Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

11

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Unang Markahan – Modyul 7:
Talumpati (Unang Bahagi)
Filipino sa Piling Larang (Akademik) – Baitang 11/12
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 7: Talumpati (Unang Bahagi)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa
telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring
kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot
sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

2
BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL

Manunulat : Jaynard J. Hernandez, MAEd

Tagamasid Pampurok : Mary Joy C. Agsalon, EdD


Tagapag-ugnay : Virginia C. Urbano, P-I
Mga Tagasuri : Melchora N. Viduya, EdD
Joselito D. Daguison, MAEd
Mga Tagaguhit : Wilson A. Cayabyab
Jay C. Visperas

MANAGEMENT TEAM:

OIC, Schools Division Superintendent : Sheila Marie A. Primicias, CESO VI


Asst. Schools Division Superintendent : Ely S. Ubaldo, CESO VI
: Marciano U. Soriano Jr., CESO VI
Chief Education Supervisor, CID : Carmina C. Gutierrez, EdD
Education Program Supervisor, LRMDS : Rustico P. Abalos Jr., EdD
Education Program Supervisor, Filipino : Melchora N. Viduya, EdD

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Schools Division Office I Pangasinan
Office Address: Alvear St., East Capitol Ground, Lingayen, Pangasinan
Telefax: (075) 522-2202
E-mail Address: pangasinan1@deped.gov.ph

3
11

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Unang Markahan – Modyul 7:
Talumpati (Unang Bahagi)

4
Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling


Larang (Akademik) na tuon sa araling Talumpati. Ang modyul na ito
ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa publiko at pribadong institusyon upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, pambansa at
pandaigdigang hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga
mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang
pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang
mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and
Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang
pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
pantulong, at/o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob
sa modyul.

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling


Larang (Akademik) na tuon sa araling Talumpati. Ang modyul na ito ay
ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

5
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin
mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang
Pagyamanin mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa dulong bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga tanong o
Isaisip pupunan ang patlang sa pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

6
Ito ay gawain na naglalayong mataya o
Tayahin
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot
Susi sa at/o rubrik sa lahat ng mga gawain sa
Pagwawasto modyul.

Sa dulong bahagi ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanang materyal sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Narito naman ang ilang mahahalagang paalala tungkol sa paggamit


ng modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Sakaling mahirapan kang sagutin ang mga gawain sa modyul


na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay, tatay,
nakatatandang kapatid, o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na nakaaalam sa aralin at tunay na makatutulong sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito ay
makararanas ka ng makabuluhang pagkatuto at makakukuha ka ng
malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo
ito!

7
Alamin

Ang mga akademikong sulatin ay nagtataglay ng diwa at praktika na


lalong mataas at kritikal kompara sa ibang uri ng sulatin kaya hindi dapat
magtapos sa komposisyon kundi dapat na maibahagi upang lalong
mabigyang-kaganapan, makaimpluwensiya, makapagpakilos, at
makapagpabago ng lipunan.
Sa naturang mga layunin ay lalong mapakinabang ang sining ng
talumpati at pagtatalumpati sapagkat walang mahusay na sulating
pananaliksik ang hindi iniharap at inilahad sa mga eksperto at maging sa
publiko. Kayâ mahalaga itong matutuhan at kasanáyan ng mga mag-aaral
sa academic track sapagkat sa sandaling mapagtagumpayan ang isang
komprehensibong pag-aaral, isang rekisito ang paglalahad nito sa publiko at
kakailanganin ang isang mabisang talumpati at mahusay na pagbigkas.
Sa gayon, higit na pagpapahalaga sa nilalaman ng modyul na ito ang
kailangan upang ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayang
pampagkatuto o MELC sa pagsulat ng talumpati ay malinang ng/sa bawat
mag-aaral at magawang isalin at gampanan sa realidad:
1. Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa.

Subukin

A. Tukuyin ang personalidad na may-ari ng patok na linya.

1. “Ang buhay ay weder-weder lang.”


2. “Ngayon, bukas, at magpakailanman.”
3. “Ah, ha, ha! Nakakaloka! Okey! Darla! Halika!”
4. “Bigyan ng dyaket ‘yan!”
5. “Corruption has to stop! Kung hindi, ipakulong ko ‘yang mga ‘yan!”

B. Isulat ang Tama kung wasto ang nakasaad na katangian ng epektibong


ispiker. Mali naman ang isulat kung di-wasto.

1. Malinaw at wasto ang bigkas niya sa mga salita.


2. Sanay sa mapalabok na pananalita.
3. Seryoso sa pagsasalita at nakatuon lamang sa sarili at sa pinapaksa.
4. Marunong makiramdam sa kaniyang mga tagapakinig.
5. Limitado ang kaalaman tungkol sa paksang tinatalakay.

8
C. Piliin mula sa kahon ang limang katangian ng isang mabuting paksa.

a. Pumupukaw sa kawilihan ng ispiker


b. Humahamon sa mga tagapakinig
c. Sensitibo sa kasarian ng mga tagapakinig
d. Malawak ang kabatiran ng ispiker ukol dito
e. Angkop at makabuluhan lamang sa ispiker
f. Angkop sa tiyak na trabaho o katayuan sa buhay
g. May sapat na sanggunian lalo kung impormatibo

D. Tukuyin kung Angkop o Hindi ang nakalahad na salik sa paghahanda ng


talumpati.

1. Kung ang tagapagtalumpati ay magpapakilala sa panauhing


pandangal kailangang mas mahaba at mabulaklak ang
pagpapakilala kaysa sa susing talumpati.
2. Hindi na kailangang alamin pa ang kabuoang daloy ng programa
kung batid na ng ispiker ang eksaktong araw at oras ng kaniyang
pagtatalumpati.
3. Dapat alamin ng tagapagtalumpati ang paksa o tema ng okasyon
upang maiangkop niya ang nilalaman ng talumpati.
4. Tema ang dapat na pinagtutuonan ng pangunahing tagapagsalita sa
isang okasyon.
5. Hindi na kailangang alalahanin pa sa paghahanda ng talumpati ang
mga manonood lalo kung limitado ang kanilang bilang.

E. Tukuyin ang estratehiya o pamamaraang ginamit sa pagbuo ng simula ng


sulatin. Piliin ang sagot sa kahon sa kasunod na pahina.

1. “Walang mang-aalipin kung walang paaalipin,” ito ang isang


paniwala ni Rizal na nagsilbing inspirasyon sa maraming
rebolusyonaryo.
2. Gaano nga ba kahanda ang sistemang pangkalusugan ng bansa?
3. Isa sa mga suliranin sa ating mga tahanan ang naglipanang insekto.
Bagaman maraming madaling paraan para puksain ang mga ito,
inaalintana naman natin ang panganib na maaaring idulot sa ating
kalusugan ng mga artipisyal na insektisayd.
4. Araw ng Biyernes, Setyembre 28, 2018 nang binulaga ng isang tsunami
ang isla ng Sulawesi sa bansang Indonesia bunga ng magkasunod na
matitinding pagyanig o lindol na tinambalan pa ng humigit-kumulang
tatlumpung aftershocks.
5. Sawa ka na ba sa “Carmageddon” o sa kalbaryong inaabot mo sa
buhol-buhol na trapiko? Gusto mo ba ng maluwag na espasyo sa
tuwing ika’y magmamaneho?

9
a. Pagtatanong
b. Pagbabahagi ng Karanasan
c. Tuwirang Sipi o Pagsipi ng Pahayag ng Kilalang Tao
d. Paggamit ng Batayang Pangyayari/Pagbabahagi
ng Totoong Pangyayari

Balikan

A. IQ-nek (IKONEK): Ilista ang tatlong bahagi o elemento ng buod na


maaaring makita sa isang talumpati.

Tuklasin

A. PROFAYL KO, KOMPLETUHIN MO: Punan ang nawawalang impormasyon


(alinman sa karir/trabaho, linya, o personalidad) upang mabuo ang
pangunahing pagkakakilanlan ng isang ispiker.

1. Karir/Trabaho: Pagtuturo
Linya: “Kopyahin bago sagutin.”
Personalidad: ___________________
2. Karir/Trabaho: ___________________
Linya: “Hindi namin kayo tatantanan!”
Personalidad: Mike Enriquez
3. Karir/Trabaho: Pagpapatawa
Linya: ___________________
Personalidad: Vice Ganda
4. Karir/Trabaho: Pagpapatawa
Linya: “Babala!” “Sa tamang panahon!”
Personalidad: ___________________
5. Karir/Trabaho: Serbisyo Publiko
Linya: “To serve and protect”
Personalidad: ___________________

10
Suriin

Ang Talumpati ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na


nagpapaliwanag tungkol sa isang mahalagang paksa. Isa itong porma na
pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig. Pormal
dahil ito ay pinaghahandaan, gumagamit ng piling wika, at may tiyak na
layunin. Ito ay karaniwang binibigkas bagaman madalas itong nagsisimula sa
nakasulat na anyo. Ang pagtatalumpati ay isang kapaki-pakinabang at
masining na pasalitang pagtalakay ng paksa na naglalayong makahikayat
sa paniniwala at paninindigan ng mananalumpati, magdulot ng
impormasyon, magbahagi ng isang pag-aaral o bagong tuklas, manlibang,
magbigay-inspirasyon, at iba pa.

