Professional Documents
Culture Documents
Dela Rama, Iris PosisyongPapel
Dela Rama, Iris PosisyongPapel
Halos lahat ng hindi pa nag papa turok ay takot pa rin sa magiging epekto nito sa
kanilang kalusugan. Si Heidi Figura 42-taong-gulang na trabahador mula sa Antipolo
City ay isa sa mga takot pa rin dahilan na nagkaroon siya ng cancer sa dibdib at iniisip
niya kung siya ay mag papa turok, baka bigla na lang daw siya humina. Plano niyang
maghintay ng mahabang panahon upang matiyak talaga na ligtas ang bakuna. Isa na
rin ito sa mga rason kung bakit hindi puwedeng pilitin ang mga tao dahil hindi naman
natin alam ang magiging resulta nito sa mga katawan nila. Maaaring sa iba ay ligtas
pero sa mga katulad ni Heidi ay walang kasiguraduhan. Ayon sa mga eksperto ang
kontrobersiya ng DengVaxia noong 2016 ang dahilan kung bakit mabilis nawalan ng
tiwala ang mga Pilipino sa mga bakuna. Marami ang naniniwala na tatalikuran ng
gobyerno ang mga biktim kung may mali sa mga bakuna ng COVID-19. Kahit ako rin ay
hindi na naniniwala lalo na sa nangyari noong 2016 tungkol sa DengVaxia Vaccine.
(Westerman,2021)
Bakit kailangan puwersahin o takutin ang isang tao kung wala namang sapat na
bakuna na ibibigay sa mga Pilipino? Isa na si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan naniniwala
na walang problema sa pag-aalangan ng mga Pilipino, at dapat muna bigyan pansin ng
gobyerno ang hindi sapat na bakuna na mayroon tayo imbis na pagbanta na arestuhin
ang mga tumatanggi magpabakuna. ( add ka nga)