Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Mga Konseptong Pangwika

Introduksiyon

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa buong mundo na higit 170


wika ang ginagamit ng mga mamamayan sa
pakikipagkomunikasyon. Ngayon ay nais subukin ang iyong
kaalaman.

Panuto: Magsaliksik at ibigay ang katumbas/katawagan ng mga


salitang nakasulat sa ibaba ayon sa hinihinging uri ng wikang
ginagamit sa bansa.

Halimbawa:
Filipino Hiligaynon Kinaray-a Bisaya
Magandang Maayong Mayad nga Maayong
Umaga Aga Aga Buntag

Mahal Kita

Ang Ganda Mo

Napakatalino

ng bata
A. Saligang Kaalaman

Ang salitang wika ay nagmula sa salitang


Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan
ay “dila”, kayat ang magkasintunog ang dila
at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin,
behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinion, pananaw,
lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring
pagsulat o pasalita.

Hindi maitatanggi sa mga tao dito sa mundo ang


kahalagahan ng wika. Ito ang naging daan upang maibahagi
sa isa’t isa ang kani-kanilang mga ninanais at niloloob. Ang
kakayahan sa paggamit ng wika na nasasalig sa isipan,
damdamin at kilos ng tao ay resulta ng isang dinamikong
prosesong bunga ng kanyang karanasan—kabiguan,
tagumpay, pakikipagsapalaran at maging ng kanyang mga
pangarap at mithiin.

Kung hindi maipahahayag ng tao ang kanyang mga


ideya at niloloob, anong uri kaya ng lipunan mayroon tayo?
Walang makabuluhang gawaing pantao ang maaaring
maganap kung hindi niya maipababatid ang kanyang iniisip
gayon din kung hindi niya mauunawaan ang nais ipahayag
ng iba.
Ano nga ba ang wika? Bakit ito’y totoong
napakakomplikado at tunay na may kapangyarihan?

Ilan lang ito sa mga katanungan na hindi karaniwang


pinag-iisipan o ipinaliliwanag dahil siguro sa pagiging natural
lang sa tao ang pagkatuto, pagkakaroon at tuluyang
paggamit ng kanyang wika mula pagkabata.

B. KAHULUGAN NG WIKA AYON SA MGA DALUBWIKA

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas


at makataong pamamaraan ng paghahatid ng
mga kaisipan, damdain at mithiin.

Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang


Aprikanong manunulat, ang wika ay kultura. Isa
itong konektibong kaban ng karanasang mga tao
at ng kasaysayan ng wika. Dahil sa wikang
nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at
panliteratura, nagkikita ng bayan ang kanyang
kultura na natutuhan nitong angkinin at ipagmalaki.
Ang wika ayon kay Chomsky(1957), isang
prosesong mental. May unibersal na gramatika
at mataas na abstrak na antas; may magkatulad
na katangiang linggwistik.

Sa pag-aaral ni Charles Darwin nakasaad sa aklat


ni Lioberman (1957) na may pamagat na “THE
ORIGIN OF LANGUAGE” ang pakikipagsapalaran
ng tao para mabuhay ay may nagtuturo sa kanya
upang makalikha ng iba’t-ibang wika.

Ayon kay Plato, isang pilosopong Griyego, ang


wika ay nabubuo ayon sa batas ng
pangangailangan ng tao na may mahiwagang
kaugnayan sa kalikasan at ng mga kinatawan
nito. Naniniwala naman ang mga siyentipiko na
ang wika ay nagmula sa homo sapiens o mga
unang tao.
Ayon kay Gleason, ang wika raw ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

(http://lourddeveyyra.blogspot.com)

Gawain 1

Isulat ang mga mahahalagang salita/pariralang ginamit ng iba’t


ibang mga dalubwika upang bigyang kahulugan ang wika.
Gawain 2

Mula sa iba’t ibang mga pagpapakahulugan sa wika na binanggit


ng iba’tibang mga dalubwika, isulat sa ibaba kung alin/sino sa
mga ito ang lubos mong pinaniniwalaan at ipaliwanag kung bakit.

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________
C. MGA TEORYA TUNGKOL SA
PINAGMULAN NG WIKA

Tore ng Babel (Genesis 11:1-9)

Malinaw na ipinahahayag sa Banal na


Kasulatan ng mga Kristiyano na ang wika ay
kaloob ng Diyos. Sa Bibliya pa rin,
isinasalaysay kung paanong mula sa iisang wika, ang mga tao sa
daigdig ay nagkaroon ng iba’t ibang wika.

Sa huling bahagi ng ika-12 siglo, ang mga iskolar ay


nagsimulang mag-usisa kung paanong ang tao ay
nagkaroon ng mga wika. Dahil dito, lumitaw ang mga
sumusunod na teorya ukol sa pinagmulan ng wika:
Teoryang Bow-wow

Ayon sa teoryang ito, maaaring


ang wika raw ng tao ay mula sa
panggagaya sa mga tunog ng
kalikasan. Ang mga primitibong
tao diumano ay kulang na kulang
sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-
bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito
ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinawag ng tuko dahil sa
tunog na nalilikha ng nasabing insekto. Ang aso ay aw-aw at sa
pusa ay miyaw.