Aralin Kahalagahan ng Paglinang ng


1 Kasanayan sa Mabisang Pagsasalita
Ang isang taong epektibong magsalita sa harap ng pangkat ng mga
tao ay higit na madaling nakakukuha ng respeto ng ibang tao. Samakatwid,
ang isang taong kulang ang kasanayan sa pagsasalita ay mahihirapang
ikintal sa isipan ng ibang tao ang kaniyang halaga at natatanging katauhan.
Pinatutunayan ng kasaysayan kung paanong ang kabiguang maipahayag
ang sarili nang epektibo ay kadalasan pa ngang nagbubunga ng pagguho
ng mga pangarap ng isang tao.
Ang mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng daigdig
ay may isang katangiang ipinagkatulad sa isa’t isa. Lahat sila’y may mataas
na antas ng kakayahang magpahayag ng idea na kanilang naging
kasangkapan upang umakit ng mga tagahanga at tagasunod. Ang mga
pinakamahuhusay na guro, mga tanyag na tagapamayapa at maging ang
mga kilalang rebelled—lahat sila’y may maunlad na kasanayang mag-isip at
magpahayag sa pananalita sa harap man ng maliliit o malalaking pangkat
ng tagapakinig. Marami na ang natanyag at nagtagumpay bunga ng
kanilang katangi-tanging kakayahang magsalita sa paraang kinalulugdan
ng mga tagapakinig. Ngunit ang kasanayang nagpatanyag at nagpaunlad
sa kanilang lahat ay isang kasanayang maaaring linangin ng sino mang
indibidwal sa kaniyang sarili.
Si Abraham Lincoln, dating Pangulo ng Estados Unidos, ay natanyag at
nag-iwan ng hindi na mabuburang bahagi ng kasaysayan hindi lamang ng
Amerika kundi maging ng buong daigdig. Ano ang pangunahing salik na
nakatulong sa kaniya sa pagkamit ng mataas na karangalang iyon? Hindi
mataas na pinag-aralan sapagkat halos wala nga siyang pormal na
edukasyon. Hindi rin salapi sapagkat siya’y mahirap na mamamayan

11
lamang. Hindi rin dami ng kaibigan sapagkat ilang ulit pa siyang natalo sa
halalan sa sarili niyang bayan. Ayon sa mga may-akda ng kaniyang
talambuhay, ang tagumpay ni Lincoln ay maiuugnay nang malaki sa
kaniyang determinasyon na linangin at paunlarin ang kakayahang magsalita
sa harap ng publiko. Paano niya naipamalas ang determinasyong iyon?
Dahil sa kakulangan o kawalan noon ng mga speech training schools,
matamang inobserbahan at pinakinggan ni Lincoln ang paraan ng
pagsasalita ng ibang tao kahit noong bata pa lamang siya. Binasa niya
nang may kawilihan ang ano mang aklat na pumasakamay niya. Kalaunan,
napansin ang kaniyang tapat at payak na pananalumpati na hinangaan ng
lahat niyang tagapakinig. Nakarating siya sa iba’t ibang panig ng America
upang magsalita sa mga pagtitipon at lagi, ang kaniyang mga tagapakinig
ay napapanganga sa paghanga. Hanggang sa kasalukuyan, ipinapalagay
na ang kaniyang Gettysburg Address at ikalawang Inaugural Speech ay ilan
sa natatanging halimbawa ng pinakamahusay na talumpati sa kasaysayan
ng daigdig.
Isa pang pangulo ng America na hinangaan ay si Franklin Delano
Roosevelt. Nanatili siya sa White House nang apat na sunod-sunod na
termino mula 1932 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1945. Hindi
ipinanganak na mambibigkas si Roosevelt, ngunit nilinang niya ang kaniyang
kakayahang sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng matamang
atensiyon sa mga salalayang simulain sa pagsasalita. Maingat niyang
sinanay ang kaniyang sarili sa mapanghikayat na pagsasalita sa harap ng
publiko. Halos lahat ng kaniyang talumpati sa radyo ay praktisado nang
lubusan. Paulit-ulit niyang binibigkas ang kaniyang mga talumpati hanggang
sa maging perpekto ang kaniyang bigkas at diin upang maging malinaw
ang mensaheng nais niyang maiparating sa kaniyang mga tagapakinig.
Kalaunan, maging ang kaniyang mga kalaban sa politika ay umaming ang
kaniyang sunod-sunod na tagumpay ay nakaugat sa kaniyang impluwensiya
sa kaniyang mga tagapakinig. Si Roosevelt ay ipinapalagay na isa sa
pinakamahuhusay na mambibigkas sa kaniyang panahon.
Isa rin sa mga susi ng tagumpay ni John F. Kennedy noong 1960 sa
halalang pampanguluhan sa America ay ang husay na ipinakita niya sa
serye ng mga debateng ipinalabas sa mga programang pantelebisyon.
Dahil sa epektibo niyang pagsasalita, tinalo ni Kennedy si Nixon sa nasabing
halalan.
Libong taon naman ang lumipas na nang matanyag ang isang
dakilang orador, si Demosthenes. Si Demosthenes ay pautal magsalita ngunit
tinuruan niya ang kaniyang sariling magsalita nang tuloy-tuloy at tuwid sa
pamamagitan ng pagtatalumpati sa harap ng hampas ng alon sa
dalampasigan. Madalas, nagsusubo pa siya ng maliliit na bato upang
maituwid lamang ang kaniyang pananalita. Kalaunan, napagwagian ni
Demosthenes ang lawrel ng tagumpay sa timpalak-pagtatalumpati, isang
karangalang nagawa niyang maangkin hanggang sa kaniyang kamatayan.
Pansinin ang mga pinuno ng inyong komunidad at paaralan. Sila ba
ang mga taong nakaupo lamang sa isang tabi kapag may pagpupulong at
hindi man lang nagpapahayag ng kanilang mga palagay? Tiyak na hindi!

12
Ang mga gayong tao ay kadalasang hindi napapansin. Ang mga taong
nakaiimpluwensiya sa iba, nakikisangkot sa mga pangkatang gawain,
nakapamumuno ng pangkat o samahan, nakikilala sa larangang
panlipunan, kalakalan, at politika ay mga taong mabibisang magsalita. Ang
mga prominenteng tao ay kadalasang nasa gitna kung hindi man
namumuno ng mga talakayan. Ang mga walang-imik ay bihirang maging
prominente. Ang mga pinuno ng mga maliliit at malalaking pangkat ay
kadalasang iyong mabisang nakapagpapahayag ng kanilang matatalinong
kaisipan. Iyong mga walang-kibo ay kadalasang nagiging tagasunod
lamang.
Maaaring hindi mo pangarap na maging isang kilalang orador, o
maging tanyag na pinuno ng bansa o ng mga samahan, ngunit tiyak na
ninanasa mo na maunawaan ka ng ibang tao sa tuwing ibubuka mo ang
iyong bibig. Ang pagsasalita sa harap ng publiko ay hindi naiiba sa
pakikipag-usap nang pribado sa isang tao. Ang pakikipag-usap sa harap ng
marami mang tao o sa harap ng isa lamang ay lagging isang hamon sa
iyong kakayahang masabi ang nais mong ipakahulugan at maipahatid ang
mensahe kung paano mo ito inaasahang matatanggap. Ang malinaw,
episyente at epektibo na pagsasalita, kung gayon, ay isang tanging talent
na nakapagdudulot ng nakalulugod na karanasan sa nagtatamasa nito.
Samakatwid, ang paglinang sa kasanayang ito ay malamang na magbunga
ng mga positibong pagbabago hindi lamang sa iyong personalidad kundi
maging sa iyong buhay.

