Professional Documents
Culture Documents
Esp 9 Module 7-8
Esp 9 Module 7-8
Esp 9 Module 7-8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan, Linggo 7 at 8 -
Modyul 4
Lipunang Sibil (Civil Society),
Media at Simbahan
Pangkalahatang Ideya ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan at
paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging
makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kaniya at sa lipunan.
Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga mag-
aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang pagtataya ng
kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim (6) na antas ng Bloom’s Taxonomy ng
Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng bahaging
Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa
kasalukuyang modyul sa bahaging Balikan.
Narito ang apat (4) na pangunahing bahagi ng modyul: Ang bahaging Tuklasin ay tumataya
sa mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa kanilang
karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga maling kaalaman (misconceptions).
Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP1),
na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge) sa Bloom’s Taxonomy.
i
Modyul Lipunang Sibil (Civil Society),
Media at Simbahan
4
Alamin
May alam ka bang mga organisasyong naghahatid
ng tulong sa mga mahihirap? Anong uri ng tulong ang
kanilang inihahatid? Ano kayâ ang nagbubunsod sa kanila
upang gawin ang ganoong kabutihang-loob?
2
c. Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang mga
materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng estado at sariling
pagkukusa.
4.4. a. Natataya ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga
ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability),
pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan,
pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad (mga
pagpapahalagang kailangan sa isang lipunang sustainable).
b. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy kung may
lipunang sibil na kumikilos dito, matukoy ang adbokasiya ng lipunang sibil sa
pamayanan at matasa ang antas ng pagganap nito sa pamayanan.
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang tanong. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa kuwaderno.
2. Ano ang pinakaangkop na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba? A.
Iba’t iba tayo ng mga kakayahan.
B. May panahon tayo para sa iba pa nating nais gawin.
C. Di lahat ng pangangailangan natin ay matamo nating mag-isa.
D. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba sa pagtulong.
3
6. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang mapalaganap ang media
literacy?
A. Maging mapanuri sa mga babasahin sa anomang uri ng media.
B. Sanayin ang paggamit ng Freedom to Access Information.
C. Maniwala agad sa anomang nabasa sa media.
D. Gamitin ang karapatang ipahayag ang sarili.
7. Bilang kabataan sa kasalukuyan, ang sumusunod ay mga kaaya-ayang gawin maliban
sa:
A. Pag-aaral ng mga leksyon sa paaralan
B. Pagpapatibay ng pananampalataya sa Diyos
C. Pagsali sa mga rally upang makamit ang hustisya
D. Pagsali sa mga organisasyong tumutulong sa kapuwa mamamayan
8. Ano ang iiwasang gawin ni Ben upang masugpo ang kasinungalingan sa mass media?
A. Pagbanggit ng maliliit na detalye.
B. Paglalahad ng sariling kuro-kuro.
C. Paglalahad ng iisang panig lamang ng usapin.
D. Paglalahad ng mga seryosong impormasyon.
Balikan
Sa nakaraang modyul, binibigyang diin ang pagkilos upang masiguro na ang bawat
bahay ay magiging tahanan upang masimulan ang mapanagutang pangangasiwa at patas
na pagbabahagi ng yaman ng bayan. Sa modyul na ito matutuhan mo ang gagampanang
papel ng mga mamamayan bilang kaagapay ng pamahalaan upang makiisa sa pagtugon ng
mga pangangailangan ng kapuwa.
4
Tuklasin
Gawain 1
Panuto: Ngayong may pandemya, may mga organisadong pangkat sa lipunan na
naghahatid ng tulong sa mga nangangailangan. Ginagawa nila ito para sa
kabutihang panlahat.
1. Sa unang kolum ng tsart sa ibaba, may nakatalang dalawang organisadong pangkat ng
lipunan. Punan ang ikalawang kolum ng mga ginawa nilang pagtulong sa mga
nangangailangan.
2. Sa ikatlong kolum, itala ang mga taong kanilang tinulungan.
3. Sa ikaapat na kolum, banggitin ang mga kabutihang dulot ng kanilang ginawang
pagtulong.
Organisadong Ginawang Pagtulong Nangangailangan Kabutihang Dulot
Pangkat ng Lipunan ng Tulong
1. GMA Kapuso Hal: Pagbigay ng face Hal: Mga doktor at Hal: Naiwasan ang
Foundation mask, alcohol, PPE, atbp. nars sa PGH hawaan sa ospital
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
2. ABS-CBN Lingkod 1. 1. 1.
Kapamilya 2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. Sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Batay sa tsart, ano-ano ang mga halimbawa ng lipunang sibil?
b. Sa palagay mo, ano ang layunin o adhikain ng mga lipunang sibil na ito?
c. Ano ang papel na ginagampanan ng mga lipunang sibil upang makamit ang
kabutihang panlahat?
d. Bakit may mga binuong lipunang sibil? Ipaliwanag.
e. Bilang kabataan ngayon, nais mo rin bang bumuo ng lipunang sibil sa hinaharap?