Teoryang Pooh-pooh

Unang natutong magsalita ang mga tao,


ayon sa teoryang ito, nang hindi sinasadya
ay napabulalas sila bunga ng mga
masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa,
sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla, at iba
pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong
napapabulalas sa sakit.
Teoryang Yo-he-ho

Pinaniniwalaan ng mga
nagmumungkahi ng teoryang ito
na ang tao ay natutong magsalita
bunga diumano ng kanyang
pwersang pisikal.

Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha din ng tunog kapag tayo’y


nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nalilikha
natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag
tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay
nanganganak?

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay

Likha sa mga sinaunang tao ang


mga ritwal. Sila ay may mga ritwal
sa halos lahat ng gawain tulad ng sa
pakikidigma, pagtatanim, pag-aani,
pangingisda, pagkakasal,
pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at
pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon, ay ang pagsasayaw,
pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang
wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha
sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan
ng iba’t ibang kahulugan.
Teoryang Ta-ta

Ayon naman sa teoryang


ito, ang kumpas o galaw ng
kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat
partikular na okasyon ay
ginaya ng dila at naging
sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y
magsalita.

Tinawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang


paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang
nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas
katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas
ang salitang ta-ta.
Teoryang Ding-dong

Kahawig ng teoryang bow-wow,


nagkaroon daw ng wika ang tao,
ayon sa teoryang ito, sa
pamamagitan ng mga tunog na
nalilikha ng bagay-bagay sa paligid.
Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan
lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa
teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang
kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang
ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at
nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Pagtataya

Napakaraming mga mahahalagang impormasyon ang iyong


nabatid tungkol sa kahulugan ng wika at mga teorya tungkol dito,
ngayon ay ating susubukin ang iyong kabatiran sa pamamagitan
ng unang pagtataya.

Panuto: Basahing mabuti ang pangugngusap at isulat ang titik T


kung tama at M naman kung mali.

_______1.Ang wika ay dinamiko at sumusunod sa pagbabago ng


panahon.

_______2. Ang wika ay nakabatay sa kultura at mga kaugalian

_______3.Wika ang siyang nagsisilbing daluyan ng impormasyon.

_______4. Ayon kay Carol ang wika ay iniayos sa paraang


arbitraryo.

_______5. Ayon naman kay Gleason ang wika ay maaaring


gamitin sa pamamagitan ng mga cues.

_______6. Ang hindi mahalaga sa pakikipagkominikasyon.

_______7. Wika ang pangunahing gamit sa pakikipag-ugnayan.

_______8. Ayon kay Plato unang ginamit ang wika ng mga


sinaunang tao.

_______9. Ang mga teorya ay hindi makatotohanan at walang


sapat na mga patunay.

_______10. Siyentipiko ang tawag sa taong nag-aaral tungkol sa


wika.
Takdang Aralin

Panuto: Sa isang malinis na bond paper, gumuwa ng islogan


tungkol sa kung paano mo bibigyang pagpapakahulugan ang
salitang wika.

Pamantayan sa Pabuo ng Islogan

Nilalaman 40%

Pagkamalikhain 30%

Kaangkupan 20%

Kalinisan 10%

Kabuuan 100%
Daluyan ng Pagpapakahulugan

1. Ang lahat ng wika ay nagsisimula sa tunog.

 Ponosentrismo

Una ang bigkas bago ang sulat- Ferdinand de Saussaure, 1911

Gamit ng Wika

1. Gamit sa talastasan
2. Lumilinang ng pagkatuto
3. Saksi sa panlipunang pagkilos
4. Lalagyan o imbakan
5. Tagapagsiwalat ng damdamin
6. Gamit sa imahinatibong pagsulat

Kategorya ng Wika

1. Pormal - ang isang wika kung ito ay kinikilala at ginagamit ng


higit na nakararami, sa pamayanan, bansa, o isang lugar.

Antas ng Wikang Pormal

A. Opisyal na wikang pambansa at panturo.

Halimbawa: malaya, tahanan,edukasyon

B. Wikang Pampanitikan

Halimbawa: Haraya, silay, kabiyak, salinlahi


2. Di-Pormal- ang isang wika kung ito ay madalas na gamitin sa
pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.

Antas ng Wikang Di-Pormal

A. Wikang Panlalawigan-salitang diyalekto

Halimbawa: adlaw (araw), balay (bahay) ambot (ewan) gisulti


(sinabi)

B. Wikang Balbal-katumbas ng slang sa Ingles

Halimbawa: chicha (pagkain) epal (mapapel) utol (kapatid)

Ang Komunikasyon

 Pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay sa mabisang paraan.


 Isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o
pakikipagunawaan.

 Antas ng Komunikasyon

1. Intrapersonal

Ang antas ng komunikasyon ay nakatuon sa sarili o paraan ng


pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng dasal, meditsyon, at
paninilay-nilay.

2. Interpersonal

Ang antas ng komunikasyon ay nagaganap sa pagitan ng dalawa


o higit pang kalahok.
3. Organisasyonal

Ang antas ng komunikasyon ay nagaganap sa loob ng isang


organisasyon tulad ng paaralan, kompanya, simbahan at
pamahalaan sa pagitan ng mga taong may iba’t ibang posisyon,
obligasyon at responsibilidad.

You might also like