Papel Na Sinusuri

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Papel na Sinusuri: WIKANG KATUTUBO AT ANG KAMALAYANG FILIPINO

May akda: JOYCE ANNE AT JERICO


Si Bienvenido Lumbera ay kilala bilang isang tanyag na manunulat, makata at liberista. Bukod dito
isa rin syang mahusay na tagasubaybay at tagapagsalaysay ng pag-unlad ng panitikan, wika at
kulturang Filipino. Siya ay anak ng mag-asawang Timoteo at Carmen Lumbera. Isinilang si Lumbera
noong ika-11 ng Abril taong1932 sa Lipa City, Batangas.
Nagtapos siya bilang cum laude sa kursong Batsilyer sa Literatura, major sa Journalism sa
Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila noong 1954. Pinagpatuloy niya ang pag-aaral at nakamit
niya ang digring masteral at doktoral sa Comparative Literature sa Indiana University noong 1967 sa
Estados Unidos.
Bilang makata, nakilala si Lumbera sa isang palabas ng Heights noong 1965 na may mga tulang
pinamagatang Bagay. Kasama ang kaibigan at kapuwa Pambansang Alagad ng Sining na si Rolando
S. Tinio at mga estudyanteng sina Jose F. Lacaba, Antonio E. Samson at Edgar C. Alegre at paring
Heswita na si Edmundo Martinez, nagpamalas ang kanilang mga tula ng Modernistang paraan laban
sa labis na pangangaral at sentimentalismo na umiiral sa pantulang Tagalog.
Ilan sa mga katha ni Lumbera ay ang mga koleksyon ng mga tula tulad ng Likhang Dila, Likhang
Diwa noong (1993) at Balaybay, Mga Tulang Lunot at Manibalang. May mga akda rin siyang kritikal
tulad ng Abot-Tanaw, Sulyap at Suri sa Nagbabagong Kultura at Lipunan noong (1987) at Pag-akda
ng Bansa (2000). Gumawa rin si Lumbera ng mga librettou gaya ng Tales of the Manuvu (1977) at
Rama Hari (1980). Nanguna rin siya sa paggawa ng mga musical na tumutuligsa sa kasaysayan na
napapaloob sa Sariling Bayan. Apat na Dulang may Musika kung saan itinanghal ang apat na
magkakaibang dulang musika. Nasa Puso ang Amerika, Bayani, Noli Me Tangere,The Musical at
Hikbi at Himagsik nina Victoria Laktaw. Dahil sa malaking ambag niya sa literatura at sining ng
Pilipinas, maraming pagkilala na ang kaniyang natanggap. Ilan sa mga pagkilalang natanggap ni
Lumbera ay ang mga sumusunod tulad ng Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature and
Creative Communication Arts (1993), Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, Manila Critics’ Circle,
Palanca, National Artist for Literature (2006).
Gumawa ng Pagsusuri: Abellera, Rica
Abena, Jessalyn T.
Alab, Maria Jennel D.
Aler, Claire A.
Balbar, Jericho
Basco, Mary Grace P.
De Jesus, Angelika Franchette B.
Silang, Joyce Anne A.
Tolentino, Monica L.
Umandal, Julifer
Vasquez, Danica Irene M.
Villanueva, Romelyn C.
Yap, Charife Mae G.
Mga tumakbo sa isip habang binabasa ang akda: RICA AT DANICA
Dala ng mga malalalim na salitang ginamit sa pagsulat ng artikulo ay nakaranas ang mga manunuri
ng kalituhan tungkol sa mga nilalaman nito. Sa unang pahina ng artikulo ay mapapaisip kung saan
patungkol ang isinasaad nito kung sa himagsikan o panitikan. Gayon paman habang patuloy na
iniintindi ang bawa’t salita kalauna'y nauunawaan na rin ang ipinahahayag ng paksa.
Inilahad dito ang tatlong panitikang gawa ng mga Pilipino na kung saan ay nagpamulat sa kamalayan
ng kanilang kapwa Pilipino. Bagama't nagkaroon ng hindi kaliwanagan sa pagbabasa, naintindihan
naman ang nais iparating ng may akda. Ang artikulong ito ay nagbibigay kaalaman sa mga
mambabasa na magkaroon ng kamalayan sa Katutubong Wika at mga Kamalayan ng Pilipino sa
ating Sariling Wika.
Bilang karagdagan, tumatak din sa isipan ng mga manunuri na hindi naging madali ang pamumuhay
ng mga Pilipino dahil sa mga bansang nagkaroon ng pagkakataon na sakupin ang ating bansa
katulad ng mga Espanyol, Hapon at Amerikano. Magkahalong lungkot at kasiyahan ang naramdaman
ng mga manunuri habang binabasa ang artikulong ito. Malungkot sapagkat naipabatid ng akdang ito
kung gaano kasaklap ang Sistema ng pamumuhay noon ngunit masaya rin sapagkat sa kabila ng
kasaklapan na dinanas ng kapwa Pilipino natin sa kamay ng mga dayuhan ay umusbong ang
kanilang diwang pagkaPilipino kasabay ng pagkakaroon nila ng ideolohiyang Nasyonalismo.
Sintesis: JULIFER AT MONICA
Isang kundiman mula sa panahon ng Rebolusyong 1896 ang nagdulot ng kalituhan sa panitikan, ang
Jocelynang Baliwag na sinasabi ng iba ay hinggil sa dalagang nagngangalang Pepita Tiongson y
Lara. Kung susuriin ang bawat salita nito, ito ay puno lamang ng mga papuri at walang mababakas
kahit kaunting diwa ng rebolusyon. Gayon pa man, ang akdang ito ay naging awit ng isang kilusan at
tinawag na “Kundiman ng Himagsikan”. Mula rito, ipinaliwanag ng manunulat na walang
kapangyarihang pumukaw sa kamalayan ng mambabasa o tagapakinig ng ano mang akdang
pampanitikan gayun din ang mga salitang bumubuo rito . Ang tanging may kakahayan lamang nito ay
ang manunulat.

