Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Ang pangangalaga sa kapaligiran ay mahalaga. Ito ay hindi dapat pinapabayaan.

Kapag hindi ito


aalagaan, ang mga magiging masasamang epekto nito ay ang pagkakaroon ng baha, landslides,
flashfloods, at marami pang iba na makakasama sa ating kalikasan. Kung gugunihin mo ang lahat ng mga
masasamang epekto, hindi ito nakabubuti sa atin. Noong Setyembre 26, 2009, ang Ondoy, na isang
malakas na bagyo ay tumama sa Pilipinas. Maraming nabaha, at nagkaroon ng mga flashfloods at
landslides. Ano ang sanhi nito? Isa na dito ay ang hindi pag-aalaga ng mabuti ng ating kalikasan at
kapaligiran. Kung hindi tayo nag putol ng mga puno para lang magkaroon ng mga gusali at mga malls,
atbp, hindi tayo magkakaroon ng mga baha, landslides o flashfloods. Sana matuto tayo sa mga
karanasan na nagyaring masama sa atin.

Maraming pwedeng gawin para hindi ito mangyari ulit. Tulad ng pag ‘segregate’ ng mga basura,
ang hindi pag tapon kung saan – saan, at marami pang iba na makakatulong sa atin. Madadali lang
naman ang mga pwedeng gawin para hindi magkaroon ng mga kalamidad. Simple lamang ito at hindi ka
gaanong mahihirapan. Malaking tulong na rin ang mabibigay mo kung mag tatanin ka ng mga puno. Ito
ay isang paraan para hindi magkaroon ng baha. Ang mga pwedeng gawin sa pagbabawas sa epekto at
pag resolba sa climate change ay ang pag sakay sa mga “Public transportations’ para makabawas sa mga
‘emissions’ na makaka – ambag sa climate change. Kailangan din natin alisin ang mga naka-saksak sa
saksakan para maka – tipid ng kuryente. Pag pupunta tayo sa mga supermarkets, gumamit nalang ng
mga ‘reusable bags’ para makabawas sa pag gamit ng plastic. Gumamit rin ng 5 R’s dahil ito ay
makakatulong din.

Tayo ay dapat mag tipid ng enerhiya. Malaking tulong na rin ang mabibigay nito. Maraming mga
madadaling paraan kung paano alagaan ang kapaligiran. Marami ding mga madadaling paraan kung
paano maresolba at mapabawas sa epekto ang climate change. Dapat tayong matuto sa mga karanasan
na masamang nangyari sa atin para hindi ito muling mauulit. Kung hindi rin naman importante ang
lakad, mas mabuting wag nalang umalis ng bahay. Linisin ang kapaligiran, mag ‘segregate’, gamitin ang 5
Rr’s at mag tipid ng kuryente. Humingi rin ng tulong sa Diyos. Mag ‘reuse’ ng mga gamit na pwede pang
gamitin. Mag tulung-tulungan tayong lahat.
Lahat tayo ay dapat mag tutulungan. Dapat isipin rin natin ang iba bago ang sarili. Kung tayo ay
mag tutulungan, mas mabilis ma-resolba ang lahat ng mga problema. Mag dasal tayo sa Diyos at
humingi ng tulong upang tayo ay magabayan sa lahat ng ating gagawin. Lahat ay possible dahil nandiyan
ang ating Panginoong Diyos. Ito ay makakabuti sa ating lahat kung gagawin natin ang lahat ng
maitutulong natin para magkaroon ng malinis na mundo. Kapag hindi natingagawin ang mga ito,
kailangan mong harapin ang mga ‘consequences’ o kabayaran ng iyong hindi pag tulong para sa
kalikasan. Kung gusto mo rin ng magandang kinabukasan, gawin mo ang lahat ng makakaya mo para
makatulong sa kalikasan. Kung gagawin natin ang lahat ng ito, tayo ay magkakaroon ng malinis, maayos
at mapayang lugar. Magagawa natin ito, magtiwala lang tayo sa Diyos.\

