Ang Alamat NG Face Mask

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Face Mask

Rogelio Mordeno

Noong unang panahon ay may isang pamilyang nakatira sa gubat ng Berbanya. Sila ang
pamilyang Maligaya -ang pamilyang pinagbuklod ng pagmamahalan sa kabila ng anumang hadlang na
kanilang nasasagupa.

Si Asafa ang padre de pamilya, habang ang ilaw naman ng tahanan ay si Maliah. Kapwa nilang
itinaguyod ang dalawang supling na sina Kali at Crisilda. Naging mahirap para sa dalawa na palakihin ang
mga ito lalo na’t may karamdaman ang isa sa kanilang mga anak. Ang panganay na si Kali ay hirap sa
paghinga. Hindi na nila ito pinatingnan sa doktor dahil ilang kilometro pa ang kinakailangang lakbayin
bago marating ang ospital at wala rin naman silang pera kung sakaling ipapagamot nila ito.

Minsan ay pumunta ang magkapatid sa isang matarik na bahagi ng gubat upang maglaro. Hindi lingid sa
kanila na nagalit ang mga diwatang naninirahan doon.

Nagpakita ang isa sa mga ito na nagsasabi,’’hindi niyo baga nalalaman na kayo’y nakagagambala
sa aming munting kaharian? ‘’Nagulat ang dalawa ng bigla silang nilipol ng hangin at nakapasok sa
kaharian ng mga diwatang malalak ang tenga. “Pakawalan niyo kami!’wika ni Crisilda. Lumapit ang isang
Diwata at sinabihan silang bibitayin na sila pagsapit ng bukang-liwayway. Maya-maya ay pinakawalan
sila sa pagkakagapos at pinaupo sa isang sulok na puno ng malalaking bungo ng mga taong animo’y
nagmamakaawang tulongan sila.

Lumipas ang isang oras nang may aninong lumapit at nais silang tulongan. Ibinulong nito sa
kanila na dapat nilang makuha ang dalawang face mask na nakakubli sa silid at pinalilibutan ng apat na
tigreng nagbabantay.’’Kunin niyo ang dalawang face mask at gamitin ninyo yaon papalabas ng lagusan.’’

Tinuro ng anino ang direksyon niyaong mga face mask sa kanila at naglahong bigla. Dahan-dahan
nilang kinuha ang dalawang face masks habang mahimbing na natutulog ang mga tigre. Di sinsasadyang
naapakan ni Kali ang isang tigre kaya’t muntikan na itong magising.

Eksaktong papalabas na sila ng silid dala-dala ang dalawang face masks upang pumunta sa
lagusan ay nagising ang mga tigre. Hinabol sila ng mga ito at nalaglag ang face mask ni Kali na gagamitin
niya sana papalabas ng kaharian. Nagtago sila sa isang madilim na dako at nag-isip ng solusyon. ‘’Kali,
kunin mo ang face mask ko at tumakbo ka ng mabilis bago pa sumapit ang bukang-liwayway,’’wika ni
Crisilda. Hindi man sumang-ayon si Kali ngunit wala siyang nagawa. ‘’Gagawa ako ng paraan para
makatakas dito basta tumakbo ka lang ng mabilis,’’dagdag ni Crisilda.

Pumunta kaagad si Kali sa lagusan at nagpakita roon ang anino sa kanya upang tulongan siyang
makalabas. Sinuot niya ang face mask ng kapatid nito upang hindi siya makita ng mga diwatang
nagbabantay sa makipot na lagusan. Eksaktong papalabas na siya sa lagusa’y narinig niya ang malakas na
tinig ni Crisilda. Bigong makatakas ang kanyang kapatid at tuloyang nakain ng mga tigre.

Mula noon ay binabalik-balikan na ni Kali ang dakong iyon kung saan sila naglalaro dati. Hindi
niya kailanman malilimutan ang kabayanihan ng kaniyang kapatid upang siya ay mabuhay.

You might also like