Bukod sa Jocelynang Baliwag ay tinalakay din ang isa sa mga kilalang akda ni Franciso Balagtas na
“Florante at Laura”. Pinaniniwalaang ang akdang ito ay ginawa ni Balagtas upang ipamalay sa mga
kolonyalista na kahit siya man ay makatang Indio, kaya niyang gumawa ng pasalaysay ng tulang
maihahanay sa mga romantikong mga makatang Peninsular. Gaya na lamang ng “Jocelynang
Baliwag” Isang punto dito ay ang sinabi sa artikulo na ang salaysay ng Florante at Laura ay hindi
nagbago gaano man karami ang taong nakarinig at nakabasa nito. Ngunit sa paglipat-lipat ng mga
tao at lugar, ang paglipas ng taon ay nagiging tugon ang mga salita ni Balagtas sa mga daing ng tao
na inapi, pinagkaitan ng katarungan, pagkawala ng kapangyarihan, at pagkasawi ng mga tao na
maihahambing sa mga karakter ng tula. Kung kaya’t nabago ang kahulugan at kamalayan ng mga
katutubo. Hindi na ito ang Florante at Laura ni Balagtas kundi Florante at Laura nina Rizal at Mabini.

Noong panahon naman ng pananakop ng Amerikano at Hapon, tumaginting ang pangalang Amado
V. Hernandez nang gumawa siya ng mga tulang pumapatungkol sa kalagayan ng ating bansa sa
ilalim ng kamay ng mga dayuhan. Kasama sa mga tula niya ang “Kung Tuyo Na ang Luha Mo, Aking
Bayan.” Sa panahong muling mababasa ang pagtutol ni Hernandez sa pagdiriwang ng “Occupation
Day,” nagsimulang mabuo ang isang kilusang makabayan, na pinamunuan ng mga kabataang mag-
aaral.
Nabuo ang Kabataan Makabayan at puspusan na nag-aral at niyakap ang kaisipang Pambansang
demokrasya. Natuklasan nila ang tula ni Hernandez at tinawag na “Ka Amado.” Dumating naman sa
punto na ang kaisipan ni Claro M. Recto ay nakarating sa kamalayan ng mga kabataan at isinatinig
ang patakarang panlabas ng gobyernong Filipino na hinihimok na itayo ang dangal ng bansang
Pilipinas.
Analisa/Pagsusuri: CLAIRE AT MARY GRACE
Ang akdang pinamagatang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Filipino na isinulat ni Bienvenido
Lumbera ay hindi lamang isang tipikal na artikulo na katulad ng iba. Iba ito sa ordinaryong akda
sapagkat ang akdang ito ay tumutuon sa pagbibigay linaw kung paano naiiba ang kahulugan ng
isang akda. Sinasabi sa artikulong ito na may posibilidad na maiba ang nais iparating ng isang
manunulat sa kaniyang akda base sa kung anong pagkakaintindi ng kaniyang mga mambabasa.
Ipinahayag sa artikulong ito na ang akdang pampanitikan gayun din ang mga salitang bumubuo rito
ay walang kapangyarihang pumukaw sa kamalayan ng mambabasa o tagapakinig. Ang tanging may
kakayahang gumawa nito ay ang manunulat lamang sapagkat taglay nila ang kaisipang nais nilang
