro: V.A. Faderogao

I. Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

___1. Ang isang mamimili ay gumagawa ng disesyon upang makuha ang mga bagay na makapapasaya sa
kanya, ang konseptong ito ay napapaloob sa demand.Alin sa mga sumusunod ang tamang
pagpapakahulugan sa diwa sa demand sa ekonomiks?
A. Ang bilang ng mga paninda nag gustong bilihin ng mga mamimili sa isang takdang presyo.
B. Ang mga bilang ng mga  paninda na kayang itinda ng mga maminili sa isang takdang panahon
C. Ang bilang ng mga paninda na madalas na makikita sa lahat ng uri ng tindahan na inilalako ng
mga tindera at tindero.
D. Ang bilang ng mga paninda na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa takdang presyo sa
isang takdang panahon at presyo
 
___2. Tuwing Pasko marami ang naghahanda para sa Noche Buena. Mabili naman ang mga bulaklak kapag
Araw ng mga Puso. Ano ang maraming makaapekto sa demand batay sa nabanggit na pangyayari?
A. Ugali ng tao
B. Napapanahong pagdiriwang
C. Pamimili ng produkto
D. Panla ng mamimili
 
___3. Simple lang ang gusto ng tao kapag maliit ang sahod nito. Subalit pag lumaki na ang sahod niya
inaasahan madaragdagan na ang kanyang pangangailangan. Alin sa mga sumusunod  ang nag-uugnay
sa demand ng tao sa pangyayari?
A. Ang demand  ay nakapagbago sa kita ng tao
B. Ang demand ay naayon sa pabago ng panahon
C. Ang demand ay nakasalakay sa pagtaas ng kita
D. Ang demand ay nakakatulong sa pangangailangan ng tao.
 
___4. Ang ating bansa ay dumanas ng tagtuyot sanhi ng El Niño. Apektado ang pagsasaka sa Gitnang Luzon
kaya lubhang bumaba ang supply ng bigas dahil sa kakulangan ng suplay. Ano ang posibleng mangyari
sa pamilihan ng bigas?
A. Nananatili ang demand sa pamilihan ng bigas
B. Tumaas ang presyo ng bigas dahil sa kakulangan ng suplay
C. Di-gaanong naapektuhan ang demand ng bigas sa pamilihan
D. Bumaba ang demand sa bigas dahil sa kakulangan ng suplay
 
___5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay na ang demand sa isang produkto ay elastic?
A. Kung ang dami ng demand sa isang produkto ay hindi tumutugon sa anumang pagbabago ng
presyo nito
B. Kung ang dami ng demand sa isang produkto ay hindi nagababago tumaas man o bumaba ang
presyo para dito.
C. Kung ang dami ng demand sa isang produkto ay mabilis na gumalaw sa kakaunting pagbabago
ng presyo para dito.
D. Lahat ng sagot ay tama

___6. Ang ganap na di-elastikong demand ay mayroong coefficient na zero. Ibig sabihin walang nagaganap na
pagtugon ang quantity demand kahit pa tumaas ang presyo. Ano ang ipinapahiwatig nito?
A. may mga produkto tayong madaling hanapan ng pamalit kaya kahit tumaas ang presyo nito
makabibili pa rin tayo ng alternatibo para dito.
B. kapag ang produkto ay labis na tumaas ang presyo at hindi naman masyadong kailangan maaari ng
ipagpaliban muna ang pagbili nito.
C. may mga produkto na kahit mataas ang presyo ay kailangan mong bilhin sapagkat wala itong pamalit.
D. may mga produktong walang epekto sa atin kahit hindi natin ito bilhin.
____7. Si Juanito ay nakagawian ng bumili ng bananacue tuwing recess. Nang minsang tumaas ng tatlong piso
ang paborito niyang bananacue, hindi na muna siya bumili at sa halip ay naghanap na lamang ng ibang
mabibili sa canteen. Ano ang ipinahihiwatig ng demand ni Juanito para sa bananacue?
A. ang demand sa bananacue ay hindi-elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng malaki sa
pamamagitan ng pagbabawas ng demand para sa bananacue.
B. ang demand sa bananacue ay elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng malaki sa pamamagitan ng
pagbabawas ng demand para sa bananacue.
C. ang demand sa bananacue ay unitary sapagkat ang dami ng ibabawas na demand sa bananacue ay
kasing dami ng demand sa pamalit na bananacue ni Juanito.
D. ang demand sa bananacue ay ganap na hindi-elastiko dahil hindi makakatagal si Juanito na hindi
kumain ng bananacue sa loob ng isang linggo.

