Lesson Exemplar in AP Week 2 Module

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Learning Area Araling Panlipunan 5

Learning Delivery Modality Modular Offline Distance Learning


Paaralan BULACNIN ES Baitang Lima
Guro Asignatura Araling
LEONARDO L. ENRIQUEZ JR.
LESSON Panlipunan
EXEMPLAR Petsa Oktubre 12-15,2020 Markahan Una
Oras Bilang ng
5
Araw

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at
kaalaman sa kasanayang pangheograpiya, ang mga
teorya sa pinagmulan ng lahing Pilipino upang
mapahahalagahan ang konteksto ng lipunan/
pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at ang
kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng
Pilipinas.
B. Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong
kabihasnan ng mga sinaunang Pilipino gamit ang
kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at
mahahalagang konteksto ng kasaysayan ng lipunan
at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan at
pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing
Pilipino.

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa  Naipaliliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay


Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat ang sa :
pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o
MELC A. Teorya (Plate Tectonic Theory)
B. Mito
C. Relihiyon
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN
Aralin 2: Pinagmulan ng Pilipinas Batay sa Plate
Tectonic Theory
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC 2 ph.39 AP5PLP- Id-4
PIVOT BOW MELC ph. 176
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- CLMD4A sa Araling Panlipunan 5 ph. 10-12
aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Araling Panlipunan Kagamitang ng Mag-aaral
pp 38-49

d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal


ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para CLMD4A sa AP 5, aklat
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Ang aralin na ito ay isinulat at idinisenyo upang
makatulong sa iyo na magkaroon ng sapat na
kaalaman upang mabatid ang pinagmulan ng
Pilipinas batay sa iba’t ibang Teorya. Ang iba’t ibang
Teoryang ito ay inilahad ng iba’t ibang Siyentipiko na
nagkaroon ng iba’t ibang pag-aaral batay sa
pinagmulan ng Pilipinas. Ito ay isinulat nang may
pagkakasunod-sunod upang higit na makatulong sa
mga sa iyo, ngunit ito ay nagkaroon ng bahagyang
pagbabago batay sa kasalukuyang aklat na ginagamit
ng mga mag-aaral. Ang aralin na ito ay naglalaman
ng pinagmulan ng Pilipinas batay sa plate tectonic
Theory.
Matapos pag-aralan ang aralin na ito, ikaw ay
inaasahang matukoy ang pinagmulan ng Pilipinas
batay sa Plate Tectonic Theory, maipaliwanag ang
iba’t ibang kaalaman tungkol sa Plate Tectonic
Theory ,maipaliwanag ang pagkakaiba ng iba’t ibang
teorya tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas, matukoy
ang ginawang pag-aaral sa Teoryang Tectonic Plate,
maibigay ang iba’t ibang detalye ng Tectonic Plate
Theory, mailarawan ang mga tipak ng lupa sa ilalim
ng katubigan na bumubuo sa Teorya ng Tectonic
Plate. Dahil sa naging palaisipan sa mga
Sinaunang/Katutubong Pilipino ang pinagmulan ng
Pilipinas, nagkaroon ng pag-aaral ang iba’t ibang
Siyentista upang mabigyan ng liwanag ang tunay na
pinagmulan ng mga kapuluan sa Pilipinas. Kabilang
dito ang Teoryang Continental Drift na batay sa pag-
aaral na isinagawa ni Alfred Wegener, ang Pilipinas
ay dating binubuo ng isang malaking masa ng lupa
na unti-unting nahati at nagkahiwa-hiwalay hanggang
sa marating ang kasalukuyang anyo ng mga lupain
sa daigdig.

B. Development (Pagpapaunlad) Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Piliin at bilugan ang


titik ng wastong sagot sa bawat bilang.

1. Kaisipang tumutukoy sa isang mahalagang


konsepto gamit ang siyentipikong pamamaraan ng
pananaliksik?
A. Kasaysayan B. Heograpiya
C. Teorya D. Topograpiya

2. Ito ang tumutukoy sa Teoryang Tectonic Plate?


A. Malalaking tipak ng lupa
B. Malalaki at makakapal na tipak ng lupa
C. Makakapal na tipak ng lupa
D. Kalupaang bumubuo sa buong daigdig

3. Sila ang iba’t ibang tao na nag-aral ng teorya


tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas?
A. Siyentista B. Dalubhasa
C. Bayani D. Historyan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Piliin at bilugan ang


titik ng wastong sagot sa bawat bilang.