ibahagi at sila rin ang maghahabi ng mga salitang kanilang gagamitin sa pagsusulat.
Upang patunayan ang kaniyang punto, ginawa niyang halimbawa ang tatlong tulang ayon sa kaniya
ay naiba ang kahulugan. Una ay ang kundimang pinamagatang Jocelynang Baliwag. Kung ating
babasahin at susuriin, ang tulang ito ay pumapatungkol sa pagpupuri sa isang dalagang
nagngangalang Pepita Tiongson y Lara ng bayan ng Baliwag, Bulacan, ngunit sa paglipas ng
panahon ang awit na ito ay naging sagisag ng damdamin at diwang mapanghimagsik sa panahon ng
Rebolusyong 1896. Sumunod ay ang Florante at Laura. Ito ay awit ng mga Indio na pumapatungkol
sa pag-iibigan ng magkasintahang hinangad paghiwalayin ng isang mang-aagaw ng korona sa
kaharian ng Albania ngunit kalaunan ay naging pahiwatig sa pagtutol sa sistema ng pamamahala ng
Espanyol sa Pilipinas. Samantala, ang huling tula na kaniyang sinuri ay ang Kung Tuyo Na ang Luha
Mo, Aking Bayan. Ito ay isang maapoy na tula ng paglaban ng imperyalismong Amerikano’t
katutubong piyudalismo, nagbigay ito ng inspirasyon sa mga kabataan upang bakahin ang mga
katiwalian sa lipunang nakakabit pa rin sa kolonyalismong may bagong anyo ng mga Amerikano.

Bagamat ang artikulong ito ay pumapatungkol sa pagbabago ng kahulugan ng isang akda, malinaw
na nagpapakita rin ito ng ideolohiyang Nasyonalismo. Ipinahayag ng akdang ito kung paano
umusbong ang pag-ibig ng ating mga mamamayan sa ating bansa kung kaya’t nagkaroon ng ibang
pagtanggap at pag-intindi sa tunay na kahulugan ng mga akdang nabanggit kanina. Ipinaparating ng
may akda nito na marami na ang naging kagamitan ng ating wika sa pamamagitan ng pagbuo ng
mga awit, panitikan at gayun din sa pakikipag himagsikan na nagsisilbing daan upang iparating ang
mga mensahe na nagmumula sa ibat-ibang karanasan ng mga bawat pilipino. Ito ay nagsisilbing
gabay na kinakailangan natin pahalagahan at paunlarin ang sariling atin katulad ng ating sariling wika
dahil ito ay ating kayamanan at nagbigay buhay sa atin upang ipaglaban ang ating mga karapatan.
Nagpakita man ng kalakasan ang artikulong ito, may taglay din itong kahinaan. Mas napag tuunan
nito ng pansin ang pananaw at opinyon ng manunulat. Tila ba lumalabas na batay lamang sa
kaniyang sariling pagpapakahulugan ang halos lahat ng kaniyang sinabi sa artikulo. Hindi naging
sapat ang kaniyang mga inilahad na datos gayun din ang kaniyang mga batis ng impormasyon. Mas
magiging kapani-paniwala ang kaniyang punto kung may mga patunay syang inilahad o mga
pahayag galing mismo sa mga manunulat ng tatlong akdang kaniyang ginawang halimbawa hinggil
sa tunay na kahulugan ng kanilang mga ginawa.

