Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

FILPINO 8 MODYUL 1 –Mga Karunungang-Bayan

Pre test;
1. D 6. D
2. B 7. B
3. D 8. C
4. A 9. C
5. A 10. A
KASAGUTAN : (kuwaderno)

Tasalitaan:
1. Kabagay –kapareho,kaayon
2. Maalam – marunong
3. Naggawad – nagpahintulot,nagbigay
4. Lunday - baroto/bangka
5. Sigwa - gulo ,digmaan
Sa Aking mga Kabata
Kasabihan - Ang hindi magmahal sa kanyang salita, mahigit sa hayop at malansang isda
Kaisipan - Walang kasimbulok o baho sa mga taong hindi marunong gumamit o magmahal
/magmalaki sa sariling salita/wika.

Bugtong:
Nang umalis ay lumilipad
Nang dumating ay umuusad
Sagot: Ulan

Venn Diagram :(kuwaderno)


A –Salawikain - mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda,nagbibigay ng
payo at paalala tungkol sa kagandahang –asal.
B – Mga idyoma o patalinghagang pahayag na ang kahulugan ay di-tuwirang nagbibigay ng
kahulugan.
C – Kasabihan – hindi gumagamit ng talinghaga, payak ang kahulugan
D - Parehong mga yaman ng panitikang Pilipino,parehong mga karunungang bayan at ito’y
nagbibigay aliw ,aral o mensahe.
Pagkakaiba ,ang salawikain ay malalim,nagbibigay mensahe at paalala,ang sawikain ay mga
parirala na may iba o malalim na kahulugan habang ang kasabihan ay lantaran o diritsahan ang
pamumuna o pagbibigay ng mensahe.

Pahayag : (Kuwaderno)
1. Tulak ng bibig ,kabig ng dibdib - iba ang sinasabi sa nararamdaman
2. Utos na sa pusa, utos pa sa daga – walang pinipili na inuutusan.Mahilig mag-utos
3. Ubos-ubos biyaya pagkatapos nakatunganga – mahilig gumasta,gastador,hindi iniisip
ang bukas.
4. Ang taong walang kibo ,nasa loob ang kulo - may mga itinatago,hindi mo kilala ang
tunay na pagkatao.

ISAGAWA – PAH. 9 - ISULAT SA BUONG PAPEL:


Salawikain Sawikain Kasabihan
Ang magtanim ng hangin Itaga mo sa bato Ang taong nagigipit sa
,bagyo ang aanihin patalim kumakapit
Kasama sa gayak,di kasama Sumugba sa ningas Ano man ang gagawin
sa lakad makapitong iisipin
Aanhin pa ang damo,kung Ang oras ay ginto Pag may hirap may ginhawa
patay na ang kabayo
Tulak ng bibig kabig ng
dibdib

PAGYAMANIN:PAH.10 -SA PAPEL ,LIKOD SA PAHINA 9


Salawikain: Taong nanunuyo, Dala- dalay bukayo
Sagot : Kung ikaw ay may kailangan,siyempre magagandang salita ang bibitawan mo.
Sawikain: may tali sa bibig (sorry baliktad sa module)
Sagot: hindi malayang makapagsalita/makapagpahayag
Kasabihan: Malakas ang loob,mahina ang tuhod

Sagot : Iyon ang mga taong pursigido/determinado pero hanggang sa isip lang .Takot,bahag
ang buntot.

Suriin :pah. 12 (sa kuwaderno)


1 .D
2.D
3. C

ISAGAWA : ( Sa isang buong papel)


Sitwasyon 1 - note ;(may iba’t ibang kasagutan o pangungusap bilang kasagutan siguraduhin
lang na akma sa sitwaswon ang ginamit na karunungang- bayan)
Hal: Kahabag-habag ang sinapit ng ibang ‘FRONTLINERS” ang iba nga sa kanila ay sumakabilang
buhay na dahil sa sakit na ito.
Sitwasyon 2
Hal. Sagot: Kailangan ang tatag ng loob upang ang sakit at hirap na dinanas natin ay
malampasan.Huwag lang kalimutan na kapag may kalungkutan may kaligayahan.

