Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

68

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Markahan 1

CapSLET
Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Schools Division Office of Zamboanga City


Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga City

HINDI IPINAGBIBILI
Para sa Tanging Gamit ng Sangay ng Lungsod ng Zamboanga

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede”


ASIGNATURA AT
EsP 8 MARKAHAN 1 LINGGO 6 ARAW _______________________
BAITANG
CODE EsP8PBle-3.3
Nahihinuha na:
a. Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay
nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa.
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
b. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na uri
ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
c. Ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makakatulong sa
angkop at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa.
PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong sagot sa inilaang
Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin :Naipaliliwanag ang uri ng komunikasyon na umiiral sa pamilya at nakakapagbigay ng
paraan upang mapabuti ang komunikasyon sa pamilya at sa kapwa.
Paksa: Ang Mga Uri ng Komunikasyon na Umiiral sa Pamilya

Tunghayan ang komik strip at tukuyin ang mahalagang pag-uusap na namamagitan sa mag-ama.
May suliranin ba kayong napansin sa kanilang pag-uusap?

Binanggit ni Leandro C.
Villanueva (2003) ang mga sanhi,
dahilan, o hadlang sa komunikasyon
sa pagitan ng mag-asawa. Ang mga
ito ay maaaring totoo rin sa ating
komunikasyon sa kapwa..

Ang komunikasyon sa pamilya


ay ang paraan kung paano
nagpapalitan ng pasalita at di-
pasalitang impormasyon sa pagitan
ng mga kasapi nito. Isang
mahalagang kasanayan sa
komunikasyon ang kakayahan na
magbigay ng tuon sa iniisip at sa
nadarama ng kapwa. Tulad nga ng
nasabi na, hindi lamang pagsasalita
ang mahalagang bahagi ng
komunikasyon, mahalaga rin ang
pakikinig sa sinasabi ng kausap at
ang pag-unawa sa kaniyang mga
hindi sinasabi.

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede”


Sa pamamagitan ng komunikasyon, naipahahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga
pangangailangan, ninanais, at ang kanilang pagmamalasakit sa isa’t isa. Ang bukas at tapat na
komunikasyon ay daan upang maipahayag ng bawat kasapi ang pagkakaiba ng pananaw o di-
pagsang-ayon gayon din ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t isa.

Pagtatasa ng Pagkatuto1: Paano mo ipapahayag ang iyong mahalagang mensahe sa iyong


pamilya upang di magkaroon ng di pagkakaunawaan?
Pagtatasa ng Pagkatuto2: Naransan mo na ba ang pangyayari sa komik strip? Paano mo
nabigyang solusyon ang di pagkakaunawaan sa iyong ama?

Sanayin Natin! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Panuto: Gumawa ng comic strip ng pag-uusap mo at ng iyong tatay. Basahin at unawain ang
sitwasyon sa ibaba bilang gabay.

SITWASYON
Meron kang mahalagang
sasabihin sa kanya hinggil
ito sa iyong nakuhang
bagsak na marka sa isang
asignatura.
Alam mong mahigpit ang
iyong tatay pagdating sa
iyong mga marka sa
eskwela. Paano mo ito
sasabihin sa iyong Ama?

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede”


TANDAAN
Mahahalagang Konsepto

 Ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at di-
pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito. Isang mahalagang kasanayan sa
komunikasyon ang kakayahan na magbigay ng tuon sa iniisip at sa nadarama ng kapwa.

 Ang hindi maayos na komunikasyon ay maaaring maging sanhi ng madalas na pagtatalo sa


pamilya, kakulangan sa kakayahang malutas ang mga suliranin, paglalayo ng loob sa isa’t isa,
at mahinang pagbibigkis ng mga kasapi nito.

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan !
(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Panuto: Punan ang bawat patlang.

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang sagutang papel para sa
mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong CapSLET.

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede”


- DepEd. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 8: Modyul para sa mag-aaral.
(pp. 53-74). FEP Printing Corporation.
- Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes.
- https://www.google.com/search?q=pag-
iisa+komik+strip&tbm=isch&ved=2ahUKEwicxqW0npnqAhU8y4sBHXmPBjg
Sanggunian Q2-cCegQIABAA&oq=pag-
iisa+komik+strip&gs_lcp=CgNpbWcQDDoICAAQCBAHEB46BggAEAcQHlDllA
ZY2bYGYKfCBmgAcAB4AIAB5gGIAc8MkgEFMC44LjGYAQCgAQGqAQtnd3M
td2l6LWltZw&sclient=img&ei=-aPyXtzlDLyWr7wP-
Z6awAM&bih=728&biw=1708#imgrc=3kNEtFZBYECt9M

This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not
been specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning
resource in our efforts to provide printed and e-copy learning resources available
for the learners in reference to the learning continuity plan of this division in this
DISCLAIMER:
time of pandemic. This LR is produced and distributed locally without profit and will
be used for educational purposes only. No malicious infringement is intended by
the writer. Credits and respect to the original creator/owner of the materials found
in this learning resource.

Inihanda ni:

MAY E. VARDELEON
Zamboanga National High School West

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede”

You might also like