Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sinopsis/ Buod

ng

Ibong Adarna
by:Jose dela Cruz

Kuwento ng tatlong magkakapatid na naghahanap ng lunas sa karamdaman ng


ama ang koridong Ibong Adarna.Hindi na magamot pa ng mga mediko si Haring
Fernando kaya naman sinabi ng isang manggagamot na ang tanging solusyon
sa karamdaman ng hari ay ang awit ng mahiwagang Ibong Adarna.Matatagpuan
daw ito sa mahiwagang puno ng pierdas platas sa bundok ng Tabor.
Kinakailangang makuha ng magkakapatid ang mahiwagang ibon kahit batid
nilang mapanganib at may kakaibang kapangyarihan ang ibon.Ang unang
sumubok sina Don Diego at Don Pedro. Ngunit magkatulad na nabigo ang
dalawang kuya ni Don Juan. Parehas silang naging bato nang awitan at iputan
ng mahiwaga at makapangyarihang ibon.Ang natitirang pag-asa ng kaharian ng
Berbanya ay ang bunsong si Don Juan. Buo ang loob ni Don Juan na hindi siya
matutulad sa sinapit ng kaniyang mga kapatid at matagumpay na makukuha ang
lunas sa sakit ng kaniyang ama.Nang papunta sa bundok Tabor, nakasalubong
ni Don Juan ang isang matandang ermetanyo na kaniyang tinulungan.Bilang
kapalit, binigay nito ang paraan upang mahuli ang mailap na ibon.
NaibMatagumpay na sanang nakuha ni Don Juan ang ibon ngunit tinaksil siya ng
dalawang kapatid. Inagaw nila ang ibon at muntik nang makitil ang sariling
kapatid. Napadpad ang kaawa-awang si Don Juan sa Reino delos Cristales.Dito
ay napaibig niya ang magkakapatid na Donya Leonora, Donya Juana, at Donya
Maria. Binigyan siya ng pagsubok ng hari at kung mapagtagumpayan ay
makapamimili ng donya na kaniyang mapakakasalan. Nagwagi ito at pinili niya si
Donya Maria na nagligtas sa kaniya noon sa kapahamakan.Samantala, sa
Berbanya naman, umawit ang Ibong Adarna at nalunasan ang sakit ng hari.
Gayunman, hindi naging bida ang magkapatid na Diego at Pedro sapagkat
ibinulgar ng mahiwagang ibon ang kataksilang ginawa nila sa kanilang sariling
kapatid..

You might also like