Pangangalaga sa Ating Kapaligiran

Ang Pangangalaga sa kapaligiran ay isang ehemplo kung paano malalaman na ang isang tao ay
responsible sa kanyang bansa o lugar na kinatatayuan natin. Bakit pa nga ba natin kailangan na
pangalagaan ang ating kapaligiran, may mapapala ba tayo dito? Yan ang malalaman niyo dito kung
babasahin niyo ito

Ang Kapaligiran ay likha ng Poong Maykapal para sa bawat nilalalng dito sa mundong ibabaw.Ang
mga bagay na makikita natin sa ating kapaligiran ay nagbibigay saya at buhay. Bilang isang mag-aaral
tungkulin ko na mapangalagaan ang kapaligiran .Maraming paraan para mapangalagaan ang
kapaligiran . Ang ating kapaligiran ay mapangalagan sa pamamagitan ng pagwawalis araw-araw.
Pagtapon ng basura sa tamang basurahan. Mahalagang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran dahil
dito nakasalalay ang ating kalusugan. Isa sa pinaka-mahalagang paraan upang maibsan ang klima ay ang
hindi pagsunog ng plastik at hindi paggamit ng nakasasamang bagay sa ating kapaligiran. Madaling
sabihin ang paglilinis pero mahirap itong gawin pero kung iisipin natin na para sa kabutihan nating lahat
ito. Ang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran ay isang mahalagang bagay dahil dito natin
masasabing umunlad ang ating lugar. At masasabing ang kalinisan ng ating lugar ay katulad ng kalinisan
ng ating kalooban.

Ang lahat ng ating pagsisikap ay magkakaroon ng katuturan kung ito ay ating isasapuso. Pagsisikap at
determinasyon ang kailangan natin lahat upang magkaroon ng katuparan ang lahat .Panininwala sa sarili
at sa Diyos ay walang imposible. Paano natin makakaya na linisin ang kapaligiran kung mismong tayo na
ang nagkakalat dito? Kahit sa pagiging mag-aaral kaya nating protektahan o linisin ang kapaligiran kahit
sa mga simpleng bagay o paraan. Nilikha rin ito ng Panginoon upang alagaan at pakisamahan ito.
Bilang isang mag-aaral, makakatulong ako sa pangangalaga ng likas na yaman sa pamamagitan ng
pagiwas sa pamumutol ng puno, paggamit ng dinamita sa isda at pagtatanim sa mga bakanteng lupa

Dapat din na magtanim tayo sa mga palayan upang hindi masayang ang mga taniman. Magsikap at
magtulungan sa paglinis at pagalaga ng kapaligiran. Iwasan ang pagtapon ng basura sa ilog upang di
magkaron ng polusyon sa ating bansa.

Ang Kapaligiran ay likha ng Poong Maykapal para sa bawat nilalalng dito sa mundong ibabaw.Ang mga
bagay na makikita natin sa ating kapaligiran ay nagbibigay saya at buhay.

Bilang isang Pilipino tungkulin ko na mapangalagaan ang kapaligiran .Maraming paraan para
mapangalagaan ang kapaligiran .Ang ating kapaligiran ay mapangalagan sa pamamagitan ng pagwawalis
araw-araw.Pagtapon ng basura sa tamang basurahan.Mahalagang mapanatiling malinis ang ating
kapaligiran dahil dito nakasalalay ang ating kalusugan.Isa sa pinaka-mahalagang paraan upang maibsan
ang klima ay ang hindi pagsunog ng plastik at hindi paggamit ng nakasasamang bagay sa ating
kapaligiran.Madaling sabihin ang paglilinis pero mahirap itong gawin pero kung iisipin natin na para sa
kabutihan nating lahat ito.Ang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran ay isang mahalagang bagay
dahil dito natin masasabing umunlad ang ating lugar.At masasabing ang kalinisan ng ating lugar ay
katulad ng kalinisan ng ating kalooban.

Ang lahat ng ating pagsisikap ay magkakaroon ng katuturan kung ito ay ating isasapuso.Pagsisikap at
determinasyon ang kailangan natin lahat upang magkaroon ng katuparan ang lahat.Panininwala sa sarili
at sa Diyos ay walang imposible.