Pangatwiranan.
Linangin
Gawain 2
Panuto: May mga bagay na tinatamasa ang tao mula sa kagandahang-loob ng kapuwa.
1. Balikan sa iyong alaala ang mga uri ng paglilingkod o tulong na natanggap mo mula sa
kapuwa. Maaaring mula ito sa mga miyembro ng inyong pamilya o sa iba pang tao sa
lipunan. Itala ang mga ito sa iyong kuwaderno.
2. Balikan din sa iyong alala ang mga paglilingkod na nagawa mo para sa kanila. Itala rin
ang mga ito sa iyong kuwaderno.
3. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.
a. Ano ang nararamdaman mo sa mga pagkakataong nabanggit?
b. Ano ang adhikaing nagtulak sa kanila at sa iyo na kumilos tungo sa kabutihang
panlahat?
c. Bilang kasapi sa lipunang sibil, ano ang nararapat na tunguhin o goal ng iyong mga
gagawing paglilingkod? Ipaliwanag.
5
Suriin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong
sa Pagyamanin.
Lipunang Sibil
“Paki lang.” May natatandaan ka bang pagkakataon na kailangan mong sabihin ito
sa isang taong kalapit mo? Siguro pagsakay mo sa jeep at nakapuwesto ka malayo sa
driver, sasabihin mo ito sa katabing pasahero at iaabot mo ang bayad. Ganito rin kung toka
mong maglaba pero deadline ang araw na iyon para sa isang project mo sa paaralan. Alam
mong magagawa mo naman, kaya lang may dahilan kung bakit kailangan mong ipagawa sa
iba at kailangan mong sabihing, “Paki lang.” Kung alam mo kung ano-ano ang mga kaya
mong gawin, alam mo rin kung ano-ano ang hindi. Maaaring marunong kang magsaing,
halimbawa, pero marunong ka bang magsaka at mag-ani ng isasaing mo? Wala ka mang
kilalang magsasaka, gusto mong patuloy silang magsaka upang may maisaing ka, at
masasabi mo rin sa kanila, “Paki lang.” At marami ka pang kailangang ipagawa sa iba
upang mabuhay, mga pangangailangang hindi mo makakalap nang mag-isa.
Hindi ikaw ang gumawa ng uniporme mo, ng bag, ng tsinelas. Hindi ikaw ang
gumawa ng kalsadang nilalakaran mo, ng tulay na tinatawid mo, ng cellsite tower na
naghahatid ng text sa iyo. Tingnan mo ang loob ng iyong bag. Alin-alin sa mga nariyan ang
ginawa mo mismo? Tingnan mo ang loob ng silid-aralan. Alin-alin sa mga iyan ang kaya
mong gawin? Hindi mo kayang bilangin ang mga taong kumilos upang magkaroon ka ng
mga kailangan mo. Kailangan mong pasalamatan ang napakaraming tao, at kailangan mo
ring sabihin sa kanila, “Paki lang.” Sasabihin mo halimbawa sa karpintero, “Pakiayos lang
po ang bubong namin,” o sa tubero, “Pakiayos lang po ang banyo namin.”
6
magsasakang nawalan ng kabuhayan, na siyang dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas.
Hindi mo na tuloy mabili ang iba mo pang pangangailangan.
7
Ang Media
Paano ipinaaalam ng isang lalaki sa isang babae na interesado siya rito? Isusulat ba
niya sa ¼ na bahagi ng papel? Ite-text ba niya? Magpapadala ba siya ng emoticon?
Manghaharana ba siya? Live ba, MP3, o YouTube? Sasabihin na lang ba niya nang
harapan? Ipi-print ba niya sa t-shirt? Ano’t ano man ang paraang piliin niya, gagamit siya ng
isa, ilan, o lahat sa mga ito: titik, tunog, o larawan (gumagalaw man o hindi). Alin man sa
mga ito ang gamitin niya, ito ang mamamagitan sa kaniya at sa padadalhan niya. Anumang
bagay na “nasa pagitan” o “namamagitan” sa nagpadala at pinadalhan ay tinatawag sa
Latin na medium, o media kung marami. Ginagamit natin ito kung may gusto tayong
ipahatid na impormasyon. Kung maramihan at sabay-sabay ang paghahatid na ginagawa
natin, tinatawag natin itong mass media: diyaryo, radyo, telebisyon, pelikula, o internet.