___8 Ang batas ng demand ay isang katotohanang dumidikta sa magiging reaksyon ng konsyumer sa opagbili
ng kanyang pangangailangan at kagustuhan. Alin sa mga sumusunod na paglalahat ng naglalarawan sa
batas na ito?
A. sa pagtaas ng presyo ang isang produkto tumataas rin ang demand para dito.
B. sa pagtaas ng presyo ang isang produkto bumababa naman ang dami ng demand para rito.
C. walang magiging epekto sa paggalaw ng dami ng demand ang anumang pagtaas at pagbaba ng presyo
nito.
D. tanging ang pamahalaan lamang ay may kapangyarihan magtakda ng dami ng demand at presyo ng
bilihin.

___9. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa diwa ng suplay sa ekonomiks?
A. Ang mga paninda na handa at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa takdang panahon at presyo.
B. Ang mga paninda na kayang- kayang ipagbili ng mga prodyuser dahil mura lamang ang factor cost.
C. Ang mga paninda na hinahangad ng mga tao upang makapagbigay ito sa kanila ng kanilang inaasam
na kasiyahan
D. Lahat ng sagot ay tama

__10. Alin sa mga sumusunod na produkto ang lumalabag sa batas ng supply?


A. Mga Antigong Kagamitan C. Mga Produktong Pamanahon
B. Mga Produktong Agrikultural D. Mga Produktong Pangmayaman

__11. Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser ang isang
uri ng produkto. Halimbawa, may 30,000 lata ng sardinas ang kailangan sa pamilihan. Ayon sa datos,
mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit sa bilang na ito, 6 lamang ang nais gumawa ng kabuuang
20,000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito sa presyong Php10.00. Batay sa pahayag, ilan ang
maitatalang supply ng sardinas?
A. 6 B. 10 C. 20,000 D. 30,000

__12. Ang supply ng cellphone ay tumaas dahil sa pagkakaroon ng mabilis na pamamaraan sa paglikha nito.
Anong salik ng supply ang nakaaapekto dito?
A. teknolohiya B. pondo ng gobyerno C. napapanahong produkto D. presyo ng produkto
 
__13. Alin sa mga sumusunod ang mangyayari kung lalabis ang suplay ng isang produkto at hindi mag babago
ang demand nito ?
A. tatatag ang presyo nito                                    C. bababa ang presyo nito
B. hindi magbabago ang presyo nito                   D. tataas ang presyo nito

__14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa nakaaapekto sa dami ng supply ng isang produkto sa
pamilihan?
A. pagbabago ng factor cost                                C. pagbabago ng teknolohiya
B. presyo ng bilihin                                             D. mga inaasahan ng mamimili

__15. Ang elasticity ng supply ng isang produkto ay naglalarawan sa magiging tugon ng Alin sa mga
sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay na ang supply sa isang produkto ay elastic?
A. Kung ang dami ng supply sa isang produkto ay hindi tumutugon sa anumang pagbabago ng presyo
B. Kung ang dami ng supply sa isang produkto ay hindi nagababago tumaas man o bumaba ang presyo
C. Kung ang dami ng supply sa isang produkto ay mabilis na gumalaw sa kakaunting pagbabago ng
presyo.
D. Lahat ng sagot ay tama.
__16. Kung ang supply ng isda sa pamilihan ay isang perfect inelastic , ano ang maaaring mangyayari kung
tataas ang demand ng isda?
A. Tataas ang equilibrium price at dami ng isda.
B. Bababa ang equilibrium price at dami ng isda.
C. Ang equilibrium price lamang ng isda ang magbabago.
D. Ang equilibrium quantity lamang ng isda ang magbabago.

__17. Kung ang demand sa isang produkto ay unitary elastic, ang pagtaas ng presyo sa isang produkto ay
magreresulta sa ______
A. pagtaas ng kabuuang kita C. pagbaba ng kabuuang kita
B. walang pagbabago sa kita D. pantay na pagbabago sa presyo at dami ng produkto.