7 na paraan upang mapangalagaan ang ating kalikasan:

1. Pag patay ng mga appliances na hindi na gagamitin, katulad na lamang ng ilaw, kung maliwanag na
dulot ng araw, patayin na upang maka ipon ng enerhiya. Isa na rin dito ang tubig, dahil minsan
naiiwanan nating patayin ito. Kaya kailangan natin itong patayin kung hindi na gagamitin.

2. Ang paggamit ng walang mga usok na sasakyan kung kinakailangan. Maraming paraan kung paano
natin gagawin ito, kung hindi naman kailangan gumamit ng mga may usok, mas mainam gamitim ang
bisikleta.

3. Iwasan ang pagkakaingin. Maraming tao ang ginagamit ang paraang ito upang mapabilis nila ang
kanilang mga gawain. Kailangan ng itigil ito dahil hindi lamang usok o polusyon nito, kundi maling
paggamit din ng mga tira – tirang gamit nito. Maaring gamitin uli ito upang hindi magsayang ng mga
pinagkukunan.
4. Batay sa bilang 3, kailangan nating ipatupad o gawin ang 3R’s o ang “Reduce, Reuse, at Recycle”. Ito
ang pinkamainam na gawin upang makatulong na maging maayos at malinis ang kalikasan dahil
nagagamit pa natin ang mga patapong bagay.

5. Iwasan ang paggamit ng mga dinamita, bakit tayo gumagamit ng dinamita? Para saan? Para
makahulinagad ng mga isda? Diba tayo rin ang makikinabang niyo dahil baka sa bawat paggamit nito
maaari din tayong malason dahil sa dulot nitong kemikal. Nasisira din natin ang katubigan kaya kailangan
na nating itong iwasan.

6. Pagtatanim ng mga Puno. Kailangan nating magtanim ng puno dahil ito’y nakakatulong sa atin hindi
laman dahil sa oxygen na dulot nito kundi dahil humihigop ito ng tubig kapag baha, at nakakatulong ito
sa mga gawaing panlalaki tulad ng pagtatayo ng mga bahay at mga bagay – bagay dahil sa dulot nitong
kahoy. “Kung puputol ng isang puno, kailangan palitan ito ng 10 puno”.

7. At ang pinakahuli sa lahat ang iwasan ang pagtatapon ng kalat o basura kahit saan. Ano ba ang
problema ng tao bakit sila nagtatapon ng basura kahit saan? Bakit? Kasi may mga metro aide na
maglilinis nito? At isa pa bakit tayo’y kapag nakakita ng kalat ay dedma lang? Bakit?mawawala ba dangal
mo kung pupulot ka nito? Madudungisan ba ang buong katauhan mo Kung pupulot ka? Sa katunayan,
mas pinapangaralan pa ang mga metro aide at mga janitor dahil sila’y nakakatulong na mabawasan ang
dumi sa paligid. Kaya kailangan nating iwasang magtapon.

Ang magagawa Kong Kabutihan Para Sa Ating Kalikasan

Ang Kalikasan ang nagbibigay kulay sa ating kapaligiran na sadyang ipinagkaloob nang ating
Panginoon.Dapat natin itong ingatan at aalagaan .Mahalagang bagay na dapat nating palaguin at huwag
abusuhin para sa kapakanan ng sumusunod na henerasyon.

Para sa akin ang dapat kong gawin ay tutulong ako kahit sariling sikap lamang para
mapangalagaan ko ang kalikasan tulad ng pagtatanim ng puno sa bukirin at lugar na walang puno na
itinanim dahil sa pagtotroso at pagkakaingin.Bakit kaya nila ito ginawa at seguro alam naman nila ang
magiging epekto kapag wala ng mga puno?Ang gagawin ko para masugpo ang mga masasamang gawain
na ito ay isusumbong ko sa awtoridad ang maling ginagawa ng tao.Dapat tayong magtulungan upang
maibalik ang dating sagana sa kalikasan nang may magagamit pa ang ating mga anak,mga apo sa
susunod na henerasyon.