Bago ang halalan, noong 2007, inilunsad ng isang estasyon ng telebisyon ang
lipunang sibil na “Bayan Mo, Ipatrol Mo.” Ipinakita ng ABS-CBN sa mga karaniwang
mamamayan kung paano ipararating sa nakararami ang nakalap na mahahalagang
impormasyon o balita gamit ang kanilang cellphone. Sa ganitong paraan ay maaaring
palutangin ng media, habang nangyayari, ang mga pandaraya at katiwalian sa halalan.
Anumang anomalya ay napipigilan kapag ito ay naisisiwalat. Ayon kay San Ignacio, “Kapag
naglihim tayo, doon magtatrabaho ang diyablo.” Dahil sa matagumpay na pagsasamadla ng
8
mga katiwalian sa halalan noong 2007, itinuloy-tuloy na ng “Bayan Mo Ipatrol Mo” ang
pagpapalutang ng mga impormasyong may kinalaman hindi na lamang sa halalan, kundi
maging sakuna at trahedya, paghahatid ng tulong, pagpapaayos ng mga daan, at pagtatayo
ng mga sentrong pampamayanan (community centers). Noong 2012, umabot na sa apat na
libong mga kabataan ang nabiyayaan ng puspusang pagsasanay sa pamamahayag.
Noong Oktubre 16, 2012, habang nasa daan pauwi sakay ng school bus si Malala at
iba pang mag-aaral, pinatigil ng ilang lalaking pinaghihinalaang kasapi ng Taliban ang
kanilang sasakyan. “Sino si Malala?” tanong ng mga ito. Napasulyap sa kaniya ang ibang
mag-aaral kaya’t madali siyang natukoy. Sa kasamaang-palad, binaril siya ng isa sa mga
lalaki sa ulo, ngunit sa maagap na pagtulong ng ibang mamamayan, mabilis na naihatid si
Malala sa pagamutan. Itinuturing na isang milagro ang pagkaligtas niya sa pangyayaring
iyon. Sa tulong ng napakaraming nagkawanggawa sa loob at labas ng Pakistan,
naipagamot siya sa Birmingham, England, at doon niya ipinagpapatuloy ang pagsusulat ng
blog. Sa gulang na labing-anim, milyon-milyong dolyar na mula sa iba’t ibang bansa ang
naipagkakatiwala sa kaniya bilang donasyon. Balak niya kasama ang kaniyang ama na
magpatayo ng mga paaralan sa buong Pakistan na makatutulong sa pagbibigay ng
edukasyon higit lalo sa kababaihan. Samantala, tuwing may pumupuntang kasapi ng
Taliban sa kanilang bayan, hinaharap ito ng kabataang babae, at buong tapang nilang
idinideklarang, “Ako si Malala.”
Ang Simbahan
Inoorganisa natin ang ating sari-sarili upang hanapin ang makapupuno sa atin sa
kabila ng kariwasaan. Iba’t iba tayo ng antas ng pagkaunawa sa totoong kabuluhan ng
buhay: may mas malalim, may mas mababaw. Sa maraming pagkakataon ng iyong
9
pagkabagot, dito mo napagtatanto ang iyong kababawan, kung kaya nagpapatuwang ka sa
mga kasapi ng lipunan na may kalaliman ang pag-unawa sa buhay. Lumalapit ka sa mga
lider ng moralidad: pari, pastor, ministro, imam, guru, monghe, at iba pa. Magpapatuwang
ka sa kanila, at sasabihin mo, “Paki lang po.”
Sa kababaang-loob ng mga lider sa moralidad, mas kinikilala nila ang kanilang sarili
bilang tagapaglingkod at hindi bilang nakasasakop. Itinuturing nila ang kanilang sarili bilang
kasabay natin sa paghahanap ng kabuluhan ng buhay. Sa sama-sama nating paghahanap
ay naoorganisa natin ang ating sarili bilang isa pang anyo ng lipunang sibil, isang
panrelihiyong institusyon, na tinatawag ng marami bilang Simbahan.