Gayun pa man, ang artikulong ito ay labis na nakatulong sa bawat mamayang Pilipino lalo na sa mga
mag-aaral upang mamulat at magkaroon ng kamalayang Filipino at kaalaman sa kung papaano
nakaaapekto ang karanasan at opinyon sa pagkuha ng kahulugan ng mga akdang nilikha ng iba't
ibang manunulat. Ang mga kaalamang ito ay magdadala sa atin upang mas maging epektibong
Pilipino. Bilang karagdagan, mas mapagyayaman rin natin ang ating wika, panitikan at bansa.
Impak ng babasahin: CHARIFE AT JENNEL
Ang artikulong ni Bienvenido Lumbera na pinamagatang “ Ang Katutubong wika at Kamalayang
Filipino” ang nagpamulat sa mga mambabasa upang makita ng malinaw ang lipunang kanilang
ginagalawan. Hindi lamang nito ipinahayag kung ano ang nangyayari sa lipunan ngayon kung hindi
pati noong unang panahon. Karagdagan pa, ang artikulong ito ay nagsilbing inspirasyon at aral sa
mga mambabasa upang mas lalong pahalagahan ang lipunang ginagalawan natin ngayon.
Bukod sa lipunan, ang kalagayan rin ng panitikan ay tinalakay. Nagtaglay ng malaking impak sa amin
ang pagkakaroon ng panibagong perspektibo kung paano naiba ang kahulugan ng isang akda base
sa mga pagtanggap ng mambabasa nito. Nang matapos naming basahin ang artikulo, masasabi
naming naghatid ito sa amin ng kaalaman tungkol sa wikang katutubo at maging sa kamalayang
Filipino.
Sangunian: (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1992). ppp. 84-90/
40____, Altered State of Consciousness in Philippine Religion, Phenomena and Their Interpretation, (Quezon City:
Ateneo de Manila University Press, 1992), pp. 126-134

41 Ang Bahay Saliksikan ng Pilipinolohiyang Simulain ay maglulunsad ng pag-aaral sa Pagkataong Pilipino simula
sa 3 Marso, 1993 hanggang sa katapusan ng taong dalawang libo, na may perspektibong tawidkulturangpamamangka.

42 Zeus Salazar, Ilang Batayan para sa Isang Sikolohiyang Pilipino, Sikolohiyang Pilipino, Teorya, Metodo, at
Gamit, Inedit ni Rogelia Pe-pua, (Lunsod: Quezon: Surian ng Sikolohiyang Pilipino, 1982), pp. 64-82

43 Virgilio G. Enriquez, Mga Batayan ng Sikolohiyang Pilipino sa Kultura at Kasaysayan, Sikolohiyang Pilipino,
Teorya, Metodo, at Gamit,

https://www.panitikan.com.ph/authors/bllumbera.htm?
fbclid=IwAR1OM84Mb8x1eq6Gkbexeph4nCiEFdhW4tdONmfqAUvxC54BXPnjVRE_lb0

https://philippineculturaleducation.com.ph/lumbera-bienvenido-l/

Konklusyon: FRANCHETTE, JESSA, ROMELYN

You might also like