Ipaparating ko po sa mga tao na sa halip na ating sirain ang kalikasan ay tutulong tayo sa
paglilinis ,pagbabawas ng basura,pagtittipsa koryente at tubig,ayusin ang mga sirang sasakyan o di
kaya'y maglalakad kung malapit lang at pag-iwas sa mga gawain na makakadagdag ng butas sa ozone
layer.
Madalas itinuturo sa paaralan ang kahalagahan ng likas na yaman natin ngunit ano nga ba ang kalikasan
noon at ngayon?

Kung ikukumpara natin ang kalikasan noon at ngayon, mapapansin natin ang ilang pagbabago na
nagaganap sa ating kapaligiran. Noon ang kalikasan natin ay sagana sa mga likas na yaman, maraming
puno, sariwang hangin, magandang kapaligiran, tanawin at malinis na dagat at ilog.Pero ngayontayo ay
namumuhay wsa isang kalikasan na animo’y bangungot na kikitil sa sanlibutan at walang buhay na
kapaligiran. Pansinin ninyo ang ating ilog, dibat napakarumi na nito? Ang mga mapang abusong tao ay
ginagawang tapunan ng mga basura ang ating ilog! Yan ang kasalukuyang kalikasan na ginagalawan natin
ngayon.

Ano ba ang nararapat nating gawin upang kalikasan nati’y maibalik sa dati nitong ganda? Pagsunod sa
batas na dapat nating sundin ang sinuman upang kalikasan nati’y maibalik sa dati nitong anyo at ganda!

Pahalagahan natin ang kalikasan, at pahalagahan ang bawat natitirang likas na yaman ng ating bansa!
Dahil ang labis na pang aabuso sa ating kalikasan ang siyang magiging sanhi ng pagka wasak at pagka
wala ng mga likas na yaman. Iligtas natin ang ating kalikasan, ingatan natin ito dahil ito ang magiging susi
ng pag asenso ng ating bansa.

Kalikasan ang isa sa magandang biyaya ng Panginoon sa mga tao.Napakaganda ng kalikasan noon
kumpara ngayon. Marami pa ang malalagong puno
noon.Nakakaiwas pa tayo sa baha.Wala pang masyadong polusyon.Malinis pa ang paligid.Ang tubig sa
ilog,sapa, at dagat ay malinis pa.Pwede pang kuhaan ng tubig.
Ngayon wala na ang malalagong punona sumisipsip sa tubig upang makaiwas sa baha.Maraming tao ang
nag kakasakit dahil sa polusyon.Hindi na rin pwedeng kuhaan ng tubig ang ilog,sapa at dagat dahil puno
na ito ng mga basura.Maaari pa nating mabago ang ating kalikasan. Sipag, tiyaga at pag tutulungan
lamang ang puhunan upang makamit natin ang ating MUNTING PARAISO.

Marahil napapansin niyo na ang mga pagbabago sa ating kapaligiran. Nahahalata niyo bang nakararanas
tayo ng maaliwalas na panahon sa simula ngunit maya-maya’y biglang uulan? Sa kasalukuyan, maraming
pagbabago hindi lamang sa panahon na ating nararamdaman, kung hindi pati na rin sa ating kapaligiran.
Bakit kaya nangyayari ang mga pagbabagong ito ngayon na noong dati’y hindi natin nararanasan ?