1. Saan tumutukoy ang Tectonic Plate na isa sa


Teorya ng pinagmulan ng Pilipinas?
A. Makakapal na tipak ng lupa
B. Matataas na kabundukan
C. Malawak na anyong tubig
D. Malalawak na kapatagan

2. Siya ang Siyentistang nagpanukala ng Teoryang


Continental Drift?
A. Bailey Wilis
B. Christopher Columbus
C. Alfred Wegener
D. Ferdinand Magellan

3. Ito ang Teoryang tumutukoy sa paglubog ng ilang


kalupaan sa mundo dahil sa pagkatunaw ng yelo?
A. Continental Drift
B. Tulay na Lupa
C. Bulkanismo
D. Plate Tectonic

Ayon sa Teorya ng Tectonic Plate,


tumutukoy ito sa paggalaw ng kalupaan. Ayon dito,
ang crust ay nahahati sa malalaki at makakapal na
tipak ng lupa na tinatawag na mga Tectonic Plate.
Napagagalaw ng mga Tectonic Plate palayo,
pasalubong, at pagilid sa isa’t isa ang mantle ng
mundo. Dahilan ang prosesong ito hindi lang sa
paggalaw ng mga kontinente kung hindi maging sa
iba pang prosesong pangheograpiya tulad ng
paglindol, pagputok ng bulkan, at pagbuo ng mga
kabundukan.

Nagkaroon ng iba’t ibang pag-aaral/


pananaliksik tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas. Ang
mga pag-aaral na ito ay isinagawa ng iba’t ibang
Siyentista kung kaya’t nagkaroon ng iba’t ibang
Teorya. Isa sa mga nagging Teorya tungkol dito ay
ang Continental Drift na tumutukoy sa malaking masa
ng lupa na nagkahiwa-hiwalay milyon taon na ang
nakalipas. Si Alfred Wegener ay isa sa mga
Siyentistang nagkaroon ng Teorya tungkol sa
pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas. Ang Pilipinas
ay binubuo ng mahigit sa 7,000 mga pulo. Ang
Teorya ng Tectonic Plate ay tumutukoy sa paggalaw
ng mga kalupaan at nahati sa malalaki at makakapal
na tipak na lupa.

C. Engagement (Pagpapalihan) Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutin ang mga


sumusunod na
katanungan batay sa nilalaman ng paksa.

1. Anong mga kaalaman at kasanayan ang madali


mong natutunan mula sa aralin?

2. Anong mga kaalaman at kasanayan mula sa aralin


ang nahirapan kang matutunan?

3. Bakit nahirapan kang matutunan ang mga


naturang kaalaman at kasanayan?

4. Kung pag-aaralang muli ang nilalaman ng aralin at


gagawin ang mga pagsasanay, paano mo higit na
mapagbubuti ang iyong pagkatuto?

a. Sumangguni sa iyong nagging sariling karanasan.

b. Sumangguni sa iyong mga kamag-aral at tanungin


ang naging karanasan sa pag-aaral.

c. Sumangguni sa iyong guro at humingi ng mga


mungkahi.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Paano mo iuugnay


ang nakaraang pagputok ng bulking taal tungo sa
teoryang plate tectonic?

D. Assimilation (Paglalapat) Mga Teoryang nagpapaliwanag sa pagkabuo ng


Pilipinas.
- Teorya ng Continental Drift. Ayon sa German na si
Alfred Wegener ang Pilipinas ay mula sa malaking
tipak ng lupain sa daigdig na naghiwa-hiwalay ilang
daang milyong taon na ang nakalipas. Tinawag ang
malaking masa ng lupa na Pangaea na kung saan
ang Pilipinas ay nasa bahagi ng lupang ito.

- Teorya ng Bulkanismo. Ayon naman ito sa


siyentistang Amerikano na si Bailey Willis na kung
saan ang Pilipinas ay nagmula sa pagputok ng mga
bulkan sa ilalim ng karagatan. Ang patuloy na
pagtambak ng mga volcanic material sa ilalim ng
karagatan ang nagbigay- daan sa unti- unting
paglitaw ng kalupaan ng Pilipinas.

- Teorya ng Tulay na Lupa.Ayon sa teoryang ito ang


kapuluan ng Pilipinas ay bunga ng pagtaas ng lebel
ng tubig sa karagatan at natabunan ang mga tulay na
lupang nag- uugnay sa mga kapuluan at sa ilang
bahagi ng Timog- Silangang Asya.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Piliin at bilugan ang


titik ng wastong sagot sa bawat bilang.