Aralin Profayl ng Epektibong Ispiker


2

Maraming katangiang dapat taglayin ang isang tagapagsalita upang


maituring siyang epektibo. Ilan sa mga katangiang ito ay ang sumusunod:
Responsable ang isang epektibong ispiker. Isinasaalang-alang niya
A ang kaniyang responsabilidad sa kaniyang tagapakinig, sa paksa, at
sa kapuwa niya tagapagsalita.
B Magiliw magsalita at kawili-wiling pakinggan.
C May malawak na kaalaman hinggil sa paksang tinatalakay.
D Palabasa.
E Palaisip.
F Mayroon mayamang koleksiyon ng mga idea at babasahin
G May interes sa paksang tinatalakay.
H Obhetibo. Tinatanggap ang idea ng iba, taliwas man sa sariling
paniniwala.
I May sense of humor. Nagpapatawa kung kinakailangan upang
makuha ang atensiyon ng mga tagapakinig.
J Gumagamit ng mga angkop na salita.
K Nirerespeto ang pagkakaiba-iba ng mga tagapakinig.

13
L Sapat at angkop ang lakas ng tinig.
M Malinaw at wasto ang bigkas sa mga salita.
N Gumagamit ng mga angkop na kumpas at kilos.
Ñ Hindi iniinsulto o sinasaktan ang damdamin ng mga tagapakinig.
NG Maingat sa paggawa ng mga kongklusyon, paratang, at batikos.
O May panuonan ng paningin sa mga tagapakinig.
P Angkop ang kasuotan sa okasyon.
Q Pinaniniwalaan at isinasabuhay ang sinasabi.
R Walang mga nakadidistrak na mannerisms.
S Mainam ang tindig o postyur.
T Maayos at lohikal ang presentasyon mula simula, gitna, hanggang
wakas.
U Iniiwasan ang labis na mapalabok na pananalita.
V Binibigyang-diin ang mga mahahalagang konsepto o kaisipan.
W Alam kung kalian tatapusin ang pagsasalita.
X Iniiwasan niya ang magyabang o himig-pagyayabang.
Y Mayaman ang kaniyang bokabularyo o talasalitaan.
Z Taglay niya ang mga angkop at inaasahang gawi, personalidad, at
karakter.

Aralin Pagpili ng Paksa ng Talumpati


3

Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging


matagumpay ang isang akademikong sulatin. Nararapat na ang paksa ay
pinag-isipang mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang
makatiyak na makabubuo ng isang makabuluhang sulatin.
Narito ang ilang gabay na tanong sa pagpili ng mabuting paksa ng
talumpati:
▪ Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili ba sa akin ang
pagsulat at pagbigkas ukol dito? (Mahalaga na interesado ka sa paksa
dahil kung hindi ay mauuwi sa kawalan ang pagsasalita. Ang
pagkakaroon ng interes at kapanabikan sa pinapaksa ay madaling
mapaghalata sa tinig at sa mga di-berbal na gawi. Sakaling ang
mismong ispiker ay magpakita ng kawalang-interes sa paksa, madarama
ito ng mga tagapakinig at ganoon na rin ang magiging tugon sa
tagapagsalita.)
▪ Saklaw ba ng kakayahan at kasanayan ko ang paksa? (Mahalaga na
ang paksa ay saklaw ng iyong kakayahan sapagkat unang sanhi ng
kawalang-interes sa isang paksa ay ang pagiging limitado ng
kakayahang mangusap tungkol dito. Ibig sabihin, ang piliing paksa ay
iyong kaya mong pangasiwaan sa sandaling humarap sa publiko. Isang
paksa na sang-ayon sa iyong personal na karanasan, mga nabasa, mga

14
primaryang impormasyong nakalap, at iba pang gamay mo at sa
palagay mo’y magiging lamáng mo sa iyong mga tagapakinig.)
▪ Angkop, makabuluhan, at/o napapanahon ba ang paksang ito? Kapaki-
pakinabang ba ito lalo sa aking mga tagapakinig? (Mahalaga na kilala
mo kung sino at ano ang katangian ng iyong mga tagapakinig upang
magawang makitungo sa kanila nang mahusay. Maaaring isaalang-
alang ang nasa ibaba bilang paunang pag-alam sa iyong mga
manonood.)
✓ Edad
✓ Kaligirang Etniko
✓ Trabaho
✓ Kalagayang Pinansiyal
✓ Kasarian
✓ Antas ng Edukasyon
▪ May mga sanggunian ba na maaari kong pagkunan ng impormasyon
upang mapalawak ang paksa? (Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat
na sanggunian upang lalong malinang ang paksa higit kung impormatibo
ang isusulat na talumpati at ang pagtatalumpati upang makapagharap
ng mga patunay. Makatutulong din ito upang lalong magkaroon ng
kredibilidad ang ispiker sa harap ng publiko.

Aralin Paghahanda ng Talumpati


4

Bahagi ng paghahanda ng talumpati ang pagtiyak sa: 1) layunin ng


okasyon; 2) layunin ng magtatalumpati; 3) manonood at/o tagapakinig; at
4) tagpuan. Mahalaga ang panimulang pagsisiyasat sa mga elementong ito
dahil kailangang isaalang-alang ang mga ang mga ito sa pagtiyak sa
nilalaman, haba, at tono ng talumpati.

1. Layunin ng Okasyon. Mahalagang alamin ng tagapagtalumpati ang


layunin ng pagdaraos ng okasyon. Maaaring ito ay upang magbigay ng
inspirasyon sa mga estudyante, magpaliwanag tungkol sa isang isyu sa
isang komonidad, magkuwento tungkol sa isang karanasan para may
matutuhan ang mga tagakinig, at iba pa. Kung may itinakdang paksa o
tema ang mga nag-organisa ng okasyon, dapat ding alamin at unawain
ito ng tagapagsalita para maiayon niya ang kaniyang talumpati sa paksa
o temang ito.
2. Layunin ng Tagapagtalumpati, Tagapagsalita, o Mananalumpati. Bukod
sa layunin ng okasyon, dapat ding tiyakin ng tagapagtalumpati sa
kaniyang sarili ( at/o sa pangsangguni sa nag organisa ng okasyon) kung
ano ang kaniyang magiging layunin sa pagtatalumpati. Kung iisa lang
siyang magsasalita, maaaring ang layunin ng okasyon ay siya na rin
niyang maging layunin. Ngunit kung higit sa isa ang tagapagsalita,

15
kailangang tiyakin ng tagapagtalumpati ang espesipikong papel niya sa
okasyon. Ang nilalaman, haba, at tono ng talumpati ay dapat iayon sa
layuning ito. Kung ang tagapagtalumpati ay magpapakilala sa
panauhing pandangal, kailangan mas maikli ang pagpapakilala kaysa sa
susing talumpati. Kung siya ang pangunahing tagapagsalita, dapat
tiyakin na maisentro niya ang kaniyang talumpati sa tema. Kung siya ay
tatanggap ng gawad, makabubuting ang talumpati ay maikli,
nagpapasalamat, at magpapakumbaba.
3. Manonood at/o Tagapakinig. Ang manonod ay hindi lamang
tagapakinig. Pangunahing salik din sila sa nilalaman at estilo ng talumpati.
Kaya nakaiimpluwensiya na sila sa paghahanda pa lang ng talumpati.
Karaniwan, inaalam ng tagapagtalumpati ang dami ng manonood. Kung
maliit na grupo lang ang manonood, maaring maging mas malaman at
malalim ang talumpati dahil higit na magkakaroon ng malapit na
ugnayan ang tagapagtalumpati at tagapakinig. Kung marami namang
manonood, kailangang maikli lamang ang talumpati at lahukan ng
maraming kuwento at biro para mapukaw ang atensiyon ng isang
malaking grupo. Ngunit bukod sa dami ng manonood, kailangan ding
malaman ang ilang bagay tungkol sa katangian nila—ang kanilang
edad, kasarian, kawilihan sa paksa, kaalaman sa paksa, pinag-aralan,
kultura o paniniwala, ekonomikong estado, relihiyon, at kaligirang etniko.
Dapat isaalang- alang ang mga salik na ito para makabuo ng
talumpating mabisa at makakaugnay sa tagapakinig.
4. Tagpuan ng Talumpati. Tumutukoy ito sa lugar, sa kagamitan, sa oras at sa
daloy ng programang kapapalooban ng talumpati. Bago ang mismong
pagtatalumpati, mahalagang makita o mausisa man lamang ang
kondisyon ng lugar na pangyayarihan ng pagtatalumpati: nasa loob o
labas, nasa entabladon o nasa lupa, malamig o mainit ba ang lugar?
Tingnan o tanungin din kung may kagamitan: projector, kompiyuter,
audio player, blakbord, at iba pang kakailanganin sa presentasyon.
Alamin din hindi lamang ang eksaktong araw at oras ng pagtatalumpati,
kundi maging oras ng buong programa. Sa pamamagitan nito, magiging
malay ang tagpagsalita sa kabuoang daloy ng okasyon at sa tiyak na
tungkulin at lugar niya sa daloy nito.