Ayon sa mga siyentipiko, ang mga pagbabago sa kalikasan na nararanasan hindi lamang ng ating bansa,
kung hindi pati ng buong mundo ay ang tinatawag na Global Warming. Ang Global Warming ay
sinasabing epekto ng pagkasira ng ating kalikasan na dulot ng patuloy na pang-aabuso ng tao sa
paggamit nito, at hindi isang natural na pangyayari na dapat maranasan ng mundo. Ang mga ebidensya
ng pangyayaring ito ay nakagugulat at hindi dapat ipagsawalang-bahala ng mga tao dahil tayo rin ang
nagiging biktima nito. Ilan sa mga ebidensya ng Global Warming ay ang paglaki ng bilang ng mga
bagyong namumuo,tsunami at lindol. ang bilang ng tagtuyot na nararanasan sa iba’t-ibang bahagi ng
mundo, at ang paglilipat ng tirahan ng mga hayop malapit sa Kanluran at Hilagang bahagi ng mundo
dahil sa biglang pagtaas ng temperatura sa gitnang bahagi ng mundo. Kung sa mga susunod na taon ay
patuloy pa rin ang Global Warming, maraming masasamang epekto tayong mararanasan katulad ng
pagtaas ng bilang ng mga tao at hayop na mamamatay dahil sa sobrang init at mga sobrang pagbabaha
dahil sa natunaw na ang yelo sa Antarctica at ilang bahagi ng Arctic.

Bilang bahagi ng isang mamamayan, ano ang ating papel sa pagsagip sa ating kalikasan? Hindi lamang
ang mga nasa politiko o gobyerno ang dapat kumilos para sa kapakanan ng ating Inang Kalikasan dahil
para rin ito sa ating kinabukasan sapagkat tayo rin ang mangangalaga rito. Kaya nararapat lamang na
magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa Global Warming at kung paano ito maiiwasang lumala sa
hinaharap.

Anu-ano kaya ang maaari nating gawin bilang isang mamamayan sa pagsagip sa ating kalikasan? Isa sa
mga maaari nating gawin bilang mamamayan ay ang pagtitipid ng kuryente sa ating mga tahanan. Ang
elektrisidad na ginagamit natin sa ating mga bahay ay nagmumula sa mga fossil fuels na kailangang
sunugin na nagdudulot ng polusyon at isa sa mga sanhi ng Global Warming. Makatitipid tayo ng
elektrisidad kung babawasan ang paggamit ng mainit na tubig mula sa heater, at kung aalisin sa saksak
ang mga bagay katulad ng telebisyon kung hindi ito ginagamit.

Ang maaari rin nating gawin maliban sa pagtitipid ng kuryente ay ang hindi madalas na paggamit ng
kotse sa paglalakbay, o kaya naman ang pag-organisa ng mga carpool. Isa rin sa mga sanhi ng Global
Warming ang polusyong nagmumula sa mga kotse, lalo na kung marami ang bilang nito. Mababawasan
natin ang paggamit ng kotse kung maglalakbay na lamang tayo sa pamamagitan ng paglalakad, paggamit
ng bisikleta o paggamit ng pampublikong sasakyan.

Iwasan na rin natin gumamit ng plastik kung tayo ay mamimili sa mga palengke, mag dala na lang tayo
ng sarili nating lalagyan malaking tulong ito sa ating kailkasan lalo na tuwing sasapit ang panahon ng tag
ulan ito ang pinaka malaking sanhi ng pag baha. gayahin natin ang ibang syudad na pinag babawal ang
plastik sana maipatupad na ito sa lalong madaling panahon.
Sa pamamagitan ng mga simpleng mungkahi na maaari nating gawin araw-araw, magiging malaking
bagay ito para masagip natin ang ating kalikasan mula sa paglala ng Global Warming sa buong mundo.
Sana sa hinaharap, ang mga pagbabagong ating nararanasan ngayon ay hindi na lumala pa at sana
makita natin ang ating mundo sa dati nitong kagandahan.

Ang tao ay ginawa ni Bro Boss para pangalagaan ang ating kailkasan hindi para sirain. Dapat maging
responsable tayo dahil kapag ang kalikasan ang gumanti lintik lang ang walang ganti. Kaya kilos na
kapatid, habang may Panahon pa. Ikaw at ako, tayong lahat lang ang pag-asa ng Inang kalikasan.