__18. Kung ang presyo ng isang produkto ay tumaas ng 10 porsyento at ang dami ng demand ay bumaba ng
limang porsyento masasabi natin na ang isang produkto ay _____________.
A. Elastic B. Perfectly Elastic C. Inelastic D. Perfectly Inelastic

__19. Kung ang supply ng isda sa pamilihan ay perfectly inelastic, ang pagtaas ng demand dito ay
magreresulta sa ________.
A. pagtaas ng ekilibriyong presyo at dami ng isda
B. pagbaba ng ekilibriyong presyo at dami ng isda
C. pagbaba ng ekilibriyong dami ng isda
D. pagtaas ng ekilibryong presyo ng isda

__20. Kung ang isang aklat ay may elastic na demand, ano ang maaaring gawin ng publisher upang mapataas
ang kita nito?
A. Itaas ang presyo ng aklat
B. Ibaba ang presyo ng aklat
C. Magsagawa ng book signing activities
D. Maaring gawin ang lahat ng mga estratihiya

__21 May mga produktong hindi nag babago ang demand para dito kahit pa na magbago ang presyo nito, ito
ang mga tinatawag na inelastic na produkto.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang maggiging dahilan
upang maging inelastic ang demand ng produkto?
A. May mataas itong presyo
B. Wala itong kahaliling produkto
C. Maraming mamimili ang tumatangkilik dito
D. Handang gumastos ang mga konsyumer para dito

__22. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ang diwa ng ekilibriyo sa pamilihan?
A. mayroong hindi pagkakaunawaan ang mga prodyuser at konsyumer sa dami at presyo ng kanilang
produkto
B. tanging ang konsyumer lamang ang may kapangyarihan magtakda ng dami at presyo ng kalaki na
ilalagsak sa pamilihan
C. parehong nagkakasundo ang mga mamimili at nagbibili sa dami at presyo ng kalakal sa kanilang
ilalagsak sa pamilihan
D. mga sagot sa A at B
 
__23. Ano ang tawag sa sitwasyon matatagpuan sa ibaba ng equilibrium point?
A. kalabisan            B. price ceiling C. kakulangan                        D. price floor
 
__24. May dahilan ba upang kumilos ng iba ang mamimili at nagbibili maliban sa punto ng ekilibriyo?
A. Hindi, sapagkat talo ang konsyumer kung mangyayari ito.
B. Oo, dahil maari pang mapabuti ang sitwasyon ng magkabilang panig
C. Oo, dahil maari pang taasan ng prodyuser ang kanyang presyo at lalaki pa ang kita niya
D. Hindi, dahil makamit na ng dalawang panig ang pinakamataas na kita at kasiyahan sa unto ng
ekilibriyo

__25. Hindi maiiwasan ang dami ng supply at demand sa pamilihan ay hindi nakakasundo. May mga
pagkakataon na ang interaksyong ito ay magreresulta ng kakulangan sa produkto. Ano ang ginagawa
ng pamahalaan upang malutas ang suliraning ito?
A. Itinataas ng pamahalaan ang presyo ng produkto at nagdadag ng dami nito.
B. Ibinababa ng pamahalaan ang presyo ng produkto at binabawasan ang dami nito.
C. Itinataas ng pamahalaan ang presyo ng produkto at binabawasan ang bilang nito sa pamilihan.
D. Ibinababa ng pamahalaan ang presyo ng produkto at nagdadagdag ng bilang nito sa pamilihan.
___26. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa
sumusunod ang nagpapaliwanag nito?
A. Panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid
B. Pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin
C. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer
D. Patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo

___27. Ang pamahalaan ang inaasahang magpapatatag sa daloy ng ekonomiya upang maabot ang ekilibriyo.
Ano ahensya ng pamahalaan ang inasaahang magsasaka tuparan nito?
A. PEZA B. NEDA C. DTI D. BFAD

___28. Ano ang magyayari sa isang produkto kung ang presyo nito ay higit na mas mataas sa price
equilibrium?
A. Magkakaroon ng surplus sa pamilihan C. Gagalaw ang equilibrium point paibaba
B. Gagalaw ang equilibrium point paitaas D. Magkakaroon ng shortage sa pamilihan

___29. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan para sa
mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawi ng mga may-ari ng prodyuser, gumagawa ng hakbang
ang pamahalaan upang matugunan ito. Nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan.
Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo?
A. price ceiling B. floor prices C. market clearing price D. price support

___30. Ang konsepto ng pamilihan ang nagpapakita sa buong ideya ng maykroekonomiks. Alin sa mga
sumusunod ang tamang pagpapaliwanag sa diwa ng pamilihan?
A. Lugar kung saan nagtatagpo ang mamimili at nagbebenta upang gumawa ng transaksyon.
B. Interaksyon ng presyo at dami ng produkto sa isang itinakdang panahon at isang takdang lugar.
C. Isang kaayusan kung saan nagkakaroon ng interaksyon ang mamimili at nagbebenta upang
magpalitan ng iba’t ibang bagay.
D. Ang pagkakaroon ng kasunduan ng sambahayan at bahay kalakalan ng magpalitang ng
kaalaman upang mapabilis ang produksyon.