Aralin Pananaliksik para sa Pagbuo ng


5 Talumpati
Bahagi ng proseso ng pananaliksik ang pagbuo ng plano, pagdevelop
ng paksa o tema, pagtitipon ng mga materyal sa pagsulat ng talumpati, at
pagsulat ng balangkas ng talumpati.

1. Pagbuo ng Plano. Sa simula, kailangang pag-aralang mabuti ang paksa o


tema at/o papel ng tagapagtalumpati sa okasyon. Isaisip na maraming

16
iba’t ibang paraan o estratehiya ng pagdevelop ng isang paksa o tema.
Ilista ang mga ito at piliin ang pinakaangkop sa okasyon, sa layunin, sa
manonood, at tagpuan. Maaari ding sumangguni sa iba para
mapahusay pa ang plano.
Mangyaring isaalang-alang ang sumusunod na uri ng talumpati ayon
sa layunin sa pagbuo ng plano:
▪ Pampalibang. Walang palagiang paksa at karaniwang isinasagawa
pagkatapos ng isang salo-salo sa mga pagtitipong sosyal na naglalayong
pasiglahin ang okasyon.
▪ Nagpapakilala. Karaniwang maikli higit kung ang ipinapakilala ay may
pangalan at higit nang kilala. Binibigyang-diin ang katangian ng
ipinakikilala para pukawin ang atensyon ng tagapakinig.
▪ Pangkabatiran. Kadalasang ginagamit sa mga kumbensyon, panayam,
at mga pagtitipong pang-agham, diplomatiko, at iba pang samahan ng
mga dalubhasa.
▪ Nagbibigay-galang. Matatawag ding talumpati ng pagbati, pagtugon o
pagtanggap kung saan magalang ang pagtanggap o pagsalubong sa
isang panauhin. Ginagamit din sa pagtanggap ng katungkulan.
▪ Nagpaparangal. Inihahanda upang magbigay-parangal o papuri sa
isang taong may kabutihang nagawa na maaaring nagwagi, yumao, o
may naging mahalagang ambag.
▪ Pampasigla. Pumupukaw ng damdamin at lumilikha ng impresyon.
Kalimitang ginagawa ng mga coach sa kanilang mga manlalaro.
2. Pagtitipon ng Materyal. Tipunin ang mga materyal na kailangan ayon sa
nabuong plano ng pagdevelop ng paksa o tema. Batay sa karanasan ng
maraming manunulat, madali lang ang mismong pagsulat kung ang
lahat ng materyal na kailangan ay nandiyan na sa mismong oras ng
pagsulat. Ang mga materyal na ito ay maaaring mga nakalimbag na
materyal tulad ng aklat, artikulo, panitikan; maaari ding di-naklimbag na
materyal tulad ng mga panayam o mga kuwento; at maaari ding
materyal na audio-visual tulad ng mga pelikula, musika at larawan.
3. Pagsulat ng Balangkas. Matapos matipon ang mga materyal, huwag
agad dumeretso sa pagsulat ng talumpati. Mahalaga pa ring maklasipika
o mapangkat ang mga natipong materyal. Batay sa pagpapangkat na
ito, maaaring bumuo ng balangkas ng talumpati. Ang balangkas ang
magbibigay ng direksiyon sa pagsulat. Kung wala ito, malamang na
malunod ang susulat ng talumpati sa dami ng materyal, at kasunod nito,
magbunga ng isang maligoy na talumpati. Sa pagbuo ng balangkas,
maaari ding makita kung ano pang bahagi ang kulang sa datos, at kung
gayon, kailangan pa ng dagdag na materyal.

17
Maaaring ilatag ang plano sa pagsulat ng talumpati tulad ng makikita
sa ibaba.

Paksa: Depresyon
Estratehiya sa Pagdevelop (batay sa layunin): Impormatibo/Nagmumulat
Mga Kaugnay na Materyal/Impormasyon:
*Kahulugan ng Depresyon, Sanhi at Bunga, Kaso ng Depresyon sa
Filipinas, at Paraan ng Gamutan at Iba Pang Lunas
Target Pagkunan: Sikolohista at iba pang eksperto sa medisina, Website
ng WHO, DOH, at Mental Health Institutions
Balangkas o Daloy na Gagamitin sa Paglalahad: Panimula-Katawan-
Kongklusyon o PKK

Aralin Mga Bahagi ng Talumpati


6

Sa kasalukuyan, may iba’t ibang estilo o pamamaraan na sa pagsulat


ng isang talumpati subalit laging naroon pa rin ang tatlong batayang bahagi
nito: panimula, katawan, at kongklusyon o wakas.
Narito ang ilang gabay upang masinop at mahusay mong maisulat
ang bawat bahagi ng talumpati:

1. Panimula. Sinasabing nakasalalay sa panimula ng talumpati ang


kawilihan ng mga tagapakinig. Ang mahusay at kawili-wiling panimula ay
nakagaganyak ng pakikinig.
Maaaring simulan ang talumpati sa pamamagitan ng pagpapakilala
sa kahalagahan ng paksa; pagbabahagi ng kuwento o anekdota;
pagpapatawa (kung naaangkop sa okasyon); pagtatanong; paglalahad
ng parehong damdamin, paniniwala, at interes; pagsipi ng mahahalagang
pahayag mula sa mga kilalang tao, pagpapahalaga sa okasyon,
pagbibigay ng makatawag-pansing linya, pagpuri sa mga tagapakinig,
maikling pagsasalaysay ng sariling karanasan, obserbasyon, at iba pa.
Sikaping mailahad dito ang pangunahin o punong kaisipan na
magiging tuon ng pagtalakay. Ang haba ng panimula ay depende sa ibig
na maipaganap ng tagapagsalita.
Maaaring gawin sa panimula ang sumusunod:
a. Isaulo ang unang pangungusap. Simulan ang talumpati sa
matalinong paraan. Magiging maganda ang paunang impresyon ng
mga tagapakinig kung sa simula ay matatas at kapani-paniwala
nang magsalita at hindi nag-uulit ng nabigkas ng pahayag ang
mananalumpati.
b. Tumbukin ang paksa. Ilahad ang paksa at layunin ng talumpati sa
panimula sa tuwiran at mabisang paraan. Maaaring maagang
mawalan ng interes ang mga tagapakinig kung lubhang maraming
pinupunto at hindi nailalahad agad ang dapat paksain.
18
c. Magtiwala sa sarili. Huwag ihingi ng paumanhin ang iyong naging
paghahanda o kung ano man ang iyong ilalahad. Ang
pagpapaliwanag sa mga hindi maiiwasang kakulangan ay
makapagpapabagal sa simula ng isang pagtatalumpati at maaari
ding maging sanhi ng hindi pagrespeto ng mga manonood sa
tagapagtalumpati.
d. Simulan sa maiikli ngunit tumatatak na mga linya. Mas may impak
sa tagapakinig ang maikling tuwirang pahayag kaysa mahabang
pangungusap o pahayag.
e. Gawing kaakit-akit ang panimula. Iparamdam sa mga
manonood na tuwiran silang kinakausap at tunay na maiibigan nila
ang paksa. Ipadama sa mga tagapakinig na kasama sila sa usapan
at kailangan nila ang ibinabahaging kaalaman at karanasan.
2. Katawan. Ito ang itinuturing na pinakakaluluwa ng talumpati sapagkat
naglalaman ito ng mahahalagang kaisipan tungkol sa paksa. Ito rin ang
nagbibigay ng liwanag sa mga kaisipan at nagbibigay ng katuwiran
tungkol sa mga kaisipang nabanggit.
Ang mahusay na katawan ay nagtataglay ng mga sumusunod na
katangian:
a. Kongkretong Datos at Ebidensiya mula sa Pananaliksik. Talakayin
ang mga malalaking kaisipan sa paghaharap ng mga kaugnay,
tiyak, at matibay na patunay. Sa pamamagitan nito, maiiwasang
isama ang mga kaisipang hindi sumusuporta sa pangunahing
kaisipan o sa mismong paksa.
b. Kawastuhan. Kailangang maging wasto ang anyo at nilalaman ng
talumpati. Ang mga kaisipan at katuwirang inilalahad ay dapat may
matibay na batayan lalo kung impormatibo. Kailangang
nagtataglay din ito ng kawastuhang panggramatika.
c. Kalinawan. Kailangang maging malinaw ang talumpati upang
maunawaan ng mga nakikinig. Ito ay magagawa sa pamamagitan
ng:
1) Paggamit ng tiyak o angkop na salitang nauunawaan ng mga
tagapakinig
2) Pag-iwas sa madalas na paggamit ng mahahabang
pangungusap
3) Iwasang tumukoy ng mga bagay na hindi alam ng nakikinig o
walang kaugnayan sa paksang tinatalakay
4) Maging tiyak sa sinasabi. Iwasan ang maging maligoy sa
pagpapahayag
5) Magkaroon ng ugnayan sa mga tagapakinig. Gawing mistulang
karaniwang pagsasalita ang pakikipag-usap sa mga
tagapakinig
d. Pang-akit. Gawing kaakit-akit ang pangangatuwiran. Matatamo
ito kung wasto at mahusay ang pangangatuwiran. Akitin din ang
guniguni at damdamin ng mga nakikinig sa pamamagitan ng
mahusay na pagbigkas sa talumpati.