ANG KALIKASAN AT ANG TAO '' ANG DIYOS AY NILIKHA TAYONG LAHAT NG PANTAY-PANTAY''
Magandang Kalikasan at Mapagmahal na tao, Asan kayo?? Nilikha ng Diyos ang tao para pangalagaan
ang kanyang mga likha. Ginawa ng Diyos ang Kalikasan hindi para sirain o tapaktapakan. Dapat ang ating
kalikasan ay pinapangalagaan. Kung isa kang taong binibigyang importansya ang nilikha ng Diyos na
Maykapal, maiintindihan mo ang aking sinasabi, mararamdaman mo ang aking pinapahiwatig at alam
mo ang gusto kong sabihin. Ang kalikasan ay maihahalintulad mo sa isang sanggol. Malinis, walang
kasalanan at nakakatuwang tingnan. Ngunit sa paglipas ng panahon maraming magbabago sakanya at sa
maraming ito sisiguraduhin kong hindi ka matutuwa. Ang kalikasan ay parang isang tao rin na marunong
masaktan. Siguro kung naririnig lang natin ang sigaw ng kalikasan ay binging-bingi na tayo. Kung
nakakapagsalita lang siguro ang kalikasan ay matagal na tayo nitong kinausap. Tao? Hindi ka ba naawa sa
ginagawa mo? Hindi sa lahat ng oras ay nandiyan ang kalikasan para suportahan ang lahat ng
pangangailangan mo. Pinahiram ng Diyos ang kalikasan sa ating mga tao hindi lang para sirain ng tao!!!
Isipin mo na lang akin sinasabi na ang lahat ng bagay ay may katapusan hindi lang ang tao pati ang ating
hindi binibigyang importansyang KALIKASAN!!!!

Ang Kahalagahan ng Ating Likas na Kapaligiran

Nagtulungan kamakailan ang mga siyentipiko at mga ekonomista sa isang pagsusuri sa limang likas na
mga tirahan na binago para sa gamit ng tao at sa komersiyal na pakinabang. Lubusang sinira ang isang
tropikal na kagubatan sa Malaysia para sa malawakang pagtotroso, isang tropikal na kagubatan sa
Cameroon ang ginawang taniman ng palma na pinagkukunan ng langis at ng mga punungkahoy na
pinagkukunan ng goma, isang latian ng mga bakawan sa Thailand ang ginawang palahipunan, ang latiang
tubig-tabang sa Canada ay inalisan ng tubig para sakahin, at isang bahura ng korales sa Pilipinas ang
ginagamitan ng dinamita para sa pangingisda.

Natuklasan ng mga mananaliksik ang ilang kataka-takang mga resulta. Kung hindi ginalaw ang limang
likas na tirahang ito, ang kanilang pangmatagalang kahalagahan sa ekonomiya sa pamayanan ay maaari
sanang mula 14 hanggang 75 porsiyentong mahigit kaysa pagkatapos baguhin ang mga ito. Sa
katunayan, sa katamtaman, ang ekosistema ay nawawalan nang kalahati ng halaga nito bunga ng
pakikialam ng tao, at taun-taon, nagkakahalaga ng $250 bilyon ang ginagawang mga pagbabago sa
kapaligiran. Sa kabaligtaran, magkakahalaga ng $45 bilyon ang pag-iingat sa likas na mga sistema.
Sinasabi ng mga mananaliksik na ang “mga paninda at serbisyo”—sa anyo ng pagkain, tubig, hangin,
tirahan, gatong, pananamit, medisina, at proteksiyon sa bagyo at baha—na nakukuha mula rito ay
nagkakahalaga ng di-kukulangin sa $4.4 trilyon, isang proporsiyon na 100 porsiyentong pakinabang sa 1
porsiyentong gastos, ang ulat ng pahayagang The Guardian ng London. Ganito ang sinabi ni Dr. Andrew
Balmford ng Cambridge University, Inglatera, na nanguna sa pagsusuri: “Nakatatakot ang pinansiyal na
aspekto. Noon pa man ay iniisip na namin na magiging higit na kapaki-pakinabang ang konserbasyon sa
ekonomiya, subalit hindi namin akalaing ganito kalaki.”

