Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Bayanihang walang pag-aalinlangan

“Walang masama sa pagtulong sa kapwa, basta’t ito’y galing sa puso


hindi galing sa kagustuhang magpakitang tao.”

Simula nang ako’y isilang sa mundong puro problema’t pasakit ang


dala ay isa ito sa mga turo’t habilin sa akin ng aking ina na matutong
tumulong sa kapwa, kaya’t ako’y nagtataka sa panahong ang mundo ay
lumuluha sa hirap na nararanasan nito dahil sa kalabang hindi matanawan
ng ating mga bilugang mata, na kung saan kung sino pa ang bukas palad
na handang tumulong araw-araw sa kapwa tao lalo na sa kapwa Pilipino
ay sila pa ang nasasabihan at lumalabas na animo’y masama kahit na ang
hangarin lamang nila ay mag bayanihan at tumulong sa nangangailangan.

Nag-umpisa ang lahat ng may isang anghel na nagngangalang Ana


Patricia Non ang nakapag-isip na tumulong sa mga mahihirap nating
kababayang Pilipino.Nakapag-isip nang mabuting programa’t gawain na
kung tawagin ay “Community Pantry”, mula sa maliit na kariton ay
naging drop-off center na ng mga donasyon para gawing lagayan ng mga
pagkain tulad ng delata,gulay at noodles na mula sa mga taong
mapagbigay na ipapamahagi sa mga piling lugar na mas maraming taong
mahihirap at mas maraming taong nangangailangan.

Nagmistulang virus ang community pantry dahil sa mabilisan nitong


pagkalat hindi lamang sa lugar na kung saan ito’y nagsimula kundi pati na
rin sa iba’t ibang bahagi ng ating bansang Pilipinas.Nakatutuwa ring
pagmasdan na animo’y sakit na Covid-19 ang kabutihan ng mga Pilipino,
dahil sa tila pagkalat din nito nang mabilisan.Hindi lamang mga pagkain
ang mga ipinapamigay at inilalagay sa community pantry kundi pati na rin
pera, tsinelas at iba pang mga kagamitan.

Kabutihang pagmamalasakit at pagtutulungan ang hangarin ng


programang ito, na handang tumulong sa mga walang mapagkukuhanan
ng mga importanteng kagamitan na kakailanganin sa pang-araw-araw na
pamumuhay at ito rin ay may sikat na slogan o kasabihan na “kumuha
ayon sa pangangailangan at magbigay ayon sa kakayahan”.Anumang oras
at sulok ng bansa ay matatanaw mo na ang mga Pinoy na nanakapili
habang nag-iintay ng biyaya ng community pantry.

Sa kabila ng kabayanihang pinakita ni Non at iba pang may ginintuang


puso ay hindi pa rin lubusang maisip at maintindihan ng taong bayan kung
bakit nga ba binabatikos ng ilang nakatataas ang ginawang kabutihan at
pagmamalasakit nila sa mga taong kapus palad.Maging ang mga taong bayan
na may baluktot na pag-iisip ay may nasasabi’t nagagawang hindi magaganda
kaugnay sa bayanihang ito, tulad na lamang nang pang-aabuso sa
pamamagitan nang pagkuha ng lahat ng mga pagkaing nakalagay sa
community pantry.

Nabulabog ang mga kaluluwang may boses sa paglaban sa kamalian


matapos na ang kabutihan ibinayad at ipinakita ni Non ay nauwi’t nasuklian
lamang ng mga masasakit na salita’t pangungutsya, matapos na makatanggap
ng batikos mula sa ilang nakatataas na sila’y isang komunistang galit
diumano kay Pangulong Rodrigo Duterte.Isa sa mga isyung naiugnay sa
community pantry ay ang “red tagging” na tumutukoy sa nakakahamak na
blacklisting ng mga indibidwal o samahang kritikal o hindi ganap na
sumusuporta sa mga aksyon ng isang umuupong administrasyon ng gobyerno.

Sa kabila ng mga opinyong hindi maganda sa tainga ay patuloy pa rin


ang pagbabayanihan ng mga Pilipino.Hindi lamang ang mga mayayaman ang
tumutulong sa kapwa nila, kundi pati rin ang mga salat ayan tumutulong na
rin kahit sa maliit na bagay at pamamaraan lamang.Nakakatawa man
pakinggan para sa mga taong mapagmataas na “ang mga mahihirap ay may
naibibigay pala?”, ngunit para sa mga pag-iisip at puso ng mga taong
mapagkumbaba, patas at kontento sa buhay ay masaya na sa mga balitang
naririnig na maging ang mga mahihirap ay tumutulong na rin sa kapwa
Pilipino.

Nakalulungkot man isipin at pagmasdan ang mga isyu’t maling saloobin


na inilalabas ng iba nating kababayan tungkol sa mga taong ang hangarin
lamang ay tumulong sa kapwa.Nararapat na lamang pairalin sa panahong ito
ang mga mabubuting katangiang makakaapekto sa ating lahat, mas pairalin
ang mabuti’t matinong pag-iisip lalo na sa pagbibigay opinyon tungkol sa mga
hakbangin at gawain ng mga taong ating nakikita, kaya mas mainam na
magtulungan na lamang umangat at makaahon sa hirap kaysa sa manghusga
at maghilaan pababa lalo na sa taong may ginintuang pusong na ang tanging
ninanais lamang ay ang tumulong sa kapwa tao lalo na sa kapwa Pilipino.

You might also like