19
3. Wakas o Kongklusyon. Sa bahaging ito inilalahad ang kongklusyon
tungkol sa mga nabanggit na katuwiran. Sinasabing mahusay ang wakas
ng talumpati kung nagawa ng mananalumpati na makapag-iwan ng isang
mahalagang kaisipan o diwa sa isipan ng mga nakikinig.
Sa katunayan, maraming paraan para wakasan ang isang sinusulat
na talumpati o ang mismong pagbigkas nito. Kung ibig na mag-iwan ng
lohika o matatag na ugnayan ng mga inilahad na kaisipan, gawin ang
pagbubuod; kung ibig silang antigin o apektuhan ang kanilang damdamin,
mag-iwan ng isang repleksiyon o ituon sila sa mga posibilidad; kung ibig
silang pakilusin, mag-iwan ng isang hamon; at kung ibig ihaylayt ang
punong kaisipan, magbahagi ng isang natatanging kuwento o sipi upang
bigyang-diin ang punto. Ibig sabihin, ang kongklusyon ay isang ribyu o
buod ng mga ibinahaging impormasyon upang ipaalaala sa mga
tagapakinig at/o manonood ang tungkol sa pinaksa ng talumpati.
Sa kalahatan, isaalang-alang ang sumusunod:
▪ Huwag buryungin ang mga manonood at/o tagapakinig. Hindi dapat
sila makaramdam ng pagkabagot sa mahahaba’t maliligoy na
pahayag kaya iklian at gawing komprehensibo ang pagtalakay upang
lalo kang mapahalagahan bilang tagapagtalumpati.
▪ Huwag mag-iwan ng putol o hindi maliwanag na kaisipan. Sikaping
ipaliwanag nang mabuti ang isang kaisipan bago tumungo sa iba. Sa
madaling salita, hindi dapat maiwan sa ere ang mga manonood.
▪ Huwag magbukas ng panibagong isyu o paksa sa bahaging
kongklusyon o wakas.
▪ Sikaping malinaw ang lahat ng punto ng talakay lalo ang pangunahing
kaisipan bago pa man ilahad ang kongklusyon.

Maaaring gawin ang balangkas ng talumpati tulad ng makikita sa


ibaba.

Paksa: Depresyon
Panimula: Normal sa tao ang makaranas ng “stress” ngunit hindi ang ma-
depress.
Ang depresyon ay isang…
Katawan: Nagkakaroon ng depresyon dahil…
Karaniwang sintomas nito ang…
Ang antas ng depresyon sa bansa ay…
Nalulunasan ang sakit na depresyon sa pamamagitan ng…
Kongklusyon: Sa paglaban sa depresyon, pagmamalasakit at
pagpapahalaga sa kapuwa ang pinakamabisang sandata.

20
Pagyamanin

A. PAGBUO NG MAIMPLUWENSIYANG LINYA: Bumuo ng orihinal na linya o


paniwala at ilahad ang posibleng impak nito sa madla.

B. PAGLILISTA AT PAGPAPALIWANAG: Itala ang dalawang kahalagahan


ng kasanayan sa mabisang pagsasalita. Lakipan ng maikling
paliwanag ang bawat isa.

C. PAGTAYA NG SARILING KASANAYAN: Suriin ang sariling kasanayan sa


pagsasalita gamit ang pamantayang A-Z. Lagyan ng tsek ang tapat
ng letra na naglalarawan sa kasalukuyan mong kasanayan. Sukatin ito
sa sumusunod na eskala: 22-28: Pinakamabisang Ispiker; 15-21:
Mabisang Ispiker; 8-14: Bahagyang Mabisa; at 0-7: Hindi Mabisang
Ispiker. Sa sagutang-papel, isulat ang iskor at maglakip ng maikling
repleksiyon.

Responsable ang isang epektibong ispiker. Isinasaalang-alang niya


A ang kaniyang responsabilidad sa kaniyang tagapakinig, sa paksa, at
sa kapuwa niya tagapagsalita.
B Magiliw magsalita at kawili-wiling pakinggan.
C May malawak na kaalaman hinggil sa paksang tinatalakay.
D Palabasa.
E Palaisip.
F Mayroon mayamang koleksiyon ng mga idea at babasahin
G May interes sa paksang tinatalakay.
H Obhetibo. Tinatanggap ang idea ng iba, taliwas man sa sariling
paniniwala.
I May sense of humor. Nagpapatawa kung kinakailangan upang
makuha ang atensiyon ng mga tagapakinig.
J Gumagamit ng mga angkop na salita.
K Nirerespeto ang pagkakaiba-iba ng mga tagapakinig.
L Sapat at angkop ang lakas ng tinig.
M Malinaw at wasto ang bigkas sa mga salita.
N Gumagamit ng mga angkop na kumpas at kilos.
Ñ Hindi iniinsulto o sinasaktan ang damdamin ng mga tagapakinig.
N Maingat sa paggawa ng mga kongklusyon, paratang, at batikos.
G
O May panuonan ng paningin sa mga tagapakinig.
P Angkop ang kasuotan sa okasyon.
Q Pinaniniwalaan at isinasabuhay ang sinasabi.
R Walang mga nakadidistrak na mannerisms.
S Mainam ang tindig o postyur.
T Maayos at lohikal ang presentasyon mula simula, gitna, hanggang
wakas.

21
U Iniiwasan ang labis na mapalabok na pananalita.
V Binibigyang-diin ang mga mahahalagang konsepto o kaisipan.
W Alam kung kalian tatapusin ang pagsasalita.
X Iniiwasan niya ang magyabang o himig-pagyayabang.
Y Mayaman ang kaniyang bokabularyo o talasalitaan.
Z Taglay niya ang mga angkop at inaasahang gawi, personalidad, at
karakter.

D. PAGSUSURI NG PAKSA: Maglista ng isang isyu o pangyayari at suriin


gamit ang batayang tseklist. Sakaling makakuha ng maraming tsek, ito
ay potensiyal paksain sa isusulat na talumpati.

____Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-


wili ba sa akin ang pagsulat at pagbigkas ukol dito?
____Saklaw ba ng kakayahan at kasanayan ko ang
paksa?
____Angkop, makabuluhan, at/o napapanahon ba ang
paksang ito? Kapaki-pakinabang ba ito lalo sa aking
mga tagapakinig?
____Edad: ______________________
____Kaligirang Etniko: ___________
____Trabaho: ___________________
____Kalagayang Pinansiyal: _____
____Kasarian: ___________________
____Antas ng Edukasyon: _______
____May mga sanggunian ba na maaari kong pagkunan
ng impormasyon upang mapalawak ang paksa?

E. PAGHAHANDA NG PAKSA: Taglay ang napiling paksa ng talumpati,


punan ang iba pang elemento na mahalagang isaaalang-alang sa
paglinang ng paksa.

*Paksa/Pamagat: _________________
*Layunin ng Okasyon: _____________
*Layunin ng Mananalumpati: ______
*Manonood/Tagapakinig
Edad: _________________
Kasarian: _____________
Kawilihan sa Paksa: ___
Kaalaman sa Paksa: ___
Pinag-aralan: __________
Kultura/Paniniwala: ___
Trabaho: _______________
Ekonomikong Estado: __

22
Relihiyon: _____________
Kaligirang Etniko: _____

*Tagpuan
Lugar: ________
Oras: _________
Kagamitan: ___
Daloy ng Programa: _____

F. DESKARTE SA TALUMPATI: Ilatag ang plano sa pagsulat ng talumpati at


ang isasagawang pananaliksik ukol dito.

Paksa: ____
Estratehiya sa Pagdevelop (Batay sa layunin; hal.:
Impormatibo/Nagmumulat): ____
Mga Kaugnay na Materyal/Impormasyon: ____
Target Pagkunan: ____
Balangkas o Daloy na Gagamitin sa Paglalahad (hal. Panimula, Katawan,
Kongklusyon o PKK ): ____

G. SALIKSIKIN NA ‘YAN!: Saliksikin sa mapagkakatiwalaang websites o e-


libraries ang mga itinalang kaugnay na materyal o impormasyon ng
binubuong talumpati. Mahalagang kopyahin ang Uniform Resource
Locator (URL) para sa sitasyon.