1. Ito ang Teoryang tumutukoy sa pagtaas ng lebel


ng tubig sa karagatan?
A. Tulay na Lupa C. Bulkanismo
B. Continental Drift D. Tectonic Plate

2. Teoryang tumutukoy sa natambak navolcanic


material material nang
sumabog ang mga bulkan sa ilalim ng karagatan?
A. Tulay na Lupa C. Bulkanismo
B. Continental Drift D. Tectonic Plate

3. Karagatang nakapagitan sa Pilipinas at iba pang


bahagi ng Asya?
A. Karagatang Pasipiko C. Atlantic Ocean
B. West Philippine Sea D. Indian Ocean

4. Siyentistang naghain ng Teoryang Bulkanismo


A. Alfred Wegener C. Thomas Edison
B. Albert Einstein D. Bailey Wills

5. Teoryang tumutukoy sa mga tipak ng lupa sa ilalim


ng katubigan na nakakabit sa mga kontinente?
A. Continental Shelf C. Bulkanismo
B. Plate Tectonic D. Tulay na Lupa

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno,


journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na

Nabatid ko na

Inihanda ni:
LEONARDO L. ENRIQUEZ JR.
Guro III
Iwinasto ni:
NENITA B. KATIGBAK
Dalubguro I

Binigyang Pansin:
ANGELICA L. ENRIQUEZ, PhD
Punongguro II
Pangalan:______________________________________________

Baitang at Pangkat: ____________________________

Araling Panlipunan 5

WEEK 2 : Aralin 2 Mga Teorya ng Pinagmulan ng Pilipinas

Unang Araw:

Mga Gawain

1. Basahin ang nasa panimula ng modyul.


2. Paano nabuo ang Pilipnas?
(Ipaliwanag ang iyong kasagutan sa loob ng limang pangungusap)

______________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________.

Ikalawang Araw

Mga Gawain

1. Sagutin ang nasa Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 at 2 sa inyong sagutang papel.


2. Basahin ang nasa pahina 11 ng inyong modyul at para sa karagdagang kaalaman
maaaring basahin ang nasa inyong aklat pahina 40-42.

Ikatlong Araw

Mga Gawain

1. Sagutin ang nasa Gawain sa Pagkatutuo Blg. 3 at 4 sa inyong sagutang papel.

Ikaapat na Araw

Mga Gawain

1. Basahin ang nasa Isaisip.

Isaisip:

Mga Teoryang nagpapaliwanag sa pagkabuo ng Pilipinas.

- Teorya ng Continental Drift. Ayon sa German na si Alfred Wegener ang Pilipinas ay mula
sa malaking tipak ng lupain sa daigdig na naghiwa-hiwalay ilang daang milyong taon na ang
nakalipas. Tinawag ang malaking masa ng lupa na Pangaea na kung saan ang Pilipinas ay
nasa bahagi ng lupang ito.

- Teorya ng Bulkanismo. Ayon naman ito sa siyentistang Amerikano na si Bailey Willis na


kung saan ang Pilipinas ay nagmula sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan. Ang
patuloy na pagtambak ng mga volcanic material sa ilalim ng karagatan ang nagbigay- daan
sa unti- unting paglitaw ng kalupaan ng Pilipinas.

- Teorya ng Tulay na Lupa.Ayon sa teoryang ito ang kapuluan ng Pilipinas ay bunga ng


pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan at natabunan ang mga tulay na lupang nag- uugnay
sa mga kapuluan at sa ilang bahagi ng Timog- Silangang Asya.

2. Sagutin ang Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 sa inyong kwaderno.

Karagdagang Gawain

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Isulat sa iyong sagutang papel ang konseptong hinhingi sa
abwat bilang.

1. Tawag sa supercontinent na sinasabing pinagmulan ng Pilipinas.________________

2. Teorya tungkol sa unti- unting paggalaw ng mga kalupaan mula sa isang supercontinent.
________________

3. Teoryang nagpapaliwanag sa paggalaw ng mga kalupaan.________________

4. Malalaki at makakapal na tipak nalupa na bumubuo sa crust.________________

5. Bahagi ng mantle kung saan may paikot na paggalaw ang init dahilan upang gumalaw
ang kalupaan sa ibabaw nito.___________________

6. Teoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa pagputok ng mga bulkan sa paligid ng


Pacific basin.___________________________

7. Teoryang nagsasabing dating karugtong ang Pilipinas ng Timog - Silangang Asya.


__________________________

8. Tawag sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.________________

9. Naghain ng teoryang nagmula ang Pilipinas sa pagputok ng mga bulkan sa paligid ng


Pacific basin. __________________________

10. Naghain ng teoryang nagmula ang kapuluan ng daigdig mula sa isang


supercontinent.______________________________

At bilang pagtatapos ng aralin sa linggong ito, sa inyong kwaderno/ journal.

Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang


nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na

Nabatid ko na

You might also like