Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ONLINE CLASSES

Isang mapagpalang araw para sa ating lahat! Sa aking guro na si Bb. Rica Sandiego at sa
mga kapwa ko mag-aaral. Ang aking talumpati ay tungkol sa panibagong paraan ng pag-aaral,
ANG ONLINE CLASS.
Ang online classes ay ang bagong paraan ng pag-aaral ng mga kabataan. Ito ay isang
plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang
estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang magtungo sa paaralan at makaharap ang
guro at mga kapwa kamag-aral. Kung iisipin, napakaganda na nasa bahay ka lang habang dumadalo sa
talakaying pang-eskwelahan. Napakaginhawa dahil hindi na kailangan pang pumunta mismo
sa paaralan. Ngunit, lahat ba ng mga mag-aaral sa Pilipinas ay may pantay-pantay na pagkakataon para
tumalima sa mga kagamitang kakailanganin sa online classes? Ang paaralan ay isang platform kung saan
natutunan ng mga mag-aaral ang mga kasanayan hindi lamang pang-akademiko kundi pati na rin sa
pakikisalamuha at pagsasagawa ng mga extra-curricular activities. Sa loob ng isang silid-aralan kung saan
nagkakaroon ng personal na interaksiyon sa pagitan ng guro at mga estudyante. Habang sa online
classes, dapat isaalang-alang ang isang tahimik na puwesto sa tahanan upang magkaroon ng motibasyon
at konsentrasyon habang ang isang mag-aaral. May kakambal din itong hirap para sa iba dahil hindi
naman lahat ay may kayang magkaroon ng internet sa kani-kanilang tahanan kaya ang ginagamit ay ang
mga telepono ng mgamagulang na may subskripsiyon ng internet o kaya ay pakikipag komunikasyon
gamit ang WhatsApp o Messenger. Ang kalagayan naman ng ibang mag-aaral kung saan ang kanilang
mga magulang ay full-time health worker gaya ng doktor, narses, sanitary workers at iba pang patuloy
ang hanapbuhay dahil kailangan kahit panahon ng lockdown may posibilidad na maaaring mahirapan sila
dahil sa walang sapat na panahon ang mga magulang upang matulungan at matutukan sila sakanilang
online class.

Naiulat noon sa balita at laman din ng posts sa social media ang mga pagsubok na
nararanasan ng mga guro, mga magulangat guardians ng mga estudyante sa pagsisimula ng
online classes. Lalo pa itong napatunayan nang ipinalabas sa programang pang-
telebisyon na Kapuso Mo, Jessica Soho ang sitwasyon sa mga liblib na lugar sa probinsya, kung 
saan iba-ibang klaseng sakripisyo ang dinaranas ng mga guro para kumpletuhin at ipamigay ang
learning modules sa mga estudyante.
Sa mga usapin ukol sa kakayahan sa paglulunsad ng mga klase gamit ang modalidad ng
blended learning sa panahon ng pandemya, iginiit ng mga opisyal ng DepEd na hindi maaaring
maantala nang matagal na panahon ang pormal na edukasyong mga mag-aaral. Walang
katiyakan patungkol sa kung kailan magkakaroon ng bakuna laban sa COVID-19 at habang wala
pa ito, iginigiit ng mga mambabatas na hindi maaaring pahintulutan ang dating normal na paraan
ng pag-aaral hanggang sa katapusan ng taong 2020 na lalong hindi magiging madali para sa
sistema ng edukasyon sa ating bansa. Ang pag-aaral at pagkakaroon ng edukasyon ay siyang
tunay na kayamanan na kailanman ay hindi mapag-iiwanan. Walang ibang pinapangarap ang
isang magulang kung hindi ang mapag-aral ang kanilang mga anak na kalaunan ay inaasam rin
na makapagtapos at maging isang produktibong nilalang. Ang edukasyon ay ang yamang hindi
mananakaw ninuman, ito ay isang sandatang dapat maangkin ng mga kabataan na siyang pag-asa
ng ating bayan

You might also like