Itinalang Kaugnay na Materyal o Impormasyon ng Paksa ng Talumpati: __


Sipì mula sa Nasaliksik: __
URL: __

H. PAGBALANGKAS NG TALUMPATI: Ihanay sa balangkas na Panimula–


Katawan–Kongklusyon (PKK o IBC) ang mga pangunahing detalye ng
sinusulat na talumpati.

Paksa/Pamagat: ___
Panimula: _________
Katawan: __________
Kongklusyon: _______

Isaisip

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Bakit mahalagang idevelop ang kasanayan sa mabisang pagsasalita?

23
2. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa sa
pagtatalumpati?
3. Bakit mahalaga na maagang suriin ang uri ng mga manonood o
tagapakinig sa isang pagtatalumpati?
4. Bakit kailangang maingat na idisenyo ang bawat bahagi ng sinusulat na
talumpati?
5. Paano nakaaapekto ang tagpuan o venue sa kabuoan ng isang
talumpati?

Isagawa

A. PAGKRITIK NG ISPIKER: Sa tulong ng nakarekord na video sa


https://www.youtube.com/watch?v=GHmkCywTeSw, panoorin at saka
kilatisin ang kasanayan sa pagsasalita ng tinauriang “Iron Lady of Asia” na
si yumaong Sen. Miriam Defensor-Santiago gamit ang pamantayang A-Z.
Lagyan ng tsek ang tapat ng letra na naglalarawan sa kaniyang
kasanayan. Sukatin ito sa sumusunod na eskala: 22-28: Pinakamabisang
Ispiker; 15-21: Mabisang Ispiker; 8-14: Bahagyang Mabisa; at 0-7: Hindi
Mabisang Ispiker. Sa sagutang-papel, isulat ang iskor at maglakip ng
maikling komento.

Responsable ang isang epektibong ispiker. Isinasaalang-alang niya


A ang kaniyang responsabilidad sa kaniyang tagapakinig, sa paksa, at
sa kapuwa niya tagapagsalita.
B Magiliw magsalita at kawili-wiling pakinggan.
C May malawak na kaalaman hinggil sa paksang tinatalakay.
D Palabasa.
E Palaisip.
F Mayroon mayamang koleksiyon ng mga idea at babasahin
G May interes sa paksang tinatalakay.
H Obhetibo. Tinatanggap ang idea ng iba, taliwas man sa sariling
paniniwala.
I May sense of humor. Nagpapatawa kung kinakailangan upang
makuha ang atensiyon ng mga tagapakinig.
J Gumagamit ng mga angkop na salita.
K Nirerespeto ang pagkakaiba-iba ng mga tagapakinig.
L Sapat at angkop ang lakas ng tinig.
M Malinaw at wasto ang bigkas sa mga salita.
N Gumagamit ng mga angkop na kumpas at kilos.
Ñ Hindi iniinsulto o sinasaktan ang damdamin ng mga tagapakinig.
N Maingat sa paggawa ng mga kongklusyon, paratang, at batikos.
G
O May panuonan ng paningin sa mga tagapakinig.

24
P Angkop ang kasuotan sa okasyon.
Q Pinaniniwalaan at isinasabuhay ang sinasabi.
R Walang mga nakadidistrak na mannerisms.
S Mainam ang tindig o postyur.
T Maayos at lohikal ang presentasyon mula simula, gitna, hanggang
wakas.
U Iniiwasan ang labis na mapalabok na pananalita.
V Binibigyang-diin ang mga mahahalagang konsepto o kaisipan.
W Alam kung kalian tatapusin ang pagsasalita.
X Iniiwasan niya ang magyabang o himig-pagyayabang.
Y Mayaman ang kaniyang bokabularyo o talasalitaan.
Z Taglay niya ang mga angkop at inaasahang gawi, personalidad, at
karakter.

B. PAGKRITIK NG TALUMPATI: Suriin ang batayang kaligiran ng isang


talumpati.
Mensahe ng Balediktoryan 2018
ni Dino Louie Espinosa

“Nangarap. Nagsumikap. Nagtagumpay.” Sa ganitong proseso ko


mailalarawan ngayon ang mga sarili natin at ang lahat ng naging
kabahagi at kabalikat natin tungo sa araw n gating pagtatapos sa
programang Senior High School ng ating mapagpunyaging Kagawaran
ng Edukasyon.
Sa ating mga masisipag na kawani mula sa Tanggapan ng
Pampaarang Sangay I ng Pangasinan sa pamumuno ni Dr. Maria Celia
Junio-Fernandez; sa ating butihing punong-guro, G. Ronald C. Celino; sa
ating tanging dalubguro, Gng. Karen Grace R. Aglanao; sa ating
panauhing pandangal at tagapagsalita, Bb. Sheila Mae Alcala Lauson;
sa mga mauunawain naming guro; sa minamahal naming mga
magulang; sa mga kapuwa ko mag-aaral; sa iba pa naming panauhin at
mga kaibigan; at sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa institusyong
pampagkatutong ito, magandang araw po!
Ang araw na ito na marahil ang pinakamasayang araw sa buhay
nating mga estudyante. Ito ang araw kung kalian atin nang masasabi na
ganap na nating napaglabanan ang isang mahalagang yugto ng ating
buhay. Ito ang araw kung kailan atin nang aanihin ang mga matatamis
na bunga ng ating pagsisikap. Higit sa lahat, ito ang araw na
nagpapatunay na ang kahirapan ay hindi kailanman magiging hadlang
sa pagkamit ng tagumpay. Ito ang araw n gaming mapagpunyagi’t
mapagbunying pagtatapos!
“Edukasyon ang susi sa tagumpay.” Isang palasak at paulit-ulit
nang naririnig na kataga ng ating mga guro at magulang lalo ng mga
nakatatanda. Hindi man natin ito alintana noong una, ang anim-na-
taong pamamalagi natin dito sa Pambansang Mataas na Paaralan ng
Moises B. Rebamontan (MBRNHS) ang tuluyang nagmulat sa atin tungkol
sa kahalagahan ng pagtataglay ng totoong responsible’t matalinong
edukasyon. Bilang isang anak 25 at mag-aaral na mula sa mahirap na
pamilya, naipamulat sa akin na ang edukasyon ang daan upang
maiahon ko’t maitawid ang aking pamilya mula sa hirap ng buhay.
Tunay nga po na mahirap maging mahirap ngunit higit na hirap at
katakot-takot na pagtitiis ang daranasin ng isang mahirap na walang
pangarap. Kaya, sa mga kapuwa ko nagsipagtapos at sa lahat ng
naririto na masusugid na nakikinig sa akin ngayon, huwag na huwag po
nating sukuan ang ating mga pangarap na nagsisimula sa
paghahangad nating matuto ng mga mahahalagang kasanayan sa
buhay. Matuto tayong pahalagahan ang kaloob sa ating edukasyon.
Ipagpasalamat natin nang lubos ang araw ng pagtatapos nating ito
lalo’t tunay tayong mapapalad sapagkat isa tayo sa milyong bilang ng
mga mag-aaral sa bansa na hindi napagkaitan ng ganitong uri ng
edukasyon sa pagpupursige ng ating pamahalaan.
Sa puntong ito, hayaan ninyong sa pamamagitan ko ay tuwirang
makapagpasalamat ang bawat isa sa atin sa mga mahahalagang tao
sa likod ng tagumpay nating ito.
Sa aking minamahal na mga magulang, Ginoong Romeo at
Binibining Espinosa, walang salitang maaaring makatumbas sa aking
buong-pagkataong pasasalamat sa inyo para sa inyong pagsasakripisyo.
Humihingi rin ako ng tawad sa mga pagkakataong kayo ay naha-high-
blood dahil sa aking kakulitan at minsang katamaran.
Sa ating kinikilalang mga bagong bayani, ang ating mga guro: sa
aming mga naging tagapayo mula ikapito hanggang ikalabindalawang
baiting, maraming-maraming salamat sa walang-sawang pag-intindi at
pagdudulot ng mga mabubuting payo sa bawat isa sa amin; sa mga
naging tagapanday ng karunungan namin sa asignaturang Filipino; sa
aming mga guro sa asignaturang English na inugaling pabalinguynguyin
an gaming mga ilong; sa aming mga matitinik na guro sa Matematika na
pilit na pinaintindi sa amin ang relasyong mayroon sina x at y kung saan
minsang nakikisangkot si z; sa aming mga guro ala-siyentipiko sa
asignaturang Siyensiya; at kay Ginang Datuin na gumabay sa amin lalo
na sa akin. Ginoong Buizon, salamat din po sa pagbabahagi sa amin ng
mga kaalaman at kasanayan sa kompiyuter. Sa pagbabahagi sa akin ng
mga simpleng gamit ng Adobe Photoshop CS 64 Bit. Dahil dito,
natatanggal ko na ang aking pimples. Ginoo at Ginang Buizon, salamat
din po sa pagbabahagi sa amin ng inyong mga biyaya. Sa lahat po ng
guro ng MBRNHS na hindi ko na magagawang pangalanan pa, alam ko
po na alam na ninyo kung sino-sino po kayo na dahilan ng tagumpay
naming ito. Muli, maraming salamat po sa pagbabahagi ng karunungan,
kasanayan, at buhay sa amin. Tumungtong kami rito nang hindi pa
hubog ang kaalaman ngunit heto na kami ngayon, mga magagandang
butil at bunga ng walang-sawa ninyong pagtuturo at paggabay sa
amin. Ito ay isang utang na loob na buong buhay naming
ipagpapasalamat sa bawat isa sa inyo. Sa aking mga kaklase,
maraming-maraming salamat sa pagiging isang tunay na kaibigan,
kapatid, kapuso, kapaliya, at kapanalig. Bahagi na kayo ng buhay ko.
Tapos na iyong mga araw na ang linyahan natin, “Bes, pahingi ng papel!
Bes, pakopya!” kaya ngayon ang hamon ay i-apply natin iyong, “Isang
pananaw. Isang Direksiyon. Sama-sama. Walang iwanan,” sa totoong
26
laban ng buhay na sa atin ay naghihintay. Sa mga kaibigan ko na palagi
akong nililibre, salamat sa pa-softdrinks at crackers, friends. Ako rin ang
taya lima o sampung taon mula ngayon, hehe.
Higit sa lahat, lubos tayong maging mapagpasalamat sa ating
Panginoon sa mga biyayang patuloy Niyang ibinubusbos sa atin at sa
ating mga pamilya. Lahat ng mayroon tayo ngayon ay ayon sa espesyal
na plano Niya para sa bawat isa. Wala tayo sa ating kinalalagyan
ngayon kung hindi dahil sa Kaniya. Tunay na lubos Niya tayong
pinagpapala sa lahat n gating mabubuting gawa.
Bilang paglalahat, nais ko lamang ipagdiinan sa mga kapuwa ko
nagsipagtapos at maging sa lahat ng kabataang tulad ko: TAYO ANG
PAG-ASA NG BAYAN! Paulit-ulit ngunit wala nang iba pang makatutupad
nito at makasusulit kundi tayo. Huwag nating hayaan na masadlak tayo
sa kahirapan at kasamaan. Sikapin nating maging bahagi ng solusyon at
hindi ng karagdagang problema sa lipunan. Lahat ng ito ay makakaya
nating gawin kung pahahalagahan natin ang ating pag-aaral at
magpupursige tungo sa ganap na pagtatagumpay dahil ang mag-aaral
na tapos ng K TO 12 ay handa sa pagharap sa mga hamon ng buhay
ngayon, bukas, at sa hinaharap.
Mabuhay ang unang batch ng Senior High School Graduates!
Mabuhay ang K TO 12! Mabuhay ang Edukasyong Maka-Filipino!
Maraming salamat po!

