Professional Documents
Culture Documents
Week 1 Komunikasyon - Domantay, Jyro M. Grade 11 - ABM-InVESTMENT
Week 1 Komunikasyon - Domantay, Jyro M. Grade 11 - ABM-InVESTMENT
Week 1 Komunikasyon - Domantay, Jyro M. Grade 11 - ABM-InVESTMENT
Balikan Pahina 10
Wika ko. Hulaan Mo!
Salita Kahulugan
Isagawa Pahina 15
1. Bakit mahalaga ang wika sa:
a. Sarili - Mahalaga ang wika sa sarili, sapagkat isa ito sa mga mahahalaga
sa pagsasalita, pakikipag usap, pagsusulat at pakikipag salamuha.
b. Lipunan - Mahalaga ang wika sa lipunan, sapagkat ito ang ating ginagamit
upang ihayag ang ating mga saloobin, opinyon, at pananaw patungkol sa
mga bagay-bagay.Dito tayo nagkakaunawaan at nagkakaintindihan para
sa ikabubuti ng lahat at ng bayan. At kaakibat nito ang kulturang mayroon
ang isang bayan.
c. Kapwa - Mahalaga ang wika sapagkat nasasabi natin ang ating hangarin,
opinyon, ideya, paniniwala, damdamin, saloobin at iba pa sa ating
kapwa.At nalalaman natin ang ibang pananaw, pangyayari, at paniniwala
ng ibang tao na makatutulong sa pagkaunlad natin bilang Pilipino.
2. Magbigay ng tatlong pagkakataon o sitwasyon kung saan ginagamit ang wika.
➔ Ang wika ay magagamit bilang instrumento pakikipag komunikasyon ng
mga kabataan upang ipahayag ang damdamin, pangangailangan, at
iniisip sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag talastasan at pakikipag-
ugnayan sa lahat ng pagkakataon.
➔ Ginagamit ng tao ang wika bilang instrumento ng komunikasyon, ito ang
ginagamit natin sa sa tuwing makikipag uganayan tayo sa iba, tulad ng
pakikipag usap o kwentuhan sa ibang tao
➔ Ginagamit ng mga guro ang wika bilang instrumento ng komunikasyon sa
mga mag aaral at makapag turo sa paaralan
Repleksyon:
Sa totoo lang medyo nahihirapan ako kase mahihina ako sa mga ganito, kaya ineexpect
ko na mas hihirap to sa mga susunod na linggo, sana kayanin ko.