___31. Alin sa sumusunod na industriya ang hindi kabilang sa estrukturang oligopolyo?


A. CALTEX B. SHELL D. GLOBE D. TIDE

___32. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng ganap na monopolyo sa pamilihan?
A. ito ay nagbibigay ng mabuting kalidad ng produkto ar serbisyo
B. ito ay nag iisang tagapagtustos ng produkto o serbisyo ng buong industriya
C. mayroon itong maraming produktong kahalili sa kawalan ng produkto o serbisyo
D. ito  ay nagkakaloob nang malayang pagpipilian ng mga produkto sa mga mamimili
 
___33. Sa anyong monopolyo, anong benepisyo ang nakakamit ng isang manopolista?
A. Naiiwasan niya ang kompetisyon sa pamilihan
B. Nababawasan ang suliranin sanhi ng kakulangan sa suplay sa pamilihan
C. Nakokontrol ang presyo ng suplay o produkto na ipinagbili  sa pamilihan
D. Napipigilan ng manopolista ang pagtatakda ng presyo dahil sa price control

___34. Paano masasabing umiiral ang oligopolyong anyo ng pamilihan?


A. kung limitado ang suplay ng produkto sa isang industriya
B. kung kontrolado ng isang kompanya ang suplay ng produkto
C. kung malayang nakapamimili ang mga taong kumukunsumo ng produkto
D. kung tatlo o higit lamang na kompanya ang gumagawa ng produkto
 
___35. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng manopolistikong pamilihan?
A. iisang uri lamang ng produkto ang ginagawa ng mga kompanya
B. gumawa ang mga kompanya ng iba’t ibang paraan upang tangkilikin ang kanilang produkto
kaysa sa iba
C. kung maraming kahalili ang isang produkto sa oras na nawal ito sa pamilihan
D. mga sagot sa A at B
 
___36. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng ganap na kompetisyon sa pamilihan?
A. maraming uri ng produkto ang makikita sa pamilihan at marami ang nagbebenta nito
B. ang konsyumer ang dumidikta ng dami at uri ng produktong dapat ilagay sa pamilihan
C. walang control ang prodyuser sa paggalaw ng presyo ng produkto sa merkado
D. lahat ng sagot ay tama
 
___37. Upang makinabang ng husto sa pamilihan ang mga kompanya ng langis sinasabing nagsasabwatan
ang mga ito upang maitaas ang presyo ng kanilang produkto ng hindi man lamang nalulugi ang bawat
isa sa kanila. Ano ang tawag sa ganitong pagsabwatan?
A. economic sabotage             B. cartel C. embargo                  D. ceteris paribus

___38. Bakit mahalaga para sa mga konsyumer ang pagkaron ng kompetisyon sa pamilihan?
A. upang mag- away-away ang mga negosyanye at mapipilitan silang ibigay ang kanilang produkto
sa mga konsyumer
B. upang mapataas ng mga negosyante ang kalidad ng kanilang produkto
C. upang makakuha tayo ng mababang presyo sa pamilihan
D. mga sagot sa B at C

___39. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing pinakamodelong estruktura ng pamilihan
dahil sa dami ng nagbebenta o dami ng konsyumer. Ang sumusunod ay katangian ng estrukturang ito
maliban sa
A. malayang kalakalan sa bilihan
B. may kakaibang produkto
C. maraming prodyuser at konsyumer
D. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksiyon

___40. Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang prodyuser ay walang
kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Paano nakatutulong ang ganap na
kompetisyon sa pamilihan?
A. sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at prodyuser
B. napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto
C. nakakakuha ng malaking tubo ng mga prodyuser
D. hindi nakakahikayat sa mga prodyuser na magpasok ng produkto

WAKAS NG PAGSUSULIT

Inihanda ni:
Virgil A. Faderogao
Guro sa AP 9

Iniwasto ni:
Cherry Mae Z. Abande
AP Coordinator

Pinahintulutang Ilimbag ni:


Rowena R. Cabreros
Principal

You might also like