Paksa: ____
Pinagkunan/Sanggunian: ____
Target na…
Edad: ___________ Kalagayang Pinansiyal: ____
Kaligirang Etniko: ____ Kasarian: __________________
Trabaho: ____________ Antas ng Edukasyon: ______

C. PAGKRITIK NG PAGTATALUMPATI: Sa tulong ng nakarekord na video sa


https://www.youtube.com/watch?v=XiJ75th4hgo, panoorin ang
talumpati noong 2015 ni Tagapangulong Almario ukol sa Pagtataas ng
Watawat sa Lungsod Taguig at saka suriin ang kaligiran ng kabuoang
pagtatalumpati.

*Paksa/Pamagat: 16 16__
*Layunin ng Okasyon: ____________
*Layunin ng Mananalumpati: _____
*Manonood/Tagapakinig
Edad: _________________
Kasarian: _____________
Kawilihan sa Paksa: ___
Kaalaman sa Paksa: ___
Pinag-aralan: __________
Kultura/Paniniwala: _____

27
Trabaho: Kahit ano
Ekonomikong Estado: Lahat
Relihiyon: Kahit ano
Kaligirang Etniko: Depende sakanila
*Tagpuan
Lugar: ________
Oras: _________
Kagamitan: ___
Daloy ng Programa: _____

D. PAGSUSURING PKK: Suriin ang naging pamaraan sa pagbuo sa bawat


bahagi ng tampok na talumpati. Isulat ang sagot sa kasunod na pahina.

AKO’Y PILIPINO
Dr. Paz M. Belvez

Ako’y Pilipino. Ako’y Pilipino sa isip, sa salita, sa gawa. Pilipino ako sa


dugo, sa balat, sa diwa.
Ako’y Pilipino. Lahing Kayumanggi. Sa aking mga ugat ay
nananalaytay ang mainit na dugo ng lahing Malayo. Mainit na dugong nag-
iiwi ng katapangan, kabayanihan, kadakilaan, at kagitingan. Dugong
sumisilakbo sa pagtutol sa panggahis ng mapanlupig na dayuhan.
Nananalaytay sa aking mga ugat ang mainit na dugong nag-aatas ng
kabayanihan, dugong nag-uudyok sa libu-libong kawal upang
ipagsanggalang ang kalayaan at karapataan doon sa Pulo ng Maktan, sa
Paso ng Tirad, sa Kuta ng Korehidor at sa Tangway ng Bataan, ito ang
dugong maaalab na dumadaloy sa aking katauhan at handa kong ibubo sa
ikadarakila ng aking Inang Bayan.
Ako’y Pilipino. Kalahi nina Lapulapu, Tamblot, Dagohoy, Diego Silang,
Rizal, Del Pilar, Mabini, Luna, Jaena at Andres Bonifacio. Ako’y tagapagmana
ng isang dakilang kahapon, ng isang maningning na kasaysayan, ng
mahabang kuwintas ng mga salaysay ng kabayanihan, pagpapakasakit, at
pakikilaban sa pagpapamalagi ng isang malaya at nagsasariling bayang
pinananahanan ng mga mamamayang hindi pasusupil sa mapanghamig na
dayuhan.
Ako’y Pilipino. Lipi ako ng Malayo. Tatak ng aking bayan ang
kayumangging balat ko. Kayumanggi sa silab ng sikat ng araw na lagging
kayakap ng aking bayan. Kayumanggi sa paggawa sa malawak na
sakahan, bukid at parang, sa mga gulod, bundok at mga kapatagan, sa
mga pulo at tangway, sa mga ilog at karagatan. Ang kayumanggi kong
balat ay tatak ng aking kasipagan at sagisag ng aking marangal na
pamumuhay sa pagbabanat ng buto. Pilipino akong hindi natatakot sa
paggawa at hindi nanghihinayang magbanat ng buto at magpatulo ng
pawis sa marangal na paggawa.
Ako’y Pilipino. Pilipinas ang bayan ko. Pitong libong luntiang
dalampasigan na walang kasinghaba’t di maabot-tanaw, isang tunay na
Perlas ng Silangan sa angkin niyang ganda at mga kayamanan. Pilipinas,
bayan kong pinagpala. Dinamitan at 28pinalamutian ng lalong marangyang
kariktan. Mga gulod, burol at bundok, mga lambak, pulo at tangway, mga
talon, batis, ilog at karagatan na pawing matulain, marikit, mapagkandili at
mayaman. A, bayang nag-uudyok ng kadakilaan at nagpasidhi ng diwa ng
kabayanihan.
Ako’y Pilipino. Tubo sa Silangan. Angkin ko ang mabuting katangian ng
isang Silanganin, subalit abot-tanaw ko ang maunlad na Kanluran. Sa aking
katauha’y nagkikita ang lamyos at lambing, ang giting at tapang ng
Silangan at ang tatag at tibay at ang bukas na isipan ng Kanluran. Ang
puso’t diwa kong Silanganin ay nabibihisan ng karunungan at pagsulong.
Ako’y Pilipino. Wikang pambansa ko’y ang wikang Filipino. Matamis na
wikang may sariling letra at alpabeto. Wikang pinatamis ng pupung wikain
ng bayan ko—ng Ilokano, Pampango, Bikol at Pangasinan, ng Sebwano,
Hiligaynon, Aklanon, Samarnon ng Ibanag, Zambal, at maging ng Igorot,
Ibaloy at Mangyan. Wikang pinayaman sa pagtatagpo ng Silangan at
Kanluran. Isang wikang may tamis ng mga tulain at kundiman, may talim ng
tabak at sundang, may bango ng mga kamanyang, may tibok ng
damdaming wagas at may sidhi ng panalangin, ng panaghoy at
panambitan.
Ako’y Pilipino. Tagapagmana ng mayamang kalinangan, ng lambing
ng mga oyayi, talindaw at kundiman, sigla ng tikam at kumintang, ng lindi at
lamyos ng mga balitaw, ng rangya ng sinkil, Tadek at Pang-alay, ng sigla ng
Tinikling at Untanay. Kabilang sa aking mga pamanang kalinangan ang
mahabang salaysay ng kabayanihan ng mga tribu, ng mga epikong
Tuwaang, Bantugan, Ibalon, Lam-ang, Hudhud, Labaw Donggon, ng
Maragtas at Haraya.
Ako’y Pilipino. Malayang mamamayan ng isang bansang demokratiko.
May karapatang angkin, may kalayaang tinatamasa at may pananagutan
na buong karangalan kong tinutupad at tutuparin. May sariling wika at may
sariling tatak ang aking pagkatao. Iyan ako. Ako’y Pilipino.