Nakalulungkot, mula pa noong Earth Summit ng 1992 sa Rio de Janeiro, 11.4 porsiyento ng likas na mga
kapaligiran ng lupa ang binago, pangunahin na dahil sa kawalang-alam sa kung ano ang nawawala at sa
paghahangad ng panandaliang pinansiyal na pakinabang. Pagkalipas ng sampung taon, sa World Summit
on Sustainable Development na ginanap sa Johannesburg, walang malinaw na mga solusyon ang inialok
upang lutasin ang problema. Ipinahayag ni Dr. Balmford ang kaniyang pagkabahala, sa pagsasabing:
“Sangkatlo ng iláng na dako sa daigdig na nasa likas na kalagayan ang wala na mula noong bata pa ako at
noon ko unang narinig ang salitang ‘konserbasyon.’ Iyan ang labis na nakababahala sa akin.”

Gayunman, nakatitiyak ang mga mambabasa ng Bibliya sa pangako ng Maylalang na masusumpungan sa


Apocalipsis 11:18. Binabanggit doon na malapit na niyang “ipahamak yaong mga nagpapahamak sa
lupa.” Isasauli ang likas na mga ekosistema ng planeta para sa walang-hanggang kapakinabangan ng
sangkatauhan.

Kahalagahan ng Kalikasan

Batay sa sanaysay ni: Analyn Omolon IV-2

Ang bansang pilipinas ay isa sa pinakamayamang bansa sa Asya, hindi mayaman sa salapi pero maunlad
sa likas na kayamanan. Gaya ng kasabihan, "hindi lamang ginto ang kumikinang," hindi lamang ginto ang
maituturing na kayamanan. Maging ang kayamanan sa ating paligid ay maituturing na kayamanan---
tulad ng kalikasan. Subalit, napapahalagahan nga ba ng tama ang ating kalikasan?

Di ba't lahat tayo'y nilikha ng Diyos! Nilikha na may kaniya-kaniyang tungkulin. Tayong mga tao ay nilikha
upang pahalagahan at pagyamanin ang kaniyang mga likha. Gaano ba kahalaga ang kalikasan? Para sa
akin sadyang napakahalaga ng kalikasan, dahil dito tayo kumukuha ng ating hinahain sa ating hapag-
kainan; tulad ng isda na nakukuha sa ating katubigan, mga prutas, gulay at bungang kahoy na makukuha
sa halamanan. Dito rin tayo kumukuha ng mga kasangkapan sa paggawa ng bahay.

Pero, nakakalungkot isipin na unti-unting nasisira ang ating kapaligiran. Unti-unting nawawala ang ganda
ng mga itinuturing na kayamanan. Ang karagatan na dati'y kulay asul ngayon ay naging itim. Papaano na
nga ba ang mga kabataan sa hinaharap? Wala nang malalanguyan ng malinis na tubig, at wala na ring
punong aakyatan, dahil sa walang habas na pagputol, ngunit hindi naman napapalitan; wala na rin
tayong malalanghap na malinis na hangin sa hinaharap dahil wala na ang mga punong sumasala sa
malinis na hangin. Kapag tuluyang nawala ang mga puno, mawawalan ng balanse ang ecosystem. Ito ay
magdudulot ng matinding init sa mundo. Kapag dumating naman ang panahon ng tag-ulan o bagyo,
madaling matatangay ng tubig ang lupa, dahil wala ng kumakapit dito. Maari itong magbunga ng
pagkamatay ng mga tao na nakatira malapit sa mga dalisdis o paanan ng bundok. Sa ating kapaligiran din
kumukuha ng mga trabaho ang mga tao, gaya ng pangingisda at pagsasaka.

Sana nga ay matigil na ang mga illegal na ginagawa ng mga tao sa ating kalikasan, dahil tayo rin ang
maapektuhan nito sa huli---lahat tayo ay madadamay. Kaya kung ako sa inyo sama-sama nating
pangalagaan at pahalagahan ang ating likas na yaman. Sa pamamagitan ng pagtatanim muli ng mga
puno sa ating paligid. Tayo na rin ang magdidisiplina sa ating sarili na huwag tapunan ang ating mga
katubigan, malaki ang maitutulong nito sa kabuhayan!

You might also like