Ang mga parokya halimbawa sa Pilipinas ay naoorganisa ng mas maliliit pang yunit
na tinatawag na Basic Ecclesial Community, o Maliit na Sambayanang Kristiyano. Ito ay
upang matugunan ng Simbahang Katoliko ang iba’t ibang kalagayan ng iba’t ibang
pamayanan. Noong si Cardinal Gaudencio Rosales ay obispo pa lamang sa Bukidnon, ang
mga kaabag o mga lider ng mga Basic Ecclesial Community ay nabigyang-kapangyarihan
ng DENR upang dumakip at maghabla sa mga nagtotroso. Ang mga kaabag o lider ay
pinagkalooban ng mga two-way radio upang ipaalam ang impormasyon tuwing may
papasok na trak sa mga kagubatan. Sa isang liblib na barangay sa bayan ng Valencia ay
binaril at napatay si Fr. Nery Satur ng mga pinaghihinalaang nagtotroso. Noong 1997,
isinulat ni Bishop Rosales ang talambuhay ni Fr. Satur. Pinamagatan niya itong Father Nery
Satur and the Church He Died for.
Ang Couples for Christ ang nagpatayo ng kauna-unahang pabahay para sa isang
mahirap na mag-anak sa Bagong Silang, Caloocan City noong 1999. Mula noon, sa
pamamagitan ng kanilang Gawad Kalinga Project, nakapagpatayo na rin sila ng mga
pabahay sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Nakarating na rin sa ibang bansa ang proyektong
ito tulad ng Australia, Austria, Cambodia, Canada, Colombia, India, Indonesia, Ireland,
Kenya, Papua New Guinea, Singapore, South Africa, at United States.
Bumuo ng organisasyong tumututol sa paninigarilyo ang Seventh Day Adventist
Church sa Pilipinas noong 1982. Gayundin sa Lungsod ng Quezon noong 1989, ipinasa ang
isang ordinansang nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Taong 1990
naman nang magpasiya ang mga kasapi sa Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas
(KBP) na tanggihan sa pagpapatalastas ang mga kompanya ng sigarilyo. Samantala noong
1994, pinaigting ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ang kampanyang “Yosi Kadiri” tulad
ng isinulong ng mga Sabadista. Naging Batas Pambansa noong 2003 ang pagbabawal sa
pagpapatalastas ng paninigarilyo.
Narito ang mga katangian ng iba’t ibang anyo ng lipunang sibil na inilarawan sa modyul na
ito:
1. Pagkukusang-loob. Walang pumilit, nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito upang
makisangkot. Malaya ito mula sa impluwensiya ng estado o negosyo. Hindi ito
nagsusulong ng pampolitikang hangarin ng sino mang nasa pamahalaan, o ng
pangkomersyong hangarin ng sino mang negosyante.
10
2. Bukas na pagtatalastasan. Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng
saloobin. Ang uri ng pagtalakay ay pangmadla, kung saan buhay ang diwa ng
demokrasya. Sa pagpapalitan ng lahat ng kuro-kuro ay nalilinaw ang mga usapin; daan
upang ang mga kaanib ay magkaroon ng katiyakan sa gagawin nilang mga pagpapasiya.
“Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang,” sabi nga ni Fr. Eduardo
Hontiveros sa isang awit. Ang lipunan ay parang isang bahay ng gagamba na ang pagpatid
sa isang hibla ay sapat na para masira ang kabuuan nito. Ang pagdudugtong ng isang hibla
sa kapuwa hibla ay may ganoon ding epekto sa kabuuan. Ang pakikisangkot natin sa
anomang lipunang sibil ay nakapagsusulong ng ikabubuti ng kalakhan ng lipunan. Sa
kabilang banda, ang pagwawalang-bahala natin sa lipunang sibil ay nakapagpapanatili,
kung hindi man nakapagpapalala, ng mga suliraning panlipunan. Sapagkat ang ikabubuti ng
lipunan ay nakasalalay sa ikabubuti ng bawat isa atin, hindi maiaalis ang patuloy nating
pagmamalay sa paanyaya ng bawat nakakatagpo nating nakikiusap na, “Paki lang.”
Pagyamanin
Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas.
Panuto: Isulat sa kuwaderno ang sagot sa sumusunod na tanong:
1. Ano-anong mga pangangailangan ng iyong pamilya ang hindi ninyo kayang matamo
kung sa iyong pamilya lamang iaasa? Ipaliwanag.
2. Ano-anong kalagayang panlipunan ang humahadlang kung kaya hindi ninyo matamo ang
mga ito? Ipaliwanag.
3. May mga hakbang bang ginagawa ng pamahalaan upang matamo ninyo ang mga ito?
Patunayan.
4. Sa ano-anong paraan tinutugunan ng lipunang sibil ang mga pagkukulang ng lipunan?
Ipaliwanag.