Pinagkunan: Pagkalinawan, Leticia C. 2004. Komunikasyon sa Akademikong


Filipino. Lungsod Valenzuela: Mutya Publishing House.

Paksa: _____________
Panimula: _________
Katawan: _________
Kongklusyon: ______

29
Tayahin

A. Isulat ang Tama kung wasto ang nakasaad na katangian ng epektibong


ispiker. Mali naman ang isulat kung di-wasto.

1. Sanay sa mapalabok na pananalita.


2. Malinaw at wasto ang bigkas niya sa mga salita.
3. Limitado ang kaalaman tungkol sa paksang tinatalakay.
4. Seryoso sa pagsasalita at nakatuon lamang sa sarili at sa pinapaksa.
5. Marunong makiramdam sa kaniyang mga tagapakinig.

B. Tukuyin kung Angkop o Hindi ang nakalahad na salik sa paghahanda ng


talumpati.

1. Tema ang dapat na pinagtutuonan ng pangunahing tagapagsalita sa


isang okasyon.
2. Kung ang tagapagtalumpati ay magpapakilala sa panauhing
pandangal kailangang mas mahaba at mabulaklak ang
pagpapakilala kaysa sa susing talumpati.
3. Hindi na kailangang alamin pa ang kabuoang daloy ng programa
kung batid na ng ispiker ang eksaktong araw at oras ng kaniyang
pagtatalumpati.
4. Hindi na kailangang alalahanin pa sa paghahanda ng talumpati ang
mga manonood lalo kung limitado ang kanilang bilang.
5. Dapat alamin ng tagapagtalumpati ang paksa o tema ng okasyon
upang maiangkop niya ang nilalaman ng talumpati.

C. Tukuyin ang personalidad na may-ari ng patok na linya.

1. “Corruption has to stop! Kung hindi, ipakulong ko ‘yang mga ‘yan!”


2. “Ang buhay ay weder-weder lang.”
3. “Handa na ba kayo?”
4. “Magandang gabi, bayan!”
5. “Bigyan ng dyaket ‘yan!”

D. Tukuyin ang estratehiya o pamamaraang ginamit sa pagbuo ng simula ng


sulatin. Piliin ang sagot sa kahon sa kasunod na pahina.

1. Sawa ka na ba sa “Carmageddon” o sa kalbaryong inaabot mo sa


buhol-buhol na trapiko? Gusto mo ba ng maluwag na espasyo sa
tuwing ika’y magmamaneho?

30
2. “Walang mang-aalipin kung walang paaalipin,” ito ang isang
paniwala ni Rizal na nagsilbing inspirasyon sa maraming
rebolusyonaryo.
3. Gaano nga ba kahanda ang sistemang pangkalusugan ng bansa?
4. Isa sa mga suliranin sa ating mga tahanan ang naglipanang insekto.
Bagaman maraming madaling paraan para puksain ang mga ito,
inaalintana naman natin ang panganib na maaaring idulot sa ating
kalusugan ng mga artipisyal na insektisayd.
5. Araw ng Biyernes, Setyembre 28, 2018 nang binulaga ng isang tsunami
ang isla ng Sulawesi sa bansang Indonesia bunga ng magkasunod na
matitinding pagyanig o lindol na tinambalan pa ng humigit-kumulang
tatlumpung aftershocks.

a. Pagbabahagi ng Karanasan
b. Tuwirang Sipi o Pagsipi ng Pahayag ng Kilalang Tao
c. Paggamit ng Batayang Pangyayari/Pagbabahagi
ng Totoong Pangyayari
d. Pagtatanong

E. Piliin mula sa kahon ang limang katangian ng isang mabuting paksa.

a. Angkop at makabuluhan lamang sa ispiker


b. Pumupukaw sa kawilihan ng ispiker
c. Sensitibo sa kasarian ng mga tagapakinig
d. Malawak ang kabatiran ng ispiker ukol dito
e. Angkop sa tiyak na trabaho o katayuan sa buhay
f. May sapat na sanggunian lalo kung impormatibo
g. Humahamon sa mga tagapakinig

Karagdagang Gawain

A. PAGTUKOY SA ISYU NGAYON: Tukuyin ang paksa gabay ang ilang


paglalarawan sa tiyak na isyu.

1. Isang uri ng pandemya


Mula sa siyudad ng Wuhan sa China
Sanhi ng humigit-kumulang dalawang-buwang pagpapatupad ng
Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon
2. Tulong sa tinatayang 18 milyong mahihirap na Filipino na apektado ng
lockdown

31
Nagkakakalaga ng 5,000 hanggang 8,000 piso depende sa
kinaroroonan
Kailangang punan ang lehitimong form bago bigyan ng mga kawani
ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) o
Department of Interior and Local Government (DILG)
3. Bagong bayani na tinaguriang “last line” sa frontline laban sa
pandemya
Balot ng Personal Protective Equipment (PPE) sapagkat tuwirang
humaharap sa mga pasyente
Sumusuri sa mga specimen at nagsasagawa ng operasyon kung
kinakailangan
4. Ipinagbili niya ang isa sa kaniyang mga painting upang makabili ng
humigit-kumulang 500 tablets para sa mga pag-aaral ng mga batang
nangangailangan
Amo ng aspin (asong pinoy) na si Princess Panda at maybahay ni
dating Sen. Francis “Chiz” Escudero
Queen of Collaboration & Phillipine TV’s Sweetheart
5. Laki sa hirap bago madiskubre sa Showbiz Industry
Ama ni Joaquin Domagoso (JD) at Kampeon ng mga Senior Citizen
Dating Bise Alkalde at ngayo’y nag-iisang Yorme ng Maynila

B. INQUIRY-BASED BINGO: Punan ng tiyak na sagot ang bawat bahagi ng


isang “educational bingo” sa pagtatanong sa kamag-aral, kapuwa, o
pagtungo sa tiyak na website kung may internet access.

B I N G O
Ano ang Kailan Ano ang ibig
Sinong aktres Ano ang
tawag sa ipinanganak sabihin ngang kauna- ibig sabihin
batang si Pangulong “ABS-CBN”? unahang ng “GMA”?
kangaroo? Duterte? gumanap na
Darna?
Ilan ang Saan Sinong Saang Ilang milyon
seasons sa matatagpu Filipina ang probinsiya na ang
Japan? an ang Mt. kauna- ipinagdiriwan populasyon
Everest? unahang g ang ng Filipinas
nagwagi ng Moriones sa 2015
Best Actress Festival? Census?
Award sa
Cannes Film
Festival?
Sino ang Sino ang Anong Ano ang Ano ang
kasalu- “Ama ng siyudad sa pinakamaliit pinaka-
kuyang Maikling mundo ang na isda sa matandang
alkalde ng Kuwentong kilala sa buong siyudad sa
Lungsod Tagalog”? tawag na mundo? Filipinas?
Davao? “The Big
Apple”?

32
C. ENUMERASYON: Itala ang limang kaugnay na impormasyon ng isyu o
paksang “Kahirapan”.

33
Mga Sanggunian

Bernales, Rolando A. et al. 2009. Mabisang Komunikasyon sa Wikang


Pang-akademiko. Lungsod Malabon: Mutya Publishing House, Inc.
Chavez, Joy D. et al. 2012. Creative Oral Communication for Filipino
Students: A Practical Application. Quezon City: Great Books Publishing.
Constantino, Pamela C. at Galileo S. Zafra. 2016. Filipino sa Piling
Larangan (Akademik). Sampaloc, Manila: Rex Book Store,
Inc.
Dayag, Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. 2016. Pinagyamang Pluma:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Lungsod
Quezon: Phoenix Publishing House, Inc.
Pagkalinawan, Leticia C. 2004. Komunikasyon sa Akademikong
Filipino. Lungsod Valenzuela: Mutya Publishing House.

34
1

You might also like