Pagyamanin : KASAMA SA ISAGAWA SA BUONG PAPEL. Ang isang maiksing talata

hinggil sa sitwasyon nila sa panahon ng pandemya.gamit ang sawikain o salawikain.

Tuklasin pah. 15-16 (sa kuwaderno)

Mas malayang kumilos


Di- gaanong mapansin ang hirap
Kasintayog ang panagarap
Mas mahirap gumalaw
Mas marami pa rin ang nagpakita ng katigasan
Kasintatag ng bakal ang paninindigan

Isagawa: pah.18 (sa kuwaderno) Halimbawang sagot:


1. Di-lubhang mabisa ang panukala ng pamahalaan /IATF kung sana’y sumama sa agos ang
lahat
2. Masasabi nating higit na kahanga-hanga at maipagmamalaki natin ang mga “frontliners”
na sumugba sa ningas para sa kaligtasan ng iba.
3. Sa mga hindi nakaligtas talagang guhit ng palad nila na hanggang doon na lang ang
kanilang buhay.

Pagyamanin /Awtput :
Brochure: Dalawang long bond paper ,lagyan ng larawan at bawat larawan ay ginagamitan ng
Sawikain o salawikain na akma nito.
Ang ikatlong bond paper ay lagyan ng : (COVER PAGE)

Filipino 8 - Modyul 1
Awtput

“ Tara na!” Tukalasin ang Kayamanang Taglay ng Cebu…

Pangalan:
Pangkat:

Rubric nasa pah. 19

TAYAHIN - Post test: ( Isang buong papel)


A. PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA ng sawikain,salawikain,at kasabihan
Ang pagkakaiba nila ang Salawikain ay mga karunungang hango sa karanasan ng
matatanda,nagbibigay ng payo at paalala tungkol sa kagandahang –asal.
Habang ang Sawikain ay mga idyoma o patalinghagang pahayag na ang kahulugan ay di-
tuwirang nagbibigay ng kahulugan.
Ang Kasabihan naman ay hindi gumagamit ng talinghaga, payak ang kahulugan nito.
Ang pagkakatulad ng mga ito,parehong mga yaman ng panitikang Pilipino,parehong mga
karunungang bayan at ito’y nagbibigay aliw ,aral o mensahe.
B. Talata: Bilang kabataan, paano mo isasabuhay ang mga salawikain na ginamit sa tula?
Halimbawang salawikaing napili: Dungis sa mukha mo’y pahirin muna,Bago ka
mamintas ng mukha ng iba.
Hal.sagot;
Bawat isa sa atin ay nilikha ng Diyos,sa kanyang larawan. Ngunit bilang tao mayroon
tayong mabubuting katangian at kapintasan,maugali man o pisikal.Kaya, wala tayong
karapatang mamintas sa iba o tingnan ang kapintasan ng iba.Sa halip, tingnan natin ang
ating mga kahinaan at gawin ang mabuti sa halip na titingnan ang kahinaan ng iba.Dito
magsimula ang respito at katahimikan ng ating puso at sa buong mundo.
C. Sawikain mula sa Usapan:
1 .ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig-ipinanganak na may kaya - may kaya sa
buhay
Kahanga-hanga sila na ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig na bukas ang puso at
namahagi sa kanilang biyaya sa mga nangangailangan.
2. may utak –matalino
Ang mga batang may utak at taglay rin ang kasipagan at kabaitan ay may mararating.
3 . nagsusunog ng kilay - nagsisikap
Sa mga mag-aaral na nagsusunog ng kilay at ginawa ang mga gawain bilang mag-aaral,
nagbunga ito at nasa ibang antas na ngayon.
4. Butas ng karayom – hirap

Nagdaan muna siya sa butas ng karayom bago nakapagtapos sa hayskul.


5. Matamis ang bunga –masarap ang tagumpay
Matamis ang bunga ng ating paghihirap at pagpupunyagi nating mga guro dahil maraming
mga mag-aaral ang natuto at nakapagtapos.

You might also like