5. Magbigay ng iba pang mga usapin na hindi natutugunan ng lipunang sibil. Patunayan.
6. Magmungkahi ng mga adbokasiya na tutugon sa mga usaping ito?
11
1. Sa ibaba, makikita ang mga mahahalagang salita/konsepto mula sa babasahin. Ipakita
ang kaugnayan ng mga ito sa bawat isa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang Batayang
Konsepto na sasagot sa Mahalagang Tanong sa simula ng modyul na ito. Lakipan ito ng
paliwanag.
2. Gamit ang sumusunod na salita/konsepto, lumikha ng isang awit na rap tungkol sa
lipunang sibil na humihikayat sa mga tagapakinig na mag-ambag sa pagsulong ng
kabutihang panlahat.
Isaisip
Gawain 4a: Pagninilay
Panuto: Sumulat ng pagninilay sa journal tungkol sa mga pagkatuto gamit ang talahanayan
sa ibaba.
Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking pagkaunawa Ano-anong hakbang ang
kaalamang pumukaw sa at reyalisasyon sa bawat aking gagawin upang
akin? konsepto at kaalamang ito? mailapat ang mga
pangunawa at reyalisasyong
ito sa aking buhay?
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 54-63.
Isagawa
Gawain 5: Pagganap
Panuto:
1. Gabay ang mga konsepto sa Suriin, pumili ng isang adbokasiya isusulong mo mula sa
sumusunod:
a. Katarungang panlipunan
b. Pag-unlad ng Kabuhayan
12
c. Pakikilahok sa pamayanan
d. Pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan
e. Kapayapaan
f. Espirituwalidad
2. Gumawa ng plano ng nais mong buuing lipunang sibil upang maisulong ang napiling
layunin.
4. Gamitin ang pormat ng plano sa ibaba.
Bubuuin kong Adbokasiya na Pangangailangan Mga paraan ng
lipunang sibil isusulong nito ng pamayanan na pagtugon
tutugunan
Hal: “Igsuon Ko, Hali: Pakikilahok sa Hal: Mga Hal: Pakikipag-usap sa
Tulubagon Ko” Pamayanan nastranded sa bus pamilya at pagtawag sa
terminal na walang mga kaibigan para sa
makakain dahil sa perang pambili ng pagkain
lockdown para sa mga stranded na
pasahero
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
Pagninilay:
Mga taong bumubuo nito: (Ilarawan ang bawat isa. Hal.: Papel na ginagampanan)
13
Pagninilay:
Buod
Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang pag-unlad, ay isang ulirang lipunan
na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang panlipunan,
pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng
mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at
kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad.
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.
1. Ano ang pinakaangkop na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?
A. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan.
B. May panahon tayo para sa iba pa nating nais gawin.
C. Di lahat ng pangangailangan natin ay matamo nating mag-isa.
D. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba sa pagtulong.
14
4. Paano napalalakas ang paniniwala ng isang tao na mahalagang magiging kasapi sa
isang panrelihiyon na lipunang sibil?
A. Malalim na pagkaunawa na hindi siya nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay
B. Pakiramdam ng kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa
C. Kalakarang kinamulatan sa piling ng mga magulang
D. Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon
6. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang mapalaganap ang media
literacy?
A. Maging mapanuri sa mga babasahin sa anumang uri ng media.
B. Sanayin ang paggamit ng Freedom to Access Information.
C. Maniwala agad sa anomang nabasa sa media.
D. Gamitin ang karapatang ipahayag ang sarili.
15
Susi ng Pagwawasto
Subukin
Tayahin
16
Home Learning Plan
EsP –Grade 9
Week 7 Quarter 1
Da Learning Competency Learning Tasks Mode of delivery
y
1 4.1 Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at Subukin Send outputs to
ang kani-kaniyang papel na ginagampanan ng Tuklasin messenger or any other
mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat platforms
recommended by the
school
2 4.2. Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa Basahin ang Send outputs to
mga lipunang sibil upang kumilos tungo sa bahaging messenger or any other
kabutihang panlahat pagpapalalim platforms
recommended by the
school
Home Learning Plan
EsP –Grade 9
Week 8 Quarter 1
Day Learning Competency Learning Tasks Mode of delivery
1 Send outputs to
4.3. Nahihinuha na: Pagyamanin messenger or
a. Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang Gawain 3a & 3b any other
pag-unlad, ay isang ulirang lipunan na platforms
pinagkakaisa ang mga panlipunang recommended by
pagpapahalaga tulad ng katarungang the school
panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad
(economic viability), pakikilahok ng
mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran,
kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at
kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad.
b. Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng
katotohanang kailangan ng mga mamamayan
sa pagpapasiya.
c. Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas
mataas na antas ng katuturan ang mga materyal
na pangangailangan na tinatamasa natin sa
tulong ng estado at sariling pagkukusa.
17